Kabanata 1 - Wika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

St. Vincent de Ferrer College of Camarin Inc.

St. Vincent de Ferrer College Compound, San Vicente Ferrer St., Area D, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City

Kabanata I
Wika

A. Wika: Katuturan at Katangian

Upang mas higit na maunawaan ang nilalaman ng kursong ito, alamin natin ang ilang mga
pagpapakahulugan sa wika.

Ayon sa bibliya, ang wika ang pinakamagandang handog ng Diyos sa sangkatauhan sapagkat ito ang
pinakamagandang kasangkapan ng tao sa kanyang pakikisalamuha sa pang- araw-araw na pakikipag-ugnayan.

Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga isinatinig na mga makabuluhang tunog, pinili at
isinaayos sa pamamaraang paarbitaryo upang lubusang maunawaan at magamit ng mga taong nabibilang sa
isang lipunang may natatanging kultura.

Wika ang siyang tagapagpahayag ng mga ideya at sakali mang hindi mapangalagaan ang pagkakakilanlan
nito, tiyak na mawawalan ng saysay ang mga karunungang nakapaloob dito.

Binanggit ni Austeroetal (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/ binigyan ng mga makabuluhang simbolo
(letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.”

Dagdag naman nina Mangahisetal (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.

Ang wika ay instrumento ng komunikasyong panlipunan ayon kay Constantino (1996). Ito ay behikulo para
makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain at panlipunan.

Ayon kay Francisco 2006, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit
upang ito ay magamit niya sa paraang metodo, tiyak at makabuluhan.

Ang salitang wika ay mula sa wikang Malay. Sa wikang Kastila nanggaling ang isa pang katawagan sa wika:
ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language, tawag sa wika sa Ingles-
nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang “dila”, sapagkat
nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang wika- sa malawak
nitong kahulugan-ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala,
ngunit mas kadalasang mayroon.
Genesis11:1-9 nakasaad dito kung paano lumaganap ang wika pagkatapos ng delubyo o malaking baha mula
sa angkan ni Noah. Dahil sa kanilang mapag-imbot na hangarin dahil sa iisa ang kanilang wika sila ay
nagkakaunawaan. Nangamba ang Diyos na malampasan ang kanyang kapangyarihan kung kaya binigyan nya ng
iba’t ibang wika ang mga tao upang sila ay di agad magkaunawaan. Sila ay nagkawatak-watak at kumalat sa
daigdig.
1
Fil 101. Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Prof. Edlyn A. Nacional

St. Vincent de Ferrer College of Camarin Inc.
St. Vincent de Ferrer College Compound, San Vicente Ferrer St., Area D, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City

Mula sa mga katuturang nabanggit, mahahango natin ang mga pangunahin at unibersal na katangian ng wika
na tatalakayin sa mga sumusunod na talataan:

1. Ang wika ay masistemang balangkas- Bawat wika ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na
balangkas. May kanya-kanyang palatunugan, palabuuan ng mga salita at istraktura ng mga pangungusap
ang bawat wika.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog- Bawat wika ay may mga makahulugang tunog na kasangkapan sa
komunikasyon. Maraming tunog ang maaaring malikha ng tao subalit hindi lahat ay maituturing na wika
sapagkat hindi ito naisaayos upang maging makabuluhan.

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos- Pinipili ang wikang gagamitin upang maging makabuluhan at higit
na maunawaan ng kausap.

4. Ang wika ay arbitraryo –Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong
magsalita kung paanong ang naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng
wika ay panlipunan.

5. Ang wika ay ginagamit- Ang wikang hindi ginagamit ay unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay.
Ito ang dahilan kung bakit daynimiko ang wika. Habang ito’y ginagamit, patuloy itong
nagbabago:patuloy na dumarami, nadaragdagan, at umuunlad sa patuloy na pagbabago ng panahon.

6. Ang wika ay nakabatay sa kultura-Nagkakaiba-iba ang wika dahil sa pagkakaiba ng kultura. Natatangi at
malikhain ang bawat wika sapagkat nakabuhol ito sa natatanging kultura kung saan ito ginagamit.

7. Walang Superyor na wika sa ibang wika-Bawat wika ay superyor sa mga taong gumagamit nito sapagkat
sa wikang ito sila nagkakaintindihan. Hanggat ang wika ay nagagamit ng isang pangkat ng tao upang
maipahayag ang kanilang sariling kultura at nagkakaunawaan sila, ang wikang ito ay superyor sa kanila.
Walang mas mataas na wika sa ibang wika at wala ding mas mababang wika sa iba.

B. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika

Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit may mga
hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipag-aral ng paksang ito. Nahahati sa dalawa ang mga hinuha
at haka-haka hinggil sa pinagmulan ng wika. Una ay ang batay sa Bibliya at ang ikalawa ay ang batay sa
Agham.

A. Biblikal
2
Fil 101. Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Prof. Edlyn A. Nacional

St. Vincent de Ferrer College of Camarin Inc.
St. Vincent de Ferrer College Compound, San Vicente Ferrer St., Area D, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City

 Kwento ng Tore ng Babel-(Tower of Confusion). Mababasa ang kwento sa aklat ng Gen. 11:1-9. Ito
ay tungkol sa kamangha-manghang pagtatayo ng mga tao ng toreng napakataas na abot hanggang
langit. Nagawa ng mga tao ito dahil sila ay nagkakaisa. Di umano di nagustuhan ng Diyos ang
ginawa nilang ito kung kaya pinag-iba-iba niya ang kanilang wika.

 Ang mga Apostol. Sa bagong Tipan, mababasa naman sa mga Gawa ng mga Apostol na ang wika ay
nagsisilbing biyaya upang maipalaganap nila ang salita ng Diyos, Sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng Espiritu Santo nakapagsalita ang mga apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman
upang maituro ang ebanghelyo sa iba’t ibang tao.

B. Teorya batay sa agham panlipunan

 Bow-wow- Sinasabi ng teoryang ito na ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig nila
sa kalikasan. (Langitngit ng puno ng kawayan, hampas ng alon sa malaking bato, Ungol ng salita ng
mga hayop.
 Ding-dong- Bawat bagay sa daigdig ay may kaugnay na tunog. Panggagaya pa rin sa tunog ang
batayan ng teoryang ito. Naniniwala ang teoryang ito na ang wika ay mula sa panggagaya ng mga
tunog ng bagay sa paligid na naging batayan din ng panawag sa mga ito. Marahil ito ang
nagpapaliwanag sa mga salitang tulad ng ding-dong ng kampana, “bang- bang” ng baril at “boom”
ng granada. (ex. Simbolo- puso(pag-ibig) at mga simbolong pantrapiko at babala.
 Yum-yum- Sa teoryang ito pinaniniwalaang naunang sumenyas ang tao kaysa magsalita. Subalit
dumating ang panahong kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin. Isang
halimbawa dito ang pagtango kasabay ng pagsasabi ng oo at pag-iling kasabay ng pagsasabi ng
hindi.

 Ta-ta – Kumpas pa rin ang batayan ng teorya ito. Ang ta-ta ay nangangahulugang paalam sa mga
Pranses. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang pagtaas at pagbaba ng kamay ay nangangahulugang
nagpapaalam. Subalit sa panahon ngayon, hindi na lamang sa ganitong kilos ng kamay naipapakita
ang pagpapaalam kundi maaari ding iwagayway upang magpaalam.

 Pooh-pooh –Pinatutunayan ng teoryang ito na kailangang ibulalas ng tao ang kanyang damdamin.
Ang tao ay lumikha ng wika upang maipahayag ang iba’t ibang damdamin ng tao tulad ng pag-ibig,
awa, tuwa, galit, lungkot at iba pa. ex. Takot-o-o-o-h, naku!
 Yo-he-ho- Sa teoryang ito, ang wika ay nalikha bunga ng pwersang pisikal sa kanyang ginagawa.
Isang halimbawa nito ang salitang nabibigkas ng isang inang nanganganak kapag umiire. Kasama na
rin ang mga salitang nabibigkas ng isang karatista at isang boksingero.
Halimbawa ng Yo-He-Ho:
Pagbuhat ng mabigat – o-o-p-s, ug-ug
Pagsuntok –hu-hu-hu, bug-bug
Pagkarate –ya-ya-ya
Pag-ire –hu-hu-e-e-e

3
Fil 101. Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Prof. Edlyn A. Nacional

St. Vincent de Ferrer College of Camarin Inc.
St. Vincent de Ferrer College Compound, San Vicente Ferrer St., Area D, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City

 Musika- Ipinalagay ng dalubwikang Danish na si Otto Jerpensen na ang sinaunang wika ay may
melodiya at tono. May kakulangan umano sa detalye ang wikang ito at walang kakayahang gamitin
sa pakikipagtalastasan.

 Pakikisalamuha- Sapagkat ang tao ay likas na sosyal, ang teoryang ito ay naniniwalang ang tao ay
lumikha ng kanyang wika upang magamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.

 Navya-Nyaya-Ang teoryang ito ay mula sa India. Pinaniniwalaan nito na ang lahat ng nasusulat na
komunikasyon ay mula sa tunog na nalikha ng tao. Samakatuwid nag-ugat ang pasulat na
komunikasyon sa pasalitang komunikasyon.

