Stewardship Month 2021

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Nov. 7, 2021 || Stewardship of Health

PANIMULA

 Ang pagiging katiwala o steward ay “oikonomos” sa orihinal na salita (mula sa “oikos”,


na ang kahulugan ay house, at “nomos” na ang kahulugan ay law – “oikonomos” ay
nangangahulugang “management of the house”.)
 Ito ay isang terminong biblikal na tumutukoy sa isang tagapamahala na responsable
sa mga ari-arian, kayamanan, at tinatangkilik ng ibang tao na inilagak ang pagtitiwala
sa kanya.
 Samakatuwid, ang steward o katiwala ay hindi siyang may-ari, sa halip ay isang
pinagkatiwalaan na pamahalaan nang buong katapatan at pagmamalasakit ang mga
kayamanang inilagak sa kanya ng may-ari.
 Sa biblikal na pananaw, ang mga mananampalataya ang itinalaga ng Diyos bilang mga
tagapamahala ng Kanyang mga nilikha.
 Ito ay isinasakatuparan batay sa katotohanang wala tayong anumang pag-aari sa
buhay na ito (Job 1:21). Sa halip, ang daigdig, ang buong sansinukob, maging ang ating
buhay ay pag-aari ng Diyos (Awit 24:1).
 Hindi tayo ang tunay na may-ari ng mga bagay na mayroon tayo, sa halip ay mga
katiwala tayo ng Diyos sa mga bagay na ito.
 Nakapaloob dito ang ating salapi, mga ari-arian, talento, panahon, ang kalikasan, at
maging ang ating buong sarili (1 Cor. 7:23).
 Sa diwang ito, ang katapatan at pagsunod sa Diyos bilang katiwala ay inaasahan
(Lucas 12:43-44).
 Sa unang Linggo ng ating pagtalakay ng Biblical Stewardship, ating tutunghayan ang
Stewardship of Health.

Kasalukuyang Kalagayang Pangkalusugan sa Pilipinas


 Ayon sa pagsasaliksik at pag-aaral na isinagawa ng Sun Life Financial Health Index
Asia, kabilang ang Pilipinas sa pagtataglay ng mga alarming na karamdaman, bukod
sa Hongkong, Malaysia, Singapore, Indonesia at Vietnam, China, at Thailand.
 Lumabas sa pag-aaral na ang mga Pilipino ang may pinaka-worst o di kaaya-ayang
health habits at lifestyles sa Asya:
o 50% sa mga Pilipino ay natutulog nang mababa sa limang oras araw-araw.
o 45% ay nagtataglay ng unhealthy eating habits.
o 60% ay walang physical exercise.
o 63% ay obese o overweight.
o 47% ay may diabetes, at 43% ay nagtataglay ng heart disease.
 Subalit sa kasalukuyan, ang pinakamalalang karamdaman na binabaka ng buong
daigdig ay ang CoViD-19.
 Sa nakaraang tatlong linggo ay may halos 9,000 ang naitatalang new infections, di
hamak na mas mababa kumpara sa nakaraang linggo na umabot sa mahigit na 20,000
ang naitatalang infections araw-araw.

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 7, 2021 || Stewardship of Health

 Sa kabuuan ay may talang 2,713,509 infections, at 40,580 corona-related deaths sa


ating bansa (Reuters CoViD-19 Tracker).
 Sa pag-aaral ng pagiging mabuti at tapat na katiwala ng Diyos sa mga bagay na
materyal na ipinagkakatiwala sa atin, madalas ang agad nating naiisip ay salapi,
yaman, talento, panahon, at ministeryo.
 Subalit, ang pagiging mabuti at tapat na katiwala ng Diyos sa mga pisikal at materyal
na bagay ay nararapat na magsimula sa ating mga sarili lalo na sa pagiging mabuti at
tapat na katiwala ng Diyos sa pag-aalaga at pag-iingat sa ating katawan at kalusugan.
 Kailangan munang maging mabuti tayong katiwala ng Diyos sa pag-aalaga at pag-
iingat ng ating katawan at kalusugan bago natin maibigay nang lubos ang ating
talento, tinatangkilik, yaman, kakayahan, at paglilingkod sa Diyos.
 Ang maayos at malusog na pangangatawan ay magdadala sa atin sa mas epektibong
paglilingkod at mabungang paggamit ng mga tinatangkilik at yamang ipinagkatiwala
ng Panginoon.
 Ginugol ni Pablo ang unang labing-isang kabanata ng aklat ng Roma sa pagtalakay sa
kamangha-manghang habag at biyaya ng Diyos na naghatid sa mga taong
sasampalataya sa kaligtasan at bagong buhay.
 Mula sa kabanatang 12 hanggang 16 ay tinalakay naman niya ang mga praktikal na
bagay – kung ano ang dapat na ugali ng isang binagong buhay at kung papaano
mamuhay ang isang mananampalataya sa gitna ng mga Hentil.

TRANSITIONAL STATEMENT

Mula sa mga pangungusap ni Pablo sa aklat ng Roma at 1 Corinto ay matutukoy natin ang
kahulugan ng pagiging tapat at mabuting katiwala ng Diyos sa larangan ng pangangalaga at
pag-iingat sa ating mga katawan.

A. Ang Pagiging Mabuting Katiwala ay Pag-aalay ng Sarili sa Panginoon, Roma 12:2


(Faithful Stewardship Entails Offering of Ourselves to God))
 Sinimulan ni Pablo ang kabanatang 12 ng Roma sa pamamagitan ng mga salitang
“alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin”.
 Samakatuwid, dahilan sa mga ginawang kabutihan at kahabagan ng Diyos sa atin,
mayroong isang bagay na dapat tayong gawin.
 Ang sabi ni Pablo ay “ialay ninyo ang inyong mga sarili (katawan) sa Kanya.”
 Ayon kay Pablo, ang pag-aalay ng ating mga sarili (katawan) sa Kanya ay siya
nating karapat-dapat na pagsamba.
 Ang salitang “karapat-dapat” ay nangangahulugan sa orihinal na salita na “lohikal
at resonable o angkop at sang-ayon sa katuwiran”.
 Samakatuwid, ang pag-aalay ng ating sarili (katawan) sa Diyos ay isang
espirituwal na pustura ng ating pagsamba, at isang resonable at lohikal na akto ng
ating pagsamba.

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 7, 2021 || Stewardship of Health

 Hindi itinuturo ng Biblia na ang ating pisikal na katawan ay masama.


