Filipino

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Filipino 9

1
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 16: Kahalagahan sa Pagtupad sa Tungkulin ng
Ina at ng Anak
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marilyn D. Santos
Tagasuri: Geraldo L. See Jr.
Editor: Jay-ar S. Montecer at Imelda T. Tuańo

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 9

Ikaapat na Markahan
Modyul 16 para sa Sariling Pagkatuto
Kahalagahan sa Pagtupad ng Tungkulin
ng Ina at ng Anak
Manunulat: Marilyn D. Santos
Tagasuri: Geraldo L. See Jr. / Editor: Jay-ar S. Montecer at Imelda T. Tuaño

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 9 ng Modyul 16 para
sa Kahalagahan sa Pagtupad sa Tungkulin ng Ina at ng Anak.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 9 Modyul 16 , ukol sa Kahalagahan sa


Pagtupad sa Tungkulin ng Ina at ng Anak.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad ng tungkulin ng ina at


ng anak.

MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. naisa-isa ang mga tungkulin ng ina at anak sa akdang binasa;


B. nailalahad ang kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunang
ginagalawan; at
C. naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad ng tungkulin ng bawat
miyembro ng pamilyang Pilipino.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Tukuyin kung kaninong tungkulin nakaatas ang sumusunod. Iguhit


ang puso ( ) kung sa ina at bituin ( ) kung sa anak.

_____1. Bigyan ng ligtas na pamumuhay.


_____2. Sumunod sa lahat ng ipinapayo ng nakakatanda.
_____3. Bigyan nang maganda at maayos na pamumuhay.
_____4. Handang matuto sa lahat ng bagay.
_____5. Turuan ng magagandang asal at ipaunawa ang kahalagahan ng pagsagawa
nito sa kapwa.

BALIK-ARAL
PANUTO: Kilalanin ang mga tauhan ng Noli Me Tangere batay sa paglalarawan
dito. Isulat sa patlang bago ang bilang ang letra ng wastong sagot.

A. Elias D. Donya Victorina


B. Don Crisostomo Ibarra E. Maria Clara.
C. Donya Consolacion F. Padre Damaso

_____1. Kilala siya sa San Diego dahil sa kanyang angking kagandahan at


kayumian. Siya rin ang babaeng pinakamamahal ni Ibarra.
_____2. Matalik na kaibigan ni Ibarra at namatay sa pagliligtas sa kanya.

6
_____3. Siya ang napangasawa ng Alperes na dating labandera at magaspang kung
magsalita at may pangit na pag-uugali. Ipinapalagay niya na higit siyang
maganda kay Maria Clara.
_____4. Ang binatang nag-aral sa Europa at nangarap makapagpatayo ng paaralan
upang matiyak ang magandang kinabukasan ng taga-San Diego. Itinuring
na eskulmulgado at dinawit sa naganap na pag-aalsa.
_____5. Siya ang asawa ni Don Tiburcio de Espadaña at nagpapanggap na
mestisang Kastila na abot-abot ang kolorete sa mukha at maling
pangangastila.

ARALIN
Ang Mag-inang si Sisa at Basilio

Si Sisa ay isang uliran at mapag-arugang ina at asawa. Naging martir si Sisa,


siya ang naghahanap buhay para sa pamilya. Hindi inaalintana ang pagmamalupit
ng asawang sabungero sa tuwing umuuwi ito ng bahay. Mahal na mahal ni Sisa ang
asawa, kaya naman pati mga alahas ay naibenta upang matustusan ang bisyo nito.
Nang wala ng maibigay, pinagbubuhatan na siya ng kamay ng asawa at bihira ng
umuwi ng bahay. Walang nagawa si Sisa kundi umiyak at umasang magbabago ang
asawa. Para kay Sisa, Diyos ang kanyang asawa at ang dalawang mga anak nila ay
ang mga anghel.

Isang gabi ay naghanda si Sisa ng espesyal na hapunan, dahil nalaman niya na


uuwi ang mga anak na si Crispin at Basilio mula sa kumbento. Naghain siya ng
tuyong tawilis at kamatis na paborito ni Crispin at nanghingi ng kapirasong tapang
baboy-ramo at hita ng patong-bundok kay Pilosopo Tasyo na paborito ni Basilio.
Ngunit dumating ang kanyang asawa at inubos lahat ng pagkain, saka lamang naisip
ang dalawang anak ng siya’y mabusog. Nang makita ni Sisa ang natirang pagkain
naisip niya na hindi na sapat para sa kanilang tatlo at nasabi sa sarili na hindi na
siya maghahapunan. Hanggang sa umalis din agad ang asawa tangan ang manok.
Para kay Sisa, sapat na ang pagtatanong ng asawa sa magkapatid para makadama
ng pagkabusog. Dahil sa ginawa ng asawa, naiyak sa sama ng loob si Sisa. Iniisip
niya ang masasarap na pagkain para sa dalawang anak.

