Kolehiyo NG Lungsod NG Lipa: College of Teacher Education
Kolehiyo NG Lungsod NG Lipa: College of Teacher Education
Kolehiyo NG Lungsod NG Lipa: College of Teacher Education
IV. PAKIKIPAGPALIHAN
Ang Sanaysay
Tinalakay ni Lilia Santiago (2006), malimit na narration sa Ingles ang itinutumbas natin sa
salitang pagsasalaysay, subalit napakalawak kung susuriin ang sakop ng salitang ito kung
isasama o iuugnay sa iba pang uri ng pagpapahayag. Isang halimbawa nito ang salitang
kasaysayan na binigyan ng depinsyong “mga salaysay na may saysay.”Sa kabilang banda, ang
sanaysay ay may paglilinaw ng mga bagaybagay, paglalatag ng paninindigan upang humikayat
o kumunbinsi sa iba ukol sa isang punto. Maaring maglaman ito ng pagsusuri at pagmumuni,
pag-uulat at pagpapaliwanag o pangangaral o sermon.
Ralph Waldo Emerson, si Samuel Clemens o Mark Twain, na nagpatampok sa political satire
bilang instrumento upang labanan ang imperyalistang pananakop ng Estados Unidos sa
Pilipinas. Sa deakada 60 naman nakilala si Susan Sontag bilang essayist na nagpanukala ng
kakaibang pagsipat sa sining sa kaniyang akdang “Against Interpretation” (1964).
hinahayaang ang mga manunulat na gamitin ang kalayaan sa paglikha, layunin nitong
magkintal ng imahe sa isip ng mga mambabasa.
1. Kailangang may mahusay na ideya. Ang ideya pa rin ang nagdadala ng sanaysay.Kahit
napakapino ng wika, kahit napakabongga ng estilo kung hungkag ang ideya, hindi pa rin
magiging mahusay ang sanaysay.
3. Litaw ang sariling tinig. Isang napakahirap na hamon ito pero ang totoo, sa sanaysay
nasusubok kung mayroon ngang sariling estilo o tinig ang isang manunulat.
4. Dapat may sariwang pagtingin o perspektibang inihaharap. Iba na ang sariwa. hindi
kinakaingang bago kundi sariwa. Tulad n g isda, makikilatis ang sariwa sa bilasa at kahit
paulit-ulit na tinatalakay ang ideya kung may panibagong pagtingin o perspektiba mas
katakamtakam ito.
5. Maging bukas sa mga pagbabago o puna. Ang kahingiang ito ay isang tatak ng pagiging
mahusay na manunulat. Bigotry ang tawag doon sa ayawa tumanggapCTE ng puna at
posibilidad ng pagbabago sa pagtingin man o sa sinisiyasat, inihaharap na sanaysay.
Ito’y malalagom gamit ang katagang MASIGABU, na tulad ng masigabo ang palakpak sa isang
sanaysay kung ito ay (Santiago, 2006):
Sa aklat naman ni Arrogante (2007), nagbigay rin siya ng mga katangiang dapat taglayin
ng isang mananaysay. Ito ay ang mga sumusunod:
Datapwa, sa kabila ng kamalayang iyan, na maaga pa’y nais ko nang matalos ninyo, ay
hindi ko rin napaglabanan ang tukso, wika nga, at ito’y upang masabi ko lamang naman marahil
sa inyo ang mahalagang katotohanang tao lamang ako at isang taong nabubuhay sa ilalim ng
di-pangkaraniwang kalagayang dulot sa atin ng digmaan sa bahaging ito ng daigdig. Ngayon
pa’y inyo nang makukuro, sa gayon, na ang paglabas kong ito (kung palabas nga) sa
mapanganib na larangan ay dulot hindi ng likas na sarili kundi manapa’y bunga ng di-
pangkaraniwang kalagayan ng panahong ginagalawan nating lahat.
Hindi totoo, ang wika ko: una, sapagkat ang sinasabing katutubong balangkas sa bisa ng
tugma at sukat ay hindi sarili ng Tulang Tagalog kundi ng lahat nan g panulaan sa daigdig.
Kung tunay na ang mga makabago, sa kanilang kalayaan ay walang hangad kundi lansagin
ang katutubong balangkas ng panulaang pandaigdig, ay ano’t ang mga makabago lamang ng
panulaang Tagalog ang siyang pananagutin sa pagkakasala, kung pagkakasala nga? Ang
kapinsalaan, ng sinasabing pagkakasala, ay pandaigdig: bakit ang mga makabagong makatang
Tagalog lamang ang ibig panagutin? Kung ang kabuuan ng mga mambabasa ay hukuman, ang
hukumang ibig pahatulin ng kasamang Regalado, sa malas ko’y walang kapangyarihang
makapaglitis, kaya walang karapatang makahatol, sapagkat maliwanag na lumalabas na ang
usalin ay malaki kaysa larangan ng kapangyarihan ng hukuman. Ikalawa: sapagkat ang
sinasabing katutubong balangkas ng Tulang Tagalog, sa bisa ng tugma at sukat, ay hindi
kabuuan ng mga katutubong balangkas ng Tulang Tagalog at ito’y sa katotohanang ang
panulaan natin, ayon sa patotoo ng mga mananalaysay, ay mayroon ding malayang taludturan
na siya ngayong kinagigiliwang gawin ng mga makabago. Kung ang ikalawang matuwid na ito
ay totoo, ay ano’t masasabing ganap na palgansag ang ginagawang pagbuhay lamang sa mga
katangiang katutubo n gating panulaan.
CTE
Hindi nagkakamali ang kasamang Regalado nang siya na rin ang magsabng “ ako’y
sadyang naniniwala na ang kabaguhan ay isang bagay na di maiiwasan sa mabilis na takbo ng
pagkasulong.” Kung ang malayanng taludturan ay maipalalagay na kabaguhan sa tulang
Tagalog, ayon na rin sa pagtanggap ng kasamang Regalado, at siya naman ay naniniwala na
iyan ay isang bagay na hindi maiiwasan, ay ano pa kaya ang pagtatalunan sa bagay naito?
Hindi kaya maliwanag na hindi paglansag nni pagwasak sa katutubong balangkas angn
ginagawa ng mga makabago, lalo pa nga kung isasaalang-alang ang katotohanang iyan man
naman palang sinasabing malayang taludturan ay hindi narin bago at bahagi pa nga ng
katutubong balangkas ng Tulang Tagalog.
TANGGAPIN NAMAN natin, alang-alang man lamang sa usapan, na ang ginagawa ng mga
makabago ay pagwawasak nga ng katutubong balangkas n gating panulaan, at ang tinurang
pagwawasak ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng pagiwas sa tugma at sukat. Subalit nais
ko naming sabihin sa inyo, na ang pagwawasak na ito ng mga makabago ay makabuluhan,
kaya mapaglikha at sapagkat mapaglikha, kaya dakilang pagwawasak.
Ang balangkas, ang pamamaraan, o ang kaanyuan, kung baga sa tao, ay damit lamang ng
tula. Ano kaya ang masama sa isang taong nagbabagong-bihis lamang sa kanyang
kapamuhayan? Ang pagbabagong-bihis sa malas ko, ay kailangan: una pagbagay marahil sa
sumisibol niyang kamalayan; at ikalawa, pagkatakot marahil mangamoy ang katawan na
maaaring likhain ng basahan na niyang damit na nagpuputik na sa dumi. At ang damit, sa
kaisipan ng isanng taong umuunlad, kahit gaano kamahal o kaganda ay nawaw;alan ng bisa sa
mata ng ibang nagmamalas kung iyon at iyon din ang nakikitang isinusuot araw-araw. At ang
makata, palibhasa’y tao, ay hindi makaiwas sa di-maiwasang katotohanang iyan sa kanyang
buhay at pakikipamuhay. Di natangi sa ibang kaguro, ang makabagong Makatang Tagalog, ay
ganyang isang nilikhang tumatangging maiwan ng panahon, isang kaluluwang aayaw
mangamoy dahil sa iyon at iyon ding damit na naluma na sa katawan.
Ang isa pang bagay na nais kong ipatlig sa inyo ay ito: na pagwawasak manCTE
ang pag-iwas
sa sukat at tugma sa pagtula ay pagwawasak na mabuti sapagkat may bagong balangkas na
ibig itayo. Ang isang tunay na mamamayan ng daigdig ay may katwirang huwag masiyahang
mamahay sa luma’t sira-sira na niyang kubo kung may kaya rin lamang siyang makapagtayo ng
ibang naiiba at nababago. Ano ang masama kung pagkatapos maigiba ang giring-giring na
niyang kubong pawid at kawayan ay makapagtayo siya ng isang bahay na kongkreto at
maaliwalas pang pamahayan? Ano, sa malas ninyo, hindi kaya mabuting di palak ang ganitong
pagwawasak kaysa pagbubuong walang kapara-pararakan, sapagkat walang binubuo kundi
ang buo na?
Hindi kailangang hadlangan ang makata sa kalayaang dapat lubusang pagpasasaan. Kung
ang damdamin ng makata, samantalang hindi pa naibubulalas, ay mayroon ng sukat at tugma,
ay ano ang makahahadlangn sa kanya upang ibulalas na may sukat at patugma? Datapwa,
kung ang damdaming iyang nasa makata ay lalong mabuting pahayag, sa ngalan ng guniguni,
sa pamamagitan ng pag-iwas sa sukat at tugma ng pinagkagawiang pagtula, ay ano ang
makahahadlang sa kanya upang siya’y magpahayag ng damdamin sa pamamagitan ng
malayang taludturan?
Diyan ay maliwanag na ang tula ay wala sa pagkakaroon ng sukat at tugma, at wala rin sa
pag-abuso ng kakawag-kawag na damdamin sa kalayaan ng pagpapahayag. Ang tugma at
sukat ay hindi garantiya sa mabuting tula, at ang paagbakli-bakli ng mga taludtod ay hindi rin
katibayan ng mabuting malayang taludturan. Ang tula ay tula sa anumang sukat ang ginagamit
ng diumano’y makabago o makaluma. CTE
Bago ako magwakas ay nais ko paring sabihin sa inyo na ang daloy o ritmo, sa tula ay
siyang mahalaga – hindi yaong daloy na panlabas kundi yaong daloy na panloob. At ang daloy
na panloob ay ang pagkakaisa at natural na pagkaksundo ng kulay, tinig at hubog ng
damdamin ng makata, sa isang dako, at ng mga salita bilang sangkap o mabisang sangkap sa
pagpapahayag ng kagandahan sa kabila tungo sa ikapagkakahulugan nito sa damdamin ng
mambabasa.
Alejandro G. Abadilla
Mapagbuong Pagwasak
Malinaw sa pahayag ni Abadilla mula sa kanyang sanaysay na ang makata ay sentral ang
ginagampanan sa malayang pagpapahayag ng mga sangkap at balangkas ng tula. Hindi
marapat pigilan ng sinuman, kahit pa ng mga maituturing na establisyamento ng panulaan ang
pagbabago ng mundo na kailan man ay hindi tumigil sa pag-ikot upang higit pang
CTEmatuklasan
ang mga kalinangang sarili at pambansa. Ang sanaysay na ito ay isang testamento ng
paghuhugis sa bagong mukha ng panulaan nang panahong iyon at pagpipinta ng tunay na
Kung gayon, maaari nating sabihing mapagbuo ang pagwasak na ito, kung pagwasak ngang
maituturing. Mapagbuo sapagkat ang hangaring pagbabago ay hindi upang burahin ang isang
balangkas at anyo kundi pintahan ng bagong kulay at himig tungo sa isang malayang
pagpapahayag.
Nais linawin ni Abadilla na ang balangkas o pamamaraan sa tula ay hindi mahalaga. Sa halip,
ang kalamnan nito na tumutukoy sa damdaming matulain, yaong damdaming may hubog, may
kulay at may tinig. Gayondin ang halaga ng ritmo o daloy na panloob na kabuuan ng
pagkakaisa at pagkakasundo ng kulay, tinig at hubog ng damdamin ng makata. Hiramin din
natin ang pahayag ni Clodualdo Del Mundo sa pagsusuri niya sa “Ako ang Daigdig” ni Alejandro
G. Abadilla:
Sa pagniniig ng mga nabanggit, tiyak na matitigib ang laman at makukulayan ang anyo
na magpapasilay sa tunay na kahulugan ng tula sa mundo ng panitikan. Ayon kay
Abadilla “Ang tula ay tula sa harap ng anumang sukat ang ginagamit ng diumano’y makabago o
makaluma.”
Taong 1940 nang lumabas sa magasin na Liwayway ang tula niyang “Ako ang Daigdig” na
gumimbal sa panulaang Tagalog. Ang tulang iyon ay isang manipesto ng kanyang paglihis sa
tradisyon ng pagtula at pagkilos para sa pagbabanyuhay ng mukha ng panulaan. Walang takot
ang kanyang mga pahiwatig sa pag-alpas sa pagkakatali sa sukat at tugma. Gayonman
itinuring siya ni Clodualdo Del Mundo na namimilosopiya sa anyong paberso sa kanyang tula.
Isang pilosopo sapagkat hindi niya naipahayag ng matapat at taimtim ang damdamin na
katangian ng isang tula.
sa kasaysayan. Ayon kay Virgilio Almario sa kanyang aklat na Pitong Bundok ng Haraya
(2010), napakahirap maging dakila. Uulitin ko ang wika ni Abadilla, sining ito ng
“pagpapatiwakal”; isang “panata” para sa kalayaan para kay Ka Amado at malimit na sinusukat
ang katapatan at konsistensi pagkaraan ng kamatayan. Kaya higit na dumarating ang mga
gantimpala’t parangal kapag siguradong hindi ka na makapagbabagong-loob (sapagkat patay
ka na o ulyanin) para maging inconsistent.
Hindi matatawaran ang halos 30 taong krusada ni Alejandro G. Abadilla tungo sa paggiba sa
tinatawag niyang “kastilyong-moog ng lumang institusyon” (Almario, 2010). Subalit
nakalulungkot isipin ang katotohanang, ang pagtanggap sa mga kaisipan ng isang tao ay
kinikilala na lamang kapag siya’y patay na. Ang mga naiwan niyang kasaysayan ay buhay na
patunay ng pagsusulong ng kamulatan sa anumang sistemang umiiral. At ang lahat ng iyan ay
makikita sa mga obra niyang bumalangkas at bumago sa tradisyon ng panulaan.
Isa sa matandang uri ng panitikan sa Pangasinan ay ang Anlong. Salitang mula sa wika
ng Pangasinan na ang ibig sabihin ay tula. Katulad din ng ibang tula sa wika ng Filipinas
nagsimula itong nagpasalin-salin sa bibig ng mga ninuno ng mga Pangasinan. Gaya ng tula sa
Tagalog, ang anlong ay may sukat at tugma rin. Gayundin, ang mga paksain ay CTE
karaniwang
pang-araw-araw na buhay ng isang taga-Pangasinan. Pansinin ang halimbawa sa ibaba:
Kung susuriin ang sukat ng anlong sa itaas may pito itong pantig sa bawat taludtod.
Kung papansinin naman ang tugma nito, ang taras, melamelag, ak at arap sang-ayon kay Dr.
Jose Rizal ay nasa anyong malakas na katinig ang tugmaan. Malinaw sa halimbawang ito na
ang anlong ng Pangasinan ay walang pinagkaiba sa tugmaan ng tula sa Tagalog. Gaya ng
ibang wika sa Filipinas, umusbong ang panulaan ng Pangasinan bago pa dumating ang mga
Kastila. Subalit habang nasasakop ang bansa ng mga dayuhan unti-unting napag-iwanan at
naglalaho ang panulaan ng Pangasinan sa iba pang wika ng Filipinas. Ito ang malaking
paniniwala ni F. Sionel Jose, Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura. Ayon sa kanya:
“Pangasinan as a literary language is waning.”
Nitong mga nakaraang taon, marami ang nagsasabing namamatay na ang wikang
Pangasinan. Isa na rito si Armando Ravanzo sa kanyang sanaysay nagtanong siya: Is a
Pangasinan A Dying Diealect? Ang tanong na ito ni Ravanzo ay bunga ito ng madalang na ang
nagsusulat sa wikang Pangasinan. Gayundin, ang mga bagong henerasyon ng mga taga-
Pangasinan ay hindi marunong magsalita sa nasabing wika. Ni ang kanilang alam na pangalan
ng kanilang wika ay panggalatok na hindi naman dapat. Ang panggalatok ay galing sa
dalawang salita na pinagsama: Pangasinan at Katok. Kaya kung bibigyan ng kahulugan ang
panggalatok – “Pangasinan na may sira ulo.” Kaya buong tutol si Santiago Villafania na hindi
namamatay ang wikang Pangasinan. Wika niya:
Sonito 1
kung susundin ang unang sesura ay mahahati ang tula sa maka/amta para maging limahin ang
sesura anggapo’y maka/amta no iner. Lumalabas na mali ang hati ng ikalawang taludtod.
Kung paghihiwalayin ang tula sa sesura lalabas na ang ikalawang taludtod nito ay magiging
ganito: Anggapo’y maka/ amta no iner. Lumalabas na ang unang sesura nito ay nagtatapos
sa maka at ang ikalawang sesura ay nagsisimula sa amta. Gayundin ang ikatlong taludtod ng
tula. Pansinin ang taludtod: so angisinopan da ed sika. Kung susuriin ang sesura ng ikatlong
taludtod lalabas ang ganitong hati: so angisino/pan da ed sika. Nahati ang taludtod sa pagitan
ng salitang angisino? at pan? Pansinin din natin ang tugmaan ng tula. Mayroon itong ganitong
tugmaan na a, b, a/ b, c, d/ c, d/ e, f, g/ f, a, a/ lumalabas sa tula na walang tugmaan ang sonito
1. Kung titingnan mabuti, tama na sana ang tugmaan ng unang saknong dahil ang unang
taludtod nito ay tugma sa ikatlong taludtod. Subalit sa ikalawang saknong hindi naman tugma
ang mga taludtod nito. Hindi naman ito tugmaang Italyano o Ingles at lalong hindi naman ito
mono rhyme. Para lalong mapagtibay ang aking mga pinagsasabi-sabi sa artikulong ito,
pansinin pa natin ang isa pang soneto ni Villafania:
Sonito 64
Sa sonetong ito ni Villafania, mayroon itong labing-apat na taludtod. Ang bawat taludtod
nito ay may tigsasampung pantig. Sa tulang ito ni Villafania ay may tugmaang masasabi dahil
sa unang saknong may tugmaan itong /a, b, a, b/, sa ikalawa ay may tugmaang CTE /c, d, c, d/. Sa
ikatlong saknong ay may tugmaang /a, a, a, a/ at ang huling saknong nito ay /e, e/ Kung
susuriin naman ang sesura nito sa una hanggang ikaapat na taludtod sa unang saknong
mayroon itong limahing sesura. Samantala ang ikalimang taludtod sa ikalawang saknong
kapansin-pansin na nahati ang tula sa salitang onselek. Kaya lalabas ang taludtod na ganito:
asingger lan on/selek so banwa. Ganoon din ang ikaanim na taludtod sa ikalawang saknong
ng tula. Nahahati ang taludtod sa salitang onkupit. Kaya ang magiging kalalabasan ng ikaanim
na tulodtod ay magano lan on/kupit so matak. Kung papansinin pa ang sesura ng natitirang
taludtod ng tula, ang ikasampu at ikalabindalawang taludtod ay walang sesura. Sa kabuuan ng
tula wala itong iisang sesura.
Hindi iisa o dadalawang ulit na nangyari na walang sesura ang tula ni Villafania. Upang
mapatotohanan ang aking sinasabi. Narito ang ilang mga halimbawang tula:
sonito 180
sonito 181
sonito 165
Hindi ko alam kung ano ang layunin ng may-akda sa ginawa niyang mga sonetong walang
sesura.Sadya bang hindi niya nilagyan ng sesura ang lahat ng koleksyon niya ng soneto at
villanelle? Kung papansinin naman ang ibang taludtod ng kanyang tula ay may sesura naman
ito.
May mga tugmaan sa soneto niya ay sumablay gaya ng halimbawa sa ibaba:
Sonito 158
CTE
panon takan aroen Pinabli? (a) ipetek
ko man ira’y sonata (b) anlongen ko man
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
Sa unang saknong, hindi nagtugmaan ang mga huling salita ng mga taludtod nito.
Gayundin ang ikalawang saknong maliban sa ikatlong saknong na nasa tugmaang /g, g/. Para
lalong mapatunayan ang aking sinasabi basahin ang ilang soneto niya at husgahan niyo kung
tama an gang aking sinasabi. Isa sa mga tulang nakapaloob sa Malagilion ni Villafania ay ang
villanelle. Ang villanelle ay tulang liriko na may labinsiyam na taludtod, may dalawang tugma
lamang at inuulit ang ilang linya. Ang una ay nauulit sa ikaanim, at ikalabindalawang taludtod.
Samantala ang ikatlong taludtod nito ay nauulit sa ikasiyam at ikalabinlimang taludtod. Sa
huling dalawang taludtod, pinagsasama ang una at ikatlong taludtod. Sa aklat ni Villafania
mayroon siyang koleksyon na limampu (50). Pansin ang halimbawa sa ibaba:
Villanelle 1: Talabay
“Education’s only,the Envelope –
Give,me,the,Letter.” – Jose Garcia Villa
Sulyap sa Nilalaman Kung susuriin ang tugmaan ng villanelle 4 nasa iisang tugmaan ito.
