Learners' Activity Sheets: Filipino 7

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Learners’ Activity
Sheets
Filipino 7
Quarter 3 – Week 3a
Nasusuri ang Katangian at Elemento ng
Mito, Alamat, Kwentong-Bayan, at Maikling
Kwento
D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur
[email protected]
(085) 839-545

Republic of the Philippines


Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Filipino – Grade 7
Learners’ Activity Sheets
Quarter 3 – Week 3a: Nasusuri ang Katangian at Elemento ng Mito, Alamat,
Kwentong-Bayan, at Maikling Kwento
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for the exploitation of such work for a
profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

Borrowed materials (e.g., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this activity sheets are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The authors do not represent nor claim ownership
over them.

Development Team of the Learner’s Activity Sheet


Writer/s: Sharon C. Dingal
Editor/s: Ma. Veronica Ivy T. Mitrofanous, Shielo B. Cabahug, Rosemarie Q. Boquil, Charlene
Mae A. SIlvosa
Illustrator:
Layout Artists: Lester John G. Villanueva
Lay-out Reviewer: Blessy Suroy-Suroy
Management Team: Minerva T. Albis, Ph.D.
Lorna P. Gayol
Erwin G. Juntilla
Normie E. Teola
Narciso C. Oliveros
Ma. Medy A. Castromayor
D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur
[email protected]
(085) 839-545

Republic of the Philippines


Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Learners’ Activity
Sheets
Filipino 7
Quarter 3 – Week 3a
Nasusuri ang Katangian at Elemento ng
Mito, Alamat, Kwentong-B
ayan, at Maikling Kwento
D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur
[email protected]
(085) 839-545

LEARNERS’ ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO 7


Quarter 3, Week 3a

Pangalan: _________________________________ Baitang at Seksiyon:_________


Guro: _____________________________________ Petsa: ___________________
Paaralan: __________________________________ Iskor:____________________

I. Pamagat: Katangian at Elemento ng Mito, Alamat, Kwentong-Bayan, at Maikling


Kwento

II. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:

Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito,alamat, kuwentong- bayan,


maikling kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga
tauhan, tagpuan, kaisipan at mga aspetong pangkultura (halimbawa: heograpiya,
uri ng pamumuhay, at iba pa) F7PB-IIId-e-15
a. Napahahalagahan ang pag-aaral ng mga sinaunang panitikan batay sa mga
pangyayari sa akda (heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa)

III. Tagubilin:

Ang gawaing pagkatutong ito ay nakatuon sa Katangian ng Mito, Alamat,


Kwentong-Bayan, at Maikling Kwento. Ang mga nasa ibaba ay mga gawaing
makakatulong upang higit na mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ninyo kaugnay
sa nasabing paksa. Basahin ang mga panuto sa bawat gawain at sagutan ang mga
ito.

IV. Mga Pagsasanay

Gawain 1. Hanapin Mo!

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salitang maaaring may kaugnayan sa
paksang tatalakayin. Bilugan ang mga salitang nabuo.
S I M U L A B W S K
K T A U H A N P T A
T A G P U A N B I S
G A T E S R G Y N U
W P U N A S H U C K
A T A H S Y A S W D
K G U I A N Y A O U
A Q E N R N G N P L
S U L I R A N I N A
K A K A L A S A N N
Gawain 2. Basahin Mo!

Panuto: Basahin nang mabuti ang nasa ibaba at pagkatapos ay sagutan ang mga
katanungang inihanda para sa iyo.