 Tarara-boom-de-ay-Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang tao ay natututong bumuo ng mga salita

mula sa mga ritwal at seremonya sa kanilang ginagawa.

Hal. Ta-ra-ra-boom-de-ay

- Paglututo at paglilinis ng bahay---tarara-ra- ray-ray

- Pakikidigma at pag-aani- da-da-da, bum-bum

C. Mga Tungkulin ng Wika

 Gamit ng Wika ayon kay M.A.K. Halliday (1973)

1. Pang-interaksyunal- Ang tao ay likas na sosyal. Nakikipag- ugnayan siya sa kapwa upang mapanatili ang
kanyang relasyong sosyal.

2. Pang-instrumental- Nakikipag-usap tayo sa ating kapwa upang matamo ang ating mga pangangailangan.
Naisasagawa natin ito sa pamamagitan ng pakikiusap pag-utos sa ating kapwa.

3. Pangregulaturi –Ginagamit ang wika upang magbigay ng direksyon, paalala o babala. Maaaring
mapakilos ng tao ang kanyang kapwa sa mabisang paggamit ng wika.

4. Pampersonal- Bilang isang indibidwal, naipapakita ng tao ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng
pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon at konsepto sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid.

5. Pang-imahinasyon-Wikaanginstrumentosapaglalarawano paggamit ng imahinasyon sa malikhaing paraan

upang maipahayag ang sarili. Ginagamit din ito sa paglikha ng mga malikhaing akda katulad ng tula at
maikling kwento.

6. Pang-impormasyon- Sa pamamagitan ng wika, nakakakuha at nakapagbibigay ng impormasyon sa lahat.

Dahil sa teknolohiya, madali na lamang makakalap at makapagkalat nh impormasyon sa internet sa ngayon.
Ginagamit ang wika upang makapagturo ng mga kaalaman sa iba’t ibang larangan o disiplina.

4
Fil 101. Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Prof. Edlyn A. Nacional

St. Vincent de Ferrer College of Camarin Inc.
St. Vincent de Ferrer College Compound, San Vicente Ferrer St., Area D, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City

7. Heuristik- Instrumento ang wika upang matutong makamit ang mga kaalamang akademiko at matamo ang
anumang propesyon. Nalilinang dito ang kasanayang magsuri, mag-eksperimento, magbigay-kahulugan
mamuna at iba pang kasanayan sa pag-iisip pang-akademiko.

D. Antas ng Wika
Kaantasan ng mga Salita/Wika.
May mga kaantasan ang mga salita, kaantasang isinasaalang-alang upang ang mga salitang gagamitin ay aayon o
babagay sa kanyag katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at sa okasyong dinadaluhan.

Dalawang Kaantasan ng Salita

A. PORMAL-Ito ay mga salitang kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng karamihang nakapag-aral sa wika. Ang
mga dalubwika ang nagpapasya kung ang salita ay dapat gamitin. Kung marapat, ito’y ginagamit sa mga
paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelektwal sa gayo’y tumataas ang uri kapag malaganap nang
ginagaya.
1. Pambansa- ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing may sirkulasyon na umaabot sa buong kapuluan
at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga nagsisipag-aral.
2. Pampanitikan- salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay at sadyang mataas ang uri. Ito ang mga
salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.

B. DI-PORMAL O IMPORMAL-ang mga salitang imformal ay mga salitang karaniwan at palasak na

ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag- usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan.
1. Balbal- ito ang mga nauusong salitang malimit gamitin ng mga kabataan, mga salitang ginagamit sa lansangan
ngunit hindi magandang pakinggan.
Hal. Kumusta na ang erpat mo? Nakagoli ka na ba? Dehins pa.
2. Kolokyal-mga salitang ginagamit sa pormal o imformal na pagsasalita. Mataas nang kaunti ang antas sa
balbal.
Hal. Ang utol mo pala ay kambal?
Atsay namin ang aming naging tagapagluto.
3. Lalawiganin- ginagamit sa isang partikular na pook o lalawigan at ang mga tagaroon lamang ang nakaiintindi.
Hal. Davao:
Iyan kasi ang gisabi niya. (sinabi) Quezon:
Abiarin ko muna siya. ( asikasuhin)

PAGSASANAY BILANG 1
Pangalan: ________________________________________ Seksyon: ______________
Petsa: ____________________________________________ Marka: _______________

