4th Grading DT FIL 9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Roxas City
CONGRESSMAN RAMON A. ARNALDO HIGH SCHOOL
(Technical – Vocational High School)
Banica, Roxas City, Capiz 5800

PAGSUSULIT SA PANITIKANG ASYANO 9


IKAAPAT NA MARKAHAN
S.Y. 2018-2019

Test I (1-15) Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin ang KASINGKAHULUGAN ng mga
salitang may salungguhit sa bilang (1-8) at tukuyin naman ang KASALUNGAT ng mga salita sa bilang (9-15).
1. Ang piging ay gaganapin ang piging sa bulwagan ng palasyo.
a. Teatro b. awditoryum c. plaza d. hall
2. Maiging sinisiyasat ni Ibarra ang mga dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama.
a. iniimbestigahan b. sinasaliksik c. hinihimay d. lahat ng nabanggit
3. Karumal-dumal ang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop dahil marami ang nasawi sa
pakikipaglaban para sa bayan.
a. Malubha b. hindi katanggap-tanggap c. kahindik-hindik d. masalimuot
4. Ang kasaganaan o paghihikahos ng isang bansa ay may tuwirang relasyon sa kalayaan o pagkakaalipin
nito.
a. Pagninilay b. paghihirap c. pagpupunyagi d. pagdalamhati
5. Bago lumisan si Ibarra ay tinungga niya muna ang alak na ihinain para sa kaniya.
a. inubos b. ininom c. nilunok d. sinipsip
6. Isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere upang matauhan at mamulat ang bawat Pilipino.
a. bumukas b. magising c. matulog d. pumikit
7. Nahulog ang loob ni Ibarra kay Maria Clara dahil siya ay mayumi at mapagmahal.
a. matalino b. maganda c. magalaw d. madaldal
8. Nagtataka si Ibarra kung bakit hindi inamin ni Padre Damaso na hindi niya nagging kaibigan si Don
Rafael.
a. Natulala b. nalito c. nagduda c. nataranta
9. Hindi matanggap ni Maria Clara ang kapangahasan ni Padre Salvi sa kaniya.
a. Pagnanasa b. pagsamantala c. paggalang d. mabuti
10. Sinipat mula sa ulo hanggang sa paani tenyente guevarra si don Crisostomo Ibarra
a. Lumingon b. ibinaling ang tingin c. tiningnang maigi d. natulala
11. Magiliw na tumugon si Crisostomo Ibarra sa mga tanong ni Kapitan Tiyago.
a. umiwas b. sumang-ayon c. hindi sumagot d. natahimik
12. Hindi pinatulan ni Ibarra si Padre Damaso dahil sa pang-uuyam nito sa kanya.
a. pagpapatawa b. paggalang c. pamimintas d. panghahamon
13. Matagal na itinago ng mga Espanyol ang kadumihan ng kanilang pamamalakad sa Pilipinas.
a. Karukhaan b. kalat c. pagsamantala d. kaayusan
14. Nagtitimpi at hindi pinansin ni Ibarra ang pangungutya sa kanya ni Padre Damaso.
a. binulyawan b. pinatulan c. sinagot d. natahimik
15. Sinagip ni Elias ang buhay ni Ibarra.
a. Sinira b. tinulungan c. pinahamak d. dinamay
Test II. (16-20) Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin ang damdamin o kahulugan ng mga
pahayag mula sa nobela.

16. Padabog niyang (Padre Damaso) ibinagsak ang kutsara sa plato na lumikha ng malakas na kalansing at
saka sinabayan ng tulak sa pinggan.
a. inis b. galit c. lungkot d. saya
17. "Hindi dapat aksayahin ang iyong salapi para lamang sa napakaliit na bagay. Kahit munting batang nag-
aaral ay nakaaalam niyan!"
a. galit b. pangungutya c. kayabangan d. pagkasuklam
18. "Iyan ang masamang epekto ng pagdadala sa Europa ng mga kabataang Indio! Kailangan itong
ipagbawal ng gobyerno!"
a. Pangungutya b. paninisi c. katapatam d. pagmamatigas
19. "Itulot ninyong gayahin ko ang kaugaliang iyon, hindi dahil sa kagustuhan ko lamang na magpasok ng
ugaling dayuhan, kundi dahil lamang sa hinihingi ng pagkakataon."
a. Puwedeng gayahin ang ugaling dayuhan, kung makatutulong sa sitwasyon sa sariling bayan.
b. Puwedeng gayahin ang ugaling dayuhan para hindi mapagsabihang atrasado ang sariling bayan.
c. Puwedeng gayahin ang ugaling dayuhan upang maging katulad tayo ng mga dahuyan na maunlad.
d. Puwedeng gayahin ang ugaling dayuhan upang maging makabuluhan ang ating bayan.
20. "Maaaring nalilimot ako ng aking bayan ngunit lagi ko naman siyang naaalaala."
a. Pagdaramdam b. pagdaramdam c. pagmamahal d. pagninilay

