Ang Alamat Sa Rehiyon 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANG ALAMAT NG BUNDOK PINATUBO

Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang
sikat ng araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sapaligid. Masigla ang awit
ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa
Datu.Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.
Malungkot na nakapanungaw ang Datu.Nakatuon ang ma paningin sa sa bughaw na kabundukan.
Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi. Nagbuntong-hininga nang malalim.
"Malungkot na naman kayo, mahal na Datu," narinig niya sa may likuran. Bumaling ang Datu.
Nagtanong ang mga mata ni Tandang Limay. Isa ito sa bumubuo sa "Konseho ng Matanda."
"Ikaw pala. Nalulungkot nga ako, Tandang Limay. Naalaala ko ang aking kabataan," at
nagbuntung-hininga muli. Humawak siya sa palababahan ng bintana.
"Nakita mo ba ang bundok na iyon?" nagtaas ng paningin ang Datu.
"Oo, aking Datu, ngunit ano ang kinalaman niyon sa inyong kalungkutan?" tanong ni Tandang
Limay. Napag-usapan na ng "Matatanda" ang napapansin nilang pagkamalungkutin ng Datu.
Siya nga ang naatasang magsiyasat tungkol dito.
"Doon ako sa mga bundok na iyon laging nangangaso. Natatandaan mo marahil na malimit
akong mag-uwi ng baboy-ramo at usa sa aking ama at mahal ko sa buhay."
"Opo, Kayo mahal na Datu ang kinikilalang pinakamagaling sa pana noon. Napabantog sa ibang
kaharian ang inyong katangian sa pangangaso," sang-ayon ni Tandang Limay.
"Iyan ang suliranin ko ngayon. Para bang gusting-gusto kong magawa uli ang mga bagay na
iyon, ngunit napakatanda ko na upang pagbalikan ang kabundukang iyon. Napakalayo na ang
mga pook na iyon para sa mahina kong katawan," at muling nagbuntung-hininga ang Datu.
"Hindi na nga ninyo makakayanan ang maglakbay nang malayo. Ngunit maaari naman kayong
magkaroon ng ibang libangan," pasimula ni Tandang Limay.
"Bahagi na ng aking buhay ang pangangaso. Hindi na rin ako makadarama ng kasiyahan kung
iba ang aking magiging aliwan," malungkot na umiling ang Datu.
Naging usap-usapan sa buong kaharian ang suliranin ng Datu. Nabalita rin sa ilang bayan ang
pagkamalungkutin ng pinuno ng Masinlok.
Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero. Matanda na siya at
mabalasik ang mukha. Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa Alindaya, prinsesa ng
Masinlok ngunit malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya.
Nagbigay ng kaukulang paggalang ang panauhin.
May magandang panukala ako tungkol sa inyong suliranin kung inyong mamarapatin, mahal na
Datu," saad ng salamangkero.
"Sabihin mo at handa akong magbayad sa inyong kapaguran," turing ng Datu.
"Magpapatubo ako ng isang bundok sa kapatagan ng Masinlok na malapit sa inyong palasyo para
sa inyong pangangaso ipakasal lamang ninyo sa akin si Prinsesa Alindaya," pahayag ng
panauhin.
"Kung matutupad mo ang iyong sinabi ay ibibigay ko sa iyo ang kamay ng aking anak," mabilis
na pasiya ng Datu.
Madaling kumuha ng isang maliit na batumbuhay ang salamangkero. Ito'y parang isang batong
mutya. Itinanim niya itong tila isang binhin ng halaman. Biglang-biglang sumipot sa
pinagtamnan ang isang maliit na puno. Tumaas nang tumaas iyon. Lumaki nang lumaki
hanggang sa maging isang bundok.
"Aba, anong laking bundok! Di ba iyan tumubo sa itinanim na batong mutya ng salamangkero?"
paksa ng usapan ng mga tao.
Samantala sa palasyo, iniluhang gayon na lamang ni Prinsesa Alindaya ang naging pasiya ng
ama. Ipinagdamdam niya nang labis na tila siya ay kalakal na ipinagpalit lamang sa isang
bundok. At sa lalaki pa naming kanyang kinamumuhian. Laging lumuluha ang magandang
prinsesa. Nagkaroon siya ng karamdaman. Naging malubha ang kanyang sakit. Dumating ang
araw na itinakda ng Datu sa pagkuha sa kanya ng salamangkero.
