Gr8LPFIL2 25 21

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

BOBBY AND KATES ACADEMY INC.

San Diego St, Valenzuela City

FILIPINO 8

Bilang sa Klase: _____ Modyul 4 Ikatlong Markahan- SY2020-2021


Pangalan:_____________________________________________Petsa:_________________
Antas at Seksyon:______________________________________Guro: __________________

Aralin 3: Kontemporaryong Programang Pantelebisyon

Sa gulang mong ito ano ba ang iyong kinahihiligang panoorin? Mahilig ka


bang manood ng pelikula o programa sa telebisyon? Anu-ano ang mga
kinawiwilihan mong panoorin? Sadyang ang panonood ng telebisyon ay
nakalilibang. Naniniwala ka bang malaki ang impluwensiya sa ating
pagkatao ng ating mga napapanood o napapakinggan. Ang telebisyon
bilang isa sa midyum ng broadcast ay nakakatuwang isipin na naaaliw ka
na’y lumalawak pa ang iyong kaalaman. Madalas, ibinabahagi natin sa iba
ang ating napanood. Nagbibigay tayo ng papuri at pagpuna tugkol dito.
Maaaring di natin nagustuhan ang ilang eksena, takbo ng istorya o kaya’y
ang pagkakaganap ng mga artista. Sa ganitong pagkakataon, sinusuri na
natin ang kalidad ng pelikula o programang napanood. Maganda man o
hindi, ito ay ayon lamang sa ating pansariling pagtataya. Bilang bahagi ng
panitikang popular ang telebisyon paano ito nakahuhubog ng iyong
katauhan? Paano ito makatutulong sa pagpapahalaga sa kulturang Pilipino?

Sa pagpasok ng malaganap na kabihasnan sa teknolohiya lalong


nagsisilbing instrumento ang paggamit nito upang mapalawak at mapaunlad
ang mga akdang pampanitikan. Inaanyayahan kang isaalang- alang ang
mga sumusunod na tanong upang higit mong mapalago ang iyong
kaalaman.
1. Paano nakatutulong ang mga programang pantelebisyon sa pag-unlad
ng pagkatao ng mamamayan at pagbabagong panlipunan ?
2. Paano nakatutulong ang lohikal na paraan ng pagpapahayag ng mga
pananaw at pangangatwiran sa mabisang paghahatid ng mga
saloobin, at damdamin sa napapanood na mga programang
pantelebisyon?

GAWAIN 18. Mga Konseptong Pantelebisyon


Tukuyin ang iba’t ibang uri ng palabas o programa sa telebisyon sa pamamagitan ng
paghula sa mga ito batay sa ibinigay na halimbawa. May isang letrang nailagay sa
loob ng kahon bilang hudyat o clue sa loob ng kahon.
1. teleserye o teledrama
o

2. Noli De Castro, Mel Chiangco

3. Eat Bulaga, Show Time

4. Family Feud, Minute to Win It, Game Ka Na Ba?

5. Pinoy Big Brother

6. Mc Do, Jollibee

A
GAWAIN 19. Panunuring Pantelebisyon

Panoorin ang mga sumusunod na link at ilahad at suriin ayon sa ibinigay na


pamantayan.

Ilahad / Suriin https://www.youtube.c


batay sa mga om/watch?
sumusunod v=_LgapKlOuu4

Alma Moreno
Interview Vs. Isko
Moreno Interview
Layunin ng
Programang
tumutugon sa
target na
manonood
Kakaibang
Katangian
(features) sa
Pagbuo ng ng
Programa upang
tangkilikin
Kabuluhan ng
Programa:
pagtugon o hindi
pagtugon sa
pagpapahalagang
kultural ng mga
Pilipino
Porma: paggamit
ng camera, ilaw,
tunog o musika
upang lubos na
maihatid ang
mensahe
Paggamit ng Wika
o Barayti ng wika
kung ihahambing
sa iba pang
midyum

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa tatlong uri ng programa ang iyong nagustuhan?


