Module (Tula)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

may mga uri din po ng tula and sana po per uri po ay maghanap po ng mga halimbawa ng mga yun.

MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng araling ito, dapat mo nang:


1. lubos na makilala ang tula at ang kahalagahan nito;
2. napapayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga kasingkahulugan ng
mahihirap unawaing salita at pag-unawa sa mga natatagong kahulugan ng ilang pahayag o
simbolismo;
3. nasusuri ang tula ayon sa sumusunod:
3.1 paksa o mensahe
3.2 layunin ng makata sa pagsulat
3.3 mga damdaming napapaloob dito
3.4 mga simbolismo o sagisag na ginagamit
3.5 kaangkupan nito sa kasalukuyan
4. naibibigay at nailalahad ang iyong reaksyon sa ilang kaisipan o damdaming ipinahihiwatig
nito;
5. natutukoy ang layunin ng pahayag;
6. naipamamalas ang pagpapahalaga sa tula sa pamamagitan ng pagbigkas nito nang may
angkop na damdamin.

PANIMULA
Isang sangay ng panitikan ang tula. Mahalaga ito sapagkat dito ganap na naipapahayag ng
makata ang kanyang damdamin. Karaniwang makulay, masining at maganda ang
pagpapahayag o mga pananalitang ginagamit dito. Gumagamit dito ang makata ng mga
simbolo o sagisag upang lalong mabigyang-buhay ang kanyang damdamin. Piling-piling mga
salita ang ginagamit dito. Sa bawat pahayag, kung matamang susuriin, mapapansing may
natatagong kahulugan o pahiwatig. Sa araling ito, lubos na mauunawaan kung ano ang tula,
ang iba't ibang uri nito, mga katangian nito, ilang halimbawa at mahalagang kaalamang may
kinalaman sa tula.

ANG TULA
Nasusulat sa mga taludtod o taludturan ang tula. Ayon kay Lope K. Santos, ang tula ay isang
uri ng akda na may sukat, tugma, kariktan, at talinghaga. Batay naman kina Romana Tuazon
at Rodolfo Jose, ang tula ay isang pagbabagong-hugis ng buhay na likha buhat sa mayamang
guniguni o imahinasyon ng makata. Ang mga sangkap na matatagpuan sa tula ay tungkol sa
damdamin, guniguni, kaisipan at pananalita.

Mga katangian ng isang mabuting tula:

1. Sukat.
Bilang ng pantig sa bawat taludtod ang sukat. May mga tulang may sukat. Karaniwang
may 12, 16 at 18 ang sukat ng tula. Para sa mabuting pagbasa nang malakas o pagbigkas
ng tulang may 12 pantig, maaaring hatiin ito nang 6 - 6. Ang 16 naman ay maaaring 8 - 8 o
4 - 4 - 4 - 4. Mangilan-ngilan ang tulang may 18 pantig. Karaniwan na ang may 12 pantig.
a. May apat na pantig
Andres Bonifacio
ni Cesario Y. Torres
Bo / ni / fa / cio
Sa / a / raw / mong
La / bing / i / sa
At / san / sig / lo
Ang / han / dog / ko
I / sang / pin / sang
Pi / li / pi / no

b. May 12 pantig sa bawa't taludtod.


Kundiman
ni Jose Rizal
Tu / nay / nga / yong / u / mid / ya / ring / di / la't / pu / so,
Ba / yan pa / li / ha / say / lu / pig / at / su / mu / ko
Sa / ka / pa / ba / ya / an / ng / mag / tu / rong / pu / no

c. May 16 na pantig.
Ang Pagtugtog ng Kampana
ni Jose Corazon de Jesus
May / kam / pa / na / nang / bin / ya / gan / nang
i / ka / sal / nang / i / li / bing
May / kan / di / lang / na / ka / tang / law / na / sa
ta / o'y / na / ka / ti / ngin

2. Tugma.
Kapag magkasingtunog ang mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod, may tugma ang
tula, maaaring ganito ang tugma ng hulihan: (a - a - a - a, a - b - a – b) o (a - b - b – b).
Mga halimbawa ng tugma:
Maganda Pa Rin Ang Buhay
ni Ludy C. Marin
May nagsabing ang mundo raw ay pangit na
at malagim a
Ako'y di sumasang-ayon, ito'y di ko
tatanggapin a
Ang tamis o kapaitan ay nasa ating
damdamin; a
Kung ang gabi ay pusikit, bakit ka
maninimdim? a
Tumingala ka at hayun ang patnubay
na bituin! a
Kung mamalas mo ang burak, bakit ka
maririmarim? a
Iyang busilak na kamya'y di ba't
diyan sumusupling? a

Ikaw
ni Jose Umali, Jr.
Ikaw ang buhay a
Ikaw ang daigdig b
Ikaw ang buhay ng daigdig, b
Ang daigdig ng buhay ay Ikaw. a
Ikaw ang tula a Ikaw ang pag-ibig b
Ikaw ang tula ng pag-ibig, b
Ang pag-ibig ng tula ay Ikaw. a

3. Talinghaga.
Matalinghaga ang tula kapag nagtataglay ng matayog na diwa o kaisipan ng makata.
Batay sa ipinahayag ni Alejandro Abadilla, tugma at hindi tula ang binasa kapag sa unang
pagbasa, naunawaan kaagad ang ibig sabihin. Kung gayon, bago matawag na tula ang
isang akda, kinakailangang may natatagong kahulugan sa mga salita o mga pahayag. May
mga simbolo o sagisag ding ginagamit ang makata.

4. Kariktan.
Mahusay at maganda ang tula kapag nag-iiwan ito ng impresyong mahirap makalimutan o
sumasaling sa damdamin at kaisipan ng bumabasa.

Mga Uri ng Tula:

1. Tulang pasalaysay
Isa itong nagsasalaysay ng mga pangyayari o tulang naglalarawan ng buhay. Nabibilang sa
uring ito ang epiko, awit at kurido.
1.1Epiko. Isang tula itong pasalaysay na ang mga pangyayari ay nauukol sa
pakikipagsapalaran, katapangan, kabayanihan at may mga pangyayaring hindi kapani-
paniwala ngunit kapupulutan ng aral. Ang "Biag ni Lam-ang", "Indarapatra at Sulayman",
"Bidasari", at "Bantayan" ay ilang halimbawa ng epiko.
Narito ang isang halimbawa ng epiko:
"INDARAPATRA AT SULAYMAN"
Salin ni Bartolome del Valle
Nang unang panahon sa alamat ang kinakain na walang anuman.
pulong Mindanaw
ay wala ni kahit munting kapatagan. Ang ikatatlo'y si Pah na ibong
Pawang kabundukan malaki. Pag ito'y lumipad
ang tinatahanan ng maraming taong ang bundok ng Bita ay napadidilim
doo'y namumuhay niyong kanyang pakpak.
Maligaya sila sapagkat sagana sa Ang lahat ng tao'y sa kuweba
likas na yaman. tumahan upang makaligtas.
Sa salot na itong may matang
Subalit ang lagim ay biglang malinaw at kukong matalas.
dumating sa kanila
na dati'y payapa. Apat na halimaw Ang bundok Kurayang
ang doo'y nanalot. pinanahanan ng maraming tao
Una'y si Kurita na maraming paa ay pinagpaglagim ng isa pang ibong
at ganid na hayop may pito ang ulo;
pagkat sa pagkain kahit limang
tao'y kanyang nauubos. Walang makaligtas sa bagsik ng
kanyang matalas na kuko
Ang bundok Matutum ay tinirhan Pagkat maaring kanyang natatanaw
naman ng isang halimaw ang lahat ng tao.
na may mukhang tao na nakatatakot
kung ito'y mamasdan, Ang kalagim-lagim na kinasapitan
ang sino mang tao na kanyang ng pulong Mindanaw
mahuli'y ay agad nilalapang ay nagdulot-lungkot sa maraming
at ang laman nito'y kanyang
baya't mga kaharian,
si Indarapatra na haring mabait
dakila't marangal
ay agad nag-utos sa kanyang kapatid
na prinsipeng mahal.

