Music: Mga Gawaing Pagkatuto

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

5

MUSIC
Ikaapat na Markahan

Mga Gawaing Pagkatuto


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE
Learning Activity Sheetsin MAPEH - MUSIC
(Grade 5)

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.

Consultants:
Regional Director :BENJAMIN D. PARAGAS, PhD., CESO IV, DepEd R02
Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN, EdD., CESO V
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
OIC, Schools Division Superintendent : EDUARDO C. ESCORPISO JR., EdD, CESO IV
OIC, Assistant Schools Division Superintendent : GEORGANN G. CARIASO
OIC, Chief Education Supervisor : MARCIAL Y. NOGUERA
Development Team
Writers: MAGDALENA N. ARANETA, MT-II (BCS), MEREDITH B. SALENGUA, T-I (BCS),
NILO B. CASTILLA, T-II (BNSHS), JENNY R. REDONDO, T-II (BNSHS)

Content Editor: PRECIOSA G. RIVERA, EPS-MAPEH, JAMES RICHARD C. CABUGAO, Principal I


(DES), JOELITO E. BODINO, Principal I (CES), EULALIA R. GORDO, HT3 (BNSHS)
Content Editor: Region- MARIA DE CARMEN T. CATALON, MT 2-SCSSC, MARIE PASCUAL,
MT2 (SSCS) OLIVE L. BENITEZ, MT1
Language Editor: PRECIOSA G. RIVERA, EPS-MAPEH
Illustrators: DONALD C. BATIN, T-II (BNSHS)
Layout Artists: ERIC JOHN B. VALONES, CMT - I (BNSHS)
Focal Persons: PRECIOSA G. RIVERA, EPS-MAPEH
EVANGELINE D. CASTILLO, EPS- Learning Resource Management
DENIS M. AGBAYANI, Education Program Supervisor-MAPEH, CLMD
RIZALINO G. CARONAN, EPS- Learning Resource Management, CLMD

Printed by: Curriculum and Learning Management Division


DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City

ii
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Table of Contents

Compentency Page number


Uses appropriate musical terms to indicate variations in
dynamics:
1. piano (p)
2. mezzo piano (mp) ..................... 1-4
3. forte (f)
4. mezzo forte (mf)
5. crescendo <
6. decrescendo > (Q4/Wk1-2 - MU5DY-IV-b-1 - 2)

Uses appropriate musical terminology to indicate ..................... 5 - 13


variations in tempo: largo, presto, allegro, moderato,
andante, vivace, ritardando, accelerado. (Q4/Wks3 -4-
MU5TB-III-e)

Describes the texture of a musical piece. (Q4/Wk4 - ..................... 14 - 15


MU5TX-IVe-1)

Performs 3-part rounds and partner songs. (Q4/Wk5 - ..................... 16 – 20


MU5TX-IVe-2)

Uses the major triad as accompaniment to simple songs. ..................... 21 - 25


(Q4/Wk6-8 - MU5HA-IVh-2)

iii
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
MUSIC 5
Pangalan: ___________________________ Lebel: _______________
Seksyon: ____________________________ Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO
Ang mga Dynamics
Panimula (Susing Konsepto)
Ang dynamics ay isa pang element ng musika na nagpapakita sa wastong
pagpapahayag ng damdamin ng musika. Ito ay ang iba’t ibang antas ng lakas o hina ng tunog
o musika.
Ang iba’t ibang antas ng dynamics ay nagpapahayag ng iba’t ibang emosyon o
damdamin. Ang malakas na tunog o musika ay maaaring magpapahayag ng galit, tagumpay
at lakas ng tao. Ang mahihinang tunog ng musika naman ay nagpapahayag ng damdamin na
may kapayapaan at katahimikan.

Piano p mahina

Mezzo piano mp Hindi gaanong mahina

Forte f Malakas

Mezzo forte mf Hindi gaanong malakas

Crescendo > Dahan-dahang paglakas

De crescendo < Dahan-dahang paghina

Kasanayang Pampagkatuto at koda


Uses appropriate musical terms to indicate variations in dynamics:
7. piano (p)
8. mezzo piano (mp)
9. forte (f)
10. mezzo forte (mf)
11. crescendo <
12. decrescendo > (Q4/Wk1-2 - MU5DY-IV-b-1 - 2)

1
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 1

Panuto: Piliin sa hanay B ang simbolo ng mga dynamics sa hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.

