Modyul para Sa Sariling Pagkatuto

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Modyul para sa

Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Epekto sa pag- aaral ng mga nakapaligid na istraktura sa sariling paaralan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig


Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Joana Jay R. Quiñones
Editor: Edna P. Obias
Tagasuri: Ma. Cecilia L. Atuan
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan
1
Ikatlong Markahan
Pansariling Kalinangang Modyul
Epekto sa Pag- aaral ng mga Nakapaligid
na Istraktura sa Sariling Paaralan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1Baitang I ng
Modyul 6 para sa araling Epekto sa Pag-aaral ng mga Instrakturang Nakapaligid sa
Sariling Paaralan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan –Baitang I Modyul 6 ukol


sa Epekto sa Pag-aaral ng mga Nakapaligid na Istraktura sa Sariling Paaralan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral ng


unang baitang. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil
makatutulong ito sa pag-aaral mo upang nalalaman ang
epekto sa pag- aaral ng mga istrakturang nakapaligid sa
sariling paaralan.
May mga pagsasanay kang sasagutan upang
masukat mo ang iyong kaalamang malinang sa modyul
na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot.


1. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung ang
paligid ng iyong paaralan ay maingay?
A. Hindi makakapag – aral ng mabuti ang mga mag-
aaral.
B. Mas lalong magiging makabuluhan ang pag-
aaral ng mga mag- aaral.
C. Wala sa nabanggit

2. May pagkakaugnay ba ang kinalalagyan ng


paaralan at paligid nito sa pagkatuto ng mga mag-
aaral?
A. Opo.
B. Wala po.
C. Marahil.
3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring makaapekto
sa pagkatuto ng mga mag- aaral sa loob ng silid-
aralan?
A. Mga kabundukan
B. palengke
C. prutas at gulay

4. Ang inyong paaralan ay palaging malinis at maayos.


Ano ang mararamdaman mo?
A. Malungkot
B. masaya
C. Wala sa nabanggit

5. Ang inyong paaralan ay malayo sa mga istraktura.


Tanging mga puno lamang sa labas ang
nakapaligid dito. Anong klaseng pag-aaral kaya
ang mararanasan mo?

A. makakapag- aral akong mabuti dahil tahimik ang


kapaligiran.
B. Di ako makakapag- aral ng mabuti dahil tanging
puno lamang ang makikita ko sa labas.
C. Wala sa nabanggit
BALIK-ARAL
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng paglalarawan ng
kinatatayuan ng isang paaralan at ekis (X) naman kung
hindi.

_____1. Ang aking paaralan ay nakatayo sa lugar na


malinis at maayos.
_____2. Ang paaralan na pinapasukan ni Eli ay malapit sa
simbahan at barangay hall.
_____3. Ang lollipop na binili ni Anna ay masarap.
_____4. Ang paaralan na pinapasukan ni Danny ay
napapalibutan ng puno at malapit sa mga
kabundukan.
_____5. Ang lobo ni Oli ay kulay dilaw.

ARALIN

Ano ang nakikita mo sa larawan?


Tama. Iyan ay isang paaralan. Ano ang nararamdaman
mo tuwing ikaw ay papasok sa paaralan? At bakit ito ang
iyong nararamdaman.
Tignan muli ang mga sumusunod na larawan.

Ang unang larawan ay nagpapakita na ang mga


bata ay nakakapag- aral ng maayos at mabuti. Sila ay
nakikinig sa kanilang guro.
Ngunit pansinin ang ikalawang larawan. Ano sa
palagay mo ang dahilan bakit ang mga bata ay naglalaro
na lang at hindi na sila nagkaklase?
Gaya ng iyong mga nakaraang napag- aralan, ang
paaralan ay pinapalibutan ng iba’t- ibang istraktura.
Meron ding iba’t- ibang bagay na nakapaligid dito na
maaaring makaapekto sa pagkatuto ng mga mag- aaral.
Pagmasdan mo muli ang larawan na ito at basahin ang
mga maaaring makaapekto sa iyong pagkatuto.
Ingay mula sa
Sigaw ng mga katabing bahay
tindera sa palengke na nagsisigawan.
na nagtitinda.

Malakas na
patugtog mula sa
tindahan na katabi
Ugong na ng iyong paaralan.
nagmumula sa
makina ng pabrika
na malapit sa
kinatatayuan ng
iyong paaralan. Mga batang
nagtatakbuhan sa
labas ng inyong silid-
aralan.

Ang mga nabanggit sa taas ay ang mga halimbawa


na pwedeng makasagabal sa iyong klase. Ito ay
makakadagdag sa ingay sa loob ng silid- aralan at
nakakaapekto sa iyong pagkatuto. Kapag ang
kapaligiran ay maingay, nahihirapan ang isang mag-
aaral na unawain ang itinuturo ng kanyang guro.
Ngunit ano ba ang epekto kapag ang paaralan ay
pinapalibutan ng tahimik na mga lugar o istraktura?

Kapag ang paaralan ay nakatayo sa lugar na tahimik


o pinapalibutan ng walang ingay na istraktura ang
mgamag- aaral ay maitutuon ang isip at atensyon sa
pagkatuto ng mga aralin.
Ayan c Rene. Araw- araw sya ay naglalakad papasok sa
paaralan. Ang kanilang tahanan ay malapit lang sa paaralan.
Tuwing sya ay papasok tanging mga puno lang ang kanyang
nadadaanan. Wala ding mga sasakyan ang dumadaan sa
kalsada at walang ibang nakapaligid na istraktura. Kaya c Rene
kasama ang kanyang mga kamag- aral ay masayang
nakakapag- aral ng mabuti sa kanilang paaralan.