"Ikinalulungkot ko na hindi ko mapasasama sa iyo ang aking anak. May sakit ang mahal na
prinsesa. Magbalik ka sa ibang araw," saad ng Datu sa salamangkero.
Umuwing masamang-masama ang loob ng matanda. Galit nag alit siya sa Datu. Sinapantaha
niyang gusto na nitong sumira sa usapan. Nagulong gayon na lamang ang kanyang loob. Lagi
niyang naiisip si Prinsesa Alindaya at ang kanyang kabiguan. Hindi niya napansing palaki nang
palaki ang bundok. Ito'y kanyang nakaligtaan.
"Mahal na Datu, halos natatakpan na po ng bundok ang buong kapatagan. Malapit na pong
humangga ang bundok sa tabing-dagat. Wala na pong matitirhan ang mga tao," sumbong ng
matatanda sa Datu.
"Hulihin ngayon din ang salamangkero. Putulan siya ng ulo. Lubhang nakapipinsala sa kaharian
ang bundok na pinatubo niya," mabalasik na utos ng hari. Natakot siya sa maaring mangyari sa
kaharian.
Namatay ang salamangkero ngunit patuloy pa rin sa paglaki ang bundok. Araw-araw ay pataas
ito nang pataas na lalong ikinabahala ng mga tao. Walang maisipang gawin ang Datu. Palubha
nang palubha ang suliranin.
Nakaabot ang balita hanggang sa malalayong kaharian. Nakarating iyon sa pandinig ni Prinsipe
Malakas ng Pangasinan. Balita siya sa taglay na lakas at kabutihang loob. Agad siyang
naglakbay patungong Masinlok. Humarap sa Datu ang matikas na prinsipe.
"Nakalaan sa inyo ang aking paglilikod, mahal na Datu," magalang na badya niya.
"Nakalaan akong magbigay ng kaukulang gantimpala. Humiling ka kahit anong bagay kapag
nagtagumpay ka. Lunasan mo ang suliranin ng kaharian, Prinsipe ng Pangasinan," pahayag ng
Datu.
"Wala po akong hinihintay na gantimpala, aking Datu. Tayo na sa labas."
Si Alindaya na noo'y magaling na ay naganyak sa tinig ng panauhin. Sumilip siya sa siwang ng
pintuan. Malakas na malakas ang pitlag ng puso ng dalaga.
Nanaog ang Datu pati ang prinsipe. Madali nilang sinapit ang paanan ng bundok.
Sa isang kisapmata, binunot ng prinsipe ang bundok. Parang pagbunot lamang ng isang maliit na
punong-kahoy. At sa isang iglap din, ipinatong niya iyon sa kanyang likod na walang iniwan sa
pagbalikat ng tinudlang baboy-ramo. Mabilis din siyang humakbang na papalayo at ihinagis ang
bundok sa lugal na kinaroroonan nito ngayon.
Bumalik ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa gitna ng pagbubunying mga tao. Galak na galak
ang kaharian. Pagdating sa palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe. Iniutos niya ang malaking
pagdiriwang para sa karangalan ng prinsipe noon ding gabing iyon.
Gabi ng kasiyahan, nagsasayaw noon ang prinsesa pagkat nahilingan ng amang Datu. Walang
alis ang tingin ng prinsipe sa magandang mananayaw. Nabatubalani siya ng magandang prinsesa.
Walang humpay ang palakpak ng prinsipe matapos ang pagsasayaw nito.
Kiming umupo ang prinsesa sa tabi ng Datu. Siya'y tahimik na nakatungo.
"Ang aking anak, si Prinsesa Alindaya, mahal na prinsipe, nakangiting pagpapakilala ng Datu.
Yumukod ang prinsipe at ang prinsesa nama'y nag-ukol ng matamis na ngiti.
Walang alis ang paningin ni Prinsipe Malakas sa dalaga. Hindi matagalan ng prinsesa ang
kabigha-bighaning titig ng prinsipe.
"May sasabihin ka, Prinsipe Malakas?" tanong ng hari upang basagin ang katahimikan.
"Hinihingi ko ang inyong pahintulot na makausap ko ang mahal na prinsesa, mahal na Datu," ang
hiling ng prinsipe.
"Higit pa sa riyan ang maibibigay ko," sang-ayon ng Datu.
Hindi nagtagal at nasaksihan sa Masinlok ang marangyang kasal nina Prinsesa Alindaya at
Prinsipe ng Pangasinan. Nagsaya ang kaharian sa loob ng anim na araw.
Samantala, ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay napuno ng tubig ito'y naging
isang lawa.
Naging maganda at matulain ang lawang ito na tinawag ng mga tao na "Lawa ni Alindaya"
sapagkat nagpapagunita ng kagandahan ng prinsesa at ng pag-ibig niyang siyang dahilan ng
pagkakaron ng Bundok na Pinatubo.