 Ang kasamaan ay nagmumula sa ating mga pusong makasalanan at ang
sinasadyang pagsuway sa Diyos.
 At hindi sa dahilang tayo ay may pisikal na katawan.
 Sa katunayan, nang nilikha ng Diyos ang tao, at inanyuan ng pisikal na katawan,
Kanyang idineklara na ito ay “napakabuti”.
 Ang Biblia ay nagtuturo na ang pisikal na katawan at buhay ay dakilang kaloob
mula sa Diyos.
 Ito ay disenyo at obra-maestra ng Diyos.
 Dahil dito, nais ng Diyos na ito ay ating pahalagahan, pangalagaan, at ingatan
upang magamit sa Kanyang kapurihan.

Ano ang mga prinsipyo ng pag-aalay ng sarili sa Panginoon?


1. Ito ay intensyonal at walang kondisyon na pagpapasya.
o Nang tayo ay sumampalataya sa Panginoon, ang ating buhay ay ating isinuko sa
Kanya, kabilang ang ating mga katawan.
o Ang katawan ay pag-aari ng Diyos.
2. Ito ay patuluyan at panghabambuhay na commitment.
o Katulad ito ng kasagraduhan ng kasal.
o Lahat ng mga bagay na ating taglay, kabilang ang ating katawan, ay ating
inilalagak sa Kanya bilang instrumento ng Kanyang kaluwalhatian.
3. Ito ay banal at kaaya-aya sa Diyos.
o Sa Lumang Tipan, ang kailangan ay handog na hayop na walang kapintasan.
o Sa Bagong Tipan, si Jesus ay isang perpektong handog.
o Sa ating kalagayan, tinatanggap Niya ang ating mga sarili bilang isang haing
buhay.

B. Ang Pagiging Mabuting Katiwala ay Nangangahulugan ng Pagpaparangal at


Pagluwalhati sa Diyos sa Pamamagitan ng ating Katawan (1 Corinto 6:19-20)
(Faithful Stewardship Means Honoring and Glorifying the Lord with Our Bodies)
 Ang Iglesia sa Corinto ay matatagpuan sa isa sa mga pinakaimoral na siyudad sa
panahong yaon.
 Katunayan, ang pangalang Corinto na ang kahulugan ay “ornament” ay may
kaugnayan sa salitang “sexual perversion”.
 Sa ganitong kalagayan ay mariing ipinamanhik ni Pablo sa mga mananampalataya
sa Corinto na lumayo sa anumang anyo ng imoralidad:
“Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa
inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan;
sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan
upang maparangalan ang Diyos” (1 Corinto 6:19-20).

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 7, 2021 || Stewardship of Health

 Sinabi ni Pablo sa mga taga-Corinto na ang kanilang mga katawan ay templo ng


Espiritu ng Diyos, at dahil dito ay gamitin lamang ito sa pagpaparangal sa Diyos.
 Nang likhain ng Diyos ang ating mga katawan, ang Kanyang intensyon ay gamitin
ito ng tao para sa Kanyang karangalan at kapurihan.
 Ang ating katawan ay napakahalagang kaloob mula sa Diyos.
 Maliwanag ang Biblia sa pagsasabing ang ating mga katawan ay mahalaga at dapat
nating pangalagaan dahilan sa ang Diyos mismo ang naglagay ng mataas na halaga
rito – binili Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, at dahil dito, tayo ay
Kanyang pag-aari.
 Ang salmistang si David ay nag-uumapaw sa pagkamangha at pasasalamat sa
Diyos sa tuwing mamamasdan niya ang kanyang katawan:
Mga Awit 139:13-15
“Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha,
sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,
ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay;
sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.
Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin,
sa loob ng bahay-bata, doo'y iyong napapansin;
lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim.”

C. Pagpaparangal sa Diyos sa Pamamagitan ng mga Bahagi ng Katawan


(Honoring God by Our Body Parts)
 Ang ating katawan ay binubuo ng iba’t ibang bahagi.
 Bilang tapat na katiwala ng Diyos sa paggamit ng ating katawan sa pagpaparangal
sa Kanya ay mainam na ating tingnan ang ilang bahagi nito:

a. Ang Ating Dila


 Ang Biblia ay nagsasabi ng maraming bagay tungkol sa ating mga dila.
 Sa Santiago 1:26, “Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi
naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang
sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso.”
 Binanggit ni Santiago ang angking impluwensiya at kapangyarihan ng dila sa
pamamagitan ng tatlong larawan: ang bokado ng isang malaking kabayo, o
ang timon ng malaking barko, ang munting siga sa kagubatan, at ang bukal
ng tubig na hindi maaaring sabay na daluyan ng matamis at mapait na tubig
(Santiago 3:2-12).
 Napakaliit ng dila subalit kaya niyang magsanhi ng direksyon sa isang tao,
maaaring palayo o palapit sa Panginoon, tulad ng isang maliit na metal na
nagtitimon sa malaking barko, o ng maliit na metal sa bokado ng kabayo.

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 7, 2021 || Stewardship of Health

 Napakaliit ng dila subalit kaya niyang magsanhi ng malaking pagkawasak


tulad sa isang maliit na siga na kayang tumupok sa malaking kagubatan.
 Napakaliit ng dila subalit maaaring magamit sa pagkutya at pagsumpa sa
kapwa.
 Ang mabuting katiwala ay ginagamit ang dila sa ikararangal ng Panginoon,
sa pagpapakilala ng kadakilaan ng Diyos sa mga di mananampalataya, at sa
pagpapatibay at pagpapalakas sa mga kapwa mananampalataya.

b. Ang ating mga Kamay at Paa


 Sa Kawikaan 12:14 ay ganito ang sinasabi, “Ang kakamtin ng tao ay batay sa
gawa o salita, bawat isa ay tatanggap ng karampatang gantimpala.”
 Ang mga kamay ay gamit sa maraming bagay na kapakipakinabang para sa
paglilingkod sa Diyos.
 Tulad ng kamay, ang ating mga paa ay magagamit sa ikararangal ng Diyos.
 Figuratively, ang magandang paa ay nagdadala ng Mabuting Balita sa tao:
“O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan, ang sugong dumarating
upang ipahayag ang kapayapaan, at nagdadala ng Magandang Balita.
Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin: ‘Zion, ang Diyos mo ay
naghahari!’” (Isaias 52:7).

c. Ang ating mga Mata


 Ang ating mga mata ay bahagi ng ating katawan na kailangang ipailalim at
isuko sa Diyos kung nais nating maging tapat na katiwala ng Diyos.
 Sa pamamagitan ng hindi wastong paggamit ng mga mata ay maaaring
mahulog tayo sa kapahamakan.
 Si David ay hindi nakontrol ang kanyang mga mata. Nakita si Bathseba,
nagnasa, nagplano, pumatay, at nang-agaw ng asawa ng iba.

