Tula Ni Zhy

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TUNAY NA PASKO

Naririnig ko ang mga kanta sa labas


Ito’y masarap pakinggan kahit kailanman
Heto nanaman ang panahon na inaabangan ng lahat
Ang pinakamasayang oras sa taon, ang Pasko.

Tuwing ang Pasko ay sumapit


Tila anghel ang lahat ng mga tao
Lahat ng away ay tinatanghay ng hangin
Epekto ito ng Espiritu
Ang ating puso, buksan natin sa iba
Tayo’y maging parang mabuting Samaritano
Tulung-tulungan ang lahat
para maging mapayapa ang Pasko!

Ang gabi ay isang umaga


dahil sa madaming ilaw nakasindi
Kapag nakita nation ito, natutunaw ang ating puso
Kasi alam natin parating na ang Pasko,

Subalit huwag nating kalimutan ang tunay na kahulugan ng Pasko,


ang pagsilangan ng ating Panginoong Diyos
Habang tayo ay kumakain na masagana kasama ang pamilya
Aalahanin natin ang ating Diyos, at magpasalamat sa Kanya
Maliban sa pagbibigay ng regalo,
Magdasal tayo sa Diyos at sabihin:
“O’ Diyos ko! Salamat sa lahat!”
PASKO
Pasko nanaman, O! Kay tulin ng araw
Yan ang naririnig sa gantong mga araw
Kung saan pag-ibig ang nangingibabaw
Yan dapat ng ating nag-iisang pananaw

Teka! Teka! Alam nga ba ang halaga


Ng salitang “paskong” sinasabi nila?
O ang mga regalo ba
Ang tunay na ipinagdiriwang na diwa?

Pasko ang araw na isinilang


Ang hari na Diyos ang may lalang
Ang pinagpala mula bata pa lamang
Ang Diyos na ipinako ng mga hunghang

Siya ang Diyos na mahabagin


Mapagmahal at maunawain
Pagmamahal Niya sa iyo ay walang hanggan
Kahit Siya’y ipahiya mo at talikuran

Pag-ibig ang iyong iregalo


Sa mga dati mong katoto
Matutong magpatawad ng totoo
Dahil pagpapatawad at pag-ibig ang tunay na diwa ng pasko
PASKO NA!
Malamig na simoy ng mabangong hangin
Na tanging sa pisngi ng langit nanggaling,
Ang inihahatid
Sa bukas na dibdib
Ng sangkalupaang dagi sa hilahil
At sala sa lalong tapat na dalangin. . .

Sa likod ng bundok ay namamanaag


Ang kaakit-akit na isang liwanag;
Ang ibinabadha
Ay malaking tuwa
Na di mag siyang malalasap
Ng lahat ng taong may mabuting hangad.

At ang ating puso ay muling hahagkan


Ng madlang ligayang di mapapantayan—
Ang diwa ng Pasko
Ang pista ng mundo—
Ang araw na siyang sa ati’y nagbigay
Ng buhay sa puspos ng madlang kariktan.
KAHULUGAN NG PASKO
Ang Pasko ay si Hesus
Isinilang anak ng Diyos
At siya ang tumubos
Sa kasalanang lubos.
Tatlong hari ay nag-alay
At malayo ang nilakbay
Upang makita ang Diyos na buhay
At kay Hesus sila ay nagpugay.
Ang Pasko ay pagmamahalan
Tinubos ni Hesus ang iyong kasalanan
Dapat mo siyang pasalamatan
Huwag mo siyang kakalimutan
Ang pasko ay pagbibigayan
Buhay ni Hesus Kanyang inilaan
Kapalit ng iyong kaligtasan
Tinatanggal ang iyong kasalanan.

Ang Pasko ay pagpapatawad


Hirap at sakit na kanyang dinanas
Sa mga taong malupit at pangahas
Hindi siya nagalit at humingi pa ng tawad.
Ang Pasko ay pag-ibig
Si Hesus laging nasa isip
Buong puso akong aawait
Pagkat siya ay aking iniibig.

You might also like