Banghay-Aralin Sa Filipino.

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

ORDOÑA, CAROLINE N.

BEED 2B

BANGHAY-ARALIN

I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy kung ang mga panghalip na panao ay palagyo, paari, o
paukol;
b. Naipakikita ang kahalagahan ng mga panghalip na panaong palagyo,
paari, o paukol ayon sa gamit;
c. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga panghalip na panaong
palagyo, paari, o paukol.
II. Paksang-Aralin
Paksa: Panghalip Panao at mga Kaukulan nito
Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Yunit II, Aralin 10 pahina 115-129
Kagamitan: Panturong biswal, chalk
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain
 Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang Panginoon, maraming salamat po sa


mag-aaral upang pangunahan ang araw na ito na ipinagkaloob niyo po sa
panalangin) amin, nawa’y gabayan mo po kami sa
mga gawain na aming gagawin sa araw
na ito. Sana po gabayan niyo rin ang
aming mga guro na siyang magtuturo sa
amin. Amen.
 Pagbati
Magandang araw mga bata! Magandang araw Bb. Carol!

 Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagtetsek ng liban at hindi liban
Bago kayo umupo pakipulot ang (Magpupulot ng kalat ang mga batang
mga kalat na nasa ilalim ng inyong mag-aaral at aayusin ang kanilang
mga lamesa at pakiayos ang inyong upuan)
upuan.

Maari na kayong maupo. (Umupo ang mga bata)

Mayroon bang lumiban sa klase Wala po Bb. Carol.


ngayong araw?

B. Pagsasanay
Salungguhitan ang panghalip na (Inaasahang sagot)
matatagpuan sa pangungusap.

1. Inihain ang malamig na juice 1. kanila


para sa kanila.
2. Kami ay manonood ng palabas 2. kami
mamaya.
3. Ako ay inutusan ni nanay na 3. ako
magwalis.
4. Sa iyo ibibigay ang pangunahing 4. iyo
papel sa palabas.
5. Kata ay inanyayahan sa 5. kata
paaralan upang maging hurado.

C. Balik-Aral
Pangngalan

 Ano ang pangngalan?


(Magtatawag ng isang mag-aaral Ang pangngalan ay bahagi ng
ang guro) pananalita na tumutukoy sa ngalan ng
tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.

 Ano ang dalawang uri ng


pangngalan?
(Magtatawag ng isang mag-aaral Ang dalawang uri ng pangngalan ay
ang guro) pantangi at pambalana.

 Ano ang pantangi?


(Magtatawag ng isang mag-aaral Ang pantangi ay ang pangunahing
ang guro) ginagamit bilang pantawag sa tanging
ngalan ng tao, bagay, hayop, poot at
pangyayari. Kadalasang nagsisimula ito
sa malaking titik.

 Magbigay ng halimbawa ng
pantangi.
(Magtatawag ang guro ng isang Ang Luzon ang pinakamalaking pulo sa
mag-aaral) Pilipinas.

 Ano ang pambalana?


(Magtatawag ng isang mag-aaral Ang pambalana ay ang ginagamit na
ang guro) pantawag o pantukoy ng di-tiyak na
ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at
pangyayari. Lagi naman ito nagsisimula
sa maliit na titik.
 Magbigay ng halimbawa ng
pambalana.
(Magtatawag ng isang mag-aaral Ang aming guro ay mabait.
ang guro)

Mahusay!

D. Panlinang na Gawain
 Pagganyak
Magsitayo ang lahat at awitin natin (Ang mga bata ay tumayo at kumanta)
ang saliw ng awiting: Kung Ikaw ay
Masaya.

Kung ikaw ay masaya tumawa ka. Kung ikaw ay masaya tumawa


Ha, ha, ha. . . ka. Ha, ha, ha. . .
Kung ikaw ay masaya tumawa ka. Kung ikaw ay masaya tumawa
Ha, ha, ha. . . ka. Ha, ha, ha. . .
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay Kung ikaw ay masaya, buhay mo
sisigla. ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka. Kung ikaw ay masaya, tumawa
Ha, ha, ha. . . ka. Ha, ha, ha. . .

