My Nephew-in-Law
My Nephew-in-Law
My Nephew-in-Law
by AegyoDayDreamer
[This is under-construction! Ieedit ko dahil ang daming mali. Pero kung gusto niyo
pa ring basahin, gora lang! Kapag may (✔) na yung chapter, ibig sabihin tapos ko na
iedit.]
=================
My Nephew-in-Law ✔
Title: My Nephew-in-Law
Summary:
Samira grew up with no parents. She only knew Rico, her twenty-years older brother,
as her only family left in this world. Things changed when Rico married Pia. Pia is
a divorced woman. She has a son who lives on his own, and Samira had never even met
him.
Samira decided to live on her own after she turned nineteen. She's on her freshman
year in college and still has no boyfriend. She thought living alone was a good
idea, until one night, a burglar surprised her in her apartment, and he even tries
to kill her. Fortunately, the cops were just on time to save her and she only got
minor injuries.
After Samira's traumatic incident, her brother and her sister-in-law came up with a
solution. She agreed to them in an instant since it's for her own safety. They
settled that she will be living with Pia's son, Eleazer.
Now everything was in favor of her, Samira was excited and happy since Eleazer's
house is just minutes away from her university. She arrived at the place, still
wondering how her nephew-in-law looks like and how old he really is. She also
prepared herself to be a good step-aunt.
When Samira finally met Eleazer, an unsuspected plot happened. She was safe, but
always troubled. It feels like she's living in hell, but was happy like she's in
heaven. Thus, it was the start of Samira's twisted life, with her hot nephew-in-
law.
(A/N: I'm still editing this story! Kapag wala pang [✔] yung post, ibig sabihin
hindi ko pa tapos iedit. Anyway, pwede niyo pa rin na simulan nang basahin. ^^)
=================
Prologue ✔
"Si... Si Eli?"
Pinagtawanan lang ako ng lalaking kaharap ko, hindi ko siya makilala dahil sa itim
na telang nakabalot sa mukha niya.
Natakot naman ako sa boses niya. Sisigaw na sana ako pero tinakpan niya ang bibig
ko.
Pero naiyak na ako nun. Kahit na alam kong malakas si Eli at magaling makipagbasag-
ulo,
Patayin na lang niya ako kesa kung ano pa ang gawin niya saakin.
Ilang sandali pa, bahagya nang nakatanggal ang balot sa mukha niya.
Pero dahil madilim ang loob ng kwarto ko, hindi ko pa rin siya maaninag nang
maayos. Panget nga siguro 'to!
"Sino ba ang lalaking yun? Mahal mo ba yun? Isang maling sagot mo lang, katapusan
mo na."
Pwedeng katapusan ko na kaya mabuti pang ilabas ko na ang mga nararamdaman ko.
Tumango ako.
"Mahal ko nga si Eli." Oo, mahal ko na nga ang lalaking yun. Kahit pa timongoloid
yun!
Nagulat ako nang gawin niya ang isang bagay na hindi ko inaasahan.
Nanlaki lang ang mga mata ko. Parang ngumiti siya pero hindi ako sigurado.
Pero humawak lang siya sa leeg ko at wala pang ilang segundo, umiikot na ang
paligid ko.
=================
Chapter 1 ✔
(SAMIRA ALMIREZ POV)
"Shut up..." Tinago ko yung mukha ko sa unan ko. Akala ko tahimik na ang lahat nang
biglang nakaramdam ako ng earthquake sa kama ko. "What the..."
"Ayos ha!!!" Tumayo ako at napasigaw na. Gising na gising na talaga ako. But I woke
up NOT because of his soft, deep voice, not even because he kept on shaking me, and
most especially NOT because a hot guy playing 'damulag' is waking me up.
"Eh kung tumayo ka na lang kasi jan at magluto na." Kinaladkad niya ako paalis sa
kama at itinulak ako palabas ng kwarto ko papuntang kitchen. "Nakikitira ka lang
dito ha! Kaya magluto ka na jan! Bilisan mo Sam, I'm hungry!" he said, habang
hinihimas ang kumukulo na nga niyang tiyan.
At kumukulo na din ang dugo ko. "Nice! Sam na lang ulit? Wala nang Auntie? Talaga
naman oh!" Pero nagluto na lang ako, wala nang choice eh.
a. Bedspacer
b. Auntie (during his needy times)
The answer? None of the above! Ay mali pala, ALL OF THE ABOVE! Takteng buhay 'to
oh!
So if you ever gonna ask why my life end up like this, it all happened one week
ago.
(๏̯̃๏)
One week matapos mag-start ang klase sa Edinham School of Art, nakahanap din ako ng
matinong apartment. I'm nineteen at ngayon lang ako na-separate kay Kuya Rico. He's
my brother, now 39 years-old and my only family after our parents died in a tragic
fire accident. Twenty years ang agwat namin, grabe noh! Ewan ko ba sa mga magulang
ko.
Tapos, medyo nalungkot ako that Kuya Rico end up marrying Pia, last year. Kasal na
sa iba si Pia, naghiwalay lang sila ng first husband niya. May anak silang lalaki
at balita ko, bata pa siya nang ipagbuntis niya ang batang iyon. I'm not really
sure.
Noong una against ako sa relationship nila. Pero hindi rin nagtagal, Pia proved her
worth kaya pumayag na ako na ikasal sila. Nakitira ako sa kanila after nilang
ikasal, pero dahil sa nakakakilabot nilang sweetness, nagpasya na akong maghanap ng
sarili kong apartment. Para na rin makapagsarili na ang dalawa at makabuo na ng
pamilya nila.
Saktong first year college na rin naman ako, I decided na lumipat dito sa apartment
na 'to. One hour ang layo sa university ko pero pwede na din.
"Ate anong meron?" May mga pulis kasing rumuronda ngayon sa subdivision namin.
"Hindi ko rin alam eh?" Ang sungit ni ate, tinalikuran ako bigla.
At dahil ayokong machismis na chismosa, umakyat na ako sa second floor. Pumunta ako
sa apartment ko at binuksan ito. "Home sweet home!"
Medyo madilim, but I'm not afraid of the the dark. Sinarado ko na ang pinto ng
apartment ko at saka ko lang binuksan yung ilaw. Paglingon ko. "What the fu..."
Nanlalaki ang mga mata. "What the... fuss?" Hindi ako nagmumura kahit kamura-mura
na ang loob ng apartment ko. Nagkalat lahat ng gamit ko, at parang pinasok ito nang
magnanakaw.
At tama nga ang hinala ko, may bumabang lalaki mula sa kwarto ko. Hindi ako agad
nakasigaw, at pinilit kong buksan ang pintuan para makalabas pero nanginginig na
ako sa takot.
"Ahhhhhhhhhhhh!!!" Nagsisigaw ako habang hinabol niya ako ng saksak. Gusto ko pang
mabuhay, "Sh*t ka!" Napamura na ako sa takot. Lahat nang madaanan at hawakan ko,
pinagbabato ko sa kanya. At paikot-ikot kami sa bahay. "Tulong!!! Pulis!!!"
I need to escape! Pero sarado ang buong apartment ko. "Sh*t! Tulong! Ayoko pang
mamatay!"
Kakasigaw ko, natumba ako. At hinila ng demonyo ang buhok ko. "G@g* ka! Pinahirapan
mo pa ako!" Nasaksak niya ako sa likod at ang sakit pero nagawa ko pang lumaban.
He's going to kill me because of his knife slashing attacks on me.
Naiyak ako kaya pumikit na lang ako. "Lord, gusto ko pang makagraduate ng college.
Hindi pa ako nagkakaboyfriend, gusto ko pang mabuhay. Pero kung talagang hanggang
dito na lang, at kukunin mo na talaga ako, sige na tatanggapin ko na lang po." Ang
dasal ko.
Then someone forced my door to open, and the last thing I heard was a gun shot.
(╥﹏╥)
Ginamot na ng doctor yung mga sugat ko. May saksak ako sa likod pero luckily, hindi
siya malalim, at malayo sa bituka *sigh*. May mga galos at pasa din ako, but the
good thing is gagaling naman agad ito, and I shouldn't worry with the scars because
at least I'm still alive *sigh, much deeper than before*.
"Opo, siya nga po yun." Nasa police station agad ako. Sasampahan daw yung lalaki ng
attempted robbery and aggravated assault. Muntik nang maging homicide, buti na lang
at hindi niya ako napatay.
"Grrrr... babalikan kitang babae ka!!!" Nagsisisigaw pa yung lalaki, natakot tuloy
ako sa banta niya.
"Sam!" Saka dumating sina kuya Rico at Pia. "Oh my God!" Nasabi niya nang makita
niyang may mga bakas ng dugo ang damit ko at nakabalot ng benda ang ilang parte ng
katawan ko. "Nasaan na yung hayop na yun? Mapapatay ko siya!"
"Hoy kuya nasa pulis station tayo, baka kasuhan ka nila." Nagawa ko pang mag-joke
para lang pakalmahin si kuya.
Hindi na nila ako kinulit pa at umuwi na kami. Sa apartment ko daw muna sila
tutuloy para bantayan ako.
(►.◄)
Three days na din akong nagpapahinga. Hanggang ngayon kasama ko pa rin sila kuya,
at hindi pa sila umuuwi sa kanila. Three days na din akong hindi nakakapasok.
"I think I'm okay na." I think lang, I'm not really sure.
"After all that happened, I don't think mapapayagan pa kitang mag-isa. Saamin ka na
lang tumuloy."
"Kuya, sobrang layo ng bahay niyo sa Edinham! Isipin mo naman ang fours hours na
biyahe ko."
"I don't know... ang alam ko lang, hindi ako pwede sa inyo, masyadong malayo. At
tsaka, you two need to start your own family na."
Natahimik kaming tatlo. Pero naputol ang pag-iisip namin nang tumayo si Ate Pia.
"Samira, do you know where is Sierra Grisham Village?"
Tumango ako. Exclusive village yun na mas malapit sa university ko. Fifteen minutes
lang ang layo, mas ideal! Pero mayayaman ang nakatira. "Opo... bakit po?"
"Ah! Oo nga! Doon nakatira si Eli diba?" Enlightened naman si kuya. Bakit? Sinong
Eli?
"Yeah! My son, Eleazer, lives there alone." Son? Oo nga pala, mayaman kasi yung
first husband ni Ate Pia so obviously, afford nun suportahan ang anak nila kahit
tumira pa siya sa isang exclusive village. "He's really good at taekwondo so kaya
ka nun protektahan! And besides, my son is really nice! I think you can move
there!"
"Tama! Ang galing mo talaga honey!" Kuya Rico kissed her, blehh! "Si Eli, pamangkin
mo yun, Sam!"
"Oo naman! Anak ko yun! Basta ako magsabi, walang magagawa yun kundi pumayag!"
And so it's settled. Tumawag si Ate Pia sa anak niya and anytime daw, pwede na
akong lumipat sa kanila. Pero may mga tanong ako sa sarili ko.
How old is he?
And how come he can already live alone? Siguro may mga maid siya na nag-aalaga sa
kanya, after all, he's rich. Can afford sila!
Anyway. I'm still quite unsure. Pero basta safe na ako, okay na yun.
<('.' )>
=================
Chapter 2 ✔
"Wow... parang nangangain ng mga boplogs ang village na 'to ha." Sabi ko nang
nakanganga at naa-amaze sa mga bahay na nakikita ko.
Nandito na kasi ako sa Sierra Grisham Village. Hindi na ako nagpahatid kina Kuya
Rico at sa asawa niya since nakakahiya na din.
"Block 173, Foxrock Street. Heto na nga yata yun." Pero teka hindi ba ako
namamalik-mata? Nakatayo ako ngayon sa isang black and white contemporary luxury
house, na may malaking garden sa loob. Shoot! Ito na ang dream house!
Biglang gumalaw yung camera sa may gate at may nagsalita, "Are you a guest?"
"Pfffttt." Natawa ako, nasabi kasi saakin ni Ate Pia na online security system daw
ang nagbabantay sa bahay ng anak niya para malayo sa magnanakaw. Boses babae yung
computer. Kausapin ko lang daw na parang tao. "Yes."
"Please enter the password." I moved forward dun sa may pindutan at medyo
kinakabahan ako. Nagwarning kasi saakin si Ate Pia na kapag na-enter ko daw ay
wrong password, magti-trigger daw agad yung security alarm ng bahay at pwede pa
akong mapagkamalang magnanakaw.
Nakahinga lang ako ng malalim nang bumukas na yung gate. "Thank you and welcome to
Mr. Eleazer's house. Please feel at home."
"Thank you! Thank you din!" Nag-bow pa ako dun sa security camera, parang tanga
lang. Anyway, pumasok na ako at sumara naman agad yung gate. Saka ako dumirecho sa
loob ng bahay.
"Tao po?" Kanina pa talaga ako nagtatao-po, pero wala nga talagang tao dito.
Nakabalandra lang ang mga gamit ko sa tabi. Napatingin na lang ako sa mga
nakadisplay na picture frames sa may side table.
"Siya na siguro yung Eli." Napangiti ako. "Ang cute!" Nakatingin ako sa picture ng
isang lalaki, siguro mga twelve years old pa lang ang batang ito. "Pero ang bata
naman niya para tumira lang ng mag-isa dito."
Well, malalaman ko rin ang lahat kapag dumating na siya. Ano bang malay ko, baka
may personal yaya siya at kasama niya yun sa school. "Bakit naman kasi hindi ko na
lang tinanong kay Ate Pia kahapon."
Inilipat ko na ang atensyon ko sa buong bahay. Para akong titira sa hotel nito!
Kapag tinamaan ka nga naman ng swerte!
Fine Arts major in Interior Design ang course ko, kaya sobrang nakaka-amaze lang
ang bahay na ito. At napagisip-isip ko na since wala namang tao, maglilibot muna
ako.
Una kong sinilip yung kitchen. Tapos yung dining area, then umakyat ako ng second
floor para silipin pa yung ibang rooms. Wow! Jackpot talaga 'to teh! Ang swerte
naman ng pamangkin ko na nakatira dito.
(◡‿◡✿)
Sa sobrang tagal ng paghihintay ko kay Eli, nakatulog na ako sa sofa. Pero bigla
akong nagising nang makarinig ako ng malakas na pagsara ng gate. Sumilip ako sa may
bintana at nakita kong may lalaking naka-black hooded sweatshirt na pumasok at
sinipa ulit yung gate.
Hindi ko makita ang mukha niya at parang lumingon-lingon pa siya sa paligid, shocks
sobrang creepy ang ikinikilos niya! "No... don't tell me magnanakaw na naman 'to."
Bakit niya inaaway si Ate Security Camera?
At dahil sa naranasan kong trauma, naghanap ako agad ng pwedeng magamit pang self-
defense. I found a baseball bat na nakadisplay din at hinawakan ko ito nang
mahigpit. Nag-abang ako sa may entrance door at bumulong ako, "Wag kang mag-alala
Eli, pagtatanggol ko bahay mo."
Unti-unting bumukas ang pinto at nagsalita yung lalaki, "Bukas na? Weird..."
"Magnanakaw!!!" I closed my eyes, then full force kong pinalo yung lalaki. Pero
naharang niya yung baseball bat nang walang kahirap-hirap.
Pero bago niya gawin ang mga masasamang balak niya, inunahan ko na siya.
"Yaaaahhhhhh!!!" Sinipa ko siya agad doon sa ano niya... sa private part niya.
Kahinaan ng mga lalaki yun diba.
"Tatawag ako ng pulis!" Tumakbo ako para kunin ulit yung pamalo ko at nagtago sa
sofa nila. Pero nagulat ako sa banta nung lalaki.
"Pakyu ka!!! I'm gonna sue you, you ugly stupid b*tch!" Ouch! Namimilipit pa rin
siya sa sakit. At ouch din, tinawag niya akong ugly stupid b*tch. Ayos ha! Buti nga
sa'yo. "Get... get out of my house! LAYAS!!!"
"Ha?" Tama ba yung narinig ko? Parang ang sosyal niya yata magsalita. At tsaka get
out of his house daw? Napakunot ang noo ko at tinitigan ko siyang mabuti. Parang
familiar. Parang si Eli na mas matandang version lang. "Um... are you? Are you...?"
@.@
"Ohayo! Moshi moshi, daijoubu?" Sabi ko sa lalaking mukhang may lahing Japanese
base on his physical features.
"I'm not Japanese, you moron! I'm quarter Korean!" Mali pala observation ko.
"Ah! Annyeong haseyo, Sorry Sorry." Sakto yung kanta ng Super Junior!
Tumango ako. Tamang-tama kasi yung title nung Korean song na yun sa ginawa ko sa
kanya. "Sorry sorry sorry sorry, naega naega naega munjuh..." I sang with hand
actions pero tumigil lang ako nung hindi siya natawa. "Sorry?"
Napatayo siya at tinanggal na niya yung ice pack na ginamit niya dun sa part na
sinipa ko kanina. Alam kong masakit yun, sorry sorry. "I... I'm sorry I didn't know
you were Eleazer. Akala ko twelve years old ka lang..." Tinuro ko yung picture
niya.
"I didn't know you're... you're that big?" Ano daw sabi ko? Okay, so parang ang
tinuturo kong pang salarin eh yung mga nakadisplay niyang picture frames.
At ang tungaks ko din naman kasi. Bakit ko nga ba mapagkakamalang magnanakaw ito
eh, sobrang higpit nga ng security ng bahay niya.
"You!!!" Nanlilisik ang mga mata niya. That's really scary. "You stay out of my
way!" Tapos umakyat siya sa second floor pero bago siya tuluyang umalis. "At kapag
naulit pa 'to, YOU'RE DEAD!" At padabog na siyang umalis.
"Te... teka..." Hindi ko na natanong sa kanya yung gusto ko pang itanong. "Saan
yung magiging kwarto ko?"
Nakabalandra pa rin kasi yung mga gamit ko sa living room niya eh. At gabi na din,
sobrang gutom na ako mula pa kanina. "At wala ka bang katulong? Paano yung dinner?"
(ಥ_ಥ)
Kumakalam na talaga yung sikmura ko. Isang oras na ang lumipas, bumaba si Eleazer
sa kwarto niya at dumirecho sa kitchen. Hindi niya ako pinapansin, Mr.Sungit!
Tapos naglabas siya ng instant noodles mula sa food cabinet at binuhusan niya yun
ng mainit na tubig. Tinitigan ko lang siyang mabuti. "What!"
"Ummm... nagugutom na din kasi ako eh. Kanina pa ako hindi kumakain."
Masama lang ang tingin niya saakin, pero nagbaba siya ng isa pang instant noodles.
Tapos umalis din siya agad para pumunta sa living room.
Ako naman excited na nilagyan na din ng mainit na tubig yung instant noodles. Sana
3 minutes na agad para makain ko na 'to.
"Hoy babae! Anong gagawin mo dito sa kalat mo! Gusto mo itapon ko 'to?"
Sinilip ko kung anong kalat yung sinasabi niya. "Gamit ko yan noh!" Lumapit ako sa
kanya. "Saan ba magiging kwarto ko para maligpit ko na yan."
Sinipa niya yung isa kong bag. "Ano ba! OA ka na ha!" Buti na lang walang babasagin
dun!
"Or you mean, doon na yung kwarto ko?" Anyway, hobby yata ng lalaking ito ang
tumingin nang masama kaya kinuha ko yung gamit ko at dali-dali ko itong ipinasok sa
kwartong sinabi niya. Tapos bumaba din ako agad para kainin na yung instant noodles
ko.
"Eleazer, ilang taon ka na?" Hindi niya ako pinansin. "Fourteen? Fifteen? Sixteen?"
Kinulit ko siya para pansinin niya ako.
"Kaya nga tinatanong ko... so mas matanda pala ako sa'yo. I'm nineteen." Doon na
siya napatingin saakin. Shocks, ang gwapo pala talaga nito. "Anyway hindi mo pa
pala ako kilala noh? I'm Samira and I'm your step-auntie."
"Step-what?"
"Step-Auntie." Nginitian ko siya, pero ang weird ng itsura niya nung sinabi kong
ako nga na step auntie niya ako. Totoo naman ha! "Call me Auntie Sam from now on."
乂⍲‿⍲乂
=================
Chapter 3 ✔
"Ikaw? Auntie ko?" Patawa ba 'tong babaeng 'to? "Pakelam ko kung asawa na ng kuya
mo ang mommy ko!"
"Grabe ka na magsalita ha! Tandaan mo mas matanda pa rin naman ako sa'yo."
"The heck I care! Matanda ka nga, pandak ka naman!" Pinagpatuloy ko na lang ang
pagkain ko ng noodles. Pagkasabi ko nun, nanahimik siya. Tama lang noh! Baka sa
labas ko siya patulugin eh.
At lalong wala siyang karapatang sumagot dahil una sa lahat, nakikitira siya sa
bahay ko. Pangalawa, nakikain pa siya ng noodles ko. At pangatlo, at pinaka higit
sa lahat, sinipa niya ang pagkalalaki ko. Takte, naalala ko sumakit tuloy ulit.
After kong manood ng basketball game sa TV, pumasok na din ako sa kwarto ko. Iniwan
ko siya sa living room, bahala na siya sa buhay niya.
*riiiiinnnnngggggg*
Alas-sais na? Umaga na agad! Amp! Nakakatamad pumasok! Pero dahil sa mas
nakakatamad ang tumambay dito sa bahay, papasok na lang ako.
Pagdating ko sa school, "Idol!!!" Bungad agad saakin ng dalawa kong tropa, sina
Waine at Argel. "Aga natin ngayon ha."
Naupo lang ako. Sarcastic yung pagkasabi nila na maaga daw ako. Late kaya ako ng 20
minutes. "Si Sir Kulot?" Adviser namin. Actually kulubot dapat nickname ko dun eh,
mas kyut lang yung kulot.
"I know." Nagtitigan kami, pero syempre obvious naman kung sino ang mananalo.
Ngayon kung itatanong niyo kung bakit hari-harian ako dito, that's because anak ako
ng isa sa may-ari ng school namin. Si papa, half-Korean na nasa Korea lang ngayon,
ay isa sa mga co-founder at may biggest share sa South Grisham High School.
Ah! Bukod pa nga pala sa connections ko, I'm a Sahun or a Master! Eighth degree
black-belter in Taekwondo. Isang degree na lang, pwede na akong tawaging Grand
Master or Sasung. Ang galing ko noh? Ang henyo ko kasi, pogi pa!
(¬_¬)
"Uwi na ako mga pre!" Tatlong oras na din kasi ang lumipas nung matapos ang klase
namin at tumambay muna kami sa bahay ni Waine.
"Ha? Wag muna!" May dalawang dahilan ako kung bakit ayaw ko silang papuntahin sa
bahay. Una, wala pa silang alam na may kasama na ako sa bahay. Baka mamaya kung ano
pa isipin nila. At pangalawa, "Walang pagkain sa ref."
"May bago ba dun? Tamad ka kasing mamili eh. Ang dami mo namang pera, puro noodles
lang binibili."
At umuwi na nga ako. Magkapit-bahay lang sina Argel at Waine at ako lang ang nalayo
ng bahay. Magsi-six na nang gabi at pagdating ko sa main gate ng village namin,
nakita ko si Pangit.
"Oh! Ngayon ka lang umuwi?" May mga hawak siyang plastic bags. Parang nag-grocery
yata.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuluy-tuloy lang ako sa paglakad. Hindi naman
talaga pangit itong babaeng 'to eh. Maganda siya. Ehem... Pero may something kaya
nabubwiset ako pag nakikita ko siya. Ah! Siguro dahil nga sinipa niya ako kahapon
sa ano ko.
"Eleazer! Eli na lang tatawag ko sayo ha. Auntie Sam naman ang itawag mo saakin."
"Bakit? Close tayo?" Ewan ko ba sa babaeng 'to. Gustong tawagin ko siyang auntie eh
sa ayoko nga!
Pagdating namin sa gate ng bahay ko, "Grabe, heto na naman tayo sa password mo.
Nakakakaba pa naman!"
Tinignan ko siya. Ano ba 'to? Taga-bundok? "Watch me." At dahil sa nakakatawa lang
na magyabang sa ignoranteng ito, pinakita ko sa kanya ang isa pang kaamaze-amaze na
bagay. Tumingala lang ako sa camera at...
"Thanks, Rinoa." Oo! Rinoa ang ipinangalan ko sa security ko. Crush ko yun sa Final
Fantasy eh.
"Wow! Ano yun?" Oh diba, parang tanga lang, naamaze nga siya. "Hindi mo pa naman
pinipindot yung password ha! Paano yun bumukas?"
"Ever heard of face-recognition system?" Ay bopols! Hindi nga niya alam kasi
biglang kumunot ang noo eh. "Walang ganyan sa inyo? Ay poor. Mahirap. Hampas-lupa!"
Basag! Haha! Ang sarap mang-asar.
"Poor nga kami." Tapos nag-pout siya na parang lungkot na lungkot. Nanlulumo pang
dumirecho sa bahay.
Medyo na-guilty tuloy ako sa sinabi ko. But why should I? Pero parang I have this
feeling na kailangan kong mag-sorry. Tapos lumingon siya saakin bigla...
"Pwede bang face-recognition na lang din ang gamitin ko?" Kanina lang sad mode
siya, ngayon timawa mode ulit. "Ang hirap kabisaduhin nung password niyo eh."
"Ano ka sinuswerte? Asa ka." Tama! Hindi ako magpapaapekto sa babaeng 'to kahit
gaano pa siya kaganda o kabait o kainosente... Teka, ano ba 'tong iniisip ko?
Ah basta! Ang isang Eleazer Pascual ay hindi basta-basta naaawa sa kung sinu-sino
lang.
٩(×‿×)۶
"Eli, namili ako. Napansin kong wala kasing laman yung ref mo."
"Ang sungit mo talaga!" Umalis na lang siya at naupo naman ako sa sofa. Binuksan ko
yung TV at nanood ng kung anu-ano lang.
Maya-maya, nakaamoy ako ng mabango. Ampupu... yun ba yung niluluto niya? After 1
hour na natatatakam ako sa amoy ng pagkain, tinawag ako ni Sam... Sam yung name
niya diba?
Lumapit ako sa lamesa at nakahanda na yung pasta. Napalunok ako, ang tagal ko din
nagtitiis sa instant noodles eh. Pero hindi ko pinahalatang gusto kong kumain. "Yan
lang? Wag na!" Please pilitin mo ako. Pilitin mo ako.
Argh! Pero nagugutom na ako. "For the second thought..." Naupo ako sa harap ng
lamesa. "Since nakigamit ka ng kitchen ko, sige titikman ko ang niluto mo."
Naglagay ako ng pasta sa plato ko at susubo na lang ako, nakatitig pa siya saakin.
"Masarap?"
"Pwede na... wala namang lason 'to diba." Langya! Ang sarap pala magluto ng babaeng
'to! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kumain na ako ng marami.
"Wala nang cheese?" Tinanong ko dahil mas masarap 'to kung maraming cheese.
Naglabas naman siya ng plato na may grated cheese na. Wow! Ready!
"Favorite mo ang cheese noh? Bukod kasi sa noodles at dalawang bote ng mineral
water, puro cheese lang ang nakalagay sa ref mo."
Tumango lang ako sa kanya. Good boy muna ako since pinakain niya ako ng masarap.
After namin kumain, napag-isipan kong sabihin sa kanya ito, "Sam!" Lumingon siya
saakin. "You should cook for me from now on. Para naman maging useful ka."
Sinimangutan naman niya ako. At dahil masyado siyang dense, alam kong may binabalak
'to. "Ikaw ipagluluto ko? Hmmmmm... If you say 'Please Auntie Sam' sige papayag
ako!"
Tinitigan ko siya, bakit ang feeling niya! "Well, I'm not asking you, I'm ordering
you... SAM!" At diniinan ko ang pagkabanggit sa name niya.
"Eh di walang pagkain!" Tinalikuran niya ako at dahil sa asar ko sa tigas ng ulo
niya, tinulak ko yung likod niya.
Napaluhod naman siya at parang naiiyak. OA lang ng reaction! "Ouch... Why did you
do that!" Parang namimilit siya habang nakaluhod pa rin at nakahawak sa likod niya.
"Weh! Ang OA." Pinalo ko ba siya? Parang... pero hindi naman ganun kalakas para
umarte siya ng ganyan.
Hindi ko na sana siya papansinin dahil hindi ako pumapatol sa mga ganyang acting,
but I realized that she was serious when I saw a blood stain from her back.
"Ampness! What did I do?" Nagpanic ako at nawala sa isip ko that she's a girl dahil
itinaas ko agad yung t-shirt niya para makita kung ano yung dumudugo sa likod niya.
May sugat nga siya sa na nakabalot pa ng benda. Ang it was bleeding, bleeding all
because of me.
m(><)m
"I got stabbed five days ago. Kaya nga ako nakikisiksik ngayon dito because of that
incident. Buti na lang hindi ganun kalalim... Ouch!" Ikinukwento niya yung mga
nangyari sa kanya habang nakaupo siya sa upuan. Nakaupo naman ako sa sahig at
ginagamot ang sugat niya.
Wala sa tipo ko ang gawin ito, okay! Potek, guilty lang ako kaya ko siya ginagamot.
"Sana sinabi mo na agad." Tapos medyo na-curious ako sa iba pa niyang sugat. "Yan
lang ba sugat mo? Baka may iba pang dumudugo dyan."
Diniinan ko yung pag-apply ng bulak sa sugat niya, at napatili siya. "You know
what? Since ginamot ko ang sugat mo, it leaves you no choice but to cook for me.
Gets?"
She looked down at me, at nung nagkatitigan kami, I felt guilty again dahil sa
ginawa ko. Pambihira! Ano ba 'tong nangyayari saakin! "If you just call me Auntie
Sam, eh di kanina pa ako pumayag."
Ah! Okay! Sige pagbibigyan ko na nga 'to para matigil na! "Please... Auntie Sam." I
showed her my best sexiest smile, yung ginagamit ko sa mga chicks. Walang
nakakatanggi nun eh. Ang gwapo ko nga kasi!
"Awwwww!!! You're so cute!" Kinurot niya ang pisngi ko and I was left dumbfounded!
What the heck! "Sige na, ipagluluto na kita."
Tumayo ako at umiwas na lang ng tingin sa kanya. Para kasing umakyat yung dugo sa
mukha ko, ewan! Parang ganun! "Simpleton!" Nagulat siya sa sinabi ko, then I walked
away. Binatuk-batukan ko ang sarili ko. Nakanampucha Eli! What's your problem!
Argh!
(◐.̃◐)
=================
Chapter 4 ✔
Hindi ko naman sukat akalain na magiging parusa ang pagpayag ko bilang cook para sa
pamangkin ko.
"Auntie Sam, gising na~" At nung unang beses na tinatawag niya akong 'Auntie Sam,'
ang saya-saya ng feeling! But after a week na ginigising niya ako ng alas-sais para
ipagluto siya, kalbaryo na! "Auntie Sam!!! Gutom na ako!!!"
"Sabado naman ngayon! Walang pasok! Mag-instant noodles ka kung nagugutom ka!"
He lifted me up kaya napadilat ako. Lagpas isang linggo na rin akong nakatira sa
bahay niya, at ganito na kami ka-close. Close as in winawalang-hiya na niya ako.
"Ano ba! Aray! Yung mga sugat ko!" Kinaladkad niya ako pababa hanggang sa
makarating kami sa kitchen.
"Anong kaartehan yan! Wag ka ngang mag-pretend na nasasaktan! Hindi ko tinamaan ang
mga sugat mo." All right, panalo siya! Palusot ko lang yun. "Mag-luto ka na!"
Hindi na niya ako pinansin at kumain na siya agad. "Orange juice..." Sabay kindat
saakin.
"Please... Auntie Sam?" Mokong na 'to! Ang galing maglambing kapag may kailangan!
Sige na ang cute na niya!
"Oh yan! Juice mo!" Pasalamat siya, effective ang smile niya. At gumagana ang
pagka-auntie ko.
Dahil sa nawala na ang antok ko, nag-breakfast na lang din ako kasabay niya. Kinuha
ko yung Swiss cheese at ipinalaman ko sa tinapay. Tapos nilabas ko yung chocolate
syrup at dinagdag ko sa sandwich ko.
"Kadiri ka, alam mo yun? May cheese na tapos nilagyan mo pa ng chocolate. Ano
kayang lasa nun!"
"Ay hindi mo pa sinusubukan ang cheese at chocolate? Try mo! Masarap!" Masarap
naman talaga! Kaso parang nandidiri pa rin siya. Ang arte! Kaya ang ginawa ko,
isinalpak ko sa bibig niya yung sandwich. "Subukan mong iluwa yan, hindi ako
magluluto ng lunch."
"Amp...putek...ka..." Nagsasalita siya habang pinipilit niyang nguyain yung
pinakain ko sa kanya. Tapos napapikit siya para tuluyang lunukin yung pagkain.
Parang mali yata na ginawa ko yun dahil sa sama ng itsura niya. "I hate
chocolate!!!" Sinigawan niya ako at bilang ganti, binuhusan niya ng juice ang baso
ko na may laman na kape. "Now try that! Kapag hindi mo inubos yan, patutulugin kita
sa labas mamaya!"
"Grabe ka talaga!!!" But since it's my fault, ininom ko yung kapeng may halong
orange juice. "Hmmmmmm... ang sarap! Try mo din Eli!" Sinabi ko lang yun para hindi
halatang masagwa yung lasa at para hindi niya ma-feel na nakaganti siya.
After kong hugasan ang kinainan namin, pumunta na rin ako sa living room para
panoorin yung pinapanood niya. "Ang aga pa... *yawn* Ano naman yang palabas na
yan?" Magse-seven pa lang kasi.
Hindi niya sinagot yung tanong ko. Nanonood siya ng isang Korean variety show at
siya lang ang tumatawa. "Naiintindihan mo kahit walang English subs?" Okay, so sino
ang kausap ko? Sarili ko? Hindi pa rin niya ako pinansin eh.
Anyway, bakit ko ba tinatanong eh may lahing Korean nga siya. Syempre naiintindihan
nga niya. Nanahimik na lang ako at hindi ko namalayang nakatulog pala ako ulit.
٩(●_•)۶
Unti-unti akong nagising. Nag-unat ako dahil nakatulog pala ako sa sofa. Pero hindi
pa ako dumidilat, napangiti ako nang maramdaman kong may kumot na nakapatong
saakin. Kinumutan ba talaga ako ni Eli... aww... ang sweet!
Pero pagdilat ko, may nakadikit namang sticky note sa noo ko. Binasa ko at ang
sabi:
Potek yan! Mata-touch na sana ako dahil kinumutan niya ako, tapos biglang ganito!
Naku po! Ang lalaking yun! Nakakaubos ng pasensya!
"Siguro natutulog na ulit yun. Gigising lang yun ng maaga para manood tapos
matutulog ulit eh." Nasa harap na kami ng bahay ngayon ni Eli. "Hello Rinoa!"
Kinawayan ko yung security camera ng bahay.
"Welcome Waine and Argel. Please come in." Tapos biglang bumukas yung gate ng
bahay. Hanggang ngayon talaga naaastigan ako sa security system ng bahay ni Idol
eh. Lalo na sa face-recognition-woot!
"Thanks Rinoa!" Ang sabi ni Argel. Tapos pumasok na kami sa loob ng bahay nila.
Pero parang may something suspicious na gumagalaw sa loob ng bahay ni Eli. May
babaeng sumilip tapos biglang mawawala tapos sumisilip ulit. Ano yun? Multo? Hindi
ko na lang pinansin, baka imagination ko lang.
Tapos binuksan ni Argel yung pinto. Pero napatigil kaming dalawa nang may babaeng
nakatayo na may hawak na kitchen knife ang sumalubong saamin. "Sino kayo?" May
bahid ng dugo ang suot niyang apron at hawak niyang kutsilyo. Para siyang
nanginginig nung sinabi niya yun.
"Teka pare, tama ba 'tong pinasukan natin?"
"Ha? Oo?" Bahay nga ito ni Idol. Pero... "Sino ka?" Tanong ko dun sa babae.
"Uy!" Buti na lang at sanay kami sa away kaya nakuha agad ni Argel yung kutsilyo.
Langya! Balak ba kaming patayin ng babaeng 'to! At teka! Nasaan ba si Idol?
"Teka! Sino ka....ba...?" Huli na ang lahat nang sipain din ako ng babaeng yun sa
reproductive system ko. "Arggghhhhhhhhhh..." Ni-disabled niya rin ako!
Tatakbo sana siya pero hinawakan ni Argel ang paa nung babae. "Ikaw!!!"
"Ang sakit nun ha!!!" Sinabi ni Argel habang tinatakpan ang bibig nung babae,
habang ako naman ang pumipigil sa katawan niya. Hindi ko siya papayagang makatayo
ulit! "Wag ka nang pumalag!"
Medyo masagwa yung itsura naming tatlo. Para kasing may balak kaming masama ni
Argel sa babaeng ito sa pwesto namin. Parang alam niyo na, parang gang-rape kuno?
Pero wala sa intensyon namin yun ha! "Nasaan si Idol! Anong ginawa mo sa kanya!"
"Hooooyyyyyyyyyyyy!!!"
"Anong ginagawa niyo sa kanya?" Tumakbo papalapit saamin si Idol at tinulak kaming
dalawa ni Argel. "Mga hinayupak kayo! Bitawan niyo nga siya!!!" Saka niya
tinulungang tumayo yung babae at nagpunta naman ito sa likod niya.
(ಠ_ಠ)
Mga kumag na 'to! Akala ko gumagawa na ng krimen sa bahay ko! Ikaw ba naman
maabutan mo ang dalawang lalaking pinagtutulungan ang isang babae na ihiga sa sofa,
ano bang iisipin mo. Akala ko hina-harass na nila si Sam.
"Auntie ka niya?" Tanong ni Argel na parang hindi pa rin naniniwala, kahit ilang
beses nang ipinaliwanag ni Sam.
"Oo nga. Kapatid ko yung bagong asawa ng mommy niya." Pero halatang nagkakahiyaan
silang tatlo. Ang manyak naman kasi ng dating nina Argel at Waine kanina!
"Hindi noh!" Sabay namin sinagot ni Sam. Natahimik na kaming apat, tapos tinignan
ko sina Waine at Argel. Parang namumula yung dalawa!
"Sorry ha..." Sabi ni Argel. "Pero ikaw naman kasi, bakit kailangan mo pa kaming
sipain sa ano... sa ano namin."
Tapos napatakip ng mukha si Sam. Mas namula siya. "Sorry din... dahil sa trauma
yun."
Pagkasabi niya nun, parang na-gets ko na kung ano yung nangyari. "Teka... sinipa mo
sila, Sam? Sa ano... doon?"
Tumango sila pareho at hagalpak ako kakatawa. "Astig!!! Sinipa niya rin ako dun
eh... Nabasag niya rin yung sa inyo?" Natigil lang ako nang mapagisip-isip kong
nakakahiya din pala yung nangyari saakin noon.
"Oo... bwiset nga eh... Nakarecover na yung akin. Hobby nga yata ng babaeng ito ang
manipa ng pagkalalaki."
"Hindi noh!" Napatayo si Sam sa kinauupuan niya. Tapos bigla kong naalala ang mga
sugat niya. Baka nagdugo ulit.
"Ah! Yung mga sugat mo nga pala! Dinaganan ka ng mga manyak, I mean mga mokong na
'to. Hindi ba dumugo ulit?"
"Hindi... hindi naman sumakit." Tapos maya-maya napatingin silang tatlo saakin.
Yung weird na tingin na may kasamang weird na ngiti. Nakakakilabot! "Uy! Nagki-care
ang pamangkin ko!" Tapos pinagtawanan nila akong tatlo.
Ako nagki-care! Bangasan ko kaya silang tatlo! "Dream on! Tinatanong ko lang kasi
kung wala ka namang nararamdaman, eh di magluto ka na ng lunch! Dito kakain ang
tropa ko! Dali! Punta ka na sa kusina! Sarapan mo magluto ha!"
Padabog namang sumunod si Sam at bumalik na sa kitchen. Kaya pala duguan siya
kanina dahil daw natapon yung hot sauce sa apron niya.
Anyway, naiwan kami ng barkada ko sa living room pero napansin kong sinundan ng
tingin nina Waine at Argel si Sam. "Langyang mga pagmumukha yan. Ano na namang
iniisip niyo?"
Nilapitan nila ako pareho at inakbayan ako. "Ang ganda niya Idol, sigurado ka bang
hindi mo siya girlfriend?"
"Pero Idol, bata pa naman si Sam. Kung walang boyfriend yun, at kung hindi mo siya
type..." Tapos nagtinginan at nag-ngitian sila ni Waine. Parang mga asong ulol!
"Ehhhhh... Parang" Nagtawanan silang dalawa. Potakte! Type nga nila si Sam. "Ang
ganda kaya niya..."
"Bakit naman ang protective mo masyado? Single naman kami, single naman siya. May
the best man win na lang, diba Argel?"
"Oo pare!" Nag-apir sila at nagtawanan. Ano bang klaseng taste meron ang mga 'to.
"Hindi! Wag ang Auntie Sam ko!" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at in-
admit kong Auntie Sam ko siya. Pero nakaisip ako ng dahilan, "Ibinilin saakin ni
mommy yung babaeng yun! At tsaka mga pagmumukha niyo! Wag niyo nang subukan dahil
kung hindi, makakatikim kayo ng mga bangas saakin! Gets?"
"Oo na Idol!"
"Mabuti nang clear tayo! Auntie Sam ko yun! Maghanap kayo ng ibang babae!" Ano kung
kaibigan ko sila. Kilala ko ang mga ito, mga chickboy. At tsaka like what I said,
hindi dahil sa I care for her... ummm... dahil nga sa malalagot ako kay mommy dahil
ipinagkatiwala niya saakin si Sam.
=================
Chapter 5 ✔
After kong magluto, tinawag ko na sina Eli at ang mga kaibigan niya para kumain.
Nang maupo kami sa harap ng lamesa...
"Wow! Ano yan?"
Paki-google na lang kasi hindi ko pa nga ini-explain kung ano yung niluto ko,
kumain na agad silang tatlo. Sa totoo lang, nakakatuwa naman silang tignan. Sarap
na sarap silang kumain.
"Ha? Hindi pa nga ako kumakain eh." Pero sige, dahil tinawag niya akong Auntie Sam,
ikukuha ko sila ng tubig.
Paglagay ko nang pitchel ng tubig sa harapan nila. "Nasaan ang mga baso? Ano 'to
kakamayin namin ang pag-inom?" Aba't! Siya na nga pinagluto eh. "Sa susunod kasi
kumpletuhin mo kapag nag-aayos ka ng mesa."
Hindi na sana ako papayag, kaso sumagot naman 'tong mga kaibigan niya. "Sige na
po... please, mabubulunan na kami."
"Please... Ate Sam." Ang wawagas ng mga ngiti nila. Pasalamat sila mga cute sila!
So kahit labag sa loob ko, kinuhaan ko na lang sila ng baso.
Pagdating ko sa lamesa, kumain na din ako agad. Nagpaka-busy na ako, baka mamaya
kung ano pang iutos nila saakin.
"Oh, dahil ako ang nagluto, kayo na magligpit nitong kinainan at maghugas ng plato
ha." Natigil sila bigla sa pagtawa. Seryoso ako. Sakto din, tapos na kaming kumain.
Nagtinginan yung tatlo na parang may binabalak. Maya-maya, hinawakan ni Waine ang
left hand ko. Tapos si Argel naman, hinawakan ang right hand ko. Ano 'to inlove na
ba sila saakin? Hindi pwede!
Saka tumayo si Eli at inilapit ang mukha niya saakin. What's the meaning of this,
hina-harass nila ako ng mga kagwapuhan nila. "Auntie Sam, ang sarap mo talagang
magluto." Sinabi niya nang sobrang sweet at ang lamig pa ng boses niya.
Napapikit ako. Ang sarap ng feeling na nire-respeto nila ako nang ganito. Auntie
Sam daw... "Oh... oh sige..."
Then I felt na parang wala nang tao sa paligid ko. Wala nang nakahawak sa kamay ko,
at parang narinig ko silang nag-alisan sa lamesa. "Hoy!"
"Oh, si Auntie Sam na ang magliligpit at maghuhugas niyan! Tara PS3 tayo!"
"Mga adik na 'to!" Naisahan ako dun ha! Pati ba naman sa mga kaibigan nitong
pamangkin ko, magiging katulong ako? Grrrrrrrr!
(ὸ.ό)
Natapos na ako sa pagiging dishwasher, kaya pumunta na ako sa living room para
maki-join sa kanila. Busy sila sa paglalaro, kaya naupo ako sa isang upuan.
"Sam, gusto mong maglaro?" In-offer nung Argel. Wait... Sam? Nasaan na napunta yung
Auntie kanina? Crap naman! Magkaibigan nga sila ni Eli.
"Oo nga Sam. Maganda 'to tsaka masayang laruin!" Isa pa 'to. Sam na lang din ang
tawag saakin.
"Wag na! Makasira pa ng gamit yan!" Bwiset na Eli 'to! Buti na lang mababait ang
mga kaibigan niya.
"Oo nga... baka nga makasira pa ako. O baka sirain ko talaga yan." Tapos
nagtinginan kami ng masama ni Eli. Syempre joke ko lang yun! Wala akong pambayad
kapag sinira ko yung PS3 niya. "Itong si Eli, hindi ko alam kung singkit lang o
talagang ganyan lang kasama ang tingin."
Nagtawanan sina Argel at Waine sa sinabi ko. Kaya natawa din ako. Si Eli lang
halatang hindi masaya. Naku, baka mamaya parusahan niya ako nito kaya maka-change
topic na nga lang. "Pwedeng nood na lang tayo ng movie? Para naman ma-enjoy ko
kayong kasama."
"Movie? Pwede... tara nood tayo." Ihhhh! Pumayag siya for the first time sa sinabi
ko!
(≧◡≦)
Katabi ko si Eli sa sofa, tapos nakaupo si Waine sa sahig, at nasa kabilang upuan
naman si Argel. Manonood kami ng Paranormal Activity 2 at ang hindi nila alam na
napanood ko na yun nang maraming beses. Ahahaha! Siguro may balak silang takutin
ako, tignan natin.
Tahimik lang kami nung una, tapos maya-maya parang nararamdaman kong lumapit si
Waine. Tinanong ko kung okay lang siya. "Natatakot ka Waine?"
"Ako! Haha!" Ang tigas ng pagka-haha niya. "Hindi noh!" Pinabayaan ko na lang siya
at nagpatuloy kami sa panonood. Then napunta na kami dun sa part nang may mga
nahuhulog nang pots sa kitchen.
Lumipat na bigla ng upuan si Argel. Doon na siya tumabi kay Eli kaya tatlo na kami
sa sofa. "Umusog ka naman ng konti Idol."
"Natatakot ka Argel?" Parang ang sarap lang mang-asar kasi ang cute nila kaya
tinanong ko yun.
Natatawa na talaga ako eh, pinipigilan ko lang. Halata naman kasing naduduwag na
sina Waine at Argel, nagmamatapang pa. Tapos tinignan ko yung reaction ni Eli,
parang wala lang sa kanya. Ah siya, talagang matapang.
"Hindi noh! Ginugulat ko nga kayo eh. Psssshhh!" Ginugulat pala ha. Bakit
pinagpapawisan siya kasama ng mga kaibigan niya? Ahahahaha!
Ang yayabang ng tatlong 'to, horror movie lang pala ang katapat. Ayaw pang magsi-
aminan. Hindi naman kabawasan sa kagwapuhan nila yun.
Nang matapos namin yung movie, parang tulala pa rin yung tatlo. Nakaisip tuloy ako
ng plano para makaganti sa pang-aalila nila saakin kanina. Umalis ako kunyari at
nagpunta sa kitchen. Tapos sumimple ako dun sa switch, at pinatayan ko sila ng
ilaw.
"Wohhhh?" - <(⊙.☉)>
"Ahhhhh!!!" - <('o'<)
Ahahahahahahahaha! Mga hinayupak yan! Ang duduwag! Itinaas ko ang level ng
pananakot ko. Kumuha ako ng hindi babasagin na cup tapos binato ko sa kanila. Lalo
silang nagulat at nagwala.
Akala ko maaasar sila eh, buti na lang hindi pikon sina Waine at Argel. "Grabe ka
Sam, Idol ka na din! Hindi ka ba natakot?"
"Hindi..." Ang totoo, natakot ako nung una ko siyang pinanood. Pero sabi ko nga,
ilang beses ko na yung inulit kaya na-immune na ako sa palabas na yun. Hindi ko na
lang sasabihin sa kanila para isipin nilang matapang ako.
"Umuwi na nga kayo, madilim na!" Ang KJ talaga nito. Palibhasa na-duwag din eh.
Anyway, umuwi na nga yung dalawa. Pero may pahabol sila na babalik sila ulit.
Makikipag-bonding daw sila saakin. Kinilig naman ako. "Sige ingat kayo pauwi! Ingat
sa paranormal activities!" Inasar ko muna yung dalawa bago sila tuluyang umalis.
(≧ω≦)
"Oo..." Tapos tinignan ko yung bad trip niyang mukha, maasar nga ulit. "Ay pikon si
Eli?"
"Pikon?" Naupo siya sa upuan. "Sinasabi mo yan kasi hindi ka pa talaga nakakaranas
ng totoong paranormal activity."
Ang seryoso ng mukha niya. Parang kinabahan tuloy ako. "Peace na nga tayo, Eli. Ito
naman, masyadong sensitive."
"Hindi ka dapat nagbibiro ng ganun." Tapos tinitigan niya ako. "Hindi mo kasi alam
na may nangyayari ding ganun dito sa bahay ko."
"Se... seryoso ka?" Oo na, duwag din talaga ako. Lalo na kung totoo.
"Ilang years na akong mag-isa dito at madalas na may ganung pagpaparamdam sa bahay
ko. Ewan ko kung bakit natigil ngayon pero sooner or later, baka magparamdam ulit
sila."
"Weh!!! Hindi nga!!!" Lumapit ako sa kanya. Potek naman! Hindi magandang biro yan!
"Haunted ba 'tong bahay mo?"
"Tingin mo para saan yung mga camera na nasa bawat sulok ng bahay ko?" Nakakatakot
yung tingin niya. "Para kapag may nangyaring masama saakin dahil sa mga
kababalaghan, may ebidensyang pinatay nga ako ng mga multo."
"Naalala mo yung tatlong kwarto dun sa taas? Yung isa saakin, yung isa sa'yo, at
yung isa sa harap ng kwarto mo?"
"Ba...kit?"
"Bakit hindi ko binubuksan yun?" Ayoko nang malaman! Please tama na!!! "Sabi kasi
nung nagbenta nitong bahay saamin, kapag pinasok mo daw yung kwartong yun, lagi mo
nang mapapanaginipan yung babaeng nagpakamatay sa lugar na yun."
"Ayaw mo? Tara, dadalhin kita doon." Binuhat niya ako papuntang second floor at
nagpupumiglas ako. Syempre malakas siya at wala akong laban, anong gagawin ko?
"Ayoko sabi Eli!!! Please!!! Sorry na! Ipagdadasal ko bahay mo! Ipagdadasal pa
kita!!!"
Kaso hindi niya ako binaba at palapit na kami dun sa kwartong sinasabi niya.
Ipapasok niya ako dun? Ikukulong niya ako? Magpaparamdam yung multo? Mamamatay
ako!!!
"Eli ayoko na!!!" Niyakap ko na lang siya nang mahigpit. Para hindi niya ako
maibaba. "Bahala ka isasama kita!!!"
"Hindi! Bitawan mo muna ako!" Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya, "Isasama talaga
kita!" Naiiyak na ako sa takot.
Napatigil naman siya. "Psh." Sobrang magkalapit ang mga mukha namin nung
nagtinginan kami. "Joke lang."
"Ha?"
Tapos nag-smirk siya saakin, pero mahigpit parin ang hawak ko sa kanya. "Walang
multo, okay! Bumitaw ka na nga."
At binitawan ko na siya. Saka niya ako tinawanan. "Sinong duwag ngayon?" Bumaba na
siya ulit papuntang living room at sumigaw pa. "Quits na tayo! Magluto ka na ng
dinner!"
"Weh... joke lang talaga yun? Promise, walang multo?"
I sighed and blushed. Naisahan nanaman ako ng kumag na Eli na yun! Nakakahiya!
Nakakaasar! Grrrrrrrrr...
v(T.')v
=================
Chapter 6 ✔
Dumagundong ang puso ko nun ha. Tama bang yakapin niya ako nang mahigpit? Lalaki
din naman ako!
"AYOKO! Ako muna ang bitawan mo! Dahil kung hindi..." Mas hinigpitan niya ang yakap
saakin at halos masakal ako sa pagpulupot niya sa leeg ko. "Promise, isasama kita
Eli!"
Hindi ko na rin kasi napigilan ang sarili ko. Parang umaakyat ang dugo sa mukha ko.
"Walang multo, okay! Bumitaw ka na nga." Kunyari na lang nginitian ko siya para
makapang-asar lang, "Sinong duwag ngayon? Quits na tayo! Magluto ka na ng dinner!"
Pero arghhh! Nauulol ka na ba Eli? Parang may lumalala kang sakit niyan eh! Teka!
Baka si Sam ang may sakit! Nahawa lang ako! Tapos nararamdaman ko na ang mga
symptoms ng kabaliwan. Grrrr...
* * *
"Idol... kanina ka pa tulala dyan." Magka-group kasi kaming tatlo nina Waine at
Argel para sa isang project ngayong first grading. "Si Sam ba iniisip mo?"
I sighed. "Oo... Ha? Hindi ah!" Ano ba yan! Kumag naman kasi 'to! Nadulas tuloy
ako! "Bakit iisipin ng gwapong tulad ko ang pangit na tulad nun?"
Oo na! Maganda na siya! Eh pero pangit pa rin siya! "Pero Idol, okay lang na
maramdaman mo yan. Pareho kayong teenager! Nag-iinit ang mga katawan niyo! Diba
tama ako Waine!"
"Aprub!"
"Nag-iinit ang mga katawan?" Nag-isip ako sandali. Talaga bang nag-aadvice ang mga
'to. Teka... "LOL! Ay! LUL pala! Mga iniisip niyo puro kamanyakan na naman eh!"
"Idol, tama naman si Argel! Binata ka, dalaga siya. Tapos kayong dalawa lang sa
bahay." Tapos tinignan niya ako nang masama. "Ni minsan ba, hindi mo naisip na
sunggaban siya sa gabi?" Saka sila nagtawanan sila.
Pero pinagbabatukan ko sila. "Wag niyo nga akong itulad sa inyong mga manyak!"
Changgala yan! Sa gwapo kong ito, mag-iisip ako ng ganun sa babae. "Gwapong
gentleman ako noh!"
"Wow Idol! Lakas mo!" Sabay nilang sinabi. Tapos biglang naging seryoso ulit sila.
"Pero Idol, si Sam yung tipong pwede eh... pwede mong maging girlfriend. Astig kaya
yun!"
"Oo nga! Kaya nga na-inlab kami agad ni Waine sa kanya dahil kakaiba siya eh.
Walang ganun babae dito sa school." Ano daw inlab? "Kaso binasag niya kami eh.
Tapos pinagbawalan mo pa kami."
"Ewan ko sa inyo! Wala namang matinong sagot sa mga adik na tulad niyo eh!" At
tsaka, bakit ba ganito ang pinag-uusapan namin. Tingin ba nila trip ko si Sam. "At
tsaka wala akong gusto sa babaeng yun!"
Pinagtawanan lang nila ako, kaya lalo akong nabadtrip. "Mga t@rant@d0!" At sabay
bangas sa mga bunbunan nila.
