Kasabay NG Paglipas NG Panahon Boter

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kasabay ng paglipas ng panahon, maraming mga pagbabago ang naganap hindi

lamang sa ating kapaligiran kundi maging sa ating wika. Malaki ang naging pag-unlad

ng wika, simula noong panahon ng mga katutubo, na kung saan tayo ay may alibata

hanggang sa kasalukuyan na kung saan nagkaroon ng bagong alpabeto. Itinuturing na

malaki ang naging ambag ng mga katutubo sa pag-unlad na tinatamasa ngayon ng

wika.

Gamit ang mga makabagong teknolohiya, nagagawa ng wika na mas mapaglagom pa

lalo ang saklaw nito. Ang “internet”, ang nagbigay daan sa global na komunikasyon.

Kahit na malayo ang isang tao, nagagamit pa rin ang wika sa kanilang

pakikipagtalastasan. Dulot ng interaksyon na ito sa modernong kaparaanan, ay

maraming salita ang nadagdag, naimbento at nabago. Marami ring salita ang umuso at

nakakuha pansin sa mga tao. Ang henerasyon ngayon ang may malaking

ginagampanan sa pagyaman at pagbabagong ito ng wika. Ang kanilang mga

malilikhaing isip ang nakagawa at nakaimbento ng mga ito. At sa pamamagitan ng

biyayang ito ng globalisasyon, pinanatili nitong buhay ang kaluluwa ng ating Wikang

Filipino sa puso’t isip ng bawat-isa. Hindi naging hadlang ang wikang banyaga sa

panahon ngayon bagkus ay nakatulong pa lalo upang maipakita ang pag-unlad nito.

Ayon sa 2001 Rebisyong ng Wikang Filipino at Patnubay sa Ispeling, dala ng mga

bagong dagdag na titik/letra C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Ang mga ito ay nakatulong nang

malaki sa pagsasalin upang magkaroon ng sariling berso ang ating wika. Higit na mas

napadali ang paggamit ng wika sa pagbibigay interpretasyon ng iba’t ibang salita mula

sa banyaga. Halos lahat ng wika sa mga karatig bansa ay may katumbas na ring berso

sa Filipino. Hindi naging hadlang ang pagkakaiba-iba ng wika sa ating pakikiangkop sa

agos ng globalisasyon dahil ang rebisyong ito ang naging tulay sa ating

pakikipagtalastasan sa iba.
Ang ating ekonomiya sa usaping komersyal at industriya ay higit
na napaunlad rin dulot ng wika. Nagkaroon ng pagkakaintindihan
ang mga tao dala ng komunikasyon gamit ang lingua franca na
siyang nagbigay daan sa pagkakaisa. Mas naihatid nang madali
at maayos ang mensahe na may kinalaman sa transaksyon kahit
nasa magkaibang lugar. Mas napaganda rin ang paggamit ng
wika sa panahong ito. Hindi naging mahirap sa mga tao na
makipagsabayan sa mga karatig bansa dahil na rin sa pagtaas ng
ekonomiya sa tulong nang matalinong paggamit ng wika.

Samakatuwid maraming salik ang naging ugnayan ng


globalisasyon at ng ating wika. Ang dalawang ito ay
magkaagapay sa pag-unlad. Hindi naging masama ang panahong
ito sa pagpapalagom ng ating wika bagkus ay lalo pang
naisakatuparan ang mithiin para sa wika.

Patuloy pa rin ang pagbabago at pag-unlad ng wika. Hindi ito


mapipigilan o masisira man ng panahon. Iba- iba man ng yugto,
ay patuloy pa rin ang pagyabong nito. Ang modernong panahong
ito tungo sa bagong yugto ng globalisasyon ay malaki ang
maitutulong sa wika. Patuloy ang rebisa ng wika hanggang sa
mas lalo pa itong mapaunlad. Marami pa rin ang madadagdag,
mababago at maiaambag sa ating wika ng mga susunod pang
henerasyon.

You might also like