Filipino 9 Q2 Modyul 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

9

Filipino
Kwarter 2 – Modyul 2:
Damdamin Mo, Ibahagi Mo!
Filipino – Baitang 9
Kwarter 2 – Modyul 2: Damdamin mo, Ibahagi mo!

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Ronelo Al K. Firmo

Mga Bumuo ng Modyul


Manunulat: Aila S. Fabricante
Alenne R. Mera
Ana Marie L. Zaldivar
Kevin C. Jalata
Editors: Maricris B. Elep
Aimee B. Gerona
Lovely C. Ariola
Tagasuri ng Nilalaman: Elisa E. Rieza

Gumuhit ng Larawan: Shiena J. Barrameda


Nagsaayos ng Pahina: Oliver D. Merciales; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul
na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito na naglalaman ng ilang mga aralin,
tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-aaral, magulang,
o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan ang
modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel
ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang mga
gawain sa bawat aralin, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa
guro para sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong sundin
at saguting mag-isa ang mga gawain sa bawat aralin. Huwag kang
mag-alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang
natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at iwasang
mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang papel o ang
iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Aralin 1: Damdamin ng Tauhan

Panimula

“Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mo: Sana ako pa
rin, ako na lang. Ako na lang ulit.”
“She love me at my worst. You had me at my best, but binalewala
mo lang…You choose to break my heart.”

Natatandaan mo pa ba ang sikat na mga linyang ito ng pelikulang


“One More Chance” noong taong 2007? Nahulaan mo ba kung ano ang
damdaming nangingibabaw sa mga diyalogong ito nang mapakinggan mo
ito?

Sa araling ito, matututuhan mo ang paghihinuha sa damdamin ng


tauhan batay sa diyalogong napakinggan.

Handa ka na ba? Maaari mo nang simulan!

Layunin:

Sa araling ito, inaasahan na nahihinuha mo ang damdamin ng mga


tauhan batay sa diyalogong napakinggan/nabasa.

Talasalitaan
Salita Kahulugan
Diyalogo Isang usapan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao
bilang isang tampok ng isang libro, pag-play, o pelikula.
Paghihinuha Ito ay tinatawag sa Ingles na inferencing. Ito ay maaring
batay sa mga ebidensiya o mga implikasyong ipinapakita
sa isang kuwento, akda o pangyayari.
Tauhan Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kuwento.
Kawili-wili Ito ay may kakayahang hawakan ang iyong pansin. Ito ay
nakapanghihimok, naisip na nakakainis,
nakakaengganyo.
Damdamin Isang pisikal na tugon na nabuo kapag tinitingnan ng
isang tao ang isang sitwasyon mula sa kanyang sariling
pananaw na egoic.

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga?

1
Panimulang Pagsubok

PAALALA: Maaaring pakinggan ang mga diyalogo sa “10 Hugot Lines From
Pinoy Movies sa internet. Sundin lamang ang mga link na ibinigay sa
sanggunian. Kung wala namang internet ay maaari itong ipabasa sa
magulang o mga kasama sa bahay.

Bigkasin nang may damdamin ang bawat diyalogo.

Claudine Barretto, Jolina Magdangal, John Lloyd Cruz,


Milan (2004) Labs Kita… Okey One More Chance
Ka Lang? (1998) (2007)

Jennylyn Mercado, Piolo Pascual,


English Only Please Starting Over Again
(2014) (2014)

Panuto: Suriin ang diyalogo sa itaas. Ano kaya ang damdaming


nangingibabaw sa bawat diyalogo? Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. 4.
2. 5.
3.

O, di ba kayang-kaya mong bigyan ng paghinuha ang damdamin ng tauhan


batay sa diyalogong napakinggan.

Halika, may inihanda pa akong mga gawain na lilinang sa iyong


kaalaman.

Mga Gawain sa Pagkatuto

Basahin ang diyalogo mula sa., “Panitikang Pandaigdig Filipino 10


Modyul para sa Mag-aaral,” nina Ambat et al 327

2
Batay sa ipinakitang Magaling! Pagkalungkot
sitwasyon, anong damdamin sapagkat sa oras na ito ay wala
ang nangingibabaw sa na silang magagawa pa sa
tauhan? kalagayan ni Sarah dahil sa
pagkamatay ng kaniyang ama.

Tama! Nakaramdam ng Anong damdamin ang


pagkaawa si Miss Amelia para namamayani sa mga
kay Sarah samantalang wala binitiwang diyalogo ng mga
namang pakialam dito si Miss tauhan?
Minchin.

Anong damdamin ang Labis na pagkalungkot at


naramdaman ni Sarah pagkabigla dahil sa nalaman
matapos na marinig ang tungkol sa pagkamatay ng
usapan ng magkapatid? kaniyang ama.

Tama! Ano-ano ang iba’t ibang mga


Pagkalungkot, Pagdadalamhati, damdamin ng tauhan batay
pagkaawa, Pagkainis at sa diyalogo?
pagkabigo.

Ipagpatuloy mo.

Mahihinuha mo ang
damdaming nangingibabaw sa
Paano mo mahihinuha ang
tauhan batay sa diyalogo sa
damdaming nangingibabaw
pamamagitan ng sinasabi o
sa tauhan batay sa diyalogo?
iniisip ng tauhan, ang emosyon
o damdaming taglay niya.

Mahalaga ang paghihinuha sa


damdamin ng tauhan batay sa Bakit mahalaga ang
diyalogo dahil sa pamamagitan paghihinuha sa damdamin
nito mas higit na nagiging ng tauhan batay sa diyalogo?
kawili-wili at nauunawaan ng
mambabasa ang kuwento.

3
Hindi mahirap ang pagbibigay ng
Mahirap ba magbigay ng hinuha sa damdamin ng tauhan
hinuha sa damdamin ng batay sa diyalogo, ang kailangan
tauhan batay sa diyalogo? lamang ay unawaing mabuti ang
sinasabi ng tauhan.

Yehey! Malinaw na sa’yo ngayon kung paano mahihinuha ang damdamin


ng tauhan batay sa diyalogo. Ang kaalamang ito ay maari mong magamit
sa mga susunod na gawain.

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin ang mga diyalogo sa bawat bilang. Tukuyin ang


damdaming nangingibabaw sa bawat diyalogo. Isulat ito sa kuwaderno.

1. “Paumanhin po Ma’am hindi ko po alam ang sagot.”


