Modyul 8 Pagsusuri NG Akda Batay Sa Teoryang Klasisismo
Modyul 8 Pagsusuri NG Akda Batay Sa Teoryang Klasisismo
Modyul 8 Pagsusuri NG Akda Batay Sa Teoryang Klasisismo
Modyul 8
1. Sagutin mo nang maayos ang Panimulang Pagsusulit o ang bahaging Ano Ba Ang Alam Mo? Gabay ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa.
2. Sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro, iwasto mo ang iyong mga sagot. Huwag kang mag-alala kung magkaroon ka man ng maraming mali sapagkat matutulungan ka naman ng mga gawaing inihanda ko para sa iyo. 3. Basahin at unawain mong mabuti ang paksang-aralin at isagawa mo ang kaugnay na mga gawain. May mga panuto kang mababasa kung paano ito maisasagawa. 4. Suriin mo kung naragdagan ba ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging Gaano Ka Na Kahusay?. Pagkatapos ay iwasto ang iyong mga kasagutan sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Maging tapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito kung kayat gamitin mo nang wasto. Sagutan mo itong
mabuti at sikaping huwag masulatan. Gumamit ka ng hiwalay na notbuk o papel sa pagsagot.
5. Dapat lamang na alalahanin at suklian ang mga sakripisyong pinagdaanan ng ating mga bayani alang-alang sa katayuan ng bayan. Ang pahayag ay may bisang: a. pangkaisipan c. pangkaasalan b. pandamdamin d. pangmoralidad 6. Bilang mga Pilipino, nararapat lamang na patuloy na bantayan ang kalagayan ng ating Inang Bayan sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kanya. Ang pangungusap ay may bisang: a. pangkaisipan c. pangkaasalan b. pandamdamin d. pangmoralidad 7. Kasalukuyang nag-iinuman at masayang nagsasayawan ang mga taksil na mamamayan bilang pagdiriwang sa kanilang masamang binabalak. Ang pangyayaring ito sa akda ay maaaring matagpuan sa: a. simula c. tunggalian b. gitna d. wakes 8. Naparusahan ang mga mamamayang nagtaksil sa bayan at nagbunyi ang matatapat na taong bayan. Ang bahaging ito ng akda ay maaaring nasa: a. simula c. tunggalian b. gitna d. wakas 9. Bilang isang kabataang Pilipino, mapangangalagaan mo ang kalayaan ng bayan sa pamamagitan ng: a. pagbabasa c. pagmamasid b. pakikinig d. pagmamahal 10. Nahirapan ang ating mga bayani sa pagkamit ng kalayaan kayat dapat natin itong: a. pag-ingatan c. pagtulungan b. pagsikapan d. pagmalasakitan Iwasto mo ang iyong mga sagot. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Kumusta ang nakuha mong iskor? Naging mahirap ba o madali para sa iyo ang paunang pagsusulit? Huwag kang mag-alala sa naging resulta nito o sa iskor na iyong nakuha. Sinusukat lamang ng pagsusulit na ito ang dati mo nang taglay na kaalaman tungkol sa paksa.
"
1. Alamin mo Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang limang makasaysayang pangyayaring naganap sa ating bansa. G H E B I I C T U O W S D A E S B N R A D X S T S A O C X S D E A T H M A R C H AW F P R E L E M Z P Q KW Y O A O F Y G I V O S X O F P N R H O F N V O B G K C B L M E J D A Q Z J S U A R Q M L C X T Q T C S O U I T C S D I T X L T N B G A V O A N B I T Z W J R N N V Z N A A U Y U S V T J Y W J T O K T I T A E A V G L P S J D C V K S U
Nahirapan ka ba sa paghahanap? Tingnan mo kung nakita mong lahat ang mga makasaysayang pangyayaring naganap sa ating bansa na nakapaloob sa kahon. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto at pagkatapos ay ihanda mo ang iyong sarili sa kasunod na gawain. 2. Basahin mo Katulad ng nabanggit ko sa iyo kanina, may kaugnayan sa kasaysayan ng ating bansa ang akdang iyong babasahin sa araw na ito. Umupo ka nang maayos at basahin mo nang may pag-unawa ang mga pangyayaring nakapaloob sa dulang iyong babasahin. Maaari mo nang simulan
MGA TAUHAN
INANGBAYAN (PILIPINAS) DILAT NA BULAG (ESPANYA) BAGONG SIBOL (AMERIKA) MASUNURIN (BABAING PILIPINA) TAGAILOG (ANG KATAGALUGAN) MATANG LAWIN (GOBYERNO NG KASTILA) MALAY NATIN (GOBYERNONG AMERIKANO) ASALHAYOP (MAPAGLILONG TAGALOG) DAHUMPALAY (MAPAGLILONG TAGALOG) HARINGBATA (HARING INTSIK) HALIMAW (PRAYLE) WALANG TUTOL (LALAKING PILIPINO) Mga taong bayan, mga hukbong Tagalog, mga hukbong Intsik, Kapisanan ng Cruz Rojang babae, mga kawal na rebolusyonaryo, mga batang babait lalake, bandang musika ng Hukbong Tagalog, mga kaluluwa ng nangamatay sa labanan, ang haring kamatayan, Rehimiyento ng Artiller, Infantera at Ingeniena. BAHAGI I (Isang bakurang may sagingan at iba pang halaman sa tabi. Sa gitna ay isang balag.)
