Filipino 9 Modyul

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

3

Filipino 9
Unang Markahan – Modyul 5:
Aralin5 – Pagsusuri ng maikling kwento
batay sa paksa, mga tauhan, pagkasunud-
sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat
ng awtor at iba
Filipino 9 – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Pagsusuri ng maikling kwento batay sa paksa, mga
tauhan, pagkasunud-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyulna ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat:Alma R. Santiago, MAED-Filipino
Editor: Riela Angela C. Josol – EPS I - Filipino
Tagasuri: Dr. Nelson S. Lasagas- EPS –II, AP
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres
Eugenio B. Penales, Ed. D.
Sonia D. Gonzales
SDS Virgilio P. Batan, Jr.
ASDS Jay S. Montealto, CESO VI
Dr. Amelinda D. Montero - CID Chief
Dr. Nur N. Hussien – SGOD Chief
Dr. Ronillo S. Yarag – Division EPS In Charge of LRMS
Dr. Edgardo S. Cabalida - Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon IX

Kinatatahanan ng Tanggapan:____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
9

Filipino 9
Unang Markahan – Modyul 5:
Pagsusuri ng maikling kwento batay sa
paksa, mga tauhan, pagkasunud-sunod ng
mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor
at iba
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul 5 para sa Pagsusuri ng maikling kwento batay sa paksa, mga
tauhan, pagkasunud-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edyukeytors mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ang gurong tagapagdaloy nang sa gayon ay matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng pamahalaan na makamit
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul - 5 ukol sa Pagsusuri ng maikling kwento batay sa paksa, mga tauhan,
pagkasunud-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba Ang modyul
na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at aykon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Gamit ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: - Paksa - Mga tauhan -
Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari - estilo sa pagsulat ng awtor - iba
pa ( F9PS-la-b-41 MELC)

Subukin

Panuto: Suriing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang


titik na sagot. Gawin ito sa sagutang papel o kuwaderno. Kung ang
gumanap ng maikling kwento ang syang nakasentro sa usapan,ano sa
tingin niyo ang ipinakilala rito?
a. estilo b. tauhan c. awtor d. paksa
1. Mahilig magsulat ng mga kwento si Marissa. Lagi niyang itinatala
ang mga mahahalagang mga pangyayari na kanyang nararanasan.
Isang araw naisipan ni Marissa na magsulat tungkol sa kanyang
mga nasaksihan at mga nararanasan ngayong panahon ng
pandemya ng covid 19. Anong bahagi ng maikling-kwento ang
pangalan ni Marissa?
a. tagpuan b. tauhan c. awtor d. pamagat
2. Kung sa pagbabasa natin ng maikling-kwento ay nasa bahagi na
tayo na kung saan ay nakaranas na ng matinding suliranin ang
tauhan, anong bahagi ng maikling kwento ito?
a. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ang tauhan
b. Pagpapahiwatig ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
c. Pagpapahiwatig ng istilo ng awtor
d. Pagpapahiwatig ng damadamin ng mga tauhan.

3. Bahagi ito ng maikling-kwento na kung saan binigyang niya ng


diin ang lugar ng pinangyarihan ng bawat tagpo ng mga
pangyayari. Ito ay:
a. Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa
b. Paglalarawan ng tagpuan
c. Pagpapakilala sa tauhan
d. Pagpapahiwatig ng suliranin
4. Ang kwentong “ Ang Kwento ni Mabuti” ay nag-iwan ng marka
sa bawat puso at isipan ng mga mambabasa tungkol sa pagiging
imperpekto ng tao, pagiging mahina sa pag-iwas ng kasalanan na
maaring pagsisisihan nito magpakailanman. Suriin kung anong
bahagi ito ng maikling-kwento.
a. Pagpapakilala sa tauhan
b. Paglalarawan ng tagpuan
c. Pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa
d. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng tauhan
5. Ang kwentong “ Kwento ni Mabuti” ay umiikot sa silid-aralan ng
paaralan.Suriin ang sinalungguhitang salita, ano ang binigyang-
diin nito?
a. Binigyang-diin dito ang suliraning kinakaharap ng tauhan
b. Binigyang-diin dito ang pook o lugar na pinangyarihan ng
kwento
c. Binigyang-diin dito ang tauhan
d. Binigyang-diin dito ang nakakapanabik na eksena ng kwento.
6. Ang pagkakaroon ng anak ni Mabuti kahit wala siyang asawa ay
sumusuri sa:
a. pook o lugar na pinangyarihan ng kwento
b. suliraning kinakaharap ng tauhan
c. paksa
d.tauhan
7. Kung ang mga nagsiaganap sa kwento ang itinuon ng awtor, sumusuri
ito sa:
a. lugar
b. tauhan
c. awtor
d.pangyayari

