Ap G8 - Week 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SAGUTANG PAPEL

SA
ARALING
PANLIPUNAN 8
( Kasaysayan ng daigdig)
KWARTER 2
Aralin 3b: Pag-usbong at Pag-
unlad ng mga Klasikal na
Lipunan sa America, Africa, at
mga Pulo sa
Pacific
MR. ALEX A. DUMANDAN

NAME:______________________________________________________________

1
Araling Panlipunan 8
Aralin 3B: Africa – Songhai, Mali, atbp.
Gawain 1: ImbestigaSaysayan

Basahin ay unawain ang mga teksto tungkol sa iba pang kabihasnang Africa na
makikita sa ibaba. Pagkatapos ay punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong
mga nabasa tungkol sa mga pinuno
Mgang mga Kabihasnan
Kabihasnan sa Africa sa Africa.

Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan ng kabihasnan sa daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang
Ethiopia sa Silangang Africa ay napatanyag din dahil sa naging sentro ito ng kalakalan. Binibisita ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia.
Umusbong din ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay dulot ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa
Sahara. Kapwa nasa Silangang Africa ang dalawang kabihasnang ito. Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito
umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan

Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 C.E. Malawak ang pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito ay may pormal na
kasunduan ng kalakalan sa mga Greek. Mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o rekado ang
karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng mga tela, salamin, tanso, bakal, at iba pa.

Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang
Kristiyanismo noong 395 C.E.

Ang Imperyong Ghana

Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa
timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at
ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila.

Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay
isang dahilan kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon .

ANG IMPERYONG MALI

Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang pag-
akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana. Sa
pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan
patungong Timbuktu, at pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan. Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang
Imperyong Mali ang pinakamalaki at pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan.

Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang
pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging
bahagi ng Imperyong Mali.

Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng
mga mosque o pook-dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang mga iskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang
paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenne ay naging sentro ng karunungan at pananampalataya.

Ang Imperyong Songhai

Simula pa noong ikawalong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa
Niger River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga
Songhai, ang Islam. Bagama’t hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, hindi niya pinilit ang mga ito. Sa pamamagitan ng Gao at ng
Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam.

Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali. Subalit hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335, lumitaw ang
bagong dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na binawi ang kalayaan ng Songhai mula sa Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim ni Haring Sunni Ali, ang
Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng kaniyang paghahari, pinawalak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng kasalukuyang
Nigeria hanggang sa Djenne. Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na ang kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga
katutubong mangingisda at magsasaka. Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa rin niya ang mga mangangalakal at iskolar na Muslim na nananahan sa loob
ng kaniyang imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga Muslim bilang mga kawani sa pamahalaan.

2
Araling Panlipunan 8
Gawain 2: Isa-isahin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Imperyong Ghana, Mali, at
Songhai. Isulat sa Venn Diagram ang sagot.

GHANA

MALI SONGHAI

Gawain 3: Punan ng tamang sago tang chart batay sa iyong mga napag-aralan tungkol sa
mga pinuno ng mga Kabihasnan sa Africa.

PINUNO IMPERYONG PINAMUNUAN MAHALAGANG NAGAWA

Al- Bakri

Sundiata Keita

Mansa Musa

Dia Kossoi

Sunni Ali

Sangunian sa paggawa ng sagutang papel:

Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs): pp. 95-106


Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs): pp. 167-209
Mga pahina sa Teksbuk (Other references):
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:

Iba pang pinagkuhanang sources:

PEAC Learning Module pp. 115-153


ht https://www.slideshare.net/SMAP_G8Orderliness/aralin-5-angkabihasnang-
klasikal-ng-america-at-africa-at-sa-mga-pulo-sa-pasipikotps://www.youtube.com/watch?
v=4tNS4aw3R2o

3
Araling Panlipunan 8
4
Araling Panlipunan 8

You might also like