AP2 - Q1 - M4 - Answer Keys - Mga Kalamidad Sa Aking Komunidad

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

AP2,Q1

Module 4 Mga Kalamidad sa Aking Komunidad

Simulan Natin, p.68

(Hayaang sagutin ito ng bata)

Pagsasanay, p.72

1. Tag-init at tag-ulan

2. Maaari magkasakit ang mga tao kapag hindi sila handa sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Ngunit kung handa ang lahat lalo na sa mga kasuotang kailangan na akma sa klima, at may pag-
aalaga sa sarili, mananatiling nasa mabuting kalusugan ang mga tao.

3. Tuwing tag-init:

Magsuot ng preskong damit tuwing tag-init. Magsuot ng sumbrero at gumamit ng payong

Gawing madalas ang pag-inom ng tubig

Kung kinakailangan, mamili ng mga gawain na akma sa klima

Maligo nang madalas at kumain ng masustanisya

Tuwing tag-ulan:

Magsuot ng damit na akma sa klima tulad ng damit na makapal.

Magsuot ng kapote, payong, sumbrero, at bota kapag lalabas

Manatili sa loob ng bahay kapag malakas ang ulan

Makibalita palagi sa mga pangyayari na nauukol sa pag-ulan

Uminom ng tubig at kumain ng masustansiya

Pagsasanay, p.82

Mga Epekto ng mga panganib na pangkalikasan sa mga anyong lupa at anyong tubig

Bagyo-Malimit na napipinsala ang mga halaman at mga pananim sa kabukiran. Maaaring


gumuho ang lupa kapag may bagyo

Baha-Pag-apaw ng mga ilog at iba pang daluyan ng tubig. Umaagos ang tubig sa mga karatig-
lugar papunta sa mga lupain na maaaring makasira sa mga halaman at kalupaan.

Tagtuyot-Naaapektuhan ang produksiyon ng pananim at mga nahuhuling isda. Nagkakaroon ng


kakapusan ng tubig

Tag-ulan-Kapag sumobra ang pag-ulan (La Nina), nakaaapekto ito sa mga pananim at kalupaan.
Magkakaroon ng erosyon o pagguho ng lupa
Erosyon o Landslide- Masisira ang mga halaman dahil sa pagguho ng lupa

Lindol- pagyanig o paggalaw ng lupa

Bulkanismo-Magkakaroon ng matinding presyur sa ilalim ng lupa. Maaaring kasama sa pagputok


ng bulkan ang pagyanig ng lupa

Pagsasanay, p 86

1. Kailangang maging handa sa mga panganib na pangkalikasan upang maiwasan o mabawasan


man lang ang masamang epekto nito sa halaman, hayop, tirahan, at upang maging ligtas ang
mga tao sa komunidad.

2. Duck, Cover, Hold

3. Tubig, mga pagkain na matagal masira, flashlight, panipol, mga gamit pampaligo, mga
mahalagang dokumento, bimpo, orasan, panlunas sa sugat at mga gamot, at marami pang
iba

Pagsasanay, p.89

1. Iniaangkop ng mga tao ang kanilang tirahan sa uri ng klima mayroon ang lugar. Halimbawa, sa
Baguio, nagsusuot ng makakapal na damit ang mga tao dahil malamig ang klima rito. Ang mga
Ifugao ay may apat na uri ang tirahan. Isa na rito ang bale na nakaangat sa lupa at pinagtibay ng
apat na poste. Nagbibigay ito ng proteksiyon sa kanila mula sa panganib na pangkalikasan tulad
ng bagyo at lindol. Ang mga Ivatan naman ay nagsusuot ng vakul upang panlaban sa araw at
ulan. Karaniwang gawa sa bato ang mga tirahan upang panlaban sa bagyo na madalas dumaan
sa lugar.

2.

a. Vakul-kasuoatan sa ulo ng babaeng Ivatan upang panlaban sa ulan at init ng araw

b. Kanayi-kasuotan ng lalaking Ivatan na panlaban sa lamig at ulan

c. bale-katutubong tirahan ng mga Ifugao na nakaangat sa lupa at pinagtibay ng apat na poste

d. suut- isang katawagan sa vakul

e. bahay-kubo-katutubong tirahan ng mga Pilipino

Pagsasanay: Sanhi at Dulot

Tag-ulan- pagkakaroon ng baha kapag nagkaroon ng matinding pag-ulan; pagkasira ng mga halaman at
pagkamatay ng mga hayop kapag naging matindi ito

Lindol-sa pagyaning ng ilalim ng lupa, maaaring makasira ito sa mga estruktura at mga gusali kung ito ay
matindi
Tagtuyot-kakapusan sa tubig na maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng mga halaman at hayop

Erosyon-pagguho ng lupa dulot ng malakas na pag-agos ng tubig, malakas na ihip ng hangin, at maling
gawain ng tao

Bulkanismo-lubhang mainit ang ilalim ng lupa kaya nalulusaw ang malalaking bato at nagiging magma.
Maaaring magkaroon ng lindol o pagyanig ng lupa

Pagsasanay: Tama o Mali

1. Mali

2. Mali

3. Mali

4. Tama

5. Tama

You might also like