"Prinsipe Sulayman, ako'y sumasamo


na iyong iligtas
ang maraming taong nangangailangan
ng tulong mo't habag"
"O mahal na hari na aking kapatid,
ngayon din lilipad
at maghihiganti sa mga halimaw,
ang talim ng tabak."

Binigyan ng isang singsing at isang


espada ang kanyang kapatid
Upang sandatahin sa pakikibaka.
Kanyang isinasabit
Sa munting bintana ang isang halaman
at saka nagsulit
"Ang halamang ito'y siyang magsasabi ng iyong nasapit."

Nang siya'y dumating sa tuktok


ng bundok na pinagharian
nitong si Kurita, siya ay nagmasid
at kanyang matunghan
ang maraming nayong wala kahit
isang taong tumatahan.
"Ikaw'y magbabayad, mabangis na hayop!" yaong kanyang wika

Di pa nagtatagal ang kanyang


sinabi, nagimbal ang bundok
at biglang lumalabas itong si Kuritang
sa puso'y may poot
Sila'y nagbaka at hindi tumigil
hanggang sa malagot
ang tanging hininga niyong si Kuritang
sa lupa ay salot.

Tumatag ang puso nitong si Sulayman


sa kanyang tagumpay
kaya't sa Matutum, ang hinanap
naman ay si Tarabusaw;
sa tuktok ng bundok ay kanyang
namalas ang nakakahambal
na mga tanawin: "Ngayon di'y lumabas
nang ikaw'y mamatay."

Noon di'y nahawi ang maruming


puno sa gilid ng bundok
at ilang saglit pa'y magpupuyos.
Yaong si Sulayman'y may hawak na
tabak na pinag-uulos.
Ang kay Tarabusaw na sandata nama’y
sangang panghambalos.

At sa paghahamok ng dalawang
iyong balita sa tapang,
ang ganid na hayop sa malaking
pagod ay napahandusay.
"Ang takdang oras mo ngayo'y
dumating na," sigaw ni Sulayman.
At saka sinaksak ng kanyang sandata
ang pusong halimaw.

Noon di'y nilipad niyong si Sulayman


ang bundok ng Bita;
Siya'y nanlumo pagkat ang tahanan sa
tao ay ulila;
ilang sandali pa ay biglang nagdilim
gayong maaga pa
at kanyang natantong ang kalabang
ibon ay dumarating na.

Siya ay lumundag at kanyang


tinaga ang pakpak ng ibon
Datapwa't siya rin ang sinamangpalad
na bagsakan niyon;
sa bigat ng pakpak, ang katawan
niya'y sa lupa bumaon
kaya't si Sulayman noon ay nalibing
na walang kabaong.

Ang kasawiang ito ay agad nabatid


ng mahal na hari
pagkat ang halaman noon di'y nalanta't
sanga'y nangabali;
"Siya ay patay na!" ang sigaw ng
kanyang namumutlang labi,
"Ang kamatayan mo'y ipaghihiganti
buhay ma'y masawi."

Nang siya'y dumating sa bundok


ng Bita ay kanyang binuhat
ang pakpak ng ibon. Ang katawang
pipi ay kanyang namalas.
Nahabag sa kanya ang kanyang bathala;
biglang nagliwanag
at ilang saglit pa ay nakita niya
ang tubig na lunas.

Kanyang ibinuhos ang tubig na yaon


sa lugaming bangkay
At laking himala, ang kanyang kapatid
ay dagling nabuhay.
Sila ay nagyakap sa gitna ng galak
at ng katuwaan,
saka pinauwi itong si Sulayman sa
sariling bayan.

Sa bundok Kurayan na kanyang


sinapit ay agad hinanap
ang ibong sa tao'y nagbibigay
lagim at nagpapahirap
dumating ang ibong kay laki ng
ulo at ang kuko - matalas
subalit ang kalis ni Indarapatra'y
nagwagi sa wakas.

Sa kanyang tagumpay may isang


diwatang bumating magalang
"Salamat sa iyo butihing bayani na ubod
ng tapang, kaming mga labi ng ibong gahaman
ngayo'y mabubuhay."
at kanyang namalas ng maraming
taong noo'y nagdiriwang.

Mga patnubay na tanong:

a. Kaanu-ano ni Haring Indarapatra si Sulayman at ano ang iniutos niya rito?


b. Anong lagim ang nangyari sa pulong Mindanaw sa epikong ito? Ilarawan ang bawa't isa.

1.2 Awit. May labindalawang pantig ang bawat taludtod ng awit. Ang "Florante at Laura" ang
halimbawa ng awit. 1.3 Kurido. May walong pantig ang bawat taludtod ng kurido. Ang
"Ibong Adarna" ang halimbawa ng kurido.
1.3 Magkatulad ang paksa ng awit at kurido. Kapwa ibinatay sa "metrical tales" ng Europa ang
dalawang ito. Ang pagkakaiba ay nasa bilang lamang ng mga pantig.

2. Tulang pandamdamin o liriko


Naglalaman o nagpapahayag ito ng damdamin ng makata sa isang bagay tulad ng
kaligayahan, kalungkutan, pag-ibig, hinanakit, poot, at iba pa. Narito ang mga halimbawa ng
tulang pandamdamin:

BAYAN KO
Jose Corazon de Jesus

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka,
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad,


Kulungin mo at umiiyak,
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita,
Aking adhika makita kang sakdal laya.

Mga patnubay na tanong:


a. Anong kalagayan ng Pilipinas ang ipinahahayag sa tula?
b. Ano ang hinahangad ng Pilipino para sa bayan?

KABAYANIHAN
Lope K. Santos

Ang kahulugan mo'y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod,
minsang sa anyaya, minsan kusang-loob
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.

Natalastas mong sa iyong pananim


iba ang aani't iba ang kakain,
datapwa't sa iyo'y ligaya na't aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.

Pawis, yaman, dunong, landas, dugo't buhay


pinuhunan mo at inaalay
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan.