MGA PRAKTIKAL NA KONSIDERASYON TUNGKOL SA ATING KATAWAN AT


KALUSUGAN
 Paano natin pinananatili ang malusog at maayos na pangangatawan upang mas lalo
pa tayong maging epektibo at mabunga sa ministeryo?
 Hindi masama na sumunod sa mga payo ng dalubhasa. Ito ay malaking tulong sa ating
katawan at kalusugan.
 Si Dr. Kenneth Cooper, isang kilalang dalubhasa sa physical fitness sa America ay
nagpayo ng ganito:
o Tama at balanseng pagkain at tamang timbang.
o Paghinto sa paninigarilyo.
o Pag-iwas sa mga junk foods na naglalaman ng mataas na content ng asin, asukal,
at taba.
o Pag-iwas sa mga habit-forming drugs kabilang ang alcohol.

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 7, 2021 || Stewardship of Health

o Regular na medical check-up.


o Tama at angkop na ehersisyo.
o Umiwas sa stress.
o Maging masayahin at tingnan ang buhay sa positibong pagtanaw.

SA PANAHON NG COVID PANDEMIC:


 Ang pagkakalikha at development ng CoViD-19 vaccines ay isang “medical
breakthrough” at pasimula ng ating unti-unting pagtatagumpay sa ating maigting na
pakikipaglaban sa kilabot na virus na ito, na sapat upang ating ipagdiwang.
 Naniniwala tayo na ang mga pagdurusa, paghihirap, at malulubhang karamdaman ay
hindi kabilang sa paglikha (creation) ng Diyos.
 Sapagkat bawat araw ng paglikha ng Diyos ay Kanya mismong ipinahayag na kasiya-
siya at mabuti ang Kanyang mga nilikha (Gen. 1:31; ang salitang “good” sa talata ay
“tob” sa Hebreo, na ang kahulugan ay “free from any imperfections”).
 Ang katotohanang ito ay lalo pang binigyang-linaw sa Bagong Tipan nang ideklara ni
Jesus na Siya ay naparito upang bigyan tayo ng buhay at ang kasaganaan nito (Juan
10:10b).
 Kung ang bawat mamamayan ay may access sa mga CoViD-19 vaccines, ito ay
magdudulot ng daan sa kaligtasan sa infection at sa recovery ng mga naapektuhan ng
nakamamatay na virus na ito.
 Ang ating pasya na magpabakuna ay may malaking positibong implikasyon sa
larangan ng kalusugan at kaligtasan sa CoViD-19, hindi lamang sa ating komunidad na
ating kinabibilangan kundi sa buong bansa, datapwa’t lubos nating iginagalang ang
mga kapatiran na nagpasyang huwag magpabakuna sa iba’t ibang kadahilanan.

PAGTATAPOS

 Maging tapat at mabuting katiwala ng Diyos sa larangan ng pangangalaga at pag-


iingat sa ating mga katawan.
 Isuko natin ang ating mga sarili sa Diyos.
 Parangalan natin at papurihan ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga katawan at
kalusugan.

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Nov. 14, 2021 || Stewardship of Creation

PANIMULA

 Ang pangunahing pundasyon ng biblikal na katuruan na may kinalaman sa


pangangalaga sa kalikasan ay ang katotohanang ang Diyos ang may likha ng langit at
ng lupa (Gen. 1:1).
 Ang buong sangnilikha (creation) ay kapahayagan ng mga katangian at kalikasan ng
Diyos.
 Winika ni Apostol Pablo na ang mga eternal na katangian o kalikasan ng Diyos ay ating
mauunawaan sa pamamagitan ng Kanyang nilikha (Rom. 1:20).
 Sa makabagong panahon, ang biblikal na talakayan tungkol sa stewardship ay
nabaling sa pangangalaga, pagmamalasakit, at pagpepreserba ng sangnilikha o
creation.
 Binibigyang diin ang responsibilidad ng mga mananampalataya at ng iglesya sa
pangkalahatan tungkol sa pangangalaga sa kalikasan at sa ating planeta sa kabuuan.
 Ang wika ng isang manunulat at teologo na si Paul Collins sa kanyang aklat na “God’s
Earth” ay ganito:
“Ang pinakamalaking kabiguan ng Cristianismo sa kabuuan ng kanyang kasaysayan ay
ang kanyang kawalan ng impluwensya o interes na bigyan ng lunas ang mga
sinasadyang pagwasak at pang-aabuso sa kalikasan at sa likas na yaman ng ating
planeta sa pamamagitan ng pangangaral at pagtuturo nito. Ang simbahan ay sensitibo
sa mga doktrina ng kaligtasan, kasalanan, at paglakad sa kabanalan, subalit tila
walang malasakit na ipangaral at ituro upang magbukas ng kamalayan sa kanilang
kongregasyon ang mga nagaganap na pagkawasak at pang-aabuso sa kalikasan ng
ating planeta.” (Isinatagalog)
 Ang suliraning kinahaharap natin sa ating panahon ay ang pagkawasak ng ating
planetang daigdig na ang tawag ng mga siyentipiko dito ay ecological crisis.
Naniniwala ang mga dalubhasa na ang ating daigdig ay nasa malaking panganib.
 Ang isyu ng ecological crisis ay hindi lamang pangkalikasan kundi may malaking banta
rin ng panganib sa buhay ng sangkatauhan.
 Ang populasyon ng buong daigdig ay 7.6 bilyon ayon sa Worldometers, isang
mapagkakatiwalaang ahensya na nagmo-monitor ng world population.
 Subalit ang sangkatauhan ay nakararanas na ng matitinding bunga ng ecological crisis.

TRANSITIONAL STATEMENT

 Ano ang bahagi ng iglesya sa malaking panganib na ito sa ating planeta at sa buong
sangkatauhan?
 Ang iglesya ay dapat magpasimula sa pamamagitan ng pagtuturo at pangangaral
tungkol sa stewardship of creation.
 Ating pagbulay-bulayan ang mga sumusunod na aral:

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 14, 2021 || Stewardship of Creation