LABAS I (Asalhayop at mga taong bayan. Nangakahanay ang mga babae sa kanan at mga lalake naman sa kaliwa. Nanga-taas ang mga kanang kamay nilang lahat, na tumatangan sa kopang ginto. Masasaya ang anyo nila.) (Asalhayop, Masunurin, Walangtutol, mga taong bayan.) Walangtutol Masunurin Koro 1.o 1.a 2.o Walangtutol 2.a 3.a Koro Masunurin Koro 3.a Koro Asalhayop : : : : : : : : : : : : : : : Mag-inuman, magsayawan. Si Asalhayop ay ipagdiwang. Ipagdiwang! Magpalad ang kanyang buhay. At lumawig habang araw. Habang araw. Dangal niyay huwag dadalawin ng siphayot ng hilahil. Huwag dadalawin. Dangal niyay magluningning sa ligayang sasapitin. Magluningning! Madlang puri, Madlang biyaya sa kanyay sumagana. Sumagana. Madlang yaman, madlang tuwa sa kanyay lumawig nawa. Lumawig nawa. Katotot giliw, mga kaibigan, sa inyoy salamat ng habambuhay. Ang inyong nais na tungkol sa akin ay aking biyaya sa sasapitin. Kayo ang dangal ko, at kayong tunay ang tanging suhay sa aking buhay. (Lalapitang isa-isa ni Asal ang koro at ipipingki sa kanikanilang kopa ang kanyang hawak.) Mag-inuman, magsayawan, mag-awitan, limutin ang kalumbayan.
Koro
Mag-inuman. (Anyong iinumin ng lahat ang laman ng kani-kanilang kopa. Biglang lalabas si Ina, at si Tag, magugulat ang mga dadatnan. Tititigan sila ng kagulatgulat ni Ina.) LABAS 2 (Sila rin, InangBayan at Tagailog.)
Inangbayan
Mga walang loob, mga walang damdamin, bagoy nagluluksa ang kawawang bayan. Mga walang puso, mga walang dangal, nahan ang pangakong kayo ay dadamay sa mga pumanaw? (Tatawa nang malakas si Asal at ituturo si Ina.) Asalhayop! Masdan ninyo si Inangbayan, Ang buwisit at ang mangangaway. (Magtatawanan ang koro.) Humayo ka, Inangbayan, Huwag sabihin ang patay. (magtatawanan ang koro) Mag-inuman. (anyong iinumin ang laman ng mga kopa.) Huwag! Huwag ninyong lagukin, huwag ninyong mainom ang hinahawakang alak na may lason. (Magtatawanan ang koro) Ang inyong kaluluwa ay malilinggatong, kayoy isusumpa ng mga panahon. (Magtatawanan ang koro) Mainit pang tunay sa mga burulan ang bangkay ng inyong nuno at magulang. (Magtatawanan ang koro) Hayo at mag-isip ng tinitunguhan, hayo at bakahin ang mga kaaway. (Mahabang tawanan ni Asal at ng koro) Magsayawan!
Inangbayan Asalhayop
: :
Koro Inangbayan
: :
Koro
(Iinumin ni Asal at ng Koro ang laman ng mga kopa. Tititigan sila ng kagulat-gulat ni Ina.) Inangbayan : Mga walang kaluluwa! Ang inyong kasiyahan ngayon ay pagdustang tunay sa libingan ng ating marangal na lipi. Ano? Hindi baga ninyo nararamdaman sa ibutod ng inyong mga puso ang lamig na kamatayan ng bayan? Hindi baga kayo nangahihiya sa sarili, ngayon kayo nangagsasayahan sa ilalim ng talampakan ni Haringbata, ang magiging anak ni Hangiskang? Mahusay manalumpati ang ating Ina, ang mangangaway. Asalhayop! Bigyan ako ng kaunting alak. Kami man. Kita ninyo? Kita ninyoy huminging kusa, pagkakitang hindi natin siya alintanahin? Magaling na talaga si Aling Inangbayan. (Kay ina) Heto ang alak na alay ko sa iyo (Bibigyan siya ng isang kopa) Maginuman!!! (Itataas ni Asal ang kanilang kopa) Mabuhay si Asalhayop!! Mabuhay!!! Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi sa paglapastangan sa araw na ito! Ito ngang tunay na araw ng kamatayan ng mga tagapagtanggol ng bayan. Ito ang araw ng pagkalugso ng ating kahambal-hambal sa Balintawak. Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi! Taos sa puso ko yaring sumpa , at sa katunayan ay.. ayan!!! (Ipupukol sa lupa ang kopang hawak) Inangbayan! (Biglang lalapitan ni asal at sasampalin. Si Ina ay mabubuwal kasabay ng pagtawa ng Koro) Mangangaway!!!! (Kasabay ng sampal at tawanan. Kasabay ng pagsakal sa kanya at pagtindig ni Ina) Huwag! Bitiwan mo. Asalhayop (Bibitiwan) Asalhayop, paglapastangan mo sa akin ay nahulog sa Apo, sa kamay ni
: : : : :
Asalhayop
: : :
: : : : :
Mandagaran, ang taksil mong kaluluwa. At kayong mga nakianib sa kanya, kayong mga anak kong pinakamamahal, ay nangahawa na mandin sa kanyang sawing palad. Dinudusta ninyo sa libingan ang dangal ng inyong mga nuno. Ah! Hindi ko inakala kailan pa man na kayoy hindi ko maihahalubilo sa mga angkang nagkalat dito sa Dulong-Silangan. Mga anak ko, mga bunsong pinakaiibig, kayoy nangaliligaw. Panumbalikin ninyo ang inyong mga loob, pagsisihan ninyo ang paglapastangan sa akin at sa dakilang araw ng pagkalugso ng bayan. Kapag nilimot ninyo ang araw na ito ay lilimutin din ninyo ang libingang luksa ng inyong magulang. Kayoy nangabulag na lubos. Buksan ninyo ang inyong mga mata (Biglang itataas ang tabing. Lilitaw ang mga libingang may mga pangalang sulat sa panahong una at may mga sabit na luksa at sari saring putong) Ayan at tanawin niyo sila! (Mangagluluhuran si Tag at Koro