A B
Forte f
Crescendo >
Piano p
Mezzo piano mp
Mezzo forte mf
De cresendo <

1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
6. _____________________________

Gawain 2

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng bawat dynamics. Isulat ang tamang sagot sa kahon.

Dynamics Simbolo Kahulugan


Piano P
Mezzo piano Mp
Forte F
Mezzo forte mf
Crescendo >
De crescendo <

Gawain 3

Panuto: Lagyan ng tsek ( ✓) sa tapat ng kahon kung ang dynamics ay mahina o malakas.

Dynamics mahina malakas


Piano
Mezzo piano
Forte
Mezzo forte
Crescendo
De crescendo

2
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 4

Panuto: Pag-aralan ang awit na “Music Alone Shall Live” sa ibaba. Pumili ng simbolo sa
kahon at lapatan ito ng dynamics. Awitin ito na may dynamics.

f > p mp mf <

Repleksyon

Ang iba’t ibang damdamin ay maaari nating ipahayag gamit ang ating boses. Ang wastong
paggamit ng dynamics ay makatutulong upang maipahayag ng mang-aawit at manunugtog
ang wastong damdamin na nais ipahayag ng mga kompositor.

Upang maipahayag mo ang iyong damdamin, pumili ng isang awit mula sa mga napag-
aralang awit. Isulat ang lyrics nito sa isang malinis na papel. Lagyan ito ng dynamiks at
isagawa ito sa pamamagitan ng pag-video sa iyong sarili. I-post sa inyong group chat o sa
guro.

Mga Sanggunian

MAPEH 5 Textbook
musictheoryblog.blogspot.com
elementary music lessons.pinterest.com

Susi sa pagwawasto

Gawain 1
1. f
2. >
3. p
4. mp
5. mf
6. <

3
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 2
1. Mahina
2. Hindi gaanong mahina
3. Malakas
4. Hindi gaanong malakas
5. Dahan-dahang paglakas
6. Dahan-dahang paghina

Gawain 3
Dynamics mahina malakas
Piano ✓
Mezzo piano ✓
Forte ✓
Mezzo forte ✓
Crescendo ✓
De crescendo ✓

Inihanda ni:

Meredith B. Salengua
Manunulat

4
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
MUSIC 5
Pangalan: _____________________ Lebel: ___________________
Seksiyon: _______________________ Petsa: _____________________

GAWAING PAGKATUTO
Musical Terms at Variations in TEMPO

Panimula (Susing Konsepto)

Iyong napag-aralan at natutunan ang iba’t ibang tempo katulad ng andante


(katamtaman ang bagal ngunit regular ang pagitan), largo (mabagal na mabagal), moderato
(katamtamang tempo), allegro (mabilis), vivace (mabilis at masigla), presto (mabilis na
mabilis), ritardando (papabagal na tempo), at accelerando (papabilis na tempo). Sa araling
ito ay lalo pang mauunawaan ang mga katawagan sa iba-ibang dalang at bilis na nakapalooob
sa isang awitin o musika.

Mga Katawagan sa Iba-


ibangTempo Kahulugan
largo mabagal na mabagal
presto mabilis na mabilis
allegro mabilis
moderato katamtamang tempo
andante katamtaman ang bagal ngunit regular ang pagitan
vivace mabilis at masigla
ritardando (rit.) papabagal na tempo
accelerando (accel.) papabilis na tempo

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Uses appropriate musical terminology to indicate variations in tempo:
1. Largo
2. Presto
3. Allegro
4. Moderato
5. Andante
6. Vivace
7. Ritardanto
8. Accelerado (Q4/Wks3-4 - MU5TB-III-e)

5
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 1

Panuto: Hilingin kay kuya/ate na awitin ang “Hello Song” na may kasamang galaw ng
katawan.

Hello Song

Hello, hello, hello, hello


How do you do I’m glad to be with you
And you, and you, and you.