Test III. (21-30) Panuto: Alamin ang mga tauhan na tinutukoy sa Hanay A. Piliin ang iyong sagot sa Hanay B.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B
___21. Tanging anak ni Don Rafael Ibarra a. Padre Damaso
___22. Kilala sa tawag na “Kapitan Tiyago” b. Donya Victorina
___23. Tagapagligtas ni Ibarra sa tangkang kapahamakan c. Pilosopo Tasyo
___24. Nagsiwalat ng nangyari kay Don Rafael. d. Crisostomo Ibarra
___25. Kura paroko na pumalit kay Padre Damaso at may lihim e. Don Santiago Delos Santos
na pagtingin kay Maria Clara f. Tenyente Guevarra
___26. Tanyag sa San Diego dahil sa taglay na kagandahan. g. Padre Salvi
Naging kasintahan ni Crisostomo Ibarra h. Don Alfonso Linares
___27. Mapagmahal na ina nina Crispin at Basilio i. Maria Clara
___28. Isang pilipinang nagpanggap na taga Europa. j. Sisa
Asawa ni Don Tiburcio k. Elias
___29. Nagparatang kay Don Rafael na Erehe at Pilibustero
___30. Binatang ipinagkasundong ipakasal kay Maria Clara

Test IV (31-35) Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin ang kahulugan ng mga talinhaga may
salungguhit.
31. Parang daloy ng kuryente ang pagkalat ng balitang maghahanda ng hapunan si Kapitan Tiyago.
a. mabilis b. maagap c. matulin d. mapumiglas
32. Siya ay hinog na sa karanasan kaya naman ang kaniyang mga payo ay maaaring panghawakan.
a. Nasaktan b. nabigo c. maraming karanasan d. maraming natutunan
33. Maraming mga politico sa kasalukuyan ang mabulaklak magsalita.
a. bolero b. manloloko c. mapanlinlang d. nanghuhumaling
34. Ang mga dumating na panauhin ay isa-isang bumalik ng kamay kay Padre Damaso.
a. Humalik sa kamay b. nangamusta c. nagmano d. humawak sa kamay
35. Hindi mahulugang karayom ang mga bisita sa hapunan na inihanda ni Kapitan Tiyago.
a. magsisikipan ang mga tao b. maraming magagandang panauhin
b. b. marami ang mga tao d. mahinhin na mga babae
Test V (36-40) Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Alamin kung alin sa mga sumusunod na
pangungusap ang may angkop na gamit sa pang-uring may salungguhit.

36. a. Dahil sa malubha ang nakuha niyang grado, hindi siya nakapasa.
b.Hindi siya makapaniwala na gumaling siya mula sa malubhang karamdaman.
c. Malubha ang taas ng estruktura, nakakalula.
d. Wala sa Nabanggit
37. a. Si Maria Clara ay isang babaeng mayumi kung gumalaw.
b. Mayumi siyang sumisigaw dahil napakaraming tao.
c. Mayumi niyang tinititigan si Maria Clara.
d. Wala sa nabanggit
38. a.Nagsusulat siya nang matulin upang matapos agad ang sulat.
b. Matulin ang kaniyang pagliliban sa klase.
c. Huwag kang tumakbo nang matulin, mas mahirap bumangon sa pagkakadapa.
d. Wala sa nabanggit
39. a.mapusyaw ang kaniyang paningin dahil tumatanda na siya.
b. Gusto ko ang damit na may mga mapusyaw na kulay.
c. Naging mapusyaw na ang kanilang relasyon simula nang siya’y pumunta sa Europa.
d. Wala sa nabanggit
40. a.Nang natapos ang pananakop ng mga dayuhan ay naging mapayapa ang Pilipinas.
b.Payapa ang pagkakasulat niya ng libro sa Europa.
c. Noon ay madaldal siyang tao, pero ngayon ay naging payapa siya matapos ang akusasyon.
d.Wala sa nabanggit

Test V (41-50) Panuto: Ang mga sumusunod ay mga kaugaliang Pilipino na ipinakita sa nobela. Isulat ang O
kung sa tingin mo ito ay NAKAKABUTING kaugalian at X naman kung ito ay NAKAKASAMANG
kaugalian.
___41. Mainit na pagtanggap sa panauhin.
___42. Pagiging mayumi o mahinhin ng mga babae
___43. Patriarchal na Sistema ng gobyerno
___44. Pakikinig nang mabuti sa taong nagsasalita
___45. Pangungumpisal sa pari
___46. Pagdalo sa isang salu-salo na kahit hindi imbitado.
___47. Pagkakaroon ng Kaisipang Kolonyal (Colonial Mentality)
___48. Racial Discrimination
___49. Pagiging maluho
___50. Pagkatuto ng gawi o kultura ng dayuhang bansa

Inihanda ni: Sinuri ni:

KATE A. DENOYA TERESA AGUAS


Guro Filipino Koordineytor

Inirekomenda ni: Inaprobahan ni:

ANGELITA B. BECARES RODRIGO D. JEREMIAS, JR.


HT-III, Departamentong Akademiko Punongguro IV, Paaralang Sekondarya

You might also like