TANDAAN
May epekto ang lugar na kinatatayuan ng paaralan sa
mga mag –aaral dahil nakasalalay ang pagkakatuto nila
dito. Kung tahimik ang paligid madali para sa mag-aaral
matutunan ang mga aralin at kung maingay naman ay
mahirap para sa mag-aaral dahil wala ang kanilang
atensyon sa kanilng mga aralin.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Iguhit mo sa loob ng mga kahon ang mga lugar
na nakapaligid sa iyong paaralan at isulat ang epekto nito
sa iyong pagkatuto.
Pagsasanay 2
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang
sitwasyon ay nagbibigay ng magandang epekto sa iyong
pag- aaral at malungkot na mukha naman kung
hindi.

________1. Malakas ang sigaw at usapan ng mga tindera


at namimili sa palengke na malapit sa iyong
paaralan.
________2. Malakas ang pinapatugtog na radio sa
bahay na malapit sa paaralan.
________3. Tahimik ang simbahan na nasa tapat ng iyong
paaralan.
________4. Ang paaralan ay napapalibutan ng mga puno.
________5. Ang paaralan ay katabi ng Computer Shop.
PAGLALAHAT

Ang bawat paaralan ay may sari- sariling lugar na


kinatatayuan at pwede itong maka apekto sa pag- aaral
ng mga mag- aaral. Maaaring maging mas makabuluhan
ang iyong pag- aaral, maaari din naming makasagabal.
Ngayon, magbigay ng mga istraktura o lugar na
malapit sa iyong paaralan na nakakapagbigay ng
magandang epekto sa iyong pagkatuto.

1. _________________
2. _________________
3. _________________
4. _________________
5. _________________

PAGPAPAHALAGA
Bilang isang mag- aaral, mahalaga na ang isang
bata na gaya mo ay nakakapag- aral ng maayos sa
tahimik at payapang lugar na kinatatayuan na iyong
paaralan. Ang paaralan ay ang ating ikalawang tahanan.
Panuto: Kulayan ang mga larawan na nagpapakita nito.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang letra ng


wastong sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang makakapagbigay ng


hindi magandang kapaligiran para sa iyong
pagkatuto?
A. tahimik na simbahan
B. malinis at maayos na paaralan
C. malakas na tugtog ng radio sa katabing bahay ng
iyong paaralan

2. Kung ang iyong paaralan ay malapit sa palengke,


ano kaya ang maaaring dulot nito?
A. maingay na sigawan ng mga tindera at namimili
B. mas lalong tatahimik sa aming paaralan
C. wala sa nabanggit

3. Ang inyong paaralan ay may katabing Computer


Shop. Sa palagay mo ay makakabuti ba ito?
A. Opo. Dahil pagkatapos ng klase ay pupunta agad
ako doon para maglaro.
B. Hindi po. Dahil madaming mga bata ang
pwedeng magliban ng klase at ugaliing maglaro
doon.
C. wala sa nabanggit

4.Alin sa mga sumusunod ang epekto sa mga mag- aaral


kapag ang kapaligiran at lugar na kinatatayuan ng iyong
paaralan ay maayos at malinis?
A. makakapag- aral ng maayos ang mga mag-aaral
kapag ang kapaligiran ay malinis at maayos
B. matutuwa ang mga mag- aaral sapagkat
madaming kalat
C. lahat ng nabanggit

5.Ano ang epekto sa paaralan kapag ang lugar na


kinatatayuan at paligid nito ay tahimik at payapa?
A. Mas mapapabilis ang pagkatuto ng mga mag-
aaral sapagkat tanging ingay lang sa loob ng silid-
aralan ang kanilang maririnig.
B. Mas mauunawaan ang itinuturo ng kanilang guro.
C. lahat ng nabanggit
SUSI SA PAGWAWASTO

ng mga bata. 10. C


Iba-iba ang sagot 9. A
8. B
Sagot: 7. A
6. C
Pagsasanay 1
Panapos na Pagsusulit
A 5. 5.
B 4. 4.
B 3. 3.
2.
A 2.
1.
A 1.
Sagot:
Paunang Pagsubok
Pagsasanay 2

Sanggunian
Miranda, Ocampo, Amita, Reyes, De Ramos, Tiamzon, Adriano, Quintos. Araling
Panlipinan 1. 1ST Ed. Republika ng Korea ng Prinpia Co., Ltd. 54 Gansanro 9gil,
Geumcheongu, South Korea 2017
https://images.app.goo.gl/ZHLZf1SbbHNubKHw6

https://images.app.goo.gl/RfnHjUarmfJk8gPP8

https://images.app.goo.gl/Wo6bte4hLYxREYBy9

https://images.app.goo.gl/46hVNaUtE5ywkiAQ9

https://images.app.goo.gl/v78cZ9HUFFg3rWPG9

https://images.app.goo.gl/kmyZV6DaPA5pHF3N6

https://images.app.goo.gl/S5xAzN6mCfdnBNsK7

https://images.app.goo.gl/gaxYaBrHD71V2YRV8

https://images.app.goo.gl/SbTzw2rjk1xwqk1k7

https://images.app.goo.gl/t6qUGgWNb8t6653WA

https://images.app.goo.gl/ivSRVw8PmwSYxknM9

https://images.app.goo.gl/en64iFvrytnpR6KT6

You might also like