Criscross

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 171

Criscross

Synopsis:
No one could ever have a perfect life as Iyah Nicole Scott. She can buy anything she wants, she has a loving mother,
and she also happen to be considered as the ‘Face of the Campus’. So when her path accidentally crossed with the
the campus’ bad boy, Jon Erin, her peaceful life turned into war and hate. To top it all, her mom decided to remarry
again and the marriage came in a package: an instant brother. When she’s finally catching up with the changes in her
life, she realizes that it feels like she’s going to crack. Is it because of her new family, her non-stop issue with Jon, or
maybe the fact that she’s falling in love with her new stepbrother?

***1***

‘Scared, Harry?’
‘A Little.’
‘It’s all right. I felt the same way before my first game.’
‘What happened?’
‘Er, I don’t really remember. I took a bludger to the head two minutes in. Woke up in the hospital a week later.’

Waaa! Oh My God!!! Sean Biggerstaff! Ang nag-iisang asawa ko!! Ok, pause muna para makita ko yung mukha
niya ng matagalan. Ano ba yan.. sumobra naman. Si Daniel Radcliffe ang nahintuan… o siya, pwede na rin. Crush
ko rin naman yan.

Normal. Just normal. Humihinga ako, kumakain, may bahay, pumapasok sa school, pala-gala din… well.. that’s part
of being a teenager. Other than that, I love my family. My mom.. my Dad… and myself. Nag-iisang anak lang kasi
ako.

Actually, we used to live in ‘…the home of the brave’. United States, kung naitanong niyo, last line yan ng Stars
Spangled Banner. Sa katunayan, yan lang ang alam kong part maliban sa first line. My mom is a Filipina, and my
Dad is American. I was born there, pero marunong akong magtagalog paano ba naman every single year of my life
kapag summer, umuuwi kami para bisitahin yung family ni Mommy.
Nag-aral ako sa US buong elementary years ko. (1-6th grade). Yung Dad ko eh sobrang bait, laging wala yan sa
bahay at pauwi-uwi lang, pero laging may dalang kung ano kapag dumarating. Ikakandong pa niya ako nun habang
nanonood kami ng TV.. I love him so much.. so as my mom.

I really don’t know what happened, when I was nine, nag-divorce sila. Nagkulong ako sa kwarto ko nun maghapon,
umiyak at gusto kong bumalik si Daddy, pero wala naman akong magagawa. Finally, lumabas na rin ako dahil
naisip ko na baka yung sinasabing ‘divorce’ eh parang ‘vacation’ lang. Hindi ko pa naman masyadong maintindihan
yung divorce nun.. I know it’s separation..

.. the heck. What kind of separation???

Syempre nung tumatagal-tagal, I figured out that it is separation of marriage. Hindi ko na nakita Daddy ko nun
hanggang sa may dala-dalang paper si Mama para pirmahan niya. He kissed me, said goodbye, and that’s it. ‘Never
heard anything from him since then. But I never hated him for that.

3 years later, 12 na ako. May nadiskubre na naman akong bago. Gusto ng Mom ko na bumalik kami sa Philippines,
na hindi raw niya kayang maging single parent. Yun pala yung pinapirmahan niya kay Daddy. Consent na
pumapayag siyang ilabas ako ni Mommy ng bansa. At least daw sa Philippines, kahit dalawa man lang kami sa
iisang bahay, pwedeng-pwede niyang tawagan yung mga kamag-anak namin in case na kailangan niya ng tulong. Sa
America, ang pinakamalapit na kamag-anak namin eh nakatira.. somewhere North.

Dahil may pera naman si Mommy na naipon bago naisipang mag-stay na for real sa Philippines, meron kaming
sariling bahay. Actually, malaki siya kung dalawa lang kaming titira. Dumadalaw doon yung mga relatives namin,
pati yung mga pinsan ko, at yung iba eh hindi ako kinakausap.

Nahihiya pala sa akin. Akala kasi nila hindi ako nagtatagalog. Tapos nung nalaman nila na marunong ako, kinda’
retarded on some words, pero yun.. close na kami lahat.

Inenroll ako ni Mommy sa pinakamalapit na school. I didn’t know that they call 7th grade as first year, at high
school na pala ang 7th grade!!! In US, it’s Middle School.

Nahirapan pa ako nung simula, bukod sa sobrang init na nga, ang taas ng humidity, kakaiba yung amoy ng
classrooms to think na doon ka lang mag-stay for the whole day, walang computers… I was like… ‘How can I live
in this place?’ Sobrang dami na nga ng klase, simula umaga hanggang hapon, at may extra works pa after school. At
naaalala ko pa na nagrereklamo kami sa principal namin sa school ko sa America tungkol sa dress code na
kailangang nakatuck-in yung shirt.. pero dito.. you’re wearing the same stuff!!!

Nasanay na rin ako, kinausap ko si Mommy na ok na ako sa school system… but please!!! Huwag naman sa mainit!

Nag-transfer ako sa private school. Ayun, may AC na bawat classroom. That felt good. Dun na ako nag-stay
hanggang sa ngayon… 4th year na ako.

I really have no clue how it started, pero nung bago pa lang ako sa school eh marami nang kumausap sa akin. Ilang
months lang, halos lahat ng nasa corridor eh kinakausap na ako. Hindi ko man sila kilala, ‘Hi’ na lang din ako.

Na-realize ko na rin kung ano ang pagkakaiba ng life sa Philippines kaysa sa America. Totally different culture, pero
mas masaya yung mga celebration kapag holidays.

This isn’t bad after all. Kahit na dalawa lang kami ng Mommy ko at wala yung Daddy ko.

Dahil nga may office work ang Mom ko, Richard came into view. He’s my mom’s officemate. To be honest, he’s
always in our house, nagdadala ng kung anu-ano para kay Mommy, para sa akin.. lalabas kasama siya… mga
ganung bagay.

He’s… nice. Err.. not nice.. good.

Isang araw na lang at nagsusulat ako sa kwarto ko, kumatok si Mommy at tumatawag sa labas.
“Sige Mom, bukas yan..” sabi ko naman at tinabi ko yung notebook ko at umupo.

“Can I talk to you?”

“Sure. Tungkol saan ba?”

Humawak siya sa kamay ko nun. Kinabahan ako. Ginagawa lang yan ni Mommy kapag importante talaga yung
sasabihin niya.

“Mommy, pinapakaba mo naman ako eh..”

“Plano ko na sanang sabihin sa iyo ‘to before, kaya lang hindi ko alam kung kailan yung tamang time. Siguro nga
dapat malaman mo na.” sabi niya tapos huminga ng malalim.

Hindi ko pa masyadong pinapasin yung gusto niyang sabihin sa akin.

From that moment… my life totally changed when she said…

“I’m getting married.”

***

“Iyah!!!” sabi nung ka-barkada ko na si Sheena.

Sa katunayan, tatlo kami. At sa ‘di mo ring maipaliwanag na dahilan, sikat kami sa school. Opinion ng iba sa amin,
iba-iba raw kami ng ugali. Si Sheena ang sporty sa amin, si Vina naman ang pinakapala-aral. At ako… huwag niyo
nang itanong… well if you insist…

I’m the freakin’ girl who can’t live without her kikay kit. I totally hate it!!! I am not, really, or probably I am.. I
really don’t know.

“Nasaan na naman ba si Vina?!?”

“Bakit mo ako tinatanong? Siguro nasa Math Club, or science.. or kahit saang lab.”

Naglalakad kami nun sa corridor dala-dala ko yung bag ko na combination pa ng purple and pink. Hindi ko pa
nasasara at naayos eh may bumangga sa akin. Natapon yung gamit ko. As in from lip-gloss… to my very own
mirror na nabasag.

Umupo rin si Sheena para makipulot, tinignan ko kung sino yung bumangga sa akin. Actually, hindi pala niya ako
binangga, tinulak pala siya at nagkataon namang nasa likod ako.

Hindi magandang view yung nakikita ko. Yung lalaking tumulak, hawak-hawak niya yung polo nung isa. Naku,
away ito. Sinuntok niya kaya napasigaw kami ni Sheena.. at dumugo na yung bibig nung isa.

“Lumaban ka, baka naduduwag ka na naman!!” sabi nung pangit na may hawak dun sa sinuntok niya.

Pinunasan naman nung isa yung bibig niya. Nalagyan na ng dugo yung polo niya. Tumingin siya sa amin.

“Kung may problema ka, mamaya mo ilabas yung tapang mo. Kung pwede lang, tanggalin mo na yung kamay mo
sa polo ko at mahal pa yung pinambili niyan sa buong pagkatao mo..” tapos tinanggal niya yung kamay ng lalaki at
hindi ko alam kung paano kasi nasaktan yung isa eh. “I don’t fight on school grounds..”

Papaalis na sana siya… tapos huminto. Nakatingin na yung iba sa akin at sa amin na mukhang ewan doon sa gitna.

“Hey rich kid, kung nanghihingi ka ng tulong, huwag sa akin. Nakaharang ka kasi kaya natamaan ka…”

Umalis na siya. Wala man lang pakialam. Pasalamat sila walang teacher.

“Bakit ganun yun?”


“Eh ganun siya… siya nung nirereto namin sa ‘yo nung first year tayo. Bad boy effect nga lang kaya nagbago na isip
namin. Gwapo pa naman.” tapos niligpit na namin yung mga nahulog, “Tara na nga..”

“Eh kung first year pa yun, bakit hindi ko siya nakikita?”

“Eh kasi po, sa kabilang side siya ng school. Ibang building siya eh. Ewan ko bakit nadalaw dito yan..”

So.. siya pala yung sinasabi nila sa akin na gwapo at sikat sa school. Kaya pala sikat eh troublemaker yata.
Anyways… nung una kong nakita impressed na ako kasi ang cute niya nung tumingin siya direksiyon namin.
Nakabukas pa yung polo niya. Kaya lang… ayoko na sa kanya from the first day ever.

Rich kid huh?!?

***2***

Rich kid? Bakit naman niya ako tinawag na rich kid?

“Do I look like I’m a rich kid?” naaalala ko na tinanong ko si Sheena nun nung ok na ako.

Anong sagot niya? Actually wala. She just looked at me as if I’m an alien from another galaxy. Tinignan niya ako
from head to toe… kaya sinabihan ko siya na ‘never mind’ at parang alam ko na yung gusto niyang iparating.

Umattend kami ng klase. Unfortunately, sa ‘di mo malaman dahilan eh nag-drawing lang ako ng nag-drawing sa
notebook ko. Napaka-unusual nun sa akin kasi madalas naman nakikinig ako sa mga teachers ko.

Kaya lang, hindi talaga mawala sa isip ko yung sinabi niya. Naiinis ako.

Nga-breaktime din naman kaagad. Kasama ko na si Vina at si Sheena sa cafeteria. Syempre, ganun na naman ang
senaryo sa amin gaya ng pangaraw-araw.

Si Sheena panay ang kwento tungkol sa badminton at volleyball. Si Vina naman, tungkol sa… studies.

“Oo nga! Tinalo ko talaga siya. As in! Lalaki pa naman tapos ganun na lang kung maglaro ng badminton?
Nakakahiya talaga!”

“Hey girls, nagawa niyo na ba yung extra credit para sa Physics natin? Kasi na-solve ko siya.. pero ayun, hindi ko
talaga alam kung tama. Iko-compare ko lang yung sagot ko sa inyo..” sabi ni Vina tapos nilabas niya yung papel
niya sa bag.

“Are you kidding me? Ni-hindi ko pa nga nasisimulan yung worksheet extra credit ka na? Gosh Vina.. you really are
smart.”

“Genius.” sabat naman ni Sheena. Ok na sana eh, kaya lang may pahabol pa. “By the way Vina, nasa building natin
kanina si Double B. Nabangga nga si Iyah kanina, ayun, umatake na naman yung ‘wala me care’ attitude.”

Hindi ko pa maintindihan nung simula, pero parang alam ko na yung tinutukoy niya.
“For real? Naks naman Iyah, nakilala mo na pala si Double B… yung nirereto namin sa ‘yo..” yumuko siya para
may burahin doon sa worksheet. “Bakit naman nadalaw yun dito?”

“Who knows?” tumawa naman si Sheena. “And the best bit, he called Iyah a rich kid!”

“Shut up..” sabi ko pero hindi ako galit, kakairita lang kasi, “Bakit naman Double B?”

“Uuy, interesado. Double B kasi codename namin for ‘Bad Boy.’ Maraming nakakaalam na Badboy ng school yun
eh. Buti nga hindi in-trouble sa school, outside the school.”

“Napatawag na rin siya sa guidance ilang beses na, kasama siya sa kinakausap kapag may gulo. Pero dahil may
witness lagi na hindi naman siya nagsisimula, ayun, laging ligtas. Hindi naman siya nakikipag-away sa loob ng
school eh…”

How come I haven’t heard anything about him?

“Bakit hindi ko siya kilala?” seryoso naman akong nagtanong. Nakakapagtaka naman talaga.

Inirapan ako nung dalawa.. pero pabiro lang.

“Hello? Iyah?!? Nasa earth ka ba? Ano ba ang populasyon ng school? 3500? Face of the campus, yun ka. Alam
naman natin na maraming may kilala sa ‘yo, pero kilala mo rin ba sila in return?”

“Well.. no.”

“See.. that answers it.”

May dumaan naman na apat na lalaki. Hindi pa ako nakakainom nung soda ko may bumati na… ‘Hi Iyah!’

Tumingin lang ako.. at nag-smile.

Dahil nandun pa kami sa cafeteria, saglit lang din may nakisabay na sa amin. Si Henry pala, theater club President.

“Hey girls..” sabi niya nung naupo siya. “What’s up sis Iyah?”

Sis?

“Ok lang naman na tawagin kitang sis ‘di ba?”

“Uhmm.. sure.”

Medyo nag-init na naman ang ulo ni Vina. Ganyan kasi yan kapag nandyan si Henry.

“Ok, walang camera Henry.. di kailangang umacting dito.”

“Ang sungit nito..”

“May pa-‘what’s up, what’s up’ ka pang nalalaman. Pa-impressed ka na naman kay Iyah.”

Pinilit ko na lang ngumiti, tapos uminom uli ako. Kailangan ba talaga laging nasasama yung name ko?

“Hindi ba yun yung madalas na tanungan sa tate ‘di ba Iyah? Mga ‘what’s up’ at ‘hey dude!’ ”

“Depende.. minsan.”

“Oo nga pala… may sasabihin akong mahalaga sa ‘yo Iyah. Sinabi na sa akin ‘to ng Daddy ko eh… ano daw.. my
dad and your mom..”

Nakikinig naman ako sa kanya nun..


Hindi pa niya natatapos sabihin kung ano man yung gusto niyang sabihin eh nag-alarm na. Sabay-sabay kaming
nagsitayuan. Hinila na ako ni Sheena.

Dahil maraming tao, natabunan na kung saan si Henry.

“Teka lang may sasabihin pa yung tao..”

“Kung ano man yun, tiyak walang kwenta.”

“Mahalaga daw eh!”

Naririnig ko namang sumisigaw si Henry. ‘Iyah! Sa ibang araw na lang!’

Naupo naman kami doon sa remaining classes namin. Talagang natulog na ako sa klase paano ba naman yung
teacher namin sa Socstud eh pasyon na naman ang boses. Dati kaya ko pa siyang pagtiisan, pero ngayong araw na
ito, I’m taking a break.

Nung uwian naman na, parehas namang hindi sasabay si Vina at Sheena sa akin. May meeting si Vina sa Science
Club, si Sheena naman eh practice ng Badminton. Ako eh walang agenda, so uuwi na lang akong mag-isa.

Lumabas na ako ng school namin para sumakay. Kaya lang naalala ko na may kailangan pala kaming cartolina sa art
namin, so tumuloy na ako sa kanto at lumiko sa kaliwa. Kaya lang…

“Kung ayaw mong masaktan, layuan mo yung syota ko!” teka.. kilala ko ‘to ah!

Tumawa naman yung isa. Infairness, ang cute niya ngumiti.

“Ako popormahan yung syota mo? Iyong-iyo na. Siya lang naman panay ang dikit kung kani-kanino. Sorry na lang
siya ‘di ko siya pinansin. Desperada yata masyado, kaya pati ikaw pinatulan..”

Namula naman yung mukha nung isa. Nag-close na yung kamay niya para sumuntok kaya lang.. eto na naman si
Iyah.

“Hey! Nag-aaway kayo? Bawal yan!”

Parehas silang tumingin sa akin dahil hindi nila alam na nandun ako. Kinabahan ako doon. Yung pangit na mataba,
parang gusto akong kainin. Si… si… well, Double B, medyo nag-cross yung kilay na para banag nagtataka at
nandun ako.

Tumayo ako doon, medyo naiilang pero hindi ko na lang pinahalata. Nakapamewang ako.

Nag-shift ng position si taba. Ngumiti.

“Miss Iyah again. Jon iyong-iyo na syota ko… may bago na ko.”

Excuse me? Mukha ba akong lumaki sa farm para mag-alaga ng baboy? Isa pa, hindi pa ako nakakakita ng pigpen
buong buhay ko. Wait lang… Jon? Who’s Jon? Him?

Tinaas ko naman yung kilay ko.

“Ano pang hinihintay mo? Tatayo ka lang diyan? Alis na rich kid.”

How rude.

Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko, kaya..

“Well.. ahh.. aalis na nga ako. Sinabi ko lang naman bawal!” tumalikod na ako sa kanila para umalis kaya lang may
naalala ako.. “Teka, bakit ako aalis sa direksiyon dito, may bibilhin pa ako..”

Nilagpasan ko si… Double B, nasa harap niya si taba.  Kaya lang humawak sa braso ko.
“Not so fast Miss Iyah.”

Eeeww! Super duper kadiri talaga. Namamawis yung kamay niya.

“You’re so gross! Don’t touch me!?” pinalo-palo ko naman yung kamay niya kaya lang ang higpit eh.

Dahil ayaw namang alisin, si Double B eh sinakal si taba.

“Girls? Hindi ko alam may time ka pa pala diyan? Hindi pa tayo tapos ‘di ba? Tapusin mo muna yung business
natin, bago ka sumama kay Rich Kid.”

Akala ko pa naman pinagtatanggol na ako, ganun din pala. Kapag natapos sila, bahala na si batman. Si taba? Heck
no!

Kinabahan na talaga ako nun.

“I wanna go home. Get your hands off me.. you.. you.. FREAK!”

Tumingin sila sa akin.. tapos sumunod na lang na alam ko eh sumisigaw na si Taba.

Sinuntok siya ni Double B. Ang corny naman ng codename nila Sheena sa kanya. Hindi bagay.

“Itong suntok na ‘to, para sa pagtulak mo sa akin kanina.” suntok uli, “Ito, dahil nilukot mo yung polo ko,
” sumuntok na naman, “Eto, dahil nasayang yung dugo ko sa pagsuntok mo..” tapos tumigil siya. “At itong suntok
na ito…” nag-isip siya.”Wala lang.”

Na-shock ako dun kaya hindi ako nakakilos kaagad. Tumakbo na si Taba, dumudugo na yung ilong niya.

Nakatayo lang ako doon… maya-maya lang wala nang tao sa harapan ko.

“Hey!”

“Sa susunod, kung ayaw mong madamay sa away ng may away, huwag kang nakikialam. Umuwi ka na rich kid!”

Tumakbo naman ako kasi naiinis ako.

“Why do you keep calling me rich kid? I’m not.”

Hindi naman niya ako pinansin. Dire-diretso lang siyang naglakad. Huminto na lang ako. Pinara ko na yung unang
jeep na huminto sa harapan ko. Huli kong nakita, tinanggal na niya yung polo niya.

***

Katatapos lang ng practice namin sa simbahan para sa kasal nila Mommy at Richard. Sa katunayan, hindi kami
kumpleto pero marami rin namang umattend. At syempre, nakakainis na talaga. Hindi na naman umattend yung
anak ni Richard na bestman nila sa kasal. Wala na naman akong partner.

Naupo ako doon sa gilid kasi ang sakit na ng binti ko. Maya-maya lang, nakiupo na si Mama sa akin at kung anu-
anong tinuro.

“And then Iyah, you’re going to sit at the left side, not at the right. Magpa-practice tayo…” sabi ni Mommy pero
hindi ko maintindihan. “Iyah, nakikinig ka ba sa akin?”

“Yes.. No. Yes… err.. no.”

“May problema ba? Ayaw mo bang matuloy yung kasal namin? Akala ko ba nung nag-usap tayo ok ka na doon..”

“Hindi yun. Iba yung iniisip ko. So yung mga pinsan ko ang bridesmaids, ako ang made of honor.” iniba ko na lang
yung usapan.

“Yeah. At siguro kapag ok na lahat, makakarating na rin yung anak ng Tito Richard mo.”
“Bakit ba laging wala yun?”

“Busy raw eh. Pero this saturday, baka makarating na siya…” sabi ni Mommy na tumayo rin. “Are you sure you
haven’t met him yet?”

“Mom.. I don’t even know what he looks like. And I totally forgot his name. What did you say his name again?”

Tumayo na para magsiuwian. Nag-ingay naman na kaya hindi ko na mahabol si Mommy. Panay ang thank you doon
sa mga dumating. Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niyang name.

Balak pa daw nilang kumain sa Maxx kasama nung mga kaibigan nila pati si Richard (first name ko lang siya
tinatawag), ako naman eh walang balak na at uuwi na ako mag-isa sa bahay.

Anong name yung sinabi niya? It sounds like.. Heryn… yeah I think. Wait… could it be…

Henry?!?

***3***

Umuwi ako mag-isa kasi kakain pa sina Mommy sa Maxx. Hindi ko naman gustong sumama, dahil pagod na ako, at
higit sa lahat panay mga grown-ups na yung nandun. Wala man lang akong ka-level.

Ang tahimik sa bahay namin, kinuha ko yung Hershey’s sa fridge namin at umakyat na ako sa taas. Nagpalit lang
ako ng damit at tinignan ko na yung Physics worksheet namin. Nasagutan ko naman yung iba, mga tatlo lang siguro
yung iniwan kong blangko.

Nung masakit na yung leeg ko, napaisip na naman ako. Henry… I can’t believe it. Yun pala yung gusto niyang
sabihin kanina? So… that’s why he called me sis. Whoa… for the first time in my life.. magkakaroon ako ng
kapatid.

Natulog na ako nun ng hindi ko namamalayan. Hindi ko na nahintay si Mommy kung anong oras siya dumating.
Basta ang alam kong magiging agenda ko bukas…

..kausapin si Henry…

***

Hinatid ako ni Mommy sa school. Naka-braid pa yung buhok ko nun at talagang maaga akong nagising para gawin
‘to. Sumakit nga yung kamay ko saka nahirapan ako. Ikaw ba naman maglagay ng limang iba’t ibang kulay clips sa
buhok hindi ka mapagod. Anyways…

“Bye Mommy.” nakangiti pa ako sa kanya nun, “Kakausapin ko na siya!!” nag-double thumbs up pa ako.

Nakatingin siya sa akin na para bang nagtataka kung ano ba yung sinasabi ko. bago pa siya magsalita uli, umalis na
ako at tumawid papunta ng gate. Nakita kong may tao doon sa gilid ng gate at nakalingon pakaliwa niya, kaya hindi
ako napansin. Pero ako… tinaas ko na lang yung kilay ko.

Si Double B pala.
Sabi nga nila, kapag may bago ka raw na nakikilala, especially kung may kinalaman ang guys, madalas mo na raw
siyang makikita from the very day you met him. Dapat ba akong maniwala???

Nah. There’s only one explanation about it. Iniisip mo na nakikita mo na siya parati dahil kilala mo na siya… pero
kung hindi mo siya kilala, I wonder kung mapansin mo na nakita mo na yung mukha na yan dati pa.

Hindi ko kilala si Double B before, siguro nga nakita ko na yung pagmumukha na yan, pero dahil hindi kami nag-
uusap dati, wala akong pakialam sa kanya at ganun din siya sa akin. Sa ganung sitwasyon, iniisip mo na hindi mo
siya nakikita araw-araw… kahit isang beses eh nangyari na.

Gulo no? Oh well, kung hindi magulo talaga… huwag niyo na lang intindihin.

Papasok pa lang ako sa gate, sakto namang lumingon siya. Iniwas ko nga yung tingin ko para mag-pretend na hindi
ko siya nakita. Alam kong nakita niya ako, pero hindi ko na pinansin at nagdire-diretso na ako sa paglalakad.

Sa hallway naman, may mga bumati sa akin. Ngiti na lang din ako ng ngiti. Hindi ko naman kilala yung karamihan
sa kanila.

Dumating ako kaagad sa room namin, hinanap ko kaagad si Sheena at Vina.

“Hey, alam niyo ba kung saan yung room ni Henry? Kailangan ko lang kasi siyang kausapin. Importante lang
talaga…”

Nanlaki yung mata nung dalawa sa akin. Bihira mo kasi akong maririnig na may sasabihing importante kanino man
maliban sa kanilang dalawa. Lalo pa ngayon at si Henry yung hinahanap ko.

“Hello? Titingin lang ba kayo sa akin? Sabihin niyo na lang kaya kung saan para hindi na tumatagal.”

“Sigurado ka? Kakaiba eh..”

Sinimangutan ko naman sila parehas.

“Si Henry? Hay naku malas ka ngayon Iyah, wala siya eh. May performance yung Theater Club sa Arts Center eh.
Hanggang gabi sila doon. Tutal Friday naman na, sa Monday mo na lang kausapin yung abnoy na yun..”

“Don’t say that. He’s nice…” naging defensive naman ako para kay Henry.. for my brother… I guessed.

Magtatanong pa sana sila sa akin, kaya lang hinila ko na sila sa classroom para umupo at ayoko namang
makipagdaldalan ng nakatayo. Binati na naman nila yung buhok ko, sabi nila pwede na raw akong kumandidato na
tindera ng ipit.

Syempre, kinopya ko na lang yung natitirang problems na hindi ko nasagot sa Physics namin galing kay Vina. Sanay
na yan sa amin, masyado kasing matalino kaya siya na sigurado ang valedictorian sa klase namin.

Hawak-hawak ko pa yung fuzzy pen ko na kulay pink, (as usual), na may Piglett as pentopper, umiilaw kapag
sinusulat nung nabitawan ko na lang bigla nung narinig ko yung sinabi ni Sheena. Silang dalawa lang kasi yung nag-
uusap pero nakikinig ako.

“…tama ka diyan. Akalain mong mag-spray paint. Sabi nila si Double B daw eh..” seryoso pa si Sheena niyan.

“Hindi nga siya, yung ka-building niya na member ng frat. Kawawang Double B.”

“Yun kawawa? Hindi no..” sabi ko na lang at pinulot ko yung ballpen ko. “Kung meron man akong nakilala na guy
sa buong buhay ko na walang modo… siya na siguro ang pinaka sa lahat.”

“Iyah, huwag mong sabihin naiinis ka pa rin dahil nabangga ka niya kahapon at hindi ka tinulungan? I’m telling you
right now, ganun talaga siya.”
“No.. not that. Nakita ko kasi siya kahapon nung pauwi na ako, bibili ako ng cartolina…” at ayun nga, parehas
silang dalawa na naka-lean yung mga mukha sa akin para makinig doon sa kwento ko. Matapos siguro ang 5
minutes, napaisip naman ako. Jon, I think that’s his name. Gusto ko sanang itanong dito sa dalawa para ma-confirm,
kaya lang iisipin nila interesado ako.

Kahit totoo.

Nagklase naman kami. Ayun, naka-perfect kaming tatlo sa Physics class namin nung second period. Dahil English
na namin yung next at sinabi nila sa akin na last day na pala nung book report, nataranta naman ako. Wala akong
gawa nun at nakalimutan ko talaga.

Hinabol ko yung teacher ko bago pumasok at kumakain siya sa cafeteria. Papunta siya sa kabilang ibayo para
puntahan yata yung advisory class niya at nandun din yung gamit niya.

“Miss Scott, sinabi ko na last day ngayon. No extensions! Napaka-unfair naman nun sa mga gumawa on-time!”

“Mam?!? Please naman! Nalimutan ko po talaga. I’m so.. so.. sorry. It’s just that, I’m busy theses days. My mom is
getting married and…”

“No excuses. Binigyan ko kayo ng two weeks.. Imagine two weeks?!?”

Mukhang hindi talaga magbabago ang isip nitong teacher na ito. Hindi ba niya maintindihan yung simpleng tagalog
na… ‘Nakalimutan ko?’

Kasabay ko na siyang lumabas nun, kinukulit pa rin sa book repot, at nasa pinto pa lang kami ng room niya para
pumunta sa building namin eh may pumasok naman.

“She said no Rich Kid. Anong hindi mo naintindihan dun?”

“Bakit ka naman nakikialam?”

Nauna na yung teacher ko. Mabuti na lang malayo-layo na siya kaya hindi niya kami masyadong maririnig.

“Yan ang problema sa ‘yo.. rich spoiled kid. Sanay kang nakukuha yung gusto mo.”

“Spoiled? I am not spoiled you doof!”

Tumingin lang siya sa akin nun. Saglit lang, narinig ko na yung alarm. Napatigil kami. Ngumiti siya na para bang
nang-aasar.

“There’s the bell. Takbo na, kung ayaw mong ma-late sa klase.” tinignan ko siya ng masama bago ako
lumabas, “Oh, be careful. You might break a nail!”

Tumakbo nga ako sa classroom namin. On time naman ako, hingal nga lang. Sira talaga poise ko. Nakatingin sila sa
akin… hindi talaga bagay sa akin ang tumatakbo.

Inisa-isa yung class record para ipasa yung book report.

“Scott, Iyah Nicole??” sabi nung teacher namin na para bang nang-aasar pa. Sasabihin ko na sana na wala eh… “Oh,
kinausap mo pala ako.”

Mas mabuti na yun kaysa sabihin kong wala. As in zero. Kakahiya.

Sa school ako kumain nun. Buti na lang sa MAPEH class namin, Music kami. Lecture lang at hindi PE. Ayokong
lumabas kasi sobrang init.

Nung uwian naman, hiningi ko yung number ni Henry kay Sheena, na hiningi niya kung kani-kanino. Basta talaga
may connections ka, may mararating.
Naghihintay na ako ng jeep nun. Saglit lang din eh dumating si Mommy at sinundo ako, hindi ko alam na
manunundo pala siya, kaya nalimutan ko na yung agenda ko ka Henry…

until… tomorrow.

***

Maaga akong ginising ni Mommy nung Saturday. Akala ko kung bakit, ayun, tulungan ko daw siya sa invitations
niya. Syempre, hindi pa kumpleto yung tulog ko, tapos ganyan na.

“Mom, you and Richard should be the ones doing that.. not me. I’m not the bride!!!”

“But you are the daughter of the bride..” whatever, “At mas ok na practice natin ngayon, darating na anak ng Tito
Richard mo.”

“Yeah.. you told me yesterday na darating na yung anak ni Richard..” hindi na ako makapag-hintay ng formality kay
Henry..

“TITO Richard Iyah, if you don’t mind. Daddy na kung gusto mo.”

Nauna akong pumasok kay Mommy sa banyo, tig-isa naman kami dahil tinatapos pa niya yung sobre niya sa table.
Naligo ako doon at feel na feel ko yung tubig.

Next week na ikakasal si Mommy. I’m going to have a Dad, again, and an instant brother. It’s not that bad, I know
Henry.

Kalalabas ko pa lang sa banyo, after 43 minutes to be exact, dahil nasa bath tub ako. Nakita kong galit na si Mommy
sa akin. Bihis na siya. Ang bilis naman!

Napakilos ako ng parang kidlat. Nawawala yung blue na earrings ko para mag-match doon sa skirt ko, kaya yung
white na lang. Kinuha ko lang yung purse ko at sumakay sa kotse. Sabi ko nga mala-late kami sa practice.

6 minutes late kami sa simabahan. Nandun nakatayo sa labas si Richard at yung ibang mga kakilala namin. Practice
lang, ang OA talaga. Nag-kiss siya kay Mommy. Narinig kong sinabing: ‘Hindi na naman yata makakarating..
Don’t worry Iyah, nag-arrange na ako ng dinner bukas para sa ating apat, para magkakilala na tayong lahat as a
family…’

Oh yeah.. I know Henry. Totally! He loves to practice. Theater pa nga. Sanay na yan sa ganyan. Would it make any
difference kung practice sa simbahan???

Kaya ayun, naglakad na naman akong mag-isa. Kinausap nila ako bago matapos yung practice, at diretso na rin kami
sa Saturday night mass.

Dahil gabi na nun, nahiya na akong i-text si Henry. ‘Di bale, bukas naman mag-dinner kami.. why bother?!?

Umalis ako sa bahay namin nung umaga hanggang hapon. Nag-stay ako kina-Sheena at nag movie marathon kami.
Sumakit nga yung mata. Panay ang kain namin ng popcorn, tapos chips, mamaya spaghetti.. at kung anu-ano.

Nabusog talaga ako. Hindi na talaga ako nagtaka kung bakit sumikip yung jeans ko.

“Iyah, 6:00 na, ‘di ba sabi mo may dinner kayo kasama si Tito Richard?”

“Oo nga pala. Alis na pala ako. Muntik ko nang mkalimutan, nagpakabusog pa man din ako, hindi na ako
makakakain. Sige pala, una na ko…”

Sumakay ako sa kanto nila. No wonder sinermonan ako ni Mommy dahil late ako. Hindi ko alam kung
nagpapakabait lang si Richard sa akin, pero pinagtanggol niya ako kasi late din naman yung anak niya. Wala pa nga
eh. Nauna pa ako.
Dahil hindi na ako makapaghintay, nag-excuse ako para tawagan si Henry. May sumagot naman kaagad.

“Hello?” boses pa lang siya na.

“Hello Henry? Si Iyah ‘to.”

Naging cheerful naman yung boses niya.

“Iyah?!? Napatawag ka. Himala yata, tinawagan ako ng nag-iisang Iyah Nicole ng school.”

“Nyekz. Anyways, iniisip ko lang kung ano ba yung gusto mong sabihin sa akin nung thursday? And why aren’t you
here?!”

“Huh?!? Ano?” halatang nagulat siya. Kasi naman, dalawa kaagd yung tanong. “Yung thursday? Ayun ba? Gusto ko
lang sabihin na yung Mommy mo pala at Daddy ko eh high school batchmates. Close friends sila nung high school,
kaya gusto kitang tawaging sis kasi parang close na rin tayo ganun sa kanila.. Nabanggit ko kasi sa kanya na
ikakasal na yung mom mo, na-recognize niya yung name.. since divorced na siya ‘di ba?”

Nabanggit niya sa Dad niya na ikakasal na yung Mommy ko. Which means… hindi yung Daddy niya ang ikakasal
sa Mommy ko? The heck? I thought it was him.. Heryn?? Yan yung sinabi ni Mommy sa akin!

Narinig kong tinatawag na nila ako sa table. May sinasabi pa si Henry, kaya lang hindi ko na narinig. Nag-bye na
ako kaagad.

Pagtalikod ko dahil malapit ako sa restrooms, may nabangga ako. The same guy.

“What are you doing here?”

“What?!? You think you own this place?” tapos binangga niya yung isang balikat ko at pumasok sa men’s room.

Bakit ba kailangan makita ko siya dito of all places???

Then… reality came into my head. It couldn’t be…

Lumakad na ako papunta sa table nila Mommy. Nakangiti sa akin si Richard.

“Hindi mo nakita yung anak ko? Nagpunta siya sa restroom.”

OH-MY-GOD. Is this some kind of a joke? Why is this happening to me?

“The tall guy? He’s wearing a navy blue shirt?” paturo-turo pa yung daliri ko sa likod habang hindi ako nakatingin,
may tinamaan ako.

Nandun na pala siya.

“Iyah, I would like you to meet Jon, Jon… this is Iyah. She will be your stepsister.”

Tinignan niya lang ako. Wala ni-isa sa amin na nag-stretch ng kamay para makipagshake-hands. Instead, tumayo
kami na para bang nagpapagalingan.

“Hindi ka dapat nandito? Mom?”

“Iyah, don’t be rude!”

“I’m invited. Umupo ka na, rich kid.”

Of all guys, why him?

Naupo kami sabay-sabay. Halatang naiirita na ako, siya naman parang walang pakialam at tumingin doon sa menu.
Nabingi ba ako o ano? Mom said something like.. Heryn… kahit naman maraming tao, hindi naman ako ganun
kabingi. Isa lang kailangan ko… si Vina.
Nag-dial ako ng number.

Yumuko ako doon sa table.

“Hello Vina? Can I ask you something?”

“Sure.”

“Anong name ni Double B?” hininaan ko yung boses ko, “Jon, isn’t it?”

“Yeah. Jon. Jon Erin. Hindi ko alam last name niya eh. Bakit ba???”

“O sige thanks.. bye.” binabaan ko na siya ng phone.

Ang sama na naman ng tingin ni Mommy sa akin. Erin? Yun yung second name niya? It’s sounds like.. Heryn!!!

“Iyah, sinabihan kita na huwag gagamit ng phone kapag nasa harap tayo ng table..”

“Mom, emergency!”

“Pwede ka namang mag-excuse di ba?”

“Oo nga naman… pwede namang mag-excuse ‘di ba???”

“Oh yeah.. nakalimutan ko.. ERIN. Ikaw pala ang magiging stepbrother ko, how wonderful.” ngumiti ako.. pero ‘di
niyo lang alam kung gaano kapeke.

“Ok naman pala ang simula nating lahat… hindi naman pala ako mahihirapan kay Iyah at Jon.”

“No Dad… we’re fine.”

“TOTALLY!”

Nagtinginan kaming dalawa. May binulong si Mommy kay Richard kaya hindi sila nakatingin sa amin. Kami
naman, may sariling mundo.

“Pwede ka nang artista rich kid..”

“Ikaw rin pwede na.. you’re a good one! Why not try the Theater Club?”

Tumingin sina Mommy sa amin at akala nila nagha-heart-to-heart talk kami ng taong ‘to.

A disaster. Of all guys in the world..

I’m telling you right now…

This will be a one heck of a dinner…

***4***

Walang nagsasalita sa amin hanggang sa dumating yung pagkain. Ako naman, walang gana dahil kumain ako kina-
Sheena, kaya nilaro-laro ko lang yung pagkain ko.
“Iyah, ayusin mo nga yang pagkain mo..” sabi ni Mommy nung nakita niya ako.

“Mom, wala po akong gana. Ang dami kasi naming kinain kina-Sheena, nalimutan ko nga na may dinner pala tayo.”

“On-diet siya, mini-maintain ang figure.”

Tinignan ko nga. Kung tutuusin, hindi ako yung taong madalas nagpapaapekto sa mga sinasabi ng iba. Pero yung
mga tira nito.. mukhang away hanap eh. Sabagay pala-away naman na siya… pero ako…

“I am not on a diet. And for your information, I can eat a whole medium-size pizza all by myself… and I am not
working out..”

Ngumiti lang siya, tapos kinain yung steak na nasa tinidor niya.

“Dahil nakumpleto tayo for the first time, sa tingin ko dapat na tayong magkaroon ng family chat tungkol sa mga
serious na bagay.” Binaba ni Richard yung tinidor at kutsilyo niya.

Parang na-choke si jon sa kinakain niya, natatawa pa o simpleng pang-aasar.. hindi ko malaman.

“Jon, nung sinabi kong seryosong bagay… I mean.. seryosong bagay.”

Hindi naman ako interesado sa ganito. Sino ba naman? Pero dahil magkakaroon at magkakaroon talaga ng
pagkakataon na mag-uusap kaming lahat, mas mabuti nang ngayon kaysa sa susunod.

“I think, let’s start with the house.”

Nainis na naman yata si Jon, binaba yung tinidor niya gaya ng Daddy niya at tumingin. Seryoso naman masyado ‘to.

“Anong problema sa bahay?”

“Patapusin mo muna ako,” sabi niya tapos tumigil din, “Si Tita Carmela mo at si Iyah eh may sariling bahay. Meron
din tayo. So, we can keep both houses.  Pwede tayong lumipat from one place to another kung kelan natin gusto..”

“Oo nga Erin, apat yung kwarto sa bahay namin. Master’s bedroom, isa ka Iyah, isa sa iyo, at yung isa eh kung may
bisita man.” tumingin si Mommy sa akin, “Iyah’s room is bigger than the other two, except the master’s bedroom.”

Hindi ko na napigilan, binaba ko na rin yung tinidor ko.

“Mom, I am keeping my room!”

“Sino namang maysabi gusto ko yung kwarto mo?” kinakausap ko ba siya? “And Dad, kayo na ang mamroblema sa
bahay. I don’t care anyways..”

“Nakalimutan kong sabihin, hindi ko kasama si Jon sa bahay. Sa apartment siya nag-stay. Umuuwin lang siya kung
kelan niya maisipan…”

What?!? May apartment siya? And Mom wouldn’t let me have the room at the back of the house! Kapag may
magnanakaw daw kasi, doon daw madalas ang akyat nila.

Nakita niya yata yung expression ng mukha ko, kaya sinabi niyang..

“I’m renting it.”

Tinanong ko ba?

“Second, dahil magiging isang pamilya tayo, Jon, uuwi ka sa bahay at least three times a week.”

“Dad?!? At least? Bakit hindi mo na lang sinabing 5 times a week? Eh parang isang buong linggo na yun!”

“Uuwi ka, dahil sinabi ko. Or else, I’m going to cut your allowance. Mas lalong hindi mo mababayaran yung rent
mo sa apartment.”
He’s paying his rent from his allowance??? Gaano ba kalaki yung allowance niya.

“Fine… three times.”

“Basta tatawag ka lang, para makapagluto ako.” sabi naman ni Mommy. Pagluluto pa yan?

“Third, dahil magiging magkapatid kayo,” nag-smirk kami sa isa’t isa, “You have to look after each other.”

“NO–”

“WAY!”

“Yes Way Jon..” patawa rin ‘to si Richard eh.

“Nasa iisang school naman kayo, magkikita at magkikita kayo doon.”

Nag-continue pa yung mga usapan na yan. Habang tumatagal, legal matters na. Kailangan daw umattend si Jon ng
practice kahit isang beses lang dahil next week na yung kasal. Sinasabi pa niya na hindi siya magsusuot ng tux, kaya
pinagalitan siya ng Daddy niya.

Maya-maya lang.. isang ‘di magandang ideya yung naisip nila Mommy.

“Two weeks kaming mawawala, for our honeymoon..”

Nakita kong tumingin si Jon sa kabilang direksiyon, ako naman eh mahina kong nasabi na ‘Yuck,’. Pero ok na rin,
normal naman talaga yun sa mga newlyweds.

“Well that’s not bad. Mag-isa ako sa bahay for two weeks! Masaya yun Mom.”

“Nag-usap na kami ng Tito Richard mo, you two,” tinuro niya kami parehas, “–will stay on the same house.”

Crap! Why would I???

“Ako? Kasama ko yan sa iisang bahay? Hindi pwede!” sabi niya kaya napatayo siya, “I’m staying on my apartment,
at doon siya sa bahay niya. Walang problema dun!”

Hay naku, may similarity din pala kami!

Tumingin si Richard sa akin.

“Yeah… what he said!”

“NO.”

“Pero Dad–?” sabi niya na obviously, may civil disobedience pa sa katawan.

“Discussion’s over. Umupo ka Jon, don’t be rude.”

Ako rin magrereklamo kay Mommy, pero wala siyang ginawa kundi i-incline yung ulo niya kay Richard.

Katulad nung simula, hindi na naman kami nagsalita. Si Mommy at Richard lang ang nag-uusap. Parehas kaming
nawala na yung mood… pero ang nakakainis, kami yung pinag-uusapan nung dalawa.

Tumatawa pa sila.

“Si Iyah nga nung 8 years old na siya, meron pa siyang pillowcase na gamit-gamit niya since 2 years old siya at ‘di
siya makatulog kapag hindi yun ang gamit. May sinulid yun sa dulo na gustung-gusto niyang kinikiliti yung tenga
niya…”

Oh My God, this is so embarassing.


Tumawa si Jon. Tinignan ko nga ng masama.

“Si Jon naman nung maliit pa siya, takot siya nun sa multo. Kapag nagigising kami sa umaga at papasok sa kwarto
niya, wala na sya sa kama niya. Makikita na lang namin, natutulog na siya sa banyo hawak-hawak yung flashlight..”

Turn ko naman tumawa. As in, totoo. Hindi pang-aasar.

Tumayo na uli si Jon. Napikon na naman yata.

“That’s enough. I’m outta’ here.”

Umalis na siya doon at iniwan kaming tatlo. Grabe talaga.. para yun lang!!!

***

Nung dumating naman na yung Monday, kinuha ko yung black na bag ko at pumasok na sa school. Hindi na ako
nahatid ni Mommy. Hindi ko na siya ginising kasi tulog pa siya nun. Napuyat yata kagabi eh.

Nahalata naman nila Vina na wala ako sa sarili ko nung dumating ako. Kaya ayun, para akong ini-interrogate.

“Oh anong nangyari sa ‘yo? Dati-rati ang daldal mo kapag umaga ah..”

“Pagod lang ako…”

“Bakit mo nga pala tinanong pangalan ni Double B?? Binabaan mo pa ako ng phone!” hindi talaga ako titigilan nito.

“Wala lang. Nakita ko kasi siya, so ayun na-curious ako at hindi ko alam yung name maliban sa codename niyang
Double B.. tinanong ko.”

Halata kong hindi masyadong bumebenta, pero wala naman silang makukuhang sagot sa akin. Hindi ko muna
sasabihin, pagkatapos na lang siguro ng kasal nila Mommy.

Nag-alarm din naman na. Ang daming na-late sa amin. Nagalit pa nga yung homeroom teacher namin kasi kalahati
ng klase, late. Hindi ko ala kung saan galing. Finally nung nakumpleto na kami, nagsalita na siya.

Tumingin ako doon sa labas ng pintuan. Nakangiti yung teacher namin. Pagtingin ko…

“Iyah… si Double B.”

Anong ginagawa niya dito? Siguro naman tumulong lang or something…

Then nagsalita na yung teacher namin.

‘You will have a new classmate, he is from the sports curriculum..’ pumasok na siya, ‘Magpakilala ka na..’

Nakatayo siya doon sa harapan, nag-chewing gum at sinabing..

“Jon Erin. San na ba yung upuan ko?”

You’ll definitely hate this guy.

Umupo naman siya nung tinuro nung teacher namin. laking pasasalamat ko talaga doon siya sa kabilang side. Ang
nakakainis.. bakit siya nandito?

Patingin-tingin ako doon sa side niya nung last period na namin sa umaga. Ayun, pahikab-hikab kaya sumandal sa
desk niya at natulog. Hello? Nasa academic curriculum na siya.. konting sipag naman!

Nangongopya pa ako ng notes, saka naman nag-alarm ng uwian. Nag-bye na sina Vina sa akin, ako naman eh
hinintay yung mga classmates kong mawala at lumapit ako sa kanya. Isa rin siya sa mga nahuling lumabas, tulog
kasi  eh.
“Hey.. Jon. Anong drama mo at nandito ka?”

“Nakikialam ka?”

“Oo. Bumalik ka na sa curriculum mo.. mas tanggap ka dun.”

“Tingin mo ba makakapasok ako dito kung hindi ako tanggap?” what do you mean? mataas grades mo? “Just stay
away from me rich kid, and I’ll do the same thing..”

“Mahirap naman yata yun! To think na nasa isang school tayo, isang curriculum, at iisang classroom! Bakit ba
lumipat ka dito?”

“Kung opinyon ko lang ang tatanungin, academic curriculum na ang huli kong pipiliin. This curriculum is for geeks.
At itong classroom kung nasan ka ang huli ko ring pipiliin para mag-stay. Kung may choice lang ba ako..”

“E di magpalipat ka!” sabi ko tinutulak ko na siya.

“Kung pwede lang ginawa ko na. Bawat classroom eh may maximum of 50 students. Yung iba 50 na, may nag-
exceed pa nga. Dito lang 48.” sabi niya tapos tumingin sa akin, “Dad put me here to start with.”

Hindi ko talaga gusto yung mga idea ni Richard.

“Bakit pumayag ka?”

“The same reason na gusto niya akong pumunta sa bahay three times.. or else..”

He’ll cut your allowance.

Tumingin siya sa akin. Nakakaloko na naman.

“May dumi ka.. right there..” tinuro niya yung pisngi ko. “Baka hindi mo alam.”

Lumakad na siya nun. Iniwan akong nakatayo. Ako naman, napahawak sa pisngi ko.

Hindi ako mapakali, kaya nilabas ko yung salamin ko sa bag. Dumi? Saan? Wala naman ah!

Saglit lang… sumulpot siya uli doon sa pinto.

“Naniwala ka naman!” tawa siya ng tawa.

Asar na ‘to!

“Nakalimutan ko pala sabihin…”

“May sarili akong reasons kung bakit pumayag ako mag-stay dito.”

***5***

Matapos niyang sinabing may sarili siyang reason para mag-stay doon, hindi ko na lang siya pinansin. Tiyak naman
walang kwentang reason yun tiyak. Siya pa? Pero kahit papaano, wala naman na akong magagawa kung nakalipat na
siya dito kundi tanggapin ko na lang din.
Hanggang ngayong araw na ito eh may hang-over pa rin ako sa balitang siya yung magiging kapatid ko. Grabe, sana
naman yung mas desente.

Nung sumunod na dalawang araw sa school, normal na normal lang naman ang arte naming dalawa. Walang
pansinan gaya ng dati at kung papansinin man namin ang isa’t isa eh school related. Actually, lagi ngang nakataas
ang boses sa akin. Ewan ko ba sa lalaki na yan parang daig pa ang babae na may period.

Tatlo na lang yung natitirang practice namin. Unfortunately, kahit isa eh wala pa siyang pinuntahan. Yung una sa
last three practice, hindi na naman siya pumunta. At ngayon… yung pangalawa.

“Richard… wala pa ba yung anak mo?” sabi ko na naiinitan sa labas ng simbahan.

Tumingin si Mommy sa akin, kaya binago ko yung sinabi ko.

“Richard… tito.” pero mahina lang.

“Lagi na lang ganito si Jon. Pasensya ka na sa kanya Iyah, hindi talaga yan sociable..” oh.. I can tell! “Simula bata
pa siya ganyan na siya, kaya nga nung elementary, hanggang ngayon pero hindi naman na masyado eh pinapatawag
lagi ako ng principal o ng guidance councillor..”

“Why is he like that?” kung tutuusin, mabait naman si Richard… san naman kaya niya namana yung ganung ugali?
Malamang sa Mommy niya?

Hintay kami ng hintay doon sa labas na tipong sobrang init na talaga. Hindi ko na nakayanan at pinagpapawisan na
ako. Sobra na!!! Sobrang paghihintay na ito, sobrang pagsasakripisyo, sobrang pagka-late at higit sa lahat…

SUMOSOBRA NA YUNG LALAKING YAN!!!

Pumasok na ako sa loob. Pinupunasan ko ng panyo yung mukha ko at mukha talagang pagod na ako hindi pa man
nagsisimula. Men! This is not good! I look haggard!

Arrrggghhh!

Syempre, wala na naman akong kasabay. Kapag talaga napahiya siya sa wedding day nila Mommy, hindi ko na
problema yun! Sana nga mapahiya siya.

Naupo na ako sa gilid after 1 hour and 30 minutes na practice at paulit-ulit na paglalakad. Natapos din kami kaagad.
Saglit lang…

“Dad, I’m here!”

Tumayo naman ako at tumingin sa kanya. Kung hindi lang ito simbahan, sinuntok ko na talaga siya.

Lumakad ako ng mabilis at dire-diretso. Hinila ko siya palabas.

“Makakabuti sa ‘yo kung tatanggalin mo na yung kamay mo… baka kung anong mangyari..” sabi niya sa akin pero
hindi ako apektado kasi asar na talaga ako, “Rich kid, may problema ka na naman?”

“My name is Iyah, not Rich kid. At kung hindi ka naman din isang bwisit na tao, sana lang alam mo na yung
practice eh isang oras at kalahati nang nakalipas. Sa katunayan tapos na nga eh.. dumating ka pa.”

“Pasalamat ka nga nagpunta ako dito. Napilitan lang ako, kung tutuusin, natutulog ako inistorbo ako ni Daddy!”

Natutulog? In short, wala talaga siyang pakialam.

“Wow grabe bilib na ako sa ‘yo.. dapat pala mabigyan ka ng Nobel Prize for your great effort–!!!” sabi ko na
nakangiti pa ako tapos sumimangot, “Moron.”

“Anong tinawag mo sa akin?”


“I called you a moron!”

“Hey smart mouth, huwag mong sabihin sa akin na amgirl ka. Ngayon, bawiin mo na para di ka
masaktan.” hinawakan niya ako sa braso ko.

“Don’t you dare… I’m warning you. At kung sa pagitan lang nating dalawa, sino ang smart mouth?”

Mukhang wala siyang balak na alisin yung kamay niya sa braso ko. Hinigpitan pa niya. Seryosong-seryoso yung
mukha niya na nakatingin sa akin, ako naman eh nagchin-up para hindi halatang natatakot na ako sa kanya. Tinaas
niya yung kamay niya, nag-close fist…

it’s coming… I can tell…. close your eyes Iyah. I can’t belive it. He’s going to hit me….

PAPARATING NA…. 3… 2..

In theory. Lumuwag yung pagkakahawak niya sa akin. Dinilat ko yung mata ko.

“Pasalamat ka hindi ako nananakit ng babae. Pagbibigyan kita ngayon, sa susunod baka hindi mo
magustuhan…”pagkatapos niyang sianabi yun, iiwan niya akong nakatayo doon.

Thank goodness.

***

Thursday. Nagising ako na para bang ang sakit ng leeg ko sa ngawit. Paano ba naman eh nagising ako na yung ulo
ko eh nasa gilid na ng kama. Sino namang matino ang natutulog ng ganito.

Naligo na ako kaagad kahit maaga pa. Pagkababa ko sa dining room, nandun na si Mommy at naka-todo ngiti sa
akin. Maganda yata gising nito.

“Mommy, hindi naman kailangang ganyan yung ngiti mo ‘di ba?” sabi ko sa kanya nung hindi pa rin siya tumigil sa
pagngiti.

“Masaya lang ako nitong araw na ito. Makukuha ko na yung wedding gown ko, isasabay ko na rin yung sa iyo.
Yung mga pinsan mo, kanya-kanyang kuha na lang daw…” sabi niya sa akin. Kaya naman pala.

Great!

Ganun pa rin yung energy niya hanggang sa nakasakay na kami ng kotse at nahatid niya ako sa school. Ganyan ka
ba talaga kasaya kapag ikakasal ka? Hmmm.. I wonder. Siguro. Someday… it’s my turn.

Nag-kiss lang ako sa pisngi niya at pumasok na ako sa loob. Pumasok na ako sa gate at total relief talaga at hindi ko
nakita si Jon. Nasa hallway na ako at binuksan ko yung locker ko. Kabubukas ko pa lang, may mga kung anu-anong
palel na nahulog. Letters… again ang again.

Kinuha ko lang para ilagay ko doon sa folder ko. Hindi namana ako snob at nagkakaroon naman ako ng time para
basahin isa-isa kahit hindi ko naman kilala yung naglalagay niyan diyan. Kadalasan naman kasi, friendly letters.
Gusto raw nilang makipagkilala kaya lang nahihihiya sila kasi lagi akong nakadikit sa mga girlfriends ko.

Isasara ko na sana yung locker ko peor may huling glance pa ako sa crush ko na si Sean Biggerstaff sa gilid. Kaya
lang nakadikit sa mukha niya…

note.

Sinong naglagay nito dito?

Rich Kid,
Kung kailangan mong ipaalala ko sa ‘yo, stay out of my way. I have my ways to make your life miserable, at home..
or at school.
Kilala ko na kung sino ‘to. The nerve of him to open my locker? Paano niya ginawa yun?

Yun ba yung ibig sabihin niya sa… I have my ways? Wala naman akong pinagsabihan ng combination ko.

Tinignan ko uli yung nasa baba. May nakalagay pa pala doon.

P.S. Naglalagay ka pala ng picture sa locker mo. I think it’s kinda’ stupid. Boyfriend mo ba? If he is, ang malas
naman niya.

What’s his problem??? Dahil kahapon? You’ll see! Iyah Nicole is not the sweet girl your thinking…

Binilisan ko yung lakad ko. Alam kong badtrip na yung mukha ko nun. May mga nakaharang sa hallway kaya lang
tumatabi kapag dumaan ako. ‘Move!’ sinasabi ko kapag hindi umaalis.

Finally.. nakita ko siya sa dulo. Nakasandal doon sa railings. Hindi ko alam kung bakit siya nandito eh sa taas yung
room namin.

“You want me to stay out of your way? First, I’ll do that if you better stay outta’ mine.” hinihingal na ako, napalakas
yata yung boses ko kaya hininaan ko. “Look, I am not a warfreak. You’re turning me into one. I’m treating everyone
nice if they are returning the favor..”

Nakatingin siya sa akin na para bang nagulat at sinugod ko siya. Tapos sinabi niyang..

“What?!? Pakiulit nga hindi ko naintindihan.” ano ba ‘to, “Wala akong time para sa girl talk mo.. pati na rin yung
pa-english-english mo. Ang sakit sa tenga!”

“Sinasabi ko lang, subukan mo namang magpakabait.”

“Hindi yan ang sinasabi mo. Pinuntahan mo ako dito para payuhan mo ako na magkabait ako? Wow girl, your a
saint!”tinapik niya ako at tinalikuran.

Anak ng tokwa! Hmmmff!

“Don’t open my locker! kapag ginawa mo uli, irereport kita!”

“Oooh, yun pala ang reason kung bakit sumasabog ka na naman. I won’t open it again, at least not for
days.” tumingin siya sa akin, “–may mga sulat ka nga pala. Actually, accidentally kong nabasa eh, ‘Dear Iyah, First
of all, I’m blah..blah.. and I really think your pretty..’ sino namang matinong lalaki ang magsusulat ng ganun! That’s
gay!”

“Anong karapatan mong basahin yung mga sulat ko!!!”

Papalapit na ako sa kanya sa sobrang galit ko. Pati ba naman personal na bagay, pinapakialam pa niya. Kaya lang..
may nagsalita sa likod ko.

“Ginawa mo yun Erin? Binasa mo yung sulat niya?” tinignan ko kung sino, may babae na nakahead-band at tumabi
sa akin.

“Michaela, she’s getting into my nerves! Narinig mo naman, accidentally kong nabasa..”

“Really? Paano kung ako naman nagbasa ng personal stuff mo, magugustuhan mo kaya? Leave her locker alone…
hindi ko aakalain na pati babae pala pinapatulan mo na ngayon.”

“Hindi ko naman siya sinasaktan ha!”

“Verbally..” umakbay na sa akin yung babae..

“Mic…” sumimangot yung babae, “Ok! gagawin ko!”

“Tara na nga…” nilalayo na niya ako kay Jon.


Papalakad na kami papalayo, naririnig namin si Jon na sumisigaw ng kung ano. Pero nawala na rin siya sa pandinig
ko. Napunta kami doon sa daan sa labas ng garden. Humarap siya sa akin.

“Hey, thanks ha.” sabi ko sa kanya, “Himala yata at takot sa ‘yo yung taong yun..”

“Dapat lang, kung hindi susuntukin ko talaga siya.”

“Nagagawa mo yun sa kanya?”

“Yeah, lalo na kapag matigas yung ulo. Siguro nga mainitin ang ulo nun at palaaway, pero hindi yung nananakit ng
babae…” gumilid kami kasi may dadaadn.

“I’m just curious, are you two–?”

“Together? Nah. We’re friends… longer than I can remember.”

Nag-alarm naman na nun. Kailangan ko nang pumunta sa klase ko at baka ma-late ako.

“Time na pala. Anyways, nice meeting you. Michaela Montez.” nakipag-shake hands naman ako.

“Nice meeting you too.. I’m..” sasabihin ko na sana, kaya lang pinigilan niya ako.

“Iyah Nicole Scott. I know you… sige na, akyat ka na sa room niyo at late ka na..”

“Thanks ulit.”

Papatakbo na sana ako doon sa railings papunta doon sa hagdanan, narinig ko siyang sumigaw.

“Iyah!”

“Just tell me if he’s bothering you!” nag-smile ako, then nag-nod.

***6***

Michaela? Wow. Paano kaya siya naging kaibigan ni Jon? Kasi kung tutuusin at tatanungin ang first impression
ko… Michaela is nice.. Jon’s well err… not.

Hndi ko talaga pinansin si Jon nung pumasok ako ng classroom, lagi namang ganun. Pero kahit tingin lang talaga
iniiwas ko.

Si Sheena, tumabi uli sa akin.

“Anong problema niyo ni Double B?”

“Problema? Nothing. Actually we’re cool!” naghand-sign pa ako. “Classmates.. you  know..” tapos tumingin ako sa
side ni Jon, sumimangot ako.

Tumayo na ako nung breaktime. Tinulungan nga ako nila Vina doon sa letters ko, nanunukso na naman at fan mail
ko daw. Kaya lang.. lumapit si DOUBLE B.

“Leave her alone..”


“What?!”

“I meant Michaela. Baka maimpluwensyahan mo siya..”

Pagkatapos niyang sinabi yun, hindi man lang hinintay yung sagot ko.. umalis na.

“Sino naman si Michaela?”

“Yung girl na friend niya yata. Sa baba room nila.”

Tinaas ni Vina yung kilay niya, mukhang may iniisip na naman ito.

“Nagawa mo na yung homework mo sa Calculus?”

Sabi ko nga.. homework!!!

Nagklase kami buong maghapon, at ayun, umeksena na naman yung intercom. Tungkol sa clubs.

Pagkauwi ko after class, nandun si Mommy sa pintuan at hinhintay talaga ako. Saka ko naalala, yung gown pala
niya eh nakuha na niya. Kanina pang umaga ganyan yan.. oh well..

“Hi mom..”

“Nakuha ko na yung gown ko Iyah.. and it’s so.. so.. beautiful!”

Yeah.. right.

