Kolonyal Na Mentalidad Lason Sa Utak NG Mga Pinoy

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

KOLONYAL NA MENTALIDAD:

LASON SA UTAK NG MGA PINOY


PAGPAPAKILALA

“Tangkilikin ang sariling atin” (Patronize what is ours). Madalas nating naririnig sa
mga Pilipino ang katagang iyan, ngunit isinasabuhay ba natin ito?

Sa panahon natin ngayon, hindi natin namamalayan na mas tinatangkilik na pala


natin ang mga produktong mula sa ibang bansa. Pansinin mo lang na palaging
mayroong tao sa paligid na mayroong ganitong pag-iisip, sa lahat ng lugar at pook sa
bayan ng Pilipinas. At baka hindi mo rin alam, ikaw rin ay isa sa mga taong may
kolonyal na pag-iisip.

Para simulan ang aking pagpupuna sa kolonyal na pag-iisip, babanggitin muna


namin kung ano ito. Ang kolonyal na pag-iisip ay isang konsepto na totoo sa ating
lipunan ngayon. Ito ay ang paniniwala na mas maganda ang mga bagay na hindi
nanggagaling sa Pilipinas, madalas ay Amerikanong produkto. 

Madalas ay nakakakita tayo ng mga taong may imported na gamit, madalas rin
ay namamangha tayo rito. Sa panahon natin ngayon, mas pinahahalagahan na ang
mga bagay na gawa sa ibang bansa kumpara sa mga gawang Pinoy. Halimbawa na
lamang ay sa pagpili ng sapatos, mas pinipili ng mga Pilipino na bumili ng Nike, Adidas,
Vans, o Converse na sapatos kaysa bumili ng Markina shoes. Isa pang halimbawa ay
sa mga pelikula sa sinehan, mas marami ang kinikita ng mga pelikulang galling sa
ibang bansa tulad ng Insidious at iba pang mga pelikula sa Hollywood kaysa sa mga
pelikulang Pilipino tulad ng Shake Rattle & Roll at marami pang iba.

Makikita na din sa mga Pilipino ang pagiging maarte sa pagsasalita. Madalas,


tayo ay namamangha sa mga taong nakapagsasalita ng Ingles nang matatas.
Samantala, kapag may mga Pilipinong nagsasalita sa Filipino na gamit ang malalalim
na salita at matatas din ay kukutyain pa natin ito dahil sa kanyang pagiging makata. Isa
pa ay kapag may nakita tayo sa social media na nagsasalita sa Ingles ngunit mali-mali
naman ang gamit nito ng gramatika, pag-uusapan natin ito at saka pagtatawanan.
Samantala, kapag may mga mali sa pagsasalita natin sa Filipino ay hindi man lang
natin ito napapansin dahil nga mas pinahahalagahan na natin ang Ingles. Isa pa ay

2
lumalaganap na din ang mga conyo sa Pilipinas. Ito ay ang mga taong pinaghahalo ang
wikang Ingles at Filipino sa kanilang salita. Ang iba ay sinasadya ito para lamang
magmukhang sosyal at ipakitang sila ay may pinag-aralan.

Isa pang halimbawa ay ang paglaganap ng KPOP at Kdrama sa Pilipinas.


Ipinapakita na nahihilig na ang mga Pilipino sa tugtugin at mga palabas na nagmumula
sa ibang bansa, tulad ng Korea. Sa panahon ngayon, mas madalas pa nating naririnig
ang mga kanta ni Ed Sheeran, Bruno Mars, Jessie J at marami pang mang-aawit na
mula sa ibang bansa kaysa sa mga kanta nila Sarah Geronimo, Rey Valera, at marami
pang iba.

Marami din sa mga Pilipino ay nagnanais na pumuti dahil sa tingin nila ay mas
maganda ka kung maputi ka. Hindi sila nakukuntento sa kulay ng mga Pilipino, ang
pagiging kulay-kayumanggi. Ang iba ay gumagamit ng mga produktong pampaputi
katulad ng glutathione, at iba pa para lamang maging kakulay ng mga Amerikano.