A. Ang Pangangalaga sa Sangnilikha ay Utos ng Diyos (Gen. 1:26)


(Stewardship of Creation is a God-Given Mandate)
 Ang konsepto ng pangangalaga ng sangnilikha ay nag-uugat sa unang banggit ng
paglikha ng Diyos (first creation account) na kung saan ay pinagkalooban Niya ng
kapangyarihan ang unang tao na mamahala sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa
himpapawid, at sa mga hayop sa lupa: Genesis 1:26, “Pagkatapos, sinabi ng Diyos:
‘Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang
mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging
maamo o mailap, malaki o maliit.’”
 Ang kapangyarihan na mamahala o “have dominion” sa English ay
nangangahulugan sa orihinal na salita ng pagkakaroon ng “tungkulin at
responsibilidad” na pamahalaan at pagmalasakitan ito.
 Hindi ito nangangahulugan ng pagsasamantala at pag-aabuso para sa sariling
kapakanan (exploitation and abuse).
 Sa unang banggit ng paglikha (first creation account), huling nilikha ng Diyos ang
tao upang siyang maging responsable sa mga ito, at pinagkalooban ng
kapangyarihan ng Diyos na pangalagaan at pamahalaan ang hardin na nilikha
Niya.
 Batay sa Genesis 1, ang isa sa mga dakilang layunin ng paglikha sa tao ay upang
maging katuwang at katiwala ng Diyos sa Kanyang sangnilikha.
 Samakatuwid, ang pamamahala at pagmamalasakit sa mga nilikha ng Diyos, ang
kalikasan, at ang daigdig na ating ginagalawan ay kumakatawan sa ating malalim
na relasyon dito.
 Isang propesor sa Asian Theological Seminary na si Dr. Josue Ganibe ang nagbigay
ng paraphrased na kahulugan ng Genesis 1:26-28, “God says, take care of My
garden, because My garden will take care of you.”
 Nagbigay rin siya ng isang statement bilang babala sa mga naninira at
nagwawasak ng nilikha ng Diyos: “When man moves, nature moves, when nature
moves, man moves.”
 Nangangahulugan na ang tao at ang sangnilikha ay may “symbiotic and organic
relationship,” na ang kahulugan ay interdependent ang bawat isa sa isa’t isa.
 Ang kanilang existence o buhay ay nakadepende sa isa’t isa.

B. Ang Pangangalaga sa Sangnilikha ay Pagtatalaga sa Paggawa at Pag-iingat (Gen.


2:15) (Stewardship of Creation is a Call to Serve and Preserve)
 Ang ikalawang banggit ng paglikha (second creation account) ay lalo pang
nagbigay ng liwanag sa konsepto ng pangangalaga sa sangnilikha.
 Sa ikalawang kabanata ng Genesis ay inilagay ng Diyos si Adan at Eba sa hardin
upang ito ay sakahin at pangalagaan.
“Inilagay ni Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden
upang ito'y pagyamanin at pangalagaan.” (Genesis 2:15)

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 14, 2021 || Stewardship of Creation

 Ang salitang “sakahin” o “pagyamanin” sa orihinal na salita ay naglalarawan ng


paglilingkod ng isang alipin sa kanyang panginoon.
 Ito ay may implikasyon na isang uri ng paglilingkod sa Diyos ang pangangalaga ng
Kanyang nilikha.
 Ang salitang “pangalagaan” o “ingatan” sa orihinal na salita ay nangangahulugan
ng paglalaan at paghahanda para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.
 Samakatuwid, inayos ng Diyos pati ang kapakanan at kinabukasan ng mga
susunod na henerasyon sa pamamagitan ng pangangalaga at pagmamalasakit sa
Kanyang mga nilikha.
 Nangangahulugan din ito na kung ang tao ay hindi magiging tapat at mabuting
katiwala ng Diyos sa Kanyang mga nilikha, magdurusa at mapapahamak ang mga
susunod na henerasyon.
 Sa artikulo na sinulat ni Norman C. Habel na may pamagat na Earth and Ecology:
Challenges for Church and Society, binanggit niya ang tatlong maling paniniwala na
pinanghahawakan ng marami kung bakit ang mga tao, kabilang ang mga
mananampalataya, ay walang kaseryosohan sa pangangalaga sa kalikasan at
kapaligiran:

1. Heavenism
 Ang langit ay espirituwal, ang lupa at daigdig ay materyal.
 Mas maganda at mas mabuti ang langit kaysa sa materyal na lupa.
 Sa langit ay puspos ng kagalakan, sa lupa ay kahirapan at pagdurusa.
 Para sa mga tulad nito ang katwiran, ang talatang ginagamit ay Colosas 3:2,
“Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi mga bagay na panlupa.”
 Ito ay maling interpretasyon.
 Ang itinuturo ng talata ay pamumuhay ng kabanalan at paglayo sa mga
materyal na bagay na maaaring umakit sa atin papalayo kay Cristo, yamang
si Cristo ang naghahari sa buhay; at hindi nito itinuturo ang pagbabalewala
sa mga nilikha ng Diyos.

2. Disposability Teaching
 Ang pangangatwiran ng mga tao ay wawasakin naman ng Diyos ang daigdig
sa huling araw, bakit pa ito kailangang pangalagaan at ingatan?
 Muli, ito ay maling interpretasyon sa mga talata sa 2 Pedro 3.
 Ang mga talata ay naglalarawan ng kaganapan sa mga huling araw, at hindi
nagtuturo ng pagbabalewala sa mga nilikha ng Diyos.
 Ang kalooban ng Diyos sa mga huling araw ay hindi nangangahulugang
exempted tayo sa ating mga obligasyon sa kasalukuyang panahon.

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 14, 2021 || Stewardship of Creation

3. Pilgrim Mentality
 Hindi tayo tagalupa; tayo ay manlalakbay lamang sa daigdig na ito.
 Ang ating pagkamamamayan ay sa langit, bakit mag-aabala sa pangangalaga
sa kapaligiran?
 Ito ay maling interpretasyon ng 1 Pedro 2:11-12 sapagkat ang itinuturo ng
mga talata ay ang hindi pakikiayon sa paraan ng pamumuhay ng mga Hentil.
 Ang pagiging mabuti at tapat na katiwala ng Diyos sa sangnilikha ay isang
pagtawag ng paggawa at paglilingkod sa Kanya, at pagiging instrumento ng
Diyos sa paghahanda at pagmamalasakit sa kinabukasan ng ating mga anak,
mga apo, at sa mga susunod pang henerasyon.

C. Ang Diyos ay Nagpahayag na ang Kanyang Nilikha ay Mabuti (Gen. 1:31)


(God Declared that His Creation is Very Good)

 Ang pangangalaga at pag-iingat sa sangnilikha ay pinagtitibay ng deklarasyon ng


Diyos na ang Kanyang nilikha ay “mabuti”.
 “Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan…”
(Genesis 1:31).
 Hindi lamang ang tao ang niloob ng Diyos na mabuhay, magbunga, at
magpakarami, maging ang lahat ng uri ng hayop ay niloob ng Diyos na dumami at
kalatan ang buong hardin.
 Nais ng Diyos na lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng hardin, hindi lamang ang tao,
kundi maging mga hayop man sa dagat, sa himpapawid, at sa lupa ay mabuhay at
magbunga.
 Ang salmistang si David ay nagdiriwang sa mga nilikha ng Diyos at kanyang
ipinahayag na ang mga damo’y pagkain ng mga baka, at ang mga bungangkahoy
ay pagkain ng balana:
Mga Awit 104:13-15
“Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig,
ibinuhos ang pagpapala't lumaganap sa daigdig.
Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka,
nagkaroon ng halamang masaganang namumunga;
anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha.
Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya,
may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya,
at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina.”
 Ito ay katiyakan ng Diyos sa atin na kung tapat at mabuti lamang na katiwala ang
tao sa Kanyang mga nilikha, ang pagkain ay saganang-sagana, hindi lamang para
sa mga tao kundi sa mga hayop din.

