DASAL
DASAL
DASAL
Kung kayo po ay susugurin ng taong kinukulam para kayo ay saktan banggitin po lamang ninyo ang
oraciong ito at ihihip sa kanya ay siguradong hindi siya makakaalis sa kanyang pagkakatayo.
Ang sampung ngalan ng diyos na sang-ayon kay moses na kapag sinulat sa papel o inukit sa medalya ay
nagbibigay ng MAGANDANG SUERTE O KAPALARAN.
EL, ELOHA, ELOHIM, JEVE, SABAOTH, SHADAY, JAH, EHIEH, ADONAY, JEHOVAH
Naito po ang mga salitang kinasisilawan ng masasamang espirito o lamang lupa.Kung ang isang tao ay
kinukulam ay banggitin po lamang ang mga salitang ito sa kanyang harapan at sigurado po na ang taong
ito ay takot na takot at silaw na silaw sa taglay mong kapangyarihan.
ORASCION na pamako sa masamang espirito. Kung ang isang taong kinukulam lumlaban at nais mong
ipakoang kanyang mga kamay at paa saan mang sulok ng kanilang tahanan ay banggitin po lamang
ninyo ang orascion na nasa ibaba nito at ihihip sa inyong daliri na sabay lapat ng kamay sa ding ding ng
taong kinukulam ay para siyang ipinako sa krus.
Kapangyarihan upang magkasundo at mag-ibigan ang mag-asawa. Bigkasin po lamang ninyo sa tuwi-
tuwina
ang ORASCION na nasa ibaba nito sa harapan ng inyong asawa at sigurado po kayo ay kanyang
mamahalin.
ORASCION:
FORNEUS tayoy magkakasundo,
FUR FUR akoy iyong mamahalin
TIRINTORIAN CALIHILO HAMIDA
Limang kutsara ng tubig na ihalo sa bawat pag-inom ng sofdrinks, kape, sopas, beer o anumang inumin.
Paunawa: Bigkasin o usalin ang pangalan at apelyido at ang orascion na nasa ibaba nito at ihihp sa
bawat painom na iyong gagawin sa mga taong nagmamahalan o nagsasama.
3. Kapangyarihan sa PAG-IBIG sa abot po ng iyong tanaw sa iyong nililigawan ay titigan mo siya ng ubos
diin at saka usalin ng tatlong beses sa iyong isipan ang orascion ito at siguradong hindi mapapalagay ang
iyong minamahal habang hindi kayo nagkikita o nagkakausap na dalawa.
JESUS DOMINO NINO JESUS QUEM TEMBLA EL NINO, JESUS MARIA Y JOSEPNET VERBUM
ACTUMES ET HAVIT AVIT ABIT HINOBIS ANGELORUM DOMINO AVE VERITAS NUTIS PULISTAS
SABUTOLARO BILILA LENISTE NAZARENUM ATAMIA MITAM NADURIGNUM CABIBINIO
CABILIGNUM TISDE SAPITISEM SUBSUM SANCTUM.
ANGEL NG DIOS, TAGATANOD KONG MAHAL, NA ANG PANGINOON SA IYO AKOY HINABILIN,
SUMAPILING KANG LAGI, ANGEL NA BANAL, AKOY TANGLAWAN, INGATAN, PAMAHALAAN AT
AKAYIN, IN CONSPECTUS ANGELORUM PSALM TIBI DEUS MEUS ADORABLE AL TEMPLUM
SANCTUM TUUM ET CONFITEBUR NOMINI TUO MACMAMITAM SALSEDAS LUMPACAS PEREIT
AVOBIS CAPACSAC COPNUM PANAPTAM SABAB PAAP SARAS MOMOMOM.
1. ALEF- Kasanayan,katusuhan,diplomasya.
2. BETH- Mga kalihiman,kahiwagaan.
3. SHIMEL- Pagpaparami,pagtubo,kasariwaan,katalinihan.
4. DALETH- Kapangyarihan,kalagayang matatag.
5. HE- Karunungan,pagdidiwa,mapaglikha.
6. VAU- Pag-ibig,kagandahan,mapang-akit.
7. ZAIN- Abulo,tulong ng langit.
8. HETH- Katarungan,pagtatapat.
9. TETH- Kabaitan, pananampalataya.
10. JUD- Gulong ng palad,hantungan.
11. CAF- Lakas ng diwa,masigla,mapaggawa.
12. LAMED- Pagtalima,gawa,paghihirap.
13. MEM- Pagkamatay,pagkasira,pagkawala.
14. NON- Pagpapalit,pagkakapihitpihit.
15. SAMECH- Di masayod na kalakasan.
16. HAIN- Pagkalubog,biglang kapamahakan.
17. PE- Ang langit,kapalaran,pag-asa.
18. TSADE- Ang tubig,kadiliman,pangingilabot.
19. CAF- Kaliwanagan,apoy,pagpapakilala.
20. RESH- Kaguluhan,balita,kaingayan.
21. SNHIN- Magulong pag-iisip kaululan,himdi timbang.
22. TAU- Katutuhan,kaganapan,lahat kay bathala.
PALIWANAG: Ang ngalang jose rizal ay may 9 na letra o katitikan, kung hahalagan ng mga sinasabi ng
mga ARKANO ay makikita natin sa kabilangan ng 9 itong sumusunod:
TETH- Kabaitan,Pananampalataya o religion. Ang ibg sabihin ay siyay mabait sa buong kabuhayan,
ngunit siyay mapapalungi sa pananampalataya o religon. Ating pong ganapin ang pagtarok ng kalihimang
ito.
J-15 R -11
O-8 I -15
S-20 Z -70
E-3 A -1
TOTAL=46 L -21
TOTAL=118
Kung pagtitipunin nating sumahin ang dalawang kabuoang ito ay lumalabas na 164 ay malaki ang bilang
sa 22 arkano ni thot ay dapat na gawin ang ganito:
164=1+6+4=11. Ang nuerong 11 ay matutunghayan na sa 22 arkano ni thot at ang nagsasaad ay ganito:
CAF- Lakas ng diwa, masigla, mapaggawa. Ang kinalalabasan nito ay nangangahulugan na si jose rizal
ay may malakas na diwa,Sagisag ng mga marurunong.ng mga manunubos,likas na masigla sa ano mang
isipin at mapaggawa sa maraming bagay na kanyang ikatatanghal o ikakapahamak.
PALIWANAG: Ito po ang ORASCION sa kahoy na sinukuan. Sasambitin po lamang ang pangungusap na
ito sa kanyang harapan
upang siyay mapasailalim ng iyong kapangyarihan:
SUKUAN LISOMIYA TALUBLE DEPATA LAMTAM SANITAM KURIAM SUKO HUM at idiin ang kanang
paa.
Susi: MITAM FEDERCTUM MARIA JESUS HUM
CRUCEM SPILLAR SANTA MATILDE JESUS DOMINI JESU CHRISTO IN SALVUM NI FACTUM
ET MESEAS QUE BILABIT LISIT NORITAES HOCSIT
3. Orascion upang mapigil ang apoy sa isang pagkakasunog ay dasalin ang mga sumusunod na
orasciones at maliligtas ang bahay
nagdadasal.
ORASCION: APOY NG DEUS, MAWALA ANG IYONG INIT, KATULAD NG PAGKAWALA NG INIT NI
JUDAS NG PAGTAKSILAN
NIYA SI JESUS NA PANGINOON SA HALAMANAN NG OLIBAS SATOR AREPO TENET OPERA
ROTAS AMEN.
Ngayon upang di na lumipat o dumaiti ang apoy sa inyong bahay ay bigkasin o usalin mo ng buo ang
orascion ito sa apat na sulok
ng inyong bahay at isunod mong bigkasin ang pinakasusi.
Sambitin o usalin ng tatlong beses ang orascion ito at ihihip sa parting may sugat
o namamaga at siguradong mawawala ang pamamaga at maghihilom ang sugat.
Orascion upang di ka maharang ng masasamang loob saan mang lugar.Banggitin mo lamang ito habang
ikaw ay naglalakad:
MITIM GLADIUM IN BAGINAM MIHI PATER NUN VIVAT ELIUM SOM ROM DUM
at
7. Tagaliwas sa kapahamakan
OPHEVETE
o kaya
tsaleko
Ipinaskil ni Dave Malinao sa 4:18 AM Walang mga komento:
I-email ItoBlogThis! Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest
Mga etiketa: mga orasyon, orasyon
SANG-AYON SA MGA HULING SURVEY, ANG BUONG MUNDO NGAYON AY MAYROON NANG
HUMIGIT KUMULANG 12 BILYONES POPULASYON NG TAO; SA DAMI NITO, HINATI-HATI ITO NG
MARAMING IDOLOHIYA AT LIMANG RELIHIYON TULAD NG:
1. KRISTIYANO
2. BUDHISMO
3. SINTOISMO
4. HINDUISMO
5. MUHAMEDANISMO
ANG RELIHIYON AY SIYANG NAMAMAGITAN NG DIYOS AT NG TAO, KUNG WALA ANG RELIHIYON
ANG TAO AY HINDI MAKAKAKILALA SA DIYOS. DAHIL DITO NAGMUMULA ANG DOKTRINA NA
SIYANG GINAGAMIT NG DIYOS UPANG SIYA AY KILALANIN NG MGA TAO SA LUPA.
ANG PILIPINAS AY ISA SA KILALANG BANSANG KRISTIYANO SUBALIT ANG MGA PILIPINO AY
HINDI MAGKAISA SA KANILANG PANANAMPALATAYA, BAGAMAT NAGKAISA ANG PANANAW NA
TIYAK NA MAYROONG DIYOS. HINDI SILA PAREHA NG SEKTA SA BIBLIYANG SINASANG-AYUNAN
NA KUNG SAAN ANG PINAGMULAN NG MGA KANI-KANILANG PANINIWALA NG DIYOS.
MALIBAN DITO MAYROON DING MGA GRUPO NA MAY TIWALA SA DIYOS SUBALIT HINDI NILA
GINAMIT ANG BIBLIYA.
ITO ANG MGA TAONG NAG-AARAL NG MGA LATIN NA SIYANG GINAMIT BILANG MGA ANTING-
ANTING NA KUNG TAWAGIN AY MGA “PANATIKO"
KUNG ATING TUNGHAYAN, ANG RELIHIYON AY NAHATI SA DALAWANG URI NG PANINIWALA, ANG
ISA AY BASE SA BIBLIYA AT ANG ISA AY BINABASE SA AKLAT NG KALIKASAN, NA DITO KINUKUHA
ANG MGA SALITANG LATIN NA GNAMIT SA KANILANG MGA PAMAMARAAN NG PAGDARASAL. ITO
ANG MGA KARUNUNGAN NG DIYOS NA NAKILALA SA TAWAG NA ECCLESIASTICAL AT ESOTERIC.
1. ECCLESIASTICAL – ito ang karunungan ng Diyos na kung tawagin ay HAYAG dahil ito ay nakasulat
sa mga aklat lalung-lalo na sa Bibliya. Dito nagmula ang sekta na ginamit ng mga mananampalataya
upang mabuo ang mga kanilang grupo sa paniniwala sa Panginoon.
2. ESOTERIC – ito ang karunungan ng Diyos na TAGO, dahil hindi ito matutunghayan sa Bibliya, subalit
ang mga mag-aaral dito ang gumamit ng salitang aklat ng kalikasan na siyang pinagkunan ng kanilang
mga kaalaman, at ang mga taong ito ay tinaguriang mga KULTO.
Ang dalawang karunungang ito ay hindi nagkakaintindihan. Ang mga taong humahawak ng karunungang
iyo ay nagsisiraan at nagpapayabangan; sabi ng nasa Sekta; kayong nag-aaral ng LATIN at naniniwala
sa ANTING-ANTING ay mapupunta sa impyerno dahlia ang karunungang yan ay galing sa demonyo. At
ang mga tao naman na nasa KULTO ay nagsasabi ng ganito; kayong nagbabasa sa Bibliya ay walang
puwang sa harapan ng Panginoon dahlia kulang ang inyong kaalaman tungkol sa Diyos ang
pinakikinggan lang na salita ng Diyos ay ang LATIN dahil ito ang opisyal na salita ng Diyos.
Kung ating saliksiking mabuti, may dahilan ang Diyos kung bakit mayroong TAGO at HAYAG na
karunungan. Ang HAYAG ay gabay upang marating ang tugatog ng iyong inaasahang kaligtasan, at ang
TAGO naman ay siyang kapangyarihan na magliligtas sa oras ng mga kapahamakan at kagipitan.
Madaling sabi, dapat ay magkasama itong dalawa. Kung absent ang isa nito wala ni ang maliligtas.
Katunayan, lahat ng taong nautusan ng Diyos na nakasulat sa Bibliya ay mayroong dalawang
karunungang pinaniniwalaan pati na ang Panginoong Jesucristo.
