Panitikan NG Pilipinas Module 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pangalan _____________________ Pangkat _____________ Iskor _______

Asignatura _____________________ Guro _____________ Petsa _______

Siyasatin Natin!

Talinghaga

Ayon kay Virgilio Almario, ang talinghaga ang utak ng paglilikha at disiplinang pumapatnubay sa haraya
at sa pagpili ng salita habang isinasagawa ang tula.

Samakatwid, ang talinghaga ay may kahulugang higit na malalim sa literal na ipinapahayag. Iba't iba ang
paraan ng pananalinghaga o paggamit ng tayutay tulad ng metapora, pagwawangis, personipikasyon,
pagmamalabis, atbp.

Mga Uri ng Tayutay

Nagiging kaakit-akit at malikhain ang isang pagpapahayag sa pamamagitan ng mga tayutay. Sinadyang
paglayo sa karaniwang paggamit na mga salita ang tayutay. Hindi ordinaryo ang pagkakapahayag nito;
hindi tuwiran ang kahulugang hatid kung kaya't kailangan pang lubos na pag iisipan upang ganap na
mauunawaan. Lumikha ito ng mga larawan o imahen at umaakit sa mga pandama; malikhain o matulain
ang paglalahad nito dahil naiiba ang bigkas sa bumabasa o nakikinig (Resuma at Semorlan, 1994).

a. Simili/Patulad/Pagtutulad - Simpleng paghahambing ito ng dalawang bagay na magkaiba sa


pangkalahatan, ngunit may magkatulad na katangian kaya't maiuugnaysa isa't isa.

Ang mga salitang panulad na ginagamit sa uring ito ay parang, kawangis, anaki, animo,
gaya/kagaya, tulad/ katulad, mistula, atbp.

Halimbawa:

"Ang buhay ng tao ay parang kumunoy


Kung nagpapaanod lamang sa panahon
Sa laspag na buhay kapagka nanunton."

(Rogelio Mangahas)

"Ako raw
Katulad lamang ng bato
Pagulong-gulong
Ikaw raw,
Kawangking-kawangki ng buhangin
Nagbibilang lamang ng araw
Kayo raw
Kawangis naman
Apoy matulos-magising
Sa balikat ng bundok
Manhid
Sa init at lamig ng panahon"

(Gonzalo Flores)

Si Chriza ay tulad ng talulot ng sampaguita


Makinis ang pisngi
At maputi ang kutis.

b. Pagwawangis/Pawangis/Metapora - Tuwiran ang paghahambing ng tayutay na ito, kaya hindi na


ginagamitan ng mga katagang nagpapakilala ng paghahambing.

Halimbawa:

"Ang buhay ay alak


na kukulo-kulo habang lumalamig sa basong may lamat."
(Rogelio Mangahas)

"Ang buhay ay isang paglalakbay


At tayo'y nagdaraan lamang sa daigdig
At nagbalik kung saan nagsimula."
(Lamberto Ma. Gabriel)

Kuwintas ng sampaguita ang buhay ng tao.

c. Pagsasatao o Personipikasyon - Ito ang paglilipat o pagkakapit ng katangian ng isang tao sa mga
bagay na walang buhay. Itinuturing na tao ang bagay: may damdamin at pag-iisip kaya nakadarama
ng iba't ibang damdamin ng tao at gumagawa ng mga kilos na tanging tao lamang ang gumagawa.

Halimbawa:

"Nang lumuha ang panitik


buong bayan ay nagising
Nagliliwanag ang isipang
dati-rati'y nagdidilim."
(Roberto Cruz)

Naririnig nila ang mga piping hikbi ng mga bulaklak.

d. Pagmamalabis/Eksaherasyon/Pasawig - Ito ang pagpapasobra sa normal na pagpapahayag upang


bigyang-diin ang mensahe. Maaari itong pagpapakulang sa tunay na sitwasyon bilang pantawag
pansin sa gustong ihayag. Karaniwang matinding damdamin ang hatid nito.
Halimbawa:

Sa mga yungib na tila bunganga


ng isang libong dambuhala
sa mga baybay na madapya't kaiisya
at sandaang itlog
na makalagot-ahas ang lakas ng agos
sa mga liko-likong
bulaos na wari'y higanteng sawang
sa paa ng bundok.
(Amado V. Hernandez)

Bumaha ng dugo noong panahon ng digmaan.

e. Apostropi o Panawagan - Ito'y isang madamdaming pagtawag sa gitna ng pangkaraniwang salaysay


na wari'y kaharap lamang ang kinakausap.