2. “Dapat hindi na lang ako sumama. Hindi sana nangyari ito sa
akin.”
3. “Hating gabi na at wala pa ang mga anak ko. Sana huwag silang
mapahamak.”
4. “Yehey! Nakapasa ako sa pagsusulit.”
5. “Hindi na lang ako pupunta. Hindi ninyo naman talaga ako
gustong pumunta.”

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, narito


ang ikalawang pagsasanay na magpapatibay ng iyong kaalaman.
Pagsasanay 2

Panuto: Basahin ang diyalogo sa “10 Hugot Lines From Pinoy Movies”. Ibigay
ang damdaming nangingibabaw dito at ipaliwanag. Isulat ang sagot sa
iyong kwaderno.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan


ang sumusunod na pagsasanay.

4
Pagsasanay 3

Panuto: Ano kayang nararamdaman ng tauhan sa bawat diyalogo? Bakit


mo ito nasabi? Gayahin ang pormat sa ibaba sa pagsagot.

1. “Makinig ka sa akin best, hindi pa katapusan ng mundo. Nandiyan


ang mga magulang mo, ang mga kapatid mo. Lalaki lang yan, Huwag
mong sayangin ang buhay mo!”
2. “Marami akong pera, lahat ng gusto ko nakukuha ko, pero masaya
ba ako? Hindi ko magawang maging masaya dahil may
kulang…kailangan ko ang pamilya ko.”
3. “Paano mo ako maiintindihan? Nawalan ka na ba ng anak? Nawalan
ka na ba ng asawa? Ngayon mo sabihing naiintindihan mo ako!”
4. “Pagkatapos ng nangyari wala na akong mukhang maihaharap sa
kanya. Sabihin mo sa akin ano pang mukha ang ihaharap ko? Ano
pa?
5. “Yes! Yes! Yes! Nakapasa ako sa pagsusulit.”

Bilang ng Damdaming Dahilan ng Sagot


Diyalogo Nangingibabaw
1
2
3
4
5

Upang masukat ang iyong pagkatuto sa buong aralin, narito ang


pinakahuling pagsubok na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Piliin sa kahon kung anong damdamin ang nangingibabaw sa


bawat diyalogo sa ibaba.

Pagkalungkot Pagkagalit Pagkatuwa Pagsisisi Pagkasaya

__________a. “Kahit anong mangyari hindi ako susuko, hindi kita bibigyan
ng pagkakataong maging masaya dahil nalugmok na ako. Tutuparin ko
ang pangarap ko at hindi ako magpapaapekto sa tulad mo.”
__________b. “Mama, hindi na ba tayo mahal ni Papa? Bakit hindi na po
siya umuuwi? Miss na miss ko na siya.”
__________c. “Humanda kayo, babalikan ko kayo!”
5
__________d. “Pinagsisisihan ko na nagtiwala ako sa’yo. Hindi mo na ako
muling maloloko, hindi na!”
__________e. “Kung hindi ako umalis buhay pa sana siya, hindi sana
mangyayari ito.”

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik o gumawa ng limang diyalogo. Maghinuha mula sa


damdaming ipinapakita ng bawat tauhan. Gawin ito sa kuwaderno.

1. _____________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________
3.______________________________________________________________________
4.______________________________________________________________________
5.______________________________________________________________________

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng unang aralin. Ang saya-saya ko at


napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain. Ipagpatuloy
mo na sa sunod na aralin

6
Aralin 2: Pagkiklino o Pag-aantas ng Salita
Panimula

Kumusta ang unang aralin? Nahinuha mo ba ng maayos ang mga


nararamdaman ng mga tauhan ayon sa kanilang diyalogo?
Bago tayo dumako sa susunod na aralin, ikaw ay pansamantalang
tumayo at igalaw-galaw ang buong katawan upang maihanda mo ang
iyong sarili sa mga susunod pang aralin.
Narinig mo na ba ang salitang “klino”?
Paano mo masasabi na ang tao ay masaya, medyo masaya at
masayang-masaya? Batay ba ito sa emosyon o sa kanyang gawi? O kaya
naman sa salitang lumalabas at namumutawi sa kaniyang mga labi?
Alam kong nais mo nang bigyang-linaw ang mga tanong na
nagliliparan sa iyong isipan. Kaya naman halina’t samahan mo akong
alamin ang mga kasagutan mula sa modyul na ito.
Sa gawaing ito, maiaantas mo ang mga salita batay sa tindi ng
emosyon o damdamin.
Tandaan, “Ang tamang paggamit ng salita ukol sa tindi ng emosyon
ay nakababawas ng suliranin sa hindi pagkakaintindihan. Masayang
buhay!

Layunin
Sa aralin na ito, inaasahan na naiaantas mo ang mga salita (clining)
batay sa tindi ng emosyon o damdamin.

Talasalitaan
Basahin mo.
Mga Salitang Ito, Tandaan Mo!
Mga Salita Kahulugan
Klino Ang pagkakasunod-sunod o kaayusan ng
mga salita ukol sa tindi ng emosyon na
ipinahihiwatig ng bawat salita.
Sinonimo Ang mga salitang magkakasingkahulugan
o mga salitang magkatulad ng kahulugan
o ibig sabihin.
Antas Tumutukoy sa katayuan, bilang o
posisyon ng isang tao o bagay.
Emosyon o Damdamin Ito ay ang pakiramdam ng isang tao na
hindi nagagawa ng pisikal, kundi ng
mental at sikolohikal na Gawain na
makikita sa kilos, gawi o ugali ng isang
indibidwal.

7
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

Panuto: Basahing mabuti ang mga kataga/salitang sinonimo. Ikaw ay


mag-aantas ng mga salita batay sa tindi ng emosyon o damdamin sa
tulong ng talahanayan sa ibaba. Sa pamamagitan ng mga parirala, nawa’y
makuha mo ang sagot sa gawaing ito. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno
o sagutang papel. Gayahin ang pormat sa ibaba.

Inis Galit Suklam Poot Pikon Tampo

F Matinding galit na halos gusto nang manakit.


.
E Matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala.
.
D Tumatagal na inis.
.
C Tumatagal na tampo.
.
B Munting galit na madaling mawala.
.
A Damdaming negatibo na bunga ng maliit na bagay lamang.
-
.
- Gabion, Rosemarie. “ Iba’t ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan”

O, diba kayang-kaya mong iantas ang mga salita batay sa tindi ng


emosyon o damdamin.
Halika, may inihanda pa akong gawain para sa iyo. Tiyak na mas
magugustuhan mo ito.