2. Kung magmumungkahi ka ng paraan para mapaunlad ang isa sa
programang iyong napanood, ano ito at bakit?

3. Anong uri ng programa ang higit mong tinatangkilik? Bakit?

4. Alin sa mga programang pantelebisyon ang sa palagay mo’y lubos na


tinatangkilik ng manonood? Bakit?

5. Paano magiging mabisa ang isang programang pantelebisyon? Ano-ano


ang mga salik na dapat isaalang-alang upang maging makabuluhan ito
sa manonood?

6. Paano nakatutulong ang mga programang pantelebisyon sa pag-unlad


ng pagkatao ng mamamayan at pagbabagong panlipunan?

GAWAIN 20. Ang Kapangyarihan ng TV

Basahin ang talata at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Ang paglitaw ng telebisyon ay may taglay na kakaibang kapangyarihan tulad ng


sinasabi ng salaysay na ito:” Isang magnanakaw ang pumasok sa aming tahanan-
hindi sa dahan-dahang pagpuslit sa may bintana sa gabi; subalit pumasok siya sa
pamamagitan ng unahang pinto sa kaliwanagan ng araw. Hindi siya naghalungkat
sa mga pasilyo para maghanap ng mahahalagang kagamitan- ginto, pilak at
mamahaling mga kasuotan sapagkat wala naman siyang matatagpuan ni isa man
nito. Kinuha niya ang natatanging lugar sa aming sala. Mula sa kanyang kinalalagyan
sa inaraw-araw, ginawa niya ang gawain ng pagnanakaw. Ninakaw niya sa buong
pamilya ang kani-kanilang pinakamahahalagang regalo- oras, puso at pakikisalamuha
sa lipunan. Ang pangalan ng magnanakaw na ito ay di dapat mabunyag lalo na kung
ang kanyang mga tagasunod ay masasaktan sa mga akusasyong ginawa. Subalit
isang palatandaan ang kailangang maibigay para sa kapakanan ng mga inosente at
walang kamalayan na maaaring susunod niyang biktima. Ang kanyang inisyal ay T.V.”
(Baesa-Pagay,2001)

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Sang-ayon ka ba sa kaisipang inilahad sa binasa mong talata?
Pangatwiranan ang sagot.

2. Ano-ano ang iyong naging karanasan na maiuugnay mo sa sinasabi ng


talata?

3. Ano ngayon ang mensaheng nais ihatid ng talatang binasa?

4. Bilang anak, paano mo makokontrol ang panonood ng telebisyon


upang hindi ito makapagdulot ng hindi magandang epekto sa iyo at sa
iyong pamilya?

Mga Dapat Alamin ng Mahilig sa TV


Panoorin ang sanaysay at gawin ang pagsubok matapos ang pagtamo ng kaalaman
tungkol sa teksto. Itala ang mahahalagang kaisipan o impormasyong binigyang-diin ni
Santos na makatutulong sa iyong pag-unawa bilang manonood ng telebisyon.
Hango sa Apat na Mito ng Diablo ni Bernie Santos
Bilang manonood ay responsibilidad nating piliin ang ating mga pinapanood.
Naglahad si Bernie Santos ng ilang mga dapat isaalang-alang o alamin sa panonood
ng telebisyon.

Ang unang dapat alamin ng mahilig manood sa telebisyon ay ang naidudulot nitong
karahasan sa manonood na tinatawag na mito ng “magulang mundo”. Nariyan ang
mga ipinagmamalaking anime, dramaseryeng puno ng sampalan, barilan, at patayan.
Ang karahasan ay ipinapakitang exciting. Habang may nagpapatayan ay sinasabayan
pa ito ng musika lalo na sa lahat ng action films. Sa gayon, nagkakaroon ng
magandang bihis ang karahasan. Tuloy, wika nga sa Ingles, “we tend to glamourize
violence”.

Subalit ang higit na nakaapekto sa publiko ay ang mga pang-araw-araw na balitang


napapanood at nagpapataas ng kanilang ratings. Nariyan ang walang tigil na
panggagahasa, nakawan, patayan at kidnappings. Habang patuloy na ipinapakita ang
mga ito sa telebisyon, malaki ang nagagawa nito sa pagbuo natin ng iisang realidad
at ng paniniwalang hindi ligtas ang buhay dito sa mundo. Upang makaranas naman
ng buhay na payapa, nahihikayat tayo na sumandal sa marahas na paraan gaya ng
paghawak ng baril upang makamit ito.