Sa tulong mo'y naging maalwan ang dukha,


Sa turo mo'y naging mulat ang tulala,
tapang mo'y sa duwag naging halimbawa't
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

Tikis na nga lamang na ang mga tao'y


mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang paglimot kung di paglililo.

Patnubay na tanong:
Anu-ano ang mga nagawa ng bayani alang-alang sa bayan?

PANATA SA KALAYAAN
Amado V. Hernandez

Bilanggo; piit ng malupit Walang sumasagot; walang umiimik . . .


na kapangyarihang bihag din ng kanyang Ako ba'y suminsay sa batas kung kaya
takot sa matuwid; pinagdusang tikis?
ilang panahon nang kinulong at sukat nandaya? pumatay? nanggaga? nanggahis?
nang sukdulang higpit; nagpayaman baga sa pamumulubi ng bayan
daming mga araw, ang aking asawa ay di kong amis?
makalapit, Gising ang Bathala't Kanyang nababatid
kawawang bunso ko ay di madampian ni na kung tunay akong nagkasala'y dapat
isa mang halik; purihin nang higit;
mga kaibigan, kasama't kapatid, kasalanan kayang magtanggol-itindig
bawal ang sa aki'y makipag-ulayaw ng bayang mahirap - ng dustang paggawa't
kahit ilang saglit; aping magbubukid?
ibong piniit na'y walang habag pa ring kasalanan nga bang ang buhay ng dukha't
pinutlan ng bagwis dangal ng maliit
mistulang salarin o isang maysakit, Ibangon nang buong pagmamalasakit?
biglang iniligpit; Laban sa tirano, di ba kabalanan ang
at itiniwalag nila sa daigdig; paghihimagsik?
ang aking higaa'y tablang maligasgas Ngunit hindi lihim sa kahit na sino;
at wala ni banig pag ang namumuno sa isang gobyerno
na iisang dangkal sa amoy-libingang ang unang hangarin ay pananagano
sementong malamig, sa kapangyarihan, at gintong akibat
ang aking pagkain ay laging mapait. ng trono,
ulong sa putikan pupulutin bawat
Ang kasuotan ko ay laging limahid; di yumukong ulo . . .
ang mukha ng araw, ano bang tagal nang Ganyan ang istorya magmula kay Kristo
sa aki'y nagkait? hanggang kina Burgos, Rizal, Bonifacio,
ang luom na hangin ay singaw ng lason at maging nito mang itinitimpalak na
ang inihahatid, malaya na tayo,
ang yabag ng kawal na bantay ay dinig lumuhod sa puno't humalik ng kamay sa
sa gabing pusikit, palalong dayo
ang tiktak ng oras, tila tanikalang di ang di mababaling tuntuni't panuto,
mapatid-patid . . . at pagkakasala sakaling matuto
Ako'y nagtitiis . . . ng pangangatwiran: Itong Pilipinas ay sa
A, labis at labis
ang binabata kong tiis't hinagpis! Pilipino! Ako'y ikinulong ng mga kaaway ng
Bakit? bakit? bakit? laya't
liwanag - ng laya sa gutom, ng laya
sa takot at layang mangusap, iginalang ng bangis at dahas, ay dinig kong
ng layang sumamba sa Bathala't hindi sa lahat, mabisang balsamo sa kirot ng aking
diyos na huwad; kaluluwang may sugat, Ang libong nasadlak sa
salamat, mga piitan na kawangis ko ring
at libong salamat . . . pinagpakasala'y walang kasalanan, ang
laksang inusig at pinarusahan kahit walang
talastas kong ako'y hindi nag-iisa sa sakdal ni hatol ng aling may puring hukuman,
ganitong hirap, ang hindi mabilang na pinaglupitan sa bukid at
talastas kong ako'y hindi mag-iisa sa nayon, sa lunsod at bayan ang lahat ng
pakawakawak; pupuong libo, laksa, yuta't dampa, kubo, barung-barong na
angaw ang kaisampalad ng tagapagmana ng nilapastangan, at ipinalamon sa apoy, pati na
masayang bukas; ang taghoy ng bawat inang ang naninirahan, ang mga nailibing nang
naging Sisa sa dusang dinanas; ang may walang pangalan ni krus man lamang, di
luhang dasal ng nagluksang balo sa asawa't makalimot ni malilimutan, at ang tinig nila'y
anak, ang iyak ng batang sa kasanggulan pa'y abot sa pandinig ng kinabukasan
uli nang ganap mga walang malay na di

Mga patnubay na tanong:


a. Ano ang pinapaksa ng tula?
b. Anong uring Pilipino ang nagsasalita sa tula?

GISING NA, PILIPINO


Laarni Mañalac

Mula sa malaon nating pagkakahimlay


Pakiwari ko'y panahon na upang tayo'y umagapay,
Sa pagkakasadlak nitong bayan nating mahal,
Sa pagkadugahi't kaalipustaang tunay.

Tayong mga mamamayan ay di dapat alintana,


Ang nadaramang dagok sampu ng mga dusa,
Ang dapat na malirip katuparan ng pithaya,
Iwasang maging balakid ang ating pangamba.

Sa halip na maglimayon ay may pagkaabalahan,


Iwaglit ang pagpapatiyanod sa layaw ng katawan,
Magkaroon ng pagkukusang makipagtulungan,
At tahaking landas ang may kabutihan.

Bukas sa dibdib at taimtim na layunin,


Na di mapaparam ang siyang bigyang-pansin,
Magkakapit-bisig kinabukasa'y harapin,
Upang di mapariwara, tagumpay ay mapasa-atin.

Ang adhikaing ito'y magiging tahasan,


Kung isaalang-alang, katagang makabuluhan,
Isang bituing kumikinang na sa atin ay tanglaw,
"Ang kapatiran at pagkakaisa ang tunay na kalayaan!"

Patnubay na tanong:
Ipaliwanag: "Ang kapatiran at pagkakaisa ang tunay na kalayaan."
ANG KINABUKASANG NAGHIHINTAY
Frederico Davila
ay hanapin natin
masdan ang paligid kahit na makipot
hanapin ang buhay piliting tahakin
may luntiang dahong mayro'n mang sagabal
kapiling ng araw panganib sa daan
awit ng pag-asa ang kapalit nito
ay iyong pakinggan ay buhay na walang hanggan.
hatid nito'y sayang
walang hanggan. at kung tayo ay
ang buhay ng tao'y nasa Kanya nang piling
parang isang hamog wala na ang lungkot,
sa init ng araw uhaw at hapis
mawawalang lubos ang ligaya natin
kaya't habang ikaw ay walang hanggan
ay mayro'n pang buhay tayong mga anak ng Maykapal.
subukang magmahal
ng nilalang.
ang landas ng buhay

Patnubay na tanong: Ipaliwanag bakit kailangan nating magmahal ng nilalang.

3. Tulang pandulaan o padula.


Itinatanghal ito sa dulaan. Parang nagtatanghal ng
dula ang pagbigkas ng mga taong nag-uusap bagamat patula ang usapan dito.
Maaaring isama natin dito ang sabayang pagbigkas ng tula at ang balagtasan
sapagkat itinatanghal ang mga ito sa dulaan o tanghalan.