“Nasan na?” hinahanap ko in case na nasa sofa.

“Nasa closet ko na. Yung gown mo, nilagay ko na sa bed mo. Tignan mo na lang.”

Umakyat naman ako sa hagdan namin. After 48 years, nasa kwarto ko na ako. Nandun nga yung gown ko. This is
awesome!

It’s peach. My mom loves peach.

Sinukat ko naman. Off shoulder kasi.. it’s.. alright.

Umalis kami sa bahay nun at may huli kaming practice. Kailangan talaga nandun na si Jon!!!

Tinawagan ko na 30 minutes before.

“Hey, you better attend that practice!”

“Sinong maysabi?”

“Ako.”

“Put a sock on it rich kid.” nung sinabi niya yun, binabaan ba naman ako ng phone.

Tinawagan ko nga uli. Kakainis na ito, ang bastos talaga!

“Bakit tumawag ka na naman?”

“Just so you know, you are not hanging up on me. I’m the one doing that!” then.. binabaan ko siya.

And that’s Iyah Nicole’s style. No freakin Double B can stop me!

***

Afternoon classes, 3:33 p.m., PE time, 3 minutes after alarm.


“Waaaaa! Field? You mean? Field?” pinapaypayan ko pa yung sarili ko nun.

“Opo, field. Ano na namang problema mo?”

“Mainit maglalaro tayo doon?!? Pwede bang sa ilalim ako ng puno at manonood na lang ako?” ayoko talaga..
mainit… kakahilo.. no!

“Kailangan ng participation. You will play… soccer.”

“Soccer?!?”

Hinila nila ako nun sa field. Ang init pa rin. May dalang pito yung PE teacher namin kaya napasama ako doon.
Bukod sa nakawhite-shirt kami at naka-black short sa ganito kainit na field… ewan ko na.

Inassign kami ng teacher namin kung anong gagawin. Sisipain yung bola at papaabutin doon sa goal. Practice daw
muna.

“Very good Miss Reyes!” sabi nung teacher namin. “Scott, your next!”

“Me?!”

Tumayo ako doon at hawak ko yung t-shirt ko. Nilagay yung bola sa harapan ko.

“Sipain mo lang ng malakas, and that’s it.”

Tinignan ko yung bola. Sisipain ko? Ang layo nung goal ah!

“Malayo po eh..”

“Malapit na nga yan eh.. subukan mo.” tapos pumito siya.

Sinabi nang malayo eh! Kulit mo ah! Sinipa ko nga yung bola.. ng layo ng narating.. one meter.

Umiiling-iling siya sa akin. That’s not bad. Buti nga kumilos pa yung bola sa harapan ko eh!

Nagtawag siya uli doon sa class record. Inisa-isa yung mga girls.. at sa kasamaang-palad, ako lang yung malayo ang
narating.

Tapos ng girls, boys naman. Unang-una sa class record..

“Aguillar, Jon Erin..” tumayo si Jon doon sa gilid at lumayo doon sa goal.

Inapakan niya yung bola sa harapan niya.. then… sumipa ng malakas. Pumasok yung sipa niya. Nilagyan siya ng
ilang bola uli.. tapos pasok.

“Very good. Soccer team captain ka talaga. Next!”

Soccer team captain? Lumakad siya, huminto sa gilid ko.

“Ganun sumipa, hindi parang tinapik ng kamay.”

Ahgh! You talking to me?

“Kita ko nga eh, galing mong sumipa. Pwede ka na sa karera ng kabayo…”

Kagaya ng girls, inisa-isa rin yung guys. Syempre, mas maganda performance nila sa girls. Lalakas ba naman nila.
Nag-warning alarm na. Ibig sabihin, 10 minutes before yung next class. Hindi pinansin yun nung teacher namin.
Tinawag ako.

“Miss Scott, halika rito.” lumapit naman ako, may sinabi sa akin.


“Bakit po?”

“Hindi pwedeng ganito ng ganito. Kapag nangyari, baka ibagsak mo yung participation ng PE. Soccer ang sport
natin for three months, pero kung simpleng pagsipa lang eh hindi mo magawa, wala akong magagawa kundi bigyan
ka ng mababang grade.”

Low grade? NO!

“I can’t do it.”

“Try natin ilagay kita as goalkeeper. Mas madali yun. All you have to do is stand at the goal post.”

“Well.. sounds easy. Tingin ko kaya ko yun.”

Tumayo ako doon sa goal post. Nakatingin yung mga classmates ko sa akin. Nakahilera yung mga bola nila. Maya-
maya lang, sumipa na sila. Sunud-sunod men!

Napatakbo ako sa gilid kakaiwas ko. Ayoko ngang matamaan ng bola. Tumayo na ako doon, kailangan pala sumipa
sila?

“Sabi ko tatayo ka doon.”

“Ginawa ko naman po ah!”

“Pero, haharangan mo yung bola para hindi sila maka-goal. Block and catch. Block and catch. Soccer nga di
ba?”hinawakan niya yung ulo niya, “Tingin ko sasakit yung ulo ko. Aguillar! Turuan mo nga ‘to!”

Tumingin siya sa akin na para bang naiirita. Tumayo doon sa kanan ko sa goalpost.

“Ready.. GO!” pumito na naman siya.

Nagsimula na naman umulan ng bola. Panay ang iwas ko. Yung katabi ko, panay ang sipa.

Finally, tumigil din.

“What do you think you are doing? You’re supposed to catch it!”

“Ako sasaluhin ko? Hello? Ang dumi ng bola. Ang lakas nila sumipa, masakit yun sa kamay no!”

“Bakit ba ang arte-arte mo? Sasaluhin mo lang mahirap na? You’re hopeless.”

Ang sakit nito magsalita ah. Nangingilid na yung luha ko nun at pupunasan ko na..

“You’re mean..” sabi ko tapos hinawakan ko yung t-shirt ko para punasan ko yung mata ko.

Tumingin siya sa akin, lalong nainis, binato ng malakas yung bola.

“Oh come on! Crybaby? Fine, let’s start again. Huwag kang matakot sa bola.”

Tumayo ako ng diretso. Pumito uli yung teacher namin at sumipa na naman mg classmate namin. Ito ang chance ko
magka-grade! Let it be right.. let it be..

I can’t! Iniwasan ko yung bola.

“Saluhin mo yung bola!!!”

“I’m trying here!”

Ito talaga totoo na. Sipaan ng sipaan. Focus lang Iyah. Kaya mo yan…

Huwag kang matakot.. huwag…


Nakita kong may sumipa, papunta sa direksiyon ko. Hindi ko iiwasan. Na-abnormal na naman ako kaya pinikit ko
yung mata ko. Saglit lang…

“I did it! Finally I did it!”

“Amen!” sabi naman niya, for the first time nakita ko siyang totoong ngumiti.

“That’s it for today. Balik na tayo sa classroom. Keep it up Scott. Aguillar, turuan mo pa yan.” umalis na yung
teacher namin.

“Pero–” hindi na siya pinansin nung teacher namin. “Now I have to deal with you, favorite sport ko pa!”

Pumasok kami sa locker room. Kanya-kanyang bihis. Dahil nahuli ako at marami akong seremonyas, alam kong late
na ako kasi nag-alarm na eh nandun pa ko sa locker room.

Paglabas ko… may tao pala doon.

“Bakit nandito ka pa?”

“Late naman na din ako, why bother going in?”

“Ikaw na late?”

“At least nakatayo ako dito sa locker room kanina pa. Ikaw naman, inabot ka na yata ng isang oras sa loob.” sabi
niya sa akin.

“OA ka, 33 minutes lang.”

“What’s up with girls and make-up?” tumalikod siya sa akin, “Or… is it just you?”

“What’s up with guys and fights?” nagpunta ako sa gilid niya, “Or… is it just you?”

Naglakad kami papunta ng classroom. Mom’s wedding is on Saturday. Umupo kami sa labas. Tutal absent naman na
kami sa Socstud, pangatawanan na.

May dumaan naman na grupo ng mga lalaki na hindi ko kilala. At yun, huminto sa harapan namin.

“Jon, sa lumang building, uwian.” sabi nung pinakamalaki sa kanila na nasa gitna.

“Bakit sa lumang building pa? bakit hindi na lang sa labas ng school?”

“Eh kung ako naman tatanungin, dito at ngayon na kung gusto mo. Duwag ka lang at hindi ka lumalaban sa loob ng
school.”

“Kung may duwag sa atin, ikaw na yun. Hindi ka nga nagpakita last Saturday. Ayokong may madamay na iba rito,
kaya hindi ako sa school nakikipag-away. Lumang building…” tumayo siya at nakipagsabayan doon sa lalaki.

Ako naman, pinaghiwalay ko sila.

“Away? Ano ba kayo! Huwag niyo ngang ituloy!”

“Bakit ba nakikialam ka? Umupo ka nga Iyah!”

Iyah? He called me Iyah!

“Hi Iyah, pretty boy Jon bothering you?” lumapit siya sa akin, “Gusto mo tirahin ko para sa ‘yo.”

“Nah.. hindi na kailangan.”

“Boyfriend mo siya?”
“NO!” sabay pa kami nagsalita.

“E di ok, we can hang out then..” umakbay naman sa akin.

Ang kapal nito.

“Oh yeah?!? You better get your ass off here or I’ll rip it off.”

Tumingin sa kanya yung lalaki.

“Pwede na pala natin idagdag sa pustahan. Kapag nanalo ako, huwag kang makikialam sa amin ni Iyah. Right?”

Bet? Ako?

“Hindi siya kasali dito.”

“Duwag ka na naman? Lumang building.. mamaya. Hintayin kita dun.”

Umalis na sila doon. Sabay-sabay pa kasama nung alagad niya. Ito namang tao na ito, may balak pa yatang pumunta.

“Huwag ka ngang pupunta!”

“Pwede ba? Kung may nakikialam na lang din sa buhay ko, ikaw na yun pinaka-latest!”

“Pustahan? Anong pustahan yun? Isusumbong kita sa Daddy mo!” tinakot ko naman. Sana effective.

“Magsumbong ka! Wala naman siyang magagawa eh.”

“Then I’m going! In case na kailangan ng emergency, tatawag ako!”

“You are not going anywhere! Uuwi ka, yun ang gagawin mo! Naiintindihan mo?” hinawakan niya ako ng mahigpit
doon sa braso ko.

“Brando’s a maniac. I don’t want you anywhere near him.”

***7***

Pumasok na kami sa classroom nun at last class na lang ang naabutan namin. Hindi kasi kami umattend ng Socstud
kaya Values Ed. na lang ang pinasukan namin. Badtrip yata si Jon sa akin, lagi naman, paano ba naman eh hindi ako
pinansin nung pumasok siya. Dinaanan lang ako matapos bitawan yung pagkakahawak niya sa balikat ko.

Hindi na naman ako focus sa klase. Nakakahiya nga, 4/10 yung nakuha ko sa quiz namin sa Values. Imagine, Values
pa!!! Sinermonan ako ni Vina na kailangan ko na raw mag-aral ng husto gaya ng dati… napapansin na rin pala niya.
I swear, bumababa na siguro grades ko.

Saglit lang din, nag-alarm na. Kanya-kanyang tayuan na at walang pakialam sa teacher. Uwian na kasi. Nakita ko si
Jon na papalabas ng classroom, kaya hinabol ko naman siya. Hinawakan ko siya sa braso niya.

“Jon!” napahinto din siya, tapos tumingin sa kamay ko na nakahawak sa braso niya.

Binitawan ko naman at that very instant. Baka manlisik na naman ang mata nito sa akin.

“Ano na naman ba?!?” sabi ko nga, high-blood palagi ito.


“San ka pupunta?”

Halata kong iritado na naman yung mukha niya.

“Nasa academic curriculum ka ba o ano? Use your brain. Narinig mo naman kanina di ba? San pa e di sa lumang
building!”

“Huwag ka ngang pumunta!”

“You don’t know when to shut up do you?” sabi niya sa akin. Nag-init yung buong mukha ko, nakatingin ba naman
yung mga classmate namin sa amin. “Sa tingin ko ngayon na yung time na yun!”

“Sinasabi ko lang naman huwag kang pumunta! Pwedeng set-up yun. Kanina lang ilan sila? Lima? Anim? Eh ikaw,
isa ka lang!” tapos napaisip naman ako at sinabi ko ng mahina, ‘Alam ko katumbas mo 3, pero hindi pa rin sapat
yun!’

“Anong sabi mo?” hindi ko pinansin. “Look, I can handle myself. Tumahimik ka lang, ok lahat.” tinapik niya ako sa
balikat, tapos umalis na.

“I’ll go!”

“You’re not going!”

“Dala ko yung phone ko, alam mo kung may emergency!” pinakita ko yung phone ko.

“YOU’RE NOT GOING!’ this time galit na talaga siya. “What part of that don’t you understand?”

“The ‘not’ part!”

“Hindi ka sasama! Uuwi ka! Kapag nakita kita doon, hindi mo alam kung anong mangyayari.”

Iniwan talaga niya ako doon. Nakatingin pa rin sila sa akin na para bang tinatanong na.. ‘Ano yun?’

Ako naman, ngumiti tapos sinabi kong.. ‘Hello?’

Mukha akong ewan, tapos nagsialisan na sila sa harapan ko.

Siraulo talaga yung tao na yun! Away? Away na naman? Hindi ba niya alam na sa Saturday eh kasal na ng dad niya
at mom ko? Baka naman umattend siya doon na pilay-pilay siya! Excuse me? wala akong balak lumakad sa
simabahan na may inaalalayan na disabled ha!

Isa lang ang kailangan ko ngayon…

“MICHAELA!”

Nakita ko siya doon sa corridor. Dala niya yung bag niya. Lumingon nung tinawag ko. Malamang, sumigaw ba
naman ako doon.

“Bakit?” halatang gulat siya.

“Kailangan mo akong tulungan!”

“For what?!?”

“Jon. Papunta siya sa lumang building. May away yata sila doon eh..”

“Oh that. Erin’s stupid. Huwag mo na siyang pansinin. Hindi mo rin naman siya mapipigilan, dati sinubukan
ko..” ngumiti siya sa akin, “Saka hindi ako pwede ngayon eh, tinatawag ako sa office. I’m starting to have a view
that you and Erin… are..”

She didn’t know?


“No. Alis na ko. Bye!”

Tumakbo na ako nun. Kung walang tutulong sa akin, kaya ko na ito mag-isa. I’m a superwoman you know! Where’s
my lip gloss?!? Crap I lost it!

Tapos parang tinamaan ako ng sinabi ko. Papunta ka na lang din sa away lip gloss pa hinahanap ko!

Hindi talaga ako sanay ng mabilisang takbo, pero kinaya ko. Dire-diretso ako, liko sa kanan.. diretso uli.. kaliwa..
kanan…

Ah basta! Napunta ako sa lumang building. Ang tahimik, medyo madilim. Now… nasaan na sila dito?

“Bakit hindi na natin simulan para tapos na ito? Nakakaboring alam mo!” san galing yun?

Lumakad ako.. alam kong malapit na. May lalaki na nagsasalita at may tumatawa pa na background. Narinig kong
umingay na.. san naman kaya yun?

Napunta naman ako doon sa poste. Nagsisimula na pala ah. Ngayon lang ako nakakita ng real-live fight. And
whoever’s the villain here, I can tell Jon’s winning.

Nasa gilid lang yung 5 lalaki. Isa lang yung sinusuntok niya. Hawak pa niya sa leeg.

“Sa susunod, pipili ka ng lalabanan mo. Mga 9 years old siguro kaya mo na!” nagulat na lang ako nung binagsak
niya yung lalaki at inapakan niya sa dibdib ng kanang-paa niya.

Tumingin siya doon sa gilid. Sa limang lalaki na alagad niya.

“Sinong susunod?” nakatayo pa rin siya doon, nagtinginan yung mga nasa gilid.

Siguro naman hindi ko na kailangan yung phone ko. He’s right. He can handle himself. What am I thinking?

Sumandal ako doon sa poste. Nanonood pero wala sa sarili. Ngayon, dalawa na lang yung natitira doon sa gilid.
Kapag sinusuntok si Jon, feeling ko mapapasigaw ako pero tinatakpan ko yung bibig ko. Dumugo na rin yung gilid
ng bibig niya. Pero maliit lang.

Palaban din yung payatot. ‘Di bale, pagkatapos niya, isa na lang naman na yung matitira. Yung nasa gilid….

KO.

“AAAAAHHHHHHHHHHHHHH!” binuhat ba naman ako hawak yung bewang ko. Nagsisisipa ako. Inikot ba
naman ako kaya nauntog ako doon sa poste. Ang sakit nun. Umikot yung paningin ko. “Ano ba!”

Phone.. phone ko.. nasan na ba!

Sipa pa rin ako ng sipa. Ok Iyah, honestly, nakita mo naman na yung pagsipa mo eh hindi nagwo-work.

“Put me down!”

Lumingon si Jon sa direksiyon ko. Nakita na rin niya ako.

“Iyah?!?” dahil nakatingin siya sa akin, hindi niya nakita yung paghampas nung kahoy doon sa gilid, “Ou–”

“Tignan natin kung may magagawa ka pa. Pumalag ka Jon, hindi ko alam kung anong gagawin ko dito kay Miss
Iyah..”

Hawak ni Jon yung ulo niya. Nakaupo na siya sa sahig.

“Hindi siya kasali dito, huwag niyo siyang idamay..” iba na yung tingin niya.

Syempre, hindi naman makikinig yung may buhat sa akin. Hindi naman siya siguro ganun ka-engot.
Binuhat ako doon malapit sa kasama niya na kanina lang eh binubugbog ni Jon.

“Huwag niyo siyang gagalawin…”mahinahon pa yung pagkakasabi niya, “DUWAG BA KAYO O ANO? BABAE
DINADAMAY NIYO?!” sabi ko nga sasabog siya. “NGAYON IBABA NIYO SIYA PARA HINDI NA KAYO
MAPAHAMAK..”

“Sa tingin ko wala ka sa sitwasyon para mag-demand.”

“Sa tingin ko.. Oo.”

Nag-slide siya ng mabilis at hindi ko napansin. Inipit niya ng dalawang paa niya yung binti nung isang lalaki kaya
natumba. Yung may buhat sa akin eh kukunin uli yung kahoy, kaya kinagat ko siya sa kamay.

Nabitawan naman niya ako.

Dahil mukhang nauntog yata yung ulo nung isa, hindi na nakakilos. Nasaktan naman yung payatot sa pagkagat ko,
kaya kinuha yung kahoy at ihahampas sa akin. Nasa sahig na ako nun.. tapos..

May bumagsak sa paanan ko.

Binitawan nung payatot yung kahoy na hawak niya.

“Jon.. hindi–”

“UMALIS KA NA DITO BAGO KA PA MASAKTAN!” dumudugo na yung gilid ng tenga niya, at yung braso
niya. Yun ba naman ipangharang sa kahoy eh.

Tumakbo na yung lalaki. Hawak na niya yung kamay niya.

“Ok ka lang?!?”

Akala ko ok na, biglang sumigaw.

“HUWAG MO KONG HAWAKAN! ANONG SINABI KO SA ‘YO? HUWAG KANG PUPUNTA ‘DI BA? ANG
TIGAS NG ULO MO! TIGNAN MO KUNG ANONG NANGYARI!”

“Oo na kasalanan ko na. Matigas na yung ulo ko! Pero mas matigas yung sa ‘yo!” hinawakan ko yung ulo ko na na
nauntog kanina. Ang sakit. Nahihilo pa rin ako.

“Sa susunod, huwag kang makikialam!”

“Pasalamat ka nga concern pa sa ‘yo yung tao!”

“Sinabi ko bang maging concern ka?”

“Nahihilo ako..” tumayo ako nun para umuwi. Wala nga siguro ako sa taman pag-iisip. “Uuwi na k–”

Napahawak na lang ako doon sa poste. Hindi ko na kaya. Ang sakit ng ulo ko. I feel like I’m going to throw up any
moment.

“Ok ka lang?”

“Yeah..” inaantok na ko.

“Namumutla ka na..” sabi niya sa akin, “Please not now! Hindi kita kayang buhatin! Ito na nga ba sinasabi ko eh!
Mga siraulong ‘to pumapatol sa babae!”

Nanghihina na tuhod ko…

Ang labo na nun ng paningin ko. Tumakbo si Jon sa direksiyon ko.


“Iyah! Wake-up!” tinatapik-tapik niya yung pisngi ko.

“Ano ba.. gising ak–”

“I’ll get you outta’ here.. ang kulit mo naman kasi bakit sumunod ka pa! Sinabi ko sa ‘yo kaya ko na sarili
ko..” tinanggal niya yung polo niya at tinali niya doon sa kamay niya na tinamaan ng kahoy. Sinubukan niya akong
buhatin. “Ouch, where’s my arm when you need it!”

“I’m going home!”

“Don’t talk! But don’t sleep ok? Huwag kang matutulog.” naramdaman kong umangat na ako. “Everything will be
fine… trust me.”

“Yeah.. I will.”

***8***

***

Nung nagising ako, puting-puti yung paningin ko. Teka, ano na nga bang nangyari? Ok, easy ka lang Iyah, huwag
kang mag-panic…. hindi nga ito kwarto mo pero..

Napahawak ako doon sa gilid ko. Naka-white gown ako.

I’m in a freakin hospital!!! And no one’s beside me.

Bumukas naman yung pinto ko. May pumasok na nurse.

“Gising ka na pala Miss, steady naman blood pressure mo. Kumusta na pakiramdam mo?” nakangiti pa siya sa akin.

Nagtataka naman ako kung bakit niya ako tinatanong. Nakaramdam ako ng kirot doon sa ulo ko. Yeah.. I remember,
nasa lumang building ako pinapanood ko si Jon makipag-away, may bumuhat sa akin… nauntog ako…

oh well, I know the rest of the story.

“Where’s my mom?”

“Kaalis lang po niya kaninang umaga. Worried nga siya eh. Sinabi nga niya na tawagan daw namin siya kapag
nagising ka na. Mukhang ok ka naman na..”

“Yeah.. I think.” hinimas-himas ko yung ulo ko. Kaya pala may malaking bandage dito na nakapaikot sa ulo ko na
pwede nang kumandidato sa palakihan ng head band.

“Lalabas na po muna ako ha. Kakausapin ko lang si Dr. Sani para masabi ko na gising ka na. Pwede na po kayong
umuwi ngayon. Yun ay kung, gusto niyo na po…” iniwan na niya ako sa loob.

Hello? Sino namang gustong mag-stay dito? Syempre gusto kong umalis dito. Saglit lang, may pumalit doon sa
loob.

“Iyah!! Gising ka na pala! Sinabi sa amin nung nurse! Loko ka, tinakot mo kami.” niyakap naman ako ni Sheena.
“Ano, kumusta na pakiramdam mo?”

“Ok na.. medyo masakit lang ng konti, pero ok ako. Ano na nga palang nangyari?” feeling ko, huli na ako. Wala
talaga akong matandaan.

“Yun nga yung gusto naming itanong sa iyo eh. Ano bang nangyari sa ‘yo? Tinawagan na lang kami ng Mommy mo
na nasa hospital ka na. Gabing-gabi na napapunta tuloy kami dito nun.”

“Oo nga. Actually, kanina pa kaming alas-5 dito. Pakalat-kalat lang kami sa labas. Sabi kasi nung doctor may
possibility na magising ka na… tama nga siya.”

“Saka ko na lang ikukuwento. Mahabang story talaga. Wala rin ako sa mood..” pinaabot ko naman yung grapes
doon sa gilid, at kinain ko.

“Sorry Iyah ha, baka hindi ka na namin masamahan umuwi. Pero may nag-volunteer naman na. Running late na
talaga tayo pare-parehas…”

“Ok lang, kanina pa pala kayo dito. Umuwi na kayo at magpahinga. Sige na.. thanks talaga mga sis..”

Tumayo na sila parehas. Papaalis na rin sila.

“Sa susunod, bawal ka nang mauntog kung ganyan din naman yung epekto sa ‘yo. Nauntog ka ‘di ba? Wala kasing
gustong magkwento sa amin eh..”

“Saka na Vina..”

“Marami kang atraso sa amin. Ikaw ha.. hindi mo sinasabi sa amin na si Double B pala yung magiging stepbro mo..”

Speaking of Jon… nataranta naman ako. Kung wala lang talaga akong dextrose na nakadikit sa akin, umalis na
talaga ako doon.

“Nasaan nga pala siya? Anong nangyari doon? Ok ba siya? Ano?”

“Hey sis, calm down. He’s fine. Sa katunayan, nasa labas nga siya. Sinubukan nga naming kausapin, dedma eh.
Kung hindi oo, hindi, at hindi ko alam ang sagot niya.. wala na.”

“Hay naku Iyah, alis na talaga kami. Kita na lang tayo mamaya..”

“Sure. Ingat kayo ha.”

Lumabas na sila parehas at sinara nila yung pinto doon. Binuksan ko yung TV doon. Pero dahil walang magandang
palabas, pinatay ko na lang din. Kinain ko yung grapes, naubos ko naman. Ang takaw ko…

or should I say.. gutom lang talaga ako.

Saglit lang, nag-creak open na naman yung pinto. May pumasok na… well.. naka-bandage yung kanang kamay, at
isa sa part malapit sa tenga.

“You look horrible..” sabi niya doon sa pintuan.

“Ooh.. you really should talk..” kung sa amin namang dalawa, mas ok na yung itsura ko no.

“At least ako hindi nawala sa sarili..”

Are you talking about me?

“Anong nangyari nga pala?” tinabi ko yung bowl na pinagkainan ko. “Hindi ko na matandaan.”

“Obvious ba, nakarating ka ng hospital..” umupo siya doon sa gilid. “Bakit ba kailangang may flowers kapag may
taong nasa hospital? Ano namang maitutulong nun?” naiirita na naman siya.
“Never mind the flower. Pwede bang magkwento ka ng mas detailed? Kasi obviously, alam ko nasa hospital nga
ako.”

“Nilabas kita sa building, wala ka na sa sarili mo at kung anu-ano sinasabi mo… na nawawala yung.. I can’t
remember, liner or something, but that’s not the point,” tumingin siya sa akin for the first time, “Dahil hindi ko
mahanap yung pinagmamalaki mong phone kapag emergency, tumawag ako ng tricycle. I brought you here. Then,
kinuha ka na nila sa akin. Hindi ko na alam..”

“Whoa, hindi ko talaga matandaan. So ikaw rin inasikaso na nila?”

“Nakikita mo naman ‘di ba? Bakit tinatanong mo pa?”

“Ang sungit mo…” umayos ako ng upo ko, “Ano daw problema sa akin.”

“Internal bleeding. Swerte mo minor lang. Kung hindi ka nadala dito, baka nagka-hemorrhage ka na. At sinong
masisisi doon? Of course ako. Sumunod ka pa kasi… I think you deserved what happened to you..”

He didn’t say that…

“Dad’s furious. Your Mom’s worried. Yung dalawang kaibigan mo, parehas nagdadaldal.. they’re driving me mad!
Maswerte sila ganito yung kamay ko, baka nasuntok ko sila parehas para tumahimik..” medyo yumuko siya.

“Oh stop. Alam ko namang hindi ka mananakit ng babae.”

“Plano nga nung Mom mo at Dad ko na i-cancel na yung wedding..” tumayo na siya nun.

“Ganun na lang kagalit yung Dad mo sa ‘yo para maghiwalay sila?”

“Sinabi ko cancel.. hindi ko sinabing maghihiwalay sila..”

Pumasok uli yung nurse kanina at lumapit sa akin. Tatanggalin na yata yung dextrose ko. Papalabas na si Jon nun.

“Bilisan mong kumilos. Tulog ka kasi ng tulog.”

Ngumiti yung nurse sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Sinabi niya sa akin ng mahina, ‘You’ve been sleeping for
almost two days. Two days kung inabot ngayong hapon. Pero dahil hindi naman, more than a day lang..’

More than a day? Lokohan ba ‘to?

“Huwag ka nang mag-inarte. Magbihis ka na lang, nandyan na yung gamit mo sa gilid.. hihintayin kita sa
labas…”hinawakan na niya yung door knob. “Kailangan na nating magmadali.”

“Bakit naman tayo magmamadali?”

“We don’t want to miss a wedding do we?”

So it’s Saturday today!!! My Mom’s wedding!

***

Nag-skirt lang ako. Malamang lang, wala nang ibang nakalagay sa bag ko. Mas madali rin naman, kasi parang
ngawit pa yung pakiramdam ng braso ko. Hindi naman tinanggal yung bandage ng ulo ko. Tinulungan pa ako ng
nurse na maisuot yung blouse ko.

Paglabas ko nun, naghihintay nga si Jon sa labas. Wala naman siyang sinabi kaya sinundan ko lang siya. Napaka-
gentleman ng taong ‘to!!! Hindi man lang ako tulungan sa mga dala ko.

Bubuhatin ko na sana. Mukhang wala naman akong choice.

“Papabuhat ko na lang yan sa driver. Hindi ko kayang magbuhat..”


Oh, I forgot. Wala nga palang use yung kamay niya ngayon. Teka… parang nagbabasa ka ng iniisip ha???

Saglit lang, nasa harap kami ng pulang kotse. Sumakay ako sa likuran, siya naman sa harapan. Binati kami nung
matandang lalaki na nag-drive, ngumiti lang ako. Si Jon naman, hindi nagsalita. Ako lang at yung driver ang tawa ng
tawa.

Hindi naman nagtagal.. nasa harap na kami ng…

“Bahay niyo?”

“Mukha bang bahay niyo ‘to?”

Pilosopo ba ito, masungit, o sadya lang ganyan?

“Wala akong gamit. Nasa bahay yung gown ko, walang mag-aayos sa akin.. mga ganung bagay.”

“Ang dami mo pang sinasabi. Dadalhin ba kita dito kung wala yung gamit mo? Kunin mo yung gown mo, tapos
dadalhin ka na ni Kuya sa salon. Aayusan ka daw doon. May appointment ka na, si Daddy nag-ayos. Huwag ka nang
magtanong kung anong nangyari…”

Iniwan na naman niya akong nakatayo doon. Umakyat siya doon sa hagdan nila.

“Pagpasensyahan niyo na yan si Jon, sanayan lang din.”

Tumingin ako sa kanya.

“Mukha nga po eh.”

Pumasok ako sa bahay nila. Hindi ko namang maiwasan na humanga sa bahay nila. Malaki? Oh yeah! Malinis?
Heck Yes. Ambience ni Jon ang dating? Hell No.

Tinuro nila kung nasaan yung gown ko. May babae na binigay na lang sa akin at naka-plastic pa. Sumakay na ako
doon sa kotse. Andar-andar kung saan-saan… maya-maya lang nasa harap na ako ng salon.

Let the game begins…

***

Nahirapan yung girl ayusan ako sa buhok paano ba naman may nakalagay na bandage. Ingat na ingat siya sa akin at
natatakot yata na masaktan niya ako. Finally, nakalugay lang yung hair ko na may kung anik lang siyang ginawa sa
gilid. Yung bandage, hindi naman masama ang kinalabasan. Cute naman tignan.

Sinabi pa niya sa akin, ‘Madali ka ngang lagyan ng make-up eh. Maputi ka kasi kaya hindi mahirap paresan ng
kulay.’

Pinagbihis niya ako sa restroom nila. Dahil off shoulder naman yun, hindi kailangan dumaan sa ulo yung pagbibihis.
Mas nakabuti naman. Ang hirap nun ah!!!

At ngayon… past-3 na. 3:30 kasi yung kasal. Malapit na ako sa simbahan. Kausap ko pa rin si Kuya Driver. Ang
dami nang sasakyan doon sa harap ng simbahan. Huminto kami doon sa harapan, at bumaba na ako. Hirap nga eh..

Tumingin ako sa salamin.

“Huwag kang mag-alala, maganda ka po Miss Iyah.”

“Sabi mo yan Kuya ha! Kapag hindi.. kasalanan mo!” biniro ko naman siya.

Binuksan ko na yung pinto, at bumaba na ako. Ang dami na ngang tao na naghihintay sa labas. Bridesmaids.. family
friends… ring bearer.. yung groom…
at syempre… yung Best Man.

Teka? Bakit huli uyng Best Man? Mas mahalaga yung groom di ba?

Ayun, nakatayo siya doon sa harap ng simbahan. Ganun pa rin yung itsura. Naka-bandage yung kamay pati yung
gilid malapit sa tenga niya. Iniwas niya yung tingin niya nung bumaba ako. Siraulo talaga yun.

“Iyah, you look wonderful!”

Ngumiti naman ako sa kanya.

“Thanks Richard.”

Tumayo ako sa gilid ni Jon. As usual, waiting for the bride kami. Nagusap-usap na parating na daw si Mommy, kaya
pumasok na si Richard sa loob. Bumulong naman si Jon sa akin.

“When I saw you at the hospital, I said you look horrible. Now you look dreadful..”

Sinimangutan ko nga.

“Oh, I look dreadful? Right. You look like a troll if you ask me..”

“I didn’t ask you so.. keep your opinion to yourself.”

Talaga bang talo ako sa kanya lagi?

Dumating na din si Mommy. Wow! My mom’s awesome! Kung pagtatabihin kami, no wonder she’ll look like my
older sister rather than my Mom.

Nagsiayos na kami ng tayo. Bridal March na nun. Isa-isang pumapasok.. from flower girls.. hanggang sa amin.

Nakatayo ako katabi ni Jon. Tinaas niya ng konti yung injured arm niya, tinignan ko naman.

“Titingin ka lang ba o hahawak ka?”

Sabi ko nga, inioffer niya. Humawak naman ako. Then.. march na ng march.

Wala ni-isang practice siyang pinuntahan. Sana lang walang mapahiya. nakita ko na sina Sheena, kumaway sila sa
akin. Sa harapan kasi ang upo namin. Nagtinginan na yung mga kaibigan namin, yung anak ng bride at anak ng
groom eh parehas may bandages sa katawan.

How unusual??? Sa wedding day pa.

Syempre, hinihintay kong mapahiya si Jon. Hindi naman nangyari. Halata naman kung saan uupo yung mga lalaki
sa babae. At naupos kami doon…

…makinig lang ng wedding ceremony.

Ang haba ng terrain ng gown ni Mommy. Ang gwapo ni Richard. Ok na rin siya maging Daddy ko. Buti na lang
hindi ako bridesmaid, at ayokong taga-ayos lang.

It seems like the wedding will last forever… finally the priest said…

“–I pronounce you, Man and Wife. You may now kiss the bride.”

Flash ng camera kung saan-saan. Nag-kiss si Mommy at si Richard. Now.. it’s official. I have a dad.. and an instant
bro.

Picture taking pa. Kung tutuusin nga, ayokong masama sa mga picture. Ganito ba naman itsura ko. Memory
talagang maituturing. Kiniss ako ni Mommy. Merong picture na buong-buo kaming lahat, meron apat lang kami nila
Mommy, richard, at Jon, meron dalawa kami ni Mommy, dalawa kami ni Richard, kami nila Sheena… at ang ayoko
sa lahat at pinakatumagal sa picture taking…

“Maglapit kayo. Para naman kayong magkaaway niyan..” nag-step ako pagilid para lumapit sa kanya, ganun din
siya.”Closer…”

“Malapit na! Wala na ngang space eh..”

“Now you,” tinuro niya si Jon, “Put your hand on her waist..”

“Now, why would I do that? Just take the picture!”

Nasa simbahan kami nito. Paano pa kaya kung hindi?

Ginawa rin namin. Matapos ang ilang pag-uurong, ayos ng ulo, hand placing, tamang pagtayo… pangngiti.. asar
talaga!!!

Mabuti na lang umalis kami kaagad para sa reception. Sa hotel ginanap. Makakakain ako ng husto.

“Wow Iyah, ang cute mo! Kahit na meron niyan sa ulo mo.”

“Oo nga eh..” nakaupo na kami nun sa gilid, kumakain.

“Bakit hindi kayo magkatabi ni Jon? Pakners kayo di ba? Dapat same table kayo.”

“Mukha bang magtatabi kami?!?”

Busog na busog na ako nun. Panay ang tunog ng mga glass para mag-kiss yung bagong kasal. Gross talaga!

Si Jon, wala na sa paningin ko. May simpleng slide show para kina-Mommy. Kasamaang palad, nakasali ako.
Nandun din si Jon…

Then.. nagsalita yung DJ. Gabi na kasi. Nagkaroon na nung dance na para sa bagong kasal at lalagyan mo ng pera
sila. Then.. isa-isang tatayo yung mga nasa gilid.

Syempre, kasam doon yung mga cousin ko. Obviously, uupo lang ako sa gilid.

“Ano ba naman yang bagong stepbro mo, dapat isayaw ka niya ‘di ba? Ganun kaya yun!”

“Ayoko nga.. abnormal yung tao na yun..”

May tumakbo naman sa gilid ko habang busy lahat. Si Michaela. Umupo siya sa tabi ko.

“Hey Iyah, why didn’t you tell me? Ikaw pala yung magiging new sis ni Erin? I thought you were couples!”

“Nah.. never. Bakit hindi niya sinabi sa ‘yo?”

“No.. hindi niya binanggit sa akin. Nakita mo ba siya? Kanina lang nakausap ko.. nawala na naman. Hindi ba dapat
isasayaw ka niya?”

Buti ka pa nga kanina lang kausap mo, ako sa simbahan pa. Mga two hours na nakalipas.

Medyo slow pa rin yung tugtog. Tapos may tumayo sa gilid namin.

“Do you want to dance?”

Bumilis yung tibok ng puso ko. Tumingin ako sa kanya. Madilim na nun.

“Ako? O si Iyah?”

“I asked you didn’t I?”


Tumingin si Michaela sa akin. Tumayo na sila parehas at pumunta sa gitna. Nagsayaw sila doon. Kakaiba tumingin
si Jon kay Michaela.. o hindi naman.. trick lang siguro ng lights..

Nag-excuse ako kina-Sheena. Pumunta ako sa restroom. Nag-ayos ako doon.

Lumabas din ako kaagad. Kumuha ng glass at uminom. Juice lang ha!

Nagpunta ako doon sa gilid. Useless talaga ako doon. Mamaya na lang ako makikijoin kina-Vina kapag tapos na
yung dance.

Nakatalikod ako nun habang umiinom. Maya-maya lang.. may tumulak sa akin kaya muntikan nang matapon yung
iniinom ko.

“Ano ba?!”

“Hinay-hinay lang sa pag-inom rich kid.. baka malunod ka.”

“Ha-ha grabe katawa.. anong drama mo at nandito ka??”

“I’m looking for you.. unfortunately.. wala ka doon. Nandito ka lang pala.”

“Why would you look for me?”

“Nag-iisip ka ba o ano?” humarang siya sa harapan ko.

“Ayokong sumayaw doon…” nakipagpatintero pa ako sa kanya..

Kinuha niya yung glass sa kamay ko, at binaba niya.

“Sino bang maysabi sa ‘yo na makikipagsayaw ako sa ‘yo? Doon???”

“Akala ko lang ok?” pahiya ka Iyah!

Namula siguro mukha ko. Iniwasa ko nga. Kahiya yun ah…

“Ano ba?”

“Ano, ready ka na?” saan na naman?

“For what?!?”

“Sabi ko hindi kita isasayaw doon…”

“Isasayaw kita dito..”

***9***

Dito? Eh ang lakas rin pala ng topak ng taong ito eh no! Sa pagkakaalam ko, hindi ito Dance Floor. Nandito lang
naman yung drinks…
“Ano na?!?”

Aba, demanding?

“Ayoko nga eh, siraulo mo..” tinalikuran ko nga kasi isa na naman ito sa mga biro niya na hindi maganda. Mamaya
lang sasabihin niya, ‘Naniwala ka naman sa akin rich kid..’ Uh-ah, never na akong magfa-fall sa ganyang kaek-
ekan.

Kukunin ko na sana yung glass ko na pinag-iinuman ko, kaya lang inikot niya ako. As in… inikot niya ako.

“Hey.. ano ba!” nahilo na naman ako doon.

“Sasayaw tayo di ba?”

Eh mukhang mapilit ito, kaya siguro pagbigyan na. Hindi yata marunong umintindi ng salitang, ayoko…

Hindi ko alam kung paano ako hahawak doon sa kamay niya. Injured kasi eh. So ang nangyari, hindi ko masyadong
diniinan at baka magwala ‘to kapag nasaktan siya. Mukha kaming ewan dito, magsisimulang sumayaw… sa gilid
naman.

Slow dance… that’s what I’m talking about.

Walang nagsasalita sa amin. Parehas kaming tahimik at seryoso. Maya-maya lang, nagsalita yung DJ.

“Ok everyone, are you ready for some DISSSCCCOOOO!”

Gusto kong tumawa nun. You’ve got to be kidding me!

Biglang lumayo si Jon sa akin.

“Never mind.” tapos iniwan na niya ako doon.

Saka lang ako tumawa ng tuluyan. Sweet dance huh?!? Hindi natuloy eh. At kung ako na lang din ang tatanungin,
disco music is definitely not Jon Erin’s thing.

***

Nakasandal na ako sa table nun. Gabi na talaga, marami-rami pa ring bisita. Kailan ba matatapos itong reception
party na ito? Antok na antok na ako eh.

Maya-maya lang, may tumabi sa akin. Si Mommy pala.

“Hey Mom,” inangat ko lang yung ulo ko para ngumiti sa kanya, tapos sumandal uli ako, “Best wishes..”

“Mukhang inaantok ka na ah. Kung gusto mo, umuwi ka na. Yung gamit mo nasa bahay na nila Richard..”

Napataas na talaga yung ulo ko. This time, parang nagising yung diwa ko.

“Mom! Talaga bang kailangang magsama kami nun sa iisang bahay? Kaya ko naman yung sarili ko sa bahay natin,
siya sa apartment niya. Hindi talaga magandang idea na magkasama kami sa iisang bubong for two weeks…”

Hinimas niya yung likod ko. Nag-slight smile siya sa akin.

“Iyah, two weeks lang naman. Nag-usap na kami ni Richard, babae ka at ayokong mag-isa ka sa bahay natin. Paano
kung may mangyaring masama sa iyo? Iba na panahon ngayon…” sinandal ko na naman uli yung ulo ko sa
table, “Besides, family na tayo ngayon. Yung bahay nila, bahay mo na rin. Just feel at home. Higit sa lahat… you
need a quality time with your new brither.”

“Quality time with my brother? Oh.. no. Sa tuwing magkasama kami nun, hindi quality time eh.. disaster.”
“At hindi mo pa pala naikukwento sa akin kung anong nangyari dyan sa ulo mo…” tinuro niya yung ulo ko, “Anong
nangyari sa inyo ni Erin?”

She’s my mom. She definitely have the right to know.

Ayun nga, kinuwento ko sa kanya lahat. Well, almost all, except yung fact na kasalanan ko at sumunod pa ako.
Sinabi ko lang na nandun ako sa gilid at nakikita siyang nakikipag-away.. bumenta naman eh.

Sabi na lang ni Mommy..

“Nabanggit na sa akin ni Richard na madalas daw in-trouble si Erin. Kahit ano daw gawin niya, hindi raw niya
mapagbago. I guessed we have to deal with it… o kung wala tayong magagawa, we have to live with it.”

That’s what I thought.

May sayawan pa rin doon. Panay oldie’s na yung mga nandun kasi inuman na ang nangyayari. Sina Sheena at Vina,
kanina pa umuwi. Si Michaela, pagkatapos daw sinayaw ni Jon umalis na. Ang aga nga eh. Mga cousin ko, wala na
rin maliban sa tito at tita ko.

Ako rin siguro sisibat na.

Nagpaalam na ako kay Mommy at sa bago kong Dad kahit na hindi ko pa rin feel na tawagin siyang Dad. Sinabihan
ko sila na i-enjoy nila yung honeymoon nila. Parehas silang nag-kiss sa akin at mukhang masaya sila… tiyak daw
mag-eenjoy sila doon.

Buti pa sila. Samantalang ako eh 2 weeks of nightmare ang haharapin.

Lumabas na ako ng hotel. Nandun si Kuya Driver na nag-drive sa akin sa simbahan at nakikiinom din. Ayoko sana
siyang istorbohin kaya lang wala naman akong magagawa dahil pagod na ako. Mukhang wala lang naman sa kanya
yun. Sumakay ako sa kotse at hindi masyadong nagsalita. Nag-drive lang siya at pagod na pagod na ako. Saglit lang
din, nasa tapat na naman ako ng bahay nila Jon.

Or.. should I say, bahay na rin namin.

Nag-bye ako kay Kuya Driver at may balak pa yatang bumalik sa hotel. Ako naman dahil sobrang dilim na,
binuksan ko yung gate at pumasok sa loob. Mukhang walang tao sa bahay na ito ah. Kanina pa naman umuwi si Jon.
Ang sama nga ng ugali ng taong yun, ni-hindi man lang sinabi sa akin o hindi man lang nagpaalam.

Well, sino ba ako para magpaalam siya sa akin? Excuse me?!? I’m his freakin’ sister!

Kinuha ko na yung susi na binigay sa akin ni Kuya Driver. Binuksan ko na yung pintuan. Ang dilim sa loob. Hindi
naman masyado dahil may standing light, pero madilim pa rin kung ikukumpara sa bahay namin.

Gusto ko sanang mag-hello ng malakas at saka-sakaling sumulpot na lang si Jon kung saan. Kaya lang baka tulog na
yung tao na yun. I found it rude to do that thing.. so huwag na lang.

Nakita ko yung bag ko doon sa sofa. Kinuha ko yung bag, at umakyat sa taas. Bukas ko na lang siguro aayusin yung
gamit ko. Pagod na talaga ako.

Nung nasa taas na ako, ang daming pintuan na hindi ko naman alam kung ano yung mga yun. May isa doon na
medyo bukas, so nung tinignan ko, bathroom pala. Dito na siguro ako maglilinis ng katawan.

Ngayon, saan naman yung kwarto ko dito? Siguro naman pwedeng ito na muna. Malay ko ba naman kasi kung alin
ang alin.

Pumasok ako doon sa dulong kwarto sa kanan at nilagay ko doon yung bag ko. Ang dilim, so mukhang wala
namang gumagamit. May towel naman sa bathroom nila so hindi ko na problema yun.
Todo-todo talaga yung pagligo ko. Nahirapan ako dahil may bandage ako sa ulo na ‘di rin nagtagal at nairita ako eh
tinanggal ko na rin. Bahala na si Batman. Hindi ko nama siguro ikamamatay na tanggalin ‘to.

Nag-bubble bath ako. Wow. Ang init nga ng tubig eh. Hindi rin naman pala masama yung bahay nila. Kung ganito
lang din, masasanay na ako.

Diretso toothbrush na rin.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon, pero nagbanlaw na rin ako at nagpunas. Ni-wrap ko na yung sarili ko
ng towel at lumabas. Pumunta na ako doon sa kwarto kung saan ko nilagay yung bag ko kanina.

Hinanap ko yung pajamas ko doon. Nailabas ko na yata yung mga gamit ko, wala. Panay ang halungkat ko, pero
wala talaga. Panay uniform ko yung nandito, mga accessories, denim shorts na madalas kong suot.. pero wala talaga.
Buti na lang may undies…

Saan kaya nilagay yun? Eto naman ang ayaw ko kapag hindi ako ang nag-pack ng gamit ko. Hahanapin ko pa. Teka
nga Iyah? Bakit kasi hindi mo buksan yung ilaw para mapadali eh no?

Tumayo ako at sa kaengotan ko, ngayon ko lang binuksan yung ilaw. Wala… ano ba yan wala talaga!!!

Nagulat na lang ako nung…

“What are you doing here?!”

Napaatras naman ako. Kakagulat naman itong tao na ‘to. Hawak-hawak ko pa rin yung lotion ko nun, tapos
tumingin ako sa kanya.

“AAAHHHHHHHHHHH!!!!” yun yung naging reaksiyon ko.

Bigla siyang tumakbo mula sa kama papunta sa akin. Tinakpan niya yung bibig ko.

“Ano ba?!? Huwag ka ngang sumigaw! Baka isipin nila kung anong ginagawa ko sa ‘yo!”

Napatigil naman ako. Hindi ako sumigaw dahil nagulat ako sa kanya… sumigaw ako dahil… wala siyang shirt.

Tumalikod ako. Matapos ko siyang itulak. Isa pa sa dahilan ng pagsigaw ko, nakakahiya pa rin kahit sabihin mong
bro ko na siya. Naka-towel lang ako.

“Ok, nakatalikod ako. Nakatalikod ka na rin. Care to explain bakit nandito ka?”

Nanginginig pa ako nun pero hindi na masyado. Buti na lang nasabi ko pa na..

“H-hindi ko alam kung saan yung kwarto ko, so pinili ko itong nasa dulo. Malay ko ba na may tao pala, ang dilim
kasi. Wala namang nagsabi kung saan kwarto ko.” huminga ako ng malalim. “You’re not wearing a shirt when
you’re sleeping?”

“When I’m alone and I’m in my room.. yeah.” tapos mukhang iritado na naman boses niya, “Marunong ka naman
siguro kumatok di ba? SIguro naman may sense ka na kakatok ka muna bago ka pumasok.”

“Kung hindi ka lang din naman po tulog mantika eh narinig mo na ako na kanina pa naghahalungkat dito…”

“Eh kung hindi ka lang din naman bulag at hindi mo nakita na nakalagay yung earphones ko… nakikinig ako ng
music bago matulog. So knock it off! Get your stuff, and get out!”

“Yeah I will! Hindi mo naman kailangang sumigaw ‘di ba? Kung alam ko ba papasok ako dito? Fine.. liligpit ko
lang po ito. Hinahanap ko lang yung pajamas ko, pero wala. Hindi ko nga alam nasaan yung gamit ko eh.”

Tumayo na ako para iligpit yung hinalungkat ko. Kaya lang, ang hirap kasi iniiwasan ko siya dahil nakatalikod pa
rin kami parehas.
“Just leave those stuff! Bukas mo na ayusin. Now get out.”

Ayoko na rin namang makipagtalo sa kanya, kaya lumabas na ako. Nasa harap pa lang ako ng pintuan niya, dinilaan
ko nga yung pinto. Asar na tao na yun. Sinigaw ko doon sa pinto niya: ‘Dito ako sa kabilang kwarto, siguro naman
pwede na!’

Pumasok ako doon sa kabilang kwarto. Sinigurado ko na wala, kaya kumatok muna ako. Nung walang sumagot,
pumasok na ako.

Siguro nga ganito ako matutulog. Asar na asar na talaga ako. Umupo ako doon sa kama. Hindi kaya ako lamigin?

Well.. no choice naman ‘di ba.

Inaayos ko pa lang yung unan ko, may kumatok sa pinto.

“Ano?!?”

“Sabi mo wala kang gamit ‘di ba? Gamitin mo muna ‘to..” tapos binato niya sa akin yung white shirt, at kung anong
short na cotton. “Those are mine.”

Tinignan ko naman. Ako isusuot ko ‘to? NO. Bukod sa malaki na nga yung shirt, malaki pa rin yung short.

Nakita niya yata yung expression ng mukha ko.

“Kung ayaw mo, ikaw bahala. Basta ako, binibigay ko lang yung pwede mong isuot.”

“Ok, fine, thanks po. Goodnight!”

Papalabas na siya nun at sinara niya yung pinto. Ako naman eh walang magawa kundi magpalit at sinuot ko yung
binigay niyang damit niya.

Bakit ba kailangang malaki yung damit ng guys? Grabe naman ito, mas mahaba pa yata ito sa gown ko kanina eh!!!

Tumayo ako doon sa kama at humarap doon sa salamin. Hindi pa ako nagsuot ng ganito.

May kumatok na naman. Sinabi kong pumasok. Binuksan niya yung pinto. Nakatayo siya doon, at nakangiti sa akin.

“May problema ka?!”

“Wala.” patawa-tawa pa rin siya. “Ok naman pala eh… kasya sa ‘yo.”

“Hinintay mo talagang magbihis ako para mang-asar ka noh? Well, hindi po siya kasya. Malaki po.”

“I think it looks cute. And by the way…”


“Sweetdreams.”

***10***

Abnormal talaga yun. Hindi mo maintindihan. Kung hindi ko lang alam, sinabihan niya ako ng sweetdreams dahil
nang-aasar siya at ganito yung suot ko. I totally hate this outfit! Hay Iyah? Matutulog ka na lang din magandang
outfit pa hanap mo?
Ok, I don’t hate it. I just don’t like it. It’s so lose.. and big… and so… ‘guy-like’. Sana lang talaga sumulpot yung
pajamas ko eh noh?! Ayoko naman yung denim shorts ko, hindi comfortable matulog pag yun ang suot. Bukod sa
tight na nga, medyo matigas pa yung pockets and stuff.

So far… nagtalukbong ako ng kumot. I managed to sleep wearing Jon Erin’s shirt and short. How weird could you
get? Hindi pa ako nagsusuot ng damit ng lalaki.

Pagkagising ko nung umaga, nagising ako dahil feel ko lang, lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa toilet. Hindi
naman masama yung buhok ko so sinuklay ko na lang ng kamay ko. Kinuha ko yung toothbrush ko at ano bang
ginagawa gamit yun? Basta yun na yun…

7 hours lang akong natulog. Ewan ko ba, naninibago lang siguro ako. Ang lakas nung A/C nila so nilamig talaga
ako. Kaya pala doble-doble yung blankie’s bawat kwarto.

Papababa na ako nung napansin kong napakataas pala nung hagdan nila. Ang linis-linis. Grabe naman dito, parang
galit sila sa alikabok.

Naghihikab-hikab pa ako nun. Nandun pa lang ako sa pinakadulong step eh may tumawa ba naman sa akin. Sino pa
nga ba?

“What?!? Ang aga-aga ganyan ka makatawa! May nakakatawa ba?”

Hawak niya yung tinidor niya at tumuloy na sa pagkain. May juice pa doon.

“Nothing. Masama na bang tumawa?” tuloy pa rin siya, “Sumasakit na tagiliran ko!”

“Oo. Masama. Kagabi mo pa ako tinatawanan eh! Hindi mo ba alam na sabi ni Squidward sa Spongebob
Squarepants eh may laugh-related illness sa sobrang pagtawa. Sasakit na lang daw yung sides mo, then you’ll break
your laugh-box! Hindi ka na makakatawa uli…” as if it’ll make any difference kung mabasag man ang laugh-box
niya.

Naging seryoso naman yung mukha niya. Tapos kumain na ng diretso.

“Do you think I would give a crap on that kind of thing? Laugh-box?!” masyado naman ito!

“Spongebob nga eh no. Masyado ka namang seryoso.”

“Spongebob Squarepants? Pinapanood mo yun?”

“Yeah!”

“It’s a total waste of time.” tumayo siya para iligpit niya yung pinagkainan niya.

“Hey, spongebob is cool! He’s cute.” napaisip naman ako at tumingin ako sa kisame, “Sa katunayan, I like Patrick
better. Siya nga favorite character ko eh. He’s funny, ‘coz he’s dumb.”

“Do I look like I care who’s your favorite character? Spongebob is gay.” how can he tell that?

“Paano mo naman nalaman?”

“It’s my opinion.” inayos niya yung upuan niya, “At pwede lang, bilis-bilisan mo yung kilos mo at aalis tayo.
Huwag ka nang magkwento ng kung anu-ano dahil hindi ako interesado. I don’t watch cartoons, so stop telling me
about Squiggly.”

“Actually, it’s Squidward.”

Nairita na naman sa akin.


“It’s the same thing! I’m talking about the same gay cartoon character. I don’t even know who he is.. so shut
up.” papaakyat na siya sa hagdan nun.

Napakasungit nito. Kung ako siguro eh isa sa mga taong maikli ang pasensya sa buhay, baka nasuntok ko na siya.

Sa katunayan, madaling mairita si Squidward. Parang hindi marunong magsaya sa buhay niya. He resembles
someone…

Jon.

Kaya lang, may nag-sink sa utak ko na sinabi niya.

“Teka, sinabi mo bang aalis tayo?”

“Oo. So bilisan mong kumain. Ayokong maghintay. Yung bacon nasa microwave. Kung gusto mo ng fried rice, nasa
pan.”

“I am not going anywhere wearing this… this rubber mat!”

“O sige, hindi ka aalis. Then, matutulog ako all day. You’re not changing those clothes for two weeks.. it’s not my
problem.” tinuluyan na niya yung pag-akyat niya.

Napatakbo naman ako ng de-oras at tumingin doon sa hagdan nila. Ang bilis niya, nandun na siya sa taas.

“Hey! Sinasabi mo ba na kukuha tayo ng damit sa bahay namin?” hindi na niya ako sinagot.

Binilisan ko naman yung pagkain ko. Kahapon lang, marami-raming tao dito sa bahay nila. Ngayon naman, walang
kalaman-laman. Pupunta kami sa bahay para kumuha ng damit.. ang galing!

Hindi na muna ako maliligo. Mamaya na lang siguro kapag nakabalik na kami. Tinali ko lang yung buhok ko, at ok
na. Mukha tuloy akong lalaki nito eh.

Nanood ako ng TV. Saglit lang din, bumaba na siya. Bihis na bihis. Ok nga din ‘to pumorma, kaya lang ayokong
purihin. Delikado.

“Tara na..” pinatay ko na yung TV. “Bakit hindi ka mapakali?”

“Sa totoo lang, napagisip-isip ko. Wala si Kuya Driver na nag-drive sa atin kagabi. So ibig mong sabihin, sasakay
tayo ng jeep. Men! You’re teasing right?! Look at me!” winave ko pa yung kamay ko from up to down.

“What’s the problem with that?” lumakad siya sa pinto. Sumunod naman ako.

“Look. Nakakahiya. Ikaw nga halimbawa napunta ka sa bahay namin at wala kang damit. Pinahiram kita ng damit
ko, tapos sasabihin ko sa ‘yo na sasakay tayo ng jeep para kumuha ka ng damit na ganun yung suot mo. Papayag ka
ba?”

“You know what, that’s a stupid question. Of course not.” binuksan niya yung pinto. May hawak siya na cap. “Ok
nga itsura mo eh. Kulang na lang ito..” sinuot niya yung cap sa akin pero pabaliktad. “Ayos na.”

“Ayoko. Sasakay ako ng ganito? Na-uh.. never.”

“You better get a move on.. hindi mahaba ang araw.” tinulak niya akong lumabas. Ayoko talaga. Nag-peek ako doon
sa pintuan. In case may tao.

“Wala na bang tao?”

“Labas na! I’m driving ok?!? Does that make things better?”

Napahinto naman ako. Teka..


“Nagda-drive ka? Ilang taon ka na ba? Hindi ka pa legal mag-drive ah!”

Hinila na niya ako at pinasakay ako doon sa kotse. Ang kulit nito. Saglit lang, binagsak na niya yung pintuan nung
sumakay siya.

“Oo nagda-drive ako. Kaka-16 ko lang, at Oo, hindi pa ako legal mag-drive. So please, sumandal ka na lang at
tumahimik ka.”

“Pero– teka– Paano kung mahuli tayo? Mabangga!”

“Iniisip mo kasi negatives. Para naman alam mo, never pa akong nabangga.”

Sinimulan na niya paandarin yung kotse. Kinabahan ako nun. Sumandal ako doon sa upuan.

“Seatbelt mo..”

“Ayokong mag seat-belt. It’s irritating!”

“Wear your freakin’ seatbelt!”

“Sabi mo naman hindi tayo mababangga ‘di ba? So, hindi kailangan ng seatbelt.”

“Bakit ba ang tigas ng ulo mo? I don’t care if it’s irritating, just buckle it up!!!” sumigaw siya niyan. Akala mo nasa
magkabilang side kami ng football field.

“Yun naman pala eh, wala kang pakialam. So, mag-drive ka na lang.”

“Why do you have to be so difficult?” sumunod na lang na alam ko, binrake niya ng malakas. Napahawak ako doon
sa harapan.

Tumingin siya sa akin at talagang galit na siya.

“Sabi ko, wala akong pakialam kung irritating yung seatbelt. Isuot mo na.. para tapos na!” binangga niya ng kamay
niya ng malakas yung steering wheel.

Hindi ko naman siya iniinis, pero ayoko talaga mag-seat belt. For some reason, takot ako. Nung nasa America kasi
kami, lagi akong nasusugat kapag suot ko yan. Sa neck part. Dati naman, naglocked-up at hindi na ako makalabas ng
kotse. At nung nasa parking lot kami, sumobrang higpit eh hindi ako makahinga.

“Ayoko.”

Naubos na yata yung pasensya sa akin kaya nag-lean sa side ko at hinila yung seat belt. Iniingatan pa rin niya yung
kamay niya pero mukhang ok naman na yung itsura. Dahil nga ayoko, nakipag-contest ako sa kanya para hindi niya
ilagay. Tuwing ikakabit niya, hihilahin ko yung kamay niya. Hindi ko na nga alam which is which. Ang gulo talaga.
At yun nga, accidentally na natamaan ng injured arm niya yung ulo ko.

Parehas kaming napahinto. Hindi dahil sa nagkatamaan kami. Kundi dahil, may napansin kami parehas.

Hawak-hawak niya ng mahigpit yung kanang kamay ko gamit yung kaliwang kamay niya dahil pinipigilan niya ako.
Parehas kaming bumitaw, at sabay sumandal. Ilang minuto yung nakalipas…  wala pa ring nagsasalita sa amin.

Finally…

“Wear your seat belt. Please. Hindi ako mapalagay until alam kong mas safe ka kahit papaano.” sabi niya tapos
hinawak niya parehas yung kamay niya sa manibela, nakatingin siya ng diretso, hindi sa akin, “I’m just worried.
Hindi ka pa tuluyang magaling. There are alot of idiot drivers in this world, and what if we encountered one and you
accidentally banged your head?” tumingin siya sa akin, “Kapag sinuot mo yan, saka ko lang papaandarin yung
kotse. Hindi tayo aalis dito.” lumabas siya ng kotse at tumayo. “Tawagin mo ko kapag naka-seat belt ka na.”
Mukhang wala talaga siyang balak. So ako naman, dahan-dahan kong hinila yung seat belt sa gilid. Takot nga ako
dito.. pero hello Iyah? Seat belt lang???

