Science 3 Q2 M14 LAYOUT

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Science 3

Science 3
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 14
Pagpaparami ng mga May Buhay
Agham – Ikatlong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 14: Pagpaparami ng mga May Buhay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Geraldine Joy S. Bumanlag


Editor: Melinda P. Iquin, Maritess R. Borras,
Loralyn Sarmiento, Ephraim Villacruzis
Tagasuri: Liza A. Alvarez, Doc Louie Dasas
Tagaguhit: Lovely Rollaine Cruz, Johanna Marie B. Roxas
Tagalapat: Mark Kihm G. Lara, Janeth Morte
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham – Ikatlong Baitang ng
Modyul tungkol sa araling Pagpaparami ng mga May Buhay !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Science 3 Modyul ukol sa Pagpaparami ng mga


May Buhay!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang kaibahan ng mga


bagay na may buhay at walang buhay. Natuklasan mo rin ang
mga katangian ng lahat ng may buhay. Sa modyul na ito ay
tatalakayin ang paraan sa pagpaparami ng mga may buhay.
Lahat ng pagsasanay sa modyul na ito ay tutulong sa iyo na
matutuhan at maunawaan ang kasalukuyang aralin.
Matapos pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan ka
nang:
1. makapagbigay idea kung paano dumarami ang mga
may buhay na magkauri;
2. maipaliwanag ang yugto ng buhay ng mga hayop,
halaman, at tao; at
3. maipakita ang pagpapahalaga sa pagpaparami ng mga
bagay na may buhay.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang


sagot sa sagutang papel.
1. Anong hayop ang nagmula o galing sa itlog?

A. B. C. D.

2. Paano naikakalat ang mga binhi o buto ng halaman?


A. Tinatangay ng hangin at nahuhulog sa lupa.
B. Nahuhulog sa lupa mula sa magulang na halaman.
C. Kumakapit sa katawan ng hayop at natatangay sa ibang
lugar.
D. Posible ang lahat ng nabanggit.
3. Naglalaro kayo ng kapatid mo sa may tabi ng sapa nang
may nakita kayong iba’t ibang laki ng palaka, paano
nagpaparami at lumalaki ang palaka?

A.

B.

C.

D.

4. Kung ikaw ay isang mag-aaral ng Grade 3, sa aling yugto ng


paglaki ka kabilang?
A. sanggol
B. paslit (toddler)
C. bata (kid)
D. Teenager
5. Sa pagdaan ng panahon, patuloy ang pagpaparami ng
may buhay. Ang sumusunod ay kahalagahan nito MALIBAN
sa:
A. Pagpapatuloy ng lahi na mangangalaga sa kapaligiran.
B. Pagpaparami ng mapagkukunan ng pagkain.
C. Paglalagay ng mga walang buhay sa ayos.
D. Pagpapanatili ng balanse ng kalikasan.
BALIK-ARAL

Ngayong araw na ito ay mayroon tayong panibagong paksa


kaugnay sa iyong napag-aralan sa nakaraang modyul. Bago tayo
tumungo sa ating aralin ay balikan natin ang iyong natutuhan sa
nakaraang modyul. Uriin ang mga bagay may buhay o walang
buhay. Isulat ang pangalan ng mga larawan sa kahon.
May Buhay Walang Buhay
ARALIN

Pagmasdan ang mga larawan.

Figure 1. Mga bagay na may buhay at ang kanilang anak o bagong sibol

Ano ang iyong napansin sa mga larawan?


Ipinakikita sa mga larawan ang mga may buhay ay may
kakayahang gumawa ng katulad ng kanilang uri. Ang prosesong
ito ay tinatawag na reproduction o pagpaparami.
Basahin ang maikling kwento ni Edna at Eduardo, alamin ang
iyong matututuhan dito.

Ang Pagpaparami ng mga Hayop


Si Edna at Eduardo ay
nagpunta sa bukid ng
kanilang lolo. Masaya
silang makita ang
maraming hayop. Makikita
sa larawan ang mga
hayop na nakita nila,
maaari mo bang
pangalanan ang mga ito?
Hinanap ni Edna at Eduardo ang kanilang lolo. Nakita nila na
tinutulungan ng kanilang lolo na manganak ang alagang baboy
nito.
Sina Edna at Eduardo ay tuwang-tuwa habang pinapanood kung
paano magsilang ang baboy sa kanyang mga biik. Nang palubog
na ang araw, nakita nina Edna at Eduardo na ang inahing manok
ay pumunta sa kanyang pugad. Nakita nila ang tatlong itlog sa
pugad nito.

“Hintayin ninyo hanggang sa mapisa ang itlog at lumabas ang


mga sisiw”, wika ng kanilang lolo. Nalaman nina Edna at Eduardo
na ang mga hayop ay isinisilang sa iba’t ibang paraan.

Figure 2. Paghahambing sa pagsilang ng baboy at manok.

