Module 2.2 - Paghahanda Sa Pagsasaling Wika
Module 2.2 - Paghahanda Sa Pagsasaling Wika
Module 2.2 - Paghahanda Sa Pagsasaling Wika
“Ang pagsasalin ay inaayon sa mga salita kapag ito’y mauunawaan at ginagawang malaya
naman kapag iyon ay may kalabuan datapua’t hindi lumalayo kailanman sa kahulugan.”
A. Paghahanda
B. Aktuwal na Pagsasalin
Tandaan ang mga ito: Ang mga hakbang na ito ay maaaring magamit ayon sa priyoridad o diskarte ng
magsasalin.
2.2 Panghihiram- wikang Espanyol ang unang hiram na sunod sa wikang Ingles. (Ortograpiyang
Pambansa ng KWF)
b. Hiram- salin (loan translation) Hal.: Daambakal- railway/ Subukang-tubo – test tube
C. Ebalwasyon
2. Pagsasaling Teknikal- tuwiran itong may kaaalaman sa mga siyensiya, pangkalikasan man o
panlipunan at sa mga disiplinang akademiko na ngangailangan ng angkop na espesyalisadong
wika gaya ng matematika, siyensiyang pangkalikasan, teknolohiya, medisina, administrasyong
publiko, batas, komersiyo isports, pagtataya ng panahon, sining, at relihiyon.
Halimbawa:
It is raining.
Ang utos o pakiusap na lend a hand sa Ingles ay hindi maaaring tumbasan ng pahiramin mo ng
kamay. Mas mainam na nasasapol ang “kaisipang nasa likod ng mga pahayag na berbal”, mas
tama ang “Tumulong ka.”
Ibang halimbawa:
1. Wika
“Sisidlan ang wika ng mga persepsyon ng ideya ukol sa realidad, makatuturan lamang ang wika
kapag ito ay ginagamit bilang isang buhay na proseso.” (Dizon,1998)
“Ang nagkokondisyon ng isipan at ng mga ito ay hindi maaaring ihiwalay sa indibidwal na kultura
ng komunidad na nagsasalita ng nasabing wika.” (Nolasco, 1998)
2. Pagsasalin
“ Instrumento ang pagsasalin sa pagpapakilala ng kultura. Tagahatid ito ng katotohanan at
kasangkapan sa pag-unlad.” (Silapan, 1998)
“Interpretasyon lamang ng orihinal na teksto. Isa itong katotohanan sapagkat kung ano ang
pagkakaunawa sa orihinal na wika ay siyang isasatitik.” (Biguenet)
“Nagpapakita ng mga posibleng paraan ng iba’t ibang argumento para sa o laban sa paggamit ng
isang paraan sa isang partikular na konteksto”. (Nolasco, 1998)
“Hanay ng mga kontekstong naglalayong magsilbing gabay at magpabuti sa praktika. Gabay ng
tagasalin. Batayan sa pagpapasyang paiiralin na proseso ng isang partikular na teksto.”
(Batnag,2009)