LP2 Fil-18

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

1

2 Introduksiyon sa Pananaliksik

YUNIT 1: ANG PAKSA AT PAMAGAT NG PANANALIKSIK


1.0 Matatamong Kabatiran
a. Matalakay ang iba’t ibang konsiderasyon sa pagbubuo ng paksa; at
b. Makabuo ng isang pamagat-pampananaliksik.

1.1. Introduksyon
Lahat ng gawaing pampanaliksik ay nagsimula sa pagtukoy ng paksa. Paksa n
ahango sa natukoy na suliraning umiiral sa paligid o sa paaralang pinaglilingkuran.
Sinasabing kapawag wala kang natukoy na problema, at nasa klase ka ng
pananaliksik, ikaw ay may malaking problemang kinahaharap.

1.2 Paksa/Talakayan (may Pagtataya/Gawain)


Gaya ng siyentipikong metodo, ang pananaliksik din bilang isang disiplinang
makaagham ay nagsisimula sa identifying the problem o pagtukoy ng sulirann.
Pagmalinaw ang suliranin, magiging malinaw din sa mananaliksik kung ano ang
kaniyang lulutasin. Upang malutas ang pangmalagiang suliranin ng mga
nagsisimulang manaliksik na walang maisip na problema o paksa. Dapat unawaing
upang makabuo ng makabuluhan at researchable na paksa, kailangan maging
mapagmasid ang mananaliksik.

Mga Hanguan ng Paksa


Pansinin ang sumusunod na pagmumulan ng mga paksang pampananaliksik:
1. Karanasan – Maaaring makakuha ng paksa na hango sa sariling karanasan
sapagkat ang mga paksang ito ay produkto ng matiim na pagmamasid.
Maaaring sa mga lugar na napuntahan ay may kakaibang mga kaugalian,
paniniwala, wika, kultura, at literature. Ang mga ito ay maaaring
paghugutan ng paksang pampananaliksik.
2. Trabaho – Maaari din makakuha ng paksa sa trabaho. Halimbawa, kung ang
mananaliksik ay tungkol sa study hbit ng mga bata, aral-kaso ng mga mag-
aaral na madalas lumiban, pagbibigay ng interbensiyon sa mga mag-aaral
na mahina sa matematika at pagbasa, o kat naman ay ang epektibidad ng
ilang mga estratehiya, kagamitang panturo, o dulog.
3. Mga Dalubhasa – Kung talaganag nahihirapan sa pagtukoy ng paksa ang
isang mananaliksik dahil marahil baguhan pa ito sa ganitong larangan,
maaaring sumangguni sa mga propesor at iba pang eksperto. Sila ay
makapagbibigay ng tamang mungkahi kung alin pang maga paksa ang
nagangailangan pagtuunan ng pansin o kung ano pang mga suliranin ang
kinakailngan lapatan ng lunas.
4. Pamayanan at Kapaligiran – Ang pamayanan at kapaligiran ay ang daluyan
gn wika, kultura, at karanasan. Kung kaya, maaaring gawan ng pananaliksik

C. M. D. Hamo-ay
2
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

ang wika ng mga magsasaka, amngingisda, magtataawas, tindero ng isda at


iba pa. Ano ba ang wikang umiiral sa palengke? Simbahan? Sabungan? Sa
palaruan? Sa komunidad ka makakahango ng napakaraming paksang
pampananaliksik. Maging ang mga tradisyon na lro ayu maaaring saliksikin
upang hindi ito tuluyang malimot ng karamihan.
5. Mga Basahin – Ang mga babasahin kagaya ng pahayagan, aklat, polyeto,
mga mems, posts, tweets, at iba ang porma ng tekto online landscape ay
maaaring maging sabjek ng pagsusuring pangnilalaman. Maaaring suriin
ang estruktura ng mga mensahe, pangungusap, pagkakabuo ng mga salita,
paraan ng pagpapahayag, uri ng diskurso at iba pang kayariang
panglingguwistika, panliteratura, at pangkultura.
6. Mga Pelikula at Palabas – Maaari ding maging sentro ng pagsusuri ang mga
kontemporaneong mga palabas pantelebesyon at mga pelikula sa pinilakang
tabing. Maaaring suriin ang wikang ginagamit sa dalawang modernong
midyang ito, ang mga paksa o tema, aspektong kultural, political, at
historical. Maaari ding suriin ang mga pan oorin sa iba’t ibang lente ng
panunuring panleteratura gamit ang mga tiyak na teorya at idepolohiya
kagaya ng Markismo, naturalism, dekostruksiyon, at post-modernismo.
7. Radyo – Katulad ng telebisyon at pelikula, maaari ding maging sentro ng
pagsusuri at pananaliksik ang mga programa sa radio, mga patalstas, mga
adlib, mga drama, at mga awitin. Ang mga ito ay daluyan din ng mensahe
at kaisipang ibinubunsid ng wika.
8. Social Media – Ang social media, kagaya n g Facebook, Twitter, Instagram
at iba pang social networking sites ang makabagong pamamaraan ng
pakikipag-ugnayan ng tao saan man sa mundo. Dito naiintrodyus ang
kakaibang gamit ng wika sa pamamagitan ng memes, posts, shares, tweets,
at videos. Maaaring suriin ang mga ito at gawan ng isang mabusiisng pag-
aaral. Nagkalat ang mga cycler slang sa mga social media na maaaring
ituwid sa pamamagitan ng pananaliksik. Maaaring ding pag-aaralan ang
mfa viral na mga posts at trending na mga videos ayon sa content, mensahe
at pagkakabuo ng mga ito.
9. Cyber-Mundo – Napakalawak ng cyber-mundo. Sa malawak na mundio ng
internet nakaupload ang samo’t saring babasahin, mga iskolarling jornal, at
mga e-book na maaaring mapagsanggunian sa paghahanap ng paksang
sasaliksikin. Maging sa pangangalap ng mga kaugnaya na literature ay
mabisang sanggunian ang cyber-mundo. Gamit angf googleplus ay
makakakuha ang mananaliksik ng samo’t saring babasahing inilimbag ng
mga biktimang mananaliksik sa lahat ng panig ng mundo. Paalala lamang
na tukuyin nang mabuti ang mga pook-sapot na iskolarli sa pagpili ng
mapagsasanggunian sapagkat may mga bahagi ang vcyber-mundo na di

