Aralin 1 Kahulugan NG Pagdedebate o Pagtatalo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Modyul 4

Ayon kay Villafuerte (2000), ang debate o pagdedebate na tinatawag ding pagtatalo ay
katumbas ng salitang debate sa Ingles. Ito ay isa sa maraming anyo ng argumentasyon. Ang masining
na pagtatanghal nitp aynakasalalay sa apat na mabubuting katangian ng mga kalahok gaya ng mga
sumusunod:

1. Maingat na pagbibitiw ng mga salita.


2. Malinaw na pagbigkas.
3. Maliwanag na paghahanay ng pangungusap at pangangatwiran.
4. Mabisang paraan ng paghimok.

Ang debate o pagdedebate ay hindi lamang karaniwang pagpapaliwanag o pagpaparunggitan o


yaong napakakombensyonal na walang namamahala o sumusubaybay sa mga debatehan.

Si Africa (1952) ang nagsabing ang debate ay maituturing na pormal, tuwiran at may
pinagtatalunang argumentasyon sa isang itinakdang panahon.

Ayon kay Arrogante ang pagtatalo ay isang sining gantihan ng katwiran o makatuwid ng dalawa
o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na paksa halimbawa: sa
balagtasan/fliptop; sa politika; sa loob ng pamayanan at sa loob ng tahanan.

Ang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o opinion sa isang paksa. Masasabi
din natin na ito ay isang uri ng pahigitan sa bawat kampo.Karamihan sa mga debate ay nagaganap sa
pagitan ng mga pulitiko dahil hindi sila nagkakasundo-sundo sa isang bagay.

Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng


pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas.

Ang pagtatalo ay binubuo ng pagbibigay matuwid ng dalawang magkasalungat na panig tungkol


sa isang pinagtatalunang paksa.

Kahalagahan ng Debate/Pagtatalo

1. Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag- iisip.


2. Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pagsasalita.
3. Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran.
4. Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at maling pagmamatuwid.
5. Nagbibigyang kahalagahan ang magandang asal tulad ng paggalang, pagtitimpi,o pagpipigil ng
sarili.
6. Magkakaroon ng pag-uunawa sa mga katwirang inilahad ng iba at pagtanggap na nararapat.

Paghahanda sa Debate/Pagtatalo

1. Pangangalap ng mga datos


2. Paghanap ng impormasyon at katibayan
3. Paggawa ng balangkas
 Panimula
- inihahayag ang paksang pagtatalunan at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan.
- dito rin ang pagbibigay-katuturan sa mga termino at pagpapahayag sa isyu.
Modyul 4

Katawan
-dito inilalahad ang mga isyung dapat na sagutin.
-ang bawat isyu ay binubuo mga patunay, mga katibayan o mga katwirang magpapatotoo
sa panig na ipinagtatanggol.
 Wakas
-ay ang buod ng isyung binigyang-patunay.
4. Pagpapatunay ng mga katuwiran
5. Pagpapahayag ng maayos, mabisa at maingat

Dapat Tandaan sa Debate/Pagtatalo

1. Kailangan magkaroon ng isang kapasyahan o oposisyon na nakasaad sa isang positibong


pahayag
2. Isaalang-alang ang antas ng pang-unawa ng mga nakikinig
3. Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay nakalahad sa isang
maayos na pagpapahayag.
4. Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran ng kalaban
5. Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng kalaban

Dapat Tandaan sa Pagtatanong

1. Huwag hayaan magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong.


2. Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI.
3. Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong.
4. Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang pamantayan ng
pagtatanong ang isa sa kanila.
5. Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan.

Dapat Tandaan sa Talumpating Pagtuligsa (Rebuttal)

1. Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban.


2. Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.
3. Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argument ng kalaban.
4. Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayan ang mga binanggit na katwiran sa paksang
pinagtatalunan.
5. Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga alituntunin sa pagtuligsa.
6. Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na katuwiran at
katibayan.
7. Iwasan ang pagtawa habang nakikipag-usap.
8. Iwasan ang pagpapahiya sa kausap.
9. Iwasan ang hindi pakikinig sa kausap.
10. Iwasan ang pagpintas sa sinasabi ng kausap.

Mga Dapat Gawin ng Kalahok sa Debate/Pagtatalo

Una, pagtitipon ng mga datos.

 Paghahanda ang pangunahing kailangan sa alinmang pagtatalo.


 Mahalaga ang pangangalap ng mga datos para mapalawak ang kaalaman ng paksang
tatalakayin.
 Kailangang marami siyang nasaliksik na mga kaalamang makapagpapatatag sa kanyang
ihaharap na ebidensya.
Modyul 4

 Mahalagang mapuntahan niya ang iba’t ibang silid-aklatan, publiko man o pribado dahil ang
aklat ang pangunahing kagamitang mapagkukunan niya ng mga impormasyon. Maaari ring
makatulong sa isasagawa niyang impormasyon ang mga pahayagan, magasin, modyul, polyeto,
dyurnal, brosyur at iba pa.
 Mahalagang magkaroon siya ng panahong makapanayam ang mga taong mapagkukunan niya
ng mga karagdagang impormasyon, propesyonal man o di-propesyonal.
 Ang mga aklat at babasahing gagamiting sanggunian at dapat na napapanahon.
 May malinaw na kaugnay at kinikilala.
 Tiyakin ang kahalagahan ng mga datos na tinitipon.
 Ang isang kuro-kuro o ang isang paninindigan ay maaring patunayan sa pagpili ng pangayayari
at datos.

Pangalawa, pagpili ng awtoridad.


Sa klasrum na binubuo ng mga mag-aaral na may iba’t ibang paniniwala ukol sa mga isyung
pang-edukasyon, panlipunan, pang-ekonomiya, pampulitika at panrelihiyon ay hindi na mabilang ang
dami ng paksang maaaring pag-usapan at pagdebatihan.

Ang mahalaga ay ang mga mag-aaral na


(1) interesadong lumahok sa debatihan,
(2) may malawak na kaalaman sa paksang pagtatalunan,
(3) marunong bumuo at maglahad ng proposisyon,
(4) kumpleto sa mga detalye o impormasyon,
(5) may ihaharap na mga dokumento na nagpapatunay sa kabisaan ng kanyang sinsabi,
(6) kinunsidera ang etika sa pagdedebate.

Kaugnay nito, dapat may awtoridad din ang mga tagahatol na bubuo sa lupon ng inampalan.
Narito ang talaan ng ilang kilala at natatanging tao na maaaring maanyayahan bilang lupon ng
inampalan sa debate at ang mga paksa na maituturing na kanilang forte.

PROPOSISYON
- paksa na pinagdedebatehan
- isang pangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng sang-ayon sa pamamagitan ng mga
arugumento.
- nagsasaad ng isang bagay na maaring tutulan at panigan, kaya nagiging paksa ng pagtatalo

Mga Katangian ng Mahusay na Proposisyon

1. May dulot na kapakipakinabang at napapanahon ang paksa


2. Kawili-wili sa mga nakikinig
3. Pantay at walang kinikilingan
4. Malinaw at tiyak ang mga salitang nakapaloob sa proposisyon
5. Hindi pa ito nagpapasyahan
6. May makakalap na datos tungkol sa paksa
7. Maaring patunayan ng ebidensya
8. Nagtataglay ng isang ideya sa isang argument

You might also like