>=(
Sabado na ulit at pag-gising ko, wala na si Sam sa kwarto niya. Himala yatang maaga
siyang nagising. Pagpunta ko sa kitchen, wala din siya doon. Wala siya sa buong
bahay. Takte! Baka hindi pa siya nagluluto ng breakfast ko!
Uy! Pero may pagkain naman na palang nakahanda! Naupo ako sa mesa. "Nasaan kaya
yun?" May nakadikit naman palang sticky-note dun sa gilid ng plato.
At pagbasa ko:
Lovelots,
Auntie Sam
Hindi ako sanay na nauuna siyang umalis saakin eh! Ni hindi man lang nagpaalam ng
personal! At dahil sa kanya, wala akong masarap na lunch ngayon! Five minutes lang
naman ang layo ng university niya dito! Humanda ka saakin Sam!
m(ὸ.ό)m
3:00 na ng hapon at sinadya kong kalatin ang bahay para pagdating niya, maglinis
siya ng walang humpay. Yan ang parusa sa mga nagpapabad trip saakin.
Narinig ko nang nag-open yung gate, at si Sam na nga yun. Kaso nagulat ako sa
bumugad saakin. "Sam? Kelan ka pa nagbasurera?"
(SAMIRA ALMIREZ POV)
Nakakatawa masyado yung reaction ni Eli nung makita niya akong maraming bitbit.
Kaso grabe naman ang lait niya saakin sa mga dala ko. "Hindi ito basura! Iri-
recycle ko 'tong mga 'to. Naubusan na kasi ako ng pera para pambili ng gamit sa
project ko eh."
Salubong pa rin ang kilay niya. Tapos napatingin ako sa loob ng bahay.
"Uwaaaahhhhhh!!!" Sabay takip sa bibig ko. "Kelan pa naging basurahan ang bahay
mo?"
Napakamot siya ng ulo, parang hindi niya alam ang gagawin niya. "Dagdag kalat pa
yang dala mo. Ligpitin mo muna itong bahay ko."
"Ayos ha! Ako ba nagkalat? At tsaka hindi pwede! Gagawin ko pa 'tong project ko.
Maglalagari at magpupokpok pa nga ako eh." May mga dala kasi akong plywood at mga
kahoy.
"Sira! Kailangan kong gumawa ng canvas for painting! Ang dami ko ngang kailangan
gawin eh."
"Nabibili naman yun ha!"
"Wala na nga akong pera! Naubos ko nung nag-grocery ako ng pagkain natin!"
Natahimik siya at nag-isip sandali. Tapos biglang bumanat ulit siya. "Linisin mo
muna itong bahay."
"Babayaran kita." Ginamitan niya ako ng killer smile niya. Kaso walang effect eh.
Ganito nga siguro dahil iniisip ko yung project ko.
"Ayaw sabi!"
"Ayokong makalat ang bahay ko!!!" Niyugyog niya ako at itinulak. Ayaw niyang
makalat ang bahay niya, bakit siya nagkalat? "Sige na, may premyo ka saakin."
"Premyo?" Nag-isip ako sandali. Ay baka tulungan niya akong mag-lagari at gumawa ng
canvas! "Sige na nga! Pero siguraduhin mo lang na may premyo talaga ah!"
Inabot ako hanggang alas-kwatro kalilinis ng magulong bahay ni Eli. Ano kayang
pumasok sa utak ng lalaking yun at parang nagwala siya sa buong bahay niya. After
kong maglinis, naupo na ako sa sofa. Lumapit naman siya at naupo sa isa pang upuan.
"Ang sarap ng buhay natin ha. Ikaw magkakalat, ako maglilinis?" Tapos syempre hindi
ko kinalimutan yung premyong sinabi niya. "Ang premyo ko tulungan mo akong gumawa
ng canvas ha."
Napatayo ako. "Hoy Eleazer! Sobrang pagod na ako! May hinahabol pa akong deadline!
Tulungan mo ako! Wag kang maduga!"
Bigla siyang natawa. Ano kayang nakakatawa? Na naghi-hysterical ako? Tapos may
dinukot siya sa bulsa niya. "Oh yan! Pera pambili mo ng mga gamit." Inabutan niya
ako ng two thousand. "Hindi mo naman sinabi na allowance mo pala yung ginamit mo
pambili ng mga pagkain. Utang na loob ko pa tuloy."
Nahiya naman ako. "Hindi naman ako naniningil eh. Bayad ko din yun sa pagtira ko
dito."
"Wag ka nang inarte! Kunin mo na yan. Yang perang yan, budget talaga para sa
pagkain. At tsaka, ayoko yang mga dala mong kalat!"
Hindi lang masyadong pinahahalata ni Eli, pero sobrang sweet naman talaga siya eh.
Masungit nga lang. Nahuli ko na naman ang kiliti niya eh, kaya lulubus-lubusin ko
na. "Sige... pero samahan mo akong mamili ng canvas ngayon."
"Al-al mo!" Sungit, pero sige lang. Tingan natin kung matiis mo ako.
"Sige... ako na lang mag-isa. Pero hindi ko masisiguradong makakauwi ako ng maaga
para magluto ng dinner mo. Tutal sanay ka naman sa instant noodles, yun na lang din
ang kainin mo mamaya."
≧◔◡◔≦
Walang akong nagawa kundi samahan si Sam na bumili ng mga gamit niya. Pagdating
namin sa bookstore, pinabayaan na ako ng hinayupak na babae. "Magtingin-tingin ka
lang dito. Baka mapagod ka kakasunod saakin eh." As if namang gusto ko siyang
sundan.
Naiwan ako sa book section at sinisilip ko siya dun sa kabilang section. Hindi sa
tinititigan ko siya at inaalam yung mga kailangan niya, pero puro oil at cotton
painting canvas nga ang tinitignan niya. Mabigat yung mga yun, kaya pala niya ako
isinama. Pabubuhatin niya siguro ako mamaya. Amp!
"Oo nga. Teka nakita ko na siya eh. Taga South Grisham yan..."
"Si... Si Eleazer Pascual yan mga sis! Ang gwapo!!! Kunin niyo yung number!"
Biglang nanindig yung balahibo ko nung parang napansin ko na talagang may mga
sumusunod na babae saakin mula pa kanina.
Ako nga pinag-uusapan ng mga 'to dahil nakikita ko sila sa peripheral vision ko.
Ang lalagkit ng tingin nila, nakakapangilabot. "Nasaan na ba si Sam?" Nawala tuloy
siya sa pangin ko!
"Excuse me, mag-isa ka lang?" Lumapit na yung mga babae, pero hindi ko sila
pinansin. "Diba taga-South Grisham ka? Nag-aaral kami sa kalapit lang na school."
Tinignan ko lang sila nang masama para layuan nila ako. Kaso sa gwapo kong ito,
inakala pa nilang nagpapa-cute ako. Kinilig pa ang mga potek!
"Ha?" - ಥ_ಥ
Nakakatakot? Para pa silang naglalaway sa paningin ko! Paano kaya sila nasama sa
kwento ng buhay ko? I smell something fishy... Ah tama! Ganun kasi ako ka-gwapo at
kasikat! Kilala ako ng lahat! "Sorry, busy ako."
Iniwasan ko na lang sila, kaso sumunod pa rin eh. Bakit ba ganito na kawa-wild ang
mga babae ngayon. I-karate chop ko kaya 'tong mga 'to. Kaso baka makasuhan ako,
isipin pa nila pumapatol ako sa babae. "Eleazer you're so pogi talaga..." Sabay-
sabay nilang sinabi!
Tapos na-corner nila ako sa tabi. Nakayapos na yung Payieee saakin. Nakapulupot
naman yung mga galamay nung Richelle at Jiyeon sa katawan ko. Hinimas nila ako.
Pakingshet na mga manyak na babae! Magaganda sana eh, kaso mga wild!
"Ang bango mo! Shet! Free ka ba ngayon? Sama ka na saamin." Tapos pinag-agawan na
nila ako! Ano ako laruan? Sisigaw ba ako ng gang-rape?
Pero buti na lang at nakawala ako sa mga hayok na 'to. Dinalian ko ang paglakad ko
at nung makita ko na si Sam, nilapitan ko siya agad. Pinakita ko sa mga mapang-
harass na mga babaeng yun na may kasama ako. "Sammy, hindi ka pa ba tapos?"
Inakbayan ko siya at parang ewan lang ang reaction niya.
"Sammy?" Napaisip siya sandali kaya hinimas ko ang buhok niya. Maki-ride ka na lang
please. "Heto... may mga napili na ako." Pero confused pa rin ang mukha niya.
"Ganun? Bigla kang nawawala sa paningin ko eh." Nginitian ko siya tapos kinurot ang
pisngi niya. "Tara bili din tayo ng brushes at pintura mo para sa project mo."
Nakaakbay pa rin ako sa kanya habang naglalakad kami papunta dun sa mga paints at
brushes. Nilingon ko sandali yung mga babae at natawa ako dahil effective ang
ginawa ko.
"Anong problema mo Eli?" Nakatayo lang kasi siya habang nakaakbay pa rin ako sa
kanya. Sobrang magkalapit ang mga mukha namin, at nginitian ko siya dahil nailigtas
niya ako sa mga babaeng yun. "Kalalaking tao mo, ang landi mo."
Ako adik? Bwiset na Sam yan! Don't tell me hindi man lang siya kinilig kahit konti!
Hindi ba niya alam kung gaano karami ang babaeng nagkakandarapa na akbayan ko,
titigan at ngitian ko ng ganun! Tapo sasabihan niya lang akong malandi!
Pero inirapan niya lang ako. "Asa much Eli" At tinawanan niya ako ulit!
Anak ng pucha! Hindi ba talaga siya kinilig? Amp! Sana pala dun na lang ako sa
tatlong pasaway kanina... but for the second thought, sige wag na lang! Amp ulit!
ͼ(ͽ)ݓ_ݓ
=================
Chapter 7 ✔
Ano na naman bang ginawa ko at nabad-trip itong si Eli? Sige na, aamin ako na
sobrang gwapo nga niya, super bango pa niya at walang babaeng hindi kikiligin sa
kanya.
Kahit ako naman talaga natutuwa kapag naglalambing siya. Kaso, kakaibang landi yung
pinakita niya nung nasa bookstore kami. Ewan, hindi ko siya maintindihan!
"Hmmmm... kiss muna!" Tinuro ko yung cheeks ko, at ni-kiss niya naman ako. "Sige na
nga! Malakas ka saakin eh!"
"Uy kinilig naman ako dun! Gawa tayo sa bahay ng pamangkin ko ha!"
"Nung Monday ka pa ganyan ah. Gusto mo tumambay muna sa bahay mamayang uwian?"
"Pwede ba, wag niyong banggitin saakin ang pangalan na yun!" Bad trip pa rin ako sa
babaeng yun. Tomboy siguro yun kaya hindi napapansin ang appeal ko! Hindi sa gusto
ko siyang magkagusto saakin, nakakasira lang ng pride! Wala pang babae ang
nakakatanggi saakin!
"Eh di, sa inyo na lang ulit kami tatambay! Friday naman eh!"
"Ha? Oh sige tara! Sa bahay ulit tayo ngayon!" Pero bakit naman ba apektado ako
masyado? Sakit na talaga 'to eh! Ano bang gamot dito? Sabihin niyo nga saakin!
^( '-' )^
"Hello Sam! Welcome home!" In chorus pa talagang binati nina Waine at Argel si Sam
pagkauwi niya. Crush kasi nila si Sam, bakit ba sila gandang-ganda sa kanya?
"Oh nandito na naman kayo? Naka-one whole straight week na kayo ha!"
"Sorry Sam, nami-miss ka lang namin." Yan ang totoong malalandi Sam! Bakit sila
hindi niya sinasaway?
"Hoy!" Napatingin sila saakin. "Pagkatapos mong mabihis jan, magluto ka agad!"
"Sungit!" Tapos inakbayan niya sina Waine at Argel kahit nakatingkayad na siya.
"Bakit hindi mo gayahin ang mga kaibigan mo?"
"Oo nga Idol!" Sabay ulit nagsalita ang mga kumag at sobrang laki ng mga ngiti
nila. Paano, naka-tamang chansing eh.
Tinignan ko na lang ng masama si Sam. "Makuha ka sa tingin Sam!" Tapos tinignan ko
din sina Waine at Argel na take-advantage agad porket super close na nila si Sam.
"Kayo din!"
Nagpasya na lang kaming maglaro ulit ng PS3. Bumaba si Sam galing kwarto niya at
tinanong niya agad kung anong gusto naming kainin.
"Pansit Malabon!"
"Sinigang na baboy!"
"Lasagna!" Nagtinginan kaming tatlo. Iba-iba kami ng gustong kainin. Si Waine gusto
ng pansit, si Argel gusto ng may kanin, at ako basta may cheese gusto ko!
"Mga bolero!" Nakangiti naman siya noong utuin siya ng dalawang yun. Dumirecho siya
sa kusina kaya naiwan kami ulit sa living room.
"Mga naturingang lalaki, ang lalandi!" Sinabi ko sa kanilang dalawa yung sinabi
saakin noon ni Sam. Nabwiset kasi ako nun eh, itatry kong sabihin din sa kanila.
Pero tinawanan lang nila ako ulit. Anong nakakatawa dun? Binangasan ko nga sila.
Mas malakas, yung tipong makabasag-bungo!
ͼ(ಠ_ಠ)ͽ
"Kain lang kayo ng marami ha!" Natapos ko nang i-bake yung lasagna. Actually, kahit
ano pa man ang sabihin ng tatlong yun, yung pagkaing gusto ni Eli ang dapat kong
lutuin.
Bakit? Kasi nagpapakabait ako dahil plano ko ngang papuntahin si Byron dito.
Susundin ko ang lahat ng sasabihin ni Eli ngayon, para mamaya kapag nagpaalam na
ako, hindi siya makapalag.
Busog na busog pa sila kaya hindi sila makatayo sa lamesa. "Ako na ang maghuhugas.
Maglaro na lang ulit kayo." Sabay ngiti sa kanila.
"Ang bait mo talaga Auntie Sam." Nakangiting sinabi ni Eli. Mabait siya dahil busog
siya. Kita niyo nga, tinawag pa akong 'Auntie'.
"Hahaha!" But now is the time. "Bukas nga pala, may kakilala akong pupunta dito.
Tutulungan ko siyang gumawa ng project niya." Nag-twinkle eyes pa ako para hindi
makatanggi si Eli. "Okay lang ba Eli?"
"Oo naman!" Success!!! "Ang bait mo Eli!" At napakurot ako sa pisngi niya. Nagulat
nga siya sa ginawa ko at parang naging ewan yung reaction niya. Di bale, cute pa
rin naman.
(ELEAZER PASCUAL POV)
Parang nakakapagtaka yata ang kabaitan ni Sam ngayon? Hindi pa nakipagtalo saamin
kung sino ang maghuhugas ng plato. Tapos parang special attention pa siya saakin.
Naisip na kaya niya kung gaano ako kagandang lalaki?
Tinawagan na agad niya ang kaibigan niya. Ico-confirm na pwede sila bukas dito sa
bahay ko. "Hello beb! Pwede na tayo sa dito sa bahay! Ayiiiehhhhh!!!"
Ano daw? Beb? "Oo! Punta ka dito ng lunch. Ipagluluto kita ng favorite mo beb.
Oo... sige... excited na din ako. Labyu beb! Byebye!"
Sam- (♥♥,)
Argel- (O_o)
Waine- (o_O)
Ako- (O.O)
"Ha?" Parang nag-blush pa siya. "Parang ganun din... complicated eh." Tapos
napahawak siya sa mukha niya. "Basta! Pakikilala ko siya sa inyo bukas. Sobrang
bait nun!" At umalis na siya para maghugas na ng plato.
Tulala naman kaming tatlo nina Waine at Argel na pumunta sa sala at naupo din sa
sofa ng sabay-sabay.
Pero hindi ko rin sila masagot ng matino eh. "Byron..." Napasandal na lang ako.
"Sinagot na nga niya kanina diba? Boyfriend daw niya!"
Napasandal din yung dalawa. Mukhang mga na-empacho na yung mga pagmumukha nila.
Kaya siguro hindi siya kinikilig saakin! Kaya pala walang talab yung mga killer
smile ko at mga da-moves ko! Kasi may boyfriend na siya! At hindi niya sinabi nung
una pa lang! Putek!!!
Teka, bakit nga ba ganito yung feeling? Nakakapanghina. Nakakaasar na ewan! Putek
ulit!!!
(๏̯̃..๏̯̃)
=================
Chapter 8
"Oo..." Hindi man lang nahiya! Hindi man lang tinanong kung gusto ko rin bang
kainin yun!
Tapos maya-maya, may pumasok sa bahay. "Magandang araw po!" Ang ko-korni ng mga
'to! Hindi bagay magbait-baitan!
"Ayos ha! Bigla na lang pumapasok! Hindi ba pwedeng magdoorbell muna o kumatok man
lang?"
"At tsaka! Pinapasok kami agad ni Rinoa eh." Tsk! Yun ang hirap kay Rinoa eh. Yung
security ko! Kapag naka-save na yung mukha nila sa face-recognition system,
papasukin na niya agad! Tuloy, ang kakapal-muks ng mga 'to!
Biglang lumapit si Sam. "Waine? Argel? Ang aga-aga nandito nanaman kayo?"
"Ayaw mo ba saamin Sam? Huhuhuhu..." Tukmol na 'to!
"Gusto rin naman namin makilala si Byron, Sam." Tapos tinignan nila ako pareho. Ano
kayang senyas yun.
"Wag na nga kayong mag-drama jan! Hindi bagay sa inyo." Hwahaha! Basag yung dalawa!
"Sige na, magluluto na ako for lunch. Dito na rin nga kayo kumain!"
Tapos bumalik na ulit sa pagluluto si Sam, kaya naiwan kaming tatlo sa sala. "Ano
nanaman ang trip niyo?"
"Idol, kailangan din naming makilala yung Byron na yun! Inunahan niya kami kay
Sam!" Binatukan ko si Waine! Sinabi nang wag nang targetin si Sam eh. "Joke lang
Idol!"
"Hindi Idol... gigisahin lang namin yung Byron na yun! Titignan namin kung anong
binatbat ng tukmol na yun!" Sus... isa rin siyang tukmol eh.
"Bahala kayo." Naupo naman ako sa sofa. Pero naisip ko, magandang idea yun ha!
"Hindi niya pwedeng agawin sa'yo si Sam noh!"
"Oo... tama ka jan... ha? Ulul!!!" Ano ba 'tong sinasabi ko! "Pakelam ko kung may
boyfriend na si Sam! Magsama sila noh!"
Naghintay kami ng ilang oras. Hindi mapakali yung dalawa, yan tuloy parang nahahawa
ako! Ano bang problema kasi? Nakakatuliling na eh!
Nang matapos nang magluto si Sam, sakto namang maynag-doorbell. Napatayo kaming
tatlo, at napatakbo na si Sam. "Si Byron na yun!"
"Agad?" Sabay-sabay naming sinabi. Dito nga kasi magla-lunch yung BF niya! Right
timing ha!
"Teka lang guys! Pagbubuksan ko siya!" Excited na sinabi ni Sam at lumabas na siya
papunta doon sa gate.
"This is it Idol! Tignan natin yung karibal ko... ay mo pala!" Siniko ko si Argel.
Ang tigas ng mukha mo ha!
Parang kaming tanga na nakasilip lang sa bintana. Tapos may pumasok nang lalaki.
Nagbatian sila ni Sam ng hug at kiss!
"Ay potek Idol! Yakap at halik oh!" Napakagat labi naman si Waine. "Ang sakit sa
puso!"
Tinulak ko naman si Waine at nabagok siya sa pader! "Wag nga kayong magulo dyan!"
Hindi ko alam kung bakit apektado sila masyado, nahahawa lang talaga ako. Langyang
Samira yan! Naiirita talaga ako!
^(ಠ_ಠ)^
"Oh my gosh beb! Nandito din yung mga friends ni Eli! Sina Waine at Argel."
"Ha? Puro lalaki kasama mo?" Parang nagulat si Byron nung sinabi ko yun sa kanya.
Nakakagulat naman talaga kasi. Nag-iisang babae ako at may mga kasamang nagga-
gwapuhang lalaki! Sino bang hindi magseselos diba!
"Oo... wag ka nang magselos okay! Papakilala kita sa kanila." Magkahawak kami ng
kamay ni Byron, at ang higpit ng hawak niya saakin.
Pagpasok namin, parang wala pa sa sarili sina Eli. Bakit kaya? "Guys! Heto nga pala
si Byron!" Nakatingin lang silang tatlo saamin.
"Hi." - (*.*)
"Hi." - (',')
"Hi." - (-.-)
Hi lang? Kailangan pare-pareho sila ng sasabihin? "Ah... Byron, heto nga pala si
Eli. Pamagkin ko. Nakikitira ako sa kanya. Tapos sila naman yung mga kaibigan niya,
sina Waine at Argel." Buti na lang at respectful si Byron at nag-offer ng shake-
hands.
Ang awkward lang naming lima. Ano kayang problema? Kaso hindi na nakapagbehave pa
si Byron. "Nakaka-Bitter Ocampo ka bebs! Ang haba ng hairora boulevard ha!"
"Talagang bang friends kayo nitong si bebe? Mga papabolz!!! Ang ang ya-yummy niyo!"
At kinikilig pa. "Nakakaselos much!!! Betsung ko ang mga shotokobells dito!"
Nakakahiya talaga! Kaso pagtingin ko sa mga itsura nina Eli.
"Uy teka wag kayong ma-threathen sa baklang 'to! Harmless talaga yan! Hindi kayo
ri-rapin niyan! Na-train ko yan!"
"BF nga! Bestfriend! Parang boyfriend din kaso complicated nga dahil bakla. Bading
friend! Hindi niyo ba na-gets?"
"Oo na! Parang kapatid ko na rin yan! Kambal nga kami niyan eh."
Tapos nagtawanan yung tatlo. Parang nakahinga sila ng malalim? "Yun naman pala yun
Idol!" Tapos inakbayan nila si Eli. Bakit ang sasaya nila?
Sabay-sabay kaming nag-lunch, at natuwa naman ako kina Eli dahil hindi naman pala
si allergic sa mga bakla. Yung iba kasing lalaking kilala ko, akala mo, hayop kung
ituring ang mga tulad ni Byron. Iritable talaga ako sa mga yun.
Parang close na nga sila eh, pero madalas lang talaga nila asarin si Byron. Ang
landi naman kasi eh! Nagseselos siya dahil puro gwapong lalaki ang nakapaligid
saakin! Infairness, ang swerte ko nga!
"Idol? Hindi nga?" Napasimangot sina Waine at Argel. Napanganga naman ako! Ganun ba
kasarap ang niluto kong kare-kare at naghimala yata si Eli?
"Hindi! Sige maghugas na kayo!" Tapos tumayo na ako. "Ang gwapo talaga ni Eli eh...
ang bait pa!"
"Awww! Eli, I love you much na talaga!" Yayapusin pa niya sana si Eli kaso pumalag
na ang mokong!
"Babangas kita kapag minanyak mo ko! Friends na nga tayo, mang-aabuso ka pa!"
Nagtawanan lang kami. Ang sungit pa rin talaga niya, kahit parang maganda ang mood
niya.
ͼ(⊙_⊙)ͽ
"Angal kayo?"
"Sabi nga namin kami na lang maghuhugas eh" Porket ba good mood mapaghuhugas na
nila ako? Well, masaya lang talaga ako! Hindi sa ibang BF pala yung Byron ni Sam.
Wag kayong mag-isip ng kung anu-ano! Basta masaya lang ako, bawal ba?
"Teka. Igagawa ko kayo ng merienda ha!" At nagpunta na ako sa kusina para gumawa ng
sandwich at juice. Maya-maya parang nakaramdam ako na parang may tao sa likod ko.
Nagulat ako paglingon ko. "Anak ng tinapa! Akala ko paranormal activity na!"
"Paranormal o paranoid?" Si Eli lang pala. Bakit kaya? Lumapit lang siya saakin at
nakatingin sa ginagawa ko. Nakaka-concious naman 'to! Mas naging ewan yung feeling
ko nung ngumiti siya saakin. "BF pala ha!"
"Ha? Si Byron?" Ang fishy talaga! Bakit si Byron na naman. "Eli, don't tell me...
ikaw kay Byron?"
"Ulul!" Kailangan magmura? Pero nakatingin lang siya saakin. Sabi ko nga, ang corny
talaga ng iniisip ko. "Ikaw ba Sam... never pang nagkakaBF? As in boyfriend?"
Kumakabog ang puso ko! Gawd! Yung titig niya! Kakaiba! "Wala pa..." Napalunok lang
ako.
"Never? NBSB?" Tapos parang kinagat pa niya yung labi niya! Sini-seduce ba niya
ako?
"Never. NBSB." Ngumiti siya tapos sumimangot ulit. Ang mood swing talaga nitong si
Eli! Ngingiti tapos sisimangot!
Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya at naamoy ko na siya. Ang bango! "Okay...
damihan mo ng cheese yung sandwich ko ha!" At bumalik na siya sa living room.
Ano ba 'to! Aminado naman akong ganun ka-gwapo si Eli! At pinaaalam ko naman kapag
kinikilig ako sa kanya! Kaso iba 'tong pakiramdam ko ngayon eh! Iba talaga! Ang
sikip ng dibdib ko na parang sasabog na! What the fu... fuss? Ano ba heart?
Natapos na nga yung project nila kaya nandito lang kami nakatambay sa sala.
Pinaglalaruan na nina Waine at Argel si Byron! Potek pala 'tong kaibigan ni Sam eh.
"Nakakalurqui kayo! Pa-lafesh naman ng fezlaks niyo!" Bading lang ba talaga siya?
Bakit parang alien siya kung magsalita?
Ano pa man yun! Parang alam ko na ang ibig niyang sabihin. "Gusto mong mabura ang
mukha mo?" Tapos nagtatawanan lang ulit kami. Seryoso ako nun.
"Ay beb! Bigyan mo na lang sila ng nicknames! Magaling ka dun eh!" Nickname?
"Wainey dear!!!!" Amputek! Ahahahahahahahaha! Ang baho! "Si Eli! Si Eli naman!"
Pagkasabi nung pangalan ko, kinabahan tuloy ako.
"Si Eli... Cash and carry ko 'to dahil betchiwariwariwaps ko siya... hmmm...
PAK!!!! Dahil kukuru-itaynes na me kay Eli... Eli-byu!"
"Eli-byu!" Inulit pa niya, tapos nag-heart sign na siya gamit ang kamay niya. "E-
LAY-BYU!"
"What the PAK!" At sabay-sabay silang nagtawanan! Yun pala yun! Eli... tapos byu?
Parang.... ihhhhhhh!!! Kadiri!!!! Inulit pa nila Waine at Argel habang tumatawa at
gumugulong na sila.
Tapos nung si Sam na yung nagsabi... "Eli-byu!" At nagwink siya saakin. Syet!
Parang nung ginawa niya yun, naka-slowmo pa.
"Haaaaahhhhhh?" Natigil silang apat. At ako din... ano nga bang sinabi ko?
Nakanampucha!
"Eli-byu your face!" Pinagpawisan ako dun ha. Kahit ako, hindi ko na alam yung
nasabi ko. Buti na lang nagtawanan na lang sila ulit. Huuuuh!!! Ano nga ba yung
sinabi ko? Pa-flashback naman oh!
(◐.̃◐)
Betsung ko ang mga shotokobells dito! - Gusto ko ang mga lalaki dito
Anik? Givenchy ko muna yung kay Argel... - Ano? Yung kay Argel muna...
Ang jirap! Ang byola ni Waine eh... - Ang hirap! Ang gwapo ni Waine eh...
Cash and carry ko 'to dahil betchiwariwariwaps ko siya... - Carry ko 'to dahil
gustung-gusto ko siya...
PAK!!! - Wow!!!
=================
Chapter 9
Kakaiba talaga yung kabaitan ni Eli noon eh! Biruin mo, naka-close niya agad si
Byron! At parang nabawasan yata ang pang-aasar niya saakin.
Pero sabi ko na nga ba! May sakit nga si Eli kaya ganun siya! Kanina kasi nung
ginising niya ako, parang wala pa siya sa mood. Nung pinagluto ko na siya, wala
naman siyang ganang kumain.
"May problema ba Eli?" Hindi siya sumagot. Parang namumutla pa yung mukha niya kaya
hinawakan ko ang pisngi niya.
"Mainit ka Eli! May sinat ka!" Mainit talaga siya. "Wag ka na munang kayang
pumasok? You should rest."
Hindi niya lang ako pinakinggan at kinuha na ang bag niya. "Exam namin ngayon."
Tapos tuluyan na siyang umalis. Ang tigas talaga ng ulo!
Sana pala nakinig ako kanina kay Sam. Ang sakit ng ulo ko, syet! Hindi ako makapag-
concentrate! Natapos yung first exam namin at meron kaming thirty-minute break. I
just kept quiet.
"Oo nga... mamaya na tayo mag-enjoy, okay?" Si Argel naman habang may kaakbay na
isa pang babae. Hindi naman talaga nagre-review ang mga kumag eh. Nagpapa-pogi
points lang sila sa mga girls.
Tinignan ko sila, at dahil sa killer looks ko, nalipat tuloy yung attention saakin.
"Hi Eli!" Nagpapa-cute na yung mga babae saakin.
"Idol! Wag mo namang saktan sina babylove namin! Ito nga pala si Shinaya!"
Inakbayan ni Argel yung Shinaya. Naku girls kung alam niyo lang, minamanyak lang
kayo niyan!
"At ito naman si Jeanena ng buhay ko!" Si Waine naman, ni-kiss yung kamay nung
Jeanena! Ay isa pang manyak... Kawawang mga babae.
Anyway, masakit pa rin ang ulo ko kaya hindi ko na lang sila papansinin. "Ang gulo
niyo." Lilipat na nga lang ako ng upuan, kaso parang nagdilim ang paligid ko, at
parang na-out-of-balace pa ako.
*buuuuuuuuuuuuuugggggggggg*
"Idol!!!!!"
"Eleazer!!!"
(ύ.ὺ)
"Heller? Anekwaboom ang problem mo beb?" Minsan, hindi ko rin talaga ang
maintindihan ang sinasabi ni Byron eh. "Knowsung kong iniisip mo ang kekirung si
Eli-byu"
"Si Eli nga! May sakit kasi yun ngayon eh! Kaso pumasok pa rin." Medyo naasar
ako...
"Hindi ko siya jowabelles noh! Pero pinagsabihan ko na siyang wag pumasok kanina."
"Ay! Rita Gomez nga beb! Pero kaplang ka teh! Dapat emeksenadora ka! What if he's
charboiled, you know? Josko!"
"Teka dahan-dahan nga badessa! Nagno-nose-bleed ako sa'yo eh!" Lalo tuloy akong
nag-worry. Tapos nadagdagan pa nung may tumawag sa phone ko. "Wait lang beb..."
"Sam! Si Eli, nasa clinic! Punta ka dito, taas ng lagnat ni Idol eh."
"Ano!!!"
Meron kaming group work ngayon, pero buti na lang at sinalo ako ni Byron. Pumunta
ako agad sa South Grisham High School at dumirecho sa infirmary nila. Nakita ko si
Eli na nakahiga sa kama doon at natutulog lang siya. "Eli?"
"Auntie ka niya?" Ayaw pang maniwala! Porket ba halos magkasingtanda lang kami,
hindi na ako pwedeng maging auntie? "Heto yung excuse paper. Papirmahan mo muna sa
adviser ni Mr. Pascual para makauwi na kayo."
"OO nga po." Umalis na lang ako agad at nagpunta sa room nila. Pagdating ko doon,
binati ako agad nina Waine at Argel.
"SAM!!!"
"Hi Sam!" Kinawayan ko na lang sila. Pinagtinginan tuloy ako ng mga classmates
nila, nakakahiya naman!
"Auntie ka niya? Niloloko niyo ba ako?" Tanong nung adviser. Nakakairita na talaga
ha! "Baka naman girlfriend ka niya!"
"Hindi po sir!" Ma-issue din ang matandang 'to! Namula tuloy ako nang hindi oras!
"Tawagan niyo pa po yung mommy ni Eli, auntie niya po ako." Anyway, hindi naman ako
dapat mag-explain eh. Kailangan na namin umuwi ni Eli. "Papapirmahan ko po ito sa
inyo, para makauwi na ang PAMANGKIN ko."
Ang weird pa rin ng tingin nung adviser nila, pero pinirmahan na rin niya. Balita
ko kasi, takot 'to kay Eli eh. "Thank you sir!"
"Ikaw na bahala kay Idol, Sam!" Bugoy lang din 'tong sina Argel at Waine, pero alam
kong nagwo-worry pa rin sila kay Eli. Tinanguan ko na lang sila. Don't worry guys,
I'll take care of him.
^(◐.̃◐)^
Nakauwi na kami at inasikaso ko agad si Eli. Syet! Ang init nga niya! Ang taas ng
lagnat niya!
"Hello, ate Pia... Opo, nasa kwarto po siya ngayon, nagpapahinga." Tinawagan ko si
Ate Pia para hindi siya mag-worry sa anak niya. Nakarating na kasi sa kanya yung
balita eh. "Wag kayong mag-alala, ako nang bahala sa kanya."
"Natutulog po siya ngayon... kaso hindi pa rin bumababa yung temperature niya. Ang
ikinakatakot ko lang po, kanina pa siya sumusuka eh."
"Ganun talaga si Eli pag may sakit eh. Wag mo lang siyang hayaang ma-dehyrated
Sam."
"That's my problem! Kanina ko pa siya pinaiinom ng tubig, kaso wala daw gana...
lalo lang sumasama pakiramdam niya."
"Ah... Ganun! Sige po! Bibili ako nun! Okay... sige po... ako nang bahala kay Eli.
Wag na kayong mag-alala Ate Pia. Bye." At naputol na ang usapan namin.
Tumingin ako sa orasan, alas-onse na ng gabi! Kaso kailangan kong bumili nung
kailangan ni Eli. Umakyat ako papunta sa kwarto niya, "Eli... gising ka pa?"
Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya, "Bakit?" Mahina lang ang pagkakasabi
niya, naaawa tuloy ako! Putlang-putla na siya dahil sa kanina pa siya sumusuka. Ang
malaks na si Eli, nanghihina din pala.
"11 pa lang. Wag kang mag-alala, may bukas pang tindahan ngayong oras na 'to."
Tumayo ako kaso pinigilan niya ako sa paghawak niya sa kamay ko.
"Wag na! Gabing-gabi na!" nahawakan nga niya ako, pero hindi ganun kahigpit. Ganun
siya kahina ngayon.
"Sheesssshhh Eli!" Hindi ko na siya piantapos dahil wala nga siyang lakas,
magsasalita pa siya. "Sandali lang talaga ako! Kailangan mo yung bibilhin ko.
Magpahinga ka lang jan ha!"
Umalis na ako agad ng bahay. Nilakad ko lang papunta dun sa tindahan. Medyo madilim
nga yung daan, kaso tinapangan ko na lang ang sarili ko para kay Eli. Inabot pa ako
ng kamalasan nang bigla na lang ulan!
Pagdating ko sa tindahan, bumili ako agad ng tatlong malalaking bote ng gatorade.
Bimili din ako ng cool-fever at gamot niya. Nagmamadali ako dahil napansin kong mas
lumalakas ang ulan! "Takte naman! Bakit umulan pa! Wala pa naman akong payong!"
"Miss, ikaw lang mag-isa? Nang ganitong oras?" Tanong saakin nung saleslady.
"Nakow, bakit wala kang kasama? Dapat hindi ka umaalis nang mag-isa kapag ganitong
oras na! Ang dami pa namang adik jan."
Kinabahan tuloy ako! Si ate nananakot pa! "Okay lang po, sa Sierra Grisham Village
naman ako. Malapit lang bahay namin."
"Kahit na. Naglipana ang iba't ibang gang jan sa kalye. Lalo pa ngayong madilim na!
Mag-ingat ka sa pag-uwi mo. Baka mapag-diskitahan ka pa ng mga adik na yun!"
"Po? Sige ate, salamat po sa warning niyo." At salamat din sa pananakot! Sana hindi
ko na lang nalaman! Para hindi ako kinakabahan nang ganito ngayon!
Nagmadali ako kahit sobrang kaba na. Kaso nang mapalapit na ako sa gate ng village,
nakakakita ako ng grupo ng mga lalaki. Ito na siguro yung sinasabi ni ate kanina.
"Shocks... anong gagawin ko! Mukha silang nakakatakot!" Nag-tago ako sa may tabi,
bakit kaya sila nag-aabang dun? Paano ako dadaan dun?
Mas nagulat ako sa mga sumunod pang nangyari! May tatlong lalaking dumating, at yun
pala ang inaabangan ng grupong ito. Binugbog nila yung tatlong lalaki, parang
pinapatay na nila! Lalo akong kinabahan sa nakikita ko.
Paano kung makita nila ako! Paano yung tatlong lalaking yun! Ano ba! Paano si Eli?
Hinihintay niya ako! Aatakihin na yata ako sa puso sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
Lalo lang naging blanko ang isip ko nang maramdaman kong may tao sa likod ko. Hindi
ko siya namukaan, at tinakpan niya ang bibig ko at dinala ako sa may eskinita.
Nagpupumiglas ako, pero hindi ako makawala sa kanya.
"Ano nanaman 'to! Tulungan niyo ako! Anong gagawin saakin ng lalaking 'to!" Ang
nasabi ko sa sarili ko.
Naisip ko rin yung gustong sabihin saakin ni Eli kanina... "Wag na Sam... hin...
hindi... kita kayang..." Hindi niya ako kayang ipagtanggol ngayon? Saklolo!
Tulungan niyo ako!
ͼ(⊙_⊙)ͽ
=================
Chapter 10
"Wag kang maingay Sam... baka marinig nila tayo." Bulong niya.
"E... Eli?" Nakayakap siya saakin mula sa likod, at pasilip-silip dun sa mga
lalaking nagbubugbugan. "Anong ginagawa mo dito."
"Sinundan kita... dahil alam kong delikado na kapag ganitong oras." Tapos bigla
siyang napapikit, at napaupo kami pareho. Nanginginig siya, at nagi-guilty tuloy
ako.
"Anong gagawin mo kapag hindi kita sinundan? Papahamak mo sarili?" May point siya
dun. I felt safer kasi ngayong nandito siya.
"Sino ba yung mga yun? Binubugbog nila yung mga kawawang lalaki... humingi tayo ng
tulong Eli."
"Gang war yan... wala tayong magagawa sa mga yan. Kapag nahuli nila tayo na nakita
natin sila, baka tayo naman ang pagdiskitahan nila." At tumitig siya saakin. "Kung
hindi lang ako nanghihina, kaya sana kitang ipagtanggol ngayon eh." Tapos umiwas
ulit siya ng tingin.
Medyo lumakas ang kabog ng dibdib ko. Parang napapadalas na yata 'to eh. "Pero
paano ka? Hinang-hina ka na nga!"
"Just keep your mouth shut, Sam." Tapos ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko
habang yakap pa rin niya ako. "Just trust me..." Malamig pa dahil mas lumalakas ang
ihip ng hangin. At ramdam na ramdam ko na nanginginig siya sa lamig. "Pag-alis
nila, saka na rin tayo makakaalis."
* * *
Half an hour na kaming nagtatago at nakababad sa ulan. Nung pagsilipulit ni Eli,
wala na yung gang at yung tatlong taong nabugbog kanina. Tumayo na kami pareho,
pero mahigpit pa rin ang kapit niya saakin. "Tara Sam, dalian natin..." Tapos
parang na-out-of-balance siya kaya napayakap ako ulit sa kanya.
"Sige Eli... kumapit ka lang saakin." Tapos dali-dali kaming umalis para umuwi na.
Lalo ngang lumakas yung ulan, at habang akay ko si Eli, nararamdaman kong sobrang
pagod na siya. Sorry Eli, I did this to you.
Pagdating namin sa bahay, bumagsak agad sa sofa si Eli... umuubo siya at namumutla
nang sobra... "Eli... basa ka naman na, ang mabuti pa mag-shower ka sa maiinit na
tubig!" Pinilit ko siyang itayo papunta sa kwarto niya at para makaligo siya
sandali sa mainit na tubig.
May lakas pa naman siya para maligo mag-isa... sayang! Joke lang! This is a no
laughing matter! Baka lalo lang tumaas ang lagnat niya!
Paglabas niya, naka-white t-shirt lang siya at pajama. Kumuha ako agad ng tuwalya
para patuyuin ang buhok niya. "Ako na Sam."
"Okay lang Eli! Dapat matuyo agad yang buhok mo para makapagpahinga ka agad."
Hindi siya makatingin saakin, parang nahihiya pa yata! Eh ako nga ang dapat mahiya
sa problemang binigay ko! "Hindi ka pa nga nakakapagpatuyo sa sarili mo eh."
"Wag mo akong isipin! Ikaw ang may sakit!" Pinupunasan ko pa rin yung basa niyang
buhok, kaso hinila niya yung tuwalya at hinawakan ang kamay ko.
"Kapag ikaw naman ang nagka-sakit, anong gagawin ko? Wag mong subukang pag-alalahin
ako!"
(O.O)
.
"Ha?"
➳♥
Umiwas na lang ako ng tingin. Parang nag-iinit kasi ang mukha ko. "Okay... sige...
maliligo na ako." Tapos tinalikuran ko na lang siya. "Ichi-check na lang kita
mamaya." At tuluyan na akong lumabas ng kwarto niya.
Naligo na ako at nagpatuyo na rin sa sarili ko. Pagkatapos nun, dinalaw ko na ulit
si Eli sa kwarto niya. Natutulog na siya kaso medyo basa pa rin ang buhok niya. Ang
tigas ng ulo!!! Pero kesa naman sa gisingin ko pa siya, pinabayaan ko na lang din
siyang magpahinga.
Alam ko na din pala kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko... kasi nga natakot
ako sa nakita kong bugbugan kanina. Yun nga yun... yun siguro yun!
Ang sarap ng naging tulog ko ah. Hindi na masyadong masakit ang ulo ko, at paghawak
ko sa noo ko, may nakalagay pang cooler patch. Effective nga, hindi ko na
nararamdaman yung init sa mukha at katawan ko.
Natawa ako pero hindi ko nilakasan, tapos kinuha ko yung camera ko para picturan
siya.
Saving 36 images... ganun karami ang kuha ko? Teka... bakit ko nga ba siya
pinipicturan?
Joke lang... Wala akong ni-delete... Sayang eh... at tsaka tinamad ako, okay?
Tulog mantika talaga 'to! Ang hirap gisingin! Kapag nga siguro hinalikan ko siya,
hindi pa rin magigising eh... hmmm. Pwera na lang kung maalab na halik yung gagawin
ko. Magising kaya siya?
*dugdug*
Parang bumabalik yung lagnat ko? Nag-iinit na naman yung mukha ko eh... Ang
manyakis ko pa pakinggan! Syempre hindi ko gagawin yun! Gentleman ako noh!
Putragis yan! Makaalis na nga! Natutulog lang siya eh kung anu-ano nang iniisip ko.
"E... Eli? Gising ka na?" Nakayuko siya, parang si Sadako! Mukhang enggot lang!
Potek na yan! Nananaginip nga! Ito ang hirap kapag kumakausap ka ng nagsleep-talk
eh. "You want me to kiss you? Now? For real?" Isang maling sagot lang Sam,
tototohanin kita.
Tapos natahimik na siya... bakit hindi ka sumagot!!!!!! "Sweetie? Honey? Are you
still there?" Potek... wala na! Natulog na ulit siya! "Argh!!!" Makababa na nga
talaga!
Nahahawa na din talaga ako sa kamanyakan nina Argel at Waine eh. Pero sayang
talaga!
(ύ.ὺ)
"Eli?"
Nagising ako kanina na wala na siya sa kama, at pagbaba ko, nandito siya at nakaupo
lang sa sofa nila. "Yow! Gising ka na pala."
Then I reached for his cheeks. "Medyo bumaba na ang lagnat mo. Pero wag ka na
munang pumasok ngayon ha, baka mabinat ka pa."
Naalala ko tuloy yung napanaginipan ko! Meron daw akong hubby, at kaboses pa nga ni
Eli eh. Tapos gusto daw niya akong halikan! Ayiieeehhh!!! Sayang hindi lang
natuloy! Epal din yung panaginip ko na yun eh! "Ah! Ipagluluto kita ng sopas... ang
mabuti pa, matulog ka na lang ulit Eli."
"Oh...okay." Tapos nahiga siya sa sofa at pumikit-pikit. Grabe din talaga 'to pag
may sakit! Ang bait na, masunurin pa, ang dali pang kausapin!
Pero may something fishy eh... hindi siya makatingin saakin straightly kapag
kinakausap ko. May ginawa kayang kalokohan 'to kahit nanghihina siya? Hmmm...
Mabilis ko din natapos yung pagkain namin, at dahil sa caring ako, pinag-serve ko
pa talaga siya. Dinala ko na yung pagkain niya sa living room. "Mainit yan ha,
gutso mo hipan ko?"
"Kahit na sobrang sama na ng pakiramdam mo, sinundan mo pa rin ako. Buti nga hindi
lumala yung sakit mo eh."
"Tsss!!! Sige na lang! Sa tuwing gumagawa ka ng mabuti, ayaw mo pang i-admit! Alam
ko naman na kaya mo ako sinundan dahil... ayaw mo akong mapahamak. Napapamahal ka
na sa auntie mo, aminin mo na."
"Bakit Eli... hindi mo pa rin ba ako gusto hanggang ngayon?" Malulungkot ako kung
sasabihin niyang hanggang ngayon, sasabihin niyang hindi pa rin kami close.
Parang nabulunan siya sa sinabi ko. Ano bang kagulat-gulat dun? Tapos napatigil
siya sa pag-kain niya para ipakita saakin yung seryoso at gwapo niyang mukha.
"Bakit Sam... ngayon ba, may gusto ka na saakin? In love ka na saakin?"
Napatayo ako bigla. Medyo naaasar akong sinabi niya yun! Pero mas nasasaktan ako,
at hindi ko alam kung bakit! Ayoko ng joke na yun! Ayoko dahil sa kanya nanggaling!
"Ah ganun ha!!! Wag ka lang ding ma-iinlove saakin at magiging sunud-sunuran ka
saakin!"
Ang... ang yabang!!! Nakow!!! Maghunos-dili ka Sam! Baka makalimutan mong may sakit
pa ang mokong na 'to! "I will never fall in love with you!!!"
Pagkasabi ko nun, biglang nagbago yung reaction niya. From teasing... to a very
serious mode. "Never? We'll see Sam... we'll see." Tapos saka siya nag-smirk.
Teka... ano bang nangyayari kasi? Dapat nagte-thank you ako ha! Paano ba kami
napunta sa topic na 'to? Me... mai-inlove sa kanya? Jusme!!! Ano naman yun? Eli...
ano ba talagang tumatakbo jan sa utak mo?
(►.◄)
=================
Special Chapter 1
Tunay ngang magulo ang utak ni Eli. At kung ikaw si Sam, good luck sa pagbasa sa
ugali ng pamangkin niyang yun. Pero heto po ang isang secret letter na hindi kailan
man maibibigay ni Eli para kay Sam. Alam kasi ni Eli ang mga pwedeng good and bad
reaction ni Sam tungkol dito. At kahit siya, aminadong marami pang pwedeng mangyari
sa kwento nila.
Tayo lang po ang makakalam nitong letter na nagpapakita ng totoong saloobin ni Eli
tungkol sa kanilang dalawa ni Sam.
A Secret Letter
-The End
Sinulat niya ito, in a very poetic manner pero during this time, magulo po ang utak
at puso ni Eli. Magbago kaya ang isip at nararamdaman niya sa mga susunod na
chapters ng buhay nila? Wag po sana tayong atakihin sa mga nabasa natin, dahil ang
kwento nila Sam at Eli will always be full of surprises!
=================
Chapter 11
Anak ng tipaklong! Simula nang gumaling si Eli, lagi na niyang line yun. Nakakahiya
dahil parang ewan lang din ang reaksyon ko sa tuwing babanat siya ng ganun.
"Sige Sam, kapag inamin mo saakin ngayon yun, kakalimutan kong incest yun!
Bwahahaha!"
"Kapalmuks mo din Eli!" Nahihiya ako! Hindi tuloy ako makatingin sakanya ng
direcho. Nakasinghot yata ng mabahong medyas ang lalaking 'to eh. "Alam mo feeling
ko ikaw ang may gusto na saakin eh."
Tapos tumigil siya sa pang-aasar at pagtawa niya. "Feeling mo lang yun... pero
bakit? Ayaw mo ba... kung sakali?"
"Si... sira ulo!!!" Nagwalk-out na lang ako. Lagi na lang akong asar-talo sa kanya.
Sino ba naman kasing babae ang hindi mako-conscious kung sasabihan ka ng ganun! And
to think na kaming dalawa lang ang nakatira sa iisang bahay!
Nagtago na lang ako sa kusina, kasi parang nagba-blush na ako. Pag nakita nanaman
niya ako, katakut-takot nanamang pang-aasar ang gagawin niya.
Maya-maya, narinig kong kumakanta ang mokong habang nakikinig sa iPod niya.
Tapos parang ewan, bigla siyang tumingin sa direction ko. Nakakaloko na talaga
siya!!! "Ganda ng boses ko noh... nakaka-inlove ba?"
"Tssss..." Nag-roll eyes lang ako, pero infairness, maganda nga ang boses niya!!!
Natahimik siya sandali, tapos tinuloy lang din yung kanta niya...
"It's time for us to make a move cause we are asking one another to change
Argh!!! Matagal ko nang alam yang kantang yan, kaso ngayon ko lang parang naa-
appreciate yung song. Tinuloy niya lang yung pagkanta, tapos minsan nagha-hum lang
siya. Hanggang sa mapunta na siya dun sa last part ng song...
Natahimik lang kami pareho. Sige na!!! Siya na maganda ang boses! Try niyo din
pakinggan yung kanta... at ewan ko na lang kung hindi niyo ma-imagine si Eli...
(A/N: Yung kanta pong kinakanta ni Eli ay "TRY" by Asher Book, from the movie
"Fame". I recommend you listen to the full song. Pero kung tinatamad naman kayo,
panoorin niyo na lang 'tong scene na 'to dun mismo sa movie.)
ͼ(ͽ)ݓ_ݓ
Katatapos lang namin mag-lunch ni Eli, at dahil sa trip niya kanina, na-LSS tuloy
ako sa kinakanta niya.
Buti na lang nalipat ang atensyon namin nung may pumasok bigla sa bahay. As usual,
sina Waine at Argel na hindi alam ang salitang 'katok-muna-bago-pasok' o 'pasabi-
muna-bago-dalaw'.
"Hello!!!" Nag-apir kaming tatlo, pero hindi lang sila pinansin ni Eli.
"Nandito na naman kayo?" Teka, linya ko yun ha! Si Eli na ang nagsabi?
"Kayo ha, napapansin kong pareho na kayo ng mga linya ni Sam." Uy!!! Napansin pala
ni Waine!
"Oo nga!!! Baka may something na Waine!!! Alam mo na, nung inalagaan ni Sam si idol
nung may sakit siya, may nadevelop!"
"Ahahahahahahaha!!!"
"Pumunta lang kayo dito para umepal!" Sinupalpal bigla ni Eli ang pagmumukha nila.
Ang sadista talaga nito! Pero okay lang naman sa kanila ang magsakitan eh, wala
namang pikunan.
"Bakit nakaka-abala ba kami?"
"ULUL!!!"
"LOL!" ANg kulet din ng dalawang 'to! Pero mabuti na rin na nandito sila, para
matigil sa pangbu-bwiset 'tong si Eli. Time naman para siya ang mapunta sa hot seat
ng kalokohan ng mga kiabigan niya. "Anyway, since nandito tayo, tawagan ko na rin
kaya si Byron."
Syempre alam ko namang hindi sila papayag! Kema-macho at kega-gwapong lalaki tapos
maririnig mong magsalita ng ganun diba. Baka isipin pa ng iba na bekimon sila!
Ahahahahaha!!!
"OH SIGE!!!" Ha... ano daw? Talaga bang gusto nila?
"O ako muna!!! Magagamit naten 'to against kay Sir Kulot!" Ah kaya pala gusto
nilang matuto para sa kalokohan nila laban sa terror nilang adviser! "Ano yung...
Hindi ko alam at wala akong pakealam!"
"Ha?"
"Malaysia at Pakistan! Malay ko, paki ko? Na-gets niyo?" Yun yung naalala kong
itinuro din saakin ni Byron ha!
"Ahh..." Parang malaking kalokohan yatang nagtu-tutor ako sa kanila eh. Dapat si
Badessang Byron ang nandito! "Ay eto naman! Para sa mga babyloves ko!!! Ano yung...
Pwedeng makahingi na kiss?"
"Ha!!! Lapchukan? Sige Argel, sabihin mo yun sa mga babyloves mo, tignan natin kung
makipag-lapchukan talaga sila sayo! Ahahahahahaha!!!"
"Teka, wala ka bang alam na mas nakakatuwa? Dali ituro mo!" Aba, si Eli mukhang na-
excite bigla! May naisip tuloy ako bigla!
"Meron! Tinuro saakin ni Byron 'to... napanood niya daw saisang gag show sa TV...
pinoy game, gusto niyong laruin?" Please um-oo kayo!!! Nakakatuwa 'to kapag ginawa
nila!
"Walang bawian ha!" Tapos tinuro at pinakabisado ko na sa kanila yung song. Game
naman masyado yung tatlo! Ahahaha!!! I can't believe it!!!
Nagtinginan kaming apat, ang matatalo kasi, siya yung magiging taya at kakanta ng
tinuro kong Bekimon version ng isang sikat na pinoy game.
Parang wala pa sa kanila ang gustong magpatalo, ayaw magsikanta. "Bato-bato
pick!!!"
"Wag kang pikon! Dali! Kanta na! Magtatago na kami!" Oh yes! You heard it right!!!
Maglalaro nga kami ng tagu-taguan!
Pinipigil lang namin yung tawa namin eh... lalo na ako!!! Ilang sandali pa, narinig
ko nang kumanta ang gwapo kong pamangkin.
"Shogu-shoguan
pag-counting ng krompu
naka-shogu na kayey
Jisa, Krolawa, Shotlo, Kyopat, Jima, Kyonim, Nyotert, Walochi, Syamert, Krompu!
Ang sakit na ng tyan ko! Kanina "TRY" lang ang kinakanta niya, ngayon naman "SHOGU-
SHOGUAN!"
(≧◡≦)
Heto na yata ang karma ni Eli eh. Napag-tripan na, napakanta ko pa ng Shogu-
shouguan. Asar-talo naman ang timang nang atakihin niya sina waine at Argel!
Magaling lang sa taekwondo ang tapang na!
"Four knuckle strike! Yahhh!" Feel na feel niyang sinigaw nang sikmuraan niya si
Argel.
Tapos tumingin siya saakin, potek naman nakakatakot siya! "Auntie Sam, gusto mo ng
tornado kick? Reverse turning kick kaya? O Spinning side kick na lang! Pili ka!"
"Walang ganyan Eli! Wag mong mong sabihing pumapatol ka babae." - (ό_ὸ)
"Pumapatol nga ako." Tapos sandali pa, parang hinahanda na niya yung foot stance
niya. Matatadyakan yata ako nito. Dali Sam!!! Isip ka ng self-defense...
"Yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"
"Ha?" Napatingin sila Waine at Argel saakin nang mapatumba ko si Eli na namimilipit
sa sakit. "Anong nangyari?"
"Amp..." - ͼ(ಠ_ಠ)ͽ
Nilapitan ko na lang siya, naawa ako eh. "Ikaw naman kase eh... bati na tayo Eli!!!