Tanong:
1. Paano nanganganak ang baboy? _________________________
2. Paano naglalabas ng anak ang manok? ___________________
3. Ano pang hayop ang isinisilang tulad ng baboy at manok?
Tulad ng Baboy: __________________________________________
Tulad ng Manok: __________________________________________
Ang mga hayop ay maaaring pangkatin ayon sa kung paano
sila isinisilang. Mayroong mga hayop na ipinanganganak na
kawangis agad ng kanilang mga magulang. Mayroon ding mga
hayop na ipinanganganak bilang itlog.
Nabubuo ang panibagong indibidwal dahil sa pagsasama
ng egg cell ng babae at sperm cell ng lalaki. Fertilization ang
tawag sa prosesong ito. Mayroon itong dalawang (2) uri:
kung saan ang egg cell at sperm cell
1. Internal ay nagtatagpo sa loob ng katawan ng
Fertilization ina. Halimbawa nito ay manok, ibon,
baboy, aso, kabayo, at tao.

kung saan ang egg cell at sperm cell


2. External
ay inilalabas sa matubig na paligid.
Fertilization
Halimbawa nito ay palaka at mga isda.

Ang mga hayop sa sumusunod na larawan ay


ipinanganganak na kawangis ng kanilang ina at ama. Ang mga
ito ay lumalaki sa sinapupunan ng ina bago maipanganak, tulad
din ng mga tao.

Figure 3. Mga hayop na isinisilang na kawangis ng magulang

Ang Pagpaparami ng mga Tao


Tingnan mo ang iyong sarili sa salamin. Tingnan mo ang
iyong nanay at tatay. May pagkakatulad ba ang inyong itsura?
Tingnan mo ang iyong larawan noong ikaw ay sanggol pa. May
pagkakatulad ba ito sa itsura mo ngayon?

middle
paslit/ binatilyo/ binata/
sanggol bata aged retired elderly
musmos dalagita dalaga
adult
Figure 6. Yugto ng paglaki ng mga tao

Ang tao ay isinisilang tulad ng ibang hayop. Ipinanganganak


tayo ng buhay at kawangis ng ating mga magulang. Dahil sa
kakayahan nating magproseso ng mga sustansya galing sa ating
kinakain, lumalaki tayo. Sa bawat yugto ng ating paglaki at
pagtanda nagbabago ang pisikal nating kaanyuan at kakayahan.
May kakayahan na ang mga taong mag-reproduce pagsapit sa
hustong gulang na yugto ng buhay.

Ngayon, tingnan naman natin ang mga hayop na mula sa


itlog.

Figure 4 . Larawan ng mga Hayop na Nangingitlog

Pareho ba sila ng kanilang ina? Ang mga hayop na mula sa


itlog ay dumaraan sa ilang yugto bago sila maging kamukha ng
kanilang ina.
Tingnan ang ilang halimbawa ng mga hayop na galing sa
itlog at kung paano sila lumalaki.

egg chick chicken

egg caterpillar pupa butterfly


eggs tadpole froglet adult frog

Figure 5. Yugto ng paglaki ng mga hayop na isinilang na itlog


Sila ay ipinanganganak na itlog bago maging ganap na indibidwal
na hayop na tulad ng kanilang magulang.

Ang Pagpaparami ng mga Halaman

Basahin at unawain ang tula.


Baby Plant
Ni: Jose M. Ocampo, Jr
Isinalin sa tagalog ni: Geraldine Joy S. Bumanlag

Halaman na sanggol, halaman na sanggol


natutulog nang labis
sa sinapupunan ng binhi
sa loob ng prutas na kay tamis

Halaman na sanggol, halaman na sanggol


natutulog nang labis.
Naghihintay na lumabas
sa bungang lupa ika’y umusbong

Sariwang berdeng dahon


lumalabas sa mga dahon
isang bagong halaman
nagmumula sa mga dahon

Kumusta, bagong halaman!


Na tumubo malapit sa mga ugat
Bagong pag-asa sa mga halaman
Na umusbong mula sa mga tangkay
Paano lumalaki at dumarami ang mga halaman?
_________________________________________________________
Ang iba't ibang mga halaman ay lumalaki sa iba't ibang paraan.
Ang ilang mga halaman ay lumalaki mula sa mga buto na
maaaring malaglag sa prutas, matangay ng hangin o tubig. Ang
iba naman ay lumalago mula sa mga bulb o bungang lupa. May
lumalaki mula sa mga dahon at lumalaki mula sa mga
pinagputulan ng tangkay.

Mga halimbawa ng halaman na tumutubo sa;


1. buto
atis, mangga, monggo, bayabas, papaya, kamatis
2. bulb
sibuyas, bawang
3. dahon
katakataka, snake plant, aloe vera
4. tangkay
santan, rose, cactus, bougainvillea
May alaga ba kayong halaman sa bahay? Paano ito
pinaparami?

