Araling Panlipunan 9 - PG 19-22 28-30

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 89

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY

DO NOT REPRODUCE

MODYUL SA PAG-AARAL
NG ARALING PANLIPUNAN
Batay sa 2020 Most Essential Learning Competencies (MELC)
para sa New Normal

Baitang 9 | Unang Markahan

Pundasyon ng Ekonomiks

Baitang 9 Unang Markahan


ii MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN
Talaan ng Nilalaman

Unang Markahan

Pundasyon ng Ekonomiks

Aralin 1 – Kahulugan ng Ekonomiks................................................................1


Aralin 2 – Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pamumuhay at Lipunan..........13
Aralin 3 – Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya........................................25
Aralin 4 – Salik ng mga Produksiyon at Implikasyon Nito.........................41
Aralin 5 – Ang Pagkonsumo.............................................................................53
Aralin 6 – Karapatan ng mga Mamimili.........................................................65

Lagumang Pagsusulit........................................................................................78

Glosaryo...............................................................................................................81

Photo Credits.......................................................................................................83

Baitang 9 Unang Markahan iii


Pangkalahatang Pamantayan: Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga
pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa ekonomiks at pambansang pag-unlad
gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga ng mga disiplinang panlipunan
tungo sa paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagnilay, mapanagutan,
makakalikasan, produktibo, makatarungan, at makataong mamamayan ng
bansa at daigdig.

Most Essential Learning K to 12 CG


Markahan Duration
Competencies Code
Una Nailalapat ang kahulugan ng AP9MKE-Ia-1
ekonomiks sa pang-araw-araw
na pamumuhay bilang isang
mag-aaral at kasapi ng pamilya
at
lipunan
Naitataya ang kahalagahan ng AP9MKE-Ia-2
ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at
ng lipunan
*Nasusuri ang iba’t-ibang
sistemang pang-ekonomiya
Natatalakay ang mga salik ng
produksiyon at ang implikasyon
nito sa pang-araw-araw na
pamumuhay
Nasusuri ang mga salik na AP9MKE-Ih-16
aralin na nakaaapekto sa
pagkonsumo
Naipagtatanggol ang mga AP9MKE-Ih-18
karapatan at nagagampanan
ang mga tungkulin bilang
isang mamimili

Unang Markahan
Pundasyon ng
Panimula Ekonomiks
Ikaw ba ay mapagmasid sa iyong kapaligiran? Napapansin mo ba na bakit
iba’t iba ang pamumuhay ng tao? Alam mo ba na ang bawat produksiyon at
pagkonsumo sa mga produkto at serbisyo ay may kaugnayan sa ekonomiks?
Ang ekonomiks ay isang pundasyon ng iyong buhay dahil ang kaalaman mo
sa ekonomiks ay nagmumula at natutununan sa iyong sambahayan. Ang bawat
galaw, pagpapasiya, at gawain ay nagbibigay ng pag-unawa sa ekonomiks. Habang
iv MODYUL
lumalalim ang iyong kaalaman sa ekonomiks
SABaitang
PAG-AARAL
9 UnangNG v PANLIPUNANka ng malawak na
ay nagkakaroon
Markahan
ARALING

kaisipan tungkol sa mga konsepto, modelo, ang iba’t ibang sistemang


panlipunan, at mga salik na maaaring makaapekto sa iyong pamumuhay at sa
ekonomiya ng bansa.
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na magkaroon ng pag-unawa sa
mga pangunahing konsepto ng ekonomiks. Malalaman mo rin dito ang iba’t ibang
paraan at modelo upang maunawaan ang mga teorya at pangyayari na magiging
gabay mo sa iyong pagpapasiya.

Nilalaman para sa Unang Markahan


Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng mga pamagat na tatalakayin at
mga layunin na makakamit ng bawat mag-aaral sa modyul na ito.
Aralin Pamagat Layunin
1 Kahulugan ng Ekonomiks • Nabibigyan ng kahulugan ang
ekonomiks
• Natutukoy ang mga sangay
ng ekonomiks
• Nauunawaan ang mga ambag
at kaisipan ng mga ekonomista
sa pagpapalawak ng kaalaman
sa ekonomiks
2 Kahalagahan ng Ekonomiks • Naitataya ang kahalagahan ng
sa Pamumuhay at Lipunan ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at
miyembro ng lipunan
• Naipaliliwanag ang
konsepto ng kakapusan,
palatandaan ng
kakapusan, at pagharap sa
kakapusan
3 Iba’t-ibang Sistemang Pang- • Naipaliliwanag ang
ekonomiya mahalagang katanungan pang-
ekonomiya
• Nasusuri ang kaugnayan ng alokasyon
sa kakapusan, pangangailangan, at
kagustuhan
• Nasusuri ang mekanismo ng
alokasyon sa iba’t ibang sistemang
pang-ekonomiya bilang sagot sa
4 Salik ng mga Produksiyon • Nabibigyang kahulugan ang
at Implikasyon Nito produksiyon
• Napahahalagahan ang mga salik ng
produksiyon at implikasyon nito
5 Ang Pagkonsumo • Naipaliliwanag ang konsepto ng
pagkonsumo
• Nasusuri ang mga salik
na nakaaapekto sa
pagkonsumo
6 Karapatan ng mga Mamimili • Nauunawaan ang mga karapatan ng
isang mamimili
• Naipamamalas ang talino sa
pagkonsumo sa pamamagitan ng
paggamit ng pamantayan sa pamimili
• Nagagampanan ang mga tungkulin
ng isang matalinong mamimili

vi MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


Aralin 1
Kahulugan ng Ekonomiks
Simulan Mo!
Pagmasdan ang mga sumusunod na larawan. Isulat sa mga patlang na
nakalaan ang sitwasyon na ipinahihiwatig ng bawat isa.
1. 2.

Sitwasyon Sitwasyon

3. 4.

Sitwasyon Sitwasyon

5. 6.

Sitwasyon Sitwasyon

Ang mga larawan sa itaas kalakip ang mga sitwayon o pangyayari ay may
kaugnayan sa ekonomiks. Ang bawat pagkilos, pagpapasiya, at kaganapan sa iyong
kapaligiran at bansa ay may relasyon sa ekonomiks.

Baitang 9 Unang Markahan 1


Sa aralin na ito, malalaman mo ang pinagmulan ng ekonomiks, mga
konsepto, at kontribusyon ng mga maimpluwensiyang tao sa larangan ng ekonomiks.
Mauunawan mo rin dito ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks at ang
epekto nito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay at sa ekonomiya ng
bansa.

Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.
EKONOMIKS: ANG PINAGMULAN AT KAHULUGAN
NITO BILANG ISANG AGHAM PANLIPUNAN
Ang salitang “ekonomiks” ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia
na nangangahulugang “pamamahala ng sambahayan.” Ito ay binubuo ng
dalawang salita—ang oikos na ang kahulugan ay “sambahayan” at ang salitang
nomos na ang ibig sabihin naman ay “sistema ng pamamahala.” Hindi lamang ang
pamamahala ng sambahayan ang sinasaklawan ng oikonomia kung ‘di ang buong
sektor ng lipunan at ng buong bansa.
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na sistematikong pinag-aaralan
at sinusuri ang pagpili, pagdedesisyon, at paglalaan sa paggamit ng mga
limitadong pinagkukuhanang-yaman upang matugunan ang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Sinusubukan ng ekonomiks na matugunan ang mga katanungan at paksa
ayon sa siyentipikong pamamaraan. Masusi nitong inaalam ang iba’t ibang
kadahilanan at pamamaraan sa paggamit ng iba’t ibang modelo, datos, at teorya
upang makamit at magkaroon ng masusing pag-aaral at kasagutan ang bawat
sitwasyon.

Gawain 1:
Basahing mabuti ang isang sitwasyon sa ibaba. Isulat sa talaan ang mga
hinihingi nito ayon sa pagkakasunod-sunod at naaayon na halaga ng bawat
gastusin.
Si Daphne ay isang mag-aaral na nasa ika-10 baitang. Ang pang-araw-araw
niyang baon ay 200 piso. Ang karaniwan niyang gastusin ay ang mga
sumusunod:
1. pamasahe
2. pagkain
3. load sa cell phone
4. proyekto sa paaralan (xerox, school supplies, at iba pa)
5. koleksiyon na pinback buttons
2 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN
Kung ikaw si Daphne, alin sa mga nabanggit na gastusin ang iyong
unang bibigyang-halaga at ang iyong pinakahuling bibigyang-halaga. Isulat sa
unang bilang ang pinakamahalagang gastusin at sa huling bilang naman ang
pinakahuling gastusin na iyong isasaalang-alang. Ano ang iyong magiging
desisyon? Paano mo hahatiin ang buong halaga ng iyong baon sa mga nabanggit
na gastusin? Ilagay sa talaan ang iyong sagot.
Gastusin Halaga (piso)
1.
2.
3.
4.
5.
Pangkalahatang gastusin:

Pamprosesong tanong:
Sa iyong palagay, may kaugnayan ba ang gawain sa itaas sa ekonomiks? Ipaliwanag.

SANGAY NG EKONOMIKS
Ang ekonomiks ay maaaring pag-aralan sa dalawang antas. Maaari ding
pag-aralan ang pagpapasiya ng bawat indibidwal, ang bawat interaksiyon ng
sambahayan at bahay-kalakal sa merkado, at ang kalakal at operasyon ng
buong ekonomiya. Ito ay maaaring maunawaan sa pag-aaral ng dalawang
sangay ng ekonomiks—ang maykroekonomiks at makroekonomiks.
Ang maykroekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na mikros o
mikro oikonomia na ang ibig sabihin ay “maliit na pamamahala.” Ito ay isang
sangay ng ekonomiks na sumusuri sa mga gawain at pagpapasiya ng bawat
sektor sa lipunan. Ang mga sektor na ito ay ang sambahayan na sektor o
indibidwal at bahay-kalakal. Ipinaliliwanag ng maykroekonomiks ang ugnayan at
implikasyon ng bawat sektor sa ekonomiya sa pagpili, pagkonsumo, at
produksiyon ng kalakal at serbisyo.

Baitang 9 Unang Markahan 3


Samantala, ang makroekonomiks naman ay nagmula sa salitang Griyego na
makros o makro oikonomia na ang ibig sabihin ay “malaking pamamahala.” Ito ay
isang sangay ng ekonomiks na sumusuri sa pangkabuuang ekonomiya. Sinusuri
rito ang pangkalahatang produksiyon ng kalakal at serbisyo at kabuuang kita ng
buong bansa. Ipinaliliwanag din nito ang epekto ng trabaho, presyo, produksiyon,
at suplay ng pera ng bansa.

Gawain 2
Pangkatin ang mga salita sa loob ng kahon ayon sa dalawang sangay ng ekonomiks.

dami ng Pilipinong walang prodyuser bahay-kalakal


trabaho
indibidwal na pagkonsumo gastusin ng pamahalaan sambahayan
export ng bigas kita ng kompanya globalisasyon

Maykroekonomiks Makroekonomiks

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong naging basehan sa pagpapangkat ng mga salita?

2. Ano-ano ang mga pagkakaiba ng dalawang pangkat?

4 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


Gawain 3
Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa paksa sa ibaba. Isulat ito sa isang
buong papel.

Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng bawat sangay ng ekonomiks?

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Pagkaunawa Malinaw ang May bahagyang Hindi gaanong Hindi
Ukol sa pagkaunawa sa kakulangan sa maliwanag at may maipaliwanag
Presentasyon paksa. pagkaunawa at kalabuan ang mga ang mga ideya at
pagpapahayag ideya. walang kabuluhan.
ukol sa paksa.
Organisasyon Malinaw at Maayos ang Bahagyang Magulo ang
maayos ang organisasyon magulo ang pagkakasunod-sunod
pagkakasunod-sunod ngunit hindi pagkakasunod-sunod ng presentasyon.
ng impormasyon. ito masyadong ng presentasyon.
naipaliliwanag.
Lalim ng Napakalalim ng Malalim ang Medyo mababaw Mababaw ang
Repleksiyon pang-unawa at pang-unawa ang pang-unawa at pang-unawa at
pagpapahayag ng ngunit hindi pagpapahayag ng pagpapahayag ng
kaalaman. gaanong kaalaman. kaalaman.
maipahayag
nang maayos
ang kaalaman.
Kabuuang
Puntos

Baitang 9 Unang Markahan 5


ANG MGA MAHAHALAGANG AMBAG AT KAISIPAN NG MGA EKONOMISTA
Ang mga sumusunod ay ang mga kilalang ekonomista na may mga
mahahalagang ambag at kaisipan tungkol sa ekonomiks.
1. Adam Smith (1723–1790)
Siya ay isang Scottish na kilala bilang “Ama ng Klasikong
Ekonomiks.” Ang kaniyang aklat na An Inquiry into the Nature and
Causes of the Wealth of Nations (1776) at fte fteory of Moral
Sentiments (1759) ay nakilala tungkol sa pagsisiyasat ng kayaman at
kaunlaran. “Wealth of the Nation”, “Invisible hand theory”, Laissez-faire
na tumutukoy sa pamamagitan ng paggawa ng produkto at serbisyo.
2. David Ricardo (1772–1823)
Siya ay isang classical English political economist. Nakilala siya
sa Law of Comparative Advantage at ang kapwa kapakinabangan sa
kalakalan. Siya rin ang nagbigay-kaalaman sa konsepto ng Law of
Diminishing Returns.
3. John Stuart Mill (1806–1873)
Siya ay isang English philosopher at klasikong ekonomista na
naging simbolo ng “Utilitarianism” o Utilitarianismo na nagbibigay ng
kasiyahan at kapakinabangan para sa karamihan. Nakilala si Mill sa
kaniyang akda na Essays on Some Unsettled Questions of Political
Economy at ang inilimbag niyang aklat na Principles of Political
Economy noong 1842.
4. Alfred Marshall (1842–1924)
Siya ay isang British economist na kung saan ang kaniyang mga
akda ay mula sa pinagsamang kaalaman ng klasikal at utilitarianismo na
tinawag niyang, “Neoclassical Economics.” Ang kaniyang edisyon na
sumikat sa England ay ang Principles of Economics (1890) na binuo niya
ang maraming konsepto sa maykroekonomiks.
5. Marie-Esprit-Leon Walras (1834–1910)
Siya ay isang French mathematical economist at Georgist. Siya
ang naglinang ng teoryang “Marginal Utility.” Nakilala si Walras sa
kaniyang akda na, Elements of Pure Economics na kung saan
ipinaliwanag niya ang teorya ng “General Equilibrium” ng demand at
suplay.
6. Karl Heinrich Marx (1777–1838)
Siya ay isang German political philosopher. Nakilala siya bilang “Father
of Communism” ng Neoclassical School. Matalino niyang pinag-aralan
ang iba’t ibang uri ng komunismo. Nakilala ang kaniyang mga
akdang, Das Kapital at Outlines of the Critique of Political Economy.
Pinalawak niya ang pag-unawa sa, fte Labor fteory of Value and
6 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN
Exploitation.
7. John Maynard Keynes (1883–1946)
Siya ay isang modern English philosopher na mas nakilala sa
Keynesian School. Siya ang may akda ng, fte General fteory of
Employment, Interests, and Money (1936). Siya ang nagbigay ng ideya
na naging batayan ng teorya at kaugalian sa maykroekonomiks.

Ang mga gawain, pananaliksik, at pagbibigay ng kahulugan sa mga teorya at


modelo para sa siyentipikong pag-aaral ng ekonomiks ay isang mahusay na
paggawa ng mga ekonomista.

Gawain 4
Bumuo ng pangkat sa klase. Pumili ng isang ekonomista at gumawa ng isang
presentasyon na magpapaliwanag sa kaniyang mga konsepto at kontribusyon
bilang isang ekonomista. Ipaliwanag ang mga konsepto at magbigay ng mga
halimbawa na naaayon sa teoryang mababanggit.
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na
ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Nilalaman Makabuluhan Substansiyal ang Sapat ang mga Mauunawaan
ng Paksa/ ang mga mga nilalaman at impormasyon ang ibang
Impormasyon impormasyon nakapagbibigay ngunit hindi impormasyon,
at maayos na ng impormasyon gaanong ngunit may
naipaliliwanag ukol sa paksa malinaw ang kakulangan sa
ang paksa na na ibinahagi sa pagpapaliwanag pagpapaliwanag
ibinahagi sa pag-uulat. sa paksa. sa paksa.
pag-uulat.
Pagtugma Nakapaghahatid Hindi gaanong May kaunting Malabo ang
sa Paksa at nang mahusay nakapaghahatid pagkakaiba ang halimbawa at
Impormasyon na halimbawa nang malinaw mga halimbawa magulo ang
at malinaw na halimbawa at may hindi pag-ugnay ng
na naiuugnay at may kaunting gaanong sagot sa paksa.
ang mga kakulangan sa naiuugnay na
sagot sa pag-ugnay ng sagot sa paksa.
mga sagot sa paksa.
katanungan.
Paglalapat at Maayos at May bahagyang Hinid gaanong Hindi lubos
Organisasyon malinaw ang walang kahusayan maayos at na naipakikita
ng Ideya at mga ideya at sa pag-ayos at malinaw ang ang paglalapat
Malinaw na paglalapat nito linaw ng ideya. presentasyon at organisasyon
Kaugnayan ng sa paksa. Hindi gaanong ng mga idea at ng mga ideya.
Paglalahad ng nailalapat ang may kaunting Marami
Paksa pananaliksik. kalabuan. ang walang
kaugnayan sa
paksa.

Baitang 9 Unang Markahan 7


Pag-Unawa at Malakas ang Magaling ngunit Hindi Hindi lubos na
Pagbibigay- hatak/dating sa hindi masyadong nakapupukaw nakapupukaw ng
Interes sa mga manonood nakapagpapanatili ng atensiyon sa atensiyon sa mga
Manonood at nag-iiwan ng atensiyon sa mga manonood manonood at
ng isang mga manonood. at kailangan kailangan pang
magandang pang pag- pag-ibayuhin.
impresyon o ibayuhin.
kakintalan.
Ginamit sa Ipinakikita Hindi gaanong Marami ang Walang naibigay
Pagkuha ng ang kahusayan naipakikita ang kakulangan na ginamit na
Impormasyon at dami ng mga ginamit na na ginamit na impormasyon.
sinaliksik na impormasyon impormasyon
(Sources)
impormasyon. ngunit tama ang at/o may ibang
Tama ito sa mga inpormasyon. kamalian sa
ibinigay na paggamit ng
impormasyon. impormasyon.
Kooperasyon Naipamamalas Naipamamalas Naipamamalas Isa o
Ng Bawat ng bawat ng karamihang ng iilang dalawa
Miyembro miyembro ang miyembro ang miyembero ang lamang ang
pagkakaisa sa pagkakaisa sa pagkakaisa sa gumawa ng
paggawa ng paggawa ng paggawa ng gawain.
gawain. gawain. gawain.

Kabuuang
Puntos

Gawain 5
Unawain nang mabuti ang pahayag sa ibaba mula sa isang ekonomista.
Gumawa ng isang sanaysay ayon sa iyong interpretasyon at pagkaunawa rito.

p na isang doktrina. Ito ay pamamaraan ng pag-iisip na tumutulong sa nagpo-proseso upang makagawa ng isang

8 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Nilalaman sa Komprehensibo May ilang May mga Maraming
Pagpapahalaga ang nilalaman. kakulangan kakulangan kakulangan
ng Natalakay Nagbibigay sa nilalaman. sa nilalaman. sa nilalaman.
sa Aralin ng mahigit sa Nakapagbibigay Nakapagbibigay Walang teorya
dalawang teorya ng isang teorya ng isang at sanggunian.
bilang batayan. bilang batayan. teorya ngunit
Nagbibigay ng Nagbibigay ng hindi gaanong
karagdagang karagdagang nagbibigay ng
kaalaman mula sa kaalaman mula sa kaugnayan
dalawa at higit pa isang sanggunian. sa paksa at sa
na sanggunian. sanggunian.

