Modyul 4.2 - Aralin 10
Modyul 4.2 - Aralin 10
Modyul 4.2 - Aralin 10
THOMAS ACADEMY
Sto. Tomas, Batangas
2nd Sem- SY 2018-2019
PAKSA: Aralin 10- Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Filipino- Panahon ng mga Espanyol
Hanggang sa Kilusang Propaganda
BILANG NG SESYON: 1-2 sesyon
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Nauunawaan ang mga konsepto ,elementong kultural,
kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
PAMANTAYANG PAGGANAP- Nasusuri ang kalikasan, gamit, at mga pinagdaan ng Wikang
Pambansa sa Pilipinas
MGA DETALYADONG KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Layunin ng araling ito na matamo ng bawat mag-aaral ang sumusunod:
1. Natutukoy ang pinagdaanang pangyayari tungo sa pagkakabuo at pag-unlad ng
wikang Filipino
2. Nakapagpapahalaga sa mga katangian ng katutubong wika
3. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari may kaugnayan sa pag-unlad
ng wikang pambansa
4. Nakapgbibigay opinion o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa
wikang pambansa
5. Naisasabuhay ang pagpapahalaga sa akdang naisulat ng magiting na mga
Pilipinong manunulat
I. PANIMULA
Dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas noong 1521. Ang layunin nila’y hindi lamang
paghahanap ng kayamanan at pananakop bagkus mapalaganap ang Kristyanismo sa mga
unang Pilipino. Ito ang dahilan kung bakit kasama ng mga conquistador ang mga prayleng
misyonerong dumating sa Pilipinas. Ang mga paring ito’y nag-aral ng mga wikain sa Pilipinas na
nagging daan ng mabilis na pagsakop sa puso’t isipan ng mga Pilipino. Ginamit ng mga
Espanyol sa panulat ang alpabetong Romano bilang kapalit ng baybayin. Nagdulot ito ng
mabilis na pagkatuto ng mga katutubo na bumasa’t sumulat sa mga wikain sa Pilipinas at sa
Espanyol dahil na rin sa pagkakatatag ng ilang paaralang Katoliko sa Maynila, Visayas at sa
Luzon.
II. PAGGANYAK
Sinakop ng mga Espanyol ang ating bansa sa pamamagitan ng Krus at ang Espada.
Ano ang sinasagisag ng mga simbolong ito? Paano naapektuhan ang kabuoang kasaysayan ng
ating bansa? Sagutin ang espasyo sa ibaba.
KRUS ESPADA
III. INSTRUKSIYON
Pagtalakay sa mga sumusunod:
A. Panahon ng mga Espanyol Hanggang sa Kilusang Propaganda
a. Panahon ng Espanyol
b. Panahon ng Propaganda
IV. PAGSASANAY
A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang naging balakid sa pagsasakatuparan ng mga dekring galing sa
Espanya? Paano ito nakaapekto sa pag-unlad ng ating wika?
2. Bakit namulat ang isip at diwa ng mga Pilipino upang magsulat ng mga akdang
bumabatikos sa mga hindi magandang pamamalakad ng mga Espanyol? Anong
wika ang kanilang ginamit?
B. Isa sa mga manunulat noong panahon ng Espanyol si Jose Rizal, at ilan sa mga
naisulat niya ay ang Obra Maestrang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ginamit ni
Rizal ang wikang Kastila sa pagsulat ng mga nobelang ito. Isinalin ito sa wikang Filipino
upang lubos na maunawaan ng mga Pilipino.
Sang-ayon ka ba na kaya ang ibang Pilipino ay hindi nagmamahal at ginagamit
ang sariling wika ay dahil sa ang ating Pambansang Bayani ay hindi rin ito ginamit?
Ilagay sa bubbles ang iyong opinion tungkol dito.
V. PAGPAPAYAMAN
Mapalad ang mga Pilipino sa henerasyon ngayon sapagkat mayroon na tayong
kinilalang wikang pambansa—ang Filipino. Ngunit katulad ng nagyari sa panahon ng Espanyol,
may naranasan ka bang sitwasyon kung saan ipinagbawal ang pagsasalita ng Filipino dahil na
rin sa iba pang programang pangwika tulad ng English Only Campaign? Ano ang pakiramdam
kaugnay nito? Masasabi mob a ito ay Anti-Filipino?
VI. PAGTATAYA
Ilarawan sa pamamagitan ng time line ang tinalakay kasaysayan ng pag-unlad ng
wikang Filipino sa panahon ng Espanyol hanggang panahon ng Kilusang Propaganda. Gawin
ito sa ibaba.
1521 1898