Halimbawa:

"Oh, Bathala!
Huwag mong ikintal sa kanilang loob
Na ang kalayaan,
ang katarungan at ang Diyos
Ay wala sa bayan at wala sa lunsod.
At kung hahanapin ay dapat
na muling balikan sa bundok!"
(Amado V. Hernandez)

Rizal! Tingnan mo ang iyong bayan.

f. Metonimi o Pagpapalit-saklaw - Ito ang pagtukoy ng isang bahagi bilang katapat ng kabuuan.
Maaari ring ang kabuuan ng bagay-bagay ang itinatapat sa isang bahagi.

Halimbawa:

"Bilang-bilangin na lamang ang mga pares


ng paang nagsisihakbang sa bangketa at
nagsisihakbang patawid sa kabilang bangketa:
mga paang balisa, pagod, tinatamad."
(Ruth Mabanglo)

"At kung sasamaing-palad


na ang aking mga paa
ay hindi na makaagapay sa ragasa
ng libong mga paa
na maglalakbay patungong Silangan
sa kung saan kakatagpuin
ang bukang-liwayway."
g. Pag-uyam (Irony)- Pangungutya ito sa tao, bagay o pangyayari. Maaaring pumupuri ito sa simula
ngunit lilitaw rin ang pamimintas sa huli.

Halimbawa:

Ang kinis ng kutis niya, mala-porselana, sa dami ng kagat ng lamok.

Ang galing-galing mong magpaliwang, wala namang nagtitiyagang makinig sa iyo.


Kaytalino mo naman upang ikaw ay maloko.

Tuso ka nga'y nabilog din ang mautak mong ulo.

h. Alusyon (Allusion) - Tumutukoy ito sa historikal, biblikal o literari na katauhan, pangyayari, at


bagay.

Halimbawa:

Maraming Andres Bonifacio ang nanindigan noong EDSA I.

Maraming Gabriela Silang ang nakiisa at nakilahok sa EDSA II.

i. Aliterasyon (Alliteration) - Ang pag-uulit ng magkakaparehong tunog na magsisimula sa


magkakasunod na iba-ibang salita.

Halimbawa:

Pawiin ang panambitan at puyos ng puso.

Kaakibat ng kahapon ang mga kaganapang namayani at nangyari.

Makikita mo sa mga mata ni Madel ang maarubdob na pagnanais na mawakasan ang mahirap
nilang pamumuhay.

j. Anapora (Anaphore) - Ang pag-uulit ng isang salita o parirala sa simula ng sunod-sunod na parirala,
sugnay o mga taludtod.
Halimbawa:

Ang sabi ng iba, masarap sumulat,


Ang sagot ko nama'y kumporme sa sulat.
May sulat kung minsa'y sakit may lagnat,
May sulat na paksa'y nakapagmumulat.
(Teo Antonio)

Ang Pilipinas ay para sa iyo,


para sa akin, at
para sa lahat ng Pilipino.

k. Antistropi (Antistrophe) - Pag-uulit ng magkakaparehong salita o parirala sa katapusan ng


magkakasunod na sugnay.
Halimbawa:

Kahapon dumating siya, wala siyang imik


kaninang umaga umalis siya, wala siyang imik,
at ngayon, nagkasalubong kami, wala siyang imik.

l. Antonomasiya (Antonomasia) - Ang paggamit ng tatak sa pagtukoy ng isang tamang tao, tumpak na
lugar o bagay.

Halimbawa:

Nagbakasyon sina Ava Ann at Gene sa Lungsod ng mga Bulaklak.