ANG SABAYANG PAGBIGKAS


Sabay-sabay na pagbigkas ito ng isang pangkat sa isang tula sa tanghalan o
dulaan. Gumagamit dito ng mga kilos/galaw, senyas ng kamay at ekspresyon ng mukha
upang mabigyang-diin o mailarawan ang damdaming napapaloob sa tulang binibigkas.
Maaari rin itong samahan ng sayaw at awit. Kapag pinagsama sa pagtatanghal ang
pagtula, pagsayaw at pag-awit, maaari na itong tawaging tula-sawit.
Dito, pinapangkat ang buong grupo sa tatlo o apat ayon sa kani-kanilang tinig;
mababang tinig, panggitnang tinig, mataas na tinig at matinis na tinig. Mahalagang
ayusin sila sa tanghalan ayon sa pagkakasama-sama ng tinig upang hindi
magkalituhan.
Dahil sa pagsasanay sa sabay-sabay na pagbasa sa magkakaibang tinig, kasama
na pati kilos at ekspresyon ng mukha, kinakailangan dito ang mahabang paghahanda at
paulit-ulit na pagsasanay.
Bagamat maaari ring gamitin sa sabayang pagbasa ang ibang akda sa tuluyan, higit
na mabuting gamitin ang tula sapagkat punung-puno ito ng damdamin.
Narito ang isang halimbawa ng piyesa para sa sabayang pagbasa.

ISANG BANSA, ISANG DIWA


(mula sa aklat nina Romana Tuazon at Rodolfo Jose)

LAHAT: Bumabati kami't taus-pusong nagpupugay


Sa lahat ng nakikinig na katoto at kababayan! (Yukod)
SOLO 1: Ako ay Baluga . . .
SOLO 2: Ako'y Kapampangan . . .
SOLO 3: Ako'y Bikolano . . .
SOLO 4: Ako ay Mangyan . . .
SOLO 5: Ako ay Igorot . . .
SOLO 6: Ako ay Bisaya . . .
SOLO 7: Ako ay Tagbanwa . . .
SOLO 8: Ako ay Muslim . . .
SOLO 9: Ako ay Ilokano . . .
SOLO 10: Ako ay Tagalog . . .
LAHAT: Sa lansakang turing, kami'y Pilipino . . .
heto kami, masdan ninyo,
taga iba-ibang lugar; taganayon, tagalunsod,
tagabayan, tagabukid, baybay-dagat, paambundok,
datapuwa't kami, kaming lahat ay magkakapatid
na may unawaan at pagkakaisang sintibay ng langit.
Kami'y anak ng lupaing ang pangala'y Pilipinas,
kami'y Pilipino na isa sa mithi at dakilang hangad
sa panahon ng digmaan, kami'y namumuksang tabak,
kung payapa ang panahon ay kaibigan ng lahat
kasuyo ng araw itong bansa naming
kaganda-gandaha't kapanga-pangarap.
Dito ang mabuhay ay isang musikang
walang kasinlambing walang kasintimyas
dito ang pagmamahalan ay di kumukupas
A, bayang magiliw namin sintang Pilipinas
bagong paraiso wala kang katulad.
SOLO: (Pinakagilid sa kaliwa) Mula roon sa Batanes . . .
SOLO: (Pinakagilid sa kanan) Hanggang Sulu at Basilan
LAHAT: Kami'y binubuo ng liping mabunyi't marangal
Kami'y kayumangging ang yaman at ganda'y
aming nakahihikayat na dalampasigan.
Tapat kaming lingkod ng gintong adhikang
nagkabuklud-buklod ang lahat ng bansa
hangad nami'y magkaisa ang lahat ng tao
kahit iba-iba ang wika, kulay gawi't paniwala.
Kami'y Pilipinong may sariling tatak
sariling kultura't sariling bandila
ngayon at kailanman, kami'y Pilipino
sa puso, sa isip, sa kilos at gawa.
Pangkat ng panggitnang tinig: Kami'y maka-diyos.
Pangkat ng mababang tinig: Kami'y moog ng Demokrasya.
Pangkat ng mataas ng tinig: Pamayanan nami'y lipunang may puso.
Gabay nami't tanglaw ay sariling wika.
LAHAT: Isang bansa, isang diwa.
(Pagkaraan ng dalawang segundo, magpapalitan ng mga lugar; dala-dalawa, tatlu-tatlo, apat-apat
at iba pa.)
LAHAT: Dati-rati, kami noon, kanya-kanya't lipi-lipi
nang dumating ang dayuhan, kami'y agad na nagapi.
(Darating ang tatlong lalaking suot Kastila: isang punong hukbo, isang kawal at isang pari. Anyong
mangangaral ang pari. Magsisiluhod ang lahat.)
SOLO: (Lalaking may hawak na tabak at ayos-Bonifacio)
Mga kalahi at kapatid, panahon na upang bawiin laya
nating, puri't dangal na inagaw at nilupig niyong krus at patalim.
Pangkat ng panggitnang tinig: Mabuhay ang kalayaan.
Pangkat ng mababang tinig: Mabuhay ang Pilipinas.
LAHAT: Mabuhay . . . mabuhay!
SOLO A: Ang bayang alipi'y
LAHAT: Kasawi-sawian
SOLO B: Ang bayang malaya'y
LAHAT: Kapalad-palaran! . . .
(Magugulantang ang lahat sa biglang paglitaw ng tatlong lalaking anyong Amerikano: suot hukbo at
sibilyan.)
TATLONG KANO: We come as friends. We come to help you.
(Magiliw na makikipaghalubilo sa lahat at magmumudmod ng sari-saring babasahin, pagkain,
sigarilyo at dolyar.)
SOLO K: Ay laiks biri mutso Ingles. Is biri gud en biri sawit!
SOLO D: Yes, dayentilman en lides,
Yankee Ingles es dabes.
SOLO E: Hintay kayo, hintay! Dahan-dahan tayo
at dapat na tandaan, "Ang hindi magmahal sa
kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda!"
Pangkat ng panggitnang tinig: Ang wikang dayuhan, kahit anong
ganda ay lasong papatay sa ating kultura.
Pangkat ng mataas ng tinig: Bayang lumimot sa sariling wika ay
bayang kailanma'y hindi na lalaya!
(Ngingisi lamang ang mga kano na patuloy na namimigay ng iba't ibang bagay. Anyong maiidlip ang
marami, nakasandal sa isa't isa. May tatlong babaing makikipagtalik sa mga nililigayahang kano may
background music. Himig-kano.)
Pangkat ng mababang tinig: At kami'y nabihag ng kislap ng dolyar,
ng tugtuging kano, damit at pagkain at kaugalian.
Tatlong Hapones: Kura! Kura! Bansai Nippon!
(Magigising ang lahat. Magugulantang.)
Tatlong Hapones: (Mang-aagaw ng pagkain.)
SOLO A: Bakit hanggang ngayon ay wala pa si MacArthur?
Paghihintay nati'y abot na yata sa tatlong taon.
(Kagyat na sisipot ang tatlong sundalong kano. Background: Putok ng mga kanyon at ugong ng
eroplano. Magagapi ang tatlong Hapones sa tulong ng mga Pilipino. Katuwaan.)
Tatlong Kano: We have returned!
(Isa pang Kanong suot - Uncle Sam ang darating. Kakausapin ng ilang Pinoy na lalaki, pasenyas
lamang. May lalagdaang dokumento. May magtitirik ng bandilang Pilipino sa gawing harap, kanan ng
tanghalan. Tatayo ng tuwid ang lahat. Saglit na himig ng Pambansang Awit.)
LAHAT: At muling nagbalik ang layang kinamkam
at muling naghari ang kaligayahan
Inang Pilipinas, kasintahan naming mahal
Republika ka na, na kinikilala ng sandaigdigan
Heto kaming iyong anak, katutubo at mestiso
Datapwat kami, kaming lahat, lantay lamang Pilipino.
Pangulo at Unang Ginang, nag-aral at di nag-aral
Sama-sama kami sa dakilang gawang pagtatatag-bansa
Pilipinas naming pinakatatangi't pinakamumutya
May panata kaming pagsikapang ika'y muling dumakila
Ang patnubay naming tala: Isang bansa, isang diwa!...
BALAGTASAN
Isang pagtatalong patula ang balagtasan. Ang duplo ang pinagbabatayan ng
balagtasan ayon sa ilang manunulat. Narito ang kauna-unahang balagtasang ginanap
noong Abril 2, 1925 sa Instituto de Mujeres. Ang sumusunod ang mga naging tauhan:
paruparo - Jose Corazon de Jesus, bubuyog - Florentino Collantes, bulaklak - Sofia
Enriquez at lakandiwa - Lope K. Santos.