8. Ang Kwento ni Mabuti ay nag-iwan ng marka sa mga mag-aaral


tungkol sa pagkakaroon ng nakaraan ng isang guro, ng kanyang pagiging
imperpekto at kahinaan. Ito ay:
a. pagsusuri batay sa paksa
b. pagsusuri batay sa tauhan
c. pagsusuri batay sa pangyayari
d. pagsusuri sa estilo ng awtor
9. Si Dr. Jose Rizal ay isang kwentista na laging itinutuon ang daloy ng
mga pangyayari tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng bayan.Ito ay:
a. Kwento na nagbibigay-diin sa tauhan
b. Kwento na nagbibigay-diin sa paksa
c. Kwento na nagbibigay-diin sa pagkasunud-sunod ng mga
pangyayari
d. kwento na nagbibigay-diin sa estilo ng awtor.
10. Binigyang-diin dito ang akmang daloy sa bawat pangyayari o
nagaganap sa kwento.
a. estilo ng pagsulat ng awtor
b. pagkasunud-sunod ng mga pangyayari
c.pagbibigay-diin sa tauhan
d. pagbibigay-diin sa paksa
11. Kung susuriin mo ang tema na nakasentro sa kwentong iyong binasa
ito ay:
a. pagkasunud-sunod ng mga pangyayari
b.pagsusuri batay sa paksa
c.pagsusuri sa mga tauhan
d. pagsusuri sa estilo ng awtor.
12.Kung ang paraan ng pagsulat ng awtor ang binigyang-diin, ito ay:
a.pagsusuri sa pagsulat ng awtor
b. pagsusuri sa pagkasunud-sunod ng mga pangyayari
c. pagsusuri sa mga tauhan
d. pagsusuri sa paksa
13. Bahagi ito ng maikling-kwento na kung saan ay binigyan niya ng
diin ang mga detalye ng daloy ng kwento.
a.pagsusuri sa pagsulat ng paksa
b. pagsusuri sa pagkasunud-sunod ng mga pangyayari
c. pagsusuri sa mga tauhan
d. pagsusuri sa awtor

14. Bahagi ito ng maikling-kwento na kung saan ay binigyan niya ng


diin ang mga gumanap sa kwento.. Ito ay:
a. Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa
b.Paglalarawan ng tagpuan
c.Pagpapakilala sa tauhan
d.Pagpapahiwatig ng suliranin

15.Bahagi ito ng maikling-kwento na kung saan ay binigyan niya ng


ang istilo ng pagkasulat nito. Ito ay:
a. Estilo sa pagsulat ng awtor
b. Paglalarawan ng tagpuan
c. Pagpapakilala sa tauhan
d. Pagpapahiwatig ng suliranin

Pagsusuri ng maikling kwento batay sa


Aralin paksa, mga tauhan, pagkasunud-sunod ng

5 mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng


awtor at iba

Balikan

Sa nakaraang modyul, natutunan mo paghahambing ng ilang piling


pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang
Asyano sa kasalukuyan .

Gawain A. Muling Balikan ang nakaraan! Gamit ng Venn Diagram, isulat


ang mga bahagi ng maikling-kwento, element ng maikling- kwento at mga
pamagat ng halimbawa ng maikling-kwento.Gawin ito sa sagutang papel o
kuwaderno.