Nakatalikod siya sa akin… binuksan ko yung bintana nung naka seat belt na ako.

“Hey… ok na.”

Humarap siya at sumakay uli ng kotse. Tumingin siya uli sa akin.

“That’s much better. Ngayon, pagkatapos nating kumuha ng damit at makapag-palit ka na, sabihin mo lang kung
saan mo gusto pumunta. Treat ko.”

Really?!? Kakaiba ha…

Treat pala eh.. then go fire it!

***11***

That is definitely not an offer you would expect from Jon. Bigla yatang bumait at ite-treat daw niya ako? Something
fishy huh?!?

Yun nga, nag-drive kami papunta ng bahay. Malayu-layo din yung pagitan nung bahay namin sa kanila, so 30
minutes din yata yun. Kinakabahan nga ako eh, nagda-drive siya pero hindi naman siya legal. Hindi ba siya
natatakot nun? Well, si Jon siya. Yung salitang ‘takot’ siguro eh wala sa dictionary niya. In case man na nandun,
nasa pinakadulo.

Saglit lang din eh nag-ring yung phone ko. Dala-dala ko yun kagabi pa. Dahil wala man lang akong purse or
something, nahanap ko rin naman kaagad. Nasa bulsa nung short nitong si Squidward.

Pagtingin ko, number ni Mommy.

“Hello, Mom.” sabi ko nung nasagot ko na.

Tumingin naman si Jon sa akin. Hininaan niya yung pinapakinggan niya sa radyo.

“Kumusta na kayo ni Erin? Ok lang ba kayo?”

Nilipat ko sa kabilang kamay ko yung phone.

“Not really. Bakit wala akong damit doon sa bag ko? Wala tuloy akong maisuot. Nandun nga yung mga accessories
and lotions and creams and all those stuff… pero damit ko wala!” grabe, asar talaga.

“Sorry Kristen. Dami ko lang iniisip nung araw na yun. Alam mo na, wedding. Saka pinsan mo nag-pack niyan.
Sinabihan ko kasi siya na huwag kalilimutan yung mga classy stuff mo. Kaya lang sa sobrang pagpa-pack na niyan,
yung damit naman kinalimutan..”

“Nah, it’s alright. Sa katunayan on the way na kami sa bahay para kumuha ng damit…” tinakpan ko yung bibig ko.
Hindi ba dapat sabihin yun?

Hindi ko masyadong napansin, pero pinasa ni Mommy yung phone kay Richard.
“Hello–” sasabihin ko na sana yung name niya, kaya lang natigilan ako.

“Don’t say my name. Kunwari Mom mo pa rin kausap mo. Ayokong malaman ni Jon na kausap kita..” sabi niya sa
akin.

“Hello, MOM.” inemphasize ko naman at tumingin ako kay Jon.

Medyo nakataas yung isang kilay niya sa akin, tapos sinabi niya sa akin: ‘nag-hello ka na kanina, kailangan ba
talagang ulitin?’

“I miss her, kaya hello ako ng hello. Galingan mo ba lang diyan.” tinalikuran ko naman siya. “Where were we? Ano
yung sinabi mo? MOM?!?”

“Iyah, is he driving again?”

“Ahh…hmmm.. opo eh.”

Narinig kong parang may kinausap si Richard, tiyak si Mommy yun.

“Yan na nga ba sinasabi ko, ang tigas talaga ng ulo ng batang yan. Ilang beses ko nang sinabihan na huwag siyang
magda-drive dahil wala naman siyang lisensya, mapilit eh. Ok naman ba kayo?”

“Well, nagsu-survive pa naman ako.”

“Pagpasensyahan mo na yang anak ko na yan. Kahit anong gawin ko, hindi magbago eh. Isa na rin siguro yun kung
bakit kami tumawag…”

Whoa Iyah, I think it sound serious…

“Ano po yun?”

“Mawawala kami ng two weeks. I want you to look afetr him.” kasasabi pa lang niya nun, iba epekto sa eardrums
ko.

“ARE YOU KIDDING ME?!!!”

Napa-brake ng malakas si Jon. Tumingin ng masama sa akin.

“Bakit ba kailangan mong sumigaw?!”

Hindi ko sinagot yung tanong niya. Pinakinggan ko lang si Richard.

“I can’t, MOM. It’s just that.. I… I .. I don’t wanna’ do it.”

“Sister ka na niya. Gusto ko lang kahit papaano i-try mong i-persuade siya na huwag sumali sa gulo. Baka makinig
siya sa ‘yo..” sus sa akin makikinig? “Isa pa, hindi lang itong two weeks na ito, family na tayo. It’s our duty to look
after each other now..”

Yeah.. right.

“Ang hirap naman yata nun..”

“Promise me Iyah..”

“I won’t make a promise. I don’t know if I can keep it. I’ll try to do it, but it’s not a promise ok?!?”

“Sure.”

Dahil kakaiba yung pinag-uusapan namin, nagduda naman si Jon sa amin.

“Are you talking to my Dad?” nag-panic naman ako.


“Of course not. I’m talking to my… MOM.”

“Liar. Give me that phone.” tapos nun, nakipag-agawan siya sa phone ko. At ayun nga, siya yung nanalo.

Kinukuha ko uli, pero nilagay niya sa kaliwang tenga niya at hindi ko maabot.

“Akin na nga! I said, I’m talking to my MOM!” naku naman, huwag nga daw ipaalam na nag-usap kami ‘di ba?
Patay na ko nito.

“Hello Da–!, Tita Carmella. I thought..” from the way it sounds, it seems like I’m in no trouble at all. “Ok, sige po.
Bye.”

Pinindot niya yung button nung natapos na silang mag-usap. Tinoss niya sa lap ko yung phone.

“Nice play Rich kid. Kapag nalaman ko lang na kayo ng Dad ko eh nag-uusap tungkol sa akin, I’ll make sure you’re
going down!” mukhang galit to ah.

“May evidence ka ba na kausap ko siya? I told you Mom ko kausap ko. At sa totoo lang, mas may sense naman
kami ng Dad mo na mag-usap ng mas interesting na topic kaysa naman ikaw. Feeling ka.”

“Yeah, she told me my Dad is asleep.” tumingin siya uli ng diretso. “Bumaba ka na at kunin mo na yung mga gamit
mo. Bilisan mo at hindi na ako bababa. Hihintayin kita dito.”

Hindi pa ako makakilos nun. Nakatingin lang ako sa kanya.

“Anong tinitingin-tingin mo? Baba na!”

Napakilos ako ng de-oras. Nataranta nga ako eh. Hindi ako makababa, ewan ko kung bakit. Saglit lang, hinila niya
uli ako.

“Ano ba! Bababa na nga yung tao ‘di ba? Bakit hinihila mo ko pabalik?”

Nakita kong pinress niya yung nasa gilid ng upuan.

“Nakaseat belt ka pa. Would you mind to buckle it off before you go down?”

Kakahiya naman. Kaya pala hindi ako makaalis kasi naka-seat belt pa ko.

“Whatever!” tinaasan ko siya ng kilay. Sabi ko lang yun kasi, pahiya naman talaga ako.

Dahil may susi naman ako ng bahay namin, kaya kabubukas ko pa lang ng bahay eh dire-diretso akong umakyat sa
taas at pumunta sa kwarto ko. Pinagkukukuha ko yung mga PJ’s ko sa closet, marami-raming damit, at books na rin
na gusto kong basahin.

Nagbihis naman ako ng mas-decent na damit. Yung damit ni Jon, nilagay ko na lang sa isang bag at saka ko na lang
ipapa-wash.

Nakatatlong bag ako overall. Pinagpag ko pa yung kamay ko.

Dinala ko naman yung tatlong yun. Ang hirap nga eh, kasi ang bigat. Pero na-manage ko namang bumaba. Nung
nasa pintuan na ako, huminto ako.

“Hey! Pwedeng patulong magbuhat?”

“Kaya mo na yan! Bukas na yung trunk.” tapos tumingin siya sa ibang direksiyon.

Bwisit na yun! Wala yatang dugong pagka-gentleman eh.

Inisa-isa ko na lang yung bag ko para mapadali ako. Kapag tatlo kasi ang hirap. Kaya ayun, hiningal ako nung
natapos ko na. Sumakay ako uli doon sa kotse. Ini-start niya yung engine.
“Bakit ba ang dami mong kinuhang damit? Feeling mo naman babiyahe ka pa-New York.”

“You can never… EVER.. have enough clothes.”

“I should have known.. LADIES.”

“Oh yeah, partner of ladies? Gentlemen. I don’t see someone around here..” nag sight-seeing naman ako gamit
kamay ko.

“Knock it off.”

Nag-drive lang siya ng nag-drive. Tinanong niya ako kung saan ko daw gusto pumunta, pero dahil hindi ako kumain
ng maayos, sinabihan ko siya na kumain. Pizza Hut ang trip ko, so dun nga kami napadpad. Nasa harap kami ng
mall, dahil doon lang meron. Bumaba rin siya.

Nilabas niya yung wallet niya sa back pocket ng pants niya, at nagbilang ng pera.

“500 pesos, you think that’s enough?” what the hell did he mean by that?

“I thought..”

Nag-tap siya sa balikat ko.

“Sabi ko, treat ko. Hindi ko sinabing sasama ako sa ‘yo. It’s exactly 11:15 am, I’ll pick you up after two hours, dito,
1:15 sharp.. kailangan nandito ka. Alis na ko.”

Sumakay siya doon sa kotse. Talaga ngang iiwan niya ko dito noh! Ang sama ng ugali. Akala ko pa naman kanina
bumait na.

“Ok, I’m going to enjoy myself! I will enjoy..” binaba niya ng konti yung bintana, nag-wave, tapos pinatakbo na ng
mabilis yung kotse, “Without you.. at all.”

Pumasok na ako sa mall. Kainis talaga yun. Akala ko pa naman sasamahan niya ako, hindi rin pala. Hindi bale,
mahirap lang din siguro kung magkasama kami. Baka mag-away lang kami.. hindi ko pa ma-enjoy.

Sa positive side… may 500 pesos ako! Asus! Mayaman ang loko.

Nalimutan kong isoli yung cap ni Jon na sinuot niya kanina nung mukha pang ewan yung damit ko. Tumapat ako
doon sa salamin, tapos napansin ko, cute din naman pala.

Napagisip-isip ko naman na mag-ikot muna ako. Syempre, shopping to the maxx siguro ang gagawin ko! Gusto ko
sanang tawagan sina Sheena para i-enjoy ko, kaya lang,.. low batt na yung phone ko. Ang saya!

Nakakita ako ng malaking stuff toy na Patrick, naalala ko yung usapan namin ni Jon kaninang umaga. For some
reason, gusto kong bilihin. Tuwing lalagpas ako, gusto kong bumalik. Finally, nagtanong na ako.

“Miss, gusto ko lang magtanong… magkano yung malaking stuff toy na Patrick?” lumingon yung babae sa likuran
matapos kong ituro.

“Ahh yun ba? 400 po. Gusto niyo po ba yun?”

“Nah, nag-iinquire lang. Hindi ko na muna bibilihin sa ngayon. Sa susunod na lang siguro. Thank you very much.”

“You’re welcome.”

Honestly, gusto ko sanang bilihin yung Patrick na yun. Kaya lang 400 naman. Kaya ko namang bilihin, galing sa
pera ni Jon, pero isang bilihan lang ang mangyayari. Ayoko naman. Isa pa, gutom na ko.

Hindi pa ako nakakalayo, narinig kong may nagsalita sa likuran ko.


“I see.. so you like that huh?” lumingon ako kung sino.

“Dylan?” nabanggit ko na lang, “Sus, hindi no. Tinanong ko lang, for my cousin. Magbi-birthday na kasi
siya.” galing mag-imbento ng story ha. “Bakit nandito ka?”

“Actually, naghahanap ako ng regalo para sa tito at tita ko kasi anniversary nila…” ngumiti siya sa akin, “Bumenta
ba?”

“Not really, but nice reason.”

“Sinong kasama mo? Sina Sheena at Vina?” tumingin-tingin siya baka lumabas na lang sina Vina.

“Wala di ko kasama. Mag-isa lang ako. Papunta nga ako ng Pizza Hut eh, sama ka?”

“Sure.”

Bumaba kami ng escalator at dumeretso sa Pizza Hut. At least ngayon may kasama na ako.

Nag-order lang kami doon, at kumain. Nagkwentuhan din malamang! He’s a nice guy.

“Musta na banda?”

“Ayun, buhay pa naman. May kino-compose kaming kanta eh. Sabi kasi sa laban, kailangan daw ng isang compose
song, isang duet, saka dalawang solo. So, nilalagyan pa namin ng mga kung anu-ano.”

“Cool.”

Mabilis naman kaming kumain, hindi naman malaking pizza yung kinuha namin. Nagpunta kami doon sa stall ng
RRJ sa Penshoppe, at dun, nakabili ako ng cap at shirt. Siya naman, bumili ng necklace doon sa isang stand.

Nag-ikot kami doon sa arcade section, pero hindi naman kami naglaro. Nakitingin-tingin lang din kami. Nung
napagod kami, umupo kami sa bench at kumain ng ice cream.

Kwento na naman…

“Iyah?”

“Yeah?”

“Pwede magtanong?”

“Sure…”

“Remember nung second year tayo.. nag–” may dumaan naman na lalaki at napatingin ako doon sa relo niya. Oh My
God.

Humarap ako kay Dylan.

“What time is it right now?”

“It’s, 1:15.”

“I hafta go.” tumayo na ako at sumundo naman si Dylan sa akin.

Tumakbo na ako nun. Mala-Amazign Race yung ginawa ko. Sumunod si Dylan sa akin. Pagkalabas na pagkalabas
ko ng mall, nandun na si Jon. I’m dead.

“Your late.”

“Hindi naman masyado ah!” tapos tinignan ko yung relo niya, “1:18 pa lang. 3 minutes!”
“Time is everything.”

“Wait, Jon? Are you two–”

“Oh NO. Huwag mo nang tapusin. Ano.. nakiusap lang Mom ko na sunduin niya ko, malapit kasi bahay nila sa
amin.. so.. yun nga yun.. bye!”

Sumakay na ako doon sa kotse. Nakatingin si Jon kay Dylan.

“Sino ka naman?!?”

“Dylan pare.”

Hindi nakipag-kamay si Jon. Sinabi lang niya yung pangalan niya.

“Alis na kami. Sige.”

Pinaandar niya ng mabilis yung kotse. Galit yata sa daan eh. Nagalit naman ako, masyado naman.

“Bakit mo siya kasama?”

“Nakita ko lang siya sa mall. Pwede bagalan mo lang?”

“So.. kelan mo siya balak sagutin?”

“Teka lang.. WHAT?”

“It’s obvious isn’t it. He likes you. Bakit ba mabagal yung mga babae?”

“Hindi no. Hindi ko siya sasagutin, hindi naman siya nanliligaw eh. Well, he asked me before, pero matagal na
yun.”

“Anong sinabi mo?!?”

“Second year pa ako nun, so wala pa akong paki. Kaya sinabi ko..” tapos may na-realize ako, “wait just a freakin’
second..”

“Ano bang pakialam mo kung anong sinagot ko?”

***12***

“Bakit ba kailangang may tanong ka lagi sa tuwing magtatanong ako? Paano kung ikaw naman ang magtanong sa
akin at tatanungin naman kita sa tuwing magtatanong ka?”

I AM LOST.

“So you’re saying, may tanong ako sa tuwing magtatanong ka?”

“Exactly.” bakit hindi na lang yun ang sinabi niya pinahaba pa niya? nalito lang ako!

Hinawakan ko yung ulo ko.


“I totally made that up! I don’t even understand what your saying!” sumandal na talaga ako. “Pwede mag-drive ka
na lang, huwag ka nang magsalita. Sumasakit ulo ko sa ‘yo eh. Diyan ka naman magaling.”

Hindi na kami nagpansinan na dalawa hanggang sa nakarating kami sa bahay. At dahil hindi nga kami nag-uusap,
hindi rin niya ako tinulungan sa mga bag ko. Ang saya naman niya sobra!!!

Umakyat lang ako sa taas, at syempre, nagbihis nga. Ang aga pa naman, kaya nanood na  lang ako ng TV doon sa
kwarto sa taas. Hindi talaga ako lumabas ng kwarto. At yun nga, nagdire-diretso.

Alam ko na lang, Monday na…

***

Now, where’s my stuff! There.. I got it! I’m ready!! Oh yeah!

Alam kong maaga pa. Sinadya ko talaga paano ba naman eh ayokong makasabay kumain si Jon. Aba kanya-kanya
kami ha!

Ok na ok na uniform ko. Buti na lang talaga na-press ‘to bago umalis sina Mommy.

And dilim pa sa baba nun. Pero papa-sikat na rin yung araw. Sumilip muna ako. The coast is clear.

Nag-sneak ako baka kasi mag-creak yung stairs nila or something. So, tiptoe talaga ginawa ko. Ang hirap nga eh.
Malapit na.. konting tiis.

“What are you doing?” muntik na akong masubsob nun.

Inayos ko lang yung sarili ko at tumingin sa kanya. Kung mag susulpot na lang din sa likuran ko, siya pa.

“Sabi ko, anong ginagawa mo? Trying to sneak?” bumaba na rin siya at nilagpasan ako.

“Of course not. Akala ko tulog ka pa. Ayoko lang magising ka.. ganun..”

“6:15 in the morning? Oh please!”

Ok fine, you got me. Pero hindi ko aamini ha!

“Err..napansin ko lang walang tao. Don’t you have a maid? Housekeeper?”

“No.” naglabas siya ng kung anu-ano doon sa fridge. “Si Daddy lang naman nag-stay dito. Hindi naman ako
madalas dito. Once or twice lang ako nadadalaw. Mas saulo pa yata ng mga pinsan ko yung bahay na ito kaysa sa
akin…” nilabas niya yung gatas, “Anong kakainin mo rich kid?”

“Huwag mo nga akong tawaging rich kid… scrambled eggs will be fine..”

Umupo siya sa harapan ko.

“Fine. Then do it.”

Huh?!? The nerve of him? Akala ko pa naman ipagluluto niya ako? Tatanung-tanong hindi naman pala
magmamagandang loob. Oh well Iyah, maraming namamatay sa malaking akala. I guessed isa na ito sa mga yun.
Maling akala ko eh magluluto siya, which leads to mamamatay ako sa gutom.

Tumayo na ako sa harap nung electric stove nila. Naglabas ako ng pan, cooking oil, tinidor at ang pinakamamahal
ko ng sandok. For 10 minutes, nakatayo lang ako doon.

Now, how do you do this thing? Crap! I don’t even know how to cook eggs?

“Is this some kind of a joke? Scrambled eggs lang hindi ka marunong?”
Tumingin ako sa kanya. Actually may point siya. Hindi naman ako masama no, nakakapagluto ako nung mga
Banquet recipe na nilalagay sa microwave o sa oven ng ilang minutes tapos hahayaan mo na yun. Pero ganito? Na-
uh. Nalimutan yata ni Mommy na turuan ako sa bagay na yun.

“Ang yabang mo. Ok, hindi kasi ako nagluluto sa bahay namin. Si Mommy gumagawa nun, or tita ko.” tumingin na
naman ako sa kiame, “Actually instant foods marunong ako, so.. I’m not that bad.”

“You’re pathetic.”

“Don’t make me feel worse, just tell me how.”

“Just beat the egg, and put it on the pan. Simple as that.”

Ooh.. napangiti naman ako sa kanya. Sus! Ang dali-dali lang! Ang yabang talaga. Eh kahit nakapikit ako magagawa
ko ito no.

“Feeling mo naman professional cook ka na! Bakit marunong ka bang magluto?” nilagay ko na yung eggs sa pan.

“Lalaki nga siguro ako, pero kaya kong mag-survive sa sarili ko. And yeah, marunong akong magluto..”

“Sige nga, anong niluluto mo?”

“I can cook…” binaba niya yung baso niya, “Bakit ko naman kailangang sabihin sa iyo?”

“Then don’t tell me!”

“You asked me first!”

Tumayo kaming dalawa doon. Akala mo kung sino. I can’t believe my mother said, I need a quality time with my
brother. This is definitely NOT what you call a quality time.

Ang tagal naming nagpapalitan ng tingin doon. Wala man lang gustong kumilos sa amin. Maya-maya lang..

“Ano yung amoy na yun?”

“Bakit mo ko tinatanong?”

Tumingin siya sa likuran ko. Tapos napatakbo na lang siya. Lumingon ako kung bakit. Yung itlog pala na niluluto
ko, sunog na! Umapoy na yung gilid nung pan.

Inagaw naman niya yung pot holder sa akin. Nahirapan pa siya nung simula, tapos nilagay niya sa lababo. Binuksan
niya yung gripo. Then boooommmm…

Smoke.

*Cough* yun lang ginawa ko.

“Now look what have you done!” ayan, parang tigre na naman siya.

“I’m sorry ok. Malay ko ba.”

“Gusto mo yata sunugin yung bahay eh!” tinanggal niya yung pot holder at binato sa sahig. “Bakit ba wala kang
magawang tama?”

Naluluha na naman ako nun. Grabe naman siya, wala na ba akong magawang tama?

“I said sorry!” pinunasan ko yung gilid ng mata ko.

“Are you crying?”

“No. I’m laughing!”


Kinuha ko yung bag ko sa upuan nila at pumunta na ako sa pintuan. Hindi na siguro ako kakain. Nawalan na ako ng
gana. Ang sama na rin ng pakiramdam ko.

“San ka pupunta?” nakita niya ako sa pinto.

“Aalis na ko.”

“Hindi ka aalis ng hindi ako kasabay!”

“At bakit naman? Kung hindi mo lang alam, kaya kong pumasok sa school. Saulo ko nga kung paano eh. At least
yun alam kong gawin ng tama.”

Binuksan ko na talaga at lumabas na ako. Siya naman eh tumakbo at nakita kong kinuha lang niya yung bag niya.
Tumakbo naman ako.

Malayu-layo na ako nung nakita ko siyang natataranta mag-lock ng pinto nila. Sinubukan kong bilisan yung takbo
ko, pero nahabol niya ako.

Iba talaga kapag soccer player ka.

“Sinabi ko hindi ka aalis ng hindi ako kasabay ‘di ba?” hinawakan niya ako sa braso.

“Pwede ba? Bakit naman kailangan tayong magsabay? Dahil we’re sis and bro?” lumakad ako, “You don’t have to
do it.”

Hindi siya nagsalita nun. Ayaw talaga niya akong hiwalayan, kaya magkasabay na magkasabay kaming dumating sa
school. Parehas kaming walang pakialam. Nasa harap pa lang kami ng gate.

“Kaya ko na dito..”

Nagtitinginan naman yung mga tao sa amin. Siguro nagtataka kung bakit magkasama kami.

“Anong tinitingin-tingin mo?” sabi niya dun sa isang lalaki na napaatras naman sa kanya tapos tumakbo.

“Look, I won’t tell anyone you’re my stepbro. Katulad na lang ng dati. Hindi kita kilala, hindi mo rin ako kilala. In
case man na mag-uusap tayo, dapat school related. O kung hindi man, it’s something important.”

Iniwan ko siyang nakatayo doon sa gate. Tumawag naman siya.

“Hey!”

“Hello Jon, ano nga uli yung tanong mo? Homework? Sure, papahiram ko sa ‘yo mamaya..” tinapik ko siya sa
balikat at pinarinig ko doon sa mga dumaraan na tumingin.

Bumulong naman siya sa akin.

“What do you mean homework?”

“Yeah! That’s right Jon. Calculus nga. Logarithmic functions! So, kita na lang tayo sa room.” nag-bye na ako
kunwari.

Alam kong nalilito rin siya sa akin. Ito lang ang alam kong paraan na magwo-work. We’re not siblings at all. Not by
blood, or if you base it on our parents’ marriage. Strangers. Complete Strangers. Yun kami.

Wala naman akong pakialam sa mga sasabihin ng tao sa school kung malaman man nila. Ok lang naman, pero ayoko
nang mag-deal ng pressure. It’ll be the news for a month or two.

Si Iyah Nicole Scott na so-called ‘Face ng campus’ at si Jon Erin Aguillar na ‘bad boy’ effect eh stepsiblings? I
don’t wanna’ messed with that kind of thing.
Nasa locker ko na ako. Hay! Buti ka pa Sean Biggerstaff, nandiyan ka parati nakangiti sa akin.

“Hi Iyah!”

“Elow.” kinuha ko yung mga libro ko at nilagay ko sa bag.

“What’s with the face?”

“Hey you two, I need a favor.”

“Ano?”

“Please, don’t menion to anybody na stepbro ko si Jon.” nagulat naman yung dalawa sa akin.

“Bakit naman?” sinara ni Vina yung locker ko.

“Just, don’t.”

Nag-alarm na rin nun. Naglakad kami ng mabilis papunta sa classroom namin. Bago pa yun, kinumusta lang nila ako
tungkol sa ulo ko.

Mukhang bored naman si Jon sa klase. Pinilit ko ngang iwasan siyang tignan pero ang hirap eh. Napapatingin pa rin
ako sa direksiyon niya.

Mataas naman yung quiz ko sa Physics which is a total relief kasi panay palpak talaga yung gawa ko.  Saglit lang
din, breaktime na.

Nung dumaan ako sa corridor sa baba ng building eh nakit ko si Michaela na may kasamang lalaki. Kumaway lang
siya sa akin, ngumiti naman yung lalaki. Pinahinto naman nila ako.

“Iyah tara dito.” lumapit naman ako.

“Bakit?”

“Papakilala ko lang sa ‘yo si Larry, classmate ko, Larry, si Iyah.”

Nakipagkamay naman ako. Tumayo naman yung Larry.

“Nice to meet you, personally of course.”

Nag-nod lang ako.

“San ka nga pala papunta?”

“Ahh, sa cafeteria. Kakain lang ako.” sabay turo ko naman, “Una na pala ako. Nice to meet you Larry.”

Nag-bye lang sila parehas at pumunta na ako sa cafeteria. Nasa labas pa lang ako at hindi ko pa nabubuksan yung
glass door, eto na naman at may tumatawag sa akin.

Naku ha…

“Iyah! Iyah!”

“Dylan!” this guy seemed to be everywhere these days..

“Kakain ka sa loob?”

“Yeah, obviously.”

“Pwede sumabay?”
Syempre, pumayag naman ako. Wala nman akong magagawa. Sina Sheena at Vina, nasa labas ng school. Anong
ginagawa? I have no freaking clue.

Bubuksan na ni Dylan yung pintuan para sa akin, at may dumating na naman na masamang hangin.

“Padaan nga! Nakaharang kayo!” hinawakan niya yung glass door.

“Pare, may babae. Marunong ka naman sigurong gumalang..”

Tumingin si Jon sa akin. Pataas, pababa. Gusto ko sanang sampalin eh..

“Ito?” tinuro niya ako, tapos umiling. Dumeretso siya sa loob.

Ok na sana, kaya lang hinila siya ni Dylan sa polo niya. Uh-oh. Yan naman ang move na ayaw ni Jon. Hinahawakan
siya sa polo.

“Ang angas mo, dapat siguro turuan ka ng tama eh..”

“Kung ako sa ‘yo, tanggalin mo na yung kamay mo sa polo ko kung ayaw mong masaktan..”

“Sa tingin mo naman natatakot ako sa ‘yo? Siguro nga kilala ka sa school sa pagiging maangas mo, pero
nakakapikon na pare! Ano bang problema mo?”

“Wala akong problema! Ikaw ang malaki ang problema. Bitawan mo yung polo ko at nagsisimula nang maubos
yung pasensya ko.” totoo naman yung sinasabi niya, iba na kasi siya makatingin.

Speechless naman ako. Away na naman?!?

“O sige, bibitawan ko na yung polo mo,” binitawan ni Dylan yung polo ni Jon, pero pagkatapos nun tinulak niya
siya ng malakas. Tinaas na niya yung kamay niya.

It’s time to act.

Nagpunta ako sa gitna nila.

“Stop it! Pwede ba? Dylan, chill. Jon.. just… go ahead.”

Namumula na yung mukha ni Dylan.

“Hindi mo sana kami pinigilan. I can totally beat that guy!”

“Yeah ok your tough!” hinila ko siya sa loob ng cafeteria.

Nahalata naman ni Dylan na napikon ako doon kaya hindi na siya nagsalita. Pinigilan ko sila for two main reasons.
Unang-una, ayoko ng gulo. Pangalawa, ginagawa ko lang yung duty ko sa family ko.

According to Richard.

Kumain lang kami doon. Hindi makatingin ng diretso sa akin si Jon nung nasa loob siya ng cafeteria. May sigawan
sa loob. Nung pinakinggan namin..

‘How’s your arm Jon? Did it hurt so bad?’

Nag-lean si Jon doon sa table nung lalaking kumausap sa kanya. Aba! Si Payatot yun ah! Siya ang dahilan kung
bakit nauntog ako.

“Sa katunayan, hindi pa tayo tapos. Injured nga siguro ako, pero kahit isang kamay lang siguro gagamitin ko, tama
lang para umiyak ka na..”

‘Sabi mo. Uwian.’


I can’t believe him. Bakit ba ang hilig niya sa gulo? Hindi pa ba tama sa kanya yung na-injured siya dun sa unang
away niya? Well, hindi ko alam kung pang-una ba yun, I’m sure it’s the nth time. Pero hindi ba siya napapagod?

I won’t let him.

“Huwag kang lalapit-lapit sa kanya. Delikado yung tao na yun..” sabi ni Dylan sa akin.

Dylan, you might be right. But he’s still my bro.

Nag-klase kami ng second half ng morning classes. Sa school na rin ako kumain dahil tiyak naman eh walang
pagkain sa bahay nila Jon. Hindi ako marunong magluto.

Nung hapon naman na, nagbasa lang kami ng Noli sa Filipino. Hindi naman umattend yung isang teacher namin. Sa
Socstud, pinag-aralan namin yung World Government. Music kami sa MAPEH, kaya hindi ako namroblema sa PE
time. Kahit anong gawin ko, naguguluhan talaga yung isip ko.

Values time na namin nung may iniwan lang na work yung teacher namin at umalis rin siya kaagad. Which means…
maaga yung uwian.

Naunang lumabas ng room si Jon. Ako naman eh hinayaan ko muna siyang makalayu-layo, para hindi niya malaman
na sinudundan ko siya. Gosh Men! Natatakot na ako sa ganitong gawain eh. Pero si Richard na ang nagsabi, pigilan
ko siya sa away nila.

Lumabas na ako ng school namin. Nakita kong dumeretso siya doon sa dulo ng school pakaliwa kung saan niya
pinagsusu-suntok si Taba. Nandun na ako sa gilid, at tumingin. Hindi na nga naka-bandage yung kamay ni Jon, pero
siguro naman hindi pa magaling yun.

“Tapusin na natin ‘to. Kaliwang kamay lang gagamitin ko.”

“Puro hangin pala yang utak mo eh! Ang yabang mong magsalita. Gusto mo dalawahin natin yung injured mo? Para
sa susunod, wala ka nang magamit na kamay.”

Binaba ni Jon yung bag niya. Ano namang gagawin ko? Naman! Hindi siya makikinig sa akin. I hate Richard. Duty?
What duty?

“Jon!”

Sabay silang lumingon sa akin. Halata kong kunsimido naman yung mukha niya.

“Aba.. aba.. si Iyah na naman.” tinuro niya ako sa mga kasama niya.

“Jon, ano ka ba?!? Hindi mo naman kailangang makipag-away sa kanila ‘di ba? Gaganti ka? Hindi ka pa nga
magaling eh!”

Inalis niya yung tingin niya sa akin.

“Ano kayang gagawin namin uli kay Miss Iyah para naman walang magawa si Jon uli?” bumilis na yung tibok ng
puso ko.

Tumawa ng malakas si Jon.

“Bakit ka tumatawa? Sa tingin mo nagbibiro ako na wala kaming gagawin kay Iyah?”

“Good reason, pero hindi yun. Tumatawa ako kasi…” tumingins iya sa akin at tinuro niya ako. “You can have her. I
don’t care anyways..”

WHAT?!? How can he say such a thing?!?

Nagulat si Payatot kay Jon. Tinanggal niya yung polo niya at nilagay niya doon sa bag niya.
“Simulan na natin para matapos na kaagad.. then, you can do whatever you want to her.”

OH MY GOD.

Sumandal ako doon sa gilid ng semento. Hawak ako nung dalawa pang kasama ni Payatot. Kaliwang kamay lang
talaga yung gamit ni Jon, pero isang suntok lang niya, napahawak yung payatot sa mukha niya, at napaupo sa sahig.

Sinipa naman siya ni Jon. Sinubukan sumuntok ni Payatot, kaya lang nag-miss. Then… nagulat na lang ako..
pinang-suntok ni Jon yung kanang kamay niya.

“Ooops, my bad! Akala ko hindi pa magaling. Nakakasuntok na pala?”

Tumingin siya doon sa dalawa sa gilid. Tumakbo naman sila kasama doon sa payatot nilang leader.

Nung tahimik na sa daan, kinuha niya yung bag niya at polo niya. Naglakad siya papalayo at hindi ako kinausap.

I am so MAD!

How can he say that? What if.. those guys did something to me?

“Ang sama mo talaga! Paano mo masasabi yung ganung bagay? Paano kung..”

“Bakit ba kasi nakikialam ka? Simula’t simula pa lang naman nakialam ka na sa akin! At dumating ka pa?”

“I hate you..”

“Thank you very much!”

Dumeretso siya ng lakad niya. Ang bilis-bilis niyang maglakad. Bigla na lang siyang huminto.

“Ok, gusto mo ng explanation bakit ko sinabi yun? Fine.” lumapit siya sa akin, “Sinabi ko wala akong pakialam sa
‘yo. Yeah, big deal. But you know what? Kung sinabi ko sa kanilang huwag kang galawin, or sabihin ko sa kanilang
stepsis kita, they’ll touch you!” lumayo siya sa akin.

“Kaya umarte akong wala akong pakialam sa ‘yo..”

***13***

Iniwan niya talaga akong nakatayo doon at lumakad siya ng mabilis. Kanina naiinis ako, pero ngayon hindi ko
maiwasang hangaan ko siya. Ito lang ang masasabi ko…

He’s a bad boy genius!

Sinabi niya na ‘You can have her’ just so Payatot would think I’m a nobody. He said those words so they wouldn’t
use me against him.

It took me a while to work that thing out. And the bottomline, I told him I hate him.

“Jon!” dire-diretso pa rin siya at para bang walang narinig, “Oy ano ba!”

“Ano na naman?!” finally, humarap siya sa akin.


“Sorry.. ok?” sumabay akong maglakad, “Syempre sa unang tingin, yun talaga iisipin ko. Malay ko ba na may plano
ka pala behind all those..”

“Tingin mo?” naka-fold yung kamay niya sa harapan niya, “I would never do that. Tara na nga..” pagkatapos nun,
umakbay siya sa akin.

Naglakad lang kami pauwi. Unlike yung bahay namin na malayo sa school, yung bahay nila malapit. Hindi man
kami masyadong nag-usap on the way home, hindi rin naman kami nag-away.

How… weird.

***

Bigla-biglaan na lang na may humampas sa balikat ko ng libro. Pagtingin ko kung sino yung nakatayo, si Vina pala.

“Hey, ouch! Why did you do that?” hinimas ko yung balikat ko.

“Iyah, alam mo kung anong iniisip ko?”

“Of course not. Except that your a psycho..” tumingin ako sa kanya, “Ano yun?”

“Sinabihan mo kami na huwag ipagsabi na stepsiblings kayo ni Double B..”

“Yeah, so what?”

“So what.. so what ka dyan! Hindi nga namin sinabi, pero iba naman iniisip ng mga tao dito.” nag-lean siya sa table.

“Like what?”

“Try natin… hmmm sino ba?” nagtingin-tingin siya. “Ana!”

Dalawang Ana yung lumingon. Dalawa kasi sila sa room namin.

“Ana Gariplan.” sinigurado ni Vina.

“Ano yun?”

“Gusto ko lang magtanong, ano ba sa tingin mo si..” humawak siya sa balikat ko, “Iyah.. and Dou– Jon Erin?”

“Hmmm, nitong mga huling araw madalas ko silang nakikitang magkasama. Last week, magkausap sila sa hallway.
Then kahapon, magkasama sila dumating ng school saka umuwi. Kaninang umaga rin.. so.. is he courting you?”

Na-choke naman ako bigla. Nakuha naman na yata ni Ana na ang ibig sabihin nun eh.. No.

“Wow! Thanks Ana! Nice one..” pinabalik na niya si Ana doon sa mga kausap niya. “See? Iniisip nila nanliligaw sa
‘yo si Double B.”

“But he’s not! Stepbro ko siya!”

“Hindi naman nila alam yun. So sis, goodluck na lang.”

“What do you mean by that?” tinaas ko yung kilay ko.

Bigla namang may nagsisisigaw na dumating at umupo sa harapan namin. Sino pa ba? E di si Sheena.

“Sheena! Ano ba yan? Kailangan ba nasa higher-Do yung boses mo?”

“Insiders report.” *ehem* “Iyah Nicole Scott and Jon Erin Aguillar, future couples?”

“Give me that!” inagaw ko naman sa kanya yung binabasa niyang Insiders ‘kuno’. Pagtingin ko, “Coupon bond lang
‘to eh. Insiders ka pang nalalaman!”
“Well, am I good or am I good?”

Sabay kaming tumingin ni Vina sa kanya, tapos sa isa’t isa.

“Pretty–”

“BAD.”

“Ang sama niyo!”

Nag-alarm naman na nun. Tumakbo si Ana sa direksiyon namin. Sa pagkakaalam ko, she’s rich. So as her group of
girlfriends.

“Hey Iyah..”

“Yeah?!?”

“Kasi nagusap-usap na kami doon ng mga friends ko. I’m having a party. Slumber party, at my house. Do you girls
wanna’ come?” tumingin siya sa aming tatlo.

“Sure. Kailan ba?” sabi ni Sheena.

“Tonight. 6:30 ang start.”

“Tonight? Tuesday?”

“Wala namang pasok bukas eh, teacher’s workday.”

“Ako hindi pa sure, I’ll let you know.”

“Ikaw Iyah?” humarap siya sa akin.

“Ooh, slumber party? Well, pag-iisipan ko muna. I have to ask.. J–, my… my.. aunt. Since wala yung Mom
ko.” muntik na yun ah.

“Pwede mong isama si Jon kung gusto mo. There’ll be guys there. You can still hang-out with him.” sabi ko nga na-
gets pa rin niya yung sasabihin ko.

“Sigurado ako Ana, Jon Erin Aguillar will be the last person I’m planning to hang-out with.”

“Ganun? I think he’s cute.”

Nag-nod naman si Vina at Sheena in agreement.

“Really?”

“Ang tangkad pa niya.” napatingin ako pakaliwa kay Vina.

“Nice hair too..” napatingin naman ako pakanan kay Sheena.

“And bagay sa kanya yung body niya.” diretso naman ako kay Ana.

“ABSOLUTELY… HOT.” sabay-sabay pa silang nag-salita.

“Ladies, ladies hello? White flag flashing!!! I’m here. Slumber party.. ok.. I’ll think about it.” hinila ko na si Vina at
Sheena bago pa magdaldal uli.

Pumasok na kami sa classroom nun. Slumber party?!? Expect Jon to be there? Na-uh.

After nung classes namin ng hapon, lumabas na ako  ng classroom ko. Kinuha ko lang yung bag ko at didiretso na
ako sa locker ko. Hindi ko pa nalalagay.. may nagsara naman.
That aggravates me..

“What?!?” kailangan ba niya talaga isara yung locker ko? Ngayon uulitin ko na naman ang pagbubukas, “Bakit
nandito ka pa?”

“Nagtatanong ka pa? Bilisan mo na nga lang!”

“E di umuwi ka na, sungit mo. Sino ba maysabi na maghintay ka?” nilagay ko na sa loob yung gamit ko.

Pagkalagay ko, nagsimula na akong maglakad, sumabay siya sa akin.


Naisip ko naman yung slumber party… mabanggit na nga.

“Oo nga pala, may slumber party si Ana tonight. Uuwi lang ako para kumuha ng damit. Sinabi niya na tanungin daw
kita kung gusto mong pumunta kasi may guys naman daw, pero sigurado naman ako na hindi ka party guy, so I’m
just letting you know.”

Huminto naman siya. Alam ko na isasagot niyan. Parang ganito: ‘Great. Mabuti pala mawawala ka sa bahay rich
kid.’

“Slumber party? What do you know? tumingin ako sa kanya, “I’m going.”

“Well.. YOU–WHAT?”

“I said I’m going.”

Inunahan naman niya akong maglakad. He’s going!! That’s a nightmare.

“Mahilig ka ba sa party?” hinabol ko siya.

“No.”

“Eh bakit ka pupunta?”

Nagalit yata sa akin. Humarap siya sa akin at sinabing..

“Ikaw pupunta doon? Slumber party, tapos may guys? What do you think that sounds like?”

Oh I swear, I hate having an instant bro.

“Uuwi na tayo.. kukuha tayo ng damit, then we’ll go in that party.”

Someone tell me I’m dreaming???

“Hoy! Tatayo ka lang diyan?”

From that very second na sinabi niyang sasama siya sa akin, nawala ako sa sarili ko. Bakit naman kasama siya!
Panira lang yan ng gabi eh.. Hindi ko na lang siguro siya kakausapin.. katulad ng dati.

I lost track of time.. kaya nga hindi ko na alam…

Slumber party na. HELP!

 
 

***14***

Kadarating lang namin sa destinasyon. obviously nag-drive na naman siya kahit wala namang lisensya!, pinark niya
doon sa space na medyo malayu-layo doon sa bahay nila Ana para hindi naman mapansin na law breaker siya.

Panira talaga siya ng araw. Akalain mong maisipang sumama pa sa slumber party? Ayoko lang talaga na kasama
siya dahil baka hindi ko maenjoy.

Kinuha ko yung bag ko, konting retouch ng powder at eto na naman…

“Ano bang hinihintay mo?!? Pasko? Saka na nga yang make-up make-up!” nakahinto na kasi yung kotse.

“Uhmmm, nakikita mo naman, powder ito hindi make-up!” sinara ko na yung powder ko with matching tingin pa sa
salamin. “At isa pa po, siguro nga ganito ako pero hindi ako nagmamake-up. Powder lang madalas or lip
gloss.”hinawakan ko yung chin ko, “Wait, yeah I think… minsan nagmamake-up din ako. Hindi nga–”

“Basta bumaba ka na lang!” naghand gesture pa siya na pinapakitang bumaba na ako.

“Ok.. sir!”

Malayo pa lang kami sa bahay nila Ana eh dinig na dinig na yung ingay doon. Mukhang maganda ang mga plano
nila sa pagsira ng eardrums nila ah!

Nasa harap pa lang kami ng pintuan, yung tipong si Jon ang nagdala ng bag ko, mukhang hindi pa nagsisimula ang
party eh masama na yung mood. Siguro dahil mabigat yung bag ko?!? Malamang. Bahala nga siya, konti lang
naman yung dala ko. Tutal one night lang naman kami matutulog dito, tatlong PJ’s yung dala ko. May extrang isa,
yung pangatlo naman eh… hmmm… in case lang na may manghiram. Girl Scout ako eh, ready! Syempre nandun
din yung mga gamit for a proper hygiene.

“Ano bang dala mo dito sa bag mo? Bricks?” sabi ko nga nabibigatan siya sa bag ko.

“Nah, magaan lang naman yan. Hollow blocks.”

Hindi pa nakakasagi yung kamay ko doon sa pintuan eh, may nagbukas na. Guys. May mga hawak silang baso na
halatang may iniinom sila. I wonder if it’s alcohol.

“Iyah Nicole Scott!” sabi nung isa na amoy beer. Open arms pa niya akong winelcome sa pinto.

“Oh, hey Brenan.” ngumiti naman ako.

Papayakap na sa akin kaya lang may sumagi sa kanya kaya natapon ng kaunti yung iniinom niya.

“Ok, enough with the welcome crap..” tumingin siya sa loob at hindi ako pinansin habang hinaharangan niya
ako, “Saan namin ilalagay itong gamit namin?

“Ahh pare, kausapin mo na lang si Ana. Sila kasi nila Mia ang nagusap-usap. Hindi ko pa alam paano ang
arrangement..”binend niya yung ulo niya at tumingin sa likuran ni Jon, ngumiti sa akin. “Gusto mong uminom
Iyah?” inabot niya sa akin yung baso na pinag-iinuman niya.

For the second time, tinabig uli ni Jon. Mabuti na lang hindi natapon pero tumama doon sa kahoy sa gilid ng pinto.

“She’s not drinking.”

Ako naman eh naiinis na rin. Hindi dahil sa gusto kong uminom, ayoko rin naman, pero sa behavior ni Jon. Paano
ko naman mararanasan na maging ‘FREE’ kung lahat na lang yata ng possible na gagawin dito eh ipagbabawal niya.

At isa pa, I can handle myself.


Pumasok kami sa loob. Ang daming tao sa doon. May mga nagsasayawan pa nga. Yung mga nasa dining area,
shinake ng shinake yung softdrinks tapos binuksan kaya naligo lahat. Mabuti na lang malayo kami.

“Ilalagay ko lang muna itong gamit natin sa taas pansamantala habang hindi ba alam ang arrangement, hintayin mo
ako dito.” dinala niya yung bag sa hagdanan paakyat.

Nagtingin-tingin ako. Yung iba rito hindi ko na kilala ah.

Kakaikot ko, may mga bumati at yumakap sa akin pero hindi ko naman kilala. May isa pa ngang guy na umakbay sa
akin at nagpakuha ng picture. Saglit lang din kahit sobrang gulo at traffic yung daanan, nakakuha rin ako ng pagkain
at umupo ako doon sa sulok. Uminom ako ng juice. Kaya lang may napansin ako…

“Eeew.. bakit ganito itong lasa nitong juice?” tinignan ko naman.

“Ooh.. sorry Iyah. May… halo kasi yan. Gin.” sabi ni Ana na for the first time, nakita ko.

Nagpasimple naman ako at tinapon ko yung juice. Kumuha na lang ako ng coke, at least yun sigurado.

Saglit lang din, may tumabi sa akin.

“IYAH! NANDITO KA NA PALA!” sabi ni Sheena na nakasigaw pa sa akin.

“Bakit ka sumisigaw? Naririnig kita!”

“Sorry.” umupo siya sa tabi ko.

“Nasaan si Vina?”

“Hay naku, umarte na naman sa pagka-KJ. Ayun may something-something that sounds like pie of AB whatever
daw siyang gagawin. Isa pa, ayaw daw niya yung ganitong party. Magulo daw. Tiyak daw, so-called ‘rich’ and
‘popular’ kids na naman ang pupunta..” with matching quote pa siya ng daliri niya. “Ayos nga eh! Nakisayaw ako
kanina doon sa kanila eh. Yung 5 guys lang naman sa sulok yung umiinom, saka yung tatlong girls. Halos lahat
naman hindi. Badtrip nga sila eh..”

“Akala ko nga ok eh, nagulat ako amoy beer si Brenan. Yayakapin nga niya sana ako sa pintuan, kaya lang
humarang si Jon.”

“Siraulo yung manliligaw mo na yun! Pero infairness, lakas talaga ng hatak mo. Si Dylan kanina nandito hinahanap
ka, tapos kita mo yung mga lalaki doon…” tinuro niya yung nasa sulok, “Kanina pa tinatanong si Mia kung darating
ka daw. Gusto daw nila magpakuha ng picture kasama ka…”

“Really? Kanina may umakbay sa akin at nagpakuha ng picture. Sa sobrang gulo, hindi ko na matandaan.” uminom
uli ako.

“Ano sasali ka sa spin-the-bottle?”

“Spin the bottle? Like truth or dare?”

“Hindi no. It’s different. You’ll see, sasali ka?”

“Sure.”

Akala ko kung anong larong spin the bottle na yung tinutukoy nila. Hinila na ako ni Sheena sa gitna, kasama namin
yung ibang girls. Sobrang ingay. Nakahiwalay yung guys sa amin, kanya-kanyang circle.

Naupo ako doon kasama nung girls.

“Ok, ready?” sabi ni Ana na hawak yung bote.

Nag-cheer naman yung girls.


Pinaikot naman yung bote. Ang tagal bago huminto. Finally…

“Wow! Iyah!” tinulak-tulak ako ni Sheena.

May nilabas silang red scarf. Kinabahan tuloy akong bigla. Bakit ba nasali-sali ako dito?

Wala na akong makita nun. Inalalayan lang nila ako pero ang alam ko eh papaakyat kami doon sa hagdan. Saglit
lang din, huminto na kami. Narinig kong may nagbukas ng pinto.

Ang tahimik doon sa loob. Kaya nga alam kong may dumating na tao nung umingay saglit. Tinanggal na nila yung
blindfold ko. Pagkaalis ko..

“Cool! Kapag sinuswerte ka nga naman” napataas yung kilay ko.

“Hey.. Ana! Ano bang gagawin?”

“Simple lang. You and Brenan will stay on the same room for 15 minutes. Pagkatapos nun, saka na namin bubuksan.
Ok?”

Parang hindi ako makahinga nun. One room? 15 minuutes? Brenan?

Tumakbo ako sa pintuan para makipag-wrestling na buksan nila. Kaya ni-lock na nila sa labas.

Now… this is boring.

Umupo ako doon sa kabilang side ng kama. Si Brenan naman, mukhang ‘di katiwa-tiwala.

“Iyah, no kidding, you really are pretty!”

“You’re drunk.” iniwas ko yung tingin ko sa kanya.

“No I’m not.” umupo siya doon sa upuan malapit sa bintana, “Boyfriend mo ba si Jon?”

“Ha? Hindi no.” bakit ba lagi na lang!

“Akala ko boyfriend mo siya eh. Usap-usapan kasi na madalas daw kayong magkasama. Tapos kanina pa, panay ang
tabig niya sa akin para hindi kita malapitan. He’s a protective little idiot you know…”

Hay naku Brenan! You have no idea!

“How come wala ka pang boyfriend eh ang dami namang nanliligaw sa ‘yo?”

Inirapan ko naman siya, pero pabiro lang.

“First of all, wala pa akong nagugustuhan. Well, kung may sasagutin din naman ako, syempre yung mahal ko na.
Second, hindi pa siguro time. Third..” nilagay ko yung kamay ko sa kama. “Hindi ko kilala yung ibang guys na
nanliligaw sa akin.”

Lumapit naman siya sa akin. Mga two steps na lang siguro.

“Ako may pag-asa ba?” iniwas ko yung ulo ko. I hate his smell. Beer!!!

“Back off..” nasabi ko na lang nung nag-lean siya. Napahawak ako doon sa vase…

“Oh come on Iyah?!? I know you like me!” sabi niya sa akin na sobrang lapit. “Just one kiss.”

“You jerk! Leave me alone! 15 minutes lang tayo mag-stay… mag-usap siguro oo. I’m not staying in here with you
any longer…”

I can tell he’s dangerous!


Humawak ako doon sa door knob para buksan. Umikot naman, kaya lang sa labas nga pala naka-lock.

“Ana! Ana! Pakibuksan na yung pinto! Please..” lumapit si Brenan sa akin, ini-slide niya yung kamay niya sa waist
ko.

Tinulak niya ako sa gilid para i-lock yung pinto.

“Anaaaaa!!! Anaaaa!” sumigaw na ako doon at sinubukan kong mag-ingay.

Nakangiti si Brenan nun. Asar talaga.

Narinig ko namang may nag-ingay sa labas. Binubuksan yata yung pinto.

“Iyah! Iyah ok ka lang?” sumisigaw si Jon sa labas. inikot niya yung knob kaya lang naka-lock nga, “Open the
door!”

“I can’t!”

“Shut up Jon! Kahit hindi na namin tapusin yung 15 minutes namin dito, matapos ko lang yung business ko kay Iyah
ayos na ko..”

Lumayo ako doon sa gilid. Mas mabuti na yung malayo ako kay Brenan. I never knew he’s like this…

Tumakbo naman siya. Sa sobrang panic ko siguro, napasigaw ako.

“OPEN THIS FREAKING DOOR!!” kitang-kita ko na inaalog ni Jon yung pinto, “WHAT ARE YOU DOING TO
HER?!? I’M GOING TO KICK THIS DOOR!!!”

Tinulak ako ng malakas ni Brenan. Tumama yung part ng ulo ko na may sugat pa. Hindi naman masyado pero
nahilo ako ng kaunti.

Naririnig ko na ang ingay-ingay na sa labas. Pinagsisisipa ni Jon yun pinto.  Hinawakan ako ni Brenan sa pisngi ko
ng mahigpit galing ng isang kamay…

“Ou–”

Konting-konti na lang… about an inch away…

“Stay away from her you jerk!” then… sinuntok niya.

Napahawak si Brenan doon sa pisngi niya. Hilo yata dahil lasing eh. Si Jon naman lumapit sa kanya at hinawakan
siya sa leeg. Akala ko kung anong nangyari, tinaas pala niya.

“P-pare.. p-pare… pasensya na pare. B-baba mo ko h-hindi ako makahinga.”

“Huwag kang lalapit sa kanya kung alam mo kung anong makakabuti sa ‘yo..”

Nakita kong nag-iiba na yung kulay ng mukha ni Brenan. Medyo nagbu-blue na. Wala pa ako sa sarili ko nun at
nanonood ako, tapos saka ko na-realize.

“Jon! Ibaba mo siya! Ano ba! Baka anong mangyari sa kanya..” hinawakan ko si Jon sa braso na halatang galit dahil
ang higpit humawak.

Finally, to my relief, binaba rin niya.

Tumakbo si Brenan palabas. Eksakto namang may tao doon sa pintuan.

“Anong nangyari dito? And why is our door… broken?”

“Sorry Ana..”
“Why not ask your stupid friend!” humawak siya sa gilid tapos sumuntok, “Sabihin mo sa kanya huwag siyang
magpapakita sa akin baka sa susunod hindi ko na alam kung anong magawa ko sa kanya..”

Dumating naman si Mia sa loob. Nagulat din yata sa amin. Napansin ko naman na medyo dumudugo yung kamay ni
Jon.

“Mia, maya first-aid kit ba kayo? I don’t think I can handle any party now…”

“Ahh.. meron. Kung gusto niyo, doon muna kayo sa bahay. Tahimik doon. Balak kasi namin na dito sa bahay nila
Ana yung guys, girls naman doon sa amin since tig-7 naman yung rooms. Pero doon muna kayo, walang masyadong
tao doon.”

“Forget that arrangement thing. We’re staying on the same room..”

Sabay kaming napatingin ni Mia sa kanya.

“But–”

“Ayoko nang ulitin yung sinabi ko.”

Tinulungan kami nung ibang guys doon sa baba para magbuhat nung bag namin. Nilipat nila sa katapat na bahay.
Usapan na naman si Brenan, na wala na doon sa party at mukhang umalis na. Sabi nila, ganun daw talaga si Brenan
kapag nalalasing. Wala sa sarili.

Siguro nga. He’s really nice when he’s at school.

Pinaakyat kami ni Mia doon sa taas nila. Syempre, yung dulong room na naman ang pinili ni Jon. As always.
Binigay nila sa akin yung first aid kit..

Tapos nung sinara na yung pinto eh.. simula na ng sermon..

“Anong sinabi ko sa ‘yo?!? Maghintay ka ‘di ba? Ang daming tao doon! Hinanap pa kita kung nasaan ka! Tapos
sinabi na lang nila sa akin nasa taas ka kasama nung… kung sino man yun!”

“Ok! Kasalanan ko na naman! Pero alam mo kung bakit hindi ako naghintay? Kasi hindi naman ako sunud-sunuran
sa ‘yo eh! Gusto ko namang mag-enjoy ng party! Niyaya nila ako na maglaro, well.. sure! Sumali ako. It’s just a
game. And I bet Brenan didn’t mean that thing.. he’s drunk can’t you see?!?”

“Ooh I can tell alright that he’s drunk thank you very much.” nag-turn siya pa-side. “Sino namang may gustong
sumali sa game na yun? 15 minutes na nakakulong kayo?”

“I told you it’s just a game..” nilabas ko yung panggamot.

“A stupid game..”

“Akin na nga yung kamay mo.. kanina pa yan dumudugo. Ano bang ginawa mo?”

“Sinuntok ko yung pinto. Nung ayaw pa rin, sinipa ko. May nag-crack na kahoy sa harapan kaya sinuntok ko
uli.” tumingin siya doon sa kamay niya, “I didn’t know it’s bleeding.”

Iniwas niya yung tingin niya sa akin.

Kumuha naman ako ng bulak at betadine. Nilagay ko doon sa sugat niya. For an ordinary guy like Jon, he’s prone to
accidents and fights. Parang kailan lang may injured arm siya, ngayon panibago na naman.

“Ouch! Pwede ba dahan-dahan?”

“Dahan-dahan na nga eh! Huwag ka ngang magalaw!”


Para kaming nagta-tug of war sa paggamot sa kanya. Hihilahin ko yung kamay niya, hihila rin siya kapag masakit.
Pero natapos din naman kami… after 48 years. Nalagyan ko rin ng bandage.

“Thanks..” sabi niya ng mahina.

“No.. thanks.” tumingin siya sa akin, pero mabilis lang. “So… hindi rin naman pala natin maeenjoy itong slumber
party na ito eh..”

“Sinong maysabi?” sabi niya sa akin tapos tumayo siya. Sinara niya yung pinto. “Pagkatapos natin, bababa tayo at
makikijoin tayo sa kanila na para bang walang nangyari.”

“Ok, that sounds… good. Pero… anong ibig sabihin ng.. ‘pagkatapos natin’?”

Umupo siya doon sa gilid ng kama sa kabilang side naman katulad ng ginawa ko kanina nung si Brenan yung
kasama ko.

“Mamaya na yung party. Let’s just pretend na nagsimula na yung game. The bottle points to…” tumingin siya sa
akin, “Iyah. Then the bottle points to..” tinaas niya yung kamay niya, “Fine me.” tinalukuran naman niya ako. “Ok,
let’s double it…30 minutes”

“Timer.. starts… now.”

***15***

Hindi mo talaga maintindihan yung tao na ito. Paano kaya tumatakbo ang utak niya? Kanina lang sinabi niya sa akin
na stupid game yun.. tapos ngayon gusto naman niyang maglaro?

Ang gulo. Ano ba ang standard niya sa buhay? Ano ang magulo sa hindi???

“Very funny Jon..” tumawa naman ako, “You got me. You can say gotcha now.. I’m waiting..”

Humarap naman siya sa akin.

“I’m not kidding. Sa katunayan, nagsimula na nga yung time natin.” nag-lean siya doon sa kama.

Seryoso nga siya…

Sumandal naman ako doon sa kama. This is no different than the first one. Tiyak naman uupo kami dito,
maghihintay ng 30 minutes.. tapos lalabas. Walang gagawin kundi manahimik.

Boring no? Haay.. matutulog na lang muna ako saglit tapos gigising na lang after 30 minutes.

Ginawa ko nga. Saglit lang din, wala na akong makita.

“Hey.. matutulog ka?” dinilat ko yung mata ko. Sobrang lapit ng mukha niya kaya napaatras ako.

“Don’t do that!”

“Do what!?”

“Stick your face in front of me.” lumayo ako ng konti.


“Tinitignan lang kita kung anong ginagawa mo. Tutulugan mo pa ko.” dumeretso siya ng upo, “I hate your
eyelashes.”

Can this guy hurt me enough?

“Eh ano naman ngayon? As if may pakialam ako kung hate mo yung eyelashes ko.” pero sa totoo lang ha.. I care
about what he said.

“Alam mo kung anong problema mo rich kid?” sabi niya sa akin na akala mo professor siya sa isang university.

Say yes… say yes…

Tinignan ko siya pero papilit lang.

“No.. Yes.. no.. Yes.. alright! Ano namang mapapala ko kung malaman ko galing sa ‘yo?”

“Wala. Para sa akin yung problema mo, you’re too…. paano ba sabihin yun? You’re too… girly. Hindi ka
nauubusan ng bagay-bagay na gagamitin mo. Ang daming kung anu-ano. Kahit hindi naman na kailangan…”

“So what?!? I’m like this eversince I’m in US..”

“So that’s why.” he didn’t know? “Kung tatanungin mo ako, mas ok kung hindi ka–” natigilan siya, “Bakit ko
naman sasabihin sa ‘yo?”

Yeah.. right! Hindi pa tinuloy.

“Asus kung magsalita ka akala mo ako lang may problema dito. Ikaw nga yung mahilig sa gulo diyan. Wala ka
namang mapapala kundi sakit sa katawan.”

“I’ve been like this all my life! I can’t change it that easy.”

“So as Iyah Nicole.”

Walang nagsalita sa amin nun. Tumahimik kami.

“Lahat na lang yata gusto akong magbago. My Dad, my Mom..” napaisip naman ako.

Hindi ko pa natatanong si Mommy tungkol dito.

“If you don’t mind me asking, what happened to your Mom?”

“She died.” hinga ng malalim, “How about your Dad?”

“Ahh, nag-divorce sila ni Mommy. Then bumalik kami dito sa Pinas para mag-high school ako.”

“Kaya pala minsan retarded ka magtagalog..” nakakainis na ito.. “10 minutes na tayo dito. I was just messing with
you a while ago. Kung gusto mong bumaba, sige bumaba ka na. Pero sinasabi ko na ngayon, papanoorin
kita.” mukhang nainis na naman yung mukha niya, “Don’t let me see that idiot again. I might kill him!”

“Si Brenan?” tinignan niya ako ng masama. “Ayoko nang bumaba, matutulog na lang siguro ako. Diretso muna ako
sa banyo.”

“If that’s the case, matutulog na rin pala ako. Wala naman na pala akong babantayan.”

Sabay kaming tumayo nun at kumuha ng gamit sa bag namin. Kinuha ko yung PJ’s ko at toothbrush.. at kung anu-
ano. Siya, kumuha ng sarili niyang gamit.