C. M. D. Hamo-ay
3
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

gaanong iskolarli.
10. Laybrari – Maraming mga materyal ang mahuhubot mula sa laybrari. Sa
katunayan, sa laybrari mahahanap ang mga apdyted na mga babasahin, mga
bagong depensang mga tesis at desirtasyon, at mga jornal na mula sa iba’t
ibang panig ng bansa. Sa laybrari makakakuha ngt napakaraming mga
babasahin na maaaring paghugutan ng paksang pananaliksik.

Pumili ng isang hanguan ng paksa na maaari mong mapagkunan at magbigay ng


halimbawa ng paksa ukol dito.
Hanguan ng Paksa:
Halimbawang Paksa:

Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa


1. Kasapatan ng Datos – Kinakailangang may sapat na impormasyon na
tungkol sa napili mong paksa. Kapag kakaunti ang datos na makalap mo
tungkol sa iyong paksa, maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-
aaral.
2. Limitasyon sa pag-aaral – Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o
ang oras kung hanggang kailan lamang pweding gawin ang iyong
pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng
isang semester kaya nangangailangan ng mahabang panahon para
maisakatupran.
3. Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang -alang ang
iyong kakkayahan pinanysal. May mga paksang masyadong magastos at
mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaaring hindi mo matapos ang
iyong pananaliksik sapagkatr ang pinili mong paksa ay masyadong Malaki
ang maillabas nap era.
4. Kabuluhan ng Paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay
napapanahon lamang, sa halip dapat ito ay makakatulong din sa iba pang
mananaliksik at ibang tao.
5. Interes ng Mananaliksik – May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang
isang bagay lahat ay gagawin mo para makuha ito. Sa pananaliksik, mas
mapapadali ang iyong gagawain kug iyong paksa ay nakabatay sa iyong
interes. Magagawa at matatapos mo ng komportable ang iyong pag-aaral
sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa.

Ano ang iyong gagawin para mabigyan pansin ang mga konsiderasyong
nabanggit sa pagbuo ng inyong paksang pampananaliksik?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
C. M. D. Hamo-ay
4
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

Mga Paglilimita ng Paksa


Ang tawag sa proseso ng pagpapaliit ng saklaw ng pananaliksik, o pagsasalin
nito mula sa pagiging masaklaw hanggang sa pangging tiyak ay tinatawag na
paglilimita. Kailangang malimitahan an g masaklaw na paksa upang mas magiging
ateynabol ito. Kapag masyadong masklaw ang isang paksa, maaaring hindi ito
matapis sa takdang oras o ang mas masakit, ay hinid na iti matapos kailanman
dahil sa iba’t ibang konsiderasyon. Isa sa mga konsiderasyon ay ang pinansyal na
aspekto. Kung masyadong malawak ang saklaw ng pag-aaral, ang mananaliksik ay
kinakailangan ng malaking pinansiyal na suporta upang mabuo ang pananaliksik.
Sa sitwasyong ito papasok ang kahalagahan ng paglilimita ng paksa. Maaaring
gawing batayan sa paglilimita ng paksang masaklaw ang sumusunod na mga
konsiderasyon:
1. Oras o Panahon – Sa paglilimita ng panahon, pipili tayo ng taon kung
hanggang saan lamang ang sakop ng ating pag-aaral.
Halimbawa: Epekto ng droga noong taong 2017-2018
2. Gulang/Edad – edad ng mga gagawan mo ng pag-aaral
Halimbawa: Epekto ng mga gawain mo ng pag-aaral.
3. Kasarian – lalaki o babae ang target na respondent ng iyong gagawing poag-
aaral.
Halimbawa: Epekto ng droga sa kalalakihang nagamit nito.
4. Perspektibo
Halimbawa: Epekto ng Social Media sa Study Habit ng mga Mag-aaral
sa Antas Tersarya.
5. Pook – Saan isasagawa ang pananaliksik
Halimbawa: Epekto ng Droga sa University of Example.
6. Trabaho na kinabibilangan o pangkat
Halimbawa: Epekto ng Droga sa Mag-aaral.
7. Kaanyuan
Halimbawa: Ang Wika ng mga Mangingisda
8. Mga Tiyak na eksampol
Halimbawa: Epekto ng Droga sa mga estudyanteng nagsisimula pa
lamang gumamit nito.
9. Kombinasyon ng mga nabanggit – para mas maging tiyak o particular ang
ating paksa, maaari pa nating pagsama samahin ang mga batayan.
Halimbawa
1. Paksa+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa mga mag-aaraal ng University of Example sa Taong
2017-2018
2. Paksa+Anyo+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa Kalusugan ng mgaMag-aaral ng UOE sa Taong

C. M. D. Hamo-ay
5
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

2017-2018.
Magbigay ng isang halimbawa na kombinasyon ng mga konsidirasyon sa
paglilimita ng paksa.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Pagdidisenyo ng Pamagat-Pampananaliksik
Ang pamagat pampananaliksik ay kaiba sa pamagat ng mga akdang
pampanitikan. Kaiba ito sa pamagat ng mga kwento, nobela, sanaysay at dula.
Pansinin ang mga kasunod na pamagat ng mga sumusunod na akda:
Pamagat ng Tula: Isang Punong Kahoy
Pamagat ng Dula: Moses, Moses
Pamagat ng Sanaysay: Saan Patubgo ang Langaylangayan?
Pamagat ng Nobela: Bulaklak na Walang Bango
Ulo ng Balita: Buwan ng Wika, Ipinagdiwang
Ang pamagat ng pananaliksik ay tiyak, madaling unawain, at higit sa lahat
makikita na ang saklaw ng pag-aaral na kiansasangkutan ng mga baryabol na
kailangang saliksikin. Hindi ito kailangan patalunghaga katuld ng tula. Hindi rin
ito dapat magmukhang ulo ng balita. Ito ay tila isang pangungusap na nagtataglay
ng buong diwa.