Ikalawa, ang mito ng “mabuting buhay”. Kapag may pera ka, mabubuhay kang
mabuti. Pinakamadalas ito ang ipinapahiwatig sa mga komersyal. Malaking bahay,
Porshe, BMW, masasarap na alak, bakasyon sa ibang lugar, parties, paglalakbay sa
eroplano at yate, magagarang kusina, mamahaling gamit at maliliit at malalaking
computer gadgets at telepono. Hindi matatapos ang listahan ng mga bagay na
maaaring bilhin upang magkaroon ng tinatawag na “good life”. Maaaring itulak ka
nitong bumili nang paunti-unti kung hindi talaga kaya, o di kaya’y pagkuha ng tulong
ng financing para mabili ang pinapangarap na kotse. Kapag nakuha na ito, kahit
patingi-tingi, nakararamdam ng inaakalang pagtaas ng estado ng pamumuhay sa
kabila ng pagkakabaon sa utang sapagkat sa ganitong paraan lamang makakamit
ang sinasabing “good life”. Nauuwi tuloy ang pagpapakahulugan ng tao sa
kaligayahan sa pagkahumaling sa mga materyal na bagay na artipisyal ang ibinibigay
na kaligayahan.

Ikatlo, ang mito ng “kulang”. Kaugnay nito ang ikalawang mito na ipinapakita ng
madalas ang paulit-ulit na pagpapaalala sa tao na may kulang pa sa kanya. Nariyan
na hindi pa kompleto ang gamit sa kusina, kulang pa sa magandang mukha at
katawan, luma na ang gamit sa komunikasyon, hindi tama ang sabong gamit, kulang
sa vitamins, kulang sa inom at kulang sa gimik.

Hindi lamang sa mga komersyal ito makikita, kahit sa mga ordinaryong sitcom,
drama, o carbons na palabas ay naroon din ang pagpapahiwatig ng kakulangan ng
manonood. Nariyan ang pagpaparada ng mga magaganda at seksing babae,
magagarang bahay at kotse at makabagong kagamitan. Itinutulak tayo ng lahat ng
ating nakikita na hanapin, harapin at tapatan ang anumang kulang sa atin. Sa kahuli-
hulihan, mauuwi ang lahat sa pagpapakita ng media na ang pagbili ng mga bagay-
bagay ang makapupuno sa anumang kulang sa atin.

Panghuli ay ang mito ng “pagmamalasakit”. Nariyan na rin ang gasolinang ito ay


environment-friendly, hinay-hinay lang sa pag-inom(drink moderately), bawal
magkasakit sa hirap ng panahon, iwasan ang mga insektong nagdadala ng sakit, na
dapat ma-develop ang isip ng tao habang baby pa at marami pang iba.
Nagmamalasakit sila para sa ating kabutihan. Subalit kung susuriin, tinutumbasan ng
halaga ang kabutihang ito na nais nilang mapasapubliko. Kailangang bilhin ang
kanilang produkto. Kalaunan, sila rin ang kikita ( di nga ba’t ito ang kalikasan ng isang
korporasyon—paghahakot ng kita). Ngayon, saan nga ba talaga sila concern, sa
kabutihan natin o sa kabutihan nila?

Pangkaraniwang alam ng mga tao na ang patalastas o komersyal ay ginagamit


lamang upang makapagbenta ng mga produkto. Subalit kung susuriing maigi,
mayroon pa itong tatlong gamit. Una, ang informative function o pagpapakilala ng
isang produkto o serbisyo o organisasyon. Ikalawa, ang persuasive function o pag-
aangat ng komersyal sa pagnanasa ng tao sa produkto, serbisyo o organisasyong
tinutukoy; at ikahuli, image function na kalimitang may kaugnayan sa mga institusyon
na nagpapalaganap ng magandang pagtanaw sa tinutukoy ng komersyal.