Dahil dalawa naman yung banyo doon sa bahay nila Mia, doon siya sa isa at ako naman doon sa isa. Naligo talaga
ako at kung anu-anong kaekekan sa buhay. Shampoo.. toothpaste.. strawberry soap..
I can’t believe this night. Ayoko na rin siguro kausapin si Brenan. Other than that, Jon can be soft more than I know
of. Tinatago lang niya..

Sinuklay-suklay ko yung buhok ko. Tinignan ko pa nga yung relo ko at napansin ko na mag-40 minutes na ako sa
banyo. Kaya ayun, lumabas na ako.

Tumingin ako doon sa hagdan, may konting tao doon sa bahay nila Mia pero sa kabila, parang gubat sa sobrang
ingay.

Pumasok ako doon sa kwarto kanina kung saan kami nakaupo ni Jon. Dahil madilim na at tiyak naman eh may
darating din naman na mga babae at makikitulog sa akin, humiga ako doon sa kama. Nilagay ko yung kamay ko
doon sa gilid kaya lang…

“HOY!” hinampas ko naman siya, “GET OUTTA’ HERE.”

Tumayo siya mula sa pagkakatalukbong niya.

“I’m staying here.”

Nagulat pa rin ako. Alam kong sinabi niya yun kanina nung galit na galit siya. Akala ko naman nasabi lang niya yun
dahil wala na siya sa tamang pag-iisip niya.

“Siraulo mo naman pala eh! We can’t stay on the same room!”

“Bakit hindi?!” humiga siya uli doon sa kama, “Matulog ka na lang.”

“Lilipat ako ng kwarto. Bahala ka sa buhay mo…”

Nag-slide ako doon sa gilid ng kama. Humawak siya doon sa kamay ko.

“Tingin mo naman papayag ako? You’re not sleeping on another room. Ayokong maulit yung nangyari kanina..”

“MAUULIT? PAANO MAUULIT? WALA NA NGA SI BRENAN EH!” Ang OA nito.

“Hindi lang naman yung siraulong yun ang tinutukoy ko. I don’t trust those guys. All of them..” tinalikuran niya
ako, “Sige lumipat ka ng kwarto, mamaya lang makikita mo nandun na ako.”

ARRRRRRGGGHHHHH!!! Useless talaga.

“Ayokong mag-stay sa iisang kwarto kasama ka. Hindi nila alam na stepbro kita. What do you think that looks
like?”hinampas ko yung kama.

“I don’t care what they say…”

Mukhang matigas talaga ito at hindi ako mananalo. Humiga ako doon sa kama. Sige, gusto mo palang makipag-
asaran.

“Ok, matutulog ako dito sa kama.” nag-kumot ako. “Pero sa sahig ka.” sinipa ko siya ng malakas kaya nahulog siya
doon sa kama kasama yung kumot.

“Bakit mo ko sinipa?” mukhang galit na siya nun.

Hindi ko sinagot yung tanong niya, ako naman yung nagtalukbong.

Naramdaman kong humiga siya uli sa kama. Oh God.. help me.

Ano bang gagawin ko para umalis siya dito? Tiyak naman walang mangyayari sa akin dito eh! Kaya ang ginawa ko,
ini-stretch ko yung kamay ko para tamaan yung likod niya since nakatalikod siya sa akin.

Dahil nga mautak siya, humarap siya kaya nadaganan niya yung kanang kamay ko.
“Nice play.. try this one.” turn naman niya i-stretch yung kaliwang kamay niya at eksakto namang tumama sa leeg
ko. Ang bigat!

Akala naman niya basta-basta lang ako. Dahil wala nang magagawa yung isang kamay ko, kanang paa ko naman
yung pinatong ko sa kaliwang paa niya.

Sumunod na move niya, yung kanang paa niya eh nilagay niya sa ibabaw ng kanang paa ko. Nilagay ko naman yung
kaliwang kamay ko sa leeg niya.

Waaaa!!!! Ang hirap!!! Dahil nabuwisit ako, tinanggal-tanggal ko yung paa niya, kamay niya sa kamay ko at kung
anu-ano na hindi ko maintindihan. Kaya lang nakadagan pa rin siya sa kamay ko, kaya kinurot ko siya.

“Ouch!” umikot siya kaya natanggal yung kamay ko.

“That’s it rubberman! Lalabas na ako doon sa terrace. Since ayaw mong umalis sa kama, sa sofa ako matutulog.”

“Ok, sabi mo eh. Mas ok pala…”

Gusto ko sanang batukan, pero wala naman akong magagawa kundi mainis lang sa kanya. Binuksan ko yung glass
door doon sa gilid para umupo doon sa terrace. Hayaan mo na nga matulog yan. HIndi talaga gentleman! Iniisip ng
mga tao boyfriend ko siya.. o manliligaw. Tapos ngayon ano? Magkasama kami sa kwarto? Kung pwede lang sana
isigaw na stepbro ko siya ginawa ko na. Pero ayaw namin parehas yun.

Ok na sana eh. Kung wala siyang pakialam sa sasabihin ng tao, ako rin siguro. Pero kung matutulog din naman kami
sa isang kwarto, hindi ba ang babae sa kama at yung lalaki sa sofa? Bakit sa amin baliktad?

Asar talaga yung tao na yun. Pero kahit papaano, hindi ko makuhang magalit sa kanya ng tuluyan. Hindi ko nga
makalimutan yung mukha niya kanina nung hinawakan niya sa leeg si Brenan. Galit na galit siya nun. Kung hindi ko
siya siguro napigilan, baka nasa hospital na si Brenan ngayon.

Ang lamig dito sa labas. Buti pa dito, kitang-kita yung bahay nila Ana. Mukhang nagsasayawan pa rin sila. Ang
liwanag pa rin ng ilaw.

Doon ko na lang itinuloy yung pagsuklay ko. Braid na naman yung ginawa ko since hindi pa naman ako matutulog.
Paano kaya kung hindi ko siya naging bro? Is there a possibility I would like him?

Nah, it’s not possibility. Possibility is wrong. Probability is the right word. But even though he’s like that.. he’s
kinda’ over protective. Kung ginagawa man niya yun dahil nga bro ko na siya.. well.. kakaiba.

Tumingin ako doon sa langit. I know one thing tonight. Hindi uulan dahil maraming stars. And that’s a really good
scene right there…

Kakamuni-muni ko doon mag-isa, bigla na lang may tumulak sa akin kaya nawala ako sa pagkakaupo doon sa
terrace.

“AAAAAHHHHHHH!” hindi pala ako tinulak, may bumuhat sa akin bigla-bigla hawak ako sa waist, at ngayon…

WALA AKONG TINATAPAKAN.. WALA RIN AKONG INUUPUAN. Ang alam ko lang, pwde akong mahulog
ano mang oras.

“PUT ME DOWN! ANO BA! NATATAKOT NA KO! ANO BA!” naiyak na ako doon.

“Hey.. hey… don’t panic! Don’t panic!” Dahil nga buhat niya ako, saglit lang din hinila na niya ako. Nanghihina
yung tuhod ko kaya napaupo ako ng de-oras.

Hinawakan ko yung dalawang tuhod ko. Tinuloy ko na yung pag-iyak ko. Natakot ako ng sobra, akala ko talaga
mahuhulog ako. Lumapit siya sa akin, kaya tinabig ko yung kamay niya.

“Don’t touch me!” nabasa na yung pajama ko ng luha ko.


“I’m sorry. Hindi ko naman alam na magpapanic ka na lang..”

“Sino bang hindi? Akala ko may tumulak sa akin! Sinong hindi matatakot? Lumayo ka nga!”

“Sorry ok?” umupo siya sa tabi ko. “Honestly, I did that on purpose. To scare you.. yeah. Pero hindi ko alam na
ganun ka na lang matatakot.”

Hindi na ako makapagsalita nun. Mananakot na lang din, ganung paraan pa.

“Sorry talaga..” humarap siya sa akin, “Sasabihin ko lang sana na ikaw na sa kama, ako na ang matutulog sa sofa
dahil napansin kong wala ka talagang balak bumalik sa loob..”

Tinignan ko siya ng masama. Hindi ko masyadong maaninag kasi umiiyak pa rin ako. Dahil hindi pa ako tumigil sa
kakaiyak, niyakap niya ako ng mahigpit. Nabasa ko naman kaagad yung t-shirt niya.

“I won’t do it again.. I promise. I’ll make it up to you.. You can call me stupid or any names.. or you can curse me..”

“I don’t curse..” yun lang nasabi ko.

“Good. Me too.” hindi pa rin niya ako pinapakawalan. “Hindi ko na uulitin yun..” medyo umo-ok na pakiramdam
ko. “Pero kung alam mo lang, tinuruan kita sa bagay na iyon. Lagi akong napapaaway… at alam ko yung mga galit
sa akin eh malalaman at malalaman nila na stepsis kita. So kung may complicated situation na mangyari sa atin, I
want you to remember three things…”

Humihikbi na ako nun. Tapos ngayon, nililito pa niya ako sa mga sinasabi niya.

“I won’t give you up, I won’t let you down… but most of all..”

“I won’t let you go…”

***16***

After that incident na niloko niya ako sa terrace, nagseryoso na siya at inalalayan ako sa loob. Katulad nga ng sinabi
niya, sa kama na niya ako pinatulog at siya naman eh doon sa sofa.

Hindi pa ako makatulog nung simula. But then sa sobrang pagod na rin siguro kakaiyak ko, pinikit ko yung mata ko
at ok na rin lahat.

Then sumunod na lang na alam ko eh…

Wednesday, 6:03 a.m.

Ewan ko kung anong nangyari sa akin at bigla na lang akong napatayo ng de-oras para gumising. Tinanggal ko yung
kumot ko at hinanap ko yung tsinelas ko sa gilid. Pagtingin ko, natutulog pa rin si Jon. Yung kanang kamay niya na
nasugat kagabi eh nakalaglag na sa gilid ng sofa at yung kaliwa naman eh nakalagay sa ulo niya kaya natatakpan
yung dalawang mata niya.

Dahil naka-PJ’s pa ko nun, sumilip muna ako sa labas kung may tao na. But then, madaling araw na nga pala eh
nagpaparty pa itong mga tao na ito.
Lumabas ako doon sa dulong kwarto at nakita ko na kung gaano kagulo yung bahay nila Mia. Ang daming kalat sa
carpet nila at may natutulog pa sa hallway. Sa hagdan eh may nagkalat pa na party poppers at sa sala nila hanggang
sa dining area eh panay chips. To think na may natutulog doon na mukhang hindi pa nagbihis.

Eeww! Hindi ba nila alam ang gamit ng sabon, shampoo, toothbrush, at damit? Idagdag mo na rin yung trash can at
vacuum cleaner.

Nagtip-toe pa ako para hindi ko maapakan yung mga nandun na nakakalat. Kaya lang ang hirap kaya may naapakan
akong wrapper ng kung ano sa tabi ng mukha ni Arnold, isa sa 4-4 guys. Umikot lang siya sa pakakahiga niya,
nagkamot ng pisngi, then tulog na uli.

Oh Men! Kung ganito lang din naman pala magpa-party, hindi ko na lang gagawin sa bahay namin!!!

“Bakit hindi mo ako ginising?” yung pagkaingat-ingat ko na pagtip-toe eh bigla na lang nawala dahil nagulat ako.
Natumba pa ako kaya napahawak ako ng konti doon sa gilid.

Tinignan ko naman siya. Nagkakamot pa siya ng mata niya.

“Natutulog ka pa, bakit naman kita gigisingin?”

Tinuloy na niya yung pagbaba doon sa hagdan. May naapakan din siya kaya nagulat siya doon at naitukod niya yung
kanang kamay niya.

“Crap!” yun nga pala yung may sugat siya, “What kind of animals are they?”

Tinaas ko na lang yung balikat ko. Syempre, ganun talaga kapag may party na ganito.

“Maghahanap lang ako ng pagkain sa fridge, ayoko nang kainin yung mga nakalagay diyan at baka hindi na masarap
ang lasa.. siguro maglu–…never mind.” napaisip naman ako.

Sasabihin ko sana sa kanya na magluluto na lang ako. Tingin ko naman eh hindi magandang idea. Kung saka-sakali
na lang din naman na makakasunog ako ng bahay, mabuti nang bahay namin kaysa bahay ng may bahay.
Mapapabayad pa kami ng de-oras.

“Siguro… magluluto ka?”

Sabi ko nga alam niya!!

“Yeah, sorta’.. kaya lang hindi naman ako marunong so.. huwag na lang.”

“Do you want to get out of this place? I mean, umuwi na tayo. Syempre, may klase ka pa. Magbihis ka na lang..”

Klase? Ako? What? May school pala ngayon? Akala ko ba wala? Ang gulo naman ng earth!

“May school pala ngayon?” tanong ko naman sa kanya.

“Ah.. huwag ka na pala magbihis. Ganyan ka na lang. Hindi na rin ako magbibihis. Kukunin ko na yung gamit natin
sa taas, hintayin mo na lang ako. May kotse naman kaya ok lang..”

Tumakbo siya ng mabilis doon sa hagdan.

“Te– Ah– He–” hindi ko man lang natuloy yung sasabihin ko. “Ok! Maghihintay ako!”

May nakita naman akong dalawang ballpen doon na nakalapag sa table. Kinuha ko naman yun at inikot ko yung
buhok ko. Improvised chop sticks!

Hindi naman ako naghintay ng matagal, bumaba na rin siya dala yung bag namin. Huminto siya sa tabi ko at
tumingin sa likod ko.

“Nice hair..” tumingin ako sa kanya ng masama.


“Are you being sarcastic or what? Kasi nakita ko lang itong ballpen dito and I have no choice but to used it so…”

“Can I just tell you that you have a nice hair without you accusing me of being sarcastic?” lumakad siya doon sa
pintuan.

“It’s just that I’m not used to..”

“Fine. You look terrible. Happy?”

Bumulong naman ako. Narinig man niya o hindi… hindi ko alam. ‘I think I prefer the first one..’

Lumabas na kami ng bahay nila Mia. Papasikat na yung araw nun at naglakad lang kami ng kaunti dahil pipnark
niya sa tapat ng ibang bahay yung kotse. Sumakay naman ako sa harapan, siya sa driver’s side matapos niyang
ilagay sa trunk yung gamit namin.

Kakasara pa lang niya ng pinto…

“Seatbelt.” ini-start niya yung engine.

Hindi na ako nakipagtalo di gaya nung unang sumakay ako. Kahit na may phobia pa rin ako sa seatbelt, sinuot ko pa
rin. Buckle up for safety daw ikaw nga!!

Dahil hindi naman rush hour, parang racing car kung magpatakbo ng kotse si Jon. Hindi ko alam kung ilang beses
akong napaangat sa kinauupuan ko at napahawak doon sa gilid ng braso niya. Sa sobrang inis siguro sa akin dahil
maraming beses din akong tumili, sinabihan ba naman ako..

“Can you knock it off? Nabibingi na ako! And please, get your hands off me!”

“Bagal-bagalan mo naman kasi! Marami pa akong pangarap sa buhay ok?”

Laking pasasalamat ko talaga nung dumating kami sa bahay. Dahil sinabi niya sa akin na may klase nga daw,
tumakbo ako sa taas at nagpalit kaagad ng damit. Syempre bago pa yun, naligo ako pero napaka-rush. Nagpalit ako
kaagad ng uniform. Sumigaw pa siya sa baba ng…

“Bilisan mo nga!” ang bilis naman niya magbihihis!

Kinuha ko lang yung bag ko nun at bumaba na ako ng mabilis. Inayos ko yung uniform ko at konting suklay.. but
then napahinto ako.

Tinawanan niya ako ng malakas.

“Ha? Bakit hindi ka nakabihis? May klase ‘di ba? Bakit ka tumatawa? May dumi ba ako sa mukha? Bakit may gamit
dito sa labas? ANO BA!!!” tapos napatigil siya nung sinigawan ko siya.

“Bakit ka naka-uniform?!?”

“May klase ‘di ba?”

“Wala kaya! Teacher’s workday.”

“Eh bakit sinabi mo sa akin na may klase? Are you trying to make fun of me?” nakapamewang na ako nun.

“No. What I mean by that…” humawak siya sa counter doon sa icing at napatingin ako. Pinahid ba naman sa noo
ko. “You have a class. Cooking class.”

What the barnacle!!! Nagpaka-marathon geek ako tapos sasabihin niya yung klase na tinutukoy niya eh cooking
class?

“Pero ok naman yung suot mo, uniform. I’m teaching you how to cook right rich kid.. Let’s start with baking..”
Tumingin ako sa uniform ko.

“Nah.. hindi pa nagsisimula.. I’m doomed!” tinalikuran ko siya dahil hindi iyon ang linya ko sa buhay.

Humawak siya sa braso ko at inikot niya ako. Ang lapit na naman ng mukha niya.

“I don’t think so. Dapat marunong magluto ang girl.” nilagay niya sa balikat ko yung apron.

Tinulak ko nga siya kasi ang lapit niya.. sobra.

“Bakit naman ako magluluto kung meron namang magluluto para sa akin?”

“Hindi habang buhay may magluluto sa ‘yo. What if mag-asawa ka balang araw then you’ll have your own kids..
hindi ka marunong magluto?!”

“Kaya nga may fast food chains ‘di ba?!”

Umiling siya sa akin. Tapos ngumiti din.

“I’m going to teach you, and you’re going to listen to me. Free tuition fee. You’ll just have to tell your kids that you
learned everything from me…”

“Yeah.. yeah.. from my creepy stepbro.”

“Lesson number 1: No snarling. Ako lang ang dapat gumawa nun.”

“But–”

Hindi ko pa nasasabi yung gusto kong sabihin.. tumuloy na siya.

“Lesson 2: Keep your mind on the stuff your trying to cook.”

“Oo nga but the–”

“Lesson 3: You must give me your heart.” Humarap siya sa oven namin.

“Your rules are really unfair. No snarling…” tapos may napansin ako.

“What did you say number 3 was?”

***17***

“I said, You must give me your heart.” dire-diretso lang siya doon sa pagbubukas niya ng flour.

“Excuse me?!?” what does he mean by that?

“Huwag mo nga akong tignan ng ganyan…” sabi niya sa akin kasi hindi ako kumikilos. “Let’s get to
work.” nakatayo pa rin ako doon. Tinaas ko yung kilay ko. “What?!?” napikon na yata sa akin, “What I’m trying to
say is.. is.. you need your heart to cook. If your heart is not in here…  you can’t cook right..” tapos bumulong siya sa
gilid, malas niya narinig ko. “I guess..”
Should I believe him? Oo siguro. Kung sa isang lalaki lang din naman na maikli ang pasensya sa mundo at ganyan
ang sasabihin sa ‘yo sa pagluluto, paniwalaan mo na.

“Ok.. ok.. hindi naman yun ang tinutukoy ko. Defensive ka! Hindi ako kumikilos kasi hindi ko alam yung
gagawin..” sige Iyah, galingan mo lang dyan.

“Just… STAY STILL!” gusto ko sanang tumawa, kaya lang baka suntukin ako, so ‘wag na lang.

“Yun na nga ginagawa ko eh!”

Kung ganito lang din naman kami, paano kaya ako matututo nito?

“Madaling-madali ito at alam kong kayang-kaya mo. Kailangan natin ng 6 tablespoons of flour..” may sarili siyang
bowl, ako naman may sarili para gagayahin ko siya.

Kumuha ako ng kutsara ko. Nasa harap ko na yung flour, tapos nung kinuha ko eh sinubukan kong pantayin. Hawak
ko sa kanan ko yung kutsara, yung kaliwang index finger ko naman ang pang-pantay ko.

Malapit na sana kaya lang may pumalo ng kamay ko kaya natapon lahat.

*cough* “Bakit mo pinalo yung kamay ko? Natapon tuloy!”

“Hindi naman kailangang pantay eh! Ano ka ba? Are you really this bad at cooking?”

“Don’t make me feel worse..” kinuha ko yung kutsara at nagsasandok ako doon. Sabi niya kahit hindi naman
pantay.. ok.. eto na. 6 Tablespoons.

“Then, 1/4 teaspoon baking powder.” hindi ko na siya tinignan. Naglagay siya sa sariling bowl niya.

Ako naman, nanguha rin at naglagay ng baking powder.

“1 teaspoon cocoa..”

Sinundan ko lang siya hanggang sa matapos kami. Mukhang tama naman siguro yung ginawa ko. Baking is like
learning how to make potions. Add this, add that.. mix all the ingredients… Kaibahan lang, hindi nag-turn ng green
yung ginawa ko.. brown. Cool huh!

Halo pa rin ako ng halo doon. Maya-maya lang, pinalo na naman yung kamay ko.

“Ouch! Huwag mong gawing habit yan! Hindi maganda..” hinimas ko yung kamay ko.

“Ang kulit mo naman kasi eh. Ok na nga yung paghalo mo, naging over naman.” tapos pinunasan niya yung kamay
niya,”Ngayon, ililipat na lang natin sa pan, then ilalagay natin sa oven. 350 siguro pwede na?”

“Anong malay ko! Sinong teacher?”

Nagpipi-pindot siya doon sa oven.. tapos nilagay na namin doon. 14-16 minutes yata yung lulutuin. Pinunasan ko rin
yung kamay ko, tapos umupo ako doon sa gilid.

“Grabe, nakakapagod yun!” sabi ko naman with matching punas pa sa noo ko.

“Napagod ka na dun?” umupo siya sa harapan ko naman.

“Aba.. at least for the first time gumawa ako ng hindi gawa nila Mommy no!”

“Oh yeah, hallelujah!” tinaas niya yung isang kamay niya, “Pwede ka nang maging Santo.”

Sinimangutan ko nga siya. Saglit lang din, nag-ring yung cellphone niya. Ewan ko kung sino nung una, pero ngayon
parang alam ko na.
“Hi Dad.” sabi niya tapos nakinig siya. Bigla ba namang tumingin sa akin. “What do you mean nasaan kami? Tingin
mo nasaan kami? We’re at home.”

“Sweet Home!” tinignan ako ng masama ni Jon, kaya nanahimik na lang ako.

Oh Men! Hindi nga pala kami nagpaalam tungkol doon sa slumber party. Syempre, to the rescue naman ako. Panay
ang oo ni Jon, lakad dito at lakad doon. Nakatingin lang ako sa kanya, finally umupo.

“So.. ano na? Nagalit ba? Anong sabi? Details!”

“Your mom said Hi.” yun lang?

“Wala na? Grabe, ang haba ng usapan Hi lang pala message ko. Hanep!”

Kinuha ko naman yung icing doon sa gilid. Syempre, kinain-kain ko.

“Huwag mo ngang kainin yan, ilalagay pa natin yan sa cake eh!” inagaw niya sa akin.

“Ang damot nito!”

Tumayo siya at yumuko doon sa oven. Hindi naman niya ako tinignan, “May dumi ka nga pala sa noo, sa ilong, at sa
kanang pisngi mo.”

Dahil may salamin doon sa gilid, tumakbo ako at tinignan ko yung sarili ko. I’m a mess! At ang alam ko, yung nasa
noo ko na icing si Jon may gawa niyan. Yung flour all over my face, siya rin kasi pinalo niya yung kamay ko.

Isa lang masasabi ko.. Revenge!

Kinuha ko yung isang kutsara ng flour, at nung hindi siya nakatingin eh binato ko sa direksiyon niya. Nalagyan yung
buhok niya kaya pumuti naman. Ok ah! Parang matandang Jon.

“Ano na naman ngayon?”

“We’re even. Ikaw may gawa nito sa akin eh..” tinalikuran ko nga.

“Tingin mo? Kailan ba tayo naging even? Lamang ako parati.” kinuha niya yung isang baso ng flour.. at binat sa
direksiyon ko. Sa sobrang usok na rin siguro, hindi ako makahinga. Naging ok na rin.

“Ayoko na! Panalo ka na! Ok?” kinuha ko yung tube ng icing, ini-squeeze ko sa kanya gamit yung siko ko. “Ooh,
hindi ko alam nandito pala ‘to? Oopss. my bad!”

Pinunasan naman niya gamit yung kamay niya. Sumunod na lang na alam ko, parehas na kaming mukhang mumu.
Nagkalat na pati sa carpet nila.

“It’s your fault!”

“No it’s not! It’s yours!”

“We have to clean this mess..”

Aawayin ko pa sana eh.. kaya lang tumunog yung oven at ok na. Nagtinginan kami sa isa’t isa.

“Ok na pala eh..”

Para kaming mga ewan na lumapit doon sa cake. Ang init sobra. Yung nasa kaliwa kasi at nasa blue pan, sa kanya.
Yung sa akin naman eh yung nasa kanan, white pan.

Mukhang masarap yung gawa ko ah.

Kakainin ko na sana eh, kaya lang baka paluin yung kamay ko.
“Papalamigin natin ‘to, icu-cut yung sobra tapos lalagyan ng icing. Hindi natin ‘to kakainin ngayon.”

“Ano? Bakit hindi? Niluto-luto natin tapos hindi natin kakainin?.”

“Bukas natin kakainin,” nilagay niya sa gilid. “Oorder na lang ako ng pizza, now, stay away.”

Lalakad sana siya doon  sa phone nila para tumawag, nadulas naman siya. Natawa naman ako.

“Eggs!”

Matapos nung araw na yun, ewan ko na. Basta ang alam ko, kumain kami ng pizza at syempre, nilagyan ng icing
yung cake. Nilinis din namin yung carpet nila, at yun na siguro ang pinakamatagal at pinakanakakapagod na ginawa
ko sa buong buhay ko. Sumakit ba naman yung likod ko.

Sa susunod nga, hindi na ako makikipagtalo dito.

Sabay kaming naligo nun, sa kabilang banyo siya at sa kabila naman ako. Syempre, kanya-kanyang kwarto. Hindi na
kami nakapag -usap.. hanggang kinabukasan.

***

Thursday, 6:30 a.m., Aguillar Residence: Kitchen.

Umiiyak na ako nun. Nakaupo ako doon sa dining table nila, si Jon naman eh nasa harapan ko at kung hindi mo
siguro alam yung nangyari, iba yung iisipin mo. Nakaluhod kasi siya sa harapan ko eh.

“Ayoko na! Nakakainis naman eh!”

“Ano ka ba, ok lang sa akin yun. We can do it some other time. I knew baking wasn’t a good idea!”

Pinunasan ko yung luha ko.

“Not helping!”

Umupo na siya sa tabi ko.

“Look, masarap naman siya eh, Yun nga lang, nasobrahan siguro yung lagay mo ng tubig kaya… eto..” tinikman
niya, “mas matigas lang ng kaunti sa pudding.”

Nag-wrap siya ng cake sa amin parehas at dadalhin daw namin sa school para kainin sa break. Syempre, kukunin
niya yung sa kanya at yun yung masarap, at sa akin eh yung walang kwenta.

Naging ok naman na ako nun. I just can’t believe myself. I can’t do anything right! Siguro nga mas ok pa si Jon sa
akin eh. At least siya kahit bad boy effect, marunong magluto.

Pumunta na kami sa school. Bago na naman kami pumasok, naghiwalay na kami gaya ng dati. At katulad ng
agreement namin, walang usapan maliban kung kailangan.

Nagklase naman kami. Dahil nga dalawang period lang bago ang breaktime, saglit lang din.. nilabas ko na yung
cake. Tinanggal ko sa pagkaka-wrap at tinignan ko lang.

“Wow Iyah, may cake ka!”

“Oo nga eh..” malungkot pa rin ako, “I made this.”

“Really?” umupo siya, “Himala yata. Patikim nga..” kinuha naman ni Sheena yun at tumikim.

Pinikit ko naman yung mata ko. Alam ko na sasabihin niyan. Either, ‘Ok lang,’ o kaya naman… ‘Uhmm.. pwede na
rin.’

“This is awesome! Ang sarap niya ha!”


Ha? Inagaw ko naman sa kanya. Supposed to be, pudding-like ito eh.

Tinikman ko naman. This isn’t mine. Masarap eh.

Tumingin ako sa direksiyon ni Jon na nasa kabilang side ng room. For some reason, tumingin siya sa direksyon ko
tapos inalis din niya. Hawak niya yung cake na dala-dala niya.

May tumikim din na guy. Buti na lang walang nakapansin na parehas kami ng  baon.

Narinig ko naman yung sinabi niya..

“Masarap ‘di ba?” nung sinabi niya yun, seryosong-seryoso yung mukha niya.

“Uhmmm.. yeah. Ikaw ba nag-bake?” sabi nung isang classmate namin.

“Nah,” ngumiti, tapos tumingin uli sa akin, “My sister made it.”

So… pinagpalit niya yung sa amin.

“May sister ka?”

“Sister, as in expression. Not literally..”

Phew! Marunong pala siyang lumusot eh. Yumuko na lang ako doon. Si Sheena, nagpunta na sa bathroom.

Nakatingin pa rin ako sa kanya nung kinakain niya yung cake na ginawa ko. Ewan ko kung paano niya
napapagtiyagaan yun.

Saglit lang din…

Kinindatan niya ko…

***18***

Hindi ko alam kung paano magre-react kaya ang ginawa ko, dumila na lang ako. Natawa nga siya sa akin kaya
nahulog yung cake na kinakain niya na nasa tinidor, nalagyan tuloy yung polo niya. Dahil madumi na, tinanggal
niya na ng tuluyan.

Inubos ko naman yung cake na binake ni Jon. Grabe, may talent talaga siya. Walang-wala si Iyah!!!

Hindi na ako umuwi ng tanghali para kumain. Tiyak naman wala kaming pagkain sa bahay kaya sumabay na lang
ako sa ibang classmates ko sa cafeteria. Medyo nakahiwalay sila sa akin, tapos may napansin naman ako. Nandun
din kasi si Michalea kasama na naman si Larry.

“Iyah!” sumigaw naman si Michaela nung nakita niya ako.

“Hey..”

“Si Jon?”

“Uhmmm… hindi ko alam eh. Pakalat-kalat siguro. Bakit?”


Naka-todo ngiti pa siya sa akin.

“May sasabihin lang sana ako sa kanya.” inayos niya yung buhok niya, “Mamaya na lang siguro. Hindi ko na kasi
siya nakakausap. Alam mo na, kailangan ko lang talaga siyang kausapin.. Sige pala, kita na lang tayo mamaya.”

Nag-wave lang siya sa akin at umalis na. Nakasunod kasi si Larry sa kanya.

Bago pa mag-time ng hapon, dumaan na ako sa bathroom para magayos-ayos. Nagklase kami sa Filipino at eto na
naman yung El Fili na talagang hindi ko naman maintindihan. May problema kasi sa pandinig yung teacher namin
doon at one time na may recitation kami sinubukan ko nga dati na sumagot lang na mukhang alam ko at malalalim
na salita yung ginamit ko, naka-perfect grade pa ako. Ni-hindi ko naman alam kung ano yung sinabi ko. Nagtawanan
nga yung mga classmates ko nun eh.

Walang masyadong ginawa nung sumunod na period. Ganito naman parati kapag Senior ka, once in a blue moon
may free time, grabe naman kung may research. Pero ang pinakaayaw ko sa lahat…

“Ok class, sa field tayo!” sumigaw naman yung P.E teacher namin.

Tumingin ako nun kay Vina.

“Huwag mo akong tignan ng ganyan Iyah, parehas lang tayong nag-aaral dito.”

“Ayoko talaga!”

“Kasama natin 4-4 ngayon eh. Soccer game. Girls versus girls nila, Boys versus boys.”

Gusto na namang sumakit ng ulo ko. Grabeng pasakit na ito.

Naglakad na kami sa field nun. Nilabas na naman yung bola at kung anu-ano pa na kagamitan na hindi ko naman
maintindihan.

Merong ginawang number yung teacher namin para sa mga players. Napunta sa akin yung number 9.

“Iyah!” lumingon naman ako kung sino yung tumatawag. Pagtingin ko..

Itago niyo ko!

“B-brenan..”

“Pwede ba tayong mag-usap?”

“Usap? Hmm.. para saan? Kung tung–” hindi ko yata kayang harapin ‘tong tao na ito.

Hindi ko pa tapos sabihin kung ano man yung sasabihin ko, may sumagot naman sa likuran ko.

“Oo nga, para saan?” tumayo si Jon doon sa harapan niya para harangan ako.

Mas matangkad pala siya kay Brenan..

“Pare, gusto ko lang sana siyang kausapin kung pwede..” tinuro ako ni Brenan,

“Paano kung hindi pwede?”

“Hindi naman matagal, importante lang talaga.”

“Hindi nga pwede… naiintindihan mo? Sabi ko sa ‘yo huwag kang lalapit sa kanya at huwag ka ring magpapakita sa
akin. Pasalamat ka nasa school tayo ngayon.. umalis ka na sa harapan ko..”

Napikon na yata si Brenan sa kanya kaya nagtaas na rin ng boses.


“Ano bang problema mo? Si Iyah naman ang gusto kong kausapin at hindi ikaw! Kaanu-ano ka ba niya? Hindi ka
naman niya boyfriend ah! Ikaw ang umalis sa harapan ko!”

“Hindi nga niya ako boyfriend, pero mas may–”

Nakakaamoy na ako ng away nun. Dahil medyo malayu-layo yung teacher namin, akala niya nagdadaldalan lang
kami.

Inawat ko naman sila.

“Jon.. hey Brenan..” tumingin sila parehas sa akin, “O sige kakausapin kita..”

Lalong nagalit si Jon.

“Kakausapin mo itong siraulo na ito?!? Nag-iisip ka ba?”

“Oo! Gusto ko lang maliwanag lahat para tapos na.”

Ngumisi naman si Brenan.

“Ok! 3 minutes.”

“5..”

“4..”

“6 minutes..”

“Ano ba! Hindi naman aabutin ng ganun katagal para sabihin man kung ano yung gustong sabihin
nito!” pakiramdam ko gusto niyang magwala hindi lang niya magawa.

“You wanna’ go for 7 minutes?”

“Fine! 5 minutes!”

See how that works? Nanalo pa rin ako in the end.

“Just so you know, papanoorin ko kayo dito.”

Naglakad kami ni Brenan papalayo na medyo walang nakakarinig sa amin. Kinabahan ako nun. Pero dahil nandito
kami sa school, tiyak naman walang mangyayari sa akin ‘di maganda rito. Isa pa, mukhang seryoso naman talaga
siya kung ano man yung sasabihin niya.

Finally, huminto rin kami.

“Ano ba yun?” kunwari pa ako, kahit alam ko naman na kung ano.

“About.. the last time, sa slumber party.”

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko, kaya iniwas ko na lang yung tingin ko.

“I’m drunk. Nung gabing yun, kalahati ng ginawa ko hindi ko na matandaan. Hindi ko nga rin alam kung ilan na
yung ininom ko nun eh.” tapos tumingin siya sa akin, “Nung sinali nila ako sa game, medyo hilo na ako nun pero
hindi ko lang inaamin. Nakiupo na rin si Jon nun sa amin dahil hinila siya nung ibang mga guys, kaya lang mukhang
may hinahanap kaya umalis din kaagad. Sa kanya nga huminto yung bote nun. Sabi niya wala daw siyang panahon
para maglaro ng walang kwentang laro. Dahil alam kong sa kanya hihinto, doon ako umupo, kaya ako yung
nakasama mo sa kwarto for 15 minutes.”

So you’re telling me, jon’s supposed to be—… that’s neat! Sabi niya may hinahanap si Jon, that’s probably me.

“Yeah.. ok.. I got that part.”


“I know I screwed up. Kapag nalalasing ako, hindi ko na alam yung sinasabi ko. Pero sa totoo lang, I like you alot
Iyah. I’m sorry for being stupid in front of you..”

I’m sorry you’re stupid too..

Iyah! Ang mean mo ha! Nagso-sorry na yung tao..

“You didn’t mean it?”

“I don’t! I swear. I’m so sorry. Sorry.. sorry.. sorry talaga. Please forgive me!” sabi niya sa akin na talagang kakaiba
na yung mukha niya, “Anong gusto mong gawin ko? Suntukin mo ko, sampalin.. ikaw bahala..”

Natawa naman ako sa kanya nun.

“Ikaw naman, ok I forgive you. You told me you didn’t mean it, I understand. I’m probably violent at times, but I
won’t hit you this time. Just do me a favor.. and that’s it.”

“Ano yun?”

Lumapit ako sa kanya at may binulong ako. Nahirapan nga ako kasi mas matangkad siya sa akin kaya nagtip-toe
ako. Pagkatapos nun..

… tumango lang siya sa akin.

Bumalik na kami sa mga classmates namin. Siya naman, sumama na doon sa mga 4-4 guys. Malapit na kaming
magsimula. Si Jon naman, parang tigre at gusto yatang mangain ng tao.

“Ano namang ibig sabihin nun? Kanina lang medyo galit ka sa kanya, may sinabi lang sa ‘yo close na kayo?”

Nakangiti pa ako nun. Bigla na lang nawala.

“Ang alin? Yung sinabi ko sa kanya?”

Inayos niya yung knee pad niya.

“Oh yeah, what do I know? I’m just Jon..” lumakad siya papalayo sa akin.

Ang laki talaga ng problema nun!

Pumito naman yung teacher namin. Pinaupo kami sa pinakagilid ng field at nag-check ng attendance. Syempre,
magsisimula na yung soccer game. Inuna naman yung mga babae, kaya mabilis namang natapos kasi hindi naman
kami magagaling. Ako na siguro ang pinakamabagal tumakbo dahil panay ang sigaw sa akin nung teacher ko.

Tuwing napapatingin ako sa gilid, lalaong nawawala yung concetration ko. Si Brenan kumakaway habang nakangiti,
si Jon naman nakaupo doon sa gilid na akala mo walang pakialam sa mundo.

Pumito uli yung teacher namin, guys naman ang maglalaro.

Isa sa pinakahuling tumayo si Jon.

Nakita kong nagpunta sa goal si Brenan. Siya pala ang goalkeeper. Naglabas naman ng tatlong bola kaya nag-
practice si Jon saka yung ibang classmate namin sa kabilang goal. Seryosong-seryoso yung mukha niya, nakakatakot
nga eh. Parang nakita ko na yun…

Saglit lang din.. simula na.

Aaminin ko, hindi ako nakakaintindi ng soccer pero kaya kong i-describe kung ano yung nangyayari. Nasa mga
guys ng class namin yung bola, kaya pinagpasa-pasahan nila. Tumakbo sila ng tumakbo at sumipa ng bola hanggang
sa malapit na sila sa goal ng 4-4. Nag-ready naman na si Brenan.
Sinipa naman kay Jon yung bola. Diretsong-diretso siyang tumingin. Inapakan niya yung bola nung huminto siya…

.. then sumipa ng malakas. ANg hindi mo inaasahan, natumba si Brenan kahit nasalo niya yung bola.

Nag-whoa naman kaming mga nasa gilid. Nag-thumbs up si Brenan kaya ok pa daw siya. Tinuloy naman yung
game.

Hindi pa nagtatagal, nakay-Jon na naman uli yung bola. Nasa harap na naman siya. Sinipa niya uli yung bola, this
time, napaatras lang si Brenan.

Ganun ng ganun yung game. Aakalain mong dekorasyon lang yung mga nasa team kasi hindi shini-share ni Jon
yung bola once na nasa kanya na. Sisipa siya, sasaluhin ni Brenan. Sisipa, sasaluhin. Aatras, matutumba… ganun
parati.

Nung 1 minute something na lang yung oras at ready na namang sumipa si Jon, meron kaming hindi inasahan.
Pagsipang-pagsipa niya, umilag si Brenan na akala mong pinadaan niya talaga yung bola at hindi niya sinalo.

Score.. 1-0. Saka lang tumalikod si Jon.

Umupo na sa gilid si Brenan. Akala ko kung anong nangyari sa kanya, tapos lumapit yung teacher sa kanya.

“Class, magpalit na kayo. Dadalhin ko lang si Brenan sa clinic.” inalalayan naman siya at umalis na sila.

Ano bang nangyari? Ok naman sila maglaro. Match na match nga sila ni Jon eh. Eh bakit yung huling tira iniwasan
niya? Hindi ko naman maintindihan yun.

Tumayo na rin ako. Hindi na ako hinintay nila Vina dahil sa sobrang bagal ko. Tinanggal ni Jon yung elbow pads
niya at tumingin sa akin.

“Anong nangyari sa kanya?”

Hindi siya nakatingin sa akin nun. Nkatayo lang ako sa gilid niya na para bang ewan.

“He’s bleeding.” pagkatapos niyang sinabi yun, nagsimula na siyang maglakad.

He’s bleeding? Hindi ko yata nakita.

“Nasugatan na yung kamay niya nung unang sumipa ako. Gasgas pa lang nung una. Sinasalo niya parati.. kaya
ayun..”

Ganun siya kalakas sumipa ng bola?

Pumasok siya sa locker room ng guys, at ako naman sa girls. Dahil may natitira pang time namin doon sa PE, hindi
ako na-late sa susunod na period. Naging usap-usapan naman yung PE class. Kakaiba kasi sila pare-parehas nun.
Yung mga girls panay ang tingin kay Jon, yung iba naman walang pakialam.

Pero ako naman… ewan ko kung anong pakiramdam ko.

Umattend kami ng dalawa pang klase, tapos uwian naman na. Sumabay ako kay Vina at Sheena sa cafeteria. At yun
nga, tinanong naman nila ako.

“Oi, anong nangyari kay Double B?”

“Oo nga, parang galit na galit sa mundo ah. Nakita mo sumipa ng bola? Kaya napapaatras si Brenan o kaya
natutumba.. ang lakas sumipa!”

Hindi naman ako masyadong nakikinig nun. Nag-snap lang sila sa harapan ko.

“Anong problema ng stepbro mo?”


“HINDI KO ALAM!” nagulat sila parehas sa akin dahil sumigaw ako, “Hindi ko alam.”

Tumingin ako palabas nun. Nakita ko na naman si Michaela. This time, kasama na niya si Jon. Oo nga pala, may
gusto nga pala siyang sabihin. Hindi ko nabanggit kay Jon kanina. Pero hindi naman na kailangan.

Nakatayo lang si Jon doon, kung titignan mo sa view dito, mukhang hindi naman siya nakikinig kung ano man yung
sinasabi ni Michaela. Ang tagal-tagal kong nakatingin sa kanila, ni-hindi ko na nga alam kung ano yung pinag-
uusapan nila Sheena. Dahil hindi naman ako nakikinig sa kanila, nagpaalam din sila sa akin na para bang nagtataka
at wala ako sa sarili ko. Mag-isa na lang ako kumain dun. Nung naubos ko na yung iniinom ko, umalis na rin ako.

Naglakad na ako mula sa cafeteria hanggang sa locker ko. Konti na lang yung tao sa school. Nung nasa corridor nga
ako, may paisa-isa o tatlong tao na lang nakikita ko. Binuksan ko na yung locker ko at sinimulan kong kunin yung
gamit ko. Dahil nga sobrang tahimik na dun.. nagulat na lang ako nung may bumagsak na dalawang kamay at nag-
lean doon sa gilid ng locker katabi ko. Bumilis tuloy yung tibok ng puso ko at nahulog yung gamit ko.

“Jon! Grabe ka… nakakatakot ka naman!” sabi ko sa kanya pero nakahawak pa rin siya sa locker.

Tumingin siya sa akin. Pero parang galit pa rin siya na ‘di ko maintindihan. Ang gulo…

“Mag-sorry ka nga kay Brenan! Bakit mo naman ginanun yung tao..”

Hindi ko naman inaasahan, humawak siya sa dalawang balikat ko. Sobrang higpit. Ang higpit talaga…

“Oi ano ba!”

“Alam mo kung anong problema?!?” sabi niya sa akin, niyugyog ba naman ako.

Kung hindi ko lang talaga alam na stepbro ko siya,.. natatakot na ko.

“Jon!!” ang higpit niya humawak nun.

Tinaas niya yung isang kamay niya. Nag-close yung fist niya. Alam kong susuntukin niya ako. Ano ba siya! Akala
ko ba hindi siya nananakit ng babae? bakit susuntukin niya ako?

Nung malapit na yung kamay niya na tatama sa akin… pinikit ko na yung mata ko. Ganun na ba kalaki kasalanan ko
para suntukin niya ako?

Habang hinihintay ko yung kamay niya na tumama sa akin.. hindi ako makatingin nun at pinilit kong iiwas yung ulo
ko sa sobrang takot. Pero hindi suntok yung naramdaman ko… hindi nga dumating…

Niyakap na lang niya ko…

***19***

Nagulat talaga ako sa kanya nung yumakap siya. Akala ko kasi susuntukin niya ako. Pero anong nangyayari
ngayon?

Hindi ko alam. Hindi ko nga rin maintindihan eh.

“Ok ka lang?” yun na lang nasabi ko.


Yung kanang kamay ko eh hinawak ko na lang sa likod niya, yung kaliwang kamay ko eh nakababa lang. Ang tagal
niyang hindi kumikilos, hindi nagsasalita at nakayakap lang dun.

Parehas kaming tahimik at tingin ko wala na ring tao sa school. Humiwalay din siya sa wakas.

“Sorry.” inayos niya yung pagkakahawak niya sa bag niya tapos iniwan akong nandun sa locker ko.

Tignan mo itong tao na ito, yumakap sa akin tapos ngayon iniiwan ako. Ang gulo ha?

Sinara ko yung locker ko at pinulot ko naman yung mga gamit ko na nahulog kanina. Hindi ko pa nga masyadong
naaayos, pero hindi na yun mahalaga. Humabol ako sa kanya at malapit na siya sa gate nun.

“Jon! Jon saglit lang!” hindi naman siya huminto sa paglalakad niya kaya binilisan ko na lang yung takbo ko. “May
problema ba?”

“Tingin mo?!?” sabi niya sa akin.

Nagsabay kaming maglakad nun. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kulitin kung ano yung problema niya,
mukhang hindi kasi makakabuti kung gagawin ko. Pero sa totoo lang, gusto ko rin namang malaman.

Nung nasa bahay na kami, dire-diretso lang siya doon sa taas at walang sinabi sa akin. Tinignan ko pa nga siya nun
at hindi niya alam, narinig kong sinara niya ng malakas uyng pintuan niya.

Hindi naman ako mapakali sa baba nun, kaya ang ginawa ko eh nagbihis na lang ako ng mabilis at bumaba.
Nagugutom na rin kasi ako nun kaya lang hindi naman ako marunong magluto pero dapat siguro i-try ko.

Binuksan ko yung pantry nila. Ano bang meron??? Ayun..

Nakakita ako ng instant mashed potato doon na susundan mo lang yung instructions eh ok na. Sa freezer naman nila,
may chicken nuggets na ilalagay mo na lang sa oven. Siguro nga kung may alaga siguro akong bata, hindi magiging
malusog sa akin yun dahil panay instant ang ipapakain ko sa kanya.

Hindi ko talaga iniwan yung mashed potato at yung chicken nuggets doon. Inabangan ko talaga hanggang sa
tumunog yung oven. Nilabas ko naman. Napaso pa nga ako kaya nag-mark ng red yung dulo ng daliri ko. Ang sakit
nga eh..  pero ok lang.

Bago ako umakyat sa hagdan, hawak-hawak ko yung chicken nuggets sa kaliwang kamay ko at yung mashed
potatoes naman sa kabila. Tatanungin ko siya kung nagugutom siya. Kasi ako oo eh, siguro siya rin.

Nakakadalawang hakbang pa lang ako, napababa na naman ako. Bakit naman ako pupunta doon? Naman.. naman!!!
Iyah?!? Tatanungin mo lang siya naduduwag ka? Sus para yun lang?

Aba.. sinong duwag! Aakyat yata ako!

Umakyat nga ako at mukha akong ewan na may dala-dala doon. Nung nasa harap na ako ng pintuan niya, tumayo
lang ako doon at hini ko yata kayang kumatok.

Ok Iyah, may time pa para umatras.

Pero hindi ko ginawa. Instead, nag-practice ako doon. Ewan ko ba, nakakatakot kasi si Jon at baka sigawan ako.
Easy lang…

“Hey Jon.. may chicken nuggets at mashed potato akong dala…” nah.. masyadong direct naman. Try again, “Gusto
mong kumain..” tapos umarte ako mag-isa na inaabot-abot ko sa invisible na Jon yung dala-dala ko. Para akong
ewan dito na wala namang kausap.

Lumakad ako pakaliwa at pakanan.

“JON?” mataas masyado, “jon.. uh.. Jon.” crap!


“Yeah?” napaharap ako sa kanya, alam ko stunned yung itsura ko, “Anong ginagawa mo?”

Hindi ko alam na binuksan na pala niya yung pinto niya. Nakakahiya talaga!

“Ah.. eh..” lunok, “P-pot-tato N-nnuggets?” todo stretch pa talaga yung kamay ko para iabot ko sa kanya at kumagat
ako doon sa isang potato nuggets. Nataranta yata ako masyado.

Ano daw Iyah? San galing yun?

“Uhmm.. sure, thanks.” nag-sign siya na pumasok ako doon sa kwarto niya.

Pumasok naman ako at naupo ako doon sa sofa sa gilid at doon ko nilapag sa table katabi ng kama niya yung
pagkain. Nung una hindi pa ako mapakali, kaya tumayo na ako.

“Wala pa lang tubig, nakalimutan ko.” papaalis na sana ako, kaya lang humawak siya sa braso ko.

“I’ll get it.”

Lumabas siya ng kwarto niya. Parang barko yata yung paa nun dahil naririnig ko pa siya hanggang sa nakakababa
siya ng hagdan. Ako naman, inikot ko yung paningin ko sa kwarto niya.

Sa katunayan, simple lang talaga yung kwarto niya. Bukod sa may walk-in closet siya, may cabinets, miniature
model ng basketball players (hmmm, mahilig siya?), cd’s, tv, dvd player, at kung anik-anik… simple lang talaga.

Sa may side table niya, may pictures din. Nung tinignan ko… It’s him. Pero bata pa siya. And the girl beside her
is…Michaela.

“I’m already 10 that time, 11 naman siya..” muntik-muntikan ko na namang mahulog yung frame. Grabe naman
‘tong lalaking ‘to, parang multo.

“Yeah.. I noticed. Bata pa kasi kayo diyan eh..”

Umupo ako ng maayos. Nilapag naman niya yung tubig sa pinaglagyan kong table. Kinuha naman niya yung niluto
ko at nagsimulang kumain.

“Ok ka naman palang magluto kapag instant..” sinabi niya yun pero hindi siya nakatingin sa akin.

“Instant lang kasi ang kaya ko eh, si Mommy kasi hindi ako tinuruan magluto..” napakamot naman ako ng ulo
ko, “Should I say, ayoko siguro matuto before.”

“Gaano na kayo katagal dito?”

“Somewhere around 4 or 5 years..”

“Hindi mo ba namimiss ang America?” dire-diretso pa rin siya sa pagkain niya.

“Nung una, oo madalas. Pero ngayon, minsan na lang kapag naalala ko. Pero madalas, ok na ko dito.”

Pinanood ko lang siya kumain nun. Titingin sa akin tapos magtatanong, tapos mamaya wala na naman. Tatahimik,
magsasalita.. hindi mo nga malaman eh.

“Matagal mo na bang kaibigan si Michaela?” curiousity kills the cat!

“Hmm.. 4 ako nung lumipat kami sa lugar nila.. hindi pa kami nag-uusap nun. So basically, 5 years old ko na siya
naging kaibigan. Iisang compound lang kasi kami nun..”

5 years old? Wow. I never had a friend that lasted that long!

“So, kilala niyo na talaga ang isa’t isa.”

“You can say that in theory.. but no, not at all.”


The heck? Ano daw?

“You mean, you never shared secrets and all that?” ewan ko ba kung bakit gusto ko makipag-usap dito.

“Kalaro ko siya nung bata pa ako. And yes, we shared secrets. Halos lahat na yata napag-usapan na namin..”

“Wow.. so the two of you are closer than close..”

Naubos naman niya yung chicken nuggets niya. Nilapag niya sa gilid yung bowl, tapos sumandal doon sa headboard
ng kama niya.

“Magkasabay na kaming lumaki. Sanay na rin ako sa kanya. I consider her as my bestfriend.. she considered me as
herbrother..” umiwas siya ng kaunti, tapos tinuloy niya, “I’d fight for her if I have to…”

“So you love her.”

“What–ah.. hell, what do you mean I love her?” sabi niya na parang nagagalit na sa akin, pero wala na nasabi ko na.

“Sabi ko mahal mo siya.”

“Syempre, bestfriend ko siya..” nagsalubong na naman yung kilay niya.

“Not that. You love her, not as your bestfriend.. more than that.”

Tumayo naman siya nun tinalikuran ako. Ewan ko kung anong kinakagalit niya.

“Let’s change the topic..”

“Ayaw mo lang kasi aminin sa sarili mo eh, may gusto ka sa kanya. Pero dahil nasanay ka na bestfriend ang turing
mo sa kanya, sinusubukan mong i-limit doon.” siguro naman tama ako. Nung unang-unang nakilala ko si Michaela,
yung tingin ni Jon sa kanya parang kakaiba.

Especially nung reception at sinayaw ni Jon si Michaela.

“I don’t.”

“Bakit ba ayaw mong i-admit? Kung hindi ko lang alam, nagseselos ka naman kung may kasama siyang ibang guys
‘di ba?” tinignan ko siya, nag-smirk, “Like Larry for instance?”

Nagulat ako sa kanya nung sinuntok niya yung headboard. Sa sobrang lakas, bumilis yung tibok ng puso ko.

“It’s too late… sinagot niya na.”

Oh My God. Hindi man niya sinabi, inamin na rin niya sa akin na may gusto siya kay Michaela. And to tell you
guys the truth, I felt something. Hindi ko nga lang alam kung ano.

“She told me.. at school.” umupo siya doon sa gilid.

That answers some of my questions. Yung gustong sabihin ni Michaela sa kanya, yun ay dahil sinagot na niya si
Larry. Sinabi niya kay Jon dahil nga, magkaibigan sila.

And then, nasaktan siya doon. Wala man lang siyang laban kay Larry dahil hindi naman niya maamin kay Michaela
na may gusto siya. Dahil ano? Michaela treats him as her brother. How complicated is that?

“Now you know, keep your mouth shut. Ayokong iwasan niya ako…” tumingin siya ng mabilis, tapos yumuko.

“I– I won’t tell her. Pero sana–”

“Just, be quiet about it.”

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko, kaya tumayo na ako.


“Kukunin ko na ito ha, huhugasan ko na pala sa baba.” gusto ko lang munang umalis ako doon.

Binuhat ko na yung bowl na dala-dala ko kanina. Hindi man ako masyadong nagtagal sa kwarto niya, may nalaman
ako kahit papaano.

Nasa pintuan pa lang ako nun, tinawag naman niya ako.

“Hey..”

Lumingon naman ako.

“Bakit?”

“I have alot of things that I keep in my mind that is more important…than the ones I shared..” another guy
calculation? ano daw?

Tumayo naman siya at lumapit sa akin…

“By the way.. anong nangyari sa daliri mo? It’s.. red.”

“I…ah… napaso eh.”

“Ooh.. may pot holders naman ah..” tinapik niya yung balikat ko..

“Just be careful next time..”

***20***

Kahit ganyan yang si Jon, kahit papaano eh may napapansin din naman ako. Siguro nga bad boy siya in general, he
can be rude sometimes (well.. uh, always yata?), at syempre.. walang pakialam sa mundo, meron at meron pa ring
time na may sinasabi siya na talagang na-aapreciate ko. Yes, it’s kinda’ sweet. Although he’s not aware about it, but
I do.

Isa pa sa napansin ko, he’s not cussing at all. I heard him say, ‘hell, stupid, crap’ and all those kind of words… but
never, curse words. That makes his ‘bad boy effect’… different.

Nung nakalabas na ako sa kwarto niya at iniwan ko sa baba yung pinagkainan niya na rin, nilagay ko na lang sa
dishwasher nila. Meron naman pala nito bakit magpapakahirap pa ako?

Hanggang sa natapos akong mag-ayos doon sa baba, hindi ko na siya inistorbo. Dumeretso na lang ako sa kwarto ko
matapos magpalit ng Pj’s at mag-toothbrush.. at matutulog na ako. Pero bago ko pinikit yung mata ko, tinignan ko
yung daliri ko. First time na nagluto ako ng itlog, nasunog ko. Ngayon namang instant at medyo ok ang
kinalabasan… napaso naman ako.

Ano naman kaya sa susunod?

***

Hindi kami masyadong nag-usap ni Jon habang naglalakad kami papunta ng school, kahit lagi naman. Para ngang
ewan kasi hangin lang talaga maririnig mo. Ang kakaiba nga lang ngayong araw na ito sa ibang araw na pumasok
kami, sinabayan niya pa rin akong maglakad hanggang sa loob ng school. Alam kong may mga nakatingin nun sa
amin, pero ako naman eh diretso lang ang tingin at walang pakialam sa mundo. Matusok sana ang mga mata ni sa
kakatingin.

Pinatawag naman kaming mga 4th year para i-discuss yung aming academic history. Binigay sa amin isa-isa yung
papel kung anong mga class na yung nagawa namin. So far, ok naman yung kinalabasan ng mga naging grades ko.
Kaya lang ang nakalagay doon sa dulo, wala pa akong sinalihan na extra curricular activities na may credit. Hello?
Sumali kaya ako sa Dance team dati para sa room namin, does that count?

Bulungan naman ng bulungan doon sa auditorium. Ang ingay nga eh. Mabuti na lang at may microphone yung
guidance councillor kaya naririnig pa rin namin. Tumahimik naman lahat.

“4th years… please be quiet.” sabi niya doon sa gitna. “Alam kong nakalagay na diyan yung mga classes na ginawa
niyo before. You have to remember kapag may na-fail kayo na class, kailangan niyong i-take yun as saturday
classes. Alam kong iilan lang naman sa inyo yun.” tumingin siya doon sa gilid na mga guys. “As for the others, kung
wala kayong extra curricular na sinalihan, kailangan niyong sumali kahit isa to graduate.”

Napatingin naman ako kay Vina na nasa gilid ko.

“I can’t believe it! Wala man lang akong sinalihan na extra curricular kahit isa? Alam ko meron na ah!” inagaw ko
yung papel niya, “10? Straight A’s? You really are boring Vina. Look at my report card, A’s and B’s.”

“Anong A’s and B’s na naman pinagsasasabi mo? May letra ba dito? numbers lang meron ah!”

Tinignan ko naman si Sheena. Pasaway talaga ito. Tinapik naman siya ni Vina.

“Sheena, 80-89 is B, 90-99 is A. Got it?”

“Ganun pala yun? Eh bakit sabi ni Iyah panay A’s and B’s siya, nakalimutan mo yata yung 79.8 oh!” tinuro niya
yung grade ko.

“Gym class lang yan no nung first quarter! Isa pa nakita mo naman nng second quarter, 85 na.. which means..
B!” kainis, panira talaga ng grades ang Gym..

Nung natapos yung walang kwentang discussion ng academic history, pinaiwan nung teacher namin sa MAPEH
yung section 2 at section 1. Kaya ayun, nakaupo pa rin kami doon. Akala ko na naman kung anong gagawin namin..
doon pala kami magka-klase. Dahil iisa lang yung teacher namin, pare-parehas kaming health ang pag-aaralan.
Which totally includes…

“Parenting Skills. You have to learn how to deal with kids.”

Sabay-sabay kaming nagtawanan sa teacher namin. Nag-sign siya na makinig kami.

“Section 2 na class ko, kinausap ko na yung teacher niyo at sinabi ko na hihiramin ko kayo. Pinagsama ko na itong
klase na ito dahil mas maraming babae sa section 1, mas maraming lalaki sa section 2. Now everyone,
listen..” tumahimik kami sabay-sabay, “For two weeks, one girl and one boy will pair up and you will be parents of
sensored babies..”

Syempre, pare-parehas kaming nagreklamo. Sensored babies? Nah-uh. Let me tell ya’ what is it.

Sa school kasi namin, may parenting skills sa health class. May mga sensored babies na provided na aalagaan mo.
At first glance, it looks like dolls. Pero hindi basta-bastang dolls. Just like real babies, it cries, it burps, it laughs,
makes funny noises, at higit sa lahat.. may sound kapag kumakain. May sensor yung babies na yun. So when it
started to cry, you have to try everything.. from feeding it, changing the diapers.. and all those crap.

“Wala nang mareklamo diyan sa inyo. Now, pick your partners. Piliin niyo ng maigi dahil itong parenting na ito eh
worth 25% ng grades niyo. So, stand up..”
Sabay-sabay kaming tumayo at nag-pair naman na yung ibang girls and guys. Sina Vina at Sheena eh nakipag-
partner doon sa dalawang guys na classmate namin.

Nandun pa rin ako sa gitna at hindi ko malaman kung sino ang ipapartner ko. Hindi ko naman kilala yung ibang
guys. Katabi ko pa si Michaela nun.. nagulat nga ako kasi humawak siya sa balikat ko. Section 2 pala siya?

“Hey.. may partner ka na?”

“Wala pa eh..”

ANg ingay-ingay nun sa auditorium. May umapak pa nga sa rubber shoes ko kaya yumuko ako at tinali ko pa yung
sintas ko. Napansin ko na nun si Jon na papalapit sa direksiyon namin, tapos huminto sa harap ni MIchaela.

“Hi Jon! Partner tayo?” naka-todo ngiti pa siya kay Jon tapos hahawak na sana siya sa braso ni Jon, kaya lang
dinaanan siya.

Umupo naman siya para ka-level niya yung mukha ko.

“Partner tayo?”

Napatingin ako kay Michaela nun. Nakatingin din siya sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong umoo o hindi
dahil dinaanan lang siya ni Jon.

Nakakalito naman.

“Uhmm.. actually..” iniisip ko pa yung isasagot ko.

Hindi naman nagtagal, may lumapit naman kay Michaela at niyaya siya maging partner. Sabay kaming tumingin ni
Jon. Mukhang ayaw pa nga ni Michaela nung una, pero pumayag din.

“So.. partner na kita.”

Binigay naman sa amin isa-isa yung baby kaya nagtinginan kami lahat. Yung iba naman eh tumawa lalo na nung
umiyak yung baby nung iba.

