Ap9 Q4 M7

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Dahilan at Epekto ng Suliranin sa Pagsasaka


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Edelson V. Regulacion
Editor/Tagasuri: Lerma L. Villamarin
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, Ed.D.
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña Ed.D.
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan
9
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 7
Dahilan at Epekto ng Suliranin
sa Pagsasaka
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
7 para sa araling Dahilan at Epekto ng Suliranin sa Pagsasaka!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 7 para sa


araling Dahilan at Epekto ng Suliranin sa Pagsasaka!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

MELC – Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng


agrikultura (pagsasaka), pangingisda, at paggugubat.

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:

1. Naisa-isa ang mga dahilan at epekto ng suliranin sa pagsasaka;


2. Nasuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin sa pagsasaka; at
3. Nabigyang-halaga ang sektor ng pagsasaka sa pang-araw-araw ng
buhay ng tao.

PAUNANG PAGSUBOK

Puno’t dulo!
Panuto: Punan ang puno ng mga suliraning kinahaharap ng agrikultura
(pagsasaka). Isulat ito sa mga kahon na nakapaloob dito.

_________________
_________________
_________________

___________
___________
___________ ___________
___________
___________
___________ _
___________
___________
_ ___________
___________
___________
_
BALIK-ARAL
Rated PS, PH, PN at PG!
Panuto: Lagyan ng PS ang guhit bago ang bilang kung ang pahayag ay
nagsasaad ng pagsasalarawan sa pagsasaka, PH para sa paghahayupan,
PN naman para sa pangingisda at PG naman sa paggugubat.

______________1. Pag-aalaga ng mga herbal at medisinal na halaman na


nakakatulong upang maiwasan ang banta ng Covid19.

______________2. Paghuli ng mga hipon at tulya upang may maipantawid na


ulam ang mga naninirahang mamamayan sa tabing-lawa o sapa.

______________3. Pagpapayabong sa mga niyugan upang gawing materyales


sa paglikha ng mga bahay, bakod at muebles.

______________4. Pagiging bahagi ng industriya ng livestock at poultry.

______________5. Pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa angkop na


punlang nais itanim batay sa klima, lupa at panahon.

ARALIN

Dahilan at Epekto ng Suliranin sa Pagsasaka

Bagaman masasabing malaki ang naitutulong ng agrikultura (pagsasaka) sa


paglago ng pambansang kita, unti-unti ng bumababa ang kontribusyon nito
dahil sa mga suliraning kinakaharap ng sektor. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod.

1. Pagliit ng lupang pansakahan. Ayon sa Philippine Statistics Authority


(PSA) may 48 porsiyento ng bilang ng mga lupang sakahan ang nawawala sa
loob ng 32 taon dulot ng patuloy na pag-usbong ng mga real-estate
developers na nagtatayo ng pabahay sa bansa. Karamihan sa mga farm
owners ay napipilitang ibenta sa mga developers ang kanilang sinasakang
lupain dahil sa hirap ng buhay. Ayaw na rin ng mga magsasaka na magsaka
ang mga anak dahil sa mataas na presyo ng bentahan nito.

2. Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya. Ang mataas na


bilang ng produksiyon ay nakabatay sa kagamitan na makakatulong upang
mas mapabilis ang paglikha nito. Karamihan sa mga magsasaka ay patuloy
na gumagamit ng mga lumang kagamitan gaya ng araro at kalabaw na
nagiging dahilan ng mabagal na produksiyon. Ang paggamit ng di-
matatabang binhi at kakulangan ng edukasyon ay nagdudulot rin ng
komplikadong pamamaraan lalo pa at bago ito sa kanilang nakasanayan.

3. Kakulangan ng pasilidad at imprakstruktura. Maraming produktong


agrikultural ang hindi napakikinabangan dahil nasisira, nabubulok, at
nalalanta gaya ng gulay at prutas dahil sa kawalan ng pag-iimbakan o
storage. Hirap din ang mga magsasaka na dalhin ang kanilang produkto sa
pamilihan dahil sa kakulangan ng mga kalsada dulot ng mahirap at
mabagal na transportasyon.

4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor. Ayon sa Batas


Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan
ay binigyang-diin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa
agrikultura. Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak
upang higit na mapatatag ang agrikultura.

5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya. Ang kawalan at


pagbibigay tuon sa industriya ang nagpahina sa agrikultura. Mas binibigyan
ng pamahalaan ng maraming proteksiyon at pangangalaga ang industriya.
Dahil dito, nawawalan ng mga manggagawa at mamumuhunan sa sektor ng
agrikultura at mas pinipili nila na pumunta sa industriya dahil sa insentibo
rito na nagbunga sa pagbaba ng produksiyon at kita sa agrikultura.

6. Pagdagsa ng mga dayuhang-kalakal. Ang pagkakaroon ng


pandaigdigang kompetisyon ng mga produkto ay nagbubunsod ng paghina
ng bentahe ng lokal na produkto lalo na kung ang mga dayuhang-kalakal
ay mabibili sa mas murang halaga. Nahihirapan ang mga magsasaka na
makipagsabayan sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa.
Kaya naman, maraming magsasaka ang naaapektuhan, huminto, at sa
kalaunan ay ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupang sakahan.