Kung ikaw ay masaya, pumalakpak. Kung ikaw ay masaya,


Kung ikaw ay masaya, pumalakpak. pumalakpak.
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay Kung ikaw ay masaya,
sisigla. pumalakpak.
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak. Kung ikaw ay masaya, buhay mo
ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, pumadyak Kung ikaw ay masaya,
ka. pumalakpak.
Kung ikaw ay masaya, pumadyak
ka. Kung ikaw ay masaya, pumadyak
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay ka.
sisigla. Kung ikaw ay masaya, pumadyak
Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka.
ka. Kung ikaw ay masaya, buhay mo
ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka. Kung ikaw ay masaya, pumadyak
Ha, ha, ha. . . ka.
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka.
Ha, ha, ha. . . Kung ikaw ay masaya, tumawa
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay ka. Ha, ha, ha. . .
sisigla. Kung ikaw ay masaya, tumawa
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka. ka. Ha, ha, ha. . .
Ha, ha, ha. . . Kung ikaw ay masaya, buhay mo
ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, tumawa
ka. Ha, ha, ha. . .
Magaling! Maari na kayong
magsiupo mga bata.

 Pagganyak na Tanong
Basahin ang pagganyak na tanong
sa pisara.
(Magtatawag ang guro ng isang Ano ang panghalip panao?
mag-aaral) Ano ang tatlong kaukulan panghalip
panao?

E. Paglalahad
Ang ating aralin sa araw na ito ay
tungkol sa panghalip panao at
tatlong kaukulan nito.

Pakibasa ang kahulugan ng


panghalip na panao.
(Magtatawag ng isang mag-aaral Ang panghalip na panao ay pamalit o
ang guro) panghalili sa mga pangalan ng tao.

Tama! Ang panghalip na panao ay


pamalit o panghalili sa mga
pangalan ng tao at mayroon itong
tatlong kaukulan. Ang kaukulang
palagyo, kaukulang paari, at
kaukulang paukol.

Pakibasa ang kahulugan ng


kaukulang palagyo.
(Magtatawag ng isang mag-aaral Kaukulang palagyo. Ito ang ginagamit
ang guro) na simuno o kumakatawan sa pangalan
ng taong gumaganap ng kilos.

Ano naman ang kahulugan ng


kaukulang paari?

Pakibasa ang kahulugan nito sa


pisara.
(Magtatawag ng isang mag-aaral Ang kaukulang paari ay panghalip na
ang guro) kumakatawn sa taong nagmamay-ari ng
isang bagay.
Samantala, ano naman ang
kahulugan ng kaukulang paukol?
(Magtatawag ng isang mag-aaral Kaukulang paukol. Ang panghalip ay
ang guro) ginagamit na layon ng pandiwang may
tinig balintiyak. Bilang layon ng pang-
ukol, ang mga panghalip ay katulad sa
kaukulang paari. Ang ipinagkaiba laman
ay ang pagkakaroon ng pang-ukol sa
unahan ng pangngalang pinapalitan ng
panghalip sa kaukulang paari.
Magaling!

May tatlong panauhan ang


panghalip na panao. Nagsasabi ito
kung sino ang taong kinakatawan
ng mga ito. Tinatawag itong una,
ikalawa, at ikatlong panauhan.

Tignan sa talahanayan ang mga


panauhan ng panghalip ng
kaukulang palagyo.
Kailanan
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan
Una ako kita, kata tayo
Ikalawa ka,ikaw kayo
Ikatlo siya sila

Basahin ang unang halimbawa ng


kaukulang palagyo na may unang
panauhan.
(Magtatawag ng isang mag-aaral
ang guro)
Ako ang magdidilig ng halaman.
Ako ang magdidilig ng halaman.
Ako ang salitang gagamitin kapag
ang taong tinutukoy mo ay ang
iyong sarili.