Inabot naman sa amin yung Baby handbook kung saan mo ilo-log yung mga activities ng baby.

“Handbook?” tinignan ko naman isa-isa.

“Look at this stuff?!? Time of diaper change.. time of..” kakaiba na yung mukha niya, “Isusulat pa natin yun?”

Lumapit yung teacher namin sa amin at inabot yung baby sa akin. Syempre, may nililista pala siya.

“Sinong partner mo Iyah?”

“Si Jon po.” tinuro ko si Jon.

Ngumiti yung teacher ko sa amin. Bakit naman kaya?  “Last time sa soccer kayo madalas napagtatapat, ngayon sa
parenting. Well, good luck na lang. I hope you two can handle it. Anong name ng baby niyo?”

“HA? WE HAVE TO NAME IT?!”

“Of course.”

Nataranta naman ako. Ano bang pangalan pwede? Pedro? Fulgencio? Annie Batumbakal?

“Pangalan.. ano ba? Kailangan ba talaga?”

“Kahit ano..”
Busy naman si Jon doon sa handbook. Hawak ko naman yung baby na nasa stroller. Kabwisit naman itong sensored
baby na ito! Ano namang malay ko diyan? Name? Crispin?

“It’s.. Jonnicole S. Aguillar.” nagulat na lang ako sa kanya kaya napanganga ako. “Girl naman yung baby ‘di ba?”

Iyah.. ang bibig isara baka may langaw.

Tumango lang yung teacher namin, nagsulat tapos umalis din.

Jonnicole S. Aguillar??? Combined yung names namin?

***21***

Ito na naman ako, hindi ko na naman alam ang dapat sabihin kaya tumingin lang ako sa kanya. Siya naman, nilabas
yung ballpen niya at inabot yung Baby handbook sa akin.

“Anong gagawin ko?”

“I already put her name, my signature at the bottom… kailangan yung sa ‘yo, right there..” tinuro niya yung line
doon sa baba. Nakalagay ba naman eh, ‘parents’ signature’.

I swear, I hate this parenting skills thingy!

Kanya-kanyang alis naman kami doon. Dahil may stroller naman, kailangan mong itulak yung baby.

Nilagyan ng strap ni Jon yung baby na akala mo naman eh totoo, pero ganun talaga dahil kung hindi mo aalagaan ng
maayos, iiyak lang yun. Hindi pa kami tapos mag-strap, umiyak nga.

“Nasaan yung bag?”

“Ha? Anong bag?” natataranta ako. As usual, umiral na naman yung wala-me-experience-sa-baby attitude.

“The bag where you put the baby’s stuff!” nagtingin-tingin siya sa gilid, tapos nakita niya na nasa ilalim ng stroller.

Kinuha niya yung bottle, pero wala namang laman yun, at nilagay niya sa bibig. Umiiyak pa rin kaya ibig sabihin,
hindi iyon yung gusto ng baby. Eh kung sampal-sampalin ko kaya yun?

Nainis yata si Jon kaya inalis niya sa strap. Binuhat niya yung baby, tapos inabot sa akin.

“You try it!” tapos hawak ko na yung baby.

“Anong gagawin?”

“Nagbibiro ka ba? Huwag mong sabihing wala ka ring alam dito?”

“Actually, I do. Papalitan mo yung diapers, feed the baby, carry it, sing a song.. that’s basically it. It won’t be that
hard..”

“Sabi mo eh.. then.. gawin mo na. Kailangan mong i-try lahat hanggang sa tumigil..”
“Na-try mo na siyang pakainin, buhat ko na siya ngayon umiiyak pa rin.. change the diapers na nga..” kinuha ko
yung maliit na tela doon sa bag na may pin, tapos tinanggal ko yung nakasuot doon sa sensored baby.

Hindi ko pa alam kung paano nung simula. Nakatayo si Jon doon sa gilid ko at inoobserbahan ako, kaya kinabahan
ako lalo. Mahilig pa naman manermon yun.

Pinalitan ko naman siya. Nung una tuluy-tuloy pa rin umiyak, pero tumigil din naman. Pero may slight pang ingay.

“Tumigil din sa pag-iyak. Sensored pala eh no? Bakit nga pala humihikbi?” inangat niya yung baby sa akin.
Tinignan niya, ang hinahon pa magsalita. “Kaya naman pala eh, kawawa naman si Jonnicole. Baliktad yung
pagkakalagay ni Mommy ng diapers mo no?!” nyek, akala ko pa naman tama na. Bigla ba namang nilakas ni Jon
yung boses niya. “If you want to pass this class, do it right! At i-record mo na yung time ng diaper change…”

Pagkatapos niyang sinabi yun, iniwan ba naman akong nakatayo doon.

“Paumanhin ITAY! Sorry tao lang. Pasensya!”

So, ganun na nga yung nangyari. Tinulak ko nga yung baby na yun hanggang sa klase namin. Ganun naman talaga
yung purpose nun, ang alagaan mo siya all day round.. for two weeks. Hindi mo naman pwedeng iwan na lang dahil
kailangan mong mag-track dun sa activity nung baby.

Hindi naman ako inistorbo nung baby na yun sa klase namin. Ang tahi-tahimik nga eh. Yung ibang classmates ko
naman, panay ang karga doon sa mga baby nila na umiiyak. Pero ang pinakanakakainis sa lahat eh nung breaktime
namin…

“Iyah! Sa ‘yo yang baby na yan sa parenting?” tanong ni Brenan sa akin nung nadaanan niya ako.

“Yeah.. unfortunately.”

“For real?” tinignan naman niya. “Sinong ka-partner mo?” hinimas-himas niya yung mukha, “Suntukin ko kaya ‘to
para umiyak..”

“Hey, ‘wag. Kay buti-buti nga at tahimik, papaiyakin mo naman.”

“Niloloko lang kita no, hindi ko naman susuntukin. Sino na nga yung sinabi mong partner mo?” nakangiti pa siya sa
akin.

Sasagot na sana ako, kaya lang eto na naman at may sumagot para sa akin. Syempre, sino pa bang tao dito sa school
na sa tingin ko eh may walang kamatayang entrance parati…

“Ako. Sa katunayan, may narinig akong salitang ‘suntukin ko kaya ito para umiyak’..” tumayo siya sa gilid ko, “I-try
ko kaya sa ‘yo para ikaw naman yung umiyak? Baka magustuhan mo..”

Ewan ko kung natakot si Brenan, kaya tumayo na lang siya.

“See ya’ later Iyah..”

Umalis na si Brenan nun. Si Jon naman, iniwan na naman ako. Masyado na nga yan eh, wala man lang yatang balak
tumulong. Lalo pa ngayon at nagsimula namang mag-ingay yung baby.

Hindi ko na naman alam kung anong ibig sabihin nun. Yun pala, kailangan mo siyang kantahan. Kaya ako naman na
hindi naman anak ng isang singer, napasabak ng de-oras. Kantahan ba o buhatin? Buhat ko kasi habang
kinakantahan, pero tumigil. Oh well..

Nag-alarm naman nung uwian na. Ang dami-dami kong dala nun kaya ang hirap talaga. Dumaan lang ako sa locker
ko at kinaya ko talagang dalhin lahat yun. Nung nasa labas na ako ng gate, may humarang naman sa akin.

“Bakit ang tagal mo?”


“You talking to me?” tinaas ko yung kilay ko.

“Can you see someone standing baside you? ‘Coz I don’t see anyone.”

“Oooh.. really? Actually meron in front of me. Akala ko kinakausap mo yung baby…” pineke ko yung ngiti
ko, “Very funny no? Maghapon akong nandito, nasan kaya yung Daddy?”

“Why do I have to take care of it? I’m guy. You’re a girl, and you’re the mom. It’s your job.” ok din ito mag-reason
no!

“I’m the mom on this freaky project. Hindi ibig sabihin na ako lang yung dapat mag keep up sa baby na ito kasi
grade mo rin damay no!”

Nakakainis na ito. Dapat tumulong siya ‘di ba? I mean, fair lang naman kapag ganun.

Nag-away kami doon sa harap ng school. Sa katunayan yung ibang students nga na natira sa school tumitingin sa
amin, kaya si Jon eh sinisigawan sila ng: ‘Anong tinitingin-tingin mo? Ngayon ka lang nakakita ng nag-
aaway?’ kaya nagsitakbuhan yung iba.

Naglakad kami doon sa kanto dahil pauwi naman na kami. Medyo nagtatalo pa kami dahil ang reason na naman niya
eh ‘girl thing’ daw yun. Didiretso sana kami kaya lang bigla akong hinila ni Jon doon sa gilid sa may eskinita.

“Bakit ba?”

“Shhh..” tinakpan niya yung bibig ko tapos tumingin siya sa gilid niya. “May sumusunod sa atin..”

“Paano mo nalaman?” tumingin din ako. “Wala naman ah!”

“Be quiet!”

Napatigil naman ako kaka-daldal. Akala ko ok na ok na, yung baby naman yung umiyak. Saglit lang din, may
sumulpot na dalawang lalaki sa kanan namin. Binuhat ko naman yung baby.

“Pretty Boy Jon Erin in our territory again?” *tsk, tsk* “Really bad..”

“Bakit niyo kami sinusundan?” hinarangan naman ako ni Jon. Tinulak pa niya yung stroller para nasa likod na.

“Wala naman, tropa ko lang naman yung sinuntok mo kaninang tanghali sa labas ng gate. May problema?”

“Anong gusto mong mangyari? Ikaw naman?”

“Sa katunayan, yung kabaligtaran nun.”

Wala naman akong pakialam doon sa sinasabi nila. Ang pinoproblema ko eh yung baby dahil ayaw na namang
tumigil.

“Jon, ayaw tumigil! Anong gagawin ko?”

Hindi siya lumingon sa akin. Naka side view lang siya.

“Try feeding her.. Busy ako Iyah nakikita mo ba?” napatingin naman ako.

Nataranta na naman ako. Naalala ko na naman si Richard. ‘Family duty’. Duty ko na pigilan si Jon sa mga away.

“Away na naman? Ano ba! Pwede ba huwag na?”

“Tumabi ka na doon sa gilid! Ngayon na!” napayuko naman siya ng de-oras dahil sinimulan siyang suntukin nung
isa.
Dahil nga two-to-one, hinawakan siya sa likod nung isa. Ayoko na nga sanang manood dahil mukhang si Jon ang
kawawa ngayon. Hindi naman siya nakikinig sa akin kahit anong pigil ko, pinikit ko na lang yung mata ko. Pero
bago yun, nag-sneak pa ako ng konti at nakita ko na sumipa siya ng malakas kaya napaupo yung isa.

Ako naman, diretso sa pagbigay ng bottle doon sa baby. Ang tagal ba namang nag-suck ng bottle.. bago tumigil.
Nilista ko na naman yun sa handbook. Habang nakikipag-away si Jon, nakuha ko pang tanungin siya ng oras.
Sumagot naman eh!

“Uwi na tayo.” nagulat naman ako sa kanya. Ang dumi ng polo niya.

Hindi ko na siya kinausap hanggang sa nakarating na kami ng bahay. Tiyak naman kasi hindi rin naman ako
mananalo o kaya naman hindi rin siya makiking sa akin. Katulad ng dati, tumawag na lang siya para umorder ng
kakainin namin dahil wala na rin siyang time magluto.

Ganito na lang lagi.

Umakyat siya sa taas. Iniwan naman yung baby sa akin. Nagbihis din ako pagkatapos naming kumain, konting ayos
at gawa ng homework.. umiiyak na naman yung baby.

Nakakabwisit na!

“JON! JON! ANO BA!” sumigaw ako doon sa harap ng kwarto niya.

“What?!?”

Inabot ko sa kanya yung baby.

“Ikaw naman mag-alaga diyan! Ako na nga ngayong araw na ito eh..”

“Matutulog ako kasama yan? Na-uh. Tapos ikaw ano? An o-k sleep?”

“Alangan namang sa kwarto ko yan! Hindi naman na patas yun!”

“It’s your job!” sinigawan naman niya ako.

“It’s our job!” that’s it. Nakakainis na. “I’m tired of this. I’m calling mom.”

“Para saan na naman? Para yan lang kailangan mo pa ng tulong nila?”

“Hindi, kailangan ko ng tulong dahil ang hirap makisama sa ‘yo!!”

Nag-dial ako ng number. Ang tagal bago sumagot ni Mommy pero maya-maya lang, nasa kabilang line na sila.

“MOM! KAILANGAN MO NANG BUMALIK DITO. I CAN’T STAND ANOTHER WEEK WITH THIS… THIS
GUY!”

“Ano na namang problema Iyah?”

Inagaw naman ni Jon yung phone sa akin. Tinaas niya kaya hindi ko maabot.

“Sorry po, misunderstanding lang. May topak lang si Iyah ngayon. Take care po, bye.”

Tumingin siya sa akin.

“Fine! Ilalagay natin itong baby na ito sa isang kwarto. Kung umiyak man, it’s either you or me ang makakarinig. Is
that fair?”

“As long as it’s not in my room.”

Nilagay namin yung baby doon sa room na nasa tapat ng room niya. Sana naman makatulog ako ng maayos. Ayoko
ng ganito…
Pumasok ako sa kwarto ko nun. At least sa tapat ng room ni Jon. Siya naman siguro ang mapeperwisyo. Ginawa ko
lang yung homework ko, tapos pinatay ko na yung ilaw.

Sweet dreams Iyah. I hope. Pinikit ko na yung mata ko.. at natulog na ako.

Everything went well… in theory. Super duper kainis talaga sobra. Siguro every hour eh umiiyak yung baby.
Tatakpan ko yung tenga ko ng unan para hindi ko marinig, titigil, iiyak, laging ganun. Siguro ganun kapag walang
pumapansin sa baby na yan.

Nung mga past-3 na ng madaling-araw, hindi ko na talaga ma-take at tumayo ako dahil iyak pa rin ng iyak. Asar
talaga!!!!

Wala pa ko sa sarili ko nun, pakamot-kamot ng ulo at pumunta doon sa harapang kwarto. Hindi pa ko
nangangalahati ng hallway, tumigil yung baby.

Sinubukan kong pumasok doon sa harap na room. Hindi ko pa nagagawa, may tao doon sa loob. Nakaupo si Jon sa
sofa, nakapikit yung dalawang mata, mala-Ninoy Aquino ang itsura, at yung isang paa niya eh tinutulak-tulak yung
stroller para umandar-andar.

Umiyak uli. Biglang nagisin si Jon.

“Jon, you’re on day 1! Imagine, day 1!” kinakausap niya yung sarili niya, binuhat niya yung baby, “Magpatulog ka
naman. Inaantok na ko eh..” pinikit niya uli yung mata niya.

Pinakinggan ko mabuti yun sinasabi niya. Tumutula ba naman siya. Akalain mo yun?

“Starlight, starbright, wish I may…” tumutula siya? Sensored babies nga yun, pero naririnig kaya? Hindi naman yata
eh…

Bumulong naman ako doon sa labas. Hindi naman niya alam na nandun ako.

“Day 1 Jon, that’s right.”

Balak ko na nung pumasok sa kwarto ko. Pero bago ko ginawa yun, tumingin uli ako kay Jon na nakapikit pa talaga
yung mata.

This time, shinishake na niya yung baby rattles… hawak na niya sa balikat niya.

That made me smile..

***22***

Nung mga sumunod na mga araw, ok naman na kami ni Jon. Sa katunayan matapos nga yung gabi na siya yung nag-
alaga sa baby, panay ang tulog niya sa bahay. Naka-devise na rin kam ng plano. Monday, Wednesday, Friday eh
ako.. at siya naman eh Tuesday, Thursday, Saturday. Yung Sunday, morning siya, night shift naman ako.

Sinimulan namin yung plano na yun eh ok naman ang kinalabasan. At least, hindi sa iisang tao nabubuhos lahat ng
pagod at parehas kaming nag-eearn ng grade namin. Nung tinignan ko nga yung baby handbook namin, super linis
talaga at detailed yung activities ng baby. Este, Jonnicole pala.
Tumawag naman si Richard sa amin nung Sunday. Syempre, chinecheck niya kung ano na daw ba yung nangyari sa
amin. Ako naman binalita ko na ok naman na, tapos umiyak na naman yung baby na buhat ni Jon.

Narinig pa nga ni Richard eh. Naaalala ko pang sinabi niya:

‘Baby?!? May baby diyan?!? Kanino yan?’

Syempre, todo-explain naman yung ginawa ko na sa health class namin yun para sa parenting project. Tinawanan ba
naman ako. Akala ko kung bakit, pero may natuklasan na naman ako na ‘di ko inaasahan.

‘Naku yan si Jon? Hindi mo masasabi na galit yan sa bata. Hindi mo rin masasabi na favorite niya. Depende
siguro. Dati kasi nung nanganak yung tita niya, ayaw tumigil nung baby tapos nung binigay namin sa kanya, which
is ayaw pa niya dahil baka mabasa daw siya, saka lang tumigil. Ewan ko, madalas ganun eh…’

Can you believe that?

Wala namang masyadong nangyari nung weekend. Nag-stay na lang din ako sa bahay nun, at syempre, cooking
lessons from Jon.

And this time, I did it right. How cool is that?

***

Monday, 9:30 a.m., classroom.

Free time namin. Ang gulo nga ng classroom namin dahil kalat-kalat kami. Yung iba kong classmate eh nasa labas,
yung iba naggdadaldalan sa loob, at yung iba ewan ko kung anong ginagawa.

Ako naman eh nakaupo nung una sa loob at gumagawa ng homework sa College Algebra. Nung napagod na ako at
hindi ko na masolve yung iba, lumabas na ako at naki-join na lang doon sa mga nagsasaya sa labas.

Nandun din si Dylan sa labas. Tumabi nga siya sa akin eh. Dala-dala ko na naman yung baby. Mahirap na at baka
umiyak.

“Hawak-hawak mo na naman yan? Madalas ko na lang nakikita yan ah.” tinignan niya, “Si Jon yung partner mo ‘di
ba?”

“Yeah..”

“Really? Swerte naman niya. Sa katunayan, nagtataka na talaga ako sa inyong dalawa. Hindi ba talaga kayo? I
mean.. you two are getting close.” yumuko siya.

Nilagay ko naman yung isang kamay ko sa balikat niya.

“Believe me, we’re not together.”

Tumango lang siya. Alam ko na kung anong gustong ipahiwatig ni Dylan. Sa katunayan, ewan ko kung nanliligaw
pa rin yan hanggang ngayon.

Eksakto namang dumaan si Jon nun. May kausap naman siya sa phone. Tumingin pa nga siya sa direksiyon namin ni
Dylan. Narinig kong sinabi niya, ‘I’m busy. Sorry.’

Katulad nung mga normal na nangyari, pumasok kami sa dalawa pa naming klase at nagpunta kami sa Physics lab
para sa Momentum observation. Yung itsura ni Jon nun kahit medyo malayo siya sa akin eh kunsumido. Madalas
naman yata eh.

Nung lumabas ako ng room at dumaan sa locker ko, binati na naman ako ni Michaela at hawak din niya yung baby
niya. Alam kong sila na ni Larry kaya hindi na nakakapagtaka na magkasama sila. Pero dahil ibang section si Larry,
hindi sila magka-partner. Pero ngayon kung titignan mo, parang sila yung parents.
“Iyah, tara dito..” pinaupo na naman niya ako sa tabi niya.

May binulong siya kay Larry kaya umalis naman. Nagpaalam din si Larry sa akin na makikisama na lang daw muna
siya sa mga lalaki sa gym.

“Aba, dala mo rin yung baby niyo ah..” nakangiti pa rin siya sa akin.

“Oo nga eh, ako kasi in-charge ngayon araw na ito..”

“Ikaw in-charge? May schedule kayo? Cool! Kami wala eh. Ang hirap nga kasi hindi pasa-pasa kami.” tumingin-
tingin siya sa gilid niya, “Kumusta namang partner si Jon?”

“Well, uh, ok naman. Minsan nakukunsumi sa baby, pero kaya naman niya eh..”

Tumingin naman si Michaela sa akin ng diretso.

“Oo nga! Yan yung ineexpect kong isasagot mo. Naalala ko last year, ayaw niya mag-alaga ng baby pero maya-
maya lang nakikita mo nakikilaro na rin siya. Actually, kapag sinabi ni Jon na ayaw niya, huwag mong paniwalaan
kasi hindi lang ‘ayaw’ ang ibig sabihin nun.. marami.”

“Kilala mo na talaga siya no?” kasi kung iisipin mo, alam na niya yung galaw, o kaya naman iniisip ni Jon.

“Yeah, totally! Tagal ba naman na naming magkaibigan eh. Halos lahat yata alam ko na… well, siguro. Ikaw, siguro
nga halos parehas na tayo ng nalalaman since stepbro mo naman na siya. Tiyak naman magkasama kayo..”

Napailing naman ako. Kahit na stepbro ko na siya, konti pa lang ang alam ko sa kanya.

“Not really. Konti lang talaga ang alam ko sa kanya. Sa katunayan, wala nga masyado eh. Hindi naman kami
madalas nag-uusap kapag nasa bahay.”

“For real? Eh kapag sa akin sinasabi niya yung mga nangyayari sa kanya eh, or secrets or something like that..” I
don’t like this at all. “Yung mga expression ng mukha niya, may ibig sabihin yun. Kapag ngumiti yan, asahan mo
either totoo or hindi yun. Kapag tumawa siya na akala mo eh hindi siya tumawa ng isang taon, tawa talaga yun.”

At yun nga, nagkwento siya kung ano yung mga nalalaman niya kay Jon. Syempre ako naman at walang alam eh
nakaupo lang dun, pangiti-ngiti, at nakikinig lang sa kanya. Wala naman akong maisha-share na hindi pa niya alam.

“Napansin ko lang kapag galit siya–” hindi ko pa tapos yung sasabihin ko, nagsalita na naman siya.

“Yeah, that one! Kapag galit siya, hay naku hindi kami nagkakasundo!”

Mabuti siguro hindi na lang ako magsalita. Alam naman na niya si Jon, physically, emotionally… almost.. overall
personality. Take note, almost all.

“It’s kinda’ hard to interpret his attitude though.. kakaiba kasi mag-isip eh..”

“Ask me, I’ll try it.”

“Uhmmm.. siguro tama rin naman yung magiging sagot mo. Wala naman akong alam sa kanya na hindi mo na
alam..”ngumiti naman ako pero hindi masyado.

“Oo nga pala, tama ka diyan..”

I want to be honest to myself. Michaela’s nice.. that’s a fact. Nung una ko siyang nakilala, gusto ko na siya since
napapasunod niya si Jon. Pero ngayon, ewan ko kung bakit hindi ko magustuhan yung pag-uusap namin. Hindi
naman ako insecure na friends sila, I’m not like that at all. It’s just that…

I really don’t know. Siguro dahil parang ang nagiging statement niya sa conversation eh ‘kilala ko si Jon’. Alam ko
naman na yun.
“He loves alot of things. Hindi man niya aminin. Kunwari pa rin yan minsan.. pero alam ko naman na gusto niya
rin..”kwento siya ng kwento.

Nakikinig naman ako dun. Well, let me rephrase that. Ang ginawa ko eh papasok sa isang tenga ko yung sinasabi
niya, lalabas sa kabila. Parang hindi rin siya nagkwento.

Maya-maya lang, may tumayo sa harapan namin.

“Oh, Michalea, Iyah.. hindi ko alam na nag-uusap pala kayo..” napatingin naman ako sa kanya. “Kumusta naman si
Jonnicole?” tumingin siya sa baby.

“Ok naman, hindi naman umiyak.”

“Wait, Jonnicole?” nagtaka kasi si Michaela.

“Jonnicole, from Jon and Nicole. Name ng baby namin.”

Hindi ko yata gusto yung statement na yun, kaya tinama ko naman.

“Name… name ng sensored baby.” grabe naman.. ang init!!!

“Ooh. Anyways, we’re just having a little talk.”

“About me?” seryoso na yung mukha niya.

“Yeah.. medyo. I was telling her a while ago that you love basketball before, pero soccer na ngayon… and you
prefer the color..”

“I have changed alot Michaela. Hindi mo alam lahat-lahat. Sa katunayan, may mga alam si Iyah tungkol sa akin na
kahit ikaw eh hindi mo alam. Hindi mo na kailangang sabihin sa kanya kung ano yung interest ko..”

Alam? Meron akong alam na hindi alam ni Michaela? Ano daw? Jon sabihin mo sa akin yung nalalaman ko ha..
kapag may time ka.

“I think you sound rude..”

“I’ve been like this all my life, didn’t you notice that?” nag-alarm naman na nun kaya pare-parehas kaming huminto.

“Sorry Jon kung kinukwento kita, alam ko ayaw mo pinag-uusapan kita. Sorry..”

“Alis na kami ni Iyah… tara na..” humarap siya sa akin.

Saan naman daw pupunta?

Iniwan na rin namin si Michaela dun since iba naman yung room niya sa amin. Ang bilis maglakad ni Jon, o dahil
matangkad lang siya? Kailangan talga dalawa yung hakbang ko para mag keep-up sa kanya.

Hindi ko naman mapigilan yung sarili ko, kaya nagsalita na ako.

“Ano naman yung alam ko na hindi alam na Michaela? Meron ba? Kasi kung meron, I have no freaking
clue.” hiniga ko yung baby para hindi ako mahirapan. “Kapag kausapin mo nga ako sa bahay, it seems like I am
a nobody.”

“What?!?” tumigil siya ng kaunti “Yeah, you do know some things na hindi alam ni Michaela. You are not aware of
it, but you do know some. Mapapansin mo rin yun..”

Nagtaka naman ako sa kanya. Eto na naman ako kaya inulan ko siya ng tanong. Nagsisimula na naman siyang
mainis yata sa akin, kaya hinawakan ako sa dalawang balikat kaya napahinto ako.

“Sorry na, hindi na ko magsasalita..” alam ko papagalitan ako nito eh.


“What’s up will all the questions?” seryoso siya, pero hindi galit. “Look, I want you to remember this, always.
Siguro nga madalas kitang nasisigawan, I’m rude… yeah.. that’s me! I’m like this. Kailangan sanayin mo na… dahil
ganito talaga ako. And I want to clear one thing you said earlier. You’re not a nobody…”

Hinawakan niya ako sa ulo ko, akala ko kung anong gagawin, yung buhok ko pala. Sumunod na lang na sinabi niya,
hindi ko na naman inaasahan…

“For me, you’re somebody.”

***23***

Gusto ko sanang suntukin si Jon nung sinabi niya yun. Hindi na naman yata pinag-iisipan yung mga sinasabi, kasi
hindi talaga yun ang mga salitang aasahan mong manggagaling sa kanya.

Pero sabiniya, I’m somebody. At least.

Nung Tuesday naman na, si Jon na ang nag-alaga kay Jonnicole since siya ang nakalagay ayon sa schedule. Ayaw
niyang dalhin yung stroller kaya kinuha na lang niya yung baby strap at nilagay niya sa likod yung baby.
Nakakatawa nga siya tignan eh. Sana lang may camera ako.

Nagsimula namang magalit sa akin. Sabi niya tumahimik daw ako at baka maubos yung pasensya niya. Sinagot ko
naman siya na lagi namang ubos yung pasensya niya.

Ang malas nga ni Jon eh, paano ba naman eh panay ang iyak ni Jonnicole sa klase namin at hindi tumitigil hanggat
buhatin niya. Sabi niya sa akin na sa lahat daw ng baby na inalagaan niya, si Jonnicole daw ang pinakamahirap kahit
na hindi totoo.

Yung isa sa classmate namin eh niloko naman si Jon. Hindi naman maganda ang kinalabasan.

“Jon, Daddy’ng Daddy ang dating natin ah..” nakatodo-ngiti pa siya niyan.

“Oh yeah?!?” ayaw kasi niya ng ganyan, “Gusto mo nito para mawala yung ngipin mo?” nag-close fist
siya, “Probably kapag nangyari yun, lolong-lolo naman yung dating mo.”

Dahil kasabay ko siyang maglakad nun, pinagsabihan ko nga.

“Binibiro ka lang, bakit naman sinabi mo yun?”

“Eh sa ayokong sinasabi niya yun eh!” saglit lang siyang tumingin sa akin.

Oh well, sabi mo eh!

Nag-check naman yung teacher namin sa amin kung kumusta na raw ba yung pag-aalaga sa baby. Syempre,
nagtingin-tingin siya sa handbooks namin. At yun nga, panay ang tango doon sa baby handbook namin. Hindi niya
siguro aasahan na ako na walang experience sa ganyan, at si Jon na mainitin ang ulo eh maayos-ayos yung activities
ng baby.

Nung lunch-break naman na namin eh pumunta ako sa cafeteria kasama si Vina at Sheena. Dala-dala rin nila yung
baby nila at ako lang ang wala. Sabi nila, swerte ko raw at wala akong inaalagaan.
Si Jon naman, mukhang hiyang-hiya sa baby na dala-dala niya. Mabuti na lang alam naman na Parenting Skills yun,
dahil kung hindi malabong-malabo na mapapayag ko siyang gawin yug pag-aalaga.

Kawawa nga siya sa PE namin eh. Sabi ba naman niya…

“Hindi ako makakalaro ng soccer, kayo na lang. May baby sa likod ko..” tumingin siya sa direksiyon ko.

Dahil mukhang gusto naman niyang maglaro, lumapit na ako para kunin yung baby.

“Akin na ako na muna magbabantay. Maglaro ka na dun..” tinuro ko yung field.

“Hindi na. Ayoko rin naman eh..”

“Sus, kunwari pa! Dali na..”

Hindi naman niya binigay sa akin. Dahil hindi naman ako marunong ng soccer, naupo na lang din ako sa gilid.

Niayaya pa nga ako ni Dylan na sumama raw ako sa kanya mamayang gabi, sumabat naman si Jon.

“Hindi pwede, masyado siyang gagabihin eh. Next time na lang…”

Wala namang magagawa si Dylan, kaya umalis na lang. Nainis naman ako kay Jon, kaya nakipag-away pa ako.

“Why not? He’s a friend of mine! Bakit ikaw ang kailangan mag-desisyon para sa akin?” nakakainis talaga..

“Kung pupunta ka, asahan mo kasama ako!” diniretso niya yung tingin niya, “Now, it’s your choice.”

Tumunog naman yung phone ko. Text lang pala na below 50 na yung load ko.

“Give me your phone..”

Dahil napapagod na akong makipagtalo sa kanya, binigay ko na lang. Binigay din naman niya sa akin.

“Anong number mo?” nilabas niya yung phone niya.

“0921*******, bakit?”

“Wala akong number mo, wala ka ring number ko. Sinave ko na yung number ko sa phone mo..”

Oo nga pala, kahit na mahigit isang linggo na rin yata kaming magkasama niyan, wala pa rin akong number niya.
Abnormal no?

“Ngayon, hawakan mo si Jonnicole..” tinanggal niya sa pagkaka-strap sa likod niya.

“Bakit naman?”

Dahil nakahiga ako, nilagay na lang niya sa tabi ko. Tatayo sana ako eh, kaya lang sabi niya huwag na.

Sumunod na lang na alam ko, kinuhanan niya ako ng picture sa phone niya. Tinaas ko yung kilay ko..

“Kinuhanan lang kita para kapag tumatawag ka, picture mo yung lumalabas ok?!?” inaagaw ko kasi sa kanya.. para
yun lang.

“Eh bakit kasama pa yang si Jonnicole?”

“Why’re you asking? Akin na nga, ilalagay ko na uli siya sa likod ko!”

Isang tanong na naman na hindi niya sinagot. Kailangan na naman bang pag-isipan ko yun???

Humiga na lang ako uli… at natulog sa field. Hindi naman mainit dahil may puno.
Pagkauwing-pagkauwi namin sa bahay, mukhang pagod na pagod si Jon. Ako naman yung nagluto, dinidikta lang
niya sa akin kung anong gagawin. Umakyat siya mag-isa doon sa kwarto niya dala-dala si Jonnicole, at ako eh
umupo sa baba at nanood ng movie.

Nagtingin-tingin ako doon sa mga DVD nila. Saglit lang din, may nakita ako. Mulan II. Napanood ko na yung unang
Mulan, pero ito eh hindi pa. So ang ginawa ko eh nilagay ko at pinanood ko mag-isa.

Ok lang naman yung story, although mas gusto ko yung nauna. It’s about the 3 princesses na may arrange marriage,
at kailangan i-escort ni Mulan at Shang sila para makarating si Kingdom nung pakakasalan nila. Si Mulan at Shang
naman eh ikakasal na. But then, may tinuro si Mulan sa mga princess tungkol sa ano ba ang tingin niya sa dapat.

‘My duty is to my heart.’ Syempre, napagisip-isip din namannung mga princess yun. Pero hindi lang sila yung
tinatamaan nung message, parang… parang ako rin.

“My duty is to my heart? That’s so gay!”

Tinignan ko siya. Nakatayo pala siya doon sa hagdan. Nakakainis talaga ‘to.

“Ang ganda nga nung message eh! Saka kailan ka pa nandyan?”

“Well.. long enough to find out that you’re watching another gay cartoon..”

“Talaga lang? Actually, I’ve been watching this gay cartoon long enough to find out you have this kind of DVD!!!”

Napansin ko na nag-red yung mukha niya, pero hindi masyado.

“It’s not mine. It’s my cousin’s..”

Inasar-asar ko lang din siya. Halata namang hindi sa kanya yun, pero mabuti nang samantalahin ang pagkakataon.
Syempre, nauubos na naman ang pasensya sa akin, kaya sinabi ba naman…

“I don’t think it’s right..”

“Ang alin?” nagseryoso naman ako since nagseryoso din siya.

“She said, your duty is to your own heart. Hindi ba parang makasarili yun? Our duty is to our family..” sabi niya
pero papaakyat na siya.

I remember Richard. Sinabi niya na may duty na kami sa isa’t isa since family na kami. Sinabi niya na bantayan ko
si Jon at gawin ko yung kaya ko na pigilan siya sa pakikipag-away.

Tumingin si Jon sa akin, yumuko, tapos tumuloy na sa taas.

Now, what does that mean?

Kahit ako, nalilito na rin. I don’t think I should follow, the ‘family duty’ at all. I just realize that I am doing it
because I have to… but not because I want to.

Gay cartoon or not, tingin ko tama si Mulan…

My duty is to my heart. And it will make the difference…

 
***24***

Ano pa bang masasabi ko tungkol sa mga sumunod na nangyari sa amin sa bahay nila? Ano pa nga ba kundi ang
mag-away na kesyo ang umiiral na naman daw yung pagka-maarte ko. Tinanong ko kung bakit na naman, sabi ba
naman sa akin eh itanong ko raw sa sarili ko.

Hmmm, it’s Sunday today. Bilis no? Paano ba naman wala naman kaming masyadong ginawa sa school pati sa
bahay kundi ang alagaan si Jonnicole. Napupuyat na nga rin ako eh. Nauna akong nagising sa kanya kaya naggawa
na lang ako ng peanut butter and jelly sandwich. Nung bumaba nga siya eh naabutan niya akong nanonood ng tv..

“Good morning Jon!” sabay kagat ko naman doon sa sandwich ko.

Tinignan niya ako na para na naman akong alien.

“What’s up with you?!?” halatang hindi siya sanay ng ganun.

“Hmm, nothing. Tignan mo kung ano yung palabas, Spongebob!” tinuro ko yung TV.

Sinimangutan ba naman ako. Pasalamat siya at maganda yung gising ko at mabait ako.. siya naman yung masama
ang lagay. Hindi mo talaga maintinidihan yun.

Gumawa yata siya ng hot chocolate kasi nangamoy sa living room. Umupo siya doon sa dining table nila, at kumain
doon. Asus, kung hindi ko lang alam nakikinood din naman siya ng cartoon.

“Bilisan mong mag-ayos kung mag-aayos ka man, marami tayong gagawin ngayong araw na ito..” sabi niya sa akin
kaya napalingon ako.

“Tulad ng..?”

“Basta bilisan mo, ako ok na ko, hintayin kita sa labas..”

Aalis kami? Hindi ko yata alam yun ah! Wala man lang kasi siyang sinasabi sa akin.

Dahil ayaw nga niya ng naghihintay ng matagal, umakyat na ako at nagpalit ng blouse. Naka-denim shorts naman
ako kaya ok lang naman at hindi masamang tignan.

Tumakbo naman ako pababa. Tiyak naman dala-dala na niya si Jonnicole. Kaya lang nasa pinto pa lang ako, may
binato siya sa aking gloves at white apron.

I think this looks bad…

“Anong meron?” mukha talaga akong ewan doon na nakatayo.

“Actually, wala naman.” nakaupo siya doon sa kabilang side na akala mo eh walang-wala lang talaga, “We have to
clean the garden.”

“We? What do you mean by the word ‘we’? Wala yata sa vocab ko yun, Spanish, English or Filipino..”

“I’ll trim it, you sweep it..”

“Teka lang, teka lang… do I look like I’m a gardener?” winave ko yung kamay ko.

“Yeah, you do.” lumapit siya sa akin, “Huwag nang maraming sinasabi, kunin mo na yun!”

Nasa likod pa rin niya si Jonnicole habang nagti-trim siya. Hawak niya yung kung ano man ang tawag dun at
nagsimulang mag-trim. Kung tutuusin kahit na puro lalaki sila sa bahay na ito, maganda pa rin yung garden nila.

Pero sa lagay ngayon, parang aabutin ng siyam-siyam.


“Saglit lang, aabutin tayong 10 years nito eh! Don’t you have a Lawn Mower or something? Mas mabilis yun eh!
Because I remember my dad before, he bought..” hindi ko tapos yung sasabihin ko, nagsalita na siya.

“Nasa Pilipinas ka, tingin mo naman uso dito yun? Siguro nga meron, doon sa village ng mga mayayaman dito.”

Kung hindi ko siguro siya kilala at napadaan ako sa bahay nila, iisipin ko talaga na anak-mayaman siya. Ang laki ba
naman ng bahay nila eh.

“Bilis-bilisan mo na lang yung kilos mo at baka yung 10 years natin eh abutin ng 15..”

Nagwalis-walis naman ako. Sa katunayan, nung una eh maayus-ayos pa at sobrang bagal at ang ingat-ingat ko. Pero
ngayon dahil tumatagal na at naiinitan na talaga ako, idagdag mo pa na masakit na yung kamay ko at binti ko, wala
na talagang kwenta yung pagwawalis ko.

“Hindi pa ba tayo matatapos? As in pagod na ko..” tumayo ako at nag-posing kasama nung walis.

“Pagod ka na? Really?” tumingin siya na interested sa akin, “Sa katunayan, yung side pa lang na yan ang nawawalis
mo. How about that side?” tinuro niya yung kabila.

Arrgggghhh! Pagod na ko. Hindi naman ako sanay ng ganito eh.

“I’ve been working for, an hour! Yeah I think.. pagod na ko. Hindi mo ba alam na hindi naman ako pinagtratrabaho
ni Mommy. Kadalasan may binabayaran kami para may gumawa nito para sa amin. Now look at me? I’m in a
freaking… apron! There’s no fashion at all!” hindi ba niya naiintindihan na sa mundong ito, walang pwedeng
makakita kay Iyah na ganito ang suot.

“In gardening, fashion is not important.” bumalik siya sa pagti-trim niya, “You look O-K.”

Sarcastic ba yung pagkakasabi ng OK? Hindi ko masyado napansin.

Nagwalis-walis na naman ako doon. Sa sobrang nawawala na ako sa mood, nandun yata ako sa iisang spot ng mga
10 minutes na. Si Jon naman eh tuloy pa rin doon, tapos wala ako sa sarili ko eh nagalit ba naman sa akin.

“Hey ano ba!” tapos dumura siya at may inalis siya sa bibig niya, “Hindi naman ako kabayo para pakainin mo ako
ng damo ha! At kung hindi mo alam, nasa spot ka na yan for 12 minutes..”

“Ayoko nga gumawa nito eh! Pinipilit mo ko..” winalis-walis ko pa lalo sa direksiyon niya.

Nagalit yata sa akin kaya tumayo na.

“Give me that.” inagaw niya sa akin yung walis.

“Make me!”

Nag-agawan kami doon sa walis. Dahil mas malakas siya sa akin, natumba tuloy ako. Kakainis talaga.. siguro dala
na rin nung init ng ulo ko. Ewan ko ba.. masama lang yung lagay ko ngayon.

Dahil mas malakas siya sa akin, naagaw naman niya yung walis sa akin. At anong ginawa niya? Winalis din niya
yung damo sa direksiyon ko. Panay damo na tuloy yung damit ko pati yung buhok ko.

Kadiri talaga kami…

Lumayo naman ako sa kanya nun at kinuha ko yung hose ng tubig. Kaya ayun, binasa ko siya. Hindi naman ako
basta-basta!

“Hey! Hey! Mababasa si Jonnicole!” tinanggal niya sa likod niya. “Don’t you dare!”

Maya-maya lang at panay dumi na yung mukha namin, basa na rin kami at panay damo, napatigil kami sa kaka-
wrestling nung may nagsabing…
“Anong nangayayari dito?” Uh-oh.

Tumayo kami parehas. Ngumiti pero pameke lang.

“Dad, Tita Carmella.. kanina pa kayo diyan?” grabe naman, ganito yung itsura namin.

“Actually, ngayon-ngayon lang. Anong nangyari dito?” 2 weeks.. 2 weeks na! Nakalimutan ko na ngayon pala sila
babalik.

“Nagkakatuwaan lang kami ni Jon. Syempre, nag-gardening kami.” sana naman bumenta.

“Yeah.. tama.” naki-ayon naman siya sa akin.

“O sige sabi niyo. Pero dahil sa ‘katuwaan’ niyo, parehas kayong hindi aalis dito sa garden hanggat hindi niyo ‘to
matapos ayusin..” pagkatapos nun, nagsimula na silang maglakad.

Nagtinginan kami ni Jon ng masama sa isa’t isa. Huminto naman si Mommy at nagtanong..

“Nasaan na nga pala yung… baby niyo ba yun?”

“Mom?!?”

“I’m just kidding Iyah. Sige, simulan niyo na yan..”

Dahil sa sobrang daming kalat doon sa garden, nadulas-dulas pa talaga ako. Ang sakit na nga ng buttocks ko eh.
Nanahimik na lang kami ni Jon parehas, para wala nang gulo.

Alam kong galit yan sa akin. Ok, kasalanan ko na naman. Pero totoo naman yung sinabi ko kanina, hindi ako sanay
ng ganito. Lalung-lalo pa na hindi ako tumatagal.

Tinignan ko siya, tapos tumingin siya sa akin.

“Sorry..”

Akala ko kung anong sasabihin, ngumiti lang saglit. Lumapit lang siya sa akin at tinanggal niya yung damo sa ulo
ko…

***

After a good long shower, finally, I’m good as new. Nasa kwarto na ako ngayon, at syempre nagre-relax at napagod
talaga ako. Si Jon eh hindi pa rin lumalabas ng kwarto niya, si Mommy at si Richard naman eh nasa baba at
nagluluto yata ng kakainin namin.

Saglit lang din, may kumatok sa kwarto ko. Si Mommy pala.

“Iyah, aalis lang kami ni Richard at bibili lang ng stock. Ewan ko kung anong kinain niyong dalawa ni Erin dito eh
samantalang walang masyadong laman yung pantry!”

“Sure.. bye! Ingat.”

Nahiga na lang ako doon sa kama. Gusto ko sanang matulog kaya lang wa-epek kaya lumabas ako sa kwarto ko at
umiiyak si Jonnicole sa kabilang kwarto. Dahil sarado yung pinto ni Jon, kumatok naman ako.

“Jon! Si Jonnicole umiiyak! Alagaan mo yun!”

“Ikaw na muna!”

“Mamaya pa yung schedule ko, kunin mo na!”

Binuksan naman niya yung pintuan niya. Dinaanan ba naman ako. Pumunta siya sa kabilang kwarto at binuhat si
Jonnicole. Tumigil din sa pag-iyak.
“Ang sabihin mo, hindi ka lang marunong mag-alaga.” sabi ba naman niya sa akin at inayus-ayos niya yung bag
niya.

“Are you telling me I am not a good Mom?!”

“Bakit ganun ba yung message na dumarating sa ‘yo? Siguro nga..”

Nagayus-ayos siya doon sa bag niya. Ano ba yung ginagawa niya?

“What’s that for?”

“Nandito naman na si Dad saka Mom mo ‘di ba? E di, babalik na ako sa apartment ko.”

“Paano yan?” tinuro ko yung baby.

“Ganun pa rin. Palitan tayo sa school..”

Ang hirap yata nun ah!

Parang alam ko na yung sinasabi nilang kapag naghiwalay yung parents, ‘di makapag-desisyon kung saan yung
baby.

“You’re leaving? In short, you’re not a good Dad after all.”

Tinignan niya ako ng masama.

“Kung sa atin lang din naman, mas may alam naman ako dito.”

Dinaanan na naman niya ako at pumunta siya sa bathroom. Kinukuha niya yung mga gamit niya doon, from
toothbrush.. hanggang sa pabango niya yata. Nakatayo ako doon sa pintuan.

“I am a responsible parent.” asar na ito.

“How can you ba a responsible parent when you don’t know what’s responsible at all?!?”

Sinagot ko naman siya. Kaya lang may tao na naman doon sa pintuan namin. Si Mommy.

“Are you two fighting again?”

“Akala ko ba nakaalis na kayo?”

“Nalimutan ko yung purse ko..” tumingin siya sa amin, “Nag-aaway na naman kayo?”

“YEAH!” sabay pa kaming nagsabi.

Hindi naman nagtagal, kanya-kanyang reason na naman kami kung bakit kami nag-aaway.

“Your daughter’s a pain!”

“Ako? Ako pa ngayon? Eh ikaw nga itong magaling magsalita na hindi ako responsible! He’s judgmental Mom!”

“Hindi ba pwedeng mag-usap na lang kayo at hindi kayo nag-aaway? Akala ko pa naman ok na kayo nung umalis
kami, hindi rin pala nagbago. Lalo pa yatang lumala.” kakaiba na yung tono ng boses ni Mommy.

“That’s why I’m leaving. I’m going back to my apartment..”

Humarap ako sa kanya. Sa dami ng lugar na mag-aaway, sa banyo pa.

“Tama mas ok nga siguro yun!” tumingin ako kay Mommy, “And Mom, I want my own room, at our house..”

Dumating naman si Richard at narinig yata yung sigawan namin.


“Ano na namang pinag-aawayan niyo?”

Aalis na sana kami sa banyo parehas ni Jon, humarang si Mommy sa pintuan. Tinulak ba naman ako sa loob, at
sinara yung pinto.

Nag-ingay kami ni Jon parehas sa loob.

“Mom! Let me out!” hinila-hila ko yung knob.

“Dad!!”

Narinig naming nagsalita si Richard sa labas.

“Hindi kayo aalis diyan hangga’t ‘di niyo nadadaan sa tamang pag-uusap yung pinag-aawayan niyo..”

“Ok na kami!”

“Opo.. super!” inirapan ko naman.

“Aalis na muna kami at bibili ng mga kailangan. Pagbalik namin, saka namin pag-iisipan kung pwede na kayong
lumabas.”

Narinig naming bumababa na sila ng hagdan. Nilaksan ko yung pagdabog ko doon sa pinto. Hinampas-hampas ko,
syempre wala namang mangyayari.

Umupo si Jon doon sa gilid. Nag-ingay pa rin ako doon.

“Shut up! Obviously, that’s not working.”

“At least I am trying here..”

“Ni-lock nila sa labas. Tingin mo makakalabas tayo?”

“Eh bakit hindi mo kaya subukan? Ikaw itong nakasira ng pinto nung slumber party ah!” aba, gamitin niya yung
skills niya.

“First of all, this door is metal. Hindi ko kaya yan. Second, kung kaya ko man, hindi ko rin gagawin dahil lalo lang
tayong lagot kay Daddy. Third, huwag kang maingay at nabibingi na ako sa ‘yo!”

Natataranta na ako nun. Wow, this is great. Super! Ilo-lock ka na nga lang din, sa banyo pa.

“Bakit ba uso yung pag-lock ng pinto ngayon?” tumingin ako sa kanya, “At ikaw pa madalas ang nakakasama ko.”

“Yung unang-una, game yun. Pwede tayong lumabas gustuhin man natin. Alam mo kung anong kaibahan ngayon?
Hindi natin alam kung palalabasin tayo mamaya!”

Sinandal ko na lang yung likod ko doon sa pintuan. Hawak pa rin niya si Jonnicole.

“Anong gagawin natin?”

“Ano pa, e di umupo dito at hintayin sila bumalik at mag-wish na sana mamaya palabasin tayo..” yumuko siya, “I
hate this. He locked me inside this bathroom when I was nine. Ngayon lang uli naulit.”

“Nilo-lock ka niya dito? Hindi ba child abuse yun or something?” grabe naman si Richard.

“Nope, it’s not. Ni-lock niya ako kasi sinuntok ko siya.”

Oh great, binabawi ko na yung sinabi ko. Grabe naman si Jon..

“Sinuntok mo siya?”
“Yeah!”

Niyuko ko na lang yung ulo ko sa tuhod ko.

“Hay naku, ang boring dito.”

Lumapit siya sa akin. Tinaas ko yung ulo ko.

“Ano?”

“Let’s clear things up…”

“Yeah right.. as if may ike-clear pa.” alam ko naman wala na naman itong patutunguhan, “Mamaya lang away na
naman ito. Huwag ka na lang magsalita mas ok kasi hindi tayo nag-aaway.. at alam mo ba–”

“I didn’t mean what I said earlier, even though you annoy me sometimes, you are responsible in your own way..”

“At alam mo ba.. minsan yung mga sinasabi mo… wait, What?” ano raw?

Ngumiti lang siya sa akin nun. Narinig ko yun, pero hindi ako masyado nagpa-pay attention.

“There’s more to life than make-up and popularity..” iniwas niya yung tingin niya, “You don’t need it.”

“Hindi ko naman sila sinabihan na kilalanin ako ah..” tapos nainis naman ako, “And for the nth time, it’s only lip
gloss and powder, not a whole set of make-up!”

“Listen! What I’m trying to say is…” seryoso na siya nun, “You’re great..”

“Really?” bihira lang yan..

“Yeah.. you are..”

“Even if you’re not trying to be one.”

***25***

Tinignan ko lang siya nun, at dahil seryoso naman siya, parang nawala yung galit ko kanina. Ewan ko kung ako lang
ba yun o ano, pero parang kakaiba yung sinasabi ni Jon sa akin, at nag-iba rin yung pakiramdam ko.

Nanahimik kami parehas sa loob. Mabuti na lang hindi mainit sa loob. Nag-uusap kam pero hindi masyado. Si
Jonnicole naman eh panay ang iyak. Hindi naman namin alam ang gagawin dahil hindi namin dala yung bottle niya
dito. So, patigil-tigil, iiyak uli, tapos tatahimik. Lagi na lang ganun.

“Hey..” tinaas ko yung ulo ko, “Nasaan na nga uli yung Dad mo?”

“America.” maikli lang yung sinagot ko. Mukhang confuse pa rin, kaya hinabaan ko na. “He’s american. So fil/am
talaga ako by blood.”

“Kaya pala kakaiba yung physical features mo, nahati.”

“What do you mean?” nagtaka ako sa kanya, is he a great observer or what?


“Medyo matangkad ka, iba yung mata mo, maputi ka… mga ganun. That’s american like. Hair color mo, brownish
black.”

Wow. No one told me that. Sabi lang nila sa akin dati, kamukha ko raw yung Mom ko, hindi yung Dad ko. Siguro
sabi lang nila yun since hindi pa nila nakikita yung Dad ko.

“Alam mo na kaagad yun?” Man he’s good! “Sige nga kung magaling ka talaga, anong kulay ng mata ko..” tinakpan
ko ng mabilis yung mata ko.

Sa katunayan, tinanong ko yun hindi dahil nakikipagbiruan ako. Since nasa America pa lang ako, tinatanong ko na
yun sa mga guys na nakikipag-usap sa akin. Particularly sa mga nagyaya ng date. Bakit?

For me it’s important. Basis ko na rin siguro. A guy who knows your eye color means he’s looking straight at it
when he’s talking to you. At sa lahat ng tinanong ko before, mas maraming nakakuha ng mali.

“It’s blue. Minsan kapag nakaside view ka or maaraw, it’s a little bit green.”

Oh my God. Na-shock ako sa kanya kaya tinanggal ko yung pagtakip ko sa mata ko.

“You’re a keen observer you know. Para kang may x-ray sa katawan…”

“I’m talking to you almost every single day, syempre malalaman ko na yun..” inabot niya sa akin si
Jonnicole. “Namana mo sa Dad mo no? Black kasi kulay ng mata ng Mom mo..”

Hindi na ako makasagot sa kanya nun. He’s right. Mine’s blue.

“Inaantok na ko..” sabi ko at mukhang matatagalan pa sina Mommy sa pagbalik nila.

“Ako rin eh…” lumapit siya sa akin. Katabi ko na siya kahit medyo masikip. “Sandal ka na lang sa akin para
makatulog ka..”

Hindi ko alam kung sasandal ba ako, baka nagloloko na naman ito.

“Ok lang sa akin..” hinawakan niya yung ulo ko tapos nilagay niya sa balikat niya, “Don’t drool on my shirt.”

The nerve of him? Feeling naman niya magdo-drool nga ako dun. Excuse me? That’s disgusting!

Sumandal naman ako sa balikat niya. Hindi ko alam kung ano ba si Jon. Minsan bad boy, rude, walang pakialaam.
May time naman na mabait, sweet, o kaya hindi mo maintindihan. Ano ba talaga?

Kakaisip ko dun, nakatulog rin naman ako. Ang tagal nga dumating nila Mommy. Narinig ko na lang na may
nagbukas ng pinto. Nagising ako kaya lang hindi ko kaagad makilos yung ulo ko dahil nakasandal din yung ulo ni
Jon sa akin. Nung nagsalita si Mommy, saka lang siya gumalaw.

Nakalabas din kami doon sa batahroom… then umalis na siya ng bahay.

***

Napakainit ngayon. Sa katunayan pakiramdam ko kulang pa yung AC ng school eh. Wala sa akin si Jonnicole dahil
ako yung nag-alaga sa kanya kahapon. Tuesday na naman pala ngayon.

Ito na rin yung last week namin sa parenting skills. Sa Friday na namin isosoli yung mga sensored babies at lalagyan
ng grade yung handbook namin.

Nakabalik na nga rin pala ako sa bahay namin. Na-miss ko rin kahit papaano yuung kwarto ko. Kasama na namin si
Richard sa bahay, obviously. Si Jon naman, hindi na umuuwi sa amin kundi sa apartment niya. Aminin ko man o
hindi…
I kinda’ miss him, at home. Kakaiba rin pala yung gigising ka tapos alam mong ano mang oras eh may manenermon
sa ‘yo o kaya naman aawayin ka na lang ng de-oras at hindi ka mananalo. Dahil wala nga siya sa bahay, it seems
like I am totally free. He barely talks to me at school. Kadalasan pa nga tungkol kay Jonnicole.

Dahil nga hindi ko na rin siya kasabay na nakakauwi o kaya naman kasama sa school, hindi ko alam kung
napapaaway pa ba siya o ano. Makita ko man siya sa school eh doon lang sa klase namin. Kapag breaktime naman,
lunch break, o kaya naman uwian, nawawala siya lagi sa paningin ko.

Dumami na naman yung mga lalaking bumabati sa akin sa corridor. Nakakapanibago nga eh. Kapag kasama ko kasi
si Jon, walang bumabati sa akin. Hindi ko alam kung natatakot ba sila sa kanyao o ano. Siguro out of curiousity na
rin, tinanong ko yung ibang mga nanliligaw sa akin kung anong kulay ng mata ko..

‘Brown..’ yung isa naman, ‘It’s black’, at sinagot naman ni Brenan sa akin, ‘I don’t know really. I think it’s blue.’

Nakuha nga niya ng tama. But it’s more or less, a guess.

Nung hapon naman na eh wala na naman kaming masyadong ginagawa kundi ang mag-art. Dumating yung teacher
namin sa room at bigla ba namang nagtututuro sa amin sa hindi mo malamang dahilan.

“Sheena, Amanda, Iyah, Raya..” nagtinginan kami lahat.

“Ano pong meron Mam?” tinanong naman ni Sheena.

“School Princess selection. Bukas na yun.”

Ito naman ang ayaw namin, sa ayaw at sa gusto mo, kapag tinawag ka.. sasali ka.

“Unfair naman yun Mam! Ayoko pong sumali. Pwede namang yung mga gusto ‘di ba?”

Naki-oo naman yung iba sa akin.

“Ok, para fair sa lahat… lahat ng girls sa section 1 sumali.”

Sabay-sabay kaming nag-reklamo sa kanya. Pero syempre kahit ayaw ko, mas ok na rin siguro yun.. at least, lahat
kami kasali.

Isang hindi magandang event na naman ang gaganapin sa school. Yung annual selection of School Princess eh
nagiging fund raising na rin. Wala ngang Prince. Ang nangyayari niyan, magkakaroon ng girls in each class sa kahit
anong curriculum at merong selection sa auditorium. Tatayo ka sa stage, kukunan ng picture, tatanungin ng kung
anu-ano at syempre pagpipilian nila. Then mag-eliminate ng mag-eliminate hanggang sa Final 10 na lang. Yung
Final 10 ang sasali sa finals.

At eto pa, may botohan pa yan. Paano yung botohan? Bibili ka ng ticket sa gusto mong candidate. Yung
pinakamaraming ticket na binili ng tao, siya ang school Princess.

Naaalala ko last year, pinapasama na rin nila ako dito. Pero syempre, umabsent naman ako nung araw na yun. Nung
second year naman ako, tinapunan ko kunwari ng juice yung damit ko. Nung freshmen naman, hindi ako sumali
since barok-barok pa akong magtagalog.

Ngayon kaya anong idadahilan ko???

“Dance-A-Long a theme ng Search ngayon. So, mag-prepare kayo ng maikling dance para sa selection. Ballroom,
cha-cha-cha, swing o kahit ano..”

Tinawag niya yung 4-4 sa room namin at eto na naman kami. Nandun si Dylan kasama sa kanila. Nag-senyas pa
siya sa akin na partner ko raw siya.
Sinabihan ko naman siya na wala akong balak na makkuha sa search na yan. Pero kailangan pa rin namin gawin para
sa grade. Partner-partner naman yung nangyari. Sabi nga sa amin gamitin daw yung class time niya para mag-
practice.

“I’m not dancing at all!” nkaita kong partner niya yung classmate namin na maliit.

“Mr. Aguillar, partner ka lang. Hindi naman ikaw ang isasali sa School Princess selection..” nagtawanan naman
kami.

“Fine! Then get somebody who would dance with her!”

Nakita kong nag-iba yung expression ng mukha nung classmate namin. Tumakbo naman ako kay Jon. Nakakainis
talaga yung ugali nun.

“Ano na namang problema mo?” tinanong ko siya nung hinila ko siya sa labas.

“Sabi ko, hindi ako sasayaw.”

“Saglit lang naman yun. Tig 3 minutes lang naman tayo bawat isa.”

“Ayoko nga! Ihanap mo siya ng partner niya!”

Ang hirap niya talagang pakiusapan. Nakakabwisit!!!

“Nakita mo ba yung mukha niya kanina, akala mo ba hindi nasaktan yun sa sinabi mo? Baka iniisip niya ayaw mo
siyang maging partner!”

“Sinabi ko ba yun?! Sabi ko hindi ako sasayaw. Kung iba yung interpretation niya, problema na niya yun!” hindi
naman siya tumitingin sa akin.

“Ano bang masama sa pagsayaw? Para sasayaw ka lang! Hindi naman kailangang magaling na magaling ka. Basic
moves lang ok na eh!”

“AYOKO NGA EH!”

“I think you’re afraid to dance..”

“Who? Me?” tinuro niya yung sarili niya.

“Yeah.” nag-lean ako sa kanya, “Si Jon Erin Aguillar takot sumayaw maliban sa righ-left moves ng sweet
dance?!?” tumawa ako ng konti, “Para basic moves lang!”

“THAT’S THE WHOLE POINT!!” hinawakan niya ako sa braso ko, “I don’t know how to dance that way..”

Whoa… Nabingi ba ako o ano?

Hindi ko makuhang tumawa nun. Kaya pala ayaw niyang sumayaw dahil.. hindi siya marunong?

“Alagaan mo si Jonnicole for the rest of the week.. tuturuan kita sumayaw..”

Tinignan ko siya kung papayag ba siya sa deal namin or what..

Maya-maya lang, tumingin na siya ng diretso sa akin.

“Deal.”

Matuto kaya siya eh bukas na yun?

“O sige. Kaya na namin ni Dylan mamaya mag-practice. Madali lang naman yun. Ikaw, san mo gusto?”

Tumayo siya at naglakad. Iniwan ba naman ako doon.


“Uwian.. sa apartment ko.”

***26***

***
Dahil may free time naman kami sa school, nag-practice kami ni Dylan ng dance namin sa room nila. Ok naman
siya, hindi naman sobrang galing, at hindi rin naman parehas kaliwa ang paa. Konting practice lang ng moves at
naka-tatlong ulit lang siguro kami eh tapos na kami kaagad. Hindi naman ganun kahirap dahil sabi niya, siya na lang
daw ang magdadala sa akin.

Ballroom nga pala kami.

Konti na lang yung time na natitira nun dahil hapon na. Hinintay ko na lang na mag-alarm ng uwian at hinabol ko si
Jackie (yung partner ni Jon na malilit na ayaw niyang makisayaw kanina). Kinausap ko lang siya kung bakit ganun
yung behavior ni Jon, nagbigay ng palusot, at sinabi ko sa kanya na bukas na lang sila mag-practice. Pumayag
naman siya at mukhang mas ok na yung itsura niya ngayon.