ALAMAT NG ARAYA
Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay
may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa
maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito,
dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.
Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda at
mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang
araw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda
at mamili. Subali’t ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba’t ibang paraan ng
pagbabalatkayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang
matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang
mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari
ang mararanasan ng sinumang dadalaw sa bundok na iyon. Ang kabundukan ay totoong
masagana sa mga bungang-kahoy at ang sinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang
makakpipitas at makakain ng bungang maibigan niya, subalit ang sinumang magtangkang mag-
uwi ng mga bungang-kahoy mula roon ay hindi matututuhan ang landas pauw. At ang lalong
kahima-himala ay ang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin. Ngunit sa
sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang dala niya, ang landas sa pauwi ay
madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng batong-buhay sa ituktok ng bundok ay batyang
pinaglalabhan ng engkantada. Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil
rin sa magaagndang tugtugin maririnig sa kabundukan, wala sinumang namamlagi roon sa
pangambang baka magayuma sila at hindi na muling makabalik sa kanilang tahanan.
ALAMAT NG NIYOG

Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga
sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak.
Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito.
Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-
iyakan at ang sabi nila ay ganito: “ Sino na ang magpapakain sa amin?” tanong ng
pinakamatandang anak.

“Sino na ang mag-aalaga sa amin?” tanong ng ikalawang anak. “ Sino na ang maglalaba ng ating
damit?” tanong ng ikatlong bata.

Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya’y maganda at
maputi. “ Huwag na kayong umiyak” sabi niya. “ Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing
ninyo siya at magbantay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno.
Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw. Biglang nawala ang maputi at
magandang babae. Akala ng mga bata ay nananaginip lang sila.

Sumunod naman ang sampung mababait na mga bata. Pagkalibing sa ina nila, binantayan nila
ang libingan araw at gabi at pagkatapos ng sandaling panahon ay may nakita na nga silang isang
halaman na tumubo. Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na puno. Nagtaka
ang mga bata dahil sa taas ng puno at sa dami ng bunga nito.

“Marahil aakyatin ko na lamang itong puno.” sabi ng pinakamatanda at dali-dali siyang umakyat
at pumitas ng bunga. “Mga ulo ninyo,” ang sigaw niyang babala sa itaas. “Ibabagsak ko ito at
buksan ninyo.” Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may tubig ito.

“Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig,” sabi nila. Tinikman nila ang laman at ang nasabi ay
“Ang puti at kay sarap naman ng lasa ng bungang ito.” ang wika ng ikaapat na anak.

Naghulog pa ng maraming bunga ang batang umakyat sa itaas ng puno. Nagkainan at nag-
inuman nakita nila na di sila magugutom pang muli. Ang bungang iyon ay kauna-unahang niyog
dito sa daigdig. Iyan ang alamat ng niyog.
ANG PINAGMULAN NG BATAAN

Noong araw may mag-asawa na hindi magkaanak. Kaya ang kanilang ginawa ay kumuha ng
isang katulong. Masuerte naman ang mag-asawa dahil ang nakuha nilang katulong ay
mabait at marunong mag-malasakit, at bata pa. Isang hapon ay may nagtangkang pumasok sa
bahay ng mag-asawa upang magnakaw pero hindi nakapasok dahil nakita ng kanilang katulong.

Kinabukasan habang sila ay nasa palengke, meron naming isang holdaper, ang tinutukan
ay ang mag-asawa. Ipinagtanggol uli sila ng kanilang katulong. Tuwang- tuwa ang mag-asawa,
dahil naipag-tanggol uli sila ng kanilang katulong. Kaya naman pag-uwi ng mag-asawa,
ay pinag-usapan nila na ituring nila na parang anak nila ang katulong. "Ituring na lang natin siya
na bataan, ang ibig sabihin ay may malasakit na katulong o tagapangtanggol," ang sabi ng
matandang lalaki. Isang pagkakataon naman na ditto sa lalawigan ng bataan ipinadala
ang ating mga batang-bata na mga kawal upang sagipin ang ating demokrasya sa malulupit
at manlulupig na mga hapon.
ANG ALAMAT NG OLONGAPO

Noong araw ay may isang binatang solong namumuhay sa malawak niyang sakahan. Marami ang
tumutulong sa kanya gaya rin ng pagtulong niya sa kapwa. Kinagigiliwan siya at iginagalang ng
mga kabataan. Katunayan ay tinatawag siyang Apo ng mga ito. Ang tunay niyang pangalan ay
Dodong.

