Banghay-Aralin Sa Baitang 7

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng tatlumpong minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

A. Natutukoy ang iba’t ibang pang-ugnay;


B. Nakikilala ang pagkakaiba ng sanhi at bunga;
C. Naimumulat ang kamalayan ng bawat isa patungkol sa kahalagahan ng
mga pang-ugnay; at
D. Nakasusulat ng isang sanaysay na naglalaman ng paraan ng
pagpapahayag.

II. PAKSA

A. ARALIN: Wika: Iba’t ibang Pang-ugnay, Sanhi at Bunga.

B. SANGGUNIAN: Modyul sa Filipino 7

C. KAGAMITAN: Powerpoint Presentation, Quiziz, Live Worksheet

D. PAGPAPAHALAGA: Nabibigyang-pansin ang kahalagahan ng mga Pang-


ugnay.

E. PAMAMARAANG GINAMIT: Pamamaraang nakapokus sa mag-aaral


(Leaner-centered Method)

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


I. ALAMIN/TUKLASIN
A. Panimulang Gawain
Magandang umaga Klas! Magandang umaga po Bb. Gigante!

Kamusta naman ang araw ninyo? Mabuti naman po.

Anna, maaari mo bang pangunahan Klasmeyts, tayo ay tumayo at


ang klase sa pagdarasal. manalangin.

Manalangin. Manalangin.

Maupo na at pulutin muna ninyo ang Maglilinis at aayusin ang mga gamit at
mga kalat sa sahig at ayusin ang mga upuan.
gamit at upuan bago tayo magsimula
sa ating aralin.

May lumiban ba sa klase? Wala po.

Ipababatid ang mga alituntunin sa


klase.
B. Pagganyak
Mabuti, bago tayo dumako sa ating
aralin magkakaroon muna tayo ng
isang gawain. Tatawagin nating “Indak
ng Pagpapahayag” ang ating laro.

Gawain 1 Indak ng Pagpapahayag


Panuto: Ang Klase ay inaasahang
umindak sa kantang “Chicken Dance”.
Ang sinumang makikitang di
sumasayaw o hindi makasunod sa
sayaw ay ang siyang sasagot sa mga
katanungan. Mahal na mahal ko po sila at kaya ko
pong ibigay ang lahat para po sa
Lina, Gaano mo kamahal ang iyong kanila.
mga magulang?
Dahil dito natin naipadadama ang atin
pagmamahal sa isang tao.
Ivy, Bakit kailangan nating
masakripisyo sa ngalan ng pag-ibig?

Magaling Klas! Palakpakan ninyo ang


inyong mga sarili.

II. LINANGIN/PAUNLARIN
Ngayon Klas ay batid kong handa na
kayo sa ating aralin. Ma’am, pagpapahayag po.

Pagtuunang pansin kung paano kayo


tumugon sa mga katanungan. Ang
mga narinig niyong mga opinyon ay
mga… Ma’am, ang pagpapahayag po ay isang
interaktibong pagbibigay ng
Magaling! Ang tatalakayin natin ay impormasyon.
tungkol sa pagpapahayag o
pakikipagtalastasan. Maari ba kayong
magbigay ng sariling
pagpapakahulugan sa pagpapahayag
o pakikipagtalastasan? Ma’am, ang pagpapahayag po ay
mabisang paraan ng pagpapalitan ng
Mahusay! Maaari pa ba kayong ideya.
magbigay ng iba pang depinisyon ng
pagpapahayag?

Ang pagpapahayag ay isang mabisang


paraan ng pakikipagkomunikasyon o
pakikipagtalastasan na ginagamit sa
pagbibigay o pagtanggap ng mensahe. Maam, ang apat na paraan po ng
pagpapahayag ay ang paglalahad,
Dumako naman tayo sa iba’t ibang paglalarawan, pagsasalaysay at
paraan ng pagpapahayag. Ano-ano pangangatwiran.
ang apat na paraan ng pagpapahayag?

Ma’am, Ang ekspositori ay


isinasagawa ng tao sa pagkakataong
Mahusay! Maaari bang pakibasa ang ibig niyang magpaliwanag ng mga
kahulugan ng paglalahad o bagay-bagay.
ekspositori?