Katulad ng madalas kong ginagawa, dumaan ako sa locker ko para ayusin na kaagad yung gamit ko. Hindi ko naman
alam kung nasaan si Jon. Hindi naman ako nagtataka, madalas naman kasi bigla na lang siyang sumusulpot sa tabi
ko o kaya naman eh bigla na lang magsasalita sa isang sulok. Dapat lang na magpakita siya sa akin dahil hindi ko
alam kung saan ang apartment niya.

Wala namang masyadong homework kaya walang gaanong laman yung bag ko. Hinihintay pa nga sana ako nila
Sheena na umuwi pero sinabi ko na may gagawin pa ako kaya nauna na sila sa akin. Nagtingin-tingin ako sa gilid
sakaling nandun si Jon, wala pa rin eh. So ang ginawa ko, naglakad na lang ako sa gate at doon naghintay.

After how many minutes, may lumabas naman na naka-sumbrero pa.

“Kanina ka pa?” sabi niya nung nakita niya ako.

Tinignan ko naman siya. Infairness, bagay rin sa kanya yung cap niya.

“Sabi ko kanina ka pa? May kinausap lang ako sa loob..” nag-snap siya sa harapan ko, “Wala ka na naman yata sa
sarili mo..”

“Ooh.. hindi naman. Hinahanap kita sa loob kanina, eh hindi kita mahanap kaya naghintay na lang ako
dito..” tumingin ako sa likod niya, “Si Jonnicole?”

Tinuro niya yung bag niya. Kaya pala nasa harapan na naman niya yung bag niya eh nilagay naman niya sa loob si
Jonnicole. Kaibahan lang, bukas yung zipper para nakikita pa rin niya.

Nagsimula na kaming maglakad nun. Iniiwasan na naman namin yung tingin ng ibang tao. Ang hirap din pala kapag
hindi alam ng mga nakakakilala sa ‘yo yung totoo. Iisipin nila may kung anong bagay sa inyong dalawa, pero sa
totoo lang eh malabo naman talagang mangari yun. Malabo siguro sa sitwasyon namin.

Teka nga, ano bang iniisip ko? Practice dapat. Ayun.

“San ba yung apartment mo?” tinanong ko sa kanya para ma-distract ako sa iniisip ko kanina.

“Malapit lang yun dito, lalakarin na lang natin…” sinabayan ko siya maglakad, ang hirap ha!
Hindi ko alam kung saan kami papunta nun. Basta sunud-sunuran lang ako sa kanya. Kung tutuusin, kakainggit din
si Jon kahit papaano. Ang swerte nga niya at may apartment siya kahit na meron naman silang bahay na pwede
niyang uwian. Samantalang ako, ang daming bawal.

Hindi nagtagal, hindi ako napagod, at lalung-lalo na hindi rin ako nainip eh nakatayo ako doon sa dalawang
apartment na magkamukhang-magkamukha. Tumayo lang ako doon at hindi ko alam kung saan ba.

Hinila niya ako doon sa unang-una. Sabi ko nga eh doon.

Umakyat lang kami ng umakyat ng hagdan at yun nga, nasa labas na kami ng pintuan niya. Nilabas niya yung susi
niya at.. binuksan niya yung pinto.

Apartment niya ‘to?

Naglakad kami sa loob. Patingin-tingin ako doon sa table.

“This is your apartment?” hay naku! Sinasabi ko na sa inyo, hindi niyo gustong pumunta rito.

Ang daming nakakalat na damit sa table. May books din sa sofa, punung-punong lababo na hindi nahugasan na mga
plato, nagkalat na chips.. at kung ano mang liquid na nasa sahig.

Kadiri talaga.

“Don’t touch any of those stuff..” tinuro niya yung mga nasa gilid.

“Nanloloko ka ba? Bakit ko naman hahawakan yung mga yan?!? Malay ko ba kung may anaconda na sa loob niyan.
Gusto ko pang mabuhay tsong!” Super-duper.. gross talaga. “Hindi ka man lang ba marunong maglinis ng apartment
mo?”

Nanguha siya ng mga pagkain doon sa fridge at ilang in-cans na soda.

Medyo nabwisit yata sa akin dahil lahat yata ng nakita ko eh pinintasan ko. Maya-maya lang, nasa pinto na uli kami.

“Wow Good! Sa iba pala tayo magpa-practice eh! Hindi ko carry dito! Baka himatayin ako at parang gubat!”

“Ang dami mong sinasabi! Bakit ba ang daldal mo minsan?” humarap siya sa akin, “Talaga namang hindi tayo dito
magpa-practice dahil hindi ko ito apartment! Kay Jason ‘to.” sinara niya yung pinto, “Yung sa akin eh yung nasa
tapat.”

Mga dalawang hakbang lang siguro eh napunta na kami sa tapat ng pinto. Ay sus! Akala ko pa naman kanya na yun!
Mabuti na lang talaga!!!

Kasi naman eh, hindi kaagad sinasabi! Ayan tuloy, nagdaldal tuloy ako ng nagdaldal ng de-oras.

Pabukas na pagbukas niya ng pinto nung kwarto niya, yung expression ng mukha ko nung binuksan yung apartment
nung Jason eh iisa. Pero ang masasabi ko lang, gulat na kabaligtaran.

“Whoa!” pumasok ako sa loob. Mukhang nahiya yata ako ng bahagya na ipasok yung sapatos ko. “May maid ka?”

Nakita kong ngumiti siya ng kaunti at nilapag niya yung mga pagkain na kinuha niya sa kabilang apartment sa table.

“Wala. Nakikilagay lang ako ng food sa apartment ni Jason dahil nasira yung personal fridge ko. Bibili pa nga lang
ng bago eh..” ang bait yata ngayon ah.. “Ngayon, bilisan na natin para matapos na ito. Tapos uuwi ka na…”

Hindi pa kami nagsisimula parang pinapaalis na ako ah! Oh well, apartment naman niya. Alam kong ayaw niya sa
school dahil ayaw niyang may makakita na nagsasayaw siya doon. Marunong din pala siyang mahiya?

Sinimulan namin yung pagtayo doon. Pinapalapit ko siya sa akin. Nakatingin lang siya doon.
“Ano? Titingin ka lang ba o may balak kang mag-practice sumayaw?” parang nange-x ray na naman kasi kung
makatingin.

“Siguro, tititig muna ako.” nakatayo lang doon at hindi kumilos, “After that, mag-practice na tayo.”

Hindi nga ako kumilos mula sa pagkakatayo ko. Akala ko naman eepekto na sa kanya, tinotoo nga niya yung sinabi
niya. Tumitig muna doon ng may isang minuto siguro, tapos saka lang kumilos. Ewan ko kung anong koneksiyon
nun!

“Paano ba?” parang ayaw niya talaga.

“Ano bang gusto mo?”

“Ano ba sa tingin mo yung kaya ko?” sabi ko nga ako yung pipili para sa kanya.

Nag-isip naman ako. Tingin ko naman kaya nya siguro yung lahat. Pero dahil nga ayaw niya ng kinokontrol siya at
gusto niyang siya yung nagdadala, dapat siguro eh…

“Swing. Walang exact na steps, mag-swing ka lang.”

Ok, paano kami nagsimula? Ayoko na sigurong i-elaborate.

At first, it was kinda’ awkward. Parehas kaming nag-aalangan kung saan ba dapat ilalagay yung kamay niya sa
simula. But then, nagend-up kami na loose hand na lang.

Nahirapan talaga ako sa kanya. Bukod sa nag-iinit kaagad yung ulo niya kapag nagkakamali siya, totoo pa lang
hindi siya marunong. Tinuro ko sa kanya yung mga turns, tamang hand placements, pag-carry sa girl.. mga ganung
bagay.

At syempre.. may improvement din naman.

“You can also do this..” dahil sideways na kami, tinaas ko yung kamay ko at nataas na rin yung kamay niya, at
nilagay ko overhead para mag-cross sa likod namin, “Then, slowly mong i-rerelease… and face your
partner…” konting swing-swing..”Simple as that.”

“It’s not simple at all! I hate it.” ngayon naman, siya na yung onti-onting nagdadala. “Konting turn, and
swing..” nice improvement ha.. ouch! naapakan na naman niya yung paa ko for the nth time, “Sorry.”

Lumayo siya ng kaunti sa akin pero hawak pa rin niya yung kamay ko.

“Let’s count, by 8..” tingin ko kasi mas madadalian siya kapag ganun.

Nagsiple swing kami 1 to the outside, 2 on the inside. Ginawa namin yun for three times. The sumunod na alam ko,
nilaksan niya yung paghila pa-inside..

“8…7” tinaas niya yung kamay niya para mag-turn ako, “6.. 5..” tumingin siya sa akin, “Are you really this good at
dancing?”

Compliment ba yun?

Hndi ko naman inaasahan na bigla niya akong sinalo sa kaliwang kamay niya para mag-turn. Medyo nakabend na
ako nun. Nakahinto kami na ganun yung position, nakatingin pa rin siya sa akin.

Medyo nailang ako, kaya gusto ko nang tumayo.

“Ok, masyado naman yatang mahaba yung ‘carry the girl part..'” ginawa ko namang biro, “O sige na magaling ka
na..”

Tatayo sana ako para hindi naman ganun na nakakailang yung position namin. Ang lapit pa ng mukha niya.
“Alam mo kung bakit hindi kita sinayaw nung kasal nila Daddy?”

Nakatingin na rin ako sa kanya nun.

“Dahil… naging disco yung tugtog?”

“Nah.. not at all..” nag-lean pa siya lalo, “Oh come on! ‘Can’t you work out why?”

“Jon, this is kinda’ awkward…” hindi pa rin ako makatayo, inulit ko uli yung sinabi ko kanina, “May habit ka lang
ba na tumitig o baka may balak ka rin namang patayuin ako?”

Hinigpitan niya lalo yung hawak sa kamay ko. Ano ba naman ‘to..

“Same answer..”

Kung maayos ayos lang yung position ko, sinuntok ko na talaga siya.

Nakatingin lang siya sa akin. Gusto ko sanang ipikit na yung mata ko, pero hindi ko ginawa. Abnormal talaga ‘tong
tao na ito.

Dahil nga sobrang lapit niya sa akin, nagulat na lang ako nung may nagbukas ng pinto..

“Oops. sorry.” tapos sinara.

Tumingin naman siya. Ako naman eh hindi masyado dahil nahihirapan ako at naka-bend pa rin ako.

Nagulat na lang ako nung bigla akong binitawan ni Jon. Buti na lang malambot yung carpet niya.

“Michaela!”

Tumingin uli si Michaela.

“Sorry, naistorbo ko ba kayo?”

“No.. we’re practicing.”

“Yeah.. we are.” tumayo ako at tinignan ko siya ng masama. Tama bang bitawan daw ako? “Actually hinulog nga
niya ako eh.”

Tumayo naman ko ng maayos.

“Ibibigay ko lang sana sa ‘yo tong notebook mo. Nalimutan kong isoli sa school..” inabot niya kay Jon. “SIge pala,
hinihintay ako ni Larry sa baba eh.”

Sabay kaming nag-bye ni Jon sa kanya. Maya-maya lang, wala na si Michaela at kami na lang ni Jon nun. Hindi ko
alam kung anong oras na.

Tahimik kami parehas, pero siya yung unang nagsalita.

“Anong sabi mo kanina?”

“Sabi ko hinulog mo ko! Abnormal ka..”

Tumawa naman siya sa akin. Hindi ko alam paano ko nalaman, pero alam kong totoo yung tawang yun.

Tumayo naman siya sa harapan ko.

“Let’s try that again..”

“Ayoko nga! Sa susunod baka mabali na yung buto ko..”

Tinalikuran ko naman siya.


Dahil nga si Jon siya, inikot niya ako bigla at inuli niya yung kanina. Ngumiti siya sa akin saglit… tapos binitawan
ako kaya napasigaw ako.

Pero this time…

Sinalo na niya ako…

***27***

Nakakainis talaga si Jon nun. Kaya nga nung inulit niya uli yung ginawa niya, tumayo na talaga ako ng maayos at
tinulak ko siya. Ginawa kong pabiro, para naman hindi niya seryosohin yung mga bagay-bagay. Kapag seryoso kasi
siya masyado, kinakabahan ako lalo.

Kumain kami nung mga pagkain na kinuha niya kanina. Hindi nga siya makakain ng maayos kasi inalagaan niya na
si Jonnicole. Isa lang ang alam ko…

Wala na akong responsibility sa sensored baby na yan! How cool is that?

Nung papaalis na ako ng apartment niya, sinundan ba naman ako. Kung nung papunta kami dito eh hindi niya ako
hinayaang maglakad, ano pa daw kaya kung papauwi na ako at gabi na?

Syempre, sinabayan niya ako. Sumakay kami ng jeep dahil nga sa bahay kami uuwi at hindi sa bahay nila. Kaya nga
nung nakarating kami sa tapat ng bahay at pinapapasok ko siya, hindi siya pumayag. Pinipilit ko nga pero ayaw niya
talaga. Nung tinanong ko kung bakit, isa lang ang sinabi niya. Ayaw daw niyang makita yung Daddy niya at tiyak
pipilitin lang daw siya nun na mag-stay.

Nag-bye na lang din ako sa kanya at hindi man lang nag-bye sa akin. Sanay na rin siguro ako sa kanya.

Pumasok na ako sa loob pagkatapos nun. Hindi na ako nakakain dahil busog ako. Naglinis lang ako ng katawan sa
banyo at nagpalit ng PJ’s, then ready to sleep na ako.

Pero bago pa yun… napatitig pa ako sa kisame namin.

What’s with his eyes that made me nervous?

***

Wednesday. Busy naman yung school ngayon dahil selection ng School Princess. Ayaw ko pa nga sanang tumayo
nun dahil hindi naman talaga ako interesadong sumali. Kung hindi lang naman talaga required hindi talaga ako
sasali.

Sinundo ako ni Dylan sa room namin. Kasabay nung mga ibang classmate namin, nandun na rin sila. Dahil nga iba’t
ibang curriculum yung nandun, sari-saring mukha ang makikita mo. Nasa Art Curriculum pa lang ang search, next
nun eh Academic. At kami yun.

Nanood lang din ako. Hindi naman ako kinakabahan. Kung tutuusin, mas gusto ko nga sigurong kabahan ako para
naman magkamali ako. Kapag nangyari yun, hindi na ako makukuha sa contest na ‘to.
“Dylan!” yumuko naman siya para marinig niya ako. “Sa second cut, kunwari matitisod ako sa paa mo ha, para
naman mahalata nila na nagkamali ako.”

“Bakit gusto mo namang magkamali?”

“Ayoko kayang sumali! Kanilang-kanila na yang contest na yan!”

Nagpalakpakan din naman na. Saka naman kami nanahimik at yung iba naman eh nagsigawan dahil siguro alam nila
na Academic Curriculum na ang next. Nagtingin-tingin ako sa gilid, nandun din yung ibang section.

Nakita ko si Michaela. Katabi na naman niya si Larry. Si Jon naman, mukhang nawawala. Tinabihan pa nga ako ni
Jackie saglit at tinatanong kung nakita ko raw ba si Jon, kaya sinabi ko namang hindi.

“Kanina ko pa kasi siya hinahanap eh, hindi ko naman makita. Pinasa pa naman na ni Mam yung mga pangalan
namin, ayoko namang sumayaw mag-isa dun!”

“Ano ka ba, darating yun! Hintayin mo lang..” pinapalakas ko lang naman yung loob niya. Sa totoo lang, hindi ko
naman alam kung nasaan si Jon. Hindi ko rin alam kung umiral na naman yung matigas-ulo syndrome at hindi na
umattend nitong search.

Dahil nga section 1 kami, inisa-isa kami. Nagsimula naman akong kabahan hindi para sa sarili ko, kundi para kay
Jackie.

“Velencia, Janice and partner, Douglas Canayan!”

Umakyat naman si Janice at si Douglas sa stage. Nag-boogie naman silang dalawa doon. Nagtawanan pa nga kasi
ilang beses din naapakan ni Douglas yung paa ni Janice. Finally, tumayo sila doon sa harapan, kinuhanan ng picture
at tinanong ng judges.

Sumunod naman sina Sheena, Ana, Vina, at yung iba pa naming classmate. Lumingon ako sa likuran ko, wala pa rin
si Jon. Nakakaasar na talaga yung tao na yun.

Si Dylan naman, hindi yata mapakali doon sa inuupuan niya. Panay pa ang laro niya sa kamay niya. Tumingin ako
uli doon sa likuran ko. Kakaikot ko ng mata ko, may nacatch ako na mata ng isang guy. At anong ginawa?

Nag-flying kiss ba naman sa akin.

Tinaas ko yung buong kilay ko at dumeretso na lang ako ng upo. Tinanong ako ni Dylan kung anong problema,
sinabi ko may nakita akong hindi maganda.

Medyo nakakaramdam na naman ako ng init nun. Tumapat pa nga ako sa AC nila eh. Dahil naka-skirt naman ako at
blouse, saglit lang eh may tumawag na.

“Scott, Iyah Nicole” tapos nagsigawan naman sa audience kaya nagulat din ako, “and partner, Dylan Rey
Sanchez!”

Nagtinginan kami ni Dylan saglit at bago kami umakyat sa stage eh humawak na siya sa kamay ko. Ang simula ng
sayaw namin??? Bago umakyat sa stage.

Tumugtog na pero nasa baba pa rin kami. Kunwari eh nauna siyang umakyat sa akin at nag-snap siya doon para sa
tugtog. Dahan-dahan naman akong umakyat at iisipin mong cha-cha yung gagawin namin.

Pero pagkaakyat ko sa stage.. totoo na. Seryoso na parehas… and let the ballroom begin.

Syempre, tahimik naman sa audience nun. Ewan ko ba, hindi ko rin makuhang mahiya. Step right, right, another
right.. stop. Head spin, to the left, left, left and another left.

Ganyan naman yung ginawa namin. Then, shoulder spin, change position.
“Dylan, apakan mo yung paa ko. Ipahalata mo!”

“Ayoko..”

“Dali na!”

Nung una ayaw pa niyang apakan yung paa ko pero napapayag ko rin nung sinabi kong magagalit ako sa kanya.
Lumayo ako ng konti para makita nila na naapakan nga niya ako, kaya nag ‘ooh’ yung mga nasa audience.

Nice one Iyah! Minus yun sa points.

After three minutes, ngumiti kami sa harap ng judges, tinanong.. tapos nag-bow.

Bago ako bumaba sa stage, napatingin ako sa dulo malapit sa pintuan. Nakatayo doon si Jon. Naka-cross pa yung
dalawang kamay niyas a harapan niya. Nung una hindi ko maintindihan yung ginagawa niya, saka ko lang napansin
na nag-create siya ng box galing sa kamay niya.

Ano na naman yun?

Nakababa naman na kami at syempre binati-bati kami ng classmates namin. Ilang pairs lang din yung tinawag eh na-
enjoy ko naman. Pawis na pawis na ako nun. Naiwan ko pa yung panyo ko sa baba dahil nilagay ko sa purse ko
kanina. Ayun tuloy si Dylan eh pinahiram sa akin yung hankie niya.

Nakikain naman ako sa mga chips na dala ng classmates namin. Na-choke naman ako nung sinabing…

“Manoya, Jackie and partner Jon Erin Aguillar.”

Kung kanina nung tinawag kami eh sobrang ingay at may sigawan, dito naman eh medyo maingay dahil sa
bulungan. Mukhang ninenerbiyos si Jackie dahil wala nga daw siyang partner. Nag-sign naman siya sa judges.

“I’m here!” tapos lumapit siya kay Jackie at ini-offer yung kamay niya.

Naisip ko naman yung practice namin kahapon. Please Jon… ayusin mo yan. Kaya mo yan!!!

Umakyat sila parehas sa stage. Ang liit talaga ni Jackie para maging partner ni Jon. Sinimulan naman yung tugtog ng
swing nila, at talagang naka-focus ako sa search for the first time.

Seryosong-seryoso si Jon. Si Jackie rin naman. Swing dito, ikot dyan ang ginawa nila. Tingin ko nga si Jon ang
nagdala nun dahil hindi naman kaya ni Jackie na siya yung magdadala.

Bumulong naman si Vina sa akin.

“Marunong mag-swing yung stepbro mo?”

Nginitian ko naman siya.

Hindi ko kasi nabanggit sa kanila parehas na tinuruan ko si Jon. Napanganga nga rin siguro ako nung natapos silang
sumayaw. Ang nakakainis lang na nakapagpasara ng bibig ko, eh nung tumingin si Jon sa direksiyon ko.

Hawak pa rin niya yung kamay ni Jackie, tapos sabay silang nag-bow. Pagkatapos nun, binitawan din niya kaagad.

Dahil may Sports Curriculum, at Computer Curriculum pa, bumaba muna kami para hindi mainit. Balak naming
bumalik na lang mamaya para sa results.

Wala nang klase nun. Yung iba wala namang pakialam dahil ayaw rin nilang sumali. Ang pinakaayaw ko lang sa
lahat eh marami pa ring nag-congrats sa akin nung dumaan ako sa corridor kahit na halatang inapakan ako ni Dylan.
Ano ba naman yan?!?

Nagpalit lang din ako ng damit ko at nakisama na lang kina-Vina. After 2 hours siguro, nagbababaan na mula sa
auditorium yung iba. Mukhang tapos na sila eh.
Ayoko na sanang marinig yung result kaya lang hinila-hila na naman ako. Tumayo na lang kami doon sa bandang
likuran sa sobrang dami ng tao at occupied na lahat ng upuan. Tumayo na yung isa sa judges. Announce na ng final
10. Sa sobrang daming sumayaw, sampu lang yung kukunin.

“In no partcular order..” sabi niya doon sa stage, “Iyah Nicole Scott!”

At unang-una pa talaga ako! Hmf!

Nagpalakpakan naman at nagsigawan. Ako naman eh sumimangot at ayoko talagang makuha! Nakakainis!
Showbizz na masyado itong school na ito eh.

“Esmeralda….” hanggang sa may nabanggit pa na lima, “Michaela Montez..” pasok din siya? “Jennifer Paban…” at


ang pinakahuli sa nabanggit, “and to complete the final 10, Jackie Manoya!”

Nagsialisan naman na yung mga tao. Nakitalon naman ako para kay Jackie. Mabait din naman kasi yan. Pasok siya!
Ang galing!

“Final 10, and their partners, please come to the stage.

Inubos-ubos ko muna yung mga tao at lumapit ako doon sa isa sa mga judge. Sinabi ko na hindi ako dapat pasok
doon kasi palpak naman yung dulo ng performance ko. Pero wala siyang sinabi kundi, ok naman daw yun dahil
kasalanan daw nung partner ko. Isa pa, mataas daw kasi ang percentage ng audience impact kahit selection.

I am totally dismayed!

Nakangiti naman yung iba dahil nakapasok sila. Ako lang siguro yung mukhang nalugi.

“Hey, smile naman dyan! Deserve mo naman talaga eh..” tinignan ko si Dylan.

“Not helping!”

Nag-discuss discuss naman tungkol doon sa rules nung search and all that crap. Sinabi na magkakaroon daw ng
practice ng dance at lahat kami eh dapat present. Si Jon eh nasa gilid na naman at mukhang naiinis din katulad ko.
Sinabihan kami na yung unang practice eh ipapaalam na lang daw sa amin. Syempre, cotillion-type ang kalalabasan
ng dance naming lahat.

“Jon!” sabi nung isang girl na hindi ko kilala, “Hindi ko alam magaling ka pala sumayaw?”

Tumingin lang si Jon pero hindi masyado. HIndi naman siya sumagot.
Nabaling naman yung tingin niya kay Michaela.

Nanahimik na lang ako at wala na akong balak magsalita. Business na nila yun, wala na akong pakialam.

Isa-isa na kaming naglakad papalabas ng auditorium. Dahil natanggal yung sintas ng sapatos ko, umupo ako para
itali. Sinabihan ko naman si Dylan na mauna na siya at hindi na ako kailangang hintayin. Umupo naman si Jon sa
tabi ko sa gilid ng stage.

“Congrats rich kid. Bago pa lang nagsimula alam ko makukuha ka na..” nang-aasar ba ito o ano?

“Eh ikaw nga, talagang may dance moves ka rin pa lang tinatago sa katawan!”

“Nasa nagtuturo..”

Tumawa naman ako. Siya naman yung nasa stage at tumayo doon sa at nagsasasayaw.

Lumabas naman yung judge na babae.

“O, bakit nandito pa kayo?”

“Tinali ko lang po yung sintas ko.”


Ngumiti naman yung babae sa amin.

“Aguillar, I believe hindi kayo match nung partner mo. Sobrang liit niya. Isi-switch kita doon sa isa sa mga girls na
malliit yung partner na guy,..” tumingin siya sa list niya, “Either si Montez.. o kaya ikaw Scott.”

“What?!? Si Mic–” hindi ko maintindihan yung expression ng mukha niya.

Ok naman na ako kay Dylan. Yeah, medyo maliit nga rin siya. Tingin ko nga mas matangkad pa ako sa kanya ng
kaunti eh.

Hindi naman na kailangang pumili ni Jon, obviously. Si Michaela na nga ‘di ba? Tinatanong pa ba yan?

May tumawag sa akin sa pintuan ng auditorium. Si Dylan pala eh nasa labas pa. Sinabihan ko si Jon na mauna na ko,
kaya tumakbo na ako sa pinto.

Pero bago ako lumabas, narinig ko yung sagot ni Jon.

Naging kakaiba na lang bigla yung pakiramdam ko…

***28***

Nagdire-diretso na ako ng lakad papalabas ng auditorium. Akala ko hinihintay talaga ako ni Dylan, yun pala eh may
tinuturo siya sa akin. May isang girl na hindi ko kilala na lumapit sa akin.

“Partner mo ba si Jon? Pinaalaga niya kasi sa akin yung baby niyo sa parenting..”

Tinignan ko yung baby na hawak-hawak niya. Magkakamukha kasi lahat eh kaya hindi ko alam na si Jonnicole na
pala yung nasa harap ko.

Nawala na ako sa mood nun. Kaya sinabi ko na lang…

“Nasa loob siya, bigay mo na lang.” tapos nun, dumaan ako sa gitna nila ni Dylan.

Narinig kong nag-bye si Dylan doon sa girl at hinabol ako dahil ang bilis kong maglakad. Ewan ko ba, ayoko na
munang magsalita ngayon.

Syempre si Dylan eh na-curious yata sa akin.

“Iyah, may problema ba?”

“Wala..” diretso lang yung tingin ko at binilisan ko yung lakad ko.

Mabuti na lang talaga eh malapit na yung uwian nun. Hindi na nga ako dumaan sa locker ko at nagdire-diretso na
ako ng uwi.

Ewan ko ba, parang pakiramdam ko eh latang-lata ako na di ko maintindihan. Naapektuhan ba ko nung sinabi niya?
Hindi, hindi naman siguro.

Napagod lang ako… tama.

***
Maaga akong nagising kinabukasan. Iniisip ko nga na pagod lang ako kahapon kaya naging ganun na lang yung
behavior ko, pero ngayon parang dala-dala ko pa rin yun.

Pagod ba talaga yun? Ewan.

Kadarating ko pa lang sa room eh sinalubong na kaagad ako ng mga classmate ko na nagpunta na raw yung iba doon
sa practice ng dance. Gusto ko sanang mag-stay na lang at lalo lang akong nawalan ng gana. Pero kailangan kong
pumunta.

Nung naglalakad na ako sa corridor, nginitian ako ni Michaela at sumabay pa siya sa akin. Hindi ko naman alam
yung sasabihin ko sa kanya kaya nanahimik na lang ako at nakinig sa kanya. Ang dami na namang bumabati sa akin
sa hallway.

“Ang lakas talaga ng dating mo sa school no?” sabi niya sa akin kaya napatingin ako, “Ok siguro sa pakiramdam?”

Heck, No.

“You mean, maraming bumabati sa ‘yo tuwing dadaan ka o yung kilala ka lang ng school?”

“Both.”

Humarap naman ako sa kanya pero hindi masyado.

“I am not that popular.” sabi ko na lang kaya tumawa siya, “Ok, maybe a little. Sometimes it’s cool, sometimes it’s
not.”huminto ako ng konti, “Para sa akin mas madalas yung hindi..”

“Bakit naman?”

“Well, first of all.. daming nanggugulo sa ‘yo. Second, minsan wala ka nang privacy. Third, ineexpect nila minsan
na ikaw yung gagawa ng best. Mataas yung expectations nila kapag kilala kasa school.”

Nakita ko namang napaisip din siya.

“Tingin ko naman name-meet mo yung expectations na yun eh.”

Diyan naman siya nagkakamali. Hindi naman sa lahat ng bagay name-meet ko yung ‘Expectations’ na sinasabi nila.
Take Gym class for instance, I’m screwed!

Saglit lang din, nasa harap na kami ng dance room. Binuksan namin yung door knob at konti pa lang yung tao sa
loob. Panay salamin naman sa doon. Nagtinginan pa nga sila sa amin eh.

Dahil maraming salamin dito, hindi na ako nagkakamali na wala si Jon o kaya naman si Dylan. Sa katunayan, apat
lang yung guys na nandoon at lahat eh hindi ko pa kilala.

Naghintay lang kami saglit at nung inabot na ng 10 minutes at wala pa ring dumarating, nagsimula na kami. Inuna
namin yung entrance na kung saan eh, waltz with the partner.

Nagsitayuan naman kami. Apat na girls lang yung may partner kaya mag-isa lang din akong tumayo. Si Michaela eh
ka-partner yung lalaki na kapalit ni Jon. Hindi pa nga pala niya alam.

Dahil nga gumugulo lang yung mga turns at waltz, pnaupo naman kaming mga walang partner at nanduon lang kami
sa gilid para manood. Mas ok na rin yun, ayoko rin naman.

Panay counting lang yung ginawa. 8 counts. Ewan ko ba kung bakit wala kaming tugtog man lang. Pero kahit ganun
pa man, marami nang alam yung apat na pairs na nasa gitna.

Akala ko eh simpleng dance lang yung gagawin. Halu-halo pala na cha-cha, boogey, swing, ballroom at kung ano pa
man yun. Tawa pa nga ng tawa si Michaela nung nagkamali siya.
May dumating naman na apat na guys na may dalang note at nanggaling daw sila sa Physics Lab. Tumayo na yung
tatlong girls na katabi namin at sumali na sila sa gitna pero simula pa lang. Ngayon naman eh ako at si Jackie na
lang yung nakaupo.

“Ang tagal naman nila Jon..” sabi niya sa akin na mukhang naiinip na.

Sa isip-isip ko naman, baka hindi na dumating yun. Alam naman na namin pare-parehas yung ugali niya. Dancing is
not his thing.

Huminto naman na yung iba sa pagsayaw at naupo na rin sa gilid. Si Michaela, tumabi uli sa akin at mukhang pagod
na rin.

Saglit lang din, bumukas ng sobrang lakas yung pinto at nakita kong papasok si Dylan buhat-buhat yung malaking
stereo player. Hindi ko makita kung sino yung nasa kabilang side dahil natatakpan ng pinto. Pero doon pa lang,
parang alam ko na kung sino.

Parehas silang pawis nung pumasok sa loob. Mabuti na lang aircon sa loob. Pinalagay nung Dance Instructor namin
sa gilid yung player at sinubukan niyang ilagay yung cd.

At eto na naman… inaantok na ako.

“Ok, since kumpleto na tayo, pair-up na at totoong practice na.” nagsitayuan na yung iba at ako eh nakaupo pa rin.

Nakita kong papalapit na si Jon sa direksiyon namin dahil katabi ko si Michaela. Si Dylan din naman dahil tiyak
naman eh siya pa rin ang partner ko.

Tinignan ko naman sya pero.. nilagpasan ako. Tumayo na rin si Jackie.

Huminto naman si Jon sa harap namin. At parang nangyari na itong scene na ito. Nung bago magsimula yung
parenting.

“Jon, partner tayo?!?” sabi ni Michaela kaya lang hinila siya nung instructor namin at pinartner doon sa dati niyang
partner.

Nagulat pa nga yata siya saka nairita. So.. it only means one thing…

inioffer niya yung kamay niya sa akin para tumayo ako. Hindi ko naman tinanggap.

“Di ba si Michaela yung partner mo?” hay, tinatamad talaga ako mag-practice. Idagdag mo pa na nalilito ako
ngayon.

“Sino bang niyayaya ko ngayon?”

“Teka nga, kung sa amin lang din namang dalawa naisip ko lang…” naku hirap nito ah! “Siya naman talaga yung
pipiliin.. este.. pinili mo… since.. alam mo na.”

“May issues ka pala ha?” ngumiti siya ng kaunti, “So iniisip mo na si Jackie pa rin yung partner ko. Or.. issue about
Michaela.” hinila na niya ako patayo, “Too bad there’s issue that includes you and me.”

Tinaasan ko siya ng kilay ko. Kaya ko lang ba siya partner ngayon dahil pinartner si Michaela sa iba???

Crap!

Tinuro lang sa amin yung simula nung tugtog. Dahil kanina pa kami walang magawa na maayos, nag-alarm naman
at breaktime na. Nagsilabasan naman na sila. Lumapit naman ako doon sa instructor namin na nakikinig doon sa
tugtog…

“Mam, pwede pong magtanong?”


Tumingin naman siya sa akin.

“Yes?”

“Yung partners po ba namin ngayon.. permanent?”

Nginitian lang niya ako.

“Yes Miss Scott. If you’re asking if Mr. Aguillar will be your partner permanently, yes.”

“I’m not asking that at all.. it’s just that…” napayuko naman ako, “Narinig ko kasi siya kahapon na sinabi niya na..
‘Michaela can be my partner.’ So i thought..”

“Sinabi na sa akin kahapon ni Miss Vivian na ipagpapalit nga daw kayo ng partners. Sinabi nga daw yun Mr.
Aguillar na pwede niyang maging partner si Michaela.. but..”

Hindi pa niya tapos yung sasabihin niya eh may nagtapos na para sa kanya. Humarap naman ako doon sa pintuan.
Buhat-buhat niya sensored baby na nasa balikat niya.

“I told her Michaela can be my partner but…”

“I like you better to be my partner.”

***29***

Naguguluhan na ako sa kanya. He like me better to be his partner? Meron bang encyclopedia on how a guy’s mind
works? He likes Michaela, pero bakit ako yung pinili niya? Kung ako siguro yun, yung gusto ko na yung pipiliin ko.

Haay… HELP!

Lumabas na rin ako nun ng Dance room at kumain. Sa katunayan, sumabay si Jon sa akin at buhat-buhat niya si
Jonnicole na iyak na naman na iyak. Umiinom pa nga ako ng soda doon sa cafeteria nung narinig ko siyang
magsalita..

“So, anong feeling mo doon sa School Princess Search?” aba, tinanong pa!

“Anong feeling ko? Naiinis.”

Ngumiti siya sa akin.

“Bakit?”

“Hello? Ayoko ngang sumali eh! Kaasar naman kasi yung mga judges! Kahapon nga, sinadya na nga ni Dylan na
apakan yung paa ko, basta.. arrggghhh!” hinawakan ko yung tinidor ko at tinusok ko doon sa sandwich.

“I saw that part yesterday…” lumayo siya sa akin at baka itusok ko sa kanya yung tinidor ko, “Tama lang naman na
mapasama ka. Honestly, magaling ka namang sumayaw.”

“Thanks.” tumingin ako doon sa salamin. May kumakaway sa akin na lalaki sa labas ng cafeteria na hindi ko naman
kilala kung sino. Kumaway na lang din ako.
“Kilala mo?” sabi niya kasi nakangiti ako.

“Hindi. Nakikikaway lang..” tuloy pa rin ako.

“Tingin ko mananalo ka sa contest na yan eh..” tumingin ako sa kanya at magkasalubong na yata yung kilay
ko, “You’re popular. Alot of guys like you. Tiyak maraming bibili ng tickets mo.”

“I hope not. Hindi naman dahil kilala ka ng mga tao dito mananalo ka na.” iniwas ko yung tingin ko, “Hindi kaya
ako mananalo!!!”

“Oo nga, hindi ka naman mananalo.”

Humarap na naman uli ako sa kanya.

“Binabaliktad mo naman eh!” ngumiti ako, “Hindi naman talaga ako mananalo. Ayoko.”

“Tingin ko mananalo ka..”

Bigla na lang siyang tumingin doon sa labas at binalik din niya yung tigin niya sa akin. Nug tumingin ako, may
dalawang lalaki na nag-dirty finger sa kanya.

“How rude! Do you know them?”

“Hindi.”

Napaisip naman ako. Ito lang mga minuto na nag-uusap kami, may natuklasan akong similarity namin, at difference.
Similarity dahil parehas din naman kaming kilala sa school kahit papaano. Parehas may nakakakilala sa amin galing
sa labas na hindi namin kilala. Difference? Ako bilang the so-called ‘Face of the campus’ in a nice way, at siya
naman ang ‘Bad Boy ng campus’ in another way.

“Ano namang gagawin mo kung manalo ka? Sabi kasi nila may prize daw.”

“Anong gagawin ko? Hmm.. siguro..” nag-isip naman ako kaya lang may na-realize ako. Teka nga!!! “Bakit ko
naman iisipin yung gagawin ko eh hindi nga ako mananalo!”

“I’m prettry sure you’ll win this contest. ‘Want a bet?”

Napaatras naman ako sa kanya dahil nag-lean siya doon sa table. There’s something fishy around here..

“Are you trying to push me on something?” hindi kaya panay ang sabi niya na mananalo ako para naman masabi
niya kung ano man yung gusto niya?

“Medyo.” tumayo naman na siya. “Ano?”

“Anong… ano?” ang gulo mo tsong!

“Ok, ganito. Kapag hindi ka nanalo sa School Princess search na kanina mo pa sinasabi, ililibre kita ng lunch mo for
a whole month!”

“Yun lang? Eh kayang-kaya ko ngang bumili ng sarili kong lunch eh!”

“and.. I’ll do your homeworks.”

Nice offer ha! Free food and no homeworks for a month? How cool is that?

“Well, not bad. Eh kung manalo ako sa search thingy na yan? Ano namang gagawin ko?”

“Just say yes…”

“The heck what?!?”


“Say yes first.” ang pilit nito ah!

“Bakit naman ako magye-yes eh samantalang hindi ko alam yung kapalit sakaling manalo ka!” pinag-cross ko yung
kamay ko.

“Wala naman akong balak na masama no!” medyo nainis yata sa akin.

“Hmm.. maganda naman yung offer. Tiyak naman hindi ako mananalo dun eh. Ok, fine.. ano pala yung kapalit?”

Hinila na niya ako paalis nun.  Pabalik na rin kasi kami sa Dance Room at magpa-practice na kami. Kanya-kanyang
alis na rin yung mga ibang estudyante dahil nag-alarm na. Na-curious naman ako kaya tinapik ko yung index finger
ko sa right arm niya.

Ang tigas ha.

“Ano nga nga yun?”

Ngumiti lang siya sa akin.

“You said yes right? So hindi na mahalaga kung ano yung kapalit. Bakit ko naman sasabihin sa iyo ngayon?”

Aba! Hindi naman pwede yun! Nakakainis naman yata. Maling desisyon yata yung pagpayag ko eh.

“Is there a name for this game?”

Dire-diretso talaga siya sa paglalakad niya. Lumingon siya sa akin at talagang ngumiti siya.

“Love.”

Huh? Ok I need a map. I’m lost.

The name of the game is… LOVE?

***
Naguluhan yata yung utak ko sa sinabi niya. Is there a game called Love? Siguro nga old game yun. Hindi ko lang
siguro alam simula nung dumating ako dito since hindi naman ako madalas nakikipaglaro sa guys.

At saka, bakit ba Love? May exact rules ba or what? Love? What kind? Which one? I’m pretty sure what it is…

Brotherly Love. Naks, ang sarap sa pandinig ah! Yun nga lang sasakit yata yung ulo ko kapag inisip kong si Jon yun.
Hindi bagay eh!

Dumating kami sa Dance Room nun at kami na lang pala yung hinihintay. At yun nga, pinatugtog yung music na
akala mo eh panahon pa nila Julius Caesar.

Pinaform yung girls ng two lines, at ganun din yung guys. Ang kinalabasan eh apat na lines at aligned kaming lahat.

Curtsy ang unang-una naming ginawa. Step to the right, bow, to the right, bow, to the right, bow. Ginawa namin yun
hanggang sa maka-bow na kami all sides. Yung guys naman eh nagba-bow din pero ibang paraan. Yung kanang
kamay nila na naka-close fist eh nasa harap nila sa abdomen at yung kaliwang kamay na close fist din eh nasa likod
naman.

Eto lang talaga ang ayaw ko sa Classical Dancing. Maraming movements na pang-royalty. I am not royalty at all!!!

After nung bow, haharap ka sa partner mo, step ng dalawa, then hand placing na para sa ballroom. Ok na sana lahat
eh, kaya lang yung style ng paglalagay ng kamay mo at kamay ng guys sa ‘yo eh pabigla. Sabi pa ng D.I.

‘It’s classy, and partners will be close together.’


Hello? Ako yata ang D.I. dito! I prefer the ballroom part.. not this.. close?!?
Tumingin ako kay Jon. Napatingala pa nga ako ng konti dahil mas matangkad siya.

Bigla na lang niyang iniwas yung tingin niya.  “I hate this thing..” sabi ko na lang tapos sumimangot ako.

Nakatayo kami doon na nakaganun na posisyon habang hinihintay namin yung instructions nung D.I. Ilayo niyo sa
akin yan at baka masuntok ko yan!

“Bakit ganyan yung itsura mo?”

Sumimangot na naman ako. Ewan ko ba, ayoko talaga nitong Dance na ito eh. Hinawakan naman niya yung chin ko
at tinaas niya. Tinatawanan ba naman ako.

Wala naman ako sa sarili ko nun. Nag-iikot ikot lang kaming dalawa hanggang sa maya-maya lang nakikitawa na
lang din ako sa kanya. Kaya lang nagulat na lang ako nung bigla na lang akong nabangga sa likod kaya natulak ko si
Jon doon sa dingding. Parehas kaming tumingin doon sa likuran namin.

“Oh, sorry. Hindi ko sinasadya. Nakatalikod kasi ako eh, kaya hindi ko alam kung sino yung nasa likod ko.
Sorry.” si Michaela pala.

Well, I don’t care that much. Hindi naman pala niya sinasadya eh. Saka nangyayari naman talaga yun, ang
magkabanggaan.

Nung sumunod na mga araw, Tuesday and Friday na wala kami sa klase, sinoli na rin ni Jon si Jonnicole. Sinabi pa
niya na ilang araw din siyang pinuyat nun. Pero sa totoo lang yung statement na yun may ibig sabihin: ‘Mamimiss
ko rin yan.’Ang pinakamagandang part lang din, naka-A kami sa Health class. Ginawa pa ngang example yung baby
handbook namin na mas marami namang ginawa si Jon.

Panay practice lang din naman yung ginawa namin. Nung Saturday naman at bumaba ako eh gising na parehas si
Mommy at si Richard.

“Anong meron?” pakiramdam ko kasi parehas silang busy.

“Wala naman.” tinuro niya yung table, “Kumain ka na nga. Darating si Erin ngayon. Sinabihan kasi ng Daddy niya
na dumalaw dito at yun naman talaga ang usapan. Kaya magluluto siguro ako..” napatingin naman ako kay Mommy.

“Really? Dati bihira ka lang din magluto eh.” kumagat ako doon sa tinapay, “Mom, naisip ko lang..” well, nanay ko
naman yan… “Pwede mo ba akong turuan magluto? As in, mother-to-daughter lesson. Gusto ko lang
matuto.” tumingin siya sa akin na para bang nagulat, “Don’t look at me like that! I’m already in 4th year high
school, almost at my sweet 16, Mom?!?”nakakaloko na ah.

Lumapit naman siya sa akin na ang itsura eh gusto yatang umiyak. Hinawakan ako sa dalawang pisngi ko at
hinalikan ba naman yung buhok ko. Ang OA talaga ng Mommy ko.

“What’s up with all the drama?”

“Wala lang, hindi ko lang naisip na ang anak ko eh magtatanong na lang bigla sa akin na kung pwede ko siyang
turuan! Of course anak! Gusto mo i-ready ko na yung gagamitin natin?”

Excited naman yata siya masyado.

“Ok.”

“Anong luto ba yung gusto mong matutunan?”

Nag-isip naman ako. Ano ba yung gustung-gusto kong niluluto ni Mommy noon?!?

“Chicken Adobo.” ngumiti naman ako sa kanya habang tinataas-taas ko yung kilay ko.
“O sige aalis na muna ako at iiwan ko kayong dalawa sa cooking lessons niyo. Magpapacar-wash lang muna ako.”

Parehas kaming nag-bye ni Mommy sa kanya at lumabas na siya ng pintuan. Kung iisipin mo, hindi rin naman pala
nakakailang na may kasama kang stepdad sa bahay niyo. Sanayan na lang din siguro. Isa pa kung sama-sama lang
din naman kaming apat sa iisang bahay, tingin ko magiging ok din naman lahat. Without the consideration of our
names. Kung saka-sakali kasi, ako lang ang Scott sa bahay na ito. Si Mommy kasi Aguillar na rin ang apelyido.

Ni-ready na namin yung mga kailangan. Inayos ko na sa cup yung soy-sauce at vinegar at kung anu-ano pang mga
ingredients na yun. Nilabas naman ni Mommy yung chicken, at sinabi niya sa akin na hiwain daw into chunks. Dahil
gusto ko na lang din naman na matuto, ako na yung nag-volunteer na maghiwa.

“Iyah, yung malaking kutsilyo yung gamitin mo at baka bukas ka pa matapos nian.” sabi niya sa akin dahil yung
steak knife yung gamit ko.

Nakaupo lang siya doon sa gilid at pinapanood ako. Kaya ko naman magluto, basta may nagdidikta ng gagawin.

Ok na sana lahat kaya lang nahiwa ko yung kamay ko. Mabuti na lang hindi malaki pero dumugo pa rin. Hinugasan
nga ni Mommy tapos nilagyan niya ng gamot at band-aid. Siya na ang nagtuloy maghiwa nun pagkatapos.

Nung ready na talaga lahat, umupo uli siya at tinuro na niya kung ano yung gagawin.

“I-marinate mo yung chicken. Ilagay mo yung soy sauce, vinegar, garlic, salt, sugar, pepper, bay leaves altogether.
Then, haluin mo lang.” sinunod ko naman yung sinabi niya. Maya-maya lang, brown na talaga yung itsura nung
chicken.

Pinalagay na niya sa akin yung chicken sa stove. Mga 1-3 hours daw yung regular time nun, pero dahil konti lang
yung niluluto namin, isang oras lang. Nanood muna kami ng TV tapos nakailang balik ako sa harap ng orasan namin
kaya nung eksaktong 1 oras, tumakbo naman ako, tinanggal ko yung takip, at hininaan ko na yung stove. Tinawanan
ba naman ako ni Mommy. Wala naman daw mangyayaring masama kung ma-late naman daw ako ng ilang second.

Pinakulo uli for another 30 minutes. Nung eksaktong 30 minutes na uli, tinanggal ko na yung takip at pina-evaporate
ko na yung sabaw. Hmmm, mabango ah. Iyah, hindi ka yata palpak ngayon maliban sa hiwa mo sa kaliwang daliri!

Lumapit sa akin si Mommy dahil nakabantay ako doon sa niluluto, tinignan niya, tumango, then nilagay niya sa
pinaka-low yung apoy. Yung rice cooker naman namin eh tiyak tapos na rin naman na.

Umakyat naman ako at naligo. Amoy adobo na nga siguro ako eh. Nagpalit lang din ako ng damit, nagsuklay, tapos
bumaba na.

Nakita kong nandun na si Richard, pati si Jon. Nakaupo siya doon sa sofa at nakalagay yung dalawang kamay niya
sa arm rest. Naka-red shirt siya at black pants. Lumingon lang siya tapos nanood uli.

“Nakita kong naglalakad siya kanina kaya sinabay ko na..” sabi ni Richard kaya nagulat ako.

“Tara na, kain na tayo habang mainit pa…” sabi ni Mommy na may dala-dalang malaking bowl na kung ano man
ang laman nun.

Tumayo kami parehas nun. Naupo si Mommy sa harap na upuan ni Richard, sa right side si Jon, sa left naman ako.
Sa katunayan, upuan ko nga yung inupuan niya. Pero dahil lalaki naman siya, ok fine!!! Pabigyan!

Tahimik kami parehas nun at kumain na rin kami. Nagdasal pa nga kami at kumuha na sila nung Adobo na ginawa
ko. Sana naman hindi yun palpak!

Hindi ko naman maiwasang tumingin kay Jon sa unang subo niya. Si Richard din eh ngumiti lang sa akin. Pinikit ko
na lang din yung mata ko nun. Ewan ko ba, palpak na naman kaya? Sinasabi ko na nga ba eh, dapat hindi na ako
nagluluto.

Hindi naman ako makakain doon. Hinihintay ko na may magsalita sa kanya. Finallly..
“Dad told you right?” sabi ni Jon kay Mommy, “This is awesome.”

Whoa! Narinig ko yun! Awesome daw? O baka naman sabi niya lang yun dahil gusto niya lang purihin si Mommy?

“Ano? Wala siyang sinasabi sa akin..”

“I didn’t tell her. Nung umalis ako, hindi pa sila nagsisimula.”

Tumingin naman si Jon sa Dad niya.

“What do you mean sila???” humarap siya sa akin, “Tinulungan mo siya magluto?”

Si Mommy naman ang sumagot para sa akin. Umurong na yata yung dila ko eh.

“Sa katunayan, ako yung tumulong, siya yung nagluto.” hinawakan niya yung kamay ko, “Nahiwa pa nga niya
kanina yung kamay niya eh.”

“Mom!” i-kwento pa daw ba yun?

Tumawa naman si Richard. Ewan ko kung dahil ba yun sa pagkakahiwa ko ng kamay ko.

“Well, you two did a very good job.” diretso pa rin siya sa pagkain niya, “It so happened that chicken adobo is Jon’s
favorite food.”

Napatingin ako kay Jon nun. Nakatingin siya doon sa plato niya.

“Favorite Filipino Food Dad.” tinama pa niya.

Si Mommy naman eh nag-lean sa table. Nakangiti din siya.

“Talaga lang?” ngumiti siya tapos tumingin sa akin, “It so happened that Iyah picked chicken adobo…”

“You did?”

“I did?!?” sabi ko naman sa upuan ko.

“Oo, tama. siya nga Erin.”

“I’m right?” sabi niya na confuse talaga yung itsura.

“Yeah, he’s right?!?”

“You’re cooking?!? Since when?”

“I am?!?” hay ang gulo!

Tawa ng tawa si Richard nun. Bigla na lang kaming nagtinginan ni Jon dahil magkatapat kami. Tumawa kami
parehas. Kakaiba yun ha, bihira yata mangyari yun.

Diniretso na lang namin yung pagkain namin. Kaya nga nung natapos kami, si Mommy na ang nag-prisinta na
magligpit dahil ako raw ang nagluto. Umakyat naman ako sa taas at doon ko balak manood ng TV.

Bukas naman yung pintuan ko nun, tapos may kumatok. Si Jon pala. Pumasok siya sa kwarto ko at ginala yung
tingin niya.

“Nice room.” umupo siya doon sa kama ko, “I can’t believe you.”

“Huh?!?”

“Paano mo nalaman?”

“Ang alin?!”
Kakaiba talaga siya ngayon. Lumapit ba naman sa akin.

“I don’t know. You did a great job.” gee.. thanks! “Coincidence or not, you picked my favorite food.”

Nilagay niya yung isang kamay niya sa balikat ko.

” ‘Could be something..” wuzzgoinon?!?

***30***

Hindi naman ako manhid o ano, pero para bang nitong mga huling araw may message na sinasabi sa akin si Jon.
He’s weird! Alam kong may gusto siya kay Michaela, but hey! Ibang message yata ang nakukuha ko galing sa
kanya! Or, mali na naman ang interpretation ko. Ayoko namang magtanong, baka mapahiya lang ako.

“Are you trying to tell me something?” sinasabi ko na nga ayokong magtanong niyan!!!

“Do I sound like I’m trying to tell you something?!?”

Aba, ako pa ang tinanong? HINDI!

“Kind of.”

Tumayo naman siya sa pagkakaupo niya.

“Gusto mong malaman yung totoo?”

“Ay hindi! Magsinungaling ka sa akin!”

Tumawa siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ba, siguro dahil sa expression ng mukha ko. Alam ko minsan ganito
ako, may magagawa ba ko?

“See ya’ later.” lumabas na siya ng kwarto ko.

Lumabas na siya ng kwarto ko. Humiga na lang ako doon sa kama, tumingin sa kisame, mamaya lang knock-out na
ako.

Hindi ko alam kung napagod ba ako sa pagluluto ko nung adobo, pero napakababaw ko naman kung ganun. Nagluto
lang saglit napagod na? Well, posible naman mangyari yun kung Iyah Nicole ang pangalan mo.

Nung nagising naman ako eh, ang dilim na. Tumingin ako sa bintana, grabe gabi na! Binaling ko naman yung tingin
ko sa alarm clock ko, 1:45 a.m.

Hindi na ako makatulog nun. Nagising pa kasi ako eh. Patay na…

***

Kadarating ko pa lang sa school eh antok na antok na ako. Paano ba naman eh nung nagising ako ng almost 2 o’
clock na, hindi na ako makatulog hanggang sa umabot yung 5 a.m, which is, oras na talaga ng gising ko.

Pakiramdam ko puyat ako. Kapag minamalas ka nga naman, mali talaga yung idea na natulog ako.
Medyo nakapikit pa yung mata ko nung naglalakad ako sa corridor. Alam kong mukha akong ewan, pero wala na
akong magagawa nun. Pagdating ko sa room, tinulak ako ni Sheena hanggang sa makarating kami sa Dance Room.
Inaantok na nga yung tao may practice pa?

Narinig kong may kausap siya. Kapag kulang pa man din ako sa tulog eh nahihilo ako. Ngayon, mukhang
nagsisimula na.

Nakita kong paalis na si Sheena nun kaya nag-wave na lang ako sa kanya. Maya-maya lang, may tumabi na sa akin.

“Sa Friday na yung Search, may isusuot ka na?” sabi niya sa akin pero nakayuko ako.

“Isusuot? PE Uniform? Nasa locker.” teka, mali yata yung sagot ko. Oh well…

Nilagay naman niya yung kamay niya sa noo ko, pinalo ko naman.

“Wala akonhg sakit engot, inaantok lang ako.”

“Akala ko nagdedeliryo ka na, anong nangyari sa ‘yo? Ang aga mong natulog puyat ka pa?” sabi niya sa akin pero
hindi na ako makapag-isip.

“Ikaw ba naman magising ng alas-2 ng madaling araw, ‘di ka mapuyat?” kinuha ko yung bag ko at sinandal ko yung
ulo ko.”Matutulog muna ako. Pakisabi na lang kung simula na yung practice.”

Ewan ko kung nakatulog ba ko doon. Hindi ko na nga alam nangyayari sa paligid ko nun eh. Naramdaman ko na
lang na hinihila ako ni Jon sa gitna ng Dance Room dahil simula na ng practice.

Dinilat ko naman yung mata ko. Sumunod ako sa curtsy pero ang bagal ng kilos ko. Nung dinilat ko uli, nasa turn pa
lang ako, nasa change position na yung iba.

Dahil nga nagkakamali na ako, hindi ko alam kung sino na yung mga nabangga ko. Nakatayo lang ako doon,
sinubukan sumunod sa iba, pero wala pa rin eh. Tinamaan ko pa nga ng kamay ko yung ilong ni Jon.

“That’s it!” sabi niya tapos napahinto ako. Pagtingin ko sa kanya, parang umikot yung paningin ko kaya napahawak
ako sa dibdib niya.

Humawak din naman siya sa braso ko.

“So—”

Naguusap-usap sila pero hindi ko na talaga maintindihan. Si Jon na malapit sa akin ang pinakamaliwanag lang ang
sinasabi.

“Pwede bang mamayang hapon na lang kami?!? Useless din kung sasali kami.”

“Kaya ko naman, OA ka.”

Pagtingin ko uli, nakatingin na lahat sa akin. Ok, this is embarassing.

“Sabi ko nga, matutulog muna ako sa clinic.”

Naglakad na ako nun. Kukunin ko sana yung bag ko, kaya lang may kumuha na para sa akin.

“Para kang nalasing ha..” sabi niya sa akin kaya sinuntok ko sa braso niya.

Sinabayan lang niya akong maglakad. Kaya lang nung paliko na kami papunta sa clinic, pakanan ako, pakaliwa siya.
Hinila ba naman ako dahil doon daw yung daan. Nung nabwisit yata sa akin, binuhat niya yata ako. Ewan ko, hindi
ko na nga maintindihan masyado.
Dinala nga niya ako sa clinic. Mag-9 o’clock na nun Pinainom pa nga ako ng chocolate nung nurse dun eh.
Nakatulog din naman ako kaagad. Badtrip talaga!! Pero ayun nga, saglit lang din, wala na naman akong alam sa
paligid ko.

Dreamless sleep nga ako eh. Huli ko lang na nakita, nakaupo na si Jon sa sofa sa gilid nung cot ko.

Pagkatapos ng ilang oras, nagising naman ako. Almost 12 o’ clock na at pakiramdam ko lunch na. Medyo bumuti na
nun yung pakiramdam ko. Naiinitan nga ako nun eh. Pinagpapawisan na nun yung noo ko.

Nung tumayo ako, nandun si Jon at naglilipat ng TV.

“Bakit gumising ka na?” nagsusungit ba ito o ano?

“Eh gusto ko, bakit?!? Ang init-init naman dito!” pinunasan ko yung noo ko.

“Mainit? Naka-aircon na nga dito.”

“Kasalanan ko ba kung naiinitan ako?”

Umayos siya sa pagkakaupo niya. Tumingin lang siya sa akin. Iniwas ko nga yung tingin ko. Nakakailang eh.

“Huwag ka ngang tumingin ng ganyan, nakakaloko eh.” sabi ko sa kanya.

Nakikita ko pa rin siya sa side ng mata ko. Hindi pa rin siya kumikilos nun alam ko. Kaya nairita na rin ako.

“Hindi ka kikilos, hindi rin ako. Ayokong tumingin sa direksiyon mo.”

Hindi pa rin siya gumagalaw nun. He’s still staring at me! Ano bang problema nito! Ayoko na tumitingin siya ng
ganyan ha! Nakakainis.

Hindi ko na mapigilan, kaya humarap na ako sa kanya.

“Bakit ba ganyan ka tumingin?!?”

Tumawa ba naman sa akin.

“E di lumingon ka rin?” sabi niya ng nakangiti pa, binato ko yung unan sa mukha niya.. pero nasalo niya. “Niloloko
lang kita.”

“Akalain mo yun marunong kang magloko? Akala ko magsungit lang eh!”

Tumayo naman siya at inabot sa akin yung panyo nya. Nung hindi ko ginagalaw at hindi ko alam kung para saan,
kinuha niya uli at pinunas niya sa noo ko.

Inagaw ko naman.

“Ako na..” tumingin ako doon sa gilid, “Nasaan yung nurse?”

“Bumili yata ng pagkain sa cafeteria. Eh ikaw lang yung nandito, kaya sabi niya bantayan na lang kita.”

“Kanina ka pa dito?”

“Lumabas lang ako kanina, pero bumalik din ako. Naghihilik ka nga eh.”

“Hindi kaya ako naghihilik!”

Asar na ito! Hindi naman talaga eh.

“Paano mo malalaman eh tulog ka nga?” nakita niya nakasimangot na naman ako, “Oo na hindi na. Tinitignan nga
kita, wala kang kasound-sound.”
Tumayo siya doon sa gilid nung hinihigaan ko.

“Ano na naman gagawin mo?”

“Binubuksan ko yung bintana!” sinigawan ba naman ako, “Ang kulit mo.”

“Bakit mo naman bubuksan?”

“Naiinitan ka di ba?”

Binuksan nga niya yung bintana kaya naramdaman ko yung hangin sa batok ko. Ewan ko kung pwede bang buksan
yun dahil naka-AC sa loob, pero wala naman yung nurse eh.

Bababa na sana ako nun para umalis na doon, kaya lang hinarangan ba namana ako. Kapag kakanan ako, doon din
siya. Pakaliwa ako, doon din siya, Hinawakan ko nga para i-steady siya at para na rin makadaan ako.

“San ka pupunta?”

Tinaasan ko nga ng kilay ko.

“Lalabas! Wala naman akong balak mag-stay dito no!”

“May dumi ka sa mukha!” hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko.

Hindi naman ako gumalaw. May dumi na naman ako. Akala ko naman aalisin niya, pero nakatayo na naman siya
doon.

Tinulak ko nga ng index finger ko yung noo niya.

“Loko-loko! Wala naman! Nakakainis ka na! Kanina ka pa!”

“Meron nga!” nakangiti siya nun.

“Wala sabi!”

Dahil papalapit na siya sa akin nun, iniwas ko yung ulo ko sa kanya para hindi na naman niya hawakan yung pisngi
ko. Hinarap ko yung mukha ko sa bintana. Humangin naman ng malakas sa labas, kaya napuwing naman ako.

Napahawak naman ako sa mata ko. Kakamutin ko sana eh..

“Mamumula yan kapag ganyan.”

“Eh napuwing ako.” hindi ko maidilat yung kaliwang mata ko. Naluluha na nga eh.

Nakikipag-wrestling na naman siya sa akin.

“Akin na! Hihipan ko!”

“Ayoko sabi eh!” tinulak ko siya.

Ayaw pa rin mawala nun, kaya sumakit na yung mata ko. In the end, pumayag na rin ako.

“Sige na hipan mo na nga.”

Pinilit naman niyang hipan yung mata ko. Ang lamig nga kapag ganun eh. Ang lapit ba naman ng mukha niya,
nakakahiya talaga.

Nung medyo ok na at nandun pa rin siya sa harap ko, dumating naman yung nurse. Sinigawan kami parehas.

“ARE YOU TWO, KISSING?!!”

Huh?!? San galing yun?


“Ano po?”

“Err.. hindi po.” lumayo na siya sa akin.