Pamagat ng Pananaliksik:
Kontekstuwal na Pagsusuri ng mga Pahayagang Pangkampus ng mga
Paaralang Sekundarya ng Cataduanes

Makikita sa halimbawag pamagat na ito ay may katumpakan. Mababasa na rito


sng tiyak na paksang pag-aaralan – mga pahayagang pangkampus ng mga
paaralang sekundarya baryabol – ang Cantanduanes. Kaya, ipinapayo at
iminumungkahi na ayusin ang pagkakalahad ng pamagat. Dapat sa unang basa pa
lamang nito ng mga mambabasa ay magkakaroon na ito ng ideya sa maaaring
saklawin ng pananaliksik. Huwag gawing masaklaw ang pamagat. Hangga’t maaari
ay limitahan ito. Tatalakayin sa susunod na bahagi ang mga pamamaraan sa
paglilimita ng paksa. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:

Masaklaw: Ang wika ng mga bakla


Tiyak: Pagsusuri ng Wikang Ginagamit ng mga Baklang Parlorista ng
Virac, Catanduanes.

Masaklaw: Sinaunang kaugalian ng mga Bikolano

C. M. D. Hamo-ay
6
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

Tiyak: Paglilikom at Pagsusuri ng mga Sinaunang Kasabihang Bikolnon


Bikolnon Bilang Repleksiyon ng Kulturang Bikolano.

Ayon kina Bernales, et al (2016), iminumungkahing ang pamagat ng


pananaliksik ay hindi dapat paligoy-ligoy. Matatamo ito kung ang pamagat ng
pananaliksik ay maikli lamang. Hanggat maaari, ang mga salita ay hindi kukulangin
sa sampu (10) at hindi hihigit sa dalawampu (20), hindi kasama ang mga salitang
pangkayarian tulad ng pantukoy, pananda at pang-ugnay, pangatnig, pang-ukol, at
pangawing. Pansinin ang sumusunod na mga halimbawang pamagat mula sa mga
pananaliksik ni Jovert R. Balunsay:
1. Mga Nilikhang Tula Bilang Lunasaran sa mga Araling Pangwika sa Antas
Sekundarya
2. Pasulat at Pasalitang Sintaksis ng mga Mag-aaral ng CSU Laboratory High
School: Isang Lingguwistik-Komparatib na Pag-aaral
3. Leksikal, Morpolohikal, at Sintaktikal na Analisis ng 15 Nangungunang
Pahayagang Pangkampus ng mga Paaralang Sekundarya ng Rehiyong Bikol
4. Isang Kolektibong Elaborasyon ng mga Modernong Terminolohiya ng mga
Milenyal ng kolehiyo ng edukasyon ng Pampamahalaang Unibersidad ng
Catanduanes
5. Tirigsikan sa Caramoran: Estrakturalistiko at Teamatikong Pagsipat sa mga
Oral na Poetikang Caramoranon Bilang Repleksyon ng Kulturang
Catandunganon
Bumuo ng isang pamagat-pampananaliksik.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Pagsusulit.
A. PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng bawat aytem. Isulat ang sagot bago ang bilang.
1. Ano ang sinasabing limitasyon ng pag-aaral sa mga
konsiderasyon sa pagpili ng paksa?
2. Ilang salita lang dapat ang bumubuo sa pamagat-
pampananaliksik?
3. Kung ikaw ay baguhan sa pananaliksik at nahihirapan sa
pag-iisip ng paksa, saan ka maaaring sumangguni para
humingi ng payo o ideya ng paksang sasaliksikin?

C. M. D. Hamo-ay
7
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

4. Katulad ng telebisyon at pelikula, maaari ding maging


sentro ng pagsusuri at pananaliksik ang mga programa
rito, mga patalastas, mga adlib, mga drama, at mga awitin.
5. Anong konsiderasyon ng pagpili ng paksa kung sa
pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gagawain kug
iyong paksa ay nakabatay sa iyong interes?
B. PANUTO: Limitahan ang sumusunod na masaklaw na paksa. (2pts.)

6. Mga Salita ng Milenyal

7. Kaagamitang Panturo sa Mother Tongue

8. Mga Paniniwala sa Lamay at Libing

9. Mga Tradisyonal na Pagkain

10. Wika ng Samar

1.3 Sanggunian
Balunsay, J.R. (2020). Maunlad na Pananaliksik sa Filipino (Mga Teorya at Praktika
ng Pananaliksik sa Wika at Panitikan, at Kultura). Mindshapers Co., Inc.

Cruz, C.B. et.al. (2010). Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik


sa Antas Tersaryo. Mindshapers Co. Inc.

Taylan, D.R., Petras, J.D., Geronimo, J.V. (2019). Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino. Rex Book Store Inc.

Brian Carlo. (2018). Pagpili ng Paksa at Paggawa ng Epektibong Pamagat sa


Pananaliksik. https://www.pinoynewbie.com/pagpili-ng-paksa-paggawa-
ng-pamagat-pananaliksik/

Pagdidisenyo ng Pamagat Pampananaliksik.


https://www.coursehero.com/file/p2anv5is/44-PAGDIDISENYO-NG-
PAMAGAT-PAMPANANALIKSIK-Ang-pamagat-pampananaliksik-
aykaiba/

C. M. D. Hamo-ay
8
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

1.4 Pagkilala
Ang mga larawan, talahanayan, mga figyur at impormasyon na nilalaman
nitong Learning Packet ay kinuha mula sa mga sanggunian na makikita sa taas.