Sa pagsasama-sama ng mga gamit na ito, nakalilikha ng disenyo para sa komersyal.


At sa paglikha ng magandang disenyo ng mga imahe(sa tv man o sa poster)
napipilitang bumili ang tao. Dahil dito nilalayon ng mga gumagawa ng komersyal na
isalin ang bagay na materyal (ang ibinebenta) sa anyong may kahulugan sa buhay ng
tao. Halimbawa na lamang ang komersyal na Joy Ultra. Isang panghugas ng plato na
kapag gumamit ka nito ay mas makatitipid ka sa tubig at mas kikintab ang iyong mga
gamit. Mas hindi ka mapapagod at magkakaroon ka ng mas maraming oras para sa
iyong pamilya.

Sa paghimok sa tao, sinusubok din ng mga komersyal na pasukin ang dalawang


pandama ng tao: ang paningin at pandinig. Mabilis na nagpapakita ito ng
magagandang imahe: magagandang babae, katakam-takam na pagkain, makapatid-
uhaw na inumin, maraming kulay. Kasabay ng mga imaheng ito ang saliw ng tunog at
musika na madaling tandaan at maaari rin nating dalhin kahit saan. Siyempre, hindi
magpapahuli—ang mga hindi magpapalimot na mga islogan.

Kung susuriin natin ang komersyal na San Miguel Beer, popular ang akronim na
SMB, sarap maging barkada. Sa dami ng komersyal ng san Miguel noon na may
ganitong tema ay paulit-ulit nating iparirinig ang islogang ito. Kaya kahit wala na tayo
sa harap ng tv ay maaalala pa rin natin ito. SMB-Sarap Maging Barkada. Madaling
Tandaan. Ngayon, saan ka naman maaaring uminom ng SMB? Sa beach, sa
bilyaran, sa restawran. Kailan? Kapag nagbakasyon, kapag
nagkakasayahan, kapag tapos na ang mabigat na trabaho ( 5:thirsty na!). Sabay
pakikitaan ka ng maraming tao, magaganda at iba’t ibang kulay ang suot,
nagkakasayahan, nagkakantahan, nagsasayawan, naglalaro. Naka-eengganyo, di
ba? Makapagpapaindak o mapapaawit sa manonood. Maaaring gamitin nila ang mga
sikat na melodiya ng kanta at baguhin na lamang ang liriko o di kaya’y bumuo sila ng
bagong jingle para rito. Kapag pinagsama-sama, isang nakahihikayat na komersyal
na pipilit sa iyong bumili ng San Miguel Beer.

Subalit may isang uri pa ng komersyal na hindi naglalayong magbenta ng


materyal na bagay kundi mensahe o serbisyong maaaring makatulong sa tao.
Tinatawag itong Public Service. Imbes na magbenta ng mga bagay-bagay,
hinihimok ng mga komersyal na ito ang mga tao na maniwala sa kanilang
sinasabi---delikadesa, paninindigan, pamilya, kalusugan, eksploytasyon, kalikasan
(“Save the Planet”, Sagip Kalikasan”) “Yosi Kadiri” at Say No To Drugs” at “Bantay
Bata 163”.

GAWAIN 21. Ibuod Mo

Mula sa iyong binasang sanaysay, bumuo ka nga ng mahahalagang puntos o


kaisipang mahalagang maisaalang-alang ng sinuman sa panonood ng telebisyon.

SAMPUNG DAPAT TANDAAN SA PANONOOD NG TELEBISYON AYON


KAY
BERNIE SANTOS
1.

2.

3.

4.
5.

6.

7.

8.

9.

10.

Sagutin ang mga tanong:

1. Alin sa mga kaisipang nabanggit sa sanaysay ang pinakamakahulugan para


sa iyo? Bakit?
2. Mula sa mga napanood mo na, ano kaya ang matutukoy mong mauuri
sa mga binanggit sa sanaysay? Punan ang kahon.

Magulong Mabuting Kulang Pagmamalasakit Publis


Mundo buhay Service

1. 1. 1. 1. 1.

2. 2. 2. 2. 2.