Tra, la, la, la, la, la, la, la, la, la


Tra, la, la, la, la, la, la, la, la, la
Tra, la, la, la, la, la, la, la, la, la
Tra, la, la, la, la, la, la, la, la,

Gawain 2

Panuto
1. Awitin ang mga sumusunod na awit. Kilalanin ang tempo ng bawat isa.

a. Paru-parong Bukid
b. Pilipinas Kong Mahal
c. Pamulinawen
d. Ako Ay Pilipino
e. Santa Clara
f. Sa Ugoy ng Duyan
g. Ili-Ili Tulog Anay

2. Ilagay sa tamang column ng tempo ang mga awiting napakinggan.

Andante Moderato Allegro

6
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 3

Panuto: Hilingin ang tulong ng nakakatandang kapatid upang mapakinggang mabuti ang
mga sumusunod na awitin. Kilalanin ang tempo ng bawat awit. Iguhit sa kahon ang larawang
tugma sa mga awitin.

Mabilis Katamtaman ang bilis Mabagal

Paalam Na

Isinop na

Ipasa Mo

Wonderful Day

Bumalaka Ay Buwan

Ako Ay Nagtanim

You Are My Sunshine

Tinikling

Bayan Ko

7
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 4

Panuto: Sa tulong ng iyong nakakatandang kapatid o magulang, hanapin sa youtube o


hilingin ang ate/kuya na awitin ang “Kalesa” ni J. Cuenca at Levi Celerio at pakinggan ito ng
mabuti. Sagutin ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

8
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
a. Ano-ano ang tempo na inyong narinig mula sa awiting “Kalesa”?
b. Sa mabilis na daloy ng awit, ano ang wastong tawag na tempo para dito?
c. Sa mabagal?
d. Papabagal na tempo?
e. Mabilis?
f. Papabilis na tempo?
g. Mabagal na mabagal?
h. Mabilis na mabilis?

Gawain 5

Panuto: Lapatan ng tamang tempo ng mga bahagi ng awiting “Kalesa”

KALESA

Kalesa’y may pang-akit na taglay


Maginhawa’t di maalinsangan
Nakahahalina kung pagmasdan
Kalesa ay pambayang sasakyan
Kabayo’y hindi natin problema Pulot
at damo lang ay tama na Matulin din
sa kalsada Tumatakbong maginhawa
Wala pang gasolina

Kalesa ay panghatid t’wina Nung


panahon nina Maria Clara Mga
bayani nitong bayan

Sa kalesa idinuduyan
Kalesa’y nakaaaliw Lalo
na kung gumagabi

At kung kasama ko ang aking giliw


Mangangalesa na kami

Kalesa’y may pang-akit na taglay


Maginhawa’t di maalinsangan
Nakahahalina kung pagmasdan
Kalesa ay pambayang sasakyan
Kabayo’y hindi natin problema Pulot
at damo lang ay tama na Matulin din
sa kalsada Tumatakbong maginhawa
Wala pang gasoline

9
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 6

Panuto: Makinig muli sa awiting “Kalesa”, “Dalagang Pilipina”, at “Purihin Ka Aming


Panginoon”. Gamitin ang tamang katawagan ng tempo sa pamamagitan ng paglalagay sa
tamang kahon ng tempong ginamit sa mga linya ng awit.

Mga Linya ng Awiting Kalesa, Dalagag Pilipina, at


Purihin Ka Aming Panginoon Tempo
Kalesa ay panghatid t’wina nung panahon nina Maria
Clara
Kalesa’y may pang-akit na taglay, maginhawa’t ‘di
maalinsangan (unang bahagi)
Matulin din sa kalsada tumatakbong maginhawa wala
pang gasoline (dulong bahagi)
Kalesa’y may pang-akit na taglay, maginhawa’t ‘di
maalinsangan (pagkatapos ng mangangalesa na kami)
Mangangalesa na kami

Ang dalagang Pilipina parang tala sa umaga

Purihin Ka aming Panginoon, Ikaw ang Diyos mula


noon hanggang sa habang panahon

Pagninilay
Ano ang tawag sa iyong napag-aralan at natutunan na iba-ibang tempo katulad ng:

a. katamtaman ang bagal ngunit regular ang pagitan


b. mabagal na mabagal
c. katamtamang tempo
d. mabilis
e. mabilis at masigla
f. mabilis na mabilis
g. papabagal na tempo
h. papabilis na tempo

10
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Mga Sangunian
Learning Material: Dep Ed Portal