at mangangahulog sa kanilang kamay ang mga kopang hawak, tanging hindi lamang si Asal tatalikdan ang mga nasabing libingan) Sa mga libingang iyan ay nalalagak ang mga buto nila Gat-Salian, bituin at laksa-laksang iba pang mga bayaning kawan ng bayan. Oh! Yayamang nilapastangan ninyo ang araw na ito at ang mga libingang iyan; yayamang dinudusta ninyo ang dakilang pangalan ng inyong mga nuno; yayamang inilublob ninyo sa pusali ng kapahamakan ang banal na kasulatan ng ating maharlikang lipi, ay ipagpatuloy na ninyo ang inyong baliw na kasayahan, ipagpatuloy na ninyo, mga bunsong ginigiliw, ngunit pakiusap ko lamang, na doon ninyo sambilatin at yurakan iyang mga laksang sabit, huwag ninyong tulutang libakin ang inyong sariling dangal . (Tatangis at marahang lalakad na tungo sa mga libingan) Mga bunsong pinakamamahal! Paalam sa inyo! Paalam ako sa inyo! (Mahuhulog na muli ang dating tabing) LABAS 3 (Sila rin, wala lamang si Inangbayan) Tagailog : Mga kapatid ko! Oh! Anot kayoy nangalulumbay? Dahil baga sa pagaalala ninyo sa nalugsong buhay ay dalawampung taon nang singkad, dalawampung taong pagkakaalipin. Ngunit huwag. Ngayoy nahahanda nang lahat kapag kayoy umayon sa aking mga panukala Magsabi ka! Ibig baga ninyong bawiin sa kamay ng kaaway itong bayang sinamsam nila sa kamay ng ating mga magulang?
Koro Tagailog
: :
: : :
Ngayon din! Tayo nat magsandatang lahat! Tayo na! (Aalis lahat, matitira si Asal.) LABAS 4 (Asalhayop) (Tatanawin ang mga nagsialis)
Asalhayop
Mga mangmang! Ang mga taong ito ay mga walang pinag-aralan. Mabuti pa ang aso, mabuti pa ang kalabaw, mabuti pa ang hayop kaysa sa kanila, sapagkat ang mga hayop ay nabubuhay at marurunong magsipamuhay, ngunit ang mga tao ay hindi. Nangangatahimik ang aming mga magulang. At ano? Kung ipaghiganti ko baga sila ay mangabubuhay pa kayang muli? Babawiin daw ang kalayaan ng bayan. At bakit pa? Mabuti ang may salaping alipin kaysa mahirap na laya. Mga hangal!!! (Magkukuro) Mabuti nga! Hahanapin ko ang mga Intsik, hahanapin ko si Haringbata at aking sasabihin sa kanya ang lahat ng nangyari. Salapi na naman to!! (Anyong aalis. Lalabas si Haringbata) LABAS 5 (Asalhayop, Haringbata, mamayay Inangbayan)
: : :
Asalhayop! Ako poy sumasayapak mo dakilat marangal na Haringbata Salamat. (Lalabas si ina at manunubok sa tabi ng tabing. Hindi siya makikita ng dalawa) Ako po sana ay talagang paparoon sa inyong bahay at may nasang sabihing malaking bagay. Ano yaon? Si Tagailog at lahat niyang kasama, na pawang kapatid niyat kapatid ko rin ay kaaalis din po dito ngayon. Mangagsasakbat ng sandata at kayo po ay babakahin.
: : :
10
: : : : : : : : :
(Mapanglilo) Tunay? Tunay po! At bakit daw? Ibig daw po nilang mabawi ang kanilang kalayaan. Mga magiting! At saan nangaroon? Ewan po, hahanapin ko sila at pakikialaman ko ang kanilang lihim, upang maipagbigay alam ko sa inyo at mangahulog sa inyong kamay. (Buhong!) Salamat. Talasan mo ang iyong mga taingat mata. Heto ang salapi mong bayad. (Bibigyan ng salapi) At kung mangahulog na sila sa aking kapangyarihan ay daragdagan ko pa iyan, at bibigyan kita ng katungkulang mataas. Salamat po. Hihintayin kita ngayong gabi sa aking bahay, at ipagbigay alam mo sa akin ang lahat nilang panukala. Heto ang tandang ilalahad mo sa taliba upang ikaw ay papasukin. (Bibigyan siya ng isang tsapang tanso at aalis) Asahan po ninyo. (Titingnan ang salapi.) Heto ang salapi ko, heto ang tunay na ina kong bayan, ang tunay na bathala. At madaragdagan pa; at tataas pa ang aking katungkulan. Sawing palad! Walang puri!
Asalhayop Haringbata
: :
Asalhayop
Inangbayan
11
LABAS 6 (Sila rin, Tagailog) Asalhayop Tagailog Asalhayop Tagailog Asalhayop Tagailog Asalhayop Tagailog : : : : : : : : Tagailog, hinahanap kita. Ako ay gayon din, kitay aking hinahanap. Sasalakayin baga natin si Haringbata? Oo, bukas. Humanda kat ikay kasama. Papaano ang paraang gagawin natin? Akoy magdadala kunwari ng buwis. Mahusay, at saan tayo dadaan? Sa tabing-dagat ang kalahati at ang kalahati ay sa diliman. Heto nat nagdaratingan na ang ating mga bayaning kawal, kasama ang mga babaeng tagapagsiyasat ng sugatan. LABAS 7 (Sila rin, Walangtutol, Masunurin, Korong babae at lalake. Ang mga lalake ay pawang sandatahan.) Walangtutol Tagailog Asalhayop Tagailog Asalhayop : : : : : Tagailog, narito na kami. Hintayin natin ang ibang mga kasama. Akoy kasama ninyo ngunit akoy uuwi pa muna sandali. Hihintayin ka namin dito at dito tayo magbubuhat sa pagsalakay kay Haringbata. Asahan ninyong akoy darating. Asahan ninyong kung saan kayo namatay ay doon din ako magpapakamatay. Paalam. (Anyong aalis) Mabuhay si Asalhayop. (Kay Asal.) Hintay! Tagailog, huwag mong paalisin si Asalhayop. Ako? Ikaw.