3. Kung ikaw ang bubuo ng regulasyon bilang MTRCB chairman, ano-ano


ang maipag-uutos mo upang mas maging makabuluhan ang panonood ng
telebisyon at higit itong makatutulong sa pag-unlad ng pagkatao ng
mamamayan at pagbabagong panlipunan?

4. Ano-anong mga programa sa telebisyon ang mga napanood mo na dapat


tangkilikin ng manonood? Magmungkahi nga ng tatlong pinakamagagadang
programa at magbigay ng mga katangiang taglay ng mga ito kung bakit
dapat tangkilikin ng manonood.
a.

b.

c.
Kaalamang Pampanitikan: Ang Teleserye, Teledrama, Telenobela o Soap
Opera

Ang Philippine Drama, o mas kilala bilang teleserye o teledrama, ay maaaring mauri
sa iba’t-ibang anyo at genre. Ang teleserye/teledrama ay isang uri na napapanood sa
telebisyon na karaniwang hindi makatotohanan o walang pawang pruweba na
masasabing ito ay totoo. Nagmula ito sa dalawang salita na “tele”, pinaikling salita
para sa “telebisyon”, at “serye”, salitang Tagalog para sa “series” at “drama” para
naman sa dula. Ang salitang Teleserye ay karaniwang ginagamit bilang
pangkalahatang katawagan para sa mga Filipino na tinatawag ding soap operas sa
telebisyon, bagaman naging opisiyal lamang ito noong taong 2000 nang unang inere
ng ABS-CBN, isang Filipino network, ang teleseryeng pinamagatang “Pangako Sa
’Yo”. Sa kabilang dako, tinatawag din namang “telenovelas” ang mga Filipino soap
operas. Ngunit, mula noong taong 2010, opisiyal nang ginagamit ng GMA Network
ang teledrama bilang pagkakakilanlan sa kanilang Philippine TV Series na may
kinalaman sa drama.

Masasabi nating may pagkakahambing ang Teleserye sa mga klasikong soap operas
at telenovelas pagdating sa katangian at pinag-ugatan. Gayun pa man, habang
tumatagal ay nagbabago at nagkakaroon ito ng sariling katangian na malimit na
inilalarawan sa makatotohanang pakikipagkapwa ng mga Pilipino. Ipinapalabas ang
teleserye limang beses sa isang linggo, at madalas pang inuulit tuwing sabado at
linggo. Nakaaakit ito nang malawak na manonood kabilang na ang mga bata at
matatanda pati narin ang mga kababaihan at kalalakihan lalo na’t ito ang may
pinakamataas na kinikita sa Philippine television. Tumatagal ito ng tatlong buwan
hanggang isang taon, o mas matagal pa, depende sa kagustuhan ng madla.

Ang mga teleserye ay kasalukuyang ginagawa ng ABS-CBN, samantalang


Dramaseryes naman para sa TV5 Philippines at Teledramas naman para sa GMA
Network. Ang mga ito ay karaniwang co-produced ng TAPE Inc., at ng isang film
studio, VIVA Entertainment.

Mayroon ding ibang anyo ang Philippine Drama. Kabilang na dito ang “serials” at
“anthologies” na karaniwang ipinapalabas linggo-linggo. Ang mga dramang ito ay
ineere ng may hangganang bilang ng mga episodyo na karaniwang tumatagal ng
isang season depende sa kagustuhan ng madla.