Mga Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
Performance Rubric
4 Ang mag-aaral ay nagawang awitin ang “Hello Song” na may kasamang
paggalaw sa katawan at ng may kasiglahan
3 Ang mag-aaral ay nagawang awitin ang “Hello Song” na may kasamang
paggalaw sa katawan
2 Ang mag-aaral ay nagawang awitin ang “Hello Song” na may kasiglahan.
1 Ang mag-aaral ay nagawang awitin ang “Hello Song” walang kasamang
paggalaw sa katawan at walang kasiglahan

Gawain 2
Andante Moderato Allegro
Pilipinas Kong Mahal Ili-Ili Tulog Anay Paru-parong Bukid

Ako Ay Pilipino Santa Clara Pamulinawen

Sa Ugoy ng Duyan

Gawain 3

a. Paalam Na

b. Isinop na

c. Ipasa Mo

d. Wonderful Day

e. Bumalaka Ay Buwan

f. Ako Ay Nagtanim

11
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
g. You Are My Sunshine

h. Tinikling

i. Bayan Ko

Gawain 4

a. Andante
b. Allegro
c. Moderato
d. Ritardando
e. Mabilis?
f. Accelerando
g. Largo
h. Presto

Gawain 5

Kalesa’y may pang-akit na taglay - Allegro


Kalesa’y panghatid - Andante
At kung kasama ko ang aking giliw - Lento
Mangangalesa na kami - Lento
Maginhawa’t di maalinsangan - Andante
Kalesa ay pambayang sasakyan - Moderato
Kabayo’y hindi natin problema - Allegro
Matulin din sa kalsada - Allegro
Tumatakbong maginhawa - Presto

12
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 6

Mga Linya ng Awiting Kalesa, Dalagag Pilipina, at


Tempo
Purihin Ka Aming Panginoon
Kalesa ay panghatid t’wina nung panahon nina Maria Moderato
Clara
Kalesa’y may pang-akit na taglay, maginhawa’t ‘di Allegro
maalinsangan (unang bahagi)
Matulin din sa kalsada tumatakbong maginhawa wala Presto
pang gasoline (dulong bahagi)
Kalesa’y may pang-akit na taglay, maginhawa’t ‘di Allegro
maalinsangan (pagkatapos ng mangangalesa na kami)
Lento
Mangangalesa na kami
Moderato
Ang dalagang Pilipina parang tala sa umaga
Purihin Ka aming Panginoon, Ikaw ang Diyos mula Andante
noon hanggang sa habang panahon

Inihanda ni:

Jenny R. Horiondo
Manunulat

13
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
MUSIC GRADE 5
Pangalan: Lebel
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pagkakayari (Texture)

Panimula (Susing Konsepto)

Sa musika, ang pagkakayari (texture) ay kung paano ang tempo, melodic, at


harmonic na mga materyales ay pinagsama sa isang komposisyon, sa gayon tinutukoy ang
pangkalahatang kalidad ng tunog sa isang piraso.

May tatlong uri ng texture sa musika:


1. Ang monophonic texture ay may isang layer lamang, isang himig. Sa
monophony, hindi mahalaga kung gaano karaming mga instrumento o boses ang
tumutugtog basta kumakanta o tumutugtog sila nang sabay-sabay.
2. Homophonic - Kapag ang isang layer ay suportado ng isang harmony.
Inilalarawan ng isang homophonic texture ang musika na may maraming mga
himig na ginampanan nang sabay. Ang bawat himig ay maaaring may iba't ibang
mga pitch, ngunit dapat silang lahat ay may pagtutugma ng mga ritmo.
3. Polyphonic – Maraming magkakasabay-sabay na independent lines. Inilarawan
din ng isang polyphonic texture ang musika na may maraming mga himig na
ginampanan nang sabay. Ang bawat himig ay dapat magmukhang magkakaiba ng
tinig at tunog.

