1 Adviento 2021 C

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Panahon K | VOL.

XV | Lila | 28 Nobyembre 2021

UNANG LINGGO NG ADBIYENTO


Dito gaganapin ang pagbabasbas ng Koronang Pang – Adbiyento. Sa araw
ding ito sisindihan ang unag kandila.

PANIMULA
Namumuno Paggunita, paala-ala,
paghahanda, ilan
lamang sa mga
temang binabanggit
sa atin sa panahong
ito. Adbiyento na ang
liturhiyang kulay ay lila na nagpapaala-ala sa atin
na ito’y simbulo ng pag-asa, pag-ibig, ligaya, at
kapayapaan. Pinapaalalahanan tayo ni San Lucas
ng ilang mga tanda ukol sa ating buhay.
Ipinababatid na mayroon tayong pagkakataon na
magbago at yakapin si Kristo sapagkat sa kanya
nakasalalay ang ating kaligtasan.

Tatayo ang lahat para sa pagsisimula ng Banal na Misa. Mag-


aalay ng isang awit.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari/Diyakono Mapaglingap naming makalangit na Ama:
Patuloy mo po kaming alalayan sa pagtahak sa
1
tamang daan hanggang sa muling pagbabalik ng
iyong bugtong na anak na si Hesukristo, upang sa
Kanyang pagbibigay katuparan sa kaganapan ng
Iyong Kaharian ay maganap din ang aming
kaligtasan. Sa pamamagitan Niya na aming
makapangyarihang kaibigan at kasama; na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Uupo ang lahat para pakinggang ang mga pagbasa.

UNANG PAGBASA |Jeremias 33:14-16|

Binibigyang linaw sa unang pagbasa ang ukol sa Mesiyas na siyang


paparito sa sanlibutan at ito’y buhat sa lipi ni Haring David. Si
Hesus ang siyang propesiyang binabanggit na siyang magbibigay
katarungan at magpapalaganap ng kapayapaan sa sanlibutan.

Tagabasa Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias.

Sinabi pa ng Panginoon, “Dumarating na ang araw na tutuparin ko


ang aking pangako sa Israel at sa Juda. At sa panahong iyon,
pasisibulin ko ang matuwid na sanga ni David. Paiiralin niya ang
katarungan at ang katwiran sa buong lupain. Sa mga araw ring
iyon, maliligtas ang mga taga-Juda at mapayapang mamumuhay
ang mga taga Jerusalem. At sila’y tatawagin sa pangalang ito: ‘Ang
Panginoon ang ating katwiran.’ ”

Tagabasa Ito ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN | Awit 50 |

ANG DIYOS NA PAPARATING, ATIN SIYANG SAMBAHIN!

Namumuno Ang dakilang Panginoon, si Yahweh na


nagsasaysay, ang lahat ay tinatawag sa silangan at
2
kanluran, magmula sa dakong Sion, ang lunsod ng
kagandahan, makikita siya roong nagniningning
kung pagmasdan. TUGON.

Namumuno Ang Diyos natin ay darating, ngunit hindi


matahimik; sa unaha’y nangunguna ang apoy na
nagngangalit, bumabagyong ubod lakas,
humahangin sa paligid. Ginagawa niyang saksi ang
lupa at kalangitan, upang masdan ang ganitong
paghatol sa mga hirang. TUGON.

Namumuno “Ang lahat ng matatapat na lingkod ko ay tipunin,


silang tapat sa tipan ko’t naghahandog niyong
hain.” Ang buong kalangita’y naghahayag na ang
Diyos, Isang hukom na matuwid, kung humatol ay
maayos. HULING TUGON.

IKALAWANG PAGBASA |1 Tesalonica 3:9-13|

Panalangin ni San Pablo sa mga taga-Tesalonica na mapanatili


ang pag-ibig sa bawat isa bilang pagpapakita ng tunay na
pagsunod. At sa gitna ng pagsubok, palakasin ang
pananampalataya nang bawat isa.

Tagabasa Pagbasa mula sa unang sulat ni San Pablo sa


mga taga – Tesalonica.

Paano kaya namin mapasasalamatan nang sapat ang Diyos na


kagalakang dulot nito sa amin? Mataimtim naming idinadalangin
araw-gabi na kayo’y muli naming makita at matulungan sa
ikagaganap ng inyong pananampalataya. Loobin nawa ng ating
Diyos at Ama at ng ating Panginoong Hesus na makapunta kami
riyan. Palaguin nawa at pag-alabin ng Panginoon ang inyong pag-
ibig sa isa’t isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo.
Kung ito ang mangyayari, palakasin niya ang inyong loob. Sa
gayon, kayo’y mananatiling banal at walang kapintasan sa
harapan ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng
ating Panginoong Hesus, kasama ang mga hinirang niya.
3
Tagabasa Ito ang Salita ng Panginoon.
Bayan Salamat sa Diyos

Tatayo ang lahat upang magbigay galang sa paghahatid ng Banal


na Ebanghelyo ng Panginoon.

