Hybrid Filipino 8 Q4 M4 W4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Filipino

Ikaapat na Markahan Modyul 4


Ikaapat na Linggo
Alamin Natin
Ang bawat akdang itinuturing na obra maestrang Pilipino ay may malaking
impluwensya sa buhay ng mga nakababasa at nakauunawa nito sapagkat ang
layunin ng may-akda ay pawang may kinalaman sa pagmulat sa kaisipan at
damdaming makabayan na siyang magdudulot ng malawakang pagbabago sa
bayan. Katuwang ng mga layunin ay ang mga sinisimbulo ng mga elemento ng
isang akda.

Sa akdang Florante at Laura, Ibang estilo ang ginamit ni Francisco


Balagtas upang ipakita ang isyu ng lipunan. Nagsimula ang kwento sa
kagubatan, at mula roon, pinabalik niya ang panahon upang maisalaysay ang
dahilan ng pagkakagapos ni Florante.

Tuklasin ang kahalagahan ng tagpuan upang mailahad ang layunin ng


akda sa mga mambabasa at kung paano ito nakatulong upang maipakita ang
kaganapan sa lipunan noong panahon ng pananakop at maihambing sa
kasalukuyan sitwasyon ng bansa.

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa napakinggan.


(F8PN-IVf-g-36)
2. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin. (F8PB-IVf-g-36)
Subukin Natin
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat ang lebel ng
iyong kaalaman sa tatalakayin nating aralin. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

1. Ito ang tawag sa araw ng mga makatang Griyego.


A. Pebo C. Bituin
B. Luna D. Higera

2. Mabilis pa sa alas kuwatro na napayapa ang paligid nang narinig ang


pagdating ng mga pulis.
A. Napasaya C. napagulo
B. napatahimik D.napaganda

3. Ang kahulugan ng “Floranteng bulaklak kong bugtong” ay si Florante ay


A. may isang ibong lumilipad C. nag-iisang anak
B. may bugtong na bulaklak D. bunsong anak

4. Siya ang itinuturing na hari ng makatang Pilipino


A. Dr. Jose P. Rizal C. Andres Bonifacio
B. Francisco Baltazar D. Jose Corazon De Jesus

5. Ang tunay na magkatoto ay nagdadamayan sa oras ng kalungkutan.


A. magkasangga C. magkaibigan
B. magkapatid D. magkasintahan

6. Si Florante ay isinilang sa __________.


A. Atenas C. Albania
B. Crotona D. Persia

7. Ipinakiusap ni Florante sa Diyos na sana’y maalala siya ni __________.


A. Ma. Asuncion Rivera C.Selya
B. Reyna Floresa D.Laura

8. Nakagapos si Florante sa puno ng _________ na matatagpuan sa gitna


ng kagubatan.
A. Nara C. Mahogany
B. Higera D. Kamagong

9. Hindi namumunga ang punong ______


A. Cipres C. Mahogany
B. Higera D. Kamagong

10. Isa itong uri ng hayop na mukhang butiki na makislap ang mata at may
nakamamatay na amoy
A. Siyerpe C. Adonis
B. Basilisko D. Narciso

11. Sa kanya inialay ni Francisco Balagtas ang kanyang obrang Florante


at Laura.
A. Flerida C. Mariano Kapule
B. Juana Tiambeng D. Mariano Asuncion Rivera

12. Dito ikinumpara ni Balagtas ang gubat na kinalalagyan ni Florante.


A. Aberno C. Duke Briseo
B. Mariano Kapule D. Juana Tiambeng

13. Isang mabangis na hayop na kahawig ng pusa


A. unggoy C. leon
B. aso D. daga

14. Siya ang pinakasalan ni Balagtas at biniyayaan sila ng labing-isang mga


anak.
A. Flerida C. Mariano Kapule
B. Juana Tiambeng D. Mariano Asuncion Rivera

15. Sinuman sa atin ay hindi makatatarok ng lihim ng Diyos na lumikha.


A. makaiintindi C. makapagsasabi
B. makakikita D.makahuhula

Karagdagang Gawain (Online Class)

Maaring lumikha ang guro ng Gawain gamit ang google classroom/google


meet. Ibibigay ng guro ang link na gagamitin.

Aralin
4 Florante at Laura:
Sa Madilim na Gubat

Balikan Natin

Gawain 1
Sa mga naunang talakayan ay nakilala mo na ang ilan sa mga
pangunahing tauhan na gumanap sa Florante at Laura. Ang bawat isa
ay may ginampanang karakter sa kuwento. Tukuyin sa pamamagitan ng
paghanap at pagbilog ng mga pangalan ng cross word puzzle at ibigay
ang ginampanang karakter.
Pangalan ng Tauhan Ginampanang
Karakter

Tuklasin Natin
Gawain 2
Minsan ka na bang nakapunta sa isang kagubatan? o hindi naman kaya ay
nakapanuod o nakakita sa mga palabas ng larawan ng isang gubat?