Organisasyon Maganda ang Hindi gaanong May Walang


ng Ideya presentasyon. maayos ang kaguluhan ang kaayusan sa
Maayos at pagkakasunod-sunod presentasyon. pagkakasunod-sunod
lohikal ang ng mga ideya. Nakalilito ang ng mga ideya.
pagkakasunod-sunod Bahagyang may karamihan na Hindi organisado
ng mga ideya. kalituhan sa mga paliwanag ang pagkalahad sa
Makabuluhan pagpapaliwanag at at pagtalakay sa mga ideya.
ang bawat talata pagtalakay sa mga mga ideya.
dahil sa husay ng ideya.
pagpapaliwanag at
pagtalakay sa mga
ideya.
Paglalahad Sinuri nang Hindi masyadong Hindi maganda Walang
ng Pananaw mabuti ang malinaw ang at malinaw pagsusuring
at Batayan ng sariling pananaw pagsuri ng sariling ang pagkasuri nagawa o walang
Mensahe na inilahad. pananaw. May ng sariling koneksiyon at
Nakabatay ang batayan sa mensahe pananaw. Ang may kalabuan ang
mensahe sa mga ngunit, hindi batayan ng pagsusuri. Ang
sangguniang lahat o isa lang mensahe ay mensahe ay walang
ginamit at mga ang sanggunian hindi gaanong batayan.
paksa sa aralin. at paksa mula sa nagamit.
aralin ang ginamit.
Pag-Unawa at Malakas ang Magaling ngunit Hindi Hindi lubos na
Pagbibigay- hatak/dating sa hindi masyadong nakapupukaw nakapupukaw
Interes Sa mga manonood nakapagpapanatili ng atensiyon ng atensiyon sa
Manonood at nag-iiwan ng ng atensiyon sa sa mga mga manonood
isang magandang mga manonood. manonood at at kailangan pang
impresyon o kailangan pang pag-ibayuhin.
kakintalan. pag-ibayuhin.
Kabuuang
Puntos

Baitang 9 Unang Markahan 9


PAGSUSULIT
I. Kilalanin ang ekonomista na tinutukoy sa mga sumusunod na pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa patlang na nakalaan.
1. Ang kaniyang mga akda ay mula sa pinagsamang
kaalaman ng klasikal at utilitarianismo na tinawag
niyang, “Neoclassical Economics.”
2. Isa siya sa mga pinakamaiimpluwensiyang
ekonomista sa makabagong ekonomiya.
3. Siya ang tinaguriang “Ama ng Ekonomiks.”
4. Siya ay namulat sa hindi makatarungang pagtrato sa
mga manggagawa.
5. Siya ang nagpayaman sa kaalaman ng Comparative
Advantage.
6. Nakilala siya sa kaniyang akdang Das Kapital.
7. Siya ang naglimbag ng mga konsepto para sa
pagsusuri ng makroekonomiks.
8. Isa siyang maimpluwensiyang ekonomista na
nagbigaylinaw sa teorya ng utility.
9. Binigyang-pansin niya ang kahalagahan ng
produksiyon sa ekonomiya.
10. Ayon sa kaniya, maaaring maapektuhan ang laki o
liit ng pamumuhunan sa bawat ikot ng panahon
ng mga negosyo.

II. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Punan ang patlang ng tamang sagot.
1. Ang ay isang pamamahala ng sambahayan.
2. Ang ay isang sangay ng ekonomiks na sumusuri
sa pagbuo ng desisyon ng dalawang mahalagang sektor sa lipunan, ang
bahay-kalakal at sambahayan.
3. Sinisiyasat ng ang problema sa unemployment,
presyo ng gasolina sa buong mundo, at sa pangkalahatang suliranin ng bansa.
4. Ang ay ang pinagsamang teorya ng klasikal at
utilitarianismo.

10 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


5. Ang ekonomiks ay isang na ang layunin ay
mapag-aralan at suriin ang pagpili, pagdedesisyon, at paglalaan sa paggamit
ng mga limitadong pinagkukuhanang-yaman.

6. Ang maykroekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na


na ang ibig sabihin ay “maliit na pamamahala.”

7. Ang makroekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na


.

8. Ang salitang ekonomiks ay mula sa dalawang salitang Griyego na


9. at .

10. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na ang


ay mapag-aralan at suriin ang pagpili, pagdedesisyon, at paglalaan sa
paggamit ng mga limitadong pinagkukuhanang-yaman.

III. MAPANURING KAISIPAN


Magbigay ng kaalamang-intelektuwal upang suriin ang sitwasyon sa
ibaba batay sa iyong natutunan at pag-iisip na may kaugnayan sa paksa.
Isulat ito sa isang buong papel.
Ang tatay mo ay isang inhenyero at ang nanay mo naman ay isang
accountant. Nais nilang magpagawa ng isang maliit na kuwarto para sa iyong
study room. May gustong disenyo ang iyong nanay at may ibang disenyo rin
ang tatay mo. Pinapipili ka ng iyong nanay at tatay kung anong disenyo ng
kuwarto ang iyong pipiliin. Kaninong disenyo ang pipiliin mo? Ano ang
iyong naging basehan?
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka
sa gawain na ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Pagpapaliwang Malinaw na Malinaw ang May kaunting May kakaunting
sa Isyu o Paksa nabubuod ang pagpapaliwang kalinawan kalinawan o
isyu o paksa sa isyu o paksa tungkol sa pagkilala sa isyu
at mahusay na ngunit hindi isyu o paksa o paksa. Ang
naipaliliwanag maipaliwanag ngunit hindi pagpapaliwanag
kung bakit o nang maayos maipaliwanag ay hindi ayon o
paano. kung bakit o ang sapat na angkop sa isyu o
paano. impormasyon o paksa.
kadahilanan.

Baitang 9 Unang Markahan 11


Pagtugma Nakapaghahatid Hindi gaanong May kaunting Malabo ang
sa Paksa at nang mahusay nakapaghahatid pagkakaiba ang halimbawa at
Impormasyon na halimbawa nang malinaw mga halimbawa magulo ang
at malinaw na halimbawa at at may hindi pag-ugnay ng sagot
na batayan. may kaunting gaanong sa paksa.
Naiuugnay ang kakulangan naiuugnay
mga sagot sa sa pagbigay na sagot sa
mga katanungan ng batayan paksa dahil
o sitwayon. sa pag- sa mahinang
ugnay ng batayan.
sagot o
sitwasyon.
Pagbibigay ng Pagbibigay ng May bahagyang Hindi gaanong Malabo ang
Makabuluhang makabuluhang walang maayos at pagpapahayag ng
Pananaw pananaw kahusayan malinaw ang pananaw. Marami
Maayos at sa pag-ayos konteksto ang walang
malinaw ang ng konteksto ng pananaw. kaugnayan sa
mga konteksto ng pananaw. May hindi paksa o tanong.
ng sariling Hindi gaanong kanais-nais
pananaw at nailalapat ang o hindi
paglalapat nito pananaliksik. inaasahang mga
sa paksa. salita.
Kabuuang
Puntos

12 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


Aralin 2
Kahalagahan ng Ekonomiks
sa Pamumuhay at Lipunan
Simulan Mo!
Unawain ang mga sitwasyon sa talahanayan sa ibaba. Sagutin ang kaakibat
na katanungan ng bawat isa.
Sitwasyon Katanungan Ano ang iyong gagawin
at pagpapasiya?
Binibigyan ka ng 150 Ano ang gagawin mo
piso araw-araw para sa sa pera na ibinibigay
iyong gastusin. sa iyo araw-araw?
Binigyan ka ng Bibilhin mo ba ang
second hand na cell bagong cell phone o
phone ng iyong gagamitin mo na lang ang
kapatid para ibinigay sa iyo ng kapatid
makatipid, ngunit may mo?
nag-aalok sa iyo na
cell phone na mas bago sa
halagang walong libo
piso.
Inimbitahan ka ng iyong Ano ang dapat mong
kaibigan na manood ng unahin na gawin?
sine dahil may free ticket
siya sa araw na iyon,
ngunit may mahaba kang
pagsusulit kinabukasan.
May takdang-aralin Nakabubuti kaya na
ka tungkol sa isyu ng kopyahin mo ang
kahirapan ng bansa. takdang-aralin ng kaklase
Ibinigay ng kaklase o magsaliksik na lamang?
mo ang kaniyang
takdang-aralin sa iyo.

Sa pagsasanay na ito, hinamon ang iyong pag-iisip sa bawat sitwasyon na


mabigyan ng karapat-dapat na pagpapasiya ang mga ito.
Sa aralin na ito, malalaman mo ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks.
Mahalaga na magkaroon ka ng masusing pagsusuri at pananaliksik upang maunawaan
nang mabuti ang bawat sitwasyon na maaaring magkaroon ng epekto sa iyong
buhay, lipunan, at bansa.
Baitang 9 Unang Markahan 13
Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Ang iyong kaalaman sa ekonomiks ay nagmumula sa iyong sambahayan. Ito
ay ang pamamahala ng mga limitadong pagkukuhanang-yaman katulad na
lamang ng pera, pagkain, tubig, oras, at kagamitan. Kung natutunan mo ang
pangunahing kaalaman tungkol sa ekonomiks, mas lalalim pa ang iyong pang-unawa
sa kahalagahan at kamalayan sa ekonomiks.
Bilang isang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng kamalayan at pang-unawa
sa pag-aaral ng ekonomiks at ang kahalagahan nito sa iyong pamumuhay.
1. Matutunang unawain ang mga kaganapan sa iyong lipunan
Mahalaga na maunawaan mo ang nakaraan at pangkasalukuyang
pangyayari sa iyong lipunan. Ang pagsisiyasat sa mga pangyayari katulad ng
mga kasaganahan, sakuna, trahedya, kaguluhan, kagutuman, kahirapan,
at iba pang kaganapan ay makatutulong na madali mong maunawan ang
pag- aaral ng ekonomiks. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng
paggamit ng siyentipikong pamamaraan at mga modelo.
2. Lahat ng bansa ay kabahagi ng pangkalahatang ekonomiya
Mahalaga na maunawaan mo ang relasyon, transaksiyon, at mga
pangyayari sa buong mundo. Ang bawat kilos, pagpapasiya at gawain ng
isang bansa ay maaaring magkaroon ng epekto sa ekonomiya, sa
relasyon, o sa transaksiyon sa ibang bansa.
3. Maging isang mulat at aktibong miyembro ng lipunan
Bilang isang kasapi ng lipunan, mahalagang malaman mo ang iyong
responsabilidad sa ikagaganda ng iyong buhay at ng bansa. Dapat na
maging bukas ang iyong isipan at maging mapanuri at mapagmasid sa mga
kaganapan sa lipunan upang ang mga miyembro nito ay makilahok sa
mga programang pang-ekonomiya.

14 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


Gawain 6
Bilang isang miyembro ng lipunan, ano ang iyong gagawin upang
magkaroon ng pag-unawa at kamalayan sa mga pangyayari sa iyong lipunan. Isulat
ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Pamprosesong tanong:
Ipaliwanag ang iyong kadahilanan sa bawat gagawin mo upang magkaroon
ng pag-unawa at kamalayan sa mga pangyayari sa lipunan.
1.

2.

3.

4.

Baitang 9 Unang Markahan 15


Gawain 7
Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa paksa sa ibaba. Isulat ito sa isang
buong papel.

Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks para sa isang mag-aaral?

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Pagkaunawa Malinaw ang May bahagyang Hindi gaanong Hindi
Ukol sa pagkaunawa sa kakulangan sa maliwanag at may maipaliwanag ang
Presentasyon paksa. pagkaunawa at kalabuan ang mga mga ideya at walang
pagpapahayag ideya. kabuluhan.
ukol sa paksa.
Organisasyon Malinaw at Maayos ang Bahagyang Magulo ang
maayos ang organisasyon magulo ang pagkakasunod-sunod
pagkakasunod-sunod ngunit hindi pagkakasunod-sunod ng presentasyon.
ng impormasyon. ito masyadong ng presentasyon.
naipaliliwanag.
Lalim ng Napakalalim ng Malalim ang Medyo mababaw Mababaw ang
Repleksiyon pang-unawa at pang-unawa ang pang-unawa at pang-unawa at
pagpapahayag ng ngunit hindi pagpapahayag ng pagpapahayag ng
kaalaman. gaanong kaalaman. kaalaman.
maipahayag
nang maayos ang
kaalaman.

Kabuuang
Puntos

16 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


Gawain 8
Bumuo ng pangkat sa klase. Gumawa ng isang video presentation ukol sa
paksang, “Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ekonomiks.” Mag-isip ng mga
paraan, gawain, o halimbawa para maipaliwanag nang mabuti ang paksa.
Layunin Ibahagi sa mga tagapanood ang kahalagahan ng ekonomiks at
magbibigay ng mga halimbawa o paraan upang mahikayat ang
mga tagapanood na makinig, maunawaan ang paksa, at makilahok
sa mga proyekto na may kaugnayan sa ekonomiya
Tagapanood Estudyante mula sa high school Gumawa ng isang video
Gawain presentation na nagbibigay-kaalaman at kahalagahan ng pag-aaral
ng ekonomiks. Magbigay ng kongkretong halimbawa kung paano
makatutulong sa pagbukas ng kamalayan.
Tungkulin Ang grupo ay ang mga kinatawan at speaker mula sa isang
Sitwasyon organisasyon. Naimbitahan ang inyong grupo upang imulat ang
kaalaman ng mga estudyante ukol sa kahalagahan ng ekonomiks
at hikayatin sila na maging responsableng mamamayan.

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Organisasyon Mahusay ang May lohikal ang Hindi gaanong Hindi maayos
organisasyon at organisasyon ngunit maayos ang ang organisasyon
pagkakasunod-sunod hindi masyadong organisasyon ng mga
ng mga pangyayari mabisa ang ng mga ideya/pangyayari
sa video. pagkakasunod-sunod ideya/pangyayari at walang angkop
ng mga pangyayari. at walang angkop na panimula at
na panimula at wakas.
wakas.
Orihinalidad Ang video na Mahusay dahil Karaniwan ang Hindi orihinal
ginawa ay naaayon hindi masyadong konsepto ng video. ang konsepto, ito
sa makabago at karaniwan o ay pangkaraniwan
natatanging paksa madalas mangyari at may ginayahan
at makabago ang ang konsepto ng na video.
konsepto. video.

Baitang 9 Unang Markahan 17


Boses o Ang boses/tinig Ang tinig ng Hindi gaanong Hindi malinaw
Tinig ng tagapagsalaysay tagapagsalaysay malinaw ang ang boses/tinig ng
ay maayos at ay hindi gaanong boses/tinig ng tagapagkuwento at
malinaw para sa malinaw para sa tagapagkuwento at hindi gumagamit
mga tagapakinig/ mga tagapakinig/ hindi rin gaanong ng iba’t ibang
tagapanood. tagapanood. gumagamit ng himig sa
Gumagamit ng Gumagamit lamang iba’t ibang himig pagbibigay-diin sa
iba’t ibang himig sa ng iilang himig sa sa pagbibigay-diin pagpapahayag ng
pagpapahayag ng pagpapahayag ng sa pagpapahayag damdamin.
damdamin. damdamin. ng damdamin.
Paghikayat Malakas ang Magaling ngunit Hindi gaanong Hindi
ng hatak/dating sa hindi masyadong nakapupukaw ng nakapupukaw
Manonood mga manonood nakapagpapanatili atensiyon sa mga ng atensiyon sa
at nag-iiwan ng ng atensiyon sa mga manonood. mga manonood
isang magandang manonood. at hindi nagbigay
impresyon o ng interes.
kakintalan.

Ekspresyon Makikita ang Hindi masyadong Ang mga Ang mga


ng Mukha pagiging sinsero ng naipakikita ang damdaming damdaming
tagapagkuwento pagiging sinsero nakalahad sa nakalahad
sa bawat salitang at mababanaag kuwento ay hindi sa kwento ay
kaniyang sa mukha ang gaanong nakitaan hindi nakitaan
binibitawan. pagiging kabado. sa ekspresyon ng sa ekspresyon
mukha. ng mukha ng
tagapagkuwento.
Produksiyon Ang paggamit Ang paggamit ng Ang pagggamit Ang lahat ng letra,
ng letra, larawan, letra, larawan, ng letra, larawan, larawan, musika,
musika, at musika, at musika, at at animations ay
animations ay animations ay animations ay hindi angkop
magandang tingnan hindi gaanong hindi angkop at paminsang
at nababasa/ magandang tingnan at paminsang masakit sa mga
nakikita ng mga at hindi masyadong masakit sa mga mata kung tingnan
tagapanood kahit nababasa/nakikita mata kung tingnan dahil hindi tama
na nasa malayo. ng mga tagapanood. dahil hindi tama ang kombinasyon.
ang kombinasyon
ng mga kulay o
size nito.
Kabuuang
Puntos

18 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


Paraan sa Pagsisiyasat
Ang pag-aaral ng ekonomiks ay isang malawakang pag-iisip at pag-unawa sa
mga pangyayari sa bawat indibidwal, lipunan, at bansa. Sa ano mang sitwasyon ay
maaaring may suliranin na kinahaharap ang ekonomiya ng bansa. Ito ay madaling
mauunawaan sa pamamagitan ng pagsisisiyasat ng mga sitwasyon at paggamit ng
siyentipikong mga pamamaraan.
May dalawang paraan sa pagsisiyasat, pagsusuri, at pag-unawa sa mga sangay ng
ekonomiks. Ito ay ang positive economics at normative economics.
Ang positive economics ay inilalarawan at ipinaliliwanag ang kalagayan
Ano ang
ng ekonomiya nang hindi gumagawa ng paghahatol o pagpapasiya. nangyari nang
Layunin nito na maipaliwanag nang huwaran kung paano mangyayari o itinaas ang
buwis na
nangyari ang isang bagay sa pamamagitan ng mga datos. Karaniwang binabayaran ng
sinasagot nito ang tanong na, ano? bawat tao?
Samantala, ang normative economics naman ay inilalarawan at Dapat ba na
ibaba ang buwis
ipinaliliwanag ang kalagayan ng ekonomiya nang may pagpapasiya o na binabayaran
paghahatol. Sinasagot nito ang katanungan na, ano ang dapat? Ito ay ng mga tao o
tinatawag din na “economic policy,” dahil ito ay may kaugnayan sa sundin ang
pangkasalukuyan
pagbabalangkas ng patakaran at alituntuning pang-ekonomiya. g buwis?

Gawain 9
Bumuo ng pangkat sa klase. Magsagawa ng debate tungkol sa isang
makasaysayan na isyu ng bansa.
Makabuo ng isang epektibong kritikal na kaisipan sa pangunahing
Layunin
isyu sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa debate
Halimbawa: Dapat ba na ibaba ang buwis na binabayaran ng mga
Isyu
tao o sundin ang pangkasalukuyang buwis?
Tungkulin Magtalaga ng affirmative at negative na grupo. Ang dalawang
Sitwasyon panig ay dapat makabuo ng pagkakaisa at katibayan para sa bawat
posisyon.
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na
ito.
Pamantayan Mahusay Katamtaman Kakulangan sa
Kahusayan
5 4–3 2–1
Kaalaman Ukol Naipahahayag ang Naipahahayag Hindi naipahahayag
sa Paksa kaisipan nang malinaw ang kaisipan nang ang kaisipan nang
at maayos ukol sa katamtamang linaw at maayos at malinaw.
paksa. kaayusan ukol sa paksa. Walang kaisipan na
May higit sa tatlong May higit sa isang nabanggit ukol sa
kaisipan ang nabanggit kaisipan ang nabanggit paksa.
ukol sa paksa. ukol sa paksa.

Baitang 9 Unang Markahan 19


Pangangatwiran May mga katibayan May isang katibayan May kalabuan
na nabanggit para sa na nabanggit para ang katibayan na
pangangatwiran at may sa pangangatwiran nabanggit para sa
malakas na kaugnayan ngunit wala masyadong pangangatwiran at
ito. kaugnayan ito. walang kaugnayan.
Pagtuligsa Sapat at malinaw Hindi gaanong malinaw Walang sapat at
ang pagpapaliwanag ang pagpapaliwang kalinawan ang
tungkol sa ipinahiwatig ng isa o dalawang pagpapaliwanag
ng kabilang panig. ipinahiwatig ng kabilang tungkol sa
panig. ipinahiwatig ng
kabilang panig.
Presentasyon at Malinaw ang salita, Hindi ganap na Hindi lubos na
Paghikayat sa tinig, at kabuuang malinaw ang salita, malinaw ang
Manonood presentasyon upang tinig, at presentasyon. salita, tinig, at
maakit ang mga presentasyon.
tagapanood.
Kabuuang
Puntos

Sistematikong Paggamit ng Siyentipikong Pamamaraan


Ang sistematikong pamamaraan ay ang pag-aaral sa pagtukoy sa suliranin na
maaaring magbigay-gabay sa matalas na pagdedesisyon at konklusyon na
maaaring may kaugnayan at epekto sa ekonomiya.
Mahalagang matukoy ang suliranin ng
isang sektor ng lipunan upang maging gabay sa
pagsusuri ng isang mananaliksik. Pagtukoy sa suliranin
Ang pagbuo ng teorya o hypothesis ay isang
panimulang pagpapaliwanag sa suliranin para Pagbuo ng teorya
sa karagdagang pagsisiyasat. o hypothesis
Sa pag-aaral ng suliranin, kailangan na
malikom ang mga datos sa mga aklat, panayam,
Paglikom ng datos
at artikulo ng mga eksperto na may kaugnayan
sa suliranin.
Ang mga datos na nalikom ay mahalagang Pagsusuri ng datos at
siyasating mabuti upang ito ay madaling suriin pagpapatibay nito
para sa pagbuo ng matibay na konklusyon.
Puwede itong gamitan ng iba’t ibang Pagbuo
instrumento sa pag-aaral katulad ng paggamit ng konklusyon
ng tsart, proseso ng daloy, mga pigura,
talahanayan, at iba pa.