ANG BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN

Lakandiwa: at kung si Kampupot ay ayaw po naman


Yamang ako'y siyang haring inihalal ay ang puso niya sa aki'y ibigay.
binubuksan ko na itong Balagtasan
lahat ng makata'y inaaanyayahan Bubuyog:
sa gawang pagtula'y makipaglaban. Hindi mangyayari at ang puso niya'y
At sa gabing ito'y sa harap ng bayan karugtong ng aking pusong nagdurusa
binubuksan ko na itong Balagtasan puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
saka ang ibig kong dito'y pag-usapan ang lalagutin mo'y dalawang hininga.
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.
Buhat pa kaninang ika'y nangungusap
Paruparo: bawat salita mo'y matulis na sibat
Magandang gabi po sa kanilang lahat saka ang hanap mong mabangong bulaklak
mga nalilimping kawan ni Balagtas luksang paruparo, siya ko ring hanap.
ako'y paruparong may itim na pakpak
at nagbabalita ng masamang oras. Sa isang malungkot at ulilang hardin
Nananawagan po, bunying lakandiwa ang binhi ng isang halama'y sumupling,
ang uod na dating ngayo'y nagkamata sa butas ng bakod ng tahanan namin
naging paruparo sa gitna ng tula ay kasabay akong isinisilang din.
at isang bulaklak ang pinipithaya.
Nang iyang halama'y lumaki, umunlad,
Lakandiwa: lumaki rin ako't tumibay ang pakpak,
Sa kapangyarihan na taglay ko na rin at nang sa butas ko ako'y nakalipad,
ikinagagalak na kayo'y tanggapin
magtuloy po kayo sa loob ng hardin ang unang hinagka'y katabing bulaklak.
tingnan sa kanila kung sino at alin. Ngayo'y tanda ko nang kayo'y nagtaguan,
habang ako'y kanlong sa isang halaman,
Paruparo: luksang Paruparo, nang ika'y maligaw,
Kung kaya po naman di ko masansala ang aking halakhak ay nakabulahaw.
ang taghoy ng dibdib na kaniyang dinaya
matapos na siya'y diligin ng luha Ang inyong taguan, akala ko'y biro,
nang siya'y umunlad . . . nagtago . . . nawala. kaya ang tawa ko'y abot sa malayo,
Isang panyong puting may dagta ng lason ngunit nang ang saya'y tumagos sa puso
ang sa aking mata'y itinali noon, sa akin man pala at nakapagtago.
at ang bulaklak ko'y bumaba sa dahon
nagtago pa mandin at aking hinabol Luksang Paruparo, kampupot na iyan,
Hinabul-habol ko ang bango at samyo iyan ang langit ko, pag-asa ng bayan.
hanggang makarating ako sa malayo ang unang halik kong katamis-tamisan
at nang alisin na ang takip sa panyo sa talutot niya ay nakalarawan.
wala si Kampupot, wala yaring puso.
Paruparo:
Ang sakdal ko'y ito lakandiwang mahal Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib,
ibalik sa akin puso kong ninakaw pagkat napaligaw ang aking pangmasip
hindi pala laso't dagta ng pag-ibig
ang sa aking panyo'y kaniyang idinilig.

Bubuyog:
Dadayain ka nga't taksil kang talaga
at sa mga daho'y nagtatago ka pa.

Paruparo:
Kung ako'y dinaya't ikaw ang tatawa,
sa taglay kong bulo, nilason na kita.

Bubuyog:
Pagkat ikaw'y taksil, akin si Kampupot.

Paruparo:
Nagkakamali ka, hibang na Bubuyog.

Bubuyog:
Siya'y bulaklak ko sa tabi ng bakod.

Paruparo:
Bulaklak ko siya't ako'y kaniyang uod.

Bubuyog:
Kapag hahatiin ang aking bulaklak, sa
kay Paruparo ibigay ang lahat; ibig ko
pang ako'y magtiis sa hirap kaysa ang
talulot niya ang malagas. Paruparo:
Kung hahatiin po'y ayoko rin naman
pagka't pati ako'y kusang mamamatay;
kabiyak na kampupot, aanhin ko iyan, o
buo o wala, ngunit akin lamang.

Kampupot: Ang kasintahan ko'y ang


luha ng Langit, ang Araw, ang Buwan sa
gabing tahimik; at si Bubuyog po't
Paruparong bukid, kapuwa hinid ko sila
iniibig. Lakandiwa: Ang hatol ko'y ito sa
dalawang hibang na baliw ay hindi
kinababaliwan; yamang ang panahon ay
inyong sinayang, kaya't nararapat na
maparusahan.
Narito naman ang isang napapanahong halimbawa ng balagtasan na kinuha sa
Panitikan ng Lahi nina Romana Tuazon at Rodolfo Jose:

SAAN HIGIT NA MAINAM MANIRAHAN, SA LUNSOD BA O SA NAYON

Lakandiwa: Ako'y hindi si Balagtas na Hari ng Balagtasan


Ni hindi rin si Raymundo na kilabot sa tulaan . . .
Akong ito'y lakandiwa na dito ay magsasaysay
Paksang ating lulutasin sa larangan ng tulaan.
Marami ang nagtatanong, nagtatalo't nag-iisip,
Saan mabuting mabuhay – sa lunsod ba o sa bukid?
Iyan ngayo'y lulutasin ng naritong dal'wang panig
Si __________ ang mauuna, ang nayon ang kaniyang panig.