Mga Gawain sa Pagkatuto


Basahin at Unawain.

PAGKIKLINO O PAG-AANTAS NG MGA SALITA


Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng
saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas nito. Nagagamit ito sa
pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang may kaugnayang sinonimo.

8
Halimbawa:

4. Poot 4.Pagmamahal 4. Ganid


3. Galit 3. Pagliyag 3. Gahaman
2. Asar 2. Pagsinta 2. Sakim
1. Inis 1. Paghanga 1. Damot
- Peralta Romulo N. et.al, Panitikang Asyano 9. Pahina
Alam mo ba na ang pagkiklino ay ang isinasagawa sa pamamagitan ng
pagbibigay papasidhing antas ng simpleng salita. Nagsimula sa
pinakamaliit/pinakamaiksi at nagtatapos sa pinakamalaki. Sa paraang
ito, makakaisip ng mga salitang may kakawing sa simpleng salita at
masusuri ang antas ng kadiinan ng mga ito.
- Pitargue Aizelle Mynina. “Mga Salita Ayon Sa Tindi Ng Ipinahahayag”.
-
Napag-usapan natin kanina ang tungkol sa pag-aantas ng mga salita, alam mo
ba na ang pagkiklino ay isang paraan upang malinang ng isang indibidwal ang
kaniyang kasanayan sa talasalitaan.

Ang pagkiklino ay tumutukoy sa tindi o antas ng kahulugang


ipinahahayag. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pinasidhing antas ng simpleng salita.

Tama!
Ano nga ba ang kahulugan ng Ang pagpapasidhi ng
pagpapasidhi ng damdamin? damdamin ay isang uri ng
pagpapahayag ng saloobin o
emosyon sa paraang papataas
na antas nito.
Magaling!
Madali mo bang naiantas
Masusing pagsusuri sa mga
ang mga salitang sinonimo?
salita ang kailangan. Kung
Ibatay ang sagot sa
minsan ang mga salitang nasa
nagdaaang gawain.
hanay ng idyoma ay ang
naiaantas bilang
pinakamasidhing
salita/kataga.
Sapagkat, makakaisip ka ng
Paano mo masasabing mga salitang maikakawing sa
makatuturan ang gawaing simpleng salita at masusuri
ito? mo ang antas ng kadiinan ng
mga ito.

9
Itinuturo ng klino ang tamang paraan ng pagsusunod-sunod ng mga salita
batay sa antas nito. Maging ang tamang pagsasama-sama ng mga salitang
may magkakaparehong kahulugan.

Ipagpatuloy mo.

Ang masasabi ko dito ay lubhang


Anong masasabi mo sa
mahalaga ito sapagkat sa tulong nito
pag-aantas ng salita
ay madali nating natutukoy ang
batay sa tindi ng
emosyon o damdamin batay sa mga
emosyon o damdamin? salitang ginagamit ng isang tao o ng
ating kausap.
.
Oo. Mabisa ito dahil sa tulong nito Mabisa ba ang pag-aantas
ay mas yumayaman ang ng mga salita batay sa tindi
bokabularyo ng isang tao dahil na ng emosyon o damdamin?
rin sa mga ginagamit na Bakit?
kasingkahulugan na salita nito.

Yehey! O, diba kayang-kaya mo nang iantas ang mga salita batay sa tindi
ng emosyon o damdamin.

Get’s mo na ba? Halika! Ipagpatuloy mong sagutin ang mga pagsasanay.


.
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Pagsasanay 1

Panuto: Kopyahin ang talahanayan sa ibaba. Lagyan mo ng bilang 1


hanggang 3 ang sumusunod na mga salita batay sa tindi/sidhi ng
kahulugan nito. Ang bilang 3 para sa pinakamasidhi, 2 para sa masidhi
at 1 sa di-masidhi. Gawin ito sa iyong kwaderno.
Antas nito. Tukuyin mo!

A. B.
_____ Poot
_____ Sigaw
_____ Ngitngit
_____ Hiyaw
_____ Galit
_____ Bulong

10
C. D.
_____ Mahina _____ Malaki

_____ Malambot _____ Malawak

_____ Marupok _____ Di-maliparang uwak

E.
_____ Iyak

_____ Hagulhol

_____ Hikbi

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, narito ang ikalawang
pagsasanay na magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay 2

Panuto: Pagsama-samahin ang mga salitang magkakasingkahulugan


ngunit naiiba sa tindi ng emosyon o damdamin sa loob ng bilog. Iantas ito
gamit ang bilang 3 para sa pinakamasidhi, 2 para sa masidhi at 1 sa di –
masidhi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Mga salitang magkakatulad, Iantas mo!

pagkawala
ligaya
pagkasaid makasarili

kinalinga galak kinupkop

sakim pagkaubos
pagsuyo

gahaman
pag-ibig
tuwa

11
__________ 3 __________ 3 __________ 3
__________ 2 __________ 2 __________ 2
__________ 1 __________ 1 __________ 1

__________ 3 __________ 3
__________ 2 __________2
__________ 1 __________ 1

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay 3

Panuto: Gamit ang matalinong pagsusuri. Iantas ang mga salita batay sa
tindi ng emosyon o damdamin batay sa pagkakagamit nila sa mga
pangungusap. Iantas ito gamit ang 5 bilang pinakamasidhi at 1 bilang di-
masidhi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Tindi nito. Iantas mo!
_______ Si Maria ay magandang dalaga.
_______ Mainam na lumayo na lamang siya upang walang gulo.
_______ Ang bulaklak na ito’y lubhang kaakit-akit sa mga bubuyog.
_______ Labis na nakabibighani ang kaniyang mga mata na tila baga
bituin sa kalangitan.
_______ Namamangha sila sa marikit na tanawin mula sa itaas ng burol.

Upang masukat ang iyong pagkatuto sa buong aralin, narito ang


pinakahuling pagsubok na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Tukuyin ang tamang sinomino na dapat ilagay sa patlang.


Matapos nito, iantas ang dalawang salitang ginamit batay tindi ng
emosyon o damdamin. Gamitin ang bilang 1 sa masidhi at bilang 2 sa
higit na masidhi.

12
1. ( tumawa _______ , ngumiti _________ )
▪ _______________ siya nang pino.
▪ _______________ siya nang malakas.