Mayroon itong sampung pantig sa bawat taludtod. Sa una at ikalawang taludtod, tama ang
sesura nito dahil sa unang taludtod nahahati ito sa pagitan ng salitang binta at na. Gayundin sa
ikalawang taludtod nasa pagitan ng salitang ka at na. Mali naman ang sesura ng ikatlong
taludtod dahil nahahati ito sa salitang ipapatnag (ipa/patnag). Sa ikalawang saknong, may
tamang sesura ang ikaapat na taludtod at ikaanim na taludtod. Samantalang ang ikalimang
taludtod ay mali ang sesura nito. Dahil nahati ang taludtod sa salitang amin (a/min). Sa
kabuuan, karamihan sa villanelle sa Malagilion ay walang sesura ngunit natupad nito ang pag-
uulit-ulit na taludtod na kailangan sa isang villanelle.
ng Malagilion
Isa sa kapansin-pansing nilalaman ng aklat ni Villafania na Malagilion ay ang mga hinaing niya
sa mga kapwa Pangasinan. Sabi niya, wala ng nagmamalasakit sa wikang Pangasinan.
Pansinin ang soneto 136
Kung susuriing mabuti ang saknong ang tinitukoy na personang ko’y sa taludtod na:
singa bukbukor ko’y mibabakal ay dalawa ang pakahulugan una ay ang taong taga-
Pangasinan na nagmamalasakit sa wikang Pangsinan at ang pangalawa ay ang may-akda. Sa
tingin ng may-akda ay nag-iisa siyang nagmamalasakit sa wikang Pangasinan. Bunga nito,
lalong humihina ang wikang Pangasinan dahil sa impluwensiya ng mga wikang Ingles at
Filipino. Kaya nga wika niya sa soneto 128:
Sa saknong na ito, ang liwawa na tinutukoy rito ng may akda ay pag-asang babangon ang
wikang Pangasinan. Ayon sa kanya nawala ang pag-asang ito ng dumating ang mga dayo at
ang pag-iisip ng mga taga-Pangasinan ay pinalitan ng kanilang mga paniniwala at kultura .Sa
soneto 114, mapapansin na ang mga bagong henerasyon, lalo na sa mga lungsod ay Tagalog
ang kanilang gamit.
Ayon pa sa kanya ay nakalimutan hindi lang ang wika ng Pangasinan kundi ang lumang
pangalan nito. Mapapansin ito sa soneto 104. Ang tinutukoy niya ritong lumang pangalan ay
Caboloan.
Bunga nito, ang mga tulang nalikha bago dumating ang mga Kastila ay tuluyan ng nawala.
Gayundin ang mga tumutula ay kasabay na naglaho ng Caboloan. Makikita ito sa soneto 94 at
villanelle 23.
Sonito 94
villanelle 23
Magkagayon man, malakas pa rin ang loob ni Villafania na muling babangon ang wikang
Pangasinan dahil naniniwala siya na buhay pa rin ang panitikan ng Pangasinan. Naniniwala
siya na ang magpapabangon ay ang kagaya niya manunulat. Hanggat may nagsusulat sa
wikang Pangasinan na gaya niya hindi kailan man mamatay ang wika ng Pangasinan Ito ang
kanyang sinabi sa villanelle 46 at soneto 248
Villanelle 46
CTE
sonito 248
Malakas ang kaniyang loob na ibigay ang mga aklat na bunga ng mga reklamasyon ng
pag-iisip na nagpapatunay na buhay ang panulaan ng Pangasinan sa kaniyang pangunahing
kritiko na si Virgilio Almario. Makikita ito sa soneto 164.
Sonito 164
(para ed si Virgilio S. Almario)
Ang hinaing na ito ni Villafania ang siyang manggigising sa mga natutulog na mga kababayan
niyang may pagmamalasakit sa wikang Pangasinan. Kaya isang malaking hamon sa mga taga-
Pangasinan lalo na sa mga manunulat na kailangan nilang kumilos para sa muling pagbuhay
ng panitikan ng Pangasinan.
Sa kabuuan ang Malagilion ni Villafania ay sumasalamin sa kung ano ang mayroon ang
tula ng Pangasinan. Nahusgahan ko na ang anyo ng Malagilion at ang nilalaman nito. Maaring
ang aking paghuhusga ay may kulang pa subalit pinapangatawanan ko ang aking mga
binitiwang paghuhusga batay sa abot ng aking kaalaman at natutuhan sa panuluaan. Maaring
may mga hindi pa ako nakikita sa aklat ni Villafania. Para lalong masuri ang aklat niya,
hinahamon ko mga kapwa ko Pangasinan na kritiko. Suriin ang aklat ng Malagilion at husgahan
niyo sang-ayon sa inyong kaalaman sa panitikan ng Pangasinan.
Ang mga anlong o tula ng Pangsinan ay nagpapatunay na mayaman ito sa karanasan at buhay
na buhay ang kahusayan sa pagpapabatid ng kultura at mga ideyang kanilang kinagisnan.
Sa anyo ng Malagilion, sinikap ipaliwanag ang pisikal na aspeto nito. Na tulad sa wikang
Tagalog na may tugmaan, mga saknong at mga taludtod na nagpapakita ng kagandahan ng
kultura ng mga taga-Pangasinan. Pagpapatunay lamang na sa pagtahak sa tuwid na landas ng
tula ay hindi lamang sa Tagalog makikita ang itinatagong yaman at husay ng mga may-akda.
Bagkus, lutang na lutang ito sa mga anlong.
Lutang na lutang sa akdang ito ang pagpapatunay na buhay ang wika ng Pangasinan.
Sa pagtingin ng awdyens, hindi maiwasang makita ng mga bukas na mata ang pag-aangat ng
may-akda sa wika at kultura ng Pangasinan lalo na sa larangan ng tula. Higit sanang
mauunawaan ang nais ipahayag ng mga tula kung ito ay naisalin sa Tagalog dahil kung ang
babasa nito ay mga hindi taga-Pangasinan ay tiyak na hindi babasahin ang bahagi ng akdang
ito. Binibigyang puwang din ng may-akda ang lalim ng kaniyang pagnanais na itama ang mga
maling akala sa pagbulusok ng wikang Pangasinan. Bagkus, ito ay kaniyang itinataas sa
paglalayong ipabatid na ang wikang kabilang sa pangunahing wika sa Pilipinas ay hindi
kailanman mamamatay. Kaalinsabay nito, tila mo ang wikang Pangasinan ay napagod sa
paglipad na ibon kaya naman ito ay namahinga sa pamamayagpag at naghanap ng
mapagkakanlungan at mag-aalaga sa kaniya. Kumbaga, sandaling nagpahinga pero hindi
nawala. Maiuugnay din natin ito sa showbiz, ang mga artistang sumikat at nakilala sa kanilang
kahusayan sa pagganap at pag-arte ay namahinga muna sa pagtatrabaho. May mga balitang
lumabas na kesyo sila ay nabuntis, nanganak, nangibang-bansa na at marami pang iba. Pero
kung susumahin, namahinga lamang sila sa gulo ng mundong ginagalawan nila. At
muli,magbabalik sila sa kanilang kinagisnang mundo upang ipakita na sila ay ang mga bago
(refreshed) at handa na uling suungin ang mundong minsan na nilang iniwan. Hindi mo
kailanman mauunawaan ang hatid na nilalamn ng mga tula kung hindi mo ganap na batid ang
wikang ginagamit.
Hindi naman porke wala ng nagsusulat sa wikang ito ay patay na ito. Lalo na at sa
kasalukyang panahon ay ipinapatupad ang K-12 kung saan gagamitin ang wikang bernakular
sa pakikipagtalastasan sa antas ng elementarya kaya naman ito ang magbibigay daan upang
mahalin at tangkilikin hindi lamang ng mga Pangasinense gayundin ang iba pang nagsasalita
ng bernakular na wika ang wika at panitikan ng Pangasinan. Ito ang magtutulak sa lalong
pagpapaunlad ng kulturang kinagisnan ng mga Pangasinense. Kaya naman, hindi na
masasabing namamatay na wika ito kundi ito ay pagpupursigeng mapalawak pa at muling
maitayo ang bandera ng panitikang kikilalanin pa ng mga kaapu-apuhan ng mga ninunong
nagsikap mapaunlad at mapayabong ang kulturang kinasanayan.
Ang pinakalayunin ng akdang ito ay himukin ang mga Pangasinense na ibanyuhay ang
panitikan at kulturang Pangasinan hindi lamang sa kanilang sariling bayan bagkus kahit saang
lupalop/bahagi ng mundo. Kumbaga, huwag kalimutan ang wikang siyang bumuhay sa kanila
na dapat alagaan hindi lamang sa isip, sa salita at sa gawa. Naglalayon itong gisingin ang mga
nahihimlay na diwa ng mga taong sangkot sa o silang tinatawag na tagapagsulong CTE ng
kahusayan at kadakilaan ng wika. Panahon na upang higit na tutukang mabuti at hagurin ng
watsong kakinisan ang panitikan. Kung maibabalik lang ang dating bugso ng interes sa
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
pagsulat ng mga tula, awit, sanaysay sa ay tiyak na mayamn na mayamn na ang wikang
inaakala ng karamihan na nawala na sa sirkulasyon ng bansa. Nakapanghihinayang na ang
panitikang nagbuklod sa mamamayan nito ay mawawala na parang bula nang hindi man lang
nakikilala ng mga taong taal na taga-Pangasinan. Hiramin natin ang kantang, “Kung
maibababalik ko lang, ang dati mong pagmamahal pakaiingatan ko at aalagaan pa, ganiyan
sana ang maging perspektibo ng mga nilalang sa tabi-tabi.
Nawa’y ang akdang ito ang magpanibago sa pananaw ng mga taong pilit na ibinabaon sa limot
at huwisyo ang literaturang nagpaging sa atin. Literaturang kung ako ang tatanungin ay
magiging sandata sa pakikipagsapalaran sa daigdig ng katotohanan at pag-asa.
Ang pag-ibig sa sariling dugo’t laman ng buhay ang siyang instrumento sa pagunlad hindi
lamang ng iyong bayan kundi ng iyong sarili. Bago mo pag-aralan ang panitikan ng iba, pag-
aralan mo muna ang panitikan mo upang hindi ka maging mangmang sa sarili mong teritoryo at
sa sarili mong kaligiran. Amayamay so ibabagak diad salita, iner so mansimula? Sa
pinanggalingan natin, hindi masamang lumingon dahil ang paglingon ay tanda ng paggalang sa
pinagmulan.
Kumbaga sa multo, unti-unti itong susulpot hindi para takutin ka kundi upang ipaaalala sa iyo
na “Hoy, buhay ko yang kinakalimutan mo”. Patuloy kitang mumultuhin at uusigin hanggang sa
ikaw ang magsawa at lumingon sa iyong pinanggalingan.
Ang kultura ng tao ay dumaraan sa dilim ngunit unti-unting mahahawi ito tulad ng lunar eclipse
na sandaling iimbulog sa iyong kinang subalit aalpas pa din ang awit ng buhay CTEna puno ng
pagbabanyuhay sa soneto at villanelle.
Ang Dagli
Ano ba ang dagli? Para kay Agoncillo, ang dagli ay sumulpot noong 1902 sa
pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos at
namayani hanggang 1930. Maikli ang dagli, “hindi lalampas sa tatlong papel” pero “hindi taal na
maikling kwento”. Tila ang pinupunto ni Agoncillo ay ang mababang katangian ng dagli sa
usapin ng kasiningan, dahil ito’y pumapaksa “sa tahasang nanunuligsa, lantarang pangangaral,
karanasan sa pag-ibig at mga akdang inihahandog sa mga paraluman.” Masalita ang mga
dagli, na nagbigay-kongklusyon para kay Agoncillo na isipin na bahagi lamang ito ng natural na
ebolusyon tungo sa “taal na maikling kwento.” Batay sa mga konteksto ng dagli, ito ang mga
katangian ito ay ang mga sumusunod (Tolentino at Atienza, 2007):
masasabi na madiskurso ang dagli dahil sa paghalaw nito ng mga iba’t ibang bagay sa
puntong nais ipaliwanag; nabibigyang-diin ang manunulat bilang panlipunang kritiko.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
5. Partisano, may kinikilingan, kadalasan, pag-ibig ng lalakeng may-akda sa babae o ang tapat
sa sarili sa nagbabagong kaayusan.
6. Moderno sa reperensiyang ginagamit at sa wika. Ikinatutuwa ng mga lingguwista at
ikalulungkot ng mga purista sa wika.
Ano nga ba ang maikling kuwento? Maraming kahulugan ang maikling kuwento batay
sa iba’t ibang ibinigay ng mga kilalang tao. Ito ang ilan sa mga sumusunod.
Ayon kay Reynaldo Duque (2004), ang maikling kuwento ay may mga mahahalagang
sangkap upang masabing ang isang akda ay maikling kuwento. Ang mga mahahalagang
sangkap ay ang mga sumusunod:
1. TAUHAN (Character): Nalalaman sa sangkap na ito kung ano ang ginagampanang papel
ng bawat tauhan kung isa sa mga ito ay protagonista (bida) at antagonista (kontrabida). Dito
rin malalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento upang maipamalas at
maipadama ang ipinapahiwatig na mensahe o kaisipan na nais iparating ng akda.
CTE
a. Panimulang Galaw: Dito na nakasalalay ang interes ng mambabasa kung ito ba’y
kailangang pagbuhusan ng panahon na basahin. Dapat na ang panimula ng maikling
kuwento ay nakapagbibigay agad ng hikayat sa tao upang maging kawili-wiling basahin
at matiyak na tatapusin ng mambabasa na basahin ang kuwento.
d. Kasukdulan: Ito ang pinakamatinding bahagi ng akda, tumataas ang kapanabikan kapag
nasa bahagi na nito ng kuwento ang mambabasa. Mababasa sa kuwento na ang
pangunahing tauhan, ay malalagay sa panganib o sitwasyong kailangan na niyang
kumilos upang bigyan ng solusyon ang kinakaharap na suliranin.
e. Realisasyon o Wakas - Ito ang huling bahagi ng banghay ng kuwento. Dito malalaman
ng mambabasa na lubusan nang naisakatuparan ng pangunahing tauhan ang solusyon
sa kinaharap na suliranin. Samakatwid nabigyang linaw na ang mga suliraning
naisalaysay sa ilang bahagi ng kuwento.
4. TEMA (Theme): Ang tema ang pangkalahatang kaisipang o lagom na nais palutangin ng
may-akda sa isang maikling kuwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang
maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod:
Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng maikling kuwento (Duque, 2004):
3. Kuwento ng Kababalaghan (horror story) – nabubuo ang ganitong uri ng kuwento dahil sa
paniniwala ng mga tao sa mg bagay-bagay na kataka-taka. Kadalasan pumapaksa ang mga
kuwentong ito sa mga lamang lupa tulad ng aswang, multo at iba pa.
5. Kuwento ng Katutubong Kulay (story of local color) – ang binibigyang diin ng manunulat
sa ganitong uri ng kuwento ay ang tagpuan, kaugalian, paniniwala at gawi ng mga tao sa
isang tiyak na pook, gayundin ang pananalita o ginagamit na wika.
Takang-taka ang maraming nakakikilala kay Manuel kung bakit siya ay naibig CTE
ni Tonia!
Manghang-mangha rin naman ang mga kaibigan ni Tonia kung bakit niya naibig si Manuel! At
ang lahat ng nakakikilala sa dalawang ito, mula nga noong umabot sa kanilang pandinig ang
Ngayo’y sa dakong huli ay kabala-balita na lamang na sila ni Manuel ay malapit nang pag-
isahing palad sa darating na mga araw. Ngunit bakit naibigan si Manuel ng ating mapanghamak
na dalaga, gayong kung sa kapangitang lalaki ay wala nang tatalo kay Manuel. Si Manuel ay
bulutonggo, pilas ang labi, harang ang tainga, sulipat ang mata, at sarat ang ilong na walang-
walang kagandahang maipagmamalaki sa ibang nagsisiligaw kay Tonia. Bakit nga nagustuhan
ni Tonia si Manuel? Ah, si Manuel ay abogado at mayaman at iyan ang naging pangunang
dahilan kung bakit naibig nga ni Tonia. Si Tonia ay hindi tumatanaw sa kagandahan, hindi siya
tumatanaw sa kadakilaan ng isang pag-ibig kundi siya nasisilaw sa salapi at sa katangian ng
isang namimintuho.
Hoy, Igno tingnan mo nga iyang anak ni Aling Tumasa, malapit na palang ikasal kay Manuel na
bulutong. Sukat ba namang maibig ni Tonia ang tinamaan ng hanging Manuel na iyan!
“Bah, ngayon pag di ka marunong magsamantala ay mamatay ka ng gutom. Tama ang ginawa
ni Tonia na ibigin si Manuel, sapagkat bubuhayin siya sa karangyaan at kasaganaan.” Ang
usapan ng dalawang magkaibigan na nakakikilala sa dalawang paksa ng usapan natin.
“Ngunit isang mahiwagang paraan lamang ang ginawa ng ina ni Tonia kung bakit naibig ng
kanyang anak ang bulutongtong iyan.”
“Sapagkat si Manuel ay mayaman ay kung ano-ano ang hinihiling ng ina ni Tonia sa binata.
Sapagkat nalalaman ni Manuel na walang makaiibig sa kanya ay paunlak naman ng paunlak
hanggang mabundat niya ang mag-ina sa pagsasamantala nito sa kanyang bulsa. At ang
ganyang mga ina ay dapat sumpain. Dapat silang sumpain sa kanilang pagsasamantala at labis
na pag-iimbot sa mga magsisiligaw sa kani-kanilang anak.
Pinapaksa ng dagling ito ang pagkasilaw ng tao sa karangyaan kahit pa ang maging
kapalit nito ay huwad na pag-ibig. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay kumakapit sa patalim ang
sinomang tao upang sila’y makaranas ng magandang buhay. Sa akdang ito kitang-kita ang
pagiging mapagsamantala ng ina at ng anak na si Tonia. Dahil nga sa kagandahang pisikal ni
Tonia at hindi sa ugali, marami ang nagkakagusto sa kanya kung kaya ang kagandahang iyon
ang ginagamit niya upang manamantala. Sa paanong paraan niya ito ginagawa? Kapag isang
ordinaryong lalake ang nanligaw rito o isang lalakeng walang maipagmamalaking yaman tiyak
ang katakut-takot na panghahamak at panlalait nito. Dahil ang nais niyang lalake ay may
propesyon o isang edukadong mayaman. Masasabing ang pinag-ugatan ng ugaling
mapagsamantala ni Tonia ay galing sa ina nito, sa madaling sabi namana niya ang ugali ng ina
o naimpluwensiyahan na. Tila ibinebenta niya ang kanyang anak sa isang lalakeng magbibigay
ng kanilang kasaganahan sa buhay. Si Manuel na isang abugado na mayaman subalit dahil sa
pisikal nitong kakulangan ay sinamantala lalo ng ina ni Tonia na mahuthutan ito. Sapagkat
nalalaman ni Manuel na walang magkakagusto sa kanyang babae ay siya namang
panghuhuthot ng ina ng babae sa bulsa ng lalake. Hanggang sa nalaman na lamang ng ibang
tao na ikakasal na pala si Tonia kay Manuel na ikinagulat naman ng iilan sapagkat alam ng mga
ito ang pag-uugali ng mag-ina na hindi basta-basta papatol sa isang lalakeng hindi naman
makapagbibigay ng kanilang karangyaan kasama pa ang ugali nilang mapanlait sa kapwa. Sa
katapusan ng akda nabuo ang kongklusyon nang pagkasuklam ng mga tao sa mag-ina dahil sa
pagsasamantala sa kahinaan ng tao. At naging paksang diwa pa rito na ang isang taong
nagigipit ay natutong magsamantala.
Kapansin-pansin agad ang nais ipahiwatig ng dagli, na hindi sapat na dahilan ang
pagsamantalahan ang tao sa kahinaan nito upang makamit lamang ang magandang buhay na
hinahangad. Nais ng may-akda na imulat ang tao sa kagandahang-asal ng pagiging tapat o
pagkakaroon ng kadakilaan sa pag-ibig at hindi dapat masilaw sa pera o anomang yaman kung
ang magiging bunga ay may nasasaktang tao. Kung kaya sa akdang ito pinapalutang din na
dapat magkaroon ang tao ng magandang pananaw sa buhay.
Dahil ang akda ay panahon pa ng hindi tayo ipinapanganak (1930) kakikitaan ng ilang
pagkapuristang tagalog na mga salita. Masasabing madali pa ring maunawaan ang akda dahil
popular pa rin naman ang pagsasawika ng mga ideya. Naisawika ng maaayos ang mga ideya
upang mailahad ang mga kaisipang kailangang matanggap ng mambabasa. Ang mambabasa
na siyang magiging tagatanggap ng mga ideya ay maiuugnay puso’t diwa ang usaping
panlipunan tungkol sa akda kahit ang taong nakapagitan ay magkalayo subalit napaglalapit pa
rin ang konteksto nito dahil nangyayari pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon ang akdang
ito.
CTE
1. Ano ang pinapaksa ng dagling pinamagatang Pagsasamantala?
2. Paano inilarawan ang mga tauhan sa dagli?
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
a. Kalagayan sa buhay
b. Paniniwala
c. Ugali
3. Paano ipinahayag ang mga kulturang Pilipino na nakapaloob sa akda?
4. Paano sumasalamin sa ating lipunan ang akda?
5. Ano-anong mga suliraning panlipunan ang nakapaloob sa akda at paano ito
mabibigyang solusyon?
