Panggitnang Pagsusulit Pormat Humss
Panggitnang Pagsusulit Pormat Humss
Panggitnang Pagsusulit Pormat Humss
PANGGITNANG PAGSUSULIT
Isang Pagsusuring
Papel na Iniharap sa
Departamento ng Filipino
Ipinasa nina:
11 – HUMMS A2
Enero 2020
“Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging
tagapagsalita at sila naman ang kanyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kanyang
kwento tungkol sa isandaang damit.”
PAGSUSURI SA PAMAGAT
TUNGKOL SA AWTOR
BUOD NG KUWENTO
May isang batang babae na laging tinutukso ng kanyang mga kaklase dahil sa
kanyang kahirapan. Ngunit natuto siyang lumaban at i-kinwento niya sa kanila ang
kanyang isandaang damit at sila ay kanyang naging kaibigan. Ngunit isang araw lumiban
sa klase ang batang babae at lahat sila ay nag-alala. Pinuntahan nila ito sa kanyang
tahanan at kanilang nalaman na ang isangdaang damit ay pawang iginuhit lamang pala.
KAHALAGAHAN NG AKDA SA
Sarili ̶ Bilang isang mahiyain din na gaya ng batang babae, natutunan ko na lumaban sa
panahong inaabuso na nila ang iyong katahimikan at kabaitan.
̶ Sa akda ko natutunan na wag mang maliit ng tao dahil hindi naman natin alam
kung ano ang mga pagsubok na kinakaharap nito sa buhay.
Pamilya ̶ Ang panunukso sa loob ng klase ay isa sa mga bagay na itinatago ng mga anak
sa kanilang mga magulang. Maaaring sabihin nila na ang pagiging matamlay ay
dahil lamang sa pagod ngunit mas malala pa pala ang rason nito, ang akdang tulad
ng sandaang damit na pumapatungkol sa ganitong isyu ay maaaring magbukas ng
mata sa mga magulang na mas pakinggan at gabayan ang kanilang mga anak sa
oras na kumaharap sila sa ganitong pagsubok.
“Tapos magtataka pa kung kanino kami nagmana sa mundo. E sino naman kaya
sa kanila ang pwedeng gawing idolo?
“Ang hindi nila maging kamukha ay agad nilang pinapansin. Ang taong
naniniwala sa sarili ang gusto nilang lapastanganin. Sino nga ba naman si Jojo sa kanila
na “isang kung sino lang.” […] Para silang hindi naging bata. Para bang nang ipanganak
sila’y alam na nila ang lahat ng bagay. Baka akala nila’y biru-biro ang maging
estudyante. ‘Yun kayang conduct nila sa klase noong araw ay panay uno? Kung talagang
hindi sila nagkakamali, dapat itong ireport agad sa Santo Papa sa Roma. Nasa Pilipinas
lamang pala ang mga living saints.”
“Kailangang magsalita na ako baka ako mabaliw. Ayaw kong maging robot, ayaw
kong maging bato. Hindi baleng drop-out, basta tao lang ako.”
PAGSUSURI SA PAMAGAT
Ang akda ay tumutukoy sa mga gurong sobrang taas ng tingin sa sarili, na akala
mo’y hindi nagkakamali at perpekto palagi. Kung kaya’t minamaliit ang mga estudyante
dahil sila lang daw ang tama at mabuti. Bawal kang humindi, bawal kang umalma, bawal
mo silang itama para bang ika’y isang alipin na ang kayang gawin lamang ay sumunod sa
Utos ng Hari.
TUNGKOL SA AWTOR
BUOD NG KUWENTO
KAHALAGAHAN NG AKDA SA
Sarili ̶ Bilang estudyante, ramdam at tumatagos sa akin ang bawat reklamo ni Jojo sa
kanyang mga guro man, sa mundong kanyang ginagalawan o sa edukasyon na pintuan ng
iyong kinabukasan. Minsan, dahil nga sa ikaw ay estudyante pa lamang ay ang baba nang
tingin sa iyo ng mga tao sa lipunan. Na palibhasa ika’y nag-aaral pa lamang ay wala pang
binatbat ang iyong kaalaman. Ngunit ang hindi nila alam, kabataan ang nakakapansin ng
mga suliranin sa ating bayan at may nakahanda ng solusyon kung may magtatanong man.