20 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


Gawain 10
Tulungan mo si Allan sa kaniyang problema sa pamamagitan ng paggawa ng isang
flowchart. Basahin ang kuwento upang malaman mo ang dapat gawin.

Si Allan ay gumagamit ng kompyuter nang


biglang nag-alarm ang kaniyang orasan para sa
susunod na klase. Gusto niyang i-off kaagad ang
power switch ng kompyuter kahit hindi pa niya
inila-logout ang kaniyang Yahoo! Mail. Bigla siyang
pinigilan ng kaniyang kaibigan na si Rey at
sinabing, “Huwag mo basta i-off ang kompyuter
hangga’t hindi mo pa naisasara ang mga binuksan
mong websites. I-off mo nang maayos para hindi
masira ang kompyuter.”

Gumawa ng isang flowchart para maipakita kay Allan ang tamang paraan ng
pag-off ng kompyuter. Gumamit ng PowerPoint para mapaganda at mas madaling
maunawaan ang iyong presentasyon.
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na
ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Nilalaman at Ang Ang PowerPoint Ang PowerPoint Ang PowerPoint
Organisasyon PowerPoint presentation presentation ay presentation ay
ng presentation ay mahusay at hindi gaanong hindi nagbigay
Impormasyon ay pumukaw ang daloy ng nagbigay-pukaw ng pansin at
ng pansin sa impormasyon ay at ang daloy ng nakalilito at
kahusayan bahagyang may impormasyon kulang ang daloy
ng pagkaka- kakulangan. ay may ng impormasyon.
organisa at kakulangan.
nagbibigay
ng mahusay
na daloy ng
imprmasyon.
Nilalaman at Mahusay ang May kahusayn Hindi gaanong Malabo at
Organisasyon paggamit ng sa paggamit ng mahusay ang magulo ang mga
ng salita at napaka salita at medyo paggamit ng salita at hindi
Impormasyon malikhain sa malikhain sa salita at hindi nagpapakita ng
Pagkamalikhain presentasyon. presentasyon. masyadong pagkamalikhain sa
at Estilo ng malikain ang presentasyon.
Gamit ng Salita presentasyon.

Baitang 9 Unang Markahan 21


Ang halimbawa Ang halimbawa Ang halimbawa Ang halimbawa ay
ay akma sa ay hindi ay may hindi angkop sa
paksa at ang gaanong akma kakulangan sa paksa at ang layout
layout ay sa paksa at pagtalakay sa ay marami ang
napakahusay. ang layout ay paksa at ang kulang.
hindi gaanong layout ay
mahusay. may
kakulangan sa
presentasyon.
Kabuuang
Puntos

PAGSUSULIT

I. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Punan ang patlang ng tamang sagot.
1. Ang pagbuo ng ay isang panimulang
pagpapaliwanag sa suliranin para sa karagdagang pagsisiyasat.
2. Sa pag-aaral ng suliranin, kailangan na malikom ang mga
sa mga aklat, panayam, at artikulo ng mga eksperto na may kaugnayan
sa suliranin.
3. Inilalarawan ng ang kalagayan ng ekonomiya kung
paano ito nangyari sa pamamagitan ng mga datos. Karaniwang sinasagot
nito ang tanong na ano?
4. Ipinaliliwanag ng ang kalagayan ng
ekonomiya nang may pagpapasiya o paghahatol na may kaugnayan sa batas
o patakarang pang-ekonomiya.
5. Ang ay nangangahulugang “let alone
policy.”
6. Ang ay ang panghuling yugto sa sistematikong paggamit
ng siyentipikong pamamaraan.
7. Ang problema sa pagtaas ng walang trabaho ay tinatawag na
ng ekonomiya.
8. Bilang isang kasapi ng lipunan, mahalagang malaman mo ang mga
sa iyong kapaligiran.
9. Ito ay tinatawag din na , dahil ito ay may kaugnayan
sa pagbabalangkas ng patakaran at alituntuning pang-ekonomiya.
10. Ang positive economics ay karaniwang sinasagot ang tanong na
.

22 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


II. Tukuyin kung ang isinasaad sa bawat pangungusap ay positive economics o
normative economics. Isulat ang iyong sagot sa ikatlong hanay.
1. Itaas ang suweldo ng mga titser para
gumanda ang sistema sa pagtuturo.
2. Kapag ibinaba ang badyet ng pamahalaan,
maaaring bumaba rin ang gastusin nito.

3. Ang pagkakaroon ng subsidy ng pampublikong


transportasyon ay makatutulong sa gastusin ng
mga pasahero.
4. Bigyan ng allowance ang lahat ng
walang trabaho.
5. Ano ang mangyayari kung ang lahat ng
estudyante ay bibigyan ng libreng tuition
fee?
6. Dapat mabigyan ng tamang hustisya ang
mga biktima ng pagnanakaw.
7. Ang presyo ng bigas kada kilo ay dapat na 25
piso para gumanda ang buhay ng mga
magsasaka.
8. Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay
nagdudulot ng maliit na dami ng mga
mamimili sa pamilihan.
9. Kapag umuulan ay dumarami ang
mga pananim.
10. Tuwing bakasyon ay dumarami ang turista
sa Baguio.

III. MAPANURING KAISIPAN


Recycle Plan
Gumawa ng isang project plan tungkol sa pag-recyle ng isang bagay.
Makabuo ng isang proyekto o produkto na magbibigay-kamalayan
Layunin sa mga isyu sa kapaligiran at benepisyo sa paggamit at pag-recycle
ng mga materyales
1. Magsaliksik tungkol sa isyu sa kapaligiran mula sa materyales na
gagamitin.
Gawain 2. Gumawa ng plano sa paggawa ng produkto.
ng bawat 3. Ipakita ang paraan at hakbang sa paggawa ng produkto.
pangkat 4. Alamin ang gastusin.
5. Gumawa ng isang video presentation para ipakita ang mga
hakbang sa
paggawa ng recycle na materyales.
Materyales Kahon, papel, o diyaryo
Baitang 9 Unang Markahan 23
Tema Reduce, reuse, recyle
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Pagpapaliwang Malinaw na Malinaw ang May kaunting May kakaunting
sa Isyu o Paksa nabubuod ang pagpapaliwang kalinawan tungkol kalinawan o
isyu o paksa sa isyu o paksa sa isyu o paksa pagkilala sa isyu
at mahusay na ngunit hindi ngunit hindi o paksa. Ang
naipaliliwanag maipaliwanag maipaliwanag pagpapaliwanag
kung bakit o nang maayos ang sapat na ay hindi ayon o
paano. kung bakit o impormasyon o angkop sa isyu o
paano. kadahilanan. paksa.
Pagtugma Nakapaghahatid Hindi gaanong May kaunting Malabo ang
sa Paksa at nang mahusay nakapaghahatid pagkakaiba ang halimbawa at
Impormasyon na halimbawa nang malinaw mga halimbawa magulo ang
at malinaw na halimbawa at at may hindi pag-ugnay ng
na batayan. may kaunting gaanong sagot sa paksa.
Naiuugnay ang kakulangan naiuugnay na
mga sagot sa mga sa pagbigay sagot sa paksa
katanungan o ng batayan dahil sa mahinang
sitwayon. sa pag- batayan.
ugnay ng
sagot o
sitwasyon.
Kabuuang
Puntos

24 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


Aralin 3
Iba’t-ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Simulan Mo!
Alamin ang mga gastusin at halaga ng bawat isa ng iyong sambahayan sa
isang buwan. Kabuuang kita kada buwan:
Gastusin Halaga (piso)
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Kabuuang halaga

Balanse
(Ibawas ang kabuuang halaga sa kabuuang kita kada buwan)

Sa pagsasanay na ito, nalaman mo kung paano ipinamamahagi ang isang


pinagkukuhanang-yaman katulad ng kinikita ng isang sambahayan. Naunawaan
mo rin ang kahalagahan ng alokasyon ng kahit anong yaman para sa
kapakinabangan ng nakararami.
Sa aralin na ito, mauunawaan mo ang konsepto ng alokasyon at
kaugnayan nito sa kakapusan, pangangailangan, at kagustuhan. Masusuri mo rin
dito ang mga mekanismo ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na isang
batayan sa kakapusan at alokasyon ng mga pinagkukuhanang-yaman.

Baitang 9 Unang Markahan 25


Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.
Ang Pangunahing Suliranin ng Ekonomiks
Ang kakapusan o scarcity ay ang pangunahing suliranin na kinahaharap ng
ekonomiya. Ang ganitong sitwasyon ay nangyayari kung saan ang
pinagkukuhanang-yaman ay limitado dahil sa walang hanggang pangangailangan at
kagustuhan sa mga limitadong pinagkukuhanang-yaman. Ang tao ay may limitasyon
dahil ang pinagkukuhanan ay mula sa likas na yaman.
Ang kakulangan o shortage ay isang kalagayan ng ekonomiya na kung saan
ang suplay ng produkto at serbisyo ay pansamantalang hindi sapat sa
pangangailangan ng mga tao. Ito ay maituturing na panandaliang problema ng
ekonomiya.
Ang nasa ibaba ay ang mga halimbawa ng mga limitadong pinagkukuhanang-yaman
na maaaring kaharapin ng isang sambahayan o ng bansa.

Tubig sa dam Sanhi ng bagyo


Nanay: Nabasa mo ba sa Anak: ‘Nay, wala na pong
diyaryo na tataas na bigas ang mga katabi
naman ang presyo ng nating tindahan.
tubig dahil kakaunti Wala raw pong
na lang ang laman delivery dahil sa
ng dam at limitado nakaraang bagyo.
na rin ang inuming Nanay: Naku, baka hindi na
tubig. umabot ng tatlong
Tatay: Oo nga, dapat ay araw ‘yung bigas
seryosohin na ng mga natin.
tao ang problema
natin sa tubig.

Gawain 11
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa mga diyalogo sa itaas.
Isulat ang iyong sagot sa mga patlang na nakalaan.
1. Ano ang ipinahihiwatig ng dalawang sitwasyon?

2. Alin sa mga diyalogo ang may suliranin sa kakapusan? Ipaliwanag.

26 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


3. Alin sa mga diyalogo ang may suliranin sa kakulangan? Ipaliwanag.

4. Sa iyong palagay, ano ang maaaring gawin upang matugunan ang


pangangailangan sa dalawang sitwasyon?
a. b.

Gawain 12
Tukuyin kung ang isinasaad sa bawat bilang ay suliranin sa kakulangan o sa
kakapusan. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Pag-aangkat ng makinarya sa paggawa mula sa
bansang China at Japan
2. Pangingibang-bansa ng mga inhenyero, guro, at
meteorolohista
3. Antas ng tuwirang pamumuhunan ng ibang bansa sa
Pilipinas
4. Pampublikong silid-aralan sa bansa
5. Pagkukuhanan ng malinis at maiinom na tubig
6. Pag-angkat ng gasolina sa Gitnang-silangang Asya
7. Pagkaubos ng mga de-latang fruit salad tuwing sasapit
ang Pasko
8. Pagkasira ng mga gulayan dahil sa nagdaang bagyo
9. Lumiliit na populasyon ng mga isda sa karagatan
dulot ng pagbabago ng klima
10. Pagkakalbo ng mga kabundukan na nagiging sanhi ng
pagkaunti ng mga mineral na nakukuha sa mga ito

Baitang 9 Unang Markahan 27


Pagharap sa Kakapusan
Ang bawat bansa ay nakararanas ng suliranin ng kakapusan. Ito ay isang
dahilan upang ang bansa ay maghanap ng iba’t ibang paraan upang mapunan ang
kanilang pangangailangan. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan sa pagharap sa
suliranin ng kakapusan.
A. Kahusayan (efficiency) – Lahat ay nakararanas ng kakapusan, kung
kaya’t nararapat lamang na gamitin ang pinagkukuhanang-yaman sa
pinakamahusay na paraan na walang mga masasayang na yaman. Ito ay
tinatawag din na “economic efficiency.” Layunin nito na magkaroon ng
wastong alokasyon at matalinong pagpapasiya sa paggamit ng
pinagkukuhanang-yaman. Ang lipunang may kakayahang pagyamanin ang
likas na yaman ay isang mahusay na lipunan. Bakit kailangang gamitin ang
pinagkukuhanang-yaman sa pinakamahusay na paraan? Ito ay para abutin at
mapunan ang pangangailangan ng mas higit sa nakararami sa lipunan.
B. Pagpili (choice) – Dahil sa kakulangan, lahat ay napipilitang mamili dahil
hindi makakamtan ang lahat ng kagustuhan. Sa ganitong sitwasyon, kailangang
mamili ng alternatibo at mahusay na magpasiya para sa ikabubuti ng nakararami
at wastong alokasyon sa limitadong pinagkukuhanang-yaman. Halimbawa, may
isang mag- aaral na kailangang magrepaso dahil siya ay may pagsusulit
kinabukasan ngunit mayroon ding kaarawang nais niyang daluhan. Ang oras
ng isang tao ay limitado kaya ang mag-aaral ay kailangang mamili kung siya ay
magrerepaso ng kaniyang aralin o dadalo sa kaarawan. Hindi niya maaaring
pagsabayin ang dalawang bagay na ito kaya kailangan niyang mamili kung ano
ang karapat-dapat na mauna. Isa pang halimbawa ay ang sitwasyon sa isang
komunidad na nangangailangan ng health center at silid-aralan. Kung ang
pondo ay hindi sapat, kailangang mamili kung ang proyekto ay gagamitin sa
pagpapagawa ng health center o sa pagpapagawa ng silid-aralan.
C. Halaga ng pagkakataon (opportunity cost) – Ang pagpili ay may kaakibat
na paggastos. Kung ang pinagkukuhanang-yaman ay kulang at ang
napagpasiyahan ay lumikha ng isang produkto kumpara sa paggawa ng
maraming produkto, ang napagpasiyahan sa paggawa ng maraming produkto
ay isasantabi. Ang kahalagahan ng pinili o pagsasakripisyo ng isang bagay
kapalit ng halaga ng pinakamahusay na pagpapasiya ay tinaguriang
“opportunity cost.” Halimbawa, kapag ang napili ng mag-aaral ay ang magrepaso
para sa kaniyang pagsusulit sa halip na dumalo sa kaarawan, ito ay maaaring
magdulot ng opportunity cost. Ang halaga ng isinantabi niya sa kaniyang
pagpapasiya para magrepaso ay ang mataas na marka na maaari niyang makuha
sa pagsusulit. Ngunit kung pinili ng mag-aaral na dumalo sa kaarawan,
maaaring malaki ang kasiyahan na makakamit ng mag-aaral mula sa
kaniyang mga kaibigan kaysa sa pagdedesisyon na magrepaso. Sa halimbawang
nabanggit sa health center at silid-aralan, kung ang desisyong napili ay
ang pagpapatayo ng health center para magkaroon ng pagamutan, ang
pagkakataon na itayo ang silid-aralan ay isasantabi na maaaring magdulot ng
kakulangan. Kung ang pinili naman ay magpagawa ng silid-aralan, at ang
paggawa ng health center ay isinantabi, maaaring magdulot naman ito ng
kakulangan sa health center.
28 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN
Gawain 13
Basahin at unawain ang balita na inilathala sa isang pahayagan tungkol sa
krisis sa isa sa mga pinakamahahalagang pinagkukuhanang-yaman ng bansa. Sagutin
ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa artikulo. Isulat ang iyong sagot sa
mga patlang na nakalaan.

Kakulangan sa Tubig, Nagbabadya sa Metro Manila


Isinulat ni Gil C. Cabacungan, Nobyembre 16,
2016 Ibinuod ng may-akda
http://newsinfo.inquirer.net/837101/water-crisis-looms-in-metro-manila

Ang Metro Manila ay haharap sa matinding krisis sa tubig kung


hindi ito kaagad pagtutuunan ng pansin ng ating gobyerno sa
pamamagitan ng pagkuha ng alternatibong imbakan ng tubig
mula sa Umaray- Angat-Ipo.
Ang lebel ng tubig mula sa mga nabanggit na dam ay
maaaring bumaba hanggang sa hindi na matustusan ang
pangangailangan sa tubig ng 15 milyong naninirahan mula
ngayon hanggang sa darating na apat na taon.
Ayon kay Ramoncito Fernandez, ang CEO ng Maynilad Water
Services, na wala pa ring kongkretong plano para sa kaisa-
isang pinagkukuhanan ng tubig. Ang Angat Dam ay
matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan, kung saan matatagpuan
ang West Valley Fault. Dahil sa fault na ito, nanganganib ang
dam sa pagyanig ng lupa na maaaring ikasira nito. Nariyan pa
ang banta ng climate change na maaaring makaapekto sa lebel ng
tubig nito. Magiging mahirap sa Pilipinas ang kakulangan o
kawalan ng tubig na maaaring magsimula sa taong 2020.

Baitang 9
Unang Markahan 29
1. Anong suliranin ang nalaman mo sa balita?

2. Ano ang iminumungkahi ng manunulat para mabigyan ng solusyon ang


suliranin?

3. Kung ikaw ay nasa pinakamataas na posisyon sa estado, ano ang


iyong imumungkahing paraan upang masolusyonan ang suliranin sa
tubig?

Production Possibilities Frontier (PPF)


Ang mga mahahalagang konsepto ng kahusayan, pagpili, at halaga ng
pagkakataon mula sa pagpapasiya ay maaari mong maunawaan sa paggamit ng
modelo na Production Possibilites Frontier o PPF.
Ipinakikita ng PPF ang curve na binabalangkas ang lahat ng posibleng
kombinasyon ng kabuuang produkto sa isang ekonomiya gamit ang
limitatong pinagkukuhanang-yaman na mas mapakikinabangan upang makalikha ng
maraming produkto at serbisyo.
Ipagpalagay na ang isang bansa (bansang Z) ay may dalawang produkto, ito
ay ang saging at kape. Ang ibinibigay na halimbawa ay ginamit lamang upang
madaling maintindihan ang sitwasyon o konsepto.
Saging Supot ng Kape
Posibilidad
(daang milyong kilo) (daang milyong kilo
)
A 0 32
B 10 30
C 25 25
D 35 12
E 40 0
Makikita sa unang talangguhit mula sa talahanayan ang kombinasyon ng
produksiyon ng kape at saging. Ang saging ay nasusukat sa y-axis o patayong
aksis. Samantala, ang kape ay nasusukat naman sa x-axis o pahalang na aksis.
Lahat ng aytem ay inilalarawan sa bawat puntos. Kung ito ay ilalarawan sa
talangguhit, makabubuo ito ng isang “curve” na PPF. Sa PPF, ipinakikita kung ilan
ang pinakamaraming bilang na maaaring magawa sa bawat produktong katumbas
nito. Kung gustong malaman ang posibilidad ng maaaring maging produksiyon
ng saging at kape sa parehong gamit na makukuha sa pinagkukuhanang-yaman,
maaaring magkaroon ito ng pantay na dami ng produksiyon na makikita sa
punto C. 30 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Mga Posibilidad ng Produksyon ng Saging at Kape


E
40
D

Saging (daang milyong tonelada)


35
30
C
25
20
15 B
10
5 A
0
5 10 15 20 25 30 35
Kape (daang milyong kilo)

Ugnayan ng PPF sa Opportunity Cost


Sa talahanayan, makikita ang “opportunity cost” sa bawat produksiyon ng
kape at saging. Kung sakaling ang bansang Z ay nagnanais na hatiin ang
pinagkukuhanang- yaman at gamitin sa paggawa ng kape at pagpaparami ng saging,
ang nasabing bansa ay maaaring mamili sa kombinasyong inilalarawan ng mga
punto B, C, at D sa linya ng posibilidad na produksiyon. Ipinakikita sa
talahanayan at sa talangguhit na maaaring lumiit ang produksiyon ng kape o
saging kung pareho itong gagawin sa pagbabahagi ng mga kayamanan at
teknolohiya.
Ipagpalagay na may kakayahan ang bansa sa paggawa ng saging at kape.
Napagpasiyahan na hatiin ang pinagkukuhanang-yaman sa dalawang produkto.
Ito ay maaaring mamunga ng 25 milyong tonelada ng saging sabay sa
produksiyon ng kape na maaaring umabot sa 25 milyong kilo. Kung ang
napagpasiyahan ay ang paggamit ng karagdagan na makukuha sa parehong
pinagkukuhanang-yaman para sa mas maraming produksiyon ng saging, ito ay maaari
pang makagawa ng karagdagang 10 milyong tonelada.
Sa kabuuan, makagagawa ito ng 35 milyong tonelada ng saging na
makikita sa punto D. Subalit, ang produksiyon naman ng kape ay maaaring
bumaba sa 12 milyong kilo mula sa 25 milyong kilo. Kaya ang opportunity cost ay
ang karagdagang 10 milyong saging at ang kabawasan naman sa produksiyon ng
kape ay 13 milyong kilo. Ito ay ang pagsasakripisyo o halaga ng pagkakataon ng
isang produksiyon sa bawat dagdag ng produksiyon ng ibang produkto. Makikita
ang opportunity cost ng karagdagan at kabawasan ng bawat produkto sa punto
B at D.
Sa batas ng opportunity cost ay isinasaad na kung ang isang bansa ay magpapasiya
na gumawa ng mas maraming produkto at isantabi ang isa pang produkto upang
makamit ang kabuuang kahusayan sa pagdadalubhasa sa paggawa ng napiling
produkto, ito ay magkakamit ng pinakamataas na opportunity cost.
Baitang 9 Unang Markahan 31
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Katulad ng bansang Z, kung ang napagpasiyahan ay ang pagpapahusay ng


pagdami ng pinagkukuhanang-yaman at pagpapabuti sa teknolohiya hanggang sa
makamit na nito ang pagdadalubhasa sa produksiyon ng saging, 40 milyong tonelada
ang maaaring magawa nito. Subalit kung lahat ng kayamanan ay ginamit para
makagawa ng kape, 32 milyong kilo ng kape ang maaaring magawa. Sa bawat
pagsasakripisyo ng isang produkto ay maaaring lumiit nang lumiit ang dami nito
habang ang kabilang produkto naman ay maaaring dumami at tumaas ang halaga
dahil sa pagdadalubhasa sa paggawa ng maraming produksiyon.

