Pakitang Turo Sa Maikling Kuwento Final
Pakitang Turo Sa Maikling Kuwento Final
Pakitang Turo Sa Maikling Kuwento Final
ISKRIP:
STUDENT: SHEEN/IVY/JP
INRODUKSYON:
4. JP: Ako si Ginoong John Paul De Silva, at maaari niyo akong tawaging SIR JP
5. SHEEN: Ako naman si Bb. Sheen Mae Olideles at tawaging niyo na lamang akong
MAAM SHEEN
6. IVY: At ako naman si Bb. Mae Ivy Batangoso at ang itawag niyo na lamang saakin ay
MAAM IVY. Bago tayo magsimula sa ating aralin, papangunahan muna tayo ni Sir JP
para sa pambungad na panalangin.
7. JP: Sa ngalan ng Ama, ng Espiritu, Santo….
8. SHEEN: Para sa layunin ng Paksang Aralin natin,
UNANG BAHAGI
GURO: SHEEN
f) SHEEN: Sa nakita niyong mga larawan. Maari ba kayong magbigay ng nais ipahiwatig nito.
g) IVY: Maam! Sana all may jowa. Hahaha
h) JP: Saakin po ma’am, parang magkababatang magkaibigan po ang nais ipahwatig po ng mga
larawan na iyan.
i) SHEEN: Tama! Mamaya ay mauunawaan niyo kung ano ang kaugnayan ng mga larawan ito sa
ating paksang aralin.
j) Sa ngayon, ay may mga katanungan muna ako sainyo.
May pagkakataon din ba class, na kayo’y sumuway na sa inyong mga magulang?
(SUMUWAY NA BA KAYO SA INYONG MGA MAGULANG?)
k) JP: Opo ma’am! Minsan nga po madalas, pero depende po sa sitwasyon. Hehehe
l) IVY: Very bad jp!
m) JP: Ay wow? Good girl ka ghorl? (Sound effect *HAHAHA*)
n) SHEEN: May pagkakataon din naman talaga, na nasusuway natin ang ating mga magulang. Ikaw
Ivy, Ano ba yung utos o bilin ng iyong magulang na iyong nasuway o hindi nasunod?
o) IVY: May mga ordinaryong utos po na hindi ko minsan nasusunod, katulad lamang po sa mga
gawaing bahay. Pero yung pinaka bilin po saakin, na nasuway ko na po ay ang ‘hindi dapat
pagboboyfriend’ pero kasi ma’am jowang jowang na po talaga ako, kaya hindi ko na nakayanan.
Hahaha chaaaarrr (Sound effect *HAHAHA*)
p) SHEEN: Ano ba yung resulta ng hindi po pagsunod as bilin ng iyong magulang?
q) IVY: Pinagsisihan ko po ma’am, at sa desisyon ko pong iyon may aral naman po akong
natutunan.
r) SHEEN: Mabuti naman kung ganun. Sa iyo naman Jp, ano ba yung nasuway mo ng bilin at ano
ang naging resulta nito?
s) JP: Saakin naman po ma’am ay yung pagkain po ng mga bawal, kasi po may nagka u.t.i po ako,
pero minsan po hindi ko nasusunod, kaya ang naging resulta po nito ay nagkasakit ako.
t) SHEEN: Maraming salamat sa inyong mga ibinahagi, bilang isang anak, dapat may mga
natutunan tayo sa bawat pagsuway natin sa ating mga magulang, dahil yung mga bilin naman
nila ay para naman sa ikabubuti ninyo.
PANGALAWANG BAHAGI:
GURO: IVY
STUDENT: SHEEN & JP
I. IVY: Hello class, mukhang nag enjoy kayo sa talakayan kanina ah. Para naman sa pagtalakay sa
pinakapaksa natin, ako naman ang naka atas dito.
II. At dahil ang ating paksang aralin ay ang pagbasa ng isang maikling kuwento na ang pamagat ay
“Ang Bagong Paraiso” ni Efren Abueg. Pero bago tayo dumako dito, ano muna ang kahulugan
ng maikling kuwento?
III. JP: Ma’am! Ang maikling kuwento po ay, maikli lamang hindi mahaba.
IV. Sheen: Katulad nga po ng sinabi ni jp, ito ay maikli lamang kaya nababasa lamang poi to sa isang
upuan lamang.
VI. Ang maikling kuwento ay isang uri ng panitikan na mababasa sa isang upuan lamang. Ito ay may
limang elemento: ang banghay, mga tauhan, tagpuan, tunggalian, at nag-iiwan ito ng kakintalan
sa isip ng mga mambabasa.