: : : :
12
Lahat Inangbayan Masunurin Koro Inangbayan Asalhayop Inangbayan Asalhayop Inangbayan Lahat Asalhayop Inangbayan
: : : : : : : : : : : :
At bakit? Akoy may itatanong sa kanya dito sa harapan. Ano kaya? Ano kaya? Asalhayop, wala ka bagang taglay na salapi ngayon? Wala. Dinggin ninyo? Wala raw. At wala ka bagang taglay na kahit anong tanso sa iyong katawan? Salupikang mangkukulam! Anot itinatanong mo? Wala ka bang taglay na kahit anong tanso sa iyong katawan? Sumagot ka. Sumagot ka! Wala. Aanhin ko ang tanso? Dinggin ninyo! Wala raw siyang taglay na salapi, at wala rin namang taglay na kahit anong tanso. (Tatawa ng malakas si Ina.) Ngitngit ni Bathala! Anot nagtatawa ka? Dakpin ninyo at ipinagbili tayong lahat kay Haringbata. Oh! Ako? Ikaw. Sinungaling si Inangbayan. Sinasabi kong sinungaling si Inangbayan. Mga bunso, siyasatin ninyo ang katawan ni Asalhayop at may taglay na salapi at may taglay na tanso. (Sa koro.) Siyasatin ninyo. Hindi ako pasisiyasat.
: : : : : : : : :
13
Tagailog
Dakpin ninyo. (Tatanganan si Asal ng mga sandatahang mga babae sa kanyang katawan. Makukunan sa bulsa ng salapi at isang tsapang tanso.) Tunay nga! Tunay nga! Anot ipinagkaila mo ang iyong taglay? AkoySapagkatdatapwat (Tatawa ng malakas si Ina.) Yayamang hindi niya matutunang turan ay aakuin ko na siya at ako na ang magsasabi. Inangbayan! Mahabag ka! Sabihin mo Inangbayan. Sabihin mo! Inangbayan! Ang salaping iyan ay siyang pinagbilhan ng nilako niyang buhay ng bayan kay Haringbata. Oh! At ang tansong iyan ay ilalahad sa mga taliba ng kaaway, upang siyay papasukin at maisiwalat ang lahat ng ating lihim. Sumpa ng Apo! Ngitngit ni Mandagaran! Pagmasdan ninyo ang tanso at may tatak marahil ni Haringbata. (Pagmamasdan ng lahat ang tanso) Tunay nga. Tunay nga. Kay Haringbatang tatak. Asalhayop! Patawad! Ngayon at inyo nang nakilala kung sino nga si Asalhayop, ay
Masunurin Lahat Tagailog Asalhayop Inangbayan Asalhayop Tagailog Lahat Asalhayop Inangbayan Lahat Inangbayan Asalhayop Inangbayan Masunurin Koro Walangtutol Tagailog Asalhayop Inangbayan
: : : : : : : : : : : : : : : : : : : :
14
paalam na ako sa inyo. (Tuloy aalis. Anyong hahabulin ng lahat.) Lahat : Inangbayan! LABAS 8 (Sila rin, wala lamang si Inangbayan.) Tagailog : (Kay Asal.) Oh! Walang pusong kapatid! Walang dangal! Sa mga ugat mo ay tumatakbo ang maruming dugo ni Laksalian, yaong taksil na nagpagapos ng leeg ng ating kawawang Inangbayan, kay Hangiskang na ama ng suwail na Haringbata. Pagmasdan ninyot kumikislap sa kanyang mga mata ang alipato ng kanyang paglililo. Bayang Tagalog, tandaan ninyo yaring hatol. Dapat mahalin ang ating mga kapatid, ang ating mga magulang, ang ating sariling buhay, ngunit dapat pa nating mahalin ang dangal ng ating kahambalhambal na Inangbayan. (Sandaling palipas) kaya nga, ang sino pamang maglilo sa kanya, kapatid man natin o magulang kaya, ay huwag pagpitaganan; takpan ang mata ng awa at idalhag siya sa bangin ng lalong dustang kamatayan, at idagan sa kanyang ulo ang matinding sumpa ng ating pagkakaalipin. (Sandaling palipas) Bayang tagalog, kung sakaling mawalan man tayo ng hiya sa mukha nating bantad, at pabayaan nating makatkat sa ating noo ang limbag ng puri, manang katutubo ng ating kaluluwa, ay magkaroon man lamang tayo ng kaunting tapang sa pagkitil ng sariling buhay. Ibuhos natin ang ating dugo, lamurayin natin ang ating laman, iwalat natin ang ating buto, huwag na lamang kumalat-kalat sa lansangan ang mabusilak na dangal ng liping Tagalog, huwag na lamang tayo ang maglubog sa putik ng lagim, ng kagalang-galang na mukhang tumatangis ng ating kahabag-habag na Inangbayan. (Sandaling palipas) Bayang Tagalog, si Asalhayop ay nagtaksil. Sunugin siya nang buhay. Koro : Patawad!