2. ( malaki ________, malawak _________)


▪ Napakayaman ng pamilya Mondragon dahil sa
_______________ ang kanilang lupain.
▪ _______________ ang ipinagbago niya matapos
niyang
Mag-ehersisyo araw-araw.
3. ( paghanga _______, pagsinta ________)
▪ _______________ ang kanyang unang nadama nang
masilayan niya ang babae na si Lita.
▪ Wagas ang kanyang ___________ sa inang nasa
ibayong dagat.

4. ( nasisiyahan __________, masaya _______ )

▪ ___________ siya sa kanyang nakita.


▪ ___________ siya sa kanyang pagbabalik-probinsya.

5. ( maramot __________, gahaman __________ )

▪ ___________ sa papel si Trisha, lalong higit sa eksam.


▪ ___________ ang tawag sa taong labis kung
kumamkan ng limpak-limpak na salapi.

Karagdagang Gawain

Panuto: Mag-isip ng limang (5) salitang magkakasing-kahulugan.


Pagkatapos ay iantas ang mga ito batay sa tindi ng emosyon o damdamin.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. _____________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________
3.______________________________________________________________________
4.______________________________________________________________________
5.______________________________________________________________________

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng ikalawang aralin. Ang saya-saya ko


at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain. Ipagpatuloy
mo na ang mga susunod na aralin.

13
Aralin 3: Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin
Panimula

Sa bawat araw na dumadaan sa buhay ng isang tao ay tiyak na iba’t


ibang ekspresyon ang nagagamit nito sa kaniyang nakakausap man o
nababasa. Isa sa dahilan kung bakit mayroong ekspresyon ang isang tao
ay dahil sa nagkakaroon ito ng impresyon sa kung ano ang kaniyang
nakikita, nababasa o naririnig.

Sa mga sumusunod na gawain ito ay susubukin ang iyong galing sa


paggamit ng iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.
Natitiyak kong handa ka na, kaya Tara! Simulan na natin.

Layunin
Sa aralin na ito inaasahan na, nagagamit mo ang iba’t ibang ekspresyon
sa pagpapahayag ng damdamin.

Talasalitaan
Basahin mo.

NAKALULUMBAY TINUTUGIS PINASLANG

NAKALULUNGKOT HINUHULI PINATAY

SILAIN MAIKUBLI

LAMUNIN MAITAGO

14
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok
Basahin mo ang talata sa pahina 30 ng Tuklas 9, Aklat sa Wika at Panitikan ni
Sevilla, Kristine I.

Panuto: Batay sa iyong nabasa, ipahayag ang iyong sariling damdamin


gamit ang iba’t ibang ekspresyon. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Gawing
batayan sa pagsagot ang pamantayan sa pagmamarka sa ibaba.

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Naipahayag nang maayos ang sariling 10 puntos
damdamin gamit ang iba’t ibang
ekspresyon.
Wasto ang gamit ng gramatika. 5puntos
Makabuluhan ang ipinahayag na 5puntos
damdamin.
KABUOAN 20 PUNTOS

O, diba kayang-kaya mong gamitin ang iba’t ibang ekspresyon sa


pagpapahayag ng damdamin.
Halika, may inihanda pa akong gawain para sa iyo. Tiyak na mas
magugustuhan mo ito
Mga Gawain sa Pagkatuto
Basahin mo ang kuwentong Si Tung Kuo at ang Lobo sa Kaniyang Sako sa pahina
174 -179 ng Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan, Batayan Sanayang Aklat
sa Filipino, ni Sanchez Louie Jon.

Anong damdamin ang Ang naramdaman ko matapos


naramdaman mo matapos mabasa ang bahagi ng
kuwento sa itaas ay kaba.
mabasa ang kuwento?
Kaba sapagkat buong akala ko
ay mahuhuli na ng puwersa ni
Panginoong Chao ang lobo.

Ang ekspresyon na
Anong ekspresyon ang
naramdaman ko matapos
naramdaman mo matapos mabasa ang bahagi ng
mabasa ang kuwento? kuwento ay pagkatuwa.
Sapagkat natulungan ng
Peregrino ang Lobo sa
15
panganib kay Panginoong
Chao.

Matapos mabasa ang Ang masasabi ko sa pag-


kuwento, ano ang iyong uugali ni Tung Koo ay isa
siyang maawain at matulungin
masasabi tungkol sa pag-
sa nangangailangan kahit na
uugali ni Tung Kuo? hindi niya ito kalahi.

Ang angkop na ekspresyon sa pangyayaring


aking nabasa ay Inis. Inis sapagkat matapos Anong ekspresyon ang
tulungan ni Tung Kuo ang lobo, sa halip na angkop sa pangyayaring
ito ay magpasalamat ay nais pa nitong nabasa?
isahan si Tung Kuo.

Nalungkot ako matapos


Ano ang naramdaman mo
mabasa ang pangyayari sa
matapos mabasa ang kuwento, sapagkat muntik
pangyayari sa kuwento? nang kainin ng lobo si Tung
Kuo.

Ang angkop na ekspresyon para sa


pangyayaring aking nabasa ay Magbigay ng angkop na
pagkalungkot at pagkatakot. Sapagkat ekspresyon para sa
ipinakita sa pangyayaring ito na pangyayaring iyong
nawalan ng kakampi si Tung Kuo dahil nabasa?
lahat ng kanilang tinatanungan ang
nais ay kainin siya ng lobo.

Ipagpatuloy mo.

Paano mo magagamit sa Magagamit ko ito sa aking pang-araw-


iyong pang-araw-araw na araw na buhay sa pamamagitan ng
buhay ang iba’t ibang pakikipagkomunikasyon sa aking
ekspresyon sa kausap nang maayos at paggamit nito
pagpapahayag ng ng naaayon sa sitwasyon o pangyayari.
damdamin?

16
Kinakailangang gumamit ng iba’t ibang
ekspresyon sa pagpapahayag ng Bakit kinakailangang
damdamin sapagkat nakaakibat na sa gumamit ng iba’t ibang
tao ang pagkakaroon ng impresyon sa ekspresyon sa
iba’t ibang mga sitwasyon. Sa tulong ng pagpapahayag ng
mga ekspresyong ito ay mas napapadali damdamin?
ang pagpapahayag ng ating damdamin
tungkol sa isang pangyayari.

Yehey! Nagagamit mo ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin. Alam kong handa ka na, maaari mo nang gawin ang
sumusunod na mga pagsasanay.☺

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Pagsasanay 1

Panuto: Gamitin ang angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin batay sa sumusunod na sitwasyon sa ibaba. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Halimbawa: Nawala mo ang ibinigay sayong baon.