Paunawa (Disclaimer)
Ang Learning Packet na ito ay hindi pangkomersyal at pang-edukasyon lamang.
Ang ilan sa mga teknikal na terminolohiya at parirala ay hindi binago, pero ang
may akda sa Learnig Packet na ito ay nakasisigurado na lahat ng sipi/sitasyon ay
makikita sa sanggunian. Kahit ang mga larawan o/at talahanayan ay binigyan
pagkilala bilang paggalang sa kayamanang pangkaisipan mula sa orihinal na
pagmamay-ari.

C. M. D. Hamo-ay
9
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

YUNIT 2: PANGANGALAP NG MGA DATOS, IMPORMASYON AT


SANGGUNIAN
1.0 Matatamong Kabatiran
a. Matukoy ang iba’t ibang klasipikasyon sa datos;
b. Mailahad ang mga lapit at pamamaraan sa pangangalap ng datos; at
c. Matatalakay ang kahalagahan ng interbyu bilang mabisang paraan sa pagkuha
ng datos.
1.1. Introduksyon
Maituturing na pinakamabusisi at pinakamalawak na gawain ng pananaliksik
ang pangangalap ng datos, kadikit ang pagsusuri sa mga ito. Sa gawaing
pampananaliksik, sinasaklaw ito ng bahagig kaparaanan o metodolohiya sa
pananaliksik na tumutukoy sa mga lapit at pamamaraan sa pagtamo ng mga
inaasahang impormasyon.

1.2 Paksa/Talakayan (may Pagtataya/Gawain)


Mahalagang maunawaan sa pangangalap ng datos ang iba’t ibang hanguan ng
impormasyon. Ang mga hanguang ito primarya, sekundarya, at elektroniko. Ang
mga ito ay maaaring ikonsidera sa pagpili ng rerebyuhing literature at pag-aaral.
May mga babasahing din kasing hindi maituturing na iskloarli. Tatalakayin ssa
ibaba ang pagkakaiba ng tatlong uri ng hanguan ng impormasyon.
1. Hanguang Primarya. Ang hanguang primarya ay nakatuon sa mga
personal na pakikipanayam o mga personal na anitasyon ng mga taong
nais pag-aaralan kagaya ng talaarawan, fild nowts, at pansariling dyornal.
Kasalu rin ditto ang mga batayangf legal katulad ng mga kautusan,
probinsiya sa konstitusiyon, mga memorandum pantaggapan at
pangkagawaran, paati na ang mag dokumentong naka-video at kahawig
na materyal katulad na mga pelikula, audiotapes, movie clips,
documentaries, at iba pa.
2. Hanguang Sekundarya. Ang mga babasahing maaaring ibilang sa mga
hanguang sekundarya ay ang nakalimbag at di nakalimbag na materyal.
Ang mga nakalimbag na materyal ay maaaring aklat kagaya ng
sangguniang aklat, sanayang aklat, mga batayang aklat, ensayklopedya,
alamancs, atlas, mga iskolarling dyornal kagaya ng research journals,
literary journals, at education journals, mga polyeto, brosyur, compilations,
mga akalt ng abstrak, mga aklat Katipunan, pananaliksik, tesis at
disertasyon.
3. Hanguan Elektroniko. Ang hanguang elektroniko ay mga materyal na
mahahango sa malawak na mundo ng Worl Wide Web (www.) o ng
internet sa kabuuan. Maraming mga naka-upload na iskolarling mga

C. M. D. Hamo-ay
10
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

babasahin sa mundo ng internet o cyber-mundo. Sa katunayan, maraming


mga e-books, e -journal, at mga babasahin nakaPDF files na maaaring i-
download upang maging bahagi ng anumang pananaliksik. Subalit, dahil
ang internet ay isang pampublikong porum, mga mga bahagi itong hindi
masyadong iskolarli. Sa maraming pagkakataon, ang paggamit ng
www.wikipedia.com ay hindi gaanong iminunumun gkahi sapagkat hindi
ito iskolarli ang website na ito. Sinuman ay maaaring mag-upload dito ng
mga impormasyon ang hindi man lamang dumaraan sa mabusising pag-
eedit ng at pagsasaayos ng mga materyal. Mas iminumungkahing gamitin
ang mga website na nagtatapos sa .org (organisasyon o samahan), .edu
(institusyon I akademiko), at mga website na iskolarling nagtatapos sa .com
(kompanya o negosyo).

Pangangalap ng Datas o Impormasyon


Ang datos o impormasyon ay ang pinakapuso ng pananaliksik. Sa mga bagay
na ito nakasalalay ang buong pag-aaral. Kung wala ang mga ito, o kung hindi ito
natamo, walang pananaliksik na nangyari o mangyayari. Subalit kailangan ding
maging tiyak ang Gmit nito sa mga particular na kalisakan ng pananaliksik. Ang
datos ay ang natamong kaalaman ng isang kuwantitatibong pananaliksik. Sa
madaling salita, numerical ang representasyon ng mag ito. Sa kabialng banda,
impormasyon ang tawag sa natamong tugon ng isang kuwalitatibong pag-aaral.
Ibig sabihin, tekstuwal ang presentasyon ng mga ito na maaaring buhat sa
transkripsiyong hango sa panayam, FGD, dokumenyio, pagmamasid, at aktuwal
na pakikipamuhay. Sakaling ang kalikasan ng pananaliksik ay kuwali-
kuwantitatibong gamitin ang alinman sa dalawang terminolohiya dependi sa uri
ng tugong inilalarawan.
May tatlong pangunahing lapit sa pangangalap ng datos. Ang mga ito ay:
1. Pananaliksik sa Laboratoryo – tumutukoy sa ginagawang pag-
eeksperimento ng mga nasa larangan ng agham pangkalikasan. Ang
datos ay nakukuha mula sa kahihinatnan ng ginagawang
eksperimento.
2. Pananaliksik sa akltan o sa lugar na pinaglalagakan ng mga
dokumento at impromasyon – tumutkoy sa pangangalap ng datos
mula sa mga dokumento at babasahing makikita sa akltan, artsibo o
sinupan, Internet, pribadong koleksiyon, simbahan munisipyo, museo,
at iba pa. Mahalagang kasanayang dapat matamo ng isang
mananaliksik sa aklatan ang wastong paggamit ng Card Catalog (CC)
o online Public Access Catalog (OPAC) sa paghahanap ng mga akda
gamit ang titulo ng publikasyon, pangalan ng may-akda, o kaugnay ng
paksa. Gayundin, dahil sap ag-unlad ng teknolohiya, marami na ring