Ito ay may tunguhing ipaliwanag ang


isang pangyayari, opinyon at proseso. Ma’am, Tungkol po ito sa proseso ng
pagluluto ng chopsuey.
Pagmasdan ang halimbawa ng
paglalahad. Patungkol saan ang
halimbawa?

Magaling! Ipinakita sa halimbawa ang


paglalahad ng proseso sa pagluluto ng
chopsuey. Ipinaliwanag ang mga
sangkap at ang paraan ng pagluluto
nito. Ma’am, Ang paglalarawan ay
nagbibigay-kulay sa katangian ng
Maaari bang pakibasa ang kahulugan isang bagay, tao, lugar o pangyayari.
ng paglalarawan o deskriptiv?

Ito ay naglalayong buuin ang imahen


o isang biswal na konsepto ng bagay-
bagay. Ma’am, inilalarawan po ng halimbawa
ang gunita.
Pagmasdan ang halimbawa ng
paglalarawan. Ano ang inilalarawan
ng halimbawa?

Mahusay! Inilarawan ng halimbawa


ang gunita bilang isang yaman na may
matitimyas at mapapait na bahagi ng
ating buhay. Ma’am, Ito ay nagsasaad ng mga
pangyayari o karanasang
Maaari bang pakibasa ang kahulugan magkaugnay.
ng pagsasalaysay o narativ?

Ito ay naglalayong maghayag ng


sunud-sunod na pangyayari tungo sa
kalutasan ng suliranin ng tauhan.
Ma’am, isinalaysay po ang isang
babaeng naparusahan.
Pagmasdan ang halimbawa ng
pagsasalaysay. Ano ang isinalaysay ng
halimbawa?

Magaling! Isinalaysay sa halimbawa


ang kinahinatnan ng isang babaeng di
naglaan ng respeto sa patron. Ma’am, Ang argumentasyon ay isang
proseso ng pagsuporta o pagpapahina
Maaari bang pakibasa ang kahulugan sa pahayag ng katalo kung saan ang
ng Pangangatwiran o Argumentativ? baliditi nito ay pag-aalinlanganan.

Ma’am, binibigyang pangangatwiran


po ng halimbawa ang pagtulong sa
Pagmasdan ang halimbawa ng kapwa.
pangangatwiran. Ano ang binigyang
pangangatwiran ng halimbawa?

Mahusay! Binigyang pangangatwiran


ng halimbawa ang pagtulong sa
kapwa kapag may mas mahalagang
gawain. Opo maam.

Naiintindihan niyo na ba ang


kahulugan ng pagpapahayag maging
ang iba’t ibang paraan nito.

III. PAGNILAYAN AT UNAWAIN


Gawain 2 Unawain mo ako! Maam, maaaring mapariwara ang
anak.
Sa isang pamilya, ano sa tingin nyo
ang mangyayari kung walang
malayang pagpapahayag? Maam, wala pong kapayapaan sa
bansa.
Sa isang bansa, ano sa tingin niyo ang
mangyayari kapag ang namumuno
lamang ang may hawak sa kanyang
nasasakupan? Maam, kailangan po ng pagpapahayag
upang magkaroon ng
Bakit kailangan ng pagpapahayag? pagkakaunawaan.

Mahusay! Batid kong alam niyo na


ang kahalagahan ng pagpapahayag. Opo, ma’am. Handang-handa na po
kami.
Handa na ba kayo para sa Gawain?

IV. ILIPAT
Gawin 3 Pagbuo ng sariling Yaman
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay
na kinapapalooban ng sariling
pagpapahayag tungkol sa isang bagay
na itinuturing mong sarili mong
yaman na maaaring sa paraang
paglalahad, paglalarawan,
pagsasalaysay at pangangatwiran. Isulat
sa isang buong papel.

Takdang-Aralin:
Basahin ang maikling kwentong
“Lupang Tinubuan” na isinulat ni
Narciso G. Reyes upang sa susunod
na talakayan ay kakitaan kayo ng
aktibong pakikibahagi sa ating aralin.
Pamantayan:

Nilalaman at Mensahe - 15 puntos


Organisasyon - 10 puntos
Makatotohanan - 5 puntos
Paggamit ng paraan - 10 puntos
ng pagpapahayag
Kabuuan - 40 puntos

Inihanda ni:

Giselle V. Gigante

BSE 4-1 Filipino

Pinagtibay ni:

Bb. Kimberly Felipe

You might also like