Venn Diagram
Pagkakakilanlan ng maikling-kwento

Elemento ng
Mga bahagi ng banghay ng maikling-kwento
maikling kwento

( Mula kay EPS Monina D. Antiquina )

Mga Tala para sa Guro


Dito ang guro ay magbibigay ng pagpapaunawa sa gagawing pag-
aaral sa modyul na ito. Lagi niyang paaalalahanan ang mag-aaral sa
mga dapat gawin at sinisiguro na naiintindihan ng mag-aaral ang mga
aralin at Gawain sa modyul na ito. Dito ay iwawasto ng guro ang mga
tapos nang Gawain ng mag-aaral. Laging tatanungin ang mag-aaral sa
kanyang ginagawa at gagabayan niya ito sa mga hindi niya
naiintindihan.
Tuklasin
Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang mga Pagsusuri ng maikling kwento
batay sa paksa, mga tauhan, pagkasunud-sunod ng mga pangyayari, estilo sa
pagsulat ng awtor at iba.
Gawain B: Kilalanin Ko Nga!
Kwento ni Mabuti
Genoveva Edroza- Matute
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga
lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang,
doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa
siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa
kanya ko lamang natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan n buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa


isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang
anumang maganda sa kanyang anyo…at sa kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang
ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga
panunugutan sa paaralan, walang masasabinganumangpangkaraniwansakanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon
ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi
niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang
paraang malirip, iyon ay naging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti
nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”

Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya
akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring
suliranin.

Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga


nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik
na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha.
Doon niya ako natagpuan.

“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig.
“Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”

Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan
ay ibinilang kong kahihiyan ay kaabaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap,
pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya
pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.

“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang


kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa
kanyang abi.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa pagtatapat
sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon,
sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang
paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong pagkaunawa,
at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay


natatanaw na nang bigla akong makaalala.

“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na
iniiyakan ko?”

Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na …
iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana’y
masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging
higit na mabuti sana sa iyo ang…buhay.”

Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita
niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihiyain niyang
mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong
muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,..
“Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumaaginting sa silid naming
ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan n pagtungo niya
sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa
amingsuloknaiyong…amingdalawa…

At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong


magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina,
kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit
na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at natutuhan naming
unti-inti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa anitikan ay naging isang
pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahanatako’yhumanga.

Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya
sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito
sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.

Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga
pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasa;ling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang
iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin
ay walangkabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-
aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi
niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa
ama ngh batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya’y
hindi balo.

Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid


sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang mga
pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang
nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot niyang baka siya
hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat,
paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na
“pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat
pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pama’y nabubuo na sa
akingi sipan ang isang hinala.

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang


anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan
niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa
susunod na taon niya’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging
manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang
bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”

Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.

“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang
mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.

Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa


amangbatangmaykaarawan.

Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon
na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo
sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga
kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging
magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may
mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong
yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang
sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sakanyangmukha.

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako
ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…
mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan
ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula
saatingaralin…”

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni
sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa
akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at
ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas n mga lihim na
kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.

At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng
kanyang mukha, muli niyang ipinamalas sa ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin
naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang
kulay ng buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa
pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang
manggagamot din baling araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa
isan bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat.
Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.
…….
Posted by magbasa tayo at 10:58 PM 
Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest
Labels: Genoveva Edroza-Matute, maikling kwento

Mga Tanong:
1. Sa anong paksa nakasentro ang kwento ni Mabuti?
Sagot:______________________________________________________
___________________________________________________________
_________________________________.

2.Ilarawaan ang pangunahing bida na si “Mabuti” sa kwento?


Sagot:___________________________________________________________
________________________________________________________________
_________________________.

2. Paano natuklasan ng batang mag-aaral ang tunay na estado ng buhay ng


guro?

Sagot:______________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________.

Suriin
Bunga ng bibig..kabig ng isip!
Sa kwento ni “Mabuti ay nakatuon sa relasyon ng isang guro sa mga mag-aaral
ang kwento.Minsan ang mga mag-aaral ay nagkakainteres na malaman ang
kwento ng buhay ng kani-kanilang mga guro. Si “ Mabuti ay tipo ng guro na
hindi mahilig magbahagi o magkwento ng kanyang pribadong buhay sa
kanyang mga mag-aaral maliban sa kwento tungkol sa kanyang tanging anak
na babae. Nakatulilig mang pakinggan ng paulit-ulit ang kwento ni ma’am
Mabuti tungkol sa kanyang anak ay kinimkim na lamang ito ng mga mag-aaral.
Isang araw may isang batang mag-aaral na naglakas-loob na nagbigay ng
komento tungkol sa pribadong buhay ng kanilang guro kaya doon lamang
naunawaan ng lubos ng batang mag-aaral na meron din palang nakakubling
kwento ang buhay ng kanilang guro. Buhat noon, natigil na ang pagbibida ni
ma’am Mabuti tungkol sa kanyang anak.
Nagtapos ang taon at wala ng nabalitaan ang batang mag-aaral tungkol sa
kanilang guro na si Mabuti. Nabalitaan na lamang nito na namatay na pala ang
ama na isang doktor ng anak ni Mabuti.Ibinurol ito sa isang bahay na hindi
pagmamay-ari ni Mabuti.