C. M. D. Hamo-ay
11
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

mga website na masasangguni sa pananaliksik gaya ng sumusunod:


• Journal Storage: The Scholarly Journal Archive (http://jstor,org)
• Project MUSE (http://muse,jhu.edu)
• Project Gutenberg (http://gutenberg.org)
• Filipiniana (https://lipiniana.net)
• Philippine E-Journals (http://ejournals.ph)
• Bagong Kasayayan (http://bagongkasaysayan.multiply.com)
• Diwa E-Journal (http://www.diwa.pssp.org.ph)
3. Pananaliksik sa Larangan – tumutukoy sa mismong pagtungo sa pook
ng pinag-aaralang paksa. Mahalagang maisaalang-alang sa ganitong
lapit ang pakikipagkapwa ng mananaliksik sa kaniyang kalahok.
Nararapat kilalanin ang kalahok hindi lamang bilang tagapagbigay ng
ipormasyon, kundi bilang kapwa-tao. Kongkretong manipestasyon
nito ang bukal na pakikipagkaibigan sa kalahok at hindi lamang pata
sa layuning makapangalap ng impormasyon. Gayundin, esensiyal ang
paggamit ng katutubong wika o diyalekto sapakat tanging sa taal na
wika na wika ng mga kalahok lamang nila maipapahayag ang kanilang
ideya, damdamin, pananaw, at pag-uugali. Ilan sa mga katutubong
pamamaraan ng pananaliksik ay pagtatanong-tanong,
pakikipagkuwentuhan, nakikiugaling pagmamasid, pagdalaw-dalaw,
panunuluyan, at pakikipagtalakayan.

Interbyu: Kahulugan, Layunin at Kahalagahan


Isa sa mga popukar na paraan sa pangangalap ng datos ang pagsasagawa ng
interbyu. Sa biglang tingin, ang paraang ito ay hindi nangangailangan ng
maraming kagamitan – tanging recorder at sulatin lamang – at ng komplikadong
kasanayan sa pakikipag-usap. Halos lahat ng metodo ng pananaliksiuk ay
gumagamit ng pakikipanayam sa pangangalap ng impormasyon. Ito at maaaring
harapan o kaya ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga elektronikong bagay
kagaya ng cellphone, laptop na nakakonekta sa intenet, telepono, at iba pa.
Interbyuwer ang tawag sa nagtatanong o nangangalap ng impormasyon habang
interbyuwi naman ang twaga sa tinatanong o kinakapanayam. Sa pagsasagawa
ang panayam, kinakailangan isaalang-alang ang pagbabalangkas ng mga tanong.
Nararapat lamang na handa na ang mga mtanong upang maging tuloy-tuloy ang
panayam.
Ang layunin ng interbyu ay (1) kumuha bng impormasyon, reaksyon. At/o
kurokurong kailanagn sa paghahanda ng isang bagay na ilalathala sa pahayagan;
(2) layuning pagtatampok; at (3) layuning pantalambuhay. May iba’t ibang uri ng
pakikipanayam ayon sa layunin:
1. Pamimiling Panayam – Ang uri ng pakikipagpanayam na ito ay
ginagamit para sa pagpili, pag-upa at pagbibigay-trabaho sa mga
aplikante, kawani at mga kasapi ng isang organisasyon. Ang isang tao ay
maaari ring makapanayam para sa isang trabaho, pautang ng bangko