Ugnayan ng PPF sa Kahusayan


Ipagpalagay na ang bansang Z ay nagnanais makagawa ng 35 milyong
tonelada ng saging at 20 milyong kilo ng kape. Mapapansin na ang mga
nasabing dami ng produko ay hindi makikita sa kahit anong punto sa
talahanayan. Ipinakikita nito na maaaring hindi matamo ang inaasam na dami ng
produksiyon ng saging at kape dahil maaaring magkaroon ang nasabing bansa ng
kakapusan sa pinagkukuhanang-yaman. Base sa punto D, tanging 12 milyong kilo
lamang ng kape kasabay ng 35 milyong toneladang saging ang maaaring
magawa ng bansang Z dahil ito lang ang kakayahan ng teknolohiya at ng
pinagkukuhanang-yamang maaaring magamit ng nasabing bansa. Ang punto A at
iba pang maaaring punto na lampas sa PPF na isinalalarawan ng talahanayan
ay sumasagisag sa kombinasyon ng kape at saging na may pinagpipilian lamang
gawin dahil hindi na nito makakamit ang natitirang pinagkukuhanang-yaman, halaga,
at teknolohiya. Sa harap ng kakulangan ng pinagkukuhanang-yaman, ang
pinakamagaling na makakamtan ng isang ekonomiya ay ang kombinasyon ng
mga punto sa PPF.

Ugnayan ng PPF sa Pagpili


Ang unang talangguhit ay kumakatawan sa lahat ng posibleng kombinasyon
ng kape at saging na maaaring matamo ng bansang Z. Dahil sa mga ibinigay na
posibilidad, ang nasabing bansa ay maaaring mamili kung saang punto sa PPF
makakamit ang pinakamahusay na kombinasyon para mapunan ang ninanais at
pangangailangan ng mga mamamayan.
Ang problema ng ekonomiya sa mga limitadong pinagkukuhanang-yaman
ay may epekto rin sa paggawa ng produkto at serbiyo, gayundin sa limitadong
salik ng produksiyon. Ang mga suliranin ay maaaring mapagpapasiyahan ng mga
namamahala kung susundin ang apat na katanungang pang-ekonomiya.

32 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 14
Bumuo ng pangkat sa klase. Tingnang mabuti ang graph at tukuyin ang
ipinahihiwatig nito sa paggalaw ng PPF curve. Alamin ang sitwasyon ng bansang
Z.
Mga Posibilidad ng Produksyon ng Saging at Kape
45
40
D
35 C
PPF0 H PPF1
30
Saging

25
20 E G
15
10 B

5
0
A
0 5 10 15 20 25
Kape

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Nilalaman at Ang paraan ng Nakapagbibigay Nakapagbibigay Hindi lubos na
Kahusayan sa pagpapaliwanag nang sapat na ng kaunting maunawaan ang
Pagpapaliwanag ng opinyon at impormasyon kaalaman at pagpapaliwanag
ng Opinyon ideya ay malinaw. ngunit ang ugnay sa aralin. ng opinyon at
at Ideya sa Maganda daloy ng Ang daloy ng ideya sa pag-ugnay
Pagsagot ang daloy ng pagpapahayag ay pagpapahayag sa aralin.
pagpapahayag bahagyang may ng ideya at
ng opiyon at kakulangan. opinyon ay may
ideya. Malalim Hindi gaanong kakulangan.
ang pagkasuri at malalim ang Hindi masyadong
pag-ugnay nito sa pagkasuri nito malinaw at may
aralin. sa paksa at pag- kalituhan ang
ugnay sa aralin. pagsagot sa mga
tanong.

Paggamit Naipahahayag at Naipahahayag Naipahahayag at Walang teorya na


ng Teorya at nababanggit ang at nababanggit nababanggit ang nabanggit.
Pagkaugnay nito teorya na may ang teorya teorya ngunit
sa Paksa kaugnayan sa ngunit hindi walang kaugnayan
paksa. nito gaanong sa paksa.
naiugnay sa
paksa.
Kabuuang
Puntos

Baitang 9 Unang Markahan 33


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Mahalagang Katanungang Pang-ekonomiya


Ang mga sumusunod ay ang apat na katanungang pang-ekonomiya.
1. Ano ang gagawin?
Ang bawat sektor ng ekonomiya ay dapat may kamalayan kung ano
ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao upang maging angkop
ang paggamit ng mapagkukuhanang-yaman. Alamin kung ano ang karapat-
dapat na produkto at serbisyo para likhain at gawin upang makapagdulot
ito ng tamang produksiyon.
Halimbawa: Dapat bang magtanim at gumawa ng maraming bigas
ang Pilipinas?
2. Paano gagawin?
Mahalaga na alamin ang iba’t ibang paraan kung paano gumawa ng
isang bagay upang magdulot ito ng mahusay na gawa at kapaki-
pakinabang.
Halimbawa: Ano-anong mga bagong makinarya o teknolohiya ang dapat
gamitin sa pagbuo ng isang bagay?
3. Gaano karami ang gagawin?
Alamin ang dami na lilikhain o gagawin upang matugunan ang
pangangailangan ng bawat sektor ng lipunan. Ang kakulangan sa
produksiyon ng anumang bagay ay maaaring magdulot ng problema sa
kakapusan. Subalit kung ang produksiyon ay higit pa sa pangangailangan
ng tao, ito ay maaaring magdulot ng kalabisan.
Halimbawa: Ang isang bansa ba ay dapat gumawa ng maraming tubo
kaysa gulay o kaya ay mas maraming gulay kaysa tubo?
4. Para kanino gagawin?
Ito ay naglalayong alamin kung kanino ilalaan ang gagawing
produkto at serbisyo.
Halimbawa: Ang mga produkto at serbisyo ay dapat bang ibigay sa lahat
ng mamamayang Pilipino o sa mga may pangangailangan lamang?

Ang apat na katanungang ito ay tumutugon sa dalawang bahagi-ang produksiyon


at ang alokasyon.

34 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 15
Bumuo ng pangkat sa klase. Magsagawa ng isang panayam mula sa
isang negosyante. Alamin kung paano ito magplano sa paggawa ng isang produkto o
serbisyo batay sa apat na katanungang pang-ekonomiya.

Magkaroon ng karanasan sa panayam sa isang negosyante


Layunin upang alamin ang sistema ng pagplano at diskarte sa
pamamahala ng negosyo

Tagapanood Estudyante mula sa high school

Magsagawa ng isang panayam mula sa isang negosyante


Gawain kung paano ito magplano sa paggawa ng isang produkto o
serbisyo batay sa apat na katanungang pang-ekonomiya.

Ibahagi sa klase ang karanasan at kaalaman na natutunan


Tungkulin
mula sa panayam.

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Nilalaman ng mga Napaka Naihahanay Naihahanay ang Hindi mahusay ang
Tanong ganda ng nang mahusay ibang tanong pagkakasunod-sunod
pagkakahanay ang mga ngunit medyo may ng mga tanong.
ng mga tanong tanong. kakulangan sa
na naaayon sa pagkakasunod-sunod.
paksa.
Pagsaliksik ng Lubos na Nakapaghanda Bahagyang Walang pagsaliksik
mga Tanong nagsaliksik sa sa pagsaliksik nakapagsaliksik na nangyari at
sa Kapanayam mga tanong at sa mga tanong sa mga tanong, hindi mahusay ang
at Pagpili sa pinaghandaan ukol sa paksa. ngunit hindi pakikipagpanayam.
Kapapanayamin nang masyadong nauukol
napakahusay. ang mga tanong sa
kapapanayamin.
Nilalaman ng Napakaganda Mahusay ang Katamtaman Walang
mga Tanong sa ng panayam pagsisiyasat ang galing sa kahusayan sa
Pakikipagpanayam dahil sinisiyasat sa pakikipagpanayam pakikipagpanayam
nito nang kapanayam. dahil hindi nito sapat dahil hindi akma
mabuti ang mga na nakukuha ang ang mga tanong sa
tanong at sagot kabuuang sagot. kapanayam.
ng kapanayam.
Kabuuang Puntos

Baitang 9 Unang Markahan 35


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

KAUGNAYAN NG ALOKASYON SA KAKAPUSAN


Nasasaklaw ng apat na katanungang pang-ekonomiya ang pagpapasiya kung
paano magagamit ang limitadong pinagkukuhanang-yaman sa produksiyon. Ito
ay maaaring magbigay ng magandang pamamaraan sa tamang alokasyon.
Ang alokasyon ay isang mekanismo ng pamamahagi ng limitadong
pinagkukuhanang-yaman. Ang mabisang alokasyon ng pinagkukuhanang-yaman ay
nagaganap kung ang paggamit nito ay magbubunga ng kasiyahan at kagustuhan.

Ang Alokasyon at Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya


Ang paglalaan sa kakulangan at kakapusan sa pinagkukuhanang-yaman ay
nagpapasiya ng uri ng sistemang pang-ekonomiya. Ito ay tumutukoy sa
istruktura, institusyon, at mekanismo na maaaring batayan ng lipunan upang
sagutin ang apat na katanungang nakasaad sa suliraning pang-ekonomiya.
Sistemang Paraan ng Paglutas Estado (Katayuan) ng Tao sa
Pang- sa Pang-alokasyong Suliranin Lipunan
ekonomiya Pang-ekonomiya
Tradisyonal Ang kapasiyahan sa apat na Ang pangangailangan ay
napakahalagang katanungan ay umaasa sa kung ano ang
idinidikta ng kaugalian, tradisyon, ibigay ng kalikasan mula sa
kultura, at paniniwala. Maaaring kanilang kaugalian. Ang
ang basehan ng pagpapasiya ng tao desbentaha nito ay mabagal
ay ang kaniyang kinalakihan na ang pag-usad ng ekonomiya
gawain at ang nababatay na dami dahil sa lumang
o mayroon na kayamanan na kaugalian. Mabagal ang pag-usad
matatagpuan sa kanilang lugar o nito sa makabagong paggamit
bansa. ng teknolohiya at iangkop ang
makabagong sistema. Karaniwan
ang halimbawa rito ay ang
mga katutubo at ang paggawa
ng tao
para sa pamilya.
Command Ang pamahalaan o ang Dahil ang pamahalaan o ang
pinakamataas na posisyon sa estado pinakamataas sa posisyon ang
ay may sentralisadong paraan ng gumagawa ng plano, karamihan
pag-paplano sa apat na ng plano ay pabor sa mga
napakahalagang katanungan. namumuno kaysa sa lipunan.
Ang taga-plano sa sistemang ito Ang mga tao rin ay walang
ang nagpapasiya ng alokasyon ng kalayaang pumili kung ano ang
pinagkukuhanang-yaman para kanilang
makalikha ng iba’t ibang produkto kagustuhan.
at serbisyo. Ang pamahalaan din
ang nagpapasiya ng presyo, kita, at
suweldo. Ang benepisyo sa
command economy ay natutugunan
nito ang
mga pangangailangan ng tao.
36 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Free Market Sa sistemang ito, ang pamahalaan Ang bawat sambahayan at


(laissez-faire) ay hindi masyado na bahay-kalakal ay malayang
nanghihimasok sa pagdedesisyon nakagagawa at nakapipili ng
sa dami o kaunti ng bilihin. May produkto at serbisyo ayon sa
kalayaan ang dami ng kanilang kayamanan.
bahay-kalakal na kung ano ang Ang may mas maraming salik
lilikhain na produkto at serbiyo. ng kayaman ang nakabibili ng
Gayundin ang sambahayan ay may mas maraming produkto at
kalayaan sa pagpapasiya sa kanilang serbisyo kumpara sa may
bibilhin. kakaunting salik
ng yaman.
Mixed May mga bansa na maaaring nasa Ang mga mamamayan ay may
gitna ng tradisyonal, command, at malayang pagpili sa kanilang
free market. Ito ay mga kombinasyon pangangailanan at kagustuhan.
ng pamamaraan sa paglaan ng mga Ang tao ay may karapatang
pinagkukuhanang-yaman. Ang magkaroon nang ari-arian. Sila
pamahalaan at ang indibidwal ay rin ay may kalayaang makilahok
maaaring magpasiya sa kanilang sa gawaing pangkalakal na
gawain. Ngunit, may mga bansa sumasang-ayon sa batas. May
na maaaring nasa free market mga mamamayan din na
pero may mga batas ang maaaring malimitahan ang
pamahalaan na may mandato kaniyang pagpapasiya at paggamit
para sundin ng mga ng pinagkukuhanang-yaman
mamamayan katulad sa pagtaas dahil sa mga batas, kondisyon,
ng bayad para sa mga benepisyo, at sitwasyon ng maaaring ipataw
pagkakaroon ng insurance, at pag ng ibang sektor katulad ng
taas ng buwis. May pagkakataon bahay-kalakal at pamahalaan.
na pinapatnubayan nang
pamahalaan ang ibang gawaing
kalakal na mamuhunan sa napiling
kapamuhayan. Ang pamahalaan din
ay may tungkuling mapanatili ang
katatagan nang presyo ng bilihin.

Ang “Laissez-faire” ay nagmula sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “hayaang


gawin ang kanilang napili.” Ito ay doktrina na impluwensiya ng isang klasikong
ekonomista na si Adam Smith. Ang sistemang ito ay naisagawa noong 1750s na
yumabong sa bansang Great Britain. Ipinaliwanag ni Smith na ang gobyerno ay hindi
dapat nakikialam sa mga pribadong sektor. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang
pagmandato sa pagsasagawa ng mga regulasyon, pagtatakda ng buwis, at iba pang
patakaran na humahadlang sa pag-unlad ng mga sektor.

Baitang 9 Unang Markahan 37


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 16
Bumuo ng pangkat sa klase. Gumawa ng isang pagbubuod ayon sa iyong
natutunan mula sa aralin. Isulat ang iyong sagot sa tsart sa ibaba.
Uri ng Sistemang Sino o Ano ang Paano ang Halimbawa na
Pang-Ekonomiya Basehan ng Iyong Paraan ng Iyong Bansa
Pagpapasiya? Pagpapasiya?
1.

2.

3.

4.

5.

PAGSUSULIT
I. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Hanapin ang sagot sa word search.
Ang salita ay maaaring nakasulat nang paibaba, pahalang, paitaas, o palihis.
Bilugan ang tamang sagot sa loob ng word search. Isulat ang nakitang
sagot sa unang hanay ng talahanayan.
1. Ito ay sinuportahan ng mga klasikong ekonomista
na ang panghihimasok ng pamahalaan sa mga
gawain ng sektor na sambahayan at bahay-
kalakal ay maliit lamang.
2. Ito ay ang pagsuri sa pagbabahagi ng mga salik
ng produksiyon sa bahay-kalakal at produksiyon
para sa sambahayan dahil sa limitadong
pinagkukuhanang-yaman.
3. Ito ay ang mga ugali na nakasanayan na at ipinasa sa
mga susunod na henerasyon upang sundin ang mga
kilos at pagpapasiya sa ano mang gawain.
4. Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya na
binibigyan ng kapangyarihan ang bahay-kalakal
at sambahayan na mamili at magpasiya sa
produkto at serbisyo na gagawin at gagamitin.

38 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

5. Ang pagpapasiya ay nagmumula sa pinakamataas na


tungkulin.
6. Marami sa mga bansa ngayon ay sinasagot ang
katanungang pang-ekonomiya ayon sa kombinasyon
ng pang-ekonomiyang sistema.
7. Ito ay ang hinaharap ng bawat sektor sa ekonomiya.
8. Ang alokasyon ng bawat yaman ay naayon sa ilang
katanungang pang-ekonomiya.
9. Siya ang klasikong ekonomista na naniniwala sa
kalayaan ng sektor ng sambahayan at bahay-kalakal
mula sa mahigpit na panghihimasok ng
pamahalaan.
10. Ito ay ang pinakamataas na makakamit
ng tao kung magkakaroon ng magandang
paraan ng kombinasyon o pagtatambal ng
pinagkukuhanang-yaman.
L A I S S E Z F A I R E F

I L D K A S I Y A H A N R

N O A A P A D M A L Y A E

A K L O M N K C A L O S E

J A P A A S A D I N G U M

A S P M P U M I X E D P A

L Y M A J A R I E L O A R

O O D L T A T A T A Y K K

C N C A M I L O G H I A E

T R A D I S Y O N A L K T

II. Ibuod ang sistemang pang-ekonomiya ayon sa apat na katanungang


pang-ekonomiya.Isulat ang iyong sagot sa talahanayan sa ibaba.
Sistemang Ano ang Paano Gaano karami Para kanino
pang-ekonomiya gagawin? gagawin? ang gagawin? ang gagawin?
Tradisyonal
Command
Free Market
Mixed

Baitang 9 Unang Markahan 39


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

III. MAPANURING KAISIPAN


Magbigay ng kaalamang-intelektuwal upang suriin ang mga katanungan sa
ibaba batay sa iyong natutunan at pag-iisip na may kaugnayan sa paksa.
Isulat ito sa isang buong papel.
Paano mo pinamamahalaan ang paglalaan ng mga mapagkukuhanang-
yaman sa iyong pansariling pangangailangan o sa sambahayan?
Anong sistemang pang-ekonomiya ang maaari mong maihambing
sa pamamalakad at pamamaraan sa inyong sambahayan?
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka
sa gawain na ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Pagpapaliwang Malinaw na Malinaw ang May kaunting May kakaunting
sa Isyu o Paksa nabubuod ang pagpapaliwang kalinawan tungkol kalinawan o
isyu o paksa sa isyu o paksa sa isyu o paksa pagkilala sa isyu
at mahusay na ngunit hindi ngunit hindi o paksa. Ang
naipaliliwanag maipaliwanag maipaliwanag pagpapaliwanag
kung bakit o nang maayos ang sapat na ay hindi ayon o
paano. kung bakit o impormasyon o angkop sa isyu o
paano. kadahilanan. paksa.
Pagtugma Nakapaghahatid Hindi gaanong May kaunting Malabo ang
sa Paksa at nang mahusay nakapaghahatid pagkakaiba ang halimbawa at
Impormasyon na halimbawa nang malinaw mga halimbawa magulo ang
at malinaw na halimbawa at at may hindi pag-ugnay ng
na batayan. may kaunting gaanong sagot sa paksa.
Naiuugnay ang kakulangan naiuugnay na
mga sagot sa mga sa pagbigay sagot sa paksa
katanungan o ng batayan dahil sa mahinang
sitwayon. sa pag- batayan.
ugnay ng
sagot o
sitwasyon.
Pagbibigay ng Maayos at May bahagyang Hindi gaanong Malabo ang
Makabuluhang malinaw ang mga walang maayos at pagpapahayag
Pananaw konteksto ng kahusayan malinaw ang ng pananaw.
sariling pananaw sa pag-ayos konteksto ng Marami ang
at paglalapat nito ng konteksto pananaw. May walang kaugnayan
sa paksa. ng pananaw. hindi kanais- sa paksa o tanong.
Hindi gaanong nais o hindi
nailalapat ang inaasahang mga
pananaliksik. salita.
Kabuuang
Puntos

40 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Aralin 4
Salik ng mga Produksiyon at Implikasyon
Nito
Simulan Mo!
Sa bawat larawan na nasa loob ng bilog ay makikita ang mahalagang
produksiyon na iyong ginagamit. Alamin ang mga hilaw na materyales na
kinakailangan upang mabuo ang mga produktong ito.
1.
2.
3. Picture of table
4.
5.

