Ikalawang Markahan Filipino 5
Ikalawang Markahan Filipino 5
Ikalawang Markahan Filipino 5
1. ________________________________________
2. ________________________________________
3. ________________________________________
4. ________________________________________
5. ________________________________________
6. ________________________________________
7. ________________________________________
8. ________________________________________
9. ________________________________________
10. ________________________________________
II. Kilalanin kung ano ang tinutukoy sa mga pangungusap. Piliin ang tamang sagot
mula sa loob ng kahon at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
________ 14. Ito ay uri ng pambalanang hindi nakikita o nahahawakan ngunit nadarama.
___________ 4. Dahil siya ang nanalo sa paligsahan, nilibre ni Hanz ang kaniyang mga
kaklase.
___________ 6. Tuloy sana ang pagpupulong pero sumama ang pakiramdam ng Pangulo.
___________ 9. Nakapasok na ang mga mag-aaral sa paaralan nang suspindihin ang klase.
___________ 10. Si Ken ay nagluto ng spaghetti samantalang si Jojo ang bumili ng keyk.
VII. Tukuyin ang uri ng payak na pangungusap. Isulat ang PS-PP kung payak ang
simuno at panaguri, PS-TP kung payak ang simuno at tambalan ang panaguri, TS-
PP kung tambalan ang simuno at payak ang panaguri, at TS-TP kung tambalan ang
simuno at tambalan ang panaguri. (15)
___________ 13. Sina Marlon at Perry ang susundo at sasama kay G. Salvador papunta
rito.
Pangungusap na Hugnayan
b. samantala
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Pangungusap na Hugnayan
a. kapag
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
b. upang
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Magsulat ng tig-isang pangungusap sa apat na uri ng payak na pangungusap.

Tambalang simuno at tambalang panaguri
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
IX. Punan ang talahanayan ayon sa mga hinihingi. (10)
Pambalana Pantangi
sapatos 1.
kotse 2.
3. Binhi: Wika at Pagbasa
4. Safeguard
guro 5.
6. Matematika
pagkain 7.
teksbuk 8.
9. Lunes
wika 10.
________ 4. Handang ialay ng mga bayani ang kanilang buhay para sa bansa.
Tukuyin kung anong uri ng pangngalang pambalana ang nakasalungguhit sa bawat
____________ 9. Pupunta kami, ang mga kaibigan mo, sa inyong tahanan sa susunod
na Linggo.
Imbisibol na Ako!
ni Genaro R. Gojo Cruz
Isang umaga, naging imbisibol ako!
Nakapasok ako sa paaralan nang di napapansin ng aking Nanay. Di na ako late tulad ng
dati. Nakaabot na ako sa aming flag ceremony. Ilang linggo na rin akong di nakakaawit ng
“Lupang Hinirang”. Pumunta ako sa unahan ng pila. Gusto ko ngayong araw, kakantahin ko
nang buong-puso ang “Lupang Hinirang”.
Nakapasok din ako ng aming klasrum nang di napapansin ni Gng. Afloro at ng aking mga
kaklase. Umupo ako sa aking upuan na katabi ni Pol. Pero nakapagtataka kanina pa siya
walang kibo. Di niya ako pinapansin. Galit kaya siya sa akin? Ano naman kaya ang kaniyang
bagong kuwento?
“O sige, Dindo, bukas ko na uli itutuloy ang kuwento ko. Basta lagi mong tandaan kung
saan ako nagtapos para alam ko kung saan ako magsisimula bukas,” bilin niya sa akin.
“Saan kaya nanggagaling ang mga kuwento ni Pol? Bakit di siya nauubusan ng mga
kuwento sa araw-araw?” tanong ko sa sarili.
Nagsulat ako sa notbuk na gawa sa hangin. Sa tingin ko, parang biglang gumanda ang
sulat ko. Pero bakit naging imbisibol na rin ang isinusulat ko? Sinagot ko din ang mga
pinapagawa ni Gng. Afloro sa Filipino nang kasingbilis din ng hangin. Di tulad dati, ngayo’y
napakadali ko lang nasagot kung alin ang pangungusap at hindi sa mga nakasulat sa blakbord.
Ayos palang maging imbisibol, nagiging maganda ang sulat at nagiging matalino! Kay dali
rin mangopya kay Pol kung gugustuhin ko!
Di pa rin ako pinapansin ni Pol. Alam kaya niyang pumasok na ako ngayong araw, na di
na ako absent? Na-miss kong bigla ang mahabang niyang mga kuwento.
Ayos palang maging imbisibol! Kaya kong nakarating sa paaralan. Naglakad akong
singbilis din ng hangin. Nawala na lahat ng aking nararamdamang sakit. Lahat naging ayos na!
Pumasok akong di nakasuot ng uniporme. Pambahay lang!
Pumasok ako sa aming klasrum nang walang dalang bag. Di na ako nangangambang
mapagalitan ni Gng. Afloro. Alam ko ngayong araw, pagbibigyan nila ako.
Ayos palang maging imbisibol! Walang may pakialam! Walang pumupuna sa aking
pagkukulang o nakalilimutang gawin.