Hindi kalayuan sa lupain ni Dodong ay may nakatirang isang dalagang mayumi at maganda.
Mahaba at mabango ang kanyang buhok. Marami ang nabibighani sa kagandahan ni Perla.
Matagal na silang magkakilala ngunit walang puwang sa puso ng binata si Perla dahil na rin sa
agwat ng kanilang edad.
Lumipat ng tirahan sina Perla at ang kanyang mga magulang. Hindi rin sila nagkikita ni Dodong.
Isang hapon, hindi sinasadyang nakasalubong sina Dodong at Perla. Noon lang napansin ng
lalaki ang iwing ganda ng babae. Binati ni Dodong si Perla at inalok na ihatid ang dalaga.
Pinaunlakan naman siya ni Perla.
"Tatang, narito po si Apo. Dadalaw po siya sa inyo ni Nanang," ang masayang bungad ni Perla
pagsapit sa kanila.
"Aba, Dodong! Mabuti naman at napasyal ka rito sa amin," ang masayang bati ng ama ni Perla.
"Kumusta po kayo? Nahihiya po ako at hindi na ako nakatulong sa bayanihan dito sa inyo,"
magalang na tugon ni Dudong.
"Naku, eh, huwag mong alalahanin iyon. Alam kong solo kang namumuhay at iniuukol mo sa
bukid ang iyong panahon. Pasabihan mo na lang kami kung kailangan mo naman ng tulong sa
iyong bukid," ang amuki ng tatang ni Perla.

"Marami pong salamat. Hayaan po ninyo at tuwing Sabado ay dadalaw ako para makatulong din
ako sa inyo," tugon ng binata.

Simula noon ay madalas nang nagkikita sina Dodong at Perla. Naging daan iyon upang
magkalapit ang kanilang damdamin. Hindi naman ito pinigilan ng mga magulang ng dalaga dahil
gusto nila si Dodong para sa anak.

Minsan, isang malaking bangka ang dumaong sa may baybay-dagat. Lulan nito ay mga lasing na
Kastila. Nakita nila si Perla. Tinanong nila ang dalaga. Hindi naintindihan ni Perla ang salita ng
lasing ng Kastila kaya ngumiti na lang siya. Akala ng Kastila ay pumayag si Perla sa gusto nito
kaya niyapos at hinalikan ang dalaga. Sumigaw si Perla at humingi ng saklolo.

May mga tumawag kay Apo at ibinalita ang pambabastos kay Perla. Nagdilim ang paningin ni
Dodong. Sinugod niya ang mga Kastila at walang patumanggang nilabanan ang mga ito. Sa
kasamaang palad ay napatay si Dodong. Upang huwag pamarisan ay pinutulan nila ng ulo si
Dodong. Isinabit nila ang ulo nito sa isang tulos ng kawayan.

"Ulo ng Apo! Ulo ng Apo!" ang sigawan ng mga bata.

Akala ng mga Kastila ay Ulo ng Apo ang pangalan ng pook na iyon. Sa kauulit ng salitang "Ulo
ng Apo," naging Olongapo ito. Magmula noon ang pook na iyon ay tinawag nilang Olongapo,
ang pinakapusod at pinakamakulay na bahagi ng Zambales.
ALAMAT NG ROSAS

         

  Noong unang panahon ay may isang magandang dalaga mula sa malayong bayan ng Tarlac na
Rosa ang pangalan.

          Bukod sa iwing ganda ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat para mapatunayan ang
tunay na pag-ibig.

          Ayon sa kuwento, nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang matuk-lasang may
malubhang sakit ang lalaki. Sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na pakasal sila para
mapaglingkuran ang lalaki hanggang sa mga huling sandali ng buhay nito.

          Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na sa kanya na baunin ang
pag-ibig ng dalaga sa kabilang buhay.

          Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya ang
nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mga mata nito at ang kanya ring mga ngiti ang baon nito sa
pagtulog.

          Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago panawan ng
hininga.

