Panuto: Isulat sa patlang kung ano ang pokus ng pandiwang may
salungguhit sa pangungusap.
____________ 1. Ang puting tuwalya ay ipinampahid niya sa
kanyang mga braso. ____________ 2. Ang pangingibang bansa ng kanyang tatay ay ikinalungkot ni Maria. ____________ 3. Si G. Ramirez ang nagtatag ng organisasyong ito. ____________ 4. Ang sirang bubong ay kinukumpuni nina Tatay at Kuya. ____________ 5. Ang malaking palanggana ay pinaghugasan niya ng maruruming basahan. ____________ 6. Ang mga mag-aaral ay binabasahan ng guro ng maikling pabula. ____________ 7. Ang makapal na dyaket ay isinuot ni Regina. ____________ 8. Sina Nanay at Ate Gina ay mamimili sa Divisoria bukas. ____________ 9. Ang paulit-ulit na pag-akya’t baba ni Mercy sa hagdanan ay ikapapayat niya. ____________ 10. Ang mga dahon ng lagundi ay ipinanggagamot sa iba’t ibang karamdaman. ____________ 12. Gagawan ko ng bagong costume si Nicky para sa Halloween Party. ____________ 13. Ang Crown Hotel ay pinagdausan ng kumperensiya. ____________ 14. Ikasasaya ng mga magulang ko ang matataas na markang nakuha ko ngayong kwarter. ____________ 15. Ang anak niya na balikbayan ay ipinagluto niya ng sarisaring kakanin.