A. Basahin ang kasunod na artikulo at gawin ang mga kasunod na gawain.

5
Fil 101. Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Prof. Edlyn A. Nacional

St. Vincent de Ferrer College of Camarin Inc.
St. Vincent de Ferrer College Compound, San Vicente Ferrer St., Area D, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City

PINOY LESSONS IN LINGUISTICS

Halaw sa Isang E-mail na Natanggap ni RAB

Noong 1940's, kapag may bra ang babae, pinagbubulungan na at mababansagang malandi. Noon
din ay may French perfume na ang tatak ay Eclat (silent T). Kaya ang taong maarte ay tinawag ng mga
Pinoy na Eclat (pronounce the T). Ngayon kapag maraming tsetseburetse at kaartehan ganon din ang
tawag, "Ang dami mo namang eklat." Kinalaunan, pinaikli pa ang eklat at naging ek-ek- "Ang tagal mo
namang magdesisyon kung sasama ka o hindi! Ang dami mong ek-ek!"

Noong elementary ako, uso pa ang Wakasan. Sinusubaybayan ko ang nobelang Tubig at Langis;
ang Movie Especial na komiks kung saan kapanapanabik ang bawat eksena sa buhay ni Zuma na siya
namang ama ni Galema. Sa komiks ang tawag sa babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw ay
baylerina. Kinalaunan, naging belyas, tapos naging English, hospitality girls tapos ngayon GRO na!

Nasa elementarya rin ako nang makagisnan ko ang batiang "Give Me Five". Masyado yatang
pormal ang handshake kaya "Give me Five, Man" ang pumalit. Tuwang-tuwa ang mga magulang kapag
natutunan ng kanilang anak na paslit ang mag-give me five. Tapos sa mga American games, naging
High Five o "Give me five, up here!" Hindi pahuhuli ang Pinoy basta galing sa America. Ang "Give me
five, up here" ay naging "Appear". Halos lahat yata ng Pinoy babies ganito ang series of training, "Anak,
where is the light; where is the moon?" Ang nadagdag, "Appear! Appear!" At dahil sa E.T. ni Speilberg,
"Align, Align!" Again, Tuwang-tuwa ang mga magulang.

Kakambal na ng Pinoy ang pagkanta. Noon, kapag nagkakantahan, gamit ay gitara at song hits
(Jingle). Napalitan ito nang 70's-80's ng minus one. Tapos, karaoke. Ngayon, videoke, at sa huling talaan
ng pagkakaalam ko, 8 na ang namamatay sa "My Way".

Naalala ko noong bata pa ako, nagtayo ang kuya ko at ng kanyang mga kaibigan ng isang
Combo. Ngayon, ang tawag sa singing group ay--Band, hindi na Combo at ang Combo ngayon ay
tumutukoy sa Jollibee o McDonald's promo.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Anong kongklusyon ang iyong nabuo sa binasang artikulo? Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________________________________________________________________

6
Fil 101. Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Prof. Edlyn A. Nacional

St. Vincent de Ferrer College of Camarin Inc.
St. Vincent de Ferrer College Compound, San Vicente Ferrer St., Area D, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City

2. Anu-anong mga salita ang iyong maidaragdag sa tinukoy ng may-akda sa kanyang e-mail? Itala ang
iyong sagot sa ilalim ng kategoryang Noon at Ngayon.

3.
NOON NGAYO S
a

. N

iyong palagay, bakit nagaganap ang mga ganitong pagbabago sa ating wika? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

7
Fil 101. Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Prof. Edlyn A. Nacional

St. Vincent de Ferrer College of Camarin Inc.
St. Vincent de Ferrer College Compound, San Vicente Ferrer St., Area D, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City

B. Batay sa mga katangian ng wika na inilahad, pumili ng isa sa mga ito at ipaliwanag ayon sa iyong
pagkakaunawa.

C. Alin sa mga teorya ng pinagmulan ng wika ang higit mong pinaniniwalaan? Bakit?

D. Bumuo ng diyalogo o usapan na nagsasaad ng mga antas ng wika. Salungguhitan at tukuyin kung ito ay
pormal o di-ormal.

8
Fil 101. Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Prof. Edlyn A. Nacional

St. Vincent de Ferrer College of Camarin Inc.
St. Vincent de Ferrer College Compound, San Vicente Ferrer St., Area D, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City

Sanggunian:

Bernales, Rolando A. et al. (2011). Akademikong Filipino tungo sa Epektibong Komunikasyon. Mutya
Publishing House Inc.

https://www.slideshare.net/shirleyveniegas5/sining-ng-pakikipagtalastasan-fil-101

https://www.coursehero.com/file/45908838/plpl001qwpptx/

http://guniguni.blogspot.com/

9
Fil 101. Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Prof. Edlyn A. Nacional

You might also like