Sa gawaing ito, ilarawan ang iyong nalalaman o ang pumapasok sa iyong


imahinasyon na itsura ng isang kagubatan at ano-ano ang mga makikita dito sa
pamamagitan ng pagguhit nito sa hiwalay na papel na may karampatang kulay.

KAGAMITAN: Bond paper, lapis, krayola o kahit anong kagamitang pangkulay

PAALALA: Iwasan ang pagkopya sa internet o mula sa mga aklat o anumang


larawan
Talakayin Natin
Gawain 3
Sa simula ay makikita ang isang gubat na mapanglaw. Madilim at walang
sinumang maghahangad na manatili rito. Ito’y isang lugar na hindi maiibigan
ninuman dahil sa taglay nitong mga katangiang hindi kahali-halina. Narito ang
isang malalim na pagtalakay sa saknong 1 hanggang saknong 7 ng Florante at
Laura. Mula rito, ilarawan mo sa iyong isipan ang itsura ng kagubatang
kinaroroonan ni Florante.

1   Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,


dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.

2   Malalaking kahoy ang inihahandog,


pawang dalamhati, kahapisa't lungkot;
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa lalong matimpi't nagsasayang loob.

3   Tanang mga baging na namimilipit


sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
may bulo ang bunga't nagbibigay-sakit
sa kanino pa mang sumagi't malapit.

4   Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,


pinakapamuting nag-ungos sa dahon;
pawang kulay-luksa at nakikiayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.

5   Karamiha'y Sipres at Higerang kutad


na ang lihim niyon ay nakakasindak;
ito'y walang bunga't daho'y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.

6   Ang mga hayop pang dito'y gumagala,


karamiha'y S'yerpe't Basilisko'y madla
Hayena't Tigreng ganid na nagsisila
ng buhay ng tao't daiging kapuwa.

7   Ito'y gubat manding sa pinto'y malapit


ng Avernong Reyno ni Plutong masungit;
ang nasasakupang lupa'y dinidilig
ng Ilog Kositong kamandag ang tubig.

Hanapin sa loob ng puno ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. Isulat ang
titik ng tamang sagot.
_____1. Pebo _____6. Baguntao
_____2. Nakalulunos _____7. Burok
_____3. Nag-ungos _____8. Balantok
_____4. Nakaliliyo _____9. Dawag
_____5. Nagsisila _____10. ganid

Pagyamanin Natin
Matapos mong basahin ang saknong 1 hanggang 7 ng Florante at
Laura, subukan mo namang tukuyin ang iyong natutuhan mula sa talakayan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing inihanda para sa iyo.
Gawain 4
Sagutin ang mga tanong bilang pagsusuri sa nilalaman ng tulang binasa.
1. Ilarawan ang gubat gamit ang tatlong salita ayon sa tinutukoy sa tula.
________________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Saan matatagpuan ang gubat? Anu-anong lugar ang nakapaligid dito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3.Ano-ano ang mga gumagalang hayop sa gubat na ito? Magdikit ng mga
larawan ng mga hayop na tinukoy sa mga saknong.
4. Isa-isahin ang mga nagiging sagabal sa pagsikat ng araw sa gubat na
binanggit sa tula.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tandaan natin
Gawain 8
Dugtungan ang mga pahayag upang maibahagi ang iyong natuklasan
mula sa tinalakay na aralin sa modyul na ito. Siguraduhing ito ay nasa anyong
pangungusap.Isulat ang sagot sa patlang na inilaan.

  Nalaman ko na… 
_________________________________________________________________

       Nakadama ako ng…


_________________________________________________________________ 

   Napatunayan ko na
 _________________________________________________________________
Isabuhay natin
Gawain 9
Marami ang nangyari sa kagubatan kaya upang mas maipakita ang
bawat eksena ay gawan ito ng isang STORY BOARD upang maisa-isa ang
mga mahahalagang pangyayari sa kabanata 1 hanggang 7 ng Florante at
Laura. Lakipan ng mga larawan ang bawat pangyayari. Maaring gawain ang
orihinal na story board sa mga online o offline editing application o sa paraang
pagguhit sa isang papel.
Narito ang iyong gabay na rubriks para sa nasabing gawain.
Pamantayan Lubos na Naisagawa Di-gaanong Hindi
naisagawa (20%) naisagawa naisagawa (5%)
(25%) (15%)
Pagkamalikhain Napakahusay na Naging malikhain Di-gaanong Hindi kakikitaan
(25%) naipamalas ang sa pagkukuwento malikhain sa ng
pagkamalikhain pagkukuwento pagkamalikhain
sa pagkukuwento sa pagkukuwento
at
Pagkakabuo Napakahusay na Mahusay na Di-gaanong Di nabuo ang
(25%) nabuo ang nabuo ang nabuo ang gawain
gawain gawain gawain
Kalinawan Napakahusay Mahusay ang Di-gaanong Di naiguhut ang
(25%) ang pagguhit pagguhit mahusay ang pangayayri sa
pagguhit kuwento
Pagsunod sa Napakahusay sa Mahusay na Di-gaanong Di-nasunod ang
Panuto pagsunod sa nasunod ang nasunod ang panuto na
(25%) panuto na mga panuto na mga panuto na ibinigay
ibinigay ibinigay ibinigay