Sige na Eli-byu na ulit."
Natahimik na ang kumag dahil kapag sinubukan niyang saktan ulit kami, hindi ako
magdadalawang-isip na basagin siya ulit. "Mangma-manyak ka na lang, mananakit ka
pa!"
"Wala!!!" Dapat lang noh! Papalag pa eh. This isn't your day Eli!
Ahahahahahahaha!!!
* * *
Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan namin, nang biglang may mag-park na sasakyan sa
labas ng bahay ni Eli. "Teka sino na naman yun? Pinapunta mo ba talaga si Byron,
Sam?"
Maya-maya, bumukas agad yung gate. Pinapasok ni Rinoa ang isang medyo matandang
lalaki na may dala-dalang mga maleta.
"Tito?" At gulat na gulat din sina Argel at Waine... teka. Tito daw! So ibig bang
sabihin, tatay siya ni Eli?
"Aren't you happy I'm here? I just came back from Korea!"
"Geu-rae-seo? (Yeah, so?)" Sa boses pa lang ni Eli, parang pati yata papa niya,
sinusungitan niya.
"Aish!!! Jang-nan-kku-reogi! (You rascal!)" Tapos tinapik niya ang balikat ni Eli.
"Don't worry, I won't stay here for too long! I just came back for a business trip
in Davao!"
"Jeong-mal? (Really?) Then welcome back appa!!!" Ano kayang usapan yun? Hindi ko
maintindihan. Buti pa yung iba jan, may translation.
Tapos napatingin siya kina Argel at Waine. "Boys!!! Hindi niyo ba sasalubungin ang
tito niyo?"
"Hello po tito!!! Welcome back!!!" Tapos nag-group hug sila. Na-OP tuloy ako, ako
lang hindi nakakakilala sa kanya eh.
Tapos napatingin siya, "Whose girlfriend are you, miss beautiful?" Ay ang bait ng
daddy ni Eli! Bakit hindi nagmana ang anak niya sa kanya?
"Mine!!!" Loko-loko talaga 'tong sina Waine at Argel kaya binatukan sila ni Eli.
"Hindi po.. I'm Samira... Almirez...?" Nakakahiya naman kasi. Kapatid ako ng bagong
asawa ng ex-wife niya.
Tapos nginitian niya ako. "Ahahaha!!! I know already, I'm just kidding. I'm
Eleazer's father, you can also call me your 'Appa'!" Sabay kindat saakin.
"Appa ka jan!" Parang ewan lang yung reaction ni Eli. Bakit ano ba yung appa?
Teka... yun yung tawag niya sa papa niya kanina ha. Papa? Tatawagin ko siyang papa?
"Pia told me about you living here with my son. So... how's it with him?"
Tinawanan niya lang kami, ang sarcastic kasi ng pagkakasabi ko. "You're such a nice
fine girl. Did I already mention that you're pretty?"
Ahahahahaha!!! MAgakaksundo kami nitong daddy ni Eli! "No tito... sabi mo kanina
beautiful... ngayon pretty!"
"Ang korni mo Argel! Isa lang yun!" Nagtawanan kami, sobrang ka-close kasi nila si
appa... errr... sabi niya tawagin ko siyang ganun eh.
"Ahem... Appa! Na-reul it-jji marayo! (Don't forget about me!)" Napalingon kami sa
isa pang boses na parang kapapasok lang. "Eli oppa! Dang-sini na-bogo sipeo-sseoyo?
(Did you miss me?)"
"Sunmi?" Gulat na gulat sila... at lalo ako. Ang gandang babae naman nito, and I
bet na Koreana siya sa itsura pa lang niya.
"Jeo dora wa-sseoyo!!! (I'm back!!!)" Lumapit siya saamin, pero niyakap niya nang
mahigpit si Eli... wait... eh sino si Sunmi? "Appa's going to Davao, while I'm
staying here with you, Eli oppa!" Ang landi ng pagkasabi niya nun.
(⊙.⊙')
=================
Chapter 12
"Sunmi?" Hala!!! What is she doing here? Bakit sumama si Sunmi kay Appa?
"Jeo dora wa-sseoyo!!! (I'm back!!!)" Tapos lumapit siya saakin at niyakap ako
agad. "Appa's going to Davao, while I'm staying here with you, Eli oppa!"
"Ha... a... ano?" Napatingin ako kay Sam, para lang akong ewan. Nakakahiya kasing
makita niya akong may kayakap na iba. Nakakabawas sa Mr. Sungit reputation ko!
"Appa?"
"Iju jeo-nyong!"
"Two weeks?"
"Geuman, Eli! (Stop that, Eli!) Let her stay here." Tapos napatingin siya sa
wristwatch niya. "I still have flight to Davao so I better leave now. Sam, can I
ask you a favor...?"
"Yes... appa?" Potek naman 'tong tatay ko oh! Bakit gusto niyang tawagin siyang
Appa ni Sam? Kakahiya! Ampness!
"Can you look after my children? Within two weeks, I'll be back." Kami? Babantayan
ni Sam? Ahahaha!!! Sarili nga niya hindi niya mabantayan eh! Adik din 'tong si
Appa, ano bang tingin niya kay Sam? Ganun ka-reliable! Tsk! "Then after two weeks.
Sunmi and I will be back to Korea."
Walang ibang nangyari! Alangan namang ikwento ko pa ang ka-cheesihan nitong tatay
ko! Umalis na siya agad kaya kaming lima na lang ang naiwan ulit dito sa bahay.
Kay gandang nilalang naman 'tong Sunmi na 'to! Narinig kong step-sister daw siya ni
Eli. "Yeah!!! You can call me Auntie Sam." Ang saya ko naman noh!
"Waine and Argel... it's really nice to see you both here!"
Nginitian lang nina Waine at Argel si Sunmi. Bakit parang hindi sila masaya eh
galak 'tong mga 'to kapag nakakakita ng magagandang babae.
"Oo nga. Bye na din Sam... next time na lang ulit." Teka? Bakit aalis sila agad?
Nagtinginan lang ang tatlong magkakaibigan, tapos umalis na din agad sina Waine at
Argel. Parang nag-iba ang aura nila, bakit kaya? "Sam, hatid mo kami sa gate."
Iniwan namin sina Eli at Sunmi dun sa living room at hinatid ko na yung dalawa sa
gate. Maya-maya, inakbayan ako nina Waine at Argel at may ibinulong sila saakin.
"Ha? Bakit? Mukha naman siyang mabait ha! Ang cute pa nga niya eh."
"Tsk... maniwala ka saamin Sam... malalaman mo agad yung ibig naming sabihin."
"At payo lang Sam, wag kang masyadong lumayo kay Eli ngayong kasama niyo na si
Sunmi."
Nagtinginan lang silang dalawa tapos umalis na din sila agad. Bakit ayaw nila akong
sagutin? Kung payuhan nila ako, parang halimaw si Sunmi at kailangan kong mag-ingat
ha.
(๏̯̃.๏)
"Don't bother oppa!" Tapos tumingin siya saakin. "I want Auntie Sam to help me in
unpacking my things. Is it okay with you, Auntie?"
"Ah... Sure!" Teka, ibig ba niyang sabihin, ako pagbubuhatin niya ng mga gamit
niya. Sige na nga lang, ako na mabait!
Binitbit ko nga ang mga bag niya, at ano bang 'tong mga dala niya? May laman ba
'tong mga bloke ng bato! Bakit ang bigat? Pag-akyat namin, dun siya dumirecho sa
kwarto ko...
"What the hell!!! What's with this crappy things!!!" Tama ba yung narinig ko?
"Um... Sunmi, this my room, and those are my things. You can have the other
room..."
"Says who?"
"Ha?" Nakatingin siya saakin, at parang nawala yung pa-sweet image niya ngayon.
"Pero Sunmi..."
"May problema ba?" Biglang dumating si Eli. Ayun tamang-tama! Siya nga kumausap
dito sa kapatid niya!
"Ah... oppa!" Bipolar ba ang babaeng 'to, change attitude nanaman! "I told Auntie
Sam na room ko itong gamit niya ngayon. So... I'm asking her kindly if she can move
to the other room because I really miss this space." Ay! KINDLY asking me daw???
Ampakyut!!! Ang bait ng pagkasabi niya ngayon, samantalang kanina, kulang na lang
sabihin niyang lumayas na ako!
"Ganun? Sige na Sam, ikaw na lang lumipat. Kwarto din talaga 'to ni Sunmi eh."
Katatapos ko lang ayusin ang gamit ng impaktitang Sunmi na yan, at ni hindi man
lang siya tumulong. Gamit ko ba 'to, katulong ba niya ako! Grrr...
Anyway, para na rin akong maglalayas dahil lahat ng gamit ko, nakalagay na sa bag.
Maglilipat-kwarto na ako!
"Before you go, let me clear something to you, Sam." Sam? Kanina may auntie pa yun
ha! "Kilala mo ba kung sino ang sabit sa bahay na 'to?"
"Teka Sunmi, ano bang problema mo? Kanina mo pa ako sinusungitan ha. I didn't do
anything to you."
"No... THAT'S THE PROBLEM! Who the hell are you anyway... bakit kailangan mong
makasama si Eli sa iisang bahay!"
Wait... what? So kaya siya nagagalit dahil magkasama kami ni Eli sa iisang bahay?
Nagseselos siya? Diba step-siblings sila? Don't tell me may gusto si Sunmi kay
Eli...
"Never make me mad Sam! 'Coz I can make my two week stay here, the WORST TWO WEEKS
of your life!" Tapos tinulak niya palabas at tinapon ang mga gamit ko. "Wag na wag
ka lang ding magsusumbong kay Eli, or you'll regret it!" Then she banged the door
on my face.
Teka lang ha... sa bago kong kwarto... yung kwartong ipinananakot saakin noon ni
Eli. (A/N: Please refer to Chapter 5) Kahit na joke niya lang yun kwento niyang may
multo sa kwartong 'to, natatakot pa rin ako. Errr... anong gagawin ko, papasok ba
talaga ako dito?
(╯﹏╰)
"Nakakaloko ka kasi eh!" Swerte naman pala ako sa lilipatan kong kwarto eh! Ang
ganda pa ng view sa malaking bintana, mas maganda kesa sa view nung kwarto ko!
Lamunin na ni Sunmi yun! "Dito na lang ako forever!"
"Forever?"
"Ano ba, wag mong gawing literal! Hindi na ako lilipat ulit sa kwartong yun kahit
umalis na si Sunmi! Mas maganda sa room na 'to eh."
"Ikaw bahala... nati-timawa mode ka naman eh. Ahahaha!!!" Nang-asar pa, anyway
tinulungan naman niya akong buhatin ang bag ko at mga gamit ko para ilipat sa
kwartong 'to!
Naupo din sa tabi ko si Eli, uy bakit kaya? Parang ang seryoso ng mukha niya, at
lalim pa ng iniisip ng mokong! Ano kayang tumatakbo sa isip niya. Isip ka nga ng
topic Sam... "Si... si Sunmi. Close din kayo noh."
"Yeah...Why?"
"Wala naman... um... how about kina Waine at Argel?"
"Hmmm... nope."
"Bakit?"
"Ewan... malay ko sa dalawang yun, hindi nila masyadong ka-close si Sunmi eh."
Haizz!!! Hindi nga siguro alam ni Eli na bruhilda yang si Sunmi. At parang may
gusto pa sa kanya ang step-sister niya kaya ang sama ng tingin saakin. "Si Sunmi,
we're not blood-related or anything. Magstep-siblings lang kami in papers."
That's why!!! Meaning, pwede pa siyang habulin ni Sunmi! teka, bakit ba ako
naaasar. "Ah so pwede pa rin pala kayong... alam mo na..."
"As if?"
"As if yung saamin ni Sunmi!!! Kapatid ko lang yun!!!" Nakow Eli, kung alam mo
lang! "Uy si Auntie Sam, nagseselos saamin ni Sunmi."
"Okay... epal mo kasi eh..." Tapos lumabas na siya ng kwarto ko, pero bago siya
umalis. "Good night!" Ang sungit ng mukha niya at nandila pa pagkasabi niya ng good
night. Teka, first time niya lang akong binati ng good night ha...
(◡‿◡✿)
=================
Chapter 13
(SAMIRA ALMIREZ POV)
Ang sarap ng tulog ko!!! Infairness ha, swerte ko talaga dito sa kwartong 'to! Ang
ganda ng view sa umaga dahil nasisikatan ng sunrise!
Aba't himala din yatang hindi ako ginising ni Eli ngayon. Kahit weekends kasi,
gigisingin niya ako para ipagluto siya ng pagkain. Pagbaba ko sa living room,
nakita kong magkatabi sina Eli at Sunmi, at doon na sila natutulog nang nakaupo.
Nakapatong lang ang ulo ni Sunmi sa balikat ni Eli, at nakalimutan nilang i-off ang
TV. Tsss! Ang sweet nila ha! Ke-gandang umaga tapos ganito madadatnan ko... teka...
pampam ko din noh! Ano naman saakin! Eh close nga sila!
"Sam..."
"Ay poknut!" Bigla na lang nagsalita si Eli... paglingon ko naman, nakapikit pa rin
siya. Boses niya yun eh! Natutulog pa ang kumag, pero bakit niya ako tinatawag?
Binabangungot siguro dahil pangaln ko ang binanggit.
Bumalik ako sa kwarto ko, kasi ano namang gagawin ko dito diba? Naligo ako at
nagbihis agad, tamang-tama! Magagawa ko yung isa ko pang painting assignment
mamaya!
Pagbaba ko ulit, tulog pa rin yung dalawa. Pssh! Sige matulog kayo ha! Wag na sana
kayong magising! Joke! "Makapagluto na nga lang ng lunch!"
Hinanda ko na yung mga sangkap ng lulutuin ko at nagsaing na din ako. Nang mang-
gigisa na sana ako...
"Ay poknong!!!" Ano ba bigla-bigla na lang may nagsasalita! Parang mga boses kabute
pa! But this time, gising na yung nagsalita, si Sunmi! "I'm cooking... for lunch."
Nakow! baka magilitan ko na ng leeg 'tong Koraenang 'to eh! Ano bang problema niya!
"So gusto mo ikaw na lang magluto?"
"Inuutusan mo ako?"
"You shouldn't just do something kung hindi ka naman sinabihan... like what you're
doing now! Sinabihan ka bang mag-luto ng pagkain?"
Barahan yata gusto ng babaeng 'to eh. Hindi kita uurungan, tinuruan yata ako ng
badessa kong kaibigan na si Byron lumaban sa mga tulad niyang bruhilda!
"Well... nasimulan ko na eh. Pero kung gusto mo akong patigilin, then fine!" Tapos
tinanggal ko ang apron ko at ibinigay sa kanya yung sandok na hawak ko. Dapat
isinupalpal ko sa kanya yun eh, kaso mabait ako, hindi ko gagawin yun. "I won't
cook if that's what you want!"
"So what? May-ari ka ba ng bahay na 'to?" Tapos tinapon niya pabalik yung apron sa
mukha ko at tumama naman yung sandok sa braso ko.
Eh bakulaw naman pala 'tong babaeng 'to eh! Autistic yata 'to!!! Hindi ko
maintindihan ang trip niya! Anong bang gutso niyang gawin ko! Magluluto o hindi!
Kapag ako hindi makapagpigil, isasama ko siya sa ingredients ng lulutuin ko!
"Aba't! Ano bang bang gusto mo!!!" Napasigaw na ako sa kanya. At hindi ko
namalayang nakatayo na pala si Eli sa may pintuan.
"Eli oppa~!" Nakakabad-trip na pagmumukha yan oh! Transform siya agad sa pa-sweet
mode nung dumating si Eli! Ang galing na actress!!! "I don't know what's wrong with
her. I'm just asking kung anong lulutuin niya, tapos nakulitan yata siya saakin
kaya sinigawan niya ako."
"Eh?" Sinungaling!!! Pero as if namang maniniwala sa ganyang drama si Eli noh! "Hoy
Sunmi! Wag kang sinungaling jan! Feeling mo mapapa-ikot mo si Eli nang mga ganyan
mo!"
Pagakasabi ko nun, humagulgol bigla ng iyak si Sunmi! What the fu...ss!!! Award
winning siya!!! "Sam, hindi mo naman kailangang sabihan si Sunmi nang ganyan."
"Psss!!!" Oo bad trip na bad trip ako! "Wala! Ano ba kasing gusto niyo kainin?"
"Weh talaga? Kahit may lason kakainin mo?" Nabwiset lang talaga ako, kaya ko sinabi
yun. Tinignan naman ako ng masama si Eli. "Joke lang!"
"Umayos ka nga Sam!" Tapos hinila niya na si Sunmi palabas ng kitchen. Hay salamat!
"Tara na Sunmi, hindi matino kausap yan ngayon. Bangag yang babaeng yan!"
Nang matapos na akong magluto, kahit labag na sa loob ko, tinawag ko na sila
pareho. Naupo na kami sa harap ng lamesa, at para akong katulong nilang dalawa na
pinagse-servan sila ng pagkain.
"Okay!!! Let's eat!" Actually may ginawa akong kalokohan eh. Ginawa kong SOBRANG
ANGHANG nung chicken curry para parusahan ang dalawang 'to! Uwahahahahahaha!!!
Naupo ako sa harap nila, syempre yung kakainin ko, sakto lang yung lasa!
"Hmmmmm!!! I-geoseun masit-tta!!!" Ano daw? Sabi ba niya 'Hmmmmm... bakit ang
anghang!!!' Ahahahaha!!! In your face Sunmi!!!
"Jin-jjaro? (Really?)" At kumain na rin si Eli... sige ikaw din gusto kong makita
ang maluha-luha mong pagmumukha!!! "Waaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"
"Ang sarap nga!" Ha? Ano daw masarap? Maanghang yun! Maanghang dapat hindi masarap!
"Delicious?" Delirious ba sila! Tinikman ko yung niluto ko para malaman kung bakit
nasasarapan pa rin sila! "Uwaaahhhhh!!! Ang anghang kaya!!!" Napa-inom ako agad ng
dalawang basong tubig.
"Oo! Kaya nga masarap eh. Koreans love spicy foods!" Tapos pa-simpleng nag-roll-
eyes si Sunmi saakin. "Bakit parang hindi mo alam na maanghang yung niluto mo?"
"Ha...? Syempre alam ko! Enjoy eating na nga lang!" TAKTE naman! Akala ko nakaisa
na ako! Nag-enjoy pa ang dalawa dahil inanghangan ko yung pagkain! Sana pala
inalatan ko na lang! O kaya inasiman ko!!! O kaya tinuloy ko yung lason!
(๏̯̃..๏)
Alila na talaga nila ako! Ako na nagluto, ako pa naghugas! Bakit ba ako nagtitiis
nang ganito! Ah tama! KASI NAKIKITIRA NGA LANG AKO!!!
Pagtapos kong mag-ala Cinderella at magpaka-alipin sa mga 'to, kinuha ko yung mga
gamit ko pam-painting at dinala ito sa garden. Kahit sobrang dami ng bitbit ko,
hind man lang akong nagawang tulungan ni Eli dahil busy sila ni Sunmi sa paglalaro!
"Pakelam mo... hehe... joke! Magpe-painting ako! Gusto mo maging model?" As if!!!
Abstract painting gagawin ko ngayon noh!
"Ah... sige wag na. Maglalaro na lang kami ni Eli oppa dito!" Tapos isinandal niya
kunyari ang ulo niya sa balikat ni Eli! Landiiiiiiiiiiiiiii!!! Teka... bakit ba ako
naasar!
"Sige enjoy niyo lang yan!" Tapos lumabas na lang ako! Di-hamak naman na mas
maganda ang view dito sa garden noh.
Kaso, natutuliling ako sa boses nilang mag-kapatid! INCEST TALAGA 'TOH kahit na
hindi sila magkadugo! Naghaharutan sila, nagtatawanan, nakakabwiset! Nasanay ba
akong tahimik lang kami ni Eli?
Bakit ngayon kasi nagagawa niyang tumawa nang ganun kalakas? Bakit ngayon parang
ang isip-bata niya? Bakit sobrang saya niya at sobrang close sila? "Bakit hindi
kami ganun?" I shook my head! Wag ka ngang magtaka jan Samira! Syempre ilang buwan
pa lang naman kayong magkakilala!
At isa pa, bakit kami mag-gaganunan ni Eli... diba? "Hay!!! Be inspired Sam! Happy
thoughts! Happy thoughts!" Happy thoughts para masimulan mo na yang assignment mo!
Buti na lang nakalagay lang ang mp3 sa bulsa ko. Makikinig na nga lang ako ng music
kesa yung hagikhikan nila ang marinig ko. Tapos ni-play ko yung kantang "Try"...
hindi dahil sa kinanta ni Eli yun kaya dinowload ko ha! Maganda lang talaga yung
kanta!
Ang ganda sana ng kanta... kaso si Eli ang pumapasok sa isip ko. Lately, ginugulo
ng lalaking yun ang utak ko eh. Ang lumalala pang problema dyan, naninikip yung
dibdib ko, parang hindi ako makahinga. Ano ba kasing nangyayari saakin! Naguguluhan
na ako!
Ilang oras din akong at peace dahil sa pakikinig ko ng music. But after three-
straight hours, na-lowbatt na ang mp3 ko! Syettt!!! Maririnig ko nanamang
naglalampungan yung dalawa!
Kaso nagulat ako nang tahimik naman na pala. Ah baka nakatulog na sila ulit dun sa
sofa. Masilip nga!
Pagdating ko sa living room, wala sila dun. Ano yun? Nasa kwarto sila?
*dugdug*
"Wag ka ngang masyadong green jan, Sam!" Tama! Ano ba 'tong pinapasok ko sa isip
ko! Ano naman kung nasa kwarto silang dalawa! Bawal ba? "Pssh!!!" Makabalik na nga
lang sa garden at nang matapos ko na yung painting ko!
Naunat-unat ako sandali, tapos naupo na ulit ako. Kinuha ko yung paintbrush so I
can continue painting... kaso!
"Anak ng poknut naman!... Eli?" Bigla na lang nanggugulat!!! "Akala ko nasa kwarto
ka?"
"Inantok si Sunmi at nandun siya sa kwarto niya. Ako, nandun lang sa kusina."
Nagpatuloy lang ako, kaso na-concious ako bigla kasi nandito siya sa tabi ko at
nakatingin. Alam ko naman hindi siya saakin nakatingin, doon sa PAINTING! "Eli,
nakaka-distract ka!"
"Ganun ba ako ka-pogi at nadi-distract ka?"
"Ay gumaganun! Itong mga nakaraang araw, parang gumagaan lalo ang bangko mo ha.
Kumakapal-muks ka eh!"
"Pssh!" Tapos tinawanan niya ako. Nababaitan talaga ako sa kanya ngayon! Mabait
siya dahil kay Sunmi? "Ikaw pampam jan eh. Tuloy mo lang! Naa-amaze ako sa ginagawa
mo eh."
Tapos tinitigan niya ako... nang masama! Sabi na dapat hindi ako nagsu-super
feeling close eh. "Joke lang naman! Laging ang sungit mo, alam mo yun! Daig mo pa
ang nag-PMSing na babae eh."
"PMS?"
"Hindi mo alam?"
"Hindi noh!" Biglang ganung topic! Ibabalik ko sa'yo ang topic noh! "Pero ikaw Eli,
laging kang may PMS kaya masungit ka!"
Itinaas niya ang kamay niya... sheeettt!!! Babatukan ako nito, kaya napapikit ako.
Maya-maya, nakaramdam ako nang malamig at medyo basang something sa pisngi ko.
"Ahahahahahaha!!! Yan mukha ka nang Indian!" Lintek na Eli 'to! Nilagyan ng paint
ang mukha ko! Buti na lang water-base 'to! "Peace, Auntie Sam!"
Pinunasan ko yung mukha ko... wrong move!!! lalong kumalat yung pintura!!!!!
"Uwaaahhhhh!!! Epal ka Eli!!!"
≧◠‿◠≦
"Ayos na ba?"
"Wag yang dark!!! Light-blue!" Tapos hinila niya yung gamit ko at nag-mix siya ng
color blue at white. "Yan... gamitin mo yan... tingin ko mas maganda yan."
"Sige-sige!" At sinimulan ko nang gawin yung sinabi niya. At nung matapos ko na...
"Kitams! Galing ko talaga noh! Utang-na-loob na naman yan Sam! Mas maganda na
painting mo!"
"Yabang!" Pero totoo naman. Buti nga at malapit ko na 'tong matapos! "Pero seryoso
Eli... may course ka na bang napili for college? Alam mo dapat kumuha ka ng may
arts! Magaling ka kasi sa mga ganitong bagay eh."
"Tingin mo?"
"Oo!" Magaling 'tong si Eli kapag kukunin niyang course ay katulad saakin! "Kung sa
Edinham ka din, mas gagaling ka pa! At tsaka para schoolmate din tayo next year!
Dun ka na lang mag-college!"
Ano na naman kayang iniisip nito? Naaadik na naman ba siya? "Gusto mo lang pala ako
maging ka-schoolmate eh! Ano yun para kahit sa school magkita tayo? Iba na yan Sam!
Umi-incest ka na naman! Ahahahaha!!!"
"KORNI MO!!!" Nabatukan ko tuloy siya nang di-oras! Potek, parang namula din kasi
ako eh!
"Tumigil ka nga Eli! Adik ka!" Ayoko nang ganitong asaran namin eh! Lagi lang akong
natatalo.
Natigil lang ang "kulitan" namin nang lumabas ulit sa eksena si Sunmi.
"You two look so happy! Nakakainggit naman!" Then showed her fake smile! Ako lang
nakakaalam na fake yun dahil ang slow nitong si Eli na umaarte lang 'tong step-
sister niya. "Wow Auntie Sam, ang galing mo naman sa painting."
"Thanks..."
"I know!!! Hahaha!!!" Okay! It's for Sam to feel out-of-place na naman! Nagsama na
ulit ang mag-step-siblings eh.
"Anyway, heto Eli oppa oh, drink this!" Binigyan niya ng coke-in-can si Eli. Naisip
ko ngayon lang na parang nauuhaw din pala ako. May isa pa siyang hawak na inumin,
pero asa naman akong io-offer niya saakin yun. "Umm... kumuha lang ako ng dalawang
can for Eli and I."
"Okay lang! Mamaya na lang ako iinom." Sige Sunmi, laklakin mo yan ha! Pati yung
lagayan, saksak mo sa baga mo! Akala naman big deal saakin yun!
"Ah... teka... kukuha ako ng isa pa sa loob. Anong gusto mo Sam? Coke o sprite?"
Uy! Ke-bait! Utang na loob na naman yan... pero sige! "Coke na lang Eli."
"Wait..." Weh epal talaga 'to! "Pwedeng bang sprite na lang kunin mo Eli oppa.
Ibibigay ko na lang 'tong coke kay Auntie Sam." Tapos ibinigay niya yung coke niya.
Pssssh!!! Galing talaga umarte ha!
"Okay sige... sandali lang." Tapos pumasok na sa loob si Eli... Syettt... naiwan
kami ni Sunmi dito sa labas.
And she's back to her evl mode. "Hindi yun kalandian, Sunmi. Nag-uusap lang kami."
Nakow! Hindi ko na nga lang siya papansinin para hindi ako ma-bad trip! Iinumin ko
na lang 'tong coke!
*pssssssssssssssssssssssssssssssttttttttttttttttttttttttt*
Nag-explode yung laman sa mukha at damit at PAINTING KO!!! "What the!!! Inalog mo
ba 'to!" Napatayo ako, dahil basang-basa ako.
"Haha... serves you right!" Ang maldita niyang pagkasabi!
"How could you Sunmi!" Napatingin ako sa painting ko... "You even ruined my
painting!!!"
Nanlalagkit ang katawan ko, basang-basa ang damit ko at higit sa lahat... nadumihan
yung pinaghirapan kong painting na malapit na malapit ko na sanang matapos! Sinong
hindi magagalit!!! Sa asar ko, nasampal ko si Sunmi...
"SAM!"
At yun lang yung part na nakita ni Eli! Yung pagkasampal ko sa minamahal niyang
kapatid.
On cue naman sa pag-iyak si Sunmi. This little devil! "The coke exploded on her and
all over her painting! And she thinks na sinadya ko yun! Why would I do such a
thing!"
"You're so mean Auntie Sam! I'm reaching out to you pero lagi mo akong
sinusungitan!" Tapos tumakbo siya paalis... papunta yun sa kwarto niya.
Natahimik lang ako... at nakatayo lang sa harap ko si Eli... bakit ba kasi lagi
niyang hindi naabutan ang kamalditahan ng kapatid niya! "Did you just slap my
sister?"
"I didn't mean that! Sinandya niyang alugin yung coke para mag-explode kapag
binuksan ko. Look at me! Look at my painting!"
Nasigawan niya ako... madalas naman niyang ginagawa yun eh. Pero yung sigawan niya
ako dahil nagagalit siya sa kasalanang hindi ko ginawa... sobrang sakit! "Ang
kapatid mo ang may problema saakin Eli! Si Sunmi..."
"Just shut the hell up Sam!" Tapos tinalikuran niya ako... at pumasok na siya sa
loob ng bahay!
Hindi ko ma-explain yung feeling! Ang sakit! Basta! At isa lang ang gusto kong
gawin... ang umalis muna dito para hindi ko sila makita pareho!
(ύ_ύ)
=================
Chapter 14
(SAMIRA ALMIREZ POV)
Hindi sa galit ako... GALIT NA GALIT lang naman! At dahil bad-trip ako pareho kina
Eli, lalo na kay Sunmi, hindi ako nagluto ng dinner at hindi rin ako kumain! Kahit
na kumakalam na ang tiyan ko, nakakawalang-gana na sila ang makasabay sa pagkain.
At feeling ko lang talaga, hindi ako makakatagal ng two weeks sa bahay na 'to na
kasama sila. Kinabukasan, hindi ako ginising ni Eli para ipagluto siya ng breakfast
niya. TAMA LANG NOH! Magpaluto siya sa magaling niyang kapatid!
"Going to school?" Kanina pang 7am pumasok si Eli kaya kaming dalawa lang ni Sunmi
ang nandito sa bahay ngayon.
"Yeah..." Aalis naman ako agad eh. May mga bitbit na akong damit sa bag ko ngayon!
Pero hindi ako maglalayas ha! "May sleep-over pala ako sa bahay ng kaibigan ko
ngayon. Pakisabi na lang kay Eli."
"Really! What if... tuluyan ka nang umalis sa bahay na 'to at wag ka nang bumalik!"
"Don't worry Sunmi... I'm actually thinking about that already!" Tapos umalis na
ako agad! Nakakasira ng araw ang mukha niya! Ke-ganda nga, sobrang sama naman ng
ugali!
At tsaka mabuti na rin siguro na hindi muna ako magpakita sa kanila! Alam ko naman
kasi kung bakit ako inaaway ni Sunmi eh... dahil kay ELI!
Pagdating ko sa school, "Sige na badessa!!! Two weeks lang! Sa inyo muna ako
makikitulog!"
"Sushmita sen ka beb! Naa-anita linda ka ba! Anis na naman ba? Lupita Kashiwara
nanaman ba sayo si Eli-byu?"
"Alam mo beb, hindi lang si Eli-byu ang malupit saakin ngayon! Dumating kasi yung
step-sister niya from Korea... at hindi kami magkasundo."
"Uy hinaan mo lang yang lapel mo! Lakas ng boses!" Syempre dahil bestfriend ko si
Byron, kaya ikinuwento ko sa kanya ang lahat.
"Anaconda?"
"Don't be something like ahas to me at night! Baka gapangin mo ako sa beauty borlog
ko eh! Ma-pransya ka sa mabyonda kong katawan at makalimutan mong hindi tayey
talo!"
"DAUTERO!!! Hoy!!! Hindi ako chipangga, baklita ka!" Pinalo ko siya sa likod!
"Hindi kita re-rapin noh! Ahahahahahaha!!!"
(◭..◭)
"Wala nga!"
Tinignan ko ng masama si Argel. "Oh anong ibig mong sabihin nun? Si Sunmi may
kasalanan?"
"Hindi naman sa ganun idol! Pero tingin mo ba sa ugali ni Sam, siya ang
mangungunang makipag-away?"
"Ewan... siguro."
"Siguro! Eh si Sunmi? Hindi ba pwedeng siya ang manguna sa away?"
"Sus idol! Syempre kayo naman palagi magkakampi nung step-sister mo na yun eh."
Tapos inakbayan ako ni Argel. "Siguro... may nangyari na ding scene na nakita mong
inaaway kunyari ni Sam si Sunmi, tapos umiyak na ang kapatid mo... at ikaw naman na
proctective kuya... inaaway si Sam."
"Oh... so oo nga... nag-away din kayo ni SAM... dahil kay Sunmi? Ni hindi mo man
lang pinag-explain si Sam?"
"Ganito lang yan idol... dapat kasi inaalam mo muna yung side nila pareho! Hindi
naman pwedeng si Sam ang may kasalanan palagi dahil hindi sila magkasundo ni
Sunmi."
"Ikaw din idol! Kapag nagtampo si Sam sa'yo... maagaw namin siya!"
"Talaga bang you don't know and you don't care?" Umi-english pa si Waine. Natawa
tuloy ako.
Natahamik sila. "Mahirap nang magsalita idol... baka balian mo pa kami ng buto."
I tapped her head. "Ikaw lang mag-isa dito sa bahay... kamusta naman?"
"Keun! (Great!) Palaro nga din!" At naglaro kami... "Sunmi... nag-usap na kayo
kanina ni Sam?" Kami kasi hindi pa eh. Hindi naman sa nagwo-worry ako na nagtampo
nga siya... basta! Ayoko lang ng magulo!
"Dapat mag-sorry ka din sa kanya. Neo-mu dangsin jalmo-siya. (It's your fault
too.)" Hindi niya lang ako pinansin. Busy sa paglalaro eh. "Sunmi! Are you
listening to me?"
"Geok-jjeong-haji ma-seyo, oppa! (Don't worry!) I'll do that when I see her."
"Jo-eun yeoja! (Good girl!)" Parang aso lang eh. Ahahaha!!! Nakikinig naman sakin
'tong si Sunmi eh. Magpapaka-good boy din ako pagdating ni Sam mamaya. Baka kasi
hindi nanaman siya magluto for dinner eh.
* * *
"7:30 na!!! Dapat kanina pa siyang 6 nakauwi ha! Nasaan na yung si Sam!" Palakad-
lakad ako... at aamin akong nag-aalala na ako! Clumsy pa naman yung babaeng yun!
Parang lapitin pa sa disgrasya! Malalagot ako kapag may nangyaring masama sa kanya!
At hindi rin kakayanin ng kunsensya ko!
"Oppa... masyado kang hysterical. Let's have dinner na nga lang." Si Sunmi na ang
nagluto ng dinner namin dahil hindi pa rin umuuwi si Sam. Nasaan na ba kasi ang
babaeng yun!!!
"Did something happened to her? Baka napahamak na siya! Puchanggala naman oh!"
Tapos kinuha ko yung cellphone ko.
*riinnnnnnggggggggg...riiiiiinnnnnnnnnnggggggggggggg...
riiiiinnnnnnnggggggggggggg...*
"Pick-up Sam!" Nakakabanas na 'tong babaeng 'to ha! Ang tagal pang sagutin ang
phone niya!
"Hello!"
Tapos ang tagal niyang hindi sumagot. Paano kasi, first time kong tumawag sa
cellphone niya. Ni-hindi niya siguro alam na naka-save ang number niya sa phone ko.
"Hoy naturete ka na! Umuwi ka na nga! Nasaan ka na ba?"
"Sinabi ko kay Sunmi kanina!" Kay Sunmi? Napatingin ako sa kanya... kaso ang
inosente ng mukha ni Sunmi eh.
"Sana nag-text ka man lang na may over-night ka pala jan sa kaibigan mo!"
"Hindi ko alam ang number mo..." Ang plain ng pagkasabi niya! HINDI NIYA ALAM!!!
Bakit ako alam ko number niya! Duga naman!!! Para lang akong ewan!
"Nakakabanas kang kausap! Ba-bye na nga!!!" At binabaan ko na lang siya ng phone.
Tumataas ang dugo ko! Nakakairita!!! Kung hindi niya alam ang number ko, sana
inalam man lang niya!!! Potek... ako ba... paano ko nalaman number niya? Ay hiningi
ko pala kay mama dati!!! PERO POTAKTE PA RIN!
"Sunmi!"
"Yeah...?"
"Bakit hindi mo sinabi saakin agad?" Napahiya pa tuloy ako kanina sa pagtawag sa
kanya! Sayang ka-gwapuhan ko eh, napahiya lang ng ganun!
A/N: Turuan niyo ngang magsalita ng matino si Byron! Nahihirapan na ako eh!
Watashi ang kakabog jan sa emoterang Sunmi-gurl na yan! - Ako ang aaway sa
pretender na Sunmi na yan!
Ma-pransya ka sa mabyonda kong figure at ma-forget mong hindi tayey talo! - Mabaliw
ka sa maganda kong katawan at makalimutan mong hindi tayo talo!
=================
Chapter 15
"FOUR DAYS!!!"
"Letchugas na yan... OO FOUR DAYS! Sabi ni Sunmi, tuwing umaga lang daw siya
umuuwi. Tapos aalis na agad at doon na mago-overnight kina Byron."
"Naku iba na yan idol! Hindi naman ganun si Sam kahit inaaway mo siya noon eh.
Tampo talaga sayo yun!"
"Tsk! Oh ano ka ngayon idol! Nami-miss mo noh! Kami nga nami-miss namin siya, ikaw
pa kaya!"
"Wag na nga kayong umepal! The hell I care! Magsama sila ng bakla niyang kaibigan!"
Mabuti nga yun noh! Umalis na lang siya sa bahay kung mag-iinarte siya!
"Ikaw din... tandaan mo two weeks lang si Sunmi dito sa Pinas... after nun, kayo na
lang ulit ni Sam. Pero kung hanggang ngayon hindi pa rin kayo bati, eh di ikaw na
lang mag-isa."
Napatingin ako sa kanila... oo na! Hinahanap -hanap ko siya! Yung luto niyang
masasarap! "Ang korni naman kasi! Parang yun lang magtatampo na!"
"Babae si Sam! Syempre naman magdadamdam yun kung palagi mong sinusungitan tapos
ngayon sinisisi mo pa!"
Tapos sabay-sabay kaming nag-sigh. Hindi naman ako ganito noon, bakit sobrang
apektado ako ngayon!
Tapos tumingin sila saakin. Lintek na mga pagmumukha nila yan! Parang nang-aasar
pa.
Para din akong tangang nakinig sa kanila... pero sa tingin ko naman maganda ang
idea nila eh. HWAHAHA!!! Humanda ka saakin Sam! Ako ginaganito mo ha!
Wala pang babae ang gumanito saakin, ikaw pa lang! Magbabayad ka!
٩(•̮̮̃-)
̃ ۶
Okay hindi talaga siya umuwi! Okay lang, makakabawi naman ako sa kanya! Humanda
siya.
Naglalaro kami ng ps3... at binubuhos ko yung inis ko kay Sam dun sa nilalaro
namin. "Ha?"
"Si Sam... si Auntie Sam... why are you so worried about her?"
"Nasanay ako sa'yo! Kaya nga ngayon naninibago ako! Kahit na ngayon na lang tayo
ulit nagkasama, kilalang-kilala na kita since the day you became my step-brother."
"Because you won't tell me the truth." Tapos nag-pout siya, and she stopped
playing.
"What?"
"Si Sam... do you like her?" She looked straight into my eyes... paano ko ba
sasabihin 'to? Ewan!!!
And I told her what she wanted to know. And we both swear na saaming dalawa lang
talaga yun!
"Ow..." Napatingin sa malayo si Sunmi. Then she sighed again. "I see..."
(ύ_ὺ)
*hikab*
"Sige Badessa. Uwi na ulit ako. Mayang gabi na ulit ha!" At nagba-bye na ako sa
kanya. Every morning ng mga 8:30, umuuwi na ako sa bahay ni Eli dahil alam kong
wala na siya sa bahay ng ganung oras dahil sa pasok niya. Tapos magpapalit ako ng
damit, at magi-impake ulit ng pantulog ko.
Pagdating ko sa harap ng mansion ni Eli... "Good morning."
"Good morning Rinoa!" Then I entered the home password. Kabisado ko na siya!
Ahahaha!!! Ilang buwan na din kasi ako dito!
"Welcome back."
Ngumiti lang ako sa security camera. Si Rinoa lang talaga ang nag-iisang mabait sa
bahay na ito. Anyway, heto na naman tayo... sasalubungin na naman ako ng
nakakabanas na pagmumukha at ugali ni Sunmi! "Hay naku po..." Bulong ko.
"WELCOME BACK AUNTIE SAM!" Ang sarcastic ng boses niya! TEKA! Bakit siya nandito?
Diba dapat nasa school na siya!
"E... Eli? Hin... hindi ka pumasok?" Nauutal ako. Ang tagal din naming hindi
nagkita eh. I mean, ang tagala kong hindi nagpakita sa kanya.
"Wa... wala naman... um... good morning..." Tapos umiwas na ako at umakyat agad sa
second floor.
Syetttt!!! Sinusundan niya lang ako. Ano ba 'to! Nasaan na ba si Sunmi at nang
madistract ako! Kung kelan naman kailangan ko ang kaepalan niya, saka siya wala!
"So... what's up?" Ang seryoso ng mukha niya, ang seryoso pa ng boses niya... at
sumunod siya hanggang dito sa kwarto ko!
"Ah... ganun?" Tapos nagmake-face siya at naupo sa kama ko. Nakatingin lang siya
saakin.
"Hindi ka pa ba aalis?"
Easy lang Sam! Wag iinit ang ulo mo! "Fine! Sige maliligo lang ako ha!" Kinuha ko
yung damit na susuotin ko, at nafi-feel ko na sinusundan ako ng mga mata niya in
every move that I make. Naligo ako agad... at sinadya kong tagalan sa loob ng
banyo... siguro naman aalis na siya!
"Aalis ka na?"
"Yeah..." Tapos nag-impake ako ulit ng damit ko sa bag. Yung susuotin kong pantulog
mamayang gabi sa bahay ni Byron.
"Alam ba ni Tito Rico na nakikitulog ka kina Byron?" Why all of a sudden tinanong
niya yun!
"Kapag nalaman kaya niyang almost one week ka nang hindi dito natutulog sa bahay
ko, pagagalitan ka niya?"
"Um... alam niya na noh!" Errr... kinakabahan ako ha.
"Alam niya? Then let's check." Tapos kinuha niya yung cellphone niya at ni-dial ang
number ni kuya Rico! Syetttt!!!
"No!" Napatakbo ako papunta sa kanya para hablutin yung cellphone niya kaso tumayo
siya agad at itinaas ang kamay niya. Pinipilit kong abutin yun at naglulundag na
ako, kaso bakit naman ang tangkad ng mokong na 'to!
"What are you doing! Akala ko ba alam na niya!" Parang matrix lang kung umiwas ha!
"Don't you call him!" Inaabot ko pa rin, at tumakbo siya palabas ng kwarto kaya
hinabol ko naman siya! "ELEAZER!!!!!!!!!!!!!!!"
"Hello Tito Rico!" Oh no!!! Mag-isip ka Sam! Ipapahamak ka ng kumag na Eli na yan!
Baka hindi ka pa padalhan ng kuya mo ng allowance niyan eh!
Naagaw ko sa kanya yung phone at wala na akong pakelam kahit na hanggang ngayon ay
nakahiga pa rin kami sa sahig. "Hello kuya... this is me, Sam! We're okay... uh...
oo naman! Ahahahahaha!!!"
Tapos hinablot niya ulit yung phone! Papalag pa sana ako kaso nagawan niya nang
paraan na hawakan niya pareho ang kamay ko at nang hindi na ako makatayo. Parang
siyang nakayakap saakin, and I can feel all his weight on me. "Hello Tito Rico!"
"Eli subukan mong magsalita, malalagot ka saakin!" Tapos nandila lang siya! Potek!
Hilain ko dila mo eh!
"She's taking good care of me naman! Actually ipagluluto pa nga niya ako ng masarap
na dinner mamaya eh... yun lang po... okay! Tatawag na lang ako kung may bago na!"
"Sige... bye Eli! Bye Sam!"
"Bye kuya~!"
And click! Binaba na ni Kuya Rico yung phone! Ano bang gustong palabasin nito ni
Eli? At ang awkward moment pa jan, nakahiga pa rin kami pareho, at hindi niya pa
rin ako pinapakawalan. "Narinig mo sinabi ko Sam? Kapag mamaya hindi ka umuwi dito
at hindi mo ako pinag-luto, tatawag ako ulit kay Tito Rico!!!"
*sob...sob*
"Why are you always so mean to me?" And my tears started to fall kaya napapikit
ako... and I can picture Eli's reaction. Nagulat siya... first time ko kasing
umiyak sa harap niya.
"Sam?"
^(◐﹏◐)^
=================
Chapter 16
Pakingshet!!! Kasalanan nina Argel at Waine 'to! Sila may plano nito eh. Umiiyak
tuloy sa harap ko si Sam, anong gagawin ko? "Uy Sam!"
Hindi niya lang ako pinansin, at nakatakip lang siya sa mata niya. Actually, this
is all my fault, I think sobra na yata ang ginawa ko sa kanya this time. I stood
up, and lifted her up too, pero umiiyak pa rin siya. "Sam... Wag ka nang umiyak!"
Paano ba magpatahan ng babae? Tap her head? Tap her shoulder? Hug? Kiss? "Uy Sam!
Pansinin mo na ako!"
But she kept on crying. "Lagi ka na lang ganyan! Gusto mo sayo palagi ang
masusunod! Kung itrato mo ako para mo akong katulong ha!"
Napakamot ako sa ulo ko. "Sige ka... kapag hindi ka tumigil sa kaiiyak jan... um...
papangit ka."
"Uwaaaahhhhhhh!" Lalo siyang umiyak nang malakas. Syeeetttt!!! Ano bang gagawin
ko!!! "Ang sama mo talaga Eli!!!"
"JOKE LANG! Tumigil ka na nga!" Tinakpan ko ang bibig niya tapos pinunas-punasan
ang mga luha sa mukha niya. Pumapalag pa eh, kaso kinulit ko na lang para matigil
na siya. "Joke lang yun!"
*sniff... sniff...*
*sigh...*
"Alright, this is all my fault! Masyado na ba akong masama sayo? Sige suntukin mo
ako para makaganti ka."
"Eh!!!" Tapos inalog ko siya. "Ano bang gusto mong gawin ko para quits na tayo."
"Sana maramdaman mo yung lagi mong pinaparamdam saakin! Inaalila mo ako, inaaway
palagi, sinusungitan! Ganyan ka ba sa lahat ng taong nasa paligid mo! Lagi mo akong
tinatrato ng masama!"
"Eh di iparamdam mo saakin yun! Alilain mo ako, awayin mo ako, sungitan mo ako!"
Martyr ko noh! Nasabi ko na eh... wala na sigurong bawian. Pero syempre, hihirit
ako kahit konti... "Gantihan mo ako in whatever ways you like... pero ngayong araw
lang na 'to ha!"
"Talaga?"
"Oo..." Parang hindi pa ako sure... potek! Ako magiging alila niya! Hay naku po!
Ano ba 'tng pinasok ko bigla! "Oo! Treat me as bad as you want. At hindi kita
gagantihan."
"ISIP-BATA!"
"Aba't!..." Teka... wag mo siyang gantihan Eli... nakikipagbati ka nga diba. "Sige
lang Sam... labas mo galit mo."
"Feeling mo ang gwapo-gwapo mo! Mas malakas naman ang sex appeal ni Argel sayo at
di hamak na mas angat si Waine sa'yo!"
"Weh... hindi nga?" Hindi yun totoo ha! Sinasabi niya lang yun para gumanti saakin.
Nakow! Matitiris ko 'tong si Sam eh! Sinisira ang reputasyon ko!
Nag-eenjoy yata siyang sinusungitan at binabara ako ha. Sige araw mo 'to ngayon!
"Kung hindi ka sasama, masasayang lang ang araw mo na 'to para gantihan ako. Sige
ka, wala ng next time 'to."
Napa-isip siya sandali. Pumayag na nga akong maging alipin niya ngayon eh, hindi pa
lubus-lubusin! Once in a blue moon lang 'to!
"Ikaw! Kung saan mo gusto!" Ay lilinawin ko lang ha! HINDI ITO DATE!!! Magpapaganti
lang ako sa kanya kaya ko siya inaaya. Baka sabihin kasi ng iba jan, sobrang
sadista ko na!
"Paano si Sunmi?"
Oo nga noh! Si Sunmi, hindi pa bumababa sa kwarto niya. Hindi pa ba yun gising?
"Napuyat yata kakalaro kagabi eh. Let's just leave a note. Wala namang problema
kahit maiwan siya mag-isa dito eh."
"Hmmm... your treat? Sagot mo lahat? Lahat-lahat?"
٩(×..×)۶
Effective pa lang umiiyak sa harap ni Eli eh! Pero masama pa rin ang loob ko sa
kanya, at hindi niya ako kayang bayaran ng kung ano lang!
Siya naman ang may sabing gantihan ko siya ngayong araw na 'to eh. So I might as
well use this once in a lifetime chance para ma-feel nga niya yung madalas niyang
pinaparamdam saakin.
Nagpunta kami sa mall, at nakasimangot lang ako all the way. We're walking side by
side by I'm keeping a distance, para ma-feel niyang galit pa rin ako.
Kahit na galit kasi ako, hindi ako mapagtanim ng sama ng loob. Mamaya, papatawarin
ko naman 'tong mokong na 'to. Gusto ko lang makita yung soft side ng epal kong
pamangkin.
"Ayaw."
"Ayaw."
"Anong gusto mong gawin dito sa mall? Make fun of me lang? Hindi masaya yun!"
Masaya kaya yun! Pero nag-isip ako... ano nga bang pwede naming gawin! Ah!!!
Abusuhin ko na ang kabaitan nito! "May mga gamit akong kailangan bilhin sa national
bookstore."
Tapos nauna na akong naglakad. ANG KYUT NIYA!!! Maghunos-dili ka Sam! Wag kang
ngingiti at iisipin niyang bati na kayo agad! Sayang yung chance!!!
Hindi naman ito DATE! At alam kong yun din ang iniisip niya eh, kaso may kilig
factor eh! Para akong sadist girlfriend at itong gwapong Eli na sumusunod saakin ay
isang masochist na boyfriend. Pero parang lang yun! Hindi naman kami eh. PARANG
LANG TALAGA! At parang akong timang na nag-iisip ng ganito!
"Kailangan ko ng sketch pad, nitong ruler, 6B pencils, eraser, pantasa, pati na rin
'tong technical and mechanical pens!" Buhat ni Eli yung basket, at iniisa-isa ko
yung mga gamit na talaga namang kailangan ko.
Joke lang! Hindi pa natatapos yan jan! "Ay meron pa pala!!!" At nagturo pa ako ng
kung anik-anik! Tapos hinila ko naman siya dun sa art supplies. Mas bigatin ang
presyo ng mga pipiliin ko sa part na 'to! "Kailangan ko 'tong acrylic paints series
3-5, artist basket, itong oil pastel, bagong brush set, at tig-tatlong canvas cloth
at canvas frame!!!"
"Heto na ba lahat?"
"Oo! Tara na sa cashier!" Pinabayaan ko lang siyang buhatin lahat yun. I feel so
evil! Nung bayaran na...
Lumabas kami sa store na may bitbit na tatlong plastic bags si Eli. Parang alila ko
lang talaga ha! "Happy now?"
"Medyo." Siya, alam kong hindi happy! Lustayin ko daw ba ang pera niya! Teka lang
Eli, hindi pa ako tapos sa pagpapahirap ko sa'yo. "Punta naman tayo sa grocery.
Malapit nang maubos yung food supply naten."
*sigh*
"Pagod ka na?"
Napanganga siya nung ibinigay ko sa kanya yung cart. Ahahahaha!!! First time ba
niya? "Follow me! DALI! Ang bagal!"
Dinala ko siya sa meat section, at pinipigilan ko yung tawa ko nung kumunot yung
mukha ni Eli. Ang saklap naman kasi ng amoy dito. Nakahinga lang kami ng maluwag
nang mabili ko na lahat ng meat na kailangan ko.
"Ay peborit mo nga pala yun noh! Wag na!" I smirked at him. Cheese na nga lang ang
kasiyahan niya sa mundo, hindi ko pa pinagbigyan.
"Sabi ko nga mabubuhay ako ng walang cheese eh." Parang nanlumo pa! Ahahaha!!!
Pffft!!!
(ಥ_ಥ)〷
Sinabi kong wag na kaming mag-taxi para makatipid. Ngayon ko pa naisip mag-tipid
eh! Ahahaha!!! So dala-dala ni Eli yung tatlong plastic bags ng art supplies ko at
dalawa pang plastic bags ng na-grocery namin.
May awa pa naman ako noh. May bitbit akong dalawang plastic bag. Naglalakad na kami
at kalalagpas lang namin dun sa gate ng Sierra Grisham.
*sigh*
"Hay... sige na... eto talaga pagod na ako!" Sa dami at bigat kasi ng dala niya,
hihingalin talaga siya. Naawa naman ako kaya sige na nga!
Nagpahinga kami sandali sa loob ng club house. Naupo kami at ibinaba sandali yung
mga pinamili namin. Tahimik lang siya, halatang pagod nga.
Kinuha ko yung isang juice sa plastic at ibinigay sa kanya. "Oh, inumin mo."
Tapos hinablot niya yung juice at nilagok ito. Uhaw na uhaw!!! "Bati na tayo?"
Tapos natawa na ako. Ito yung side ni Eli na hinahanap ko. Kahit kasi parang puro
kasungitan lang ang alam niya, sumisimple pa din yung soft side niya na ito. "Alam
mo kasi, simpleng sorry lang, mapapatawad na kita eh."
"Ha?"
"Ahahahahahaha!!! Sana nag-SORRY ka na lang kesa in-offer mo pang maging alila ko.
Napagod ka tuloy."
"Bakit hindi mo agad sinabi! Common sense yun Eli! Kapag nakagawa ka ng kasalanan,
magso-sorry kesa kung anu-ano pa sinasabi mo!"
"Oh di sorry!"
"Ano?"
"Sabi ko sorry!"
"Hindi ko narinig..."
"Ha?"
"Wala!!! Sabi ko ang bingi mo at SORRY NA!" Teka... parang nabingi nga ako. May
sinabi pa siya nung nag-sorry siya eh... ano nga ulit yun? "Sorry na nga..."
"Sorry na din sa ginawa ko sayo ngayon ha. Hayaan mo babayaran naman kita dito sa
art supplies eh."
"Uy! Bumabait!" Yun naman pala ang mabuting naidudulot ng SORRY eh. And I'm just so
happy na nagkaroon kami ng ganitong moment ni Eli. Ang tagal ko nga naman din kasi
siyang hindi nakita, at ngayon na lang ulit kami nakapag-bonding.
"Pero may isa ka pang sinabi kanina after mong mag-sorry eh. Promise hindi ko
narinig yun! Ano ba yun? Ulitin mo nga."
"WALA!!! Tara na nga umuwi na tayo!" Ang bingi ko nga! Ano ba kasi yun!
(≧ω≦)
=================
Special Chapter 2
Naalala niyo yung inasikaso ni Sam ang may sakit na si Eli? Na sa sobrang pag-
aalala niya at para mabantayan ang pamangkin niya, mas pinili niyang matulog sa
sahig ng kwarto ni Eli. (Please refer to Chapter 10)
Samira's
Dream
Naligo na ako at nagpatuyo na rin sa sarili ko. Pagkatapos nun, dinalaw ko na ulit
si Eli sa kwarto niya. Natutulog na siya kaso medyo basa pa rin ang buhok niya. Ang
tigas ng ulo!!! Pero kesa naman sa gisingin ko pa siya, pinabayaan ko na lang din
siyang magpahinga.