VII. IVY: Bibigyan ko kayo ng tig iisang kopya, at bibigyan ko lamang kayo ng sampung minuto sa
pagbasa nito. Ang bawat kopya ay may nakasalungguhit na mga salita may malalim na
kahulugan. Para lubos ninyong maunawaan, narito ang mga salita at ang kahulugan nito
XI. Ivy : Magaling! Ngayon naman ay may mga katanungan akong itatanong sainyo base sainyong
binasang Maikling kuwento! Handa na ba kayo?
MGA KATANUNGAN:
XIII. Ivy: Para sa unang tanong Ilarawan ang dalawang pangunahing tauhan sa kuwento.
XIV. Sheen: Ma'am ako po! Sa simula pa lamang ng kuwento makikita na ang pangunahing tauhan ay
magkakabatang magkaibigan na sa simula pa nung sila’y bata pa ay malapit na sa isa’t isa.
XVI. Ivy: Para sa pangalawang tanong, ano ang madalas nilang gawin nung sila ay bata pa? Sige, Jp
pakisagot nga.
XVII. Jp: Simple lamang po Maam Ivy ang kanilang pamumuhay noon, sila ay nakatira sa looban na
malawak, mapuno, mahalaman. Madalas po silang maglaro sa damuhan, umakyat sa mga pubo at
kung hapon naman po ay sila ay pumupunta sa dalampasigan.
XX. sheen: Dahil nga po magkaibigan na sila simula bata pa, kaya hanggang pag dalaga at binata nila
ay sila’y parin ay malapit sa isa,t isa.
XXI. Ivy: Bakit pinagbawalan ng magulang ng babae ang kaniyang anak na makipag kita sa kaniyang
kaibigan na lalaki?
XXII. Jp: Dahil nais lamang ng magulang ni Cleofe na makapagtapos ito sa pag-aaral, at naisip ng
magulang na hindi makakapg pokus sa pag-aaral nito
XXIII. Ivy: Sheen, kung ikaw ang dalaga sa kuwento, susundin mo ba ang inuutos ng iyong magulang?
XXIV. sheen: Siguro po mahirap sundin ito dahil sa una palang ay nasanay kana na lagi kayong
magkasama. pero bilang isang anak, dapat lawakan na lang natin ang ating pag-iisip na sundin
lamang iyon dahil hindi naman masama yung motibo ng magulang. Gusto lang nila na
masigurado ang kinabuksan ng kanilang anak.
XXV. Ivy : Ginoong Jp, halimbawa ikaw ang lalaki sa kuwento, ano ang iyong gagawin kung alam mo
na ang iyong kaibigan na babae ay pinagbabawalan ng kaniyang magulang na makipagkita
saiyo?
XXVI. Jp: Siguro po maam kung ako ang nasa kalagayan ng pangunahing tauhan na lalaki sa kuwento
ay bilang respeto sa pasya ng magulang ng bababe, titiisin ko na lamang muna na hindi
makapagkita, kasi kung ipipilit maaaring mawala ang tiwala sayo ng magulang.
XXVII. Ivy: Sa iyong palagay masasabi ba ninyo na isang tipikal na tinedyer ang dalagang babae sa
kuwento?
XXVIII. sheen: Para po saakin ay hindi po. Hindi po sa kadahilanan na nasa murang edad pa po siya para
pumasok sa ganiyang buhay, hindi pa siya handa para sa mabibigat na responsabilidad bagaman
sa panahon na rin po ngayon nagiging normal na lamang ang ganiyang sitwasyon kasi marami
nadin po ang mga kabataan ang nagiging ina pero technically po mali parin po.
XXIX. Ivy: Ipagpalagay natin na kayo ang magulang ng babae sa kuwento, ano ang maipapayo niyo
sainyong anak na babae?
XXX. Jp: Ang maipapayo ko po ay may tamang panahon para sa lahat ng bagay. Sa ngayon dapat
maging pokus ka sa mga bagay na mayroon ka at sa mga bukas na oportunidad na inilalaan sayo
sa ganitong edad. wag gagawa ng mga bagay na sa huli ay pagsisisihan mo.
XXXI. Ivy: Ano ang naging kahihinatnan ng pagsuway ng babae sa kanyang magulang ?
XXXII. sheen: Dahil sa pagsuway nila sa kanilang magulang ay maagang silang nagkapamilya. sa
murang edad ay hindi nila na enjoy ang magandang oportunidad na sana’y natatamo nila sa
ngayon dahil nakatali na sila sa mabibigat na responsibilidad.
XXXIII. Ivy: at para sa huling katanungan, Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na baguhin ang wakas,
ano ang nais mong maging wakas ng kuwento? sige jp.
XXXIV. JP:Kung ako po ang magbibigay ng wakas, siguro po silang dalawa ay sumunod sa bilin ng
kanilang magulang para parehas sila nakapagtapos sa kolehiyo at bago naging sila ay nasunod
nila ang mga pangarap nila at pangarap ng kanilang magulang.