Ilan pa lamang ito sa mga gawain ng mga Pilipino na nagpapakita ng kolonyal


na pag-iisip (colonial mentality). Kung magpapatuloy pa din ang ganitong ugali ng mga
Pilipino ay maaaring masakop na tayo ng mga dayuhan sa pagnanais nating maging
katulad nila.

3
LIKAS NA KATANGIAN NG PROBLEMA

Ang kolonyal na pag-iisip ay laganap na nga sa bansa. Kung magpapatuloy pa


ang ganitong gawain ng mga Pilipino ay mayroon itong malaking epekto sa ating
ekonomiya.

Una, kung patuloy pa din ang demand ng mga Pilipino sa mga produkto ng ibang
bansa ay maaaring malugi ang mga nagtitinda ng mga produktong Pilipino. Habang
padami nang padami ang ipinapasok na mga produkto sa ating bansa, ay humihirap
nang humihirap ang ating bansa sapagkat mas madami pa ang binibili natin mula sa
ibang bansa (import) kaysa sa mga inilalabas ng ating bansa (export).

Isa sa mga patunay nito ay ang tala nitong Pebrero ng taon na ang import sa
ating bansa ay pataas nang pataas ng 20.3 na porsiyento kada taon ng 6.51 billion USD
kumpara sa 9.1 porsiyento ng paglago nitong nakaraang buwan.

Ang kolonyal na pag-iisip ay nakapagbabago din ng konsepto ng mga Pilipino sa


kung ano nga ba ang kagandahan. Karamihan sa mga Pilipino ay nagnanais na maging
kasing puti ng mga banyaga upang masabi na sila ay mga mestizo at mestiza. Dahil
dito, isa sa mga may pinakamataas na kinikita na produkto ay ang mga produktong
pampaputi. Ayon kay Paul Tirol, Assistant Brand Manager ng Procter and Gamble
Distributing (Phils.) Inc., mahigit 71% ng mga produkto sa Pilipinas na nangangalaga sa
ating balat ay mga produktong pampaputi. Sa isang pagsisiyasat na isinigawa ng
Synovate noong 2004, makikita na kalahati ng populasyon ng mga kababaihan ay
gumagamit ng mga produktong pampaputi. Ang mga may-kaya naman ay
nakapagpaparetoke at dumadaan sa mabilisang proseso ng pagpapaputi (bleaching)
para lamang maturingan na sila ay maganda. Ang ganitong konsepto ng kagandahan
ay dapat na mawala sa isipan ng mga Pilipino. Sabi nga sa isang kanta ni Heber
Bartolome, “Tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi Kano, huwag kang mahihiya kung ang ilong
mo ay pango.”

Pangalawa, kung ang pag-iisip natin sa mga produktong gawa sa ating bansa ay
may mababang kalidad, ano pa ang iisipin ng ibang tao ukol sa ating mga produkto?

4
Edi syempre iisipin na rin nilang mababa nga ang kalidad nito. Tayo ngang mga
mamamayan ng Pilipinas ay nagsasabing mababa ang kalidad nito, bakit pa sila bibili
ng produkto dito?

Ang musika, literatura at mga pelikula ay naaapektuhan ng kolonyal na


mentalidad. Ang mga silid-aklatan at tindahan ng mga libro ay puno ng mga librong
nakasulat sa Ingles katulad ng mga nobela nina John Green, David Levithan at marami
pang iba. Samantala, ang mga librong nakasulat sa Filipino, katulad ng mga katha ni
Jose Rizal, Bob Ong at iba pa, ay kaunti lamang ang bilang. Mayroon nang pag-aaral
na nagpapakita na ang mga katha na gawa ng mga awtor sa ibang bansa ay mas
pinapaboran ng mga Pilipino. Si William Shakespeare at kanyang mga katha ay mas
kilala ng mga Plipino kaysa kina Amado Hernandez or Jose Corazon De Jesus. Kahit
ang mga hindi gaanong nagbabasa ay mas pinapaboran ang mga libro na gawa ng
mga internasyonal na awtor.

