Cordillera Autonomous Region
Cordillera Autonomous Region
Cordillera Autonomous Region
Dahil sa iba’t ibang kultura mayroon ang mga naninirahan sa Cordillera, iba-iba rin ang uri ng kanilang
literatura. Oratura o pagbigkas ang karaniwang literaturang karaniwang matatagpuan sa rehiyon. Marami
ring nilikhang literature ang rehiyong ito gaya ng mito at alamat.
Literatura ng CAR:
Awiting Bayan
SA BUNDOK
(Ifugao)
Awit na Pangkasalan
CHUA-AY
(Igorot)
PAPURI
(kalinga)
Noong unang panahon, si Lumawig, Ang itinuturing na bathala ng mga Igirot ay nanaog mula sa
langit, pumutol samg adamong malalakiat dala-dalawang ikinalat sa iba’t ibang pook ng daigdig. Winika
niyang “magsalita kayo.” Naging tao ang mga damo at sa bawat paris ng damo ay may lumabas na lalaki
at isang babae pero iba-iba ang wika ng bawat pareha. Ikinasal ni Lumawig ang bawat pareha at iyon ang
naging simula ng maraming tao sa daigdig mula sa unang pareha. Binigyan ni Lumawig ang mga taoat ng
asin at itinuro ditto ang paggamit. Pumili sya unang grupo na syang unang binigyan upang ipagbili naman
ito sa iba pang grupo.
Ngunit pagkaraan ng ilang panahon nasumpunga ni Lumawig na hindi man lamang ginalaw ng
mga tao ang asin dahil hindi nila alam kung paano ito gamitin. Kinuha ni Lumawig ang asin at ibinigay
naman sa mga taong nasa pook na kung tawagin ay Mainit. Ito ang naunag gimamit ng asin. Ang mga
taga-Bontok ay tinuruan ni Lumawig sa paggawa ng palayok ngunit tabi-tabingi ang palayok na ginawa
ng mga ito kaya ang taga taga Samoki naman ang kaniyang tinuruan at ito ang natuto sa pagyari ng
magandang palayok. Sa ganitong paraan naturuan ni Lumawig ang sa mga tao upang magkaroon ng kani-
kaniyang awain
Epiko
ALIM
(Ifugao)
Noong unamg panahon, ang mga tao ay may masagan, Maligaya, at tahimik na ppamumuhay.
Ang daigdig ay pawing kapatagan ang mamalas maliban sa dalawang bundok, ang bundok ng Amuyaw sa
silanga at bundok Kalawitan sa Kanluran. Doon sila naninirahan sa pagitan ng dalawang bundok na ito.
Walang mga suliranin ang mga tao tingkol sa kabuhayan. Nasa paligid lamang nila ang mga pagkain.
Sila’y nagsasaing sa mga biya’s ng kawayan. Malaki ang butyl ng kanilang mga bigas.
Nanggaling sa katas ng tubo ang kanilang mga inumin na bayak kung tawagin. Sumasalok
lamang sila sa sapa at ilog kung nais nilang manghuli ng isda. Kung nais naman nila kumain ng usa at
baboy-ramo madali silang nakakahuli dahil maaamo ang mga ito. Anupa’t ang kanilang paligid ay
lubhang sagana sa mga pagkain.
Ikinasal silang magkapatid at sinabing itoy hindi kasalanan sapagkat iyon lamang ang paraan
upang muling dumami ang tao sa daigdig.
Nagkaanak sila ng siyam-apat na babae at limang lalaki. Ikinasal ang apat na babae sa unang apat
na lalaki kaya’t ang huling lalaki o bunso ay walang nagging asawa. Igon ang pangalan ng bunso.
Muling sumapit ang panahon ng tagtuyot. Wala silang makain. Naisip nilang dumulog kay
makanungan. Bilang handog ay nanghuli si Wigan ng isang daga upang ihandog sa bathala. Nang hindi
sila kaawaan, si Igon ang iginapos at piñata upang siyang ihandog kay Makanungan. Nilunasan ni
makanunga ang tagtuyot at sya’y dumalo pa sa handaan subalit labag sa kanyang kalooban ang ginawa
nilang pagpatay kay Igon. Dahil daw sa ginawa nila kay Igon ay parurusahan sila, ang angkan nila ay
magkakahiwalay. Ang magkakapatid na mag-asawa ay magtutungo sa hilaga, sa timog, sa silangan, at
kanluran. At sa pagkakataonng sila’y magkakatagpu-tagpo ay magaaway at magpapatayan sila. Ito raw
ang sumpa ni Makanungan na tumalab sapagkat kahit ngayon, ang magkapatid, mag-aama, magpinsan,o
magkamag-anak ay nagpapatayan.