Buod ng pagkakayari (texture)


Monophonic Texture Homophonic Texture Polyphonic Texture
Isang solong himig Dalawa o higit pang mga Dalawa o higit pang mga
Karaniwang walang kasama himig himig
Iba't ibang mga pitch Iba't ibang mga pitch
Magkatulad na ritmo Magkakaibang ritmo

https://www.youtube.com/watch?v=teh22szdnRQ

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Describes the texture of a musical piece. (Q4/Wk4 - MU5TX-IVe-1)
(Audio will be given to pupils during the face-to-face instructions)

Gawain 1

Panuto: Patugtugin ang CD at isulat ang makapal o manipis. Isulat sa papel ang sagot.
(https://www.youtube.com/watch?v=wzzsGPnpQbo)

14
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 2

Panuto: Pakinggan ang CD (https://www.youtube.com/watch?v=T1S0_CAhCik), at isulat sa


papel kung ang tugtog ay monophony, homophony at polyphony

Gawain 3
Panuto: Yayain si ama at ina para awitin ang “Are You Sleeping?”

ROUNDS IKAW SI AMA AT INA

1 Are you sleeping?


Are you sleeping?
Brother John, brother John
Morning bells are ringing
Morning bells are ringing
Ding, Dong, Ding
Ding, Dong, Ding (ulitin)

2 Are you sleeping?


Are you sleeping?
Brother John, brother John
Morning bells are ringing Are you sleeping?
Morning bells are ringing Are you sleeping?
Ding, Dong, Ding Brother John, brother John
Ding, Dong, Ding Morning bells are ringing
(ulitin) Morning bells are ringing
Ding, Dong, Ding
Ding, Dong, Ding
(ulitin)

1. Anong pagkakayari (texture) ang iyong ginawa?


2. Anong pagkakayari (texture) ang ginawa ninyong lahat?

Gawain 4

Panuto: Pakinggan ang mga awitin (https://www.youtube.com/watch?v=eN8m07RWkaw) at


alamin ang kanilang pagkakayari (texture) at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Pagninilaynilay:

“Paano nakakatulong ang pagkakayari (texture) sa pang-araw araw na Gawain?

Inihanda ni:

ALGERICA EMMALYN N. BALDOVINO


Manunulat

15
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
MUSIC 5
Pangalan: ___________________________ Lebel: _______________
Seksyon: ____________________________ Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO
Ang Three-part Rounds at ang Partner Songs

Panimula (Susing Konsepto)


Ang isa pang katangian ng musika na nagpapaganda sa melody ay ang texture. Ito ay
ang kapal o nipis, o bigat o gaan ng melody.

Ang melody ay maaaring makapal o manipis, batay sa istilo ng awit. Ang notang
nagpapaganda sa melody ay maaaring kasama sa ritmo o mag-isa lamang habang
nagpapatuloy ang melody. Napagaganda ng texture ang melody ng isang awit sa iba’t ibang
paraan. Ang isang paraan ay ang pag-awit ng paikot o round. Dito, ang melody ay inaawit
ng iba’t ibang pangkat ayon sa pagkakasunud-sunod ng pariralang panghimig. Ang katangi-
tangi dito ay ang armonya ng pinagsama-samang himig na magkabagay at magkaugnay sa
bawat isa.

Ang round song ay isang uri ng pag-awit na nagtataglay ng melodiyang paulit-ulit


habang hindi pa matatapos ang kabuuan nito. Ang bawa’t bahagi o pangkat ng round ay
nagsisimula sa magkatulad na bilang ng pagitan ng sinusundan. Dahil ditto, ang melodiyang
inuulit ay nagkakapatung-patong na palihis.

Ang three-part round song ay tumutukoy sa tatlong magkakasunod na pag-awit ng


isang melodiya. Dahil ang melodiya ay iisa lamang, ang mga bahagi ng round ay sunod-
sunod ring nagtatapos.

Hindi lahat ng melodiya ay maaaring maging round. Ang round ay tumutukoy lang sa
uri ng melodiya na kapag pinagpatung-patong na lihis, ayon sa nais na pagitan, ay
nagtataglay ng magkatulad na armonya sa bawat pangkat na ipinagsasabay.

Kung ang unang pangkat ay nasa ikalawang bahagi ng awit, ang ikalawang pangkat
ay magsisimula sa pag-awit sa unang bahagi. Sa pag-awit ng unang pangkat sa ikatlong
bahagi ng awit, ang inaawit naman ng ikalawang pangkat ay ang ikalawang bahagi.
Magsisimula namang awitin ng ikatlong pangkat ang unang bahagi. Kapag nasa huling
bahagi na ang unang
pangkat, ang ikalawang pangkat ay nasa pangatlong bahagi, ang ikatlong pangat pangk
naman ay magsisimula sa unang bahagi. Maaaring ulitin ang rounds kung kailangan.