Tagailog
Bayang Tagalog, kung malaki ang pagmamahal mo kay Asalhayop, ako man ay lalo pa, ngunit lalo pang malaki ang pagmamahal ko sa ating Inangbayan. Inilako ni Asalhayop si Inangbayan kay Haringbata, kaya dapat
15
siyang mamatay, sapagkat dapat lipulin ang lahat ng halamang lasong tumubo at umusbong sa lupang tagalog. (Sandaling palipas) Sunugin siya ng buhay. Koro Tagailog : : Patawad! Bayang Tagalog, bayang marangal na liping Tagalog, huwag mong ihingi ng patawad ang nagtaksil sa dakilang dangal ng ating kasulatan. (Bubunutin ang kanyang sundang) At yayamang ayaw ako ilugso ng mga nagtatanggol sa kanya. Ako ang maglulugso sa mga sasagot sasanla sa aking matatag na hatol. Iwawalat ko ang dibdib ng balang kumibo, hahalukayin ko ang puso ng balang magsigaw ng wikang patawad. (Itataas ang kanyang sundang. Mapapaurong lahat) Tagailog : Hukbong Tagalog, lahi ng katapangan, mga anak sa digma, tulinan ninyo. Napaparam ang ulap ng sakim, sumisilay ang araw ng kalayaan. (Tuloy pasok) LABAS 9 (Masunurin, Korong Babae) Masunurin 1.a Koro Masunurin 2.a Koro Masunurin Koro : : : : : : : : Laban kayo,mga kawal, bawiin itong bayan Sandali pay ating tunay na tagumpay Ang tagumpay Nagkaabot ang hukbo at nagkahalubilo. Laban kayo, laban kayo ang kalabay Tumatakbo! Hayot abuluyan ang mga sugatan. Abuluyan! LABAS 10 (Maglalabasan ang mga kawal na Intsik, karamihay sugatan at nagabubuwal)
16
Masunurin
Huwag babayaan, itoy aking katungkulan. LABAS 11 (Sila rin, Haringbata, Inangbayan, mayamayat si Tagailog. Kaladkad ni Haringbata si Inangbayan.)
: : : : :
Papatayin kita! Si Inangbayan. (Lalabas si Tagailog) Haringbata! (Sabay saksak, mabubuwal si Haringbata.) Mamamatay ako! Patay si Haringbata! LABAS 12 (Sila rin, kawal na Tagalog)
Tagailog Inangbayan Koro Tagailog Koro Inangbayan Koro Tagailog Koro Inangbayan Tagailog Koro
: : : : : : : : : : : :
Ating - atin ang tagumpay. Atin ang katuwiran Mabuhay si Tagailog! Mabuhay! Mabuhay si Inangbayan! Mabuhay! Mabuhay ang ating mga kawal! Mabuhay! Mabuhay ang ating lipi sa ilalim ng kalayaan! Mabuhay! (Tatanaw sa kanan.) Sino ang mga dumarating? Sino kaya? Sino kaya?
17
(Tutugtugin ang Marcha Red Espaola at lalabas si Dilat-na-Bulag at Matanglawin.) LABAS 13 (Sila rin, Dilat na Bulag, Matanglawin.) Inangbayan : Sino kayo? Akoy si Dilat-na-bulag. Akoy si Matanglawin. Kalaban ba kayo? Kami ay kaibigan. Ano ang inyong nais? Ang kayoy iligtas sa pagkapanganyaya. May sakuna baga? Mayroon? Tanawin ninyo sa dakong kanan ang tila wari nagdidilim na langgam na paparito, at yaoy mga kawal na babaka sa inyong bayan. At sino nga sila? Mga kapatid din ninyo (sumpa ng langit!) Sumpa ng langit! Tanawin naman ninyo sa dakong kaliwa ang lalo pang makapal. Bababakahin kayo. At sino naman ang mga iyon? Inyo ring mga kapatid Sumpa ni Bathala! Sumpa ni Bathala!
Dilat-na-bulag : Inangbayan :
Matanglawin : Tagailog :
18
Matanglawin :
Tanawin ninyo sa dakong yaon ang maraming kawal na mapuputi. Yaon ang aming hukbo.Tanawin ninyo sa dagat ang mga sasakyang pambaka. Ang lahat na iyan ay amin. At kung kayo ay kakapatid sa amin, ang aming ari, ang aming hukbo, ang aming mga sasakyan at ang aming mga puso at kaluluwa, ay inyo ring lahat. Ipagtatanggol namin kayo sa lahat ng ligalig at pagkakaalipin. Tapat baga ang inyong pakikipagkapatid sa amin? Tapat Hindi ninyo bibigyang ligalig ang kalayaan ng aming mga anak? Hindi Matatalaan ninyo ang gayon? Oo. Bayang Tagalog, narinig ninyong lahat. Sumagot kayo Kami ay pumapayag! (kay tagalog) Talaan mo ito. (Bibigyan ng pergamino, tatala si Tagalog) Ayan. At ikaw? Tatalaan ko ito (Tatala rin sa isang pergamino) Ayan Ngayon ang sumpaan. Ang sumpaan. Ang sumpaan! (Isasaksak ni Tagailog at Matanglawin ang kani-kanilang sundang sa bisig sa kaliwa, sasahurin sa isang sarong ginto ni Ina ang dugo ni Tagailog at si Dilat-na-bulag naman ang kay Matanglawin) (Kay Tagailog) Inumin mo ito. (Kay Matanglawin) Inumin mo ito. (Tatanggapin nila Tagailog at Matanglawin ang mga sarong ginto) Sa sarong gintong iyong tangan, ay nalalamang totoo, ang dalisay na dugo ko, dugong tunay ng bayan ko.