Ang Bibliya ay makapagpapatunay tungkol sa DALAWANG KARUNUNGANg ito. Gaya sa sulat ni Mateo
sa talata 28 kapitulo 19, ganito ang sinasabi ng Panginoong Jesucristo sa kanyang mga alagad;
“HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG BANSA, BAUTISMUHAN NINYO
SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITO SANTO” Sa puntong ito, may tinutukoy si
Cristo na pangalan ng Ama, Anak at ng Espirito Santo, subalit hindi ito binanggit sa Bibliya, ano kaya ang
ibig sabihin sa mga pangalang tinutukoy ng Panginoong Jesus. Isa ang dahilan kung bakit hindi isinulat,
ito ay TAGO na karunungan ng Diyos. Kaya sa mga taong nag-aaral sa karunungang TAGO ay siyang
nakakaalam nito. Ito’y tawagin nila ay ARAM (pangalan ng Ama), ACDAM ( pangalan ng Anak), at
ACSADAM (pangalan ng Espirito Santo).
Bawat bansa ay may sariling wika, subalit ang tao ay minsan lang nagkakapareha ng salita. Ito’y sa
sandaling isilang. Lahat ng sanggol ay iisa ang alam na salita, ito ang salitang O-H-A. Sa mga nag-aaral
ng HAYAG NA KARUNUNGAN ito ay hindi binigyang pansin, subalit sa TAGONG Karunungan ito ay
mayroong matayog na kahulugan. Sa sulat ni MATEO 11:25 sa Bibliya ay ganito ang sinasabi, “NANG
PANAHONG IYO’Y SINABI NI JESUS, PINASASALAMATAN KITA AMA, PANGINOON NG LANGIT AT
LUPA, SAPAGKAT INILIHIM MO ANG MGA BAGAY NA ITO SA MARURUNONG AT MATATALINO AT
INIHAYAG SA MAY KALOOBAN TULAD NG BATA” At sa MATEO 21:16 ganito ang sinabi ni Jesus,
“MULA SA BIBIG NG MGA SANGGOL AT ANG PASUSUHIN AY PANAPAMUTAWI MO ANG WAGAS NA
PAPURI” ang kahulugan sa salitang O-H-A ay ganito ORTAC HIPTAC AMINATAC na isa lamang sa
napakaraming pangalan ng Ama, Anak at Espirito Santo.
Dagdag pa nito, ang ADRA MADRA ADRADAM ay ginamit ng mga kultong grupo bilang panawag sa
AMA, ANAK AT ESPIRITO SANTO. Sa panahon ni Moises naisulat sa EXODO 3:14-15 sinabi ng Diyos,
“AKO’Y SI AKO NGA. SABIHIN MONG SINUGO KA NI AKO NGA, NG DIYOS NG INYONG MGA
NINUNO, NG DIYOS NINA ABRAHAM, ISAAC AT JACOB. AT ITO ANG PANGALANG ITATAWAG NILA
SA AKIN MAGPAKAILANMAN”. Sa tagong karunungan, ito ang pangalang ibig sabihin ng Diyos “AHIH
ASHIR AHIH”.
May isang aklat na kung tawagin ay “Aklat ng Kalikasan” kung bakit ganito ang tawad dahil ito’y ibinigay
sa “DI PANGKARANIWANG” kapangyarihan. Sang-ayon pa, ito ay gaya ng pagkabigay sa Sampung utos
ni Moises. Ang aklat na ito ay pinagmulan ng kaalaman na sa kasalukuyan ay pinag-aaralan bilang TAGO
NA KARUNUNGAN ng Diyos. Dito sa aklat na ito ay naitala ang 1001 na pangalan ng Diyos na
pinaniwalaan hindi lamang sa Kristiyano subalit pati sa ibang sistema ng paniniwala ng Diyos gaya ng
Hapon, Muslim, Intsik, at iba pa. Sa ating mga Kristiyano ang pangalang JEHOVAH, ay pinaniniwalaan at
sinasamba. Sa aklat naman ng kalikasan ay ganito ang sinasabi, “NOONG GINAWA ANG MUNDO AY
JEHOVAH ANG PANGALAN NG DIYOS” at ang salitang JEHOVAH ay nagmumula sa mga salitang JOD
HE VAU HE na kung saan ay nagmumula sa apat na buntala na tamatangan sa mundo. Nang ginawa
ang ataw ay HICAAC ang pangalan ng Diyos, HICAOC naman nang lalangin ang buwan at HIMBODOA
naman anang ginawa ang mga bituin. Kung sabihin mong ang Diyos ay nasa Kataas-taasan, ang
pangalan nito ay EL ELYON. Alam natin na ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, ang
kanyang pangalan ay EL SHADDAI, ang Diyos ay walanag hanngang EL OLAM ang Kanyang pangalan.
Noong ginawa ng Diyos ang tao ay ELOHIM ang Kanyang pangalang ginamit, nang ginawa ang apoy ay
YAWESERE ang Kanyang pangalan, ADONAI naman nang ginawa ang tubig. Ito ay iilan lamang sa
Kanyang makapangyarihan at nakatagong pangalaan na magpapatunay na sa bawat ginawa ng
Panginoon ay iba-iba ang Kanyang pangalan.
Sa lahat ng dako na sangkatauhan maging sa Asiya, Aprika, Amerika, Russia, China, Europa at kahit sa
Pilipinas man ang bawat hugis ng hayop ay iisa kanilang salita. Sa tilaok ng manok ay maririnig natin ang
CO CO CO OC, sa tahol ng aso ay CAO, sa ibon ay OAC sa palaka ay OC AC, sa pusa ay NGIAO at
MAO, sa kambing ay ME, sa tupa ay VE, sa kalabaw ay ONGA, sa baka ay MA at sa mga isda sa tubig
ay AC CAC EC OC COC. Ang mga iyan ay pawing mga salita ng mga hayop at mga isda sa tubig. Sang-
ayon sa tagong karunungan, ang salita ng mga hayop at isda ay mayroong malawak na kahulugan na
siyang pangalan ng Diyos sa mga kani-kanilang kaalaman.
Basahin natin ngayon ang salita ng manok, ating maririnig ang mga salitang CO CO CO OC sa kanyang
pagtilaok ang tatlong CO CO CO ay isa sa maraming pangalan na nag-iisang Diyos na lumalang sa lahat
ng bagay at nagtatangan ng kapangyarihang buo. Ang OC ay ang hanging Espirito ng Diyos na
nagdadala sa Kanya sa lahat ng dako. Ang titik na O ay ORTAC at ang C ay CRISTAC.
Tunghayan naman natin ang salita ng aso. Sa tahol ng aso ay ating maririnig ang salitang CAO. Ang aso
ay tumatahol lalong-lalo na kung ito ay mayroong napansin na di pangkaraniwan para sa kanya, sabi pa
ng mga matatanda, ang aso ay tatahol kung ito ay makakita ng mga masamang espirito, nasa kanyang
pagtatahol ay lalabas sa kanyang bibig ang salitan CAO na sang-ayon sa tahong karunungan ito ay isa
sa Tagong Pangalan ng Diyos. Ang basag sa salitang CAO ay ito: CRISTAC AMINATAC ORTAC. Ganoon
din ang huning OAC ng ibong uwak, ay katulad din sa tahol ng aso ang kahulugan. Sabi pa ng aklat ng
kalikasan ang salita ng uwak ay pangalang naihayag ng lubusan. Sang-ayon pa ito ay isang pangalan ng
Arkanghel na lumalabas ang pangalan sa mata ng Diyos.
Magugunita na sa nakaraang labas nito ay naglalarawan ng mga salita ng hayop na kung saan ay
natutunghayan natin ang iilang mga tago na pangalan ng Diyos. Ganoon pa man ating ipagpatuloy ang
pagsaliksik sa mga iba ring hayop na sumasambit ditto ng mga pangalang tago.
Ang palaka ay ganito ang kanilang salita. May OC at mayroon din namang AC. Ang OC ay gaya ng
naipaliwanag sa tilaok ng manok. Ang AC naman ay pangalan ng Diyos noong nag-iisa pa lamang Siya.
Ibig sabihin noong wala pa ang mundo at ang iba-ibang planeta na sasa kalawakan. Ang dalawang titik
ng AC ay ito AMINATAC CRISTAC. Ang pangalang ito ay nagmumula sa isang malawak at matayog na
kahulugan dahil sang-ayon pa ang Diyos ay isang espirito at matayog na kahulugan. Isang espirito na
walang simula at walang katapusan na sa ibang paliwanag ay sulong kaluluwa o espirito. Ngayon ay
tuntunin natin ang dalawang salita ng pusa. Kapag nagalit ang pusa ay lalabas sa kanyang bibig ang
salitan MAO. Sabi ng kasaysayan ito daw ay pangalan ng isang matapang na espirito buhat sa Diyos at
ito ang basag ng MAO MEOROAM AMINATAC ORTAC. Ang NGIAO naman ay isang salita na laging
nasa bukang bibig ng pusa.. Ito ay isang kabanal-banalang pangalan ng kataas-taasang Diyos. Ang
dalawang titik na NG ay NI-GAUM o NAB-GEM at IAO naman ay pangalan ng Diyos na naibigay kay
Moises noong ito ay nabubuhay pa sa lupa. Ang IAO ay ang ISCHIROS ATHANATOS OTHEOS na isa sa
nakatagong pangalan ng tatlong persona.
Ang salitang ME ng kambing ay isang pangalan din ng Diyos na ang kahulugan ay MAIGSAC EIGMAC.
Ang MA naman ay salitang lagging bukang bibig ng baka, ang basag nito ay MACMAMITAM
AMICAMEAMITAM. Ang sabi lagi ng tupa ay VE, ibig sabihin ay VOLHUM EGOLHUM na isa sa
pinakatagong pangalan din ng Diyos. Gaya ni Adan noong kapanahunan ay nakakausap niya ang mga
hayupan, mga halaman at punong kahoy, at ang karunungang yaon ay nagmumula sa tagong kaalaman.
Sang-ayon sa tagong kasaysayan, si Adan ay nagkaroon ng kapangyarihan buhat sa mga tago na
pangalan ng Diyos na ibinigay sa kanya noong doon pa sila ni Eba sa paraiso. Ito ang sinabing tatlong
pangalan ng Diyos JOVE, YAHWEH at YESERAYE. Sa pamamagitan ng mga pangalang ito magaganap
ang lahat niyang nanaisin gaya ng pakikipag-usap sa mga hayupan, halaman, punong kahoy at pati na
rin sa mga may buhay sa ilalim ng tubig at mga ibong nagsisiliparan sa himpapawid. Yon ang mga ilan sa
mga pangalang binibigkas ng mga iba’t-ibang uri ng hayop, isda at ibon na kung saan ay hindi binigyang
pansin ng mga tao sa buong akala na ang mga iyan ay walang kabuluhan, subalit ang kasaysayan ng
tago na karunungan ay nagpapahiwatig na ang lahat na may buhay sa balat ng lupa ay kumikilala sa
kanyang tagapag-lalang na walang iba kungdi ang Poong Maykapal.
Ngayon ating tunghayan at saliksikin ang panimula ng HAYAG at TAGO NA KARUNUNGAN NG DIYOS.
Paano at saan ba nagsimula ang HAYAG at TAGO? Kung bubuklatin natin ang mga ito, ating
maaaninang na magkaiba ang kianilang mga pasimula. Ang HAYAG ay nagsimula sa paglalang ng Diyos
sa mundo. At ang TAGO naman ay nagsimula nang wala pa ang lahat ng bagay, ang ibig sabihin ay wala
pa kahit isa man lang sa nilikha ng Diyos……
Sa unang labas ng seryeng ito naipaliwanag na ang Diyos ay mayroong dalawang uri ng karunungan. Ito
ay ang Tago at Hayag na sa kasalukuyang ay ginamit na ng mga tao subalit hindi ito naintindihan ng
maigi. Ngayon, ating tutunghayan at sasaliksihin ang simulain ng dalawang karunungan ito. Paano at
saan ba nagsimula ang Hayag at Tago? Kung bubusisiin natin ang mga ito, ating maaaninag na
magkakaiba ang bawat pinagmulan. Ang Hayag ay nagsimula ng likhain ng Diyos ang tao sa mundo
habang ang Tago ay nagsimula sa wala pa ang lahat ng bagay. Ang ibig sabihin, ay wala kahit isa man
lang sa mga linikha ng Diyos.
Sa Aklat ng Genesis sa Biblia, ganito ang panimula, Gen. 1:1, 2 at 3 "NANG SIMULA LIKHAIN NG
DIYOS ANG LUPA AT LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO, DILIM ANG BUMABALOT
SA KALILIMAN AT UMIIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG", SINABI NG DIYOS:
"MAGKAROON NG LIWANAG AT NAGKAROON NGA." Sa puntong ito mayroong bagay na hindi
maipaliwanag, bakit? Kasi maliwanag na sinabi na sa pasimulang likhain pa lamang ng Diyos ang lupa at
hangin ay mayroon ng lupa subalit ito'y wala pang hugis at ang hangin ay umiihip na sa ibabaw ng tubig.