Basahin ang ikalawang halimbawa


ng kaukulang palagyo na may
ikalawang panauhan.
(Magtatawag ng isang mag-aaral
ang guro)
Kata ang magdidilig ng halaman.
Kata ay ginagamit naman sa
pagtukoy sa dalawang tao.

Basahin ang ikatlong halimbawa ng


kaukulang palagyo na may ikatlong
panauhan.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)
Sila ang magdidilig ng halaman.
Ginagamit ang salitang sila kapag
ang tinutukoy ay ang mga pinag-
uusapan.

Magbigay pa ng mga halimbawa ng


pangungusap gamit ang mga
salitang panghalip na panaong
palagyo na mayroong iba’t-ibang
panauhan.
(Magtatawag ang guro ng mga
mag-aaral na sasagot)
(Inaasahang sagot)
 ikaw ba ang nakapulot ng aking
pitaka?
 Siya ba ang magiging guro natin
mamaya?
Mahusay mga bata!  Tayo ay magbabasa ng libro sa
silid-aklatan.
Sa ating pagpapatuloy, tignan
naman natin sa talahanayan ang
mga panauhan ng kaukulang paari.
Kailanan
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan
Una akin kanita atin, amin
Ikalawa iyo inyo
Ikatlo kanya kanila

Basahin ang unang halimbawa ng


kaukulang paari na may unang
panauhan.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)

Ginagamit ang salitang akin kapag


ang tinutukoy na bagay ay iyo.
Sa akin ang pandilig na gagamitin.

Basahin ang ikalawang halimbawa


ng kaukulang paari na may
ikalawang panauhan.
(Magtatawag ang guro ng sasagot)

Ginagamit ang salitang iyo kapag


ang bagay na tinutukoy ay sa iyong
kausap.

Basahin ang ikatlong halimbawa ng Sa iyo ang pandilig na gagamitin.


kaukulang paari na may ikatlong
panauhan.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)

Ginagamit ang salitang kanya


kapag ang bagay na tinutukoy ay sa
ibang tao.
Sa kanya ang pandilig na gagamitim.
Ngayon, magbigay ng halimbawa
ng pangungusap gamit ang mga
salitang panghalip na panaong paari
na mayroong iba’t-ibang panauhan.
(Magtatawag ang guro ng mga
sasagot)

Sa huling talahanayan, tignan ang


mga panghalip na panao sa (Inaasahang sagot)
kaukulang paukol.  Amin ang bahay na iyon.
 Sa kanila ang halaman na ito.
Kailanan  Inyo po ba ang sasakyan na ito?
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan
Una ko nita natin,namin
Ikalawa mo ninyo
Ikatlo niya nila

Basahin ang unang halimbawa ng


kaukulang paukol na may unang
panauhan.
(Magtatawag ng isang mag-aaral
ang guro)

Ko ang salitang gagamitin ang iyong


tinutukoy ay iyong sarili.

Basahin ang ikalawang halimbawa


ng kaukulang paukol na may
ikalawang panauhan. Bibitbitin ko ang pandilig na gagamitin.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)

Ginagamit ang salitang nita kapag


ang iyong tinutukoy ang iyong sarili
ang iyong kasama.

Basahin ang ikatlong pangungusap


ng kaukulang paukol na may Bibitbitin nita ang pandilig na gagamitin.
ikatlong panauhan.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)
Ginagamit ang salitang nila kapag
ang tinutukoy ay ibang tao.