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 14, 2021 || Stewardship of Creation

 Ang mga sumulat ng Biblia ay nag-aanyaya na tayo’y magalak at magdiwang sa


mga nilikha ng Diyos, sapagkat ang kagalakan dito ay batayan ng ating
pangangalaga at pag-iingat dito.
Mga Awit 148:7-13
Purihin n'yo si Yahweh, buong sanlibutan, maging dambuhala nitong karagatan.
Ulan na may yelo, kidlat pati ulap, malakas na hangin, sumunod na lahat!
Pagpupuri kay Yahweh lahat ay mag-ukol.
Mga kabundukan, mataas na burol, malawak na gubat, mabubungang kahoy;
hayop na maamo't mailap na naroon, maging hayop na gumagapang at mga ibon.
Pupurihin siya ng lahat ng tao, hari at prinsipe, lahat ng pangulo;
babae't lalaki, mga kabataan, matatandang tao't kaliit-liitan.
Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas;
sa langit at lupa'y maluwalhating ganap.
 Ang pagpapahalaga at pangangalaga sa sangnilikha ay maliwanag na
ipinahahayag sa batas ng Sabbath sa Lumang Tipan.
 Ang mga hayop ay dapat bigyan ng pamamahinga sa tuwing ikapitong araw ng
linggo; at ang mga lupain ay hindi tatamnan at pagpapahingahin tuwing ikapitong
taon; ang mga alipin ay palalayain, at ang mga utang ay patatawarin (Exo. 23:10-
11; Lev. 25).
 Ang pagiging mabuti at tapat na katiwala ng Diyos sa Kanyang mga nilikha ay
naghahatid ng masagana, mabunga, at walang pagkukulang sa buhay-materyal ng
tao.

PAGTATAPOS

 Ang pagiging katiwala ng Diyos sa pangangalaga at pag-iingat sa sangnilikha ay isang


dakilang pribilehiyo.
 Nang sabihin ng Diyos na ang Kanyang mga nilikha ay “mabuti”, ito’y
nangangahulugan din na Siya ay nagagalak at nagdiriwang dito.
 Samahan natin ang Diyos sa kagalakan at pagdiriwang na ito.
 Pangalagaan, ingatan, magdiwang, at magalak tayo sa sangnilikha ng Diyos.
 Tulad ng salmistang si David, namumutawi sa kanyang mga labi sa tuwi-tuwina ang
ganitong mga kataga:
“Ang iyong karangala'y mananatili kailanman,
sa lahat ng Iyong likha ang madama'y kagalakan.”

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Nov. 21, 2021 || Stewardship of Finances & Giving

PANIMULA (Background of the Passage)

 Ipinakikilala ni Apostol Pablo ang isang kahanga-hangang kalipunan ng mga


mananampalataya at ito ay ang Iglesya sa Macedonia.
 Ano ang mga kahanga-hangang bagay sa iglesyang ito?
 Karaniwan nang iisipin natin na ang kahandaan (willingness) at bukas-palad (generous)
na pagkakaloob ay nagmumula sa mga mayayaman o nakaririwasa sa buhay, subalit iba
ang ipinakita ng mga mananampalataya sa iglesyang ito.
 Sila ay nasa gitna ng kahirapan at dumaranas ng matinding pagsubok dahil sa pag-uusig.
 Financially, labis ang kanilang paghihikahos. Sapilitang kinuha ng Roman authorities ang
kanilang mga ari-arian, mga ginto at pilak, pinagbawalang magnegosyo, pinatawan ng
mabigat na buwis, at idagdag pa rito ang nagaganap na digmaan sa teritoryo ng
Macedonia.
 Sa kabila nito, sila ay masaya at bukas ang palad sa pagkakaloob (t.2). Nagkaloob sila na
may kusang-loob, masaya, at walang pressure kay Pablo. Katunayan, nakiusap pa sila
kay Pablo at Tito na tanggapin ang kanilang kaloob (t.3).
 Nakikita ng mga mananampalataya sa Macedonia na ang pagbibigay ay hindi obligasyon,
sa halip, ito ay isang dakilang pribilehiyo (t.4)
 Sa panahong yaon ay naghihikahos at dumaranas ng taggutom ang mga kapatiran sa
Jerusalem. Nais ipakita ni Pablo na ang mga iglesya ay pinagbubuklod ng pag-ibig at ang
mga ito ay connectional, kung kaya’t siya ay naglunsad ng pangingilak sa mga
nakapaligid na iglesya upang ihandog sa nagugutom at naghihikahos na mga kapatiran
sa Jerusalem.
 Masasaya at bukas-palad ang mga mananampalataya sa Macedonia sa pagkakaloob sa
dahilang, una sa lahat, ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon (t.5b).
 Pagkatapos na banggitin ni Pablo ang halimbawa ng mga taga-Macedonia, ibinaling niya
ang kanyang atensyon sa orihinal na alab ng mga taga-Corinto sa larangan ng
pagkakaloob. Ipinakikita sa t.6 na ang mga taga-Corinto ay may pansariling proyekto
upang tulungan ang mga taga-Jerusalem, subalit ang alab ng pagnanasang makatulong
ay unti-unting naglaho.
 Magkaiba ang kalagayan ng mga mananampalataya sa Macedonia at sa Corinto.
 Samantalang ang mga taga-Macedonia ay nagdurusa sa kalupitan at pang-aapi ng Roman
authorities, ang mga taga-Corinto naman ay nananagana ang buhay sa gitna ng isang
siyudad na sentro ng komersiyo at kalakalan. May kalayaan sila na magnegosyo at
maging masagana ang buhay.
 Sila ay sinansala ni Pablo, kasabay ang hamon na kung ano ang kanilang pinasimulan,
kanila itong tapusin alang-alang sa pag-ibig sa mga kapatiran at higit sa lahat, sa
Panginoon.

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 21, 2021 || Stewardship of Finances & Giving

TRANSITIONAL STATEMENT

Sa pamamagitan ng halimbawang ipinakita ng mga mananampalataya sa Macedonia, at sa


sitwasyong kinalalagyan ng mga mananampalataya sa Corinto, ay itinuturo sa atin ng
Panginoon sa pamamagitan ni Pablo ang tama, biblikal na paraan, at attitude bilang tapat
na katiwala ng Panginoon sa larangan ng pagkakaloob.