Sa madaling salita, sa hayag na karunungan (bibliya) hindi maipaliwanag ng lubusan ang tawag na
simula nang ang mundo ay likhain ng Diyos. Paano nilikha ang lupa, hangin at tubig? Ang mga ito ay
hindi na binanggit sa Biblia. Subalit sa Tagong karunungan ay ganito ang sinabi: "Bago likhain ng Diyos
ang bagay partikular na sa ating daigdig, ay inihanda muna Niya ang Apat na Elemento na siyang
magiging sangkap sa sanlibutan. Ito ay ang HANGIN, TUBIG at LUPA. May sinabi ang Diyos na ganito:
"ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TEASET BUITARAP ACME MIMJARUL LEGARA HAMUSA
VINESA MATUMI EROP BUNSIRAP." Nang ito'y masabi lumitaw ang lupa, lumalagablab ang init ng
Apoy, umihip ang simoy ng Hangin at umoudyap-udyap ang paggalaw na parang maliliit na alon ng tubig.
At muling nagsalita ang Diyos. "CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM," ibig sabihin ay simulan ko
nang gawin ang langit at ang sanlibutan at nagsalita pa muli ang Diyos ng ganito: "MANAOT LUMBRATE
ACTIVE DENS MEAVITA DEUS SANCTE MEUS", nang matapos itong sabihin nagkabuklod-buklod ang
lupa, tubig, apoy at hangin. Muling nagsalita ang Diyos ang ganito: "MALQUE ATIM MIRBEATIM
MACMITIM, at ang tubig ay nagkabuklod-buklod sa magkaibang-ibang lasa.
Sang-ayon sa Biblia, sa aklat ng mga awit 90:2 ganito ang sabi: "WALA PA ANG MGA BUNDOK, HINDI
MO PA NILALANG, HINDI MO PA NILILIKHA ITONG BUONG DAIGDIGAN, IKAW NOON AY DIYOS NA,
PAGKAT IKAW AY WALANG HANGGANG," madaling sabi, ang Diyos ay walang simula at walang
katapusan, kaya siya ay tinawag sa mga kultong grupo na INFINITO DEUS.
Kung ganyan ang kalagayan ng Diyos, mayroong tanong na ganito: Noong wala pa ang mundo saan
nakatira at ano ang kalagayan ng Diyos? Kung ang Biblia ang pananagutin natin, walang malinaw na
sagot na mababasa mo, subalit sa Tago na karunungan ay mayroon, at ito ang nakasulat sa Aklat ng
Kalikasan. Noong wala pa ang mundo ang Diyos ay naririyan na, at Siya ay nakatira sa kanyang kaharian
na siya rin ang kanyang kapangyarihan na kung tawagin sa Tagong karunungan ay "CIELO DE
CHRISTILLENO" na ang ibig sabihin ay "langit sa mga langit."
Bagamat wala pa ang lahat maliban sa Diyos na nag-iisa, ang sinasabing langit sa mga langit kagaya ng
kalawakan na hindi malalaman ang pinagmulan at ang hangganan nito. Ang sinasabing kalawakan ay
isang puwang na lugar na walang nilalaman, subalit ito'y napupuno at nababalot ng isang liwanag na
walang simula at wala ding hangganan, sang-ayon sa Aklat ng Kalikasan ay ganito: AAZZAAXXXAACZA
ZAAX ZAAZ ZAXAZ JIY OAFI JAAIYEI", ang ibig sabihin ay ang karunungan ng Diyos ay hindi kayang
abutin ni nino man na nilalang sa lupa kahit sa isip lamang.
Sa nakaraang labas ay tinutukoy ang kalagayan at tirahan ng Diyos noong wala pa ang mundo at ang
lahat na mga bagay, kasaysayang naglathala sa pamamagitan ng kwentong balot sa mga mesteryong
hindi naitala sa Biblia. Bagamat ibinulgar dito ang mga pinakatago na mga bagay, seguro dahil para sa
isang katuparang nakasaad sa hayag na karunungan nakasulat sa biblia na sang-ayon pa ay ganito ang
sinabi ng ating Panginoon Jesucristo sa Lucas 12:2 at 3; "WALANG NATAGO NA DI MALANTAD, AT
WALANG NALILIHIM NA DI MABUBUNYAG ANUMANG SABIHIN NINYO SA DILIM AY MARIRINIG SA
LIWANAG AT ANUMANG IBULONG NINYO SA MGA SILID AY IPAGSIGAWAN" kaya ito na ang tukmang
panahon upang ang mga bagay na sadyang itinatago sa sobrang tagal at pinaghirapang maipreserba ang
mga ito sa hindi mabibilang na mga panahon ay ibubunyag nang makamtan ang mga matiwasay na
pananampalataya sa tunay na Panginoon mula sa tunay din na mga tauhan Nito.
Ang liwanag na walang simula at walang hanggan na tinutukoy noong nakaraang labas ay siyang
kalagayan ng Diyos at Siya na rin ang Diyos. Sang-ayon pa sa tagong pangalan, ang Diyos ay mayroong
mil uno (1,001) na mga pangalang nailantad na sa tao. Ang pinakauna Niyang pangalan "AINSOPH" ito
ay nangangahulugang; "BUGTONG LIWANAG NA NAROON SA KATAAS-TAASANG BAHAGI NG
WALANG KATAPUSAN AT WALANG HANGGAN." Kaya sabi ng tagong karunungan ay mapalad ang
sino mang nakaalam sa pangalang yaan dahil hindi siya maghirap sa kabilang buhay.
.
Nag-iisa palang ang Diyos noong panahon iyon, at dahil sa pag-iisa nadarama ng Diyos ang masidhing
pangungulila, kahungkagan at sobrang kalungkutan, kaya Siya'y napabuntong hininga ng malalim
kasabay ang salitang "JUAAHAHUJAI," (ito rin ang winika ng Diyos ng bigyan Niya ng hininga si Adan) at
doon nagsimula ang kanyang pag-iisip na gumawa ng mga bagay tulad ng araw, buwan mga bituin,
mundo at mga tao, etc., upang ang mga ito ay kanyang paglilibangan. Subalit bago pa man ang lahat,
ang Diyos ay gumagawa ng 72 na mga banal na espirito (sa tagong karunungan ay tinatawag na 72
dibosyon ng mga esperito) upang ang mga ito ay magiging kaantabay sa mga paggawa sa mga bagay ng
naiisip Niyang gagawin.
Sa pagsimula ng Diyos ng kanyang mga gawain, ang tinutukoy na liwanag na walang simula at walang
hanggan ay kanyang pinaliit, dahan-dahan itong lumiit hanggang ito'y naging bilog, na sang-ayon pa,
parang sumbalilo ito kung tingnan mo sa malayo. At sa ilang sandali lamang, may pumunit sa dalawang
hugis at sa unti-unti itong nagiging mga mata na nagliliyab sa isang pambihirang magkakaibang uri ng
liwanag. Sumulpot at nagkaroon ng dalawang butas sa bandang baba na siyang maging ilog nito.
Tumubo ang dalawang bahagi sa magkabilang tagiliran at nagkaroon din ng mga butas ang mga ito
upang maging tainga nito. Gumuhit sa bandang ibaba kunti sa ilog at ito'y naging bibig, at sa ganoong
pagkakataon, ang bilog ng gaya ng bolang liwanag ay dahan-dahang dumaloy tulad ng tulo ng kandila na
tumulo paibaba at siyang sanhi na magkaroon ng leeg, katawan, dalawang kamay at dalawang paa. Dito
ang bolang liwanag ay nagiging porma at hitsura ng tao.
.
Sa pagkakataong ito, ang liwanag ay tao na kung iyong tingnan at Siya'y pinangalanang ANIMA SOLA sa
ating salita ay "Nag-iisang espirito o nag-iisang kaluluwa", at ito ang pangalawang pangalan ng Diyos na
nalantad sa tao. Sang-ayon sa tagong karunungan, dito nagsimula ang pagiging tao ang hitsura ng Diyos.
.
Sa ilang sandali pa'y matapos ang mga ganoong mga pangyayari, ang Diyos ay nag-iisip sa mga bagay
na dapat gampanan upang marating ang kanyang mga planong gagawin, may biglang umusbong sa
kanyang noo ang limang talulut ng bulaklak na sa bawat dulo nito ay mayroong titik na sang-ayon pa sa
kasaysayang tago ay ganito: M.A.R.I.A. ang limang litrang ito ay mayroong matayog na kahulugan sa
mga esperito.
Ang salitang M.A.R.I.A. ay nagkaroon ng kahulugan na makasaysayan at ito ay nagbubuo sa hiwagang
kapangyarihang hindi pa natuklasan ang kahulugan ninuman sa mundo dahil sa mga materyal na bagay
na siyang bumabara at pumipigil sa isipan ng bawat nilalang. Dito matutuklasan ang lawak sa salitang
yoon at sa pamamagitan ng kanyang buod na kapangyarihan ay maaangkin ang isang pambihirang
tuklas na dapat tuntunin at ikabahala sa buong sangkaatauhan sa daigdig na nababalut ng ga
kababalaghang hindi maipaliwanag ng lubusan – sapul pang nagsimula ng nagkatao ang sansinukob.
Ang limang titik na ito ay siyang bumubuo ng kapangyarihan ng Diyos, na sang-ayon pa noong wala pa
ang mundo, hindi ito binanggit o tinawag ng Diyos, ang pangalang MARIA subalit ito'y tinatawag lamang
na GUMAMELA CELIS o bulaklak. Ang GUMAMELA CELIS ay tinatagurian ng Diyos na, “ROSA MUNDI
ET ROSA CEILO” na ang ibig sabihin ay, “bulaklak ng mundo at sa langit”. Ang MARIA ay MERIAM sa
salitang Seria na sa ating lenguahe ay “PINAKAMATAAS”. Sa mga kultong grupo, ang MARIA ay
sinasamba nila ito, pinaniwalaang makapangyarihang salita, dahil alam nila na ang salitang ito ay naitala
sa pinakamataas na antas ng Karunungan ng Diyos. Ang bansag ng salitang M A R I A ay ganito: “M-
MARIS, A-AMANTISIMO, R-REXSUM, I-IMPERATOR at A-ALTISIMA.”
Ang wikang MARIA ay salitang pinakamatamis ng mga espiritu, ito'y sinasamba at kinagigiliwan ng mga
ito, dahil alam nila na ito ay ang kabuoan ng kapangyarihan ng Infinito Diyos at kailanman ay walang
kapantay. Kaya ang sabi ng Diyos patungkol sa salitang ito ay ganito: “MAGNIFICAT ANIMA MEA
DOMINUM AD DOMINUM CONTRABULARER RETRIBUE CERVOTOU TOU VIVEFECAME IN DEO
SPERAVIT COR MEUM AT EDJUTSUS SUNTADTE DOMINE LAVAME ANIMA MEAM.”
Ang unang ginawa ng Diyos ay ang pag-atubili sa paglikha ng mga elemento upang ang mga ito ay
gagawing Daigdig, Langit at iba't-ibang bagay upang mabubuo ang tinatawag na universo. Nang lumaon
nagawa, lumikha ang Diyos ng Ancianos upang magiging kaantabay sa kanyang mga planong gagawin,
at inumpisahan ng Diyos ang paglikha nito. Matapos ang ilang sandali, nagsalita ang Diyos ng: “AGAHAC
JIRIUM JIURJITNUM JIURJITSUM JACJAHAHAC ROGOTAC YOPALUM MEDERAT INEHATISET
CORPUS SIOMBENET” at pagkatapos nito, biglang may mga butil ng pawis na lumitaw sa bandang
kanang ng Kanyang noo at ito'y Kanyang hinaplos ng kanang hinlalatong daliri, at ang mga butil ng pawis
ay nagiging labing-anim na mga espiritu na kung saan ay kahalintulad ng Diyos ang hitsura ng mga ito.
Nag-isip muli ang Infinito Diyos, at sa ilang sandali pa'y nagsalita uli ng ganito: “LUCJINUM”, at nang ito'y
binigkas, may biglang mga butil ng pawis na naman na lumitaw sa bandang kaliwang noo ng Diyos, at
nang ito'y haplusin ng Kanyang kaliwang hinlalatong daliri, ang mga butil ng pawis na ito ay nagiging
walong espirito na gaya din ng Kanyang kaanyuhan, at sa mga mahiwagang pangyayari, ang 24
Ancianos ay nabubuo.