Ngayon naman, magbigay kayo ng


iba pang halimbawa ng paghalip na
panaong paukol gamit ang mga
salita sa iba’t-ibang panauhan. Bibitbitin nila ang pandilig na gagamitin.
(Magtatawag ang guro ng mga
mag-aaral na sasagot)
 Pagpapalawak ng Kaalaman
Pangkatin ang klase sa tatlo. Ang (Inaasahang sagot)
unang grupo ay gagawa ng tatlong  Ang sabi niya maganda ka.
pangungusap gamit ang panghalip  Kukunin naming ang pus ana
na panao ng kaukulang palagyo. naipit.
Ang ikalawang grupo ay gagawa ng  Kilala ba ninyo ang may-ari ng
tatlong pangungusap gamit ang pitakang ito?
panghalip na panao na kaukulang
paari at ang ikatlong grupo ang
gagawa rin ng tatlong pangungusap (Inaasahang sagot)
gamit ang panghalip na panaon na  Unang Pangkat
kaukulang paukol. Isusulat ang 1. Mamamayan ka ng bansa kahit
sagot sa manila paper na aking nakatira ka sa Luzon, Visayas o
ibibigay. Isang miyembro ng bawat Mindanao.
grupo ang magpi-presenta sa 2. Tayo ay magpasalamat sa Poong
harapan upang basahin ito. Maykapal.
3. Kata ang bibili ng pagkain.

 Ikalawang Pangkat
1. Sino sa inyo ang magaling
umawit?
2. Sa iyo ang sapatos na ito.
3. Sa kanita ibinilin ang tindahan
ngayon.
Mahusay! Palakpakan ninyo ang
inyo sarili.  Ikatlong Pangkat
1. Bibilhin nita ang sapatos nito
 Paglalahat para parehas tayo.
Ano ang panghalip na panao? 2. Ang ulam naming kagabi ay
(Magtatawag ang guro ng sasagot) sinigang na baboy.
3. Iniyakan niya ang palabas sa
telebisyon kagabi.
Ano ang tatlong kaukulan ng
panghalip na panao?
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)

Magaling! Ang panghalip na panao ay pamalit o


panghalili sa mga pangalan ng tao.
 Pagpapahalaga
Bakit kailangang pag-aralan ang
panghalip na panao at ang kaukulan
nito? Ang kaukulang palagyo, kaukulang
paari, at kaukulang paukol.

Naiintindihan niyo ba ang aralin


natin sa araw na ito? (Ang mga mag-aaral ay may iba’t-ibang
sagot)
Wala ba kayong mga tanong? Mahalagang pag-aralan ito upang
magamit natin ang mga angkop na
salita sa angkop nitong gamit sa pagbuo
ng pangungusap.

Opo, Bb. Carol!


Wala na po, Bb. Carol!

IV. Pagtataya
Bilugan ang panghalip na matatagpuan sa mga pangungusap.
Pagkatapos, tukuyin ang kaukulan nito kung palagyo, paari, o paukol. May
nakalaang guhit para sa sagot. Isulat ang sagot sa papel.

_____ 1. Sa kanya pala ang cell phone na nawawala.


_____ 2. Inihain ang malamig na juice para sa kanila.
_____ 3. Umabay siya sa kasal.
_____ 4. Kami ay manonood ng palabas mamaya.
_____ 5. Tayo na sa mall.
_____ 6. Sa iyo ibibigay ang pera sobreng ng pera.
_____ 7. Inihanda nila ang tanghalan para sa pagtatanghal ng inyong
klase.
_____ 8. Kata ay inanyayahan na dumalo sa kaarawan ni Bella.
_____ 9. Ating awitin ang komposisyon ng mga batang iyon.
_____ 10. Dalhin ninyo ang iskrip ng itatanghal sa awditoryum ng
paaralan.
V. Takdang-Aralin
Sumulat ng tig-tatlong pangungusap para sa tatlong kaukulan ng
panghalp panao. Gamiting paksa ang pagpapanatili ng kaayusan ng
inyong pamayanan o komunidad.

Kaukulang Palagyo
1.
2.
3.
Kaukulang Paari
1.
2.
3.
Kaukulang Paukol
1.
2.
3.

You might also like