Alam ko na din pala kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko... kasi nga natakot
ako sa nakita kong bugbugan kanina. Yun nga yun... yun siguro yun!
2:30 AM na, medyo bumaba na ang lagnat niya. Nilagyan ko ng cooler patch ang noo
niya para mabawasan yung init sa katawan niya.
*dugdug*
Ke-gwapong bata talaga nito ni Eli! At dahil talagang mahirap iwasan na hindi siya
titigan, kinabisado ko ang bawat anggulo ng mukha niya.
May maliit siyang nunal sa pisngi, pa-heart shape yung labi niya, mahahaba ang mga
pilik- mata, ang tangos ng ilong at ang ganda ng tabas ng kilay niya. Ang duga ni
Lord, bakit ang perpekto ng mukha niya!
*hikab*
Uwaahhh! 4 AM na! Ganun katagal ko siyang tinitigan! Naglatag ako ng kumot sa sahig
at kumuha ng unan saka ako nagpahinga. Pero tumtakbo pa rin sa isip ko yung anatomy
ng mukha ni Eli.
.
.
Umaga na agad? "Hmmmm..." Parang boses ni Eli yun ha, pero hindi ako sure. "E...
Eli? Gising ka na?"
"Hindi Sam..." Tapos may sinabi siyang hindi ko naintindihan kaya nag-okay na lang
ako. Tapos idinilat kong mabuti yung mata ko.
Ohmygawd! Nasa dreamland na ba ako? Ang weird nung lalaking katabi ko ngayon sa
kamang napalilibutan ng pink rose petals! "Hey sweetie... gumising ka na... or else
I will kiss you."
Sweetie!!! Teka... hindi ko maaninag masyado ang mukha niya, pero alam kong gwapo
siya! At ang gwapo ng boses niya, kaboses nga ni Eli! Hihi!!!
"Okay... go ahead hubby ko." Feel na feel ko! Hahaha!!! Ayoko nang magising sa
panaginip na 'to!
"You want me to kiss you? Now? For real?"
I just nodded. This will be my first kiss! At sa panaginip pa! Pero at least
malalaman ko na yung feeling kahit papaano. Then I closed my eyes.
"Sige na... you can kiss me honey!" I waited for him to kiss me, but when I opened
my eyes, nawala na yung lalaki. Nasaan na yun?
Then I stood up, and when I opened the door, nasa beach daw ako. At pagtingin ko sa
suot ko, naka-bikini na ako!
Lumapit ako. Sina Argel at Waine ang tumatawag saakin eh. Kasama din sila dito?
Haha! Nakakatuwa naman, ka-close ko na talaga sila.
"Hi beb!"
"Byron!!! Eh?" - (? _ ?)
"Syempre naman! Nag-transform na ako para maging BF ko na sina Wainey dear at Papa
Arji!"
Grabe! Nakaka-elibs na talaga dito! Tapos nagharutan na sina Byron, Waine at Argel
sa dagat. Babae na talaga si Byron dahil may boobs siya at wala na yung *toot*
niya! Ahahaha!!!
"Auntie Sam!" Paglingon ko, biglang nagliwanag yung paligid. Pati ba naman dito,
ang lakas ng dating ni Eli?
He just smiled at me, at nakatitig lang siya. Wag kang gumanyan Eli, kinikilig ako!
"Alam mo, may lalaki kanina sa kwarto ko."
"What are you talking about? Sinong lalaki yun eh ako lang naman ang kasama mo sa
kwarto."
"Ikaw yun? Kaya pala ka-boses mo!" Then he sat closer to me... "Teka!!! Kung ikaw
yun!!! Eh di..."
"Shesssh... shut up Sam." Ipinatong niya yung index finger niya sa labi ko, then he
slowly lowered down his head. Siya ba? Siya ba ang hubby ko? "If you talk too much,
I'll stop you with my lips."
*dugdug*
"No... err... Auntie mo ako." Napalayo ako sa kanya. Anong iri-react ko?
"I don't care... 'coz you're mine..." Then he grabbed me so he can held me
tight... and so again, I closed my eyes... and...
.
.
*hikab*
Ano nga ulit yung napanaginipan ko? Ang naalala ko lang yung may hubby ako... at
yung napurnada naming kissing scene! Ano yung mga sumunod?
Yan ang hirap kapag gumigising ka agad eh! Nakakalimutan mo yung best parts!
Uwaaahhhhh!!!
=================
Chapter 17
(SAMIRA ALMIREZ POV)
"Magkasama kayo?"
"Pareho kaming hindi pumasok." At naupo agad si Eli sa sofa. Pagod na pagod!
"Where did you go?" Tumabi siya kay Eli, hindi na ako pinansin. "Sa mall? You went
to mall without me?"
Then she gave me that secret glare again. Tusukin ko mata nito eh! "It's alright
oppa. You seem so tired na din. Bakit hindi ka muna pumasok sa kwarto mo at
magpahinga." NO ELI!!! Wag mo akong iwan sa kanya!
"Sinabi mo pa! Oh, tulungan mo na lang si Sam na mag-ayos nitong mga pinamili
naming groceries ha."
"Sure!" Tapos tumabi siya saakin at kunyari kinuha rin ang mga bitbit ko. "Rest
well oppa!"
And Eli went up to his room, kaya kami na lang ang naiwan dito sa baba. Nauna na
akong pumunta sa kitchen at ipinatong na yung mga pinamili ko sa lamesa.
"Need my help with this?" Ipinatong na din niya yung plastic at nakatayo lang siya
sa gilid ko.
"Don't worry Sunmi, alam ko namang ayaw mo talagang tumulong eh. You can just leave
me."
Hindi ko na lang talaga siya papansinin para wala nang gulo! Kapag pumatol na naman
kasi ako sa bipolar na 'to, magkakagulo na naman.
"Didn't I warned you before? Sana tinuloy mo na lang yung stay mo dun sa kaibigan
mo. Sana hindi ka na nagpakita pa dito!"
"I still got one week here... and do you know what it means? Your hell starts this
DAY!"
My hell? As if I still care! Simula nung dumating siya, impyerno na kaya!
Tinalikuran ko lang siya at inilagay ko yung attention ko sa pag-aayos ng canned
goods na pinamili namin ni Eli.
Kaso lumapit siya saakin, at napapikit na lang ako dahil ang akala ko sasaktan niya
ako eh. But I didn't expect her move, hinawi niya lahat ang mga de-lata kaya
nagsihulugan at gumulong ito sa sahig.
Hindi pa siya tapos, yung isa pang plastic bag na puno ng mga pagkaing pinamili
namin, ikinalat niya sa sahig.
Nakapikit lang siya, at naka-froze lang ang katawan niya so instead na masampal ko
siya, naawa tuloy ako.
I just shove her away. What's with that scared reaction anyway? Tapos bigla niya
akong hahamunin ulit! "You get lost Sunmi at kapag hindi ka pa tumigil, papatulan
na talaga kita!"
"You're just scared dummy! Ni hindi mo nga matuloy!" Tapos sinipa niya yung ibang
grocery items saka siya padabog na umakyat sa taas ng kwarto.
Napakagat-labi na lang ako sa pagtitimpi ko. Pinulot ko isa-isa yung mga kinalat
niya at sa isip-isip ko lang, sayang! Bakit ba hindi ko tinuloy yung sampal na yun
eh! Nakow Sunmi! Kung hindi lang ako naawa sayo kanina! GRRRR!
After nun, ni hindi na siya sumabay saamin mag-hapunan kaya itong kuya Eli naman,
pinagdalhan siya sa kwarto! Wag mo na lang silang pansinin Sam!
* * *
Saturday na naman, at ang boring dito sa bahay ni Eli! Sina Sunmi at Eli busy sa
paglalaro ng ps3, samantalang ako, busy sa pagkukuskos ng lababo! Mukha na lang
kaya nila ang kuskusin ko at ginawa na talaga nila akong muchacha nila! After kong
magkpaka-katulong...
"HELLOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"
Nagulat na lang kami nang may tatlong boses kaming narinig na pumasok bigla.
"We're here!!!"
Waine! Argel! Badessa? Shocks!!! Nandito ang kampon ko! Magkaka-riot yata ha!
m(◣▂◢)m
"Uy Byron, kung ano man yang binabalak niyo nina Waine at Argel, wag mo nang ituloy
ha." Nakakaramdam kasi ako na kaya sila nandito para maghiganti na kay Sunmi.
Pagtutulungan nila 'to panigurado!
Boogie Wonderland! Bugbog ang ibig sabihin nun! Baliw na talaga 'tong si Byron!
Buti na lang kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan ng badessang ito! Kapag
narinig kasi yun ni Eli, baka siya gulpihin nun.
"Eli-byu! Imishuuu~" Yayakapin niya sana si Eli, kaso si Sunmi na ang humarang.
"Aba beb... itis na ba ang kyawting rumi-Rita Magdalena sayo? (Sam... ito na ba ang
pangit na umaaway sayo?)"
"Huh? Eli oppa, haneun geol-kka? (Who is this idiot?) What is he talking about?"
"Ha... pffft... kaibigan siya ni Sam, si Byron." At sila Eli at Sunmi lang din ang
nagkakaintindihan!
"Witchikels ko knowssung ang sinasabi niya, pero queber lang! Luz clarita naman
ang Chuck Norris na 'to! (I don't know what is she talking about, but I don't care!
Magiging talunan naman ang pangit na 'to mamaya!)"
"Pffft... Ah oo nga pala, Byron, siya naman si Sunmi." Pinigilan ko na lang yung
tawa ko kay Byron...
"Yung sinasabi ni Sunmi, si Eli lang ang nakakaintindi! Tapos yung sinasabi naman
ni Byron, si Sam lang ang nakakaalam."
"Hah?" I wonder kung ano nga yung pinagsasabi ni Sunmi at mukhang ayaw ding i-
translate ni Eli. At feeling ko nababasa na din nila sa mukha ko na ayaw kong i-
translate yung pinagsasabi ni Byron.
"Hehe... nice meeting you din Sunmi." And there's a funny look on their faces, at
hindi ko ma-explain, pero parang nag-aaway sila sa mga tingin lang nila.
"Dumalaw lang!"
Niyakap ako bigla nina Waine at Argel,at naiingit naman itong si Byron kaya
nakiyakap din.Pero actually chumachansing lang siya kina Waine.
"Galak na galak hah!" Tinitigan kami ng masama ni Eli, at wala lang ding reaction
si Sunmi sa closeness namin.
"Oh wag kang ma-OP Sunmi ha, ganito talaga kami ka-close!"
Wow! Nagsalita nang matino si Byron para lang talaga maintindihan namin lahat yung
pinagsasabi niya.
"Really... go ahead tuloy niyo lang! Hindi naman ako naiingit eh."
Wow! Nagsalita din ng matino si Sunmi para lang talaga ipaalam saamin na wala
siyang pakelam sa sinabi ni Byron! Ang gulo na ha!
"Ano bang magandang gawin ngayong nandito tayong lahat! Laro kaya tayo!" Para maiba
na ang usapan at malipat na ang attention nila.
"Anong game? Shogu-shoguan ulit?" Makapagbiro itong si Waine, ang wagas! Kaso nung
pagkasabi niya nun, pinandilatan na naman siya ni Eli! Naalala siguro ni Eli yung
kalokohan namin noon sa kanya.
"Wah! Hindi maka-relate! Ahahahaha!" At kung makapang-api naman 'tong si Argel kay
Sunmi, ang wagas din! Yan tuloy, nabatukan siya ni Eli. Nakasimangot lang si Sunmi
dahil nafi-feel niya yatang pinagtutulungan siya. Nakaka-out-of-place naman talaga
kasi ang closeness namin eh.
"Yun boring? Baka ikaw! Ahahahaha!" Inaasar din ni Waine si Sunmi, at to the rescue
agad si Eli sa pangko-kotong sa kanya. "Joke lang... hahaha! Peace tayo!" But it
doesn't really sound like a joke! Mga mokong na talaga 'to.
٩(∩_∩)۶
Naisip ko, buti nga sayo Sunmi! Pati kasi sina Waine at Argel, pinatikim na niya ng
kamalditahan niya. Yan, bumabalik na sa kanya lahat ng kaartihang ginawa niya. But
at the back of my mind, parang naaawa ulit ako sa kanya. Ewan basta! "Uy ikaw
badessa! Ikaw na mag-isip ng game! Magaling ka dun eh."
"Ayan para kyut! Jisang TALONG, jisang tanong!!!" Nagwala ang bruha kakatawa. Isang
talong isang tanong? Ano na namang pauso yan!
Ipapaliwanag ko na para hindi kayo mag nose-bleed kay Byron. Isang talong, isang
tanong... pagpapasahan ng mga players ang talong habang nakikinig sa isang kanta.
Syempre ang kanta, gay song na naman! At the end of the song, kung sino ang
nakakuha ng talong, sasagutin niya yung tanong ng isang player. Kapag hindi niya
sinagot, ang consequence ay magre-reveal siya ng isang secret!
"Game Chiu na!" Game ang lahat, pati si Sunmi sasali din daw. At nagsimula nang
pagpasahan ang kawawang talong habang kumakanta na si Byron. "Bubukesh ang
floweret, jojosok ang reynabelz, shochurva ang chacha, pa jempot jempot fah, boom
tiyaya, boom tiyaya vush chenes!"
Lahat kami hindi makapag-concentrate kay Byron! Takteng version yan, ang lakas
makakabag! Anyway, napunta kay Waine yung talong... at ang nagprisintang magtanong,
si Byron ulit. "Wainey dear! Itis ang question, who is your first love?"
"Ano ba yan! Parang slum book lang ha..." Tapos nag-isip kunyari si Waine at
huminga pa ng malaim. "Si Sam!"
"AKO???"
"Ulul ka ba Waine?" At ano namang klaseng reaction yan Eli! Hindi ba pwedeng ako
talaga ang first love ni Waine!
"Hindi nga! Totoo yun! Kung wala lang pumigil saakin nun..." Tapos parang tumingin
siya kay Eli, ewan ko lang. "Sana niligawan na kita eh." Psssh! Abot batok naman
ang ngiti ko! Sa gwapo nitong si Waine, crush pala ako nito! Ahahaha! Kaso sino
yung pumigil sa kanya?
"Ay ako din Sam, first love kita!" Adik din 'tong si Argel! Biglang ganun din! Uy
kilig! Hahaha!
"HINDI KATANGGAP-TANGGAP! Ang charot ni Wainey dear! Jisa ka fah Papa Arji! Saakin
kayey dapat inlababo noh! Dahil jan, reveal a secret!!!"
Wala namang palag si Waine dahil kapag hindi daw sumunod, ili-leptolelang daw ni
Byron! Ahahaha!!!
"Oo na..." Ano kayang secret yung iri-reveal niya? "Sa dami ng naging syota ni
Argel, wala pa siyang first kiss!"
"Mudra, pudra, gestong kez tinapay. Sister, brother, gestong kez kafey. Lahat ng
gestong kez ay kemer kemerlu. Ang magkakawiz ay pipingutin kez!" Guess what,
pinilit talaga ni Argel na mapunta sa kanya yung talong!
"Tingena ka Waine! Lintek lang ang walang ganti! Wala nang tanong! Magri-reveal na
ako agad ng secret!" Uy si Waine... kinabahan bigla... ahahaha! "Ang first
girlfriend ni Waine ay hindi babae, bakla!!!" ANOOOO~
Nag-twinkle bigla yung mata ni Byron. Isa ba itong chance para sa kanya? "Wainey
dear! Are you just like me?"
Ang dami naming tawa! Ahahahaha!!! Matatanggal na yata panga ko! Dalawang secret pa
lang ang nari-reveal, ang sakit na ng tyan ko. Anyway, maniwala tayong lahat kay
Waine. HINDI TALAGA SIYA KA-FEDERATION. Broken-hearted pa rin si Byron sa kanya.
Balik game ulit tayo. "Heaven Luffa in fairness. In in infairness. Okray heartness,
flowing ang dugesh. Chuging, alive, umales na u dian!"
At napunta yung talong kay Eli. Kanina pa 'to nag-eenjoy kakatawa eh. Nung time na
niya para sa tanong ni Argel... bigla ang saklap ng itsura niya. Kinabahan yata!
"Idol... walang auntie, walang step-sister! Sinong mas pipiliin mo? Si Sunmi o si
Sam?"
Si Eli - (ಠ_ಠ)
Si Sunmi - (☢_☢)
Ako - ≧⁰.⁰≦
Bakit kinabahan ako bigla sa pwede niyang sagutin! Piliin niya si Sunmi, mas close
naman sila eh... kaso... paano ako? "I'm not answering that question... secret na
lang din." Mahirap bang sagutin Eli? Ano naman kayang secret ang iri-reveal niya?
"I'm already in love with someone."
Pinili niyang wag sagutin yung tanong... kaso ang ni-reveal naman niyang secret...
may mahal na siyang iba? Wala nang iba pang reaction, wala na ding nagtanong kung
sino yun... sino nga kaya yun? Parang may biglang kumirot ang puso ko. Hindi ako
makahinga.
Kumanta na lang ulit si Byron... pero hindi na ganun ka-saya yung boses niya.
"Valer Kuberch, kahit jutay. Ang julamantrax donchi, ay anek-anek. Nyongkamas at
nutring, Nyogarilyas at kipay, nyitaw, nyotaw, jutani. Kundol, jutola, jupo't,
jolabastrax at mega join-join pa - Jobanox, nyustasa. Nyubuyax at luyax, and around
the keme ay fulnes ng linga!"
At napunta kay Sunmi yung talong. Hindi niya rin sinagot yung tanong ni Byron, so
magri-reveal din siya ng secret... ano kayang sasabihin niya? Ngayong alam niyang
in love na sa iba ang step-brother niya, maglalakas-loob na kaya siyang umamin na
mahal niya si Eli?
"I'm actually abused by my real father... that's why my mother divorced him... then
she married Eli oppa's father."
ABUSED? SI SUNMI ABUSED NOON? Ang daming secrets! Una puro kalokohan, pero yung
iba, super serious na secret!!! Kaya ba ganyan ang ugali ni Sunmi?
(DISCLAIMER: Hindi ko po original ang mga gay version songs na ginamit sa storyang
ito. Yung iba, nakuha ko sa GMA show na Bubble Gang (like Shogu-shoguan), at yung
iba, tinuro saakin ng mga kaibigan kong badessa. Credit goes to those who made it.)
٩(๏̯͡๏)۶
=================
Chapter 18
"SUNMI?" That was her family secret! Her secret! Bakit kailangan niyang i-reveal
yun dito!
Gulat na gulat sina Waine, Argel, Byron at Sam. Natauhan yata dahil kanina ko pa
talaga napapansin na pinagtutulungan nila si Sunmi.
"Gwaen-chana, oppa. (It's okay) It's the past..." Tapos tumayo na siya at umalis
na. "I still think na boring kayong kalaro." Then she went up, at nagkulong na sa
kwarto niya.
Madali namang kausap sina Waine, Argel at Byron dahil umalis na din sila. Naiwan
kaming dalawa ni Sam sa living room.
"So... si Sunmi?"
"Grabe kayo ha... halatang inu-OP niyo siya." Hindi nakapag-react si Sam... guilty?
"Alam ko namang hindi niyo siya kasundo eh. Wag ka nang magulat jan."
"Eli... pero totoo ba yung sinabi ni Sunmi? Kaya ba siya ganun?"
Napatakip ng bibig si Sam. "When she was eight, her father was about to sexually
abuse her too... pero lumaban na siya noon. He almost killed her, pero buti na lang
may dumating to rescue her."
"He's in jail... at tuluyan na silang lumayong mag-ina para iwasan na ang tatay na
yun ni Sunmi."
Napayuko si Sam. May isa pa pala akong secret na dapat niyang malaman. "At alam ko
na noon pa Sam, na inaaway ka ni Sunmi. Na kaya mo siya nasampal nun dahil sa
kasalanan niya. Na pinaalis ka niya sa kwarto mo, at sinungitan at kinalat pa niya
lahat yung mga groceries kagabi. Alam ko na noon pa na kaya ka umiwas dahil gusto
mong bigyan ng space si Sunmi."
"Anong ginawa ng mga camerang nakakalat sa bahay ko? Nakikita ko ang lahat Sam,
yung pang-aaway ni Sunmi sayo, at pagpipigil mo sa sarili mo."
"Alam mo na pala, bakit wala kang ginawa?"
"Sorry..." Isang salitang natutunan ko kay Sam. "But I just can't do something
about it."
"So kahit pala inaapi ako ng kapatid mo, at alam mong siya ang may mali, wala ka pa
ring gagawin?" Aalis na sana si Sam sa harap ko, kaso pinigilan ko siya by holding
her hand.
"Hindi ko naman siya kinukunsinti all the time. She knows her fault, at alam niyang
alam ko kapag nagsisinungaling siya. Ang hindi ko lang kaya, yung iparamdam sa
kanya na galit ako, dahil sobrang kahinaan niya yun." I look directly at Sam's
eyes. "She has psychological problems due to her childhood, and the only way to win
her trust and her respect, is by letting her know that you're not an enemy."
"Timongoloid! Jan ka na nga" Ano bang klaseng expression yun? Pinagsamang timang at
mongoloid ang tawag niya saakin? Sa gwapo kong ito, ganun ang itatawag mo? At nag-
walk-out na din siya papuntang kusina.
Pero buti na rin at alam na nila kung ano ang pinanggagalingan ni Sunmi. And it's
up to them, especially to Sam kung paano niya aamuhin ang little devil sister ko.
٩(▧..▨)۶
Pero hindi ko pa rin talaga maiintindihan eh! Dapat bang palampasin ang kasalanan
dahil sa ganung dahilan! Paano naman yung mga nasasaktan? Paano ako? Ako yung
laging pinagbubuntungan ni Sunmi eh!
One week pa Sam... one week pa si Sunmi dito... kaya mo pa naman diba. Kayanin mo.
Sabay-sabay kaming nag-dinner, at parang wala lang nangyari. Ganun pa din sina Eli
at Sunmi... super close... nakakaselos... haizzz.
"Thanks for the food Auntie Sam!" Nag-thank you nga, pero yung tingin niya, daig
pa kutsilyo! Napaka-deadly!
"I insist."
"Sige na Sam... minsan lang tutulong yan." Pinandilatan ako ni Eli, takteng tulong
yan! Hindi ko naman kailangan yun kung galing kay Sunmi! Gusto ba niya kaming
maging close ni Sunmi? What in the world! Paano ko gagawin yun?
Naiwan kami ni Sunmi para maghugas... nasa kwarto naman si Eli. Pinapanood niya ba
kami? Big Brother ikaw ba yan?
"I know what you're thinking! Hindi ko kailangan ang awa mo."
"Hindi naman ako naaawa sa'yo eh." Naawa ako sa sarili ko. Sabi niya tutulong siya,
bakit ako lang ang naghuhugas ngayon? "Despite your ugly past with your father,
meron ka pa rin namang mother na nagbabantay sa'yo."
Nagulat din siya sa sinabi ko. Oh ako naman ang magpapaawa sa kanya. "I'm an
orphan. My parents died in a fire accident, and don't have any memories with them.
And it's only my kuya Rico who looked after me when I was a child."
"Tingin mo naman nakakaawa ka?"
"No... I never pity my self. Kaya nga hindi rin ako naaawa sayo eh."
Tapos pinalo niya yung lababo. Aray ko ang sakit nun. "I hate you."
"I know Sunmi. How many times have you told that to me."
"I'm not in the mood to hate you. Better luck next time Sunmi."
Sa asar niya yata sa pangi-ignore ko sa kanya, kinuha niya yung dishwasher liquid
at tinapon yun sa sahig. Grabe na talaga problema niya! Mental na yata katapat nito
eh. Pero parang alam ko na kung anong gagawin kong pagpapaamo sa kanya. "Alam mo si
Eli ang bumili niyan. Sinayang mo pera niya, lagot ka."
"ARGH!!!" Sinigawan lang niya ako at tinapon yung empty bottle saakin. Hindi naman
ganun kasakit. "STAY AWAY FROM MY OPPA!!!"
Kaya siguro ganun niya kamahal si Eli dahil naiintindihan siya nito. "I'm not
taking him away from you." Ganun niya kamahal to the point na wala na siyang
pakelam kahit kapatid lang ang turing sa kanya nito.
Saklap din ng lovelife nitong si Sunmi, bakit ba kailangang sa step-brother niya pa
siya ma-in love? "Then what are you doing to him?"
She's throwing tantrums, pero kinalma ko lang ang sarili ko para hindi ako mapikon.
Natapos na ako't lahat-lahat sa paghuhugas, pero salita at sigaw pa rin ang
ginagawa ni Sunmi. Bakit ba ayaw bumaba ni Eli at matigil na 'tong si Sunmi!
"DON'T JUST IGNORE ME!" Hinila niya yung braso ko kaya nabitawan ko yung isang
basong ilalagay ko na sana sa lagayan. Nagkalat yung basag na baso sa sahig at
nagkatinginan kami. "See what you did?"
"Hay Sunmi... just calm down." Kumuha ako ng dustpan para isa-isang pulutin yung
mga bubog, kaso... "Ouch..." Nasugutan ko ang daliri ko.
"Step aside you imbecile!" Tinulak niya ako para siya na ang magpulot. Takot ba
siyang makita ni Eli na nakabasag kami ng baso? Sa pagmamadali niyang linisin yung
mga bubog, nasugatan din siya. "DANG IT!"
"OMG Sunmi!" Ang laki ng naging sugat niya sa palad! Pero parang wala lang sa kanya
at bara-bara pa ring nilinis yung basag na baso.
"GO AWAY I DON'T NEED YOUR HELP! I CAN CLEAN THIS MYSELF!"
Ewan ko kung anong pumasok sa isip niya, at minadali niyang linisin yun, alam naman
niyang pwede siyang masugatan kapag hindi siya nag-ingat. "Tama na nga yan Sunmi!
Ang dami mo nang sugat!" Tumutulo na din yung dugo galing sa palad niya. "Sunmi!
Stop that!"
"SUNMI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Napalingon kami, si Eli bumaba na galing sa kwarto niya. Nakita niya yung buong
pangyayari, panigurado! "This is not my fault oppa... Auntie Sam did this to me."
Naiiyak si Sunmi, at for the first time naawa ako sa iyak niya na yun.
She dropped all the broken pieces of the glass, and there we found her bloody
hands. Puno na ng sugat yung kamay niya... "This is her fault oppa... wag kang
magalit saakin ha. This is her fault!"
And once again, kaming dalawa na lang ulit ni Sunmi ang naiwan dito sa bahay. Ayaw
pa niya sana, kaso pinilit ko na siya. I washed her wounds first, at binalot muna
ng clean handkerchief yung sugat niya habang hinihintay yung gamot na pinabili ko
Eli.
"JUST SHUT UP SUNMI! FOR ONCE SHUT UP!" I look at her, at napatigil nga siya sa
pagsasalita.
^( '_' )^
Mabilis na dumating si Eli dala yung gamot at bandage. Tahimik lang silang dalawa
habang ginagamot ko yung sugat ni Sunmi. "This will sting a little."
"Aigooo~"
Tapos hinihipan ko yung sugat niya habang inaaplayan ito ng betadine. Super worried
naman si Eli, hindi mapakali. "Wala na sigurong naiwang bubog sa mga sugat niya."
Sinabi ko after kong lagyan ng bandage yung dalawang kamay ni Sunmi.
"Ano bang pumasok sa isip niyo?" Kunyari pa 'tong si Eli na hindi alam ang buong
pangyayari!
"It's her fa..." Alam kong sisisihin na naman ako ni Sunmi kaya inunahan ko na
siya...
"It's my fault. Sorry... sorry Sunmi." Her eyes went wide. At parang kumikintab
dahil kanina pa rin naman niya pinipilit na wag umiyak. "You should rest now
Sunmi."
Tahimik lang siya, ako na ang martyr! Minabuti na din niyang umakyat sa taas, kaya
naiwan kami ni Eli sa living room. "Nakita mo noh?"
Nilagay lang ni Eli yung dalawang kamay niya sa bulsa at saka tumango. "Yeah...
sorry she did that. And thank you for what you did."
I smiled at him at bumalik na sa kusina para linisin na ulit yung mga nagkalat na
bubog. Kaso... "Leave that Sam... I'll clean that."
Tapos saka siya lumapit at naglabas ng band-aid na dinukot pala niya sa bulsa niya.
Nasugatan nga rin pala ako kanina.
Hinawakan niya yung kamay ko, at siya mismo ang naglagay nung band-aid sa sugat ng
daliri ko.
*dugdug*
*dugdug*
*dugdug*
"You should rest na din, Sam." He patted my head, at parang na-feel kong nag-blush
ako kaya tumalikod na lang ako.
*dugdug*
*dugdug*
Dugdug naman kasi ng dugdug! Ano ba heart! Ibang tunog naman ang gawin mo! Tumakbo
ako paakyat ng kwarto ko, at pagsarado ko sa pinto... I realized one thing.
.
.
3:30 AM...
Hindi pa din ako makatulog!!! So ano? Aamin na ba ako? Na yun nga! Parang... parang
nahuhulog na ang loob ko sa tukmol na Eli na yun. NO!!! Hindi pwede! Auntie niya
ako!
Bumaba ako para uminom ng tubig, nanunuyo na kasi lalamunan ko. Tuyung-tuyo na din
ang utak ko kakaisip kung bakit ganito na lang bigla ang nararamdaman ko. Matagal
na 'to eh, ngayon ko lang talaga pinansin.
*sob... sob*
"Go...away!"
"Come on! Let me see it." Ginamot ko siya ulit. Kaya siguro hindi siya makatulog
dahil ang hapdi nito. Pinainom ko siya ng painkiller na nasa drawer para hindi na
niya maramdaman yung sakit.
"Alam ko na nga Sunmi! I'm not asking you to like me naman eh."
"I hate you 'coz you're nice!" Then she start crying again, at syempre, gumana ang
pagka-ate ko kaya pinunasan ko yung luha niya sa mata. I think magandang chance na
rin ito for us to have a one-on-one conversation.
"I know why you are like that. Because you like Eli, right? But you don't have to
be jealous with me Sunmi."
"How can I trust you? Why? Don't you like him too?"
"Bakit hindi mo siya gusto?" Ano bang gusto niyang marinig, na-inlove ako kay Eli?
Ano ba naman kasing batang 'to! Ang hirap intindihin!
"Sunmi, listen carefully... hindi ko kukunin si Eli sayo, okay? Yung oras niya,
attention at pagmamahal, you can all have it! And even if I like him... he's just
not into me. Mas mahalaga ka Sunmi, kesa saakin."
"Even if you like him? So you like him? Just answer me straight!!!"
"OKAY!" Yan tuloy, na-direcho ko yung sagot! Lumabas na mismo sa bibig ko! "I like
him... but he doesn't like me... and I'm not doing anything about it dahil sayo na
siya Sunmi. Okay? Hindi ko aagawin si Eli sayo."
We ended our conversation like that. Feeling ko naman okay na yung lahat because
for the first time, she smiled at me. Not grin, not smirk, but a smile!
*dugdug*
〷(╯╭╮╰)〷
=================
Chapter 19
"Unnie? Ano yun?" Tapos ginamot na ni Sam yung mga sugat ni Sunmi. Pinanood ko
silang dalawa habang silang dalawa lang ang nagpapansinan.
"Hindi... Nuna naman ang tawag nila sayo kasi lalaki sila."
"Oo nga, dati sorry sorry lang ang alam mo." Oh sino ang kinakausap ko! Bakit hindi
nila ako pinapansin? Nakakaloko na 'to, mukhang nagkaayos nga sila, nakalimutan
naman ako!
Anyway, baka paranoid lang ako. KSP lang! Dapat nga masaya ako dahil wala nang gulo
behind my back.
* * *
Ilang days nang maayos ang lahat! Nakakadalaw na ulit sina Waine at Argel, at
parang naging close din ni Sunmi si Byron.
Mabilis lang ding lumipas ang araw. Umuwi na si appa galing Davao, and one day na
lang, babalik na sila ni Sunmi sa Korea.
"Yah! Pa-deliver kayo ng pizza! Let's have a little party before we go back to
Korea."
"Okay appa! I'll call for delivery!" Feel na feel ni Sam na tawaging appa ang papa
ko. Nage-gets niya kaya kung anong pwedeng maging ibig sabihin nun.
"Yeah! And call that gay-friend of Sam unnie too! Appa, he's just a total clown!
Haha!"
"Wow... it's seems like you really enjoyed your stay here."
"Ne! Jeon neo-mu haengbok haeyo! (Yes! I'm so happy!) At tsaka nakasama ko si oppa
for two weeks eh."
"Haha... I'm happy too, Sunmi." I smiled at her and patted her head. Panigurado,
mami-miss ko siya pag umalis na sila bukas.
Nginitian din ako ni appa. Hindi na niya pinansin yung naka-bendang kamay ni Sunmi.
Syempre mas masaya na siya dahil masaya naman na si Sunmi. Pero paano nga kaya
nagkaayos sina Sam at Sunmi?
Hinintay kong matapos gamitin ni Sam yung phone. Ang dami niyang in-order na pizza,
ke-takaw na babae! "Sam... text mo din daw si Byron. Papuntahin mo siya."
"Ha... ok." Tapos lumayo siya saakin agad. Hindi man lang tumingin sa gwapo kong
mukha! Watdapacker!
"Sam."
"Huh?"
"...wala... go ahead!" Watdapackeragen! Kaya ba ako nakakaramdam ng pagka-OP dahil
parang sinasadya akong iwasan ni Sam? May sapak ba siya, anong problema niya?
(*ಠ..ಠ*)
"Wow pare ang lakas!" Lasing na yata 'tong si Byron! Nag-inuman din kasi kaming mga
lalaki, at kasama si Byron dun! Sina Sam at Sunmi lang hindi namin pinayagang
uminom.
"Ahahahaha!!!" At galak na galak naman 'tong si Sunmi kay Byron. Mago pa malasing
si Byron nagtuturuan sila ng Hangul at Gay Lingo eh.
"Okay lang yun beb." Tapos umakbay si Byron kay Sam, bakit parang ang barako ng
dating niya kapag lasing? "Sila lagot saakin pag nagkataon!" Aba't straight na
tagalog din yun ha! Kakaiba pala itong si Byron pag lasing, ang macho!
"My gosh Byron, bakit ka ba gay? Didn't you know how handsome you are?" Tapos
inakbayan na rin ni Byron si Sunmi.
"Idol, totoo ba 'tong nakikita ko? Parang chickboy yata ni Byron ngayon?"
Hindi eh... hindi kami namamalik-mata. Delikado 'tong si Byron! "Anong oras na oh!
Siguro dapat umuwi na kayo."
Tapos hinila ko sila pareho palayo kay Byron. "Oh Sam, maglinis ka na. Sunmi,
matulog ka na. Ikaw din Appa! At kayo naman, umuwi na!"
Wala na silang nagawa nung pinaalis ko sila. Hindi na namin paiinumin 'tong si
Byron, at mahirap na!
〷(' .' )〷
I'm glad na okay na ang lahat sa pagitan namin ni Sunmi. After that night na
nakapag one-on-one talk kami, yung mga sumunod na araw, at peace na kami.
Nakakadalaw na nga ulit sina Waine, Argel at Byron, and it's a great miracle na
makakasundo din naman pala nila si Sunmi.
Thursday, bumalik na si Appa ni Eli from Davao. Tapos bukas na yung flight nila ni
Sunmi pabalik ng Korea. Dahil sa tatlong kwarto lang ang meron sa bahay na 'to,
lumipat ulit ako sa kwarto ni Sunmi. Magtatabi kaming matulog sa huling araw niya
dito sa Pilipinas.
"Okay lang ba, Sunmi?" Ayos na naman kami eh... simula nang sabihin ko na never
kong aagawin si Eli sa kanya, naging mabait na siya.
"Yeah... last night ko na naman 'to dito eh."
At dahil din dun kaya ako nagpasyang layuan muna si Eli, para ma-feel ni Sunmi na
totoo yung sinasabi ko. Mabuti na rin siguro 'to! Nang makalimutan ko si Eli!
Tapos nag-ayang mag-party si Appa, kaya pinapunta ulit namin sina Waine, Argel at
Byron sa bahay. Kainan lang, at nag-inuman din sila. Nalasing nga si Byron, kaya
lumabas yung macho side niya. Inaaabangan ko talaga 'to dahil super gwapo kaya ni
Byron! Kaso...
"Oh Sam, maglinis ka na. Sunmi, matulog ka na. Ikaw din Appa! At kayo naman, umuwi
na!" Epal naman ni Eli! Kung kelan na-eenjoy na namin yung pagkalalaki ni Byron
saka sila pinauwi.
Walang nakapalag kay Eli, lasing na din yata siya eh, mahirap na baka magwala siya
bigla!
Nasa taas na pareho sina Sunmi at papa niya. Nauna na silang magpahinga dahil nga
maaga pa ang alis nila bukas. Si Eli naman, naka-upo sa sofa, nagmumuni-muni pa
yata! Samantalang ako, nililinis ko na yung mga pinag-kainan namin.
"Uy... umakyat ka na din sa kwarto mo... pahinga ka na." Sinabi ko yun without
looking at him. Nahihiya kasi, baka hindi ko mapigilang mag-blush.
"Paano kayo nagkabati ni Sunmi?"
Sinabi kong hindi kita aagawain sa kanya. "Wala... nag-usap lang kami."
"Ah... anyway, I'm happy na magkasundo na kayo." Naupo siya sa lamesa, habang
pinapanood niya akong naghuhugas ng mga plato at baso. Naknang!!! Nako-concious
ako!
*dugdug*
Heto na naman si heart oh! Papampam! Natapos na ako't lahat-lahat, pero nandito pa
rin siya at pinapanood ako! Ano ba ako, show?
"Hoy... aakyat na ako ha." Kung ayaw mong matulog, bahala ka.
"Teka lang Sam." Tumayo siya saka niya hinawakan yung nakapony-tail kong buhok.
"Itong mga nakaraang araw, iniiwasan mo ako eh. May kasalanan ka noh?"
"Ako? Inaawasan ka? Hindi! Kasalanan? Wala! Noh!" Ang sagwa mo magsinungaling Sam!
Halatang-halata ka!
Meron! Gusto kita Eli... pero hindi ko na ipapaalam sayo yun noh! "Wala nga!
Bitawan mo na nga buhok ko!"
"Hindi ka nga makatingin saakin eh. Bakit? May alam ka eh, sabihin mo na."
"Hay naku, Eli! Lasing ka lang din! Ang kulit mo eh." Gusto ko nang tanggalin yung
kamay niya sa pagkakahawak sa buhok ko, kaso hindi ko naman siya mahawakan. "Eli,
masakit na ha!" Masakit sa pakiramdam na hindi ako pwedeng mahulog sayo.
"ANO NGA YUN SAM? BAKIT HINDI MO AKO PINAPANSIN! ALAM MO NA BANG..."
Hindi na natuloy si Eli sa sasabihin niya dahil bumaba bigla si Sunmi. Nakatitig
lang siya saamin. OH NO!!! Baka kung ano na namang isipin niyang ginagawa namin!
Magagalit na naman siya saakin!
"Wala..." Saka ako binitawan ni Eli. Umalis na ako agad paakyat ng kwarto at
pinabayaan ko na silang dalawa doon.
Pero kinakabahan ako... sana hindi masamain ni Sunmi yung nakita niya! Magkatabi pa
naman kami ngayon sa kwarto! Kulit naman kasi ni Eli eh!!!
(╯ಊ╰)
=================
Chapter 20
Iniisip ko palang, kumikirot na naman ang dibdib ko. Crush lang ba 'to? Gusto?
Syeettt! Wag naman sanang love!!! Kaso, parang ganun na din yun eh. Ano bang ginawa
saakin ni Eli at nagkakaganito ako!
Naglatag ako ng mahihigaan ko sa sahig... at watch out lang ako kay Sunmi.
Kinakabahan pa rin kasi ako, baka galit na naman saakin yun. Maya-maya, pumasok na
siya sa kwarto.
Ang plain lang ng expression ng mukha niya... "What are you doing there?"
"Get up."
"Huh?" Magtatabi kami sa kama? Payag siya nun? Sa kama ba niya ako gugulpihin?
"Hindi ka ba galit?"
She sighed. Tapos naupo siya sa kama kaya tumabi na din ako. "I believed at you
when you said na hindi mo aagawin saakin si Eli oppa."
"Oh... te... thank you Sunmi." Nahiga na siya, at nahiga na rin ako sa tabi niya.
Buti na lang malaki 'tong kama, kasya kaming dalawa!
"Aside from my mother and step-father, si Eli lang talaga ang nakakaintindi saakin.
He's always nice to me, even if I'm so mean at him at first." Aba, nag-open siya
bigla! "So I'm glad that even if you like him that much, pumayag kang ibigay saakin
lahat ng oras niya."
I faked a laugh. Ang sakit kaya nun! Yung iwasan mo yung isang lalaking gustung-
gusto mo, at nakasanayan mo na! "Don't worry unnie, you can have all his time again
pag nakaalis na ako."
"Then why are you saying that to me? What if bago ka umalis, mag-confess ka muna ng
feelings mo kay Eli. Tapos hintayin mo yung isasagot niya. After all, hindi naman
talaga kayo tunay na magkapatid! Walang masama kung in love ka sa kanya, at
masasabi mo yun."
Napabangon din bigla si Sunmi, at nakataas ang kilay niya saakin. "What did you
just said? That I'm in love with Eli?"
"EWWW! WHY WOULD YOU THINK THAT WAY? GROSSS!!! I never said I'm in love with him!"
"Then why are you so angry with me? Anak ng teteng, gusto mo nga akong palayuin sa
kanya! And didn't you just said that you love him!!!"
"Oh for heaven's sake!!!" Tinulak niya ako kaya na-balentong ako sa sahig. Sadista
naman masyado!!!! "I love him as a BROTHER!!! Kaya nga oppa, stupid!!! I have
brother complex! OMG Sam, you're impossible!!!"
"You didn't just google the meaning of brother complex." Oo na, ni-search ko agad
sa internet ng phone ko yung brother complex. Excessive love for one's brother. At
sa case ni Sunmi, she would show her love through being mean with the people around
Eli.
Langyang brother complex yan! "Akala ko naman kasi in love ka sa kuya mo! Why
didn't you say so! Inaway-away mo pa ako! Syempre hindi ko papangaraping maging
brother si ELi noh!"
"UY SUNMI!!! Dahan-dahan ka sa sinasabi mo! I never said I love him!" Ginaya ko
lang din si Sunmi kanina.
"Sinabi mo saakin, don't play dumb!" Napayuko ako. Nasabi ko na nga, naamin ko na
sa harap niya.
"Oh shut up! He's NEVER really you're nephew-in-law! Maybe he's mother married your
brother, but that doesn't mean na magkamag-anak na talaga kayo!"
Tapos nahiga siya sa kama. Wala man lang siyang reaction tungkol dun! Hindi kaya
kilala niya kung sino yung babaeng gusto ni Eli? Syempre nasabi na ni Eli yun sa
kanya, sobrang close sila eh. "Hey unnie, don't give me that look. Nababasa ko
isipan mo. Even if I know who that girl is, I'm not in the position to tell you."
"Nabasa mo isipan ko? So kilala mo nga kung sino? Kilala ko din ba?"
*hikab*
* * *
"I will miss you guys! Matatagalan ulit yung pagbabalik ko dito! Eli, you look
after South Grisham High School, alkke-sseoyo? (Understand?)"
"Ne! Don't worry appa. Sa chat na lang tayo katulad ng dati!"
"Yes Appa!"
"Ah!!! Neo-mu gwi-yeop-tta! (So cute!)" Landi ng tatay ni Eli, kinurot pa pisngi
ko! Ano kayang ibig sabihin nung sinabi niya?
Tapos sunod naman nagsalita si Sunmi. Nag-usap sila ni Eli, sobrang haba nga ng mga
pinagsasabi nila, hindi ko naman maintindihan. After nilang mag-usap, ako naman ang
ni-hug niya.
"Bye! Ingat din kayo!" Ang tikas din ni Eli, hindi man lang naluluha! Mga lalaki
talaga, ayaw pang ilabas ang emotions!
"Oh wait! Just a sec!" Pasakay na sana ng sasakyan si Sunmi, kaso lumabas siya
sandali ulit. "Eli oppa... Sam unnie... may sasabihin akong secret sa inyong
dalawa. Listen carefully!"
"SECRET?"
"SUNMI!!!" Napasigaw bigla si Eli, silang dalawa lang naman yung nagkaintindihan!
"Ano yun?"
"Hahaha!!!" Ang evil laugh ni Sunmi. Aaminin kong mamimiss ko din ang tawa niyang
yun. "Bye-bye!"
.
.
"Anong ibig sabihin nung sinabi ni Sunmi?"
〷(ಥ_ಥ)〷
Kaming dalawa na lang ulit dito sa malaking bahay ni Eli. At may nagaganap na agad
na mind game sa pagitan namin.
"Kapag sinabi mo kung anong ibig sabihin nung gay lingo na yun, saka ko lang din
sasabihin!"
HALAKA!!! Paano niya naalala yung mga salitang yun? Samantalang ako, sarang-chorva
lang yung naaalala ko! "Wala namang ganung sinabi si Sunmi eh...?"
"Sinong niloko mo? Ahh tama!!! Si Byron na lang tatanungin ko!" Ang tanong alam ba
niya number ni Byron?
"Pssh! Ahh tama!!! Igu-google ko na lang din kung anong ibig sabihin nung 'sarang'
na yun!"
Nagkatinginan ulit kami, maya-maya nag-unahan na kaming umakyat pataas. We're both
aiming for my cellphone. Nandun kasi naka-save yung number ni Byron para matawagan
siya ni Eli, at may internet din yun para dun ko ma-search yung meaning nung
'sarang' na yun.
Nasa pintuan na kami ng kwarto, tapos hinila niya yung damit ko para hindi ako
mauna!
Naunahan niya ako, what the fussssss!!! Tapos naisip ko na lang na batuhin siya ng
tsinelas ko. "Aray ko! tangeeeee...nnnnnnnnn..."
Lumukso ako sa kama para hablutin yung cellphone ko na nakapatong lang sa study
table. "Ahahahaha!" Wagas pa ng halakhak ko, kaso tumayo na si Eli papunta sa
direction ko! "WAAAAAHHHHH!!!"
Hinahabol ako ni Eli, saklolooo!!! Hindi ko alam kung kikiligin ako, o kakabahan!
Ayokong malaman niya kung anong ibig sabihin nung sinabi sa kanya ni Sunmi!
"SAMMMMMMMMM!!!"
"Waaahhhhhh!!!" Nakita kong nakabukas yung pintuan ng banyo kaya dumirecho ako dun
at nagkulong ako dun. SAVE!!!
"Ahahahaha!!! Asa ka Eli! Malalaman ko na kung anong ibig sabihin nung 'sarang'!"
"Uwaaaaaaaaahhhhh, Eli?"
Lumabas ako, nakatulala lang sa kanya at yung reaksyon niya, parang pinagpapawisan
siya.
Napatakip bigla ng mukha si Eli... "Amp naman oh..."
(A/N: Kailangan ko pa bang i-translate yung sinabi ni Sunmi kina Eli at Sam, o alam
niyo na?)
ͼ(≧﹏≦)ͽ
=================
Special Chapter 3
Pasensya na po sa mga nagalit kay Sunmi. Pero para mas ma-explain ang side niya,
narito po ang maikling kwento tungkol sa kanya.
Sunmi's Past
"Abeoji! Jebal kkeu-man! Geu-geoseun apa! (Father! Please stop! It hurts!)" I have
no choice but to cry and yell in pain. He's been like this since I can no longer
remember! He would hit me with all the things he could find inside our house.
Sinasaktan niya kami ni Eomma (Mama) day and night. "Sunmi, sorry your abeoji is
always like that. Sorry anak."
I didn't answer back. It's her fault why she married this evil sadist old Korean
man! Before I go to sleep, eomma would always tell stories about her happy life in
the Philippines before she went here at Korea.
Sana nga sa Pilipinas na lang kami! And I hope she just married a Filipino man.
That way, hindi na niya ako kinailangan pang ipanganak pa sa mundong ito, para lang
saktan ng demonyo kong ama!
One night, I was alone at home. Eomma went out to seek for food, because my stupid
and imbecile father can't.
"Yah!!! Sunmi!!! Iriwa!!! (Come here!)" He's drunk again and high because of the
drugs. May pambili siya ng mga bagay na yun, but he couldn't even buy me a single
candy!
"I nyeo-seok! (You little brat!) Naega oseul ppeo-seo-rago haet-jjana! Nae-ga mal-
haneun-daero hae! (I said take off your clothes! Do as I say!)"
"An-dwae! Abeoji! Ireo-jima! (No! Father! Don't do this!)" I don't want to do this!
I don't want him to do this to me! I'm not letting him!
And this time... this time I'll fight back. 'Coz I've had enough! This should stop
now!
He tried to rape me. But luckily, I hid a knife somewhere at this exact spot. Nung
makuha ko yun, I pointed it at him!
"Gakka-i oji ma! Ani-myeon naega neol jugil-geoya! Nan dang-sineul jjugil-geoya
maeng-se! (Don't come near me! Or I'll kill you! I swear I'll kill you!)"
"Nae-ga gakka-i oji mal-laet-jji! (I said don't come near me!)" My age? 8 years
old. And if I'm serious with what I'm saying? Yes! I'm dead serious! I'm gonna kill
this man if ever he touches me again!
"Dang-sin!!! (You!)" But at my age and with the kind of strength I have as a little
girl, killing him would be impossible.
Nagawa niya akong ibagsak sa sahig. At saka niya ako sinaktan ng sinaktan. I'm just
wondering why I'm still awake right now. If this continue, he'll kill me. But I
thought to myself, this would be better.
Better if killing me would stop this pain of my mine, I would be glad to help him
kill myself too.
I'm gonna stab myself as many as I can, until the last breathe of my life.
.
.
"Someone heard you crying and shouting for help. He helped you Sunmi. And your
abeoji is in jail right now. We're free at last Sunmi! We're free!"
Eomma said that because of what happened, imposible nang maklabas pa ng kulungan
ang demonyo kong ama.
* * *
Wala pa isang taon, nakakilala ng bagong lalaki si Eomma. He's half-Filipino, half-
Korean. He's separated from her wife, and he got one son na kasama niya ngayon dito
sa Korea. They said na magsasama sila. No!!! I can't let that happen!
"Nan dang-sineul jjo-a-haji ana! (I don't like you!) Nan dul da si-reo! (I hate
both of you!)" I said to my step-father-to-be, and step-brother-to-be.
"Sunmi. Don't talk to them like that." Eomma said. Sasaktan lang ako ulit ng
lalaking ito!
I run away from them and I have no plans of coming back! Not until they're gone in
our lives! So napunta ako sa isang lugar na hindi ko alam.
I found a playground and decided to stay there. I cried so much, ayoko nang
masaktan! Gusto ko kaming dalawa lang ng Eomma ko! Ayoko na ng iba!!! Then a group
of older kids came near me.
"Dang-sineun nugu si-jyo? Yeogi-seo mwo-haneun-geoya? (Who are you? what are you
doing here?)"
They pushed me away so stumbled in the ground. Lahat ba ng tao, bata o matanda,
mahilig manakit? I closed my eyes dahil alam kong sasaktan nila ako. But someone
came and saved me.
He's really good at fighting. At hindi niya pinabayaang may ibang bata pa ang
makalapit saakin. Those older kids ran away, screaming like babies!
Oppa? Older brother? I never had an oppa before. But with him, I felt safe.
He's just one year older than me, but he acts more than his age. He's serious and
mature and he just smiled at me saying... "I said I'm your oppa. So just trust me"
For the first time, I smiled again. 'Oppa' is Kuya in Filipino. And I just got the
best kuya that day. He's someone who swore to protect me, and love me as his own
sister.
That day, I also swore to myself too, that I'll be the best sister that he can
have.
=================
Chapter 21
"Keriloo na beb!"
Nagkasundo kami ni Eli na hindi na muna namin aalamin yung ibig sabihin nun. Tama
naman, hindi pa kasi ako handang umamin sa kanya na may gusto ako sa kanya.
Lokong Sunmi naman kasi yan... ang ibig sabihin ng, "Qitrix si Sam, betsive fatale
ka nyawang majing bowawits!" ay... "Itong si Sam, sobrang gusto ka na niyang maging
boyfriend!"
Parang sinabi na rin na in love na nga ako kay Eli!!! Haizzzz!!! Anyway, ano naman
din kaya ang sekretong tinatago saakin ni Eli? Bakit ayaw niyang ipaalam saakin?
* * *
Naglalakad na ako mag-isa pauwi, nang may masalubong akong tatlong lalaki. Uso nga
pala ang mga gang sa lugar na 'to. Buti na lang maaga pa, hindi naman nila siguro
ako pagti-tripan!
Dinaanan ko lang sila, buti na lang hindi rin nila ako napansin. Kaso napatigil ako
sa paglalakad ko... dahil may narinig akong umiiyak.
"Ah! Ikaw pala yung nakababatang kapatid niya! Alam mo bang malaki ang atraso
saamin ng maangas mong kuya?"
"Bugbugin na natin 'to mga pre! Para makaganti na tayo sa kuya niya."
"Wag po... wala naman akong ginagawa sa inyo eh." Humahagulgol na yung kawawang
gradeschool student na lalaki.
"Ikaw wala... pero ang kuya mo, malaki gulo ang ginawa saamin."
Tapos sinuntok nila yung kawawang bata. Hindi ko na napigilang pa ang sarili ko at
nagmatapang na akong lumapit sa kanila. "Hoy ano ba kayo!" Lumapit ako dun sa
batang lalaki, at humahagulgol siya.
"Wag ka nang umiyak, bata." Tapos tumingin ako sa tatlong lalaking nananakit sa
kanya. "Ang tatanda niyo na, tatlo pa kayo, tapos pinagtutulungan niyo pa 'tong
bata."
"Jan lang ako sa malapit na village!" Medyo malakas ang loob ko dahil medyo malapit
na ako sa bahay eh.
Hindi ko maiwanan yung bata, nakakapit na kasi siya saakin. Sa itsura pa ng mga
adik na 'to, mukhang hindi sila nagbibiro! "Kapag hindi niyo pa kami iniwan,
sisigaw na ako ng tulong!"
"HAHAHAHAHAHAHA!!!" Nakakatakot yung tawa nila. "Tingin mo may tutulong sayo? Kami
batas dito!" Hinawakan niya ako sa braso at saka niya ako tinulak palayo.
"Ahhhh!" Ang lakas ng pagkakabagsak ko sa lupa. Tapos kinaladkad nila yung bata.
Kapag naisama nila yun, panigurado, papatayin nila sa bugbug yun! Mag-isip ka Sam,
wag mong hayaang mapahamak yung bata!
"Waaahhhh" Lalong umiyak nang malakas yung bata. "Tulungan mo ako... ate..."
Naghanap ako ng pwede kong panlaban... at nakakita ako ng malaking bato. Humanda ka
Sam kapag ginawa mo yan. Ikaw na pagbubuntungan nila! Pero hindi na ako
nagdalawang-isip pa, at binato ko sila at tinamaan yung lalaking pinakamalakai sa
kanilang tatlo.
"G@go ka ha!"
"PAKELAMERA KA HA!!!"
Napa-atras ako, nabaling na ang attention nila saakin. Tamang-tama 'to para
makaalis na yung bata. "BATA TUMAKBO KA NA, DALI!!!"