A. TATLONG ATTITUDE SA TAPAT NA PAGKAKALOOB

1. Ang Pagkakaloob ay Hindi Kabigatan, Ito ay Pribilehiyo (tt.1-4)


 Isang dakilang pribilehiyo na ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan natin
(t.1).
 Labis ang pagdurusa ng mga mananampalataya sa Macedonia subalit sagana sa
kagalakan (t.2). Labis ang paghihirap, subalit mayaman at sagana sa bukas-palad
na pagkakaloob.
 Sa ganitong kalagayan, ang presensya ng Diyos ay sagana nilang nararamdaman
at nararanasan sa kabila ng kahirapan.
 Isang dakilang pribilehiyo na makabahagi sa pagtulong sa pangangailangan ng
nagdarahop at nagugutom na mga kapatiran (tt.3-4).
 Sa katunayan, nakiusap ang mga taga-Macedonia kina Pablo at Tito na ibilang sila
sa abuluyan upang makatulong.

Tatlong Prinsipyo Upang Makita ang Pribilehiyo ng Pagkakaloob:

1.1. Prinsipyo ng Pananampalataya


 Maaari tayong makapagkaloob sa bunsod ng pananampalataya o maaaring
magkaloob na may takot at pangamba na ito ay kabawasan sa ating
kabuhayan.
 Nais ng Diyos na ang ating pagkakaloob ay bunsod ng pananampalataya (2
Cor.9:5,7a).
1.2. Prinsipyo ng Pag-ibig
 Ang pagkakaloob ay bunga ng pag-ibig.
 Ang pag-ibig ang kumikilos sa atin upang magkaloob (2 Cor. 5:14).
 Madalas nating marinig ang pangungusap na ito: “You can give without loving,
but you cannot love without giving”.
1.3. Prinsipyo ng Pag-aani
 Kung nagtanim tayo ng kasaganahan ng pagkakaloob, aanihin din natin ang
kasaganahan sa ating buhay (2 Cor. 9:6).

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 21, 2021 || Stewardship of Finances & Giving

2. Ang Pagkakaloob ay Hindi Hadlang sa Buhay, Ito ay Oportunidad o


Pagkakataon (tt.5-9)
 Ang pagkakaloob ay pagkakataon upang lalong maging malalim ang relasyon sa
Diyos (tt.5-6).
 Naging malalim ang relasyon ng mga taga-Macedonia; kanilang ibinigay muna
ang kanilang sarili sa Diyos, dahil dito, ang pagkakaloob ay hindi suliranin sa
kanila.
 Ang pagkakaloob ay pagkakataon upang lumago sa pananampalataya (t.7).
 Ang iglesya sa Corinto ay kilala bilang isang “charismatic” na iglesya, puno ng
buhay sa pagsamba, binubuo ng mga gifted na mga kaanib, at tiyak na ito ay
sagana sa pondong salapi sapagkat sila ay naroroon sa mayaman at maunlad na
siyudad. Subalit kailangan nilang lumago sa larangan ng pagkakaloob.
 Kapag ating isinuko at ibinigay ang ating buhay sa Panginoon, walang suliranin
sa ating ministeryo ng pagkakaloob.
 Ang pagkakaloob ay pagkakataon o oportunidad upang tularan si Cristo (tt.8-9).
 Si Jesus ay may kahandaang ipagkaloob maging ang Kanyang buhay para sa
kapakanan ng lahat. Kung tayo ay taos-puso sa pagkakaloob, tinutularan natin si
Jesus.

3. Ang Pagkakaloob ay Hindi Kabawasan sa Ating Kabuhayan, Ito ay Ibayong


Pagpapala (tt.10-15)
 Isang ibayong pagpapala ang maibahagi at maipagkaloob ang mga bagay na
iyong tinatangkilik sa iba.
 Ang pagbabahagi at pagkakaloob ng ating tinatangkilik sa mga nangangailangan,
higit sa gawain ng Panginoon, ay pintuang-daan sa pagpapala ng Diyos sa ating
buhay.

Mga Praktikal na Hadlang sa Taos-Pusong Pagkakaloob

3.1. Pagpapaliban
 Sa English, ang tawag dito ay “procrastination”. Ang simpleng kahulugan ay
“putting off for tomorrow what you can do for today”.
 Ang diwa ay “sa susunod na Linggo na lang ako magkakaloob”. Hanggang sa
ito ay tuluyan nang makaligtaan.
 Marahil, ang nagbubunsod sa ganitong ugali ay panghihinayang.
 Ang sabi ni Pablo sa mga taga-Corinto, “Tapusin ninyo ngayon din ang inyong
napasimulan (t.11)”.
3.2. Pag-aatubili o Pagdadalawang-isip
 Ang ugaling ito ay malapit sa pagpapaliban.
 Kaya nagpapaliban ay nagdadalawang-isip o nag-aatubili sa pagkakaloob
sanhi marahil ng panghihinayang din.

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 21, 2021 || Stewardship of Finances & Giving

 Ang sabi ni Pablo sa mga taga-Corinto, “Kung mayroon kayong kahandaan,


matatapos ninyo ang inyong pinasimulan (t.12)”.
3.3. Labis na Reaksyon
 Ang katwiran ng labis na reaksyon ay ganito: “Sapagkat hindi ko naman
kakayanin na magkaloob ng malaki tulad ng iba, hindi na lang ako
magkakaloob”.
 Ipinaalala ni Pablo sa mga taga-Corinto na ang Diyos ay tumitingin sa ating
kakayahang magkaloob, at hindi roon sa ating hindi makakaya (tt.11b).
Magandang halimbawa ay ang balo sa Marcos 12:41-44.
 Kalugud-lugod sa Diyos ang kaloob na nagmumula sa ating puso, may kalakip
na pagpapakasakit, at nagkakaloob na masaya tulad ng babaing balo.
3.4. Pagbibilang sa Sarili na Exempted o Di na Kabilang sa Pagkakaloob
 Ang katwiran ng tao ay, “Sapagkat ako naman ay mahirap at naghihikahos sa
buhay, hindi na ako kasali sa pagkakaloob”.
 Sa pagtingin sa mga taga-Macedonia at sa babaing balo, nagtuturo ito na
walang exempted sa pagkakaloob.
 Maaari tayong magbigay ng maraming mga excuses upang maging exempted
sa pagkakaloob, subalit itinuturo ng Biblia na lahat ng mananampalataya ay
inaasahan ng Diyos na magkaloob bilang Kanyang katiwala ng lahat ng
Kanyang ipinagkakaloob sa atin.