Nakatutwang malaman kung paanong ang mga bagay na


may buhay ay nakapagpaparami ng katulad nila. Ano kaya ang
mangyayari kung ang mga may buhay ay nawlan ng kakayahang
magparami? Naalala mo ba ang kwento tungkol sa Arko ni Noe?
Pagkatapos ng malaking baha, nagpatuloy ang pagpaparami ng
mga may buhay dahil sa magkakaparis na hayop na isinama ni
Noe sa Kanyang arko.
MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Itlog o Hindi


Panuto: Gumuhit ng simbolong kung ang hayop ay isinisilang
ng buhay at kung ito naman ay galing sa itlog. Isulat sa sagutang
papel ang tamang sagot.

_______1. _______2. _______3.

_______4. _______5.

Gawain 2: Pagpapadami ng Halaman

Panuto: Tukuyin kung paano tumutubo at dumarami ang mga


halaman. Iguhit ang angkop na simbolo sa loob ng kahon.

buto bulb tangkay dahon

1. katakataka 2. kamatis 3. santan 4. sibuyas 5. bougainvillea


Gawain 3: Ang Aking Paglaki

Panuto: Kumpletuhin ang tsart ng iyong paglaki. Idikit ang iyong


larawan sa bawat kahon. Kung walang makitang larawan,
magpatulong sa nakatatandang kasama sa bahay para
mailarawan ang yugto ng iyong paglaki.

Noong ako ay Noong ako ay Heto ako


sanggol pa! mallit pa! ngayon!
PAGLALAHAT

Panuto: Punan ng impormasyon ang “concept map” ng iyong


mga natutuhan sa aralin kung paano nagpaparami ang mga
may buhay.

HALAMAN

PAGPAPARAMI
NG MAY
BUHAY
HAYOP

TAO
PAGPAPAHALAGA

Gumawa ng isang panalangin ng pasasalamat tungkol sa buhay


na bigay ng Diyos sa mundo. Ilagay ang larawan mo at ng iyong
magulang sa inilaang espasyo.

______________________________
Larawan Mo ______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang


sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang ipinanganganak ng buhay at
kawangis ng mga magulang?

A. B. C. D.
2. Paano nagkakaroon ng bagong puno?
A. Pumuputol ng sanga at itatanim sa lupa.
B. Ang hinog na prutas ay nalalaglag sa lupa.
C. Dinudurog ang buto at ibinubudbod sa lupa.
D. Ibinababad sa tubig ang dahon at saka itinatanim.

3. Ang sumusunod ay yugto ng buhay.


Alin ang hindi tama sa pagkakaayos?
A.

B.

C.

D.
4. Ikaw ay mag-aaral kahit nasa bahay. Kasabay nito ang
pag-aalaga mo sa iyong nakababatang kapatid na isang
taong gulang, alin sa sumusunod ang kaya mong gawin na
pag-aalaga sa kanya?
A. Pasulatin siya .
B. Pabasahin siya.
C. Makipaglaro sa kanya.
D. Bigyan siya ng gatas at makipaglaro sa kanya.

5. Ang lahat ng may buhay ay bahagi ng kalikasan. Kung hindi


natin pangangalagaan at iingatan ang mga na may buhay
tulad ng halaman at hayop, ano ang magiging epekto nito
sa ating kapaligiran?
A. Pagdami ng pagkain.
B. Pag-unlad ng ekonomiya.
C. Pagkakaroon ng sariwang hangin
D. Nagbabadyang pagkawala ng mga ito.
SUSI SA PAGWAWASTO

5.
4.
3.
2.
D 5.
D 4.
C 3.
B 2. 1.
B 1.
(pagdidikit ng larawan)
PAGSUSULIT
PANAPOS NA GAWAIN 3 GAWAIN 2

paso tao

5. upuan halaman
C 5.
4. bola paruparo C 4.
3.
2. D 3.
BUHAY
1. D 2.
WALANG MAY BUHAY
A 1.
PAGSUBOK
GAWAIN 1 BALIK ARAL PAUNANG

Sanggunian
A. Books
Fallaria, Rebecca R. et.al. 2004. Science Spectrum. Quezon City.
Rex Book Store, Inc.p. 78

Ocampo, Laura V. et.al. 2007. Cyber Science. Quezon City. Rex


Book Store, Inc. p. 53, p. 107

Villanueva, Lilia R. 2006. Science: Towards a Healthy and Progressive


Environment. Quezon City. Sunshine Interlinks Publishing House,
Incorporated. p. 110, p. 166
B. Online Images

"Refuse to Let It Grow!". 2 September 2010


Fromthepagesoflove.Blogspot.Com
http://fromthepagesoflove.blogspot.com/2010/09/refuse-to-let-it-
grow.html. [Accessed 7 July 2020].

"Life Cycle of a Human Coloring Page | Free Printable Coloring


Pages". Super Coloring, 2020.
http://www.supercoloring.com/coloring-pages/life-cycle-of-a-
human.

You might also like