1.
2.
Picture of dress
3.
4.
5.

1.
2.
Picture of paper
3.
4.
5.

Sa pagsasanay na ito, nahasa ang iyong kaisipan at kaalaman kung ano-


anong mga salik ng yaman ang ginagamit para sa produksiyon ng isang produkto
at magamit sa serbiyo.
Sa aralin na ito, mauunawaan mo ang iba’t ibang likas na yaman na
ginagamit sa mga salik ng produksiyon. Malalaman mo rin dito ang mga salik ng
produksiyon at kahalagahan ng mga ito.

Baitang 9 Unang Markahan 41


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.
Ang produksiyon ay mahalaga sa pagkonsumo ng bawat tao.
Mahalagang mapunan ng mga mangangalakal ang mga kagustuhan at ang
pangangailangan para sa pagkonsumo ng tao.

Konsepto ng Produksiyon at ang Salik Nito


Ang produksiyon ay ang pagsama-sama ng mga salik ng produksiyon para
makabuo ng produkto o serbisyo na maiaalok sa merkado. Ito ay ang pagbuo
ng mga input para makagawa ng output upang makabuo ng produkto at
serbisyo na mapakikinabangan ng mga mamimili.

Pinagkukunang-Yaman Input Output

Lupa, Kapital, Manggagawa, at Entrepreneurship Hilaw na Materyales


Bahay, Pagkain, Health Center, at Iba pa

Ang input ay ang pagsasama-sama ng mga hilaw na materyales upang


makabuo ng produkto. Samantala, ang output naman ay ang mga nagawang
produkto na maaari nang bilhin ng mga mamimili sa merkado. Upang magkaroon
ng isang input at ouput, mahalaga na malaman ang mga salik ng produksiyon na
gagamitin upang makabuo nang mahusay na produkto at serbisyo.
Ang katagang “salik ng produksiyon” ay tumutukoy sa mga
pinagkukuhanang- yaman na ginagamit upang makapaglikha ng produkto at
serbisyo. Ang mga salik ng produksiyon ay binubuo ng lupa, kapital,
manggagawa, at entrepreneurship.

Gawain 17
Alamin ang tamang proseso upang makabuo ng isang kalidad na produkto at
serbisyo. Isulat sa ibaba ang ang input, proseso, at output ng bawat hinihingi.
1. pagbukas ng savings account sa bangko
2. paggawa ng upuan
3. paghiram ng libro sa library

42 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

INPUT PROSESO OUTPUT

Salik ng Produksiyon

LUPA Ito ay ang Ito ay ang mga KAPITAL


mga kalakal na
kayaman na nakalilikha ng
nagmumula mga produkto
sa kalikasan katulad ng
katulad ng mga salapi,
yamang-tubig, makina, gusali,
yamang-mineral, sasakyan, at
enerhiya, at teknolohiya na
yamang-gubat. ginagamit sa
produkisyon.

MANGGAGAWA Ito ay ENTREPRENEURSHIP


Sila ay ang
ang mga nagpapasiya sa
nagsasagawa paggawa ng
ng mga mga produkto
proseso ng at serbisyo.
produkto at
serbisyo.

Baitang 9 Unang Markahan 43


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Lupa
Napag-aralan mo sa kakapusan na ang mga yamang-likas ay binubuo ng
yamang-lupa, yamang-tubig, yamang-enerhiya, at yamang-mineral. Ito ay ang
mga yaman na nakukuha sa kalikasan na mahalaga bilang isang hilaw na
materyales upang makabuo ng isang bagong produkto. Ang salik na lupa ay
maaaring gamitin sa mga impraestruktura katulad ng mga gusali, daan, at tulay.
Ang ibang yaman naman ay maaring makabuo ng kuryente, taniman, pastulan, at iba
pang produkto na nagmumula sa kalikasan.
Halimbawa: Ang paggamit ng salik na lupa sa pagproseso ng produksiyon ay
may katumbas na paggastos at kita nito. Ang kita na maaaring makuha sa
lupa ay upa. Ang upa ay ang bayad na makukuha sa laki at haba ng
paggamit ng lupa mula sa may-ari.

Kapital
Ito ay ang mga kagamitan na likha ng tao para makatulong sa paggamit
sa operasyon ng negosyo katulad ng makina, kompyuter, at teknolohiya na malaki
ang ambag sa produksiyon ng produkto at serbisyo. Sa tulong ng kapital, mas
napabibilis nito ang paggawa ng mga produkto at serbisyo.
Ang kapital ay may dalawang uri na maaaring magamit ng tao para sa
pagdami at bilis ng paggawa ng produkto at serbisyo. Ang una ay tinatawag na
pisikal na kapital, ito ay ang mga tumatagal na gamit katulad ng makinarya,
kompyuter, sasakyan, hand tools, at iba pa. Ang isa pang uri ng kapital ay
tinatawag naman na human kapital, ito ay ang mga kaalaman at kakayahan ng
tao na nakukuha at lumalago sa pamamgitan ng edukasyon at pagsasanay. Ito ay
tumatagal hanggang sa kakayahan ng tao habang nagtatrabaho. Ang salapi ay
kasama sa kapital dahil ginagamit ito sa paggawa ng mga produkto at serbisyo.
Halimbawa: Ang katumbas na kita na nakukuha sa paggamit ng kapital
ay tinatawag na interes. Ang interes ay ang porsiyento sa pagsingil sa
paghiram o paggamit ng kapital mula sa nagmamay-ari.

Manggagawa
Ito ay ang mga tao na nagsasagawa ng mga proseso para sa produksiyon
ng produkto at serbisyo. Ang skilled at unskilled na manggagawa ay malaki ang
tulong sa pagproseso ng mga produksiyon. Ang lakas ng pangangatawan, mental na
kakayahan, at karunungan sa paggawa ay nagbibigay ng maraming produksiyon
sa ano mang pinagkukuhanang likas na yaman.
Halimbawa: Ang katumbas sa pagbigay ng serbisyo sa paggawa ay ang
sahod. Ito ay maaaring tukuyin sa dami ng nagawang yunit o haba ng
oras o araw na kaniyang natapos.

44 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Entrepreneurship
Ito ay isa sa mga salik ng produksiyon na lumilikha at nagpapasiya ng
mga produkto o serbisyo upang ialok ang mga ito sa merkado. Ito ay tinatawag na
“ulo ng negosyo” dahil ang mga entrepreneur ang may kaalaman sa operasyon at
proseso ng negosyo. Siya ang humaharap sa ano mang panganib o walang-
katiyakang resulta na makaaapekto sa negosyo. Sa pamamagitan ng
entrepreneurship, maraming produkto at serbisyo ang nalilikha at nagagamit dahil
sa kakayahan, kaalaman, at katalinuhan nito na gumamit ng mga pinagkukuhanang-
yaman para sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Halimbawa: Ang serbisyo na inilaan ng entrepreneur ay mula sa
kaniyang kaalaman, kakayahan, at talino na inilalaan sa paglikha ng
produkto, sistema, operasyon sa negosyo, at serbisyo.
Gawain 18
Tukuyin kung saan angkop sa mga salik ng produksiyon ang mga nakasaad
sa bawat bilang. Lagyan ng tsek ang iyong sagot.
Lupa Tagagawa Kapital Entrepreneur
1. lupa, tubig, bundok
2. nars, doktor, dentista
3. mineral, ginto, tanso
4. karpintero, panadero, sastre
5. pasahod ng mga manggagawa
6. lupang pang-agrikultura
7. ulo ng pangangasiwa ng
negosyo
8. makina, teknolohiya
9. may-ari ng kapital
10. kompyuter, gusali, sasakyan
Kahalagahan ng Salik ng Produksiyon
Ang apat na salik ng produksiyon ay mahalaga sa pagproseso ng
produksiyon. Ito ay nagbibigay ng magandang daloy sa ekonomiya lalo na kung
ito ay magagamit sa matalinong paraan sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo.
Napauunlad nito ang ekonomiya kung tuloy-tuloy ang magandang daloy ng
produkto at serbisyo sa merkado o pamilihan.
Mayroong dalawang pangunahing pamilihan ang ekonomiya para sa patuloy ng
daloy ng produksiyon. Ito ay ang resource market (input) at product market
(output). Ang resource market ay kung saan makukuha ang mga salik ng
produksiyon na nagmumula sa sambahayan para bilhin ng bahay-kalakal.
Ang product market naman ay kung saan makukuha ang mga produkto at
serbisyo mula sa produksiyon ng bahay-kalakal para sa pangangailangan ng
sambahayan.
Baitang 9 Unang Markahan 45
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Sambahayan

Resource Market

Mga Salik ng Produksyon

Bahay-Kalakal

Product Market

Produkto at Serbisyo

Upang madaling maunawaan ang kahalagahan ng salik ng produksiyon sa


ekonomiya, makikita sa dayagram ang mga aktibidad at interaksiyon ng
bawat sektor. Ang sektor na sambahayan ang nagsasabi kung ano-ano ang mga
produkto at serbiyo na maaring gawin para matugunan ang kanilang
pangangailangan. Sila rin ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon
katulad ng kapital, pagbigay ng serbisyo bilang manggagawa, nagmamay-ari ng
kayamanan, at tagatustos sa mga pangangailangan sa pagproseso ng produkto at
serbisyo. Sila rin ang bumibili ng mga produkto at serbisyo mula sa pamilihan na
nililikha at ginagawa ng bahay-kalakal. Samantala, ang sektor na bahay-kalakal
naman ay ang gumagamit ng mga salik ng produksiyon para makagawa ng
produkto at serbisyo upang ialok sa pamilihan para sa sambahayan.
Gawain 19
Bumuo ng pangkat sa klase. Mag-isip ng isang produkto o serbisyo na
nais ninyong gawin mula sa mga hilaw na materyales hanggang sa pagbuo ng
konsepto o produkto. Ipakita ang mga benepisyo nito sa ekonomiya ng bansa.
Gumawa ng PowerPoint presentation para dito.
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na
ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Nilalaman at Ang Ang PowerPoint Ang PPowerPoint Ang PowerPoint
Organisasyon ng PowerPoint presentation presentation ay presentation ay
Impormasyon presentation ay mahusay at hindi gaanong hindi nagbigay
ay pumukaw ang daloy ng nagbigay-pukaw ng pansin at
ng pansin sa impormasyon ay at ang daloy ng nakalilito at
kahusayan ng bahagyang may impormasyon ay kulang ang daloy
pagkaka-organisa kakulangan. may kakulangan. ng impormasyon.
at nagbibigay ng
mahusay na daloy
ng imprmasyon.

46 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Pagkamalikhain Mahusay ang May kahusayan Hindi gaanong Malabo at


at Estilo ng paggamit ng sa paggamit ng mahusay ang magulo ang mga
Gamit ng Salita salita at napaka salita at medyo paggamit ng salita at hindi
malikhain sa malikhain sa salita at hindi nagpapakita ng
presentasyon. presentasyon. masyadong pagkamalikhain
malikain ang sa presentasyon.
presentasyon.
Paggamit ng Ang halimbawa Ang halimbawa Ang halimbawa ay Ang halimbawa
Lay-out at ay akma sa paksa ay hindi may kakulangan ay hindi angkop
Halimbawa at ang layout ay gaanong akma sa pagtalakay sa paksa at ang
Ayon sa Paksa napakahusay. sa paksa at sa paksa at ang layout ay marami
ang layout ay layout ay may ang kulang.
hindi gaanong kakulangan sa
mahusay. presentasyon.
Kabuuang
Puntos

Anyo ng Organisasyon
Habang ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay lumalaki, maraming
produkto at serbisyo na kailangang magawa. Lahat ng produkto at serbisyo ay
nabubuo sa mga salik ng produksiyon. Mula dito, maraming negosyo ang itinatayo
sa pamilihan (resource market at product market). Ang negosyo ay may apat
na uri.
1. Sole Proprietorship
Ang ibig sabihin ng sole proprietorship ay isa lamang ang nagmamay-ari.
Ito ang pinakamaliit na uri ng negosyo. Dahil sa maliit lang ang
karamihan ng negosyo ng isang nagmamay-ari, madali itong itayo at
hindi masyadong magastos. Ang may-ari ng negosyo ay ang may kabuuang
pasiya sa mga desisyon sa lahat ng operasyon sa kaniyang negosyo. Siya rin
ang may-ari ng mga kapital at tumatamasa ng buong kita ng negosyo.
Ang isang nagmamay-ari ng negosyo ay humaharap din sa
maraming pagsubok. Dahil ang kapital ay karamihan na nagmumula sa
may-ari, ito ay may limitasyon sa kapasidad sa paglikom ng pondo para sa
operasyon ng negosyo. Kadalasan itong inuutang sa bangko, kamag-anak,
kaibigan, at sa iba pang merkadong pangpinansiyal.
Ang mag-isang nagmamay-ari ay may walang hanggang pananagutan
lalo na sa pagkakautang. Kung ito ay nalugi at may pagkakautang ang
propyedad ng negosyo ay puwedeng habulin ng kaniyang
pinagkakautangan hanggang sa personal na propyedad ng nagmamay-ari
katulad ng kotse, bahay, at iba pa niyang personal na pagmamay-ari.

Baitang 9 Unang Markahan 47


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

2. Partnership
Kung ang sole proprietorship ay madali ang pagpapatayo ng negosyo,
gayundin ang partnership. Ang pagkakaiba lamang nito ay pagmamay-ari ng
dalawa o higit pang indibidwal na nag-ambag-ambag ng kapital para sa
negosyo. Ang kita ng negosyo ay pinaghahatian ng isa’t isa ayon sa uri ng
kasosyo. Ito ay nakasaad sa partnership agreement o kasunduan ng klase ng
paghahatian ng magkasosyo.
Ang pagsosyo ng partnership ay nahahati sa dalawang klase ng kontribusyon
ng kapital-ang capitalist partner at industrial partner. Ang capitalist
partner ay nag-aambag ng kapital para sa operasyon ng negosyo.
Samantala, ang industrial partner naman ay ang nag-aambag ng
kaniyang serbisyo para sa operasyon ng negosyo. Siya ang tinatawag na
“hands-on” partner dahil siya ang mas nakaaalam ng negosyo.
Ang isang pang katangian ng partnership ay ang paghahatian ng
tungkulin. Ang isang uri ng kasosyo ay tinatawag na general partnership na
kabilang sa ano mang operasyon ng negosyo. Siya ay nangnagasiwa sa
kapakanan ng negosyo. Gayundin ang kapakanan ng kaniyang mga kasosyo
sa negosyo. Ito ay maaring humantong sa pagkalugi o pagkakautang. May
karapatan din sila sa pantay-pantay na hatian sa kita ng negosyo.
Ang isa pang uri ay tinatawag na limited partnership na namumuhunan
sa takbo ng negosyo ngunit walang karapatan na mangasiwa ng negosyo. Siya ay
may limitadong pananagutan tungkol sa kompanya batay sa kaniyang
kontribusyon.
3. Corporation o korporasyon
Ang korporasyon ay maituturing na malaki at masalimuot na negosyo.
Ito ay pagmamay-ari ng maraming indibidwal na hindi liliit sa limang
miyembro. Ang korporasyon ay nabubuo ng maraming shares of stocks na
pagmamay-ari ng mga namumuhunan na tinatawag na stockholders o ang
nagmamay-ari ng negosyo. Ang bawat stockholder ay nakatatanggap ng
dividends o dibidendo. Ito ay pamamahagi ng tubo o bayad ng korporasyon
sa mga namumuhunan. Ang halaga ng dibidendo ay nakadepende sa
dami o liit ng shares of stocks at halaga ng kita ng negosyo. Ang stockholders
ay may limitadong pananagutan sa anumang mangyari sa operasyon ng
organisasyon katulad ng pagkalugi nito. Ang mga namumuhunan ay
mananagot lamang sa kanilang puhunang inilagak, kahit kulang ito para
bayaran ang pagkakautang ng korporasyon.
Batay sa Articles of Incorporation ng Corporation Code, ang pribadong
korporasyon ay nasasaklawan ng Corporation Code of the Philippines ng
Batas Pambansa bilang 68. Mahigpit ang mga regulasyon ng pamahalaan
para sa mga korporasyon. Marami rin itong mga kinakailangan katulad ng
pera sa pagpapatayo ng isang malaking negosyo. Kasama na rito ang mga
lisensiya ng operasyon, Securities and Exchange Commission (SEC)
certificate, Bureau of Internal Revenue (BIR) permit, bangko, at marami
pang iba. 48 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

4. Cooperative o kooperatiba
Ito ay binubuo ng mga maliliit na manggagawa at mamimili na
nagsama-sama upang makapagpatayo ng isang negosyo na kanilang pag-aari
at dapat din nilang tangkilikin. Ito ay nasasaad sa Presidential Decree no.
175. Ang layunin ng isang kooperatiba ay ang makatulong sa mga miyembro
nito sa pamamagitan ng paggawa ng mga abot-kayang produkto o serbisyo.
Ang pangunahing pananagutan at tungkulin ng mga kasapi nito ay ang
kapakanan ng bawat miyembro at hindi ang kita ng organisasyon.
Ang mga nagmamay-ari dito ay hindi bumababa sa labinlimang
indibidwal na nagtitipon-tipon at naglilikom ng mga kapital o ano mang
kakayahan para sa pagbuo ng negosyo.
Iminumungkahi ng pamahalaan sa tulong ng Cooperative Code of
the Philippines na nailikha noong 1990 sa pamamagitan ng Republic Act
No. 6938 ang pagtayo ng mga kooperatiba para sa ikauunlad ng bawat Pilipino at
ekonomiya.
Inaasahan na maliit lamang ang kita o tubo ng ano mang natatanggap
ng bawat miyembro ng kooperatiba. Ito ang karaniwang kadahilanan kaya
hirap palaguin ang mga kooperatiba dahil sa liit ng puhunan at liit din ng
kita nito na kadalasan ay nagiging sanhi sa pagsasara.

Gawain 20
Magsaliksik ng mga negosyo sa Pilipinas. Alamin ang anyo ng bawat
negosyo. Magbigay ng maikling deskripsiyon ng mga negosyo sa bawat
kategorya. Gawing gabay ang tsart sa ibaba sa iyong pagsasaliksik. Maghanda ng
isang presentasyon sa klase.
Anyo ng
Pangalan ng negosyo Deskripsiyon ng negosyo
Organisasyon
1 Sole proprietor
2 Partnership
3 Corporation
4 Cooperative

Gawain 21
Bumuo ng pangkat sa klase. Kapanayamin ang isang negosyante. Alamin
kung anong anyo ng organisasyon ang kaniyang negosyo. Gawing gabay ang mga
katanungan sa ibaba. Isulat sa isang buong papel ang mga makakalap na
impormasyon.
1. Paano niya itinatag ang kaniyang negosyo?
2. Paano siya nakalikom ng kaniyang kapital para maitayo ang negosyo?

Baitang 9 Unang Markahan 49


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

3. Paano niya natutugunan ang mga pangangailangan ng kaniyang customer?


4. Ano-ano ang mga kontribusyon na naibibigay ng kaniyang negosyo sa
mga mamamayan at lipunan?
5. Ano ang maipapayo niya sa mga gustong magnegosyo?