ANG KWENTO NI MABUTI


Ni Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa


dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya.
Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang
umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim
na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat,
at bumubuhay ng isang uri ng karunungan sa kanya ko lamang natutuhan.
Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa
tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya.
Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol
sa kanyang ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng
pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing anumang
pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang
salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa
mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga
sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri
ng paniniwala sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito.
Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang
nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso
ang pambata ring suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga
nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay
tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking
suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.
“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa
narinig. “Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata
kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli
sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako
makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat
na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig.
Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko
ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa
pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig siya
sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung
paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit,
siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y
tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa
amin ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.
“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa
sulok na iyo na … iniiyakan ko?”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon
na … iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang
tinig: “sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong
sabihin ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”
Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa
pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal
at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang
pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-
aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At
habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan
ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan.
Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming
dalawa…
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya,
nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang
sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa
aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga
tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay.
Bawat aralin naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming
sa kagandahan at ako’y humanga.
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na
maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging
akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring
iyon sa silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na,
isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil,
ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na
karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong
panahon ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang
anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit
sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-
aral naming ang nakababatid na siya’y hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay
nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang
paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan,
tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba
ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng
kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa
kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat
walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay
nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang
isang hinala.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng
kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang,
ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y
anim na taong gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula na iyong mag-
aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang
mabuting manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking
likuran ang bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y
nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa
kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng
batang may kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya
nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang
dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa
kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon
sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil,
makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong
man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral
kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng
kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan
niya ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang
ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng
mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan.
Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…”
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang
pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat.
Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya
ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng
mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng
mga lihim na kaligayahan.
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating
kulay ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan
sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng
pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang
tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil
ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng
dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at
ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa
buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat. 

Sagutin:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Ano ang dahilan kung bakit Mabuti ang tawag nila sa guro?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Sa dinami-dami ng salita, bakit kaya Mabuti ang palaging sinasambit ng guro?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Ano ang problem ani Mabuti na binaggit sa kuwento?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Sa tingin ninyo, ano ang magandang katangian ni Mabuti bilang isang guro?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

6. Anong aral ang napulot ninyo sa kwento?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Gawain 3. Suriin Mo!

A. Panuto: Batay sa kwentong nabasa , isulat ang balangkas nito gamit ang
pormat na nasa ibaba.

_________________________
Pamagat

Tauhan:

Tagpuan:

Suliranin/Problema:

Tunggalian:

Banghay

Simula:

Gitna:

Wakas:

Aral sa Kuwento:
B. Panuto: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga sangkap ng maikling
kwento.

Elemento ng Maikling Kwento Pagpapakahulugan


Tauhan

Tagpuan

Suliranin

Banghay

V. Pangwakas na Gawain

Panuto: Gumawa o gumuhit ng isang larawan ng gurong nagpapakita ng katangian


na gustong-gusto mo sa isang guro.
Pamantayan sa Pagmamarka

Orihinalidad - 5
Kaangkupan sa Paksa - 5
Pagiging Malikhain - 5
Kalinisan sa pagguhit - 5____
Kabuuan 20 Puntos

Sanggunian:

http://markjan-markjan.blogspot.com/2012/07/ang-kwento-ni-mabuti-ni-genoveva-
edroza.html
http://4.bp.blogspot.com/-
CqpZvloocTg/T_96wVUiKwI/AAAAAAAAAhk/A_gM2o799k4/s1600/teacher.jpg
Learners’ Activity Sheet in Filipino 7
Quarter 3, Week 3a

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1.Simula 2.Tauhan 3.Tagpuan 4.Kasukdulan 5.Kakalasan 6.Suliranin

Gawain 2
1. Mabuti
2. Kasi sa bawat pagbanggit niya ng kanyang mga sasabihin sa klase ay
may kasamang “mabuti”.
3. Ito ay may kinalaman sa kanyang personal na buhay.
Gusto niyang maging mabuti ang impresyon ng mga bata sa kanya
bilang guro.
4. Si mabuti ay may problema tungkol sa kanyang pamilya.
5. Mabuti , inspirasyon ,at may malasakit sa mga mag-aara
6. Nakadipende sa sagot ng mag-aaral

Gawain 3
A.
Pamagat Kwento ni Mabuti
Tauhan Mabuti , Fe, mag-aaral
Tagpaun Paaralan
Suliranin Problema sa pamilya
Banghay Nakadipende sa sagot ng mag-aaral
Aral Nakadipende sa sagot ng mag-aaral
B.
Nakadipende sa sagot ng mag-aaral

Gawain 4
Nakadipende sa awtput ng mag-aaral

Pangwakas
Nakadipende sa sagot ng mag-aaral

You might also like