Bukid o Nayon: Maginoong lakandiwa't mga mahal kong kalahi,


Akong anak ng Batangas, nagbibigay pasintabi,
Sa binuksan dito ngayon isang paksang tanging-tangi,
Ang pamumuhay sa nayon ang siya kong pinipili.
Sa masayang munting nayon, may lagaslas yaong batis,
Mang-aawit ay kulyawan, manunugtog ay kuliglig,
Pagkain ay masasarap, sariwa at matatamis . . .
Gulay, prutas, maging isda . . . "de Calidad," walang sabit.
Sa nayon kong minamahal, mga tao'y magagalang,
Mga anak, masunurin, mababait, di-mayabang.
Ang ugaling Pilipino'y kanila pang tinataglay,
Ang pagsunod at pagtulong, ang paggalang sa magulang.
Ang dalaga sa nayon ko'y mabinibini't mahihinhin,
Di-magaslaw kung kumilos, kung umarte'y di-kirengkeng,

At gayon din ang binata, maginoo't matulungin,


Kapag sila ang umibig . . . hanggang langit, hanggang libing.

Lakandiwa: Ang makatang taga-nayon naglahad na at nagsaysay,


Ng ukol sa nayon niyang tanging-tangi't minamahal,
Ngayon naman ang Maynila ang siya nating pakikinggan,
Sa pagtayo't salubungin ng masigabong palakpakan.

Maynila: O, mahal na lakandiwa't naliliping karamihan,


Ako'y isang Manileñang bumabati't nagpupugay,
Sa tanong na saan lalong mainam manirahan?
Ang sagot ko'y – sa Maynila na siyang aking titindigan.

Akong ito ang makatang ang Maynila'y siyang panig,


Na ngayon ay naghahanda na maglahad at magsulit . . .
na kung bakit ang ibig ko ay Maynila't di ang bukid?
Naririto ang dahilan, kayo ngayon ay makinig.

Ang lahat ng kasayahan sa Maynila makikita,


Matataas ang gusali at kaydami ng pabrika,
Nagkalat ang supermarket, sinehan at mga planta,
At lahat ng hanapbuhay na ibig mo't iyong pita.
Sa sandaling nalulumbay nariyan ang Chinese Garden,
Ang Luneta't Fort Santiago na sa iyo ay aaliw,
Kay gaganda ng Neon Lights, tila buwan at bituin,
Na kung gabi'y kumikinang, kumikislap, nagniningning.

Ang Maynila'y paraiso ng lahat ng mag-aaral,


Pamantasan ay kay dami, kumpleto ang kagamitan,
Naririyan ang UST, UE, FEATI, at ang LETRAN
Sa lahat ng "facilities," hindi salat, hindi kulang.

Mga kalye'y sementado, di-maputik, di-mabato,


Kaya naman di-mabilang ang bus, taksi at dyip dito,
Kahit saan ka magpunta, natitiyak, sigurado. . .
Malayo man o, malapit, naabot ng behikulo.

Lakandiwa: At sa unang sagupaan ng dal'wang mambabalagtas,


Naririnig n'yo ang katuwirang sadyang kagila-gilalas,
Taga-nayon ang may sabing buhay-bukid ay kay sarap,
Mamamayan ay tahimik, kalooban ay panatag.

Ayon naman sa makatang Maynila ay pinapanig,


Buhay-lunsod ay mainam, ang Maynila'y sakdal-rikit!
Ang lahat ng kasayahan dito'y inyong mamamasid,
Sa Maynila ay masaya't may progresong makakamit.

Pakinggan n'yong muli ngayon, talas nila sa pagbigkas,


Pagkat wari ko'y talagang sila'y ayaw nang paawat,
Ikalawang sagupaa'y atin ngayong mamamalas,
Ang nayong titindig salubungin ng palakpak.

Nayon: Katalo kong Manileña, kayong mga taga-siyudad,


Kung manamit ay pa-jeprox kahit di-bagay sa edad,
Nasisilip ang puhunan, halos lahat nalalantad,
At wala nang pangingimi't ni katiting na dignidad.

Sa sobra mong pag-aayos kahit ikaw'y may asawa,


Natutukso ang lalaki . . . nalilimot ang panata,
Bunga nito'y nawawasak ang magandang pagsasama.
Ito'y iyong kasalanan, makabagong Manileña!

Maynila: Kayong mga tagabukid, kung manamit parang losyang


Pula, berde't amarilyo, kung mamili pa ng kulay,
Sa moda ay huling-huli, sa ayos ay mukhang lelang,
Kaya pati kasuyo o, sa iyo ay nagkukulang.

Kaming mga taga-lunsod sa "Fashion World," ay "Up-to-date,"


Pagkat aming nalalaman ang lahat ng "beauty secret,"
Ito'y sadyang mahalaga at sa sinta'y umaakit,
Nang sa ibang kagandahan kami'y hindi ipagpapalit.

Nayon: O, makatang Manileña, ano itong nalalaman ko?


Na kayo raw'y pinipilit, bungkalin ang lupa ninyo . . .
Taniman ng punongkahoy, mangga, atis, abokado,
O, di kaya'y kahit gulay, kangkong, talong, maging upo.

Di ba iya'y katunayan na kayo ay kinukulang,


Pagkat kayo sa Maynila anong dami at siksikan,
Di-tulad sa aming nayon na sagana kahit saan,
Masusustansiyang mga pagkain, nakakamit kahit kailan.

Maynila: Ito palang katalo ko, di-marunong umunawa,


Sa maraming proyektong pag-unlad nitong bansa,
Pagkat sa green revolution, alamin mo, o makata
Malulutas malnutrisyon ng matanda't mga bata.
Kung kaya nga kami rito'y nagkaisa sa damdamin,
Na magtanim sa bakuran upang kami ay may anihin,
Bawat isa'y umaasang sa panahon pang darating,
Sa bukid n'yo ay hindi na mamimili ng gulayan.

Nayon: Ang tiyo ko isang araw sa Maynila mo'y namasyal,


Nang umuwi na sa bukid . . . nagmumura . . . nagdadaldal,
Ang galit ay sapin-sapin, ano't bakit siya pa raw
Ang minalas ma ma-"hold-up," naharang at nadukutan.

Maynila: Iya'y sala ng tiyo mong tanga, sano't di-maalam,


Ng uri ng buhay dito sa lunsod na aking buhay,
Kung siya ba sa Maynila ay sanay at hindi mangmang. . .
Natitiyak katalo ko, hindi siya dudukutan.

Nayon: E, bakit ba, bawat silid, mayroong "air-con" at "blower,"


Di ba iyan ay gastos lang at sa bulsa ay masakit?
Kasi kayo sa Maynila punung-puno, nagsisikip,
Ang labas ay "air-pollution" na dulot ay dusa't sakit.

Hindi tulad sa nayon ko na ang hangin ay sariwa,


Sa katawan ay kay buti, di ba tunay, ha makata?
Iyan ngayo'y sagutin mo't ibigay ang haka-haka,
Kung ika'y mabibigo ikaw rin ang kawawa.