Ang 24 na mga espiritong ito ay siyang mga katulong ng Diyos sa lahat ng Kanyang paglikha sa buong
universo gaya ng paglikha ng tao. Ganito ang nakasulat sa Biblia: Genesis 1:26, sinabi ng Diyos:
“NGAYON, LALANGIN NATIN ANG TAO ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN”. Sa madaling
salita, hindi nag-iisa ang Diyos kung bakit at sino ang mga kasama ng Diyos nang likhain ng mga ito ang
tao, kaya sa unang bahagi pa lamang sa biblia nagsimula na ang hindi pagkakaunawaan sa mga sektang
grupo ganoon din sa mga ilang kultong mananampalataya dahil ang mga bagay na ito ay lingid sa
kanilang mga kaalaman subalit, hindi nangangahulugan na marami ang Diyos, ang 24 espiritu ay bilang
mga katulong lamang ng Panginoon sa kanyang paglikha.
Sa mga matatanda at sa sinaunang mga tao, na sumunod sa mga ukultismong karunungan, ang
pangalan ng mga hinlalato na daliri ng Diyos na siyang ginamit sa paghaplos ng mga butil ng pawis na
siyang nagiging 24 espiritu ay may matayog at pambihirang kapangyarihan, na ayon pa sa nakaugalian,
kung ito'y iyong malaman kailanman ay hindi ka dadanas ng paghihirap sa kabilang buhay, kung kaya
ang pangalang yoon ay itinatago sapul ng ito'y ipinahintulot ng Diyos na marating sa kaalaman ng tao,
subalit sa panahong ito, ay dapat ng mabulgar ng sa ganoon, makamit at malalaman ang katotohanan sa
buong sangkatauhan. Ang pangalan ng kanang hinlalatong daliri ay: “MEPHENAI at sa kaliwang
hinlalatong daliri naman ay “JPHATON.” Mapalad ang sino mang mag-iingat dahil kilalanin siya ng
Panginoon sa panahong darating. Ganyan ang nakasaad sa Tagong Kasaysayan.
Ang 24 Ancianos ay binigyan ng Diyos ng mga tungkulin, subalit ang iba nito ay siya ang binigyang
karapatan na gumawa ng desenyo ng gagawing buwan, kung baga mga arketekto ang papel nila. Ang
Pangatlo hanggang pang Walo ay hindi tumanggap ng tungkulin, ang ginawa ng mga ito ay naglagalag
lamang sa loob at labas ng mundo. Ang pang Siyam hanggang sa pang Labing-lima sila ay ang nagiging
Siete Arkanghelis na kinakatiguriang mga mandirigmang espirito sa Diyos at ang pang Labing-anim ay si
Lucifer nasa bandang huli ay nagiging kalaban ng Diyos at sa lahat na banal na espiritu ganoon ding
kinatatakutan ng mga tao sa lupa.
Ang pang Labing-pito hanggang sa dalawampu't isa ay hindi rin tumanggap ng tungkulin at sang-ayon pa
sa kasaysayan, noong si Panginoon Jesus ay nakabayubay sa krus ang limang ito ay lumapit upang
magpabinyag sana, subalit naabutang nalagutan ng hininga ang Panginoon sa mga oras na yoon at hindi
natuloy ang mga balak nito. Ang huling tatlong ay sila ang ginawa ng Diyos bilang kabuohan ng Santisima
Trinidad: Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang ama na tinutukoy dito ay hindi ibig sabihin Diyos Ama o Infinito
Diyos, ang Ama na ito ay kinatawan lamang sa pinaka-Ama sa lahat. Bilang Ama, naatasan Siyang
gumawa ng desenyo sa gagawing daigdig ng tao, ito ngayon ang ating ginagalawang mundo. Ang Anak
naman siyang binigyan ng karapatang magbigay daan sa mga tao upang sa ganoon hindi ito makalimot
sa Diyos at maging katuturan nang sa ganoon nagkaroon ng kaligtasan sino man ang sumusunod sa
Kanya. Ang Espiritu Santo naman ang siyang namamahala sa lahat ng mga anghel na tagapagtanod sa
lahat ng tao sa lupa, at siya rin ang sumusubaybay sa lahat ng gumawa ng mabuti sa lahat ng mga
nilalang kawangis ng Panginoon.
Sa Biblia ang salitang Santisima Trinidad ay hindi nakasulat, subalit sa Mateo 28:19, ito ang sabi:
“BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO”. Sa
talatang ito ay inutos ng Panginoong Jesucristo sa kanyang mga alagad na bautismuhan ang mga tao sa
pangalan ng Santisima Trinidad subalit hindi naisulat sa biblia kung ano ang mga pangalan na tinutukoy
ng Panginoon. Sa tagong karunungan ay marami ang pangalan ng tatlong persona, gaya ng: ARAM –
pangalan ng Ama, AKDAM – sa Anak at AKSADAM – sa Espiritu santo. ADRA – sa Ama, MADRA – sa
Anak at ADRADAM – Sa Espiritu Santo. Sa mga sektang grupo mayroon silang binabanggit na salita lagi
bilang pasasalamat ng Panginoon at ito ay ang “ALELUYA,” ang salitang ito ay isa lamang sa
napakaraming pangalan ng Santisima Trinidad ito ay hango sa salitang AL EL UYA ibig sabihin ay
pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Kaya dito nagsimula ang dibatihan ng mga sektang grupo,
lumalabas ang kanya-kanyang panindigan subalit hanggang sa mga oras na ito nananatiling wala pa ring
tamang kasagutan ang hindi nila pagkaunawaan. May mga sektang grupo na pinapaniwalaan ang
Santisima Trinidad subalit karamihan ay hindi, at sa mga naniniwala nito, ang Santisima Trinidad ay
iisang Diyos sa tatlong persona. Kung ating siyasatin naman hindi aabot sa tatlong persona kundi iisa
lamang ang anak na walang iba maliban ni Panginoon Jesucristo. Sa Biblia ay walang binanggit na
mayroong persona ang Diyos Ama at Diyos Espiritu, maliban sa Diyos Anak na sa pamamagitan ng
Panginoong Jesucristo ay nagkaroon ito, kaya kung ating tunghayan ang Santisima Trinidad ay nag-iisa
lamang ang persona nito. Subalit sa mga kultong grupo ang tatanungin, sila'y naniniwala na ang mga ito
ay mga diyos rin at hindi sa Santisima Trinidad lamang kundi sa buong kaantabay ng Diyos ay mga diyos
rin. Ganito ang sabi sa biblia, Awit 136:2: “PINAKADAKILANG DIYOS NG MGA “diyos” AY
PASALAMATAN,, ANG PAG-IBIG NIYA AY MANANATILI AT PANGWALANG-HANGGAN”. Makikita natin
na may diyos dito na maliit, ang pagkasulat, ang diyos na ito ay ang mga espiritung kaantabay ng
Panginoon sa lahat niyang mga gawain kasama na rito ang Santisima Trinidad, pati na rin ang mga taong
inuutusan ng Diyos dito sa lupa na kung saan ay kinikilala rin bilang panginoon sa lahat niyang mga
taong nasasakupan, gaya ni Moises, Haring David, Haring Solomon at mga iba pa. Sa Pahayag 17:14,
may sinasabi na ganito: “DIRIGMAIN NILA ANG KORDERO NGUNIT SILA'Y TATALUNIN NITO,
SAPAGKAT SIYA ANG PANGINOON NG MGA “panginoon” AT HARI NG MGA “hari” MAKIKIHATI SA
KANYANG TAGUMPAY ANG MGA TINAWAG HINIRANG AT TAPAT NIYANG TAGASUNOD”. Ganoon din
sa Juan 10:34 at 35. Ganito ang sinabi ni Panginoon Jesucristo: “TUMUGON, SI JESUS, HINDI BA
NASUSULAT SA INYONG KAUTUSAN, SINABI KO, MGA “diyos” KAYO? MGA “diyos” ANG TAWAG NG
KAUTUSAN SA MGA PINAGKATIWALAAN NG SALITA NG DIYOS, AT HINDI MAAARING TANGGIHAN
ANG SINASABI NG KASULATAN.”
Kaya karamihan sa mga kultong grupo ay naniniwala na tutuong nag-iisa lamang ang “Diyos” subalit
marami ang mga diyos o diyoses gaya ng kani-kanilang mga pinuno bilang utos ng Diyos dito sa lupa. Sa
parting ito, dito nagsimula ang mga kultong grupo sa paniwalang ang kanilang pinuno ay diyos din at
hindi mo rin sila masisisi.
Dagdag pa nito ay nakasulat din sa Pahayag 1:5, ganito ang sabi, “AT MULA KAY JESUCRISTO, ANG
TAPAT NA SAKSI, ANG UNANG NABUHAY SA MGA PATAY AT HARI NG MGA “hari” SA LUPA.”
Maliwanag na hindi nag-iisa ang Panginoon ganoon din ang Hari, subalit iisa lang ang pinaka-Panginoon
at iisa rin ang pinaka-Hari. Si Jesucristo ay nakatakdang maghahari at maging Hari sa mga hari at
Panginoon ng mga panginoon dito sa lupa subalit, ang sinasabing Diyos ng mga diyos ay walang iba
kundi ang mahal na Amang Infinito Diyos, Diyos na walang simula at walang hanggan.
Nang mabuo na ang 24 Ancianos, ito'y binigyan ng kanya-kanyang pangalan na kung halungkatin ang
tagong kasaysayan ang mga ito'y nagtatangan sa mahiwagang kapangyarihan na sang-ayon pa, sino
man ang makaalam nito dito sa lupa ay mapalad doon sa daigdig ng mga espirito. Ito ay kanilang mga
pangalan: UPHMADAC, ABONATAC, ELIM, BORIM, MORIM, BICAIRIM, PERSALUTIM, MITIM,
AMALEY, ALPACOR, AMACOR, ALPALCO, ALCO, ARAGO, AZARAGOE, LUXBEL, ISTAC, INATAC,
ISLALAO, TARTARAO, SARAPAO, MAGUGAB, MAIAGOB at MAGOB. Ang mga ito ay ang pinakaunang
pangalan naihayag sa mga taong nag-aaral sa tago na kaalaman ng Diyos. Maliban dito marami pa, sa
bawat paglalang na magaganap, ang 24 Ancianos ay magkaroon ng panibagong pangalan.
Isa sa mga tungkulin ng 24 Ancianos ay ang pagbantay sa mga oras sa bawat araw, ang pinakauna ay
siyang nagbabantay sa oras ng Ala una, at hanggang sunod-sunod ang mga ito hanggang matapos ang
eksaktong 24 oras sang-ayon sa kani-kanilang numero. Sila rin ang tagamasid ng lahat na ginagawa o
gawain ng mga tao sa lupa ito'y maging tama o magiging maliman, kaya ang mga kasalanan ng tao ay
walang ligtas sa Panginoon dahil dito.
Sa huling aklat ng Biblia, sa Pahayag, binabanggit ang 24 Ancianos, Pahayag 11:16 ganito ang sabi: "AT
ANG DALAWAMPU'T APAT NA MATATANDANG NAKAUPO SA KANI-KANILANG LUKLUKAN SA
HARAPAN NG DIYOS AY NAGPATIRAPA AT SUMASAMBA SA KANYA." Sa tagong kasaysayan naman
ay ang 24 Ancianos ay laging nakapaligid ang mga ito sa Infinito Diyos. Maraming misteryo ang mga ito
na hindi kayang abutin sa kaisipan ng makalupang aralin.
2. ABONATAC - Ito ang pangalawang espirito ang siyang gumawa ng desinyo upang magkaroon ng
Buwan na siyang nagbibigay sa atin ng liwanag sa panahon ng gabi. Ganoon din ang ginawa niya,
marami ring desinyo at ang mga ito'y inipresenta sa kanyang mga kasamahang sa 24 Ancianos at sa
Infinito Diyos, at kanilang napagkaisahan ang hitsura ng buwan na nasa kasalukuyang panahon natin
ngayon.
3. ELIM
4. BORIM
5. MORIM
6. BICAIRIM
7. PERSALUTIM
8. MITIM
- Ang mga espiritong ito ay hindi tumanggap ng katungkulan, kaya ang kanilang ginawa ay ang
paglagalag lamang labas pasok sa mundo. Bagamat sila'y tagabantay ng Diyos at sa oras na kung saan
naman sila natatapat sa kanilang mga numero.
9. AMALEY - Ito ang pangulo at unang ministro sa mga arkanghelis na mandirigma. San Miguel ang
tawag sa kanya ng mga sektang grupo. Sa kanyang balikat nakasalalay ang pakikipaglaban sa mga
masasama upang magkaroon ng katiwasayan sa lupa at sa langit din.