Kumaripas na yung bata palayo. Hindi na siguro siya mahahabol... at ngayon ang po-
problemahin ko na lang ay kung paano aalis dito.
Tumalikod ako para tumakbo, kahit saan basta makalayo lang din sa tatlong demonyong
'to!
Kaso, hinablot nung isa yung kwelyo ng damit ko... habang may mga hawak nang
malalaking kahoy yung dalawa pa niyang kasamahan.
And the last thing I knew... nakahiga na ako sa kalsada. Naiiyak na sa sobrang
sakit, nagdadasal na sana may tumulong saakin. Eli... tulungan mo ako.
٩(×..×)۶
Lumapit saakin yung guard. Salamat kay kuya, to the rescue. Umalis na yung tatlong
nambugbug saakin, walang hiya sila. Mga halang ang kaluluwa! Nanginginig pa din ako
kahit nasa guardhouse na ako ng village namin. Ni-report na rin nung guard yung
nangyaring gulo.
Hindi ako makapagsalita ng maayos. May malaking pasa ako sa mukha, may mga galos
ako sa palad at braso ko, at tingin ko, puno na ng pasa ang likod at dalawang hita
at binti ko. Nanginginig na nga tuhod ko, pero kaya ko pa naman sigurong maglakad.
"Wag na po kuya... malapit lang po ang bahay ko." Pinagpag ko ang sarili ko, hindi
naman halatang madumi ang suot ko. Ayokong makita ako ni Eli na ganito. Sasabihin
na naman niya, kasalanan ko kaya ako napasok sa gulo!
"Opo... salamat po." Naglakad na ako agad. Nag-iisip na ako ng dahilan kung anong
sasabihin ko kay Eli. Ayaw ko naman siyang pag-alalahanin.
Binati ako agad nina Waine at Argel. "Nandito kayo..." I tried to smile. Nandito
silang tatlo sa living room, naglalaro ng ps3.
Umiwas ako ng tingin sa kanila. Ayokong mapansin nila! Wag kang magpahalata Sam!
"Ang daming school work! Akyat na muna ako sa taas ha!"
Nagmadali akong pumunta sa kwarto, at pagkasarado ko sa pinto, bumagsak ako agad sa
kama.
Hindi ko mapigilang umiyak sa sobrang sakit ng katawan ko. Namimilit ako, ang hapdi
ng mga sugat ko! "Aray... kuya Rico..." Sa tuwing nahihirapan ako, ang kuya ko lang
ang lagi kong tinatawag. Nagtalukbong ako ng kumot. "Aray ko..." Sana... sana
makatulog na ako.
Umiyak lang ako ng umiyak, pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Maya-maya... "Sam..."
"Ha...?" Tumutulo pa rin yung luha ko... "Masama lang ang...pakiramdam ko, Eli."
"May sakit ka?" Narinig kong lumapit siya, kapag nakita niya ako ng malapitan,
malalaman niya!
"Pahinga lang kailangan ko, Eli! Hindi muna ako makakapagluto ngayon ha."
"Ha... sige... kailangan mo ba ng gamot?"
Natahimik siya bigla. "Sigurado ka ba Sam. Baka mamaya kung ano na yan."
Ito na naman tayo sa kakulitan niya! Kapag ganito pa naman siya, nalalaman niya
agad yung problema! "Uy... nagki-care si Eli. Nag-aalala ka kay Auntie Sam noh."
Nagawa ko pang mang-asar!
"Pssh! Feeling mo naman! Jan ka na nga!" Tapos narinig kong umalis si Eli at
padabog na isinarado yung pinto. Effective diba, ayaw niyang inaasar siya ng
ganyan!
But... it feels like I'm dying now. Malala pa 'to nung nasaksak ako sa likod nung
pinasok yung apartment ko ng magnanakaw.
* * *
"Hala idol! Dito na lang muna kaya kami! Babantayan namin si Sam!"
Mga ulupong talaga 'tong sina Waine at Argel! Sinabi ko lang na hindi makakapagluto
si Sam ngayon dahil medyo masama yung pakiramdam, sobra na agad kung mag-alala!
Ganun nila kamahal si Sam, kaasar!
Aakyat na sana sila, kaya hinarangan ko na. "Pabayaan niyo muna siyang magpahinga!
Ako nang bahala sa kanya!"
Tapos maya-maya, ang weird na naman nung tingin at ngiti nila. "Weh... ikaw idol?
Babantayan si Sam?"
"Syempre Waine, nag-aalala din talaga yang si Idol! Mas nag-aalala pa kesa saatin!"
"TIMONGOLOIDZ!"
Langya! Nagaya na ako sa expression ni Sam! "Umuwi na nga kayo!" Tinulak ko sila
pareho palabas.
〷(╯_╰)〷
It's my time to shine sa sarili kong kusina! Igagawa ko si Sam ng soup! May binili
naman kaming easy to cook na soup powder eh.
TAKTE NAMAN!!! Paano ba lutuin 'tong soup na 'to!!! Sino bang ugok ang umembento ng
soup powder na 'to at ang hirap intindihin.
Sa huli, yung balak ko sanang soup, nauwi lang sa instant noodles. Pwede na rin
siguro 'to, mainit naman ang sabaw nito eh. Ililipat ko na lang sa mangkok para
maganda presentation, ahaha!
Natutulog pa yata. Pagod na pagod ba talaga siya? Ano bang ginawa niya sa school at
nagkasakit siya bigla. "Sam..." Ipinatong ko yung tray sa lamesa at naupo sa kama
niya. Hinawi ko yung kumot na nakabalot sa kanya.
Hahawakan ko ba pisngi niya? Aalamin ko lang kung mainit siya! Malay mo nilalagnat
diba! Go Eli... hindi ka naman manyak kung ichi-check mo lang yung temperature niya
eh. I touched her cheeks...
AMPNESS!!! Nakakahiya!!! Baka kung anong isipin niya! "Kinapa ko lang kung may
lagnat ka... okay naman... ahem..."
"Ah..." Walang lakas yung boses niya. Parang namumula pa mga mata niya.
Napatakip siya sa mata niya. "Ah... wala 'to. Okay naman na ako."
"Oh... may instant... soup akong dinala." Gandang fail yan Eli! BOPOLS!
"Oo na instant noodles lang yan! Kumain ka na para magkalaman yang tyan mo!"
Dahan-dahan siyang bumangon, parang may iniinda nga siyang sakit eh. Ano nga kaya
talagang problema niya? "Thanks... sige kakain na ako."
"Pati ba buhok pakakainin mo? Emo ka ba? Magtali ka nga muna ng buhok mo at
nakaharang jan sa mukha mo!" Weirdoness naman kasi!
Pagkasabi ko naman nun, parang kinabahan siya bigla. "Hehe..." Hindi niya lang
pinansin yung sinabi ko. Sumubo na siya ng noodles, at tinignan ko lang siya. "Ano
yan Eli? Panonoorin mo lang akong kumain?"
"Kumain ka na nga lang!" Pagkasabi ko nun, napa-aray siya sa pagsubo niya. "Oh
bakit? Sobrang mainit pa ba yung sabaw?"
"Hindi naman..." May problema talaga eh!!! Changgala! May hindi sinasabi si Sam
kaya ganito siya!
Nagmasid-masid ako sa paligid, tapos napansin ko yung panyo niyang nasa sahig kaya
hindi ko pinahalatang pinulot ko yun. BAKIT MAY DUGO 'TO? Tapos tinignan ko siyang
mabuti, at pakingshet! Yun lang ang nasabi ko!
"Ano yan, Sam?" Hinawakan ko yung dalawang kamay niya, may mga gasgas siya sa palad
niya. "Bakit may mga sugat ka?"
"Ah... eh... kanina yan... na... nadapa ako..." Nauutal siya, nagsisinungaling
siya!!!
Dahan-dahan kong itinaas yung sleeve niya, "BAKIT ANG DAMING MONG PASA SA BRASO!"
Nanggagalaiti na ako, kaya hinila ko yung kumot na nakabalot sa kanya. Pati yung
hita at binti niya, may mga sugat at pasa.
"SAM!!!" Wala siyang nasabi, napayuko lang siya. Tapos kusa na lang kumilos yung
kamay ko, at hinawi ko yung buhok na nakaharang sa mukha niya. At tumambad saakin
yung malaking pasa na kanina pa niya tinatago.
Napaiyak siya, nanlulumo ako, at the same time pinipigilan ko ang sarili kong
masuntok ang pader ngayon. "Sam... sinong hayop ang gumawa sayo niyan?"
Walang siyang sinabi kaya lumabas ako ng kwarto niya. Bumaba ako papuntang living
room, at dun ako nagwala. Sinipa ko lahat ng pwedeng sipain. "WALANG HIYANG YAN!!!"
"Hello... Idol?"
"Buong SGG??? Bakit biglaan yata? May away ba? Anong gulo yan Idol?"
At pinatayan ko na siya ng phone. Kung sino mang ulul ang gumawa kay Sam nun,
papatayin ko!
凸(◣╭╮◢)凸
=================
Chapter 22
Umakyat ako sa kwarto ni Sam, at may dala akong pain-killer. Three days na siyang
hindi pumapasok, sobrang sakit pa rin kasi ng katawan niya.
Nakaupo lang siya sa kama, at ako ng naga-apply ng ointment sa mga sugat niya.
"Sweet naman talaga ni Eli!"
Nag-pout siya. "Talikod!" At tumalikod naman siya, nahihiya nga akong itaas yung
damit niya. Pero kailangan ko ding lagyan ng gamot yung sugat niya sa likod.
Tatlong araw ko na 'tong ginagawa, pero nanginginig pa rin yung daliri ko sa tuwing
nadidikit sa balat ni Sam.
"Ah... sige..."
"Thank you Eli ha." Nagte-thank you pero hindi naman makatingin saakin!
"Tapos na! Pahinga ka na ulit." Tumayo na ako pero bago pa ako lumabas ng kwarto
niya. "Lalo pang lalaki ang utang mo saakin Sam."
"Ha? Bakit?"
"Basta! Nyt!" Pinatay ko na ang ilaw, at sinarado na ang pinto ng kwarto niya.
Bumaba na ako papuntang living room, at nandun sina Waine at Argel. "Natutulog na
siya?"
"Oo."
"Hay... iniisip ko pa lang kung gaano nasasaktan si Sam, nasasaktan din ako."
"Idol... may balita na din pala... kilala na namin kung sino ang mga yun. Tatlong
lalaki, from West daw."
Nag-apir sina Waine at Argel. "YOWN!!!" Excited na sila! Minsan ko lang kasi
pakilusin ang SGG. Humanda ang tatlong mokong na yun!
* * *
"Haha." Hindi maka-get over si Byron nung makita niya akong ang daming sugat sa
katawan at maikwento ko sa kanya yung nangyari saakin. Uwian na din naman.
"Kamusta naman siya? Dumaing ba ng sakit?" Kinuha ni Eli yung mga gamit ko habang
kausap niya si Byron.
"Kyeme lang Eli-byu! Zirowena namang na-say! Witchikels namang najirapan si beb!
(Okay lang naman Eli. Wala namn siyang dinaing. Wala naman daw sumakit.)"
"Good... salamat Byron ha. Tara na Sam!" Sumunod na ako kay Eli. Ngayon lang niya
ako ihahatid pauwi ha!
m('-...-)m
Buhat ni Eli ang bag ko, at yung iba ko pang mga gamit. Feeling ko tuloy boyfriend
ko siya na kasabay ko ngayong maglakad. Ayiiiiiiehhh!!! Kaso...
Wala siyang imik. Sa paglalakad namin, bigla akong natigilan. Nag-froze lang ang
katawan ko sa kaba at takot. Yung tatlong nambugbog saakin, makakasalubong namin!!!
May isa pa silang kasamahan ngayon! "Eli! Wag na tayong dumaan dito!"
Lumingon siya saakin, and he offered his hand. "Tara Sam... ako kasama mo. Wag kang
matakot." Ano bang sinasabi ni Eli? Hindi ko maintindihan! Pero magkahawak-kamay na
kaming naglalakad kaya lalo akong pinagpawisan.
Napatingin yung mga nakakatakot na lalaki! Paano nalaman ni Eli na nasa kanila yung
nambugbog saakin?
"Aba! Ikaw na namang babae ka? Sino naman yang kasama mo?"
Girlfriend daw ako oh! Napakapit ako kay Eli. Ano bang ginagawa niya? Bakit niya
sila nilapitan? "Kayong tatlo ba yung nanakit sa kanya?"
Ang seryoso ng mukha ni Eli. Tapos tumingin pa siya dun sa isa pa nilang kasamahan.
"Oh ikaw, wag kang e-epal dito ha! Tumakbo ka na lang!"
Sinagot naman siya nito, "Aba't ang yabang mong maangas ka ha!"
Pagkasabi ko nun, napatitig ako sa maamong mukha ni Eli. Hinawakan niya yung braso
ko at dahan-dahan niya akong tinulak palayo. "Sam... dito ka lang sa likod ko.
Panoorin mo lang ako."
"Ha?"
"Basta... igaganti kita." Nginitian niya ako sabay kindat. ANG GWAPO MO ELI!!! Kaso
anong kalokohan 'tong binabalak mo?
Biglang nagbago yung expression ng mukha ni Eli nang magsimula nang sumugod yung
mga lalaking pangit! Napapikit ako, at nanginginig. Anong gagawin ko? Masasaktan si
Eli? AYOKONG MAY MANGYARI SA KANYA... masasaktan si Eli...
Ang hirap i-explain nung sound effects. Pero nakakatakot pakinggan. Sino kayang
dehado? Nako po! Wag naman po sanang mabugbog si Eli!!!
"G@g* ka ha!!!"
Tumayo sila ulit at humawak ng mga pamalong kahoy. Kaso madali lang lahat yun
naiwasan ni Eli. Alam ko namang black belter siya sa taekwondo, pero ganito pala
siya kagaling!!! Parang lumilipad sa hangin kapag naninipa!
BUMAGSAK ULIT YUNG TATLO! At ito lang ang napansin ko, hindi si Eli ang sumusugod!
At saka lang sila nilalabanan ni Eli, kapag pasugod na sila.
"Mga noob pala kayo eh! Kaya pa?"
Gaganti pa sana yung isa, natawa lang ako, nung kinotongan lang siya ni Eli. Pag
sumugod pa sila, lalong sakit lang ng katawan ang aabutin nila kay Eli!
Paglapit ko pa lang, nagbago na naman yung expression niya. Yang ngiting yan Eli,
nakaka-knockout! "Oh, wala nang pwedeng manakit sayo ha."
Napatango na lang ako. I felt safe, especially when he patted my head. Nakatitig
lang ako sa kanya, at ganun din siya saakin. At dahil sa moment na 'to, hindi namin
na napansing tumayo ulit yung isa at sinugod kami.
Ako sana yung tatamaan ng kahoy, kaso naiwasan ko yun nang iharang ni Eli ang braso
niya para hindi ako matamaan. "ELI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
"Sh*tface ka ha!" Lumapit si Eli sa kanya, at saka niya tuluyang pinatulog yung
lalaki by punching his face and stomach.
"Urghhh."
"Okay ka lang?" Nakuha pang magtanong! Samantalang yung braso niya yung napuruhan!
"Okay lang 'to, wag kang mag-alala." Sabi niya habang ini-stretch ang braso niyang
napalo kanina nung kahoy.
Napayakap na lang ako sa kanya. Sorry Eli, I did this to you. "Tara na Eli... alis
na tayo dito. Okay na ako... nakaganti ka na din." Please... ayoko nang masaktan pa
siya.
"Ha... sabi mo eh." He agreed to me, at saka lang ako nakahinga ng maayos.
Lalakad na sana kami, kaso hindi pa pala tapos yung gulo. Bumalik yung tumakbong
kasamahan nila kanina, at may kasama na siya.
Hinawi ako ni Eli para mapunta ako sa likod niya. Ang dami nila... kakayanin kaya
ni Eli 'to? Lalo pa ngayong napuruhan siya sa braso.
"Akong bahala sayo Sam... wag kang matakot." Natatakot ako para saaming dalawa.
Pero pinunasan niya yung namumuong luha sa mata ko...
"Magtitiwala ako sayo Eli, pero please, ayoko lang na masaktan ka."
٩(T..T)۶
Sa lakas kong 'to, wala pa rin ba siyang tiwala sa kakayanan ko? "Magtitiwala ako
sayo Eli, pero please, ayoko lang na masaktan ka."
"Syet! Ang cute mo!" Yan tuloy, sa ganito kaseryosong bagay, nasabi ko yun. Um-ewan
tuloy yung reaction niya lalo!
"Ha?"
"Idol!!!"
"Oh kalma lang! West versus South na ba 'to? Dali, kayo na una sumugod!"
"Partida pa yan hah! Hindi kami kumpleto, hindi ko na pinasama yung iba!" Angas din
nina Waine at Argel. Hwahaha!!! Pero kulang pa nga din, lagpas isang-daan kaya
kami!
Gulat na gulat din si Sam. Uy lalo siyang napayakap saakin nung lumabas yung grupo
ko! Haha! "Sam... kasamahan ko lang yang mga yan."
"Parang ganun na din... mga solid South Grisham students yang mga yan. Ako leader,
hehe!" Yabang ko! Tapos inutusan ko na yung mga ka-gang ko. "Oh mga bata, kayo na
bahala sa mga taga-West na yan ha."
Syempre, sa takot ng mga taga-West dahil nakabunggo pala nila ang pinakamalaki at
pinaka-sikat na South Grisham Gang, nabahag na ang mga buntot! Hwahahahahaha!!!
"Ikaw ba yung sikat na si Idol? Sorry po! Sorry po!" Nag-bow yung mga taga-West at
tinawanan lang namin. Kilala din talaga ako ng lahat bilang Idol! Tapos binatukan
nila yung tatlo nilang ka-gang na nanakit kay Sam. "MAG-SORRY KAYO!!!"
Tapos nagsiluhod na sila kay Sam. Hindi naman alam ni Sam yung gagawin niya, pero
bakit ang cute-cute niya ngayon sa paningin ko! "O... okay na... pinapatawad ko na
kayo."
"Sorry po... hindi namin alam na boyfriend mo pala si Idol." Nakiki-Idol na din!
Aba't nalingat lang ako sandali, pumaparaan na naman sina Waine at Argel! At hindi
lang sila, pati yung ibang SGG, kinakausap na siya!
"Haha... tinakot niyo ako. Pero salamat sa paglabas niyo ha." Tuwang-tuwa naman ang
babae dahil pinalibutan siya ng mga lalaki!!!
"Oh tama na yan!" Inabutan ko ng pera sina Waine at Argel. "Kayo na manlibre sa SGG
ha. Mag-celebrate kayo!"
"Hindi na mga pare, hahatid ko pa 'to!" Hinablot ko yung damit ni Sam at nang
matauhan. "Babye na!"
Pero bago pa kami umalis, nagbow muna yung SGG kay Sam. "Next time na lang ulit
Idol Sam."
"Wag kang ngumiti-ngiti jan! Tara na!" Pinagku-kwento na yata nina Waine at Argel
kung sino si Sam sa buhay namin ngayon! Pati siya, tinatawag nang Idol Sam ng buong
SGG.
Paglingon ko, nakatayo lang si Sam sa likod ko. Ano ba yan, kakaiba na namang 'tong
naiisip ko! Pakshet ka Eli, anong problema mo? "Um... kulang na lang iharang mo
yang buhok mo sa mukha mo. Pwedeng-pwede ka nang Sadako."
Hindi siya natawa sa sinabi ko. Okay lang, hindi naman joke yun. "Uy, bakit ba
nakatingin ka lang jan? Ma-stroke ka niyan!"
Biglang tumulo yung luha niya. ANO NAMANG GINAWA KO! Pina-iyak ko na naman ba siya?
"Uy Sam, may masakit ba sayo?"
NAKAYAKAP SIYA SAAKIN!!! Langya!!! How could she do this to me!!! Hindi ako
makahinga!!!
(❤ ¬_¬)
=================
Chapter 23
So kasalanan ito ng reflex ko ha... na niyakap ko din siya pabalik. "Okay na yun...
syempre gagawin ko yun dahil mahal kita." ANAK NG!!! Reflex din ng bibig ko yan!!!
"BILANG AUNTIE!!!" Napalunok ako. "Syempre Auntie kita... nephew-in-law mo nga ako
diba."
Nagkatitigan ulit kami, pero ako na unang sumuko. Hindi ko na siya matignan sa
mata, kaya mabuti pang umiwas sa kahihiyan kong ito! "Akyat na ako sa taas ha."
"ELI!" Bakit na naman ba? Nahihiya na nga ako!!! Lechugas naman oh!
"Bakit?"
"Ang... ang ibig sabihin ba ng sarang ay love?"
Natigilan lang ako. Paanong... "Teka... inalam mo ba yung meaning nung sinabi ni
Sunmi?"
"Sabihin mo na lang Eli... love ba yun? Isang word lang naman yung naaalala ko sa
sinabi ni Sunmi eh."
"Eh bakit hindi mo muna i-translate yung sinabi din saakin ni Sunmi?"
"Ibabalik ko lang sayo yung sinabi mo, bakit ayaw mo ring umamin saakin?"
"Malay ko!!!" Kunyari pa! "Na mahal mo ako? Umamin ka na nga Sam!" Umamin na kasi
para hindi na kami mahirapan pa! Tumatagal pa eh!
"KASI ANG TAGAL NA SAM!!! Sabihin mo na lang para matapos na!!!" Ang kulit ng
babaeng 'to!
Tapos naupo siya sa sofa. Ano na naman kayang iniisip ng babaeng 'to? May kinuha
siyang notepad at dalawang ballpen mula sa bag niya. Inabutan niya ako ng papel at
nung isang ballpen. "Isulat mo jan yung meaning nung sinabi saakin ni Sunmi. Tapos
isusulat ko din yung translation nung sinabi niya rin sayo. Tapos trade tayo."
"Ano ako ulul?" Tumalikod ako, at umakyat na sa taas. Hindi ako makikipagka-sundo
ng ganun ka-simple! At isa pa, saka ko lang sasabihin kapag umamin na siya! Ayoko
ngang mapahiya, wala sa vocabulary ko yun!
Pagpasok ko sa kwarto ko, nahiga ako agad sa higaan ko. "Amp naman kasi, bakit ayaw
niyang umamin! Dapat hindi nahihiya ang mga babae kung gusto nila yung lalaki!
Anong malay nila, baka gusto din sila nung lalaki, hindi lang marunong manligaw! O
baka sige, natotorpe!"
TAKTE NAMAN OH!!! Tapos sinuntok-suntok ko yung unan. Sana pala binugbog ko ng
sobra yung mga ugok kanina, naghahanap tuloy ako ng mapagbubuntungan ng asar
ngayon!
Maya-maya, kumatok na naman siya. Pagbukas ko, winawagayway niya sa mukha ko yung
notepad niya. "Nakasulat na dito yung meaning Eli oh."
"Oh... ano naman?"
Ako pa kinulit mong babae ka ha! Hahablutin ko sana yung notepad niya kaso, ang
bilis niyang naiwasan. "Ops!!! Hindi mo makukuha ito nang ganun lang!"
"Ganun?" Nginitian ko siya, tapos natulala lang siya saakin. Saka ako dahan-dahang
lumapit sa kanya, hanggang sa wala na siyang maatrasan pa.
Nung mapunta siya sa pader, aalis pa sana siya kaso ni-corner ko na siya. Akala mo
makakatakas ka ha! Ako pa ginaganito mo? "Hoy... E... Eli... hindi pa ako
magaling..."
"Hindi naman kita sasaktan eh." Sinadya kong gawing malandi yung boses ko. Saka ko
dahan-dahang inilapit yung mukha ko sa mukha niya, kaya siya napapikit. Ano naman
kayang iniisip niya at kinakabahan siya nang ganito?
Sinilip ko lang talaga yung pasa niya sa mukha, at natuwa naman ako na medyo
magaling na. "Pffft... nakakatawa ka lang!"
Yan! Off-guard na siya kaya nahila ko na yung notepad mula sa kamay niya. Hindi na
siya nakapalag at pumuslit na ako agad sa kwarto ko at nag-lock ng pinto! "HOY
ELI!!! ANG DUGA MO TALAGA!!!"
*inhale... exhale...*
Eto na! Eto na ang sagot sa mga tanong ko! Malalaman ko na kung ano yung sinabi
saakin ni Sunmi, na hindi maamin-amin saakin ni Sam...
Ikalma mo lang sarili mo Eli sa malalaman mo. Dahan-dahan kong hinanap yung sinulat
niya hanggang sa mapunta na ako sa last page.
Dahan-dahan ko itinagilid yung ulo ko para intindihin kung ano yung ibig sabihin
nun. At ito lang ang sinulat niya. ----> (d:<)
Changgalang yan!!! Naisahan ako dun ha! Hindi pwede 'to! Kabawasan 'to sa pagiging
Idol ko! "Humanda ka Sam! Gaganti ako! Gaganti ako!!!"
Sam - ⊙.☉
Gaganti daw si Eli? Pero kelan? Dahil dun, hindi na tuloy ako mapakali! Ni hindi
din ako makakain ng dinner dahil iniisip ko kung paano gaganti si Eli. Ang lupet pa
naman niya! "Eli... peace na tayo."
Tahimik lang siyang kumakain. In-order lang namin 'tong dinner na 'to. "Sige...
sasabihin ko na yung ibig sabihin nung sinabi ni Sunmi."
"Um... ang ibig sabihin lang nun... masaya akong nakatira dito sa bahay mo." Sana
maniwala siya.
Parang bata lang oh! Pero syempre, ayoko namang idamay si Kuya dito. "Oh hindi
makasagot! Sinungaling ka Sam! Humanda ka saakin! Patong-patong na utang na loob
mo, patong-patong pa kasalanan mo!"
Wala na lang akong ni-react. After namin kumain, nagkulong na ako agad sa kwarto
ko. Hindi na ako lalabas, kailangan kong mag-ingat sa gagawing ganti ni Eli.
Kakaiba pa naman gumawa ng kalokohan yun.
Nahiga-higa ako sa kama, at ilang sandali pa, dinalaw na ako ng antok kaya
nakatulog na ako. Kaso nagising ako nang biglang makaramdam ako na gumagalaw sa
tabi ko.
"Sam..."
"Eli..." Paano siya pumasok sa kwarto ko? AY may susi pala siya! Pero bakit nandito
siya? "Anong ginagawa mo dito?" Gagantihan na ba niya ako?
"Wag mong lakasan yung boses mo... may mga tao sa baba."
"Ha?"
"Tangeena!!! Pinasok yata tayo ng magnanakaw! May baril silang hawak! Kung kelan
naman napuruhan yung braso ko!" Napabangon ako sa takot.
"Dito ka lang Sam. Wag kang aalis dito... magtago ka! Bababaan ko sila."
"Baka ikaw ang saktan nila!" Pinipilit kong maging matapang dahil ang seryoso din
ng itsura ni Eli. Ako na naman ang iniisip niya. Bakit ba sunud-sunod ang gulo
ngayon? "Makinig ka, hindi ko hahayaang masaktan ka ulit."
"ELI! Ayokong ikaw yung masaktan!" Pinatigil niya ako by hugging me. My God! He's
so warm. At ayoko na siyang pakawalan pa. Baka... baka hindi ko pa masabi yung
feelings ko for him! "Eli... yung about sa sinabi ni Sunmi... I just want you to
know that..."
"Sheeesh... Samira, pag-usapan natin yan once this is over. Dito ka lang!"
"Wag Eli!!! Wag mo akong iwan!!!" Pinatahimik niya ulit ako by kissing me on my
forehead at saka na siya umalis. Hindi na nagpapigil pa.
Ang huling narinig ko ay isang malakas na tunog. Putok ba ng baril yun? Nakarinig
na ako ng katulad nun noon! Katunog nung pinaputukan ng pulis yung magnanakaw na
papatay sana saakin noon sa apartment ko.
Sandaling natahimik ang lahat. Si Eli... bakit hindi pa niya ako binabalikan? Tapos
unti-unting bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Hindi siya si Eli!!! Anong ginawa
nila kay Eli!!! Nasaan siya?
Hindi rin ako nakapagtago ng maayos dahil humahagulgol na ako. Hindi na rin ako
nakatakas dahil wala naman na akong mapupuntahan.
Katapusan na ba ulit ng buhay ko? Parang nangyari na ito noon eh, nangyayari ba
talaga ito ulit ngayon? "Si... Si Eli?"
Pinagtawanan lang ako ng lalaki, hindi ko siya makilala dahil sa itim na telang
nakabalot sa kanyang mukha. Mamamatay-tao ba siya? Magnanakaw? Rapist?
Nanginig ako nang hawakan niya ako sa braso. Siya ba yung magnanakaw na nahuli
dahil saakin? Nakatakas siya sa kulungan? Paano nangyari yun?
"Sabi ko naman sayo, babalikan kita diba?" Natatakot na ako sa kanya. Sisigaw sana
ako pero tinakpan niya ang bibig ko. "Sino ba yung kasama mo? Kapatid mo? Kaibigan
mo? Boyfriend mo?"
Tumulo ang luha ko. Kahit na alam kong malakas si Eli at magaling makipagbasag-ulo,
paano kung masaktan pa rin siya ng lalaking ito.
"Huwag kang umiyak!" Wala akong magawa. Patayin na lang niya ako kaysa kung ano pa
ang gawin niya saakin.
Ilang sandali pa, nakita kong bahagya nang nakatanggal ang balot sa mukha niya.
Pero dahil madilim ang loob ng kwarto ko, hindi ko pa rin ito maaninag nang maayos.
"Sino ba ang lalaking yun? Mahal mo ba yun? Isang maling sagot mo lang, katapusan
mo na."
Sa oras na ito, wala na akong dahilan para magsinungaling pa. Maaring katapusan na
nga ito ng buhay ko kaya mabuti pang ilabas ko na ang mga nararamdaman ko.
Tumango ako. "Mahal ko nga si Eli." Oo, mahal ko na nga ang lalaking yun.
Ngumiti saakin yung lalaki pero biglang sumimangot ulit. Kaya lalo lang akong
naguluhan. Unti-unti pa siyang lumapit saakin, at sobrang magkalapit na ang aming
mga mukha. At nagulat ako nang gawin niya ang isang bagay na hindi ko inaasahan.
Hinalikan niya ako, and it was fast yet gentle. Nanlaki lang ang mga mata ko.
Parang ngumiti siya pero hindi ako sigurado.
Akala ko kung ano pang ang gagawin niya, pero humawak lang siya sa leeg ko at wala
pang ilang segundo, parang umiikot na ang paligid ko. Napapikit ako at tuluyang
nawalan ng malay. At wala na akong maalala sa mga sumunod pang nangyari.
٩(T..T)۶
Nakaramdam ako na parang lumulutang na ako sa hangin. Nakapikit ako pero alam kong
maliwanag na ang paligid ko. Nasa langit na ba ako? Bakit naman ako maagang
namatay? Hindi ko man lang nasabi kay Eli na mahal ko siya. And worse, first kiss
ko pa yung pangit na magnanakaw na yun!
"Eli... mahal kita." Sorry kung patay na ako, at hindi ko na nasabi sayo yun.
Ano ang lahat ng yun? Panaginip? Tapos ano? Nagsleep-talk na naman ako? At narinig
na niya?
Buhat ako ni Eli at inihiga niya ako sa kama ko. "Sabi naman sayo, gaganti ako eh."
At inilabas niya yung telang itim na suot nung lalaki kanina. Suot niya kanina?
"Hindi panaginip yun?"
Napatigil ako. "Kung ikaw yun... e'di..." Siya yung humalik saakin kanina? Yung
precious first kiss ko? Siya yun?
"Oh yeah Sammy... I'm that kissing bandit!" Nang-asar pa dahil napakagat-labi pa
siya!
"OO Yun lang! Para madali na din saakin na umamin na ang ibig sabihin ng sinabi
sayo ni Sunmi ay inlove na ako sayo!"
Ako - (⊙...⊙)
Eli - (❤ ¬_¬)
"Basta wala nang bawian. Mahal mo ako, mahal din kita. TAPOS!"
*dugdug*
Oh yan na naman si heart oh... kumakanta pa yan this time. Boy you got my heartbeat
runnin' away, beating like a drum and it's coming your way, can't you hear that
boom badoom boom, boom badoom boom bass. Eli got that super bass!!!
(●╯‿╰●)
=================
Chapter 24
"Oh..." Si... Si Eli! Nandito siya sa kusina at nagluluto siya ng scrambled egg!
Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi!
Syeteng kanta yan ng puso ko! Nai-LSS ako! "Tamang-tama gising ka na. Mag-agahan na
tayo." Ay oo nga pala, dahil sa mga sugat ko na hindi pa ganun kagaling, kaya skip
muna ako sa mga gawaing bahay! Ano ba naman yan! Nasanay na yata akong maging
katulong! "Kain ka na."
"Babalik na lang akong matulog." Tinalikuran ko siya dahil asar pa rin ako sa ganti
niya saakin kagabi! Galit pa rin ako dahil ninakaw niya yung first kiss ko!
"Nagagalit ka dahil sa ganti ko kagabi at dahil ninakaw ko ang first kiss mo."
"Tsk! Wag kang inarte jan!" Hinili niya ako para maupo sa harap ng lamesa. "Kain!
Pinaghirapan kong lutuin yan."
Bakit ganun? Bakit parang wala lang sa kanya yung nangyari kagabi! Akala ko ba
mahal niya ako? Bakit parang wala lang?
"Iniisip mo na naman ba na bakit parang wala lang saakin yung nangyari kagabi?
Maniwala ka sa sinabi kong gusto kita, okay!"
Uwaahhh! Ang weird!!! Pangalawang beses na niyang binabasa ang isipan ko! Edward
Cullen ikaw ba yan?
Panaginip lang yun? Teka nga... try mong basahin ang iniisip ko ngayon Eli.
"Ah wa... wala naman..." Teka... galit nga pala ako kay Eli dahil sa ginawa niya
saakin kagabi! Dinalaw pa niya ako sa dreamland ko kaya dobleng asar ko sa kanya
ngayon!
"Ngayong gising ka na, tara na sa baba at mag-almusal na tayo."
"Hindi. Ayokong kumain. Matutulog na lang ulit ako." Wag mong pansinin si Eli!
Malaki atraso sayo ng lalaking yan!
"Ayaw mo ha." Bigla na lang akong dinamba ni Eli sa kama ko. Syett anong eksena
'to! "Nagtatampo ka pa! Pareho naman tayo ng nararamdam sa isa't isa! Alam mo ang
tagal ko nang nagpipigil eh, pero ngayong alam ko na na gusto mo ako..."
"Teka Eli wag... bata pa ako! Mahal nga kita pero... wag!!!"
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!"
.
"Sam! Sam!" Napadilat ako bigla. "Uy binabangungot ka!"
Panaginip lang yun? Teka nga... makurot na nga ang sarili ko para makasiguradong
hindi na 'to panaginip! "Aray!" Ayan gising na nga ako!
٩( ๏̯̃_๏)۶
Babae lang ba ang may karapatang kiligin? Kahit naman sa gwapo kong ito at sa dami
ng babaeng nagkakadarapa saakin, kinilig pa rin ako sa nangyari saamin ni Sam.
Pagkasabi pa lang niya na mahal niya ako, nahalikan ko siya. Reflex na yun ng
lalaki pag gusto din siya sa babae! Amp! Ang korni ko! Hindi bagay!
Hindi nga ako nakatulog pagkatapos nun. Madaling araw na ako dinalaw ng antok at
kung hindi pa nagsisigaw si Sam ngayong umaga, hindi pa ako magigising.
"Ganun ka ka-apektado sa nangyari saatin kagabi?" Umayos ka nga Eli! Syempre first
kiss ni Sam yun! At tsaka, wala pang experience yan sa mga ganitong bagay eh.
"Tumayo ka na nga jan at nang mahimasmasan ka!"
Tinulak niya ako palabas ng kwarto! Amp!!! Masyado ba akong mabilis? "HOY BABAE KA!
Wala pang gumaganyan saakin ha! Lumabas ka na jan! Mag-usap tayo!"
"Idol..." Parang bangag lang ang boses ni Waine. "Hindi na muna... may hang-over pa
kami."
"Ano?" Ganun katagal sila nakipag-inuman kasama ang SGG kahapon? "Wala kayong
kwenta! Psshhh... Sige na ba-bye na!"
Hindi na ako mapakali... paano ko ba aayusin 'to. Paganahin mo yang matabang utak
mo Eli! Mag-isip ka, dali!
*sigh*
Ano bang nangpapasaya kay Sam? Ako? Wag kang mahangin Eli, galit nga siya sayo eh.
Mag-isip ka ng ibang way! Bumalik ako sa taas at naupo lang sa harap ng kwarto ni
Sam. No choice ang kagwapuhan kong ito, hihintayin ko na lang siyang lumabas.
After two hours... she opened her door. Nagtitigan lang kami, kaya tumayo na ako.
Pagsasaraduhan niya ulit sana ako ng pintuan pero hinarang ko yung kamay ko. ANAK
NG HINAYUPAK!!! Naipit yung kamay ko!
"Argghhhh!!!" Namumula yung kamay ko! Ang sakit nun men!
"Sorry na din kasi. Hindi naman kita hahalikan kung hindi mo ako gusto eh."
Sinimangutan niya ako. "Oh... hindi joke 'tong pagka-ipit ng kamay ko. Masakit
talaga 'to Sam."
Natawa siya bigla kasi ang seryoso ng mukha ko. Napahiya pa ako! "Tara na sa baba!"
Yown oh! Papansinin na ako nito! Akala mo makakawala ka pa saakin ha!
Naupo kami sa sofa, at dun niya nilagyan ng benda yung kamay ko. Dang it! Ang
sweet! "Hindi ko na ulit gagawin yun, promise!"
Hindi siya sumagot. Kunyari pa 'to. Konting kiliti pa Eli. "Uy, tatawa na yan. Sige
na Sam. Alam ko namang hindi mo ako matitiis eh."
"Bahala ka nga!"
Psshhh!!! "Ngayon lang 'to Sam! Ngayon lang ako papayag na ganituhin mo!!! *sigh*
I'm in love with you." Pakingshet!!!! Nakakahiya!!! Gusto kong magpabugbog!!! "Oh
yun lang yung meaning nung sinabi ni Sunmi sayo. Masaya ka na?"
Nag-smile lang siya saakin. "Teka nga pala... eh ano naman yung meaning nung sinabi
saakin ni Sunmi? Ganun lang din ba yun? Na alam mo na, patay na patay ka saakin!"
"Wag kang feelingero jan Eli! Hindi ako patay na patay sayo ha!"
"Wag kang tatawa ha! Sinabi lang 'to ni Sunmi, pero wala talaga akong sinabing
ganito sa kanya!" Pa-suspense naman 'tong babaeng 'to! Hindi na lang agad sabihin!
"Qitrix si Sam, betsive fatale ka nyawang majing bowawits... meaning... Itong si
Sam, sobrang gusto ka niyang maging... um..."
"Boyfriend." Nahiya siya saakin bigla at nagtakip ng mukha sa harapan ko. "Sinabi
lang yun ni Sunmi, promise! Wala akong kinalaman dun Eli!"
Natigil din ako. "Gusto mo akong maging boyfriend?" Weh... never kong in-expect na
magkaroon ng ganitong klaseng kwento ang buhay ko. Na magkakagusto ako ng ganito sa
isang babae.
And to think na sa step-auntie ko pa. Hindi ko naman siya kadugo, at wala namin din
akong pakelam kahit one year ang tanda niya saakin. Basta ang alam ko...
"Gusto din kitang maging girlfriend ko." Natulala siya saakin. Seryoso naman ako
eh. Gusto ko talaga siyang maging girlfriend. Na magbago na yung relasyon sa
pagitan namin. "Tayo na ba?"
"Ha?" Hindi niya alam ang ire-react niya! Parang ewan lang! pero pagbibigyan ko
siyang maging ganito ka-ewan ngayon! First time niya namin kasi! Kung sakali, ako
si Eleazer Pascual ang magiging first boyfriend ni Samira Almirez. "Teka... hindi
ka pa ba muna manliligaw man lang?"
Anak ng! "Sam naman!!!" Biglang gumuho yung imagination kong kami na! "Hindi ako
marunong manligaw! Tayo na lang agad, pwede?"
^( • ω •)^
Kinikilig ako. Pero ang duga naman!!! Dapat manligaw pa rin saakin si Eli! Hindi
ako papayag na ang first relationship ko ay ganito lang kadali! Na kami na agad!
Gusto kong maranasan na maligawan ng lalaki! Na maligawan ni Eli! "Manligaw ka
naman Eli! Kahit magpaturo ka kina Argel at Waine!"
"Langya naman!!! Pahihirapan mo pa ako eh! Paano kung hindi mo ako sagutin sa
bandang huli! Nag 'i-love-you-han' na tayo, nag-kiss na at magkasama pa sa loob ng
bahay, magpapaligaw ka pa ba?"
Nakakaasar naman 'tong si Eli! Seryosos ba talaga siya saakin? "Ah basta! Sabi nila
mas sweet daw kapag nanliligaw daw yung lalaki."
"Sweet lang? Magiging sweet naman ako sayo pag tayo na!"
"Ngayon pa nga lang nakikipagtalo ka na saakin dahil ayaw mong manligaw! Tapos
sinasabi mong magiging sweet ka!"
"Hoy Sam! Wag mong minamaliit ang kagwapuhan ko at kakayanan kong magpakilig ng
babae! Baka mamaya, maumay ka sa ka-sweetan ko!"
"Hindi nga ako marunong!" Nagkamot ng ulo si Eli. Nag-aalburuto na siya. "Anong
gusto mo? mag-research pa ako kung paano manligaw?"
"Alam mo magandang idea yan! Wala din kasi akong alam sa ligawan na yan eh! I-
google natin dali!"
Para lang kaming ewan pero sumunod naman siya. Nandun kami sa kwarto niya, dahil
may computer at net siya.
Ni-type niya yung, 'How to court a girl.' At ito ang ilan sa mga nakita namin:
"Show your interest on her. Act cool. Be her ideal type. Be caring and sensitive.
Dress nicely. Make her laugh. Break the ice. Exert self-control. Save her from
troubles. Show her appreciation. Sweep her off her feet!" Inisa-isa ni Eli yun. "Oh
nagawa ko naman na pala lahat 'to eh! Sabihin mong hindi!"
"Siguro... oh google na nagsabi niyan!" Naisahan ako ng mokong na 'to! "Dapat nga
siguro, noon pa, tayo na eh."
"Pshhh... kalokohan na 'to!" Parang pinapaikot na lang ako ng lalaking 'to eh!
Maya-maya, may ni-type ulit siya, 'Things to do with your boyfriend and
girlfriend.' At ito ulit ang mga bagay na binigyan niya talaga ng emphasis!
"Listen to music together. Hold hands. Cook for each other. Go on a date. Say 'I
love you' to each other. Walk together. Spend your time together. Look into each
others eyes more often. Flirt with each other! Laugh at each other! Tease each
other! Sing to him or her. Carry your girlfriend to bed. Stay up all night to look
after her/him. ANd LOVE EACH OTHER!" And so on! Blah! Blah!
Tinignan niya ako. Yung nakakalokong tingin! "Alin pa ba sa mga bagay na yun ang
hindi natin ginagawa ha?"
"Eli ang manyak mo!" Aalis na sana ako sa kwarto niya, dahil nga hindi ko na yata
mapipigilan pa ang pagba-blush ng mukha ko! Sobrang bilis pa ng ginagawang tibok ng
puso ko!
Kaso hinawakan niya yung braso ko, para harapin ko yung mukha niya. Hahalikan ba
niya ako ulit? Napapikit lang ako. Hindi pa ako handa sa ganito, Eli!!! Kinakabahan
ako!
Kaso tinawanan niya ako at kinurot lang ang dalawang pisngi ko. Medyo nakahinga ako
ng malalim. "Sam... wag mo na akong pahirapan. Matagal ko na din 'tong hinihintay."
"Pero Eli..."
"Hindi kita mahahawakan ng ganito kapag hindi mo pa ako sinagot. Hindi kita
mahahalikan! Wala pa akong karapatan magselos hangga't hindi tayo! At higit sa
lahat, hindi ko pa rin masasabing masaya ako." Ang warm ng pagkakasabi ni Eli. "I
really want you to be my girlfriend, Sam. So please let me be your boyfriend."
Pwede bang pag-isipan ko muna... Uwaaahhhh... Kinakapos na ako ng hininga.
"I want you to answer me now Sam. Hindi ako makakatulog nito eh. Baka magkasakit pa
ako kakaisip sayo!"
Binablackmail na niya ako. Pero ito na yun eh. Ito na yung sweetness na hinahanap
ko. So I look straight at him, then I nodded.
"Oo na nga!"
"Sinigurado ko lang." Ngitian niya ako sabay yakap saakin. For the first time,
nafi-feel ko na ang yakap ng isang boyfriend.
Si... si Eli... officially kami na ba? Wag ka nang magtanong Sam! Kayo na!!! I
mean, KAMI NA!!!
Pero teka... "Pero Eli... wag na muna nating ipaalam sa kanila ha."
"BAKIT!?"
"Hindi mo ba naisip, na pag nalaman na nila mama mo at kuya ko... alam mo na...
baka hindi sila pumayag dahil nga... auntie mo ako at nephew-in-law kita." Ayokong
i-spoil ang moment namin, pero isa kasi yun sa mga bagay na gumugulo sa isip ko
kaya sobrang complicated ng bagay na 'to sa pagitan namin ni Eli!
"TSK! Hindi naman tayo magkadugo eh... pero sige, kung yun ang gusto mo, yun ang
gawin natin."
"Ibig sabihin nun, pati sina Waine, Argel at Byron, hindi muna natin pagsasabihan
ha!"
"Ikaw ha! Ginagawa mo na akong under agad sayo!" Tinignan ko lang siya, at alam ko
naman na iniisip niyang tama ako. "Hay! Oh sige-sige!!! But I got my eyes on you
beybe! Hindi porket tayong dalawa lang ang makakaalam nito, hindi ibig sabihin nun
na free ka! Ayos-ayusin mo lang yang pagiging lapitin mo ng gulo at lalaki ha!"
I laughed at him... and he laugh at me too. Tapos dahan-dahan niyang inilapit ulit
yung mukha niya sa mukha ko. Kiss! Ohmygawd!!! Kiss ito!!! "Gawa ka ng merienda!
Hindi tayo nakapag-lunch eh."
=================
Special Chapter 4
Sinong nakakaalala nung secret nina Eli at Sunmi sa Chapter 15? narito po ang
secretong usapan ng magkapatid bago pa man nagkaaminan sina Sam at Eli.
Planning a Confession
(ELEAZER PASCUAL POV)
Naglalaro kami ng ps3... at binubuhos ko yung inis ko kay Sam dun sa nilalaro
namin. "Ha?"
"Si Sam... si Auntie Sam... why are you so worried about her?"
"Nasanay ako sa'yo! Kaya nga ngayon naninibago ako! Kahit na ngayon na lang tayo
ulit nagkasama, kilalang-kilala na kita since the day you became my step-brother."
"What?"
"Si Sam... do you like her?" She looked straight into my eyes... paano ko ba
sasabihin 'to? Ewan!!!
"Alright! But this thing... is just between you and me... actually..."
And I told her what she wanted to know. And we both swear na saaming dalawa lang
talaga yun! "I don't know anymore Sunmi. Si Sam kasi... auntie ko siya."
"Are you kidding me? You don't actually see her as you auntie, so don't lie to me."
"Auntie ko nga daw siya! Buset na yan! Siya kaya ang nagpapauso na nephew-in-law
niya ako."
"And so... anong kinalaman nun? Ang tinatanong ko, kung may gusto ka na ba sa
kanya?"
"Hoy Sunmi! Gusto mong mamura kita?" Pero actually, parang ganun na nga din yun.
Minsan iniisip kong yakapin si Sam ng mahigpit. Symepre naman kung gagawin ko bigla
yun, masasampal niya ako! Minsan naman sa gabi napapanaginipan ko siya, kami na
daw! Anak ng! "Alam mo yung sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pag nakikita ko
siya, at nahihiya na akong lumapit minsan sa kanya dahil baka marinig niya."
"Wala... okay isipin mo na lang... paano kung may ibang mag-confess kay Auntie Sam.
Anong mararamdaman mo?"
"Ow..." Napatingin sa malayo si Sunmi. Then she sighed again. "I see..."
Natahimik kami bigla. Ano kayang iniisip niya. Hindi niyo lang kasi naitatanong,
maraming bright ideas itong si Sunmi. "You want me to help you?"
"Help me??? Eh hindi pa nga natin sigurado kung ano din yung nararamdaman ni Sam
para saakin eh. Medyo may pagkamalandi pa naman yun! Basta cute na lalaki,
kinikilig agad! Bwiset!"
"So... kung aamin siya sayo, saka ka lang din aamin?" Ang gandang idea nun ha!
tama! mahirap nang mapahiya ako!
"Ang galing mo talaga Sunmi. Oo yun ang gusto ko! Para wala na siyang kawala
saakin! Kaso paano natin gagawin yun?"
"Ako nang bahala! Basta aamin si Sam sayo... at kailangan pag umamin na siya,
sabihin mo rin na in love ka na sa kanya."
=================
Chapter 25
Ang bilis lang lumipas ng mga araw, sembreak na pala! At dahil dalawang linggo lang
ang bakasyon ko, lulubus-lubusin ko na ang pahinga.
"Itong damulag na 'to talaga!!! Ang ingay mo!" At nagtakip na lang ako ng unan.
"Sa lahat naman ng damulag ako lang yung gwapo!" Inuuga ni Eli yung kama ko at
ginigising ako kahit 5:30 pa lang ng umaga. "Breakfast ko!"
Gumaling na kasi lahat ng sugat ko kaya yan, kung utus-utusan niya ako ulit, daig
ko pa ang katulong sa bahay niya! Well, wala naman akong nagawa kundi ang bumangon
at lutuan na siya ng pagkain niya. "Blueberry-cheese pancake pa rin ba?"
"Yun oh! Hindi ko na pala kailangang sabihin eh." Bwiset na lalaki 'to! Matapos
niyang siguraduhing naghahanda na nga ako ng almusal niya, pumunta na siya sa sala
at nanood na ng favorite niyang Korean variety show.
Pagkatapos kong magluto, tinawag ko na siya at sabik na sabik naman siyang pumunta
sa harap ng lamesa at nilapastangan na yung pagkaing nakahanda. Tahimik na lang din
akong kumakain, at nagulat na lang ako bigla nung mabulunan sa harap ko si Eli.
"Ano ba yan!!!" Napatayo ako at kinuhaan siya ng tubig at pinainom ko na siya agad.
"Magdahan-dahan ka naman kasi sa pagkain. Wala naman sina Waine at Argel dito na
kaagaw mo sa pagkain eh." Sinasabi ko yun, with matching himas sa likod niya.
Nabulunan nga kasi siya diba!
"Ikaw na nga 'tong inaalala!" At bumalik na ako sa kinauupuan ko. "Auntie mo lang
naman ako noh!"
Pagkasabi ko nun, bigla naman siyang nagdamog sa harap ko. "Hoy Samira Almirez!
Baka nakakalimutan mo, girlfriend kita!"
Ako - (⊙.⊙❤)
Eli - (◣_◢)
Oo nga noh... kami na nga pala. Isang buwan na namin tinatago ang relasyon naming
dalawa eh. Pagkatapos naming kumain, nagligpit na ako ng lamesa pero lumapit siya
saakin. Hinawi niya yung buhok ko at tumitig lang sa mukha ko.
"Para kang tanga! Ano ba!" Tinalikuran ko siya dahil namumula na yata yung mukha
ko. Nahihiya ako at kinikilig pa ako sa twing gumaganyan siya eh.
"Tigilan mo nga yang kakatawag saakin ng timongoloid! Pati sina Waine at Argel,
nakakalimutan na akong tawaging Idol minsan eh. Nati-timongoloid na din sila!"
"Pffft! Ibig sabihin lang nun, pumapalit na ako sa pagiging idol mo!
Hwahahahaha!!!"
"Tawa-tawa ka jan" Tapos may ginawa siyang isang bagay na hindi ko inaasahan.
Ginamitan niya ako ng 'The moves' niya!!! Mygawd!!! Yung the moves niya sa
taekwondo!!!
Ginamitan niya ako ng hand strikes niya hindi para masaktan kundi para matumba! At
nung akala kong hahandusay na ako sa sahig dahil sa na out-of-balance na ako, saka
niya ako sinalo. "Bagsak ka ngayon."
Huminahon ka aking puso!!! Kaso, sobrang lapit na kasi ng gwapong mukha ni Eli sa
mukha ko. "Sinong idol saatin ngayon." Tapos ni-kiss niya ako sa pisngi!!!
Nung makatayo na ako ng matino, saka na siya umalis at bumalik na sa living room.
Ano ba 'tong ginagawa saakin ni Eli!!! Siya na nga! Siya na ang Idol!
乂⍲‿⍲乂
"Umayos ka na dali!"
Katatapos lang namin mag-lunch. Nagpahinga sandali, at ayan kinaladkad na niya ako
dito sa bakuran ng bahay. "Ano na naman kasing kalokohan 'to?"
"Hindi 'to kalokohan! Tuturuan kita ng self-defense mo! Para kapag wala ako,
maipagtanggol mo rin ang sarili mo."
"Uy gusto ko yan!!!! Gusto ko yung katulad ng ginagawa mo! Yung parang lumilipad ka
sa hangin pag naninipa!"
"Ah parang ganito?" Tapos sumipa siya sa harap ko. Syeettt!!! Ang gwapo ni Eli!
"Oo!!! Ganyan nga Eli! Pati yung mga hand moves mo!!! Gusto ko ring matutunan yun!"
"Ah!!! Parang ganito!" Tapos pinakitaan niya ako ulit ng mga suntok-suntok niya sa
hangin! Ahahahahaha!!!
Pagkasabi ko nun, parang nagbago yung expression ng mukha niya. "Cute ba yun? Anak
ng!!! Nagpapamacho ako dito, tapos cute!!! Astig dapat Sam!"
"Eh sa ang cute mo nga eh. Isa pa nga!!! Sumipa ka nga ulit!"
"Gusto mo ikaw na tamaan ng sipa ko? Inuuto mo na ako eh." Sisipain daw ako oh, eh
kinurot lang naman niya ako sa pisngi! "Attention na!!!" At nag-attention na lang
ako. "Sa susunod... charyeot lang ang isisigaw ko, dapat nasa attention stance ka
na."
"YES SIR!!!"
"Yes master!!!"
"Charyeot!" Natatawa ako, kaso pag humagalpak ako dito, magagalit si Eli saakin.
Charot na nga daw eh. "Tuturuan kita ng tag-iisang hand, kick, block and freeing
techniques. Unahin natin yung suntok mo."
Okay, magaling naman magturo si Eli. At nakikinig ako ng matino sa kanya, dahil
sobrang strict niya kung magturo! Natutuliling na nga ako kaka-charot niya eh!
"Ganito ba?" Una niyang tinuro saakin yung 'forefist attack'. "Oh susuntok na ako."
At syempre ang patatamaan ko ang kamay ni Eli. At pagkasuntok ko...
"Yah!" At isa pang suntok, kaso iniisip ko pa lang na kamay ni Eli yung tatamaan
ko, hindi ko magawang suntukin siya ng malakas.
"Amp naman!!! Closed fist kasi!" Hinawakan ni Eli yung kamay ko at paulit-ulit
niyang ni-demo saakin kung paano yung pagsuntok. Naamoy ko siya. Ang bango niya!
Hahaha!!!