EBANGHELYO | Lucas 21:25-31 |

Aleluya, Aleluya! Buong pusong tumatawag itong iyong abang


lingkod, ako’y iyong dinggin, Yahweh, at susundin ko ang utos.
Tumatawag ako, Yahweh, sa iyo ay dumaraing, iligtas mo ako
ngayo’t ang utos mo ang susundin. Aleluya, Aleluya
Awit. 119:145-146

Diyakono/Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon


Hesukristo ayon kay San Lucas.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Kung may insenso magsusuob nito.

Noong panahong iyon sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad,


“Magkakaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituin.
Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at
mga daluyong ng dagat. Ang mga tao’y hihimatayin sa takot dahil
sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagkat
mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga planeta
at iba pang katulad nito na nasa kalawakan. Sa panahong iyon,
ang Anak ng Tao’y makikita nilang dumarating na nasa alapaap,
may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan. Kapag
nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo
sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo.” At sinabi sa kanila ni
Hesus ang isang talinghaga: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at
ibang punungkahoy. Kapag nagdadahon na ito, alam ninyong
malapit na ang tag-araw. Gayon din naman, kapag nakita ninyong
4
nangyayari na ang mga ito, malalaman ninyong malapit nang
maghari ang Diyos. Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito
bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa ngayon.
Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko’y hindi
magkakabula.”

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Isusunod ang Homilya at ipagpapatuloy sa Liturhiya ng Banal na


Eukaristiya.
PANALANGIN NG BAYAN
Pari: Ipinaaalaala sa atin ngayon ng Salita ng Diyos ang
pagdating ni Kristo bilang ating hukom, at kung
paano tayo dapat maghanda sa pagharap sa kanya.
Buong kababaang-loob nating ipanalangin ang
biyayang pagsalubong sa kanya nang may malinis
na konsiyensiya at pakumbabang pananalig.
Maging tugon nati’y: Panginoon, pabanalin mo
kami!

Lector: Para sa Simbahan: Nawa siya’y maging mabisang


paalaala sa buong mundo na ang Panginoon ay
tuwinang dumarating sa atin sa katauhan ng lahat
ng humihingi sa atin ng tulong. Manalangin tayo!
Panginoon, pabanalin mo kami!

Lector: Para sa Obispo Maximo, mga Obispo, at mga pari:


Sa pamamagitan ng kanilang halimbawa, sila
nawa’y maging inspirasyon sa buong Simbahan, sa
pagiging laging handang sumalubong kay Hesus.
Manalangin tayo! Panginoon, pabanalin mo
kami!

Lector: Para sa lahat ng magulang at guro: Ituro nawa nila


sa kanilang mga anak at estudyante kung paanong
makita si Hesus sa kanilang kapwa at salubungin

5
siya sa kanila. Manalangin tayo! Panginoon,
pabanalin mo kami!

Lector: Para sa mga Kristiyanong inuusig dahil sa kanilang


pananampalataya: Nawa sila’y manindigan at di
panghinaan ng loob, sa tulong ng panalangin at
suporta ng lahat ng mga bansa. Manalangin tayo!
Panginoon, pabanalin mo kami!

Lector: Para sa mga malapit ng mamatay: Nawa sila’y


maging handang humarap sa Panginoong ating
Hukom, lubos na nagsisisi sa kanilang mga
kasalanan at pakumbabang nagtitiwala sa kanyang
awa. Manalangin tayo! Panginoon, pabanalin mo
kami!

Lector: Para sa ating lahat: Nawa mamuhay tayo sa bagong


taong liturhikong ito na bukas para sa inspirasyon
ng Panginoon, handang gawin ang kanyang
kalooban at sa ganon ay makapag-ambag sa
pagtatatag ng kanyang Kaharian. Manalangin tayo!
Panginoon, pabanalin mo kami!

Lector: Tahimik nating idalangin ang ating mga pansariling


kahilingan.

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari: Manalangin tayo.


Panginoong Hesus, pinananabikan namin ang iyong
pagdating nang buong pananalig at pag-asa. Itulot
mong buong puso ka namin salubungin at
makibahagi kami sa iyong kaligayahan
magpakailanman. Amen.

You might also like