Ekspresyon: Naku po! Jusko! Nawala ko ang aking baon. Lagot ako sa
nanay ko!

1. Nalulunod ang bata.


Ekspresyon:_____________________
2. Sumasang-ayon ka sa sinabi ng iyong kamag-aral tungkol sa
naiatang sa inyong gawain.
Ekspresyon:_____________________
3. Tumanggi ka sa pag-aya ng iyong kaibigang maglaskuwatsa.
Ekspresyon:_____________________
4. Hindi ka naniniwala sa sinasabi ng iyong kapitbahay na bumagsak
ang iyong bunsong kapatid.
Ekspresyon:_____________________
5. Nasusunog ang gusali malapit sa inyong lugar.
Ekspresyon:_____________________

O, diba kayang-kaya mong gamitin ang iba’t ibang ekspresyon sa


pagpapahayag ng damdamin.

17
Get’s mo na ba? Halika! Ipagpatuloy mong sagutin ang mga pagsasanay.

Pagsasanay 2

Panuto: Gamitin ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin. Bumuo ng pangungusap na nagpapahayag ng emosyon o
damdamin batay sa sitwasyong ibinigay. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Kasama mo ang iyong kaibigan habang kayo’y nakasakay sa


motorsiklo hinuli kayo ng pulis sa kadahilanang walang suot na
helmet ang iyong kaibigan.
Pahayag:_________________________________________________________
2. Binigyan ka ng regalo sa iyong kaarawan ng isang taong labis mong
hinahangaan.
Pahayag:_________________________________________________________

3. Nawala ang kuwintas na bigay sa iyo ng iyong lola.


Pahayag:________________________________________________________
4. Nakamit ng iyong matalik na kaibigan ang unang karangalan.
Pahayag:________________________________________________________
5. Hindi ka sinuportahan ng iyong mga magulang sa kursong nais mo.
Pahayag:________________________________________________________

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay 3
- Basahin at Unawain ang Parabula ng Asarol sa pahina 14 -15 ng
Tuklas Aklat sa Wika at Panitikan nina Sevilla Kristine I. et.al.

Panuto: Batay sa binasang parabula, itala ang mga pahayag na


nagpapakita ng iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.
Pagkatapos ay gamitin ang ekspresyong ito sa panibagong pangungusap.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Pag-alinlangan

2. Pagtataka
3. Pagkatuwa

18
Upang masukat ang iyong pagkatuto sa buong aralin, narito ang pinakahuling
pagsubok na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Isulat ang ilang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.


Pagkatapos ay gamitin ito sa pagbubuo ng 5 sariling pangungusap.
1.Paghanga: ________
Pangungusap:______________________________________________
2. Pagkatuwa: ________
Pangungusap:______________________________________________
3. Pagtanggi: _________
Pangungusap:______________________________________________
4. Pagkatakot: _________
Pangungusap:______________________________________________
5. Pag-alinlangan: __________
Pangungusap:______________________________________________

Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng sariling sanaysay na ginagamitan ng iba’t ibang


ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin. Pumili ng paksa sa ibaba.
Gawin ito sa iyong kuwaderno. Gawing batayan sa pagsulat ang rubriks
sa ibaba.

Paksa:

- COVID-19
- Administrasyong Duterte
- ABS_CBN Franchise

19
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Nakabuo ng isang makabuluhang sanaysay 10puntos
at nagamit nang wasto ang iba’t ibang
ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin.
Kapupulutan ng aral ang ginawang 5puntos
sanaysay
Wasto ang gamit ng bantas at gramatika. 5puntos
KABUOAN 20PUNTOS

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng ikatlong aralin. Ang saya-saya ko


at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain. Ipagpatuloy
mo pa sa susunod na aralin.

Aralin 4: Damdamin at Pag-unawa

Panimula

May kaibigan ka bang mahilig ipahayag sa iba ang


nararamdaman? Isang paraan niya para malaman ng iba ang kaniyang
nararamdaman ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga opinyon o
nararamdaman niya sa mga social media tulad ng facebook, twitter,
instagram at iba pa. Dahil sariling opinyon at damdamin niya ito, hindi mo
rin minsan maiwasang mag-react o magkomento sa kaniyang sinasabi at
madalas nakaka-relate ka pa sa kaniya lalo na kung nailalagay mo ang
iyong sarili sa kalagayan niya, tama ba?

Sa aralin natin ngayon, hindi ka lang mapapa-react sa sinasabi o


opinyon ng iba kundi mararamdaman mo rin kung ano nga ba ang
pinaghuhugutan o pinagmumulan ng mga damdaming lumulutang sa
akda. Susubukin ng mga gawain ang iyong kakayahan sa pagpapahayag
din ng iyong damdamin at pag-unawa batay sa mga akdang orihinal na
tatalakayin. Handa ka na ba? Simulan na natin!

20
Layunin:
Sa aralin na ito, inaasahan na naipahahayag mo ang damdamin at
pag-unawa sa napakinggang akdang orihinal.

Talasalitaan
Basahin natin.
Ang pagsasabi ng isang tao ng kaniyang
mga saloobin, ng kaniyang mga
PAGPAPAHAYAG paniniwala, ng lahat ng kaniyang mga
nalalaman.

Pinagkunan: Yenbehold, “Ang Pagpapahayag”

Ito ay pagpapahayag ng emosyon. Ito


ay ang pansariling tugon sa isang
bagay, tao o pangyayari. Ito ang
DAMDAMIN nararamdaman ng isang tao sa tuwing
may naririnig, nakikita o nalalaman na
isang pangyayari.

Pinagkunan: Parra, “Damdamin”

. Pagbibigay kahulugan
Read more on o Brainly.ph
interpretasyon-
habang nagaganap ang interaksyon sa
https://brainly.ph/question/487360#
PAG-UNAWA teksto.
readmoreIt

Pinagkunan: Makati Science High School “Ang


Pag-unawa/Komprehensyon”

Ito ay tulang liriko para sa mga


ELEHIYA yumaong kamag-anak o mahal sa
buhay.

21
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

PAALALA: Maaaring ipabasa sa magulang o mga kasama sa bahay ang


mga Elehiya sa Kamatayan ni Kuya ni Pat V. Villafuerte sa pahina 206 -
207 Panitikang Asyano 9, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino nina Peralta,
Romulo N. et al., upang mapakinggan.

Panuto: Ipahayag ang damdamin at pag-unawa sa akda sa pamamagitan


ng pagpuno sa pahayag sa ibaba, gawin ito sa iyong kuwaderno.