Kumakaripas ang mga paa, nag-uunahan ang hininga sa pagsuot sa makitid at liko-
likong eskinita. Pinapatag ng mga mabibigat ngunit mabibilis na yabag, ang bakobakong daan
marating lang ang labasan. Tangan ng kamay ang hinihingal na manlalakbay. Mahigpit ang
pagkakahawak ng mananakbo, sa swerteng pambato ng looban. Sa kanilang husay kasi
nakasalalay ang pusta ng buong barangay. Pustang panawid-gutom. Pustang pambayad-
utang. Pustang inaasam na dumoble, panawid hanggang gabi. Pustang tinayaan ng dasal nang
sila’y pagkalooban.
Ito kasing si manlalakbay, isang buwan munang sinanay. Inihagis sa kanto, hanggang
makarating sa Quiapo. May swerte nga talaga’t may husay. Ni minsan hindi nadagit o naligaw.
Muli’t muling bumabalik sa tahanan niyang maliit, sa ibabaw ng kalawanging bubong ng
kapitbahay.
Kumakaripas ang mga paa. Nag-uunahan ang hininga. Ilang lundag at hakbang na lang. Heto
na ang pinish layn sa tapat ng opisina ng barangay. CTE
Kumakabog ang dibdib ng mga tagalooban. May tumitili. May humihiyaw. May
nagmumura. May mga kaluluwang pigil ang paghinga.
Manhid na pala’t nanginginig ang pawisang kamay nitong mananakbo. Hindi inaasahang
dumulas si manlalakbay sa kanyang kamay. Patay! Hayun! Malayang ikinampay ang pakpak
patungo sa kalangitang inari niyang tunay. Lumipad papalayo sa mundong puno ng sigalot.
Kasamang nilipad ang pag-asang makaramdam ng langit, ang mga kaluluwang ipinusta ang
huling sentimo ng paghinga.
Minsan maihahalintulad natin sa mga kalapati ang pag-abot natin sa ating mga mithiin
sa buhay. Sinisimbolo rin nito ang kalayaan, ang kalayaan na makalipad at magampanan ang
papel nito sa kalikasan bilang ibon. Ganito rin ang mga mananakbo, umaasam din sila na
makalaya o makatakbo papalayo sa kasalakuyang estado kahit minsan lang, na makapamuhay
man lang ng hindi sumasala sa pagkain at sa pamamagitan ng paglasap ng katiting na
tagumpay bunga ng masugid na pagsubaybay at paghabol sa kalapating may dala ng kanilang
kapalaran.
Panimulang Pagsusuri
TREINTA SENTIMOS. Tatlong maliliit at bilog na sensilyo. Iyon din ang halagang sa loob ng
nakaraang linggo’y kumakala-kalansing sa kanyang bulsa. Ano ang mabibili ng treinta sentimos
na iyon?
Halos nakadikit ang kanyang mukha sa salaming eskaparate ng bazaar. Nakatutok ang
kanyang tingin sa isang pamaypay. Nakabihadhad iyon, marikit ang disenyo, isang babaeng
nakabalintawak. Sa lahat ng panghandog na nakikita niya – lighter, bag, losyon, pitaka, huwego
ng kagamitang pampaganda – iyon lang ang pinakamura: P3.50. Binura ang dating P5.00 sa
tag na nakatali sa puluhan ng pamaypay. Baratilyo ang sinasabi ng malalaki at mapupulang titik
sa kartelong nasa ulunan niya.
Mura, naisip niya. At maganda pa. Tiyak na magugustuhan ni Inay. Ngunit treinta sentimos nga
lamang ang kanyang pera, at bukod sa sabon, mumurahing pabango, polbo o suklay, ano pa
ang mabibili niya?
Muli niyang pinagmasdan ang pamaypay. Mukhang matibay ang tela. At pino ang pagkakayari.
May panghihinayang siyang lumayo, nakadukot ang kanang kamay sa bulsa ng pantalon, kipkip
ng kaliwa ang dalawang walang takip na notebook at isang manipis na libro.
Siguro, kung uumpisahan ko ng mag-ipon, naisip niya. Tumingin siya sa ibayo ng lansangan.
Mayroon nang nagtitimpalakang neon ang karatula ng mga tindahan, na kung pumikit o dumilat
ay waring naghahagaran sa pagtuturo sa pangalan ng bazaar.
Noong isang taon, isang dosenang panyo ang ibinigay ko sa kanya. Limang piso yata.
Ang ganda, Ben! Saan ka kumuha ng – sa’n mo nga pala nabili? Sa Avenida. Iyong pera,
ibinigay po ng Itay. Ibili raw ng regalo para sa iyo. Natuwa ang Inay. At ang Itay.
CTE
Nakatungo siya habang naglalakad. Ngayon niya higit na dapat na bigyan ng handog ang
kanyang ina. Hindi lamang dahil kaarawan nito. May sakit ang kanyang ina at pihong matutuwa
ito kapag binigyan niya ng handog. Nais niyang makitang muli na natutuwa ang kanyang ina.
Katulad noong bigyan niya ito ng panyo.
Kamakailan lamang inilabas ng ospital ang kanyang ina. May isang buwang tumigil doon dahil
sa pulmonya. At nang dumating ang kanyang ina, halos pangkuhin na ito ng kanyang ama nang
ipanhik sa bahay.
Payat at maputla ang kanyang ina. Malalim ang dati-rati’y laging nagniningning na mata.
Mahaba an gang nakalugay at walang kintab na buhok. Ibig niyang maiyak.
“Payat ang Inay, ano Ate?” tanong niya sa nakatatandang kapatid. Apat sila. Siya lang ang
lalaki at bunso pa. Labing-apat na taon.
Nakarating siya sa dulo ng Avenida. Nagtatawiran ang mga tao at tumawid siya.
Tumigil ang kanyang mga hakbang sa tapat ng isang tindahan ng alahas. At dahil gabi na, ang
mga nakatanghal na mga relo, singsing, pulseras, kuwintas at iba pa ay tila lalong gumaganda
at nagiging mamahalin sa tama ng ilaw. Palipat-lipat ang kanyang tingin, hindi mapagwari kung
alin ang pinakamaganda at pinakamahal.
Sana’y mayaman ako, nasabi niya tuloy sa sarili. Bibilhin ko’ng lahat ito. Ipababalot ko nang
maganda. At pag-uwi ko, gugulatin ko ang Inay.
Ang ligayang idinudulot ng pangarap na yao’y kagyat na naputol nang masalat niya ang tatlong
CTE
diyes sentimos sa bulsa. At di niya namamalayan, napahakbang siya palayo sa eskaparate.
Nanlabo ang kanyang paningin. Nakabingit at nagbabantang malaglag ang luha sa kanyang
pilikmata.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
Ayaw niyang umuwi hangga’t wala siyang maiuuwing handog. Kahit paano, makakikita siya.
Kailangan niyang makapagbigay. Walang maibigay ang kanyang mga kapatid. Sinabi ng
kanyang Ate na naubos na ang naipon ng kanyang ama sa pagpapagamot sa kanyang ina. At
ang kanyang ama, makapagbigay man ito, ay hindi marahil lalabis sa isang supot ng kahel, sa
isang kahong biskwit – at sangsupot ding gamot.
Naglakad pa siya ng naglakad, nagyo’y hindi na tumitingin sa mga eskaparate. Ayaw na niyang
tumingin. Nahahabag lamang siya sa kanyang sarili – sa kanyang sarili.
Pasado alas otso na nang maisipan niyang umuwi. Hahanapin siya – o maaaring hinahanap na
– ng kanyang ama. Ngunit naisip niya, madali na ang magdahilan. Kahit ngayon lamang siya
uuwi sa gayong oras. Madaling gumawa ng dahilan.
Naglakad lamang siya pauwi. Wala siyang naramdamang pagod. Mabagal ang kanyang mga
hakbang ngunit iyo’y hindi sa hapo. Tuwing makalalampas siya sa isang kanto, habang
nalalapit na sa inuuwiang apartment, ang nadarama niya’y pagbabantulot. Uuwi siya ngayon,
walang dalang ano mang handog.
Happy birthday, Inay. Tila hindi pa niya masasabi iyon. At nasa isip niya, pararaanin na lamang
niya ang araw na iyon, ang gabing iyon na tila pangkaraniwang araw at gabi.
Saglit siyang napahinto. Muli niyang kinapa ang kaliwang kamay ang treinta sentimos. At
sinalubong niya ang magbabalot.
“Ilan?”
“Balot sa puti?”
“Balot sa puti.Ilan?”
“Isa.”
Naghalungkat sa basket ang magbabalot. Inabot sa kanya ang isa.
“Ang asin?” “Siyenga
nga pala.”
“Pahingi ng supot.
Tiningnan siya ng matagal ng kausap. CTE
“Isa lang ang bibilhin mo’y -”
“Pahingi ng supot.”
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
Pagkabayad ay lumakad na siya. Kaiba kaysa kangina, sinaniban na siya ng kaunting ligaya.
Hawak-hawak niya ang supot. Mainit pa ang laman niyon at naisip niyang iyo’y magugustuhan
ng kanyang ina.
Ngayo’y hindi na niya naiisip ang napipitang pamaypay o ang napapangarap niyang
hiyas. Isang balot: sapat na iyon.
Ang kanyang ama ang nagbukas ng apartment nang kumatok siya. Kaagad itong tumingin sa
orasang pandingding pagkakita sa kanya. Alas otso’y medya na.
Hindi niya pinansin ang nag-uusisang titig ng ama. Halos hindi rin niya narinig ang pagtatanong
nito kung kumain na siya. Pagkababa ng mga gamit, pumanhik siya. Dahan-dahan.
Pagdating sa itaas, nakita niyang nakaawang ang pinto. Naaamoy niya ang gamot. Patiyad
siyang lumapit at sumilip. Nakita niyang nakatagilid ang ina, nakaharap sa dingding, ang suot
na putting pantulog ay pinapaninilaw ng lampshade sa ulunan.
Patiyad siyang lumapit sa kama. Tulog ang kanyang ina. Matagal niyang natitigan ang hapis na
mukha nito. Nakaumbok ang buto sa pisngi. Maputla ang labi, tila mabagal ang paghinga.
Idinampi niya ang labi sa buhok ng ina. Pagkaraan, maingat niyang inilagay sa tabi ng unan nito
ang maliit na supot.
Nanaog siya. Nag-iinit ang kanyang katawan. Maya-maya lamang, makikita ng kanyang ina
ang balot kung sino ang naglagay ng naroong supot. Hindi siya kikibo.
Tatahimik lamang siya, maligayang matutulog. Kahit papaano, nabigyan na din niya ng handog
ang ina.
Nakahiga na siya nang marinig niya ang pagulat na pag-uusap sa kuwarto ng mga magulang.
Nabigla ang tinig ng kanyang ina at siya’y nagtaka. Nakarinig siya ng yabag na papalapit sa
silid. Bumukas ang pinto at sumungaw ang mukha ng kanyang ama. Nakangiting kinawayan
siya nito.
Pumasok sila sa silid ng ina. Nakaupo ito sa kama at pinupunasan ang ibaba ng unan. Hawak
ng kaliwang kamay ang napisang balot.
“Ikaw ba, Ben, ang naglagay rito ng balot?” tanong ng kanyang ina. Hindi siya nakakibo.
Hawak ang nabasang supot, pinupunasan ngayon ng kanyang ina ang kama. Parang
may naaagnas sa kanyang dibdib.
“Ikaw raw ang huling pumasok dito,” patuloy ng kanyang ina. “Bakit hindi mo na lang ipinatong
dito?” At itinuro ang kalapit na mesita. Nagpatuloy ito sa pagbulong-bulong.
Ibig maiyak ni Ben. “Ako nga po ang naglagay diyan,” amin niya. “Kasi po, wala akong
maibigay sa inyo nagayon.”
Natigil sa pagpupunas ang kanyang ina. Napatingin ito sa kanya. Nakita niya ang biglang
pagbabago ng mukha nito. Umurong siya, ibig maiyak. Ngayo’y nakita niyang nakatingin ang
ina sa basing supot at nakaakma ang daliring piliin ang makakain doon.
Layunin ng akdaing ito na ilahad ang bahaging hindi napapansin ng marami, na may mga
magulang na “bulag” sa maliliit na ginawang kabutihan ng kanilang (mga) anak. Bagamat hindi
sinasaktan ng pisikal, ang damdamin at isipan ang nakakadama ng hapdi. Totoo na ang
pagmamahal ng magulang sa kanilang (mga) anak ay hindi mapapantayan at walang hindi
sasang-ayon sa katagang ito. Pinapatunayan ito ng nakasanayan na daloy ng unibersal na
relasyon ng magulang sa anak o anak sa magulang…ang hindi mapuputol at matibay na
ugnayan nila sa isa’t isa. Walang duda na nang dahil sa pagmamahal ng magulang sa (mga)
anak ay nagagawa nito ang imposibleng bagay kabilang na rito ang paglabag sa kung ano
tama at dapat. Idagdag din rito ang pagbibigay agad ng paghuhusga na hindi man lamang
inalam ang tunay na motibo tulad ng paglalagay ni Ben ng supot na naglalaman ng balot sa
ulunan ng kanyang ina bilang pasalubong at laking gulat na lamang niya ng kagalitan siya nito
sa kabila ng pag-alala niya rito at pag-iisip sa kung anong bagay ang maaari niyang maibigay
man lang at magpasaya sa kaarawan nito.
Hindi mahirap basahin at unawain ang maikling kuwento na ito sapagkat ang bawat isa sa atin
ay madaling makakaugnay (makaka-relate) sa sitwasyon at pagkilos na ginagawa ng bawat
tauhan. Nabigyang linaw ang mga ideya na nais ilahad at maayos na nabalangkas ang daloy
ng mga kaganapan. Kung iuugnay ito sa ating kasalukuyang panahon ay malaki ang
pagkakahawig nito sa maraming pamilya na dumadaan sa ganitong uri ng relasyon.
CTE
MULTO NG ISANG TRAHEDYA Arlan M. Camba
Gumimbal sa buong kampus ang masamang balitang ito. Naging laman ng maraming
pahayagan ang krimen at naging usap-usapan ang brutal na kinasapitan ng naturang
estudyante sa kamay ng mga holdaper.
Isang working student, patungong eskwelahan galing sa pinapasukang trabaho ang naturang
biktima. Sumakay ito ng FX taxi at bumagtas sa kahabaan ng Ortigas Extension. Hindi pa
nakakalayo ang sasakyan ay sumakay ang tatlong kalalakihan. Isa sa harapan, katabi ng
drayber, isa sa panggitnang upuan at ang isa ay sa hulihan. Mag-aalasais na ng hapon ang
mga oras na ‘yon. Manaka-nakang binabalutan na ng dilim ang buong kalangitan. Hindi pa
man kumakanan ang FX taxi patungong Imelda Avenue ay nagdeklara na ng holdap ang mga
salarin. Agad-agad na nilimas ng mga holdaper ang mga pera, relo at cellphone ng mga
biktima. Mabilis na tumakas ang mga salarin ngunit bago lubusang makaalis, nagpakawala ang
mga ito ng isang putok mula sa isang 9 mm kalibre ng baril. Tumama ang bala sa katawan ng
biktima. Tinamaan ang atay na naglagos hanggang sa kanyang baga. Dinala ito sa
pinakamalapit na ospital ngunit hindi pinalad na maisalba pa ang kanyang buhay.
Nang pumasok ako ng araw na iyon ay nagimbal ako sa katahimikan sa loob ng silid-aralan.
Bakas sa mukha ng aking mga estudyante ang matinding pagdadalamhati. Ang iba ay
kababakasan ng matinding kalungkutan, ang ilan ay hindi mapigilan ang maiyak at maluha sa
pagkawala ng isang kaklase na itinuring na rin nilang kaibigan, kaharutan at kakulitan sa mga
panahong sila ay magkakasama.
“Sir, si Shiela… si Shiela Buenafe… ‘yung klasmeyt naming laging late sa sa klase natin…”
“Ms. Buenafe… late ka na naman…!” Ang madalas kong paninita sa kanya. Pamumulahan
siya ng mukha. Waring nahihiya at ang tanging itutugon niya sa akin ay isang matipid na ngiti
kasabay ng sabing; “sir, hindi na po mauulit…”
Ngunit ang mga pangako ay hindi lang tatlo o ilang beses pa na napako. Naging kalakaran na
sa loob ng klase ang pagiging late ni Ms. Buenafe. Kung baga, nasanay na kami. Minsan,
inaantabayanan pa namin ang kanyang pagdating. At madalas ang kanyang pagiging late ang
nagiging sentro ng katatawanan. Siya ang aming nagiging object of laughter. Kapag
nararamdaman naming paparating na siya at papasok na ng silid, papalakpak nang malakas
ang buong klase. Magugulat at mabibigla si Ms. Buenafe. Para siyang isang artistang binigyan
ng standing ovation matapos ang isang matinding performance. Pero sa kanya, wala lang…
deadma lang… kakaway pa ang ale at saka magba-bow…!
Ngunit kahit anong tindi ng pagiging late ni Shiela, kailanman ay hindi siya umabsent. Kahit 15
minutes na lang before the bell, papasok pa rin siya at ako ay kakausapin.
“Aba’y dapat matuto kang mag-prioritized…! Ano bang mas uunahin mo, ang mag-aral o
magtrabaho? Hindi pwedeng laging ganyan! Lagi mo na lang sinasakripisyo ang subject ko…
ano ang tingin mo sa klase natin… bakasyunan?!” ang mariin ngunit mahinahon kong sabi sa
kanya.
Iyuyuko lamang ni Shiela ang kanyang ulo. Mananahimik. Pinakikinggan lamang ang sermon
ko. At pagkatapos, buong pagpapakumbabang hihingi siya ng sorry kasabay ng pagsasabing
CTE
“sir, babawi po ako…”
Ewan, pero kailanman ay hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya. Siguro ay dahil may
bahagi sa kanya na nakikita ko ang aking sarili, o marahil ay dahil sa angkin nitong likas na
talino at abilidad. Hindi man siya nakakapasok ng tamang oras sa klase ko, sinisigurado naman
ni Shiela na nagagawa niya ang lahat ng assignments at requirements sa aking subject.
Nagagawa niyang maipasa ang mga quizzes at exams. Nakakasagot sa mga graded
recitations; bagaman pumapalya sa ilang group work at class discussion; dama mo ang
kanyang pagpupursige, makikita mo ang kanyang determinasyon. Sa kanyang maliit na paraan
pinagsusumikapan niyang punan ang kanyang mga pagkukulang. At sa kabila ng pagbabanat
ng buto upang makapag-aral, tiyak kong isa siyang taong punong-puno ng pangarap.
Gabi, nagpasya akong sadyain ang kinaroroonan ng lamayan. Matarik ang lugar na aking
tinalunton. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang kulumpon ng mga taong naglalamay. Nasa
dulo ng putol na daan ang kinaroroonan ng lugar. Nagtutumpukan ang mga tao, kanya-
kanyang umpukan sa bawat mesa habang abala sa paglalaro, panonood at “pagmimiron” sa
mga nagsusugal. Sa isang panig ay makikita ang ilang grupo ng mga kabataang
nagkakatuwaan at nagkakantahan. Ngunit ang mas nakakatawag pansin ay ang manaka-
nakang bulong-bulungan at alingasngas ng mga makakati ang dilang pinagpipiyestahan ang
tunay na kinasapitan ng kaawa-awang biktima.
Dahop ang lugar, walang rangyang maipagmamalaki. Sabihin pa ngang ito nga ay isang
iskwater. Ang mga nakatira dito ay umaasa sa awa ng gobyernong ipagkaloob sa kanila ang
kapirasong lupang kinatitirikan ng kanilang tirahan. Ang kabuuan ng lamayan ay
niyuyungyungan ng malaking tolda na sadyang inilagay upang pananggalang sa init ng araw at
kung sakaling bumuhos ang malakas na ulan. Salamat sa kapitan ng baranggay (na ang
pangalan ay nakasulat pa sa malapad na tolda) na matatakbuhan at mahihingan ng tulong sa
mga pagkakataong katulad nito.
Pasintabi akong pumasok ng bahay. Nabungaran ko ang isang babaeng namumugto ang
mata at halos napabayaan ang sarili simula nang mangyari ang trahedya. Tantiya kong siya
ang ina. Humigit kumulang sa apatnapu at limang taon ang edad na lalo pang pinatanda ng
mga gatlang makikita sa kanyang mukha. Kapansin-pansin ang nanunuyo at nangunguluntoy
na balat, ang naghuhumindig na ugat sa bisig at kamay na tanda nang matagal-tagal na ring
pakikipagbuno sa mga labada. Sinalubong niya ako ng isang “pilit na ngiti” kasabay ng
mahinang anas na “tuloy po kayo,” pinaupo niya ako at pagkatapos ay inalok ng biskwit at
malabnaw na kape.
Hindi ko maiwasang igala ang paningin sa loob ng kabahayan. Sa harap ay naroroon ang
puting kabaong. Kapansin-pansin ang tatlong sisiw na nanginginain sa ibabaw nito. Sinasabi
at pinaniniwalaang ito daw ang uusig sa mga budhi ng sinumang responsable sa krimen.
Umaasa na makonsensya at sumuko sa batas upang mapanagot sa ginawang
CTEbombilyang
kawalanghiyaan. Sa magkabilang dulo ng ataul ay nakatambad ang ilang piraso ng
nagbibigay ng liwanag at tila mga gwardyang nagbabantay sa katawang nakahimlay sa loob ng
ataul. Mayayabong at makukulay ang mga “korona.” Koronang hindi ipinuputong sa mga hari
at reyna kundi koronang nakalaan lamang para sa mga patay.