Natapos na ako sa kakasuntok so ang next naman, "Front Snap Kick!" Ang turo niya
saakin, itataas ko yung tuhod hanggang bewang, then pull my toes back, saka
mabilis na sipain yung target. "Ay mas gusto ko 'to!"
"Wala! Oh... charyeot! Palm block naman tayo!" Ito namang sunod na move ay
magandang gamitin para iwasan yung pwedeng maging atake ng kalaban. Naks kalaban
daw oh! Effective daw yung move na ito para i-block yung sipa at suntok. Medyo
mahirap, pero keribels lang!
"Ituturo ko 'to sayo para madali ka lang makawala kung may manga-grabbed sayo mula
sa likod."
"Okay game! Mukhang exciting din yan." Ready na sana ako kaso napakamot sa ulo si
Eli. "Bakit ba? Charyeot na nga diba!"
"Yayakapin kita, patalikod ha." Ay!!! May ganun nga pala. So lalapit na sana
siya... kaso...
"Teka..."
"OO NAMAN!!! Paano kakawala saakin kung hindi kita yayakapin. Charyeot!!! Gawin mo
na dali!" Nasa likod ko na siya, tapos ilang sandali pa, ang higpit na ng yakap
niya saakin. Hindi ko alam yung ire-react ko, nakalimutan ko na yung freeing
technique na tinuro niya. "SAM NAMAN!!! Wag ka munang kiligin!"
"Ano nga ulit yung gagawin ko?" Nung bumitaw siya, pareho na kaming hindi
makatingin sa isa't isa. "Ganito... ako na lang yung yayakap, tapos i-demo mo ulit
saakin yung dapat na gawin."
"Psh!" Change position na kami, so ako na yung nasa likod niya at kunyaring aatake
sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, at niyakap siya ng mahigpit.
Nakapikit na lang ako dahil ibabagsak niya ako sa lupa. Pero...
"Eli... ano na?" Hindi na rin nakakilos si Eli nung niyakap ko na siya. "Nag-freeze
ka na jan!!! Kinikilig ka rin eh!"
"LUL!!!" Tapos binitawan ko na lang siya kasi parang namumula na yung tenga niya.
"Naisip ko kapag ginawa ko yun, matuluyan kitang ibagsak sa lupa. Ikaw na lang ulit
ang yayakapin ko!"
"Ayoko!!!" Nahihiya nga kasi ako! Okay lang kung ako yung yayakap kay Eli kasi
nakakalimutan ko yung kilig dahil sa takot na mapabagsak niya.
"Umayos ka nga Sam! Ako master dito!" Tapos pumunta ulit siya sa likod ko at
niyakap ako. "Dali na Sam gawin mo yung tinuro ko."
"Bitawan mo ako Eli, bwiset ka!" Hindi na ako makahinga. Halo-halo na kasi eh, ang
higpit ng yakap niya, tapos kinikilig pa ako, tapos iniisip ko pa yung tinuro niya
saaking freeing technique. Ano bang gagawin ko? "Ayoko na sabi!!!"
"IDOLS!!!"
Ako - (╯▽╰)
Eli - (¬╭╮¬)
¯\(©_©)/¯
Kahit kelan talaga ang timing ng dalawang kumag na 'to!!! Kung kelan naman enjoy na
enjoy ko na yung moment namin ni Sam eh, saka pa sila umepal!
"Alam mo Sam, hindi mo lang naitatanong pero marunong din kami niyang freeing
technique na yan!"
"Oo nga! Si Idol din ang nagturo saamin niyan! Ganito lang yan eh." Biglang
lumipat sa likod ni Sam si Waine, tapos niyakap niya!!! NIYAKAP NIYA!!! PAKSHET!!!
"Oh yan Sam, tawag sa yakap na 'to 'bear-hug'! Diba Idol?"
"OO!!!" Ang tigas ng pagka-OO ko, pero hindi yata nakuha ng dalawang mokong yung
gusto kong sabihin. Sige tuloy niyo lang!
"Tapos apakan mo yung paa ko." At sinunod naman ni Sam. "Yun! Eh di na-distract na
yung kalaban mo nun! Tapos..."
"Tapos ganito!!!" At tinulak ni Argel si Waine para siya naman yung yumakap kay
Sam!!! NIYAKAP NIYA RIN!!! Anak ng hinayupak 'tong mga 'to! "Oh kunyari naapakan mo
na ako. Yung kabilang paa mo, i-step backward mo papunta saakin, at the same time
bend forward naman yung katawan mo."
"Ahh!!! Ganito?"
Nagawa nga ni Sam at nakawala na siya sa galamay ni Argel! "YOWN OH!!! GALING MO
TALAGA IDOL SAM!!!"
"Tapos niyan..."
Pasensya ka na Sammy. Ganito lang talaga ako kapag nagdidilim na paningin ko!
Babangasan ko pa sana sila ulit at nang maturuan sila ng leksyon. "Mahina lang 'to
mga pre!" Kaso...
"Tumigil ka na Eli!" Ginamitan ako bigla ng forefist attack ni Sam. At sapul yung
dibdib ko. Aba, nagamit na niya yung una kong tinuro sa kanya!
"Masakit yun ha! Lumayas ka jan Sam!" Pero hindi ako papatinag dahil kukutusan ko
parin sina Waine at Argel.
Kaso paglapit ko pa lang sa kanila, ginamitan naman ako ng front snap kick ni Sam.
"Tama na sabi Eli! Sige ka, sisipain ulit kita."
Dapat sila pa ang kinakampihan niya? "Loko ka ha!" Wala naman talaga akong planong
totohanin si Sam, tatakutin ko lang. Kaso yung suntok ko, nagamitan niya ng palm
blocks! Ampupu!!! Bakit ang bilis yatang natuto ni Sam sa mga naturo ko! "Ayus ha."
"Calm down Eli!" Sabi niya habang nakaharang siya kina Waine at Argel para hindi
ako makalapit.
"Naknang!!!" Binubwiset talaga ako ng mga kumag na 'to ha! At enjoy na enjoy pa
nila na pinagtatanggol sila ni Sam. Sinugod ko sila kaso ang tapang ng girlfriend
ko at sinunod-sunod yung pagsuntok at pagsipa saakin! SAM!!! Ito na ba yung
tinatawag nilang LQ?
Hindi na tumigil si Sam at mukhang nakalimutan na niyang mahal niya ako! Langya!
"Sam... uy!!!" Hindi niya lang ako pinakinggan, kaya ang ginawa ko, niyakap na siya
sa likod. "Uy stop na, Sam!!! Pag ako nasapak mo ha."
At dahil natural na yata sa babaeng ito ang pananakit, nagulat na lang ako nang
magawa niya ng maayos yung freeing technique. Nakawala siya saakin at dahil nga
naamaze ako sa galing niya, hindi ko napansin yung sipa niya sa aking...
"Arghhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"
Feeling ko ang lakas ko! Para akong si Jet Li habang sinisipa at sinusuntok ko ang
boyfriend ko! Naawa kasi ako kina Waine at Argel kaya iginanti ko sila kay Eli!
Kaso over na yata yung ginawa ko at hindi ko napigilan yung sarili ko.
"Yaaahhhh!!!"
* * *
Bakit ba masyado akong nadadala sa emosyon ko! Yung sakitan naman ng barkadahan
nila, parang lambingan na nila yun! After maka-recover ni Eli sa ginawa ko, as
usual, naglaro lang ulit silang tatlo ng ps3. Tapos sabay-sabay kaming kumain ng
dinner at ilang oras pa, kaming dalawa na lang ulit ni Eli ang naiwan sa bahay.
"Eli... "
"Wag mo akong kausapin!" Nagkaayos na ang lahat, pwera lang kaming dalawa. After
kasi nun, hindi na ako pinansin ni Eli.
"Oh tapos tamang patamaan mo yung ano ko? Paano na magiging lahi natin niyan? Pag
ako nabaog!"
"Pfffft."
"Seryoso ako!!! Wag kang tumawa jan!"
"Eli-byu too!" What??? I love you too yun diba! "Pero wag mo akong daanin jan sa
pagpapa-cute mo! Galit pa rin ako Sam!" Tapos pumasok siya sa kwarto niya at
pinagsaraduhan na ako ng pinto.
"Bahala ka nga jan! Kasalanan mo rin yan!" Pagkasabi ko nun, binuksan niya ulit
yung pinto.
"Sayang!!! Aayain pa naman sana kita na mag-date tayo bukas!" At sinaraduhan niya
ako ulit ng pinto. Pero naririnig ko pa rin yung boses niya kahit nasa loob ng siya
ng kwarto niya. "AT SAGOT KO LAHAT!!! AS IN LAHAT!!!"
"Date? DATE!!!" Huwat!!! First date namin yun kung sakali!!! At libre niya!!! Wala
akong gagastusin!!! "HOY ELI!!! BATI NA TAYO!!!" At buong gabi ko siyang kinalampag
hanggang sa masigurado kong magde-date nga kami bukas!
(♥◠‿◠)
=================
Chapter 26
"Hindi naman halatang patay na patay ka saakin noh. Sabik masyado sa date! Kaka-
nine pa lang oh!" Nanonood lang kasi si Eli ng TV. "Mamaya na pagkatapos nitong
palabas." Pagkatapos nung palabas? Eh kasisimula pa lang nung pinapanood niya ah!
"Sabi mo magiging sweet ka pag naging tayo! Hmfp!" Ayoko na nga! Ako lang yung
mukhang masaya eh! Mahal ba ako ni Eli oh ano? Sabi-sabi siyang magde-date kami! Oh
ano na!!! "Ayoko na!"
"Alam mo ikaw, excited ka masyado eh. Magbibihis na ako!!!" Tumayo siya at nagpunta
na sa kwarto niya! Hahahahahaha!!! I won!!! Yipee!!!
So habang hinihintay siya, naglipat muna ako ng channel na pinapanood. At nakita ko
yung replay ng concert ng favorite kong idol star, si Riley Dayne!!! Hwaw
naman!!!!!!!!!!!!!!!!!
Anak ng!!! Excited naman masyado si Sam! "Ang hirap talaga pag gwapo eh."
Hwahahaha!!! Actually, excited na din talaga ako, kaso wala pa akong plano!
Nag-iisip pa nga lang ako kanina kung anong pwedeng ipang-surprise kay Sam! Paano
kung mag-fail yung first date namin! Ayoko namang maging kahiya-hiya yung
reputasyon ko sa harap niya! "Hay Sam!!!" Pag siya iniisip ko, lalo akong naba-
blangko eh! "Bahala na nga!!!"
Pagbaba ko, nakatulala naman si Sam sa TV. "Uy, tara na!" At talagang nag-pose ako
sa harap niya ng pinaka-gwapo kong anggulo. Tingin ka saakin Sam, gusto kong makita
yung kinikilig mong mukha.
"Ay teka lang Eli ha. Mamaya na lang kaya." Chupeste!!! Wa epek ang plano kong
pakiligin siya? Pinagmadali niya ako kanina tapos ngayon, siya naman ang
magpapahintay! Ano 'to lokohan?
"Tara na!" Hinila ko yung kamay niya para naman ako yung tignan niya at maamaze
siya sa angking sex appeal ng boyfriend niya, kaso naka-focus lang siya sa TV.
"Sino ba yang pinapanood mo sa TV at mababangasan ko!!!"
"Si Riley Dayne yan oh!!! Hindi ko natapos yang concert na yan nung nakaraang
pinalabas yan eh. Ngayon na lang yung replay."
"Riley???" - (@.@)
"Oo si Riley nga!!! Crush na crush ko talaga yan Eli!!! Alam mo bang member ako ng
lahat ng fansclub niya!!! Ayiieeehhh!!! Ang gwapo ni Riley!!!" - (♥~.~)
"Pshhhh! Oh so?"
"Speaking of Riley... diba taga South Grisham siya noon? Naabutan mo siya noh?
Nakita mo? Anong itsura niya sa personal? Gawd!!! Si Riley!!!"
Pagpapalit niya ako sa lalaking nakikita niya lang sa TV? Hindi pwede 'to!!!
Pinatayan ko siya ng TV at nagalit naman siya saakin. "TARA NA!!!"
Nakakabuset na ha!!! Hinawakan ko yung mukha niya para ako yung matitigan niya. "Oh
sinong mas gusto mo? Yung Riley na yun o AKO? Mamili ka!!!"
At nag-isip pa ang babae! Kutusan ko kaya 'tong malandi kong girlfriend!!! "Ahem...
syempre ikaw." Ay ako naman pala eh! Hehe...
Tapos in-offer ko yung kamay sa harap ng mukha niya. Alam na kung ano 'tong
hinihingi ko!
Langya naman talaga Sam!!! Napaka-slow mo!!! Pasalamat ka cute ka at patay na patay
din ako sayo! "Kamay mo!!! Holding hands na tayo!"
"Ah!" Tapos inabot na niya yung kamay niya kaya hinawakan ko ito ng mahigpit.
"Tara." Ito lang naman ang gusto ko eh. Yung ako lang yung pipiliin at iisipin niya
sa bandang huli.
➳♥(-‿-)
Dinala ko si Sam sa amusement park, at syempre tuwang -tuwa naman ang bata, ay
isip-bata pala! Ako naman, tuwang-tuwa din sa itsura niya!
"Sakay tayo dun Eli!" Ang tapang ha! Nagtuturo ng roller coaster, kararating pa
lang namin!
"Sige dahil sayo ang araw ko, gawin natin ang kahit na anong gusto mo."
"Yehey!!!"
Nakikita ko lang na masaya si Sam, doble naman yung nararamdaman ko! At naisip ko
na rin pala yung surprise ko sa kanya. Gagawin ko 'to dahil gusto ko lang talaga
siyang mapasaya!
Ang sweet-sweet nga ni Eli! Lahat ng trip ko, sinusunod niya! "Bili tayo ng cotton
candy!"
"Psh!!! Sobrang tamis niyan eh!" Nag-pout lang ako, at dahil siguro kakaiba ang
cuteness ko ngayon, binilhan niya pa rin ako ng cotton candy!
"The best ka talaga, IDOL!!!" Yum!!! Sarap ng cotton candy! Tapos lahat ng nga ng
rides, sinakyan namin! Kahit medyo nahihilo ako, ang saya pa rin! Hahaha!!!
Yung mainit na kamay ni Eli, yung mga ngiti at titig niya. Yun talaga ang
nagpapasaya saakin ngayon. Kahit kung sa iba, simpleng date lang 'to, saakin hindi!
Si Eli kasama ko eh!
"Upo tayo!"
Ang tagal namin magkasama, at hindi na nga namin napansing madilim na! "Sino yang
ka-text mo ha?" Parang napapansin ko din kasi, kanina pa hindi mapakali si Eli.
Pabalik-balik siyang tumitingin sa cellphone niya. "Sino yan?"
"Patingin." Sisilipin ko sana kaso binulsa na niya agad yung phone niya. Ano naman
kayang tinatago ng mokong na 'to? "Bakit mo tinago? Anong pinag-uusapan niyo ni
Argel ha?"
"Ako magrereply!"
"Wag na! Ang kulit mo!" Tumayo siya at hinila ako. "Tara, lakad-lakad tayo ulit."
Psh!
Parang kakaiba ha. Ako nga kasama ni Eli, pero panay naman ang check niya sa
cellphone niya. Bakit kaya? Sino ba talagang ka-text niya? Makulit na kung makulit,
pero aalamin ko kung anong tinatago nitong si Eli!
"Eli, medyo masakit na yung paa ko. Upo muna tayo ulit!" Pumayag naman siya at
naupo siya sa tabi ko. This is it!!! Pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya, tapos
nilagay ko yung kamay ko sa likod niya.
Parang ewan naman yung reaction. "Ganyan ka ba pag masaya, biglang nagiging sweet?"
Yung ngiti ni Eli!!! Ahahahaha!!! Pamatay-ipis!!! So nginitian ko lang din siya.
"Teka... naglalambing ka ba, o may kailangan ka lang ulit?"
"Tsk!" Tapos pinitik niya yung noo ko. Aray ko!!! Jusmio!!! Sadistang Eli 'to!
"Sandali ha!" Pero umalis naman siya at bumili na nga ng inumin ko. At nung medyo
malayo na siya saakin...
.
Ako - (◐.̃◐)
"Oh juice mo." At napatigil siya nung makita niyang nakatigil lang din ako habang
nakatingin sa phone niya kaya hinablot niya ito. "Paano mo nakuha 'to? Binasa mo?"
"Sino yan?"
"Wala!"
"Wala? Sabi mo si Argel ang ka-text mo?" Ang saya-saya na eh! Ang perfect na ng
araw na 'to para saakin! Tapos ito lang ang malalaman ko? Hindi ko mapigilan ang
sarili kong magalit! "Sino nga yan Eli? Sino yang babaeng yan?"
"Buti nga at pinakelaman ko, para malaman kong nambabae ka pala!" Tinulak ko si
Eli, nakakaasar siya! Hindi ko akalain na ganito siya!
"Explain mo mukha mo!" At sa asar ko, ginamitan ko siya ng fore fist technique
dahil magaling na ako dun! Nung pagka-iwas niya saka ako tumakbo. Halos isang buwan
pa lang nga kami tapos nagawa na niya akong lokohin.
Ang sakit pala. Ang sakit sa pakiramdam! Ayokong nang makita si Eli! Hindi ko
kakayanin yung sakit at galit sa ginawa niya.
◤(⋋▂⋌)◥
Pero kahit na galit na galit ako kay Eli, wala pa rin naman akong choice kundi ang
umuwi sa bahay niya. Ni hindi man lang niya ako sinundan kanina nung tumakbo ako
paalis. Guilty ba talaga siya? Na nambababae siya? Ano bang kasalanan ko Eli at
ginanito mo ako?
"Sino ka?"
"Ha? Si... Si Eli?" Wala pa si Eli dito? So sino 'tong babaeng ito? At kakilala
niya si Eli. "OMG. Ikaw ba..."
OMG talaga!!! Bakit ang ganda ng babaeng ito? At kaanu-ano ito ni Eli? Teka...
"Ikaw ba yung ka-text ni Eli kanina?"
So siya nga? Siya nga yung babae ni Eli? Ano namang laban ko sa babaeng ito? No
wonder gusto rin siya ni Eli.
Then my tears started to fall. Nanlulumo ako... sobrang sakit! Sobrang sakit ng mga
nangyayari ngayon!
"Sam!!!" Aba't nasa likod ko na pala si Eli. Hindi ko man lang naramdaman na
nandito na siya. At paglingon ko sa kanya... hindi naman siya nakatingin saakin
kundi dun sa isa pang babae. "Ishy!!!"
Tinawag ako ni Eli pero hindi ko siya pinansin. Dumirecho ako sa kwarto pero
pagbukas ko sa pintuan...
Ako - (O_o)
"Oops!" Anong ginagawa ng lalaking ito sa kwarto ko? "Nakabalik na pala kayo?"
"Kuya Riley!"
"Eli!!!"
Si... si Riley? Si Riley Dayne? Si Riley dayne na idol star? Si Riley Dayne na idol
star at idol ko!!!
"Uwaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!"
Magkaakbay sina Riley at Eli. Tapos lumapit na yung babae, at yung babae naman yung
inakbayan ni Riley!
*inhale... exhale...*
Hindi ako makahinga!!! Hihimatayin na yata ako at nung babagsak na sana ako...
"Sam!!! Kumalma ka nga!!!" sinalo ako ni Eli!
"Eli... anong ginagawa ni... ni..." Hindi ko agad mabanggit yung pangalan ni...
"... Riley? Si Riley!!!"
"Shut up!!!"
Anong kaguluhan 'to? Anong ginagawa ng isang idol star dito?
"Look at me Sam! And listen to me." At tinignan ko naman si Eli. Teka lang,
nakakalimutan ko na yung galit ko sa kanya. "Si Kuya Riley, high school friend ko
yan. Senior lang siya saakin."
Napatingin ako kay Riley at sa babaeng nagngangalang Ishy. "Hello Sam! At last,
nakilala ka rin namin!"
Mygaly!!! Si Riley, may secret girlfriend pala? And so that means hindi rin
nambababae si Eli!!! Hindi niya ako niloko!!! "Uy!!! Ano ba Sam? Okay ka lang?"
Paano ako magiging okay Eli!!! Teka lang ha, itutuloy ko lang ang pagkahimatay
ko...
.
"Sam!?"
o(≧o≦)o
(A/N: Sina Riley Dayne at ang secret girlfriend niyang si Ishy ay mula sa kwentong
BOYFRIEND IN DISGUISE. On-going po yan at sa blog ko lang po mababasa. --->
aegyodaydream.blogspot.com)
=================
Chapter 27
"Wake up!" Nagising ako na nakapatong ang ulo ko sa lap ni Eli. "Tsk! Hindi mo ba
nagustuhan ang surprise ko sayo ha?"
Surpise? Pagbangon ko, nakita ko ulit sina Riley at yung Ishy na secret girlfriend
ng idol ko. Mygawd... hihimatayin ako ulit!!! "Sam naman!!! Kapag hinimatayan ka pa
ulit jan, sa kama na kita ihihiga."
"Pffft..." At sabay na pinigilang tumawa nung dalawa. "So totoo nga ang balitang
natatanggap ko kina Argel at Waine... na maganda ka nga Sam."
Isang compliment galing kay Riley!!! Maganda daw ako oh! Uy kilig naman talaga!
"Wag kang maniwala jan Sam, magaling lang mambola yan."
"Ano sa tingin mo?" Aba naman, siya 'tong sapilitan akong pinasagot para maging
girlfriend niya ako, tapos hindi pala ako maganda! Binigyan ko nga ng matinding
siko attack si Eli. "Aww!"
"Hindi ako ang may gusto nun, yan oh!" Sabay turo saakin, with matching evil looks.
"Don't worry Sam, we understand your situation. Parang katulad lang namin ni Riley.
Sina Eli, Waine at Argel lang ang nakakaalam."
"Pero, kailan niyo naman balak i-share kina Waine yang relationship niyo ha? Alam
mo ba Sam, patay na patay din kaya sayo yung dalawang yun."
"Hindi ko pa sigurado eh. Ang saakin lang, mas mabuti kasing konti lang ang may
alam para hindi mahalata ni Kuya Rico at ni tita Pia."
"Ayaw na niya kasing umalis dito. Alam mo na, takot nang mahiwalay saakin."
"Syempre hindi!!!" Ayiiehh! Sabi ko na hindi mo ako matitiis Eli-byu eh! "Wala na
akong tagaluto ng pagkain pag nagkataon!!!"
Nakalimutan namin na nasa harap pa pala namin sina Riley at Ishy. Nagtawanan sila
bigla. "Alam mo Sam, iba din talaga yang nagawa mo kay Eli eh. Alam mo bang noon ko
pa inaabangan ang araw na may magpapaamo jan sa totoy na yan! Ang sungit!"
"Ay naku, sinabi niyo pa! Hindi lang yun, lahat gustong idaan sa dahas!"
"Oh sige, ano yan pinagtutulungan niyo akong tatlo?" Nagagalit siya, eh totoo
naman! "At hoy Sam! Hindi kita dinaan sa dahas! Kindat, ngiti at google lang ang
ginamit ko noh!"
"Wala ka pala saakin eh. Alam mo bang lahat na ng yaman ko sa mundo noon, ginamit
ko para mapasagot ko si Ishy!"
"Naku hindi lang yun Sam, pati mga nakakaumay sa kilig na banat, binusog niya ako."
Uwaaah!!! Tamang mainggit! Ganun pala sa ligawan stage!!!
"Lintek na... wag ka nang makinig sa dalawang yan! Masusuka ka lang sa mga
pinaggagawa nitong si Kuya Riley eh." Ah kahit na!!! Gusto ko ring maranasan yung
mga naranasan ni Ishy!
ヽ('﹏´)ノ
Ang sarap ka-kwentuhan nina Ishy at syempre ng idol kong si Riley! Ito ang ilan sa
mga napagkwentuhan namin:
2. Kung paano natulungan nina Eli, Waine at Argel sina Ishy at Riley
After namin kumain ng pizza, tinulungan ako ni Ishy na iligpit yung mga kinainan
namin, samantalang nakatihaya lang sa living room ang magagaling naming boyfriend!
"Grabe, nakakatuwa kayo. Ang laki ng pinabago ni Eli nung makasama ka niya." Kanina
pa talaga nila pinagdidiinan yun. So malaki ang impluwensya ko kay Eli, ayiieh!!!
Nakaka-touch!
"Pero Ishy, kayo? Ano nang plano niyo ni Riley? Hanggang kelan niyo balak itago
yung relasyon niyo?"
"Hindi ko rin alam eh. Basta ang sigurado ko lang, ayokong masira yung career ni
Riley. Kaya ko pa naman eh, kasi ganun ko siya kamahal!" Ang sweet!!! Naiingit ako
sa samahan nilang dalawa! Sobrang lalim na ng relationship nila!
"Ako? Handa naman akong ipagsigawan sa lahat na kami na ni Sam eh. Pero dahil nga
sa takot na paghiwalayin kami, siguro mabuti na rin ito." Eh kasi naman, hindi lang
talaga dahil yun sa pagkain! Ayokong mawala si Sam! Hindi ko na yata kakayanin yun!
"Naku Eli, matututo ka sa kwento namin ni Ishy! Mahirap yang secret-on na yan! Lalo
na yung tipong selosan na! Tsk! Mahirap yun!"
Madali lang yang selos! May paraan ako jan! "Eh di liligpitin ko yang mga umaaligid
na lalaki kay Sam! Bangas lang katapat nun!"
"LUL! Hindi lang yun ganun noh! Paano naman kung si Sam ang magkagusto sa iba?"
Paano mangyayari yun, saakin lang si Sam! "Oh kaya ikaw ang magkagusto sa iba."
"Kung si Sam, imposibleng mahulog yun sa iba. Malakas ang tama saakin ng girlfriend
ko noh! Haha! At kung ako naman, MAS LALONG IMPOSIBLE yun!" Tapos lumapit ako kay
Riley para bumulong. "Si Sam lang talaga 'pre!"
"Woossh!" Nagtawanan kami at syempre dahil sa likas kina Sam at Ishy ang pagiging
tsismosa, napatingin sila. Eepal pa yan oh, usapang lalaki nga 'to! "Pero sa tingin
ko sa relasyon niyong dalawa, mabagal ka Eli!"
"Hindi ko gusto yun! Kilala mo ako." Tapos ako naman ang tumingin ay Sam. Buti na
lang busy-busihan sila sa kusina! "Pero kailangan gentleman kay Sam. Paano kasi,
poporma lang ako, sasabihan na niya ako agad na manyak! Punyemas na yan, masyado
kasing inosente! Ayoko namang biglain, baka makipag-break!"
"Eh di unahin mo sa mga banat-banat na yan! Diba ikaw ang nagtuturo saakin ng
A,E,I,O,U dati. Effective yun kay Ishy! Try mo rin kay Sam!"
"Sa sobrang SLOW ni Sam sa mga ganyan, baka mapahiya lang ako sa mga banat na yan!"
Pero napaisip ako, ano nga kaya? Wala namang masama i-try diba!
Tumayo na si Riley sabay yapos kay Ishy!!! Kelan ko kaya magagawa yan kay Sam!
Naknang naiinggit ako!
"Te... teka bago yun..." Nahihiya pa si Sam. Ano naman kayang balak ng babaeng ito.
"Okay lang talaga Ishy ha?"
"Sige na Sam, gawin mo na!" Anong gagawin ha? "Hey boo..." Tapos binulungan ni Ishy
si Riley.
Nanlaki naman yung mata ni kuya Riley. Napatingin pa siya saakin, tapos kay Sam
ulit. "Ah!!! Talaga Sam?" Anong plano ito nina Sam at Ishy ha.
"Syempre naman!"
Tapos biglang nag-slowmo yung mga pangyayari! Sa harap ko biglang ni-kiss ni Riley
sa pisngi si Sam!!! At hindi pa yun natatapos dun!!! Nagyakapan pa sila sa harap
ko!!!
"ANO YAN!!!" Pesteng Riley 'to!!! At bakit pinapayagan ito ni Ishy? "TANGEENENG KA
RILEY!!!" Tapos pinaglayo ko na silang dalawa! Ulupong kang lalaki ka, paabangan
kita sa kanto eh!
"Teka naman!" Ayaw pang bumitaw ni Sam sa pagkakayakap niya kay Riley!
Isa ka pang babae ka! Harap-harapang nanlalaki!!! "Bakit kailangan may halikan at
yakapan sa harap ko! Gusto niyong mabugbog pareho?"
"Sabi mo ako ang surprise mo sa girlfriend mo dahil idol niya ako! Ganito lang yun
Eli." Wala sa usapan 'to! Sabi ko spend time with each other lang, walang
chansingan!!!
"I'm really glad to meet someone like you, Sam. Alagaan mo si Eli ha."
"OMG!!! I love you talaga Riley!!!" I love you ha? Lagot ka saakin pag tayong
dalawa na lang ulit! "Salamat din Ishy ha!"
"No problem Sam! Ingat kayong dalawa ha. Ingatan niyo yung isa't isa."
"Bye-bye!!!"
"Haha..." Konti na lang! Pero SGG member din yang si Riley eh. Graduate siya sa
school namin diba? "Sige!!! Ingat na lang!!!"
"Bye!!! Ingat kayo ha!" Maiyak-iyak pang nagpaalam si Sam habang paalis na ang idol
niya and new found friend.
"Grabe ang sweet nila noh!!! At gwapo-gwapo talaga ni Riley!" Riley na naman?
Ginagalit talaga ako ni Sam ha! Tapos nagulat siya bigla sa ginawa ko. Binuhat ko
kasi siya papasok na ng bahay! "Uwaaahhh!!! Eli bakit?"
"Wag ka nang magpaliwanag!" Tapos tinapon ko siya dun sa sofa. Bumangon siya at
tatakbo sana, kaso hinila ko siya pahiga ulit. I leaned over her at inilapit ko
yung mukha ko sa mukha niya.
Ang ewan lang ng itsura niya at hindi niya alam yung gagawin niya. "Isang bagay
lang Sam, wag na wag mo akong pinagseselos!"
"Nag... se... selos... ka?" BINGENG BABAE TALAGA 'TO!!!
┏( ◣ ▂ ◢ )┓
Hindi ako natatakot kay Eli ngayon kahit seryoso yung mukha niya nung sinabi niyang
nagseselos siya. Na-touch lang ako... at kinilig ng sobra! Pero galit siya, at para
makalimutan niya yung galit niya... ako naman ang humalik sa kanya sa pisngi! "Eli-
byu!"
Nanlaki lang yung mata niya at parang nakita kong namula yung mukha niya.
"Ayiehhh!!! So shy!!!"
"Shy? Pag ako ba humalik sayo hindi ka masha-shy?" Napalunok ako at kinabahan
bigla. Mygawd yung puso ko, tatalsik na yata!!! Tapos ito, dahan-dahan nang
lumalapit yung mukha niya saakin! Hahalikan ba niya talaga ako? Nasha-shy na ako
Eli!!!
"Aray!!!!!!!!!" Pinitik lang ni Eli yung noo ko!!! Arawch!!! Ang noo ko!!! Tapos
saka niya hinalikan yung noo ko...
"Sadista!" Sa noo niya lang ako ni-kiss? Bitin!!!
Tapos nagbibiro pa siya kunyaring hahalikan ako, kaya ako papikit-pikit na lang!
Ano ba, kung iki-kiss mo ulit ko, ituloy mo na!!! "Gusto mong isubsob kita ha?"
"Ha?" Ano bang sinasabi nitong si Eli? Tamang timang at mongoloid lang talaga siya!
"Nyeta ka!!! Panira ka!!!" At umalis si Eli papuntang kusina para uminom ng isang
basong tubig.
* * *
Isusubsob... sa nguso? Sa laki ng katawan ko, masisira ang labi ni Eli nun! At
tsaka siya pa yung masasaktan nun! Habang nag-iisp, napatingin ako sa oras,
hatinggabi na pala!!! Pero hindi pa ako pagod, lalong hindi pa ako inaantok!!!
"Eli... hindi ka pa ba inaantok?"
"Hindi pa... ikaw?" Nakaupo kami sa living room at nag-soundtrip lang kami.
"Eh di, dito muna tayo!" Wala namang kaming ginagawa, kung anu-ano lang din ang
pinag-uusapan namin!
"So paano nga pala ako susubsob sa nguso mo ha? Masakit yun Eli, masokista ka na ba
ngayon?"
"Tumigil ka na nga! Wag mo nang ipaalala yun! Kalimutan mo na yun, nabubwiset lang
ako sayo!" Ang init ng ulo niya! Ah tama, baka riddle yun! Nakikipagbugtungan
siya!!!
Anyway, napag-uusapan pa rin namin ang pagiging boyfriend in disguise ni Riley kay
Ishy! Naamaze pa rin ako sa relationship nila kahit ganun yung situation nila!
"Alam mo naiingit nga ako sa tawagan nilang BOO eh."
Tapos bigla na lang nagsalita si Eli... "My loves?" Nag-iisip na pala siya!
"Oh sino ako nun? Si Byron? Ayoko ng Eli-byu! Naasiwa ako dun!" Tapos naisip ko
yung timongoloid kaso... "At wag na wag mo akong tatawaging TIMONGOLOID!!! Gagawin
kitang timAngoloid!!!"
"Akala mo ganun kadaling mag-isip! Hay!!! Eli at Sam na nga lang!" I quit!!!
Mahirap gayahin sina Riley at Ishy sa 'Boo' nila!!!
Teka... anong ka-alienan na naman ba ang nasasabi namin? "Anong sabi mo?Bugal?" Ano
yun?
"Ewan, nasabi ko lang. Eh ano yung junanax?" Aba malay ko rin! May naririnig lang
akong ganung term eh.
Okay... napaka-random ng pag-iisip namin! Pero natawa na lang kami... Bugal and
junanax... why not?
"Natatawa ako eh. Ang junanax mo kasi!" Okay... at doon po nagsimula ang isang
Alien loveteam! Ahahaha!!!
=================
Chapter 28
"Hoy bugal!" Ngayon lang nagsink-in sa utak ko kung gaano kami ka-korni! At kung
gaano kapangit ang tawag niya saakin! Ano ba yang salitang yan? Ni wala sa
dictionary yun ni badessa eh. Pinilit kong palitan, pero trip na trip na ni Eli
yung pagtawag saakin nun! Ang laking timongoloid naman niya kasi! "Bakit ang aga mo
ngayon ha?"
Tinitigan niya ako bigla. "Weh, pumaparaan oh! Ipandi-display mo lang ako sa school
niyo eh." Tapos nag-feeling gwapo siya... okay so gwapo naman talaga kasi siya!
"Lakas mo Eli! Isa kang malaking junanax sa buhay ko!" Na-bwiset ako! Paano ko siya
idi-display eh hindi naman namin pwedeng ipakita na KAMI! "Alis na ako ha."
Nilingon ko siya. So wala talaga siyang balak ihatid ako sa school? Kahit itong
time lang na 'to! At tsaka may something fishy dahil hindi siya nakapambahay!
"Hoy... bakit ka nakabihis?"
"Gusto mong nakahubad ako?" Tapos kunyari tinakpan niya yung katawan niya! Feeling
naman ng lalaking ito!!!
"Wag mo nga akong pilosopohin! I mean, may lakad ka rin ba? Bakit naka-ayos ka
jan?"
"Ah! Mage-entrance exam din ako ngayon. Hinihintay ko sina Waine at Argel." What?
Oo nga pala noh, nakakalahating-taon na kami eh! Malapit na siyang mag-graduate!
Malapit na siyang mag-college!
"Saan kayo mage-exam? Saang university niyo balak mag-aral ha?" Hindi niya ako
sinagot. "Sige tama yan Eli ha, wag mo akong sagutin."
"Ang dami naman kasing tanong. Kung saan-saan lang!" Sabay kamot sa ulo niya! Pag
siya ang makulit okay lang. Kapag siya ang kinukulit, ang pikon! "Lumayas ka na nga
kasi at mag-eenroll ka pa diba. Sige ka baka maubusan ka ng subjects."
Ayayayay! Isang ordinaryong araw na naman! Kami ng boyfriend kong damulag, as usual
nag-aaway na naman! Okay lang, malaki na naman siya! Mas malaki pa nga siya kesa
saakin eh. Bahala na siya kung saan siya mag-aaral sa college!
"Wag mong itatanong saakin yung schedule na kukunin ko ha!" Panakot ko at padabog
na akong lumabas ng bahay. Hindi naman niya ako pinansin at nandun pa rin siya,
nakaupo lang sa sofa!
Ah tama, wala akong makuhang matinong sagot sa kanya ha. Sina Waine at Argel na
lang ang tatanungin ko kapag nagkita kami!
"Hello beb... nandito na ako sa Edinham. Text mo saakin yung subjects na kinuha mo
ha...okay , bye!" Oo!!! Para mag-classmate pa rin kami! Hindi ko yata makakayang
malayo sa bestfriend kong badessa eh. Haha!!!
Naglalakad na ako sa floor namin, pero nakatitig pa rin ako sa cellphone ko.
Hinihintay ko kasi yung text ni Byron.
At dahil alam kong isang malaking kamalian ang hindi tumingin sa dinaraan, may
nabunggo tuloy ako. "Ouch!"
"Argh..."
Nagkatinginan kami nung lalaki na nabunggo ko. "Ay sorry!" Clumsy much Samira! Yung
lalaking nabunggo ko kasi, parang kagagaling lang ng hospital! Nakabalot ng benda
yung kanang kamay, at may mga bandage din yung mukha niya. "Natamaan ko ba mga
sugat mo? Sorry! Sorry!"
Nakatitig lang siya saakin. "Okay lang." Tapos nginitian niya ako. Infairness naman
sa lalaking ito, kahit may mga galos yung mukha niya, halatang ang cute pa rin
niya!
Uwaaah Samira!!! Nagkakasala ka kay Eli!!! Bawal nang ma-gwapuhan sa iba ngayon!
"Ah... haha... Sorry ulit ha! Sige." Aalis na sana ako pero...
"Yeah... bakit?"
"Talaga? Tamang-tama papunta din ako dun" Nginitian ko siya. Kaya pala ngayon ko
lang siya nakita eh, transfer pala! At dahil nandito siya sa building na 'to,
malamang same course kami! "Tara sumunod ka saakin!"
Naks! Panalo ang kabaitan ko oh! Ako na! Ako na Miss Congeniality!
≧^◡^≦
Tamang-tama, medyo konti pa lang yung nag-eenroll ngayon! Walang masyadong tao dito
sa computer lab! Haha!!! At kasama ko pa rin si 'kuyang-sugatan', nag-eencode na
kami ng subjects.
"Oo naman!" Kasi nga mabait ako! Lumapit ako sa pwesto niya. "Oh, anong subjects ba
ang kukunin mo?"
"Freshman pa lang."
"Pareho lang pala tayo eh!" Akala ko naman mas matanda siya saakin... Hehe. "Gusto
mo pareho na lang din tayo ng subjects na kukunin for this sem?" Tapos pinakita ko
sa kanya yung schedule ko. "Maganda itong line-up ng schedule ko. At tsaka para
pareho tayong hindi mahirapan sa pag-encode."
Natawa siya saakin. Seryoso naman ako! "Sige... para may classmate na din akong
kakilala ko."
Siguro likas na saakin ang pagiging friendly sa mga lalaki. Obvious naman diba! Si
Byron ang bestfriend ko. At yung mga kabarkada lang din ni Eli ang ka-close ko.
Madalas kasi sa mga babaeng nakikilala ko, parang naasar sila saakin. Malay ko ba
kung bakit!
"Kian Miranda." Tapos pinakita niya saakin yung lumang university ID niya para sa
spelling ng name niya.
Nung tinitigan ko yung picture niya sa ID... "Uwaaahhh!!! Ang gwapo mo dito ha!"
Yucky-kaduray ka Sam! Bakit mo naman sinabi yun! "Actually, gwapo ka pa rin naman
ngayon, pero ang dami mo lang benda sa katawan." Kaduray much na talaga Sam!!!
Bakit mo pa dinagdagan!!!
Tinawanan niya lang ako. Baka iniisip niyang hindi pa ako nakakakita ng gwapo sa
tanang buhay ko! "Ikaw, anong name mo?"
After naming mag-encode, pinasunod ko na rin siya saakin para pumunta na dun sa
cashier! Magbabayad na kami ng tuition fee.
"So Kian, hindi naman sa ang epal ako masyado noh... pero bakit naisipan mong
lumipat dito sa Edinham?"
"Ha?" Tapos napatingin siya sa malayo! Aba! Pa-suspense effect! "May hinahanap
akong tao eh. Yung nagligtas sa kapatid ko."
"Malaki ang utang na loob ko sa kanya." Tapos nginitian niya ako. Ke-gwapong
nilalang naman nito! Pero hindi na ako nagwo-worry, kasi na-immune na ako sa
kagwapuhang taglay ni Eli eh. Immune na ako sa mga ganyang ngiti! Hwahaha!!!
"Eh... ano namang yang mga sugat mo? Saan mo nakuha yan?"
"Ha?" Napayuko naman siya ngayon. Kakaiba na talaga ang pa-suspense effect na habit
ng lalaking ito ha! "Umm..."
"Hay naku, wag mo na nga akong pansinin." Halata kasing ayaw niyang pag-usapan
namin. "I hope maging magaling ka na next week sa pasukan."
Nginitian niya ulit ako. "Ah... Samira. Pwede bang kunin number mo?"
"Kasi classmate naman kita, diba?" Ay oo nga pala! Ano ba 'tong iniisip ko! Para
nga hindi na siya mahirapan sa first day niya in class!
"Haha... okay!" Tapos binigay ko na yung number ko at ni-save na niya yun sa phone
niya.
"Che-check ko lang ha." Ni-try niyang tawagan yung number, at syempre nag-ring ang
phone ko. "Working! Pa-save na lang. Kian Miranda."
"Oo naman." Napapansin kong pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Eh kasi naman
itong Kian na ito, ke-gwapo, nag-ala mummy! Anyway, malamang sa malamang, maraming
magkakagusto sa kanya lalo na kapag gumaling na yung mga sugat niya at wala nang
nakabalot na benda sa braso niya.
"So Kian, kailangan ko nang umuwi ha." Yung akala kong 30 minutes na enrollment ko
ngayong araw, nadagdagan ng isa pang oras dahil kay Kian! Pero nakatulong naman
kasi ako eh. "Kita na lang tayo sa pasukan."
"Bye..."
(-^▽^-)
Pag-uwi ko sa bahay, wala pa nga si Eli. Saan kaya siya nag-exam ngayon?
Anyway dahil maaga pa naman tinawagan ko muna si beb. Iniinggit ko siya tungkol sa
lalaking nakilala ko kanina.
"Kalurqui kang babaita ka! Meron ka nang Eli-byu, may Wainey dear, at may Papa Arji
ka pa, now may junader kekiru kang nakaeye-ball! (Kaloka ka! Merong ka nang Eli,
Waine at Argel, ngayon may nakilala ka na namang pang-boyfriend material!)"
Nagwawala na siya oh! Ang kulit! "Ang kiyomat mo sa mga otoko bells! (Ang damot mo
sa mga lalaki!)"
Ahahaha!!! Hay badessa kung alam mo lang... kay Eli-byu pa lang busog na ako! "Wag
ka nang kumokak jan! Classmate natin yun pareho, don't worry!"
"Lapakels! Wish anis na gumorah aketch kaninerz! (Kahit na! Sana pala pumunta ako
kanina!)" Ayan kasalanan niya yan, nauna kasi siyang nag-enroll kesa saakin. "But
qitrix beb, yang si Kian, keri ba? (Pero ito beb, yan si Kian gwapo ba?)"
"Super keri!!!"
"PERFECT 10!" Bongga!!! Pati tuloy ako kinikilig! Hahaha!!! "Oo! Ganun siya ka-
gwapo! Ahahahaha! Kakilig!"
"Sinong gwapo?"
Ako - (✖﹏✖)
Nakataas lang yung kilay niya saakin, hindi siya ngumingiti! Ang bilis naman niyang
bumalik!
"Ah... beb... ba-bye na ha." Hindi na rin ako nagpaliwanag kay badessa at binabaan
ko na siya ng phone. "Eli... hehe."
Bakit kinakabahan ako sa tingin ni Eli! As if naman nan-lalaki ako diba! Hindi
naman!!! "Bakit ang aga mo umuwi? Tapos ka nang mag-exam?"
Hindi man lang natinag yung nakakamatay niyang tingin. "Bakit hindi mo ako
sinasagot? Tapos ka nang magpalusot?" Yung expression niya, nakakatakot! Buti sana
kung naka-pout eh, ang cute sana! "Sam." Bigla siyang nag-smirk... supah dupah evil
smirk!
"Owmygawd Eli! Hindi ako nan-lalaki promise!" Ang lamig ng pawis ko! "May nakilala
lang akong lalaki... tapos pareho kami ng schedule... so classmate ko na siya...
pero yun lang yun!" Hindi siya sumagot. "Di hamak na mas gwapo ka dun Eli! Ano ka
ba!"
*riiiiiinnnnnng... riiiiiiiiiinnnnnnnnnng...*
Sinilip ko ulit yung phone ko, juskoday!!! Kian? Bakit ba siya tumatawag? "Si
Byron... kausapin mo?" Ayaw pa niyang maniwala saakin, kasi naman ang bobo ko
magsinungaling. So itataas ko na lang yung level ng pagsisinungaling at sinagot ko
yung tawag... "Hello beb... sabi ko ba-bye na diba... beb?"
"Ha?"
"Eli oh, kausapin ka daw ni badessa." Please mahabaging langit! Sana hindi kagatin
ni Eli!!!
"Psh..." Tapos hinablot ni Eli yung phone. Pwede na akong mamatay ngayon! Humanda
ka na sa pagsisinungaling mo Sam! "Byron... mamaya ka na tumawag ha, bye!" Tapos
in-off niya yung phone.
Buti na lang hindi niya kinausap at nakahinga din ako ng malalim!!! "Oh sabi naman
sayo si Byron yun." At nakaisip na ako ng paraan para makalimutan niya yung about
sa soon to-be-classmate ko.
"Bakit mah Eli-byu? Nagseselos ka? Uy selos ang mahal ko." Ay jusme!!! Pati ako
kinikilabutan sa sinasabi ko. "Don't worry my beybe love, may tatalo ba sa pagiging
Idol mo? You're the one and only love of my life!"
"Korni mo buset!" Tapos umalis na siya. Oh diba, kahit nakakadiri yung mga sinabi
ko, um-epek pa rin! Nyahaha!!!
"Ano gusto mong dinner." Isa pa yan sa mga kahinaan niya. Pagkain! "Sige na beybe
Eli-byu, ano gusto mong kainin mamaya?"
"Nakangpucha! Ang landi mo Sam!" At tumakbo siya papunta sa kwarto niya. "Lakas ng
sapak mo ngayon!"
Pareho kasi kaming hindi sanay sa ganito eh. Para kasing nakaka-paralyze kung may
isang maglalandi saamin.
Anyway, bakit nga ba tumatawag si Kian? At sakto pagbukas ko sa bag ko... "Ay kaya
naman pala!!! Yung ID niya nasaakin pa!!!"
¯\(╯‿╰)/¯
=================
Chapter 29
Bukod sa pagtitig, pang-aasar, at pagpapakilig kay Sam, ang isa sa mga favorite
time of my day ay ang kainin siya... este ang mga pagkaing niluluto pala niya!
Enjoy na enjoy ko ang pagsisilbi niya saaken, at kulang na lang talaga kasal eh!
"Mag-date ulit tayo pagtapos kumain!" Good mood kasi ako. Kahit kasi kinilabutan
ako sa kalandian ni Sam kahapon, kinilig pa din ang gwapong tulad ko! Haha!
"Mamatay ka man?"
"Oo!" Bakit pag namatay ako, siya naman ang iiyak eh.
At saka lang ako nabulunan! Anakng! "Joke lang... sige mamaya ko na gagawin yung
assignments ko." Pahiya ako nun ha! Syempre pag siya ang namatay, ako iiyak! Hindi
pa naman ako umiiyak! Ayoko!
"Tsk! Saka na yang date na yan kapag natapos mo na yun." Siya na nga 'tong inaaya
ng date, siya pa 'tong umaayaw! Ang gulo din talaga ng mga babae!
"300 years ko pa matatapos yun eh." Buset! Ganun kasi kadami yung assignments ko!
Langyang Sir Kulot yan! Pasalamat siya graduating na ako, kailangan ko nang
magpakabait!
"Oh di after 300 years, saka tayo mag-date ha!" Tapos tahimik na ulit siyang
kumain. Parang balisa siya simula pa kahapon.
Malaki naman tiwala ko kay Sam. "Hoy bugal. Kung iniisip mo pa rin yung kahapon,
wala na yun. Don't worry, I trust you." Alam ko! Aminado naman akong ako na ang
best boyfriend sa mundo eh! Sweet ko noh!
Saka siya nag-smile. Sabi ko na nga ba, yun yung gumugulo sa isip niya eh. "Buti
naman. Yay!"
"Hay naku Sammy, feeling mo naman nagseselos ako." Konti... konti lang! "Kung may
pag-aawayan man tayo, I don't think because of third party yun. Alam ko naman
saakin ka lang patay na patay diba."
Seryoso naman ako ha! "Alam mo iniisip ko nga, kung may magiging dahilan ng
paghihiwalay natin, malamang domestic violence yun. Biruin mo sa gwapo at cute kong
'to, imposible talagang hindi mo ako panggigilan eh. Lalo na kapag asawa mo na ako
diba."
At tinawanan niya ako ng malakas. Yown oh, sarap pakinggan ng tawa niya! "Mukha mo
Eli! Feeler much! Ahahahaha!!!"
Anyway, sinabi ko yun dahil may hidden agenda pa ako. "Oh dahil pinatawad kita ng
ganun na lang at pinatawa pa kita ngayon, tulungan mo ako sa assignments ko ha."
"Oh wag kang magwala jan, nasa harap tayo ng lamesa." At konting kiliti pa Eli.
"Sarap pa naman ng luto mo... kaya tulungan mo ako sa assignments."
"I know! That's why I'm the Idol!" Ahahaha!!! No match naman siya! Wala siyang
magagawa kundi ang tulungan ako. At pagkatapos kong kumain, "Oh dalian mong
magligpit at maghugas ng plato. Tambak pa ang assignments na gagawin NATEN."
"Grrrr! Ikaw..."
Maghuhuremintado pa sana siya pero pinitik ko na agad yung noo niya, tapos kinurot
ang pisngi niya... at syempre hindi mawawala ang kindat, ngiti at KISS... sa
pisngi! Sa pisngi lang... MUNA!
(ノ◣‿◢ )ノ
"Ang bopols nito. Ang bilis mo namang nakalimutan yung mga pinag-aralan mo nung 4th
year ka pa!" At wala akong nagawa kundi sagutan na lang din yung assignments ko sa
Trigonometry. "Wawenta ka Sam!"
At nagpout siya sa harapan ko. Wag mo siyang titigan Eli, baka mahalikan mo siya
bigla! "Ito na lang sa Physics ang sasagutan ko ha."
"Sige. Pagkatapos niyan, yung essay ko naman sa English yung gawin mo ha."
At utu-uto naman ang mahal ko at sumunod! Paano sabi ko kasi kanina, may prize
siya! Alam niyo naman, walang dadaig sa pagka-timawa nitong si Sam. Pero mahina din
eh, nag-aaya akong mag-date, tinanggihan lang kanina! Bitter pa rin eh, hindi ko
matanggap na ni-reject niya yun!
Tao po? Mga tado yun ha, sina Waine at Argel ulit! Mang-eepal ulit oh! Gusto yatang
mabugbog!
"Wow infairness sainyong dalawa ha. Marunong nang mag 'tao po'. Ahaha!!!"
"Hello Idols!!!" At kumakaway-kaway pa... masama ang kutob ko sa dalawang ungas na
'to!
At hindi nga ako nagkamali dahil may kasama silang babae... at parang nakita ko na
ang babaeng ito. "Eleazer!!! Hello!!!" Tapos dinamba niya ako. Nanlaki lang ang
mata ko kasi nagulat din si Sam!
"Hoy babyloves, wag ka ngang masyadong kumapit jan kay Eli." Babyloves ni Argel?
Bakit saakin siya nakayakap? Naknang!!!
"Sino ka ba ha?" At tinulak ko yung babae at lumapit ako ng konti kay Sam. Yung
expression kasi ni Sam, nakakaguilty!
"Nakalimutan mo na ako? I'm Sheena Yap!" At nag-wink siya. "From last year's
Christmas ball sa school niyo! Ako yung partner ni Argel."
Nag-isip ako... pero hindi ko talaga siya maalala! "I don't remember you."
"Ang sungit mo pa rin hanggang ngayon!" At napatingin yung Sheena kay Sam. "So you
must be Samira Almirez! Auntie ni Eli! Hello!" At niyakap niya rin ng mahigpit si
Sam.
Saka lang na-enlightened ang utak ko! ANAK NG SHEENA YAP!!! Siya yung TOMBOY na
dinala ni Argel para mapanggap na date niya! "Hehe... hello." Nilalamutak niya ang
girlfriend ko, pakshet!
"OH TAMA NA YAN!" Pinaghiwalay ko sila, at hindi ma-gets ni Sam kung ano ang
nangyayari ngayon. "Takte kang Sheena Yap ka, tomboy ka pa din!"
"To... tomboy?"
"Sapak gusto mo?" Ang inaalala ko lang ay si Sam ko. "Wag kang lumapit jan Sam,
mamanyakin ka lang ng babaeng yan!" At tinago ko si bugal sa likod ko. Kahit pa
babae 'tong si Sheena, babangasan ko siya! "Bakit niyo ba dinala yan ha?"
"Birthday mo?" Tapos lumayo saakin si Sam para yakapin si Waine. "Sorry hindi ko
alam, pero Happy Birthday Wainey dear!!!" Wainey dear daw oh!!! Putchanggala lang,
enjoy na enjoy naman ni Waine ang yapos ni Sam!
"Oh 'di Happy Birthday pre! Pero bakit niyo nga dinala pa yang tomboy na yan?"
"Teka, teka, teka Sam..." At hinila ko na agad si Sam palayo sa kanila. "Dalhin mo
na yung mga gamit ko sa taas. Saka na natin tapusin yung assignments ko." Papalag
pa sana si Sam nung inutusan ko, pero tinitigan ko na siya agad ng masama.
"Tulungan na kita Sam."
"Wag ka ngang epal jan! Bawal kang umakyat sa taas. Hindi tayo close!"
"Al-al mo!"
"Anak ng! Sige na nga, pag natapos na ako." At binigay ko na lahat ng libro ko kay
Sam at tinulak na siya papunta sa taas.
"Teka... invite na din natin si Byron. Okay lang ba? Mas masaya kung mas marami!"
Ano pa nga bang magagawa ko? Birthday naman ni kumpareng Waine eh. "Sige na...
akyat na!"
"What? Sino namang Raffy yun?" Bakit padagdag ng padagdag ang pangalang naririnig
ko ngayon.
"Ahahaha!!! Hindi lang namin sinasabi ni badessa, pero si Raffy... ang kakambal
niya."
What the pyok sa mga sudden twist ha! "Yep! Ahahaha... mamaya makikilala niyo
siya!" At tumakbo siya pataas.
Yung Raffy... bakla din ba yun? So may iba pang ka-close na lalaki si Sam bukod kay
Byron?
( ಠ_ಠ )?
"Hoy kayong babae at kasama ka dun tomboy, bawal kayong uminom ha! Mga lalaki
kaming kasama niyo." Alam niyo, mahirap na! Mga teenagers kami!
"Game na! Buksan na yan!"
Ganito ang pwesto namin... sina Waine, Argel at Sheena nasa sofa. Nasa kabilang
upuan si Sam, at pinagigitnaan ko sila... nang naka-pwesto sa sahig.