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Nilalaman ng mga Napakaganda ng Naihahanay Naihahanay ang Hindi mahusay
Tanong pagkakahanay nang mahusay ibang tanong ang pagkakasunod-
ng mga tanong ang mga ngunit medyo may sunod ng mga
na naaayon sa tanong. kakulangan sa tanong.
paksa. pagkakasunod-sunod.
Pagsaliksik ng Lubos na Nakapaghanda Bahagyang Walang pagsaliksik
mga Tanong nagsaliksik sa sa pagsaliksik nakapagsaliksik na nangyari at
sa Kapanayam mga tanong at sa mga tanong sa mga tanong, hindi mahusay ang
at Pagpili sa pinaghandaan ukol sa paksa. ngunit hindi pakikipagpanayam.
Kapapanayamin nang masyadong nauukol
napakahusay. ang mga tanong sa
kapapanayamin.
Nilalaman ng Napakaganda ng Mahusay ang Katamtaman Walang
mga Tanong sa panayam dahil pagsisiyasat ang galing sa kahusayan sa
Pakikipagpanayam sinisiyasat nito sa pakikipagpanayam pakikipagpanayam
nang mabuti kapanayam. dahil hindi nito dahil hindi akma
ang mga tanong sapat na nakukuha ang mga tanong sa
at sagot ng ang kabuuang kapanayam.
kapanayam. sagot.
Kabuuang Puntos

50 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

PAGSUSULIT
I. Repasuhin ang mga salita sa ibaba. Isulat ang pagkakaiba ng mga ito sa isa’t isa.
1. Resource market Factor market

2. Input Output

3. Bahay-kalakal Sambahayan

II. Isulat sa talahanayan ang apat na uri ng negosyo. Tukuyin ang katangian ng
bawat isa gayundin ang bentaha at desbentaha ng mga ito.
Uri ng Negosyo Bentaha Desbentaha
1. a. a.
b. b.
c. c.
d. d.
2. a. a.
b. b.
c. c.
d. d.
3. a. a.
b. b.
c. c.
d. d.

Baitang 9 Unang Markahan 51


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

III. MAPANURING KAISIPAN


Magbigay ng kaalamang-intelektuwal upang suriin ang katanungan sa ibaba
batay sa iyong natutunan at pag-iisip na may kaugnayan sa paksa. Isulat ito
sa isang buong papel.
Ang dami ng pagkain sa pamilihan ay patunay nga ba na may
kakulangan o sapat lang sa pangangailangan ng mga tao?
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka
sa gawain na ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Pagpapaliwang Malinaw na Malinaw ang May kaunting May kakaunting
sa Isyu o Paksa nabubuod ang pagpapaliwang kalinawan tungkol kalinawan o
isyu o paksa sa isyu o paksa sa isyu o paksa pagkilala sa isyu
at mahusay na ngunit hindi ngunit hindi o paksa. Ang
naipaliliwanag maipaliwanag maipaliwanag pagpapaliwanag
kung bakit o nang maayos ang sapat na ay hindi ayon o
paano. kung bakit o impormasyon o angkop sa isyu o
paano. kadahilanan. paksa.
Pagtugma Nakapaghahatid Hindi gaanong May kaunting Malabo ang
sa Paksa at nang mahusay nakapaghahatid pagkakaiba ang halimbawa at
Impormasyon na halimbawa nang malinaw mga halimbawa at magulo ang
at malinaw na halimbawa may hindi gaanong pag-ugnay ng sagot
na batayan. at may naiuugnay na sagot sa paksa.
Naiuugnay ang kaunting sa paksa dahil sa
mga sagot sa mga kakulangan mahinang batayan.
katanungan o sa pagbigay
sitwayon. ng batayan
sa pag-
ugnay ng
sagot o
sitwasyon.
Pagbibigay ng Maayos at May bahagyang Hindi gaanong Malabo ang
Makabuluhang malinaw ang mga walang maayos at malinaw pagpapahayag ng
Pananaw konteksto ng kahusayan ang konteksto ng pananaw. Marami
sariling pananaw sa pag-ayos pananaw. May ang walang
at paglalapat nito ng konteksto hindi kanais-nais o kaugnayan sa
sa paksa. ng pananaw. hindi inaasahang paksa o tanong.
Hindi gaanong mga salita.
nailalapat ang
pananaliksik.
Kabuuang
Puntos

52 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Aralin 5
Ang Pagkonsumo
Simulan Mo!
Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod
na katanungan tungkol dito. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang na
nakalaan.

Pagkatapos ng klase, niyaya ni Babes ang kaniyang mga kaklase at


mga kaibigan na sina Erma at Joy upang kumain. Pumunta sila sa
isang restoran para kumain ng tanghalian. Nakita nila ang isang
restoran na may promo na unlimited rice. Pumasok sila roon at umorder
ng kanilang gustong kainin.
Ang inorder ni Babes ay tatlong pirasong barbeque at isang kanin
na may kasamang atsara. Dahil nagutom siya sa dami ng kanilang
ginawa sa eskuwelahan, naubos niya kaagad ang una niyang kanin
kaya muli siyang humingi. Sa pangalawang kanin ay parang nabitin pa
rin siya kaya humingi siya muli. Sa pangatlong hain ng kanin, naisip
niya na hanggang saan kayang takal ng kanin ang kaya niyang
ubusin? Mauubos pa rin kaya ni Babes ang pangatlong hain na
kanin? O baka naman kulang pa ito para humingi muli.

1. Kung ikaw si Babes, ilang takal ng kanin ang kaya mong ubusin? Bakit?

2. Kung bibigyan ka muli ng dalawang karagdagan na kanin bukod sa


tatlong takal na kanin na inihain sa iyo, mauubos mo kaya ang mga
ito? Bakit?

Baitang 9 Unang Markahan 53


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Ang kuwento ay maaaring magbigay sa iyo ng palaisipan kung hanggang


saan ka masisiyahan sa bawat pagkonsumo ng produkto at serbisyo. Sa
pagsasanay na ito, nalaman mo ang epekto ng pagkosumo sa iyong
pagpapasiya.
Sa aralin na ito, maipaliliwanag ang pangunahing konsepto ng pangkosumo
at relasyon nito sa utility. Masusuri mo rin dito ang mga salik na nakaaapekto sa
pagbabago ng pagkonsumo ng tao.

Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.
Madalas kang bumili ng mga produkto at serbisyo mula sa tindahan,
kaibigan, kakilala, at sa e-shopping. Ang iyong binibili ay maaaring mga
pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain at damit. Ito ay maaari ding
kagustuhan katulad ng branded na medyas o halo-halo mula sa isang sikat na
hotel. Ano mang produkto at serbisyo na iyong nakuha at nakamit ay para sa
iyong pagkonsumo. Ang pagkonsumo ay isa sa mga pinag-aaralan ng mga
ekonomista upang magbigay sa mga tao ng kaalaman kung paano magpasiya ang
isang indibidwal at ang epekto nito sa lipunan.
Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit ng mga produkto o serbisyo.
Ang sambahayan ang bumibili ng mga produkto at serbisyo para sa kaniyang
sariling paggamit o para sa ibang paggamit bukod sa kaniyang pansariling
kagustuhan. Ang pagkonsumo ng tao ay maaaring nasa alin man sa nakasaad na
uri ng produkto. Ito ay maaaring sa pagkonsumo ng pangmadalian na
pangangailangan katulad ng pagkain, kasuotan, bag, at cell phone. Ang mga ito ay
tinatawag na non-durable goods. Maaari din naman ang pagkonsumo ay
pangmatagalan katulad ng kotse, bahay, at insurance. Ang mga ito ay tinatawag
na durable goods.
Ayon sa Philippine Statistics survey noong 2015, ang pinakamataas na
pagkonsumo ng sambahayan ay ang pagkain, sumunod dito ang inumin, kasuotan,
at sapatos. Ang gastusin sa bahay, gamit sa bahay, at kalusugan ay ang sumunod
sa mga mahahalagang gastusin ng sambahayan.

Gawain 22
Isa-isahin ang mga produkto at serbisyo sa ibaba. Tukuyin kung ang
bawat produkto o serbisyo ay pangangailangan o kagustuhan.
tinapay school uniform kompyuter
tablet massage foot spa
kotse iPad tsinelas
bahay soft drink tattoo
bisikleta alahas sapatos
54 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Pangangailangan Kagustuhan

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong batayan para matukoy ang bawat produkto o serbisyo ayon sa
kaniyang pagkakauri?

2. Ano ang iyong pagkakaunawa sa dalawang termino na pangangailangan at


kagustuhan?

Gawain 23
Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa paksa sa ibaba. Isulat ito sa isang
buong papel.

Maaari bang magbago ang iyong


pangangailangan at kagustuhan batay sa
iyong pagkonsumo?

Baitang 9 Unang Markahan 55


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Pagkaunawa Malinaw ang May bahagyang Hindi gaanong Hindi maipaliwanag
Ukol sa pagkaunawa sa kakulangan sa maliwanag at may ang mga ideya at
Presentasyon paksa. pagkaunawa at kalabuan ang mga walang kabuluhan.
pagpapahayag ideya.
ukol sa paksa.
Organisasyon Malinaw at Maayos ang Bahagyang Magulo ang
maayos ang organisasyon magulo ang pagkakasunod-sunod
pagkakasunod-sunod ngunit hindi pagkakasunod-sunod ng presentasyon.
ng impormasyon. ito masyadong ng presentasyon.
naipaliliwanag.
Lalim ng Napakalalim ng Malalim ang Medyo mababaw Mababaw ang
Repleksiyon pang-unawa at pang-unawa ang pang-unawa at pang-unawa at
pagpapahayag ng ngunit hindi pagpapahayag ng pagpapahayag ng
kaalaman. gaanong kaalaman. kaalaman.
maipahayag
nang maayos
ang kaalaman.
Kabuuang
Puntos

Pagkonsumo Batay sa Utility


Ang pagsukat sa dami ng kasiyahan sa pagkonsumo ng produkto at
serbisyo ay tinatawag na utility. Ang total utility ay ipinahahayag ang sukat ng
kabuuang kasiyahan ng tao. Kapag may karagdagan muli sa utility sa bawat
pagkonsumo ng produkto o serbisyo, ito naman ay tinatawag na marginal
utility. Sa anumang karagdagang matatamo sa pagkonsumo ng produkto
at serbisyo ay may pagbabago sa total utility.
Ayon kay Alfred Marshall, isang malaking kontributor sa ekonomiks,
sa bawat pagtaas ng utility ay bumababa naman ang marginal utility na mas
nakilala sa teorya na Law of Diminishing Marginal Utility.
Upang maunawaan ang konsepto at pagkakaugnay ng marginal
utility at total utility, pag-aralan nang mabuti ang talahayan sa ibaba. Dito
ay ibinuod ang pagkonsumo ng kanin sa bawat hain. Makikita na sa bawat
dami o dagdag ng takal ng kanin ay tumataas ang pagkonsumo nito, habang
ang marginal utility naman ay bumababa. Ngunit, kapag umabot na sa
pinakamataas na kasiyahan o kabusugan ang kasiyahan ay maaari nang
bumaba.

56 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Dagdag na Takal Marginal


Total Utility
ng Kanin Utility
0 0 0
1 20 20
2 35 15
3 45 10
4 48 3
5 48 0
Ang Law of Diminishing Marginal Utility ay nakikita sa parehong kurba.
Ang pagbaba ng kurba ay ang marginal utility curve. Tandaan na ang marginal
utility ay parating positibong numero. Samantala, ang pagtaas ng kurba ay ang
total utility curve.
Total Utility Curve at Marginal Utility Curve
60
50
Total Utility/ Marginal Utility

40Total Utility
30Marginal Utility
20
10
0
0123456

Takal ng Kanin

Nasusuri ng Law of Diminishing Marginal Utility na si Babes ay


maaaring sa pagkonsumo ng limang takal ng kanin ay hindi na ito nagbigay
ng karagdagang kasiyahan. Kahit na libre pa ang kanin, ngunit kung nakamit na
niya ang pinakamataas na utility ay maaaring tanggihan na niya ang dagdag na
takal ng kanin dahil sa kabusugan.
Gawain 24
Bumuo ng pangkat sa klase. Gawin ang gawain sa ibaba.
Makagawa ng isang maganda at makabuluhang eksperimento sa
Layunin
pamamgitan ng obserbasyon ng pag-uugali ng tao sa pagkonsumo
Kalahok Estudyante mula sa high school, parehong edad at baitang
1. Obserbahan ang pagkain ng bawat kalahok batay sa
tatlong kategorya.
a) fishball na may matamis na sawsawan
b) fishball na may maanghang na sawsawan
Gawain
c) fishball na walang sawsawan
2. Itala ang pinakamaraming nakain ng bawat kalahok.
3. Gumawa ng isang graph para malaman kung ano ang utility
at
diminishing utility ng bawat pangkat.
Tungkulin Makagawa ng isang graph presentationmula sa obserbasyon
Baitang 9 Unang Markahan 57
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Pangalan ng Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 2


Kalahok Fish ball na Fish ball na may Fish ball
may Matamis Maanghang na na Walang
na Sawsawan Sawsawan Sawsawan
1.

2.

3.

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Nilalaman ng Lubhang Substansiyal ang Naihahanay ang Hindi mahusay
Paksa substansiyal at mga nilalaman at ibang tanong ang pagkakasunod-
makabuluhan impormasyon na ngunit medyo may sunod. ng mga
ang mga ibinahagi. kakulangan sa tanong.
impormasyong pagkakasunod-sunod.
ibinahagi.
Pagtugma sa Nagawa nang Nagawa nang Hindi gaanong tama Hindi tama
Layunin tama ayon tama ayon sa ayon sa layunin at ang nagawang
sa layunin. layunin, ngunit maraming hindi obserbasyon at
Naipakikita hindi gaanong naipakikita na hindi nasunod ang
ang bawat naipakikita detalye. layunin.
obserbasyon ang detalye ng
nang maayos. obserbasyon.
Boses o Maayos at Ang salita, Ang salita, boses, Hindi malinaw
Tinig ng malinaw ang boses, o tinig ay o tinig ay hindi ang salita, boses,
Tagapagsalaysal salita, boses, hindi gaanong gaanong malinaw o tinig at may
o tinig malinaw para sa at hindi maayos ang kaguluhan din sa
upang mga tagapakinig/ pagbigkas. pagpapaliwanag.
maunawaan ang tagapanood.
nilalaman ng
presentasyon.
Pagkuha ng Malakas ang Magaling ngunit Hindi nakapupukaw Hindi lubos na
Atensiyon sa hatak/dating sa hindi masyadong ng atensiyon sa nakapupukaw
Paghikayat ng mga manonood nakapagpapanatili mga manonood ng atensiyon sa
Manonood at nag-iiwan ng atensiyon sa at kailangan pang mga manonood
ng isang mga manonood. pag-ibayuhin. at kailangan pang
magandang pag-ibayuhin.
impresyon o
kakintalan.
Kabuuang
Puntos

58 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Salik na Nakaaapekto sa Pagkonsumo


Ang pagbili at pagkonsumo ng produkto at serbisyo ng bawat indibidwal ay
nasusukat sa kaniyang kasiyahan at dami ng pagkonsumo. Ngunit, ang
pagkonsumo ng tao ay maaaring nagbabago sa maraming kadahilanan. Ilan sa
mga ito ay ang mga salik na nakaaapekto sa kasiyahan ng pagkonsumo.
1. Kita
Ayon kay John Maynard Keynes, na kapag ang kita ay nagbago, ang
katumbas sa pagkonsumo ay maaaring magbago depende na rin sa antas ng
kaniyang trabaho. Ito ay ipinaliwanag sa kaniyang teorya na Propensity to
Consume. Habang tumataas ang disposable income ay tumataas din ang
pagkonsumo. Ang disposable income ay ang pagbawas ng buwis sa kabuuang kita
na maaaring gamitin sa pagkonsumo at pag-ipon.
Kapag tumaas ang kita ng tao katulad ng isang promotion ay malaki
rin ang matatanggap niyang benepisyo at insentibo. Ito ay maaaring
makadagdag sa pagkonsumo at paglaki ng gastos ng sambahayan.
Disposable income = kita – buwis
Kung ang kita ng tao ay tumaas, ang demand sa normal goods ay tumataas
din at lumiliit naman ang kagustuhan sa inferior goods. Ang normal goods ay
ang mga produkto o serbisyo na higit sa kagustuhan kaysa sa
pangangailangan katulad sa pagbili ng branded na sapatos, high-end na laptop,
at pagbili ng kape sa mamahaling coffee shop. Ang inferior goods ay hindi
nangangahulugang mababa ang kalidad ng produkto, ito ay ang mas mura
at madaling mabibili ng nakararami.
2. Kayamanan
Ang pagkonsumo ng tao ay nasa laki at liit ng kayamanan nito. Kapag
ang tao ay mas malaki ang kita, maaaring malaki rin ang yaman nito lalo na
kung ang pangunahing layunin nito ay ang pag-impok ng kaniyang kita.
Ang kabuuang yaman ng tao ang nagsasabi kung gaano kalaki ang
yaman nito. Ang yaman ng tao ay maaaring nasusukat sa kaniyang bahay,
stocks, bonds, pera sa bangko, at iba’t iba pang ari-arian. Kahit ang
disposable income o kita ay walang pagbabago pero may kayamanan naman na
maaaring mapagkitaan, ito ay maaaring magdulot ng pagtaas sa
pagkonsumo.
3. Interes
Ang interest rate ay ang karagdagang kita kapag ang tao ay nag-impok
ng pera katulad sa bangko. Ito rin ay karagdagan na pambayad sa inutang na
pera.
Kung halimbawa ang interest rate sa bangko ay tumaas ng limang
porsiyento kada taon kaysa sa kasalukuyang isang porsiyento lamang, maaaring
magpasiya ang mga tao na mag-impok ng pera sa bangko. Ito ay para lumaki
ang kita pero liliit naman ang pagkonsumo.
Baitang 9 Unang Markahan 59
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Kapag umutang naman ng pera sa bangko ay may interest rate na


idaragdag dito. Ang interest rate ay depende sa laki ng iyong inutang.
Kung malaki ang interest rate ay mas lalaki ang babayaran sa bangko at
ito ay makaaapekto sa pagliit ng pagkonsumo ng sambahayan.
4. Inaasahang pangyayari
May mga pangyayaring nalalaman mo na ang magaganap sa nalalapit
na panahon. Ang mga tao ay maaari nang maghanda sa ano mang
magaganap. Sa ganitong panahon, dapat nang magplano nang maaga ang
mga mamimili upang hindi siya mawalan o maubusan ng produkto o
serbisyo para sa kaniyang pangangailangan.
Tuwing sasapit ang Pasko, inaasahan na ng mamimili na ang presyo
ng karne, gulay, pasta, mga prutas, at iba pa ay magmamahal. Upang
makapaghanda ng saganang pagkain, ang mamimili ay nag-iisip ng solusyon
sa pamamagitan ng pagbili ng mga alternatibong produkto o kapalit upang
mas mura itong mabili at may mabili pa na ibang gamit na kakailanganin
para sa masaganang selebrasyon ng Pasko.
5. Presyo
Isa sa mga nakaaapekto sa pagkonsumo ng mga tao ay ang pagbago ng
presyo ng bilihin. Kadalasan, ang tao ay bumibili kung ang presyo ay mas
mababa katulad kapag may mga promo o sale. Mas tinitipid naman ang
paggastos at humihina ang pagkonsumo kung ang presyo ng bilihin ay
mas mahal kaysa sa dati.
Kung halimbawang kailangan mo ng sabong pampaligo at shampoo, may
nakita ka na promo na magkasama ang sabon at shampoo na nagkakahalaga
lamang ng 90 piso. Pero kung bibilhin mo ito ng indibidwal, ang sabong
pampaligo ay nagkakahalaga ng 30 piso at ang shampoo ay nagkakahalaga ng
80 piso, mas magiging mahal ang produkto at maaaring hindi mo na ito
bilhin.
6. Anunsiyo
Malaki ang epekto ng pag-anunsiyo ng produkto at serbisyo sa pagkonsumo
ng tao. Ang layunin ng pag-anunsiyo ay para mabigyan ng pansin ang
mga produkto o serbisyo na iniaalok sa mga mamimili. Ito ay ang
pagpapalaganap ng mensahe sa mga benepisyo na makukuha nito at
kasiyahan sa paggamit nito. Ito ay isang paaran upang hikayatin ang mga
mamimili na bilhin ang mga produkto o serbisyo para sa paglakas ng
konsumo. Maraming paraan sa pag-anunsiyo ng mga produkto o serbisyo.
Ilan sa mga ito ay ang paggamit ng internet, radyo, telebisyon, bulletin,
billboard, at pahayagan.

