Ang Pasko Ay Sumapit

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Pasko ay Sumapit

Ang Pasko ay sumapit


Tayo ay mangagsi-awit
Ng magagandang himig
Dahil sa Diyos ay pag-ibig.
Nang si Kristo'y isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawa't isa ay nagsipaghandog
Ng tanging alay.
Bagong Taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganahan.
Tayo'y mangagsi-awit
Habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan!

Himig ng Pasko

Malamig ang simoy ng hangin


Kay saya ng bawa't damdamin
Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog ng langit
Himig ng Pasko'y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lubos ang kasayahan
Himig ng Pasko'y umiiral
Sa loob ng bawat tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin
Himig ng Pasko'y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lubos ang kasayahan
Himig ng Pasko'y umiiral
Sa loob ng bawat tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin

Pasko na Naman
Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko
Dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko
Tayo ay mag-awitan.
[Koro]
Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli.
Tanging araw na ating pinakamimithi.
Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli.
Ang pag-ibig naghahari!

Mano po Ninong, Mano po Ninang


Maligaya, maligayang Pasko kayo'y bigyan
Masagana, masaganang Bagong Tao'y kamtan
Ipagdiwang, ipagdiwang araw ng Maykapal
Upang manatili sa atin ang kapalaran
At mamuhay na lagi sa kapayapaan
Mano po Ninong, mano po Ninang
Narito kami ngayon
Humahalik sa inyong kamay
Salamat Ninong, salamat Ninang
Sa aginaldo pong inyong ibinibigay

Pagsapit ng Pasko

Ang buong mundo'y nagdiriwang


Dahil sa araw ng pagsilang
Sa isang hamak at munting sabsaban
ng Diyos, haring mahal
May handa ang bawat tahanan
Sa minamahal ay may alay
Diwa ng pasko sa atin ay ganyan
Dapat magbigayan
Dinggin ang kampana
Nagpapagunita
Sa pagsapit ng araw na dakila
ng Diyos na may likha
Dinggin ang kampana
Nagpapagunita
Ang pagsapit ng Pasko
ay biyaya ng Diyos na may likha

You might also like