Sa gitnang bahagi ng ataul ay nakapatong ang isang larawan. Kuha ito sa kanyang
pagtatapos sa hayskul. Litaw na litaw ang kanyang ganda sa suot niyang puting-puting toga.
Ngunit ang nakakatawag pansin ay ang kanyang matipid na ngiti na pinaningning ng kanyang
matang punong-puno ng pag-asa at pangarap ngunit ngayon ay dinupilas ng malagim na
karahasan.
Tumambad sa may pintuan ang isang lalaki. Matangkad ngunit may kapayatan.
Nakasumbrero ito. Nangungupas ang suot na polo. Nagnanasnas ang kupasing maong na pilit
binagayan ng de-gomang sapatos. At ang braso’y nangingintab sa pawis na tinatamaan nang
malamlam na sinag buhat sa liwanag ng bombilya. Humpak ang pisngi na ang mukha’y
pinagiging barumbado ng makapal na tubo ng balbas at bigote. Ang mga mata’y tigib ng
malalim na damdamin. Panatag ang kaanyuan ngunit naroon ang tinitimping galit na anumang
oras ay maaaring magsilakbo, maaaring kumulo at sumambulat.
Agad nitong binungaran ang bangkay ng anak. Hinimas-himas pa ang puting kabaong.
Animo’y kinakausap at inaalo ang nakahimlay na katawan ng anak. Mayamaya’y naulinigan ko
ang hikbi at hibik ng pinipigilang damdamin; hanggang ang damdami’y kumawala sa
pagpalahaw. Bumulanghit sa pagnguyngoy ang amang ninakawan ng pag-asa, ang anak na
katuparan ng kanyang pangarap, ang anak na kahulugan ng kanyang buhay at ang sumatutal
nang lahat-lahat niyang pagsisikap. Humahagulgol ang ama sa kapaitang sinapit nang walang
kalaban-labang anak sa mga kamay ng mga buhong na kriminal. Anong klaseng damdamin
ang umaalimpuyos sa kanyang pagkatao?
Matagal-tagal din bago napahupa ang eksenang iyon. Dama ang lungkot at paghihinagpis ng
isang pamilyang naghahanap ng katarungan sa tinamong trahedya.
Nagpasya na akong umuwi, ngunit bago tuluyang magpaalam, makailang ulit ko pang sinilip
ang bangkay ng aking estudyante. Wala na ang mga tingin, wala na rin ang mga ngiti at ang
CTE
naroon ay ang kalunos-lunos na kaanyuan ng isang biktimang hindi matanggap ang tinamong
napakaagang kamatayan. Waring naghahanap ng hustisya sa walang saysay at walang
kapararakang pagkamatay. At naitanong ko sa aking sarili;
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
“may kahulugan pa ba ang budhi at konsensya sa katuturan ng buhay kung ang pumatay ang
magiging kasagutan sa nararamdamang kagutuman?”
Umalis akong halos nagugulumihanan. Sa daan papauwi, nagsusumiksik pa rin sa utak ang
katanungang iyon. Sa sulok ng isip ay naroroon ang agam-agam at pagkatakot.
Nangangamba na wala nang kaligtasan ang mga oras at sandali ng pagiisa. Walang pinipiling
oras ang karahasan. Ang masamang elemento ay naririyan lamang, naghahanap nang tamang
pagkakataon upang sumalakay, sumila ng mabibiktima at isakatuparan ang masamang balakin
hanggang magwakas sa nakapanlulumong trahedya.
Hindi ako nakatulog ng gabing ‘yon. Pabiling-biling ako sa higaan. Maging sa pagtulog ay
naroon ang takot na baka bukas ay hindi na magising. Bumangon ako sa pagkakahiga, ayaw
akong dalawin ng antok. Kinuha ko mula sa ibabaw ng tokador ang aking cellphone. Binuksan
iyon sa pag-aakalang baka may matanggap na message. Pagkatapos ay binuksan ko ang
phonebook; ini-scroll ito pababa. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pangalang SHIELA
B., nakarehistro rin ang numero ng kanyang cellphone. Hindi ako maaaring magkamali, ito ang
cellphone number ni Shiela Buenafe; ang aking estudyante, ang walang iba kundi ang nag-
iisang biktima ng madugong holdapan. Naalala kong ibinigay niya sa akin ang kanyang numero
isang buwan bago maganap ang nasabing insidente; at ang sim card kung saan nakarehistro
ang numerong iyon ay kasama sa mga cellphone na nilimas ng mga holdaper.
May kung anong bagay na pumasok sa aking isip. Hindi ko namalayan ang pagpindot ng mga
daliri sa cellphone patungong create message. Nag-text ako ng mensahe at isinend sa numero
ni Sheila. Bahala na kung may mag-reply, hindi ako umaasa. Ang mahalaga ay nasabi ko ang
mensaheng gusto kong sabihin. Ngunit sa isang saglit lang ay nag-ring ang cellphone.
Binuksan ko ito at nag-appear ang pangalang SHIELA B.. May bahagyang takot akong
naramdaman. Pinindot kong muli ang cellphone; binasa ang message at agad akong nag-
reply. Hindi ko inaasahang ang sasagot sa akin ay ang mismong mga holdaper na may tangan
sa cellphone ni Sheila. Ilang beses pa kaming nagpalitan ng mensahe. Maiksi, ngunit
malaman ang kabuuang takbo ng aming pag-uusap…
AKO: d’re bkt nman ganun? hinoldap mo n nga, bkt nman pinatay mo pa?!!!
HOLDAPER: SORI N LANG BAY… GNUN TLGA ANG BUHAY… WG KNG MG-ALA2… IKW
NMAN ANG ISU2NOD KO!
AKO: ikw ang bhla… syang lng tlga ung bata, estudyante un! mraming pngarap tpos pinatay
mo lang!
AKO: gnun b? nsa syo yn, cguro nman may konsensya kp… pro bago un gusto kong
mgpkila2 syo… ako nga pla si SHIELA BUENAFE…ung hinoldap at pnatay mo nung isang
araw!!!
Wala akong alam kung anong klaseng takbo ng pag-iisip meron ang katulad nilang mga
kriminal. Iniisip ko tuloy kung meron pa bang takot na natitira sa kanilang katawan o may
sumbat pa ba ang kanilang budhi o talagang wala na silang mga konsensya. Ngunit nang
magpakilala akong ako si Sheila Buenafe na hinoldap nila at pinatay, hindi na sila nagtangkang
sumagot o mag-reply man lang!
Matapos ang pangyayaring iyon ay pinilit kong maging normal ang lahat. Maging sa loob ng
eskwelahang pinapasukan ay minabuti ko at ng aking mga estudyante na iwasang pag-usapan
ang mga bagay na patungkol sa naturang trahedya. Ngunit ilang linggo lamang ang nakalipas,
nakatanggap ako ng balita na isa sa tatlong suspek ang nasukol sa isinagawang follow-up
operation ng mga operatiba.
Isang lalaki na nasa pagitan ng dalawampu’t walo hanggang tatlumpu’t limang taong gulang
ang nadakip ng mga pulis. Nutoryus ito sa kanilang lugar sa kasong pagnanakaw at patung-
patong ang kinakaharap na kasong robbery at hold-up w/ homicide. Ayon sa paunang
imbestigasyon, siya ang primary suspect. Siya rin ang trigger man; ang kumalabit ng gatilyo ng
9mm na kalibre ng baril na umutas sa buhay ng kaawa-awang biktima.
Magandang balita ito para sa lahat sapagkat magkakaroon na rin ng hustisya ang pagkamatay
ni Sheila. At ang pagkadakip sa naturang salarin ang magiging daan sa tiyak na pagkahuli sa
dalawa pang natitirang suspek.
Ang alyas na Bong Baho ay hindi na naiiba sa akin. Ito ang alyas ng isang kababata at
kakilala na kapanabayang nagtutulak ng kariton sa pagdyadyaryo at pagbobote. Noon ay laman
kami ng mga kalsada. Magkakasama kaming naghahanap ng mga tumpok ng basura na aming
kakalkalin upang mamulot ng plastik, bakal, bote, garapa, karton at tanso na aming ipagbibili sa
junk shop ni Tambong. Libot namin ang kalsada ng buong Rosario, De Castro, St. Joseph,
Junction, Manggahan, Santolan, Ugong at ilang kalye sa Marikina. Laman kami ng mga
subdibisyon ng mga lugar na ito sa pag-aakalang makaka-jackpot ng “mina” sa basura na
kadalasang ang kinauuwian ay ang pakikipaghabulan sa mga gwardya at kung minsan ay
pinapahabol kami sa naglalakihang mga aso. Nakita ko pa nga kung paano CTE sagpangin ng
police dog ang binti ni Bong habang palundag na umaakyat ng pader. Sa halip na bigyan ng
paunang lunas ang tinamong pinsala ng mga gwardyang nakahuli sa kanya; pinagsusuntok pa
nila ito at pinaggugulpi.
Naging tampulan ng tukso kay Bong ang karanasang iyon. Malimit na ito ang dahilan ng
kanyang pakikipagbabag at pakikipag-away sa pang-aalaska at pang-aasar ng kanyang mga
kababata. Simula noon ay naging palaiwas si Bong. Hindi na siya sumasama sa amin at
madalas ay gumagawa siya ng sariling “diskarte” sa pamumulot ng basura.
May kakatuwang ugali itong si Bong; tuwing hapon bago ibenta sa junk shop ang mga napulot
na plastik at bote ay ugali niya na maligo at sumisid sa mabaho at kulay itim na tubig ng
Manggahan Floodway saka didiretso sa junk shop ni Tambong na basang-basa at nakakapit sa
katawan ang mabaho at masangsang na amoy ng pinagpaliguan. “Bong Baho” ang naging
palasak na tawag sa kanya simula noon.
Naging mahigpit hanggang sa ipagbawal na sa mga magbobote ang pumasok sa loob ng mga
subdibisyon. Naging todo-bantay ang mga gwardya dahil sa mga napabalitang nakawan kung
katanghaliang tapat at patay ang oras at ang mga kasambahay ay kasalukuyang
nagpapahinga. Hindi naman kalakihan at mamahalin ang mga nawawala at ninanakaw na
bagay; ‘ika nga ay small time lang. Kakatuwang isipin na ang mga butas na kaldero, kaserola,
kawali, sandok at takure ang pinagdidiskitahang “pitikin” at “umitin” ng sinasabing magnanakaw.
Hanggang isang araw, naging usap-usapan sa junk shop ni Tambong ang pagkakahuli kay
Bong Baho habang papatalon sa isang pader ng niloobang bahay bitbit ang isang sandok at
takip ng kaldero. Sa mga gwardya pa lang ng subdibisyon ay katakut-takot na na panggugulpi
at pambubugbog ang kanyang naranasan. Hanggang sa Barangay Hall ay pilit na pinaamin
kay Bong Baho na siya ang responsible sa iba pang nangyaring nakawan. Hindi naman niya
itinanggi ang gayung mga akusasyon. At nang tanungin kung bakit niya ginagawa ang gayung
bagay; walang kagatul-gatol na sinabi niyang kailangan niya ng pera. Ang bawat kilo ng
napagbentahang aluminum na kaldero, kaserola, kawali, sandok at takure ay malaking tulong
para ipanustos sa gamot ng inang may tuberkulosis.
Batay sa pagsisiyasat ng mga nag-imbestiga, hindi nagawang ibenta ni Bong Baho ang lahat
ng mga ninakaw na bagay. Ang mga ito ay kanyang itinago at tinipon. Isinilid sa mga sako na
nakatali sa kung tawagin ay mga “taeng-bakal” (palasak na tawag sa namuong pinagtunawan
ng bakal) na nasa ilalim ng mabaho at maitim na tubig ng Manggahan Floodway.
Pinagdusahan ni Bong Baho ang krimeng iyon. Isang linggo matapos makalaya, namatay ang
kanyang ina sanhi ng maraming komplikasyon. Magmula noon ay hindi na siya napagkakakita
sa aming lugar. Hindi na rin siya naglalabas ng kariton sa pagbobote. Hanggang lisanin ko
CTE
ang lugar na iyon, lumipat ng matitirhan at makapagturo; wala na akong balita sa kanya na
naging kababata at kakilala.
Batbat pa rin ng pagkabagabag ang aking nararamdaman. Mabilis ang tibok ng aking puso.
Nagsasala-salabat ang mga katanungang naghahanap ng kasagutan. May gustong maapuhap
sa buong pagkatao ng naturang suspek. Binabagabag ako ng kasalukuyan. Gusto kong
bumalik sa nakaraan nang sa gayu’y ‘wag akong sumbatan ng aking hinaharap.
Dali-dali akong nagtungo sa istasyon ng pulis. Sa may information desk, nagusisa ako sa
kalagayan ng suspek. Ipinabasa sa akin ang isang log book na naglalaman ng impormasyon
ng naturang kriminal: DOGOMEO BAUI Y BAUTISTA
a.k.a “BONG BAHO”: CASE # 4283030, ROBBERY, HOLDAP W/ HOMICIDE.
Lalo akong kinabahan. Parang binabayo nang makailang ulit ang aking dibdib. May kung
anong damdamin ang lumulukso sa aking pagkatao. Agad itinuro sa akin ang kinaroroonan ng
selda. Sinamahan ako ng isang unipormadong pulis. Parang may tumutulak sa akin ngunit
mabigat ang mga paa sa paghakbang.
Pabulyaw ang pagkakasabi ng pulis. Ang mga preso ay parang mga dagang nagpulasan
kasabay nang pagbaling ng tingin sa pulis na hindi naman katabaan ngunit nakausli ang
malaking tiyan.
Sandali ko munang ikinubli ang sarili sa gilid ng pader. Kahit paano ay may tensyon akong
nararamdaman. May namumuong takot sa dibdib na ang haharapin ay isang mamamatay tao;
isang magnanakaw, isang kriminal. Ngunit ang kadahupan sa sagot sa mga tanong ng
nakaraan ay tila mga barenang nagpaparindi sa aking sintido. Bumabaon sa isip ang mga
larawang iyon. Nakapagpapangilo ang mga eksenang nagpapaalala ng aking nakaraan.
Huminga ako nang malalim. Humugot ng lakas ng loob. Humakbang akong paharap sa selda.
Nabungaran ang isang lalaking nakayuko; hawak sa magkabilang kamay ang rehas CTE
na bakal.
May kapayatan ngunit namimintog ang mga masel. Kapansin-pansin ang mga tattoo na
nakaguhit sa braso, binti at sa hubad na katawan. May mahabang peklat sa kaliwang bahagi ng
tagiliran. Bagaman nakayuko, aninag ang bukol at pasa sa kanyang kanang pisngi. May
sariwang sugat siya sa ibabaw ng kaliwang kilay.
Iniangat niya ang kanyang ulo. Nagtama ang aming paningin. Hindi ito nagbitaw.
Nagtatanong ang aking mata. Nag-uusisa. Hinahanap sa kanyang tingin ang kasagutan.
Walang pagdadamot na nagpaubaya siya ng mga ganting titig. Malalim at matalim ang
kanyang mga titig; at hindi ko man lamang siya kinakitaan ng pagkabigla. Walang katinag-tinag.
Nananatili siyang kalmado. Ngunit sa kanyang balintataw ay masasalamin ang matinding poot
na ikinikimkim. Nag-aapoy ang kanyang mga mata. Nag-aalab. Naglalagablab ang damdaming
ikinukubli nang matagal na panahon. Napapaso ako sa kanyang tingin. At bago tuluyang
matupok ng kanyang mga titig; ako na ang bumasag ng katahimikan.
Patuloy pa rin ang pagkabog ng aking dibdib. Nag-aabang ng maaari niyang isagot.
Sumandaling katahimikan. Bahagya siyang yumuko. Iniwas ang mata sa akin. At ang
inaasahang tugon sa ipinukol kong tanong ay sinagot nang marahan ngunit pikitmatang pag-
iling. Nagngangalit ang kanyang panga. Nagtitiim ang kanyang bagang. Muli niya akong
tinitigan. Mata sa mata. Sabay hagod nang mapanukat na tingin sa aking kabuuan; “mula ulo
hanggang paa, mula paa hanggang ulo.” Umatras siyang papalayo sa selda. Bumitaw ang
dalawang kamay sa pagkakahawak sa rehas na bakal. At sa ikalawang pagkakataon ay muli
niya akong hinagod ng tingin ngunit ngayon ay mas mapang-usig; “mula paa hanggang ulo,
mula ulo hanggang paa…!”
Matigas ang kanyang pagtanggi. Nakakarindi sa pandinig na lalo pang nagpabilis sa pintig ng
aking puso. Bumaling ako ng tingin sa pulis; kapwa kami nabigla. Muli kong itinapon ang tingin
kay Bong. Ngayon ay mapanudyo ang kanyang ngiti… hindi ngiti kundi ngisi ng isang taong
nanunukso, nanunuya, nang-aasar.
Tumalikod siyang tinalunton ang dulo ng selda at hindi na muling lumingon pa. Halos patakbo
akong napakapit sa selda. Dalawang kamay na napahawak sa rehas na bakal. Gusto ko
siyang pigilan ngunit naumid ang aking labi. Hindi ako nakapagsalita. May kung anong bagay
na humarang sa aking lalamunan. Nakaramdam ako nang matinding kahihiyan sa buong
pagkatao. At habang sinusundan ko ng tingin ang papalayong kababata’t kakilala ay nakita ko
ang sariling ibinilanggo sa mga sumbat ng mga multo ng isang trahedya.
CTE
Bawat tao ay may kanya-kanyang multo sa buhay. Marami ang hindi maaaring ibaon sa
limot kung kaya nagiging sugat na ito ng alaala. Ang kwento’y pumapaksa sa isang taong
minumulto pa rin ng kahapon. Marami sa kanyang alaala ang hindi pa rin mawaglit sa isipan
dahil sa trahedyang dinanas ng pangunahing tauhan sa kwento.
Isang guro ang pangunahing tauhan sa kwento. Nagimbal siya sa isang balita tungkol sa
trahedyang sinapit ng kanyang estudyante. Pinatay pagkatapos pagnakawan ang kaawa-awang
estudyante. Ang estudyante niyang iyon ay isang working student na kadalasan ay tampulan ng
tukso o sentro ng atraksyon dahil sa madalas nitong pagkahuli sa klase. Hindi inakala ng
pangunahing tauhan na ang kumitil sa buhay ng kanyang estudyante ay isang kababata na
naging kasakasama niya sa kanyang kabataan. Nasukol naman ng awtoridad ang kababata ng
pangunahing tauhan at nagkaroon siya ng pagkakataon na ito’y sadyain sa piitang
kinalalagyan. Subalit hindi siya kinilala bilang isang kababata nito kung kaya’t humantong iyon
sa pagiging bilanggo ng trahedya.
Kung palulutangin ang paksang diwa ng kwentong ito kababakasan ito ng iba’t ibang multo
trahedya na na nakaangkla sa mga tauhan ng akda. Trahedya ang maging biktima sa krimen
na humantong sa kamatayan hindi lamang ng katawang-lupa kundi kamatayan rin ng pangarap
upang maiahon sa kahirapan ang sarili kasama ang mga mahal sa buhay. Patuloy na
magmumulto ang pangarap na iyon sa mga naiwang mahal sa buhay ng estudyante. Ang
krimen na kinasangkutan ng isang tauhan sa kwento ay nagdulot din ng trahedya sa buhay nito,
dahil ang pangyayaring iyon ang magpapaalala sa tauhan na isa siyang kriminal na kumitil sa
isang kaawa-awang estudyante. Dahil sa ginawang krimen na iyon magiging tatak na nito ang
panghuhusga sa kanya ng lipunan bilang isang masamang indibidwal. Isang malaking trahedya
sa buhay ng pangunahing tauhan ang malaman na ang mga taong naging bahagi ng kanyang
buhay ay bumuo ng isang di malilimutang tagpo na magpapaalala sa kanya upang multuhin pa
lalo ng kahapon. Mapapansin ang kabalintunaan sa buhay ng tao na sa dinami-dami ng taong
magiging biktima ng krimen ay ang kanyang estudyante na madalas pa niyang mapagalitan at
sa dinami-dami ng gagawa ng krimen ay ang dati niya pang kababata.
Kung babasahin ang akdang ito kakikitaan ng magaan na paggamit ng Wikang Filipino. Ang
dayalogo ng bawat tauhan ay akma sa kanilang pananalita batay sa kalagayang panlipunang
nailarawan ng may-akda. Mas magaan ang paglalarawan ng mga tagpo, pangyayari at kilos ng
mga tauhan dahil ang mga katagang ginamit ay karaniwang ginagamit sa diskurso ng
nakararaming tao.
Kung sakaling mabasa ito ng isang mambabasa na panatiko ng iba’t ibang akdang
pampanitikan lulutang ang iba’t ibang tugon o reaksyon ng mga ito. Karaniwan ang tugon ay
sasabihing ay makapagdamdamin ang kabuuan sapagkat hanggang sa dulo ng akda ay
kakikitaan ng pagdurusa ng lahat ng tauhan. Lutang na lutang rin ang tiyak na tugon na may
suliraning panlipunan ang akda na kadalasan ay nasaksihan na ng mambabasa o nabalitaan sa
iba’t ibang kaparaanan. Tiyak din na ang pagtanggap ng mambabasa ng panitikan sa akdang
ito ay magsasabing ang estilo ng pagkukuwento ay may mabilis na daloy ng mga pangyayari at
hindi paliguy-ligoy. Maaaring mayroon ding kaayawan ang mambabasa sa akdang ito o
maaaring magkaroon ng sariling kuru-kuro kung paano ba dapat ang naging takbo ng kwento.