Maynila: O, makatang taga-bukid, dahan-dahan, hinay-hinay,


Pagkat aking natatalos ang alam mo'y kaunti lang,
Sa nayon ba ang tao mo'y walang sakit at karamdaman,
E, bakit ba napupuno ang klinika at ospital?
Iyan lang ay patotoo na ang tao ay daranas,
Ng sakit at karamdaman, sa bukid man o sa siyudad,
Pasyente ko kung malubha, sa lunsod ko sumasadsad,
Pagkat kulang ospital mo sa gamit na tanging lunas.

Nayon: Mag-aasawang Romeo't Juliet, nag-away at naghiwalay,


Nang dahil sa "sauna bath," sa "cocktail lounge," at restawran.
Pagkat sana itong amang uuwi na sa tahanan
Pinapagal niyang "hostess" na masiba at matakaw.
Maynila: Mag-asawang Maria't Juan sa lugar mo ay nag-away,
Pagkat itong si babae, puro tsismis lang ang alam,
Katalo kong taga-bukid, kayo roon sa inyong lugar . . .
Ang gawain ay sumagap ng tsismis at kaguluhan.

Nayon: Buhay ninyo sa Maynila ay batbat ng kaguluhan . . .

Maynila: Kayo mga taga-nayon ay huli sa kabihasnan.

Nayon: Sa Maynila mo'y magulo't nagkalat ang kabuktutan!

Maynila: Sa nayon mo ay kayraming mga tanga't mga mangmang!

Lakandiwa: Kayo ngayo'y magtigil na sa inyong pagtatagisan.


Sa wari ko kayo'y kapuwa may sinabi't may katuwiran
Kapuwa kayo nagnanais na sa madla'y patunayan,
Ang tanong na nilulutas sa binuksang balagtasan.
Buhay-bukid o, Maynila, alin kaya ang mainam?
Na magdulot ng ligaya, aliw, lubhang kasiyahan,
Kayo madlang nakikinig ngayon naman ang magbigay
Ng katuwiran upang sila'y matimbang at mahatulan.
Sa narinig ninyo ngayong isang munting Balagtasan
Sana'y nadudulutan kayo ng kaunting kasiyahang
Sa paglisan namin ngayon sa ibabaw ng tanghalan,
Pabaunan ninyo kami ng masigabong palakpakan.

ANYO NG TULA
Ang mga anyo ng tula ay maaaring i-uri sa apat. Upang maintindihan nang mabuti ay iisa-isahin kong
Ipaliwanag ang bawat anyo ng tula.

1. Malayang Taludturan – isang tula na isinusulat na walang sinusunod na Patakaran kung hindi
ang ano mang nanaisin ng sumusulat. Ang isang malayang taludturan ay maga tulang hindi
sumusunod sa bilang ng panting. Bukod rito, wala itong sukat at tugma o sintunog. Subalait,
kailangan rin ditong gamiting ang mga matatalinhagang pahayag at dapat manatili rin ang
karikatan nito. Sa Ingles ito ay tinatawag na “free verse poetry”

Halimbawa:
Pandesal sa Umaga

Tuwing umaga si Nena ay nagtitinda,


“Pandesal kayo diyan, pandesal sa umaga”.
Pagkatapos magtinda, siya ay nagpapaligo pa,
Ng kaniyang kapatid na may diperensiya.

Habang papasok sa eskwela,


Tindahan ng sapatos ay dinudungaw niya,
Ang presyo nito ay hindi niya kaya,
“Isang araw mabibili din kita” sambit niya.

Kinabukasan, “pandesal kayo diyan, pandesal sa umaga”


Ang bungad ni Nena, na may ngiting hindi maipinta.
Pagkatapos magtinda, siya ay nagpapaligo pa,
Ng kaniyang kapatid na may diperensiya.

Pagpasok sa eskwela, suot suot na


Ang sapatos na dinudungaw niya,
Salamat kay Ma’am, na nagbigay sa kanya,
Ng bagong sapatos na noon pa lamang, pinangarap na niya.

2. Tradisyunal na Tula - Ang tradisyunal na tula sa ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay


ng sukat at tugma sa bawat taludtod, o mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-
pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin. Ang sukat ay bilang ng mga
pantig sa bawat taludtod, samantalang ang tugma ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig
sa bawat taludtod ng saknong.
May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa tinataglay nitong katutubong
tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng taludturan. Karaniwan nang gamitin ang
wawaluhin at lalabindalawahin ng pantig ang sukat.
Mayroon itong malalim na kahulugan.

Tradisyunal na Uri ng Tula sa Pilipinas

SALAWIKAIN

Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang


asal o gabay sa pamumuhay, sa asal, sa pakikipagkapwa.

Ang layunin ng salawikain ay ang pagsasabi ng katotohanang hindi mapasusubalian na naging


bahagi nan g ating tradisyong Pilipino na ang karamihan ay mula sa ibang bansa at ang iba
nama’y mula pa sa ating mga ninuno na nagpalipat-lipat sa mga labi ng mga salinlahi.

HALIMBAWA:

Ang sa iba’y ginawa mo, Siya ring gagawin sa iyo.

Ang buhay ay gayon lamang sa ugali’t kalakaran,

Ganti-ganti katwiran: Magbayad ang may utang sa


pinagkakautangan

Ayaw ng patulak, gusto’y laging pakabig,

Kung baga sa manok kahig lang ng kahig.

Ang akala’y nakamura, namahalan pala.

AMBAHAN

Ang ambahan ay isang katutubong tula na nililikha ng mga Mangyan, particular ang mga
Hanunuo at Buhid na matatagpuan sa mga bayan ng Bulalacao at Mansalay sa Oriental
Mindoro at sa San Jose naman sa Occidental Mindoro. Ang mga grupong ito ng mga Mangyan
ay may sariling sistema ng pagsulat na ginagamit na nila bago pa man dumating ang mga
Kastila. Ang ambahan ay may sukat na pitong pantig sa bawat taludtod maliban sa unang
taludtod na maaaring higit o kulang sa pitong pantig dahil may mga pagkakataong ang
nagsasalita ay maaaring may mahaba o maigsing pangalan. Ang unang linya sa ambahan ang
nagpapakilala sa kung sino ang nagsasalita.

HALIMBAWA :

AMBAHAN

Kawayan sa Marigit

Pag tanaw ko, palapit

Labong pa siyang kay liit

Nang daanan ko pabalik

Siksikan ang tinik

Mainam nang pansahig!

Buli sa may kaingin

Noong siya pa’y musmusin

Hindi ko pinapansin

Nang gumulang, pagsapit

Tanggi ko ang lumain

Sariwa kong kukunin

Bayong kong lalalain

Lagi kong sasakbitin!

O liyag, aking hirang

Kanina nang lumisan

Galing sa ‘king dingdingan

Palay na inanihan

Akin lang iniwanan

Hinangad kong katuwang

Di basta palay lamang

Sa lakad sa ilog man


Maging sa kaparangan

Kaakbay ko saan man

Kaabay sa higaan!