          Ang mga ngiti ni Rosa ay hindi napawi kahit nang ilibing si Mario at kahit nang dinadalaw
ang puntod nito at pinagyayaman. Nang tanungin kung bakit hindi nawala ang ngiti sa mga labi
ay ito ang sabi niya:

          “Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing kanyang minahal. At alam ko
rin na maghi-hintay siya sa akin para magkasama kami na hindi na maghihiwalay pa.”

          Naging inspirasyon ng iba ang ipinakitang lalim ng katapatan at pagmamahal ni Rosa sa


katipan.

          Bago namatay ay hiniling ni Rosa na sa tabi ng puntod ni Mario siya ilibing. Kakatwang
may tumubong halaman sa kanyang puntod ay kayganda ng naging mga bulaklak.

          Tinawag nilang rosas ang mga iyon bilang alaala ng isang dalagang simbolo ng tunay na
pag-ibig.
Alamat ng Daang-Bato

  May isang munting nayon sa Bulakan, na kung tawagin ay Daang-Bato. Ito ay isang nayong
nasa gilid ng mahabang ilog. Kung bakit hanggang ngayon ay tinatawag na Daang-Bato ang
nayong ito ay siya kong isasalaysay sa inyo ngayon, buhat sa pinaghanguan kong sali’t-saling
sabi ng matatanda sa aming bayan.
          Noon daw araw ay may isang napakagandang dalagang naninirahan sa may pook ng
Wakas na nasasaklaw ng mahabang nayon ng Kabambangan. Ang marilag na dalagang ito ay
kilalang-kilala sa buong Bulakan sa palayaw na Nitay.
          Marami, napakaraming binata ang nahahaling sa pambihirang kagandahan ni Nitay. May
mayaman, may mahirap, may anak ng kabesa at may magsasaka, ang halos ay mabaliw sa
pangingibig sa dalagang ito na may mukhang hugis-puso, may matang mapupungay,
katamtaman ang tangos ng ilong at nakakahalina kung ngumiti.
          Subali’t si Nitay ay may katutubong loob sa Diyos. Maliit pa siya ay kinahihiligan ang
manalangin bago matulog at pagkagising kung maaga. Hanggang sa maging husto sa gulang ay
may panata  ang dalaga na, tanging sa Diyos lamang siya maglilingkod. Kaya sa ganang sarili
niya ang mga lalaki ay pawing tukso lamang na makakasira ng kaniyang panata.
          Gayon man, si Nitay ay ayaw tantanan ng mga nagsisipamintuho. Sa gayon ay naisip ni
Nita yang isang paraan upang maputol ang pangingibig sa kaniya ng mga binata.
          Isang araw ay pinulong niya ang lahat nang namimintuho sa kanya at gumawa siya ng
isang mahalagang pahayag.
          Yamang kayo ay mapilit ng pangingibig sa akin, isang bagay lamang ang hihilingin ko sa
inyo na mula sa tapat ng bahay naming ito, ang lubak-lubak na lansangang nakikita ninyo ay
tatambakan sana ninyo ng napakaraming bato hanggang sa may harap ng simbahan sa
kabayanan, sa loob lamang ng magdamag na ito. Sino man sa inyo ang makatupad sa kahilingan
kong iyan ay siyang mag-aari ng aking puso.
          Natigilan ang lahat nang binata. Isa-isa silang nagsi-alis pagka’t nalalaman nilang may
anting-anting lamang ang makagagawa ng kahilingan ng dalaga.
          Nang makaalis na lahat ang napipilang mga namintuho, isang makisig na lalaki ang
biglang sumulpot sa harap ni Nitay
-      Marilag na Binibini, - mapapalong wika nito, - ako ay isang talisuyo
ng iyong alindog. Bigyan mo ako ng pagkakataong maisagawa ang iyong kahilingan. Bukas ng
umaga ay magigisnan mo na, na ang inyong lansangan at nalalatagan ng mga bato, - at biglang
hinagkan nito ang kamay ni Nitay.
          Nagulumihanan si Nitay, pagka’t ang kanyang kamay na hinagkan ay parang napaso ng
apoy, saka pagkatapos ay nawala ang kausap na lalaki.
          Kinagabihan noon ay hindi nakatulog ang mga taga Wakas dahil sa kakaibang ingay na
kanilang naririnig. Higit ang pagkabalisa ni Nitay. Nang sila’y sumilip sa mga butas ng dingding
at siwang ng mga bintanang pawid ay gayon na lamang ang kanilang sindak nang Makita ang
maraming anyong tao na bawa’t isa ay may dalawang pakpak, dalawang sungay at isang buntot;
at ang mga iyon ay walang humpay sa kalilipad t kahahakot ng mga batong kung saan-saan
nanggaling.
          Nang msakisihan ni Nita yang gayon, bagama’t siya’y kinilabutan ay natalos naman niya,
na ang kaniyang kausap na binata kangina ay isang alagad ni Satanas. Kaya’t dali-dali niyang
kinuha ang Mahal na Sta. Cruz sa kanilang altar at buong tapang na hinarap niya ang mga
nagsisipagtambak ng bato sa kanilang lansangan.
          Isang Diyablo ang nagtakip ng mukha, na parang nasisilaw sa iniharap na dala-dalang
kurus ni Nitay. Bawa’t alagad ni Satanas na makamalas sa dalang kurus ng dalaga ay umuungol
na nagisilayo hanggang lamunin silang lahat ng kadiliman ng gabi.
          Mula noon, ang lansangang naiwan ng maraming baton a kung saan-saan kinuha ng mga
alagad ni Satanas, ay tinawag ng mga Kabambangan, na DAANG-BATO
Ang Alamat Ng Gapan