Para sa inyong pagsusuring gagawin, tuklasin ang tunay na katauhan mayroon


ang bida ng kwentong “ Ang Kwento ni Mabuti”
Magsimula rito:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________

Suriin ang kwento batay sa paksang nais ipalitaw ng may-akda.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________

Ano naman ang inyong opinyon hinggil sa estilo ng pagsulat ng awtor.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________

Sa daloy ng pangyayari ng kwento, nakaklito ba ang paraan ng paglasulat ng


may-akda?
OO, o hindi at bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________

Pagyamanin
Gawain C. Solong gawin aking kamtin! Sa bahaging ito ng inyong modyul
ay magkakaroon kayo ng gawaing pansarili at alam ko na kayang-kaya mo ito sa
tulong ng iyong sipag, tiyaga at deperminasyon, hindi ba? So..simulan natin?
Sagutin ang mga hinihinging kasagutan sa ibaba.
1.Suriin ang maikling kwento tungkol sa kwento ni Mabuti batay sa paksa, mga
tauhan, pagkasunud-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba
1. batay sa paksa
2. batay sa tauhan
3. batay sa pagkasunud-sunod ng mga pangyayari
4. batay sa estilo ng pagsulat ng awtor
Sagot:1._____________

2._________________

3._________________

4.___________________

2. Ilarawan ang pangunahing tauhan na si “ MAbuti”

1. _________
Sagot:
2. _________
3. _________
4. _________
3. Mga paraan ng pagkasunud-sunod ng mga pangyayari ng S
u
kwentong “ Ang Kwento ni Mabuti”Dalawang puntos bawat
ri
paraan( 12 puntos ) in
Sagot:
_________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
________________________.

ang paraan ng pagkasunud-sunod ng mga pangyayari ng kwento.


Rubriks para sa Pagbibigay Puntos sa sagot
Kumpleto ang
Apat lamang ang Tatlo lamang ang
Kriterya anim na paraan
naisulat (10pts) naisulat (5pts)
na (15pts)
Nilalaman

Mensahe

Pagkakabuo

Kabuuang Puntos
( Salamat kay EPS Monina Antiquina sa mga simbolo sa itaas at sa tsart ng rubriks )

Isaisip
Binabati kita sa layo ng iyong narating sa modyul na ito. Kayang-Kaya di ba?
Ngayon, kahit na alam ko na lubos mo ng naunwaan ng lubos at nakuha na natin
pareho ang layunin sa sesyong ito, ay bibigyan pa rin kita isa pang pagsubok na
lalong magdudulot sa iyo ng walang kapantay na karunungan sa paksang ating
sabay na nilakbay. Ang gagawin mo lang ay sasagutin mo ang iilang
katanungan na ibibigay ko sa iyo..Pssst bawal ang bugnutin kaya…ngiti muna
bago magsimula!
1. Kung ikaw ang batang mag-aaral sa kwento, ano ang reaksyon mo sa
ginawa ni Mabuti nang ikaw ay tumangis sa liblib na sulok ng silid-
aklatan. Matutuwa ka ba o hindi at bakit?
2. Ilarawan kung anong klaseng guro si Mabuti.
3. Nararapat bang kalkalin ng mga mag-aaral ang personal na buhay ng mga
guro? Opo o hindi at bakit?
4. Sa wakas na bahagi ng kwento, ay bingyang linaw ng awtor ang tunay na
katauhan ni Mabuti, bilang isa sa kanyang mga mag-aaral, papano mo ito
tatanggapin?
5. Ano ang mensahe na nais ipabatid ng may-akda sa mga mambabasa?

Isagawa
Gawain D. Gaya-gaya ..Ang Saya saya! Gamit ang iyong cellphone, mag
rekord ng limang minutong presentasyon ng video na kung saan mag-aarte ka
bilang guro.Nasa iyo na kung anong istilo sa pagtuturo ang iyong ipapakita.
Ipadala ito sa aking email add.

