Paguulat

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Eve C.

Chen Petsa:__________________

BFAS 1-A

Bagyo, Baha, Polusyon, Mabilis na Urbanisasyon, malawakang pag(ka)wasak ng/sa

kalikasan, Climate change atbp.

Ang ating bansa ay rumaranas ng mga ganitong sakuna na sa kalikasan nagmula pero sa

tao nag-ugat. Isa lamang tayo sa mga bansang nakararanas ng bagyo, baha, polusyon, mabilis

na urbanisasyon, malawakang pagkasira ng kalikasan, climate change at marami pang ibang

mga pagbabago na nagaganap sa ating mundo. Pero ano nga ba ito sila? Paano ito

maiiwasan? Ano-ano ba ang dapat gawing kapag itoy dumating? Hnada ba tayo? Sapat ba

ang ating kaalaman upang tayo’y masalba sa nagbabadyang pagdating nila?

Ang bagyo ay isang Sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng

isang sentro ng mababang lugar. Nagtataka kaba kung bakit madalas bagyuhin ang Pilipinas?

Nahalos sa isang taon mga 20-22 ang pumapasok sa ating “Philippine Area of

Responsibility”? Dahil katabi nito ang Pacific Ocean, kung saan maraming warm at moist air

na nabubuo at nagpapalakas ng bagyo. Mga epekto ng baha ay ang sumusunod pagbaha,

pagkasira ng pananim, landslide, pagkamatay. Mga dapat tandaan kapag merong bagyo, ay

kapag signal 1. Ang bagyo ay may bilis na 30-60 kph ang hanging dala ng bagyo na

mararanasan. May dala ring pabugso-bugsong pag-ulan. Maaring umiksi ang pagitan ng mga

bugso ng hangin, depende sa lapit ng bagyo. Kaunti lamang ang inaasahang pinsalang

madudulot nito. Maging alerto sa maaaring mangyari. Signal 2. May bilis na 60 hanggang

100 kph ang hanging mararanasan sa loob ng 24 oras. Bahagyang pinsala lamang ang epikto

sa komunidad. Maghanda na ng mga gamit na kakailangananin sa posibleng paglakas ng


bagyo (Tubig, kandila, pagkain). Signal 3. May bilis na 100 hanggang 185 kph ang hanging

dala ng bagyong paparating sa loob ng 18 oras. Magkakaroon ng malubha hanggang

malawakang pinsala sa agrikultura at industriya. Maging handa sa lahat ng oras. Signal 4.

Papasok sa loob ng 12 oras ang bagyong may dalang hangin na 185 kph ang bilis. Malubhang

pinsala sa buong komunidad. Maagang lumikas upang maiwasan ang malubhang panganib na

dala ng bagyo. Mga dapat gawin pag may malakas na bagyo: Unsa manatili sa loob ng bahay

at maging kalmado Pangalawa makinig sa balita upang malaman ang lagay ng panahon

Pangatlo ihanda ang bahay sa malakas na hangin Pangapat tanggalin ang sagabal na mga

puno na malapit sa bahay Panglima magpunta sa itinalagang mga evacuation center

Panganim maghanda ng mga flashlight, sapat na pagkain, tubig, gas, baterya, at first-aid

supplies Pangpito patayin ang mga switch ng kuryente, mga gripo at tangke ng gas Pangwalo

lumayo sa mababang lugar, pangpang ng ilog, kanal at dalampasigan, bangin at panan ng

burol at bundok. Maaring magkaroon ng landslide, rockslide, at mudslide at yun ang walong

dapat tandaan kapag merong bagyong padating upang maiwasa ang sakuna. Ngayong

dumako naman tayo sa depinasyon ng baha. Ang baha ay labis nap pag-apaw ng tubig o isang

paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa, at isang delubyo. Sanhi nito ang ulang rumaragasa

o bumubugso. Maari rin itong padagsang pagtambak ng napakaraming bagay sa isang lugar.

Ito ay isang natural na kalamidad na magkakaroon ng malaking epekto sa mga tao at

kapaligiran. Kumbaga ang baha ay sobra-sobrang tubig sa maling kalagayan. Ang baha ay

may uri at ito ay ayon sa oras. Unang ay ang Slow-Onset Flood ito ay tumatagal sa mahabang

panahon, maari itong tumagal ng isang lingo o higit pa o di kayaay mga buwan. Sa ganitong

klase ng baha itoy nag reresulta ng pagkawala ng mga kagamitan, pagkasira ng mga

agricultura na produkto kalsada at mga riles. Pangalawang uri ay ang Rapid-Onset Flood ito

ay gumugugol lamang sa maliit na panahon ito’y kadalasang tumatagal ng isa o dalawang

araw lamang at ito’y nagdudulot ng higit pang pagkasira at panganib sa buhay at ari-arian
dahil ang mga tao ay may mas maliit na oras na makapaghanda. Pangatlo ay ang Flash Floods

ito ay nagyayari sa loob lamang ng ilang minute o iras pagkatapos ng malaking ulan, bagyo, o

pagbagsak ng mga dams at iot’y nagdudulot ng malaking pagkasira sa lipunan. Ngayong

naman ay uri ng baha ayon sa lokasyon. Una ay ang Coastal Flood ito ay kadalasang

nangyayari sa tabing dagat kung mayroon mga bagyo ito’y nagdudulot ng malaking alon na

dahil sa bulwak o lindol ang tubig dapat ay maaring umabot sa baybay dagat at nagdudulot ng

coastal flood. Pangatlo ay ang River Flood ito ay pangkaraniwan na uri ng pagbaha kung saan

ang tubig ng ilog ay umaapaw at nagdudulot ng pagbaha sa kalapit na lugar. Panglima ay ang