"Oo naman... sarap nga ng pwesto ko dito eh." Tangna, ayokong-ayoko pa naman talaga
maupo sa sahig! Pero mabuti nang humarang dito.
Maraming kumplikasyon sa buhay pag-ibig ko! Ang mga manyakis kong kaibigan, ang
tomboy na si Sheena... at ang nagbabadyang kambal ni Byron. Ay wag nating
kalimutan, si Byron pag nalalasing nagiging lalaki din pala!!! Argh!!! My Sammy,
magkakamatayan talaga!
"Hindi. Straight yun noh!" Pagkasagot niya, nagtinginan lang kaming tatlo nina
Waine at Argel. Takte, bakit ba hindi ito nakwento saakin ni Sam noon?
"Oo naman! Sayang nga lang hindi siya sa Edinham nag-aral!" Tuwang-tuwa pang
nagku-kwento! Slow talaga ng babaeng ito pagdating sa mga taong nasa paligid niya!
Pagnasolo ulit kita, humanda ka saakin!
*diiiiinnnngggg... dooooooonnnnngggggg...*
"Naiisip niyo bang naiisip ko? Ang Sam ng buhay ko, may iba pang ka-close na
lalaki!"
"Potek! Kinakabahan rin ako dun sa Raffy na yun. Paano na lang ang pag-ibig ko kay
Sam!"
Kapalmuks ng mga 'to, feeling boyfriend!!! Ako namang secret boyfriend, hindi rin
makapag-react! Perwisyong secret kasi 'to eh!
"Big deal naman masyado yung Byron at Raffy na yun." At lumapit din saamin si
Sheena para makisilip. "Hoy tara inom na tayo!"
"Gusto mong kutusan kita? Bawal ngang uminom ang mga babae!" Isa pa 'tong pampam na
'to!
"Introductions first! Raffy, sila nga pala sina Eli, Waine at Argel." Nakangiti
lang saamin si Raffy.
"And guys this is Raffy. Byron's twin sister." TWIN SISTER... twin sister... twin
sister... hindi na kami nakapag-react.
"Hello."
"Hi Raffy..."
"Hi Raf...fy." At ang mga hunghang, natepok na yata! Anak ng, nasabi ko na bang
gwapo si Byron? At itong si Raffy ay version nga ni Byron, girl version! Ibig
sabihin maganda si Raffy! Pero mas maganda pa rin si Sam ha.
"Sino naman siya?" Aba naman at nagkatinginan din kaming lahat kay Byron! Mantakin
mong nag-straight tagalog! Ito naman kasing si Sheena-tomboy, maganda rin! Pero ang
sabi ko nga, mas maganda pa rin si Sam. Wag na nating kwestyunin yun!
"Um... I'm Sheena." At watdapacker ang mga pangyayari! Ang tibong si Sheena, bakit
natulala rin kay Byron! At nag-shake hands silang dalawa.
Hindi ko na alam kung saan itutuon yung attention ko ha! May bago na namang crush
itong sina Waine at Argel sa katauhan ni Raffy. Nakakaawang Raffy! At ito pang
isang shocker jan, isang bading at tomboy may instant connection???
"Ha?" Ewan ko lang ha. Ako lang ba ang naguguluhan sa mga pangyayari ngayon? Ang
daming twist and turns kasi! "Simulan na nga natin ang party!" Ampness! Hindi pa
nga ako nakakainom, nababangag na ako!
o( ¬ _¬ )o
=================
Chapter 30
Ang saya-saya, ang daming tao! Nag-iinuman nga sina Eli, Waine at Argel samantalang
nagkakantahan lang kaming mga babae... and when I say kaming mga babae, kasama si
badessa dun.
"Pahinge na kasi Eli-byu!" At nagwawala si Byron dahil ayaw siyang bigyan ng alak
ni Eli. Ewan ko kung bakit.
"Teka nga, bakit tao ka magsalita ngayon? Ano nang nangyari sa ka-alienan mo?"
"Kasi nanjan si Raffy." Binulungan ko si Eli kasi hindi sumagot si Byron. "Naasar
kasi yang kambal niya kapag naggi-gay lingo yang si Byron. Hindi niya
maintindihan."
"Ganun?"
"At ikaw naman, wag kang uminom masyado! Baka malasing ka."
Pero hindi naman ako pinansin ni Eli. Bayaan mo na nga siya Sam, malaki na yang si
Eli! Hindi ka na dapat nag-aalala jan!
* * *
Ang dami kong napapansing kakaiba at sobrang weird ngayon! Heto ang list:
1. Si Byron kasi ang demure ng kilos ngayon. Ni hindi niya nilalandi sina Eli-byu,
Papa Arji at ang birthday boy na si Wainey dear! Pa-behave ang badessa!
2. Tapos yung maingay na Sheena, ang tahimik ngayon! Pero ang madalas niyang
tanungin at kausapin si Byron...???
3. May kakaibang tinginan sina Argel, Waine at Raffy... feeling ko kasi trip ng
boys si Raffy. Kaso itong si Raffy si Eli ang pinapansin. Hindi sa nagseselos
ako... basta!
4. Nao-OP ako! Paano kasi 'tong si Eli, panay ang utos saakin! lagi akong
pinapapunta sa kusina! Kung may time na para kausapin ko yung iba, bigla naman
siyang sisingit!
5. Ito ang pinaka-weirdo sa lahat, bakit naunang nag-birthday si Waine kesa kina
Argel at Eli. Maitanong ko nga sa kanila mamaya!
"Oh heto na yung yelo!" Naupo na ako at inobserbahan lang sila. "Waine ilang taon
ka na ngayon?"
Hindi ko akalaing si Argel pala ang pinakamatanda sa kanila! Eh siya itong pinaka-
isip-bata kung kumilos! "Teka so does this mean na si Eli ang pinaka-bata sa inyo?"
"Yep! February 3 pa next year ang birthday niya." Pinilit sanang takpan ni Eli yung
bibig ni Waine pero nasabi pa rin niya yung exact date ng birthday ni Eli.
Napatingin kaming lahat kay Eli, at si timongoloid naman, nilagok ang buong bote ng
beer! "So si Eli pala ang bunso saating lahat!"
Natawa kaming lahat! Biruin mo itong Idol na 'to, kung kumilos akala mo kung sino
nang matanda! At kung magleader-leaderan siya kina Waine at Argel at sa ka-SGG
niya, siya naman pala ang pinaka-bata!!!
"Hoy wag kayong tumawa, wala sa edad yun! Bangasan ko kayo lahat eh!" Tapos
tumingin siya ng masama saakin. "Lalo ka na!"
"Tos ang bunsoy namin! Ahahahaha!" Hagalpak ulit ako kakatawa at sumunod din ang
lahat! Ngayon lang din nila na-realize ang katotohanang sumusunod kami lahat kay
Eli!
"Pero Eli... may girlfriend ka na ba?" Natigil kami bigla nung nagtanong si Raffy.
Gusto ko sanang sagutin na ako yung girlfriend, pero napakagat-labi na lang akong
nakatingin kay Eli. Hindi namin pwedeng sabihin!
"Wala..."
"Wala lang." Tapos uminom ng juice si Raffy at ngumiti lang! Teka... crush ba ni
Raffy si Eli...?
Nagtuluy-tuloy lang ang pagsasaya namin, pero kinakabahan ako sa kakaibang motibong
pinapakita nitong si Raffy. Nasa kusina na ako ulit, and this time inutusan ako ni
Eli na magtimpla ulit ng juice at lutuin yung popcorn. Napag-tripan na naman kasi
nilang manood naman ng movie.
"Beb!"
"Anak ng tinapa!!! Badessa naman bakit nanggugulat ka?"
"Wala lang." At naupo siya sa lamesa, parang magulo utak niya. Ano naman kayang
problema ng bestfriend kong ito. "Pahingeng alak." Ah kaya naman pala!
"Oh sige basta wag ka lang maingay ha." Tapos kumuha ako ng isang beer na nilagay
nila kanina dito sa ref para palamigin. "Ihalo natin dito sa juice mo para hindi
halata!" Ginagawa ko ito dahil sa dalawang bagay. Una dahil hindi ko matiis si
badessa, at pangalawa, gusto ko siyang maging lalaki!!! Ahahaha!!!
"HOY ANO YAN?" Uwaaahhh! Bakit biglang sumulpot si Eli? Nakita kaya niyang dumekwat
ako sa beer nila?
"Punta na ako doon!" At umalis agad si Byron papunta doon sa living room.
"Wala naman... bakit?" Para makaiwas sa kalokohan ko, iniwan ko na lang din si Eli.
\()ݓ ▂ ݓ/
Parang wrong move yata ang ginawa kong patagong pagbibigay ng alak kay Byron...
nagwawala na kasi siya! "Tara sayaw tayo beb!"
"Hehe." Syempre ako naman, nagsayaw na lang kami. Ang hot naman kasi ni Badessa,
yun nga lang medyo wild siya!
"Ewan, hindi naman siya uminom ha. Byron tama na yan pare."
"Wah? Lasing nga siya, hindi niya ako tinawag na Papa Arji!"
"Sinong nagpa-inom sa kanya?" Kinabahan ako ng magtanong na si Eli.
"Ano ba kayo! Bakit ba kayo nagkakagulo ha? Tara nga dito Byron, tayo ang
magsayaw!"
Nagulat kaming lahat nang hinila ni Sheena si Byron at silang dalawa ang
nagsayaw... ng sexy dance!!!
"Mga pare, lasing na ba ako? Bakit ang sexy ni Sheena ngayon?" Tinignan ko ng
masama si Eli.
"Talaga?" Beb??? May kakaiba din sa tingin ni Byron ngayon! "Okay lang bang i-kiss
kita sa harap nila?" Lasing na nga siya! At higit pa siya sa isang lalaki pa siya
ngayon! Isang tunay na lalaki!!!
Anong kaguluhan ito? Okay lang kay Sheena? Ilang sandali pa, napatakip na lang ako
ng mata ko dahil sa naglalagablab nilang halikan!!! Syempre mukha lang kaming
timang at hunghang!!!
"Okay lang ba yan?"
"OMG pigilan niyo na sila!" Paano kasi yung kamay ni Byron nagaala-Dora na, kung
saan-saan na nage-explore!!! Child-friendly tayo dito! Bawal ang malalaswa!!!
"Ayaw niyo ba yan? Nagiging lalaki si Byron at babae naman si Sheena?" At parang
wala na lang kay Eli dahil naupo na lang siya ulit at pinabayaan sina Byron!
"Samira wag ka munang magulo." Tinawag niya akong Samira at tinulak niya pa ako.
"Maghunos-dili ka Byron!"
"Sam..." At napatingin ako kay Sheena. "Can I have him for myself from now on."
Nagkatitigan kami ni Sheena. Anong ibig niyang sabihin? Sakto nabagsak na sa sahig
si Byron at nakatulog na. Inalalayan siya ni Raffy pabalik sa sofa.
"Byron is a gay."
"He's a guy."
"I'm a girl."
"I like him just now." Napakunot ako ng noo. What the pyok!!!
◤(≧o≦)◥
"Okay." Pumunta ako sa kusina para magtimpla, at sinundan naman ako ni Waine.
Nakatingin lang siya saakin. "Ikaw ayaw mo ng kape?"
"Hindi na, Sam. Konti lang naman ang nainom ko." Tinawanan ko siya. Buti pa 'tong
si Waine marunong mag-control! Sina Eli at Argel kanina, laklak lang ng laklak!
Nung ako naman ang mapatingin sa mukha ni Waine... "Birthday na birthday mo, bakit
ganyan ang itsura mo?" Para kasing... hindi masaya si Waine. "Tungkol ba sa babae
yan?" Tinawanan niya ako so feeling ko tama ako! "Si Raffy ba crush mo?"
"Hindi ah!" Ang bilis niyang sinagot! "Si Argel ang may crush kay Raffy, hindi
ako." Tapos napatakip siya ng bibig. "Ay wag mong sasabihin kay Argel na sinabi ko
sayo ha."
"Ahahahaha!!! Obvious naman sa ugali nun ni Argel noh. Lahat yata ng babae, crush
niya." Tapos huminga ulit ako ng malalim. "May problema ka ba? Pwede mo akong
sabihan."
"Sakit naman! Bakit? Kung financial problem yan hindi nga ako makakatulong."
Tinawanan niya ako ulit. Para talaga akong clown noh. "So ano nga? Sabihan mo ako
ng problema mo, Waine."
Huminga siya ng malalim, kaya pati ako napahinga din ng malalim. "Sam... I... I..."
Nakatitig lang siya saakin, at ganun din ako sa kanya habang hinihintay ang katuloy
ng sasabihin niya. "I..."
"Wala! Forget it." Napaiwas na lang ng tingin saakin si Waine! Anak ng teteng naman
kasing Eli 'to! "Tapos na ba yang kape." Nginitian niya ako, at parang fake smile
lang yun. "Ako na magdadala sa kanila ha."
Ano kayang problema ni Waine? At tsaka ano yung 'I...' na gusto niyang sabihin.
Nanlaki lang ang mga mata ako. Hindi kaya ang gusto niyang sabihin ay 'I...'
Ay ewan!!!
v(*..*)v
=================
Special Chapter 5
Identity Crisis
"I did not!" Sasabunutan ko na 'tong impaktita kong kambal eh! Kanina pa niya
pinagdudukdukan na naghalikan kami ni Sheena Yap sa party kahapon ni Wainey dear!
"You can't remember?" Tapos pinakita niya yung cellphone niya... Sushmita sen!!!
"Caught on camera, KUYA!"
At nung ako na lang mag-isa... "So it wasn't a dream. I did kissed her... Eww!" At
napapikit ako sa pandidiri, but then I smiled.
The last time felt this way for a girl was when...
.
"Byron!"
Naka-smile siya saakin, at ngayon lang ako aaminin na first time kong pupuri ng
babae... ang ganda niya kasi. "Samira!"
"Seriously... are you sure you want to be like that? I mean, hindi porket inaasar
ka nila madalas at sinasabihan ng bading, doesn't mean na kailangan yun na din ang
gawin mo para sa sarili mo."
"Ako."
"Why Sam, if ever na maging bading ako, hindi mo na ako magiging best friend?"
"You're my best friend because you are Byron!" I smiled at her, because she's
really a great girl.
But it makes me sad that I can't fall for her because of two reasons. One, because
she's my best friend. And two, because I'm like this. Super identity crisis!
And Sam was always there for me. The past few years, I realized I'm not in loved
with her. I... I just love her for being her.
She seemed to not know who she really is. The way she acts, the way she talks, the
way she moves! Identity crisis, round two!!!
(◣ω◢✿)
Kausap ko sa phone ngayon ang isa sa mga priceless kong papa! "Sige na Papa Arji,
givenchy mo na saakin yung number ni Sheena." Hindi ako makapag-straight bekimon,
hindi naman kasi maiintindihan ni Arji eh.
"Diba binigay na niya sayo yun? Naka-save na yun sa phone mo Byron. Na-check mo na
ba?"
"Wis ko knows!!! I'll check it, bye Papa Arjz, muahugs!" Tapos kinalikot ko na agad
ang pink cellphone kong napapalibutan ng cute flowerets and blings! Nasaan kaya
yung number ni Sheena Yap!
Then I saw it... and it was named _❤Mah Sheena❤_... "My Sheena? Kung sino man ang
nag-save nito... malamang ang babaitang iyon!" Matawagan na nga!
*gulp...*
"Hello?"
Me- (ಠ 益 ಠ)
"Hello? Byron...?"
*OFF!*
"Sushimita sen! Sushimita sen! Sushimita sen!" Heart failure overload naman! Ang
lakas ng kabog ng heartness ko nung marinig ko ang voice ng babaeng iyon! What's
wrong with me!!! "Sushmita sen!!! I need Sam!!! I need to talk to her!!!"
*riiiiinnnnngggg... riiiiiiiiiinnnnnnnnnnggggggggg...*
GOSHNESS!!! Now she's calling me??? What should I do!!! Uwaaaaaaaaahhhh!!!
"Heller...?"
"Byron." Why the hell am I shaking like this. "You called because we need to talk,
right?" Ang straight-to-the-point niyang magsalita! Walang halong keme! "Let's
meet."
"Umm..."
"Wait... you think just because I'm a girl, I can't ask you out?"
"Fine... where?"
"I'm here at De Luxe's Cafe. Meet me here." Then she hang up the phone!
Anyway, I heard Eli-byu that Sheena is a tomboy! So siguro narinig na rin niya na
girl ako... na nagkatawang lalaki. And what's worse, this situation is teaming up a
funny and confusing couple! Tomboy+Gay=??? Sino ang lalaki? Sino ang babae? Sobrang
gulo talaga!!!
"Shatap!"
"A date! I knew it." At nang-asar pa ang bruhilda! "Stop acting like you want my
gender Byron. I know you very well, and I can feel it too that sooner or later,
you'll be back to your old self."
Oo na! Inggit much ako dahil ang kambal ko ang babae, hindi ako! But then, a part
of what she said was... true. "Old self your face Raffy! You're sooo~ fugly! Tabi
ka nga jan!"
"So, you're excited to meet her!" She laughed at me. Ke-kulit talaga ng Raffy na
'to eh! Lakas mantrip, mas maganda naman ako sa kanya! Lalaki nga lang ako. "I bet
na pag-uwi mo mamaya, na-realized mo na that you're not meant to be like that."
Then she hugged me, kahit kasi saksakan ng pampam ang babaeng ito, affectionate
naman siya. "I miss you kuya. Five years na kitang namimiss." Five years... five
years na akong ganito. "Now go! I don't want you to be late on your date."
"It's not a date, nah-uh!"
"Whatever!" Then she lets me go, and we're back to normal. "If I win, tulungan mo
ako sa kaibigan mo ha."
"Duh!!!" Then I went outside na... ito kasing si Raffy, nagkaka-crush kay ______
kahapon. Ewan!!! As of now, ang round two muna ng identity crisis ko ang iso-solve
ko!
(≧ ﹏ ≦)
"I'm boyish, yeah! But I'm not a tomboy." Obvious nga, ang super micromini to the
max kasi ng suot niyang skirt! Napapatingin nga lahat ng tao eh. Pero wala lang sa
kanya, ang astigin kasi ng look niya, hindi yung haliparot style!
So iniwas ko ang tingin ko, kasi nandidiri ako sa itsura niya... nandidiri nga ba?
"I'm sorry for what happened last night."
"You're sorry for kissing me?" Tapos tumawa siya. "What a total jerk!" At umiling-
iling pa siya.
"You know what, wag mo nga ibalandra yang legs mo!" At tinapon ko sa kanya yung
jacket ko.
Then she laughed again. "Byron, will you give me a reason why you're saying sorry."
"A gay wouldn't act like that." Then she took a sip from her coffee. "Ang galing mo
nga humalik eh. May pahimas-himas ka pang nalalaman."
"But if you don't really like me Byron, you just have to say so." Napakunot ako
bigla. It's not that... definitely not because I don't like her... but because I
do... sort of! "Madali naman akong kausap eh." Then she stood up.
"Byron, this isn't the first time I got rejected. So I'm walking out so you won't
see me cry, okay?" Tapos tumalikod na siya pero may dinagdag pa siya. "Guys never
really liked me because I act like I'm one of them. And no matter how hard I try to
prove myself, no one cares to believe! And all this time I thought, you knew what
I'm feeling." Napapikit na siya. "Bye!"
At nung paglakad niya, kusa na lang kumilos ang paa ko papalapit sa kanya, at ang
kamay ko para pigilan siya. "Wait..."
I know her problem... of all people, I know it very well. "I understand you Sheena.
Alam kong mahirap... lalo pa ngayon, na binalik mo yung problema ko."
"What problem?"
"What!?!"
"Pwedeng wag manigaw! Excited much! Nag-iipon pa nga ako ng confidence magsalita!"
Napaka mainitin din ang ulo ng babaeng ito. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga
tao! "Ano bang gusto mong sabihin hah?"
"Sorry kasi kabastusan yun! I shouldn't have done that because your a girl!"
Mygaly! Hindi ko alam kung paano ie-express ang sarili ko! Bahala na nga! "But...
if you want to prove who you really are... then I might help you."
"One week?"
"Take it or nothing at all?" Teka... bakit ang labas eh ako pa ang talagang
nangangailangan ng ganito? Masyadong manipulative ang Sheena Yap na ito! "For this
whole semester, you'll be my boyfriend, I'll be your girlfriend."
Yes madlang peepz. Nililigawan kasi ako nitong si Sheena... parang ganun. "Then
after that?"
"Let's break-up kung sa huli, talagang bading ka at tomboy naman ako."
But this time, sa babae ako nakatingin. Kay Sheena Yap naninikip ang dibdib ko.
And it's hard to admit that I like saying her name... I like seeing her face... I
like what she wants us to do... and I like her...?
"Deal na nga."
So that was a step in solving the round 2 of my identity crisis. Sushmita sen! What
will happen kaya?
☜(*_*)☞
=================
Chapter 31
Madaling araw na nang umuwi na sina Waine at ang iba pa. Madaling araw na din,
hindi pa ako natatapos maglinis. Kung itatanong niyo naman ang magaling na damulag,
hayun sa sofa na natulog!
Gumugulo pa rin sa isip ko ang problemang dinadala ni Waine. Yan tuloy hindi ko
naitanong sa kanya kung saan sila nag-entrance exam nina Eli. Next time na lang!
Mabilis na lumipas ang araw at natapos na ang bakasyon. Nagsimula na ang second
semester sa Edinham at ang nakakalungkot, parang ang daming nagbago matapos ang
birthday ni Waine.
“Badessa, bakit hindi ka na naman pumasok?” Kahapon yung first day ng klase, pero
hindi ko alam kung bakit hindi pumasok si Byron! Pati ngayon, wala na naman siya!
“Bakit ganyan ka magsalita?” Hindi ako sanay nang hindi kami nag-uusap ng ka-
alienan nitong si Byron eh. “Nanjan ba si Raffy?”
“Wala... may klase siya ngayon. At masama na bang magtagalog ha Samira? Pilipino
naman ako ha!”
Sasagutin ko pa sana siya dahil baka lang kasi nag-iinarte lang, pero may narinig
akong boses... boses ng babae!
“Byron, heto. Ano sa tingin mo?” Parang pamilyar yung boses! Parang boses ni
Sheena. "Mas bagay yata 'to sayo."
And he hung up the phone! After nung birthday party ni Waine, ito ang isang
pagbabago! Hindi ko alam pero nabawasan na yung time namin ni Byron, samantalang
madalas kaming mag-usap sa phone!
Tapos si Sheena, parang madalas niyang nakakasama. Hindi ko ma-gets kung anong
nagiging takbo ng kwento nila... but I miss Byron!
“Oh bakit na naman daw absent ang kaibigan mo?”
“Nasa gimik.” Buti na lang kasama ko itong si Kian. Infairness sa kanya, may
nakakasama ako ngayong kasisimula pa lang ng pasukan. And infairness ulit dahil
magaling na ang mga sugat niya! Ang gwapo-gwapo ni Kian!
“Alam mo kung talagang may nangyaring ganyang scene sa party ng kaibigan mo, hindi
malayong may something na nga sa babaeng yun at sa bestfriend mong si Byron.”
Daldal ko noh! Nakwento ko na yun sa kanya! Kaming dalawa lang kasi nitong si Kian
ang magkadaldalan! And to think na classmate ko siya sa lahat ng subjects ko!
“Kung ganun nga, bakit hindi niya saakin sinasabi.” Pero kung sa bagay, kung ako
nga hindi ko rin naman sinasabi na kami na ni Eli!
“Ano ka ba naman! Eh nasabi mo nang ganun yung kaibigan mo diba. Tapos yung girl
parang boyish pa! Malay mo may pinagdadaanang identity crisis, at silang dalawa
lang ang makaka-resolve nun.”
I sighed. “May punto ka dun Kian. Pero hangga’t hindi ko pa nakakausap si Byron,
hindi ko na muna iisipin yun.” And besides, meron akong way ako para malaman ang
totoo eh! “At tsaka hindi ka pa niya nakikilala Kian! Kapag yun kinilig the moment
na magkakilala kayo, ibig sabihin hindi identity crisis ang problema nun! May
something else!”
Tinawanan niya ako at talaga namang pamatay ang ngiti ng lalaking ito! Hindi rin
magtatagal at maraming makakapansin sa angking sex appeal at kagwapuhan ni Kian!
Makikipagpustahan pa ako!
“Ang kulit-kulit mo Sam!” At ginulo pa niya ang buhok ko! Naks! Close na kasi kami!
(ಠ_ಠ)
After ng class, direcho uwi na ako agad. “Hindi pa umuuwi si Eli? Anong oras na
ha!” Nakapatay pa kasi ang mga ilaw pagpasok ko ng bahay.
Isa pa yun sa mga weird na nangyayari! Madalas na gabi na kung umuwi si Eli!
Ayokong isipin yung dahilang pumapasok sa isip ko, kasi malaki naman ang tiwala ko
kay Junanax! “Pero kahit na!”
Tatawag lang ako para magtanong! Tapos ni-dial ko ang number niya... “Hello.”
“Sam?”
“Hindi din... ang alam ko may pinuntahan si kumag eh. Hindi ko alam kung saan.” So
pwedeng magkasama sina Eli at Argel ngayon! Pero nasaan sila? “Bakit Sam, wala pa
ba si Idol jan?”
“Wala eh.”
“Wala...”
Sasabihin ko sanang okay lang, wag na siyang pumunta! Kaso binabaan na ako agad ng
phone ni Waine. Mga twenty minutes din, makakarating na siya.
“Bakit ba kasi si Waine ang tinawagan ko... pwede namang si Eli!” But then when I
called his number, out-of-reach! “Nasaan na ba ang timongoloid na yun!”
After twenty minutes, hindi pa rin umuuwi si Eli. Pero si Waine, nandito na!
Naabutan niya akong nagluluto ng dinner... “Hey.” Hindi ko pinahahalatang gumugulo
sa isip ko yung madalas na pag-uwi ng late ni Eli. "Kumain ka na?"
“Wala pa... akala ko naman palagi kayong magkasama. Mag-iisang linggo nang late
umuuwi si Eli eh.”
“Ah... Hindi ko naman siya nakakasama... pati din si Argel.”
“Ganun?” Ano kayong meron dun sa dalawa? Ano ba!!! Itatanong ko ba yung nasa isip
ko? “Eh... si Raffy ba... um...”
“After nung party, ito bang si Argel pumuporma na kay Raffy? Diba sabi mo crush ni
Argel si Raffy.”
“Ah yun!!! Nakukwento nga saakin ni Argel! Magkatext nga daw sila minsan kaso itong
si Raffy, may gusto na yatang iba.”
“Hah...? Si Idol?” Tapos napa-isip siya. “Pwede... lahat naman ng babae may gusto
kay Idol eh.” Napakagat-labi na lang ako, at parang nasasaktan ako kahit hindi
naman dapat! Kasi hindi pa naman sigurado yun! “Bakit Sam, nagseselos ka?”
“Hindi ah! Ay teka yung niluto ko!” Palusot! Dinahilan ko lang yun!
Pero parang hindi siya naniniwala dahil sa pang-asar niyang ngiti! Ang gwapo sana,
kakabwiset lang eh! “Ma-issue ka Waine hah. Wag ka ngang ngumiti ng ganyan!”
“Bakit??? Ikaw Sam hah, konti na lang kaugali mo na talaga si Idol. Ang pikon!” Ah
pikon ha! Binato ko siya ng asin at nasaktong na-shoot yun sa bibig niya! “Pweh!!!
Ang alat!”
“Weh ang sadista na din!” Tapos naghugas siya ng kamay, pero langya! May hidden
agenda pala! Winisikan niya lang ako ng tubig bilang ganti!
Sakto tapos na yung niluluto ko. Kaya kumuha ako ng isang tabo ng tubig at
ginantihan siya.
“Sam naman!!!” At sapul ang pantalon niya! Ahahaha!!! Para lang siyang naka-wiwi!
“Wisik lang yung ginawa ko, grabe naman ang ganti mo!”
Masarap ding kakulitan itong si Waine, so nagbasaan lang kami sa kusina! Kahit
madalas ko na siyang nakakabonding, ngayon lang namin nagawa itong ganito!
Nung basang-basa na kami pareho at pati yung kusina kung saan kami nagwater fight,
“Hala parang binaha na dito! Ang kulit mo kasi!”
“Anong kulit! Ikaw ang nauna!”
“Lagot tayo kay Eli kapag naabutan niyang parang binaha na ‘tong kusina!”
“Hala oo nga! Dali nasaan yung map niyo!!!” At nagkadarapa kaming punasan yung
sahig. Ang kaso, hindi pa pala tapos sa ganti si Waine! May pahabol siyang tubig at
binuhos saakin nung nakatalikod na ako
“Waine!!! Ang lamig!!! Bakit yung galing sa ref yung ginamit mo!”
“Peace na! Last na yun. Hehe, ito na magpupunas na ako!” Tinignan ko pa rin siya ng
masama. “Promise peace na nga!”
“ELI?” Nagulantang naman kami pareho ni Waine dahil sa boses ni Eli. Kaso mas
nagulat ako sa kasunod na dumating!
“Raffy?”
“Hi Sam!”
“Uy Waine! Nandito ka din pala.” At si Argel pala, kasama din nila!
“Linisan niyo yang ginawa niyo ha!” Pasigaw na sinabi ni Eli and without
explaining, umakyat na siya agad sa kwarto.
()ݓ_ݓ
Natapos na naming punasan ni Waine yung kusina. Nagpatuyo na ako agad at si Waine
naman, nanghiram ng tuyong damit kay Eli.
Hindi naman na din kumain sina Eli dahil tapos na pala silang mag-dinner sa bahay
daw nina Raffy. Ang tanong, anong ginagawa nila doon?
“They’re dating.”
Samantala, may sariling usapan sina Eli, Waine at Argel. Parang napaka-importante
ng usapan dahil ang seryoso ng mukha ni Eli... at hindi siya tumitingin saakin.
Galit yata dahil sa naabutan niya?
“Bakit?” Napasimangot ako... please wag naman sana yung katulad ng iniisip ko yung
sasabihin ni Raffy!!!
“Kasi...”
Sasabihin na sana ni Raffy, kaso sumingit na yung tatlo. “Raffy. Ang mabuti pa
umuwi ka na. Ihahatid ka na lang nina Argel at Waine.” At nag-smile si Raffy kay
Eli at nag-hug pa sila sa harapan ko.
“Text-text na lang.”
Hindi ko alam kung anong nangyayari! Pero may kakaiba sa tinginan nila! At parang
may alam na din si Waine, kaya hindi na siya makatingin saakin nung tumingin ako sa
kanya.
“Another none of your business, Sam.” Tapos tinalikuran niya ako. “Magpapahinga na
ako.”
Pagkasabi ko nun, nagbago bigla yung reaction ni Eli. “What?” Para siyang galit sa
tono ng boses niya.
“So ano naman kung gusto ni Argel si Raffy? Ano namang ibig sabihin nun? Bakit
nangungulit ka masyado?”
“Kasi may tinatago ka. Meron kayong hindi sinasabi saakin! And I want to know what
it is!”
“Kasi kapatid ng bestfriend ko si Raffy and you are my boyfriend, pero may secret
kayo na hindi ko alam!” There I said it!
Natahimik kami pareho at halata pa rin sa mukha ni Eli na wala talaga siyang balak
sabihin saakin kung ano nga yung tinatago nila.
“I’m never a fan of secrets...” Siguro dahil sa galit, o sama ng loob, o lungkot
kaya parang feeling ko naluluha na ako. “...so bakit kayo nagpupunta sa bahay ni
Raffy?” At ayokong umiyak dahil hindi ko maintindihan yung dahilan. “Bakit ka
nagpupunta sa kanila nang hindi ko alam?”
Umiwas lang ng tingin si Eli, at bago pa man tumulo ang mga luha sa mata ko, nauna
na akong umakyat papuntang sa kwarto.
Una kay Byron, at ngayon dinagdagagn ni Eli! Bakit parang nalalayo na saakin yung
mg ataong importante sa buhay ko! All this time pa, akala ko nagalit o nagselos si
Eli dahil naabutan niya kami ni Waine kanina... mali pala ako.
(¬ ﹏ ¬)
=================
Chapter 32
Nginitian ko lang si Kian. Gusto ko siyang sabihan ng problema pero kapag ginawa ko
yun, masasabi ko din na may secret relationship ako with my nephew-in-law. “Wala
‘to Kian. Kunyari lang bida ako sa isang kwentong pang-drama.”
“Parang hindi bagay.” At kinurot niya ang pisngi ko. Ang dali nga naman kasing
makapalagayan ng loob itong si Kian. “Pang-comedy ka eh.”
“Hoy! Ang buhay ko hindi palaging masaya ha!”
“Sige pang-romance!”
“Romance ka jan!” Romance! Wala nang romantic sa lovelife ko ngayon! L.Q. kami ni
Eli... at ang masaklap pa, hindi ko pa rin alam kung anong dahilan kung bakit
masyado siyang attach ngayon kay Raffy.
“Oh bakit ka umiiyak!” Bigla tuloy nagkadarapa si Kian. “Uy baka sabihin nung iba
pinaiyak kita.”
Gusto ko pa sanang gawing joke itong pag-iyak ko, kaso ang sikip na ng dibdib ko
eh. Gusto kong magselos at magalit sa ginagawa ni Eli, pero hindi ko alam kung
anong dahilan para ikagalit ko.
“Sam...?” Tapos napalingon kami sa taong tumawag sa pangalan ko, si Byron! “Bakit
ka umiiyak?” At napatingin siya kay Kian. “Loko ka hah! Bakit mo pinapaiyak si
Sam!”
At nagulat ako sa ginawa ni badessa dahil kinuwelyuhan niya si Kian at sinuntok sa
pisngi.
“BYRON!!! Tama na!!!” At niyakap ko si Byron para pigilan siya! Tama ba kasi itong
eksenang ito? Nakikipagsuntukan siya para saakin. “Si Kian yan! Hindi niya ako
pinapaiyak.” Tapos nagulat si Byron at napatingin siya sa taong sinuntok niya.
“Hi Byron! Nice to meet you hah!” Napilitan pang ngumiti si Kian.
“Isa ka sa may kasalanan! Namimiss kasi kita!” Uwaaaahhhh!!! Ayan tuloy, lalo akong
naluha! Pero natatawa ako sa ginawa ni Byron!
Nang magkalinawan na ang lahat, naipakilala ko na sina Byron at Kian sa isa’t isa.
At ito namang si Byron, nasabihan na niya ako ng tungkol sa kanila ni Sheena. “So
yun... kami na nga after that party.”
“Kasi nga nahihiya ako!” Hindi pa rin nawawala yung landi sa boses ni Byron, pero
at least nagta-tagalog nga siya. “Napagdaanan ko na ito noon, kasama pa kita
remember? Kaso nung dumating naman yung si Sheena, ayan naguguluhan na naman ako!”
“Syempre pinipilit kong maging ako! Si Sheena hindi naman talaga siya tomboy eh.
Ang landi kaya niya. Mas babae pa nga siya manamit compared to you!”
“Nilalait mo ba ako?”
“Ang sinasabi ko lang mas malandi pa siya sayo! Babae siya okay, astigin lang kaya
napagkakamalang tomboy!” Tapos ang seryoso ng mukha niya. “And the truth is, I’m
starting to really like her... although like ko naman na talaga siya! But this time
like ko siya as a girl!”
“Oh kalma lang bades... I mean Byron! Konting hinga lang sa pagpapaliwanag!”
Pareho naming hindi mabanggit yung kasunod ng IS na yun... at salamat kay Kian na
kanina pa kami pinakikinggan...
“Nasanay lang ako beb! Syempre nagsisimula pa lang akong magbago ulit! Konting
consideration naman!” At natawa kaming tatlo. “Oh sige pareng Kian na lang.”
“Natatawa ako pero hindi ako tatawa.” Dahil ang totoo, natouch pa ako sa ginawa ni
Byron!
Nabawasan yung bigat na dinadala ko ngayong nalaman ko na ang totoo tungkol sa
bestfriend ko. “Susuportahan kita jan sa pagbabalik lalaki mo beb!” At syempre
hindi ko rin kakalimutan... “At susuportahan din kita jan kay Sheena.”
“Ay beb, hindi lang ikaw ang may sekretong dapat sabihin.” At binulungan ko siya
tungkol sa sekretong matagal ko nang tinatago.
“HUWAAAAT!!!”
≧◔◡◔≦
Nakakagaan sa loob na sa wakas nasabi ko na rin kay Byron ang sekreto ko! Ang
sekretong kami na ni Eli. Pauwi na ako nang makasalubong ko naman si Waine sa daan.
“Waine?”
“Sam!” At nagulat siya nang makita niya ako. “Ang aga mo umuwi ha.”
“Wala yung prof ko nung last subject eh... ikaw bakit nandito ka?”
“Wait lang, may dadaanan pa ako dun sa grocery store. Hintayin mo na lang ako jan,
mabilis lang ito.”
At tumakbo na ako papunta dun sa store. Wala na kasi akong stock ng alam niyo na...
pag may dalaw. Malapit na kasi yun, mabuti nang handa!
Pagkakuha ko nun, nagbayad na ako agad sa cashier. Kailangan kong magmadali dahil
nga naghihintay si Waine, ang kaso meron naman akong hindi inaasahang nakita!
Sina Eli at Raffy, magkasama! Nagtago ako sa may tabi at patago ko silang sinundan.
Hindi naman nila kasama si Argel, so anong ginagawa nilang dalawa dito?
Bumibili sila ng inumin at kahit na malayo, alam ko kung anong pinag-uusapan nila.
“Heto, mas malamig ‘to!”
Tapos idinikit ni Raffy yung bote sa mukha ni Eli. “Oh mas malamig, diba?”
“Oo nga noh. Sige kumuha ka ng tatlo. Dalawa saakin.” At nag-ngitian pa silang
dalawa!
May kung anong sumaksak sa puso ko. Hindi ako makahinga at napatakip ako ng bibig
ko kasi parang gusto kong umiyak habang sumisigaw.
“Hindi pa ba natin sasabihin sa iba? Sa Auntie mo? Kay Sam?”
“Wag na. Hindi na yun kailangan pang malaman ni Sam. Wala siyang kinalaman satin.”
“Pero Eli...”
Ayoko nang marinig pa yung susunod na sasabihin ni Eli. Kung ano man yun, parang
alam ko na nga! Kahit ano pang pilit kong pagsisinungaling sa sarili ko, nakita ko
na yung totoo!
“Waine...” Hindi ko naitago sa harap niya ang lumuluha kong mga mata.
“Bakit ka umiiyak?” Nilapitan niya ako at hindi niya alam ang gagawin.
“Ayoko munang umuwi. Pumunta muna tayo kung saan”
Napapikit ako at pipigilan pa sana ako ni Waine, pero nauna na akong naglakad.
Sinundan naman nya ako at halata ang awa sa boses niya.
Nasa club house lang kami ng village, at dun ako humagulgol ng pag-iyak. Ilang
beses na akong umiyak sa araw na ‘to, pero hindi pa rin natutuyo ang luha ko. At
hindi ko akalaing may mas isasakit pa itong nararamdaman ko.
“Hindi ko pwedeng sabihin sayo Waine!” Kasi hindi naman niya alam na kami ni Eli!
“Waine...” Ayoko! Ayokong marinig ang sasabihin niya! “Pwede bang wag ka na lang
munang magsalita ngayon.” Pinipilit kong magsalita ng maayos kahit na panay na ang
hikbi ko.
Hindi na ako makahinga... ang sikip-sikip na ng dibdib ko. At nung akala kong
hihimatayin na ako sa sobrang sakit, saka ako niyakap nang mahigpit ni Waine.
“Sam...” Kahit hindi niya maintindihan ang pinoproblema ko... “Sige, umiyak ka
lang. Nandito lang ako, Sam.”
/╯﹏╰\
After three hours, natuyo din ang mga mata ko. Wala na yata akong maiiyak pa, pero
sa tuwing maaalala ko yung sakit na hindi ko pwedeng ilabas, kusa na lang ulit
tumutulo ang luha ko.
“Sam, ayokong nakikita kang ganyan.” At pilit namang pinupunasan ni Waine ang mga
mata at pisngi ko. “Hindi ko alam kung paano ka patatahanin eh.”
“Mabubugbog ko yung nagpaiyak sayo eh.” Natawa ako nun, pero hindi dahil nakakatuwa
ang sinabi niya. Dahil kapag ba nalaman ni Waine na si Eli ang dahilan, magawa pa
kaya niya yun.
“Kapag ba ikaw nakikita mo ang mahal mo na may kasamang iba, anong ginagawa mo?”
Napayuko siya bigla. “Magiging masaya kung masaya naman yung mahal ko na yun.”
“Anong gagawin mo sa sakit?”
“Ilalabas ko din... sa ibang bagay.” Tapos hinawakan niya ang kamay ko. “Bakit Sam?
May mahal ka na ba at sinaktan ka niya? Sino yun?”
Anong gagawin ko pag nagkita kami ulit ni Eli mamaya? Sasabihin ko ba sa kanya yung
nakita ko? Na nakita ko sila ni Raffy? Na alam kong pinag-uusapan nila ako, at si
Eli parang walang pakelam saakin!
“Okay ka na ba?”
“Hindi pa... pero kailangan na nating umuwi.” Tumayo ako at sumunod naman na din si
Waine. Nasa likod ko lang yung nag-aalalang kamay niya, at alam kong gusto niya
lang akong alalayan. At masakit man pero, hindi ako pwedeng matulungan ngayon ni
Waine.
Habang naglalakad, pinipilit ko nang huminga nang malalim para hindi na ako umiyak
pa. Ayokong umuwi ng ganito kaya nag-isip ako ng paraan para malipat naman ang
attention ko sa ibang bagay.
“Waine, ano nga pala yung gusto mong sabihin saakin nung birthday mo pero hindi mo
natuloy?”
“Hah? Yun ba?” At hinawakan pa niya ang batok niya habang nag-iisip. “Wag na.
Ayokong dagdagan ang problema mo.”
“I...” Sa ganun siya natigil noon... pero this time wala nang pipigil pa sa
sasabihin niya. “I’m leaving... after graduation.”
“Ha?” Nasa harap na kami halos ng bahay ni Eli pero napatigil na ako sa paglalakad
at hinarap si Waine. “Bakit?”
“Hindi pa. Kasi alam kong magagalit sila. Plano kasi namin nung bata pa kami na
hanggang college, sama-sama dapat.” At ito ang nakakabilib sa mga lalaki dahil
kahit sobrang nalulungkot sila, hindi sila umiiyak. “Kaso hindi na mangyayari yun
eh. At ako unang bumuwag ng usapan namin.”
“Waine...”
“Ayokong umalis, Sam.” Nang mapatitig na ako sa mga mata ni Waine, saka ko lang
napansin yung luhang namumuo sa mga mata niya. “Ayaw ko kayong iwan.” At saka na
tuluyang pumatak ang luha sa isang mata niya.
Tulad ng ginawa niya saakin kanina nung ako yung sobrang nasasaktan, niyakap ko din
siya. At naramdaman ko yung mas mahigpit niyang yakap. “Mahal na mahal ka namin
Waine.”
Isa na sa malalapit kong kaibigan si Waine at kung aalis siya at iiwan na kami,
talaga namang masasaktan ako. “Mahal na mahal kita.”
“Tama na yan!” At dahil naaawa na ako dahil wala namang kasalanan si Waine, tinulak
ko palayo si Eli at lumapit sa kanya. “Tama na Eli! Magpapaliwanag kami!”
“Umalis ka jan!” Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko at hinawi niya lang ako.
“Walang hiya ka Waine! Ganito pala ginagawa mo!”
“OMG! Anong nangyayari!” So nandito rin pala si Raffy, pero hindi ko na siya
pinansin dahil ang mas mahalaga, maawat ko sina Eli at Waine!
Kaso hindi ko sila malapitan dahil sinasabihan ako ni Waine na wag lumapit dahil
baka masaktan pa ako. Mabuti na lang at may dumating...
“MGA PARE!!!” Si Argel? Nandito rin siya! Hindi na siya nagtanong pa at tumulong na
agad sa pag-awat. At nung mahawakan niya ang nagwawalang si Eli... “Tama na Idol!”
“Bitawan mo ako Argel!”
Saka ako nakalapit kay Waine na puro dugo at pasa na! Naghahabol pa siya ng
hininga. “Okay ka lang Waine... puro sugat ka na.”
Lalo pa yatang nagalit si Eli kaya sumugod siya ulit, pero this time hindi ko na
hinayaang saktan pa niya ang kaibigan niya.
Pagsugod niya, pinigilan ko yun ng dalawa kong kamay, at ngayon ko lang talaga
naramdaman kung gaano kasakit ang suntok niya.
“Ahhhhhhhhhh!” Napaluhod ako habang hawak ang kaliwa kong kamay. Nanginginig ito at
sobrang sakit! “Ahhhh...” Napabulong na lang ako dahil nawawalan na ako ng boses at
naiiyak pa ako.
“SAM!!!”
( ό ﹏ ὸ )
=================
Chapter 33
"Sam..."
"Eli, ako nang bahala." Buti na lang nandito si Raffy, nursing kasi course niya,
matitignan niya yung kamay ni Sam. Tapos sinarado na niya ang pinto ng kwarto ni
Sam at doon na sila nagkulong.
At dahil sa pag-awat ni Sam, siya tuloy ang nasaktan ko! Argh! Susuntukin ko sana
ang pader, pero pinigilan ako ni Waine.
"Pag-untugin ko kaya ulo niyo!" At hindi niya lang sinabi, ginawa pa niya!
Kinaladkad pa niya kami pababa doon sa sala. Aba’t naghahanap din ng latay sa
katawan itong si Argel.
"For once lang mga pare makinig kayo saakin! Tandaan niyo mas matanda ako
sainyo!" Tapos tinulak niya kami pareho paupo. "Ano bang nangyayari sa inyo ha!
Nag-aaway kayo, tapos ngayon nasaktan pa si Sam! Eli, ano bang problema mo?"
"Pakshet naman dapat bang magsigawan? Gusto niyong bang tapyasan ko yang mga labi
niyo! Mag-usap naman tayo ng matino! Nagkagulo na nga idadaan niyo pa sa init ng
ulo!" Eh siya mas mainit ang ulo dito eh. "Bakit ba kayo magkayakap ni Sam?"
"Nambubugbog!"
"Nagseselos ka?"
"Weehh?"
Pakingshet ‘tong mga ‘to! Seryoso na nga hindi pa naniniwala! "Kami na nga. Matagal
na rin."
"Psh! Wala 'to Waine!" Wala na! Wala na nga ang usapan namin!
"So ikaw yung dahilan kung bakit umiiyak si Sam kanina bago pa man kami dumating
dito!"
"Ikaw naman kasi pare, missing in action ka! Itong si Raffy, may ex boyfriend ang
lakas ng sapak. Tinulungan namin siya kasi ginugulo siya nun, eh member pa yun ng
gang sa East."
"Ganun ba?"
"Sige okay lang na wala ka, patatawarin kita. Ang laki naman din pala kasi ng
problema mo. Pero bakit ba hindi mo rin sinabi agad na mangingibang bansa ka?"
"Kasi usapan natin noon, mabubugbog ang sino mang babali o mag-iiba ng school!"
"Oh yan nabugbog na nga kita." Pero syempre, kailangan ko itong sabihin kahit ang
korni at sobrang cheesy! "Sorry ah!"
"Hindi ang weak mo pa rin pre." At dahil hindi uso saamin ang yakapan, naghand-
shake na lang kami.
"Pero Idol, kung malalaman na ni Sam ang totoo mula kay Raffy, hindi pa rin ganun
yun kadali sa pagitan niyo."
‹(ಥ_ಥ)›
"Buti sprain lang..." Ang sinasabi ni Raffy habang binabalot ng benda ang kamay
ko. "Pero mas mabuti kung magpacheck-up ka pa rin."
Naawa ako bigla kay Raffy. Baliw na siguro yung lalaking yun! "Then I met your
friends at that party. Nakwento nga nila saakin na si Eli ang leader ng SGG, and I
thought I could ask them to help me."
"And?"
"Binantayan nila ako for a week... especially si Argel." At may nasilip akong smile
mula sa kanya. "And Eli didn’t want to tell you kasi nasabi niya na may experience
ka na tungkol sa mga gang. Ayaw na niyang dagdagan pa ang trauma mo noon."
Pero lang yun ang gusto kong malaman! "Pero Raffy, may... may gusto ka ba kay Eli?"
"Yeah... I like him." Napapikit ako pagkasabi niya nun. "I like him kasi kundi
dahil sa kanya, hindi pa siguro tumigil yung mga taga-East sa pangugulo
saakin." Tapos parang nag-sparkle pa ang mata niya. "I like him kasi tinutulungan
niya din akong mapalapit kay Argel!"
"I just said that kasi nung una, ayoko ring idamay siya."
"So si Argel talaga ang gusto mo?" At tumango siya a lot of times.
"Hindi ah! Ganun lang yun saakin kasi malapit na rin ako sa kanya, pero... pero
crush ka talaga nun!" Nanggigil naman ako sa sarili ko sa sobrang pagka-guilty!
Pinahselosan ko pa si Raffy, at nakaramdam pa ako ng galit kay Eli. "Um... pero
yung tungkol sa East... okay na yun?"
"I think so. Nung malaman kasi ng ex ko na kakilala ko si Eli, napaatras sila ng
mga ka-gang nila. Kanina lang yun nangyari, nakakatwa nga sila eh. Sikat pala si
Eli noh, kaya pala Idol ang tawag sa kanya." At nagtawanan na lang kami. "Basta
Sam, wag mo na lang ipaalam kay Byron hah! Mag-aalala pa yun, baka magulo pa yung
bizaare lovelife niya."
Pagbaba namin sa sala, napansin kong parang nakapag-usap na rin ng matino sina Eli
at mga kaibigan niya. Malalamig na ulo nila, at pinagtatawanan na lang nila yung
nangyari kanina.
Ginamot na din ni Raffy yung mga sugat nina Waine at Eli, samantalang kinukulit ako
ni Argel tungkol sa kamay ko.
Hindi lang din kami nagpapansinan ni Eli, kasi hindi ko alam yung sasabihin ko sa
kanya.
(╥_╥)
After nang magamot nina Eli at Waine, sandali lang kaming nanahimik.
Nagpapakiramdaman lang kami. Parang may something din sa mga tingin nina Argel at
Waine saakin, tapos ngingitian nila si Eli, tapos ngingitian lang ulit ako! Mga
timang!
"LUL Idol!" At naglokohan pa yung dalawa! I’m so glad na ayos na sila agad.
"Sam, inom ka lang din ng pain-killer kapag sumakit pa yang kamay mo ha."
Nang maiwan na kaming dalawa ni Eli, wala lang kaming imikan. Siguro ilang segundo
kaming nakatayo lang sa pwesto namin kanina, at hindi kami nagtitinginan.
Hindi ko alam yung sasabihin ko, pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Gusto kong
umiyak nang sabihin niya yun!
"I’m sorry kasi hindi ko sinabi sayo yung tungkol kay Raffy. I’m sorry dahil
nagselos ka sa kanya. I’m sorry kasi nagselos din ako sainyong dalawa ni
Waine." Ito siguro ang isang bagay na ako lang ang nakakaalam tungkol kay Eli. Na
sa tuwing humihingi siya ng tawad, naginginig ang boses niya, parang pinipigilan
niya ang sarili na huwag umiiyak.
"Sorry kung nasaktan kita emotionally..." Tapos pabulong na ang boses niya at mas
mahigpit pa ang yakap niya. "At ngayon nasaktan pa kita physically... sorry Sam...
hindi ko sinasadya."
Pagkasabi niya nun, saka ko siya hinarap at nginitian ko siya. I can’t find words
para sabihin na oo, pinapatawad ko siya! Kaya niyakap ko na lang ulit siya at
pinakiramdaman yung tibok ng puso niya.
"You’re the last person I want to hurt."
Oh it’s crying time again! But this time, it’s tears of joy! Nao-overwhelm ako sa
mga sinasabi ni Eli, magkahalo na ang emotions!
Nang magkatinginan kami, dahan-dahan pang inilapit ni Eli ang mukha niya. Hindi ko
tuloy alam yung gagawin kasi ang mahigpit pa ang yakapan namin. Pipikit ba ako?
Nahihiya pa ako!
Naginginig tuloy ako, dahil siguro ilang centimeters na lang ang pagitan ng mga
labi namin! "Sam... let me kiss you."
Ohmygad heart, maghunos-dili ka!!! I closed my eyes, and then our lips locked at
each other!
At hindi ito katulad ng first kiss namin na madalian... kasi ang tagal!!! Or parang
biglang bumagal lang ang oras! Sinusundan ko lang movements niya as we kissed, and
so far this is the most heart-stopping kiss of my life!
(◡‿◡✿)
=================
Special Chapter 6
Babyloves?
"Sakit ng ulo ko!" Hindi na talaga ako iinom! Joke lang... saka lang naman ako
umiinom kapag may occasion eh. At tsaka birthday naman ni pareng Waine kahapon!
Nilubos ko lang yung alak!
"Hoy Argel! Iinom-inom ka, mag-aalburuto ka ngayon sa ulo mo! Tumayo ka na nga jan
at ihatid mo 'to sa customer natin!"
"Mamaloves naman!" Oo mamaloves ang tawag ko sa ermat ko. Sagwa naman kung pati
siya tatawagin kong babyloves. "Pass muna ako jan. Sakit pa ng ulo ko. Kapag nasira
ang mukha ng gwapo mong anak, sige ka. Hindi ka makakahanap ng magandang daughter-
in-law."
"Palusot mo laos na! Maligo ka na jan!"
"Tsk!" Tigas talaga nitong nanay ko. Pero wala akong magawa. Kapag nasa bahay kasi
ako, delivery boy ako. May business kasi si mamaloves na bakery, at dahil mabenta
ang mga pastries at ang mukha ko sa mga tao, ang dami naming customers.
After kong maligo, "Oh heto, bagong customer natin yan. Ito ang address!"
"Ang batugan mo talaga! Sa East Villmore subdivision lang yan. Sakto na yan!"
"Kay ganda mong ina, ang kuripot mo. Sige na mamaloves, mapapagod ako." At dahil sa
angkin kong sex appeal at charms, pati nanay ko hindi makakatiis! Tapos dumukot na
siya sa wallet, langya naman! "Bente pesos lang!"
"Sakto na pan-tricycle yan! Sige na lumarga ka na!" Kaso wala na yatang dadaig sa
pagkakuripot ng ermats ko.
"Pasalamat ka mamaloves, mahal na mahal kita." Nasabi ko lang baka makunsensya siya
at makalusot, pero matigas talaga eh. Hindi madaan sa lambing! "Sige na aalis na po
ako!"
Dalawang boxes ang dala ko. Yung isa puro cupcakes yung laman, yung isa naman,
brownies! Ang specialty ng mamaloves ko.
Narinig ko nang may lumabas sa pinto kaso may kasigawan siya. "Hoy bumalik ka dito
babae ka!!! Hindi pa tayo tapos!"
"Hoy tao po! May delivery po kayo!" Away mag-asawa talaga! Kunin niyo muna 'tong
delivery niyo bago niyo ituloy yang away na yan!
At nung may nag-open na nung gate... "Oh..." Natulala na lang ako... yung kakambal
ni Byron nandito! Si... si... "Babyloves?"
"Come back here!!!" At ang lakas nung pagkakahila nung lalaki kay Raffy papasok dun
sa bahay at saka lang niya ako nakita. "Yan na ba yung cupcakes at brownies?"
"Oo." Nabwiset ako sa ginawa niya kay Raffy! Ang mga babae, hindi ginaganun.