Hinawakan ako sa blouse ng nurse at si Jon naman sa collar ng polo niya.

“Both of you OUT! Get OUT!” tinulak kami palabas, “Ilang beses ko nang sinabi sa mga estudyante na bawal yan.
Kissing sa clinic pa?!? OUT!”

“We’re not kissing! Napuwing lang po ako..”

Nasa labas na kami nun at inaayos ko yung sapatos ko.

“Hinihipan ko lang yung napuwing niya eh!”

Magkasalubong naman yung kilay nung nurse.

“Napuwing, hinihipan! Pare-parehas kayo ng mga dahilan kahit huli na! Mga bata ngayon! Mag-aral muna kayo!”

Mangangatwiran pa sana ako, kaya lang sinarahan ba naman kami ng pintuan ng malakas.

Parehas kaming natahimik ni Jon. Hindi ako makakilos nun. Nung napatingin ako sa kanya, parehas kaming namula.
Tumalikod ako sa kanya, siya rin sa akin.

“Kain muna tayo, tapos bumalik na tayo sa practice.”

“H-ha.. oo.. tama.”

Mga ilang minuto lang kaming nakatayo doon bago namin maisipang kumilos. Pagharap namin nun, nandun pala si
Michaela.

Napahinto kami parehas.

“You two… kissed?” tinuro niya kami parehas.

***31***

Nakakagulat naman si Michaela. Hindi man lang namin alam na nandun pala siya. Tumingin kami parehas ni Jon,
tapos sinabi niya..

“Mix…” tapos lumapit siya kay Michaela.

Hindi ko maintindihan yung expression ng mukha niya, galit ba siya sa akin o ano? Kung saka-sakali man na iniisip
niya na nag-kiss nga kami, imposible namang magselos siya. Sila na ni Larry ‘di ba? Isa pa, stepbro ko si Jon, we’re
not romantically involved.

Tumingin lang siya sa akin, tapos biglang tumakbo. Si Jon naman hindi alam kung tatakbo rin ba kasunod siya, kaya
sinabi ko sumunod na siya. Tumakbo rin siya, kaya ako naman umupo na lang doon sa stairs ng building ng clinic.

I don’t understand. I didn’t do anything wrong, did I? Kung sakali man na iniisip niya na merong kung ano sa amin
ni Jon, well, she’s wrong. That’s totally impossible….
Or… is it?!?

***

Hindi ko alam kung paano nangyari, pero yung news na nag-kiss ‘daw’ kami ni Jon eh kumalat sa school. Hindi ko
alam kung paano nung simula, pero sinabi rin sa akin ni Vina.

“Narinig-rinig ko lang eh, may nakakita raw sa inyo nung pinalabas kayo ng nurse. Kaya ayan..”

Parang gusto na naman sumakit ng ulo ko. Bakit ba yung mga bagay na lalong magpapakumplikado ng sitwasyon
namin nangyayari? Ayaw na nga namin ipaalam sa school na stepsiblings kami, pero parang merong mga bagay na
nangyayari na tinutulak kami parehas na sabihin.

Si Vina naman, tinanong nga ako kung nag-kiss daw ba talaga kami. Kung siya rin na alam niya na stepbro ko siya
eh iniisip na nangyari nga yun, paano pa kaya doon sa mga hindi nakakaalam?

Hindi na ako kinausap ni Jon nun. Sa katunayan, madalas nga siyang mag-isa eh. Minsan nagkakasabay kaming
tumingin sa isa’t isa, after 1 minute, iiwas na rin namin yung tingin namin. Kahit siya rin siguro, naiinis rin sa
nangyayari.

Sino ba namang hindi?

Ang hindi pa maganda sa mga nangyayari, tinuloy yung practice namin ng sayaw nung hapon. Dahil nga ka-partner
ko siya, kitang-kita namin sa salamin na maraming tumitingin sa amin. Hindi na nga kami makakilos parehas.

“Huwag mo silang pansinin..” sabi niya sa akin tapos tuloy pa rin siya sa pag-turn.

“Naiilang kasi ako eh..”

“Sabi ko naman sa ‘yo, huwag mo silang pansinin. I don’t give a crap on what they are thinking.” tapos tumingin
siya sa akin, “Huwag lang silang magsalita ng kung ano tungkol sa ‘yo baka hindi nila magustuhan yung gagawin
ko.” nagulat naman ako sa kanya, seryosong-seryoso niyang sinabi yun.

Pinalipat kami sa Little Theater nun para alam na daw namin yung position namin kapag nandun kami. Doon kasi
gaganapin yung search. Pagkadating namin doon, may mga ilang tao na nag-aayos ng design.

“Scott, at ano ngang pangalan nito?” tinuturo nung D.I. si Jon pero di niya maisip yung pangalan, “Aguillar. Dito
kayong dalawa.”

Nilagay niya kami sa gitna, of all places.

“Pwede bang sa gilid na lang kami?”

“Kayong dalawa ang pinakamatangkad, hindi naman balance kung sa gilid kayo.”

Wala kaming magagawa nun kundi sumunod na lang. Si Michaela, tumingin lang sa akin, tapos sumama na sa
partner niya. Hindi ko alam kung ano na namang problema niya, sana lang sinasabi niya sa akin ‘di ba?

Napansin yata ni Jon na nakatingin ako sa kanya.

“Don’t mind her. She’s just having a bad day.”

“Well me too! Pero hindi ko naman dinadamay yung iba!” sabi ko na lang sa kanya. Sa katunayan, hindi naman
talaga ako ganito.. pero kapag naiipon na sa sarili ko yung inis ko, hindi ko rin kayang pang-hawakan lahat.

Nag-alarm naman ng breaktime. Hindi kami kasali doon dahil tuloy yung practice namin. Yung ibang estudyante eh
pumasok sa loob para manood ng practice namin. At eto na naman yung nang-aasar. Panay ang sigaw nila lalo na
kapag sa swing eh sasaluhin ako ni Jon. Akala ko lahat kami, pero napansin ko na kami lang pala since may isang
part na isa-isa kaming iikot, sa amin lang sila sumigaw.
May mga lalaki din doon, pero pinkamarami eh grupo ng mga babae. Kitang-kita mo nga na tumatawa sila,
nagbubulungan, pero hindi ko naman alam kung ano. Halata nga na nakatingin sila sa akin, kaya lalo lang akong
nailang.

“Iyah! Ano bang ginagawa mo? Kanina ka pa nagkakamali ah!” sabi nung D.I sa akin. Nagtawanan naman yung
mga nanonood.

“I need a break, sorry.” yumuko na lang ako tapos umalis ako doon sa stage.

Humawak si Jon nun sa kamay ko, tapos bumitaw din. Tumakbo ako nun palabas at pumunta ako sa cafeteria. Sa
katunayan, 3:00 pa yung breaktime namin sa practice, 2:45 pa lang.

Umupo lang ako mag-isa dun. Hindi ko alamk ung bakit sobrang big deal na lang yung nangyari. Kung makatingin
naman sila, akala mo may krimen na akong ginawa.

May umupo rin sa harapan ko.

“Do you want something to drink?”

“Sweet tea.” tumayo na siya para kumuha, pinigilan ko, “With lemon.”

Dahil medyo nahihiya na ako nun, bumaba ako sa sandalan ko para walang makakita sa akin. Kung titignan mo
siguro, hindi mo iisiping may nakaupo doon sa stall namin.

Medyo ok na sana lahat, kaya lang may umupo na mga babae doon sa stall sa likuran namin. Ang nakakainis pa,
pinaalala uli sa akin yung topic nila.

“Oo kaya! Si Jon? Aguillar!” narinig kong sabi nung isa.

Ineexpect ko na na mababanggit yung pangalan ko ano mang oras, kaya nakinig lang ako. Hindi naman talaga
nangyari yun.. masyado naman.

“Si Iyah. She thinks she’s this, ‘pretty girl’ na crush ng bayan. Oh well, sikat nga siya sa school pero kung pumorma
naman kasi, akala mo siya na may-ari ng mundo. Ang arte-arte! English pa ng english minsan. Sa katunayan nga,
yung boyfriend ko may crush sa kanya. Pero ayun, hindi naman sila magkakilala, so, wala lang. Saka crush lang
naman daw.”tapos narinig kong naki-agree yung iba sa kanya, “Syempre nakakainis pa rin. Minsan nga nag-aaway
kami dahil sa kanya eh.” may sinabi yung isa that sounds like, ‘Iyah’s a flirt’. “Exactly! Hindi man lang pumili ng
lugar! Sa clinic pa nakipag lips to lips!”

Pakiramdam ko nag-iinit na yung buong mukha ko. Gusto ko sanang sagutin bawat isang sinasabi nila, pero hindi ko
kaya. Hindi ako ganun. Naluluha na nga ako nun eh. Ngayon ko lang nalaman at wala ring nagsabi sa akin na ganito
pala ang tingin nila sa akin sa school..

I’m a flirt alright. Kung nakikita niyo sa movies, merong mga sikat na girls. Merong average ones. Let’s just say I’m
on the line of popular girls, but I’m not like them! At least I know that.

Pero yung status quo na yun, attitude na pinapanood nila, inaapply nila sa akin. Am I really like that?

Narinig kong nagsigawan ng kaunti yung mga babae. Hindi ko alam kung bakit, pero parang alam ko na.

“Alam mo, may respeto ako sa mga babae at isa na sa mga rules ko sa buhay na hindi ako mananakit, at least
physically.”sabi ni Jon kaya napatingin ako sa sahig. Rubber shoes lang niya yung nakikita ko. “You don’t know
Iyah. Wala ka ring karapatan magsalita ng masasakit sa kanya. Alam mo kung anong tingin ko sa iyo? You’re
insecure.” binagsak niya yung glass na hawak niya, “She speaks English, you know why? She grew up in
America.” hindi pa rin ako makatayo nun para tumingin, nahihiya na yata ako lalo.

“Why are you telling me this? As if I care about her?”


“Well I do!”

Lalong nagsigawan sa cafeteria. Men! This is not working well. Pati yung mga lalaki doon, nakakainis. May sinabi
pa nga yung isa kumusta raw yung pag-kiss niya sa akin. Si Jon eh napikon na yata, kaya narinig ko na lang..

‘Pare! Ibaba mo ko!’

“You should know when to shut up!” tumingin ako sa gilid ko, susuntukin na yata niya yung lalaki.

Nagtataka na ako nun. Bakit walang teachers? Kung may gulo na ganito…

“Jon! He’s not worth it!”

Tumingin si Jon sa akin, tapos binaba niya yung lalaki kaya bumagsak sa sahig.

Dumeretso na siya sa direksiyon ko, nanahimik na lahat. Yung mga babae kanina, nagulat yata nung nakita ako.

Tumayo si Jon sa gilid ko. Mas ok siguro kung umalis na muna kami dito. Kaya lang narinig ko…

“I didn’t kiss her.” sabi niya doon pero mahinahon na, “Wala akong pakialam kung anong iniisip niyo, pero huwag
niyo siyang idamay..” bigla na lang siyang sumigaw… “SHE’S MY SISTER!” nagtinginan lalo sa amin, sinuntok
niya yung table doon sa mga babae, “Narinig niyo, she’s my sister. Stepsister.”

I can’t believe it. He told them.

Hindi ko naman inaasahan yung sumunod niyang sinabi.

“Now you tell me if I could kiss her…” tumingin siya sa direksyon ko..

I started to cry…

***32***

I cracked up. Umiyak na talaga ako doon sa cafeteria at maraming nakatingin sa amin. Hindi ko na nakayanan. Kung
yung sinasabi sa akin nung mga babae na ‘flirt’ ako, I can take it. Pero yung mga huling nangyari, nasaktan talaga
ako.

He’s my stepbro. That’s the bottomline.

Inalalayan ako ni Jon palabas nun. Papalabas pa lang kami, nandun si Dylan, si Brenan na kumakain, Michaela, pati
yung iba pa naming classmate at kasamahan sa Dance. Hindi na nga ako makatingin ng diretso sa kanila eh.

Bubuksan na sana ni Jon yung pintuan, narinig kong sumigaw si Dylan.

“Kilala ko si Iyah. Nung una hindi ako makapaniwala kung totoo nga yung sinasabi nila sa clinic. But then, like all
of you, hindi ko alam na stepsiblings sila. Kapag sinabi niyang ‘hindi’, naniniwala ako.”

“Yeah, me too. Merong ngang incident na nangyari na sinubukan kong halikan siya, hindi nangyari. Bakit? Hindi
siya katulad niyo..” tapos tinuro niya yung mga babae na naguusap-usap sa akin kanina.

Pumasok naman yung isang teacher. Mukhang gulat na gulat. Tinanong kung ano daw bang nangyayari doon at
sinabihan lang daw siya na may gulo daw sa cafeteria.
Alam kong sasabihin na nila yung pangalan ko, ni Jon, ni Dylan o kaya si Brenan. Pero sinabi nung mga lalaki doon
sa gilid.

“Actually, may verbal abuse na nangyari dito eh.” sabi nung isa na hindi ko naman kilala.

Nagtanung-tanong yung teacher, tapos sabay-sabay tinuro yung mga babae doon sa gilid. That’a a relief, akala ko
ako na o kung sino sa amin.

“I guess, girls, maraming nagsasabi na kayo yung nagsimula ng away. I’ll see all five of you on cafeteria duty this
afternoon, plus, two saturday detentions.”

Nakita kong nagrereklamo sila. For some reason, I think that cheered me up a little.

“You want to make it a month?”

Hindi na nagsalita si Jon doon. Hindi ko na rin kaya pang magsabi ng kung ano. Nilabas na niya ako sa cafeteria.
Parang sobrang haba ng araw na ito para sa akin. Hindi ko rin maintindihan.

“Let’s… get outta’ here.”

Tumingin ako sa kanya, tapos, nag-nod na lang ako.

***

After that day, hindi ko alam kung kaya ko pang pumasok sa school. Nung nilabas ako ni Jon nun, nagpunta lang
kami sa park at doon kami nag-stay. Wala ngang nagsalita sa amin maliban na lang nung tinanong niya ako kung
nagugutom ako. Nahiga lang kami parehas doon sa damuhan, nakatulog pa nga ako sa pagod ng kakaiyak, at hindi
ko na alam kung siya rin.

Ginising niya lang ako nun gabi na.

Si Mommy naman, nakatingin lang sa akin nung dumating ako. Akala ko kung anong sasabihin, wala naman pala.
Binanggit niya lang sa akin na linisin ko raw yung kwarto ko. Oo na lang ako ng oo. Hindi man lang niya napansin
na may problema.

Nung pumasok ako kinabukasan sa school, diniretso ko na lang yung tingin ko. Tama si Jon, bakit ba ako
makikialam sa sinasabi ng iba eh samantalang alam ko naman yung totoo? Yun naman yung mahalaga ‘di ba? Isa
pa, marami ring sumusuporta sa likod ko, tama na yun para maging masaya ako.

Pumunta ako doon sa locker ko, saglit lang, may dumandal doon kaya nagulat ako.

“Ok, you win.” huh?   Ano na naman ‘to?

“I’m sorry?” sabi ko na lang sa kanya. “Anong meron Mix?”

“I think you know what I’m talking about. And don’t call me Mix.”

Napapagod na ko!!!!

“Look, sorry. Hindi ako nagsisimula ng away.” mahinahon na yung pagkakasabi niya, “Gusto ko lang… makipag
shake hands. Sorry nga pala sa behavior ko kahapon. Gusto ko man sabihin sa ‘yo ng buong-buo, pero ayoko.”

Ini-stretch niya yung kamay niya. Hindi ko alam para saan yun.

“As much as I wanted to take that hand, hindi ko alam kung para saan.”

“Just take it. Sige ka, aawayin din kita kapag hindi ka nakipag-shake hands.”

Nung makikipagkamay na ako sa kanya, bigla na lang niya ako niyakap. Kakaiba naman…
“I knew it!” sabi niya sa akin at tinatapik niya yung likod ko, “Well, gusto ko lang itanong… anong plano mo?”

“Plano? Anong plano? I’m really lost..” alam kong confused na yung mukha ko nun.

“Sus, ikaw talaga! Parehas kayo! Magkaibang paraan nga lang yung mga pag-deny niyo. Hindi bale, ako na lang ang
bahala doon!”

Nag-wave siya ng bye sa akin. What was that thing all about? Nung una akala ko aawayin niya ako, then gusto
niyang makipag shake hands tapos nauwi na lang sa pagyakap niya sa akin… ngayon naman tinatanong niya ako sa
plano ng para saan???

How weird…

Dumaan ako sa corridor nun. Kagaya nung normal dati, ang dami na namang bumabati sa akin.

Why is it suddenly, everyone seems nice? Parang hindi nangyari yung kahapon ah. Am I missing anything? I doubt
it…

Oh well, nakatingin sila sa akin probably because I’m wearing shorts. Is it? Suot ko kasi yung new shorts ng PE
class. Pwede naman itong gamitin since practice lang naman kami mamaya.

Pumasok na ako sa classroom nun, naupo sa desk ko, at nag-ayos ng buhok dahil wala na akong time kanina sa
bahay. Wala nga akong kausap nun, pero saglit lang din, may tumabi na sa akin.

“Oh. My. God.” sabi niya sa akin.

“What?!” sabi ko kay Sheena dahil parang nagulat siya sa akin.

“Kaya naman pala usap-usapan na naman si Iyah nicole Scott dahil tingnan mo nga naman…” winave niya yung
kamay niya from head-to-toe, “Pretty!”

“What’s wrong?”

“Nothing’s wrong with it. I said, you’re pretty.” sabi niya sa akin tapos tumabi siya, “Sorry kung papaalala ko ha,
pero yung kahapon na umalis kayo ni Jon? Daming bumaliktad nasa side niyo naman. Gulo no? Anyways, I can’t
believe you girl! Are you actually trying to be pretty or what?”

Natapos naman na ako mag-ayos ng buhok ko.

“Ano bang sinasabi mo? Suot ko ito dahil practice mamaya. Sabi, wear something comfortable. PE uniform naman
‘to. It’s the new one, bakit ngayon lang ba nila nakita ‘to? Isa pa, I’m not trying to be pretty… my eyes are still
sore.”

“Yeah right. Look at that! Ang cute nga anklet mo… at may toe ring ka pa! It’s blue!” hinawakan niya yung legs ko
tapos tinignan niya yung anklet ko.

“Magpapalit din naman ako ng rubber shoes eh.”

Tinignan niya ako ng nakakaloko. Tinaasan ko nga ng kilay.

“Ano na naman ibig sabihin ng tingin na yan?”

“No wonder your stepbrother, Double B, will kill for you.”

Tinawanan ko naman siya. OA naman. Si Jon?

“Oo kaya! Kung nakita mo lang siya sa corridor kanina nung dumaan ka!”

“Nandun siya?” hindi ko yata siya nakita.


“Opo. Nasa isang classroom siya nakikialam ng gitara. Tapos dumaan ka kaya pala may batian na naman na
nangyari sa corridor,” naging seryoso naman siya, “Nakita mo sana siya. Hindi nagsalita, pero parang gustong
suntukin yung mga lalaki doon. Lalo na si Arnold..”

“Arnold?”

“Basta isa sa section 5. Katabi niya kasi si Double B. Sabi ba naman, ‘Dude! I swear, your sister’s really
HO-‘ ” tumawa siya, ang galing manggaya ah. “Hindi pa niya tapos yung sasabihin niya, tinapik siya ni Double B sa
dibdib. Masakit yata napahawak siya eh! Sinabihan siya ni Jon ng.. ‘Don’t you dare finish that sentence.’ Tapos yun,
umalis na si Double B.”

Naimagine ko naman yung sinasabi niya. Magpapalit na nga lang ako. Kung titignan lang din naman ako dahil dito,
ayoko na pala. Isa pa, yung ibang girls din naman kaparehas kong naka-short, bakit hindi nila tignan? Asar!

Nagulat na lang ako nung bumukas ng malakas yung pinto. Buti na lang konti yung tao. Si Jon pala. Tumayo sa
harapan ko.

“Your wearing that?” sabi niya sa akin tinuro niya yung short ko. “THERE’S NO WAY!” gusto kong mapanganga
sa kanya sa sobrang gulat ko.

Natahimik din si Sheena. Hindi naman galit si Jon alam ko, pero seryoso siya. Sa ibang tao siguro iisipin nila na
galit siya.

Teka, paano ko nalaman na hindi siya galit?

“I think it’s cute.”

“Hindi naman ako against sa pagsuot niya ng short. But hey, those guys back there… baka hindi ako makapagpigil!”

“Ok! Chill out! I’m changing! OA ka masyado!” ngumiti ako pero hindi masyado. “May jogging pants yata ako sa
locker ko sa PE.”

Tumayo na ako doon sa upuan ko. Magpapalit na nga lang ako. Dinala ko yung white shirt ko na kanina ko pa dala-
dala. Sumunod naman si Jon sa akin.

“What are you doing?”

“I’m.. uh.. what do you think I’m doing?!?” sabi niya sa akin pero kakaiba na yung expression ng mukha niya.

“Magpapalit ako kasunod ka?”

“Sinabi ko bang sasama ako hanggang sa loob? Sa labas ako mag-stay syempre!”

Makikipagtalo pa sana ako… pero baka hindi ako manalo.

“Teka–” humarap uli ako sa kanya.

“GO..” tinuro niya yung pinto.

“Pero–”

“JUST GO!” humarap na talaga ako sa pinto pero umikot uli ako.

“Saglit–”

“Don’t make me do something you wouldn’t like..”

“Sasabihin ko lang na naiwan ko yung bag ko..” sabi ko sa kanya kaya napatigil din siya. Tumakbo siya at inabot
niya sa akin. “Thank you!”
Ang kulit nito! Ayaw kasi ako patapusin eh. Natawa rin siya, kaya dumeretso na ako doon sa paglalakad ko.

Ayoko sana ng ganito, para akong may buntot. Pero unti-unti ko ring nalaman kung bakit niya ginawa yun…

Hindi naman lahat, but alot of guys are staring at me. O baka naman si Jon? Hmmm…

Nagalit yata kaya para akong aatakihin sa puso nung sumigaw siya..

“Get your eyes off her!!!” locker room.. nasaan ka na?!?

***33***

Sa lahat naman ng pwedeng kumandidato sa pagka-maarte, super protective, at syempre.. medyo, SWEET? Si Jon
na siguro ang panalo. Makakabuti nga siguro kung magpapalit na nga lang ako, mukhang mainit na naman ang ulo
eh ang aga-aga.

Nakarating din naman kami sa locker room. Gusto ko nga ring pagsabihan ito eh. Pasaway na masyado. Pero
syempre, gagawin kong pabiro at baka masigawan ako.

“Aba, pwede ka na sa Oscar’s!” napaisip naman ako, “Tama ba? Mali yata. Ahh.. basta awarding ng drama!”

“Magpalit ka na..” tinuro niya yung pintuan.

“Bakit ba galit ka? Kung tutuusin school-related itong suot ko. Tingnan mo nga yung mga yun..” tinuro ko yung
mga babae na naka-shorts din, “Parehas lang kami ng suot pero kapag ako..”

Nakatingin pa rin ako doon sa mga babae. Tuluy-tuloy pa rin ako sa pagsasalita.

“Kung tutuusin, may napapansin na ako sa school na ito eh. Bakit kadalasan, hindi naman lagi, yung mga bagay-
bagay na may kinalaman sa akin… big deal. I… I don’t see the point. Kagaya ngayon, we’re wearing the same stuff
but they are looking at me as if I’m an alien or something…” diretso pa rin yung tingin ko. Dumaan yung mga babae
sa harapan namin kaya napasunod yung tingin ko pakanan.

“Kasi iba… iba…” naka-side view na ako nun. “Ka.”

Napatingin naman ako sa kanya. Napansin ko na nakatingin siya sa akin.

“Ano?!?”

Inayos naman niya yung pagkakatayo niya.

“Pumasok ka na nga! Magpalit ka na. Ngayon… na.”

Pumasok na ako sa loob para magpalit. Maganda rin naman pala talaga kapag may baun-baon kang extra na damit.
Nakakatulong din naman pala kapag kailangan mo.

Pagkalabas na pagkalabas ko na tipong medyo magulo pa yung buhok ko at inaayos ko pa, nakatayo doon si Jon sa
labas at nakataas yung isang paa.

“Tara na po.”

Tinignan lang niya ako, gumawa uli ng box sa kamay niya na para bang inoobserbahan ako, tapos sinabing..
“You look terrible.”

“Thank you!”

“Anytime!”

***

Panay practice na naman ang ginawa namin nung araw na iyon. Sa katunayan, hindi ko alam kung may natututunan
pa ba ako nito eh. Lagi na lang kasi akong wala sa klase.

Sa katunayan, Friday na ngayon. Dito matutulog si Jon sa bahay namin dahil sinabi ng Dad niya. Kahapon pa siya
nandito, at hindi man lang kami nag-uusap na dalawa. Siguro oo kapag kakain, pero paisa-isa lang yung mga sagot
namin.

For the nth time this week, pinagalitan ako ni Mommy. Nung isang araw dahil ilang beses na raw niya akong
pinagsabihan na ayusin yung kwarto ko, maayos naman! Yung mga damit nga lang na iba sa closet eh wala na sa
hanger… but other than that… it looks, fine.

Sumunod naman na pinagalitan niya ako dahil hindi ko na raw sinusunod yung utos niya. Sabi niya sa akin huwag
daw akong magpapagabi, ginabi ako dahil nagpunta ako kina-Sheena. Ok, I messed up. Nakalimutan ko kasing
magpaalam. Nung second day na nangyari, inulit ko pa uli.

Hindi ka na nadala Iyah.

Ngayong gabi na ito, dahil daw wala na akong responsibility sa bahay. Hello? Mom, hindi magandang habbit yang
pagsermon mo sa akin! Hindi na raw ako natuto. Sinabi ko nga meron din naman akong nagagawa para sa sarili ko,
at least I know how to keep my bags and purses… clean!

Lumabas na ako ng kwarto ko. Medyo gabi na rin kasi. Naka-Pj’s na ako nun at naisipan kong gumamit ng banyo.
Este, hindi ko pala naisipan. Sinasabi pala ng urinary bladder ko na.. I have to go.

Papasok pa lang ako doon sa banyo na tipong nagkakamot pa ako ng ulo ko, bumukas naman yung pinto sa kabilang
kwarto. Nakita ko yung kama niya.

“Psst!”

Nagkunot-noo naman ako.

“Ano?”

“Tara nga dito.. may sasabihin ako sa ‘yo.” nagdadadalwang isip naman akong lumapit.

Kailangan ko na talagang gumamit ng banyo dahil naiihi na talaga ako. Pero mabilis naman siguro yung sasabihin
niya kaya, lumapit na ako.

“Ano?!?”

“Ang hilig mo yata sa ‘Ano’ ngayon.” ngumiti siya sa akin, “Free ba ang social calendar mo next Friday?”

Napaisip naman ako. Social Calendar? Wala nga ako nun eh!

“Siguro.. ewan.”

“Huwag kang magpa-plano next Friday night.”

“Bakit naman?!?” at siya pa ang nagsabi na huwag akong magplano!!!

“Huwag ka nang magtanong, gawin mo na lang.”


“OK.” sabi ko naman.

Tumalikod naman ako para bumalik na sa banyo. Naiihi na talaga ako. Hahawakan ko pa lang sana yung doorknob
eh bigla naman siyang tumalon sa kama niya at inunahan ako sa banyo.

“Hey! Ano ba! Nauna ako eh! Kailangan ko na talaga!” asar na yun!

“Well, saglit lang ako!”

“Saglit lang din ako. Naiihi na talaga ako!”

Gusto ko sanag tumakbo sa bathroom sa baba, kaya lang ganun din at malayu-layo at bababa pa ako ng hagdan.
Maghihintay na lang ako dito sa siraulong ‘to. Nakakainis.

Tinignan ko yung kwarto niya. Bukas kasi eh. Walang masyadong gamit doon maliban na lang yung bag na dala-
dala niya dahil sa damit niya. Malinis pa rin dito. Para ngang walang tao eh.

Napansin ko rin yung ipod niya sa side table at katabi nun eh.. may libro.

Si Jon… nagbabasa ng libro? Mala-Romance novel to horror stuff, hindi ko yata siya maimagine.

Umupo naman ako doon sa dulo ng kama niya at kinuha ko yung libro. May plain blue cover sa harapan kaya hindi
ko alam kung ano yung title nung libro. May nakaipit pang papel sa bandang gitna, kaya alam kong nandun na siya.
Sinubukan ko namang basahin.

…and extended families are normal these days. In some cases, there are conflicts concerning stepfamilies. They will
probably have some boundaries with each other, parent to stepchildren or even stepchildren to biological children.

Ano ‘to? About, stepfamilies? Weird.

Binuksan-buksan ko pa yung pages at ini-scan ko yung table of contents. Yung ilang mga parts doon eh naka-
highlight.

Steepteen isuues…………………………………………………………………49

Binuksan ko naman yung page na yun. At syempre, ang daming nakalagay.

There’s something about attitude problems. Nagkakaroon daw ng competition or sometimes, nagiging awkward sa
isa’t isa lalo na kung teenagers daw ang ba-unite by marriage.

Pero, merong isang part doon na nakuha yung attention ko.

Stepsibling relationships, considered immoral?Since there are cases that stepsiblings, e.g. those who have the same
age or very little age gaps have 90% possibility to be romantically attracted to each other. Others might argue that
it is considered immoral, or is it?

Some people applies the rule of Biological Family Relationship to Stepsibling Relationship. ‘Never-ever, as much as
possible, be romantically involved, to your parents, brothers, sisters, cousins, uncles, aunts or any person who have
blood-relation to you’. We can’t marry them, surely because, there are risks concerning it. Those who have married
a blood-relative and have children with them merely results to a child who have mental disorder or by any means,
have any disabilities physically and emotionally.

Is it possible for stepsiblings to get married? The big answer is YES. They considered it immoral due to the fact that
they are family. But, let’s look on the other side, they are not blood-related at all. They do not share particular DNA
and genes. They became attracted to each other because they feel emotions more than they could think of. Most
cases of stepsibling relationships happened because they did not grew up together, and not on the same roof for
quite sometime.
Half-siblings can’t marry each other since they share the same genes, like from the mother side or father side.
Stepsiblings can.

Hindi ko pa natatapos basahin yung nakasulat doon, may umagaw ng libro sa kamay ko. Nakatingin siya sa akin na
para bang gulat na gulat. Hindi naman ako makapagsalita.

Finally, dahil walang kumikilos sa amin, naisipang kong maglakad palabas. Nung nasa pinto na ako..

“You’re.. reading that?”

“Uhmm.. yeah. It’s actually.. my friend’s… sa sports curriculum. They have this research, and he… just go to
sleep.”

“Ok.” saka ko naalala na naiihi nga pala ako. This is awkward. “Sa susunod nga huwag kang mauuna sa akin sa
banyo! Nakakainis ka!”

Tumakbo naman ako doon sa banyo. Nung lumabas ako, sarado na yung pinto niya.

I can’t believe it. He’s reading that?!? Bakit… bakit meron siya nun? Is there something I ought to know? Or
probably I already know it… but didn’t seem to notice it because..

I’m living in denial?

***34***

Grabe, nagulat talaga ako sa natuklasan ko kagabi. I can’t believe it! Nagpapalusot pa siya na sa kaibigan niya yun..
bakit hindi pa niya sa akin aminin na…

He’s reading! Alam ko hindi bagay pero… he’s reading!

Ok, I’m only messing up with myself. Nagulat ako kasi kung saka-sakali man na seryoso niyang binabasa yun, why
would he be interested in reading something about stepfamilies? Dahil ba sa curious siya kung ano yung statistical
point of view towards it o baka naman dahil talagang nakakapanibago lang din sa kanya na may instant family.

Or Could it be.. me?

Nah. As if naman babasahin niya yun para sa akin. The book in general is about stepfamilies, not stepsibling
relationship. Nagkataon lang siguro na nabasa ko yung part na yun.

Abnormal naman kasi. Pero kung iisipin, it’s not immoral at all! From the very first day na nakita ko siya at hindi ko
pa alam na siya yung magiging stepbro ko, I was kinda’ attracted to him na naiinis. Naiinis dahil tinawag niya ako
rich kid isama mo pa yung dahilan na nasa sahig ako nun at natapon yung gamit ko.

As for the kinda’ attracted part, never mind. From that very first day, did I say, cute? Guwapo? I can’t remember.
Arrggghhh! Ano ba ko?? Mabuti na lang talaga wala na siya sa bahay ngayon at umuwi na yata sa apartment niya.
Akalain mo yun! Hindi pa ako gising umalis na?

Eh bakit ka naman naiinis dun kung gusto niyang umalis? Gusto ko bang mag-bye?

Eeew! Corny! Si Jon? Kay Jon magkakagusto ako? Ako? Si Iyah Nicole? You tell me… me, myself, and I?

HECK….
“IYAH ANO BA KANINA PA KITA KINAKAUSAP!!!” sinigawan ako ni Mommy kaya natapon ko yung
kinakain kong cereals sa carpet.

“YES! OO na! Inaamin ko na!”

“Anong yes? anong oo? Anong sinasabi mo?”

Nagulat din ako sa sinabi ko. Hindi naman para kay Mommy yun. Supposed to be, inside thought ko yun.

“Yes… Uhmm.. oo inaamin ko na… wala ako sa sarili ko..” ngumiti ako pero pameke lang, “You were saying
Mom?”

“Kanina pa kita tinatanong kung nalinis mo na yung kwarto mo.”

“Uhmm.. it’s clean. Nothing’s wrong with it.” sabi ko naman tapos nabasa ako nung gatas sa carpet.

“Iyah, umiiral na naman yang pagka-tamad mo at hindi mo na ako sinusunod.” sabi niya sa akin kaya nawala yung
ngiti ko,”You’re grounded.”

“I am?!? Mom? You can’t!” sabi ko naman sa kanya. Ganito talaga ako. “Ganito lang yun eh, konting scrub-scrub
lang yan ok na ‘di ba?”

“I can because I said so.” sabi ba naman sa akin, ito lang talaga advantage kapag magulang ka, “Konting scrub-scrub
lang din ng attitude mo. 4 weeks.”

“1 week.” sabi ko naman.

“2 weeks.”

“1 week mom!”

“You want to make it 3?”

“Two weeks indeed!” nag-chicken joy naman ako sa daliri ko.

Umalis naman na siya.

I’m grounded. That means, walang gala after school. Uuwi, gagawin yung homework, and that includes no phone
and no TV. How boring is that?

I can’t believe it. Kailan ba ako huling na-grounded? Oh yeah.. about 4 months ago…

***

“Ang KJ mo naman eh! Nakabili na kami ng tickets!”

“I told you I can’t. I’m grounded for two weeks.”

“Two weeks? Ano na naman bang ginawa mo at napuno na naman yang Mommy mo?” sabi ni Sheena sa akin.

“Well.. marami siguro. Napuno na nga ‘di ba?”

Sumandal ako doon sa upuan ko. Three days pa lang akong ganito, boring na boring na ako. Si Jon hindi mo
malaman kung ilang katawan meron. Practice naman ng soccer ngayon ang ginagawa niya. Malapit na kasi yung
season eh. Natapos na kami sa practice ng Dance para sa search. Pahinga-pahinga na lang kami at mag-ready ng
mga gowns.

Kinalabit naman ako ni Sheena sa balikat ko at tinuro yung nasa labas. Si Michaela tinatawag ako lumabas.

Tumayo naman ako at lumapit sa pinto.


“Free ka ba tomorrow hanggang Friday?”

“Well, yeah. Pero hindi naman ako pwedeng umalis ng bahay. My mom’s mad at me, and I’m grounded.” sabi ko
naman at sumimangot ako.

“Ooh.. I can be your company! Since, doon din naman gagawin.”

“Gagawin ang alin?”

Nag-alarm naman na nun. Hindi ko pa natatapos yung itatanong ko, tumakbo na siya dahil baka ma-late siya sa klase
niya.

Ang alin daw?

“Hey Michaela! Would you mind telling me what’s going on?!?”

“You don’t know? Sasabihin ko na lang… later!” tumakbo na siya ng tuluyan.

Hindi naman ako mapakali kung ano yung meron na sasabihin ni Michaela kaya naman hindi ako makapag-
concentrate sa klase namin.

Nung uwian naman na, pumunta lang ako sa locker ko. Inikot ko nga yung paningin ko kung sakaling makita ko si
Michaela. Wala talaga. Kailangan ko pa man din umuwi ng maaga dahil papagalitan ako ni Mommy.

Isasara ko na yung locker ko, saka ko lang napansin na may nakadikit pala doon sa labas. Kanina kasi wala ako sa
sarili ko.

Another letter from no one… I guessed. Lagi naman ako nakakatanggap ng mga love letters chuvaness na yan. Yung
iba doon, hindi ko na nababasa, naitatapon ko na lang. Pero yung iba syempre, pinagtiyagaan kong basahin.

Nilagay ko na lang sa bag ko yung letter. Iyah lang kasi ang nakalagay sa labas. Tumakbo na ako palabas, sumakay
ng jeep.. at umuwi ng bahay.

Humiga lang ako at nagmuni-muni. Tumingin na lang din ako sa bintana. I am out of the beat. Hindi ko alam
nangyayari sa social life ko.. kung meron man.

Buti pa yung pusa eh, may kaaway na aso. Ako wala man lang kausap.

Tinignan ko uli yung letter na nakuha ko. Saradong-sarado pa. Boring na nga araw ko, boring pa yung kulay…
white na may design na red sa gilid.

Siguro naman ito yung mukhang nerd na mahilig sumulat sa akin sa locker ko. Eeeww. Hindi ko na nga binabasa
mga sulat nun eh.

Kaya ako… nilagay ko sa bin. Shoot! Galing ko ah..

Pero sabi nga nila, letter from no one or not.. you should still read it. But I didn’t.

And I was wrong…

***35***
Pagkagising ko kinabukasan, yung sulat na naman ang bumungad sa akin. As usual, hindi ko pinansin. Nag-ready na
ako papunta ng school, tumingin sa salamin, at syempre feeling sorry for myself dahil yung arrangement ko ngayon
eh boring talaga.

Maaga naman akong nakarating sa school, at sinalubong na naman ako ni Sheena at Vina.

“Ano, hindi ka na ba talaga sasama? Kasi kung magbago yung isip mo, may extra ticket pa sa concert mamaya.
Kung hindi, ipamimigay ko na lang..” pinakita niya sa akin yung ticket.

“Hindi talaga pwede eh. Kung hindi lang talaga ako grounded, gustung-gusto ko rin naman. Isa pa, naka-oo na ako
kay Michaela na sasamahan daw niya ako sa bahay for.. something.”

“Para saan?” na-curious naman din si Vina.

“Ewan ko ba. Nakita niyo ba siya?”

“Hindi no. Isa pa, ‘di kami close.”

Dahil nga walang kwenta yung mga nangyayari sa akin nitong mga huling araw, umupo na lang yata ako maghapon
sa classroom. Pati nga yung breaktime at lunch eh nagpabili pa ako ng pagkain.

Ang tagal ko na ring ‘di nakikita si Jon. Hindi pa rin siya pumapasok sa klase namin dahil tuloy pa rin siguro yung
practice nila. Nakakainggit din naman yung mga may cellphone na tumatambay pa sa harapan ko para pag-usapan
yung text ng isa’t isa. Kaya ako naman, sinigawan ko sila ng: ‘Not helping at all!’ dahil namimiss ko na talaga yung
phone ko.

Umuwi nanaman ako ng maaga dahil ayokong pagalitan ako ni Mommy. Kabubukas ko pa lang ng pinto eh may
bumati naman sa akin.

“Iyah! Mabuti naman nakauwi ka na!” todo ngiti pa siya sa akin.

May mga hawak siyang crepe paper na iba’t iba ang kulay. Michaela?

“Ok, tell me something I don’t know,” binaba ko yung bag ko at tumingin ako kay Mommy. Si Richard kasi wala pa
eh.”Anong meron?”

Binaba ni Michaela yung crepe paper at humawak naman sa dalawang balikat ko.

“Sa katunayan, birthday ni Jon bukas.”

WHAT?!

“SHUT UP!” nagulat lang talaga ako sa sinabi niya.

“Iyah!” tinignan ako ng masama ni Mommy.

“Sorry Mom, nabigla lang ako,” humarap uli ako kay Michaela. “It’s just that, no one told me. So, this is what the
mystery is all about?”

“Yeah. We’re planning a surprise party for him.”

I can’t believe it. Wala man lang akong regalo sa kanya!

“Wala akong regalo sa kanya” tumingin ako kay Mommy at nagbakasakasakali na pumayag.

“No way Iyah..” sinabi niya nung nakuha niya yung message ng tingin ko, “Grounded ka, and mag-stay na ganun
yun. You are not to leave this house ’til after next week.”

“But Mom! Lahat kayo ready tapos ako… wala!” sabi ko naman at umupo ako doon sa sofa. Bakit ba gustung-gusto
ko siya ibili ng gift?
“Sinabi na sa akin ni Richard na hindi naman talaga into material things si Jon, bihira nga lang daw magpabili yun.
Usually sa allowance niya.”

“Don’t worry Iyah! Kaya nga meron tayong surprise party eh. Kinausap ko si Jon kanina sa practice niya, sobrang
busy nga siya eh, at sinabi ko sa kanya na you asked me to tell him ba pumunta siya sa bahay niyo bukas. Importante
lang.”nagtataka naman ako. Paano naman makakatulong sa akin yun?

“Paano makakatulong sa akin yun? Saka anong dahilan ko para pumunta siya? Do you think he will buy such a
thing?”

“That’s the point! Magtataka siya kung ano ba yung importanteng kailangan mo at pupunta siya dito. May regalo ka
na rin dahil iisipin niya na ikaw yung nag-organize ng party. Kaya kapag dumating siya, Let the party begin!”

Tumingin lang ako sa kanya nun. Iba rin ang takbo ng utak nito eh no. It’s an ok plan. But, why do I have this
feeling that this not a good idea? Michaela, sana lang effective ‘to!

***

Sumakit yung ulo ko kina Sheena at Vina kakatili sa concert na pupuntahan nila mamayang gabi. Paanong hindi eh
seconds lang yata ang pagitan ng pagtili nila. Sabi ko nga eh i-save nila yung boses nila para mamaya.

Nung nakasalubong ko si Michaela sa corridor, sinabi niya sa akin na all-set na raw para sa party. Ewan ko ba kung
bakit ang saya-saya niya. Isa pa, siya ang nagplano nung surprise party pero ang iisipin ni Jon eh ako ang may gawa.
Hindi ba niya gusto na siya ang mabigyan ng credit?

Bago pa ako umuwi nun, dumaan na namana ko sa locker ko. Alam niyo na, daily agenda. May nakadikit na naman
sa pinto ng locker ko. This time, hindi na letter na tipong nakasobre pa. Simpleng note na lang. O siya, mabasa na
nga. Note lang pala eh. Kanino na naman kaya galing ‘to?

Rich Kid, (Wow! I wonder who???)


Kung ano na naman yung sasabihin mo at pinapapunta mo pa ako sa bahay niyo, sana tinawagan mo na lang ako.
What’s the matter with your phone? Tinatawagan kita kagabi pa, nakapatay yata.

Anyways, see ya’ later

Tinignan ko yung likod ng note kung may nakasulat man lang na Jon, From Jon, or Simply Me! (Corny!)

Nainis lang ako lalo. Paano ko siya tatawagan eh wala akong phone. Busy naman siya sa practice niya at ayokong
pumunta dun no! Field na tipong lumilipad yung bola at pana guys? Nevah! Isa pa, ayokong mag-stay ng matagal sa
school at ayokong humaba ang parusa ko kay Mommy.

Pagdating ko sa bahay, past-5 na, nag-ready lang ako at nagpalit ng dress. Si Michaela eh dumating naman sa bahay
at bihis na bihis na. Umakyat pa nga siya sa kwarto ko at tinulungan ako mag-ayos.

“Gusto kong makita yung expression ng mukha ni Jon!”

“Tingin mo ok lang?”

“Oo naman no! ‘Haven’t you noticed na nitong mga huling araw eh over protective siya sa ‘yo? It means,
importante ka sa kanya.”

Of course I’m his sister!

“Ano mang practice meron siya, makakahanap siya ng time para pumunta dito.”

Bumaba na ako nun. Kami-kami lang naman ang magce-celebrate. Yung mga close kay Jon. Si Richard at Mommy,
Michaela, at ako.
Naupo kami doon sa sofa at naghihintay sa pagdating ni Jon. Konti lang naman yung pagkain namin. May spaghetti,
cake, ice-cream, at ewan ko na yung iba dahil hindi naman ako kasamang nagluto.

Medyo naiinip na ako nun at wala pa rin. Almost 6 o’ clock na nung naisipan kong tumayo at kunin yung remote.
Binaba ko rin dahil naisip ko na grounded nga pala ako at bawal ang tv.

Darating kaya siya? I mean, sabi nga ni Michaela, darating siya dito dahil importante daw ako sa kanya. What if
wala man lang siyang pakialam kung ano man yung sasabihin ko kunwari at hindi siya dumating? Sino ba ako para
pagkaabalahan niya?

Nagsimula na akong kabahan nun. Pare-parehas na kaming naiinip nun dahil 7 na nun. Ang sinabi ni Michaela sa
kanya, after school. As much as possible, kanina pa siya nandito.

It’s just one thing or another. Kung importante nga ako, nandito na siya kanina pa. But then, anong oras na? I should
have known he doesn’t care.

Tumayo ako sa sofa at pare-parehas silang tumingin sa akin.

“He’s not coming.” sabi ko na lang, “7:10 na, hindi na siya darating. Siguro dapat kumain na tayo.”

“Siguro naman darating siya..” sabi ni Michaela para pagaanin pa yung loob ko.

“Michaela, hindi mo naman dapat i-comfort ako eh. Kung tutuusin, yung whole idea eh ikaw. Dapat ako yung
nagko-comfort sa ‘yo.”

Iba naman yung sinagot niya sa akin.

“Hindi, huwag ako. Syempre iniisip ni Jon ikaw yung may kailangan sa kanya. Isa pa, sinabi ko importante yung
sasabihin mo, pero mukhang wala siyang pakialam so dapat ako ang nagko-comfort sa ‘yo.”

She made me feel bad. Honestly.

Dahil nga walang sign na darating si Jon, hindi man lang tumawag o ano, kumian na lang kaming apat. Nasayang
nga lang yung mga preparation.

Sinabi ni Mommy na siya na raw ang magliligpit. Ilalagay na lang daw niya sa dishwasher. Papaakyat na sana ako
nun sa taas para magpalit ng pantulog eh nagpaalam na si Michaela sa amin. Ngumiti lang ako pero alam kong pilit
lang yun. Hindi ko yata gustong ngumiti.

Mabilis din naman akong nakapagpalit. Humiga ako doon sa kama ko. This party proves he doesn’t care! Alam ko
namang ugali na ni Jon yun, pero bakit parang nasasaktan ako? Sinabi ni Michaela na importante yung sasabihin ko,
pero hindi pa rin siya nagpakita. He didn’t even bother to call.

Bago ako matulog nun, nahawakan ko yung unan ko. Nabasa na pala. Pagkatapos nun, natulog na ako. Tama si
Michaela, I should’ve had felt sorry for myself. Nakatulog ako ng lumuluha. Ayoko kasing iparinig kina-Mommy. It
was an uneasy sleep.

Hindi ko alam pero feeling ko eh 30 minutes pa lang akong nakakatulog eh tumatama na yung sinag ng araw sa mata
ko. Inaantok-antok pa ako nun. Sabado naman kaya hindi ko kailangang gumising ng maaga.

Nag-sideways naman ako at yung bin na naman yung nakita ko. Bakit ba lagi ko na lang nakikita yung sulat na yun?
Kung hindi lang ‘to inanimate object iniisip ko na it’s trying to tell me something… READ ME.

Tumayo ako sa pagkakahiga ako at naisipan kong basahin na nga. Alam kong masama pa ang lagay ko dahil sa
nangyari kagabi at kung yung nerd na naman ito.. lalo lang lalala.

Wala talaga nakalagay sa labas kundi pangalan ko. Sinira ko na lang yung gilid dahil ang hirap buksan. May kulay
green na papel doon na may maikli lang na nakasulat. Akala ko pa naman letter ‘to.
Remember last week I asked you not to make plans this Friday? 6 o’ clock p.m., sa school gate after ng practice ko,
hihintayin kita.

Bumilis yung tibok ng puso ko nun. Tinignan ko yung pinakababa kahit parang may hinala na ako kung sino. Pero
tinignan ko pa rin.

OH MY GOD… JON!

***36***

I can’t believe it. I blew everything! Umiyak ako kagabi thinking na hindi siya pumunta dahil wala siyang pakialam.
Pero hindi siya pumunta dahil… naghintay siya? Now I remember, sinabihan nga pala niya ako last week na huwag
akong magplano nitong Friday. Hindi ko naman na naitanong… pero ngayon alam ko na kung para saan.

Birthday niya.

Bakit ba hindi ko binasa yung sulat na yun? Kasalanan ko na nga. Pero kahit naman malaman ko yung tungkol doon,
grounded naman ako.

Bumaba ako ng kwarto ko kahit na naka-PJ’s pa lang ako. Nandun na si Mommy sa baba at nagre-ready ng coffee
nila.

“Mom, can I use the phone?” yun kaagad ang unang tanong ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako.

“No.”

“Mom please! It’s an emergency! Kahit na habaan mo pa ng isa pang linggo yung parusa ko.. just let me use the
phone!”tumingin ako sa kanya ng seryosong-seryoso, sana naman pumayag siya.

“Mukhang kailangan mo talaga. Sige, gamitin mo na yung landline.” pumunta naman ako doon sa landline namin.
Kaya lang..

“Saulo mo ba yung number ni Jon?”

“Bakit mo naman siya tatawagan?” napaisip naman si Mommy, “Tignan mo diyan sa address book natin, nakalagay
diyan yung number niya.”

Binuklat ko naman ng mabilis yung address book na nakalapag doon. Jon.. nasaan na ba yung pangalan niya?

Nakita ko rin naman kaagad. At syempre, dinial ko rin naman.

Nagri-ring yung phone niya pero walang sumasagot. Saglit lang, operator na yung nagsasalita. Inulit ko uli, panay
lang ang ring. Please Jon.. sagutin mo…

Parang narinig niya yung sinabi ko dahil pababa pa lang ako, sinagot na niya.

“WHAT?!?” yan ang unang sagot niya at ang sound eh naiinis pa. “If it’s you Dad, ang aga-aga.”

Hindi naman ako makapagsalita nun.


“Actually.. it’s–” hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko binaba na niya. Tinignan ko yung phone.. “ME.”

Sinubukan ko uling tawagan. Binabaan niya ako? Galit nga siya sa akin. Pero this time, answering machine na ang
narinig ko.

‘Hi, this is Jon. Please leave your message after the beep.’ tapos tumunog naman.

“Jon, I need to talk to you. I can’t explain everything on the phone. Please, let me explain.” tapos dinagdag ko sa
dulo, “I’m so sorry.”

Sinubukan ko uling tawagan, wala talaga.

Alam ko kasalanan ko, pero ‘di ba pwedeng hayaan niya akong mag-explain???

***

Hindi ako makatulog nung sumunod na araw. Pero syempre, sinubukan ko pa rin. Ang hirap pala kapag alam mong
may galit sa ‘yo. Lalo pa kung mahalaga sa ‘yo yun tao na yun.

Cancelled yung Dance this week. Dapat kasi sa Thursday na yun kaya lang hindi makadarating yung special guest
‘kuno’ kaya na-move na nect week. Wala pa rin si Jon sa klase namin, at sinubukan ko siyang hanapin sa soccer
field. Nandun siya sa gitna at sumisipa ng bola. Kagaya nung dati, kilala ko na naman yung tingin na yun. Ginawa
na niya yun kay Brenan.

Nagtakbuhan yung ibang ka-team nila. Gusto ko sanang lumapit, pero hindi pwede.

‘Bro, tama na! May problema ba? Dumudugo na yung kamay ni Hal! Ang lakas mo talagang sumipa.’ sabi nung isa
sa kanya kaya lang, tinulak siya ni Jon at dumaan.

Nakita naman niya ako nun, kaya lang… hindi niya ako pinansin at tumakbo siya kung saan.

Alam kong iniiwasan niya ako. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa siya nakakausap. Sinubukan ko ngang tanungin si
Richard, sinabi niya sa akin na ganun daw talaga yung anak niya. At yung sa birthday party niya na hindi niya
pinuntahan, matagal na daw niyang alam na baka hindi siya pumunta. Bata pa raw kasi si Jon hindi na daw siya
mahilig mag-celebrate ng birthday niya kasama siya o yung Mommy niya. Usually, mas gusto niyang mag-isa siya o
kasama ng mga kaibigan niya.

Nakasalubong ko naman si Michaela sa corridor. Pero katulad ni Jon, parang iwas din siya sa akin. Parang nung
Friday lang ok kami, ngayon naman galit din yata siya sa akin.

Napansin din ng mga classmate ko na lagi ako ng wala sa sarili ko. Sa katunayan, three consecutive quizzes na
akong naka-2/10.

“What’s the matter with you?”

Dahil kaibigan ko naman si Sheena, kinuwento ko sa kanya. Dumating naman si Vina eh kalagitnaan na yung
kwento ko, kaya inulit ko pa uli. Nakinig lang sila sa akin at hindi nagsalita, nung natapos ako saka sila nagbigay ng
view nila.

“That was awful nice of you. Akalain mong naghintay siya sa ‘yo doon.”

“Pero grounded naman siya, kaya mabasa man niya yun before nung day… hindi rin siya makakapunta.”

“Pero kahit papaano makakagawa siya ng paraan para ipaalam naman niya ‘di ba?” sabi naman ni Sheena. “At ano
namang drama ni Michaela at siya ang nag-organize ng party tapos ikaw yung may credit?”

“I wish I knew..” sumandal naman ako doon sa desk ko.


“Kausapin mo kaya si Double B! Mamayang breaktime. I-excuse mo siya sa captain.” ok naman yung suggestion ni
Vina.

“Hello? Earth to Vina!!! Si Double B kaya ang Captain ng soccer team.”

Nakapag-desisyon naman na ako. Kakausapin ko na siya mamaya.

“Just tell him the truth. Saka good luck, alam mo naman yung ugali nun.”

Nag-nod naman ako sa kanya. Hindi ako mapakali nung sumunod na klase namin dahil iniisip ko kung paano ko ba
sisimulan yung explanation ko. Parang ang haba-haba na hindi ko maintindihan. Isa  pa kinakabahan ako, harapin
kaya niya ako? Tuwing makikita ko na lang siya iniiwasan niya ako eh.

Lalong bumilis yung tibok ng puso ko nung nag-alarm na ng breaktime. Hindi na ako nagpakatagal-tagal pa at
lumabas na ako kaagad. Tumakbo naman ako sa field na hindi ko naman gawain kaya hingal na hingal na ako doon
kadarating ko pa lang. Malayo pa lang ako eh nakikita ko siya na nakaupo doon sa bench sa gilid at inaayos yung
medyas niya.

Nagclose-fist ako at tinapik-tapik ko yung noo ko. Kaya mo yan Iyah.

Lumapit naman ako sa kanya. Nakatalikod siya sa akin at hawak niya yung sapatos niya.

“We’re on practice, bawal ang istorbo.” nagulat naman ako. Alam niyang ako yung nasa likod niya?

“Pwede ba makinig ka muna?”

Tumayo na siya at humarap sa akin.

“Bakit naman ako makikinig sa ‘yo? Anong sasabihin mo, sorry? Wala naman nang mangyayari kung magso-sorry
ka. Maibabalik ba yung oras?” tumalikod siya uli sa akin. “Siguro nga dapat alam ko na wala kang pakialam kung
may maghintay sa ‘yo o wala.”

“Syempre mahalaga sa akin yun! 5 minutes lang kailangan ko. Maybe less.” huminto siya sa paglalakad niya pero
nakatalikod sa akin. Alam kong nakikinig siya. “To be honest with you, nakalimutan ko talaga yung usapan natin.
The day after na umalis ka sa bahay, Mom told me I’m grounded. Hanggang week na ito.”

“So you’re telling me na grounded ka kaya hindi ka nakapunta. Big deal.”

“I’m not saying that at all! Pwede ba patapusin mo muna ako?”

Hindi pa rin siya humaharap sa akin nun. Ni-hindi niya talaga kayag tumingin sa akin.

“Nakuha ko yung message mo sa locker ko. Kaya lang inisip ko na baka galing na naman yun sa lalaki na
kinaiinisan ko kaya hindi ko binasa. Tinapon ko pa nga kung tutuusin. Hindi ko naman alam na maling move pala
yung ginawa ko.”huminga ako ng malalim. “Then, the day before ng birthday mo, Michaela told me birthday mo
nga daw kinabukasan. I panicked kasi wala akong regalo sa ‘yo. Sinabi niya sa akin na hindi na daw kailangan dahil
nagplano siya ng surprise party at sinabi niya sa ‘yo na kailangan mong pumunta dahil may importante akong
sasabihin… para nga hindi mo alam yung plano. Pero hindi ka dumating.”

“You’re lying.” yun na lang nasabi niya sa akin. Sa wakas humarap na din siya.

“I’m not.” yumuko na ako nun dahil hindi ko kayang tumingin sa kanya. Ayokong umiyak sa school. “I felt bad na
hindi ka pumunta thinking na wala ka ring pakialam sa akin. Iniisip ko na hindi naman mahalaga sa ‘yo kung ano
yung sasabihin ko dahil yun yung sinabi ni Michaela.”

“But still, you didn’t come. I waited for like…” natigilan din siya tapos nagsideways. “Hindi mo na gustong
malaman.”

“You waited for like..”


“12 hours.”

Napanganga naman ako sa kanya. 12 hours?

“Are you kidding? Sana umuwi ka na nung napansin mong hindi na ako darating.”

“Almost-9 na nung maisipan kong umuwi dahil naisip ko na nga hindi ka darating. Kaya lang naalala ko na kapag
naligo ka inaabot ng 2 horas kung minsan, kaya naghintay pa rin ako.. inisip ko na-late ka lang. Nakatulog ako doon
sa bench sa labas… pagkagising ko 6:05 na ng umaga.” iniwas niya yung tingin niya. “Bakit ko naman sasabihin sa
iyo, anong malay ko kung wala kang pakialam hanggang sa pagkagising mo nung umaga.”

“Sino namang nakakaalam? Siguro nga nagulat din ako at tumakbo ako pababa para tumawag..”

Tumingin na siya sa akin ngayon. He waited for me.

“Oh my God. Hindi ko talaga alam. Hindi ko naman talaga binasa yung sulat. Saka iniisip ko na pupunta ka sa
surprise party..”

“That was supposed to be a surprise party? You planned it?” gulat na gulat naman siya sa akin.

“No. I told you Michaela planned it. Pinalabas lang niya na ako yung gumawa para pumunta ka.”

“Why would she do that?!?” pumunta siya doon sa gilid at sinipa ba naman yung puno, “She knew I hate surprise
parties.”

“You hate it?” this is weird..

“Yeah. Kaya nga hindi ako pumunta nun dahil alam kong imposibleng pinapapunta mo ako sa bahay niyo dahil alam
kong mag usapan tayo. Nakaramdam na ako na may kung anong meron at baka plano ni Daddy, kaya hindi ako
pumunta. Instead, naghintay ako sa ‘yo.”

“That’s.. odd.”

Napapaisip naman ako. Nah, I don’t think she can do it. Bakit naman?

“I need to talk to her.”

Saglit lang din, may dumaan sa likod ko.

“I’m here, hindi na kailangan.”

Tinignan siya ni Jon na para bang nalilito na hindi mo maintindihan.

“What’s up with you Michaela?”

“Nothing.” nakita kong umiiyak na siya nun. “Yeah, I planned the surprise party. Napansin ko kasi na mas nagiging
close ka na sa kanya kaysa sa akin. Naalala ko na ayaw mo ng ganun, kaya sinabi ko sa na siya ang may gawa.
Bakit? Para magalit ka sa kanya. Gusto ko magalit ka sa kanya. dahil… dahil nagseselos ako sa inyo.” yumuko siya
nun, “Alam kong mali yun, kaya sorry sa inyo.”

“Bakit.. bakit ka naman magseselos sa amin?” nagulat din si Jon sa sinabi niya.

“I realized I like you Jon. Kaya nga nung araw na sinabi nilang nag-kiss daw kayo ni Iyah, I broke up with Larry.”

“What?!?”

Nanahimik na ako nun. Hindi na ako makahinga. Now I know. Ako lang pala yung panggulo. Jon likes Michaela,
now Michaela likes Jon. Ako na lang ang panira ng picture.

Kung hindi kayang sabihin ni Jon, ako ang magsasabi para sa kanya.
“Michaela, you don’t need to be jealous of me. I’m his sister!” humawak ako sa balikat niya. “Jon likes you too. I’m
happy for the both of you.” ngumiti ako sa kanya. “Good luck.”

Tumalikod na ako nung tumingin ako kay Jon.  Nakatingin siya kay Michaela.. tapos sa akin.

“No wait.”

Hindi ko na siya hinintay nun. Tumakbo na ako.

Nung nakalayo na ako at napansin kong nakatayo sila parehas doon, nag-wave ako sa kanila.

“Be happy.. bro.”

***37***

Bago pa may sabihin si Jon, tumakbo na ako nun ng mabilis. Gustung-gusto ko nang umiyak nun, pero alam kong
hindi tama. Ayokong ipakita na nasasaktan ako, gusto kong malaman nila na masaya ako para sa kanila.

Nung malapit na ako sa classroom namin, mabuti na lang eh nag-alarm na at alam kong time na rin. Pinipigilan ko
yung sarili ko na huwag umiyak, saka ko lang nalaman na sobrang hirap pala kapag gusto mo nang ilabas yung
nararamdaman mo. Dalawang klase lang naman na yung kailangan kong tiisin, tapos uwian na.