Tayahin Natin
Sa pagkakataong ito, alamin mo kung ano ang iyong mga natutunan
sa paksang iyong pinag-aralan.

Panuto: Basahin at unawain mo ang bawat bilang. Bilugan ang letra ng


tamang sagot.
______1. Sino ang may –akda ng Florante at Laura?
A. Jose dela Cruz C. Soledad Reyes
B. Francisco Baltazar D. Buenaventura Medina

_____2. Ibong Adarna: Piedras Platas; Florante : __________

A. Acacia C. Narra
B. Higera D. Molave
_____3. Halimaw na may anyong butiki at katawan ng manok,ang hininga at titig
ng mga mata ay nakamamatay.
A. Siyerpe C. Adonis
B. Basilisko D. Narciso

_____4. Isang lalaking Diyos ng Kakisigan.


A. Siyerpe C. Adonis
B. Basilisko D. Narciso

_____5. Punong kahoy na may malalapad na dahon at hindi namumunga.


A. Siyerpe C. Higera
B. Basilisko D. Sipres

_____6. Itinuturing ng mga makatang Griyego na planetang araw.


A. Siyerpe C. Higera
B. Basilisko D. Pebo

_____7. Hayop na maihahalintulad ang anyo sa lobo.


A. siyerpe C. higera
B. basilisko D. leon

_____8. Masukal ang kagubatan na iyan. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit.
A. malinis na paligid C. maaliwalas na paligid
B. maduming paligid D. magandang paligid

_____9. Maririnig mo lamang ang nakalulunos na huni ng ibon. Ano ang ibig
sabihin ng salitang may salungguhit.
A. nakaka-antok C. nakakalungkot
B. nakakagiliw D. nakakatuwa

_____10. Nakagapos si Florante sa puno ng _____ na matatagpuan sa gitna ng


kagubatan.
A. Nara C. Mahogany
B. Higera D. Kamagong

_____11. Sinuman sa atin ay hindi makatatarok ng lihim ng Diyos na lumikha.


A. makaiintindi C. makapagsasabi
B. makakikita D. makahuhula

_____12. Dito ikinumpara ni Balagtas ang gubat na kinalalagyan ni Florante.


A. Aberno C. Duke Briseo
B. Mariano Kapule D. Juana Tiambeng
______13. Ang tunay na magkatoto ay nagdadamayan sa oras ng kalungkutan.
A. magkasangga C. magkaibigan
B. magkapatid D.magkasintahan
_____14. Si Florante ay isinilang sa __________.
A. Atenas C. Albania
B. Crotona D. Persia
_____ 15. Ipinakiusap ni Florante sa Diyos na sana’y maalala siya ni
A. Ma. Asuncion Rivera C. Selya
B. Reyna Floresca D. Laura

Gawin natin
Gawain 10
Sa puntong ito ay nabasa mo na ang aralin na nagpapakilala sa
kagubatang naging isa sa mga tagpuan ng Florante at Laura kaya naman buoin
sa iyong isipan ang larawan ng kagubatang ito at ang pangyayari dito. Iguhit ito
sa hiwalay na papel at bigyan ng pangalan ang kagubatan ayon sa iyong
pagkakaunawa sa kuwento.

REPLEKSYON SA ARALIN
Gawain 11
Kung titignan mo ngayon ang iyong kinalalagyan sa buhay, maihahambing
mo ba ito sa naging kalagayan ni Florante sa kagubatang inilarawan sa
kuwento? Ipaliwanag ang iyong sagot. Isagawa ang bahaginan sa inyong online
class o sa Group Chat ng mga kamag-aral.

Sanggunian
● https://www.kapwing.com/explore/graphic-organizer-template
● https://clipartion.com/free-clipart-tree-clipart-black-and-white/
● https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-franc
isco-baltazar-a-complete-modern-tagalog-version-kabanata-1-ang-
gubat_1200.html
● -Julian Ailene G., Del Rosario Mary Grace G., Lontoc, Nestor S, Dayag,
Alma M., 2005. Pluma. Phoenix Publishing House Inc,
● Infantado, Remedios., Correa, Ramilito., Baybayin Paglalayag sa Wika at
Panitikan.,Rex Printing Company, Inc.

You might also like