Dahil mas mataas ang demand sa mga libro na galing sa ibang bansa, mas
tataasan ang suplay ng mga ito. Kung ganito ang magiging gawain bawat taon, baka
wala nang mag-demand ng libro na gawa ng mga Pilipino. Kung hindi lamang dahil sa
kailangan ang mga librong ito sa paaralan, baka wala na ang bumili ng mga ito.

Ang mga pelikula na mula sa ibang bansa ay pumapatok din sa mga sinehan dito
sa Pilipinas. Ayon sa Box Office Mojo, ang pelikulang may pinakamataas na kita ay ang
Avengers noong 2013. Samantala, ang Sisterakas ang “all-time highest grossing
Filipino film,” ay pang-anim lamang sa listahan. Ibig sabihin nito, mas tinatangkilik pa rin
natin ang mga gawa ng banyaga kahit sa larangan ng mga pelikula. Dahil dito, mas
malaking porsiyento pa din ng kita sa mga sinehan ang napupunta sa ibang mga bansa.

Dahil nga sa kagustuhan ng maraming Pilipino na maging katulad ng mga


banyaga, ang iba ay nagdedesisyon na doon nq manirahan. Malaking porsiyento ng
populasyon ng Pilipinas ang nangingibang bansa. Noong Disyembre ng taong 2004 ay
nasa 8.1 milyon na mga Pinoy ang nagtatrabaho o naninirahan sa ibang mga bansa.
Itong bahagi na ito ay bumubuo sa halos 10% ng kabuoang populasyon ng Pilipinas na
nasa 85 milyon.

5
Naapektuhan ang ekonomiya ng bansa kapag bumibili tayo ng produktong mula
sa mga dayuhan, sa halip na sariling atin ang ating bilhin o tangkilikin. Hindi natin
namamalayan na mismo tayong mga Pilipino ang nagpapababa ng kalagayan natin
dahil sa labis na paghanga sa mga Amerikano. Isama pa natin dito ang ibang bansa na
ngayon ay kumikita sa ating bansa dahil alam nilang ang mga Pilipino ay bibilhin ang
mga produkto nila.

6
REKOMENDASYON

Malaki ang epekto ng kolonyal na pag-iisip sa ating bansa. Kung ganito pa din
ang ating magiging mentalidad hanggang sa mga susunod na taon, wala tayong
mararating. Kaya dapat tayo ay makaisip ng mga solusyon kung paano natin aayusin
ang katayuan ngayon ng Pilipinas. Ang ilan sa mga susunod na mababanggit ay an
gaming mairerekomenda upang mabawasan ang kolonyal na mentalidad at makatulong
sa ekonomiya.

Una, dapat gumawa ng aksyon ang gobyerno na magpapakita ng mas


pagsuporta sa mga lokal na produkto. Isang halimbawa ay ang pagpapatupad ng dating
pangulong Carlos P. Garcia ng Filipino First Policy. Ito ay nagbibigay ng halaga sa mga
lokal na tatak.

Pangalawa, dapat ay alisin o bawasan ang pagpapatupad ng import


liberalization sa Pilipinas. Ang pagpapatupad nito ang nagpapatindi sa pagtangkilik ng
mga Pilipino sa mga produkto mula sa ibang bannsa, kaya kapag nagugustuhan nila
ang isang produkto ay tuluyan na nilang nakakalimutan ang sariling atin. Halimbawa na
lamang sa sapatos, kung nagugustuhan ng isang tao ang Nike, madalas ay mga
sapatos na puro Nike na lamang ang kanyang bibilhin. Bukod sa nalulugi na ang mga
lokal na negosyante at nawawalan ng kita, mas nadaragdagan pa ang kolonyal na pag-
iisip ng mga Pilipino.