60 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 25
Panoorin ang video na makikita sa https://www.youtube.com/watch?
v=WpeR9vhap7A. Alamin kung paano nakaaapekto ang mga ibang salik sa
pagkonsumo ng tao. Gumawa ng pagbubuod kung paano tumataas at bumababa ang
pagkonsumo ng tao mula sa mga salik na nabanggit. Isulat ito sa isang buong
papel.
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Nilalaman Komprehensibo May ilang May mga Maraming
ng ideya ang nilalaman. kakulangan kakulangan kakulangan sa
at aralin Naibibigay ang sa nilalaman. sa nilalaman. nilalaman. Walang
mga mahahalagang Nakapagbibigay Nakapagbibigay teorya.
teorya at ng teorya ngunit ng teorya
naipaliliwanag nang hindi gaanong ngunit hindi
husto. naipaliliwanag gaanong
nang mahusay. nakapagbibigay
ng kaugnayan
sa paksa at sa
sanggunian.
Organisasyon Maganda ang Hindi gaanong May Walang
ng ideya presentasyon. maayos ang kaguluhan ang kaayusan sa
Maayos at pagkakasunod-sunod presentasyon. pagkakasunod-sunod
lohikal ang ng mga ideya. Nakalilito ang ng mga ideya.
pagkakasunod-sunod Bahagyang may karamihan na Hindi organisado
ng mga ideya. kalituhan sa mga paliwanag ang pagkalahad ng
Makabuluhan pagpapaliwanag at at pagtalakay sa mga ideya.
ang bawat talata pagtalakay sa mga mga ideya.
dahil sa husay ideya.
ng
pagpapaliwanag
at pagtalakay sa
mga
ideya.
Kabuuang
Puntos

Baitang 9 Unang Markahan 61


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 26
Magbigay ng mga epekto ng pandemya sa pagkonsumo ng mga tao.
Salik na Nakaaapekto sa Epekto ng Pandemya sa
Pagkonsumo Pagkonsumo
1. Kita

2. Kayamanan

3. Interes

4. Inaasahang pangyayari

5. Presyo

6. Anunsiyo

PAGSUSULIT
I. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pangungusap.
1. Ipinaliwanag niya na ang kita ay nagbabago katumbas
sa pagkonsumo na maaaring magbago depende sa antas
ng kaniyang trabaho.
2. Ito ay ang pagsukat sa dami ng kasiyahan sa pagkonsumo
ng produkto at serbisyo.
3. Ang pagtaas ng utility ay bumababa ang marginal
utility.
4. Ito ay ang pagbawas ng buwis sa kabuuang kita na
maaaring gamitin sa pagkonsumo at pag-ipon.

62 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

5. Ito ay ang pagsukat ng kabuuang kasiyahan ng tao sa


pagkonsumo.
6. Ito ay ang karagdagan na pambayad sa inutang na pera.
7. Ito ay ang pagpapalaganap ng mensahe sa mga
benepisyo na makukuha nito at kasiyahan sa
paggamit produkto o serbisyo.
8. Ito ay ang salik na malaki ang epekto sa pagkonsumo
lalo na kung ang halaga ay tumataas.
9. Ito ay ang pagpataw ng pamahalaan sa mga bilihin.
10. Ito ay ang mga produkto at serbisyo na binibili dahil sa
kagustuhan lalo na kung tumaas ang sahod.

II. Lagyan ng tsek ang patlang kung ikaw ay sumasang-ayon at ekis naman
kung hindi ka sumasang-ayon sa mga sumusunod na pahayag.
1. Ang inferior goods ay mababang kalidad ng produkto kaya mura
at madaling mabibili ng konsyumer.
2. Ang utility ay ang karagdagan sa pagkonsumo ng produkto
at serbisyo.
3. Kapag masaya ang tao dahil sa kabusugan, ibig sabihin ay
nasukat nito ang marginal utility.
4. Kapag tumataas ang utility ay bumababa ang marginal utility.
5. Tumataas ang dami ng mamimili kapag Pasko dahil ito ay
kagustuhan.
6. Ang interest rate ay maaaring may positibo at negatibong epekto
sa pagkonsumo.
7. Ang pagkuha ng disposable income ay depende sa laki ng kita.
8. Si Jonathan ay nabigyan ng bonus ng kaniyang kompanya
kaya balak niyang magdaos ng malaking salusalo. Maaaring
madagdagan ang kaniyang pagkonsumo at laki ng gastos.
9. Ang layunin ng insentibo ay para mabigyan ng pansin ang
mga produkto o serbisyo na iniaalok sa mga mamimili.
10. Kung ang disposable income o kita ay walang pagbabago pero
may kayamanan naman na maaaring mapagkitaan, ito ay
maaaring magdulot ng pagtaas sa pagkonsumo.

Baitang 9 Unang Markahan 63


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

III. MAPANURING KAISIPAN


Magbigay ng kaalamang-intelektuwal upang suriin ang pahayag sa
ibaba batay sa iyong natutunan at pag-iisip na may kaugnayan sa paksa.
Isulat ito sa isang buong papel.

“Walang maaaring magkaroon ng halaga


nang walang isang bagay ng utility.”
—Karl Marx

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa


Husay Kahusayan
4 3 2 1
Pagpapaliwang Malinaw na Malinaw ang May kaunting May kakaunting
sa Isyu o Paksa nabubuod ang pagpapaliwang kalinawan tungkol kalinawan o
isyu o paksa sa isyu o sa isyu o paksa pagkilala sa isyu
at mahusay napaksa ngunit ngunit hindi o paksa. Ang
naipaliliwanag
hindi maipaliwanag pagpapaliwanag
kung bakit o maipaliwanag ang sapat na ay hindi ayon o
paano. nang maayos impormasyon o angkop sa isyu o
kung bakit o kadahilanan. paksa.
paano.
Pagtugma Nakapaghahatid Hindi gaanong May kaunting Malabo ang
sa Paksa at nang mahusay nakapaghahatid pagkakaiba ang halimbawa at
Impormasyon na halimbawa nang malinaw mga halimbawa at magulo ang
at malinaw na halimbawa may hindi gaanong pag-ugnay ng
na batayan. at may kaunting naiuugnay na sagot sagot sa paksa.
Naiuugnay ang kakulangan sa sa paksa dahil sa
mga sagot sa mga pagbigay ng mahinang batayan.
katanungan o batayan sa pag-
sitwayon. ugnay ng sagot o
sitwasyon.
Pagbibigay ng Maayos at May bahagyang Hindi gaanong Malabo ang
Makabuluhang malinaw ang mga walang kahusayan maayos at malinaw pagpapahayag
Pananaw konteksto ng sa pag-ayos ng ang konteksto ng ng pananaw.
sariling pananaw konteksto ng pananaw. May Marami
at paglalapat pananaw. Hindi hindi kanais-nais o ang walang
nito sa paksa. gaanong nailalapat hindi inaasahang kaugnayan sa
ang pananaliksik. mga salita. paksa o tanong.
Kabuuang
Puntos

64 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Aralin 6
Karapatan ng mga Mamimili
Simulan Mo!
Ang bawat aytem ay nagsasaad ng kaugalian ng isang konsyumer bago
bumili ng produkto at serbisyo mula sa pamilihan. Lagyan ng tsek ang iyong
sagot na akma sa iyong kaugalian.
Madalas Paminsan- ‘Di
Gawin minsan Nagagawa
1. Bago mamili ay inaalam muna ang
badyet.
2. Sinusunod lang ang listahan ng
mga bibilhin
3. Tinitingnan ang label, inserts, at letra
sa packaging
4. Inaalam kung may sale o may
diskuwento bago mamili
5. Tinatanong sa tindahan ang mga
alituntunin sa pagsauli ng
produkto
6. Inihahambing ang presyo at kalidad
ng mga kakompetensiyang produkto
at serbisyo
7. Hinahanapan o tinatanong kung
may warranty ang produkto
8. Bago kumain sa isang kainan,
inaalam kung may vetsin ang
lutong pagkain
9. Inaalam kung tumatanggap ng
school ID at senior citizen card para
sa diskuwento
10. Kapag sa online bibili, nagsasaliksik
tungkol sa produkto
Sa pagsasanay na ito, nalaman mo kung ano ang iyong kaugalian bago ka
bumili ng produkto at serbisyo sa pamilihan. Naunawaan mo rin kung paano ka
magpasiya bago bumili sa pamilihan.
Sa aralin na ito, mauunawaan mo ang mahalagang tungkulin ng isang
konsyumer, ang mga katangian ng isang matalinong mamimili, at karapatan ng
isang mamimili sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo sa pamilihan.

Baitang 9 Unang Markahan 65


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.
Ang konsyumer ay ang taong bumibili at gumagamit ng produkto o
sebisyo para sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Sila ay tinatawag din
na mamimili, tagabili, o suki. Malaki ang ginagampanan ng mamimili sa
ekonomoiya. Sila ang nagdidikta kung ano ang produkto at serbisyo na
kailangang gawin, ang dami, at kung anong uri ang gagawin.

Pamantayan sa Matalinong Pamimili


Para sa mamimili, mahalagang mapunan ang kanilang kasiyahan sa pamamagitan
ng tamang presyo, kalidad ng mga produkto o serbisyo, tamang timbang, at
mga benepisyo mula sa produkto at serbisyo. Ang mga sumusunod ay ang mga
batayan sa matalinong pamimili.
1. Pagpili ng alternatibo
Ang epekto sa pagtaas ng bilihin ay ang panukat ng mamimili para sa
pagpili ng mga alternatibong produkto o serbisyo. Maaaring tumingin ng
alternatibo ang mamimili kung kulang o walang suplay sa produkto at kung
nagbago ang kalidad ng produkto o serbisyo. Gayundin ang mga
nangangalakal, maaaring maghanap ng alternatibong produkto at serbisyo
para sa ikadadali ng produksiyon.
2. Sumusunod sa badyet
Mahalaga na malaman ng indibidwal ang kaniyang disposable income
upang makapaglaan siya sa kaniyang gagastusin at pag-iimpok. Ang
paggastos ay dapat naaayon lamang sa kaniyang kakayahang kumita at
angking yaman. Ang matalinong mamimili ay marunong mamahala ng
kaniyang badyet. Ang paggastos ay ayon lamang sa kaniyang
pangangailangan at hindi lamang sa kaniyang kagustuhan. Hindi siya
nagpapadala sa anumang anunsiyo mula sa mga telebisyon, radyo, o
pahayagan.
3. Karampatang kaalaman
Ang isang matalinong mamimili ay may sariling kagustuhan o
pamantayan sa produkto o serbisyo na kaniyang binibili. Mahalaga na may
kaalaman ang mamimili sa mga produkto at serbisyo na kaniyang binibili o
ginagamit. Dapat ay maging isang mapanuring mamimili at hindi
nagpapadaya sa kahit anumang produkto o sinumang nagtitinda.
Inihahambing niya ang isang produkto sa iba pang produkto pagdating sa
kalidad at presyo. Tinitingnan din niya kung tama ang mga sukat at
timbang sa mga pakete nito.

66 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 27
Ang mababasa mo sa ibaba ay ang iba’t ibang sitwasyon na ginagawa ng
isang konsyumer sa pamilihan. Lagyan ng tsek kung saang pamantayan sa
matalinong pamimili ang bawat sitwasyon.
Sitwasyon Pagpili ng Sumusunod Karampatang
Alternatibo sa Badyet Kaalaman
1. Tinitingnan ang
timbang at presyo bago
bilhin ang produkto
2. Tinitingnan ang
nutrition facts
3. Naghahanap ng pamalit
na produkto na
mayroong katumbas na
benepisyo
4. Pinipili ang buy 1 take 1
na kape para makabili
pa ng asukal at gatas
5. Nagbabaon ng tubig
kaysa bumili sa canteen

Gawain 28
Bumuo ng pangkat sa klase. Magbigay ng mga halimbawa kung paano
maging isang matalinong mamimili upang magkaroon ng kaalaman bago
bumili.
Pagbili Pagpapa-deliver Pag-order
ng Notebook ng Pizza ng Libro Online
1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

Baitang 9 Unang Markahan 67


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Karapatan at Tungkulin ng Mamimili


Bawat mamimili ay nais magkaroon ng mataas na kasiyahan sa mga
produkto at serbisyong kaniyang binibili. Dapat ay may kaalaman ang mamimili sa
mga pamantayan sa pagbili ng mga produkto at serbisyo para sa kaniyang
proteksiyon.
1. Consumer Act o R.A. 7394
Itinakda noong 1991 ang Republic Act 7394 na tinatawag na
“Consumer Act of the Philippines.” Nilalayon nito na protektahan ang
interes at kapakanan ng mamimili. Layunin din nito ang magtatag ng
pamantayan para sa mabuting pangangasiwa at operasyon ng mga
negosyo at industriya.
Ang mga sumusunod ay ang mga konseho ng gobyerno na kumikilos
para maisakatuparan ang Consumer Act.
(a) Department of Health o Kagawaran ng Kalusugan – Ito ay
kumikilos para sa pagkain, gamot, droga, pagpapaganda, sangkap, at
aparato.
(b) Department of Agriculture o Kagawaran ng Pagsasaka – Ito ay
kumikilos para sa mga produktong kaugnay sa agrikultura katulad ng
gulay, hayop, at karne.
(c) Department of Trade and Industry o Kagawaran ng Kalakalan at
Industriya – Ito ay kumikilos para sa mga produkto ng mga mamimili na
hindi kasama sa pinamamahalaan ng Kagawaran ng Pagsasaka. Ang
ahensiya ay namamahala upang mabigyan ng proteksiyon at kapangyarihan
ang mga mamimili mula sa mga nagtitinda at bahay-kalakal na
umaabuso.
(d) Department of Education o Kagawaran ng Edukasyon – Ito ay
kumikilos sa pakikipagtulungan at payo ng konseho upang magtaguyod ng
edukasyon para sa mga konsyumer na isasama sa kurikulum at programa
ng pribado at pampublikong paaralan.
Ang mga sumusunod ay ang mga panukala upang masunod ang batas na ito.
(a) Proteksiyon laban sa mapanganib o peligrosong kalusugan at kaligtasan
(b) Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawain
sa pagbebenta o operasyon ng negosyo
(c) Pagkakaroon ng karapatan ng mamimili sa impormasyon at
kaalaman tungkol sa produkto at serbisyo
(d) Pagkakataon na malaman ang mga hinaing ng mga mamimili at
matugunan ang mga ito
(e) Paglahok sa kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas
at pagbuo ng mga patakaran para sa ekonomiya at sa lipunan

68 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

2. Karapatan ng Mamimili
Ang Department of Trade and Industry (DTI) o Kagawaran ng Kalakalan
at Industriya ay isinasakatuparan ang walong karapatan ng mga mamimili upang
maging gabay sa anumang transaksiyon sa kanilang pagbili ng mga
produkto o paggamit ng mga serbisyo.
a. Karapatan sa pangunahing pangangailangan
Ito ay ang mga karapatan na dapat mayroon ang bawat
mamamayan katulad ng sapat na pagkain, kasuotan, pangangalagang
pangkalusugan, edukasyon, kalinisan, at maayos na tirahan.
b. Karapatan sa kaligtasan
Ito ay karapatan na maproteksiyonan ang mamimili sa mga
mapanganib na produkto o serbisyong makasasama sa kalusugan at
buhay ng mamimili.
c. Karapatan sa impormasyon
Ang konsyumer ay dapat na may proteksiyon laban sa mga
mapanlinlang, madaya, at hindi makatotohanang anunsiyo o
impormasyon tungkol sa anumang produkto o serbisyong pang-
aabuso.
d. Karapatan pumili
Ito ay ang karapatan na makapamili sa iba’t ibang produkto o
serbisyo sa akmang halaga nito na makapagbibigay kasiguraduhan sa
mahusay na kalidad.
e. Karapatang makapagpahayag
Karapatan ng bawat mamimili na maihayag ang kaniyang interes sa
paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng gobyerno.
f. Karapatang lunasan at maiwasto ang anumang pinsala
Ito ay isang karapatan na nagsasaad na dapat tumbasan ang
kabayaran sa pinsala na buhat ng produktong nabili o serbisyong
binayaran. Ayon dito, maaaring bayaran ng nagtitinda o gumagawa ng mga
produkto o serbisyo ang isang mamimili kung mababa ang uri ng kalidad
nito, may kasinungalingan sa anunsiyo, may pagkakamali sa produkto o
sukli, at kung ito ay ginawa nang may kapabayaan.
g. Karapatan sa edukasyon
Mahalagang magkaroon ng edukasyon ang mga konsyumer
para sa matalinong pamimili. Ito ay para mabigyan sila ng tamang
gabay at impormasyon para sa kanilang bibilhing produkto. Dapat na
magkaroon ang mga mamimili ng kaalaman sa consumer rights at iba pang
kaugnay na batas para ligtas sila sa anumang pinsala.

Baitang 9 Unang Markahan 69


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

h. Karapatan para sa mapayapang kapaligiran


Ito ay tumutukoy sa karapatang mabuhay, magtrabaho, at
pantay-pantay na makinabang sa malinis at mapayapang lugar na
walang panganib at pananakot para sa maganda, maginhawa, at
masaganang buhay.
Gawain 29
Basahin at unawain ang artikulo sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod
na katanungan tungkol dito.

Grupo, Hinikayat ang DOH na Ibunyag ang mga Brand ng ‘Pekeng Suka’
ABS-CBN News Posted at May 25 2019
https://news.abs-cbn.com/news/05/25/19/grupo-hinikayat-ang-doh-na-ibunyag-ang-mga-brand-ng-pekeng-suka

Nananawagan ang isang consumer group sa Department of Health (DOH)


na isapubliko ang mga brand ng suka na masusuring may sangkap na synthetic
acetic acid at tinaguriang mga “fake vinegar.”
Ito ay matapos sabihin ng DOH na isinasailalim nila ngayon ang halos 300
brand ng suka — lokal man o imported — sa laboratory test para masigurong
walang sangkap ang mga ito na synthetic acetic acid.
Nauna na kasing nagsagawa ng laboratory test ang Philippine Nuclear
Research Institute ng Department of Science and Technology (DOST) kung
saan natagpuan nilang may hindi natural na sangkap ang ilang brands ng
suka.
Nananawagan ang isang consumer group sa DOH na isapubliko ang mga
brand ng suka na nasuring may sangkap na synthetic acetic acid.
Dapat daw magpaliwanag ang mga kompanya kung bakit natural ingredients
ang kanilang inilalagay sa label samantalang mayroon pala itong sangkap na
synthetic acetic acid.
“Nakasaad sa Consumer Act... ay dapat totoo ang ilalagay sa label ng
produkto,” sabi ni Atty. Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsyumer.
Sabi ng DOH, bawal ang sangkap na synthetic acetic acid sa suka kaya
maaaring matanggalan ng business permit o lisensiya ang mga negosyong
lumabag dito.

1. Mula sa nabasa mong balita, mayroon bang nalabag sa karapatan ng


konsyumer? Kung mayroon, ano-ano ang mga ito?

2. Sang-ayon ka ba sa hiling ng consumer group na isapubliko ang mga brand


ng suka na may sangkap na synthetic acetic acid? Pangatwiranan.

70 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

3. Bilang isang konsyumer, ano ang maaari mong gawin o rekomendasyon sa


ibang konsyumer sa pangyayaring ito?

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Pagkaunawa Malinaw ang May Hindi gaanong Hindi maipaliwanag
Ukol sa pagkaunawa sa bahagyang maliwanag at may ang mga ideya at
Presentasyon paksa. kakulangan sa kalabuan ang mga walang kabuluhan.
pagkaunawa at ideya.
pagpapahayag
ukol sa paksa.
Organisasyon Malinaw at Maayos ang Bahagyang Magulo ang
maayos ang organisasyon magulo ang pagkakasunod-sunod
pagkakasunod-sunod ngunit hindi pagkakasunod-sunod ng presentasyon.
ng impormasyon. ito masyadong ng presentasyon.
naipaliliwanag.
Lalim ng Napakalalim ng Malalim ang Medyo mababaw Mababaw ang
Repleksiyon pang-unawa at pang-unawa ang pang-unawa at pang-unawa at
pagpapahayag ng ngunit hindi pagpapahayag ng pagpapahayag ng
kaalaman. gaanong kaalaman. kaalaman.
maipahayag
nang maayos
ang kaalaman.
Kabuuang
Puntos

Gawain 30
Bumuo ng pangkat sa klase. Ang pangkat ay kailangang magsaliksik ng mga
isyu mula sa mga konsyumer at gawin ang mga sumusunod upang magkaroon ng
malawak na kaalaman bilang isang konsyumer.

Malaman at matukoy ang pangunahing isyu ng mga konsyumer


Layunin at iba pang isyu tungkol sa pagbili ng produkto at serbisyo gamit
ang online shopping sa loob at labas ng bansa

Kalahok Estudyante mula sa high school, parehong edad at baitang

Baitang 9 Unang Markahan 71


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

1. Magsaliksik ng mga isyu ng mga konsyumer sa mga online


shopping.
2. Alamin ang iba’t ibang isyu mula sa iba’t ibang online
shopping.
Gawain 3. Gumawa ng isang buod gamit ang Microsoft Excel sa mga isyu
na nalikom. Ibuod ang pagkakahalintulad ng mga isyu.
4. Mula sa mga resulta ay ayusin ito mula sa pinakamalaking
isyu hanggang sa pinakamaliit.
5. Kuhanin ang lima (5) mula sa pinakamataas na isyu upang
makapagbigay ng matalinong solusyon.