May isang batang matigas ang ulo. Hindi siya sumusunod sa payo ng kanyang ina bagkus ay
ginagawa pa niya ang mga bagay na ayaw ng kanyang ina. Siya ay si Badoy.

Minsan, pagkatapos magsaing, si Badoy ay nanaog ng bahay at pumunta sa kanilang bakuran.


Lumakad siya nang lumakad ngunit hindi siya makarating sa kanyang patutunguhan. Inisip
niyang umuwi nguni't hindi na niya makita ang daan pauwi. Sa pagod ni Badoy ay nagpahinga
siya sa isang punung kahoy at nakatulog. SamantlIa, ang nanay niya ay hindi mapakali sa
kahahanap sa nawawalang anak. Tumulong na rin ang ilang kapitbahay niya sa paghahanap.
"Tila ang anak ninyo ang nakita ko roon sa kabilang bukid. Paikot-ikot siya sa dalawang puno na
para bang pinaglalaruan ng tiyanak," wika ng isa.

"Kung hindi ninyo siya makita, kumuha ka ng bilao, ipukpok ninyo sapuno ng hagdan at tawagin
nang mnalakas ang kaniyang pangalan," ang payo naman ng isang magsasaka.

Sinunod iyon ng ina ni Badoy nguni't napagod lang siya pero walang dumarating na Badoy.

Si Badoy ay nagising sa malakas na palahaw ng iyak ng isang sanggol. Hubad ito at malaki ang
tiyan. Nakahiga ito sa isang dahon ng sagging, Kinalong ni Badoy ang sanggol, pinaghele,
nguni't patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Nayamot na si Badoy at akmang papaluin ang sanggol ng
biglang magbago ito ng anyo. Ang sanggol ay naging matanda, mahahaba ang buhok at balbas at
mukhang hindi naliligo ibinagsak ni Badoy ang matanda at kumaripas ng takbo. Nang lumingon
siya, muli siyang natakot nang nawala ang matanda. Takbo siya nang takbo nguni't sa paligid
lamang pala ng kawayanan tumatakbo. Magdidilim na noon at si Badoy ay pagod na pagod na.
Nadapa siya pero nagpumilit pa rin siyang makauwi kahit na siya ay gumagapang na sa hirap.

Samantala, ang ina naman at kasama ay may lungkot na pauwi. Laking gulat pa nila nang makita
si Badoy na gumagapang sa matinding pagod. Gumapang siya nang gumapang dahil sa
pinaglalaruan siya ng tiyanak. "Iyan ang napapala ng batang salbahe at matigas ang ulo. Mabuti
at hindi ka niya kinagat. At mabuti na rin at nabigkas mo ang Hesus, Maria at Jose. Kaya ikaw
lagi kang magdarasal."

Magmula noon ay naging bukambibig na ng mga tao ang "Baka matulad ka kay Badoy, gapang
nang gapang." Dahil dito, ang pook na kinaroroonan ng bukid na napaliligiran ng kawayan na
kung saan nakita si Badoy na gumagapang ay pinangalanang Gapan. Sa ngayon ang Gapan ay
isang bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija.

You might also like