Ang aking damdamin matapos kong mabasa ang akda ay


______________________________________________________________________
__________________________________at ang akin namang naunawaan ay
______________________________________________________________________
________________________.

O, di ba kayang-kaya mong ipahayag ang iyong damdamin at pag-unawa


sa akda.

Halika, may inihanda pa akong elehiya para sa iyo. Mga Gawain sa


Pagkatuto

Ipabasa upang mapakinggan at unawain ang Elehiya para kay Ram ni


Pat V. Villafuerte mula sa Panitikang Asyano 9, Modyul ng Mag-aaral sa
Filipino nina Peralta, Romulo N. et al.

Magaling! Ito ay tungkol sa pag-


Ano ang tema ng binasang
aalaala at pagpapahalaga sa
tula?
isang yumao.

Tama! Sa pamamagitan ng Paano ipinadama ng may


pagsasalaysay ng mga akda ang labis niyang
pinagdaanan ng yumao dahil sa pagdadalamhati sa tula?
pagsasakripisyo nito alang-alang
sa kaniyang mga kapatid.

22
Suriin mo.

Bakit mahalaga sa sumulat Dahil malaking tulong ang ginawa


ng tula ang mga alaalang nito para sa kaniyang mga
iniwan ng yumao? kapatid at lalong higit
kapupulutan ito ng inspirasyon sa
buhay.

Sa pamamagitan ng pagpapahalaga
Kung ikaw ang may akda,
sa kaniyang mga nagawa noong
paano mo ipadarama ang
siya’y nabubuhay pa at gawing
pagmamahal mo sa isang
gabay ang mga aral na ikinintal niya
tao?
sa ating puso’t isipan.

Anong damdamin ang Tama! Ang damdaming lumutang


lumutang sa akda? dito ay paghihinagpis, kalungkutan
at pighati dahil sa kamatayan ng
mahal sa buhay.

Tama! Pasalamatan at pahalagahan


Anong gagawin mo kung
siya sa kaniyang mga ginawa.
sakaling mawalan ka ng
Malungkot mang tanggapin ngunit
mahal sa buhay?
isipin natin na ang bawat buhay ay
may hangganan lamang kaya
ipagdasal natin siya.

Ngayon balikan mo ang ginawa nating gawain.

Ano ang kahalagahan ng Ang kahalagahan nito ay


pagpapahayag ng damdamin naipababatid natin kung ano ang
at pag-unawa sa isang akda? ating naramdaman sa akda at
kung ano ang naunawaan natin.

Ang damdamin ay pagpapakita o ang


Ano naman ang
paglalabas ng emosyon. Ito ay ang
pagka-kaiba ng
pansariling tugon sa isang bagay, tao o
damdamin at pag-
pangyayari. Ito ang nararamdaman ng
unawa?
isang tao sa tuwing may naririnig, nakikita
o nalalaman na isang pangyayari
samantala ang pag-unawa naman ay pagbuo ng kahulugan habang
nagaganap ang interaksyon sa teksto.

23
Ipagpatuloy mo.
.
Ito ay batay sa kung anong klaseng
akda ang iyong binabasa o Paano lumulutang ang
napakinggan. Ito ang iyong damdamin sa isang
nararamdaman sa kabuuan ng akda. akda?

Madali lang ba ang pag-unawa Opo, basahin lamang ng


sa isang akda? Mabuti ang bawat akda.

Opo, dahil sa pamamagitan nito


Mahalaga ba na dapat
naipakikita natin na lubos nating
ipahayag natin ang ating
naunawaan ang akda at kung ano
damdamin at pag-unawa sa
ang nais nitong iparating sa mga
akda?
mambabasa o tagapakinig.

Yehey! Naipahayag mo ang iyong damdamin at pag-unawa sa akda.


Maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga pagsasanay.

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.


Sundin ang mga panuto sa ibaba.

Pagsasanay 1
Basahin ang Kung ang Tao ay Isinilang Upang Maging Tao Lamang ni
Emelita Perez Baez.

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba upang malaman ang iyong
pagkaunawa at damdamin sa akda. Gawin ito sa inyong kwaderno.

1. Tungkol saan ang akda?


2. Bakit kaya mas gugustuhin pa niyang maging bagay o hayop, kaysa
maging tao?
3. Anong damdamin ang nangingibabaw sa akda?
4. Sang-ayon ka ba na dapat ang tao ay magpakatao at hindi maging
tao lamang? Patunayan.
5. Ikaw, kaya mo bang magpakatao?

24
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, narito ang
ikalawang pagsasanay na magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay 2

Basahin mo.
TAGUMPAY
ni: Kevin C. Jalata

Si Bentoy ay isang simpleng mag-aaral ngunit hasang-hasa sa mga


aralin sa kaniyang klase. Marami siyang kaibigan. Siya ay laki sa hirap
ngunit puno ng pangarap at may ginintuang puso kaya naman marami
ang tumutulong sa kaniya. Ang kaniyang ina ay isang tindera ng isda at
karpintero naman ang kanyang ama. Siya ay bunso sa apat na
magkakapatid. Hikahos man sa buhay ngunit hindi siya nagpapadaig sa
kalagayan nilang ito bagkus ginawa niya itong inspirasyon upang
makapagtapos. Maraming naging balakid sa kaniyang pag-aaral upang
hindi makapagtapos ngunit gumagawa siya ng paraan upang maipatuloy
ang kaniyang pag-aaral.

Sa paglipas ng panahon, nakapagtapos siya sa sekundarya,


tumuntong sa kolehiyo at nagpursigeng makapag-aral. Dahil sa kaniyang
pagsusunog ng kilay, siya ay nakapagtapos at naging isang guro. At
ngayon, unti-unti na niyang iniaahon sa hirap ang kaniyang mga
magulang dahil mayroon na siyang maayos na trabaho.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba upang malaman ang iyong


pagkaunawa at damdamin sa akda.
1. Ano ang ipinahihiwatig ng akda?
2. Naaayon ba ang akda sa mga kabataan sa
kasalukuyan? Bakit?
3. Matapos mong basahin ang akda, ano ang iyong
naramdaman?
4. Dapat bang gawing inspirasyon ang kahirapan at mga
magulang upang makapagtapos ng pag-aaral?
5. Ano ang naging buhay ni Bentoy matapos siyang
makapag-aral?