Urban Flood ito’y kadalasang nangyayari sa mga siyudad kung saan natakpan ng bato o

basura ang kalsada at ang tubig ulan ay hindi na nasisipsip ng lupa na nagiging dahilan ng

pagbaha. Dumako naman tayo ngayong sa Mga Sanhi at Bunga ng Baha. Unang sanhi ng

baha ay ang malakas na ulan pangalawa ay ang walang maayos na daanan ng tubig pangatlo

ay ang pagtunaw ng yelo sa Arctic Ocean dahil sa global warming pangapat hindi maayos na

pagpundar ng mga dams kung saan kapag may malakas na ulan ito ay madaling masira

panglima maraming naimbak na basura sa mga ilog, kanal at iba pang daluyan ng tubig

panganim ay ang pagputol ng mga punongkahoy. Ngayon naman sa Bunga. Una ay ang

pagkasira ng mga sistemang pangtransportasyon pangalawa ay ang pagkasira ng mga

sistemang pangkomunikasyon pangatlo ay ang pagkasira ng mga ari-arian pangapat ay ang

paglaganap ng sakit panglima ay ang pagkawala ng suplay ng kuryente panganim ay walang

pagkukuhanan ng pagkain at malinis na tubig pangpito ito’y nag-iiwan ng madaming basura

pangwalo ay ang pagkasira ng mga taniman at palaisdaan pangsiyam ito ay kumikitil ng

buhay. Mga kailangang gawin kapag bumabaha una magingkalmado pangalawa pag hindi

nakalikas, pumunta sa pinakamataas na bahagi ng bahay o kahit saang mataas na lugar

pangatlo patayin ang plangka ng kuryente pangapat making sa mga balita sa radio o anumang

mga maaring pagkunan ng impormasyon panglima kumuha ng suplay ng pagkain, tubig at


damit at emergency kit panganim kapag mayroon pang linya ng komunikasyon agad-agad na

tumawag ng tulong. Mga hindi nararapat na gawin sa panahon na may baha. Una huwag

hayaang maglaro ang mga bata sab aha pangalawa huwag gumamit ng bagay na

nangangailangan ng kuryente pangatlo huwag gamitin ang tubig, baha sa pagluluto, pagligo,

at huwag na huwag itong gamitin pang-inum pangapat huwag maglakad o magmaneho kapag

may baha panglima huwag maglakad sa mga tulay dahil maari itong gumuho o bumigay.

Mga kailangan gawin upang pigilan ang pagbaha una ay ang hindi pagsira sa ating kagubatan

sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at hindi pagputol sa mga ito pangalawa

pagkatuto ng tamang paraan ng pagtapon ng basura pangatlo ay ang pagpapatupad ng

gobyerno ng mga batas pangapat hindi pagsunog ng mga basura lalong lalo na ang mga

plastic na isa sa mga dahilan ng global warming. Ano ang polusyon? Ang Polusyon ay ang

kontaminasyon sa hangin, tibig, lupa at sa iba pang bahagi ng kapaligiran bunga ng Gawain

ng mga tao, teknolohiya at mga kalamidad. Ang polusyon ay bunga ng pagdudumi ng mga

tao sa kapaligiran ng masamang nakakaapekto sa kalusugan ng tao pati sa mga halaman at

hayop. Mga uri ng polusyon 1. Polusyon sa Tubig ito ay sanhi ng pagtatapon ng iba’t ibang

uri ng dumi sa mga ilog at karagatan, kasama rin dito ang maling paraan ng pangingisda 2.

Polusyon sa Hangin ito ay ang mga bagay na nakakalason o nakaka-kontamina sa atmospera,

karaniwang sanhi nito ay ang pagsusunog o combustion 3. Polusyon sa Lupa ito ay resulta ng

walang habas na pagtatapon ng basura, pagmimina at “pollutans” tulad ng mga kemikal na

pumapatay sa mga peste sa pananim 4. Polusyon ng Ingay ito ay mga tunog na hindi

maganda sa pandinig o hindi kailangan 5. Radiation ito ay nagmumula sa mga lakas nukleyar

o mga armas sa pakikidigma ngayon ito ay nakatuon sa “radio waves” dahil sa paglaganap ng

makabagong teknolohiya partikular na ang mga cellular phones.

Nagpapakita lamang ito na dapat nating alagaan at ingatan ang ating kapaligiran upang

maiwasan natin ang mga sakuna, di makasakit, at mastumagal pa ang buhay ng ating
tinitirang mudo dahil wala ng ibang mundo na pwedeng makaitra ang mga tao kundi sa

planetang “Earth” lamang talaga kaya ito’y mahalin wag abusuhin at ibalik ang mga likas na

yaman na kinuha din sa kanya.

Reperensya

http://prezi.com/m/j8l8vqzr/bagyo/

http://prezi.com/m/lvcwdjj5tjpm/bahaflood/

http://prezi.com/m/j0nvxq5gttx/polusyon/

http://prezi.com/m/ibzywmj485e8/polusyon/

http://prezi.com/m/rnwc10z8yfg/polusyon/

You might also like