7. Climate Change. Ang pabago-bagong klima ay nagdudulot ng pagkasira


ng agrikultura dahil hindi sanay ang mga pananim sa paiba-ibang
panahon. Gaya ng matinding tagtuyot, ito ay nagiging sanhi ng pagkatuyo,
pagkasira ng mga pananim at pagkaunti ng suplay ng tubig sa irigasyon.
Ang mahabang tag-ulan naman ay nagbubunga ng pagbaha na nagdudulot
din ng pagkasalanta ng mga pananim.
MGA PAGSASANAY

Pagsusuri ng Datos!
Panuto: Suriin at unawain ang bar graph sa ibaba. Ibigay ang mga
hininging datos sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

Produksiyon ng palay sa bawat lalawigan: Gitnang Luzon, 1st Quarter 2019


250,000
220,703

200,000 181,605 187,580

150,000

100,000 85,461

50,000 32,089 27,802 24,633

0
Nueva Ecija Tarlac Pampanga Bulacan Bataan Aurora Zambales

Lalawigan

_____________1. Anong lalawigan ang may pinakamataas na antas ng


produksiyon ng palay?
_____________2. Gaano karami ang naaning palay ng lalawigan ng Bulacan?
_____________3. Anong lalawigan ang ikatlo sa may pinakamataas na antas
ng produksiyon ng palay?
_____________4. Ilan ang agwat ng lamang sa produksiyon ng palay ng
Aurora kumpara sa kabuuang produksiyon ng lalawigan ng Zambales?
______________5. Ano ang kabuuang bilang ng produksiyon ng palay sa lahat
ng lalawigan sa Gitnang Luzon para sa 1st Quarter ng 2019?
PAGLALAHAT

Vertical box-list!
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag sa loob ng box list upang makabuo
ng kaisipan tungkol sa sanhi at epekto ng suliranin sa agrikultura
(pagsasaka).

Ang suliranin sa pagsasaka ay dulot ng _______________


__________________________________________________________
__________________________________________________________

Marapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang


pagsasaka dahil ____________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Maaaring masolusyunan ang suliranin sa pagsasaka


kung _______________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
i-Hashtag mo!
Panuto: Gumawa ng sariling hashtag sa loob ng status box na nagpapakita
ng kahalagahan ng pagsasaka sa buhay ng bawat isa.

Status | Photo | Live |Check In


Mga Tanong:

1. Ipaliwanag ang isinulat mong hashtag sa loob ng status box.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Paano naaapektuhan ang bawat Pilipino sa patuloy na pag-iral ng
suliranin sa pagsasaka?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang titik ng may pinakatamang sagot.


Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

A. Pagliit ng lupang pansakahan


B. Kakulangan sa makabagong kamitan at teknolohiya
C. Kakulangan ng pasilidad at imprakstraktura
D. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor
E. Pagbibigay prayoridad sa sektor ng industriya
F. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
G. Climate change

1. Sanhi ito ng patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng


panirahan, komersiyo at industriya.
2. Kasalatan sa mga lugar imbakan gayundin ang dagok sa
transportasyon bunga ng kakulangan sa kalsada o tulay na
magtatawid ng produkto sa pamilihan.
3. Ang labis na pagbaba ng temperatura sa Hilagang Luzon ay
nagdudulot ng pagkaantala ng pamumukadkad ng mga pananim na
bulaklak.
4. Hindi makasabay sa pandaigdigang kompetisyon ang mga lokal na
produkto kumpara sa mga angkat dahil sa murang halaga at kalidad
nito.

______ 5. May ilang magsasaka pa rin ang nananatili sa nakasanayang


pamamaraan ng pagtatanim dahil sa kawalan ng pambili sa
kasangkapan na magpapadali ng kanilang gawain.
IV. Paglalahat
Ang guro ang siyang magwawasto.
V. Pagpapahalaga
Ang guro ang siyang magwawasto.
VI. Panapos na Pagsusulit
1. A
2. C
3. G
4. F
5. B
II. Balik-Aral
1. PS
2. PN
3. PG
4. PH
5. PS
III. Pagsasanay
1. Nueva Ecija
2. 85,461
3. Tarlac
4. 3,169
5. 759,873
I. Paunang Pagsubok
Alinman sa mga sumusunod na sagot:
*Pagliit ng lupang pansakahan
*Kakulangan sa makabagong kagamitan ng teknolohiya
*Kakulangan ng pasilidad at imprakstruktura
*Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor
*Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya
*Pagdagsa ng mga dayuhang-kalakal
*Climate change
GABAY SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN
• Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De
Guzman, Apollo D., Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., at Modejar,
Irene J. 2015. Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral. Place of publication:
Department of Education.
• Balitao, Bernard R., Rillo, Julia D. 2004. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad
Makabayan. Quezon City: Vibal Publishing House Inc. pp.
• Tullao, Tereso Jr. 2005. Unawain natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino.
Mandaluyong: SIBS Publishing House.
• Villoria, Evelina M., Cruz, Nilda B., Rillo, Julia D., at Lim, Alice L. 2000.
Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD
Publications.
• Imperial, Consuelo M., Antonio, Eleanor D., Dallo, Evangeline M., Samson,
Maria Carmelita B., at Soriano, Celia D. 2017. Kayamanan: Ekonomiks;
Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. Manila: Rex Book Store
• Macarubbo, Josefina B., at Gatan-Lopez, Mitzie 2011. Ekonomiks Ngayon:
Pinagaan at Pinaunlad. Quezon City: New Horizon Publications
• Dela Cruz, Angie., at Zapata, Andy G. Jr. 2018. Pilipino Star Ngayon
• Philippine Statistics Authority 2019

You might also like