Ang pangalang Miguel ay nakasulat ito sa Biblia, gaya ng sa Daniel 12:1 ganito ang sabi: "SA
PAGKAKATAONG YAON, DARATING SI "MIGUEL", AT MAGKAROON NG MATINDING KAHIRAPANG
HINDI PA NANGYAYARI KAILANMAN. NGUNIT MALILIGTAS ANG MGA KABABAYAN MONG ANG
PANGALAN AY NAKASULAT SA AKLAT NG DIYOS," sa Pahayag 12:7 ganito naman ang pagkasulat:
"PAGKARAAN NITO'Y SUMIKLAB ANG DIGMAAN SA LANGIT! NAGLABAN SI ARKANGHEL MIGUEL,
KASAMA ANG KANYANG MGA ANGHEL, AT ANG DRAGON, KASAMA NAMAN ANG KANYANG MGA
KAMPON."
Si Miguel ay nakatalagang magbabantay sa pang-siyam na oras sa bawat araw, maliban doon siya pa rin
ang tagapagbantay sa unang araw sa bawat linggo, ito ang araw ng linggo, kaya sa kaalamang tago,
dapat daw si Miguel ang tawagan sa mga araw na ito upang maiiwasan ang ano mang sakuna o mga
pangyayaring hindi mangyari.
Ang bansang Pilipinas ay maraming naniniwala kay San Miguel, ito'y maging sa sektang grupo at sa mga
nasa kultong grupo. Maraming simbahang malalaki at maliliit man ang mga ito ay nagdiriwang sa
kapistahan ni San Miguel sa bulan ng September, sa panahong ito ay gumagawa sila ng mga bagay na
ikinalulugod daw sa kanilang kaligtasan lalong lalo nasa panahon ng digmaan, marami silang mga
salitang latin na binibigkas na pag-aari daw ni San Miguel na siyang pinaniniwalaang mga anting-anting
upang magiging matagumpay sa larangan ng labanan. Siya rin ang espiritong tagahatid balita at
mensahero ng Infinito Diyos sa buong kalangitan. Ganito ang panawag ukol ni anghel Miguel: ESTO MIHI
BALTEUS ET DAMIHI PRODEO ET IN DEO MORI.
10. ALPACOR – Ito ang ginagawang kalihim ng Siete Arkanghelis sa buong universo, siya sa pangalang
San Gabriel na kung saan ay tagatala sa lahat ng nakatagong kababalaghan sa buong sanlibutan at
kalawakan, sa Biblia naitala ang pangalan Gabriel, sa lumang testamento sa sulat ni Daniel Kapitulo 9
Bersikulo 21 ganito ang sabi: “AT HABANG NANANALANGIN AKO, ANG LALAKING SI GABRIEL NA
NAKITA KO SA UNANG BAHAGI NG AKING PANGITAIN AY MABILIS NA LUMIPAD SA AKIN SA ORAS
NG PAGHAHANGOD SA GABI.” At sa bagong tipan naman ay ganito ang nakasulat sa Lucas 1:26:
“NANG IKAANIM NA BUWAN NA NG PAGDADALANTAO NI ELISABET, ANG ANGHEL GABRIEL AY
SINUGO NG DIYOS SA NAZARET GALILEA.
Si Gabriel ay nakatalagang magbantay tuwing ika-10 ang oras sa umaga sa bawat araw, maliban doon
siya pa rin ang tagabantay sa bawat araw ng Lunes, kaya sa mga nakakaalam nito, mabuti daw siya ang
tawagan sa araw na ito upang ligtas sa lahat na kapahamakan.
Marami din ang sumasampalataya kay Anghel Gabriel gaya ni Miguel. May naggunita sa kanya sa
pamamagitan ng kapistahan ito ang mga nagdibuto sa kanya. Sa kultong grupo naman ay ang kanyang
pangalan ay ginagamit nila ito sa pagdepensa sa sarili at umaasa sila sa kaligtasan lalong-lalo na sa
digmaan. Ito ang panawag ni Anghel Gabriel, ESTO MIHI LORICA ET TRIBUI ME IMPARTITUDEMEM
IMPARTIENDO.
11. AMACOR – Ito ang prinsipe ng anghel ng hukom at siya rin ang nagbibigay sa biyayang
pangkalangitan na kung saan ay siya pa rin ang Mayordomo ng Infinito Diyos. Ang anghel na ito ay
kilalang-kilala sa pangalang San Rafael, siya ang taga-bantay sa oras na alas 11 sa umaga sa bawat
araw at Martes naman ang kanyang binabantayan na araw sa bawat linggo, kaya dapat siya ang tawagin
mo sa araw na ito upang ikaw ligtas sa mga kapahamakan. Ganito ang panawag ni Angel Rafael: ESTO
MIHI ESCUTUM ET MEDICINAM CORPORISE ET ANIMAE.
12. APALCO – Ito ang anghel na ginawang Hustisya Mayor sa langit, ito ang punong administrador sa
mga bagay pangkalangitan at tagapag-rekomenda sa Diyos ng kaparusahan na dapat gagawin, siya rin
ang taga-bigay ng karunungan upang magagamit ang kaluluwa at katawang lupa ng tao. Ang anghel na
ito ay nakikilalang si San Uriel na nakatalaga sa pagbabantay sa oras ng alas 12 ng tanghali at siya rin
ang tagapagbantay sa mga araw ng Mierkules, kaya dapat siya tatawagan sa araw na ito upang maligtas
sa ano mang sakuna. Ganito ang pagtawag sa kanya. ACCENDE ME IGNIS AMORIS DEO ET ESTO
MIHI PROTECTOR.
13. ALCO – Ito ang espiritong taga-hain o taga-panalangin sa Diyos ng ano mang magaling na gawa ng
tao, siya rin tumatanggap at tagabigay alam sa makataong pangangailangan, patungkol sa Diyos. Ang
anghel na ito ay nakilalang si San Seatiel na siyang bantay sa araw ng Huebes at oras na tuwing ala una
ng hapon araw-araw, kaya dapat siya ang tawagan sa araw na ito: Ganito ang pagtawag sa kanya:
LIBERAME LIBERATOR ANIMABUS PAMULORUM SICUT DEUS PETE MIHI A DEO INDULGENTIAM
PECCATORIUM MIHI PULORUM.
14. ARACO – Ito ang espiritong ginawang ingat-yaman at biyaya, siya ang humahawak ng susi upang
maibigay ang kayamanan at kaluwalhatian ng Diyos. Ang anghel na ito ay nakilala sa pangalan San
Hudiel, ang taga biyaya at tagapagloob ng awa ng Diyos. Siya rin ang naatasang magbabantay sa araw
ng Biernes, kaya siya dapat ang tawagan sa mga araw na ito. Ganito ang pagtawag sa kanya: CRUCEM
PASTOR BENEDICTOR REX JUDIORUM EGO SUM ESTO MIHI UMBRACULOM ET FACME ISSIDUM
INCOMPETENDO DOMINO.
15. AZARAGUE – Ito ang espiritong tagapag-alaga ng Langit at Lupa, at siya ang taga tulong at taga-
ampon sa lahat na espiritong nasasakupan ng Infinito Diyos. Ang pangalan niya ay kilala sa tawag na
San Baroquiel ang bantay sa oras ng alas 3 ng hapon sa bawat araw at naatasang magbabantay din
tuwing araw ng Sabado, kayua siya ang dapat tawagan sa mga araw na ito. Ganito ang pagtawag sa
kanya: AGNUS VENITE SALVAME SALVATORE OBTIMIHI MIHI BENDITIONEM DEI ET FACME
NUMQUAM SEPARARE A DEO.
Si San Baraquiel ay ang pinakahuli sa Siete Arkanghelis na kilalang pitong mandirigma ng Diyos Ama.
Maraming nakasulat sa kanilang mga kasaysayan na hindi naisulat sa Biblia, subalit ito’y nakaabot din sa
kaalaman ng tao sa pamamagitan ng mga profeta na siyang sadyang sumulat ng mga ito bilang tago ng
karunungan upang mapanatiling bahal sa tunay na mananampalataya. Ang Siete Arkanghelis ay subok
na sa katatagan at katanyagan, marami ang kuwentong nagpapatunay nitong lalong-lalo na sa mga
kultong grupo, daan-daan na ang mga taon ng mga ito sa paggamit sa wikang nakatago ng Siete
Arkanghelis na kung saan ay kinakatagurian. “Anting Anting” na lumigtas ng buhay panahon sa mga
sakuna at digmaan. Hanggang sa ngayong panahon ito nanatili pa rin ang walang kupas na pananalig sa
mga taong nabubuhay lamang sa pag-asa ng tagong karunungan ng Diyos upang makamit ang
minimithiing kaligtasan.
16. LUXBEL – Ang espiritong ito ay ang pinakabunso sa mga espiritong unang gawa ng Infinito Diyos.
Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang “Liwanag n Langit” dahil siya’y pinakamalapit sa Diyos.
Nang ang Diyos ay mag-umpisa na ang kanyang paglalang, bininyagan siya ng pangalang BECCA,
subalit sinuway nito ang Infinito Diyos kaya pinangalan siya nito muli ng LUXQUER o LUCIFER sa ating
salita.
Ang kasaysayan ni Lucifer ay matutunghayan sa isang Aklat na Tago, ang aklat na ito ay pinamagatang
DIES MUNDOS (Pangsampung planeta). Sa aklat na ito ay matatagpuan ang iba-ibang uri ng bawal na
karunungan gaya ng pangkukulam, malik mata, pang-gagayuma at marami pang iba, kaya dinidismaya
ang sino mang magkaroon nitong uri na libro dahil ito ay sanhi ng pagkakasalang walang kapatawaran sa
Panginoon.
17. ISTAC 18. INATAC 19. ISLALAO 20. TARTARAW at 21. SARAPAO – Ang limang espiritong ito ay
hindi nabinyagan at hindi tumanggap ng tungkulin, kaya noong si Panginoong Jesucristo ay
kasalukuyang nakabayubay ng krus, ang mga ito ay lumapit upang sana ay magpabinyag, subalit hindi
nangyari ang gusto nila dahil sa mga oras na yoon ang ating Panginoon Jesus ay nalagutan ng kanyang
hininga.
Ang huling tatlo ay kinakataguriang SANTISIMA TRINIDAD na sa kaalaman ng marami ay Sila ang Diyos
Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Ang paliwanag ng mga sektang grupo tungkol ditto ay malabo,
maski na ang pinakamalaking relihiyon ay walang malinaw na paliwanag at ang nangyari ay ginawang
panatiko nila ang mga kanilang nasasakupan upang kahit mali ang kanilang mga paliwanag ay
paniwalaan sila ng mga ito.
Ang salitang Santisima Trinidad ay hindi matatagpuan sa Biblia, subalit nagbanggit ito ng Ama, Anak at
Espiritu Santo, ganito ang sabi sa Mateo 28:19: “KAYA HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD
KO ANG LAHAT NG BANSA. BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT
ESPIRITU SANTO.” Ang tatlong ito ay pinaniwalaan ng marami ahit kulang ang kanilang kaalaman
tungkol dito.
Bagamat ang Tagong Karunungan ay malaki, ang kaalaman tungkol sa Santisima Trinidad ito’y nanatili pa
ring malabo sa karamihan dahil iilan lamang ang nakakaintindi nito sa kadahilanang ang tunay lamang na
utos ng Diyos ang pwedeng gumawa sa maliwanag napagpaintindi sa ganitong mga bagay. Ang
Santisima ay sila ang may dala ng numero 22, 23 at 24 dibisyon ng Espiritual.
22. MAGUGAB – Ang espiritong ito ay nagpepresenta bilang Diyos Ama, na ang sabi ng iba ay siyang
unang persona sa Santisima Trinidad. Subalit bilang Diyos na Ama hindi ibig sabihin na siya ang Infinito
Diyos, kundi ibinigay lamang sa kanya ang karapatan at tungkulin na nagpakilala bilang Diyos Ama. Siya
ang binigyan ng pagdesenyo sa mundo at sa lahat na nilalaman nito gayang iba-ibang uri ng mga
lumilipad sa himpapawid o mga gumagapang sa lupa, lalong lalo na ang tao. Ang taong karunungan ay
nagsalaysay na hindi lamang sila Adan at Eva ang tao na ginawa ng Diyos, ito’y maraming uri at lahi. An
kasalukuyang panahon ay makapag-patunay nito. Ang nakatala sa Bible History ay si Adan at Eva ay
mayroong kayumanggi ang kulay, sa mga panahong ito mayroong tayong limang uri ang kulay ng mga
tao sa sanlibutan, gaya ng pula na sila ang mga tao na kinakataguriang mga “Indian” ang dilaw naman
ang mga lahi ng Intsik, Hapon, Koreano at sa mga kalapit nilang mga bansa, ang itim ay ang mga Negro
na maski sa Pilipinas ay mayroon tayong mga itim na tao gaya ng mga Kungking na mga nitibo sa
probinsiya ng Surigao, ang mga puti ay mga Amerikanoat tayong mga Pilipino ay naalinsunod sa kulay ni
Adan at Eva na kulay kayumanggi.