C. M. D. Hamo-ay
12
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

maging sa paghiling ng visa upang makapaglakbay sa ibang bansa. Sa


mga panayam para sa trabaho, ikaw ay pinipili batay sa iyong kakayahan
at sa pangangailangan ng kompanya. Ang panayam para sa pautang ng
bangko ay isinasagawa upang malaman kung nararapat kang
pagkalooban ng pautang batay sa layunin mo at sa iyong kakayahang
makabayad. Ang mga panayam para sa paggagawad ng visa ay
isinasagawa naman upang malaman ng pamahalaan ng ibang bansa kung
nararapat kang pagkalooban ng pahintulot na dumalaw sa kanilang bansa
at bigyan ng kaukulang papeles.
2. Panayam upang mangalap ng impormasyon - Naghahangad ito na
makakuha ng pangyayari, opinyon, damdamin, gawi at kadahilanan para
sa mga piling pagkilos. Ito ay kadalasang ginagamit ng mga
mamamahayag sa pagtatanong sa mga opisyal ng pamahalaan upang
magsalita ukol sa isang partikular na isyu. Ito ay madalas nating makita
sa mga balita sa telebisyon. Ang iba pang halimbawa ng ganitong uri ng
panayam ay:
• pananaliksik (survey);
• pagboto (kung eleksyon);
• eksit interbyu (kung ang tao ay aalis na sa kasalukuyan niyang
trabaho);
• pananaliksik na panayam (ng mga mag-aaral); at
• pampulisyang panayam.
3. Panlutas-suliraning pakikipanayam - ay isinasagawa upang malutas ang
isang problemang kinasasangkutan ng dalawa o higit pang tao. Ito ay
maaari ring gamitin upang magtipon ng mungkahi para sa kalutasan ng
problema. Isang halimbawa nito ay ang pakikipagpulong ng kapitan ng
barangay sa mga kasapi ng kanyang komunidad upang bigyang
kalutasan ang kanilang problema sa basura. Ang ganitong uri ng
pakikipanayam ay maaari ring gamitin para sa mga suliraning gaya ng:
• pagbaba ng bilang ng kliyente o benta ng isang kompanya;
• pagkasira ng mga computer sa isang opisina; at
• mga paiba-ibang sintomas ng isang pasyente sa ospital.
4. Panghihikayat na Panayam - sa kabilang dako, ay isinasagawa kung
mayroon kang nais baguhin sa pag-iisip, damdamin o kilos ng isang tao.
Halimbawa, kung ikaw ay nasa palengke, tatanungin ka ng mga tindera
ng “Ano ang iyong hinahanap?” at iba pang mga katanungan upang
mahikayat kang bumili ng kanilang mga produkto. Ang iba pang
halimbawa ng ganitong uri ng pakikipanayam ay ang mga sumusunod:
• pakikipanayam para sa pangangalap ng pondo;
• pananaliksik para sa isang kandidato sa eleksiyon; at
• pangangalap ng tauhan ng isang organisasyon.

Ang mga pakikipanayam ay mahalaga sapagkat lumilikha ito ng pagkakataon


sa tao upang makapagtanong o makapagbigay ng kasagutan sa mga paksang may
kinalaman sa kanila. Hindi tayo dapat matakot sa mga panayam sapagkat
nakatutulong ito upang makatuklas tayo ng mga bagong bagay tungkol sa ibang
tao, mga partikular na sitwasyon, pagkakataon at/o mga suliranin.

C. M. D. Hamo-ay
13
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

Mga Hakbangin sa Pormal na Interbyu


Nakapagbigay sina Constantino at Zafra (1997) ng mga hakbang na nararapat
bigyan-pansin bago isagawa, habang isinasagawa, at pagkatapos isagawa ang
interbyu:
1. Bago ang interbyu
1. Tiyakin ang taong iinterbyuhin batay sa impormasyong nais makuha.
Hindi lamang ang mga propesyonal kundi ang karaniwang
mamamayan ay maaaring magsilbing awtoridad batay sa paksang pag-
uusapan.
2. Makipag-ugnyan sa iinterbyuhin at itakda ang petsa at lugar ng
interbyu nang may malinaw na konsiderasyon sa taong iinterbyuhin.
3. Magsaliksik tungkol sa paksa at taong iinterbyuhin. Sa ganitong paraan
matututukan sa proseso ng interbyu ang pagpapalawak at
pagpapalalim ng impormasyib, hindi ang mga batyang datos lamang
na maaari nang makuha sa ibang sanggunian.
4. Maghanda ng mga gabay na tanong. (Tandaan: Ang mga tanong ay
gabay lamang. Iwasang magpatli rito. Mahalagang umangkop ang
tanong sa daloy ng usapan.)
5. Ihanda ang mga teknikal na kagamitan na kagamitan para sa interbyu
gaya ng tape o digital recorder, panulkat, at sulatan.

2. Habang nag-iinterbyu
1. Dumating sa itinakdang petsa, oras, at lugar ng interbyu.
2. Magpakilalang muli sa iinterbyuhin at tatalakayin sa kaniya ang
kaligiran ng paksa at layunin sa isasagawang interbyu.
3. Isagawa ang interbyu sa pamamagitan ng epektibong pagtatanong.
Ibig sabihin, maghalagang lumikha ng iba’t ibang uri ng katangungan
na may layuning magbukas ng paksa, manghungi ng opinion,
magpalalim ng ideya, at iba pa.
4. Magpasalamat sa pagpapaunlak ng ininterbyu.

3. Pagkatapos ng interbyu
1. Lagyan ng wastong identipikasyon ang tape na ginamit (o file name
kung digital) sa interbyu (hal., “Interbyu kay Dr. Rosario Torres-Yu
tungkol sa panunuring pampanitikan, UP Faculty Center, 10 April
2015”)
2. Gawan ng transkripsiyon ang interbyu. Upang ganap na maorganisa
ang transkripsiyon, bukod sa mismong pahayag ng kinapayam,
mahalagang maisama ang sumusunod:
A. Anotasyon – tumutukoy sa mga impormal na tala at komenti
kaalinsabay ng mga pahayag ng ininterbyu. Nakabatay ang
anotasyonsa alaala ng mananaliksik habang isinasagawa ang
in terbyu. Kinapalolooban ito ng mga obserbasyon sa
ininterbyu – ang kaniyang kilos, emosyon, katahimikan, at iba
pang hindi naitatala sa salita.
B. Line number at code – makabubuting lagyan ng numero ang
bawat linya upang maging madali ang paghahanap sa

C. M. D. Hamo-ay
14
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

anumang mahalagang pahayag. Gayundin, mainam na magb


igay ng code o koda sa mfga ideyang lalabas sa pahayag upang
maging madalai ang pag-oorganisa at analisis ng interbyu.

Ang Sarbey-Kwestyonyer
Ang sarbey-kwestyonyer o talatanungan ay isang instrumenting
pampananaliksik na maaaring sariling gawa ng mananaliksik o adaptasyon mula
sa ibang pag-aaral. Itop ay naglalaman ng mga handa na o binalangkas na mga
tanong at indikeytor na sagot na maaaring iranggo, pipiiliin, o kaya ay pupunan
ng mga mapipiling tagatugon o respondent. Ang mga ito ay ipinamumudmod o
ipinapadala sa mga mapipiling respondent na siyang sasagot sa nasabing
instrumento. Pinapalitan ng isang talatanungan na maaaring isa o higit pang mga
pahina, ang aktwal na paghahanap ng kalahok at mananaliksik. Ito ay malimit
gamitin sa sarbey na may tiyak na bilang ng mga kalahok.