May mga awit na magkapareho ng sukat o meter at maaaring awitin nang


magkasabay. Sa araling ito makikita ang dalawang awit na maaaring pagsamahin o awitin
nang sabay at magbunga ng kaaya-ayang tunog. Ang tawag dito ay partner songs.

16
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Halimbawa:

I II

III

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Performs 3-part rounds and partner songs. (Q4/Wk5 - MU5TX-IVe-2)

Gawain 1

Panuto: Pag-aralan ang awit sa ibaba. Ang awit na “Early to Bed” ay isang three-part round
song. Kumuha ng iba pang kasama (Kapamilya) sa pag-awit at bumuo ng tatlong pangkat.
I – sa simbolong ito magsimulang umawit ang unang pangkat. Kapag nandito na sa simbolong
ito II ang unang pangkat, magsisimulang umawit ang ikalawang pangkat a simbolong ito I .
Kung ang unang pangkat ay nasa simbolong ito III magsimulang umawit ang pangatlong
pangkat sa simbolong I . Gawin ito ng dalawang beses.
,,

I II

III

Rubrics: Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

17
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Kasanayan Higit na Katamtaman Kailangan pang
Mahusay Mahusay ang Husay Mapaunlad
4 3 2 1
1. Sabihin ang pagkakaiba ng
melody singing sa round
singing.
2. Naipakikita ang kaisipan
ng tekstura sa musika sa pag-
awit ng three-part round.
3. Nailalarawan ang three-
part round.
4. Lubusang nakalalahok sa
gawain.

Gawain 2

Panuto: Pag-aralan ang awiting “I Love the Mountains”. Bumuo ng tatlong pangkat kasama
ang mga kapamilya. Sundin ang panuto sa Gawain 1. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

I II

III

1. Ano ang pamagat ng awit? ______________________________________________

2. Ilang bahagi ang awiting ito? ____________________________________________

3. Ano ang ibig sabihin ng three-part round song? _____________________________

4. Sa iyong sariling pagkaunawa, paano inaawit ang three-part round song? _________

5. Magbigay ng isang halimbawa ng three-part round song na alam mo. ___________

18
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 3

Panuto: Pag-aralan ang dalawang awit sa ibaba na “It’s A Small World/He’s Got the Whole
World”. Bumuo ng dalawang pangkat kasama ang kapamilya. Awitin ng sabay partner song.
(Sa mga mayroong wi-fi o internet, maaari po itong makita sa YOUTUBE. Sa mga may cell
phone, maaaring tawagan si teacher).

Rubrics:

Kasanayan Higit na Magaling Kailangan


magaling pang paunlarin
3 2 1
1. Nakilala ang partner song.
2. Nakaaawit ng partner song na
magkabagay ang mga tinig.
3. Nakapagpapakita ng kasanayan sa
pag-awit ng partner songs.
4. Lubusang nakalalahok sa gawain.

19
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Repleksiyon

Marami ka bang natutunan sa araling ito? Ikuwento mo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga


sumusunod na katanungan. Isulat sa malinis na papel ang iyong tugon sa mga katanungan.

1. Aling bahagi ng aralin ang naging madali para sa iyo?


Bakit kaya ito naging madali para sa iyo?
2. Aling bahagi naman ng aralin ang punong-puno ng hamon? Bakit mo ito nasabi?
3. Ano pang mga aralin ang nais mo pang malaman na hindi nakasama sa araling ito?
Mga Sanggunian
Curriculum Guide 2016
MELC 2020
Halinang Umawit at Gumuhit – Batayang Aklat, p. 52-55
Hazel P. Copiaco at Emilio S. Jacinto Jr.

www.pinterest.com.ph

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 – Gamitin ang rubrics sa pagsagot.

Gawain 2

1. Ano ang pamagat ng awit? ______________________________________________


2. Ilang bahagi ang awiting ito? ____________________________________________
3. Ano ang ibig sabihin ng three-part round song? _____________________________
4. Sa iyong sariling pagkaunawa, paano inaawit ang three-part round song? _________
5. Magbigay ng isang halimbawa ng three-part round song na alam mo. ____________

Gawain 3 – Gamitin ang rubrics sa pagsagot.