23. MARIAGOB – Ang espiritong ito ay ang kinakataguriang pangalawang persona sa SantisimaTrinidad,
taglay niya ang kabuuan ng Diyos Anak na sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ay nagaganap
an mga misteryo at katuparan sa mga Gawain ng Panginoon Jesucristo. Siya ang espiritong
sumasakatawan ng ating Panginoon upang nagligtas sa bawat nilalang na tumatanggap at naniniwala sa
Kanya. Ang katawan ng tao ay patay kong wala ang espiritong namamahay nito, kaya sa oras na iiwan ng
espirito ang katawan, ito ay namamatay.
Ang espiritong sinabi dito ay siyang pumapasok sa bawat katawan ng taong utos ng Diyos na kung
tawagin noong panahon ay “Kordero ng Diyos.” Sa bawat panahon ay mayroon taong utosan ng Diyos,
subalit karamihan sa kanila ay hindi pinaniwalaan sa mga tao, gaya ni Jesucristo noong panahon ng
kanyang pagmisyon dito sa ibabaw ng lupa iilan lamang ang naniniwala sa kanya, bagamat siya’y
kinagigiliwan at linoluhuran sa ngayon, noon ay siyan inaalimura sa karamihan.
Sang-ayon sa talaan ng mga Salita sa Biblia ay ganito: ANG CRISTO AY SALITANG GRIEGO NA ANG
KAHULUGA’Y “PINAHIRAN”, AT KATUMBAS NG “MESIAS” SA WIKANG HEBREO. “PINAHIRAN NG
LANGIS ANG SINUMANG ITINALAGA SA ISANG TANGING GAWAIN. SI JESUS AY TINAWAG NA
CRISTO SAPAGKAT SIYA ANG PINILI NG DIYOS NA MAGING TAGAPAGLIGTAS AT PANGINOON.” Sa
mga salitang ito ay nagpapatunay lamang na hindi iisa ang cristo dahil ang Biblia mismo ang nagsasabi
na mayroon pang ibang tagapagsalita maliban ni Jesucristo. Sa Gawa 7:35 ganito ang nakasulat:
“ITINAKWIL NILA SI MOISES NANG KANILANG SABIHIN, “SINO ANG NAGLALAGAY SA IYO UPANG
MAGING PINUNO AT HUKOM NAMIN? NGUNIT ANG MOISES DING ITO ANG SINUGO NG DIYOS
BILANG PINUNO AT TAGAPAGLIGTAS, SA TULONG NG ANGHEL NA NAGPAKITA SA KANYA SA
MABABANG PUNONG KAHOY.” Sa puntong ito si Moises ay Cristo rin dahil nakasulat na siya’y sinugo
at tagapagligtas din. Maliban kay Moises marami pa gaya ni Haring David, Haring Solomon, Samson,
Abraham at iba pa.
Sa Juan 1:18 ganito ang sinabi: “KAILANMA’Y WALANG NAKAKITA SA DIYOS, SUBALIT IPINAKILALA
SIYA NG BUGTONG NA ANAK…. SIYA’Y DIYOS NA LUBOS NA MINAMAHAL NG AMA.” Maliban sa
talatang ito, marami pang naisulat sa Biblia na nagsasabi tungkol sa “Bugtong na Anak”, na sang-ayon sa
mga mananampalatayang Kristiano ay si Jesucristo lamang ang Bugtong na Anak. Subalit ang ibig
sabihin dito ay “Bugtong na Anak sa Bawat Panahon.” Sa bawat panahong mayroong sinugo ang Diyos
ay ito’y matatawag na bugtong na anak, dahil kung tingnan natin ang Biblia hindi kailanman ang Diyos
nagsugo ng dalawa katao sa isang panahon, bawat sinugo ng Diyos ay magkaiba ang panahon, kaya’y
ang lahat na sinugo ng Diyos ay matatawag na Bugtong na Anak.
Kaya ang espiritong nakatalaga sa pang 23 na dibisyon sa Espiritual ay siyang nagiging at magiging
espirito sa lahat ng taong sinugong Diyos na kung tawagin ay “Diyos Anak” ay tagapagligtas.
24. MAGUB – Ito ang kinakatagurian na pangatlong persona ng Santisima Trinidad bilang Espiritu Santo,
siya ang gaganap upang maisagawa ang bagay na dapat mangyari sa mga panahong ito, dahil sa
kanyang kapangyarihan ay mabubuo at matutupad ang mga pangako ng Infinito Diyos sa mga Tao. Gaya
ng hindi pagkaisa ng mga tao tungkol sa paniniwala ng Panginoon, sila’y sumasampalatayanan tiyak ay
mayroong Panginoon, subalit hindi pareha ang kanilang sistema sa pagsamba ng Diyos na iisang Biblia
lang naman sana ang kanilang pangarap na kaligtasan sa buhay. Bakit magkaiba ang kanilang pananaw
at enterpretasyon sa Biblia? Dahil wala sa kanila ang espirito sa katutuhanang ipinangako ni Cristo. Sa
Roma 10, 13, 14 at 15 nakasulat ang pagpahiwatig tungkol sa tunay na sinugo ng Diyos, ganito ang sabi:
“SAPAGKAT SINABI SA KASULATAN, ”MALILIGTAS ANG LAHAT NG TUMATAWAG SA PANGALAN NG
PANGINOON”, NGUNIT PAANON TATAWAGAN NG MGA TAO ANG HINDI NILA SINASAMPALA-
TAYANAN? PAANO SILANG MANANAMPALATAYA KUNG WALA PA SILANG NAPAKINGGAN
TUNGKOL SA KANYA? PAANO NAMAN SILANG MAKAKAPAKINIG KUNG WALANG NANGANGARAL?
AT PAANONG MAKAPANGARAL ANG SINUMANG KUNG HINDI SIYA ISINUSUGO? AYON SA
NASUSULAT, OKAY INAM NA MAKITANG DUMARATING ANG MGA NAGDADALA NG MABUTING
BALITA.” Sa talatang ito, maliwanag na ang tunay lamang na sinusugo ng Diyos ang makapagbigay sa
tunay napaliwanag tungkol sa Diyos. Sa panahong ito ay magulo sa dami ng umaangkin, sino kaya sa
kanila ang totoo? Ito’y napakalungkot na katotohanang hindi puwedeng tanggihan.
Sa 2Pedro 1:20-21 ay nagpahiwatig din ukol sa tunay na sugo ng Panginoon. Dito ating malalaman na
ang Biblia pala ay dapat lang ipaliwanag ng tooong inutusan ng Diyos lalong-lalo na sa mga hula na
naitala dito. Sa mga salita ni Panginoong Jesukristo ang karamihan ay hula tungkol sa paghahari ng
Diyos dito sa mundo. Sa ganyang katotohanan, paano ito maipapaliwanag ng kung sinu-sino lang? Kaya
ganito ang sabi sa kasulatan: “HIGIT SA LAHAT, TANDAAN NINYO NA WALANG
MAKAPAGPAPALIWANAG NG ALINMANG HULA SA KASULATAN SA BISA NG KANYANG SARILING
KAKAYAHAN. SAPAGKAT HINDI NAGBUHAT SA KALOOB NG TAO ANG HULA NG MGA PROPETA,
ITO’Y GALING SA DIYOS AT IPINAHAYAG NG MGA TAONG KINASIHAN NG ESPIRITO SANTO”.
Ang tinutukoy dito ay siyang Espirito ng katotohanan na ipadadala ni Jesukristo dito sa mundo kaya kay
tamis kung ito’y ating masusumpungan, subalit napakasakit ang katotohanang sa kasalukuyan ay marami
ang mga kunwari, na kung masdan nating mabuti ay naisakatuparan na ang sinabi ng ating Panginoong
Jesus sa Mateo 24:4-5 ganito ang sabi. “SUMAGOT SI HESUS, MAG-INGAT KAYO NA HUWAG NA
HUWAG KAYONG MAILIGAW NINUMAN! SAPAGKAT MARAMING PAPARITO SA AKING PANGALAN
AT MAGSASABI, AKO ANG MESIAS AT MARAMI SILANG MAILILIGAW”. Ang mga iyan ay kasalukuyan
na nangyayari, ang sabi ng Panginoon ay “maraming paparito sa kanyang pangalan”. Karamihan at halos
lahat sa mga sektang grupo ay umaasa sa pangalang Jesukristo kaya ang mga ito ang siyang tinutukoy
ni Kristong naliligaw? Lahat ng mga ito’y umaangkin ng katotohanan, sino kaya sa kanila ang
pinakatotoo?
Sa aklat ng Pahayag 3:12 mayroong tinutukoy na isang templo ng Diyos na kung halungkating dagdag
ang iba pang talata sa Bibliya ito’y isang tao na kakasihan ng Espirito Santo. Ang espirito ay walang
katawan kaya paano siya makapagsalita sa ganyang kalagayan, kaya siya’y gagamit ng katawang tao
upang magaganap ang kanyang sadya ditto sa lupa. Ganito ang sabi, “ANG MAGTATAGUMPAY AY
GAGAWIN KONG ISANG HALIGI SA TEMPLO NG AKING DIYOS, AT HINDI NA SIYA MAAALIS DOON
MAGPAKAILANMAN. IUUKIT KO SA KANYA ANG PANGALAN NG AKING DIYOS. ANG BUONG
JERUSALEM NA BABABA MULA SA LANGIT BUHAT SA AKING DIYOS. IUUKIT KO RIN SA KANYA
ANG AKING BAGONG PANGALAN”.
Maliwanag na mayroon bagong pangalan ang Diyos para doon sa mga magtatagumpay kaya tiyak na
hindi Jesucristo ang tinutukoy na pangalan ditto. At ang mga taong makakaalam ay makakarating sa
kaharian ng Diyos na bababa dito sa lupa. Kaya mapalad ang maghahanap at makasumpong sa taong
magiging templo ng Diyos dito sa lupa dahil tiyak ang kaligtasan para sa kaniya. Sa Juan 16:16-17 ay
ganito ang sabi ni Jesucristo, “DADALANGIN AKO SA AKING AMA, AT KAYO AY BIBIGYAN NIYA NG
ISANG PATNUBAY NA MAGIGING KASAMA NINYO MAGPAKAILANMAN. ITO AY ANG ESPIRITO NG
KATOTOHANAN NA HINDI MATANGGAP NG SANLIBUTAN SAPAGKAT HINDI SIYA MAKIKITA NI
MAKILALA NG SANLIBUTAN, NGUNIT NAKIKILALA NINYO SIYA, SAPAGKAT SIYA’Y SUMASAINYO AT
NANANAHAN SA INYO. Madaling sabi ang espiritong ito ay gagamit ng katawan ng tao na syang
tinutukoy na templo sa Pahayag 3:12. At dagdag pa nito, ang sabi ni Jesucristo sa Juan 16:7-8 ay ganito:
“NGUNIT DAPAT NINYONG MALAMAN ANG KATOTOHANAN: ANG PAG-ALIS KO AY PARA SA
IKABUBUTI NINYO; SAPAGKAT HINDI PAPARITO SA INYO ANG PATNUBAY KUNG HINDI AKO AALIS,
NGUNIT KUNG UMALIS AKO, SUSUGUIN KO SIYA SA INYO. PAGDATING NIYA AY KANYANG
PATUTUNAYAN SA MGA TAO SA SANLIBUTAN NA MALI ANG PAGKAKILALA NILA SA KASALANAN,
AT IPAKILALA NIYA KUNG ANO ANG MATUWID, AT KUNG ANO ANG KAHATULAN”. Sa mga talatang
yan ay malinaw na malinaw na hindi si Cristo ang nagpaliwanag sa katotohanan kundi ang templo ng
Espirito Santo na sang-ayon sa mga salita ni Jesucristo ay siya ang nagsugo nito.
Kaya sa panahong ito ay dapat pagsikapan na matagpuan ang templong ito dahil siya lamang at wala ng
iba ang makapagpapaliwanag sa buod ng katotohanang inaasam-asam ng lahat. Ang kaguluhang
nagbabalot sa bawat sektang ginagamit ng bawat relihiyon ay hindi makapagbibigay ng linaw sa lahat
maliban sa taong ito. Mapalad ang makakakilala sa kanya dahil tiyak na mapapabilang ang kanyang
pangalan sa Aklat ng Buhay. Yan ang pang-24 dibisyon sa spiritual.
Ito ang kabuuan ng 24 Ancianos, mga Espiritong katulong ng Diyos sa kanyang paglalang sa lahat ng
bagay, at bago sila magsimula sa kanilang gawain, sila’y nagsasalita ng sabay-sabay at ganito ang sabi
nila, “GIPARO HIP GIPARO CIHIP GRUMUGAM EMPRIUMISIC HELNAGAM UMAN HEMSPAG
HURMPA HURMPAS NURGUM SURISITIM DAB GOLO MENTUM HISIM MEMENTO PUI RATAM
PATER EST ARIA sa pamamagitan ng mga salitang ito ay nabuo sila ng lubusan pati ang kani-kanilang
kapangyarihan, at dito ay nagkaroon sila ng tanda ng pag-uugnay sa bawat sandali sa Infinito Diyos.