Ang aking Blog


RUBRIKS SA PAGMAMARKA SA PAGSYUT NG VIDEO
Mga
10 7 4 2 PUNTOS
Krayterya
Labis na Naging Hindi Walang
nagpamalas ng malikhain sa gaanong ipinamalas na
Pagkamalikhai
pagkamalikhai paghahanda naging pagkamlikhai
n
n sa malikhain n sa
paghahanda sapaghahanda paghahanda
Malinaw na Naging Hindi Hindi handa
Malinaw ang malinaw ang malinaw ang gaanong at hindi tapos
pagkagawa ng pagkagawa ng pagkagawa malinaw ang
video vieo ng video pagkagawa ng
video
Maayos na Naging Hindi Hindi ganap
Naipakita ng maayos na maayos na gaanong na maayos
maayos ang naipakita ang naipakita ang mayyos ang ang
layunin ng layunin ng layunin ng pagkagawa pagkagawa ng
video pagkagawa ng pagkagawa video
video ng video
Angkop na Angkop ang Hindi Hindi angkop
angkop ang ang vidyong gaanong ang vidyong
Kaangkupan
vidyong ipinakita angkop ang ipinakita
sa paksa
ipinakita vidyong
ipinakita
( mula kay Ma’am Monina Antiquina ang tsart ng Rubriks na ito )

Tayahin
Panuto: Suriin at basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang
titik na sagot. Gawin ito sa sagutang papel o kuwaderno.
1. Kung susuriin natin ang kwento ni Mabuti, ang pangunahing tauhan ay
nagpapakita ng imahe ng isang guro na:
a. huwarang guro
b. gurong terorista
c. gurong mapang-api
d. gurong may kahinaan
2. Si Mabuti ay laging nagkukwento sa kanyang mga mag-aaral tungkol sa
kanyang kaisa-isang anak na babae, patunay lamang na ang tauhan ay:
a. Mahiyain
b. Mahilig magkwento
c. Tsismosa
d. Bungangera
3. Ang kwento ay nakasentro sa silid-aralan na kung saan umikot ang buong
salaysay.Kung dito itinuon ng awtor ang lugar na pinagyarihan ng buong
kwento, nagbibigay-diin ito sa?
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Daloy ng pangyayari
d. Estilo ng pagsulat ng awtor.
4. Ang paraan na ginamit ng awtor sa kwentong “ Ang Kwento ni Mabuti ay
pasalaysay na paraan. Base sa pahayag na ito, ang kwento ay nagbibigay-
diin sa:
a. Pagkasunud-sunod ng pangyayari
b. Estilo sa pagsulat sa awtor
c. Pagsusuri sa paksa
d. Pagsusurin sa tauhan
5. Ang pagkakaroon ng lihim na kwento tungkol sa nakaraan at kasalukuyan
ni titser Mabuti ay patunay lamang na:
a. Ang mga guro ay hindi perpekto
b. Ang mga guro ay dapat lamang tularan
c. Ang mga guro ay modelo ng lipunan
d. Ang mga guro ay mapagkumbaba
6. Ang batang mag-aaral ang syang lubos na nakaunawa sa lihim na pilit
ikinubli ni Mabuti. Subalit sa halip na kanya itong ipagkakalat, ay sinarili
na lamang niya ito sa kapakanan ni Mabuti. Kung ating ilalarawan ang
katauhan ng mag-aaral, ang bata ay:
a. Maawain
b. Maunawain
c. Mapagkimkim
d. Mapangutya
7. Namatay ang ama ng anak ni Mabuti na hindi nakaburol sa tanahanan
nito. Ano ang nais iparating ng awtor sa kaganapang ito?
a. Nais ng awtor na ang mambabasa ang magbibigay ng konklusyon
b. Nais ng awtor na matuklasan ng mga mambabasa ang lihim ni Mabuti
c. Nais ng awtor na hindi lantarang maipakita sa mga mambabasa ang
negatibong imahe ng tauhan
d. Lahat ng nabanggit
8. Kung kayo ay may guro na kagaya ni Mabuti, paano niyo sya tatanggapin
bilang guro?
a. Hindi ko po sya matatanggap bilang guro na hindi perpekto ang
kanyang buhay
b. Tatanggapin ko po sya ng buong pag-unawa sapagkat lahat po tayo ay
hindi perpekto.
c. Kukutyain ko po sya bilang guro
d. Ipagkakalat ko po na sya ay isang dalagang-ina
9. Sa kasalukuyang panahon, marami na ring mga guro ang nagkaroon ng
sitwasyon na katulad kay titser Mabuti. Ibig sabihin:
a. Ang mga guro ay mga makasalanan na dapat itakwil
b. Ang mga guro ay hindi perpekto subalit nangangailangan din sila ng
pag-unawa at pagtanggap
c. Ang mga guro ay mga modelo
d. Ang mga guro ay gumagawa na rin ng mga bagay na hindi katanggap-
tanggap sa lipunan
10.Sa unang bahagi ng kwento, ay umiiyak ang bata sa may sulok ng silid-
aralan at sa hindi inaasahan, pinuntahan sya ni Mabuti at dinamayan.
Base sa ipinakita sa simula ng kwento, si Mabuti ay:
a. Maawain
b. Mapagmahal
c. Mapag-aruga
d. Lahat ng binanggit