Kadalasan ang wakas ng kwento ang nakikita na nais na mabago. Ang mga bitin na tagpo sa
pagwawakas sa kwento ay kinaaayawan ng nakararami sapagkat nais nilang matapos ang
kwento na may tiyak na wakas. Ang ilan naming mambabasa ay kinahihiligan ang nabibitin na
kwento o sa Ingles kung tawagin ay “open ended.” Sa pagwawakas ng kwento nabibigyang
pagkakataon ang mambabasa na maghinuha ng mga posibilidad na mangyayari na ibinitin ang
wakas ng may-akda.
CTE
ANG DULA
Ang dula ayon sa batikang manunulat na si Rene O. Villanueva (2006) ay “Isang anyo ng
malikhaing pahayag.” Ibig sabihin, sumusulat tayo ng dula para magpahayag; o dahil may ibig
tayong sabihin. Hindi kinakailangang mahalaga, dakila, napapanahon o monumental ang gusto
nating sabihin. Ang mahalaga, malinaw sa atin na meron tayong gustong sabihin, ano man
iyon. Sa dula ang pangunahing kailangan ay aksyon at usapan.
Bukod sa ang dula ay isang pahayag, pansinin na ang dula ay isang malikhaing pahayag. Ano
ba ang tinatawag na malikhain? Malikhain ang isang pahayag kunmg ito ay makintal at
mapagparanas. Sa Ingles, impressive and evocative. Makintal: tumitimo, bumabaon sa
sinumang makaranas ng pahayag. Mapagparanas: may kakayahang magpadama, maranasan
ng nakakita o nakarinig. Magagawa ito sa pamamagitan ng paggamit sa ilang batayang
sangkap ng dula: tauhan, banghay, o tema.
Inilahad naman sa websayt na wikipilipinas.org na ang dula ay isang uri ng panitikang ang
pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng
panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
………………………………………………
1. Tauhan (Character) – siya ang kumikilos sa dula. Kapag may tauhan, may pangyayari. May
magaganap na pagbabago.
2. Banghay (Plot) – ito ang estruktura o kabuuan ng mga pangyayari sa dula; ang kabuuan
ng pagkilos ng isang tauhan mula simula hanggang katapusan ng dula.
3. Tema (Theme) – ito ay may kaugnayan din sa pahayag (kaya napakaimportante ng gusting
sabihin sa dula!) pero ispesipiko at mas tiyak ang anyo kaysa pahayag. ang tema ay
maaaring moral lesson, premise o insight.
a. Ang tema bilang moral lesson ay may kinalaman sa paghuhusga sa gawi, ugali, o
halagahan: maaaring tama o mali o tamang ugali o halagahan.
b. Ang premise naman ay isang kaisipang kailangang patotohanan ng mga pangyayari sa
dula. Hindi kailangang patotohanan ay isang katotohanang unibersal. Ang dula mismo
ang magpapatotoo sa piniling premise.
c. Ang insight ay isang kagyat na pagkatanto tungkol sa isang pangyayari o tauhan.
a. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
b. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o
kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na
isang suliranin ang isang dula
Para kay Rene Villanueva (2006), mahalaga ang tauhan bilang sangkap ng dula. Isinaad
nga sa itaas na ang tauhan ang siyang kumikilos sa dula, kapag may tauhan may pangyayari at
may magagnap na pagbabago. Para makalikha ng isang tauhan, talong bagay ang
kinakailangan: pangalan, edad at kalagayan sa buhay. Matapos tukuyin ang tatlong katangian
na magbibigay ng indibidwalidad sa tauhan, kailangang gawing dramatiko ang tauhan. Isunod
naman ang kaniyang mithi, balakid at kapalaran.
Ang mithi ay isang kongkretong bagay na gustong makamit ng tauhan. maaring ito’y isang
makapagtapos ng pag-aaral, maghiganti atbp. Kailangang maging kongkreto ang mithi
sapagkat ang pagtukoy sa tunay na mithi ng tauhan sa dula ay kaakibat ng pagtukoy sa kung
ano ang magpapaligaya sa tauhan.
Pagkatapos nito’y isunod ang kapalaran, ditto pagpapasiyahan ng manunulat kung ano ang
kahihinatnaty ng mga tauhan sa dula.
May apat na kapalaran ang maaaring kahantungan ng tauhan. Maaring makamit niya ang
minimithi at lumigaya; Hindi makamit ang mithi at hindi lumigaya; Makamit ang kanyang mithi
ngunit hindi liligaya; o Hindi makamit ang mithi pero magiging maligaya.
At ang huli, ang pagtukoy sa balakid o anumang bagay na hadlang sa minimithi ng tauhan.
Karaniwan, tatlo ang uri ng balakid: Panloob, Panlabas o Pangkapaligiran. Psychological.
Physical. Social. Environmental. Ang nasabing mga balakid ay kakatawanin ng isa pang tauhan
sa dula.
CTE
Mga Halimbawa at Panimulang Pagsusuri ng Dula
MGA TAUHAN:
LOLA, 76 anyos, maitim, tindera ng turon at banana cue
ELSA, estudyante
MANGGAGAWA 1
MANGGAGAWA 2
TAGPUAN:
Gabi, kasalukuyan. Sa isang maliit na puwesto ng banana cue sa may Recto.Ilang hakbang
mula sa panulukan ng Recto at Bilibid Viejo, katapat ng terminal ng Victory Liner, may maliit na
pondahan ng banana cue at turon. Sa bukana ng tindahan na hindi hihigit sa dalawang dipa
ang lapad at luwang, maymahabang lutuan ng turon at banana cue. Nakapastong ditto ang
isang kusinilya at nagtambak ang mga dahon ng saging at piling-piling na binalatang saging na
saba. Hindi kailangang makita o maaninag ng manonood ang mga ito sa pagsisimula ng dula.
May gaserang ilawan sa isang tabi.Nakaupo sa harap ng pondahan ang matabang matanda.
Maaaring may mga taong nagdaraan sa harapan, pero walang pumapansin sa kanya. Gabi na.
Sa simula, tila wala sa sariling nilalapirot ng LOLA ang isang maliit, parihabang tuwalyang puti,
na halos kulay-libag na sa pawis at alikabok; habang panay ang pahid niya sahumuhulas na
pawis sa mukha’t leeg. Kausap ang manonood.
LOLA:
Wala pa ba? (Hawak ang gasera, sisilip siya sa magkabilang tabi.) Lintek! ang tagal naman.
Sibsib na ang dilim a. Sigurado namang me nagreport na sa kanila.Me nalilihim ba sa Maynila?
Lalo dito sa kahabaan ng Recto. Dito pa sa terminal! Kahit kulay at amoy ng utot mo, ke
gumagapang pa ‘yan o nagririnyego; siguradong bistado ng lahat, mula Avenida hanggang
simbahan ng Santa Cruz. E wala naman akong balak magtago. Ano, bale? Hindi naman ako
naghahanap ng sakit ng ulo ni katawan. Mamaya tugisin pa ako ng mga parak. E di
natelebisyon pa ako. Mas malaking iskandalo, ‘pag nagkataon! Gaya nung tarantadong
umakyat diyan sa poste ng koryente sa may Quezon Blvd. Unti-unting liliwanag ang entablado.
Makikita natin ang isang LALAKI na tumatawid sa mga kawad ng koryente. Halatang
kinakabahan o natatakot. O weno? E di pinagpistahan siya ng mga usyoso. Kaya iniligpit ko
ang mga paninda ko para makiusyoso. Ay, mali! Dinala ko pala ang mga paninda ko, at doon
ako sa mismong tapat niya naglako ng turon at banana cue. ‘Daming tao e! Tatayo ang LOLA.
May dalang basket na pupunta sa tapat ng LALAKI tumatawid sa mga kawad ng koryente.
Lilinga-linga na parang sinisino ang mga mamimili habang pasigaw-sigaw ng kanyang inilalako.
Turon! Turon! Bagong luto, may langka! Banana cue kayo riyan!
(Titingala at mapapapalatak.) …………………………………………………………
CTE
Siyempre, hindi tuloy nakatalon-talon ‘yung gago. Nalito sa sobrang dami ng matang nakatutok
sa kanya. Nahiya siguro sa dami ng bungangang nang-uudyok sa kanya. (Sisigaw.) “Tarantado,
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
talon!” Isa-isang darami ang mga usyoso. May istambay. May galing sa opisina. May
makikisigaw. Lahat ay nakatingala. Makakarating sa dulo ang LALAKI, tatalungko. Kung ano-
ano ang isinisigaw ng mga usisero para tuluyang tumalon ang tarantado: (Sisigaw ang LOLA na
tila iba-ibang tao ang humihiyaw.)
“Talon!” (Papalakpak.) Pero hindi nakatalon ang tarantado, hanggang sa halos maging sindami
na ang mga usyoso ng tao kung pista ng Nazareno. Hanggang sa abutan na siya ng ambon.
Itatalukbong ng LALAKI ang dalawang kamay sa kanyang ulo. Saka magsisimula uling tumawid
sa kawead ng koryente. Hanggang sa magdatingan na nga ‘yung mga taga-radyo at telebisyon.
E di lalong nangatog ang gago. Lalong napahiya ang walanghiya! Talagang hindi mo
magagawang magpakamatay kung halos ang buong Maynila ang nakatingala at naghihintay sa
paglundag mo. Sigurado merong pang nagdarasal na madulas ka sana, para sulit naman ang
pamimitig ng leeg nila. Walang puso ang mga tao e. Kaya hindi ako naniniwalang talagang
magpapakamatay ‘yung gago. Kung magpapakamatay ka, magpapakahirap ka pa bang
umakyat sa poste ng koryente? Ang kamatayan,kailangang madali. Hindi pinagtatagal, para
walang hirap. – Turon! Turon! Banana cue, bagong luto! Maninimbang ka pa ba sa mga kable?
Kung magpapakamatay ka, bakit do’n pa? Mas madaling lumundag sa overpass, di ba?
Semento din naman ang babagsakan mo. Kung hindi mabagok ang ulo mo sa semento, tiyak
na wala kang ligtas sa mga dumarating na sasakyan. (Hahagikhik.)
Pero … hindi rin nga pala; dahil wala sa tiyempo ang pag-akyat sa poste ng tarantado.Hapon
na. Paano kang lulundag sa oras na ‘yon, e hapon na nga? Di hindi ka nga masasagasaan!
Kapag gano’ng oras, mas mabagal pa sa pagong ang usad ng mga sasakyan. Hindi ka rin
puwedeng mabagok sa semento. Wala kang puwang na makikita sa sobrang dami ng dikit-dikit
na sasakyan. Bamper to bamper! (Hahalakhak.)
Pinakamasuwerte na ‘yung bumagsak ka sa salamin sa harap ng isang sasakyan.- Turon! May
langka, mainit pa! - Puwedeng madurog ‘yung salamin at matusok ka ng matutulis at matatalim
na bubog. ‘Yon e kung masasalalak ka. Pero dahil yayatot-yatot, singnipis ng istik ng banana
cue ang parilya ng gusgusing tarantado, mabuti kung lumusot siya sa salamin! Baka damputin
lang siya sa kandungan ng drayber o pasahero sa unahan. E di ba mas napakalaking malas
naman! Hayun, nakumbinsi ring bumaba ng mga pulis. Sayang! ‘Buti na lang naubos ang turon
ko.
……………………………………………………………………………………………
Isang pulis ang aakyat sa hagdan ng bumbero at aabutin ang kamay ng LALAKI. Bababa ang
CTE ag-aalisan
LALAKI. Saglit na magdidilim. May kukuha sa roller sa puwesto habang malilinis ang
ang mga usyoso. Babalik si LOLA sa tindahan niya. Muling uupo at hahawakan ang gasera.
Palinga-linga.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
Kaya plis, plis lang… Pakiabatan nga ninyo ‘yung mga parak ‘pag dumating. Sandali na lang.
Baka makalingatan ko at hindi mapansin. Magliligpit-ligpit muna ‘ko. Tatayo para magligpit,
pagkuwan ay magbabago ang isip. Babalik sa pagkakaupo. Sabagay hindi naman ako aalis
dito. Wala naman akong gagawin. Wala akong pupuntahan. Sa loob ng halos dalawampung
taon mula nang mabili ko kay Tandang Kanor ang puwestong ito nandito lang ako lagi. Mula
madaling araw. Ni hindi pa sumisikat ang araw, ni hindi pa nakapaghihilamos ‘yung dispatcher
diyan sa Victory. Maririnig ang ingay ng mga bus sa terminal habang inaayos ang puwesto.
Aalis at LOLA, pagbalik may bitbit na pilingpiling na saging na saba.
Tuloy-tuloy ‘yong busina, ungol ng makina hanggang hatinggabi, matapos linisin at igarahe ang
pinakahuling bus na galing sa Baguio o Bataan, narito lang ako sa tapat ng terminal.
Magbabalat ng mga saging. Bobombahin ang kusinilya. Maghahanda sa pagluluto ng turon at
banana cue.Nagbabalat ng saba. Nagbobomba ng kalan para maisalang ang kawali.
Nagpapainit ng Minola. Nagbubuhos ng kalahating kilong asukal na pula sa mainit na mainit,
halos kumukulong cooking oil. Hanggang sa mag-arnibal ang asukal. Hanggang sa maglubid-
lubid ang arnibal na pula. Saka ko ibubuhos isa-isa ang piraso ng saba. Saka ko hahaluin ko
nang hahaluin ang arnibal para bumalot sa bawat piraso ng saging. Kapag naluto, hahanguin
kong lahat sa planggana. Bahagyang palalamigin. Saka tuhuging tatlo-tatlo sa istik na kawayan,
Sa matulis, makinis na istik ng kawayan.
Isa o dalawang MANGGAGAWA ang bibili ng turon. Kakainin ang binili sa puwesto. Makaraang
makakain, aalis ang dalawa.
MANGGAGAWA 1:
‘La, me luto ka na?
MANGGAGAWA 2:
Lumiliit yata ang saging n’yo ‘La.
LOLA:
Bakit? Kaninong saging ba ang hindi lumiliit? Kung ayaw mo, mag-Jolibee ka! At may
malalantakan na kahit sinong humihilab ang tiyan. Ayaw n’yo pa ba no’n, sa halagang limang
piso, makakaraos na kayo? (Muling mauupo.)
Kaso, kahit anong sikap ang gawin ko, kahit anong sipag, mula noong mabili ko ang puwestong
ito kay Tandang Kanor, hindi ako makaraos. Panahon pa ni Marcos ‘yon! Tuwing magbabago
ang administrasyon, umaasa kaming bubuti ang buhay kahit paano, kahit katiting. Pero
nagdaan si Marcos, si Cory, si Ramos, si Erap, hanggang sa tukayo ko, gano’n pa rin. Konting
mabusog, problema na naman kung saan dudukot ng susunod na isusubo. Ganon nang ganon;
kahit bago pa maging presidente si Marcos, gano’n na. Hindi nga lang dito ang puwesto ko
CTE
noon. Sa tirahan namin sa may Gastambide, malapit sa eskwelahan. Katulong ko pa si Elsa,
ang panganay ko.
LOLA:
Kung saan-saan ka na naman siguro dumaan, ano? Ba’t tanghali ka na?
ELSA:
Me pinagawa pong project ‘yung adviser namin e.
LOLA:
Sige, balutin mo na ‘yang mga turon. Mayamaya lang may maghahanap na riyan.
LOLA:
Pangarap ko sanang maging titser si Elsa. Pero hayun, sa tarantadong kapitbahay lang
namin bumagsak.…………………………………………………………
LOLA:
Kaso, hindi lang matigas ang buto no’ng Erning na ‘yon; yayatot-yatot e saksakan ng kati. Sabi
ko na kasi sa anak ko, ‘wag mong patulan ‘yan. May mukha nga, pero libag lang sa uten ang
kayamanan. Makati pa sa gabi, maniwala kayo!
LOLA:
Kabi-kabila ang kabit. Me weytres, me modista, pumatol pa pati sa tisika na nasa Saudi ang
asawa. Sabi ako nang sabi kay Elsa na mag-iingat siya, dahil baka kamukat-mukat e uubo-ubo
na rin siya at kapag dumura e meron nang kimpal-kimpal na dugo. Pero alam n’yo ‘yang anak
ko, kundi saksakan ng bingi, saksakan ng tanga o saksakan ng tigas ang bao! Wala pang
sambuwang pinayagan ko siyang tumao sa pondahan, ayun, nasungkit na ni Payayot.
Sanlinggong dinala sa Laguna, nang bumalik buntis na. Naku! Maisusumpa mo talaga kahit me
Santo Kristo ka sa dibdib! At hindi pa nagkasya na magkaasawa ng batugan. Sampu! Sampung
sunod-sunod ang pagbubuntis. Isip mo, mga namamanata sa Nazareno kung gumawa ng bata.
Buti na lang at sa sampung apo kong iniluwal sa Dr. Reyes, anim lang ang nabuhay. At sa
anim, tatlo naman ang
tinamaan ng peste. ‘Yung dalawa e tinigdas o tinamaan yata ng brongkitis kaya bago pa
magtatlong taon e salamat-sa-Diyos, natepok agad. Bakit naman kayo napaSusmaryosep? Dib
a talaga naming mas masuwerte sila kung tutuusin? Maikling panahon lang ang tiniis na hirap,
e ako? Ni parehong hindi pa nga nakakalakad nang matatag ang dalawa; ‘yon naman lalaki,
nasilat sa manhole, minsang malakas ang ulan. Sabi ko na kasi, huwag pinalalabas ang bata
sa gabi, ang titigas ng kukote! Nagmamarakulyo pa kapag sinasabihan, kaya hayun, sabi ng
kapitbahay na huling nakakita, nadupilas sa manhole na me nakatusok lang na bakal. Baha na
kasi, hindi siguro napansin ng bata ‘yung bakal na nakatusok sa butas. Ano naman ang
maaasahan ninyo sa batang lilimang taon? Lalo kung nakatakas lang para maglaro. Siyempre,
nagtatampisaw ‘yon sa tubig. Iisipin pa ba no’n kung ang tinatapakan niya’y me disgrasyang
naghihintay? Hayun, kinabukasan na napulot sa dulo ng imburnal.
Akala n’yo ba porke tatlo lang ang mga anak nila e bumuti-buti sila? Hesus! (Luluhod saka
nakadipang lalakad nang paluhod sa palibot ng tindahan.) CTE
LOLA:
Nagsasakripisyo nga ako sa paghihintay sa mga deboto mo, baka akala mo? O di ba,
‘pag Pista ng Quiapo, mga alas-kuwatro pa lang tumitigil na akong magluto ng turon at
bababana cue. Baka sabihin mo naman, puro pagkita na lamang ng pera ang nasa tuktok ko.
Kahit natitiyak kong mabiling-mabili ang turon at banana cue sa oras na ‘yon. Alam mo bang
‘yon ang paraan ng pagtitika ko para sa iyo, Mahal na Nazareno, para kapag dumaaan ang
prusisyon, walang laman ang isip ko kundi sana ay matanaw ang Poon, na tulad naming ay
nakabayubay sa krus. Hinuhubad ko ang aking delantar at tinitipon ang lahat ng barya ko’t
perang papel sa isang boteng plastik, para maluwag akong makatayo sa gilid ng daan, hindi
nag-aalalang baka ako madukutan o masalisihan ng mga mapagsamantala; para maluwag
akong makakaway sa Kanya, sa Nazarenong nasa itaas ng platapormang kinukuyog ng mga
nagmamamakaawang
sindami ng langgam. Kuyog ng mga langgam, gaya ng mga mumo ng namuong arnibal, na
natapon sa lupa!
Hindi pa ba sapat na sakripisyo ‘yon? Alam n’yo ba kung magkano ang kitang nawawala sa
akin sa pag-aantabay sa prusisyon? Halos dos siyentos pesos din, Mahal na Poong Nazareno!
Pero naiintindihan ko, kahit hindi mo kami iniibsan ng bigat. Kahit natutunghayan mo, ngunit
hindi pinapatid ang lubid-lubid naming hirap. Lubhang marami kang inaalala. Ako man ang nasa
lagay mo, matuturete rin ako sa dami ng nagsusumamo sa iyo. Saka sabi mo nga, hindi laging
dapat naming iasa ang lahat sa iyo. Malapit man ang Quiapo, masyadong malayo ang langit
para sa aming mga daing.
Pero sino’ng aasahan naming mag-aangat at hahango sa amin sa aming kapalaran? Ang
gobyerno? Mas malayo sa Quiapot ang Malakanyang. Asa kami nang asa sa tuwing magpapalit
ng presidente. Asa kami ng asa sa mga bagong pangako. Bababa ang presyo ng galunggong.