4. Ang Pagkakaloob ay Pagpapaala sa Sarili na ang Lahat ng Bagay ay Pag-aari


ng Diyos
 Bilang mga katiwala ng Panginoon sa lahat ng ating tinatangkilik, isang
pangungusap lamang ang dapat na magpaalala sa atin tuwi-tuwina:
 “Ang buong daigdig ay Akin, sabi ng Panginoon.” (Exo. 19:5)
 “Ang buong daigdig, lahat ng naroon, may-ari ay si Yahweh, ating
Panginoong Diyos.” (Mga Awit 24:1)
 “Ang inyong buong katawan ay hindi talagang inyo kundi sa Diyos.” (1 Cor.
6:19)
 Dahilan sa katotohanang ang lahat ng bagay ay pag-aari ng Diyos, itanim natin sa
ating puso’t isipan na ang Diyos ang may karapatan sa lahat ng ating
tinatangkilik.
 Maaari Niya itong bawiin kung tayo ay hindi tapat sa pamamahala nito, o kaya
naman ay naghahari ang pag-iimbot at kasakiman na tila baga ito ay lubos na
pag-aari natin at walang kinalaman ang Panginoon sa pagkakaroon nito (Lucas
12:18-20).
 Maaari rin namang ito ay Kanyang ibayong pagpalain at pasaganain kung tayo ay
tapat sa pamamahala nito, may bukas-palad sa Pagkakaloob, lalo na sa mga
nangangailangan at sa gawain ng Panginoon (Mateo 24:45-51).

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 21, 2021 || Stewardship of Finances & Giving

 Ibayo ring pagpapala sa mga tapat na nagkakaloob at sumusuporta sa mga


manggagawa ng Panginoon na bunsod ng pag-ibig (1 Tim. 5:17-18; 1 Cor. 9:13-
14).
 At tayo bilang mga katiwala ay may responsibilidad na maging tapat sa
pamamahala nito.

B. PAGKAKALOOB AT PAGIGING KATIWALANG CRISTIANO SA PANAHON NG


PANDEMYA

 Sa panahon ng pandemya na ating nararanasan ngayon, mas mahalaga na maipakita


ang ating pagiging mabuting katiwala.
 Na-realize natin na tayo ay isang global community na nararapat na magmalasakitan,
magtulungan, at magdamayan sa isa’t isa.
 Sa ating bansa, marami ang naghihikahos, walang hanap-buhay, at walang makain
bunga ng krisis na ito.
 Sabi nga, “We are not all in the same boat, but we are in the same storm.”
 Mayroon sa atin ang tunay na naapektuhan ng krisis na nagresulta sa matinding
kahirapan. At marami rin naman na may kakayahan pang mabuhay nang masagana
sa susunod pang maraming taon.
 Sa ganitong kalagayan, marapat na ating tingnan ang kalagayan ng ating kapwa.
 Maisagawa ang katotohanan na tayo ay “tagapangalaga ng ating mga kapatid”.

PAGTATAPOS

 Tayo, bilang mga “oikonomos” o katiwala, ay may pananagutan sa May-ari.


 Darating ang panahon na tayo ay magsusulit sa Kanya.
 Dalangin natin na tayo ay Kanyang masumpungang mga tapat, at marinig natin mula
sa Kanyang mga labi ang ganito: “Mabuti at tapat na alipin, halika, pumasok ka sa Aking
kaharian.”

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Nov. 28, 2021 || Stewardship of the Gospel

PANIMULA
 Si Apostol Pablo at ang mga alagad ng Panginoon ay mga itinalaga bilang mga katiwala
ng Ebanghelyo.
 Sila ay mga minarapat at pinagkatiwalaan na ipangaral ang Ebanghelyo:
“Sapagkat minarapat ng Diyos na ipagkatiwala sa amin ang Magandang Balita,
nangangaral kami sa inyo, hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na
nakasisiyasat ng ating puso.” (1 Tesalonica 2:4)
 Inihayag ni Pablo ang kanyang maalab na pagsunod sa Panginoon bilang mabuting
katiwala ng Ebanghelyo:
“Hindi ngayo't nangangaral ako ng Magandang Balita ay maaari na akong magmalaki.
Sapagkat iyan ay tungkuling iniatang sa akin, sumpain ako kung hindi ko ipangaral ang
Magandang Balita! Kung ginagawa ko ito nang kusang-loob, ako'y may
maaasahang kabayaran, ngunit ginagawa ko ito bilang pagtupad sa tungkuling
ipinagkatiwala sa akin ng Diyos.” (1 Corinto 9:16-17)
 Ang pagiging mabuting katiwala ng Ebanghelyo ay malinaw na itinuro ni Pablo kay
Timoteo. Ang layunin ng pagsulat ni Pablo kay Timoteo ay ang labis nitong pagkabahala
sa kalagayan ng mga iglesya sa matinding pag-uusig ni Emperador Nero ng Roma.
 Gayundin, sa loob ng iglesya ay laganap ang mga hidwang katuruan na maaaring
magsanhi ng pagkapahamak at pagkaligaw sa pananampalataya ng mga kaanib ng
iglesya.
 Sa diwang ito, bilang tapat na katiwala ng Ebanghelyo ay kanyang tinagubilinan si
Timoteo na maging matapat ding katiwala sa pamamagitan ng mga sumusunod:
o Ingatan at bantayan ang layunin ng Ebanghelyo (1:4).
o Manghawakan at manindigan sa katotohanan ng Ebanghelyo (3:14).
o Ipangaral ang Ebanghelyo anuman ang sitwasyon (4:2)
o Kung kinakailangan ay magpakasakit at mamatay para sa Ebanghelyo (2:3; 1:8).

TRANSITIONAL STATEMENTS

Sa diwang ito, ipinaunawa ni Pablo kay Timoteo ang mga prinsipyo ng pagiging tapat at
mabuting katiwala ng Ebanghelyo. Tulad nila, tayo na mga mananampalataya sa
kasalukuyang panahon ay mga katiwala ng Diyos sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo, at ang
mga prinsipyong binanggit ni Pablo kay Timoteo ay para rin sa atin.

Ano-ano ang mga prinsipyong ito?

Ang isang matapat at mabuting katiwala ng Ebanghelyo ay nagtataglay ng:

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 28, 2021 || Stewardship of the Gospel

A. MATAAS NA URI NG PAGLILINGKOD (2:1-7)


(Aiming for Excellence)
 Ang inaasahan ng Diyos ay isang mataas na uri ng paglilingkod (excellence).
 Hindi nasisiyahan ang Diyos sa paglilingkod na average o kung hindi naman ay
below average (mediocrity).