Masakit man sa damdamin, nagluto ng kanin at nag-ihaw ng tuyo para sa


mga anak na inaasahang darating. Ngunit lumipas ang mga oras ay walang
dumating na Crispin at Basilio. Hanggang sa nakarinig ng malakas na sigaw si Sisa.
Pinagbuksan niya ito ng pinto at tumambad sa kanya si Basilio na duguan ang noo
dahil nadaplisan ito ng bala mula sa mga guwardiya sibil. Kinilabutan si Sisa sa
nangyari sa kanyang anak at lalong pinanlamigan ng makitang hindi kasama si
Crispin. Naisalaysay ni Basilio ang nangyari sa kapatid na pinagbintangang
magnanakaw, lalong nahabag si Sisa sa nagyari sa bunsong anak. Minarapat na
ilihim na lang ni Basilio ang pagmamalupit sa kapatid na si Crispin upang hindi na
mag-alala ang ina. Alalang-alala si Sisa sa kaniyang mga anak, na ang tanging

7
magagawa ay ang papayapain ang kalooban ni Basilio. Nabatid rin ni Basilio na
dumating ang ama. Nawalan siya ng ganang kumain dahil dito. Alam niya ang
pagmamalupit na ginagawa ng ama sa kaniyang ina. Ipinabatid ni Basilio na gusto
na niyang mawala na ng lubusan ang kaniyang ama sa kanilang buhay na
ikinalungkot naman ni Sisa. Nais pa rin kasi nitong mabuo ang kanilang pamilya.
Nakatulog si Basilio dahil sa pagod. Napanaginipan pa rin niya si Crispin na
inaalipusta pa rin ng pari. Ginising siya ng ina at sinabi nito na ayaw na niyang
bumalik sa simbahan. Magpapastol na lamang siya ng mga hayop sa bukid ni Ibarra.
Kapag nasa hustong gulang na raw ay mag-aararo na lamang siya sa bukid. Pag-
aaralin na lamang niya ang kapatid na si Crispin kay Pilosopo Tasyo. Natigilan na
naman si Sisa sa ginagawa at muling nalungkot dahil hindi kasama ang ama sa mga
plano ni Basilio.

Dayag, Alma M. et al. Pinagyamang Pluma Aklat 2. Quezon City:Phoenix Publishing


House, Inc.,2015.

Mga Karapatan at Tungkulin ng Pamilyang Pilipino


Ang pamilya ay nagbubuklod nang mahigpit, kaya sa ating konstitusyon,
Artikulo 15, Seksyon 1, isinasaad na kinikilala ng estado ang pamilyang Pilipino
na pundasyon ng bansa. Sa gayon,

• Dapat nitong patatagin ang kaisahan ng pamilyang Pilipino at aktibong


itaguyod ang lubos na pag-unlad.
• Ang pamilya ay dapat magkakabuklod-buklod, sapagkat ang layunin ng
batas ay magkaisa ang pamilya.
• Dapat na maging buo at hindi watak-watak o hiwa-hiwalay.
• Ang ama ng itinuturing na puno o haligi ng tahanan samantalang ang ina
ay tagaingat-yaman at tagapag-asikaso ng tahanan.
• Ang panganay na anak ay karaniwang tumatayong pangalawang
magulang kapag ang ama o ina ay binawian ng buhay.

Bagamat ang layunin ng batas ay maging buo ang pamilya, may mga
pangyayari o pagkakataon na pinahihintulutan ang paghihiwalay ng mag-asawa
lalo na kung ito ay nasasaklaw ng Artikulo 55 ng ating Kodigo Sibil. Ilan sa
halimbawa dito ay kapag;

• paulit-ulit na sinasaktan, binubugbog ng asawa o anak;


• kapag nalululong sa ipinagbabawal na gamot o alak ang asawa;
• kapag ang asawa ay may masamang tangka sa buhay ng kaniyang asawa;
• ang pagpapabaya sa pamilya nang mahigit sa isang taon nang walang sapat
na dahilan at pangangaliwa o pangangalunya ng asawa.

Masasalamin sa nobela ni Rizal na “Noli Me Tangere” ang naging buhay ng magkapatid na


Crispin at Basilio. Nakapaloob rin sa ating Konstitusyon ang pangangalaga sa mga bata na tulad nila
Ang mga bata ay may mga karapatang dapat pangalagaan ng pamahalaan.

8
Nakasaad ito sa ating Konstitusyon, Artikulo 15, Seksyon 3, sinasabi rito na
dapat isanggalang ng Estado ang karapatan ng mga bata na

• mabigyan nang kalinga, kasama ang wastong pag-aalaga at nutrisyon


• natatanging proteksyon sa lahat ng anyo ng pagpapabaya, pang-aabuso,
pagmamalupit, pagsasamantala at iba pang kondisyong nakapipinsala sa
kanilang pag-unlad.