Tataas ang kita. Minsan nangyayari, pansamantala; pero dimagtatagal, balik uli sa dati ang
lahat. Balik sa lagpas-ngusong tubig ng hirap. Kaya wala na kaming ginawa kundi ang
suminghap-singhap. Kaya nagpapasalamat na rin ako sa iyo, Mahal na Poon. Mapalad kaming
biniyayaan mo ng dalawang malalakas na braso. Patunay ang mga bisig na ito, na hindi mo ako
pinababayaan dahil binigyan mo ako mga kamay, para huwag nang umasa sa iba, para tubusin
ang aming mga sarili.Para makakawag-kawag upang manatiling nakalulutang sa malawak na
dagat ng buhay. Maglalatag ng patung-patong na diyaryo si LOLA sa lupa, mahihiga. Kahit
sisinghap-singhap. Kahit mahigit sitenta anyos na ako, at ang totoo’y hapo na. AtCTE
ang talagang
gusto ko’y umidlip kahit man lang isang oras lang tuwing hapon, sa halip na magtalop ng
Mayroong mga taong walang paa. May mga tigmak sa sakit kaya di-nakakilos at
makapaghanap-buhay. May mga naputulan ng braso; may kulang-kulang ang daliri; ang iba’y
dahil sa walang kabagay-bagay na dahilan. Pero ako, ang iyong pinagpalang si Lola Goya; sa
kabila ng walang katapusang paghilab ng mga taon ay hindi mo hinayaang mapigtaan ng lakas.
Malalakas pa rin ang aking mga bisig. Salamat, Panginoon! Kaya lang, di mo naman siguro
ikagagalit kung aamining kong paminsanminsan, naiisip kong nang wisikan mo ako ng grasya,
sana’y nilubos-lubos mo na. O kahit idinawit mo na rin sa grasyang basbas mo sa akin ang
kaisa-isa kong anak na Elsa. Si Elsa ko na pinagsikapang huwag matulad sa akin sa masadlak
ang buong buhay sa pagtatalop ng saging na saba at patutuhog ng banana cue. Hindi na
baleng hindi ko siya napagtapos na high school kaya hindi siya naging titser (tanggap ko
namang medyo bopol ang anak kong iyon); hindi baleng hindi mo siya inagaw sa kamay ng
Erning na ‘yon (matigas talaga ang uilo ng batang ‘yan; kaya kahit anong pangaral labas-masok
lang sa tenga). Pero sana (masama bang isipin, Diyos ko?) na nang kinuha mo ang tatlong
anak nila, bakit hindi mo pa nilubos at kinuhang lahat?
Hindi. Huwag po ninyong isiping sinasabi ko ito para usigin kayo. Hindi ko kayo sinisisi. Kita
naman ninyo, ano bang ginawa ko nang maghiwalay si Elsa at ang asawa niyang si Erning?
Nang iwanan ng anak ko ang tatlong nilang anak sa poder ko? Kahit lagpas ng sitenta ang
edad ko, at walang sinomang katuwang sa buhay. Oo nga, namura ko si Elsa nang itambak
ang tatlong bata sa bahay dahil hahanapin daw si Erning, pero tinanggap ko rin ang tatlo kong
apo. Hindi lang sa naaawa ako at wala namang ibang mag-aaruga sa tatlong bata. Ang totoo,
tuwing makikita ko ang aking mga apo, lalo ang bunsong si Edita, na kamukha-kamukha ng ina
noong maliit pa, naiibsan ako ng pagod. At kahit tila lagging nilalagnat ang katawan ko at
namimigat ang mga pang di ko na halos maihakbang gustiog-gusto kong haplusin ang kulot na
buhok ng pinakabunso kong apo, ng aking apo na magtatatlong taon, at hindi pa nakatatayo
nang matatag, ni hindi pa nga nakapagsasalita nang diretso. Pautal-utal lang; pero tuwing
darating ako ay sinasalubong ako ng “Yoya, Yoya.”
……………………………………………………………………………………………
At totoong luwalhati ang mga salitang iyon para sa akin. Kaya kahit humuhulas ako sa pawis,
kakargahin ko ang bunso kong apo. At ilalapat ko ang ulo niya na tila nakapatong sa laging
nanlalambot na leeg (kaya siya madalas tinutuksong Engot ng mga walang pusong kapitbahay
namin). At hahaplusin ko ang ulo niya at likuran, hanggang sa humimlay siya sa malapad,
nagmamantika, ngunit amoy-arnibal kong dibdib.…………………………
Si Edita, ang bunso kong apong si Edita. Ang sakitin kong apo.Magdadalawang lingo na siyang
paulit-ulit na inuubo at nilalagnat. Madalas ko namang pinaiinom ng am. Binabanyusan ng
malamig na tubig para bumaba ang lagnat. Hinihilot ko ng manzanilla, o ng Minola
CTE na may
dinikdik na luya, ang katawan at mga biyas, gabi-gabi bago matulog. Pero lagi pa ring
nilalagnat. Minsa’y mainit na mainit, parang sinisilaban ang buong katawan. Kaya magdamag
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
na ingit nang ingit. Kahit ipaghele ko. Kahit yugyugin habang karga ko. Kahit kantahan pa ng
pampatulog. “Ili-ili, tulog anay; wala diri imo nanay …”
Pero ingit pa rin nang ingit, anoman ang gawin ko. Hanggang sa hindi ko na magawang iwanan
sa bahay, dahil sino ang mag-aasikaso sa kanya? Ni hindi ko naman alam kung saan
hahagilapin ang ina niya. Wala akong kahit kapirasong balita kay Elsa. Nasaan na kaya ang
batang iyon?
Kaya kahit malaking istorbo si Edita sa pagtitinda ko, napilitan ako isama siya sa puwesto. Kahit
na dahil sa kanya ay malaki ang ibinagal ng kilos ko at malaki ang nawala sa araw-araw na kita
ko. Paano ako makapagtatrabaho nang maayos samantalang may ingit nang ingit sa tabi ko.
Kahit pasusuhin ko ng am, na minsa’y hinahaluan ko ng pulang asukal para tumamis o kaunting
asin para maiba ang lasa. Ingit nang ingit. Kung medyo malakas-lakas at hindi gaanong mataas
ang lagnat, wala namang nasasabi kundi “Yoya, Yoya.” Hindi rin siya umiiyak kahit anong taas
ng lagnat.. O baka sa sobrang hina niya, ni hindi na makuha ng mga mata niya ang umiyak.
Ingit lang nang ingit. Alam kong dapat noon ko pa siya dinala sa ospital. Pero kailangan ng pera
‘pag dinala ang maysakit sa ospital; ‘pag niresetahan ng gamot…
Pero, nasaan ang pera?..............................................................................................
Kaya pinagtiisan ko na lang kahit hindi ako makakilos nang maayos ‘pag kasama siya. Hindi
ako makapagtalop ng saging nang tuloy-tuloy. Minsan, kumukulo na ‘yung mantika, hindi ko pa
maibuhos ‘yung asukal. O lumamig na yung mga naipritong saging pero di ko pa rin sila
maituhog sa istik. Minsan, may mga drayber o pasaherong bumibili pero hindi ko agad
maasikaso. Hanggang kaninang tanghali, nakasalang pa naman
‘yung mga turon. Biglang umiyak. Sabi ko “Sandali lang apo. Teka, hahanguin ko lang ang
turon. Madaling masunong ‘yung wrapper ng lumpia e. ‘Pag nasunog e malaki ang malulugi sa
atin.” At hinango ko nga ang mga turon, hinango ko at inilagay sa planggana. Saka isa-isa
pinagpatong-patong sa bilaong may saping dahon ng saging para maihanda sa pagbebenta.
Nang makita ko ang bunso kong apo, tumitirik ba naman ang mata! Diyos ko po, Panginoon!
Nang hawakan ko, nanlalamig ang buo niyang katawan. Ano’ng gagawin ko? Hindi ko naman
maisusugod sa ospital. Pa’no ko iiwanan ang tindahan? Diyos ko, Diyos ko! Mabilis akong nag-
apuhap ng solusyon.
Walang aasahan kundi ang sariling mga kamay, Panginoon!
………………………………………………
Makaraan ang ilang sandali, sisilbato ang sirena mula sa sasakyan ng mga pulis at isang puting
liwanag ang tututok sa tindahan at kay LOLA. Tatayo siya, pasalubong sa liwanag habang
hawak ang nanlilimahid na puting tuwalya parang ihinahaplos sa di natin nakikitang Poon. Saka
pupulutin sa bandang likuran,at kakargahin, yayapusin ang bangkay ng batang tatatlong taon,
basag ang bungo, at naliligo sa natuyong
dugo.……………………………
TELON
Enero 26, 2006.
Nagsimula ang kanyang kuwento habang animo’y batang di mapakali at naiinip at tila
may hinihintay.
Ikinuwento niya ang kanyang buhay at karanasan habang nagtitinda ng banana cue at
turon sa kanyang puwesto na nabili niya kay Mang Kanor, mula sa pagkukuwento sa tangkang
pagpapakamatay ng lalaki na umakyat sa poste ng koryente subalit hindi rin natuloy dahil na rin
sa mga usisero’t usisera. Ang pag-aasawa ng kanyang anak na si Elsa labag man sa kanyang
kalooban, ang pagkakaroon niya ng sampung apo subalit sa kasamaang palad ay tatlo lamang
ang nabuhay at ang pagiwan ni Elsa ng kanyang tatlong anak upang hanapin ang kanyang
asawang si Erning.
na hanggang ngayon ay wala pang matibay na solusyon. Pagdating naman sa isyung politikal
nariyan ang hinaing ni Lola Goya sa pamahalaan, magpalit man ng administrasyon ay wala pa
ring ipinagbago ang takbo ng kanyang pamumuhay. Isa rin sa itinampok sa dula ay ang
kultura nating mga Pilipino; ang pagmamahal sa kapamilya at ang “strong family ties” na
ipinakita sa pagtanggap at pagkupkop ni Lola Goya sa kanyang mga apo bagama’t hindi siya
pabor sa kinahinatnan ng kanyang anak na si Elsa. Ang pagiging positibo nating mga Pilipino at
ang pagsandig sa Panginoon anuman ang dumating na pagsubok sa buhay. Ang pagkahilig
natin sa pakikiusyoso sa mga nangyayari sa ating paligid at ang kaisipan na panlalamang sa
kapwa at ang pangungurakot para mapabuti ang buhay ay ilan lamang sa mga inilarawang
masamang katangian ng ilang Pilipino.
Gamit ang pinagsamang “satire” at trahedya nilayon ng dulang ito pagsuriin ang mga
manonood ukol sa buhay nang hindi nakatitisod ng damdamin. Maging ang pananalitang
ginamit ay magagaan at madaling maintindihan. Nakatulong din nang malaki ang ang mga
karanasan sa buhay ni Lola na isinalaysay sa kuwento upang mas maging kapanipaniwala at
epektibo ang paghahatid ng mensahe sa mga manonood.
Romeo P. Peña
MGA TAUHAN
PIKAKE, isa sa mga sakada noong 1906 na bumalik sa kasalukuyan
MIULANG, estudyante sa kolehiyo
DOC, isang Pilipino na ipinanganak sa Hawaii
PINAKBOY, Pilipinong naninirahan sa Honolulu kasama ang asawang Filipina CEZANNE, anak
ng isang Hawaiian-born Filipina
(KAKANTA)
Filipino at Hawaiian
Filipino at Hawaiian
Ipinagpala ng Maykapal Filipino
at Hawaiian
Akin ngang pinakamamahal….
Ang mga magiging kaututang dila ni Pikake ay magsisirating na. Mauuna si Pinakboy at
pagkaraan ay si Doc at si Cezanne. Kasunod ay ang estudyanteng si Miulang pati si Glen
Kanaohi.
DOC: Teka alalahanin kong mabuti! Bago pa mang tawaging Hawaii ang mga islang
ito, noong 1778 dumating ang British explorer na si Captain James Cook at siya
ang nakatuklas dito. Dahil sa kanya, nabalangkas at nailahathala ang heograpiya
ng mga islang ito at tinawag niyang Sandwich Islands bilang parangal sa
padrinong si John Montagu, 4th Earl of Sandwich.
LAHAT: Lanai???
PIKAKE: It means stiff-necked! Ano ba kayo? Naturingang naninirahan sa Sandwich Islands,
simpleng salita hindi alam ang kahulugan. CEZANNE: Malay namin, tse! Yabang!
PIKAKE: Sa’n na ba ‘ko? Nandirito pa rin pala ako! Eto hirap eh, balikan ba daw ang past?
Basta isang pangkat kami noon galing sa Pilipinas…..
(KAKANTA)
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa….
…..at alam n’yo kung ano ang tawag sa amin? Kami’y mga sakada!
MIULANG: Eh ano naman ‘yun?
PIKAKE: In long! Kami’y mga magsasaka at mambubukid. In other words, kami’y
nagtatanim at nag-aani ng mga tubong ginagawang asukal! Gets?
MIULANG: Gets, gets ko na!
PIKAKE: Hindi lang ‘yan! Hindi lang ang kayumangging kagaya ko ang nagsimigrate sa
Sandwich Islands para magtrabaho sa bukirin ng tubo. Take note! Nandyan din
ang mga Portuges, Tsino, Hapon at Koreano, pero aminin? Mas cute ang mga
kayumangging gaya ko kaysa sa kanila.
GLEN: Kaya pala! Sabi mo may Portuges, Tsino, Hapon, Koreano at kayo, ibig sabihin sa inyo
nagmula ang wikang Hawaiian Pidgin?
PIKAKE: Tumpak! Mismo! Dahil bilang mga manggagawang nagmula sa iba’t ibang lahi ay
umisip kami ng paraan kung paano mauunawaan ang isa’t isa.
Kaya hindi dedmahan to the max, slight lang!
CEZANNE: Slight lang pala ha!?
PIKAKE: As in slight lang, okay? Kaya nag-imbento kami ng wika base sa aming wikang
kinagisnan na madaling maunawaan ng marami. At siyempre isinama namin ang
wikang Hawaiian at Hawaiian English.
MIULANG: Naks naman! Kahit pala may amnesia ay tanda pa rin ang iba. Ayos!
PIKAKE: Hep, hep, hep! Wala akong amnesia, short term memory lang naman! CEZANNE:
Ganun din ‘yun!
CTE
GLEN: Sa ngayon talagang Hawaiian at Hawaiian English ang opisyal na wika dito sa
sinasabing Sandwich Islands.
PIKAKE: Oh yes! Totoo nga ‘yan, hindi na ako kokontra, mahirap na baka mabodyak pa
ako dito. Pero in fairness! Nabalitaan ko lang sa KITV na Tagalog ang
pumapangatlong wikang sinasalita dito sa Sandwich Islands at pang-apat ang
Japanese. Sa’n ka pa? Todo na ‘to, to the highest level.
MIULANG: Marami na rin pala tayong mga Pilipino rito, biruin mo! Todo na talaga ito!
PIKAKE: Ang balita ko pa, nabasa ko lang ito sa dyaryong Hawaii Filipino Chronicle kailan
lang. Aba, talagang tayong mga Pilipino mahilig sa pulitika kasi sa natandaan ng
utak ko ay tatlumpu’t pitong tupa, este Pilipino pala ang kandidato kasama na
ang kasalukuyang nakaupo noon sa puwesto ang tumakbo sa nakaraang 2002
Primary Election.
MIULANG: Ha? Ganun na kadami? Hanga talaga ako sa’ting mga Pilipino, malalakas ang
loob!
PIKAKE: Teka, teka, teka! May napapansin ako! Tila mula sa umpisa ako na ang
nagsasalita, hindi ata pwede ‘yan! Kayo naman! Kwento n’yo buhay n’yo!
LAHAT: Hay!!! Nakahalata rin.
MIULANG: Sige ako muna!
CEZANNE: Gusto ko ako muna!
PINAKBOY: Ako na lang!
DOC: Nag-aaway pa, me first!
GLEN: Ako huling nagsalita, kaya ako muna!
MIULANG: Ako na sinabi! Wala kayong magagawa sisimulan ko na.
LAHAT: (MALIBAN KAY PIKAKE) Naku naman….
PIKAKE: Sige nga, mabuti pa simulan mo na! Lights, camera, action!
MIULANG: Ah ganito kasi, noong bata pa ako dito na ako pinag-aral sa Hawaii, doon sa
Punahou School. Nagtiyagang magtrabaho sa tubuhan ang aking mga magulang
para makapag-aral ako. At ngayon, yehey! Nasa ikaapat na
taon na ako sa University of Hawaii System, West O’ahu campus at
ipinagmamalaki kong Pilipino ang mga magulang ko at Pinoy ako! LAHAT: Pinoy tayo!
Pinoy tayo…
MIULANG: At ang ikinatutuwa ko ay? Ipinagdiriwang kahit dito sa Sandwich Islands ang Araw
ng Kalayaan ng Pilipinas at mga pestibidad tuwing bakasyon! Hooray!!!
PIKAKE: Bongga! Encantadia, ay mali Etheria, este Pilipinas pala!
DOC: It’s my turn! Cezanne ako muna ha?
CEZANNE: O sige, sige ikaw muna!
PINAKBOY: Sinong nagbigay ng pahintulot na siya na?
CEZANNE: Hayaan mo na, pagbigyan na natin siya. PINAKBOY: Okay
fine! Whatever!
DOC: Papayag ka rin pala, sige simulan ko na. Tayong mga Pilipino kapag may
pagkakataon ay ‘di talaga natin pinapalampas. Like my Dad, na pumunta dito 60
years ago na kabilang sa tinawag nilang sakada ’46 kasi dumating noong 1946.
Nakapagpundar ng dalawang palapag na bahay dahil sa pagsusumikap sa
tubuhan. Dinala niya si Mommy dito at hayun na!
(KAKANTA)
It’s my turn to make it now Just
relax, listen carefully
We’re still young “hindi supot”
There so much we need to know….
PINAKBOY: I should note that, ang aking asawa ay one hundred percent na Filipina, galing
siyempre sa Pilipinas at nanirahan kami doon limang taon ng nakakaraan. At
ngayon kami ay lumipat na sa Honolulu. Inggit ka Miulang no?
MIULANG: Hindi ako naiinggit no! ‘Di maghahanap ako ng Filipina, alam ko naman na marami
rito sa mga islang Sandwich.
PINAKBOY: Aminin, inggit siya?
MIULANG: Hindi kaya, sabi nga Pinoy ako kaya hindi ako maiinggit.
(KAKANTA)
Hoy!
Pinoy ako
Buo ang aking loob
May agimat ang dugo ko
Hoy!
Oh! Pinoy ako May agimat
ang dugo ko
Oh….
CEZANNE: Oo sige abangan natin, sabay tayo manood ha? Para libre ako sa pamasahe…
yes, yes, yow!
PIKAKE: Yes, yes, yow ka dyan! Mag-isa ka!
CEZANNE: Naman e…
PIKAKE: Sige na nga, kiss muna!?
CEZANNE: Wag na lang, sa tv na lang ako manonood!
PIKAKE: Joke lang ‘yon, eto naman hindi na mabiro.
PINAKBOY: Hmm… Hmm… Hindi pa nga ako tapos e! LAHAT:
Sige tuloy!
PINAKBOY: Nalaman kasi ng mahal kong asawa na dito sa Sandwich Islands kapag may
nakilala siyang mga kapwa Pilipino ay kadalasang ilokano o bisaya ang mga ito.
Kaya wikang Filipino ang sinasalita niya.
MIULANG: Hanga na ako sa asawa mo!
PINAKBOY: Salamat! Pero mananatili siyang asawa ko, walang sulutan ha? Kasi mas bata ka
baka patulan ka niya.
MIULANG: Sinabi mo pa! Pero hindi ko magagawa ‘yon, ang sagwa! PINAKBOY: Haay!
Nakakagutom!
GLEN: Nabanggit mo ang pagkain, karamihang tao dito sa Sandwich Islands ay alam ang
lutong ilokano dahil sa mga maliliit na restorans ng mga ilokano ngunit hindi pa
nila alam ang tunay na lutong Pilipino.
PINAKBOY: Sana matikman rin nila ‘yong mga luto natin, di ba?
GLEN: Mas maganda! Alam n’yo bang kumain ako noong nakaraan sa Golden Coin Restaurant
dito sa Hawaii, tinulad sa Goldilocks Bakery and Restaurants. Masarap ang mga
pagkain pero may pagkakaiba pa rin kung pagkukumparahin.
PINAKBOY: Lalo mo akong ginugutom!
LAHAT: Gutom na rin kami!
PINAKBOY: Sarap ding magpalamig noh?
LAHAT: Saan naman?
PINAKBOY: Sa mall ang naiisip ko, noong nandun pa kasi kami ng asawa ko sa Pilipinas ay
madalas kaming pumunta sa SM, Gateway, Robinson at minsan sa Shang-rila.
LAHAT: Talaga???
MIULANG: Wala ka na bang maikwento, puro na lang sa asawa mo?
PINAKBOY: Galit ka?
CTE
MIULANG: Hindi, nagtatanong lang naman. (MAHINAHON)
GLEN: Wala rin namang halos ipinagkaiba, dito sa Sandwich Islands may mga mall din,
nandyan ang Ala Moana, Pearlridge at Kahala Malls.
PINAKBOY: Kung sabagay, ayos na rin. Mayaya nga si sweetheart mag-mall mamaya.
CEZANNE: Idea lang ‘yan ng maraming pera!
PINAKBOY: Eh di mag-iipon!
CEZANNE: Akala ko ba ngayon ka magyaya para mag-mall?
PINAKBOY: I changed my mind!
CEZANNE: Akala ko ba tatlo o higit pa ang pinagtatrabahuhan mo?
PINAKBOY: Mismo! Oo! Alam mo namang wala para sa akin ang pagsasakripipisyong tulad
no’n at lagi pa akong nagpapadala sa mga kamag-anak ko sa
Pilipinas.
CEZANNE: Oo nga noh…
PINAKBOY: Kaya nga dakilang lugar ang Sandwich Islands para tirhan kahit medyo
mahal mamuhay dito ay masaya naman! CEZANNE: Oo
naman!