11.Laging ibinibida ni Mabuti ang kanyang anak na babae sa mga mag-aaral


nito, patunay lamang na si mabuti ay tipong ng ina na:
a. Mapagmalaki sa kanyang anak
b. Ikinahihiya ang anak
c. Mapaghusgang ina
d. Pabayang ina
12.Nang madatnan ni Mabuti ang batang mag-aaral ay agad niya itong
nilapitan. Kung sa kasalukuyang sitwasyon, nagkaroon kaya ang dalawa
ng social distancing?
a. Sa tingin ko po ay hindi sila nagkaroon ng social distancing kasi po
wala pa pong covid 19 virus sa mga panahong iyon.
b. Sa tingin ko po ay nagkaroon po sila ng social distancing sapagkat
hindi naman masyadong lumapit si Mabuti
c. Sa tingin ko po ay hindki klaro kung mayroon man o walang social
distancing na naganap
d. Lahat ng pagpipiliang sagot
13.Kung kayo ay dinamayan ng inyong guro sa tuwing kayo ay may mabigat
na saloobin, ano ang magiging reaksyon ninyo?
a. Hindi po ako matutuwa
b. Magiging malungkot po ako
c. Mahihiya po ako
d. Magpapasalamat po ako sa guro ko
14.Dapat bang isarili nalang ng mga guro ang kanilang personal na buhay sa
mga mag-aaral?
a. Sa tingin ko po ay nararapat lamang na isarili nila ang kanilang
personal na buhay.
b. Sa tingin ko po ay nararapat lamang na ipagkalat nila ang kanilang
personal na buhay.
c. Sa tingin ko po ay nasa guro na po kung gusto niyang ibahagi o itago
sa kanyang mga mag-aaral ang personal niyang buhay.
d. Sa tingin ko po ay kailangang ipribado ang personal na buhay ng mga
guro nang sa ganun ay makakiwas sila ng pambubuli, pangungutya at
pagkakalkal sa kanilang personal na buhay.
15.Pinakaaral na mapupulot buhat sa kwento
a. Huwag manghusga ng kapwa
b. Huwag magkwento sa buhay ng iba
c. Pakialaman ang sarili
d. Lahat ng nabanggit
Karagdagang Gawain
Gawain E. Kakayanin ko..Gagawin ko..kaya go ako!
Sa inyong kwadernong pangtakdang-Aralin, suriin muli ang kwento ni
Mabuti.Base sa ipinakitang sitwasyon tungkol sa personal na buhay ni Mabuti,
ano ang epekto nito sa isipan ng mga mag-aaral? ( 20 puntos )

Susi ng Pagwawasto

Subukin: Tayahin:
1. b 1. d
2. a 2. b
3. b 3. b
4. c 4. a
5. b 5. a
6. b 6. a
7. b 7. c
8. c 8. b
9. b 9. b
10.b 10.d
11.b 11.a
12.a 12.d
13.b 13.d
14.c 14.c
15.a 15.d
Sanggunian
( F9PS-la-b-41 MELC)
Posted by magbasa tayo at 10:58 PM 
Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest
Labels: Genoveva Edroza-Matute, maikling kwento

Google

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-


BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like