Pangatlo, maaaring taasan ng gobyerno ang buwis sa mga produktong imported


at bawasan naman ang sa mga lokal na produkto. Sa ganitong paraan, mapagbubuti ng
mga lokal na negosyante ang kanilang mga gawain, na sa halip na ipangbabayad sa
buwis ay ipampapaganda na lamang nila ito sa kwalidad ng kanilang mga produkto
upang ang mga mamimili ay hindi na maisipang bumili pa ng ibang produkto at
magkaroon ng paghanga sa sariling bansa hanggang sa tuluyan na niyang ipagmalaki
ang sariling bansa.

Pang-apat, maaaring alisin bawasan ang Expanded Value Added Tax (E-VAT).
Dahil sa E-VAT, mas lumalaki ang halaga ng buwis na papasanin ng mga Pilipino. Kung

7
gayon, mas lalo lamang aayawan ng mga Pilipino ang mga produktong dati pa ay hindi
naman nila gusting bilhin. Mas maghahangad sila ng imported na mga produkto at mas
tatangkilikin pa nila ito. Marami na din kasing mga produkto mula sa ibang bansa na
mura lamang.

Pang-lima, gawing kapana-panabik ang mga komersiyal, o paanunsyo


(advertisement) ng mga produkto. Sa ganitong paraan, mas maeengganyo ang mga
mamimili na bumili kung ito ay may mas dating kaysa sa ibang produkto. Kahit na
magkalasa lamang ang mga produktong ibinebenta (o minsan ay mas masarap pa ang
satin), mas pinipili pa din nila ang produktong may magandang dating o
nakahuhumaling.

At ang huli kong mairerekomenda ay ang pagtigil ng korapsyon sa Pilipinas para


sa mabuting pamamahala sa ating bansa. Kung ang pinuno natin ay matino, may
malinis itong intensiyon para sa ating bansa. Kung mawawala ang korapsyon, uunlad
ang bansa, walang mararamdamang paghihirap ang mga tao at hindi na sila hahanga
pa sa ibang bansa dahil mayroon na rin silang gaya ng sa ibang mayayamang bansa.

Malaki talaga ang impluwensiya ng mga Amerikano at ng iba pang mga banyaga
sa atin, sa pananalita, pag iisip, kultura, atbp. Hindi naman ito masama pero kung sobra
sobra na, makikita rin nating ang mga masasamang epekto nito. Alam naming hindi
lamang ang aming mga nabanggit ang maaaring maging solusyon para mawala ang
kolonyal na pag-iisip. Maaaring makatulong ito ngunit hindi lamang ito ang kailangan
nating gawin. Dapat muna nating umpisahan na ayusin ito sa pamamagitan ng pag-
aayos ng ating mga sarili. Alisin natin sa ating mga isip na mas magaling ang ibang
mga bansa sa paggawa ng mga produkto. Huwag nating ibaba ang sarili nating bansa,
bagkus ay tulungan pa natin itong umunlad sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sarili
nating mga produkto. Sabi nga ‘di ba, “Tangkilikin ang sariling atin.”

8
MGA SANGGUNIAN

 http://learningfragments.blogspot.com/2013/03/colonial-mentality-filipino-
heritage.html
 http://filipinocolonization.weebly.com/blog/ang-kolonisasyon-sa-pilipinas\
 https://gong16.wordpress.com/2014/12/04/tangkilikin-ang-sariling-atin/
 https://matthewcoblog.wordpress.com/2014/12/04/ang-kolonyal-na-pag-iisip-sa-
pilipinas/
 https://cchua16.wordpress.com/2014/12/07/kolonyal-na-mentalidad-problema-o-
hindi/
 http://www.thefilipinomind.com/2006/08/colonial-mentality-of-filipinos-its.html
 https://www.wattpad.com/14818642-ang-paglason-sa-utak-ng-mga-pilipino-
kolonyal-na
 http://atlas.media.mit.edu/en/profile/country/phl/
 http://www.tradingeconomics.com/philippines/imports

You might also like