Bilang mabuting katiwala ay nagpresenta si Pablo ng modelo ng excellence:

a.1. Lubos na Pagtitiwala sa Diyos (2:1)


o Si Timoteo ay nahaharap sa isang matinding hamon. Siya ay itinalaga ni Pablo
sa Corinto upang ayusin ang suliranin doon, sabay na ipangaral, ipagtanggol, at
manindigan sa layunin ng Ebanghelyo.
o Ang tanging susi sa pagtatagumpay ay ang lubos na pagtitiwala sa biyaya ng
Panginoon.
o Sa ating panahon ay mahalaga ang mga bagong pamamaraan, makabagong
kagamitan, at matataas na antas ng kasanayan, subalit walang substitute sa
lubos na pagtitiwala sa biyaya at kapangyarihan ng Diyos.
o Ito ay maghahatid sa ekselenteng paglilingkod bilang tapat na katiwala ng Diyos
sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.
a.2. Pagpapasa ng Katotohanang Nakalagak sa Ebanghelyo (2:2)
o Sa tinurang ito ni Pablo sa talata ay pansinin natin na apat na henerasyon ang
nakapaloob – si Pablo, ipinasa kay Timoteo, at ipinasa ni Timoteo sa kanyang
mga tinuturuan, at ipinasa ng mga naturuan ni Timoteo sa kanila namang
tinuturuan.
o Nangangahulugang ang isang matapat na katiwala ng Ebanghelyo ay walang
patid sa pagpapasa ng mga katotohanang nakalagak sa Ebanghelyo at sa
kabuuan ng Salita ng Diyos.
o Ito ay larawan ng ekselenteng ministeryo ng pagiging mabuting katiwala.
o Tandaan natin na ito ang pangunahing layunin ng IEMELIF Discipleship Journey
(IDJ).
a.3. Pagpapakasakit Hanggang Wakas (2:3-7)
o Tatlong larawan ng pagpapakasakit ang halimbawa ni Pablo:
 Isang kawal na ang pangunahing layunin ay bigyang kaluguran ang kanyang
commanding officer; walang pakialam sa mga bagay na walang kinalaman sa
pagiging kawal, at nakataya ang buhay sa pagiging kawal.
 Isang atleta na puspusang nagsasanay, hindi lamang upang maging
ekselente sa panahon ng paligsahan kundi dinidisiplina ang sarili upang
makasunod sa tuntunin ng paligsahan.

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 28, 2021 || Stewardship of the Gospel

 Isang magsasaka na nagtitiis sa ulan at araw, sa hirap ng pagbubungkal,


subalit may pag-asam ng bunga ng pagpapagal sa sandaling dumating ang
pag-aani.
o Tulad sa isang kawal, atleta, at magsasaka, ang isang tapat na katiwala ng
Ebanghelyo ay nagbibigay-kaluguran sa Diyos bilang kanyang pangunahing
layunin.
o Siya ay nagsasanay at nagtitiis upang maging ekselente sa panahon ng
pagpapalaganap at pagtuturo ng Ebanghelyo, at tulad sa isang magsasaka ay
may kahandaan na magtiis at magpakasakit.

B. DAKILANG MOTIBASYON DAHIL KAY CRISTO (2:8-14)


(Great Motivation Because of the Cross of Christ)
 Ano ang malakas na puwersang magpapakilos sa atin upang tupdin ang gawain ng
pagtatanggol, pagbabantay, at pagpapalaganap ng Ebanghelyo?
 Ito ay walang iba kundi ang Krus ng ating Panginoong Jesus.
 Ang Kanyang mga hirap, pagpapakasakit, ang Kanyang kamatayan, at ang
kapangyarihan ng Kanyang muling pagkabuhay – ay mga dakilang motibasyon
upang tayo ay maglingkod sa Kanya.
 Sa krus Siya ay namatay bilang pampalubag-loob sa lahat ng ating mga kasalanan,
at ito ay dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig sa sangkatauhan.
 Wala nang hihigit pang motibasyon sa paglilingkod maliban sa dakilang pag-ibig ng
Diyos sa atin na naihayag sa Krus ng Kalbaryo. Ang wika ni Pablo ay ganito:
“Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At
habang ako'y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa
Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin.”
(Galacia 2:20)

C. KAKAYAHANG GALING SA DIYOS (2:15)


 Ang larawang ipinakikita ni Pablo sa talatang ito ay ang kasanayan ng mga
karpintero at tentmaker sa larangan ng kanilang pagsusukat sa mga materyales.
 Nangangailangan sa pagsusukat ng accuracy upang walang sayang na materyales
tulad ng kahoy para sa mga karpintero, at mamahaling balat ng hayop para sa
gumagawa ng tolda o tent.
 Hindi ka muling uupahan ng nagpapagawa ng bahay o muwebles kung marami
kang naaksayang materyales sa paggawa ng mga ito.
 At hindi ka rin kikita kung marami kang naaksayang mamahaling balat ng hayop
kung ang negosyo mo ay pagiging tentmaker.
 Ito ay ginawang paghahambing sa isang tapat na katiwala ng Ebanghelyo.

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA


Nov. 28, 2021 || Stewardship of the Gospel

 Sa pangangaral, pagtuturo, at pagpapalaganap ay nangangalangan ng katapatan at


kawastuan o accuracy. Ang kawalan nito ay magdudulot ng kahihiyan ayon sa
talata. Anumang pagkukulang dito ay magdudulot ng kahihiyan sa harap ng Diyos.
 Salamat sa Diyos sapagkat ang kasanayan at kakayahan ay ipinagkakaloob ng Diyos
sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

D. MINISTERYO NG PANGANGARAL SA GITNA NG PANDEMYA


 Bagama’t ang CoViD pandemic ay may malaking epekto sa halos lahat ng aspeto ng
ating buhay, kabilang dito ang buhay-iglesya at paglilingkod, ang ministeryo ng
pangangaral ng Ebanghelyo ay hindi kailanman mahahadlangan.
 Sa pamamagitan ng digital technology, naniniwala tayo na ito rin ay provision ng
Diyos sa atin. Napatunayan natin na mas lalong umigting at nag-aalab ang ating mga
pagnanasa na maipangaral ang salita ng Diyos.
 Ito ay isang patunay ng pagiging matapat na katiwala ng Diyos bilang
tagapangalaga at tagapagpalaganap ng Ebanghelyo.

PAGTATAPOS

 Tinawag tayo ng Diyos upang Kanyang maging katuwang at katiwala sa pag-iingat,


pagbabantay, pangangaral, at pagpapalaganap ng Ebanghelyo.
 Tayo ba ay tapat sa larangang ito?
 Nararamdaman at nararanasan ba natin ang presensya, kalakasan, at kapangyarihang
dulot ng Banal na Espiritu sa pagtupad bilang mga katiwala ng Diyos sa pagpapalaganap
ng Ebanghelyo?
 Nagbubunga ba ang ating pagiging katiwala ng Ebanghelyo?
 Tanggapin natin ang mga hamong ito sa kapurihan ng Panginoon.

ANG MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA

You might also like