Nagsimula ang pagpapalabas ng mga Soap Opera sa Pilipinas noong ang Gulong ng
Palad ay unang narinig sa radio noong taong 1949. Lalo pa itong lumawak pati na rin
sa telebisyon noong early 1960s. Ang kauna-unahang Philippine Soap Opera ay ang
Hiwaga sa Bahay na Bato noong 1963, na ipinalabas ng ABS-CBN. Liwanag ng Pag-
ibig, Prinsipe Amante, at iba pang mga soap operas na sumunod.
Ang mga “soaps” ay karaniwang ipinapalabas tuwing umaga, ngunit noong 1996,
naurong ang pagpapalabas ng mga soap opera sa gabi dahil sa popularidad na
nakuha ng isang Mexican telenovela na pinamagatang Marimar na inere ng RPN 9
dito sa Pilipinas. Ito ang naging simula ng pagkasikat ng mga telenovelas sa Pilipinas.
Ang mga malalaking TV networks ay sinunod din ito sa pamamagitan ng
pagpapalabas ng mga local at foreign telenovelas sa kani-kanilang mga napiling oras.
Noong taong 2000, gumawa ng marka ang ABS-CBN noong ipinalabas nila ang
Pangako Sa ‘Yo, kilala bilang kauna-unahang opisiyal na teleserye, at ang Kay Tagal
Kang Hinintay. Ang mga teleseryeng ito ang nagtakda ng pamatayan para sa mga
kasalukuyang produksiyon ng teleserye sa Pilipinas. Itong bagong genre ay naging
sikat sa buong bansa, at ang popularidad nito ay kumalat pa maging sa ibang bansa.
At dahil dito, ang mga soap operas na ipinapalabas sa telebisyon ay karaniwan nang
tinatawag na habang ang GMA Network naman ay tinawag ang kanilang mga soap
operas na teledrama.

GAWAIN 22. Ang Teleserye ng Buhay Ko

Pumili ng isang teleserye o teledrama na iyong susuriin. Sundin ang mga


hakbang na nakatala sa ibaba.

1. Pamagat ng Teleserye o Teledrama


2. Unang Talata: Ipakilala ang tema o paksang iniikutan ng palabas
3. Ikalawang Talata: Ilahad ang iyong pangkalahatang paghuhusga sa
palabas. Taglay ba nito ang teleseryeng antig sa kamalayan ng
nakararaming Pilipino? Taglay ba nito ang mga pagpapahalagang kultural
na magdudulot ng kabuluhan sa nakararaming Pilipino?
4. Ikatlong Talata: Ilahad ang mga patunay o halimbawa sa teleserye o
teledrama na susuporta sa iyong paghuhusga.
5. Ikaapat na Talata: Suriin din ang porma ng palabas (camera,pag-
iilaw,tunog o musika, at tagpuan)
6. Ikalimang Talata: Suriin din ang mga linya at paggamit ng wika.
Naging mabisa rin ba ang register ng wika lalo na ang masang Pilipino
bilang target na manonood?
7. Ikaanim na Talata: Magbigay din ng reaksyon sa pagganap, pagganap
ng mga artista sa karakter na kanilang ginagampanan, at iba pa
8. Panghuling Talata: Sa kabuuan, mairerekomenda mo ba ang teleserye?
Ilahad ang pangkalahatang kaisipang magbubuod sa sinuring palabas.
9. I-post ang ginawang pagsusuri at humingi ng puna at reaksyon sa
kaklase.
Kaalamang Panggramatika: Pahayag na may Kaugnayang Lohikal

May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o


pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o
kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, at paraan at
resulta ( Resuma, V.(2002).

1. Dahilan at Bunga/Resulta
Naghahayag ng sanhi o rason ang dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi
naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.
Hal. Nag-aaral siyang mabuti kaya naman natuto siya nang husto.
Nahuli siya ng gising dahil nanood siya ng telebisyon hanggang hatinggabi.

2. Paraan at Resulta
Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Hal. Sa
matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kanyang kurso.
Mahilig siyang magkuwento sapagkat lagi siyang nanonood ng teleserye.

3. Paraan at Layunin
Ipinapakita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naisin sa
tulong ng isang paraan.
Hal. Para matuto nang husto, nag-aaral siyang mabuti.
Sumasali siya sa mga pasulat at pasalitang paligsahan sa School’s Press
Conference para maging mahusay siyang broadcaster balang araw.

GAWAIN 23. Pagsasanay sa Pahayag na may Kaugnayang Lohikal

Humango ng kaisipan o impormasyon mula sa binasang sanaysay sa pagbuo ng mga


halimbawang pangungusap tungkol sa mga sumusunod:

Dahilan at Bunga/Resulta
1.

2.
Paraan at Resulta
1.

2.

Paraan at Layunin
1.

2.

15

You might also like