Inangbayan
Dilat-na-bulag : Tagailog :
Matanglawin : Inangbayan :
Matanglawin : Tagailog :
Matanglawin : Inangbayan :
Dilat-na-bulag : Lahat :
19
Matanglawin :
Sa sarong gintong iyong tangan, ay tunay na nalalaman, yaring dugo kong dalisay, na dugo ng aking bayan. Inumin ninyo! (Hahawakan ang kamay ni Ina) Ang kamay kong iyong tangan, Ay kamay ng aking bayan, Kung di mo pagsisiluhan, Ang ditoy pinagsumpaan, Kamay na itoy mag-aalay, Sa iyo ng biyayang tunay, Ngunit kung lalapastangan, Kamay na ito ay tatangan Ng sundang na kamandagan, Ang puso moy tatarakan. Sa dibdib koy masisilip, Ang dalisay kong pag-ibig, Ang kaluluwa kong malinis, Ang mga banal kong nais, Na sa atin ay bibigkis, Ang puso tay nang magkatalik, Ngunit kung magbabalawis, Sa ating pagkakapatid, Pag- ibig koy magngingitngit, At sa iyoy siyang tutugis. Kami naman ay gayon din! Ang magtapat ay mabuhay! Mabuhay! Ang magtaksil ay mamatay! Mamatay! Ang dugong iyay maging lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat. Datapwat kung magsusukab sa buhay niyay maging lason at kamandag.
Lahat
Dilat-na-bulag :
Inangbayan
: : :
: Inumin! (Iinumin ni Tagailog at Matanglawin ang dugo. Mahuhulog na bigla ang tabing.)
20
Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Naramdaman mo rin ba ang damdaming nangibabaw sa mga tauhan sa akda? Matitiyak ko kung lubusan mong naunawaan ang akda kapag nasagutan mo nang buong husay ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo. Huwag kang mag-alala, madali lamang ang mga ito, makatutulong sa iyo ang pagsunod mo sa mga panutong ibibigay ko 3. Linangin mo a. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Hanapin mo sa loob ng pangungusap ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit at isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Punung-puno ng linggatong ang buhay niya kung kayat labis na pangamba ang bumabalot sa kanya. 2. Huwag nating payagang muli tayong masakop ng mga dayuhan sapagkat hindi ito tutulutan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay alang-alang sa ating kalayaan. 3. Nalugso ang dangal ni Inang Bayan nang bumagsak tayo sa kamay ng mga dayuhan. 4. Matinding kasawian ang nadama ni Inang Bayan na nagdulot sa kanya ng siphayo at pangamba. 5. Malaking problema ang tatahakin ng mga Pilipino sa mga mapagsamantalang dayuhan na kanilang haharapin sa mga darating na panahon.
21
May mga pagkakataong naaapektuhan tayo ng ating mga nababasa o napapanood sa telebisyon. Kapag nangyari ito, nangangahulugan lamang na naging mabisa ang paraan ng paglalahad ng mga pangyayari. Alam mo ba kung anu-ano ang mga naaapektuhan sa ating pagkatao kapag tayoy nagbabasa ng isang akda? Bisang Pandamdamin: Tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda. Bisang Pangkaisipan: Tungkol naman ito sa pagbabago sa iyong isipan dahilan sa natutuhan sa mga pangyayaring naganap sa binasa. Bisang Pangkaasalan May kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.
Tiyakin natin ngayon kung nagkaroon ba ng bisa sa iyong damdamin, kaisipan at asal ang mga pangyayaring inilahad sa akdang iyong nabasa. b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Isulat ang B1 kung ang ipinahahayag sa bawat pangungusap ay Bisang Pandamdamin, B2 kung Bisang Pangkaisipan at B3 kung Bisang Pangkaasalan. 1. Nakadama ako ng labis na kalungkutan nang mabasa ko sa akda na may mga Pilipino rin palang nagtaksil sa bayan. 2. Ibig iparating ng akda na dapat nating pangalagaan ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani. 3. Hindi dapat kalimutan ang mga sakripisyo at pagmamalasakit na ginawa ng ating mga bayani makamit lamang ang kalayaan. 4. Ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga mamamayan ay malakas na sandata sa pagtatamo ng kalayaan ng isang bayan. 5. Sisikapin ko magmula ngayon na maging isang tunay na kabataang Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.
22
Alam mo ba kung ano ang tinatawag na Dula? Ito ay isang akdang pampanitikan na naglalayong maglarawan sa isang tanghalan ng mga pangyayaring nagpapahayag ng kapanapanabik na bahagi ng buhay ng tao. Masining din ang paglalarawan ng mga tauhan sa Dula tulad sa Maikling Kwento. Mabisang nailalarawan ng Dula ang pagkatao ng mga nagsisiganap sa pamamagitan ng kanilang usapan o salitaan at kilos o galaw. Binigyang-diin sa akdang iyong binasa ang Teoryang Klasisismo kungsaan, ang binibigyang-halaga ay ang kaayusan ng banghay; pagsisimula, pagpapalawak at pagwawakas. Paano ba nagkakaiba ang tatlong ito? Sa simula ay sinusuri ang paraan ng pagsisimula, kung paano ang paraan ng paglalahad at pag-uugnay sa mga susunod na pangyayari. Sa simula pa lamang ay kailangan nang matawag ang pansin upang makuha kaagad ang interes ng mga mambabasa. Sa pagpapalawak tinatalakay ang banghay ng pangyayari. Ang pagdaragdag ng mga tauhang mag-uugnay ng mga pangyayari na binanggit sa unahan hanggang sa katapusan ng kwento. Dito rin nakapaloob ang mga maiigting na tagpo at pahayag upang maging kawiliwili ang kabuuan ng kwento; pag-uugnay sa kasalukuyang panahon upang maunawaan ng sinumang babasa kung di man nila naranasan ang pangyayaring tinatalakay sa kwento. Ang pagwawakas ay bahagi ng kwentong nag-uugnay sa simula ng kwento at bahaging mag-iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa.