Nang matapos likhain ang 24 Ancianos (24 espirito) na siyang naging katulong sa lahat niyang mga
gawain, inihanda Niya ang apat na elemento upang ang mga ito ay maging sangkap sa gagawing
daigdig. Ito ay ang Lupa, Tubig, Hangin at Apoy. Ang mga elementong ito ay ang pinagmulan ng lahat ng
bagay sa labas at loob ng mundo . Dito rin nanggaling ang sangkap at kabuohan ng katawan ng tao,
ganoon din naman sa lahat ng may buhay sa lupa, gaya ng mga hayop, tanim at ng halaman.
Ang Infinito Diyos at ang mga espiritong kanyang kaantabay ay abalang-abala sa paghahanda sa bawat
bagay na kanilang lilikhain, bawat sandali ng pangangailangan sila ay nagtitipon-tipon at nag-uusap
upang mapagkaisahan ang mga bagay na dapat magaganap. Kahalintulad ng gagawin nilang kahoy may
nagsabi na ang malaking kahoy ay hindi dapat malaki ang bunga dahil pag mahulugan ang mga tao o
ang hayop ay hindi mamamatay at ganoon nga ang nangyayari, ang maliit na kahoy ay siyang malalaking
bunga.
Ang bawat kaantabay ng Diyos ay gumagawa sang-ayon sa kani-kanilang tungkulin kaya lahat ng bagay
na kanilang naiisipang gawin ai kanilang ihahanda ang mga sangkap nito upang sa oras na kanilang
umpisahan ang paglalang ay preparado na.
Ang apat na elemento ay wala pang hugis, wala pang porma at hitsura ang apat na ito ay pinagbuklod-
buklod ng Infinito Diyos sabay ang salitang “CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM” kaya
nagkaroon ito ng hugis. Sa aklat ng Genesis 1:1-2 ay ganito ang nakasulat, NANG SIMULANG LIKHAIN
NG DIYOS ANG LUPA AT ANG LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO. DILIM ANG
BUMABALOT SA KALALIMAN AT UMIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG”.
Maliwanag na mula nang likhain ang mundo ito’y mayroon ng lupa, hangin at tubig bagamat wala pa itong
anyo.
Ang Infinito Diyos ay nagsalita muli ng ganito, “ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TREASET
BUITARAP”, at nabuo ang apat na elemento at nagiging isang mundo, at muling nagsalita ang Diyos ng
ganito, “MANAOT LUMBRATE ACTIVE DEUS MEAVITE DEUS SANCTA MEUS”, at nagbukod ang Lupa
at Tubig, at may sinabi pa, “MALQUE ATIM MIRBEATIM MACMITIM”, ang tubig ay nagkabuklod-buklod
sa magkaiba-ibang bansa.
Ang unang araw sa kanilang paglalang ay nagbigay ligaya sa Infinito Diyos ganoon din sa Kanyang mga
kaantabay, maligaya silang nagbabatian at dahil doon ay may sinabi ang Diyos na ganito, “HUMBRE SE
LUMBRE BIRHAMOY DIDUCAM BALRISI HUMAHUM MIGTIAL SACSILUOM DEUS SIGHOM”, at ang
24 Ancianos ay sumagot ng ganitong salita, “DEUS EGOSUM MON NUMBRE SILAC CARTOAM DEUS
EGOSUM MOSTAHUS HIGRUSILUM CIAMIMCUM EDRUTE ACDUDUMIM MOMINTOR”. Pagkatapos
noon ay nagsimula na naman silang maglalang ng pangalawang araw na ubod ng ligaya ang kanilang
mga mukha.
Sa araw na ito ay ginawa ng Diyos ang kalawakan upang mamagitan sa tubig na nasa itaas at sa may
bandang ibaba, kaya ang sabi sa Genesis 1:6-8 ay ganito, “SINABI NG DIYOS: “MAGKAROON NG
KALAWAKANG MAGHAHATI SA TUBIG UPANG ITO’Y MAGKAHIWALAY AT NANGYARI ITO. GINAWA
NG DIYOS ANG KALAWAKAN NA PUMAGITAN SA TUBIG NA NASA ITAAS AT NASA IBABA. LANGIT
ANG TAWAG NYA SA KALAWAKAN. DUMAAN ANG GABI AT SUMAPIT ANG UMAGA. IYON ANG IKA-2
ARAW”.
Sa tagong kasaysayan naman ay ganito ang sinabi ng Diyos nang ginawa ang kalawakan, “BERNATE
DEUS MOSHIC HACCOMEUM SUPERNA EGOSUM”. At nang tawagin niya ang kalawakan na LANGIT
ay ganito ang salitang binigkas Nya, “BUNAMORATE AB SILOC HISCORTE CAELUM”. At dagdag nito
upang maging ganap ang pinaka-unang pangalawang araw sa buong kasaysayan ng paglalang,
nagsalita muli ang Panginoon. “NUMBRATE CAELORUMET TERRAM DISIDIDUM MUNDUM
LACIMUNA HIGROSEM PACTOBOTEL ECRAESIM EGO DEUS MUNDURARIPUS DEUS”. Nang ito’y
masambit sumagot ang 24 Ancianos ng ganitong salita, “REJIGESE BISOLANE BIENTE QUATOR
SEÑORES EGOVIS SANCTE LUMIHIDAM PARPARAM SARALAM BUNCAO PIIG SINTURISMO
EGOSUM DEUS”. Pagkatapos noon ay naganap ang ikalawang araw ng paglikha.
Pangatlong araw
Sa araw na ito ay pinagsama-sama ng Diyos ang tubig sa isang dako upang lumitaw ang lupa, tumubo
ang sari-saring halaman, mga kahoy na siyang sanhi ng kagandahang hindi pwedeng pantayan. Ang mga
bulaklak na kung pagmasdan ay parang nagpapaligsahan sa ganda. Ang punong kahoy na halos
nagtataasan upang matatanaw ang kapaligiran nagsisayahang lumanghap ng simoy ng hanging sariwa at
ang mga kabundukang punong-puno ng sari-saring halaman ay parang nag-aawitan sa tuwa dahil
nadarama ang kaligayahang walang halo kundi puro kagalakan.
Sa Genesis 1:9-13 ay ganito ang nakasulat, “SINABI NG DIYOS, MAGSAMA SA ISANG DAKO ANG
TUBIG SA SILONG NG LANGIT UPANG LILITAW ANG LUPA, AT ITO’Y NANGYARI. ANG LUPA AY
TINAWAG NIYANG DAIGDIG AT KARAGATAN NAMAN ANG NAGSAMA-SAMANG TUBIG. NASIYAHAN
SIYA NANG ITO’Y MAMASDAN. PAGKATAPOS, SINABI NG DIYOS, MAGKAROON SA LUPA NG
LAHAT NG URI NG HALAMANG NAMUMUNGA AT NAGBUBUTIL. AT NANGYARI ITO. TUMUBO NGA
SA LUPA ANG MGA HALAMAN. NASIYAHAN SIYA SA KANYANG GINAWA NANG ITO’Y MAMASDAN.
DUMAAN ANG GABI AT SUMAPIT ANG UMAGA – IYON ANG IKA-3 ARAW.
Nang pinagsama ang Tubig upang lumitaw ang Lupa at ganito ang sinabi ng Diyos sang-ayon sa tagong
kaalaman. “DIRACTOR HOBI COMES TUNADOR EMPARITILLOS SIRCABUS HUMRETOS”. Nang
ginawa ang mga damo at halaman ay ganito ang sabi ng Diyos. “UCCOLUM HUMBARQUIDE ADOACTE
FIGNIMUS ET BARTUARUS”, at nagsalita muli upang tumubo ang mga kahoy at lupa, “LYACHAM
LAYALGEM LAYAFARAN LIALFARAH LEBARA LEBAROSIN LAYARAROLUS”, pagkatapos sa mga
salitang ito lumitaw at tumubo ang lahat ng uri ng punongkahoy sa balat ng lupa.
Ang pangatlong araw sa kanilang paglalang ay nagbigay dagdag ligaya sa Diyos at sa Kanyang mga
gawa, ubod sa ligaya ay nagsalita ang Diyos ng ganito: “DEUS MEUS CASTABOLANE EGOSTILLOS
BUADOS MACRISE HIGUTE VILVO HUMAR ESORASIOM TUBBY”. Nang madinig ito ng 24 Ancianos
sila’y sumagot ng sabay-sabay sa pamamagitan ng mga salitang ito. “DEUS APTRIS TITRUS EGO SUM
MEUM TOCRIBUS TAALIRUS ROROLUS DEUS BAARTIBUS SICUTABUS ESTIMUS HONTIBARUM
MUMBORUM EGO SACLO LUMBRE MUSTAEMTILUS.” Pagkatapos sa mga salitang ito ay naganap
ang pangatlong araw.
Sa araw na ito ay nilikha ng Diyos ang Araw, Buwan, at mga Bituin. Ang Araw ay nakalaan upang
magbigay liwanag sa panahon ng araw at ang Buwan ay para magbigay liwanag sa gabi. Ang mga Bituin
naman ay upang magbigay kagandahan sa buong kalawakan lalong-lalo na sa panahon ng gabi. Ang
mga ito ay siyang tatanglaw sa buong mundo.
Sa Genesis 1:14 hanggang 18 ganito ang sabi: “SINABI NG DIYOS. MAGKA-ROON NG MGA TANGLAW
SA LANGIT PARA MABUKOD ANG ARAW SAS GABI. ITO ANG MAGIGING BATAYAN SA BILANG NG
MGA ARAW, TAON AT KAPISTAHAN. MULA SA LANGIT, ANG MGA ITO’Y MAGSASABOG NG
LIWANAG SA DAIGDIG AT GAYON NGA ANG NANGYARI. NILIKHA NG DIYOS ANG DALAWANG
MALAKING TANGLAW: ANG ARAW, UPANG TUMANGLAW SA MAGHAPON, AT ANG BUWAN, UPANG
MAGBIGAY LIWANAG KUNG GABI. NILIKHA RIN NIYA ANG MGA BITUIN, INILAGAY NIYA SA LANGIT
ANG MGA TANGLAW NA ITO UPANG MAGSABOG NG LIWANAG SA DAIGDIG. TUMANGLAW KUNG
ARAW O GABI, AT MAGBUKOD SA LIWANAG AT DILIM. PINAGMASDAN NG DIYOS ANG KANYANG
GINAWA AT SIYA’Y NASIYAHAN.” Ganyan ang sabi sa hayag na karunungan.
Bagamat sa hayag na kaalaman ay may malaking kakulangan sa tunay na pangyayari, ang tago naman
ay ganito ang pagpaliwanag. Nang likhain ng Diyos ang Araw na ito ang salitang Kanyang binigkas:
“HICAAC ESPIRITUM MEUM ET CUM SARMUNDI VESET NOS EMPERIM”. Nang ito’y masabi biglan
nagkaroon ng bulang apoy na siyang nilikha ang araw ng Infinito Diyos at ito’y inilagay niya sa gitna na
kalawakan upang magbigay ng tanglaw sa daigdig. “SARMUNDI ENERITUM MURLUM MACMITOR
HIGUR.” Ang araw ay nagkaroon ng dalawang mata na siyang nagbigay buhay sa init nito: “SINASOP
MISOP HUMPILAC LARAMEUS EGLOREMOS”. Nagkaroon ng dalawang tainga upang madinig kung
ano man ang pag-uutos ng Diyos sa kanya. “BUCERRA LAGASTOSE HINLOT MIMPAL EGOPAL
LACMIT SUNIMBUR DEUS TORSILATUS”, nagkaroon ng bibig upang may kakayahang makipag-usap
sa mga nilikha ng Diyos gaya ng Buwan, mga Bituin, at higit sas lahat ay makapagbigay siya ng mensahe
sa Diyos sa kahit anong bagay ng ginagawa ng tao at iba pang mga nilalang ng Diyos sa mundo, kaya
isa ito sa dahilan kung bakit ang tao hindi puwedeng magsinungaling sa Kanya.
Ang katawang material ay dapat magkaroon ng espirito kaya nagsalita ang Diyos ng ganito upang
pasukan ng espirito ang katawan ni Adan: “ACUTIN PERICTATOS REXSISIUM CINCIMATIM
PIMPUMABAL PICIONABAL PAMPANABAL, at upang gumalaw ang katawan ni Adan: “ALLITUIM
HISIUMIEM ALLITAM RACIONISUM PICERE SARAPACIONEM PIMPUMABAL, at para makapagsalita si
Adan, anito ang sabi ng diyos: “PELINCUAM PRILICAM PURITIRITIS PAMPANABAL, at upang maging
normal na tao si Adan, at huwag Makita ang kanyang espiritu, “PURFIFINICURI PANPANABAL EUNIC
CIUME ESISIRA PAMPANABAL SUBIRISATI NIMTAR CRUITIATOR GUM.”