GLEN: Aba! Ako naman ang magkukwento. Walang kokontra, walang aangal.
Ang umangal….
LAHAT: Eh ano?
GLEN: Wala lang! Kasi dati nakatira pa ako sa San Francisco. Marami nang Jollibee
Filipino fast-food restaurants doon, nagulat nga ako dahil napasok na pala ng
bubuyog na happy ang Sandwich Islands at pati Filipino Channel meron na rin .
Natutuwa rin ako na mga ilokano ang nakararami dito sa Islands of Aloha.
(KAKANTA)
Hawai‘i pono‘ī
Nānā i kou mō‘ī
Ka lani Ali‘i,
Ke Ali‘i
Hui: CTE
Makua lani ē
Kamehameha ē
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
Nā kaua e pale
Me ka ihe Chorus:
Father above us all
Kamehameha
We shall defend in war
With spears
(KAKANTA)
CTE
E Hawai‘i e ku‘u one hānau e
Ku‘u home kulaīwi nei
Hui:
E hau‘oli nā ‘ōpio o Hawai‘i nei ‘Oli ē!
‘Oli ē!
Mai nā aheahe makani e pā mai nei Mau ke
aloha, no Hawai‘i
Chorus:
Happy youth of Hawai‘i Rejoice!
Rejoice!
Gentle breezes blow
Love always for Hawai‘i.
LAHAT: (MALIBAN KAY CEZANNE) Pang-Pinoy Pop Superstar ang boses,
walastik!
PINAKBOY: Anong masasabi mo sa akin Cezanne?
CEZANNE: (MAHINAHON AT HINDI NA PAGALIT) Oo na, magaling ka kumanta pati na rin si
Miulang.
PINAKBOY: Dahil dyan, salamat!
MIULANG: Thank you very much also!
PIKAKE: Bakit ba kasi mainit ang ulo mo?
CEZANNE: Hindi pa kasi ako nakakapagkwento e! Kanina pa, lagi na lang sila. LAHAT:
Kaya pala!
CEZANNE: Hayan! Magkukwento na ‘ko! Naniniwala talaga ako na masisipag magtrabaho ang
mga Pilipino dito sa Hawaii.
LAHAT: Talaga?!
CEZANNE: Oo naman! Ang dad ko ay Pilipino at ang mom ko ay Hawaii-born Filipina. Kinikilig
nga ako sa love life nila kasi ayaw ng nanay ni mom o ni lola kay dad kasi
mambobola lang daw. Kaya ‘yun nagtanan sila at napilitan silang ipakasal dito sa
Hawaii, mahal na mahal kasi nila ang isa’t isa.
PIKAKE: How sweet naman! CTE
W A K A S
Ang dulang may isang yugto na pinamagatang “Ang mga Pilipino sa Sandwich
Islands” ay nagpapakita ng magandang relasyon ng mga Pilipino sa ibang nasyon, partikular ng
Pilipinas at Hawaii. Nagsimula ang kuwento sa pag-uugnay ng nakaraan sa kasalukuyan na
ipinakita sa pakikipagsapalaran ni Pikake isa sa mga sakada na dumating sa Hawaii noong
1906 na bumalik sa kasalukuyang panahon. Kasabay ng kanyang pagbabalik ay baon niya
ang mga alaala nang nakalipas na kanyang inilahad sa dula.
Mapapansin na umikot ang dula sa mga bagay-bagay tungkol sa Hawaii at maging sa Pilipinas
dahil ang mga tauhan sa kuwento ay mga Pilipinong naninirahan sa Hawaii. Isinalaysay ang
kasaysayan, kultura ng Hawaii na hindi maihihwalay sa kasaysayan at kulturang Pilipino. Pati
ang tungkol sa politika, edukasyon, ekonomiya ay tinalakay rin. CTE
Gumamit ang may-akda ng higit sa isang wika (wikang Filipino, Ingles, wika sa Hawaii) para
mas lalong maging epektibo at kapani-paniwalang nasa Hawaii mismo ang atmosperang hatid
ng dula sa manonood.
Masasabing ang dulang ito ay magiging daan upang mas maunawaan at mapahalagahan ng
mga manonood hindi lamang ang kultura ng Hawaii pati na rin ang kultura ng Pilipinas at
mapagtibay ang pundasyon ng ating gunita sa pinagmulan ng ating bayan. At higit na
maipagmalaki ang pagka-Pilipino.
CTE
ANG TALUMPATI
Sa mga taong may katungkulan mababa man o mataas ay hindi naiiwasan mahilingang
magbigay o bumigkas ng isang talumpati. Sa mga dinadaluhang okasyon o mga pagtitipon
kailanman at saan man ay maaaring hingan ng talumpati ang dumadalo.
Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang pananalumpati ay magalang na pagsasalita sa harap ng
isang publiko hinggil sa isang mahalaga at napapanahong paksa. Malimit gamitin ang salitang
pagdidiskurso bilang kasingkahulugan. Mga kauri, ngunit hindi kasingkahulugan ng
pananalumpati ang pagpapanayam, pagbigkas o pamimigkas, pakikipagtalo o debate at
pakikipag-usap.
CTE
b. Maluwag (extemporaneous). Ang mananalumpati ay may inihandang sasabihin at may
panahong mapag-aralan ang publiko at makagawa ng balangkas ng talumpati, ngunit hindi
nagsasaulo.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
c. Handa (prepared set). Sadyang inihanda at sinulat ang talumpati upang basahin o sauluhin
sa pagbigkas.
c. Katugon ng layon ng talumpati - laging alalahanin ang limang layunin. Dapat magbihasa sa
pagpili ng wasto at bagay ng paksa ang mananalumpati. Magmasid at magsuri sa
pananalumpati ng mga kinikilala at batayog na orador.
Pagyayari ng Talumpati:
a. Paglalagom (summarizing)
b. Pagdiriin (emphasis)
c. Pamumukaw ng damdamin (arousing of emotion)
Papalubog na ang liwanag, at malapit nang kumagat ang dilim. Gayunpaman, ngayong hapon
ay nagsisimula na ang isang bagong araw. Ang araw ng lahing Pilipino. Ang araw ng masang
Pilipino.
Sa wakas, mamumuno na sa ating masa ang isang gaya nila, isang kaibigan at kapatid, isang
kapwa --- na alam kung ano ang ibig sabihin ng maging maka-masa.
Noong huling tumindig ako dito sa Quirino Grandstand, kasama ko sina Pangulong Cory Aquino
at Cardinal Sin, at napakarami ng nanindigan para sa demokrasya. Nakapiling ko rin kayo, at
tayong lahat ay napabilang sa mga tunay na kaibigan ng demokrasya. Kaya papaano masasabi
na ako raw ay mala-diktador? Noong huli akong tumindig doon sa lumang gusali ng Senado,
labindalawa lamang kami.
CTE
Nguni't ---
Marahil, ninais kong tapusin sa lalong madaling panahon, ang ilang isyu na matagal nang
bumubulabog sa bayan.
Bakit? Upang wakasan na ang lahat ng bagay na dapat nating ilibing sa limot ng kasaysayan.
Sa aking pagmamadali, maaring hindi ko na inisip, na kailangan pang lumipas ang mahaba-
habang panahon upang maghilom ang sugat ng ilan, at ang sugat ng bayan.
Ako ay tao lamang, at hindi po madaling magsabi --- forgive and forget, kalimutan na lang.
Nguni't kailangan kong tapusin ang yugtong ito; at sa akin ay tapos na, nasa likod na natin, at
hindi na dapat pag-usapan.
Pagkat dapat lamang na ako ay makisama sa lahat ng ating mamamayan, kasangga man o
katunggali, kaibigan o kalaban.
Bakit? Sapagka't iisa lamang ang ating bayan, iisa lang ang ating landas, at kung hindi tayo
magsasama-sama sa isang tunay na bukluran, kanino pa kaya, at kailan pa, kundi ngayon?
Ngayon na --- sapagka't ang hinaharap ng bansang Pilipino ay lubhang mabigat, lubhang
malalim. Ang regional currency crisis ay paghamon hindi lang sa ating mga bangko o mga
negosyante, kundi sa bawa't pangkaraniwang mamamayan.
Kaya sasabihin ko sa inyo ngayon, at sa buong mundo: Hindi tayo nag-aalinlangan, at hindi
tayo nakakalimot. CTE
If I have seemed impatient, it was because you and I wanted peace, and only peace. We must
put yesterday behind us, so that we can work for a better tomorrow. I do not say: let us forget
the past. No, I don't. But I ask that we should not let the past get in the way of a future that
requires cooperation to achieve peace and prosperity for the least of us.
Matagal nang naghihintay ang lahat para sa isang bagong umaga. Heto na, ngayon na, ang
panahon ng masang Pilipino.
Panahon na upang magkaroon ng lalong malaking bahagi, sa yaman ng ating bansa, ang
masang Pilipino.
Panahon na upang sabihin: isang daang taon pagkatapos ng Kawit, limampung taon
pagkatapos na kilalanin ang ating kasarinlan sa panahon ni Presidente Roxas, pitong taon
pagkatapos tayong tumalikod sa foreign bases, eto na, narito na, araw na natin ngayon.
Alam nating hindi ito madaling gawin. Malubha ang lagay ng ekonomiya. Dapat lamang
pagtuunan ng matagalang pansin ang pagsasa-ayos sa pambansang kabuhayan.
May mga nagsasabi: hindi raw maaaring madaliin ang mga gawaing ito. Unahin daw muna ang
ekonomiya. Wala akong reklamo diyan, pero ang tanong ko: Mayroon pa bang ibang paraan
upang mai-angat ang kabuhayan ng mga mamamayan? Hindi ba puwedeng sabay-sabay?Bakit
ang masa ang laging huli at laging nalalamangan, kapag ang pinag-uusapan ay ang kaunlaran
ng ekonomiya?
Noong tinatalakay ang mga reporma na ikabubuti ng mga negosyante, halos wala tayong
narinig na nagreklamo sa kanila, na masyadong mabilis at malupit ang mga pagbabago.
Gayunpaman, hindi ba pawang katotohanan lamang na ang pangkaraniwang mamamayan ang
pumasan sa malulupit na epekto ng liberalization at globalization?
Gustuhin natin o dili, ang hamon ng kompetisyon ay kailangan nating tugunan.Ituturing natin
itong pagkakataon, nguni't kailangang palakasin ang pambansang ekonomiya at palawakin ang
pakinabang ng nakararami.
Sa anim na taon ng pamamahala ni Pangulong Cory Aquino, naitatag ang pundasyon upang
muling lumakas ang ating ekonomiya. Sa pangangasiwa ni Pangulong Ramos, nagsimulang
magluwal ng dibidendo ang ekonomiya para sa malalaking negosyante. CTE
Ngayon naman, ang maliliit ay dapat makinabang sa ating pagsisikap. Sana, sila rin.Sana, sila
naman ay maka-bahagi.
Progress must not be measured by the number of vacation houses of the rich.
Huwag naman sanang masamain, ng ilan sa ating mga mayayaman ang mensaheng ito. Mula't
sapul, sila ang nakinabang --- at hanggang sa ngayon ay makikinabang pa rin, sapagka't
gagawin natin ang lahat upang maibalik ang katahimikan sa ating bayan, ang katahimikan na
kailangan upang umunlad ang ating kalakalan.
Kaya sa ating mga maliliit at mahihirap, narito ang pangako ni Erap: kayo ang unang
makikibahagi sa biyaya mula sa ekonomiya, at mula sa pamahalaan.
Sa abot ng aking makakaya, bibigyan natin ang masa ng disenteng tahanan, sapat na pagkain,
at pag-asa sa hinaharap. Pag-aaralin natin ang kanilang mga anak, at aalagaan natin ang
kanilang kalusugan.Sa kanilang mga pamilya, ihahandog natin ang katahimikan, hanapbuhay at
dangal sa araw-araw.
Sa kasawiang palad, dumating ang panahon ng masang Pilipino habang ang ekonomiya ng
buong Asya ay bumabagsak. Wala tayong magagawa. Kailangan nating maghigpit ng sinturon,
at ipagpaliban muna ang sapat at maagang gantimpala sa ating pagsisikap.
Sa aking mga kababayan, ito ang aking masasabi: sa inyong pagsasakripisyo, ako ang mau-
una, at ako ang inyong kasama. At sa paglasap sa mga gantimpala ng ating pagsisikap, hindi
kayo mahuhuli.
While I ask you to share these sacrifices with me, I will not impose any more on you when it
comes to meeting my duties and responsibilities as president. It is my job now, and I will do it.
Walang dahilan upang lumaganap ang krimen sa ating lipunan; mangyayari lang ito kung ang
gobyerno mismo ay kumukupkop sa mga kriminal. Walang organisasyon o gawaing kriminal na
kayang lumaban sa pamahalaan, kung ang pamahalaan ay tapat sa pagnanasang durugin ang
kriminalidad.
We know that the major crimes in this country are committed by hoodlums in uniforms. We
know they are protected by hoodlums in barong tagalog, and acquitted by hoodlums in robes.
We know that the most damaging crimes against society are not those of petty thieves in rags,
but those of economic saboteurs in business suits; the dishonest stockbrokers, the wheeling-
CTE
dealing businessmen, influence-peddlers, price-padders and other crooks in government.
There will be no excuses, and there will be no exceptions. I have sent friends to jail before, and
I can send them again.
No government is so powerless that it cannot protect its citizens, especially when they are
victimized by government agents.
No government is so helpless that it cannot prosecute criminals, especially when the officials
are criminals operating in the open.
So let me tell you today: There are things that a real government, even in the worst economic
conditions, can do.
Kaya nating sugpuin ang lumalaganap na krimen. Ginawa ko ang magagawa ko noong ako ang
tagapangulo ng PACC. Gagawin ko ngayon ang lahat, ngayong Pangulo na ako. At walang
sinumang makapipigil sa akin.
What I did in PACC, I will now do, and more, as President of the Philippines. And when I
succeed this time, nobody, nobody, nobody can clip my powers!
Kaya pa rin ng pamahalaan ang magbigay ng mahahalagang serbisyo: mga lansangan, mga
paaralan, mga health centers, sapat na bilang ng mga pulis at sandatahang lakas na sadyang
katahimikan ang likha at alaga. Gagawin natin ito.Magagawa ng gobyerno ang lahat ng ito,
huwag lamang saksakan ng nakawan at pork barrel.
Hindi mapapakain ng pamunuan ang lahat ng mga nagugutom sa ating bansa. Pero uusigin
natin ang sinumang kukupit sa pondo na nakalaan sa pagbili ng pagkain.
Hindi kaya ng pamahalaan na agad pabalikin ang milyun-milyong overseas contract workers, at
bigyan sila ng hanap-buhay sa ating bayan. 'Ramdam natin ang kalungkutan at pighating dala
ng paghihiwalay, subali't pangako natin sa kanila na 'di pababayaan ang pamilya at mga anak
nila rito.At lalong 'di natin kaliligtaan ang kapakanan nila sa ibang bansa.
Hindi kayang bigyan ng sapat na edukasyon ang lahat ng mga kabataang Pilipino, tulad nang
itinadhana ng Saligang-Batas. Pero hindi natin palalampasin ang sinumang magwawaldas sa
pondong nakalaan para sa mga libro at paaralan.
I appeal to the coming Congress to search its conscience for a way to stand behind me, rather
than against me, on the pork barrel issue. I appeal to every legislator: Let us find a way to
convert pork into tuition subsidies in both public and private schools. Let us use it to better the
lives of our people, rather than to improve our chances of re-election.
Ngayon pa lamang, ang mga kamag-anak ko ay nilalapitan na ng kung sinu-sino. Kung anu-
anong deal at kickback ang ipinangangako.
Hindi naman napakabigat ng mga ipinangako ko. Simple lang ang aking hinahangad. At simple
rin ang ating hinahangad, subali't pagkatagal-tagal nang hindi natutupad. Nais kong maihatid
ang kapayapaan sa ating buhay, at katiwasayan sa ating lipunan.
Nais kong isa-ayos ang gulo sa ating mga lansangan, at itatag ang katarungan sa ating mga
institusyon.
Nais kong bigyan ng bagong lakas ang ating ekonomiya, at patas na pagsasabahagi
CTE ng mga
bunga nito.
Nais kong isipin ng bawa't Pilipino, mahirap man o mayaman, na ang pinakaligtas na lugar sa
buong mundo, ay ang kanyang lupang tinubuan.
I want every Filipino, rich or poor, to feel, that the safest place in the world for him, is his own
country.
At sa dakong huli, umaasa akong mapagsasama-sama ko ang lahat ng mga Pilipino, upang
matamo nila ang kapangyarihan na buhat sa nagkakaisang hangarin. Sa ganitong pagkakaisa,
maiiwasan natin ang krisis sa ating rehiyon, at makakamit natin ang pangarap ng ating
sentenyal.
Kalayaan.
Nasa diwa at puso ng bawa't Pilipino ang kalayaan. Sa bansang ito, isang daang taon na ang
nakararaan, nasulyapan sa Asya ang unang liwanag ng kalayaan.
Samahan ninyo si Erap, upang bigyan natin ng kakaibang ningning ang kalayaan sa buhay ng
masang Pilipino.
Ngayon, ang kapangyarihan ay nasa kamay na ng bayan. Wala nang dahilan upang ipagkait pa
sa nakararami at sa maliliit --- ang magandang kinabukasan.
Sa wakas, bayan ko, atin na ang tagumpay. Isa sa inyo ang ngayon ay Pangulo na.
Ilan lamang ang mga pahayag na iyan ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada sa kanyang
Pasinayang Talumpati na tumatak sa isipan ng madlang Pilipino. Talumpating gumamit ng
pangangatwirang umaapela sa emosyon at isipan ng nakikinig kung kaya makailang beses ding
pinalakpakan, pinag-usapan at hinangaan ng mga tao.
Tinalakay rin ang kanyang mga plataporma at gagawin bilang Pangulo ng Pilipinas, ang
pagpokus sa edukasyon, pabahay at trabaho para sa mahihirap at pangakong laging uunahin
ang kapakanan ng masang Pilipino.
Makikita sa kanyang talumpati ang layunin nitong mapaniwala at mabigyan ng bagong pag-
asa ang mga nakikinig sa pamamagitan ng bagong pamunuan – sa kanyang pamumuno.
Maging ang tono, pagpili ng mga salita at paggamit ng wikang Filipino ay naging lakas ng
talumpati upang maabot ang nasabing layunin.
Hindi maikakaila na ang mga linya sa itaas ang naging kasukdulan ng talumpati ni
Pangulong Estrada, kung susuriin ang pahayag na ito na kanyang binanggit sa kanyang
talumpati ang tumatak at naging simbolo ng kanyang magiging pamunuan. Sa pamamagitan ng
“pagbibigay babala” para magsilbing motibasyon sa madla. Lumikha ito ng patunay na ang
mananalumapati ay may katatagan at kalakasan na magawa ang lahat ng kanyang mga sinabi
at ipinangako. Naging mabisa rin upang makuha ang loob at magkaroon ng pag-asa ang mga
tao na sawa na sa bulok na sistema ng pamahalaan. CTE
Bilang kongklusyon, masasabing malaki ang naging papel ng tamang pagpili ng mga salita
at wika upang mapagtagumpayang bulabugin ang isipan at haplusin ang damdamin ng mga
tagapakinig.
AQUINO III Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila Hunyo 30, 2010
Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na
darating tayo sa puntong ito, na ako'y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi
ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating
bayan.
Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan
bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.
Nilabanan ng aking ama ang diktadurya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang
ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang
demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay
kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na po kami ng dugo at handa kong gawin ito
kung muling kinakailangan.
Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema
ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng
pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na
mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.
Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo
ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghaharihariang de-wangwang
sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa
CTE
taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.
Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa - nilisan na nila ang
ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap,
sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay
hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip
din - talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa
ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana
ng Pilipino?
……………………………………
Ngayon, sa araw na ito - dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng
taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon,
magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman po ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit
kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.
Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating
problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas
ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging
tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.
Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago
- isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan
lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang
pinangangalagaan.
Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa
pagbabago - isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong
araw ng halalan.
Sigaw natin noong kampanya: "Kung walang corrupt, walang mahirap." Hindi lamang ito pang
slogan o pang poster - ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating
administrasyon.
Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan,
sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.
Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno.
Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi ko
sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin.Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain
ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.
………………………………………...
CTE
Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami
sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon,
Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang
pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga "midnight appointments." Sana ay
magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan
na ng marami.
Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.
……………………………………………………………………………………….
Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya't sisikapin
nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.
Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon,
turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang "puwede na" pagdating sa mga
kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa
mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.
Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at
pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para
mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:
Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para
tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan.
Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan
sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa
bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.
Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga ng tunay para sa mga magsasaka.
Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa
pinakamataas na presyong maaari.
Inaatasan natin na ang papasok na Secretary Alcala ay magtayo ng mga trading centers kung
saan diretso na ang magsasaka sa mamimili - lalaktawan natin ang gitna, kasama
CTE na ang
kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng
magsasaka at mamimili.
Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically
and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make
government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin
mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.
Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang
mangibang-bansa para makahanap lamang ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin
naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA at ng OWWA at iba pang mga
kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at
pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.
Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid
at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa
sarili. …………………………………………
Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-
api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.
To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply
forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be
no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong maulit muli
ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the
process of providing true and complete justice for all.
Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide
Jr. sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa
maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.
Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang
kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.
