MOU With LGU

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MEMORANDUM NG PAGKAKAUNAWAAN

SISTEMA NG PAMAMAHAGI AT PAGBAWI (DISTRIBUTION AND RETRIEVAL) NG LEARNING


MODULES SA MGA MAG-AARAL SA IMPLEMENTASYON NG MODULAR DISTANCE LEARNING
MODALITY SA ILALIM NG LEARNING CONTINUITY PLAN (LCP) SA GITNA NG PANDEMYANG COVID-
19

Ang Memorandum ng Pagkakaunawaan na itinakda ngayong __________________________, 2020 sa


________________________, Bulacan, sa pagitan ng mga sumusunod:

Ang Kagawaran ng Edukasyon – Mababang/Mataas na Paaralan ng ____________________, isang


pampublikong paaralan, na may Numerong Pagkakilanlan sa Paaralan (School Identification Number)
____________________, na matatagpuan sa ___________________, Bulacan, na kakatawanin ng
Punong Guro na si__________________, Pilipino, may sapat na gulang, na tatayo bilang PAARALAN
(Unang Panig).
at

Ang BARANGAY ______________________, na matatagpuan sa ____________________, Bulacan, at


kakatawanin ng Punong Barangay na si Igg. ____________________, Pilipino, may sapat na gulang, na
tatayo bilang LGU (Ikalawang Panig).

SINAKSIHAN

KUNG SAAN , ang Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas, ay ang pangunahing ahensya ng pamahalaan
na inatasan na magsagawa, magpatupad at mapag-ugnay –ugnay ang mga polisiya, plano, programa at
proyekto sa larangan ng pormal at di-pormal ng pangunahing edukasyon, magmasid sa lahat ng paaralang
elementarya at sekondarya, kasama ang alternative learning system, kapwa publiko at pribadong paaralan,
at magbigay ng katatagan at pagpapanatili ng sapat, ganap at panlahatang sistema ng pangunahing
edukasyon na angkop sa layunin ng pambansang kaunlaran.

KUNG SAAN, ang Inter- Agency Task Force (IATF) ay pinagtibay ang Basic Education Learning Continuity
Plan (BE-LCP);
KUNG SAAN, ang Kagawaran ng Edukasyon ay sumusunod sa mga patakarang nakasaad sa “Bayanihan
to Heal as One Act”,
KUNG SAAN, ang Kagawaran ng Edukasyon ay naghanda ng iba’t ibang modalities ng pagkatuto na
angkop sa konteksto ng paaralan sa kanilang lokalidad;
KUNG SAAN, ang Alternative Learning Delivery Modality na ginagamit ang modules ay itinuturing na isa sa
mga istratehiya at paraan na nakapaloob sa “new normal” set-up sa lahat ng antas ng pag-aaral;
KUNG SAAN, ang Kagawaran ng Edukasyon ay naniniwala na ang epektibong paghahatid ng iba’t ibang
modalities ng pagkatuto , ay nangangailangan ng pagsasanib ng paaralan at ng LGU sa pagsasakatuparan
ng Learning Continuity Plan para sa mga mag-aaral;
KUNG SAAN, ay sisimulan ng Kagawaran ng Edukasyon ang implementasyon ng Learning Continuity Plan
sa Taong–Pampaaralan 2020-2021;
KUNG SAAN, ang PAARALAN ay nangangailangang pumasok sa isang pagkakauunawan katuwang ang
Lokal na Pamahalaan (LGU)
KUNG SAAN, ang LGU ng Barangay _______________________ na nakasasakop sa lugar na
kinaroroonan ng paaralan at may tanggapan, pasilidad, at kakayahan upang maisakatuparan ang
implementasyon ng iba’t ibang modalities ng pagkatuto (different learning modalities) ng
________________________ (pangalan ng paaralan)
KUNG SAAN, ang LGU ay hinihimok na buong pusong suportahan ang pagpapatupad ng School Learning
Continuity Plan ng Kagawaran ng Edukasyon sang-ayon sa Pangrehiyong Memorandum Blg.144 s.2020;
KUNG SAAN, ang LGU ay kikilalanin na ang paaralan ay kailangan ang kanilang tulong para maging ligtas
ang mga mag-aaral at guro sa maayos na pagkatuto sa gitna ng panganib ng COVID-19 Pandemic;
KUNG SAAN, ang PAARALAN at LGU,ay kikilalanin bilang mga “PANIG” na magsasanib para sa
matagumpay na pagsasakatuparan ng Learning Continuity Plan.
KUNG GAYON, SAMAKATWID, para at sa mga nabanggit na konsiderasyon , ang dalawang PANIG ay
sumasang-ayon sa mga sumusunod:

I. RESPONSIBILIDAD NG DALAWANG PANIG


A. MAGKATUWANG NA RESPONSIBILIDAD
Ang PAARALAN at ang LGU ay:
1. lilikha ng joint committee na binubuo ng Punong Guro, Isang focal person mula sa paaralan,
Punong Barangay at Barangay Kagawad na may hawak ng komite ng edukasyon na maghahanda
ng mga action plan sa pagsasakatuparan ng pagsasanib na binubuo ng mga sumusunod:
2. Magatatalaga ng mga tauhang magmomonitor sa progreso ng pagsasanib at upang matiyak na
ang mga probisyon ng MOU ay nagagampanan.
3. magsasakatuparan nang maayos na ugnayan sa pagitan ng Paaralan at LGU sa pagkakamit ng
mga tiyak na resulta ng Learning Continuity Plan.

B. MGA GAMPANIN NG DALAWANG PANIG SA PAMAMAHAGI (DISTRIBUTION) AT


PAGBAWI (RETRIEVAL) NG LEARNING MODULES
PAARALAN (Unang Panig) LGU (Ikalawang Panig)
− ihahanda ang LMs ng mga mag-aaral − titiyaking may ligtas lugar na
na ipagkakatiwala sa Barangay at paglalagakan ng mga LMs; gayundin
makikipag-ugnayan sa kinatawan ng ang pangangalaga at pag-iingat sa
barangay na mangangalaga sa mga mga ito.
LMs;
- maghahanda ang guro ng listahan ng - Sisiguraduhin na tanging
pangalan ng mga mag-aaral, magulang/tagapag-a[aga/ o
magulang/tagapag-alaga o sinumang sinumang awtorisadong tao batay
awtorisadong taong piniling kuhanin sa listahan ng guro ang papayagang
ang LMs sa Barangay. kumuha ng LMs.

- maghahanda ng LMs na nakapaloob


sa plastic box/plastic
envelope/cardboard box na may
pangalan ng mga mag-aaral;

- magtatakda ng araw at oras kung - magtatalaga ang Punong - Barangay


kailan kukuhanin ang LMs sa ng tauhan na tatanggap at
barangay at gayundin ang pagsasauli magsasauli ng mga LMs sa paaralan
sa mga ito. Ito ay isasagawa at mamahagi at babawi nito sa mga
dalawang beses isang linggo magulang/tagapag-alaga.
hanggang sa pagtatapos ng taong
pampaaralan hangga”t ang sistema
ng pag-aaral ay nasa ilalim ng BE-
LCP
- titiyaking ang magulang/tagapag- - magpapahiram ng service vehicle
alaga/ o sinumang awtorisadong tao kung kinakailangan, ayon sa
batay sa listahan ng guro ang kukuha kapahintulutan ng Punong-Barangay
ng LMs sa Barangay.

- makikipag-ugnayan sa LGU na
makapanghiram ng service vehicle ng
barangay sa pamamahagi at pagbawi
ng LMs sa mga mag-aaral kung
kinakailangan.
- magsusumite ng kaukulang ulat sa
proseso ng LMs
- makikipag-ugnayan sa joint committee - makikipag-ugnayan sa joint
ukol sa kalagayan o mga suliraning committee ukol sa kalagayan o mga
naranasan sa pagpapatupad nito. suliraning naranasan sa
pagpapatupad nito

II. BISA
Ang pagkakaunawaang ito ay mananatiling may bisa sa Taong Pampaaralan 2020 – 2021 hangga”t ang
sistema ng pag-aaral ay nasa ilalim ng BE-LCP

III. PANANAGUTAN
Bawat panig ay may pananagutang tiyakin ang pagpapatuloy ng pagkatuto sa kabila ng pandemya ay
makakamit ang tagumpay kung uunahing ihanda ang pagbubukas ng klase sa Taong Pampaaralan 2020-
2021.

IV. BUKAS NA PROBISYON


Ngayon ay inihahayag na may malinaw na pagkaunawaan na ang Kagawaran ng Edukasyon at Lokal na
Pamahalaan na ang Learning Continuity Plan ay para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng iba’t ibang learning modalities na angkop sa konteksto ng paaralan sa bawat lokalidad.

SA PAARALAN: SA LGU:
______________________________ _____________________________
Punong Guro Punong Barangay

SA HARAP NINA:

(Tagamasid Pampurok) (Kagawad o Kalihim ng Barangay)

You might also like