Ang paliwanag na iyong nabasa ay may kaugnayan sa susunod na gawaing inihanda ko para sa iyo. Isaalang-alang mo ang iyong mga natutuhan. Maari ka nang magsimula. c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Isulat ang S kung ang pangyayaring nakapaloob sa mga pahayag ng mga tauhan ng dula ay matatagpuan sa simula, B kung sa banghay at W kung ang pahayag ay matatagpuan sa wakas. 1. Walangtutol : Mag-inuman, magsayawan. 2. Inangbayan : Hintay! Tagailog, huwag mong paalisin si Asalhayop. Akoy may itatanong sa kanya dito sa harapan. 3. Inangbayan : Ang dugong iyay maging lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat. Datapwat kung magsusukab sa buhay niyay maging lason at kamandag.
23
4. Asalhayop : Katotot giliw, mga kaibigan, sa inyoy salamat nang habambuhay. Ang inyong nais na tungkol sa akin ay aking biyaya sa sasapitin. Kayo ang dangal ko at kayong tunay ang tanging suhay sa aking buhay. 5. Haringbata : Salamat. Talasan mo ang iyong mga taingat mata. Heto ang salapi mong bayad. At kung mangahulog na sila sa ilalim ng aking kapangyarihan ay dadagdagan ko pa iyan at bibigyan kita ng katungkulang mataas. d. Halagang Pangkatauhan Panuto: Ilagay ang mukhang masaya kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagmamahal sa bayan at mga bayani at mukhang malungkot kung di nagsasaad ng pagmamahal. 1. Pagtangkilik sa produktong sariling atin. 2. Patuloy na pangingibang- bansa ng ilang Pilipino upang doon magtrabaho at ibuhos ang kanilang talento kapalit ng marangyang pamumuhay. 3. Pakikiisa at pakikipagtulungan sa mga programa ng pamahalaan. 4. Pagpayag o pagbibigay ng pahintulot sa pagpapatayo ng mga dayuhan ng mga pribadong gusali sa ating bansa. 5. Pagbibigay-respeto at paggalang tuwing inaawit ang Lupang Hinirang at binibigkas ang Panatang Makabayan. Marami-rami na rin ang iyong nasagutan. Nasiyahan ka ba o nahirapan sa mga gawain? Maaari mo nang iwasto ang iyong mga kasagutan. Kunin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. 4. Palalimin mo Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at piliin ang letra ng pinakaangkop na kasagutan. 1. Ang pinapaksa ng dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ay pagmamahal sa: a. sarili c. kapwa b. bayan d. dayuhan 2. Pilit na ginawa ni Inang Bayan ang lahat ng kanyang makakaya mahinto lamang ang masamang balak ni Asalhayop. Itoy nangangahulugan ng: a. pagsisikap c. paghihimagsik b. pagtangkilik d. pagmamalasakit
24
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Inang Bayan, ang gagawin mo sa mapaglilong taong bayan ay: a. aawayin c. sasawayin b. kakausapin d. paliliwanagan 4. Ang mga pangyayaring naganap sa akda ay maaari pa ring maulit sa kasalukuyan kung ang mga mamamayan at pinuno ng bayan ay paiiralin ang: a. katamaran c. kapabayaan b. kalungkutan d. kasiphayuan 5. Upang hindi na muling maagaw ang kalayaang ating tinatamasa sa kasalukuyan, dapat lamang na tayoy maging: a. matatag c. mapagmahal b. masikap d. mapagmalasakit Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan. 5. Gamitin mo Panuto: Piliin ang letra ng simbolong tumutugon sa isinasaad ng bawat pahayag. 1. Masarap mamuhay at manirahan sa isang malayang bayan. 2. Huwag iwaglit sa isipan ang kadakilaang ginawa ng ating magigiting na bayani. 3. Sikapin nating ituwid ang paniniwala ng mga mapaglilong mamamayan. 4. Bantayan at huwag hayaang maghari ang mga mapagsamantalang dayuhan. 5. Kailangang pairalin ang pagmamahalan ng bawat mamamayan sa lahat ng oras at pagkakatao.
C B
D.
E.
25
Muli mong iwasto ang iyong ginawa. Kunin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. Sa pagkakataong ito ay naghanda ako ng isang gawain sa pagsulat. Tiyak na magugustuhan mo ang paksa. 6. Sulatin mo Panuto: Ayusin ang pagkakasunud-sunod ng bilang ng mga pangungusap at pagkatapos ay gawin mo itong talata. 1. Naging negatibo ang pananaw ng ibang mamamayan sa kautusang ito ng ating pamahalaan. 2. Bilang paggalang at pakikiisa sa mga namumuno ng bayan, patuloy na sumusunod ang mamamayan sa kautusang nabanggit. 3. Marami sa mga mamamayang Pilipino, higit lalo sa mga mag-aaral ang di maayos na nakapagsasalita ng Wikang Ingles. 4. Makatutulong daw ito upang mabilis na makaagapay ang mga Pilipino sa tinatawag na globalisasyon. 5. Dahilan dito, ipinatupad ng pamahalaan ang Speak English Policy sa buong kapuluan. Tingnan mo kung tamang lahat ang iyong mga kasagutan. Itsek mo ito sa pamamagitan ng Susi sa Pagwawasto. 7. Lagumin mo Panuto: Lagyan mo ng bituin mo sa aralin. ang lahat ng bilang na tumutugon sa mga natutuhan
1. kahulugan ng mga malalalim na salita 2. sanhi at bunga ng mga pangyayari 3. bisang hatid ng akda sa sarili 4. pagpapahalaga sa kalayaan 5. istilo ng may-akda sa pagsulat 6. kahulugan ng dula at mga bahagi nito
26
7. ibat ibang paraan ng pagkamit ng kalayaan 8. ideya tungkol sa teoryang klasisismo 9. talambuhay ng may-akda 10. pagtulong sa mga dayuhan Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto upang maitsek ang iyong mga kasagutan. Ang susunod na gawain ay inihanda ko upang lubusan mong masukat kung hanggang saan ang iyong natutuhan. Maaari mo nang simulan.