My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are
committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all - may
they be Lumads, Bangsamoro or Christian.
CTE
We shall defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable
governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa
buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pangaapi?
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang
pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.
………………………………………………………………………
Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa
ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatan
na ito. ………………………………………………………
Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.
To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable
member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which
harmonizes its national interests with its international responsibilities.
We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say,
"it all works." ………………………………………………………………… Inaanyayahan ko kayo
ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan,
WALANG MAIIWAN. ……………………………………………………………...
Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.
The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa
inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking
tanong - kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?
Kayo ang boss ko, kaya't hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design
and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond
CTE to the
people's needs and aspirations.
Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito - ang ating mga volunteers - matanda, bata, celebrity,
ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga
kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking
pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang
ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabilang
ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at
ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa - nasa inyo ang
aking taos-pusong pasasalamat.
Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa
yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa
araw na ito.
My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and
prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.
Nilaman ng kanyang talumpati ang mga pagbabagong nais niyang gawin sa pamahalaan.
Nagsimula siya sa pagbibigay parangal sa kanyang magulang na sina dating Senador Benigno
Aquino Jr. at Dating Pangulong Corazon C. Aquino na nagbuwis ng buhay para sa demokrasya
ng bansa kasunod ang pangakong magiging tapat sa paglilingkod sa bayan.
CTE
Pinaksa rin ng kanyang talumpati ang kanyang mga plataporma tulad ng pagbuo ng tinatawag
na “Truth Commission” sa pangunguna ni dating Punong Hukom Hilario Davide Jr. na
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
Ang talumpati ni Pangulong Aquino ay may layuning himuking mapanumbalik ang pagtitiwala
ng mga tao sa pamahalaan na halos nagsawa na rin sa paulit-ulit na pangangako. Ang mga
sitwasyong ibinigay na halimbawa sa talumpati ay tulad ng pahayag na:
Pagdating naman sa pagpili ng mga salita, matatamis na pananalita at magaan ang mga salita
na tila ikaw ay nakikipag-usap sa isang kaibigan. Sa wikang ginamit naman, mapapansin na
katulad ni dating Pangulong Estrada ang mananalumpati ay gumamit ng wikang Filipino upang
higit na maintindihan ng mas nakararami ang kanyang talumpati, ito rin ay nagpapahiwatig na
ang mga platapormang inihain ng Pangulo ay para sa masang Pilipino.
Sa katapusan, hindi nga malayong mangyari na marami ang humanga sa nasabing talumpati.
Paghanga na makikita sa dami ng palakpak na naibigay rito at paggising sa kaisipan dahil
umani ng iba’t ibang tugon. Ano nga ba ang hatid ng bagong pamunuan - pagkakaroon ng pag-
asa at kaginhawaan o isa na namang pangako na lilipad sa kawalan?
CTE
1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang wikang ginamit ng may-akda upang ipahayag
nang malinaw ang mensahe ng talumpati?
ANG TULA
Hindi mapapasubalian na marami nang tao o kilalang manunulat ang tumalaky at nagbigay ng
kahulugan tungkol sa tula. Kung kaya patuloy pa rin ang tao sa pagbibigay ng sariling
pagpapakahulugan sa tula na batay sa abot ng kanilang kaalaman ukol dito. Madalas na
kahulugan ng nakararami sa tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin
ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong, ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod.
Ayon kay Eugene Evasco at Will Ortiz (2008), ang tula ay sinasabi ring uri ng sining na
may wikang nagsasaad ng higit pa kaysa sa ordinaryong pamamahayag. Karaniwang paraan
ng pagsasabi nito ay sa higit na kaunting salita at higit na kaunting espasyo. Pinayayabong ang
anyo ng tula sa pamamagitan ng paggamit ng talinghaga. Nagpapahayag ang tula ng isang
ideya o damdamin sa isang wikang matalinghaga. Kapag sinabing matalinghaga, may higit
itong kahulugan kaysa sa literal nitong sinasabi. Halimbawa, sa pahayag na “kumukulo ang
dugo,” hindi ito literal na nangangahulugang nakikita ng nagsabi ang pagkulo ng dugo. Ibig
nitong sabihin na nagagalit ang isang tao, o di kaya’y nawawala ang pasensiya, maaaring
kaugnay nga ito sa literal na pagtaas ng presyon ngunit sa matalinghagang pakahulugan.
Nagbigay din ng kahulugan si Rufino Alejandro at ito ang kaniyang pagpapakahulugan. “Ang
tula ay nangangahulugang likha at ang makata ay tinatawag na manlilikha.” Sinabi naman ni
Amado V. Hernandez na ang tula ay hindi pulos na pangarap at salamisim, hindi pawang
halimuyak, silahis, aliw-iw at taginting. Ang tula ay walang di nagagawang paksain.
Narito ang mga bahagi ng tula ayon kina Evasco at Ortiz (2008):
1. Talinghaga – “kung walang talinghaga, walang tula.” Karaniwang binabanggit ang ganitong
CTE
pahayag ng mga guro ng panitikan. Sinabi ni Virgilio Almario na ang talinghaga ay ang buod
ng pagtula. Ito ang utak ng paglikha at disiplinang pumapatnubay sa haraya at sa pagpili ng
salita habang isinasagawa ang tula. Ipinakakahulugan nito na may mga karanasan
(panlabas) ang isang tao o manlilikha ng tula na kailangan nitong iproseso sa kaniyang sarili
(panloob) upang magamit sa kaniyang paghaharaya o paggamit ng imahinasyon.
Kailangang pandayin ang anumang panlabas na karanasan tungo sa loob (utak at
damdamin) upang maihayag ang talinghaga. Dito makikita na sa pagtula at paggamit ng
talinghaga, hindi lamang damdamin ang ginagamit kundi isip at kamalayan upang
mapahusay ang pagtula.
2. Persona – ang tawag sa nagsasalita sa loob ng tula. Maaaring ang makata rin ang persona
subalit maaaring maging magkaiba ang dalawa. Sa loob ng tula, maaaring lumikha ng iba’t
ibang persona ang makata. Maaaring ang makata ay lalaki subalit ang kaniyang persona ay
isang babae. Maaaring may gulang o edad na ang makata subalit ang persona na
nagsasalita sa kaniyang tula ay isang bata. Maaaring walang asawa ang makata subalit ang
persona sa loob ng kaniyang tula ay isang taong may asawa’t anak. Maaari rin namang
maging sahig ang persona ng tula o iba pang mga bagay na walang buhay na bibigyang-
buhay ng makata sa pamamagitan ng kaniyang imahinasyon.
5. Imahen – hindi lamang ang detalye ng larawan sa loob ng isang tula kundi ito ay anumang
pandamang pisikal. Inilalarawan nito ang mga pandamdam tulad ng pandinig, pandama,
pang-amoy, biswal, panlasa na bumubuo ng isang imahen. Sa pagtula, mahalaga ang
pagpapakita at hindi paglalahad lamang. Ito ang panuntunan ng makata na show, don’t tell.
Kapag nais ipadama ng makata ang kalungkutan ng tauhan o persona ng tula, hindi niya
sasabihing “malungkot ang persona.” Bagkus, iisip siya ng paraan kung paanong ipadarama
sa pamamagitan ng imahen ang karanasan ng kalungkutan ng tauhan o ng persona.
Kailangang kongkretong madama ng mambabasa ang isinusulat ng makata. Tingnan ang
ilang halimbawa ng pagpapakita at hindi paglalahad lamang.
6. Tono – Hindi lamang awitin ang may tono o himig. Maging ang ating paraan ng pagsasalita
ay mayroon ding tono. Maaaring ang tono ng pagsasalita ng isang tao ay galit, nanunuya,
sarkastiko, tapat, nagmumuni, o dili kaya nama’y masaya. Ang tono ng tula
CTEang siyang
nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona sa tula. Makatutulong ang pagbabasa
nang malakas upang marinig ang tono ng persona.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
3. Tulang Pandulaan (Theater Poetry) – itinatanghal ito sa entablado. Saklaw ng uring ito ang
komedya, trahedya, monologo, sarswela, melodramang tula at iba pa.
4. Tulang Patnigan (Joustic Poetry) – Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula
na ginagamitan ng pangagatwiran at matalas na pag-iisip. Kabilang sa uring ito ang
karagatan, duplo at balagtasan.
Mahahalatang tunay ang laman ng puso’t isip ng persona nang isaad niya ang mga
naalala niya sa kaligiran ng kaniyang dating paaralan, na ito raw noong una ay dating
tubugan/koral/ulahan ng mga alagang hayop at nagsilbi ring pusali ng kaniyang ilang
kababaryo.
CTE
Ang lugar mula sa kalagayang pusali na tinukoy ng persona ay ginawang paaralan.
Napansin ng persona ang pagbabago sa dating tagpi-tagpi at sirang mga silid base sa ilang
taludtod ng tula. Ganito pa ang ilang nangyari—ang pagbabagong pisikal sa ilang bagay sa
paaralan: una, pagkakaroon/pagbabago sa tarangkahan, bakod, flag pole, entablado at
basketball court. Mahihinuha ang mga ito sa taludtod 9, 10, 11, “Ngayon, may arko nang bakal
at alambre ang geyt; / May bakod na pader, magarang plagpol, entablado’t/ Basketbolkort…..”
At ikalawa, ang pagkakaayos/pagkakaroon ng side walk, pasilyo at dingding. Masisipat ito sa
taludtod 14 at 15 “Sa sementadong saydwok, sa pasimano’t haligi ng munting pasilyo / At
ibabang panig ng kongkretong dingding,….” At ang huli ay ang pagkakaroon ng pangalan ng
guro sa bawat silidaralan. Mababasa ito sa taludtod 21 “Bawat pinto, may karatula ng ngalan ng
guro —“ Hindi naman malinaw ang senyales sa tula kung nasiyahan o hindi ang persona sa
mga naganap na pagbabago. Sapat kaya o hindi ang pagbabago para kaniya lalo na’t
napakahabang panahon ang lumipas na hindi siya nakabisita/napagawi sa paaaralan?
Ngunit iba ang sinapit ng persona na hindi gaya ng sinapit na kapalaran kaniyang mga
kamag-aral. Masaklap ang dinanas niya na mababatid sa taludtod 33 hanggang 34 “….(na di ko
napuspos nang mahinto ako’t / Maulila sa mga magulang)….” Ang pangyayaring ito ang naging
mitsa kung bakit hindi niya naipagpatuloy ang pag-aaral. Naisip niya siguro, kung hindi lamang
naganap ang mga bagay na iyon disin sana’y nagawa niya ring tapusin ang gusto niyang
karera. Masakit ito para sa persona at ito na siguro ang bagay na ayaw niyang magunitang
muli.
sa kaniya ng karanasan at higit sa lahat, kahit papaano ay maiyukit niya ang kaniyang pangalan
sa palikuran man lamang ng paaaralan na nakasaad sa dalawang huling taludtod.
Emmanuel, kapatid; 20
Leo, bayaw;
Dodong, inaanak;
Eugene, Tony, Lorena, Lerry,
Charlie, Caloy, Henry, Jun,
pati si Edjop na aking tinuya, 25
oo, pati na rin si Ninoy na pinagdamutan ko ng tiwala,
silang hindi lamang mga pangalan sa lapida kundikakilala,
kaibigan, kasama sa litanya ng aking lumbay.
II
Nagiging sentimental ba ako?
CTE
Hinahalinhan ng hininga
ang haginit ng hangin habang
ginugunita silang wala na sa
ating piling:
Emmanuel, kapatid; 70
Leo, bayaw;
Dodong, inaanak;
Eugene, Tony, Lorena, Lerry,
Charlie, Caloy, Henry, Jun,
pati si Edjop na aking tinuya, 75
oo, pati na rin si Ninoy na pinagdamutan ko ng tiwala.
Sila’y nangarap din nang gising subalit ang mga
pangarap nila’y matalim na bituin. Ang mga berdugo’t
panginoon
ay natakot sa kanilang mga pangarap. 80
Natakot na baka ang kanilang mga pangarap ay
magkatotoo.
At dahil dito sila’y wala na sa ating piling.
III
Alang-alang sa masaganang dugo CTE
CTE
Sa malayang taludturang tulang ito ni Lacaba, ang persona mismo ang gumugunita sa
kaniyang kakilala, kasama at kaibigan na sumakabilang buhay. Subalit dama ng persona na
may saysay ang pagkamatay ng kaniyang binanggit na mga pangalan dahil sa pagsasabi niya
ng ganito sa taludtod 30-34 “Hindi ko iniluluha ang kanilang pagkamatay/ Ang kamatayan para
sa layuning wagas/ ay bulaklak ng tagumpay,/ tanglaw sa mabatong landas.” Itinuturing ng
persona na tagumpay ang pagkamatay ng mga tao na binanggit sa taludtod 20-26 at 70-76, na
maaaring ang naging utak sa pagkamatay ng mga taong ito ay ang ipinasilip sa atin sa taludtod
79-80, ang tinatawag ng personang “berdugo’t panginoon” na ang maaaring maging katangian
ng berdugo ay ang pagiging malupit, at ang panginoon naman ay makapangyarihan—
maimpluwensiya.
Tila mahirap ngang galugarin ang laman ng mga tula ni Bigornia gaya nito. Hindi na
dapat itong pagtakhan, pagkat sabi nga ng isa ring premyadong makatang si Roberto T.
Añonuevo na kaibigan ng makata: “Mahirap na masarap ang pagtuklas sa mga hiyas na tula ni
Mike. Parang paggalugad yaon sa karimlan—kung karimlan ngang maituturing ang lahat sa
panitikang Filipino—na ang pinakapusod at esensiya ay pagsisilang ng silahis na
magpapamalay sa sarili at sa panulaang Filipinas.” Kung mahirap man, susubukan namang
lasapin ang sarap ng pagtuklas sa tulang nasa itaas lalo na’t malinaw na kinakikitaan ito ng
pagpapahalaga sa gunita.
Mayroong apat na saknong ang tula ng makata, ang bawat saknong ay may dalawang
taludtod at ang unang taludtod sa bawat saknong ay tigsasampu ang sukat. Ang unang
CTE
saknong ang naglatag ng unang maaaring kakulangan para sa gunita at nagtampok at
nagpakilala ng kawalan. Sa unang taludtod na ganito ang isinasaad: Siyang namumutla sa
gunita. Mapapansin na ang pamumutla na maaaring ang sanhi ay ang kakulangan sa dugo ang
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
unang kakulangan para sa gunita, na ang itatampok naman na kawalan mula sa kakulangan ay
nasa taludtod 2 na ganito: Walang ugat, supling, aklat. Maituturing na ang kawalan ng una: ugat
ay kawalan ng buhay, walang pagdadaluyan ng anumang likidong hatid ay buhay. Ang kawalan
ng pangalawa: supling ay kawalan naman ng susunod na buhay, pagkaputol ng henerasyon. At
ang kawalan ng pangatlo: aklat ay kawalan ng kaalaman, pagdarahop sa karunungan para
mabuhay.
Ang tula ng makata’y maaaring nagsiwalat ng mga nagiging kakulangan para sa ating
gunita at nagpakilala ng nagiging kawalan ng nilalang. Hindi man sinasabi sa tula na punan ang
kakulangan at lagyan ang kawalan, isa na sigurong gampanin iyon upang lubos na
mapahalagahan ang ating gunita.
Doon sa sabungan
Bantog siya sa pustahan.
Maikli ngunit malaman ang pagtalakay ng manunulat sa pamamagitan ng piling mga salita
subalit ito ay naglalaman ng iba’t ibang imahe na madaling maunawaan ng mambabasa.
Nilayon ng may-akda na ilahad ang problemang panlipunan at pag-uugali ng mga Pilipino gamit
ang simbolismo at imaheng nabubuo sa pagbabasa ng tula. Naging mabisa rin ang pag-uugnay
ng mga pangyayari sa kasaysayan upang mas lalong tumibay ang pundasyon ng tula sa
pagtukoy sa suliraning panlipunan.
Tula para sa masa, mahihirap, at manggagawa ang karamihan ng mga tulang nasulat ni Prop.
Gandhi Cardenas, isa na nga sa halimbawa nito ay ang tulang “Mga Lipaking Palad” na iniaalay
niya sa mga manggagawa. Pagpupugay at pag-alala sa kabayanihan ng mga ordinaryong
manggagawa ang tema ng nasabing tula, na kung tutuusin ay limot o hindi pinahahalagahan
CTE
ng karamihan sa atin. Marahil ang karanasan bilang isang manggagawa ng persona ang
nagbunsod sa kanya upang isulat ang tula, makikita ito sa husay ng kanyang paglalarawan sa
mga Gawain ng isang manggagawa na mababakas sa taludtod 11 hanggang 20 ng tula. “Sa
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
simula, pinatag ng dambuhalang makinang may malapad na /pansuro sa unahan at may pangil
sa puwitan ang dibdib ng/ mala-adobeng lupa. Pagkaraan, nakahilerang mga pala’t piko
ang/ipinanghukay sa sinukat na pundasyon. Nasundan ng pagtirik ng’ matatabang kabilya
hanggang sa humugis ang anino nagmamapuring kalansay.
Isinalaysay rin ng persona ang mga kahangahangang gawa ng mga manggagawa na noon pa
mang sinaunang panahon ay sama-samang nagtayo ng mga hinahangaang mga edipisyo,
templo, kastilyo tulad ng Dakilang Piramide, Templo ni Diana sa Ephesus, Istatwa ni Zeus at
iba pa na naging simbolo ng kapangyarihan at karangyaan ng bawat bansa at pinuno nito. Sa
kasalukuyang panahon sila ay samasama pa rin na nagtatayo ng mga gusali, ospital, kalsada
maging paaralan subalit nakalulungkot isipin na ang manggagawang ito ay kabilang pa rin sa
mga mababanguri, may mababang pasahod, mababang pamumuhay at may mababang
pagtingin sa lipunang makauri na kanilang kinabibilangan.
Masisilat din ang kalungkutan sa himig na ginamit ng persona ukol sa kalagayang sinapit ng
ordinaryong manggagawa na mababakas sa kabuuan ng tula. Ang mga pinagdadaanang
paghihirap ng isang manggagawa sa kanyang trabaho na makikita mula sa taludtod 16
hanggang 18 “Sa mga araw na nakapapaso at mga gabing sinlamig ng lumot, walang
patumangga ang makinang tila bibig na umiikot sa pagnguya at paggaralgal. ang antas ng
pagtingin sa mga manggagawa. Subalit hindi naman siya ng solusyon sa problemang
kinahaharap ng mga manggagawa.
Ginamit ng persona ang tula upang ilahad ang kabayanihang ginawa ng mga ordinaryong
manggagawa na hindi man maalala ni mapasalamatan o papurihan ay patuloy pa ring
gumagawa ng sanlibong obra na isinaad sa huling saknong ng tula.
Tayong maliliit
namimilipit 5
sa sakit
Tinig na aalingawngaw 10
tayong maliliit
kung sabay-sabay sa lahatang panig
kumakalantog ang pinggan kumakalam
ang sikmura.
Ang tula ay kakikitaan din ng mga pagbabago sa galaw ng pangyayari sa buhay ng persona.
Sa una hanggang sa ikaltong saknong ito ay nagpapahayag na kaya pang magtiis ng persona
sa paghihirap na kanyang nararanasan. “Tayong maliliit kumakalantog ang pinggan kumakalam
ang sikmura./ Tayong maliliit namimilipit sa sakit. / Tayong maliliit untiunting pinapatay
kumakalantog ang pinggan kumakalam ang sikmura/ Pagdating naman sa ikaapatCTE na saknong,
dala ng patuloy na kahirapang nadarama, kinakitaan ng puwersa at pagkakaisa ang hatid ng
tula. “Tinig na aalingawngaw tayong maliliit kung sabay-sabay sa lahatang panig . . .) At ang
VI. AWTPUT:
Isumite ang hard copy sa dropbox o soft copy sa aking personal na account;
Pagsasanay 1:
Nilalaman …………………………………….2 puntos
Gramatika……………………………………..2 puntos
Kaayusan ……………………………………..1 puntos
_____________
Kabuuan ………………………………………5 puntos
CTE
Pagsasanay 2:
Pagsasanay 3:
Pamantayan sa pagmamarka:
Nilalaman …………………………………….2 puntos
Gramatika……………………………………..2 puntos
Kaayusan ……………………………………..1 puntos
_____________
Kabuuan ………………………………………5 puntos
Pagsasanay 4:
A. Pamantayan sa pagmamarka:
Pakikipanayam………………………………….20 puntos
Pagsasalaysay
Nilalaman ……………………………….20 puntos
Gramatika………………………………..5puntos
Kaayusan ……………………………….. 5 puntos
_____________
Kabuuan ………………………………………50 puntos
B. Pamantayan sa pagmamarka:
Pagsusuri at Pagsasalaysay
Nilalaman ……………………………….20 puntos
Gramatika………………………………..5puntos
Kaayusan ……………………………….. 5 puntos
_____________
Kabuuan ………………………………………30 puntos
MGA SANGGUNIAN:
12. Elmer A. Ordoñez, “Protest Literature” nasa Manila Standard Today, Pebero 3, 2007.
13. Edgardo B. Maranan, “Against the Dying of the Light: The Filipino Writer and Martial
Law” binasa ng may-akda sa mga estudyante at mga guro sa University of London’s
School of Oriental and African Studies noong Setyembre 1999 na inilagay sa website
na, http://www.oovrag.com/essays/essay2007b-1.shtml.
Inihanda ni:
CTE
Iniwasto:
Pinagtibay ni:
CTE