SLP in EsP 10 Lesson No.4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ST CLARE COMMUNITY FOUNDATION SCHOOL

LEARNING PLAN
TEACHER : JESSALIE D. NATANAUAN Date: AUGUST 30, 2021

YEAR LEVEL: 10 Duration: 1 HOUR

SUBJECT : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Grade Level : 10

TOPIC : KONSIYENSYA: GABAY SA TAMANG PAGPAPASYA AT PAGKILOS

OBJECTIVES
Sa loob ng 60 minutong aralin sa ESP 10 , ang mga mag-aaral ay inaasahang:
COGNITIVE:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng paghubog ng konsiyensiya batay sa likas na Batas
Moral.

PSYCHOMOTOR:
Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasyang ginawa.

AFFECTIVE :
Napatunayan na ang konsiyensyang nahubog batay sa likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa tamang
pagpapasya at pagkilos.
Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang maling pasyang ginawa.

RESOURCES

K TO 12 PAGPAPAKATAO
Twila G. Punsalan, Sylvia T. Caberio, Myra Villa D. Nicoals, and Wilma S. Reyes
May akda
Pahina 27-33
ASSESSMENT

Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat aytem.


1. Apat na kinakailangan upang mailapat ng konsiyensya ang kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
1.
2.
3.
4.
2. Tatlong paraan ng paglapat ng kaalaman ng ating konsiyensya.
1.
2.
3.
4.
3. Apat na uri ng maling konsiyensya
1.
2.
3.
4.
DIFERENTIATION: WHAT PLAN WILL BE DONE IF THE STUDENTS HAVE DIFFERENT LEVEL
OF ABILITIES?

SKILL TO BE DEVELOPED
Kritikal na pag-iisip na kasanayan.

INFORMATION TECHNOLOGY – IS THERE A RELATED ICT TO BE INCLUDED IN YOUR


LESSON, IF YES WHAT IS IT?
Opo, Video Presentation

OUTLINE OF CONTENT AND TEACHER ACTIVITY –

MGA DAPAT TANDAAN


Mga Pangunahing Konsepto ng Konsiyensya.
Ang konsiyensya ay bahagi ng ating espirituwal na kalikasan. Ito ang kakayahan ng isip sa paglapat ng kaalaman sa
paghusga ng tama at mali. Kaya, ang konsiyensya ay ang paglalapat ng ating kaalaman tungkol sa mabuti at masama sa ating
ginagawa o maaaring gawin. Kaugnay nito, kailangan ang sumusunod:
Kailangang may pag-unawa kung ano ang mabuti at masamang gawa.
Kailangang maunawaan kung ano ang Batas Moral o Batas kalikasan.
Kailangan ng tao na ilapat ang kanyang kaalaman sa kanyang gawain.
Kailangang malaya ang tao sa kanyang gawa ayon sa kaniyang nalalaman tungkol sa kalikasan.

Ayon kay Santo Tomas Aquinas, may tatlong paraan ang ating konsiyensya kung paano ilalapat ang kaalaman sa
paghusga ng tama o mali.
 Ang konsiyensya ay nagpapatunay kung mayoon kang ginawa o hindi ginawa.
 Ang konsiyensya ay naghuhusga kung mayroon kang dapat o hindi dapat ginawa.
 Ang konsiyensya ay naghuhusga kung mabuti o masama ang ginawa.

May dalawang uri ang Konsiyensya ito ang Tamang Konsiyensya at Maling Konsiyensya.
Tama ang konsiyensya kapag ito ay naghuhusga ng pasya o kilos batay sa tamang panuntunan at naayon sa Batas Moral.
Mali ang konsiyensya kapag ito ay nagpasya ng taliwas sa mga prinsipyo ng Batas Moral. Ang maling konsiyensya ay
maaaring nagkakaiba sa sumusunod na paraan.
a. Tuliro o may duda
b. Maluwag
c. Manhid
d. Ipokrito