Mapapansin din natin ang paglabag ng sakristan-mayor sa paraan ng


pagbibintang at pagpapaamin kay Crispin, na ito ay nagnakaw ng dalawang onsa.
Batay pa rin sa Artikulo 3, Seksyon 12 ng ating Konstitusyon, ay hindi siya dapat
gamitan ng;

• labis na pagpapahirap
• puwersa, dahas
• pananakot, pagbabanta
• ano pa manging komunikado o iba pang katulad na mga anyo ng
detensiyon.

Mga Batas na Sumasaklaw Dito


1. Republic Act No. 9262 (2004) o ang Anti-Violence Against Women and Their
Children Act - ay batas na pinasa para bigyang proteksiyon ang mga
kababaihan at kanilang mga anak na nakararanas ng pag-aabuso o
karahasan.
2. Republic Act (R.A) No. 7610 o ang tinatawag na “Special Protection of
Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” -ay batas para
sa mga bata.

Guimarie, Aida M. Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Amos Books, Inc., 2007.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY BLG. 1

PANUTO: Isulat ang tsek ( ) kung naipakita ni Sisa ang karakter bilang ina
at ekis ( ) kung hindi.

_____1. Maalalahanin sa mga anak na si Crispin at Basilio.


_____2. Inuuna muna ang sarili bago ang mga anak.
_____3. Itinuturing na mga anghel ang dalawang anak ni Sisa.
_____4. Ipinagluluto ng mga paboritong pagkain ang mga anak.
_____5. Si Sisa ang bumubuhay sa kaniyang pamilya.

9
PAGSASANAY BLG. 2

PANUTO: Iguhit ang masayang mukha kung ( ) nasiyahan sa ikinilos ni Basilio


ayon sa nabasang teksto at malungkot na mukha ( ) kung hindi nasiyahan.

_____1. Nagtanim ng sama ng loob sa ama dahil sa pagiging iresponsable at


pagmamalupit sa kanyang ina.

_____2. Nangarap na pag-aralin ang kapatid na si Crispin.

_____3. Inilihim ni Basilio sa kanyang ina ang totoong nangyari sa kapatid na si


Crispin.

_____4. Iniisip ni Basilio ang kapakanan ng kanyang ina.

_____5. Hindi isinama sa pangarap ni Basilio ang kanyang ama.

PAGSASANAY BG. 3

PANUTO: Isulat sa patlang ang SA kung SANG-AYON sa pahayag na nabanggit


at HS kung HINDI SANG-AYON.

_____1. Ang asawang babae ay may karapatang hiwalayan ang asawa kung
nakararanas na ito ng pang-aabuso.

_____2. Nararapat na ang anak ang siyang bumuhay sa pamilya kapag siya ay nasa
hustong gulang na.

_____3. Ang ina ay kinakailangang magtiis para sa kapakanan ng mga anak at


asawa.

_____4. May karapatan ang anak na itakwil ang sariling ama kung hindi niya
nagagampanan ang tungkulin sa pamilya.

_____5. May karapatan ang bata na ilihim ang totoong nangyari sa magulang
upang maprotektahan ang mahal sa buhay.

10
MGA PAGLALAHAT

PANUTO: Bumuo ng isang talata hinggil sa paksang:

“Babae, Marangal ka at Kapuri-puri”

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

11
PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Itala ang tungkuling nagagampanan mo, ng iyong ina at ng iyong ama
at ang nagiging resulta nito. Isulat ang sagot sa talahanayan.

Tungkuling Nagagampanan Ko Resulta

Tungkuling Nagagampanan ng
Resulta
Nanay Ko

Tungkuling Nagagampanan ng
Resulta
Tatay Ko

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay TAMA at M kung ito
ay MALI.
_____1. Ang RA 7610 ay ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mga
kababaihan.
_____2. Ang nobelang “Noli Me Tangere” ang naging daan ni Jose Rizal upang
imulat ang mata ng mga mamamayang Pilipino na maging ang mga bata ay
may karapatan din na dapat pangalagaan.
_____3. Ang RA 9262 ay ang batas na nagbibigay proteksiyon sa kababaihan at
anak na nakararanas ng pang-aabuso.
_____4. Ang mga bata ay may karapatang mabigyan ng kalinga, wastong nutrisyon
at maproteksyunan sa lahat ng uri ng pang-aabuso.
_____5. Mas mataas ang tingin ng lipunan sa mga kalalakihan kaysa kababaihan.

12
SUSI SA PAGWAWASTO

5. M HS 5.
4. T SA 4.
3. T SA 3.
2. T SA 2.
1. T SA 1.
Panapos na Pagsusulit Pagsasanay 3

5. 5.
4. 4.
3. 3.
2. 2.
1. 1.

Pagsasanay 2 Pagsasanay 1

5. D 5.
4. B 4.
3. C 3.
2. A 2.
1. E 1.

Balik-aral Paunang Pagsubok

Sanggunian
Dayag, Alma M. et al. Pinagyamang Pluma Aklat 2. Quezon City:Phoenix Publishing
House, Inc.,2015.
Guimarie, Aida M. Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Amos Books, Inc., 2007.
http://karapatangbabae.weebly.com/anti-vawc.html

13

You might also like