Bentahe at Disbentahi ng Pagsasagawa ng Interbyu


Ang paggamit ng interbyu bilang paraan ng pangangalap ng datos ay may mga
bentahe at disbentahe. Kung gayon, makabubuting pakasuriin ang paggamit ng
nito batay sa kalikasan ng at kaangkupan sa pananaliksik. Gayundin, mainam na
hindi lamang magpokus sa interbyu bilang tanging paraan ng panganganalap ng
datos. Nararapat na langkpan pa ang pag-aaral ng mga datos na makukuba sa
ibang paraan gaya ng pananaliksik sa akalatan., sarbet, eksperemento, at iba pa.
Bentahe
• Lalim ng impormasyon – sa pammagitan nfg interbyu, nakakukuha ng
mga datos na nagpapalalim at nagdedetalye sa isang particular na
paksa.
• Bagong ideya – maaari ding makakuha ng bagong ideya ang mga
mananaliksik mula sa mga impormasyong makukuha.
• Kagamitan – ang interbyu ay nangangailangan lamang ng simpleng
kagamitan. Higit na nakasalalay ito sa kasanayan sa komunikasyon na
dapat taglay ng mananaliksik.
• Pokus sa iniinterbyu bilang tagapagbahagi ng impormasyon – isang
mabisang paraan ang interbyu para sa pangangalap ng mga datos batay
sa ideya at opinion ng isang tao. Nabibigyan ng pagkakataon ang
iniinterbyu na maipalaiwanag ang kaniyang mga ideya at mabigyan-
diin ang kaniyang mga pananaw.
• Flexibility – Masasabing ang interbyu ang pinaka-flexibility na
pamamaraan sa pangangalapa ngd atos. Ang anumang pagbabago,
gaya ng mga tanong, ay posibleng mangyari sa mismong oras ng
interbyu. Sa gai tong paraan, nagbibigyang-pansin na ang maaaring

C. M. D. Hamo-ay
15
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

tinatahak na daloy ng mga ideya at impormasyong ibinibigay ng


iniinterbyu.
• Katumpakan (Validity) – dahil sa tuwirang ugnayan ng mananaliksik at
ng taong pinagmumulan ng datos, kagyat na nalilinaw ang anumangf
kalituihan sa proseso ng interbyu.
• Mataas na antas ng pagtugon – karaniwang naisasaayios ang panahon
ng interbyu batay sa kaluwagan ng iinterbyuhin. Sinasalamin ng
maginhawang lugar at oras ang mataas na antas ng pagtugon ng
iinterbyuhin.
• Nakalulunas – kunpara sa ibang pamamaraan ng pangangalap ng
datos, karaniwang isang masayang karanasan nag interbyu para sa
iniientrbyu dahils sa element nitong mas personal. Dagdag pa rito,
Malaya nilang naipapahayag ang kanilang saloo bin at pananw nang
hindi nahuhusgahan ng nakikinig na mananaliksik. Kung sa
kontekstong Pilipino, naisakatutubo na rin ang interbyu sa anyo ng
pagtatanong-tanong at pakikipagkuwentuhan upang maayin sa mas
komportableng karanasan ng kinakapanayam.

Disbentahe
• Mahabang oras – bagaman maaaring maikli o mahaba ang isang
interbyu, maaaring ang pagsusuri sa datos ay maging mahirap at
mangangailangan ng mahbang oras. Ang pagsualt ng transkripsiyon at
koda sa interbyu ay isang metikulosong gawain matapos ang interbyu.
• Pagkamaaasahan (Reliability) – ang makokolektang datos ay
karaniwang natatangi sa particular na konteksto at indibidwal. Sa
ganitong punto, nagiging mahirap na matatamo ang kasiahan ng mga
impormasyon.
• Interviewer effect – ang uganyan ng mananaliksik at kalahok ay may
epekto sa kalidad ng datus namakukuha sa interbyu. Maaaring dahil
hindi pa kampante anf iniinterbyu sa mananaliksik, ang mga
impormasyon nat ideyang kaniyang sasabihin ay batay sa paniniwala
niyang sasang-ayunan ng mananaliksik at hindi batay sa kaniyang
sariling pananaw. Muli, sa ganitong pagkakataon, mahalagang
maisaaalang-alang ang pakikipagkapwa ng mananaliksik sa kalahok
upang maging komportable ang huli sa kaniyang presinsiya at
matatamo ang inaasahang datos.
• Pagpipigil sa sarili – maaari ding mkaaepkto sa iniinterbyu ang
presensiya ng recorder o kamera habang isinasagawa ang interbyu.
Magdudulot ito ng hindi pagiging natural ng knaiyan g pananalita at
pagbibitaw ng mga dieya. Sa katututbong pamamaraan ng

C. M. D. Hamo-ay
16
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

pagtatanong-tanong at pakikipagkuwentuhan, hinihikayat na gawing


natural ang proseso ng pakikipag-ugnayan ng mananaliksik sa
kaniyang kalahok. Isang paraan nito ay ang pagbibigay-puwang din
samga tanong at kuwento ng iniienterbyu sa mananaliksik.
• Halaga ng gugulin – posibleng maging Malaki ang gastusin ng
mananaliksik kung pag-uusapan ang kaniyang ginugol na oras patungo
sa lugar ng mga iniinterbyu, at pagsulat ng transkripsiyon.