25
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay 3

Basahin at unawain ang sanaysay na Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon


at Noong Nakaraang 50 Taon na isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina
mula sa Panitikang Asyano 0, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino, pahina
120 – 121 nina Peralta, Romulo N. et al.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba upang malaman ang iyong


pagkaunawa at damdamin sa akda. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang paksa ng binasa?
2. Ano ang layunin nito?
3. Anong masasabi mo sa pagkakabuo ng sanaysay?
4. Dapat bang pantay ang Karapatan ng kalalakihan at
kababaihan? Pangatuwiranan.
5. Anong damdamin ang nagingibabaw sa sanaysay?

Upang masukat ang iyong pagkatuto sa buong aralin, narito ang


pinakahuling pagsubok na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Basahin ang dagli.


Puting Kahon
ni Aila Fabricante

“Anong ginawa ko? Anong ginawa ko


para mangyari ang lahat ng ito?
Sabihin mo sa akin, saan ako
nagkulang? Yumuyugyog ang balikat
at humahagulhol na bigkas ng ina.
Tumutulo ang luha habang nakatingin
si Mario sa puting kahon na nasa
kaniyang harapan na nakasulat ang
katagang “In Loving Memory”.

26
Panuto: Batay sa dagling binasa, isulat ang iyong naging damdamin at
pag-unawa ukol dito. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Ano ang damdamin sa akda? Ano ang iyong naunawaan?

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik ng iba pang akdang orihinal. Ipahayag ang iyong


naramdaman habang binabasa ito at ano ang iyong naunawaan dito.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko at


napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain .

Ang husay mo kid!

27
28
Aralin 1
Paunang Pagtataya
1. Pagrereklamo
2. Pagsisisi
3. Pagkagalit
4. Pagmamalasakit
5. Pagkainip
Pagsasanay 1
1. Pagkapahiya
2. Pagsisisi
3. Pag-aalala
4. Pagkatuwa
5. Pagtatampo
Pagsasanay 2
Sa diyalogo ng dalawang tauhan makikita na ang nangingibabaw
na damdamin sa babaing tauhan ay panghihinayang at sakit. Sa lalaking
tauhan naman ay Hinanakit at sakit.
Sa unang tauhan masasabing panghihinayang at sakit ang
nangingibabaw dahil sa ginamit niya sa kanyang pahayag ang salitang
sana. Gayundin naman, nasasaktan siya dahil sa panghihinayang sa
nawala o nasayang na pag-ibig.
Sa pangalawang tauhan kaya nangingibabaw ang paghihinanakit
at sakit dahil sa mga binitawan niyang salitang “binalewala mo lang ako”
at and “you choice to break my heart.”
Pagsasanay 3
Bilang ng Damdaming Dahilan ng Sagot
Diyalogo Nangingibabaw
1 Pagmamalasakit Ginamit ang salitang making ka sa akin
na nagpapahiwatig ng pagmamalasakit.
2 Pagkalungkot Hindi niya magawang maging masaya.
3 Pagrereklamo Nagrereklamo siyang hindi siya
naiintindihan dahil hindi naman
nanyari sa kausap niya ang nangyari sa
kanya.
4 Pagkapahiya Wala ng mukhang maihaharap
5 Pagkatuwa Yes!Yes!Yes!Natutuwa siya dahil
nakapasa siya sa pagsusulit.
Susi sa Pagwawasto
29
Panapos na Pagsubok
a. Pagkagalit
b. Pagkalungkot
c. Pagkagalit
d. Pagsisisi
e. Pagsisisi
Karagdagang Gawain
Depende sa sagot ng mag-aaral
Aralin 2
Panimulang Pagsubok
A. Pikon B. Tampo C. Inis
D. Galit E. Suklam F. Poot
Pagsasanay 1
A. 3,1,2 B. 2,3,1 C. 2,1,3 D. 1,2,3 E. 2,3,1
Pagsasanay 2
Ligaya (1) Sakim (1) Pag-ibig (1)
Tuwa (2) Makasarili (2) Paghanga (2)
Galak (3) Gahaman (3) Pagsuyo (3)
Inalagaan(1) Pagkawala (1)
Kinalinga (2) Pagkaubos (2)
Kinupkop (3) Pagkasaid (3)
Pagsasanay 3 Panapos na Pagsubok
(2) Maganda 1. tumawa (2)
(1) Mainam ngumiti (1)
(4) Kaakit-akit 2. malawak (2)
(5) Nakabibighani malaki (1)
(3) Marikit 3. paghanga (1)
Pagsinta (2)
4. nasisiyahan (1)
masaya (2)
5. maramot (1)
gahaman (2)
Karagdagang Gawain (Nakadepende sa sagot ng mag-aaral) Guro ang
Magwawasto
30
Aralin 3
Panimulang Gawain (Guro ang magwawasto)
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Naipahayag nang maayos ang 10puntos
sariling damdamin gamit ang iba’t
ibang ekspresyon.
Wasto ang gamit ng gramatika. 5puntos
Makabuluhan ang ipinahayag na 5puntos
damdamin.
KABUUAN 20PUNTOS
Pagsasanay 1
1. Jusko! Tulong! Sagipin natin ang batang nalulunod!
2. Tama ang iyong sinabi, dapat ngang magkaisa tayo upang maging
maayos ang kalabasan ng ating gawain.
3. Pasensya ka na. Ngunit ayokong sumama sa inyo sa paglalakwatsa.
4. Marahil, nagkakamali ka po yata sa iyong sinasabi na bagsak ang aking
bunsong kapatid sa kanilang klase.
5. Naku po! Tulong! Nasusunog ang gusali! Tumawag kayo ng bumbero.
Pagsasanay 2
1. Naku po! Sir, baka po maaari natin itong pag-usapan?
2. Wow! Totoo ba ito? Sana hindi ito panaginip.
3. Naku po! Lagot ako kay lola hindi ko iningatan ang kanyang alaala.
4. Ang galing mo! Talagang napakahusay mo kaibigan.
5. Ganoon po ba? Tila hindi po ninyo naibigan.
31
Pagsasanay 3 (Posibleng Sagot)
1. Pag- Pahayag: “Isang araw ay tinanong niya ang
alinlangan sarili kung bakit nagpapakahirap siya?”
Pangungusap: Marahil ay tama nga sila.
Kinakailangan kong magsumikap upang
guminhawa ang aking buhay.
2. Pagtataka Pahayag: “Nanalo nga ako pero ako ba ay
masaya?
Pangungusap: Nakukuha ko nga ang gusto ko,
pero masaya baa ko?
3. Pagkatuwa Pahayag: “Nanalo ako!” Nagwagi ako!"
Pangungusap: Yes! Nanalo ako ng bike sa raffle
draw.
Panapos na Pagsubok
1. Paghanga: Wow!
Pangungusap: Wow! Napakaganda ng mga tanawin sa Baguio.
2. Pagkatuwa: Yehey!
Pangungusap: Yehey! Binilhan ako ng bagong cellphone ni Mama
para magamit ko sa online class.
3. Pagtanggi: Huwag.
Pangungusap: Huwag kang sasama sa mga kaibigan mong walang
mabuting naidudulot sa iyo.
4. Pagkakot: Jusko!
Pangungusap: Jusko! Muntik nang masagasaan ang bata.
5. Pag-alinlangan: Tila.
Pangungusap: Tila nagkamali yata ako sa aking naging desisyon na
magpagupit ng buhok.
32
Karagdagang Gawain
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Nakabuo ng isang makabuluhang 10puntos
sanaysay at nagamit nang wasto
ang iba’t ibang ekspresyon sa
pagpapahayag ng damdamin.
Kapupulutan ng aral ang 5puntos
ginawang sanaysay
Wasto ang gamit ng bantas at 5puntos
gramatika.
KABUUAN 20PUNTOS
Aralin 4
Panimulang Pagsubok
-Ang damdamin sa akda ay kalungkutan at pighati dahil ito’y tungkol sa
kamatayan ng isang mahal sa buhay.
-Ang aking naunawaan ay dapat nating ipakita ang ating pagpapahalaga
at pagmamahal sa isang tao habang siya’y nabubuhay pa upang hindi
tayo magsisi sa huli.
Pagsasanay 1
1. Ang akda ay tungkol sa isang yumao o namatay.
2. Mas gugustuhin niyang maging hayop o bagay na lamang dahil ang
mga ito’y may magagandang katangian kaysa tao na hindi naman
nagpapakita ng kabutihan.
3. Ang damdaming nagingibabaw sa akda ay kalungkutan at pighati.
4. (Batay sa sagot ng mga mag-aaral)
5. (Batay sa sagot ng mga mag-aaral)
33
Pagsasanay 2
1. Ang pinahihiwatig ng akda ay pagpupunyagi sa kabila ng mga
balakid upang makamit ang ninanais na tagumpay.
2. Opo, ito ay naaayon sa mga kabataan ngayon dahil karamihan sa
kanila ay hindi na nagpapatuloy sa pag-aaral dahil sa kahirapan kaya
naman ito’y magbibigay inspirasyon sa kanila.
3. Matapos basahin ang akda, naramdaman ko ang kasiyahan at
pagiging positibo pa rin sa kabila ng mga balakid.
4. Nararapat lamang na gawing inspirasyon ang kahirapan at magulang
dahil ito ang pagmumulan natin ng lakas ng loob na huwag ng
maranasan pa ulit ang hirap at mabigyan naman ng maayos na buhay
ang mga magulang.
5. Nakamit niya ang kaniyang pangarap at naging matagumpay.
Pagsasanay 3
1. Ang paksa ng akda ay tungkol sa kababaihan ng Taiwan.
2. Layunin ng akda na mapukaw ang isipan ng bawat isa na ang
kababaihan ay dapat bigyan ng pantay na Karapatan sa mga
kalalakihan.
3. Maayos ang pagkakabuo ng sanaysay, isinalaysay ang mga
pangyayari mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan.
4. Dapat lamang na pantay ang Karapatan ng kalalakihan at
kababaihan sa lipunan dahil lahat naman tayo’y nilikha ng Diyos na
may pantay-pantay na kakayahan.
5. Kalungkutan at saya ang damdamin sa akda. Kalungkutan dahil
hindi pantay na pagtingin sa kakayahan ng mga kababaihan at saya
naman dahil patuloy pa rin sa pagiging positibo ang mga babae sa
kabila ng kanilang pinagdadaanan at karanasan.
Panapos na Pagsubok
Ano ang damdamin sa akda? Ano ang iyong naunawaan?
Ang damdamin sa akda ay Naunawaan ko sa akda na
pagdadalamhati sa pagkawala ng namatay ang anak at hindi ito
mahal sa buha matanggap ng kaniyang ina.
Karagdagang Gawain –
Ang guro ang magwawasto sa bahaging ito.
Sanggunian:
Aralin 1