Tungkulin Ipakita sa klase ang nagawang presentasyon.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong pananaliksik mula sa mga konsyumer?

2. Ano ang iyong natutunan sa gawaing ito?

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Nilalaman Makabuluhan Substansiyal ang Sapat ang mga Mauunawaan
ng Paksa/ ang mga mga nilalaman at impormasyon ang ibang
Impormasyon impormasyon nakapagbibigay ngunit hindi impormasyon,
at maayos na ng impormasyon gaanong ngunit may
naipaliliwanag ukol sa paksa malinaw ang kakulangan sa
ang paksa na na ibinahagi sa pagpapaliwanag pagpapaliwanag
ibinahagi sa pag-uulat. sa paksa. sa paksa.
pag-uulat.

72 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Pagtugma Nakapaghahatid Hindi gaanong May kaunting Malabo ang


sa Paksa at nang mahusay nakapaghahatid pagkakaiba ang halimbawa at
Impormasyon na halimbawa nang malinaw mga halimbawa magulo ang
at malinaw na na halimbawa at may hindi pag-ugnay ng
naiuugnay ang at may kaunting gaanong sagot sa paksa.
mga sagot sa mga kakulangan sa naiuugnay na
katanungan. pag-ugnay ng sagot sa paksa.
sagot sa paksa.
Paglalapat at Maayos at May bahagyang Hinid gaanong Hindi lubos
Organisasyon malinaw ang walang kahusayan maayos at na naipakikita
ng Ideya at mga ideya at sa pag-ayos at malinaw ang ang paglalapat
Malinaw na paglalapat nito sa linaw ng ideya. presentasyon at organisasyon
Kaugnayan ng paksa. Hindi gaanong ng mga idea at ng mga ideya.
Paglalahad ng nailalapat ang may kaunting Marami
Paksa pananaliksik. kalabuan. ang walang
kaugnayan sa
paksa.
Ginamit sa Naipamamalas ng Naipamamalas Naipamamalas ng Isa o
Pagkuha ng bawat miyembro ng karamihang iilang miyembero dalawa
Impormasyon ang pagkakaisa miyembro ang ang pagkakaisa lamang ang
sa paggawa ng pagkakaisa sa sa paggawa gumawa
(Sources)
gawain. paggawa ng ng gawain. ng gawain.
gawain.
Kabuuang
Puntos

Gawain 31
Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa paksa sa ibaba. Isulat ito sa isang
buong papel.

Bakit dapat malaman ng estudyante ang mga karapatan ng mamimili?

Baitang 9 Unang Markahan 73


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Pagkaunawa Malinaw ang May Hindi gaanong Hindi
Ukol sa pagkaunawa sa bahagyang maliwanag at may maipaliwanag
Presentasyon paksa. kakulangan sa kalabuan ang mga ang mga ideya at
pagkaunawa at ideya. walang kabuluhan.
pagpapahayag
ukol sa paksa.
Organisasyon Malinaw at Maayos ang Bahagyang Magulo ang
maayos ang organisasyon magulo ang pagkakasunod-sunod
pagkakasunod-sunod ngunit hindi pagkakasunod-sunod ng presentasyon.
ng impormasyon. ito masyadong ng presentasyon.
naipaliliwanag.
Lalim ng Napakalalim ng Malalim ang Medyo mababaw Mababaw ang
Repleksiyon pang-unawa at pang-unawa ang pang-unawa at pang-unawa at
pagpapahayag ng ngunit hindi pagpapahayag ng pagpapahayag ng
kaalaman. gaanong kaalaman. kaalaman.
maipahayag
nang maayos
ang kaalaman.
Kabuuang
Puntos

PAGSUSULIT
I. Isulat sa patlang ang Tama kung ikaw ay sang-ayon sa isinasaad ng bawat
pahayag at Mali naman kung hindi sang-ayon.
1. Tanggapin ang sukli na kendi kapag walang
panukli ang tindera.
2. Tumawid lamang sa overpass at hindi sa highway.
3. Itapon ang boteng plastik sa basurahan para sa mga
nabubulok na bagay.
4. Humingi ng resibo kapag bumibili ng anumang bagay.
5. Ilista muna ang mga pangunahing
pangangailangan bago bilhin ang kagustuhan.
6. Nakita mo na sira ang selyo ng produktong iyong
binili pero natakot kang sitahin at papalitan ito
dahil nangangamba ka na magalit ang tindera sa
iyo.
7. Kapag may sobrang baon na pera, iimpok ito at
huwag lustayin.

74 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

8. Nakita mo ang isang tindahan ng prutas at gusto mong


pumili ng malaki at magandang prutas pero nakita mo
na may nakapaskil sa tindahan na, “Bawal hipuin,
tingin lamang.”
9. Basahing mabuti ang mga etiketa at mga nakalakip sa
kahon ng mga produkto at tingnan kung ito ay
aprubado ng DTI.
10. Tumahimik na lamang kapag may nakitang dumi o
insekto sa pagkain sa isang restoran o kantina.

II. Basahin nang mabuti ang bawat sitwasyon. Isipin at alamin ang iyong
gagawin sa mga ito.
Sitwasyon Ano ang Ano ang Saang ahensiya
panukala na karapat-dapat ka maaaring
nalabag? mong gawin? humingi ng
tulong at payo?
1. Bumili ka ng
pagkain sa
grocery store.
Ang total na
gastusin ay
umabot sa 298
piso. Nagbigay ka
ng 300 piso
ngunit sabi
ng tindera ay
wala siyang
panukli kaya
binigyan ka na
lang
ng dalawang kendi.
2. Nakabili ka ng
tinapay na ngayon
ang expiration date.
Bumalik ka sa
tindahan para ibalik
ang tinapay at ang
iyong pera. Sinagot
ka ng tinder na,
“Sorry po, nabili mo
na ‘yan, kainin mo
na lang kaagad at
puwede pa ‘yan.”
Baitang 9 Unang Markahan 75
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

3. Nagkaroon kayo ng
paligsahan sa buong
klase. Ang klase na
may mas mataas na
donasyon na pera
ay magkakaroon
ng karagdagang
puntos sa pagsusulit.
Sapilitan na ikaw
ay magbibigay ng
50 piso araw-araw
para makalikom
ng
maraming pera.

III. MAPANURING KAISIPAN


Magbigay ng kaalamang-intelektuwal upang suriin ang sitwasyon sa
ibaba batay sa iyong natutunan at pag-iisip na may kaugnayan sa paksa.
Isulat ito sa isang buong papel.
Ipagpalagay na may kakayahan ang pamilya mo sa pagbili ng nais
ninyong kagamitan. Tinawag kayo ng inyong mommy at daddy para i-
anunsiyo ang pagbili ng bagong kompyuter set para sa kanilang bagong
office room sa bahay. Kapag nakabili na sila ng bagong yunit, ang
pinaglumaan nito ay ibibigay sa panganay ninyong kapatid para may
magamit sa kaniyang kuwarto. Ngunit, hindi sumang-ayon ang panganay
mong kapatid dahil gusto rin niya ng mas bago at malaki ang monitor at
memory para sa kaniyang pag-aaral bilang isang CAD designer. Dahil dito,
ibibili ng bagong yunit ang panganay mong kapatid. Tinanong ka ng
magulang mo kung kailangan mo rin ng bagong kompyuter set katulad ng
kapatid mo.
Pamprosesong tanong:
1. Kung bibili ka ng bagong kompyuter set, ano ang dapat mong gawin
para malaman ang tamang yunit para sa iyong pangangailangan?

2. Ano ang iyong magiging sagot sa tanong ng iyong magulang? Bakit?

76 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

3. Sa iyong palagay, may kaugnayan ba sa matalinong mamimili ang iyong


desisyon? Bakit?

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Kakulangan sa
Husay Kahusayan
4 3 2 1
Pagpapaliwang Malinaw na Malinaw ang May kaunting May kakaunting
sa Isyu o Paksa nabubuod ang pagpapaliwang kalinawan kalinawan o
isyu o paksa sa isyu o tungkol sa pagkilala sa isyu
at mahusay na paksa ngunit isyu o paksa o paksa. Ang
naipaliliwanag hindi ngunit hindi pagpapaliwanag
kung bakit o maipaliwanag maipaliwanag ay hindi ayon o
paano. nang maayos ang sapat na angkop sa isyu o
kung bakit o impormasyon o paksa.
paano. kadahilanan.
Pagtugma Nakapaghahatid Hindi gaanong May kaunting Malabo ang
sa Paksa at nang mahusay nakapaghahatid pagkakaiba ang halimbawa at
Impormasyon na halimbawa nang malinaw mga halimbawa magulo ang
at malinaw na halimbawa at may hindi pag-ugnay ng
na batayan. at may kaunting gaanong sagot sa paksa.
Naiuugnay ang kakulangan sa naiuugnay
mga sagot sa mga pagbigay ng na sagot sa
katanungan o batayan sa pag- paksa dahil
sitwayon. ugnay ng sagot o sa
sitwasyon. mahinang
batayan.
Pagbibigay ng Maayos at May bahagyang Hindi gaanong Malabo ang
Makabuluhang malinaw ang mga walang kahusayan maayos at pagpapahayag
Pananaw konteksto ng sa pag-ayos ng malinaw ang ng pananaw.
sariling pananaw konteksto ng konteksto Marami
at paglalapat nito pananaw. Hindi ng pananaw. ang walang
sa paksa. gaanong nailalapat May hindi kaugnayan sa
ang pananaliksik. kanais-nais o paksa o tanong.
hindi inaasahang
mga salita.
Kabuuang
Puntos

Baitang 9 Unang Markahan 77


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Lagumang Pagsusulit
I. Talasalitaan. Bigyan ng kahulugan ang mga salita ayon sa iyong natutunan
at nabasa sa unang yunit.
1. Kakapusan

2. Makroekonomiks

3. Maykroekonomiks

4. Ekonomiks

5. Alokasyon

78 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

II. Pagkakakilanlan. Tukuyin ang isinasaad sa bawat pangungusap sa ibaba.


Isulat ang iyong sagot sa patlang na nakalaan.
marginal utility oikonomia kasiyahan
laissez-faire kakulangan normal goods
kagustuhan positive economics normative economcs
efficiency utility opportunity cost
choice kakapusan inferior goods
1. Ito ay isang sistema na naghahayag na ang pamahalaan
ay dapat hindi masyadong nanghihimasok
sa pagdedesisyon ng ibang sektor sa
ekonomiya.
2. Ito ay isang panandaliang problema ng ekonomiya kung
saan ang suplay ng produkto ay pansamantalang
hindi sapat sa pangangailangan ng tao.
3. Masusukat ang kasiyahan ng tao kung nasasagot ang
kaniyang pangangailangan at kagustuhan.
4. Ito ay isang uri ng kalakal na kung saan ang produkto
o serbisyo ay binibili dahil sa kagustuhan kaysa sa
pangangailangan.
5. Ito ay hindi nangangahulugang mababa ang kalidad
ng produkto, ito ay maaaring mas mura at
madaling mabibili ng nakararami.
6. Ito ay muling karagdagan sa utility sa bawat pagkonsumo
ng produkto o serbisyo.
7. Ito ay ang kahalagahan ng pinili o pagsasakripisyo ng
isang bagay kapalit sa halaga ng pinakamahusay na
pagpapasiya.
8. Ito ay isang kalagayan ng ekonomiya na kung saan ang
alokasyon ng kayamanan ay para sa mga nakararami
para sa pagbaba ng gastos at kabutihan ng lahat.
9. Ito ay isang sitwasyon kung saan kailangang mamili ng
alternatibo at mahusay na pagpapasiya para sa
ikabubuti ng nakararami sa pagwasto ng alokasyon sa
limitadong pinagkukuhanang-yaman.
10. Ito ay isang uri ng pagsisiyasat na inilalarawan at
ipinaliliwanag ang kalagayan ng ekonomiya nang
may pagpapasiya o paghahatol.

Baitang 9 Unang Markahan 79


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

III. Tama o Mali. Unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama sa
patlang na nakalaan kung wasto ang isinasaad sa pangungusap. Isulat naman ang
Mali kung hindi ito wasto.
1. Nasasaklaw ng apat na katanungang pang-ekonomiya ang
pagpapasiya kung paano mapaglalaanan ang
pinagkukuhanang- yaman sa bawat sektor ng ekonomiya.
2. Sa librong Theory of Human Behavior, ipinaliwanag ni
Abraham H. Maslow na dapat matugunan at masiyahan ang
bawat antas nito.
3. Ang pangunahing problema ng ekonomiya ay ang kakapusan
sa pinagkukuhanang-yaman.
4. Ang mga salik na nakaiimpluwensiya sa pangangailangan
at kagustuhan ng tao ay ang kita, antas ng yaman, at
pangyayari.
5. Ang pagkonsumo ng tao ay maaaring nakasaad sa uri ng
produkto, ang durable goods at ang inferior goods.
6. Ayon sa United Nations, ang ating bansa ay mayaman sa
pinagkukuhanan ng mga isda at iba’t ibang aquatic and
marine resources na maaaring makuha sa 79 na lawa.
7. Ang pagkonsumo ang dahilan kung bakit ang bawat
indibidwal ay napipilitang magpasiya kung alin sa mga
produkto o serbisyo ang dapat pagtuunan ng pansin.
8. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na ang layunin ay
mapag-aralan at suriin ang pagpili, pagdedesisyon, at paglalaan
sa paggamit ng mga limitadong pinagkukuhanang-yaman
upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan
at kagustuhan ng tao.
9. Ang salitang “ekonomiks” ay nagmula sa salitang Pranses na
oikonomia na nangangahulugang “pamamahala ng sambahayan.”
10. Kahit mayaman na bansa ay nakararanas din ng kakapusan.

80 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Glosaryo
alokasyon – Ito ay isang paraan ng pamamahagi ng mga kayamanan batay sa
pangangailangan.
disposable income – Ito ay ang pagbawas ng buwis sa kabuuang kita na
maaaring gamitin sa pagkonsumo at pag-ipon.
durable goods – Ito ay ang pagkonsumo ng produkto at serbisyo sa paggamit
ng pangmatagalan.
ekonomiks – Ito ay isang agham panlipunan na ang layunin ay mapag-aralan at
suriin ang pamamahala at alokasyon ng mga limitadong pinagkukuhanang-
yaman
inferior goods – Ito ay ang bagay na mas mababa ang demand dahil sa pagtaas ng
kita pero hindi ito nangangahulugan na mababa ang kalidad ng
produkto.
input – Ito ay ang pagsasama-sama ng mga hilaw na materyales upang makabuo
ng produkto.
interes – Ito ay ang karagdagang kita kapag may nag-impok ng pera. Ito rin ay
maaring karagdagan na pambayad sa inutang na pera.
intermediate goods – Ito ay ang hilaw na materyales na ginagamit sa paggawa
ng produkto.
kagustuhan – Ito ay ang mga produkto at serbisyo na hindi nakaaapekto sa
pang-araw-araw na pamumuhay.
kahusayan (efficiency) – Ito ay produktibong paggawa at mainam na alokasyon
ng pinagkukuhanang-yaman sa pinakamahusay na paraan.
kakapusan – Ito ay ang kalagayan ng ekonomiya na kung saan ang
pinagkukuhanang-yaman ay hindi sapat sa walang hanggang pangangailangan
ng tao.
kakulangan – Ito ay ang kalagayan ng ekonomiya na kung saan ang
pinagkukuhanang-yaman ay pansamantalang hindi sapat sa pangangailangan ng
tao.
konsumo – Ito ay ang ang paggamit at pagbili ng produkto at serbisyo.
law of diminishing marginal utility – Isinasaad nito na sa bawat pagtaas ng
utility, bumababa naman ang marginal utility.
non-durable goods – Ito ay ang pagkonsumo ng bagay sa panandaliang
pangangailangan.
normal goods – Ito ay ang mga produkto at serbisyo na mas tumataas ang demand
kapag tumataas din ang kita.
oikonomia – Ito ay nangangahulugang pangangasiwa o pamamahala ng sambahayan.
output – Ito ay ang mga nagawang produkto na maaari nang bilhin ng mga
mamimili sa merkado.
Baitang 9 Unang Markahan 81
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

makroekonomiks – Ito ay isang sangay ng ekonomiks na sumusuri sa


pamamahala sa buong sektor ng ekonomiya.
marginal utility – Ito ay ang pagbabago sa total utlity sa bawat dagdag sa
pagkonsumo ng produkto at serbisyo.
maykroekonomiks – Ito ay isang sangay ng ekonomiks na sumusuri sa
pagpapasiya at pagpili ng maliit na sektor ng ekonomiya.
normative economics – Inilalarawan nito ang kalagayan ng ekonomiya na may
paghatol o pagpapasiya.
opportunity cost (halaga ng pagkakataon) – Ito ay ang pagsakripisyo o pagsantabi
ng isang bagay kapalit sa pinakamahusay na pagpapasiya at pagpili.
pagdalubhasa (specialization) – Ito ay ang paraan ng paggawa sa pinaka mataas
na antas at mahusay na paggamit ng mga limitadong kayaman, produkto, at
serbisyo.
pagpili (choices) – Ito ay ang pagpapasiya ng alternatibong pamamaraang alokasyon.
positive economics – Inilalarawan nito ang kalagayan ng ekonomiya na
walang paghatol o pagpapasiya.
Production Possibilities Frontier (PPF) – Ipinakikita nito ang posibleng
kombinasyon ng produkto sa isang ekonomiya na mas may malaki ang
pakinabang upang makalikha ng produkto para maging isang dalubhasa.
propensity to consume – Kapag tumataas ang disposable income ay tumataas din
ang pagkonsumo.
pangangailangan – Ito ay ang mga produkto at serbisyo na mahalaga sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay hindi maaaring mawala.
pagkonsumo – Ito ay ang pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo.
salik ng produksiyon – Ito ay tumutukoy sa mga pinagkukuhanang-yaman na
ginagamit upang makapaglikha ng produkto at serbisyo.
siyentipikong pamamaraan – Ito ay ang pagtukoy sa suliranin na maaaring
magbigay-gabay sa pagbuo ng konklusyon.
utility – Ito ay ang pagsukat ng kasiyahan ng tao mula sa pagkonsumo.

82 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Photo Credits
By Fran Hogan: Oxen Plowing 4, CC0 Public Domain, https://www.
publicdomainpictures.net/en/view-image.php?image=26073&picture=oxen-
plowing-4
By mastensuncana: Dry Land Ground Drought, https://www.needpix.com/photo/
download/720113/dry-land-ground-drought-dry-earth-land-climate-desert-
nature
By CDC/Dr. Andrew Chen, Courtesy: Public Health Image Library: ftis lab
technician is recording the appearance of amniotic fluid cultures under
an inverted microscope, http://www.publicdomainfiles.com/show_file.
php?id=13522053618207
By George Hodan: Broken Piggy Bank, CC0 Public Domain, https://www.
publicdomainpictures.net/en/view-image.php?image=188267&picture=broken-
piggy-bank
By Jean Beaufort: Farmers Market Fruit Stand, CC0 Public Domain, https://www.
publicdomainpictures.net/en/view-image.php?image=149772&picture=farmers-
market-fruit-stand
http://www.asianews.it/news-en/Church-offers-prayers-and-solidarity-to-Filipino-
migrants-abroad-43142.html
By pxfuel: Cart, Wooden, Table, Garden, wooden, table, wood, barbecue,
outdoors, wood - material, cut out, https://www.pxfuel.com/en/free-
photo-exxpq
By extrabrandt: fabric dress wedding white,
https://pixabay.com/photos/dresses- fabric-dress-wedding-white-
997933/
By Wallpaper Flare: HD wallpaper: white papers, ream, stack, tiered, note,
writing, composition, https://www.wallpaperflare.com/white-papers-ream-stack-
tiered- note-writing-composition-wallpaper-wtruk
By echiner1 - originally posted to Flickr as Rice fields, CC BY-SA 2.0,
https:// commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=4863319
By Queensland state Archives: Office workers in Executive Building
Room No. 123 prior to alterations, Brisbane,
https://www.flickr.com/photos/
queenslandstatearchives/39004827160
Image by <a href=”https://pixabay.com/users/OpenClipart-Vectors-30363/?utm_
source=link-attribution&amp;utm_medium=referral&amp;utm_
campaign=image&amp;utm_content=158675”>OpenClipart-Vectors</a>
from <a href=”https://pixabay.com/?utm_source=link-attribution&amp;utm_
medium=referral&amp;utm_campaign=image&amp;utm_
content=158675”>Pixabay</a>
By Acaben, cropped by Kyro - Flickr, CC BY-SA 2.0, https://commons.wikimedia.
org/w/index.php?curid=4964305
Baitang 9 Unang Markahan 83

You might also like