Nang matapos mabasbasan si Adan, ito’y naging tunay na tao, subalit may nakita
ang Diyos na dapat magkaroon si Adan ng kasama, kaya sa Aklat ng Genesis 1:18,
21, 22, 23, 24, 25 ganito ang sabi: “MATAPOS GAWIN ANG LAHAT NG ITO, SINABI NI
YAHWEH, HINDI MAINAM NA MAG-ISA ANG TAO, BIBIGYAN KO SIYA
Sa mga nakaraang mga labas ay naikwento kong paano ang paglalang ng Diyos ng Mundo, at sa lahat
na may buhay pati na sa mga kahoy at mga halaman, maliban dyan ganoon din ang paglikha ng araw,
buwan, mga bituin at iba pa sa pamamagitan ng tago (Isoteric) at hayag (Ecclesiastical) na karunungan
ng Diyos.
Sa Biblia naitala ang mga taong inuutusan ng Diyos dito sa lupa. Mula kay Adan, Noe, Abraham, Jacob,
Moses, Haring David at marami pang iba hanggang sa panahon ng Panginoong Jesucristo pati na si
Juan ang sumulat sa pinakahuling aklat ng biblia walang iba kundi ang Pahayag, ang mga ito ay
nagtataglay ng dalawang uri ng karunungan ng Diyos, ang Hayag at Tago.
Sa panahon pa ni Adan mayroon itong kakayahan na kakausapin ang mga kahoy at halaman pati ang
mga hayop ng kanyang nasasakupan. Ipinagkaloob ng Diyos sa kanya na magtataglay ng ganitong klasi
na karunungan.
Sa panahon ni Moses ganoon din, ating matutunghayan sa Biblia ang limang aklat na sinulat ni Moses
bilang hayag niyang karunungan, ang mga ito ay ang aklat ng Genesis, Exodo, Levetico, Mga Bilang at
Deuteronomio.
Maliban dito ay mayroon pang limang aklat na hindi naitala sa biblia ito ang pang anim, pang pito, pang
walo, pang siyam at pang sampu. Mapalad ang makatuklas nito dahil dito ibinulgar ni Moses ang pinaka-
ubod sa mga tago niyang karunungan, gayan ng pagbiak niya sa dagat, ang tungkod ay ginawa niyang
ahas at marami pang mga kababalaghaang ginawa niya dito.
Si Haring David sa kanyang paghahari ay nagdanas ng maraming labanan na kong saan ay lagi itong
nagwagi libo-libo ang kalabang namamatay sa digmaan subalit sa kanyang mga tauhan ay wala ni isa ni
masugatan man lang. Sa mga nakaalam sa tagong karunungan naniwalang mayroong itinuro si Haring
David sa kanyang mga tauhan na mga pangdepensa sa labanan na kong tawagin ito sa kasalukuyang
panahon ay anting anting (amulet). Mayroon si Haring David salita na panghahalina sa mga babae ito,
kong tawagin ay gayuma at ito’y naitala sa biblia na niya ay mayroong isang legal na asawa at mayroon
99 na mga illegal na asawa. Ganoon din si Haring Solomon na siyang pumalit sa kanya, 300 na legal
asawa at 700 illegal na mga asawa sang-ayon pa sa biblia.
Ang ating Panginoong Jesucristo ay naitala sa biblia tungkod sa mga himala at kababalaghaan niyang
nagawa, gaya ng tubig ginawang alak, bulag nakakita, bingi nakadinig at higit sa lahat ay ang bumuhay
ng patay, ang mga ito ay pagpapatunay lang na si Panginoon Jesus ay nagtataglay ng tago ng
karunungan ng Diyos.
Ang tagong karunungan ay nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit o pagbigkas ng mga salitang
LATIN, gaya ng ating Panginoon Jesucristo ay naitala sa biblia ang mga salitang LATIN na kanyang
binigkas ng Siya’y bumuhay ng patay. Sa Marcos 5:41 ganito ang sabi: “HINAWAKAN NIYA ITO SA
KAMAY AT SINABI. “TALITA KUMI” NA ANG IBIG SABIHI’Y “ENING” SINABI KO SA IYO MAGBANGON
KA!” Sa ganoong salita lamang ay bumangon at nabuhay ang 12 anyos na batang babaeng bago lang
namatay at namangha ang mga taong nakasaksi.
Ang Lihim at Hayag na Karunungan ni Jesucristo
Ang Panginoong Jesucristo ay nagta-taglay ng dalawang uri ng karunungan, ito ay ang hayag
(Ecclesiastical) at ang tago (Esoteric) na siyang ginamit Niya sa kanyang mga himala at kababalaghaan
noong nandidito pa siya sa Mundo.
Maraming aklat na nagpapatunay sa buhay ng ating Panginoon Jesucristo, mga pangyayaring hindi
nakasulat sa biblia. Kung tutuosin mas mahaba ang hindi nakasulat, ito ay labing-walong taon
samantalang ang nakasulat ay mula noong Siya’y isinilang hanggang labing-tatlong taon gulang at
naputol ito, bumalik ng Siya’y nagkaidad na tatlongpu at pagdating sa tatlongpu’t tatlong taon gulang
siya’y ipinako na ng krus.
Ang tanong, itong labing-walong taon na nawawala sa biblia, ano ang ginagawa na ating Panginoon
Jesucristo sa mga panahong ito? Bago natin tatalakayin yan, balikan muna natin ang pangyayari sa
buhay na pinagmulan ng ating Panginoon.
Sa tagong karunungan ay naitala na ang mga magulang ng ating Panginoon Jesucristo ay nagmumula ng
isang maliit na samahan ng mga Judio. Gaya rin sa mga panahon ngayon na ang mga Cristiano ay
nagkabuklod-buklod subalit iisa ang pinaniwalaang Diyos. Ang maliit na samahang yoon ay
pinamagatang ESSENNE at ang namumuno nito ay si Joseph ang tumatayang Ama ni Jesus. Sang-ayon
ng kasaysayan ay hindi sila umabot ng isang libo sa dami. Sila’y nag-aaral ng mga tago na karunungan
natutunan nila mula pa sa kanilang mga kanununuan subalit sila’y naniniwala rin ng mga doktrinang ipina-
sunod ng mga pinuno ng mga Judio gaya ng mga batas na nagmumula sa mga Pariseo at mga
saserdote.
Maliban sa mga doktrinang sinusunod nila mula sa mga Judio mayroon din silang doktrinang pansarili
sang-ayon sa kanilang paniniwala bilang mg nasasakupan ng samahang ESSENNE. Si Maria na ina ni
Jesucristo ay noong apat na taong gulang pa lamang ay ipinasok na sa isang pagsasanay at may
kasama itong labing isang mga batang babae ay nagdaan ng mahirap na pagsubok, itinuturo sa kanila
ang tamang asal, mga pag-uugali, lalong lalo na sa pagdadasal sa takdang oras. Ang pakay sa
pagsasanay na ito ay paghahanda sa sinabi ng Diyos sa kanilang ninunong si haring David tungkol sa
Misiyas na isisilang sa kanilang angkan.
Sa aklat ng lumang Tipan, 2 Samuel 7:13 ganito ang nakasulat: “SIYA ANG MAGTATAYO NG TEMPLO
PARA SA AKIN, AT SA KANYANG ANGKAN MAGMUMULA ANG MAGHAHARI SA AKING BAYAN
MAGPAKAILANMAN”, ang mga salitang sinabi ng Diyos doon kay haring bago ito mamatay, ang
tinutukoy ng Diyos na magtatayo ng kanyang Templo ay si haring Solomon na siyang pumalit ng
paghahari ni David at magmumula sa kanyang lahi ang maghahari magpakailanman na natutupad ito sa
pamamagitan ni Jesucristo.
Sa wala pa ang ating Panginoon Jesus. Si Joseph noong panahon na yoon ay siyang namumuno ng
isang maliit na samahang pinamagatang ESSENNE. Ang samahang ito ay isang kawan na nagmumula
sa mga Judiyong di kilala sa lipunan o mga Judiyong nasa mababang antas ng susidad.
Dito bilang pinuno si Joseph, nagtuturo siya ng mga tagong karunungan ng Diyos (Esoteric) bilang gabay
ng kanyang mga nasasakupan. Ang karunungang ito ay kanyang nasunod mula pa sa kanilang mga
kanununuan buhat pa kay Abraham. Sa panahon ngayon ang mga taong nag-aaral ng mga tagong
karunungan ay hindi kinikilala sa madla, ganoon din si Joseph noon mga panahon na iyon. Wala siyang
salitang pinakinggan sa lipunan maliban sa kanyang mga nasasakupan lamang na siyang masugid na
tagasunod sa mga doktrinang kanilang pinag-aralan.
Sa kanilang samahang ito si Joseph ang kinilalang propeta, sa paniniwala nila si Joseph ay Templo ng
Diyos sa panahong yoon. Isang gabi si Joseph ay kinasihan ng Espirito at sinabihan siya na magpili ng
12 batang babae na may apat na taong gulang, at sinunod ito si Joseph, ginawa niya ang pagpili at isa na
nito ay si Maria na siyang naging ina ni Jesus.
Ang 12 batang babae ay nagkaroon ng mga pagsasanay, (Training) itinuturo sa kanila ang wastong pag-
uugali sa pagkilos, pananalita, pananamit, pagkain, pagdarasal at sa lahat ng bagay na ikakalugod ng
Diyos, lalong lalo na sa tagong karunungan na siyang sentro ng mga pagsasanay na ito. Habang ang
mga batang ito ay tinuturuan ng mga maraming bagay tungkol sa tagong karunungan, sila’y dinadaan sa
maraming pagsubok sa pamamagitan ng eksaminasyon para malaman kung sino sa kanila ang
pinakamagaling at matalino. Sa ilang taong pagsasanay na ito, lumalabas na si Maria ang laging
nangunguna sa bawat pagsusuri at paligsahan na nagaganap.
Nang ang mga 12 batang babae ay nagkaedad na ng 12 taong gulang din, sa pamagitan ng panaginip si
Arkanghel Gabriel ay nagpakita kay Joseph at nagsabi na si Maria ang nakapasa sa lahat ng pagsubok at
pagsasanay, at dahil dito si Maria ang nakatakdang magsilang ng isang batang lalaki na siyang naging
Mesias ng buong mundo si Kristo Jesus.
Sa edad ng 12 anyos si Maria ay nagpapatuloy ng pagsasanay subalit nag-iisa na lamang siya, hindi na
kasali yong 11 batang kasama niya sa unang pagsasanay na nagaganap. Sa mga panahong ito iba na
ang itinuturong pag-aaral dahil matataas na antas ng espirituwal na kaalaman ang kanyang pinag-aralan
gaya ng pagpapasok ng espirito sa katawan ng material na tao (insertion) at papaano nakakausap ang
mga ito. Ang lumang tipan sa aklat ni Ezekiel 2:2 bilang pagpapatunay na ang tao ay pwedeng
papasukan ng Espirito ng Diyos ang katawan nito, ganito ang sbi: “KASABAY NOON, NILUKUBAN AKO
NG KANYANG ESPIRITU AT ITINAYO AKO UPANG PAKINGGAN ANG KANYANG SASABIHIN.” At sa
Pahayag 1:10 ganito rin ang sabi: “NOO’Y ARAW NG PANGINOON, KINASIHAN AKO NG ESPIRITU, AT
NARINIG KO MULA SA AKING LIKURAN ANG ISANG MALAKAS NA TINIG NA PARANG TUNOG NG
TROMPETA.” Ganyang ang nakasaad sa hayag na karunungan, ang Biblia.
Ang samahan ESSENNE ay mayroong lugar kung saan idinadaos ang kanilang pagdarasal, ang lugar na
ito ay para sa kanila isang banal, ito’y malapit lang sa kanilang mga kabahayang gawa ng lupa at
ipinaghalong abo upang maging matibay, ang lugar na ito ay tinawag nilang balbanera, ditto sila makipag-
usap sa Panginoon sa panahon ng pangangailangan. Isang panahon si Maria mayroong kinatatakutan at
siya’y nagtago sa lugar na ito, at habang siya’y nagtatago nagbanggit siya ng salitang ganito: “IGNE
NATURA RENOVATOR INTEGRA OC ADONAI LIBERARI NOSTRI TRINITATIS DEI BALBANERA
CUBRE SACUBE DEUS VIVAS” at pagkatapos mabanggit ang mga salitang yoon ay biglang nawala ang
naramdaman niyang takot.