XXXV. Ivy : Maraming salamat sa aktibong pakikilahok niyo sa ating talakayan ngayong araw. (sound
effect **yeyyy**) At para mas mapahalagahan at mas mapalawak ang ating pag-unawa sa
ginawa nating talakayan ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Papangkatin natin ang
klase sa tatlong grupo at bibigyan ko kayo ng 15 minuto upang magawa nang maayos ang mga
nakaatas na gawain sa sainyong grupo.
XXXVI. Ivy:* Para sa unang pangkat ito ang inyong gawain, mag-isip ng isang simbolo na maaaring
iugnay sa mga tauhan o sa mismong kabuuan ng kuwento. Ilagay ito sa bondpaper at maging
malikhain.
XXXVII. *Sa ikalawang grupo naman ay mag-isip ng awitin na maaring sumasalamin sa pagsunod sa
magulang, ilahad at ipaalam Kung ano ang kaugnayan nito sa kuwento. Maari kayong gumamit
ng musika sainyong presentasyon.
XXXVIII. *At para sa huling grupo naman ito ang inyong gawain, mula sa kuwento ay pumili kayo ng
isang pangyayari isadula ito at isalaysay ang mahalagang aral na makukuha natin.
*Iflash si criteria!
PAGKATAPOS NG PRESENTASYON
XL. Ivy: Mahusay! Tunay ngang napakagaling ninyo. Bigyan natin ang bawat isa nang masigabong
palakpakan (sound effect)
(PANGATLONG BAHAGI)
Guro: JP
A. JP: At dahil natapos ng talakayin ni ma'am ivy at nakapagbigay na rin siya ng pangkatang gawain,
ngayon naman ay magbibigay ako sainyo ng ilang katanungan na may kaugnayan sa paksang
aralin natin ngayon.
C. JP: Tama Ivy !! Ang ating mga magulang Ang may higit na may alam sa buhay Kung kayat dapat
lamang na pakinggan natin Ang kanilang mga payo dahil tulad nga Ng kasabihan nating mga
Pilipino" Habang ang mga kabataa’y papunta pa lamang, ang mganakakatanda ay pabalik na."
Pangalawa , Hindi namang masamang umibig habang nag-aaral. Ngunit dapat nating
pakakatatandaan na ang pag-ibig ay dapatgawin nating inspirasyon upang tayo’y mapabuti hindi
isang distraksyon na makasisira sa pangarap natin at sa pangarap ng ating mga magulang para sa
atin. Sana class may may natutunan kayo sa kuwentong ito.
D. JP: May nais pa akong itanong sa inyo patungkol sa kuwento na ating nabasa. Ikaw sheen,
Anong suliranin sa sa kuwento ni Cleofe na makakita sa kasalukuyang lipunan.
E. SHEEN: Sa kuwento Ang suliranin na ating makikita ay pagbubuntis Ng maaga Ng isang kabataan
o "Teenage Pregnancy" Bilang isang kabataan na tulad nila Cleofe at Ariel, ako ay mulat na
sakatotohanang marami na ngang kabataang dalaga ngayon ang nagdadalang tao sa maaga
nilang edad. Ang isa sa mga dahilan sa suliraning ito ang nagdudulot samabilis na paglobo sa
populasyon ng ating bansa dahil na din sa pagrerebelde ngmga kabataan sa kanilang mga
magulang o maski ang simpleng pagsuway nila sa kanilang mga magulang.
F. JP: Maraming salamat Bb. Sheen Sa kuwento nga ay ipinakita Ang suliranin na maagang
pagkakabuntis Ng dalagang si Ckeofe na nagbigay sa atin ng kaalaman na ang bawat desisyon na
ginagawa natin sa buhay ay maaring makaapekto o makasira sa ating mga pangarap, at sa mga
pangarap ng ating mga magulang sa atin. Kaya class huwag tayong magpadalos dalos sa ating
ginagawa bagkus atin itong pag-isipang mabuti, kung Ito ba ay magandang maidudulot o
masama.
G. JP: Maraming salamat sa mga nagbigay Ng kanilang mga magagandang kasagutan Tunay lamang
na may natutuunan kayo.
H. JP: Ngayon Naman magkakaroon Tayo Ng pagtataya. Simple lamang Ito Tama o Mali Lang. Kaya
kumuha ang lahat ng isang kapat na papel at sagutin Ang mga sumusunod na tanong. Mayroon
lamang limang minuto sa pagsagot.
3. “Kahit na.. kayo’y dalaga at binata na, alam mo na siguro ang ibig
kong sabihin.”
Takdang Aralin
(PANGHULING BAHAGI)