Hindi ko makuhang magalit kay Michaela sa ginawa niya. Ewan ko rin kung bakit. Siguro dahil naiintindihan ko
yung nararamdaman niya, parehas naman kaming babae. Kung may nagugustuhan ka, siguro dapat marunong kang
mag-share ng nararamdaman mo.

“Iyah ok ka lang? Namumula yata yung mukha mo..” sabi nung isang classmate ko na kanina pa ako tinitignan
kasama nung iba ko pang classmate.

“Ahh… ako? Ok lang.” niyuko ko yung ulo ko at pasimple kong pinunasan yung gilid ng mata ko.

Please Iyah.. sa bahay na lang. Sa jeep.. kahit saan huwag lang sa school na may makakakita sa ‘yo. Konting tiis..

Nahihirapan na rin akong huminga nun sa sarili ko. Ayoko namang ipikit yung mata ko dahil pakiramdam ko lalo
akong hindi makakapagpigil. Kahit na medyo mabigat yung bag ko eh hindi na ako dumaan sa locker ko para mag-
iwan ng gamit. Dire-diretso akong lumabas at dinaanan ko lang si Sheena at Vina. Ni-hindi ko na nga sila nakausap.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng school, sumakay ako doon unang jeep na nakita ko. Kakahakbang ko pa lang, tuluy-
tuloy nang tumulo yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

He should be happy by now… that’s all it counts. Martyr na kung martyr, pero ako lang naman talaga yung
panggulo sa kanila eh. Kung mawawala ako at gagawin ko kung ano naman talaga ang role ko, which is his sister,
there’s no problem. Magiging sila na… libreng-libre.

Siguro nga dapat kong tanggapin na hindi siguro pwedeng maging kami. Ang dami lang conflicts na haharapin
namin.
Sa kakaiyak ko nun, kulang pa nga yung binayad ko at dinagdagan ko pa. Lumagpas pa nga ako ng dalawang kanto
sa bababaan ko.

Basang-basa na yung panyo ko. Konting lakad lang din, nasa bahay na ako.

“Oh, Iyah.. sobrang aga mo ngayon ah..”

Hindi ko na pinansin si Mommy. Dumaan lang ako at umakyat sa hagdan. Pagkakitang-pagkakita ko ng pinto ng
kwarto ko, binuksan ko na kaagad at dumapa ako sa kama. Kinuha ko yung unan at tinakpan ko yung buong mukha
ko. Doon na talaga ako umiyak.

Isang sa mga bagay na hinahangaan ko sa sarili ko eh.. control. Kagaya sa emotions, hindi ako yung taong basta-
basta na lang na sumasabog sa harap ng iba. Minsan nga kapag umiiyak ako at sobrang tahimik, walang nakakaalam
na umiiyak na ako unless makita nila yung mukha ko. At isa na siguro yung time na ‘to.

May kumatok naman sa pintuan ko pero hindi ko tinignan kung sino.

“May problema ba Iyah?” narinig kong si Richard yung nagsalita.

Hindi ko inangat yung ulo ko sa unan. Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama ko kaya nag-sag ng kaunti.

“Willing akong makinig, kung kailangan mo ng kausap.” sabi niya sa akin ng mahinahon.

Nagdadalawang isip pa ako nung simula, pero tumayo rin naman ako at humarap ako sa kanya.

“You’re crying..” yun na lang yung sinabi niya at sinara niya yung pintuan ng kwarto ko. “Ano bang nangyari???”

For the first time in my life, I can’t control it anymore.

“I CAN’T DO IT RICHARD!!! I JUST CAN’T!!” napalakas yung pagkakasabi ko sa kanya, pero hindi naman siya
nagulat sa akin. Humawak siya sa likod ko, at sinansal niya yung ulo ko sa balikat niya.

“Ok, liwanagin natin ‘to ha. You can’t do what?”

Sa kakaiyak ko, hindi na normal yung paghinga ko.

“Naaalala mo nung honeymoon niyo ni Mommy, you called us and told me to look after Jon. Ikaw nga yung nagsabi
sa akin na, our duty is to our family. But… I don’t think I can do it anymore.” hinimas-himas niya yung buhok
ko, “Lately, one movie made me realized that.. my duty is to my heart. Not to my family.”

“So ang sinasabi mo, you should follow your own heart?”

“Kind of.”

“Ever thought of considering… you can do both?”

Tumayo ako sa pagkakasandal ko sa kanya at tumingin ako.

“Huh?!?”

“Ok.” humarap siya sa akin ng diretso. “I know there’s alot of pressure when it concerns Jon. Sa totoo lang, nag-
usap na kami ng Mommy mo tungkol dito. And we didn’t know it’ll happen.”

“You knew?”

“Alam namin posible.” sabi niya sa akin at medyo nakangiti siya, “It turned out, yeah. The way you two act when
the other one is around and the other one’s not… definitely.” nakita niya yung cofused expression ko. “Iyah, you’re
a wonderful girl. Whether your duty is to your own heart, or to your family.. it doesn’t matter. You can do both. You
don’t have to choose.”
Napaisip naman ako. Oddly, that makes sense.

Pinunasan niya yung luha ko.

“You know what, you’re right. Thanks for that. Simple, but it made me feel good.” ngumiti na ako nun, pero konti
lang. “I can be his sister. The real deal. Probably, he’s happy now.. with Michaela.”

“Oh.. I thought..” tinignan ko siya, pero nung nakita niya yung itsura ko.. hindi na niya tinuloy.

“Thanks…. Dad.”

Niyakap na niya ako ng mahigpit nun. After ng matagal na moment, humiwalay din siya.

“Oh yeah, bago ko makalimutan… your Dad called here this afternoon. Kinausap niya yung Mom mo..”

“Daddy? As in.. Dad, in America?”

Tumango lang siya sa akin.

“Bakit naman siya tatawag dito?” napaisip naman ako.

Tumayo na si Richard sa pintuan.

“Gusto ka niyang kausapin eh. Ang alam ko, it concerns about you going to college there..”

“HA? Babalik ako ng America?”

Meron pa bang bagay na makakapagpagulat sa akin???

***

Maganda naman yung gising ko kinabukasan. Dreamless sleep na naman ako. Mas mabuti na nga siguro yun, kaysa
naman madagdagan pa yung iisipin ko.

Hindi pa naman tumatawag si Daddy uli. Sinubukan kong pag-isipan yung sinabi sa akin na doon ako magka-
college. Kaya ako naman, kinausap ko si Mommy tungkol doon. Sinabihan lang niya ako na kung gusto ko, hindi
naman siya against sa magiging desisyon ko. Ang kaibahan lang, mag-stay siya sa Pinas at ako lang ang aalis. Dahil
nga, married na siya.

Masaya naman na ako sa Pilipinas. Kung hihiwalay ako kay Mommy, first time ko yun. Hindi ko pa nasusubukan.
Pero sa positive side, malalayo ako kay Jon. It’s a really nice situation to move on.

Pero kung papayag ako tungkol doon, better yet… make-up with him. Sa mga kasalanan ko. Ngayon.. nasaan na ba
yung taong yun.

“Jon!” nakita ko siya na nasa field at naka-uniform naman ngayon. Friday na nga pala ngayon at last day na ng
punishment ko bukas. “Free ka ba ng Sunday?”

Lumapit naman siya sa akin.

“Err… I think so. Why?”

“Gusto ko lang itama lahat. Syempre, malaki yung atraso ko. So.. Sunday… pupunta na lang ako sa apartment mo.
Gala-gala na lang tayo.. kakain.” tinapik ko siya sa balikat… “So.. kita na lang tayo.” tumalikod naman na ako sa
kanya.

Hinawakan naman niya yung kamay ko.

“Saglit lang. Pwede bang.. pwede ba tayong mag-usap? Private.”

“Kakausap lang natin kamakailan lang ah…” ngumiti naman ako pero sa totoo lang, iniiwasan ko yung topic na yun.
“No.. it’s a different thing.”

“Nah.. talk to me on Sunday. Sige pala.. una na ko.”

Hindi pa rin niya pinakawalan yung kamay ko.

“Ok.. Sunday. Dad told me…” medyo malungkot yata siya ngayon..

“About what?”

“About your Dad. Na tumawag siya.”

“Oh… that. Yeah. Hindi ko pa siya nakakausap. Gusto kasi niya doon ako mag-college. Nalaman kasi niya na, pa-
graduate na ako ng high school dito…”

“Anong decision mo?”

“Uhmm..” bakit ba niya tinatanong? “Hindi pa ako sure, pero.. I’m looking forward to going back..”

Nag-iba na yung expression ng mukha niya.

“Alis na talaga ako.. sa Sunday na lang. Mukhang busy kayo eh. Sorry sa istorbo.” paalis na ako, pero ayaw talaga
niya bitawan yung kamay ko. “Kamay ko.. pwede?” nginitian ko lang siya.

“Naalala mo nung slumber party… na tinulak kita sa terrace?”

Ano na namang koneksiyon?

“Yeah.. what about it?”

“I told you three things.. for you to remember.” napataas naman yung kilay ko, bakit naman niya sinasabi sa akin? “I
hope you still remember those.”

“Honestly.. no.” hinila ko uli yung kamay ko.. ano ba ‘to? Ayaw niya bitawan!

“Papaalala ko lang… at asahan mong tutuparin ko. I won’t let you go.”

Tinignan ko siya na para bang hindi ko siya maintindihan. He told me three things… ‘I won’t let you go is one..’ ano
na nga yung dalawa?

“Yeah.. right.” inikot ko yung mata ko. “I really need to go. Baka ma-late ako sa klase alam mo..”

Binitawan na rin niya yung kamay ko.

Nagsimula na akong maglakad nun. Hindi pa ako nakakalayo, lumingon uli ako sa direksiyon niya. Hindi pa rin siya
kumikilos sa pagkakatayo niya. Nakatingin pa rin siya sa akin. Ang gulo talaga ng taong yan…

Narinig ko naman siyang sumigaw.

“Sunday! I’ll remember that! We need to talk!” OH PLEASE!!!

***38***
How can he remember such a thing? Ni-hindi ko na talaga maalala yung sinabi niya na yun nung slumber party. I
won’t let you go.. ano na nga yung dalawa pa?

At ano namang ibig sabihin niya doon? Ang gulo..

Pumunta na ako sa klase ko nun. Bago pa nga nun, nakita kong papalakad si Michaela sa hallway na dinadaanan ko.
Ayaw ko naman siyang kausapin ngayon, kaya nagtago na lang ako doon sa poste. May nakakita pa ng as akin.

“Ano namang ginagawa mo?” sabi nung isang lalaki na freshmen yata at hindi ko kilala.

“Manahimik ka lang or else..” sabi ko naman pero wala naman talaga akong gagawin sa kanya. Tinatakot ko lang
siya. Or else what?

Nanahimik din naman siya. Hindi rin nagtagal, wala na si Michaela.

Tinignan niya ako na para bang nagtataka sa akin. Tinignan ko nga lang din siya. Chismosong ‘to! Buti na lang
hindi ako pumapatol sa freshmen at ayokong ma-charge ng child abuse!

Pagdating ko sa classroom, sinabi ko na kina-Sheena yung balak ko sa college. More likely kasi, aalis nga siguro
ako. Syempre, nagulat din sila sa akin. Pero kung ano man daw yung maging desisyon ko, ok na raw sa kanila.
Hindi rin naman kasi kami sigurado kung sama-sama rin kami sa college. Lalo pa si Vina, eh siya na siguro ang
freaky genius girl ng buong 4th year!

Umuwi na ako sa bahay nun. Si Mommy, sinalubong naman niya ako.

“Tumawag uli ang Daddy mo kanina, sabi ko nasa school ka pa. Lagi kayong hindi nagkakatapat.” sabi niya sa akin.

“Nandito naman ak bukas, in case na tumawag siya uli.. makakausap ko na siya.”

Dumeretso na ako doon sa kwarto ko. I can’t wait to have my phone back sa Sunday. Last day ko na tomorrow.

Isn’t that something? Tinutulungan talaga akong makabawi eh no! Kung kailan ko balak i-treat si Jon, doon na ako
walang punishment..

Gumising ako ng maaga ng nung Saturday at inaabangan ko yung tawag ni Daddy. Pero tanghali na sa amin eh wala
pa rin. Napansin din naman ako ni Mommy. Sinabihan ko nga siya na kami na lang ang tumawag, pero hindi naman
namin alam kung anong number yung tatawagan namin. Marami kasing contact numbers si Daddy.

Inabangan ko naman siya nung gabi, pero wala rin. Siguro nga nakalimutan na niyang tumawag at baka
magbakasakali siya bukas. Syempre.. gusto ko na rin siya makausap. After all, it’s been years since I talked to him.

At syempre, hindi lang yun ang hinihintay ko… Sunday na. Wish me luck.

***

Maaga pa lang eh nagising na ako at pumasok ako sa kwarto nila Mommy para guluhin siya sa cellphone ko. Dahil
nga inaantok pa siya nun, binigay na rin niya sa akin na nakatago pa talaga doon sa drawer nila.

Excited na excited naman ako nun kaya binuksan ko rin naman kaagad. Mukhang wala pa siya sa sarili niya nun
kaya mabuti na sigurong maisahan ‘to.

“Mom, aalis ako kasama ni Jon ha. Umaga hanggang mamaya. Hindi ko alam kung kailan uuwi. Ok lang?” nandun
pa rin ako sa gilid ng kama niya.

“O sige.”

“At saka kailangan ko ng pera para ngayon, pwede ba akong kumuha sa wallet mo?” nakapikit pa rin siya.

“Oo na.. kumuha ka na. Nasa skirt ko na naka-hanger.”


Tumayo naman ako at kinuha ko yung wallet niya. Kumuha ako ng marami. Payag naman si Mommy eh! Aba
samantalahin ko na habang sinuswerte! Kakatingin ko, nandun din yung pantalon ni Richard at bulky yung back
pocket. Ayoko sanang makialam pero tinignan ko.

Binuksan ko yung wallet niya. Wow, ang daming pera ha! Panay P1000 yung nandun saka Ninoy Aquino! Grabe na
‘to! Tapos merong picture doon sa gitna, picture nila ni Mommy nung kinasal sila.

Kinalikot ko pa yung nandun, maya-maya nakakita ako ng picture ng isang babae na super ganda. Napataas yung
kilay ko. Nung tinignan ko yung likod, may nakasulat.

My wife Amanda, July 199*

Oh.. akala ko pa naman! Binaliktad ko uli yung picture niya. She’s pretty.

Nakialam pa ako nun, at alam kong hindi tama pero syempre curiousity na rin, nakakita ako ng picture ni Jon. At
hindi siya bata ha, teenager na siya. Yun nga lang sideview. Pero kita pa rin halos yung 3/4 ng mukha niya. Ayaw
niya yatang magpakuha eh.

“Iyah, what are you doing?” nataranta naman ako kaya sinalaksak ko bigla yung wallet niya ng hindi pa ayos.

“I’m so sorry.. uhmm.. I’m just looking..”

Ngumiti naman siya sa akin. Tapos tumayo siya at kinuha yung wallet niya. Kinuha niya yung picture ni Jon, tapos
inabot sa akin.

“You can have it.”

Tinignan ko naman siya. Binibigay niya sa akin?

“Kunin mo na, bihira ka lang makakakita ng picture ni Jon ng solo. Kung hindi siya may kasama sa picture, ayaw
niya. So, kunin mo na.”

Nginitian ko naman siya, tapos kinuha ko rin.

“Aalis kayo ngayon ‘di ba?” paano niya nalaman?

Napansin niya siguro na para bang nagtatanong yung itsura ko, kaya tumawa siya ng kaunti at tinuro yung gilid ng
kama.

“I heard you.”

“Ooh.. yeah. Aalis nga kami. Actually, maliligo na lang ako at magbihihis, pupunta na ako sa apartment niya.”

“May pera ka na ba?” tumango naman ako, “Ito, dagdagan mo. Magpakasaya kayo.”


Nung tinignan ko yung binigay niya, tumataginting na P2000! Tumingin ako uli sa kanya, tumalon.. tapos yumakap
ng mahigpit!

“Thanks.. Ri–, Dad!”

Tumakbo na ako palabas nun. Katulad nga ng inaasahan ko, kakabukas ko pa lang ng phone ko eh ang daming
pumasok na text. Hindi ko pa nababasa lahat,  pumasok na ako sa banyo.. at nag-ready na.

Konting pili lang ng damit, at pagtingin ko.. ok na.

Sinabihan ko si Richard na in-case na tumawag si Daddy, ibigay niya yung cellphone number ko para doon siya
tumawag. At least, direct na sa akin. Nag-bye lang ako sa kanya at lumabas na ako kaagad.

My God Iyah.. excited ka yata masyado!


Sumakay lang ako ng jeep, at syempre dahil hindi naman ganun kalayo yung apartment niya, bumaba na rin ako.
Anong oras na ba? 9. Ang aga naming gagala no?

Inakyat ko naman yung hagdan papunta sa apartment niya. Nagdadalawang-isip pa nga akong kumatok nun.. pero
syempre kailangan.

Konting katok.. ang tagal.. katok uli.. asar.. katok na naman.. nasaan na ba yun?

Finally.. nung lumingon ako, binuksan din niya.

“AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!”

Nataranta din siya at nagulat siya sa naging reaksiyon ko.

Wala na naman siyang shirt. Gaya ng dati.

“My God Iyah!”

Tuluy-tuloy pa rin ako sa pagsigaw ko. Tumingin-tingin siya sa hallway, tinakpan niya yung bibig ko at binuhat ako
sa loob. Inupo niya ako doon sa sofa niya. Hawak pa rin niya yung bibig ko pero nakaluhod na siya sa harapan ko.

“Tatanggalin ko ‘to, huwag kang sisigaw.”

Nanlalaki pa siguro yung mata ko nun, pero tumango na lang ako.

Umalis din naman siya sa harapan ko. Siguro kumuha ng shirt. Narinig ko lang nagsalita siya uli pero hindi ako
lumingon.

“Hindi ka tumawag.”

Stiff pa rin ako nun. Hindi ko nga nilingon.

“May shirt na ko, pwede ka na lumingon.” Good.

Nakuha ko rin lumingon.

“Aalis tayo ngayon ‘di ba? Nakalimutan mo?” tinanong ko naman siya at mukhang hindi talaga siya bihis.

“Of course not. Bakit ko naman kakalimutan? Hindi mo kasi sinabi yung oras sa akin so ineexpect ko mamaya
pa..” umupo siya doon sa upuan sa harapan ko. “Sa katunayan, kakakain ko nga lang. Akala ko ikaw na naman yung
isa sa mga lalaki diyan na lagi akong pinagtritripan sa pintuan.”

“Sorry I didn’t call.”

“Ok lang. Gusto mo uminom?”

Umiling naman ako. Kumain naman ako ng almusal sa bahay eh. Hndi na talag kailangan.

“Saan ba tayo pupunta?”

“Sa katunayan, hindi ko rin alam eh.” ngumiti naman ako sa kanya, “Kung saan na lang siguro natin
maisipan.” kinuha ko naman yung pera sa wallet ko na nakuha ko kay Mommy at binigay ni Richard.

Hindi na ako nagdala ng purse nun kaya nilagay ko na lang sa bulsa ko. Pagkahila ko.. may nahulog pero hindi ko
pinansin.

“Kahit papaano may pera ako. Galing kay Mommy.. saka sa Dad mo.”

Pinulot naman niya yung nahulog ko. Tinignan niya.

“Where did you get this?”


“Where did I get what?”

Pinakita niya sa akin yung hawak niya. Sabi ko nga eh.. yung picture niya na binigay sa akin. Nahiya tuloy akong
bigla.

“From.. your Dad.”

Seryosong-seryoso siya nun. At kung hindi ko pa naman din inaasahan, ngumiti siya.

“Cool.” huh?   “Equal na tayo. Hindi ko na kailangan itago pa yung picture na ‘to..” kinuha niya yung nasa picture
frame sa gilid.

Tinignan ko naman kung ano yun. Pina-print niya??

“That’s me.” tumango din siya. “And that freaky sensored baby.”

“The freaky sensored baby’s name is Jonnicole, if you don’t mind.”

Speechless naman na ako nun. Hindi ko naman talaga alam yung sasabihin ko.

“Hindi ka pa ba magre-ready?” nakatingin na naman siya sa akin nun.

Hindi siya nagsalita. Ito na naman kami katulad nung tinuruan ko siyang sumayaw dito. Ang hilig niyang tumitig.

“Hello? Tititig ka lang ba, o magre-ready ka?” nag-snap ako sa harapan niya.

“Tititig muna siguro ako… saka na ako magre-ready.” aba tinotoo nga! Tinitigan nga ako!

Dahil lumalaki na naman ang abnormality ng taong ito, hindi ko na lang pinansin. Mapapagod din yan.

Tumayo naman din siya at balak na yatang mag-ready.

“By the way, you look dreadful.”

Kakainis na ito.

“Salamat!”

Tinawanan ba naman ako ng malakas. Tinignan ko nga. Siya na nga itong nagbibigay ng fashion criticisim,
tatawanan pa ako. That is enough!

“Hindi naman ako siguro mukhang clown no!”

“No.” tuloy pa rin siya sa pagtawa niya. “You still don’t get it do you?”

“Get what? Lagi mo na lang akong pinag-iisip! Nililito mo ako kasi ang gulu-gulo mo.”

Umupo ako ng diretso. Bumalik siya uli doon sa harapan ko.

“Lagi kong sinasabi sa iyo na ‘you look terrible, you look horrible, you look dreadful’ kapag nakikita ka. None of
those are true. Kapag sinabi ko yun, that means the opposite.”

“So kapag sinabihan mo ako na maganda ako, you mean, I’m not? Kasi sabi mo, it’s the opposite?”

“Kapag sinabi kong, ‘you’re beautiful’, you are beautiful.”

Pinagsalubong ko yung dalawang kilay ko.

“Now, I’m really confused.” tinignan ko siya, “Paano mo malalaman kung kailan ka nagsasabi ng negative
comments?”
“If I’m mad, tapos negative yung sinabi ko, most of the time, negative talaga yun. If I’m serious, not mad, at
negative yung sinabi ko, it’s the opposite. Kapag positive, not in a sarcastic remark, it’s true.”

“You’re weird!!!” ginulo ko nga yung buhok niya.

“Sabi nga nila.” tumayo na siya uli doon.

Kinuha ko naman yung remote ng TV niya para makanood ako. Dahil walang masyadong magandang palabas,
palipat-lipat na lang ako ng channel. Hindi ko alam na hindi pa rin pala siya umaalis doon.

“Alam ko may Spongebob ngayon..”

Tumingin ako sa kanya sa likuran.

“Akala ko nagre-ready ka na?” tinaas ko yung kilay ko. “At paano mo nalaman na may Spongebob ngayon?”

Hindi naman niya ako sinagot. Ngumiti lang siya sa akin. Ang gulo niya no?

“I just want to tell you something bago ako mag-ready..”

“Again? What?”

“I’m courting somebody.. for quite sometime now.”

Asus inulit pa niya. I perfectly knew that she likes Michaela. Hindi nga lang alam ni Michaela nung simula. Why
bother telling me?

“Matagal ko nang alam na gusto mo si Michaela..”

“I’m not talking about Michaela!” magkakaheart attack yata ako. Tama bang sigawan ako? “Sa katunayan, may
binili nga ako at ibibigay ko sa kanya. Hindi nga niya alam eh. It’s in my room. Last week ko pa dapat sa kanya ito
ibibigay.. pero hindi siya dumating eh.”

Tinuro niya yung kwarto niya. Tinignan ko naman kung ano yung regalo na sinasabi niya.. tapos nakita ko doon sa
kama niya…

“Bumili ka ng giant stufftoy ni Patrick! Wow! I saw this at the mall before! Naalala mo nung unang beses mo akong
binaba sa mall, nakita ko ‘to! Kaya lang hindi ko binili! Dun ko nakita si Dylan!” napansin ko naman na over na ako
kaya natahimik ako, “Hindi ko lang binili. Sayang nga eh..”

Tinignan ko naman siya. Nakatayo lang siya sa gilid ko.

“It’s yours.”

Hindi ako nagsalita nun. Nakakapagtaka. Is this some kind of a joke?

“I told you I’m not talking about Michaela. Hindi siya mahilig sa cartoon na yan..”

“I’m talking about you..”

***39***
Nagulat naman ako sa kanya. Dahil nga si Iyah ako, nagulat ako pero iniba ko rin yung reaksiyon ko.

“Uhmm.. sige.. i-carry mo pa yung joke na yan maniniwala na talaga ako!” tumawa-tawa ako ng peke tapos tinapik-
tapik ko siya sa balikat.

“I’m not laughing. I’m really courting you.”

“Nanliligaw ka? Hindi ko alam na ganun ka manligaw?”

“Paano ba dapat manligaw?” mukhang nalilito na yung itsura niya.

Nginitian ko lang siya. Hindi ko na ipu-push yung topic. Tama na muna yun.

“Come on, think about it. I’m serious.”

Umalis na siya nun sa harapan ko at nag-ready na nga siya siguro. Seryoso niyang sinabi sa akin yun, alam ko
namang malaki yung possibility na totoo nga yung sinasabi niya.

Nung nanood ako ng TV, hindi ko rin maintindihan yung pinapanood ko. Para bang lumilipad yung utak ko at wala
doon. Natapos nga yun ng wala man lang akong naintindihan.

Lumabas uli si Jon nun nung marinig ko siyang tinawag niya ako. Lumingon naman ako at nagulat ako nung nakita
ko siya. Wow.

Is it just me na para bang ang slow yata ng movements, or… ‘could it be that I’m only dizzy???

I think I’ll pick the first one. Mahirap na mag-take chances sa second one.

Umalis kami doon sa apartment ni Jon. Iniwan na namin si Patrick Star dahil kung dadalhin pa namin yun,
mahihirapan kami dahil sa sobrang laki. Babalikan ko na lang siguro mamaya. Sabi naman niya kasi, sa akin yun.

And I’m really happy about it.

Gusto ko lang i-clear yung mga bagay-bagay. This is not a date. Sabi ko nga sa inyo, bumabawi lang ako sa kanya
dahil hindi ako nakarating nung birthday niya. Isa pa, mas mabuti ngang magkaayos na kami bago ko pa kausapin si
Daddy sa college preparation ko. Sa pag-alis na rin siguro. Yun ay kung…itutuloy ko.

Let’s think of a typical date. Saan ba pumupunta?

Wait, sinabi ko bang date?!? Kanina lang sinasabi ko na hindi date… ano ba yan!!!

Well, typical as in… MALL!

Sabihin na lang natin na ang isang typical date eh magpupunta kayo sa mall. Kakain siguro, manonood ng sine,
bibili ng kung ano, arcade.. mga ganyan naman talaga ‘di ba? Sa ibang tao siguro at ganun yung gagawin din namin,
yeah, ordinary date. But for me.. there’s nothing ordinary about it.

“Ok,” humarap ako kay Jon, “Hanggang 3rd floor itong mall. Kung game ka sa balak ko, sabihin mo sa akin ‘OK’.
Kung hindi ka naman game sa balak ko, sabihin mo lang OK.”

Ngek! Tama ba yun? Parang wala siyang choice kundi OK lang ang isagot niya ah!

Nginitian naman niya ako.

“OK, as in, game ako sa balak mo.”

Hinila ko na siya nun sa unang-unang store na makikita mo. Ano bang balak ko? Wala naman talaga! Gusto ko lang
na gawin namin eh libutin namin lahat ng store sa buong mall. Bumili man kami ng kahit isa sa mga tinda doon.
Kahit na P1 lang ang presyo.
Syempre, sa National ko siya unang hinila. Nakakita naman kami ng kung anu-anong bagay doon. Kakatingin
namin, bumili ako ng journal.

“Nagjo-journal ka?” tinanong niya naman ako.

“No. Pero gusto ko mag-start. Ikaw ano sa ‘yo? Balak ko bumili ng kahit isang bagay sa buong mall. Lilibbutin natin
lahat no!”

Umiling naman siya at hindi niya alam kung anong kukunin niya. Finally, may nakuha siyang cute na pen. Matatawa
na sana ako, bakit yun?

“Pambabae kaya yan!” sabi ko naman.

“Alam ko.”

“Eh bakit yan yung kinuha mo?”

“Hindi ko naman gagamitin. I’ll just keep it. May pangalan mo kasi.” inikot niya yung pen, tapos may Nicole akong
nabasa.

Ang babaw niya rin no? Nicole is my second name. Pero mas nasanay lang ako sa Iyah.

Syempre lumabas na kami doon, sa Pizza Hut kami napunta. Anong binili namin? E di pizza!!!

Nung nakaalis na kami dun, pinasukan din namin yung ibang stall. Sa RRJ nga, binilihan ko pa siya ng cap at ako
rin bumili. Sa Penshoppe naman, kinuhanan ko siya ng t-shirt, ako naman blouse.

Hindi kami nagsho-shopping as in, gusto mo. Bumibili kami bawat store para kapag natapos kami at nakita namin
lahat ng binili namin, maiisip mo na lang, achievement at nilibot ko yung buong mall. At hindi window shopping.

Pati yung arcade eh dinaanan namin at nilaro namin yung jurassic park. Ako naman eh na-carried away kaya
sumabog yung sasakyan namin. Tinanggal namin yung eyepiece, tapos umalis na kami doon.

Sa Jollibee, burger yung binili naman. Sa tindahan ng mga thrasher, siya naman ang bumili. Binilihan niya ako ng
bracelet.

Medyo nakakapagod din pala kapag naglilibot ka sa mall. Lalo pa kung marami kang dala. Pati yung mga simpleng
store na nagtitinda ng accessories, binilihan din namin kahit na keychain pa yun o ano man simpleng bagay.

Finally nung nasa last store na kami ng second floor, mukhang hindi payag si Jon.

“You’re not doing it.”

“Of course I can! Ikaw din no!” hinihila ko naman siya sa loob.

“Hindi pwede!”

“KJ ka, Henna lang yan no! It’s not real tattoo.” napaisip naman ako, “Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo pa
naririnig yung tungkol sa Henna?”

Inikot naman niya yung mata niya sa akin. Tapos pumayag din siya pumasok sa loob.

Separate kami. Hindi ko alam kung ano yung pinili niyang design. Ako naman, spider. In real life, I hate spiders.
Pero yun yung pinili ko dahil, ang cute tignan.

After so many minutes, lumabas na ako. Nandun na din siya nakaupo. Nakatodo-ngiti pa ako nun.

“It’s not bad isn’t it?!? San yung sa ‘yo?” Pinakita niya yung wrist niya sa akin tapos nakita ko yung nandun…

It’s a web.
“Nakita ko lang ito doon sa pintuan nila, kaya pinili ko. San yung sa ‘yo?”

Hindi na naman ako makakilos nun. Bakit ganun???

“Whoa, this is freaky. Yung pinili ko kasi eh..” ini-slide ko yung sleeves ko at yung bra-strap ko sa kanang shoulder
ko para maging bare.

Tumayo naman si Jon para tapikin yung kamay ko.

“Hey.. hey.. stop. What are you doing?”

“Papakita ko sa ‘yo yung sa akin!” tapos tinuloy ko nung natigilan siya.

Tinanggal ko uli yung sa shoulder ko malapit sa collarbone. Doon ko kasi pinalagay eh.

“A spider.”

Hindi ko naman inaasahan na ganun na lang yung pipiliin namin. Pero syempre, ok rin naman.

Dahil maaga-aga pa naman nun at medyo masakit na rin yung paa ko, pumunta kami sa sinehan at nanood ng
kalahating part ng movie. Lumabas kami at sumakay ng jeep.

Saan kami? Wala. Riding lang.

Nagtataka na nga yung driver sa amin nun, tinanong kung saan kami bababa, at sinabihan namin siya na bilangin
lang niya yung atraso namin sa kanya. At nung napagod na kami ni Jon kakaupo sa jeep, bumaba kami sa Hard Rock
at doon kami kumain.

Habang hinihintay namin yung pagkain namin, naisipan ko naman siyang tanungin.

“Jon, pwede magtanong?”

Tumango lang siya sa akin, kaya nagtanong na ako.

“Nung birthday mo ba, saan tayo dapat pupunta nun kung natuloy sana?”

Seryoso naman siya nun.

“Concert.”

Teka, concert? Yun din siguro yung concert na sinasabi nila Vina na pupuntahan nila! P150 yata bawat isang ticket
nun eh. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

“You don’t look like a concert type of guy.”

“I’m not. I love music, but yeah, hindi nga ako concert guy.”

“So, bakit doon?”

Nag-lean naman siya sa table kaya yung mukha niya, malapit na sa mukha ko.

“One simple reason.” kailangan ba talagang seryoso siya at ganyan kalapit? “Plano ko dapat na tanungin ka kung
pwede ba kitang maging girlfriend doon sa concert. Dahil nga maingay doon at kapag sinabi mong ‘No’, hindi
masyadong masakit saka iisipin ko na lang na mali yung dinig ko na sinabi mo. Then, I’ll ask you some other
time.” tapos ngumiti siya.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya nun o ano, pero kahit casual yung pagkakasabi niya, tagos dito.

“Anong nangyari sa tickets mo?”


“Tinapon ko.” sumandal siya uli doon sa upuan niya. “Alam mo ba kung bakit hindi kita tinanong kung pwede ba
akong manligaw?”

Ayoko na sanang itanong, pero dahi eto naman na…

“Yeah.. why?”

“Unang-una, hindi ko pa alam sa simula na nanliligaw na pala ako.” This guy is really weird! “Kaya nga nung
nalaman ko na nanliligaw ako, hindi kita tinanong. Bakit? Kasi ayokong malaman yung isasagot mo. Kapag
pumayag ka, there’s this big possibility na may chance ako. I don’t want to spoil the surprise do I? Kapag hindi ka
naman pumayag, syempre, katulad kanina, tutuloy lang ako.” sumandal na siya uli sa upuan niya. “So why bother
asking? Mas mabuti nang hindi alam, mas maraming nangayayri.”

Dumating naman kaagad yung inorder naming pagkain. Umayos na ako sa pagkakaupo ko para kumain, kaya lang
naramdaman kong nag-ring yung phone ko. Walang name na nakalagay. Calling lang.

“Hello?”

“Hello Iyah? Sweetie..”

Only one person calls me sweetie. That’s my Dad.

“Oh… hey.. Dad. How’s life?”

“It’s great. Richard gave me your mobile number since he told me you’re out. So, I guessed your mom told you
already. What do you think?”

Huminga ako ng malalim.

“What do I think of going there?” tumingin bigla si Jon sa direksiyon ko, tumigi na siya sa pagkain niya. “Uhmm
Dad, actually, it’s really a great idea. But… I’m sorry.”

Nanahimik na si Daddy nun.

“I’m happy here Dad.”

“Well, just think about it.”

“I will.” tapos nakita kong naka-open palms na si Jon sa akin. Akala ko kung bakit, hinihingi pala niya yung phone
ko.”Dad, someone wants to talk to you.”

Nung inabot ko kay Jon yung phone, tumayo siya kaagad sa inuupuan namin at iniwan ako doon dala yung phone
ko. Nagtaka naman ako, ano bang gusto niyang sabihin kay Daddy at ayaw niyang iparinig sa akin?

Ako naman, kumain doon mag-isa at inaabangan kong bumalik si Jon. Tumugtog na yung banda at lahat, wala pa
rin. Ang tagal naman nila mag-usap! Naubos ko na yung kinakain ko, pati yung banda eh nakalimang kanta na yata..
saka lang siya bumalik.

Nilapag niya yung phone sa table, tapos nagsimulang kumain.

“Anong pinag-usapan niyo ni Daddy?”

“Wala naman. Sabi niya take care daw.”

Yun lang?!? Ang tagal-tagal nilang nag-usap take care lang???

Hinintay kong matapos kumain si Jon. Yung banda na nasa stage, nagsimulang tumugtog ng disco. Nakaisip naman
ako ng idea..

“Gusto mong sumayaw?”


“Not in that kind of music.”

Pero dahil matigas yung ulo ko, hinila ko siya at inabot ng matinding pagpilit. Pumayag din siya.

And for the first time, sumayaw ng disco si Jon. Naalala ko tuloy yung wedding nila Mommy na hindi niya ako
sinayaw dahil bigla na lang nag-disco, nalaman ko na rin yung reason kung bakit.

‘Hindi kita sinayaw dahil… katulad nga ng sinabi ko, hindi ako marunong sumayaw. Gusto kong maging
memorable yung first dance natin. And it’s worth waiting.. kasi sa apartment ko yun.’

***

Halatang gabi na nung umalis kami sa Hard Rock. Ang dilim-dilim na sa labas at sobrang masaya na rin ako.
Napag-usapan na namin na pupunta muna kami sa apartment niya para kunin si Patrick at para makauwi na rin ako.
Ihahatid daw niya ako dahil nga gabi na.

Sumakay kami ng jeep at nung nakababa na kami, naglakad lang kami ng mabagal.

“I talked to Michaela already..” napatingin ako sa kanya, “I told her she’s awesome. But she’s only my bestfriend.
Hindi na tataas pa dun.”

Napahinto namana ko.

“Pero ‘di ba, may gusto ka sa kanya? You told me before.. sa room mo.”

Humawak siya sa balikat ko.

“I can’t remember such a thing. Wala akong sinabi sa ‘yo. Try to remember, wala akong sinabi. You brainwashed
yourself. Ang sinabi ko lang, huli na dahil may sinagot na siya. Pero hindi ko sinabing, gusto ko siya.” tumalikod
siya sa akin,”Fine, I think I like her before. But I realized, naisip ko lang yun. Hindi ko naramdaman. See how the
brain works? At may gusto pala akong sabihin sa iyo na mahalagang bagay…”

I can’t believe it. One extraordinary guy… in front of me. Telling me the things that I don’t understand…

It’s one great moment. Pero nasira.

“Well.. well. well.. sinong nandito ngayon?” nakita kong may isang lalaki sa gilid.

Hinarangan ako ni Jon. Pumunta siya sa harapan ko.

“Simon, kung anong kailangan mo.. huwag ngayon.”

“Actually, nakikinig lang kami sa mala-drama mong panliligaw kay…” tumingin siya sa likuran niya, “Oh.. kapag
hindi ka lang din naman sinuswerte, yung sister pala niya na si Miss Iyah!”

Bumulong naman si Jon sa akin.

“Iyah, just go… GO!”

Parang hindi makakilos yung paa ko nun. Natanim na yata sa semento.

“Pinapaalis mo si Miss Iyah? Malaki na atraso mo sa amin Jon. Naalala mo yung kapatid ko na binugbog mo?
Ngayon, kung papayag lang si Miss Iyah na maging girlfriend ko.. wala nang masasaktan.”

Lumingon si Jon sa likuran niya.

“Don’t you dare touch her.”

“Oh yeah?”

Napasigaw na lang ako bigla nung hinatak ako patalikod nung isa at tinakpan yung bibig ko.
“Pumalag ka, masasaktan siya.”

Si Jon naman, nakatayo lang doon at tinignan niya ako. Umiiling ako sa kanya.

“O sige, gawin niyo kung anong balak niyo sa akin. Huwag niyo siyang idadamay. Hindi siya kasali dito.”

“Last chance. Amin na si Miss Iyah, ‘di ka na masasaktan.”

Hindi pa rin ako makapagsalita nun. I can’t believe it. Papayag na lang siya magpabugbog dito.. dahil sa akin? Hindi
pwede. Kung pwede lang na sumigaw ako.. ginawa ko na.

“Para madagdagan yung thrill, mas maganda siguro kung hindi nakikita ni Pretty Boy Jon. Para unpredictable kung
saan na lang biglang sasakit ‘di ba?” tapos nilabas niya yung blindfold, nilagay niya sa mata ni Jon.

“Huwag niyo siyang gagalawin.. sinasabi ko sa inyo.”

Pinipilit kong pumalag nun pero ang higpit ng pagkakahawak sa akin. HIndi pa rin ako makasigaw.

“Iyah, ipikit mo na lang yung mata mo. Huwag mo akong tignan ok? Ayos lang lahat. Ipikit mo yung mata mo!”

Sumunod na lang na alam ko, siniko si Jon sa batok niya kaya napaluhod na lang siyang bigla. Alam kong wala
siyang nakikita dahil tinakpan yung mata niya, at nakatalil yung kamay niya.

Sunud-sunod din naman siyang sinuntok sa sikmura niya, sa braso, ilang beses sa mukha, sinipa…

Hindi ko pinikit yung mata ko. Nakita ko lahat. Nung nakita kong dumudugo na yung sugat nya sa mukha, pati yung
braso niya, hindi ko na nakayanan kaya pinikit ko yung mata ko.

Ano ba naman sila! Wala na ba silang alam kundi manaki!!

Umiyak na lang ako nun. Ngayon naman, hinahayaan niyang bugbugin siya ng mga ‘to dahil sa akin! Ano naman sa
tingin niya yung mararamdaman ko?!?

“Pare tama na! Baka kung anong mangayari sa kanya!” binitawan ako nung isa, at tumakbo na sila parehas sa takot
siguro na mapatay nila si Jon.

Tumakbo naman ako sa kanya. Hindi na siya gumagalaw.

Tinanggal ko yung blindfold niya pati yung tali ng kamay niya. Umiiyak pa rin ako nun.

“Siraulo ka talaga! Hindi ka nag-iisip!” sinabi ko nung inangat ko yung ulo niya, “Pwede ka namang pumayag doon
sa sinabi nila para hindi ka nasaktan! Tingin mo naman totoong magiging kami nung tao na yun! Hindi ka nag-
iisip!”

Hindi naman ako galit sa kanya. Bakit ba niya ginawa yun?

“Hihingi ako ng tulong ok?” natuluan na siya ng luha ko.

Tumingin din naman siya sa akin.

“Ok ka lang?” sinubukan niyang umupo pero nahihirapan na siya nun. Ako pa ngayon yung tinatanong niya. “H-
huwag k-ka ngang umiyak. Ouc–”

“Tatawag ako ng tutulong.. dito ka lang!” hinawakan niya ako sa wrist ko.

“Yung mahalagang sasabihin ko sa iyo..”

“Saka na yon! Makakapaghintay naman yun ‘di ba? Hahanap ako ng tutulong!” umiiyak ako sa kanya. Bakit ba
ganun siya? Ganyan na nga yung itsura niya, yung sasabihin pa rin niya yung mahalaga.
“H-hindi. M-makinig ka.” nahihirapan na siya nun, tumutulo pa rin yung dugo sa sugat niya sa mukha, “Wala pang
babae na sinabihan ko kung gaano ko siya kamahal. I won’t do it for the first time if she’s crying in front of me..”

“Jon ano ba! Tatawag ako ng tutulong ok?”

Pinunasan niya yung luha ko.

“I love you Iyah.” yung mata niya nun, para bang inaantok na.

“Ano ka ba!” inaalog ko na siya nun. “Bakit ba pumayag ka na ganito eh!”

“One of the three things… I won’t give you up..” nakuha pa niyang ngumiti sa akin.

Pero pagkatapos niyang sinabi yun…

Nag-collapse na lang siya pa-forward sa akin…

***40***

Kung paano ko nakuhang tumawag ng ambulansya sa phone ko at kumatok sa pinakamalapit na bahay na nakita ko
para humigi ng tulong eh hindi ko na alam. Ang pakiramdam ko nga nun eh susunod na lang ako bigla-bigla kay Jon
na magko-collapse. Hindi na ako makapagsalita at hirap na hirap na akong huminga. Tinanong pa nga ako ng ilang
personal information at yun din eh mystery sa akin kung paano ko nasagot.

Tinawagan ko sina Mommy kung anong nangyari. Nagulat sila sa sinabi ko. Pero dahil phone lang kami nag-usap eh
hindi ko na-explain lahat sa kanila.

Wala nang malay si Jon hanggang sa dinala na siya sa emergency roon. Hindi naman ako pinapasok dahil bawal
daw. Umupo na lang ako doon sa labas at nagbakasakaling maging ok din ang lahat.

May lumapit naman na nurse sa akin at binigyan niya ako ng tubig para maging kalmado ako. Sinabihan pa nga niya
ako na mag-stay daw ako sa lobby at doon ako magpahinga kaya lang hindi ako pumayag.

Yumuko na lang ako doon. Saglit lang din, dumating na sina Mommy. Tumayo lang ako at yumakap ng mahigpit sa
kanya.

“Mom, natatakot ako!” yun na lang yung nasabi ko at hinimas-himas niya yung buhok ko.

“Calm down Iyah, everything will be just fine.”

“I hope so! Kapag hindi, ako yung dapat sisihin. Kasalanan ko Mommy!”

“Walang dapat sisihin kundi yung mga gumawa nito. Wala kang kasalanan. May dala kaming damit mo at
tinawagan na namin si Vina at doon ka muna matulog sa kanila dahil bahay nila ang pinakamalapit dito.”

“Ayoko! Hindi ako aalis dito!”

“Magpapahinga ka na. Ihahatid ka ni Richard sa kanila. Tingin mo magugustuhan ni Jon na ikaw rin hindi maganda
yung lagay? Huwag nang matigas ang ulo.”
Kahit na ayokong umalis sa hospital nun eh hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Umalis na ako doon at hinatid ako sa
bahay nila Vina. Bago ko pa pinikit yung mata ko para magpahinga, nagdalasal muna ako at sana maging maayos
din lahat.

***

Narinig ko na yung alarm at sign na ng uwian. Kinuha ko kaagad yung bag ko at tumakbo ako doon sa locker ko.
Sumunod naman si Vina sa akin na hingal na hingal pa.

“Grabe ka Iyah! Pinagod mo akong tumakbo. Para kang kabayo!” yun yung sinabi niya nung nakahabol na siya sa
akin,”Bakit ba nagmamadali ka masyado?”

“Dadalawin ko si Jon sa hospital.”

Inirapan naman ako ni Vina pero alam kong pabiro lang yun.

“Hello girl!! Kaninang umaga lang nandun ka na sa hospital ah! Araw-araw ka nang pumupunta doon!” tama naman
siya.

Bago kasi ako pumasok sa school sa umaga, dumadaan ako sa hospital at sa hapon uli kapag uwian.

Unfortunately, tulog pa rin si Jon.

Pagdating namin sa room niya, wala nang nagbabantay sa kanya at malamang eh umuwi na sina Mommy para
magpahinga. Dumaan din si Michaela dito kahapon at nag-iwan lang din siya ng basket na panay fruits.

Naupo ako doon sa upuan sa gilid ng kama ni Jon at hinawakan ko yung isang kamay niya. Yung mukha niya eh
medyo nag-iba dahil na rin siguro sa sugat niya.

“Oh come on! Plano mong maupo dito hanggang gabi at panoorin matulog si Jon? That is so not a hit movie.”

Humarap naman ako kay Vinaat tinaas ko yung kilay ko.

“Vina you don’t understand. Kasama ko siya nung nabugbog siya at hindi mo lang alam kung gaano kahirap sa akin
yung situation na yun dahil wala akong nagawa.” naalala ko na naman yung gabing yun, “Kung tutuusin, kung hindi
naman dahil sa akin hindi naman siya nandito eh!” masyado na talaga akong seryoso, “At kung may nangyari
talagang masama sa kanya, hindi ko siguro kakayanin. Hindi ko man lang nasabi sa kanya yung mga bagay na gusto
kong sabihin.”

“Gaya ng?” nakangiti siya sa akin kaya nakakainis. May katuwa-tuwa ba at seryoso ako?

“Gaya ng… he’s one extraordinary guy!”

Hindi pa rin nawawala yung ngiti ni niya. Nakakaloko nga pero tinuloy ko par in yng pagiging seryoso ko.

“Why?”

“Why?!? Because… he’s unpredictable! May mga reasons siya sa mga simpleng bagay na akala ko yun lang. Hindi
mo maintindihan kung anong susunod na move niya, but, I found that unique because it creates mystery! Matigas
nga siguro yung ulo niya, pero sweet. Hindi man niya siguro ipapaita ng obvious but he got his own way! He’s
overprotective at times, but I just thought that he’s only doing that for me!” umiling naman ako. “Sana nga nasabi ko
yung mga bagay na yun sa kanya. Actually kulang pa nga yun eh. Ang dami kong gustong sabihin aya lang hindi
naman niya alam yung mga yun.”yumuko naman ako at tinignan ko yung sapatos ko. “I wish he knew I love him.”

Nagulat na lang ako nung may nagsalita sa likod ko. Napa-stiff na lang ako. Ngayon, alam ko na kung bakit
nakangiti si Vina sa akin. Yun ay dahil gising na si Jon at narinig niya lahatng sinabi ko.

Iniwan naman kami ni Vina at lumabas na siya. Pagtingin ko kay Jon, nakangiti siya.
“Go on, I’m listening.”

“You heard it already! Bakit ko naman uulitin?”

“Pwede mo namang sabihin sa akin yun ‘di ba? When you talked a while ago, you sound like I’m dying.”

Natawa naman ako sa kanya. Sinubukan niyang umupo ng maayos at tinulungan ko siya. Nahihirapan kasi siyang
umayos ng upo.

“How long I’ve been here?”

“Ika-third day mo ngayon.”

“I’ve been here for three long days? No wonder I feel terrible!” hinawakan niya yung ulo niya, “Ano daw talagang
nangyari sa akin?”

Napaisip naman ako.

“Well, except that you have bruises all over your body, a few stitches on you left arm, 100 rolls of bandages on you
abdomen, almost ended up in a coma because those guys almost damaged your spinal, popped a few minor veins,
and almost had a hemorrhage…” ngumiti ako, “You’re fine.”

Tinawanan naman niya ako. Akala mo naman wala siya sa complicated situation. Hinawakan niya yung tiyan niya
dahil nahihirapan siyang tumawa.

“Kailan ba ako pwedeng umalis dito?”

“After two weeks of rest.”

“Two weeks? No way!”

Medyo nakakarelate naman ako sa kanya. Kung ako rin naman, ayokong mag-stay dito no. Ang boring kaya.

Kakaisip niya rin siguro, may naalala siya.

“Wait, hindi ba ngayong week na ito yung School Princess Search?”

Tumango naman ako.

“Paano yun, kapartner mo ko.”

“Siguro pupunta na lang ako mag-isa.” nagtaka naman siya sa akin.

“The theme is Dance-a-long. You don’t plan to dance ballroom, cha-cha, boogie, or swing all by yourself don’t
you?”

“Sinabi ko bang sasayaw ako? Magsho-showup lang ako. Bukas na nga yun eh.”

Nakita ko yung expression ng mukha niya, mukhang nainis.

“I hate this stinky situation!”

Pero kahit ganun pa man at iniisip ko na wala akong partner bukas, ok lang. Ang mahalaga naman eh
makapagpahinga siya.

Alright! I’m too good!

***

“No kidding! You are so pretty!”


“Thanks!” yumakap naman ako kay Sheena.

“Look who’s the celebrity!” kinuhanan naman niya ako ng picture.

Nung dumaan ako sa hallway ng school, ang daming tumingin sa akin at yung iba eh kinuhanan pa ako ng picture
din gaya ni Vina. Alam ko naman na kung bakit sila nagtinginan. Hello? Isa kaya ako sa contestants. Isa pa, kilala na
rin nila ako.

“Bili kayo ng tickets ni Iyah!” sabi naman ni Sheena at pasaway pa talagang nangangampanya para sa akin.

“Kulang lang talaga yung partner mo.”

“He’s not coming. Alam mo naman yung itsura niya sa hospital ‘di ba?”

“Pero kung hindi ka sasayaw, baka hindi sila bumili ng votes para sa ‘yo. Remember, this is a dance-a-long, not a
gown-show-up-a-long!”

Tinignan ko naman siya ng masama.

“Wala naman talaga akong balak pumunta dito eh. I don’t care about winning. Kung hindi lang naman talaga
gumastos si Mommy sa gown na ito, ewan ko lang talaga kung nandito ako.”

Sinamahan nila ako doon sa Little Theater at umupo na ako kasama ng ibang contestants. Nakita ko rin si Michaela
at si Jackie, ang ganda  nila parehas. Binati rin ako ni Dylan, at siya rin eh binati ko at ang guwapo naman niya.

Nagkaroon ng opening prayer at ilang speech galing sa principal at yung guest. Yun pala yung Mayor eh.

After ng ilang intermission number, pinakilala kami isa-isa sa sa stage at tinanong. Nakita ko yung board, at number
1 pa rin ako sa votes.

Maya-maya lang din eh narinig ko na yung emcee na tinatawag kami sa Dance-a-long performance namin. Dahil
wala nga akong partner, hindi na ako tumuloy sa gitna.

“Scott! Anong ginagawa mo?”

“I don’t have a partner!”

“What?!? Nasaan si Aguillar? Sa gitna pa man din kayo!”

Dahil nga sa stage na yung upuan ng contestants at pati yung mga partners, halatang-halata na ako lang yung walang
partner at hindi umalis sa upuan ko.

Nagsimula nang tumugtog yung music at naghand placing na sila. Pinanood ko naman sila at hindi rin nagtagal eh,
tinignan ko na lang yung paa ko.

Maya-maya lang, nagsigawan naman yung audience. Dahil siguro yun sa moves ng sayaw.

Nasagot na lang yung tanong ko nung…

“May I dance with you?” ini-offer niya yung kamay niya.

Pagkatingin ko, nakatayo si Jon sa harapan ko. May dala siyang rose at binigay niya sa akin. Meron pa ba siyang
award winning entrance?

“I need your hand Miss.”

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at hinila na niya ako sa gitna. Tinignan ko yung mukha niya. May bandage pa rin
siya doon.

“Paano ka..”
“Sa katunayan, hindi pa talaga pwede. What can I say, I’m stubborn!” tapos iniwas niya yung tingin niya, “And
don’t stare at me like that. Alam ko ang sama ng itsura ko. Hindi nga sila pumayag alisin yung bandage ko sa mukha
pati sa abdomen, pero at least pumayag silang alisin yung sa leeg.”

“Thanks.”

“For coming?”

“No. For everything!”

Nag-smile siya uli.

“3rd and last sa three things na sinabi ko sa iyo… I won’t let you down. Papayag ba ako na mag-isa ka dito?”

Tinototoo niya talaga yung mga sinabi niya sa akin before.

Patuloy kami sa pagsayaw namin doon. Dahil nasa gitna kami, hindi na masyadong halata na iba na yung steps na
ginagawa namin.

“I owe your mom alot.”

“Bakit na naman?” may hindi pa ba ako nalalaman?

“Siya yung nagsabi sa akin na mag-transfer ako sa academic curriculum, to look after you.”

“Oh no. Your Dad asked me to look after you.”

Nagtinginan kaming dalawa, tapos tumawa.

“They set us up!”

“Yeah!” naki-ayon naman ako.

“I have to give them credit for that.”

Binatukan ko nga pero hindi malakas.

“So all this time, may family duties ka rin pala? Your protecting me because my mom told you so?” parehas pala
kami.

“No. Na-realized ko na rin dahil sa ‘yo. I’m protecting you because I wanted to, not because I have to.” tinaas niya
yung mukha ko, “My duty is to my heart.”

Oh My God! Someone help me! Masyado na yatang sasabog yung dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

I really had a wonderful night. At least so far, ito yung the best. Nung medyo late na at almost midnight.. ini-
announce na rin nila yung School Princess.

at sino???

“… Iyah Nicole Scott!”

Ok, this may sound typical to me, but hey! I won! Siguro nga nanalo ako dahil na rin sa popularity, pero masaya
ako.

Lumapit naman si Jon sa akin at nakangiti siya nung kinuha ko yung trophy.

“Siguro dapat mo na akong i-congratulate Iyah. Nanalo ako.”

“Hello? Ako kaya yung nanalo.”


“Makakalimutin ka nga siguro pero hindi mo na ba naalala yung game natin na kapag hindi ka nanalo sa search eh
ililibre kita ng food at ako yung gagawa ng homework mo?”

Saka ko naman naalala.

“Oh yeah! Dahil natalo mo ako sa game, ano naman yung kapalit?”

“Nah, huwag na lang. I’m too selfish to do that. Naisip ko kasi na kapalit eh sagutin mo ako.. pero ayokong gawin
mo yun dahil sa game.”

“You’re right. It’s really the Game of Love.” lumapit ako sa kanya pero tumingala ako dahil ang tangkad niya, “Pero
naglaro man siguro tayo o hindi, I’m still going to say this…. YES!”

Nagulat siya sa sinabi ko. Niyakap niya ako bigla pero hindi mahigpit dahil masasaktan siya.

But most of all the unexpected things that night…

He kissed me in front of everybody.

Hindi ko makakalimutan yung gabi n aiyon. Both of us won, whether it’s the Princess Search or the Game of Love.

Sinabi ko na nga kanina, I don’t care about winning or loosing at all. What matters most is that…

I got my prince…

Crisscross’ Last Waltz

Last waltz is only a phrase. Hindi literally na last waltz from last dance ang tinutukoy ko dito. Ang ibig sabihin ko
eh last part, but not ending at all.

“Mommy, gusto ko pa ng chocolate!” nagwala naman siya doon sa table hawak-hawak yung maliit na kutsara at
tinidor.

“Jonnicole, NO. Ang dami mo nang nakain! It’s bad for you!”

“Gusto ko pa!”

Ang kulit talaga ng batang ‘to.

May kumatok naman doon sa pintuan. Dumating na si Jon galing sa trabaho niya.

Tumakbo naman si Jonnicole at binuhat naman siya ni Jon.

“How’s your day anak?”

“Daddy! Ayaw akong bigyan ni Mommy ng chocolate!” nagsumbong pa, anak ng tokwa!

Tumingin naman si Jon sa akin.

“Tama na yun Jonnicole. Alam mo ba na may nangunguha ng bata na mahilig kumain ng chocolate?”

Mukhang natakot naman si Jonnicole.


Dinala naman siya ni Jon at sinamahan magbihis ng pantulog. Ako naman eh naupo doon sa sofa at nagpahinga.
Nakakapagod din pala na may pamilya ka… pero masaya.

Ok, I think I should stop right there. Alam ko na yung iniisip niyo. Para bang 14 years na yung nakalipas, Jon and I
got married, Jonnicole finally came true..

Well.. not really.

First of all, hindi naman talaga 14 years ang nakalipas. 14 months lang. Hindi pa kami kasal ni Jon at lalung-lalo na
hindi pa nag-eexist si Jonnicole. At least not now.

Last summer kasi eh nag-volunteer kami ni Jon na sumali sa Theater Club na nagpupunta sa iba’t ibang lugar para
mag-raise ng pera. Yung kikitain namin eh idino-donate namin sa mga orphanage.

Yung play eh mag-asawa kami ni Jon, at may anak kami. Pino-promote kasi namin ang kahalagahan ng pamilya.

Si Carla yung gumanap na anak namin. In real life, Mommy at Daddy talaga ang tawag niya sa amin ni Jon. Pero
may nakakita sa kanya na mag-asaawa at any time now, aalis na siya sa ampunan.

Ngayon, nakaupo ako dito sa field. Nagsusulat sa journal ko. Nagsimula akong magsulat nung nagpunta na ako ng
college. Hindi niyo man alam kung anong nangyari sa akin, pero sa tingin ko mawowork out nyo rin yun.

May tumabi naman sa akin sa damuhan.

“What are you doing?”

“Writing.”

Ngumti naman siya sa akin.

“Can I read it?”

“Hindi no, it’s private.” umayos naman siya ng upo. “Akala ko ba dapat nandun ka na sa gitna at nagsisisipa ng
bola?”

“It’s not a crime to sit with your girlfriend isn’t it?”

“No, but it’s a crime if you got kicked out the soccer team.”

Tumayo na siya nun at yumakap naman siya ng mahigpit sa akin.

“Anong ginagawa mo?”

“Ewan ko, niyayakap ka?”

Nag-kiss lang siya sa pisngi ko at tumakbo na siya sa gitna.

Ganun pa rin naman siya. Makulit kung minsan, matigas ang ulo kadalasan. Pero unlike nung high school kami na
madalas siyang napapaaway, hindi na ngayon. Pero syempre, nadala pa rin niya yung bad boy image niya.

First year college na nga kami. Marami nang nangayari sa amin at marami ring mangyayari pa. Pero sa ngayon,
tama sigurong i-enjoy ko muna yung mga masasayang nagyayari.

He may not be the perfect guy in the world, but I’m happy just the way he is.

Nagulat na lang ako nung may tumama na bola kay Jon kaya napatakbo ako dahil natumba siya.

“Anong nangyari? Dalhin niyo siya sa hospital!”

Dinilat ni Jon yung isang mata niya habang nakapikit naman yung isa at tumawa ba naman ng malakas sa akin.
“Nakita mo sana yung expression ng mukha mo!”

“Nakakainis ka!” pinalo ko nga ng malakas sa tiyan niya.

Sabi niya sa akin eh masakit daw yun.

Tumayo na ako at paalis na sa field nang marinig ko siyang nagpapalaam sa mga kasamahan niya at humabol naman
siya sa akin.

“Sorry na po!”

Dire-diretso pa rin ako nun sa paglakad. Hindi ko nga siya tinignan kaya hindi ko alam nung bigla na lang niya ako
tinoss sa shoulder niya at binuhat niya ako.

Sinuntok ko siya sa likod pero hindi malakas.

“Hoy ano ba.. baba mo na ko.”

Hindi naman niya ako sinagot. Narinig ko na lang na sinabi niya nung tinanong ko kung saan kami pupunta eh…

“We’re going on a date.”

This is a normal day for the both of us. Now can you tell our regular routine? Nah, probably not.

Pagkadating namin sa restaurant nun, may binigay siya sa aking papel na panay lines.

“Ano ‘to, math? Geometry?”

“Nope. It’s Crisscross.”

“Yeah, bakit?”

“In general kasi, lines lang yan. It’s nothing. But behind all those lines, may meaning pa. Tingin ko nga, crisscross is
a symbol.”

Tinignan ko naman yung gawa niya. I’ll keep it.

As much as I wanted to tell you more about us, tungkol kay Mommy at Richard, kay Michaela, Dylan, at sa lahat ng
naging friends ko.. wala nang enough time.

Pero ang gusto ko lang sabihin, they are all happy just like us. After all sabi nga ni Shakespeare…

All’s well that ends well.

You might also like