Nanggaling sina G. Kem at Bb. Kristine sa bayan ng Chocolate Hills.

Tatlong Kaanyuan ng Tula

1. Ang tulang pandamdamin o liriko ay nagpapahayag ng damdamin na kinakailangang maging


himig at matapat. Ito ay nagpapahayag ng damdaming pansarili sa kaanyuang mahimig o
maaaring inaawit. Ang damdaming nabanggit ay maaaring damdamin ng ibang tao; maaaring ang
damdamin ay halaw sa mga karanasang bunga ng imahinasyon o ang damdamin ay sarili ng
makata; maaaring ang ipinahahayag na damdamin ay dinaranas ng isang tao sa paggunita niya ng
mga pangyayaring likha ng kalikasan, tulad halimbawa ng kamatayan. Masasabi ring damdaming
panlahat ang ipinahayag ng tulang liriko. Halimbawa ng mga tulang liriko: elehiya, oda, kantahin,
at soneto.

a. Elehiya. Kini-kinita ang isang pangyayari o pagbubulay-bulay ng guniguni ukol sa


kamatayan. Tula ito ng pananangis dahil sa paggunita ng isang pumanaw o yumao.

b. Oda. Ang tulang lirikong ito ay malimit na ginagamit sa pagpapahayag ng masiglang


damdamin sa pagpupuri. Maaari ring panaghoy o iba pang masiglang damdamin. Wala
itong tiyak na bilang ng taludtod at bilang ng pantig.

c. Kantahin. Maaaring ang damdaming ipinahahayag na ito ay pansarili o panlipunan.


Binubuo ito ng ilang saknong. Masasabing payak ito maging sa pananalita at sukat.

Sa kantahing pansarili, isinasaalang-alang ang saloobin ng isang tao, ang damdaming


may kaugnayan sa kanya tulad ng pag-asa, kaligayahan, kalumbayan, mga pangamba
niya, kawalang pag-asa at ang kanyang pag-ibig. Ang kantahing panlipunan ay may
kinalaman sa mga damdaming sumasaklaw sa maraming tao. Nabibilang dito ang mga
kantahing panrelihiyon, mga kantahing makabayan, at mga kantahing ukol sa
pagsasamahan.

d. Soneto. Ang tulang lirikong ito ay binubuo ng labing apat na taludtod na pinagdalawang
taludturan, isang waluhan at isang animan.

e. Pastoral. Ang buhay sa bukid ang inilalarawan sa ganitong uri ng tula.


2. Tulang Pasalaysay. Ang tulang ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayaring maaaring tunay o
kaya hango lamang sa guniguni o imahinasyon; mga di kapani-paniwalang mga pangyayari. Sa
panitikang Pilipino, ang tulang pasalaysay ay nahahati sa dalawang uri:

a. Epiko. Isang mahabang salaysay ukol sa kagitingan ng isang bayani. Halimbawa ng


tulang epiko ay ang Biag ni Lam-ang ng mga Ilokano.

b. Awit at korido. Ang isinasalaysay ng awit at korido ay ukol sa mga paksang may
kinalaman sa pakikipagsapalaran, pandarayuhan, at pandirigma, na dinala rito ng mga
Kastila buhat sa Europa. Ang awit ay binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod
at ang korido'y binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod. Ang Florante at Laura ay
isang awit at ang Ibong Adarna ay isang korido.

3. Tulang Pandulaan. Ang kaanyuan at kayarian nito ay patula at masasabing ang katangian nito
ay nabibilang o patungkol sa dula.

Halimbawa:

a. Saynete - Karaniwang pag-uugali ng tao o katangian ng pook ang paksa nito.

b. Trahedya-Tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi ng protagonista (pangunahing


tauhan).

c. Komedya - Karaniwang nagtatapos ang tunggalian sa pagkakasundo ng mga tauhan na


siyang nakapagpapasaya ng damdamin ng manonood. Nagwawakas ang dulang ito nang
masaya.

Pagsasanay

Paalala!
Para sa pagsasanay pumunta sa ulearning sa
assignment na section may quiz akong
inihanda para sa araling ito.

You might also like