Ang kaso lamang ay hindi pa raw sila maaaring makialam dahil ang isyu ay malulutas
lamang ng mga matatanda na mas may kaalaman daw at karanasan sa buhay. Kaya wala
kaming magawa kundi tumabi na lamang at mareklamo sa aming mga isipan.
Bansa ̶ Ang Pilipinas ay bansang konserbatibo daw, totoo kaya? Sa isang bahagi ng
akda ay ipinamalas kung gaano mapanghusga ang mga mamamayan, na tipong
nagkasama lamang at naghawak kamay sa simbahan ay umano’y may ginawa ng masama
at hindi ka-aya-aya. Na kung titignan lamang natin ng simple at literal ay normal lamang
at nangyayari sa mga taong nagmamahalan. Kung patuloy tayong magiging mapanghusga
sa simpleng kilos lamang ng isa, sa pananamit, pananalita at itsura, anong bansa ang ating
ginagalawan na imbis na mag-unawaan ay siya pang nangunguna sa pagpupuna ng mga
kamalian na base lamang sa kaibahan sa pamantayan ng lipunan? Pilipinas, gising, ang
bawat kwento ay may dalawang mukha, hindi dahil nakita, nabasa o narinig mo ang isa
ay alam mo na at naunawaan tuwiran ang kabuuan. At kelan man ang kwento ng bawat
isa ay hindi dapat maging instrumento ng pagkakalat ng panlalait at poot, matuto tayong
umintindi at rumespeto nang sa gayon tayo rin ay mabigyan nito.
[…]
“at kahi’t na nila kitlin ang buhay ko’t biyakin ang bungo,
PAGSUSURI SA PAMAGAT
TUNGKOL SA AWTOR
NILALAMAN NG TULA
Inilarawan sa tula ang karanasan ng isang bilanggo, kung gaano ito kahirap,
kasuklam-suklam at kontrolado ng mga may kapangyarihan. Sila ay mga rebelde na gusto
lamang ipagtanggol at makamtan ang kalayaan sa sariling bayan. Sila ang mga bukas ang
mata sa katiwalaan na mayroong ang kanilang pamahalaan na hawak ng mga dayuhan.
Nakita nila at narinig kung paano walang habas na sinira at niyurakan ang kanilang
tahanan at mahal na mamamayan. Ito’y tama ngunit itinuring na mali at nagwakas sa loob
ng piitan. Ngunit bilanggo man, duguan, o kitilin ang buhay, hindi titigil at buong pusong
ipaglalaban ang Pilipinas.
KAHALAGAHAN NG AKDA SA
Sarili ̶ Bilang isang kabataan na hindi naabutan ang mga pangyayari sa mga panahon na
sinakop tayo ng mga dayuhan, ito ay nagbigay linaw sa bawat detalye ng mga pangyayari
sa nakaraan, kung pano tayo pinahirapan ay ganoon din mas nabubuhay sa atin ang
kagustuhan na ipaglaban ang ating kalayaan.
Pamilya ̶ Ang paghihimagsik ay mas nagkaroon ng motibasyon dahil hindi lamang mga
katipunero ang naaapektuhan kundi pati ang kanilang pamilya at mahal sa buhay. Ito ay
nagpapakita ng kung ano ang tunay na sundalo (katipunero), na hindi lamang sa galit sa
kanyang nasa harapan kaya gusto nitong manalo ngunit dahil sa handa itong ibuwis ang
kanyang buhay maprotektahan lamang ang mga mahal niyang nasa likod nito.
Lipunan ̶ Ang lipunan ang siya mismong ginagalawan ng mga tao sa mundo. At sa
panahon na ito ay inagaw ay tiyak na delubyo ang dala nito. Tayo ay may karapatan sa
ating kanya-kanya nating lipunan, simula pa lamang ng tayo ay ipanganak. Kaya normal
lamang sa atin na sumiklab ang emosyong ipagtanggol kanino man.
Bansa ̶ Sa bawat titik at tugma na nakasulat sa tula ay mas pinag-aalab nito ang
pagmamahal sa bayan sa puso ng bawat Pilipino, ang nasyonalismo at hangarin na
patuloy na ipaglaban ang kalayaan sa mga gustong umagaw nito, dahil hindi biro ang
ginawa ng ating mga bayani upang matasa natin ang ganitong pribilihiyo ng kalayaan sa
kasalukuyan.