Gaano ka na Kahusay?
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at pagkatapos ay piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot. 1. Mayroon pa ring mga mamamayang Pilipino ang patuloy na nagsusukab sa bayan. Ang kanilang ginagawa ay: a. nagtataksil c. nagsusumamo b. nagpapahirap d. nagsasamantala 2. Kayo ang dangal ko at kayong tunay ang tanging suhay sa aking buhay. Lahat ay kasingkahulugan ng salitang may salungguhit maliban sa : a. tulong c. tagatustos b. inaasahan d. minamahal 3. Pagdustang tunay kay Inang Bayan ang pagpanig ni Walang Tutol at Masunurin kay Asalhayop. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay: a. paghamak c. pagtaksil b. pagtalikod d. paglimot 4. Lalong lumaki ang paghanga ko sa ating mga bayani matapos na mabasa ang aklat. Ang pahayag ay nagkaroon ng epekto sa aking: a. asal c. damdamin b. isipan d. moralidad
27
5. Magmula sa araw na ito ay sisikapin kong bantayan ang kalayaan ng bayan. Nasabi ko ito sapagkat ang araling tinalakay ay nag-iwan sa akin ng bisang: a. pansosyal c. pandamdamin b. pangkaisipan d. pangkaasalan 6. Ang labis na pagmamahal sa salapi at kapangyarihan ay maaaring magdulot ng pagtataksil sa bayan. Nagsasaad ito ng bisang: a. pansosyal c. pangkaasalan b. pangkaisipan d. pandamdamin 7. Ang teoryang klasisismo ay nagbibigay-halaga sa kaayusan ng: a. tauhan c. pahayag b. banghay d. pangyayari 8. Ang bahagi ng dulang binasa na nag-iwan ng kakintalan sa mga mambabasa ay matatagpuan sa: a. simula c. wakas b. banghay d. kakalasan 9. Ang mamamayang makabayan ay tunay na may pagmamahal sa bayan. Ang pahayag ay: a. opinyon c. kasabihan b. paniniwala d. katotohanan 10. Ang pahayag sa blg. 9 ay dapat na ipamuhay ng mga: a. kabataan c. lahat b. magulang d. namumuno Iwasto mong muli ang iyong mga kasagutan. Kunin sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Kumusta ang iyong iskor? Kung 7 pataas ang iyong nakuha, nangangahulugan lamang na lubusan mong naunawaan ang aralin ngunit kung 6 pababa, kailangan mong sagutan ang kasunod na gawain. Kayang-kaya mo ito sapagkat kaugnay pa rin ito ng ating aralin. Maaari mo na itong simulan.
Paunlarin mo
Panuto: Pag-ugnayin ang mga parirala sa bawat kolum sa pamamagitan ng isang linya upang mabuo ang isang kaisipan.Isulat sa loob ng kahon ang mabubuong kaisipan. Ang pagkakaroon Dahil sa kabutihan Ang mga Pilipino ng kayamanan ng mga mamamayan ng kalayaan ay tagumpay ay problema ay kinatatakutan ng ating bayan ng kanilang lahi ng kanyang mithiin
28
Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at itsek mo ang huling gawain na iyong sinagutan. Naway nasiyahan ka sa araling tinalakay natin sa araw na ito.
29
SUSI SA PAGWAWASTO 1.Ano ba ang alam mo 1. b 2. d 3. b 4. c 5. a 6. c 7. a 8. d 9. d 10. d 2. Alamin mo Edsa Revolution Death March Battle of Mactan Cry of Balintawak Oakwood Mutiny 3. Linangin mo a. Pagsusuring Panlinggwistika 1. Labis na pangamba 2. papayagan 3. bumagsak 4. matinding kasawian 5. haharapin b. Pagsusuring Pangnilalaman 1. B1 2. B2 3. B2 4. B2 5. B3 c. Pagsusuring Pampanitikan 1. S 2. B 3. W 4. S 5. B
30
d. Halagang Pangkatauhan 1. 2. 3. 4. 5. 4. Palalimin mo 1. b 2. d 3. d 4. c 5. d 5. Gamitin mo 1. D 2. E 3. B 4. C 5. A 6. Sulatin mo Marami sa mga mamamayang Pilipino, higit lalo sa mga mag-aaral ang di-maayos na nakapagsasalita ng Wikang Ingles. Dahilan dito, ipinatupad ng pamahalaan ang Speak Engish Policy sa buong kapuluan. Makatutulong daw ito upang mabilis na makaagapay ang Pilipino sa tinatawag na globalisasyon. Naging negatibo ang pananaw ng ibang mamamayan sa kautusan ito ng ating pamahalaan. Bilang paggalang,, pagrespeto at pakikiisa sa mga namumuno sa bayan, patuloy na sumusunod ang mamamayan sa kautusang nabanggit. 7. Lagumin mo 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.
31
1. a 2. d 3. a 4. c 5. d 6. b 7. b 8. c 9. c 10. c VII. Paunlarin mo Ang pagkakaroon Dahil sa kabutihan Ang mga Pilipino ng kayamanan ng mga mamamayan ng kalayaan ay tagumpay ay problema ay kinatatakutan ng ating bayan ng kanilang lahi ng kanyang mithiin
32