Aklat
Ambat, Vilma C. et al., Panitikang Pandaigdig Filipino 10 Modyul para sa
Mag-aaral. Vibal Group Inc., 2015

Internet

Unknown, “10 Hugot Lines From Pinoy Movies,” February 20,2015,


https://www.spot.ph/entertainment/movies-music-tv/58622/10-hugot-
lines-from-pinoy-movies

Aralin 2
Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9. Pilipinas: Sunshine
Interlinks Publishing House, Inc, 2014.

Gabion, Rosemarie. “ Iba’t ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan”


https://images.app.goo.gl./BDoCWVMGEwXRXLme9
Pitargue Aizelle Mynina. “Mga Salita Ayon Sa Tindi Ng Ipinahahayag”.
August 2017. https://www.scribd.com/document/357510955/Mga-
Salita-Ayon-Sa-Tindi-Ng-Ipinahahayag
Aralin 3

Aklat:
- Sanchez Louie Jon, et.al., Baybayin Paglalayag sa Wika at
Panitikan. Batayan Sanayang Aklat sa Filipino 9. Rex Bookstore

- Sevilla Kristine I. et.al., Tuklas Aklat sa Wika at Panitikan 9.

Aralin 4

Aklat
Peralta, Romulo N. et al, Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa
FILIPINO 9, Pilipinas: Sunshine Interlinks, Inc. 2014.

Internet
Yenbehold, “Ang Pagpapahayag,” August 14, 14, 2015,
siningngfilipino.blogspot.com,
http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-pagpapahayag.html

34
Danica Parra, “Damdamin,” brainly.ph,
https://brainly.ph/question/487360

Makati Science High School “Ang Pag-unawa/Komprehensyon,”


slideshare.net, https://www.slideshare.net/luvy15/pag-unawa-at-
komprehensyon

Baes, “Kung ang Tao’y Iisnilang upang Maging Tao Lamang,” 2002,
tagaloglang.com, https://www.tagaloglang.com/kung-ang-tao-ay-
isinilang-upang-maging-tao-lamang/

35
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: [email protected]

You might also like