Inihanda ni:

MAGDALENA N. ARANETA
Manunulat

20
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
MUSIC 5
Pangalan: ____________________________ Lebel: ________________________
Seksiyon: ____________________________ Petsa: ________________________

GAWAING PANGKATUTO
Uses the major triads as accompaniment to simple songs

Panimula (Susing Konsepto)

Ang Chord
Ang harmony ay isang elemento ng musika na tumutuon sa maayos at magandang
pagsasama-sama ng mga notes kapag ang mga ito ay tinutugtog o inaawit. Kapag ang dalawa
o higit pang mga note o tono ay sabay na tinutugtog o inaawit, tayo ay nakakabuo ng chord.
Ang pinakasimpleng chord ay tinatawag na triad. Ito ay binubuo ng root, thirds, at fifths.
Pagmasdan ang mga halimbawa ng triad sa ibaba.

fifths
thirds
C chord sa staff root

C E G
C chord sa piyano
1 3 5

F chord sa staff

fifths
thirds
root
middle

c F A C
F chord sa piyano
1 3 5

21
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
5 Fifth- panghuling note ng scale, may distansiya na limang note mula sa root.
3 Third- may agwat na tatlong note at ikatlong note ng scale.
1 Root- ang may pinaka mababang note at unang note ng scale.

Primary Chords

Ang Pagkilala sa Primary chord ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpili sa una (I),


ikaapat (IV), at ikalimang (V)chord ng isang scale. kilala rin ang chords na ito bilang tonic
(I), subdominant (IV), at dominant (V). Lahat ng chord na hindi kasama sa bilang I, IV at V
ay tinatawag na secondary chords.

Tonic, Subdominant, Dominant ng C Major

Tonic: C Chord Subdominant: F Chord


Dominant: G Chord

Pag-aralan natin ang G Major scale at F Major scale. Hanapin at tukuyin ang mga
primary chord ng bawat scale.

Primary Chords ng Major Scale


G Major

22
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
F major

Kadalasan, ginagamit ang mga primary chords bilang pinakasimple at pinakapayak na


akompaniya o pansaliw ng isang awitin. Narito ang ilan sa mga dapat tandaan para madaling
mahanap at makilala ang tamang primary chords ng isang awit.
1. Alamin ang scale na gamit sa awitin.
2. Tukuyin ang mga Primary chords sa scale.
3. Suriin ang mga notes sa bawat measure. Piliin ang primary chords na higit na
epektibong gamitin upang matukoy ang measure.
4. Ulitin ang proseso sa iba pang measure ng kanta.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Uses the major triad as accompaniment to simple songs. (Q4/Wks 6-8 – MU5HA-IVh-2)

Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang mga primary chord sa sumusunod na mga scale.
1. D Major

2. Bb Major

23
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang primary chords ng awitin sa ibaba. Gumamit ng piyano o gitara upang
tugtugin ang chord sa inaawit na kanta. Isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan.

A. Sitsiritsit

B. My darling Clementine

24
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Rubrik
Bahagyang Kailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Mahusay pang
(4) (3) (2) paunlarin
(1)
1. Natukoy ang
primary chords ng
mga awitin.
2. Maayos ang
pagkakasaliw sa
mga awiting napili.
3. Angkop ang
paggamit ng kilos
at tinig sa
pagtatanghal.
4. Masining ang
pagkakatanghal

Repleksiyon
Ikaw ba ay nasiyahan sa araling ito? Maaari mo bang isalaysay ang iyong karanasan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan? Isulat ang iyong sagot sa
malinis na papel.
1. Aling bahagi ng aralin ang naging madali para sa iyo?
2. Aling bahagi naman ng aralin ang naging mahirap para sa iyo?
3. Paano mo mapagtatagumpayan ang bahaging mahirap para sa iyo?
4. Kung may nais ka pang matutunan sa Musika, ano ang mga ito?

Mga Sanggunian
Halinang Umawit at Gumuhit, Batayang Aklat, pp. 94-100
CG Music 5
MELC Music 5
Sibelius (music score software)
Susi sa Pagwawasto:
Gawain 1
1. D, G, A
2. Bb, Eb, F

Gawain 2
• A at B Gamitin ang rubric

Inihanda ni:
NILO B. CASTILLA
Manunulat

25
Practice Personal Hygiene protocols at all times.

You might also like