Pero si Pol ang inaala ko. Kanina pa siya malungkot at walang kibo.
Paano ko kaya masasabing nasa tabi niya ako kanina pa? Paano ko ibubulong sa
kaniyang present ako ngayong araw?
Isulat ko kaya sa kaniyang papel na nasa tabi lang niya ako? Pero papaano, maging ang
sulat ko ay imbisibol na rin?
Lumalampas lang ang aking mga kamay sa lahat ng bagay na hawakan ko. Tinapik ko
ang balikat ni Pol pero di niya ako naramdaman. Binulungan ko siya pero mukhang nabingi na
siya. Sinubukan kong guluhin ang kaniyang buhok pero wala pa ring nangyari.
“Si Dindo po ang aking best friend. Gustong gusto ko pong magkuwento sa kaniya. Lagi
kasi siyang handang makinig sa akin at di siya nagsasawa. Di po ako makapaniwala na siya ay
nagka-dengue. Napakabilis po ng pangyayari! Noong isang linggo lang, katabi ko siya. Tiyak
na mami-miss ko po si Dindo.” Narinig kong kuwento ni Pol sa harap ng aming klase.
“Kay Dindo ko po kinukwento ang aking mga gusto at pangarap na maging. Alam po
niyang pangarap kong magkaroon kami ng TV at kuryente ang aming bahay. Alam po niyang
gusto kong gumaling ang aking Tatay na may sakit at makita ang aking Nanay. Marami pa po
akong mga gustong ikuwento kay Dindo,” dagdag ni Pol.
Ang mga natandaan ko, nagkaroon ako ng mataas na mataas na lagnat, sumakit ang
aking ulo, at may lumabas na parang mga mapang pantal sa aking balat.
“Kaya sana klase, tumulong tayo sa paglilinis ng ating paaralan para mawala ang mga
lamok na nagdadala ng dengue. Sana, wala nang magkasakit sa atin tulad ng nangyari kay
Dindo. Kailangan nating maalis at malinis ang mga pinangingitlugan at pinamamahayan ng mga
lamok di lang dito sa ating paaralan kung di maging sa inyong mga bahay,” bilin ni Gng. Afloro.
“Tiyak kong naririnig tayo ni Dindo ngayon. Sana’y maging maayos ang lagay niya
ngayon. Papasok na siya sa bagong paaralan na walang kailangang grade para pumasa.
Walang kailangang uniporme upang papasukin o libro upang matuto ng mga kaalaman.
Papasok na siya sa kanilang paaralan. Ang lahat ng mga mag-aaral ay masaya at kuntento
dahil sa ang kanilang mga pangarap ay natupad na. Sa paaralang ang sukatan ay hindi talino
kung di ang pagiging mabuti at mapagmahal sa kapwa,” dagdag ni Gng. Afloro.
Salamat kay Gng. Afloro, sa aking mga kaklase at higit sa lahat, kay Pol! Ibinigay niya sa
akin ang kaniyang sarili at totoong kuwento na aking babaunin sa aking pupuntahan.
“Huwag kang mag-alala Pol, ibubulong ko sa aking magiging Guro sa aking bagong
paaralan na tulungan kang matupad ang iyong mga pangarap. Sasabihin ko sa Kaniyang
pahabain pa Niya ang buhay ng iyong tatay at makita mo balang-araw ang iyong nanay.
Hinding-hindi ko rin kalilimutan na hilingin sa Kaniya ang TV na pangarap mo.
At siyempre, di mo naman ito magagamit kung walang kuryente ang inyong bahay. Kaya siguro,
uunahin ko munang hilingin sa Kaniya na magkaroon ng kuryente ang bahay ninyo. Para
magawa mo na rin lagi ang ating assignment. Sana makapaghintay ka bago mag-Pasko. Tiyak
kong kailangan ko muna kasing magpakabait sa aking bagong Guro para ibigay Niya ang lahat
ng hiling ko.”
Naging imbisibol man ako pero di sa puso at isip ni Pol, ang aking nag-iisang best friend!
I. Isulat sa patlang ang salitang hiram na tinutukoy ng bawat kahulugan.
Piliin ang mga sagot sa mga salitang hiram sa loob ng kahon . (10)
______________ 3. takdang-aralin
______________ 6. pisara
______________ 9. oras bago magsimula ang klase at kinakanta ang Lupang Hinirang
_______________________________________________________________________

Sagutin ang mga tanong sa buong pangungusap.
9. Paano ipinakita ni Dindo ang pagpapahalaga sa matalik niyang kaibigan na si Pol?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
10. Paano napatunayan ang malasakit ng guro at kamag-aral ni Dindo sa kaniya?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
III. Ibigay ang hinihinging impormasyon sa mapa ng kuwento. (10)
Simula
Simula
Paakyat na Pangyayari
Kasukdulan
Pababang Pangyayari
Wakas
a. Isang umaga, pumasok ako sa paaralan ng di namamalayan ng aking Ina, ni
Gng. Afloro, at ng best friend kong si Pol.
f. Si Pol ang aking best friend palagi kong inaabangan ang kaniyang mga
kuwento.