OYAYI
Ang oyayi ay isang uri ng tula o awit na para sa mga bata, ginagamit ito ng kanilang mga
magulang upang libangin sila at turuan, ginagamit din ito para sa pagpapatulog sa kanila.

3. Samantalang ang dalawa ay maiintindihan na sa tawag pa lamang. Ang May Sukat na


Walang Tugma at Walang Sukat na May Tugma.

Pagyamanin
Ngayon nais mo bang subukan ang pagsulat ng tula? Gamit ang mga natutuhang elemento at anyo
ng tula narito ang mga gabay para sa iyong gagawin.

Gawain I: Likha na!

Sa gaganaping Araw ng Pamilya sa inyong paaralan ay magkakaroon ng isang paligsahan sa


pagsulat ng tulang may temang “Pamilya ko, Mahal Ko!” Ikaw ang napiling kinatawan ng iyong klase
upang maging kalahok sa paligsahan.

Gamitin mo ang lahat ng natutuhan mo tungkol sa tula upang makabuo ng isang magandang
tula na iyong ilalahok sa paligsahan. Gamitin ang sumusunod na rubrik para magabayan ka ng mga
pamantayan sa iyong bubuoin. Isulat ang iyong tula sa sagutang papel.

Krayterya Napakahusay Mahusay Pasimula Kailangan ng


(10) (7) (5) Pagbabago
(3)

Gamit ng mga Lutang na lutang Ang lahat ng May 1-2 kulang na Hindi mahusay
elemento ng tula ang ebidensya na elemento ng tula elemento ang tula ang pagkakagawa
ang lahat ng ay nakikita na kaya hindi ng tula dahil sa
elemento ng tula nakapagbibigay- masyadong hindi sapat ang
ay nakapaloob sa diwa sa kabuuan napalutang ang mga ginamit na
tulang ginawa na ng tula. diwa nito. elemento.
nakapagbibigay Upang
linaw sa diwa. mapalutang ang
diwa at damdamin
ng tula.

Angkop ng Bukod-tangi ang Ang lahat ng mga May ilang salitang Ang mga salitang
paggamit ng mga salitang salitang ginamit hindi nagagamit ginamit ay hindi
mga salita ginamit sa ay angkop sa ng tama sa angkop sa
pagpapalutang ng pagpapalutang ng pagbuo ng diwa paksang
diwa ng tula. diwa ng tula. ng tula. inilalahad.

Baybay ng mga Lahat ng mga Tama ang baybay Kakikitaan ng Halos lahat ng
salita salita ay ng mga salita. pagkakamali sa mga salita ay may
naisusulat nang pagkabaybay ng maling baybay.
malinaw at may ilang salita.
tamang baybay.

Pagkakaugnay Malinaw ang Magkaugnay ang Hindi nagiging Walang


ng mga ideya pagkaugnay ng lahat ng ideya sa malinaw ang pag- kaugnayan ang
mga ideya sa bawat saknong ng uugnay ng mga mga ideya kaya
bawat saknong ng tula. ideya kaya hindi hindi nabuo ang
tula. maintindihan ang diwa ng tula.
tula.

Isaisip

Kamangha-mangha ang iyong husay at pagpupursige! Natapos na natin ang lahat ng aralin sa
module na ito. Ngayon ay susukatin natin ang pagkatuto sa mga konsepto at kaalamang Tinalakay.

Gawain 1: Sukatin ang Kaalaman!


Punan ng wastong salita ang mga sumusunod napahayag. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ang __________ ay masining na pagpapahayag ng damdamin na hinango sa guniguni.


2. __________ ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
3. __________ ang pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng panghuling salita ng
taludtod.
4. __________ ang tawag sa mga salitang may natatagong kahulugan.
5. __________ ay mga salitang may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
6. __________ ang pagsasama-sama ng mga katangian nagpapatingkad sa tula at pumupukaw
sa mayamang imahinasyon ng bumabasa.
7. __________ ang mga salitang binanggit sa tula na may malinaw at tiyak na larawan sa isipan
ng mambabasa.
8. __________ ang tawag sa isang tulang isinusulat na walang sinusunod na Patakaran kung
hindi ang ano mang nanaisin ng sumulat.
9. __________ ay isang anyo ng tula na may sukat at tugma at gumagamit ng mga salita na may
malalalim na kahulugan. At ang dalawang natitirang anyo ay ang (10) __________ at (11)
__________.
12. Ang _________ ay ang tulang binubuo ng 14 na taludtod.

Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang 2-minutong simpleng spoken word poetry tungkol sa pag-ibig sa kapwa.
Tatandaan na ang spoken word poetry at isang makabagong uri ng tula na may malayang taludturan
ngunit mas mabisa kung ito ay naisusulat nang may tugma. Gamitin ang sumusunod na rubik para
magabayan ka ng mga pamantayan sa iyong bubuoin. Isulat ang iyong tula sa sagutang papel.

Krayterya Napakahusay Mahusay Pasimula Kailangan ng


(10) (7) (5) Pagbabago
(3)

Gamit ng mga Lutang na lutang Ang lahat ng May 1-2 kulang na Hindi mahusay
elemento ng tula ang ebidensya na elemento ng tula elemento ang tula ang pagkakagawa
ang lahat ng ay nakikita na kaya hindi ng tula dahil sa
elemento ng tula nakapagbibigay- masyadong hindi sapat ang
ay nakapaloob sa diwa sa kabuuan napalutang ang mga ginamit na
tulang ginawa na ng tula. diwa nito. elemento.
nakapagbibigay Upang
linaw sa diwa. mapalutang ang
diwa at damdamin
ng tula.

Angkop ng Bukod-tangi ang Ang lahat ng mga May ilang salitang Ang mga salitang
paggamit ng mga salitang salitang ginamit hindi nagagamit ginamit ay hindi
mga salita ginamit sa ay angkop sa ng tama sa angkop sa
pagpapalutang ng pagpapalutang ng pagbuo ng diwa paksang
diwa ng tula. diwa ng tula. ng tula. inilalahad.

Baybay ng mga Lahat ng mga Tama ang baybay Kakikitaan ng Halos lahat ng
salita salita ay ng mga salita. pagkakamali sa mga salita ay may
naisusulat nang pagkabaybay ng maling baybay.
malinaw at may ilang salita.
tamang baybay.

Pagkakaugnay Malinaw ang Magkaugnay ang Hindi nagiging Walang


ng mga ideya pagkaugnay ng lahat ng ideya sa malinaw ang pag- kaugnayan ang
mga ideya sa bawat saknong ng uugnay ng mga mga ideya kaya
bawat saknong ng tula. ideya kaya hindi hindi nabuo ang
tula. maintindihan ang diwa ng tula.
tula.

Sagot sa Isaisip

1. Tula
2. Sukat
3. Tugma
4. Talinghaga
5. Simbolismo
6. Kairktan
7. Larawang-diwa
8. Malaya
9. Tradisyunal
10. May sukat, walang tugma
11. Walang sukat, may tugma
12. Soneto

You might also like