Mga Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr


Upang matiyak ang tagumpay sa pangangalap ng mga datos at impormasyon
sa pagsasarvey, iminumungkahi na isaalang-alang at tupdin ang sumusunod na
tagabulin sa paggawa ng kwestyoneyr:
• Simulan ito sa isang talata ang magpakilala sa mananaliksik, layunin ng
pagsasarvey, kahalagahan ng matapat at akyureyt na sagot ng mga
respondent, takdang-araw na inaasahang maibabalik sa mananaliksik ang
nasagutang kwestyoneyr, garantiya ng anonimiti, pagpapasalamat, at iba
pang makatututlong sa paghihikayat sa respondente ng kooperasyon.
• Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon.
• Tiyaking tama ang grammar ng lahat ng pahayag sa kwestyoneyr.
• Iwasan ang mga may-pagkiling na katanungan.
• Itala ang lahat ng posibleng sagot bilang mga pagpipilian.
• Tiyaking nauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng pananaliksik.
• Iayos ang mga tanong sa lojikal na pagkakasunod-sunod.
• Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga konfidensiyal na
sagot o mga nakahihiyang impormasyon.
• Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga mahihirap na tanong.
• Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay lamang.
Iminumungkahing ilagay iyon sa kaliwa ng mga pagpipilian.
• Panatilihing anonimus ang mga respondent.

Mga Pagsasanay

A. PANUTO: Suriin ang mga paksang pananaliksik na nasaibaba. Matapos


tukuyin kung anong lapit ito sa pangangalap ng datos. Isulat bago ang bilang ang
PLO kung ito ay Pananaliksik sa Laboratoryo, PA kung ito ay Pananaliksik
Aklatan, at PLN kung ito ay Pananaliksik sa Larangan.
1. Kalagayan ng mga Badjao sa Lungsod ng Maynila
2. Gamot panlunas sa Middle East Resporatory Syndrome (MERS)
3. Kasaysayan ng Baybayin bilang Katutubong Pamamaraan ng Pagsulat
4. Kaligtasan at Bisa nf Sabong Pampaganda

C. M. D. Hamo-ay
17
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

5. Ang Pagpapatuloy ng Tradisyon ng Pagoda sa Bocaue, Bulacan


6. Ang Patakarang Pangwika sa Pilipinas mula 1935 hanggang
Kasalukuyan
7. Ugnayang Diplomatiko ng mga Bansa sa Asean.
8. Epekto ng Rock Music sa Intelligence Quitient (IQ) ng mga mag-aaral sa
Sikolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas
9. Ang Simabahang Katoliko bilang Espasyo ng mga Pilipino sa Bangkok,
Thailand.
10. Pagsisimula ng Pampublikong Edukasyon sa Pilipinas.

B. PANUTO: Talakayin ang bentahe at disbentahe ng pagsasagawa ng interbyu.


Bentahi ng Interbyu
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Disbentahe ng Interbyu

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

C. M. D. Hamo-ay
18
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

C. PANUTO: Magsagawa ng interbyu sa iyong mga kaklase. Interbyuhin ang


dalawang mong kaklase hinggil sa kalagayang pang-edukasyon ngayong
panahon ng pandemya. Malaya kayong mamili sa kung anong tema na may
kinalaman sa paksa ang inyong itatanong. Pagkatapos ay sagutin ang
sumusunod na mga katanungan.
1. Anong uri ng panayam ang iyong isinagawa?
Sagot:
2. Ano-ano ang mga hakbang iyong isinagawa bago, habang, at pagkatapos
ng panayam?
• Bago
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
• Habang
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
• Pagkatapos
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
3. Itala ang inyong mga naging katanungan at kanilang kasagutan o
transkripsiyon ng inyong pakikipagpanayam. Maaaring gawin ang
pakikipagpanayam sa tawag sa cellphone, video call o google meet or
zoom.
Halimbawa:
Tagapanayam: Ano sa palagay mo ang dapat gawin ng isang mag-aaral
para maging matagumpay sa pag-aaral sa panahon ng new normal?
Klasmeyt A: “Maging matiyaga at uhmmm.. at seryosohin ang pag-aaral
kahit na sa bahay lang.”
Klasmeyt B: “… aaa… sagutan nang seryoso ang mga gawain na
binibigay sa atin at.. ahh yon lang.”

C. M. D. Hamo-ay
19
2 Introduksiyon sa Pananaliksik

1.3 Sanggunian
Balunsay, J.R. (2020). Maunlad na Pananaliksik sa Filipino (Mga Teorya at Praktika
ng Pananaliksik sa Wika at Panitikan, at Kultura). Mindshapers Co., Inc.

Cruz, C.B. et.al. (2010). Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik


sa Antas Tersaryo. Mindshapers Co. Inc.

Taylan, D.R., Petras, J.D., Geronimo, J.V. (2019). Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino. Rex Book Store Inc.

Teknikal na Filipino. (2012). Ang Pakikipanayam o Interbyu.


http://teknikalnafilipino.blogspot.com/2012/08/pointed.html

Ano ang Isang Panayam?.


https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/ang-panayam.pdf

(2012). Mga Hanguan ng Impormasyon. http://wenn-


mgahanguanngimpormasyon.blogspot.com/2012/01/mga-hanguan-ng-
impormasyon.html

1.4 Pagkilala
Ang mga larawan, talahanayan, mga figyur at impormasyon na nilalaman
nitong Learning Packet ay kinuha mula sa mga sanggunian na makikita sa taas.

Paunawa (Disclaimer)
Ang Learning Packet na ito ay hindi pangkomersyal at pang-edukasyon lamang.
Ang ilan sa mga teknikal na terminolohiya at parirala ay hindi binago, pero ang
may akda sa Learnig Packet na ito ay nakasisigurado na lahat ng sipi/sitasyon ay
makikita sa sanggunian. Kahit ang mga larawan o/at talahanayan ay binigyan
pagkilala bilang paggalang sa kayamanang pangkaisipan mula sa orihinal na
pagmamay-ari.

C. M. D. Hamo-ay

You might also like