Mga Prinsipyong gumagabay sa Paghubog ng Konsiyensya


Ang konsiyensya ay isang makapangyarihan at kamangha-manghang kakayahang tinataglay lamang ng tao. Ang
sumusunod na prinsipyo ay mga prinsipyong gumagabay sa tao sa kanyang tamang paghusga at pagiging mapanagutan sa
kanyang mga kilos. Ang mga ito ay batay sa kalikasang mag-isip at sa batas ng kalikasan.
1. Lahat ng tao ay may pananagutang hubugin ang kanyang konsiyensya.
Ang paghubog ng konsiyensya ay nangangahulugan ng pagtuturo at pagsasanay nito. Ginagawa ito sa pamamagitan
ng pag-aaral at pagsasapuso ng mga turo ng Batas Moral. Ang konsiyensya ang kakayahan ng isip sa paglapat ng kaalaman
sa paghusga ng tama at mali.
2. Bawat tao ay may pananagutang sumunod nang tapat sa husga ng kanyang konsiyensya.
Ang mga tao ay dapat na sumunod sa anumang idikta ng kanilang konsiyensya na tama at mabuti. Ang anumang
pasyang nagawa ay ipinagpapalagay na napag-isipan nang mabuti at naibatay sa katotohanan.
3. Hindi mismo ang konsiyensya ang tumutukoy ng tama o masama kundi ang Diyos.
Ang Diyos na maylalang ang tumutukoy ng tama at mabuti. Ito ang kanyang mga utos na nakasaad sa likas na Batas
Moral na nasa Banal na Kasulatan o Koran. Ang mga batas na ito ay batayan ng paghusga ng konsiyensya.
Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pag-iwas sa maling paghuhusga. Ang maling paghuhusga ay nangyayari sa mga
kadahilanang hindi matibay ang pagkahubog ng Batas Moral ng isang tao. Nangyayari ito sa sumusunod na mga kadahilanan.
 Kawalan ng maingat at malinaw na paghubog sa isip ng mga prinsipyong moral.
 Hindi lubos na pag-unawa sa dikta ng konsiyensya.
 Ang masamang dulot ng paulit-ulit na pagkakasala o masamang gawi at ugali.
 Pagsunod sa masamang halimbawa mula sa iba.
 Hindi pagsunod sa mga turo ng simbahan, pananampalataya, o relihiyon.
 Pagkaignorante sa mga turo ng Banal na Kasulatan o Koran.
 Pag-iwas sa kawanggawa.
4. Ang mabuting layunin ay hindi kailanman maituturing na mabuti kung ginawa gamit ang masamang paraan.
Maraming mabubuting layunin ang tao. Ngunit dapat ang mga paraan sa pagkamit ng mga layuning ito ay mabuti rin.
Anumang layunin, kapag ginawa ito sa masamang paraan ay hindi nagiging mabuti.
Halimbawa, ang pagtulong sa kapwa gaya ng pagbibigay ng donasyon ay mabuti. Ngunit, kapag ang donasyong ito ay galling
sa masamang paraan, hindi nagiging mabuti ang ginagawang pagtulong sa kapwa.

Ang konsiyensya ay likas na kakayahan ng isip na maghusga at gawin ang tatlong bagay:
o Ito ay palaging nagpapaalala sa atin na gumawa ng mabuti at iwasan ang masama. Lahat ng paraang masama kahit
mabuti ang layunin ay dapat iwasan.
o Ito ay gumagawa ng paghusga kung alin ang mabuti at masama sa mga pagpipilian sa isang tiyak na sitwasyon.
Hinuhusgahang mali ang buong gawa kahit mabuti ang layunin ngunit masama ang paraan.
o Ito ay nagsisilbing saksi sa anumang ginagawang mabuti o ginagawang masama. Ang konsiyensya ay hindi
kailanman maitatatwa ang maling paraan sa pagkamit ng isang mabuting layunin.
VALUE INTEGRATION/GOALS OF SCHOOLS INTEGRATION
Intelektwal- paggamit ng ating isip, mayroon itong kritikal na pagsusuri na isinasagawa.

ASSIGNMENT
Panuto: Sumulat ng pagninilay tungkol sa dalawang karanasang kaugnay ng tama o maling pagpapasyang may mabigat na
implikasyon sa buhay mo at ng ibang tao. Isulat kung ano dapat ang paghuhusga ng iyong konsiyensya kaugnay nito.
Kompletuhin ang mga kailangang impormasyon sa tsart sa ibaba.
Sitwasyon/Isyu Ano ang dapat na paghuhusga ng konsiyensya?
1. Gusto mong ipagtanggol ang iyong kaibigan at
balak mong i-bully ang nang-api sa kanya.
2. Ayaw na ayaw mong nakikinig sa pangaral ng
nanay at tatay mo tungkol sa pakikipagbarkada mo
na walang naidudulot na mabuti sa iyo.

You might also like