Hinablot niya saakin yung boxes at, "Oh heto na bayad. Umalis ka na."
Paano ako aalis kung umiiyak na si Raffy. "Brad, mukhang ayaw na yata sayo ng
kasama mong babae ha."
"Argel..." Parang nagmamakaawa pa yung mukha niya. Parang gusto na nga niyang
umalis.
"Magkakilala kayo?"
"Kakambal siya ng kaibigan ko pare." Tapos hinila ko si Raffy. "Kung ayaw na sayo
ng babae, pakawalan mo na." At nagtago na sa likod ko si Raffy at halatang
natatakot siya.
"Hindi mo ba ako nakikilala? Taga East-side gang ako! Wag kang pakelamero!" Taga-
East? Ayos ha! Susuntukin niya sana ako, pero dahil alam kong wala naman siyang
binatbat, inilagan ko lang.
Aalis na sana kami ni Raffy, kaso ang laking mamaw talaga nung lalaki at hinablot
ang damit ko at sinuntok ako sa sikmura. "Gago ka! Sino ka bang peste ka!"
"Tama na!!!"
"Eh ikaw peste ang mukha jan!" At gumanti na ako sa kanya ng suntok! Aba! naturuan
yata ako ng maraming taekwondo moves ni Idol! Masasabi na ngang nasa black belter
na din ang galing ko sa pakikipag-away eh. Nang mapahandusay na sa kalye yung
lalaki. "Mamimili ng kakalabanin mo ha!"
At kahit namimilipit siya sa sakit, may pahabol pa siyang sinabi. "Humanda kayo!
Pababalikan ko kayo sa East!"
"Psh!" Sinong tinakot mong pangit ka! "East lang ba? Sige ba! Abangan niyo ko sa
South Grisham hah!" Pagkasabi ko nun, parang na-stroke pa yung lalaki at hindi
makapaniwala!
凸(◣‿◢)凸
"Oo! Kaya wag kang mag-alala. Hindi na makakalapit sayo yung mokong na yun." Pogi
points 'to! "Teka lang, hintayin natin si Idol para malaman niya 'to." At syempre
dahil sinangkalan ko ang SGG, kailangan 'to malaman ni Idol leader namin!
Pagdating niya... "ANO? Bakit hindi ito alam ng kambal mo?"
Nagulat kami sa nakwento ni Raffy. Mokong na yun! Adik na yata yun eh! "Sige wag
kang mag-alala babyloves, tutulungan ka namin."
"At dahil East ang kalaban, siguro mas mabuting may kasama ka muna. Sa mga kilos
kasi ng mamaw gang na yun, gaganti at gaganti yun hangga't hindi pa nasasaktan."
Parang nakita kong nakahinga ng malalim si Raffy. "Thank you... thank you sainyo
ha." Potek... bakit ang ganda ni Raffy?
"Ay oo nga pala, wag niyo rin 'tong ipapaalam kay Sam ha."
"Oo... at ayokong dagdagan pa yung takot niya sa mga ganitong bagay. masyado nang
paranoid ang babaeng yun."
Napatango na lang si Raffy habang nakatingin kay Eli. Lahat naman kasi nabibihag
nitong si Idol. Changgalang yan! Crush ko pa naman si Raffy mukhang fail na naman
itong pag-ibig ko.
"Um... okay."
"At tsaka nga pala, dapat siguro ibigay mo number mo saamin Raffy." Weh si Idol?
Pumaparaan ba siya kay Raffy? Teka paano si Sam? Akala ko ba ang trip niya si Sam?
"O Argel, ikaw na kumuha ng number niya."
"Sa kanya?"
After niyang ibigay saakin yung number niya, inihatid namin siya sa bahay niya.
Syempre nagtago kami kay Byron, baka kasi mapagkamalan pa nung kung ano ang
ginagawa namin.
Nung kaming dalawa na lang, pameste na rin yung ngiti ni Idol. "Bakit?"
"Oh diba trip mo si Raffy? Para-paraan na yan oh! I-textmate na yan Gel!"
Nagbangasan na lang kami. Haha! Oo! Alam kasi ng mga prens ko kung sino ang type
ko, at kung sino ang hindi. Kapag tinawag ko kasing babyloves, ibig sabihin nun,
crush ko yun!
Ibang usapan lang kay Sam, bawal siyang tawaging babyloves kahit crush ko siya
dahil parang may tama na talaga sa kanya si Idol eh. Wushu!
"Yun nga eh. Hindi pa natin alam kung kelan susugod yung taga-East na yun. Mas
mahalaga na ligtas muna si Raffy. Malapit kay Sam yun eh."
"LuL! Hallucination mo!" Ang wafu ni Idol oh! Nagpipigil pa ng tawa yan! At tsaka
parang bawal pa yata sa mga gwapo ang kiligin eh, ahaha!
"Chickboy ka noh?" Reply saakin ni Raffy. "Lahat yata ng babae, bukod lang kay Sam,
tinatawag mong babyloves."
"Oy hindi! Friendly lang ako! Naniniwala kasi akong dapat na sinasamba ang mga
babae." Naks! Pogi points!
"Alam mo sana ganyan din si Martin." Yun nga pala yung pangalan ng mamaw niyang ex.
Pagka-reply niya nun, alam ko na patutunguhan nun.
"Gusto mo pa ba si Martin?"
"Ha..." Ang tagal niyang sinundan yung text na yun. "I think so."
Basag! Basag ang puso ko oh! Hindi ko na siya ni-replyan after nun. Hindi pa nga
ako nanliligaw, basted na yata! Hay naku!
/(¬﹏¬)\
Mag-iisang linggo na din kaming naghahatid-sundo kay Raffy. Tatlo kami palagi, si
Idol, ako at siya. Missing-in-action kasi ang isa naming ka-kosa na si Waine. May
pinagdadaanan yata ang kumag!
"Ha? Bakit?"
"Nag-away kasi kami ni Sam kahapon... um..." LQ? Kakaiba na talaga yun ha! "Hindi
na daw ako tumutulong sa bahay. Late na daw ako palagi kung umuwi."
"Diba noon ka pa naman hindi na gumagawa sa bahay mo." Pagkasabi ko nun, may
katumbas na namang malupit na kutos!
So ako na nga lang mag-isa ang pumunta sa school ni Raffy ngayon. Paglabas niya,
nagngitian lang kami. Medyo dumidistansya na ako sa kanya, mahirap na baka saan pa
mapunta ang pagka-crush ko sa kanya!
"Nasaan si Eli?" Oh kitams! Si Idol ang hanap! Kras niya rin yata si Idol eh.
"Wala lang..." Tapos nahihiya pa siya... weh ang kyut! "Gusto mong kumain muna tayo
bago umuwi?" Weh ulit? Inaaya ba niya ako?
Papayag na sana ako, kaso may grupo ng pangit na halimaw ang humarang sa daraanan
namin. "Sa wakas, naabutan din namin kayo." Ano yun? Sinaktuhan nila na hindi ko
kasama si Idol?
Anakngpucha! Ang dami nila! Mga bente at kalahati! Pandak kasi yung isa. "Martin!
Tumigil ka na!"
"Eh duwag ka pala eh. Talagang nagsama ka pa ng kasamahan mo! Bakit natatakot kang
makipagone-on-one saakin?" Reverse psychology yan! Kung siya lang kasi,
paniguradong talo ko siya! Pero pag silang lahat ang sumugod, panigurado dehado
ako!
"One-on-one pala ha!" Tapos sinugod na niya ako! Yown oh, kumagat siya! Ang bobo
din ng pangit na 'to eh! Syempre madali ko siyang tinalo at napabagsak sa lupa...
Kaso heto na ang hindi ko gusto, sinugod na din ako ng mga kasamahan niya bilang
ganti. Punyemas na yan!
"Argel!!!"
"Takbo na Raffy!" Oh ako na hero! At ang masaklap pa, natawag ko si Raffy siya sa
pangalan niya! Iba na rin yan Argel!
Pero hindi siya umalis, tinulungan pa niya ako. "Lumayo kayo sa kanya!" Pinagpapalo
niya sila ng kahoy at dahil nga mga kumag ang taga-East na 'to, ginantihan nila si
Raffy!
"Walang hiya! Letchugas ka ha!" At ginatihan ko ng suntok yung nanakit kay Raffy.
"Raffy! Tumakbo ka na kasi!!!"
"Hindi kita pwedeng iwan." Anak ng! Hindi pa yata siya natatakot eh! Gaganti pa
sana siya, kaya pinilit kong kuhanin ang attention ng lahat para ako lang ang
saktan nila. "Argel!!!"
Buti na lang at ipinanganak akong swerte, may dumating na rin sa wakas! "Hoy mga
loko kayo ha!" Si Idol!!! At kasama niya yung ibang katropa namin sa SGG! Binugbog
din nila yung mga taga-East. Gumanti sila para saakin!
Nung nakaluhod na si Martin at ang mga kamukha niyang mga pangit. "Wag na wag niyo
nang guguluhin pa si Raffy dahil kung hindi, tuluyan kong buburahin ang East
Gang!!!"
"Opo... opo..."
"Opo Idol..." Diba sabi naman sa inyo, kilala ng lahat si Idol! Pero dahil nga
tukmol ang mga 'to, hinintay pa muna nilang makilala nila in person ang
kinatatakutan ng lahat ng gang dito!
Tapos lumapit si Raffy kay Martin... at sinampal niya 'to! "Yan ay para sa
pananakit mo saakin!" Tapos sinampal niya ulit yung kabilang pisngi naman! "At yan
ay para sa pananakit mo kay Argel!" Woah? Totoo ba yung narinig ko, o nagdi-deliryo
lang ako? "Umalis ka na! Ayaw ko nang makita pang pagmumukha mo!"
"Plano namin 'to. Sorry hah, pinampain ka namin sa kanila para lumabas na sila sa
mga lungga nila."
"Woah! Ayus yun!" Kung sa bagay, kung kasama ko nga palagi si Idol, hindi talaga
sila magpapakita. "Ikaw Raffy? Okay ka lang?"
"Okay lang... hindi naman nila natamaan ang mukha ko eh." Oh diba walang sugat! Ang
galing ko! Ang sakit lang ng katawan ko! Puro pasa na yata 'to!
"Pakerz!" Kakahiya tuloy! "Sa school ko na lang kayo ililibre mga pare! Lumayas na
kayo." At alam na kung bakit gusto ko silang pauwiin! Pampam kasi nila masyado!
"Bakit Raffy?"
"Hindi mo na ako tinatawag na babyloves... ibig bang sabihin nun, iba na ako sa mga
babae mo?" Huwat!!! Oo nga! Napansin pala niya yun!
"Ha... ah... eh..." Potek, natatameme ako! Lalo pa nung niyakap ako ni Raffy, hindi
na ako nakagalaw. "Idol tulong naman..." Bakit ako natotorpe ngayon! Watdapaker!
"Pffft..." At alam na din ni Idol ang gagawin niya. Kailangan ko muna ng ilang
minuto ng pag-iisip. "Raffy, mabuti pa bumili muna tayo ng tubig at gamot para sa
tukmol na yan. Mag-iisip pa yan, ayaw niyang makita mo siyang may gawing kakaiba."
"Ha?"
Erase na natin ang babyloves... dahil kumpirmado! Iba na 'to! Gusto ko sanang
kiligin, pero wag muna! Ang sakit pa talaga ng katawan ko eh. At tsaka baka
masaktuhan ni Raffy yun, mahirap na! Alam ko pa naman na sandali lang at babalik na
sila agad!
"Anyway, bakit wala rin si Waine ngayon?" Bayaan mo na nga! Moment ko 'to eh.
Gumawa siya ng sa kanya.
(*∩_∩*)
=================
Chapter 34
Parang kahapon lang, magkaaway kami ni Eli. Parang kahapon lang, may pilay ang
kamay ko. Ang bilis ng takbo ng panahon! Kapapasok lang ng December at prelims ko
na ngayon...
“Heto oh, bagay sayo ‘to.” Nasa bahay lang kami at nakatingin sa isang magazine si
Eli. Kanina pa siya nagsasabi na bagay daw saakin yung mga damit na tinuturo niya.
“Ay kaso masyado palang revealing ang likod, pipili pa ako ng iba.”
“Ano bang trip mo at namimili ka ng damit jan? Fashion designing ba ang course mo
sa college?” Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin alam kung anong course niya at
saan siya mag-college. Pagsilip ko dun sa magazine na tinitignan niya. “Oh puro
dress pa yan!”
“Ikaw gusto mo ng break-up?” Syempre joke lang yun! Ang pilosopo niya kasi! Anyway,
busy ako dahil may ginagawa ako! Meron kaming photoshoot project, at wala pa akong
mapiling model.
May hawak kasi akong pictures ng mga lalaki na binigay saakin ng group members ko.
Leader nila ako eh, kaya saakin napasa kung sino sa mga nagga-gwapuhang
kalalakihang ito ang pipiliin kong model! “Ang hirap naman kasi mamili! Ang gwapo
nila lahat!!!”
“Gwapo?” Bigla na lang napatingin saakin si Eli. Oh my! Nasabi ko bang gwapo? “Ano
ba yan ha?” At hinablot na lang niya bigla ang mga pictures na hawak ko.
Eli- (ಠ╭╮ಠ)
Ako- ≧◠◡◠≦
“Ah gwapo?” Ayan na! Nanlilisik na ang mga mata niya. “At isa pa sa mga yan ang
makakasama mo sa Sabado?”
“Malamang!” At nagdabog-dabog kunyari si Eli. Ang laking damulag niya lang talaga!
“Ikaw nga, tulungan mo akong mamili kung sino sa kanila ang sa tingin mong bagay sa
photoshoot namin. Winter theme! Yung tipong masungit at cold-type na tao?” At
pinagdiinan ko ulit. “ANG GWAPO KASI TALAGA NILA! Ang hirap mamili!”
“Di hamak naman Sam, na mas GWAPO ako sa mga yan!” Nagwawala? Kailangan
maghurumintado?
“Well... may point ka jan.” Oo na! Mas gwapo si Eli noh! “Sige! Ikaw na lahat Eli!
At tsaka ikaw na rin yung pinakamasungit at cold-type na tao. Ikaw na ang model
type, kaya ikaw na ang lahat-lahat!”
*Light bulb!*
“Ito Eli... siya na lang ang pipiliin ko. Crush ko ‘to eh.” At tinuro ko yung isang
picture ng lalaki.
“Okay sige... itong isa na lang.” At nagturo pa ako ng isa pang lalaki. “Mas crush
ko ‘to eh.”
“So anong ibig mong sabihin? Lahat ng lalaking pipiliin ko, padadala mo sa langit?”
At ito na ang brightest idea na kanina ko pang iniisip! “Eh di ikaw na lang kaya
Eli.” TAMA!!! Parang mas bagay nga naman kay Eli yung sinasabi kong photoshoot! At
ito na ang pinakamagandang decision ko sa para project namin! Palong-palo eh! Bagay
si Eli dun!
“In your face! Ano kayo sinuswerte?” Tapos umalis na siya paakyat sa taas.
Akala niya siguro magpapadaig ako ha. “Okay sige Eli, ikaw din! Itong last guy,
balita ko crush ako nito eh.” Totoo yun ha! “Siya! Siya na lang ang gagawin kong
model!” Ang parinig ko!
Napatigil bigla sa paghakbang si Eli. “Kelan ulit yung photoshoot? Sa Sabado ba?”
It's Saturday!!!
Naglalakad na kami papunta sa school, at napasubo yata ako sa pag-aya ko kay Eli na
maging model namin.
“Amin na kasi yan, ako na magbibitbit ng mga yan.” Ako kasi ang may dala ng mga
damit at sapatos niya. Nagpapakabait ako kasi hindi ko siya babayaran ng talent
fee! Haha!
“Hindi. Bawal kang pagpawisan pagdating sa school!” Oh isa pang dahilan yun!
“Winter nga ang theme namin diba? Kailangan fresh and cool ka lang! Alangan namang
dumating ka dun ng dugyutin.”
“Wala namang nagsasabing papangit ka eh. Ang sinasabi ko lang dapat fresh!” Kung
kailan ayaw kong magpatulong, saka siya namimilit na tumulong!
Pagdating namin sa lobby ng Edinham, nandun na yung mga groupmates ko. Sina Byron,
ang tatlo pa naming groupmates na babae, at si Kian.
(◕‿◕✿)
“Ayan nanjan na siya! Eli-byu!!!” Nagkadarapa bigla yung girls pagkasabi ni Byron
nun. At ayan, pinagkaguluhan nga nila si Eli.
Kinurot ko naman si Byron at saka ko siya binulungan. “Ikaw ha! Isusumbong kita kay
Sheena! Ang landi-landi mo na naman!”
“Oh don’t tell me nagseselos ka?” Kasi alam na nga niya na kami na ni Eli. “Ayiiieh
beb!”
“Hindi noh!”
“Okay girls! Make way for the leader!!!” Pero walang nakinig saakin. Mukhang
nakabihag na naman ng mga babae si Junanax eh! “GIRLS! Make way for the step-
aunt!!!”
“Sam, ano ba yang mga yan? Bakit parang may mga rabies sila? Naglalaway!” Bulong
saakin ni Eli nang hindi lumalapit sa mga kaklase ko. Nasabi ko na bang allergic
masyado si Eli sa mga ganyang girls. Ang gwapo kasi eh!
“Okay behave!!!” Sinigaw ko. “Wala na tayong oras para maglandian dito.” Naks! Ang
sungit ko kunyari. “Nasaan na ba yung planner natin ha?”
“I’m here!” At biglang sumulpot si Kian. Siya ang pinagbitbit nila ng gamit! Yung
tripod, yung spotlight, yung tatlong SLR, yung reflector, tapos yung iba pa naming
props! “Hi Sam!”
“Uwaaah! Mga walang puso kayo! Bakit hindi niyo naman tinulungan si Kian?” Kaya
tinulungan ko siya.
“Okay lang, busy na sila eh.” Nagtinginan na lang kami. Kawawa naman si Kian, pawis
na pawis na! “Um... siya na ba yung pamangkin mo?”
Nakatingin lang saamin si Eli at ngayon parang hindi na siya ngumingiti. “Yep. Siya
si Eli... at Eli, siya naman si Kian. Ang planner ng grupo namin.”
“Hi! Ako nga pala si Kian. Nice meeting you, Eli.” At nag-offer na makipagshake-
hands si Kian, pero in-ignore lang ito ni Eli.
“It’s Eleazer... Eleazer Pascual.” Kulang na lang sabihin niyang 'Hindi tayo
close!' Parang katulad nung sinabi niya saakin noon! Tapos umiwas na siya ulit ng
tingin. “Bakit ba nagsasayang tayo ng oras dito? Kelan ba tayo magsisimula?”
Pagkasabi niya nun, parang napaatras ang lahat! Mokong na ‘to ang sungit!
“Ha... ah sige magbihis ka na dun Eli-byu. Tapos lalagyan kita ng make-up para
naman hindi ka maputla sa pictures.”
“Bagay na bagay nga si Eleazer sa theme natin. Ice prince talaga ang dating! Ang
sungit.”
“Ganun lang yun Kian. Pag-pasensyahan mo na.” Ito naman kasing si Eli! Hindi na
nakuhang ngumiti!
Nang lumabas na si Eli mula sa banyo, nagtilian ulit yung mga groupmates ko. Si
Byron naman, halatang nagpipigil! Ahahaha! Mahirap nga naman kasi na biglang maging
lalaki ulit noh!
“Byron! Pag ako nagmukhang bakla sa make-up mo, hindi na makikilala ni Sheena ang
pagmumukha mo.”
“Uwaah Sam! Ayoko nang magmake-up kay Eli!” Natatakot ba talaga siya dahil dun?
Well, pwede nga namang totohanin yun ni Eli! “At tsaka baka magkasala ako pag
nahawakan ko ang mukha niya.” Ah kaya naman pala!
“Oo nga! Ikaw na lang beb!” Yung tingin naman ni Byron mukhang timang lang! Bakit
siya kinikilig? Potek! Mahahalata kami niyan eh!
“Ako na lang!!!” Syempre, nag-agawan sina classmates sa pagmi-make-up kay Eli! Kaya
sumimangot ulit siya, ang abnoy talaga niya ngayon! PMS?
Nang mag-start na ang photoshoot, naupo na lang ako. Si Byron kasi ang taga-hawak
ng reflector, kasama naman si Kian sa tatlong photographers. Yung isa pa naming
classmate, taga-ayos nung props sa backdrop namin.
Sarap ng buhay ko bilang leader noh! Joke! Utusan kaya nila ako! Kung may
kailangang ganito, ako ang taga-dala!
“Eli, pwede bang mag-smirk ka. Ayos na yang anggulo na yan eh.” Sabi ni Kian pero
hindi siya pinakinggan ni Eli. Pero kapag yung tatlong babae naming classmate ang
nagsa-suggest, sinusunod naman niya agad.
“Oy Eli, sundin mo yung sinabi ni Kian!”
“Gusto mo ikaw na lang mag-model dito?” Oh bakit pati ako sinusungitan na niya!
Maldito much! “Lumapit ka nga dito! Paypayan mo ako! Ang init-init!”
“Grrr...” Kung hindi lang namin kailangan ang kumag na ‘to! So lumapit na lang din
ako at pinaypayan siya.
“Oh ayan na!” Natatawa na lang ang mga classmates ko sa pag-aaway namin ni Eli.
(⋋ ▂ ⋌)
Habang nagpo-pose si Eli, saakin din siya tumitingin! Nakakatunaw na syet!!! Mainit
nga!
Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti sa kilig, pero buti na lang inagaw ni Kian ang
attention ko bago pa man may makakita saakin. “Sam, tignan mo ‘tong shot na ‘to.”
Paglapit ko sa kanya. “Ano sa tingin mo dito?”
“Ay sorry.” Nagtinginan na lang kami ni Kian, tapos pinandilatan ko si Eli! Kaso
hindi siya natinag, inirapan pa ako!
Lagpas isang oras na kami sa photoshoot kaya pinag-break ko muna ang model at
photographers! Ibang backdrop naman ang siniset-up ko.
“Okay lang. Tulungan na kita, hindi pa naman ako pagod eh.” Bait talaga ni Kian
noh! Wala pang girlfriend yan, ewan ko kung bakit eh sobrang gwapo naman niya!
“Teka, mabigat yan. Amin na.”
“Woi! Ang lakas! Thanks!”
“Thanks ka jan. Libre mo ako ng merienda mamaya ha.” Ewan ko kung tinitignan kami
ni Eli, pero pag nililingon ko naman siya, sa iba siya nakatingin. Baka imagination
ko lang.
After naming ayusin ang bagong set, magkatabi kaming naupo ni Kian sa sahig.
Pinakita niya saakin yung mga kuha niyang shots kay Eli. At infairness to him!
“Galing mong photographer talaga Kian!”
“Mahilig akong kumuha ng pictures eh.” At ayan na naman siya, ako na ang
pinipicturan! Tinatakpan ko ang mukha ko, pero hinahawi niya ang kamay ko. “Weh ang
korni! Sige na pam-profile pic ‘to! Ngiti ka na dito Sam!”
Napansin na tuloy kami ng isa naming ka-group. “Uy tignan niyo sila oh! Jan
nagsimula ang lolo’t lola ko eh! Ayiiieeh!”
“Epal!!!”
“Hoy wag kayong ganyan.” Ganyan nga Kian! Ipagtanggol mo tayong dalawa! “Baka may
magalit!”
“Wala ba? Okay naman pala Sam eh!” Pinalo ko na lang si Kian! Mokong na ‘to!
Sumakay pa!
Maya-maya pa, yung nananahimik na si Eli, bigla na lang tumayo. Nabagsak pa yung
upuang nasa harap niya pagdaan niya.
“Sam...” Napatitig ako sa mukha niya... hala!!! “Ibili mo nga ako ng tubig.”
Napatango na lang ako. Hindi siya ngumingiti, saakin lang din siya nakatingin.
“Ay teka Sam. Sama na ako sayo. Bili tayong merienda. Lilibre mo pa ako diba?”
“Ha?” Inakbayan pa sana ako ni Kian para umalis na pero pinigilan siya bigla ni
Eli. Bakit kinakabahan ako?
“Yung backdrop niyo magulo pa, ayusin mo.” Utos bigla ni Eli kay Kian. Tinitigan
naman siya ni Kian na parang nagtataka. “Tara na Sam, ako pa manlilibre sayo.”
Pinigilan pa sana ng mga groupmates ko si Eli na umalis dahil baka daw mapagod o
pagpawisan siya, kaso ang bilis nang maglakad ni Eli at hila-hila pa niya ako.
“Ikaw nakaka-bwiset ka ha. Sino yung lalaking yun? Yun ba yung nakilala mo nung
nag-enroll ka?”
Ang tagal kong hindi nakasagot, pero tumango na lang ako. “Nagseselos ka ba?”
Ang tagal niya ring hindi sumagot... at nung makapasok na kami sa tindahan, saka na
siya nakipagholding-hands saakin. “Kung oo, papayag kang umalis na tayo ngayon?”
(● ❤‿❤ ●)
=================
Chapter 35
“Bakit ba ganun yung lalaking yun ha? Hindi maganda pakiramdam ko sa kanya.”
“So nagseselos ka nga? Oo o hindi lang naman ang sagot eh. Direchuhin mo na!”
“Oo... at dahil jan ilibre mo ako ng ice cream... at tsaka juice... at tsaka isang
chichirya... at tsaka...”
“Wala akong pera! Tubig lang ang ibibili ko sayo dahil mura!” Nagtinginan lang kami
ng masama, tapos natawa pa yung cashier sa harap namin. Siguro nawi-weirduhan siya
saaming dalawa.
“Isa para sayo, isa para kay Byron... at isa para kay Kian.”
“Hindi naman kasi pwedeng palaging mainit dahil baka kung saan mapunta yun? Lalo pa
tayong dalawa lang ang magkasama palagi...”
“Wala!” Tapos kinuha na niya yung tubig sa plastic bag at ininom ang laman nito.
“Wala na talagang dadaig sa pagka-slow mo.”
“Bakit? Diba wala namang magagalit?” Mokong na ‘to! Baka kung anong isipin ng iba!
“Ganun? Gusto mo share na lang tayo. Tirahan mo ako, mauna ka nang uminom.” Iaabot
sana pabalik saakin ni Kian yung inumin nang bigla na namang humarang si Eli.
“Hindi okay lang Eleazer. Baka mamaya ma-uhaw ka pa, model ka pa naman.” At in-
offer ni Kian yung bote ng tubig na hindi pa nababawasan.
“Um...” Hindi ko alam kung kaninong tubig yung iinumin! Pareho namang ako ang
bumili nun! Yung reaction naman ni Eli, nakakatakot na!
“Oo nga noh. Model niyo nga pala ako.” Biglang hinablot ni Eli yung tubig ni Kian,
binuksan ito at siya ang uminom doon. Pagkaubos niya nun, “Oh Sam, uminom ka na
rin.”
So no choice na ako! Yung tubig na in-offer saakin ni Eli ang ininom ko. Napailing
na lang si Kian pero buti hindi siya napikon sa ginawa ni Eli! Ang timongoloid kasi
na ‘to! Isip-bata na naman!
Tuloy pa rin naman ang photoshoot namin, and juskoday! Biglang nagtransform si Eli!
Yung tipong na-inspire siya na ewan! Si Eli kasi kung maka-pose na, ang sarap na
niyang kainin ng buhay! Bakit ang gwapo niya?
Enjoy much din ang mga haliparot kong classmate! Pero mas nag-eenjoy akong tignan
siya ngayon! Lalo pa na naiisip kong nagseselos pala ang kumag kay Kian! Parang
ewan lang talaga, pero nakakakilig!
(●*∩_∩*●)
After ng photoshoot, ni-save na namin yun sa laptop na dala ni Kian at humingi rin
ako ng copy sa USB! For project purpose din yun ha! “Sige, ako na mag-eedit nung
iba. Tapos send mo na lang sa email ko yung matatapos mo para ako na bahalang mag-
compile.”
Samantala, pinagsisilbihan ulit nung tatlo si Eli. “Thank you talaga! Panigurado
makaka-uno kami sa grade nito dahil sayo.”
“Next time? Buti may next time pa?” Kinurot ko yung tagiliran ni Eli at napa-aray
siya. “Amp! Bakit ba?” Bakit ba kasi parang lagi siyang naghahamon ng away kay
Kian?
“Sigurado bang ayaw niyo munang sumama saamin sa mall? Maaga pa naman eh. Ikaw Sam
kahit wag ka nang sumama, basta payagan mo si Eli.” Eh sabunutan ko kaya ang
bruhang ‘to!
“Sure!” Ang sarcastic pa ng boses. “Eli pwede ka namang sumama sa kanila eh...!”
Isang maling sagot mo lang Eli!
Ahh ganun pala Eli hah... “Oh Kian, pwede na rin pala natin ‘tong simulang i-edit.
Maya-maya na lang siguro ako uuwi dahil hindi naman pala makakasabay si Eli eh.”
“Talaga? Sige ihahatid na lang kita mamaya pag-uwi.”
“Eh diba magmo-mall kayo! Dun na lang kayo mag-dinner ng classmates ko. Mag-bonding
kayo dun.”
At feeling ko nakaramdam na si Byron kaya senigundahan niya ako! “Oo nga Eli-byu!
Bayaan mo nang mag-moment sina Kian at Sam dito. Ang lagay ba, ikaw lang ang
pwedeng lumandi?”
“Hindi ba pwedeng mag-joke?” Sabay irap saakin. “At tsaka may gagawin pa tayo Sam,
diba?”
“Wala naman akong naaalalang gagawin natin ha. Sumama ka na lang sa kanila!
Magpapaiwan ako dito kay Kian.”
“Pag sinabi kong uuwi na tayo, uuwi tayo!” Tapos nauna na siyang mag-lakad habang
hinihila ako. “Bye Byron! Bye girls! Bye KIAN!”
Iniwan naming nagtataka yung mga malalandi kong ka-group. Akala din talaga kasi
nitong si Eli, siya lang ang marunong sa ganitong bagay!
Hwahaha! Kita mo naman, siya unang sumuko! Nakalabas na kami ni Eli sa Edinham at
saka lang siya nagsalita ulit. “Siguro crush mo yung Kian na yun noh?”
“Maybe yes... maybe no...” Pang-aasar ko. “Eh ikaw bakit hindi ka tumuloy dun sa
mall. Sana talaga sumama ka sa kanila.”
“At talagang ako ang pinangangaralan mo ng tungkol sa loyalty na yan! Eh ikaw nga
‘tong madalas na habulin ng babae.”
“At least masasabi kong loyal ako sayo dahil ikaw lang ang gusto ko.” Aysows!
Kinilig naman ako sa sinabi niya!
“Okay... joke lang naman din yung kay Kian eh. Ikaw lang din ang gusto ko.” Aysows!
Napangiti naman ang Junanax! “Oh aminin, kinikilig na yan!” Ang cheesy namin,
shemay!
“Hoy Sam, masaya ako pero hindi ako kinikilig noh! Psh!”
“Weh! Deny pa! Gusto mo pustahan? Mapapakilig kita bago pa man matapos ang araw na
‘to!” Ano namang klaseng trip ang gusto mo Sam?
“Ako pa hinamon mong babae ka! Sige ba! Anong pusta?” Oh game naman pala siya eh!
“Yun lang ba! Call.” Aba, naghahamon ka! “Oh sige! Pag ikaw naman ang natalo...”
Bigla akong kinabahan sa tingin ni Eli. “Dun ka sa kwarto ko matutulog. At tabi
tayo sa kama.”
Parang umapaw yung dugo sa ulo ko! “Huwat!!! Ang maniac mo Eli!”
“Bakit anong iniisip mo? Magkatabi lang, yun na agad iniisip mo! Greenminded
masyado!” Ampupu! Napasubo yata ako! “Oh ano? Natatakot ka noh? Matatalo ka kasi!”
Let’s get in on! “OKAY!” Akala niya magpapatalo pa ako ha! “Humanda ka nang maging
katulong ko!”
Uwaaahhhh!!!
m/^.^\m
Seryoso ba talaga? Ayus na pustahan ‘to! Kaso baka bigla na lang magback-out si
Sam! “Kapag nagback-out, forever na tayong tabi sa kama ha.”
“As if!” Ang tikas din nitong babaeng ‘to! If I know magpapatalo siya para lang
talaga makatabi ako. Haha! Feeling ko lang yun!
Pero wag kayong mag-imagine jan, syempre gentleman ako! Hindi ko gagawin yung mga
green na iniisip ng iba jan! Kasi kung yun talaga habol ko, eh di sana matagal ko
nang ginawa diba?
Gusto ko lang pagtripan si Sam! Kung ayaw naman niya akong makatabi, hindi rin
naman ako makakapalag dun eh. Maya-maya, narinig ko nang lumabas si Sam sa kwarto
niya at pagbaba niya, napatingin ako sa kanya.
Lumapit siya saakin “Ano yang pinapanood mo?” Anak ng teteng!!! Ngayon ko lang
nakitang nagsuot ng ganito ka-sexy na damit si Sam! Napalunok na lang ako at
pinilit kong wag siyang pansinin.
Tapos tumabi siya saakin at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Punyemas!!!
“Sam...” Humugot ako ng lakas ng loob. “Kung iniisip mong eepekto yang suot mo,
nagkakamali ka.” Sinabi ko nang hindi pa rin tumitingin sa kanya. Umeepekto na
kasi!
“Bakit hindi ba bagay saakin?” Ampa-kyut pa ng boses niya! Ampakshet! Ano ‘tong
ginagawa niya!
“Hindi... pinapakilig ka lang.” Bigla siyang nag puppy-dog eyes! Lintek na! Ang
cute niya! “Kinikilig ka na ba?”
“Hindi...” Hindi ako papayag na maging katulong sa bahay ko! Lalong hindi ako
papatalo na hindi siya makatabi sa kama! At higit sa lahat, ayus ‘tong ginagawa ni
Sam. Tignan natin kung hanggang saan siya tatagal. “Kumuha ka ng popcorn dun!”
Inutusan ko siya para ma-shift ang attention ko.
Sumunod naman siya agad kaya nakahinga ako ng malalim. Kaso mabilis lang din siya
bumalik dala yung popcorn. Pagtabi niya ulit saakin...
“Nood tayo ng horror movie.” Horror movie! Tama! Buti na lang hindi siya nag-
suggest ng romantic movie!
So nag-dvd marathon kami! Yung mga the best horror movies na alam namin. The
Grudge, Shutter, Alone and now... The Unborn! Ni hindi na kami nakapagdinner ng
matino dahil ayaw nang magluto ni Sam.
Nakatingin ako sa orasan, 11:45 pm na pala! Nakalimutan na yata ni Sam yung tungkol
sa pustahan namin! So isa lang ang ibig sabihin niyan, magkakatabi na kami sa kama!
Panalo na ako!!! “Sam...”
“Ang ano?”
“Sheeesh! Wag ka munang maingay Eli! Nakaka-distract boses mo eh!” Tama ba yun? Ano
yun? Yung inaabangan kong moves niya para pakiligin ako, wala? Naglahong parang
bula?
“Hoy tumingin ka nga saakin!” Hindi ako papayag! Nanalo lang ako ng ganun? Walang
kachallenge-challenge!
“Ano na? Wala ka nang ibang gagawin? So nagsuot ka lang ng sexy na damit, hindi ka
nagluto ng dinner at tinabihan mo lang ako ngayon sa panonood? Yun lang yun?”
“Eh kasi ang ganda na ng palabas! Wag ka nang makulit jan!”
*gulp...*
Kailangan pa bang itanong yun? “Ano... um...” Man-up Eli! Sumagot ka nga ng matino!
Syempre gusto mo siyang katabi!
“Tingin mo ba mamaya, magagawa kong matulog mag-isa sa kwarto. Kaya nga tayo nag-
marathon ng horror movies eh.” Chupeste! Kinakabahan ako sa kalandian ni Sam! Kaso
sumuko na siya agad!
“Seryoso ka?” Hindi ko akalaing gugustuhin din pala ni Sam ang makatabi ako! “Alam
mong pwedeng may mangyaring ano...” Kababalaghan?
“Bakit Eli...” Tapos dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Para
akong nahihilo, hindi na ako makahinga.
Yung daliri pa ni Sam bina-brush ng dahan-dahan ang buhok ko! Ganito ba siya ka-
mature? What happen to my innocent Sammy?
“Sabi mo mahal mo ako.” And she gaved me butterfly kisses on my cheeks. Hindi ba
pwedeng totoong halik?
Ampness! Napatango lang ako. Kapag nagtuluy-tuloy pa siya na ganito, baka hindi ko
na mapigilan ang sarili ko! “Sam...” Maghunus-dili ka parang-awa mo na! Sasabog na
yata!!! Sasabog na yata ang puso ko!
At hindi ko na kinaya pa ang mga pangyayari. Medyo lumayo ako sa kanya at tinakpan
ko lang ang mukha ko ng unan. Namumula na yata ang tenga at buo kong mukha. Pero
natutuwa ako sa kilig... teka... anong yung iniisip ko? Natutuwa sa KILIG?
“Yes!!! Yes!!! Yes!!!” Bigla na lang nagsisisigaw si Sam! “Owemji Eli! Nagba-blush
ka, nagtakip ng mukha, nakangiti ng parang tanga at umiiwas ka ng tingin saakin!
Kinikilig ka!!!”
Nanlaki lang ang mga mata ko! Ni-hindi na ako nakapalag pa kasi na-blanko na utak
ko. “Wala nang palusot yan! Kinilig si Eli!!! Yes nanalo ako sa pustahan!!! Wala
pang twelve o’clock! Yes! Yes!” At nagbubunyi na siya sa ginawa niya habang asar-
talo ako!
“Oh yeah!” At hindi pa rin tumitigil sa pagsasaya si Sam. “Bukas na bukas din,
alipin na kita Eli! Todas ka ngayon!”
Pero dahil isa akong tunay na lalaki, tinawanan ko na lang. “Kakaiba ka talaga Sam!
Oo na sige na! Panalo ka na!” Wala na rin akong nagawa, panalo na siya. “Katanggap-
tanggap naman dahil girlfriend kita eh.”
“Yebah! Tanggap na niyang mas magaling ako sa kanya! Ayiiieh!” Oo na nga diba!
Panalo siya ngayon! “Talo si Eli! Pahiya ang Idol! Panalo ang girlfriend! Ahahaha!”
“Ang talo, pikon! Beh beh beh beh beh!” Aba’t parang bata pang nag-aasar oh!
“Ah ito pala gusto mo hah!” Sabay hinablot ko siya pero nakatakas naman siya at
nagtatakbo na palayo!
Wrong move naman siya dahil sa maling parte siya ng bahay nagpunta. Na-corner ko
siya at tatakbo pa sana siya pero nahawakan ko na ang braso niya! “Talo ka! Wag ka
na ngang pikon...”
At para manahimik na, hinalikan ko na lang siya sa lips niya. “Panalo ka na nga,
okay? Wag ka nang mang-asar, lalo lang akong kinikilig sayo eh.”
Syempre kinilig din siya sa sinabi at ginawa ko! Hwahaha! “Ayiieeh!”
“Pero Sam, diba sabi mo ayaw mong mag-isang matulog ngayon? So magtatabi pa rin
tayo mamaya ha?" Pahabol lang baka makalusot. Alam niyo na, baka matakot siyang
mag-isa dahil sa pinanood namin kanina diba?
“Wag ka nga! Pumaparaan ka lang eh.” Potek! Sige, next time Sam! Next time
magkakatabi din tayo!
( ♥ ◠‿◠)
=================
Chapter 36
Ang sarap ng feeling na hindi ko na kailangan pang gumising ng maaga para ipagluto
pa ng almusal ang damulag . Mas masarap pa lalo sa feeling na pinagsisilbihan na
niya ako hanggang sa matapos ang taong ito!
Ako – ZzZ(-_-)ZzZ
“Sam!!!” – (ಠ__ಠ)
Tapos tinignan ko yung oras... juskoday! 6:30 pa lang!!! Christmas break pa naman
na din ngayon tapos guguluhin niya lang ulit ang tulog ko? “Bakit mo pa ako
ginising ha?”
“Eh kasi po hindi na ako sanay na hindi ka kasabay sa almusal! Dali tumayo ka na
jan! Nag-imbento din ako ng almusal ngayon katulad ng madalas mong ginagawa!” Ano
‘to gantihan? Siya nag-imbento ng pagkain? At least yung niluluto ko masarap! Eh
yung sa kanya?
Nagtalukbong ako bilang simbolo ng pagpalag sa gusto ng kumag na ‘to. Kaso imbes na
maawa, hinila pa niya yung dalawa kong paa paalis sa kama kaya akala ko tuluyan na
akong babagsak sa sahig. “Uwaaahhh!!!” Pero dahil saksakan ng dami sa maneuvers
itong si junanax, nasalo naman niya ako.
Nagpunta na kami sa kusina habang kinakaladkad niya ako. Gusto ko pa rin kasing
matulog eh! Pero dahil wala na naman akong magawa, sumunod na lang ako.
Naupo na ako at todo asikaso naman siya saakin. Nag-apron pa ang tukmol! Kitam mo
naman, feel na feel na niya ang pagiging butler ko! “Bakit ka ba good mood ngayon?
At bakit parang feel na feel mo na yang pagiging katulong mo? Siguro may kasalanan
ka saakin noh?”
“Mabait lang ako may kasalanan na agad?” At nilagyan niya ng hot chocolate ang cup
ko samantalang gatas naman yung sa kanya. “Naisip ko lang na dahil bakasyon na
natin, dalawin natin sila mommy at kuya Rico mo.”
“Ay oo nga!!!” Nung tumawag kasi si Kuya saakin nung nakaraang linggo pa, nasabi
niya na may balak silang magbakasyon na mag-asawa! Kaya baka hindi namin sila
makasama sa pagcelebrate ng Christmas at New Year. “So ngayon natin sila
pupuntahan?”
“Yep! Surprise natin yung dalawa!” Napangiti ako sa suggestion ni Eli. Napaka-sweet
namang anak nito! Hindi lang halata dahil supladito siya most of the time, pero may
pagka-mama's boy talaga ang timongoloid na ‘to. “At tsaka, gusto ko na ring ipaalam
sa kanila na tayo na.”
“Prrfffttt.” Nabilaukan tuloy ako nung uminom ako nung chocolate drink! “Okay ka
lang ba!!!” Bakit biglaan naman yata!!!
Nakatitig lang ako sa seryosong mukha ni Eli. “Naisip ko kasi, bakit ba kailangan
talaga nating itago diba? Hindi naman tayo magkadugo and we’re both in love with
each other, wala tayong dapat ikahiya!” Tapos kumagat siya ng malaki sa tinapay
niya. “I want to make this official, Sam.”
Medyo kinabahan ako sa sinabi niya, pero tama siya. “I’m sick and tired of
pretending na hindi tayo. Ayokong magtago kapag nagseselos ako, o kapag gusto
kitang hawakan sa kamay o yakapin o halikan.”
Ang seryoso ng mukha niya kaya nginitian ko na lang siya. “Okay, sige... siguro nga
panahon na para sabihin natin sa lahat.” At dahil sa sinabi ko, napangiti rin si
Eli! “Uwaaahhh!!! Eli!!! Wag kang ngumiti ng ganyan! Ang cute mo lang! Sige ka,
baka mapapayag mo ako sa PDA na yan.”
“Weh? Talaga!”
“Joke lang! Feeling mo naman!” Nagtawanan na lang kami habang inuubos yung almusal
na inihanda ni Eli. Wag niyo nang itanong kung anong lasa, mapagtya-tyagaan naman
kasi eh.
After naming kumain, nagplano na kami kung paano sasabihin kina ate Pia at kuya
Rico ang lahat. At umaasa kami na hindi sila magde-desisyon na paghiwalayin kami.
Sana! Sana lang talaga!
/❂.❂\
Ang plano, direcho na naming sasabihin ang lahat! Kapag magkaharap na kaming apat,
wala nang paliguy-ligoy pa! Aaminin na namin agad para wala nang problema. “Oh
practice muna tayo ulit.”
“Pwede na ba yun?”
“Wag kang ngumiti! Ano bang gusto mo, magpacute sa harap nila? Dapat seryoso! Isa
pa! One, two, three...”
“Pwede na! Handa ka na ba?” At isang tango lang ang sagot ni Sam. Nasa harap na
kami ng bahay ng mommy ko at ni Tito Rico. Huminga muna ako ng malalim saka ko
pinindot yung doorbell ng dalawang beses.
Narinig namin yung boses ng kuya niya na papalapit na sa gate. “Okay honey! Teka
lang ha, may tao sa labas!” At pagbukas niya ng gate... “Sam!!! Eli!!!”
“Hello kuya!”
“Hi Tito!”
“Surprise!!! Advance Merry Christmas!!!” Sabay din namin ni-practice yan!
“Nasaan na po si Mommy?”
Nag-hug pa yung magkapatid tapos binigay ni Sam yung pasalubong namin na supot ng
mga prutas. “Papasok na kami kuya ha!”
Naka-upo naman si mama sa sofa at nanonood ng TV habang may mga pagkain sa harap
niya. Syempre, ilang buwan din kaming hindi nagkita ni Mama kaya na-miss namin ang
isa’t isa. “Eli... bakit parang mas nag-mature ka na! Ang gwapo mo lalo anak.” Nag-
hug kami tapos siya paiyak-iyak pa.
“Hehe, kami nga ang nagtataka sainyo, bakit hindi niyo kami dinadalaw sa bahay.”
Tapos may kakaibang tinginan sina mama at tito Rico. “Anyway, nandito po kami para
mangumusta at may sasabihin po kami sainyo ni Sam.”
“Ay nako, bago yun anak, honey kuhaan mo muna sila ng juice!” Teka... kelan pa
naging tamad ang nanay ko? Siya ang nag-uutos sa asawa niya?
“Yes honey. Sandali lang ha...” Oh baka naman under lang itong si tito Rico. Tsk!
Kawawang kuya ni Sam!
Naupo na kami ni Sam sa dalawang upuan tapos si mama solo-flight dun sa sofa.
Hinihintay namin na bumalik si Kuya Rico saka namin direchong sasabihin yung
tungkol saamin.
Si Sam naman halatang kinakabahan dahil hindi siya mapakali tapos panay ang tingin
niya saakin. “Ay... ate Pia, tumataba ka yata ha. Pero blooming ka!”
“Hehe... talaga! Nakow ikaw din Samira! Paganda ka ng paganda! Pareho kayo ng anak
kong pagwapo ng pagwapo eh. Siguro inlove kayo noh.”
“Um... mommy... bakit naman ang daming pagkain sa harapan niyo? Nagmo-movie
marathon ba kayo?”
“Hah...” Saka dumating si tito Rico dala yung juice. itong-ito na yung tamang time
para sabihin na namin ni bugal yung tungkol saamin. “Alam niyo kasi...”
“Pero bago niyo sagutin yun... may sasabihin muna kami ni Sam...”
“Ay teka, may mas mahalaga kaming dapat ibalita sa inyo. Sabihin natin sa kanila
honey tutal nandito na sila?”
Naghawak na kami ng mahigpit ni Sam dahil nahihirapan kaming maisingit yung gusto
naming sabihin dahil sa usapan ng mag-asawa. “Game Sam.. one, two, thr~”
“Buntis ako anak!!!” Biglang tumayo si mama tapos nahalata na nga yung malaki
niyang tiyan. “Magiging papa na ako!!!”
“Woaaahhh!!!” At syempre ang epic ng reaction namin ni Sam! Pareho lang kaming
nakanganga habang nakatingin sa tiyan ng mama ko.
“Ahahaha!!! Na-surprise kayo noh! Dapat kapag kabuwanan ko na saka ako magpapakita
sa inyo eh.” At wala pa rin kaming matinong reaction ni Sam.
“Ano ka ba honey! Para namang sinabi mong hindi tunay na nephew-in-law ni Sam si
Eli!”
Nagkatinginan kami bigla ni Sam, at alam kong pareho na kami ng iniisip ngayon.
Potek naman! Kung kelan naman nagkapag-plano kaming magsabi ng totoo! Argh!!!
“Po...?” Nagkatinginan ulit kami ni Sam, tapos parang may sinisenyas siya sa mga
tingin niya. Panigurado dahil mabait na bata itong si Sam, hindi nito kayang
magsinungaling! At panigurado din na kapag ako naman ang sumenyas sa kanya, hindi
niya lang mage-gets dahil sandamakmak na slow ang babaeng ito.
(► ﹏ ◄)
“Ah yung mga barkada mo lang ba ang kasama? Baka si Sam lang yung nag-iisang babae
Eli ha.”
“Hindi po.”
“Um... isasama namin si Byron at tsaka yung twin sister niya na si Raffy. At tsaka
yung girlfriend pala ni beb na si Sheena.”
“Ahehehe... parang ganun na nga yata.” Anyway, “Ate Pia, panglimang buwan niyo na
din pala ‘to.” Buntis pala si Ate Pia... kaya pareho kami ng naisip ni Eli na
siguro hindi ito yung magandang time para ipaalam sa kanila ang sekreto naming
relasyon. Nasabi kasi nila na maselan daw yung pagbubuntis ni Ate Pia.
“Oo nga eh. At kinakabahan nga ako, baka manganak ako sa graduation nitong si Eli.
Kabuwanan ko kasi sa April sabi ng doctor.”
Medyo pilit yung ngiti ko, pero masaya talaga ako para sa kanila! Malungkot lang
ako para saamin ni Eli. “Eh, alam niyo na po ba yung gender ng magiging baby niyo?”
“Pero may usapan na kami na kapag baby boy, isusunod namin sa name ni Eli. Pag baby
girl naman, sa name mo naman isusunod, Sam.”
“Cool...” Kanina pa yan si Eli, puro one-liner na lang ang sagot. Parang nabad-trip
dahil nga hindi na namin nasabi. Hindi ko naman din siya masisi.
“Ay teka, hapon na. Baka gabihin kayo ng uwi.” Oo nga... time na para umuwi.
“Sige po! Congratulations po sa magiging baby niyo ha!” Nauna na agad si Eli na
umalis kaya agad akong sumunod sa kanya. “Ba-bye kuya! Bye ate Pia!”
“Eli...” At pati ako napagbuntunan niya tuloy ng sama ng mood niya. “Magiging kuya
ka na!” Bigla niya akong tinitigan ng masama, parang wrong move naman kasi yung
dialogue ko. “Ay... kuya ka na nga pala ni Sunmi noh.”
Wala pa rin siyang imik kaya natahimik na lang din ako. Sige na nga Eli, palipasin
muna natin yang init ng ulo mo. Saka na tayo mag-usap kapag handa ka na talagang
magsalita...
* * *
Naglalakad na kami pauwi pero parang wala pa ring balak magsalita si Eli ngayon. So
dahil nag-aalala na ako sa kanya, natural lang na titigan ko siya. Ang kaso dahil
nga maling tumitig sa mga gwapo lalo pa at wala sila sa mood, natalisod tuloy ako.
“Aray ko...” Buti na lang sa likod ni Eli ako na-direcho, kaya napatingin siya
saakin. Clumsy much ka lang talaga Sam! Magagalit na naman ‘tong mokong na ‘to
panigurado!!!
One...
Two...
Three...
“Okay lang bang wag munang tayo umuwi?” Uwaaah!!! Hindi niya ako sinigawan o
pinagalitan man lang! Iba pala talaga pag malungkot si Eli.
“Um... o sige... dun tayo sa club house.” Sumunod naman din siya agad nang walang
kahit na anong angal.
Pagdating namin dun, naupo kami sa usual spot na madalas naming pwestuhan kapag
napapadaan kami dun sa club house.
“For the first time, wala na kasi akong maisip na plano. Ito na yung
pinakamagandang pagkakataon para sabihin sa kanila eh, kaso hindi rin natuloy.” I
know Eli. Pareho tayo ng iniisip. “And to think na yung magiging baby nila, kapatid
ko at magiging tunay na pamangkin mo.”
“Oo nga eh... ano na lang itatawag niya sayo kapag nagkatuluyan tayo? Kuya-Uncle? O
kaya saakin, Ate-Auntie?” Bigla siyang napatingin saakin... “Oh, seryoso ako ha!
Hindi ako nagpapatawa, Eli.”
“Kuya-Uncle? Ate-Auntie?... pfffttt...” Pero dahil dun sa sinabi ko, nakita ko na
ulit yugn ngiti ni Eli. Hay sa wakas naman! "Ang baho ng tawag. Sagwa pakinggan!"
“Ayiiieh! Tumawa din siya!” At isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya. Inabot
naman niya yung kamay ko para magkaholding-hands kami. “We’ll have our next chance
Eli. Masasabi rin natin sa kanila, okay?”
Minsan kahit ang mature na si Eli, para pa ring bata kung harapin ang problema.
Pero kaya nga nandito ako sa tabi niya eh, para damayan siya kapag nalulungkot siya
o kapag iniisip niyang wala nang pag-asa.
“Malay mo naman, sa graduation mo, masabi na natin! Basta wag muna nating isinggit
ngayong nagbubuntis palang ang mommy mo. Maselan yung condition niya. At alam ko
namang ayaw mong may mangyari masama sa mama mo at sa magiging kapatid mo diba?”
“Oo na po.” Aysows!!! Ngumingiti na talaga siya oh!!! Ayiiieh!!! Ang gwapo-gwapo
niya talaga!!! “Ah... so... tatawagan ko na ba sina Waine at Argel?”
“Ha? Bakit?”
“Uwaaaah!!! Sigurado ka?” Palusot lang niya yun kanina eh. Totohanan na ba ngayon?
“Oo naman! Wala na akong ibang magandang plano para i-celebrate itong holiday at
salubungin ang bagong taon eh. Mag-outing na lang tayo kasama ang tropa, diba?”
Napayakap ako kay Eli sa sobrang saya at dahil na-excite ako bigla! “Go Eli!!!
Suportado kita jan!!!”
Kita niyo naman, after ng isang malungkot na pangyayari, may maganda namang
kasunod.
* * *
Naka-pack na lahat ng gamit namin. Kumpleto na rin yung mga babaunin namin at ilang
pang mahahalagang bagay na kakailanganin namin sa outing namin.
“Nagtext na si Waine, nasundo na daw nila ni Argel sina Byron at Raffy. Kasama na
rin nila si Sheena.”
“On the way na daw... ilabas na lang din natin yung mga gamit para pagdating ng
sasakyan nila, makaalis na tayo agad.”
Inilabas na namin lahat ng gamit namin sa may bakuran dun malapit sa gate. Kaso
maya-maya lang, biglang may nag-doorbell. “Teka... sila na ba yun? Ang bilis
naman!”
“Bakit nag-doorbell? Eh kung sina Argel yun, papasok na lang bigla yun sa bahay
noh.” Eh sino kayang bisita namin ngayon? “Baka mga nagka-carolling lang. May barya
ka ba jan?”
Sabay kaming nagpunta sa gate para tignan na kung sino yung dumating. At nung pag-
open namin, mas nagulantang kami sa taong nasa harap namin ngayon.
.
“Annyeong Oppa! Hello Unnie!!! (Hello kuya! Hello ate!)”
“SUNMI???”
“Na-neun dasi!!! (I’m back again)” Tapos napatingin siya sa mga gamit namin. “Omo!
Where are the two of you going? Hyuga-reul tteo-naneun ga? (Going on a vacation?)”
ヽ(⊙_⊙)人(❁_❁)ノ
=================
Chapter 37
“SUNMI???”
“Na-neun dasi!!! (I’m back again)” Tapos napatingin siya sa mga gamit namin. “Omo!
Where are the two of you going? Hyuga-reul tteo-naneun ga? (Going on a vacation?)”
“Ano daw Eli?” Ito namang si Sunmi, alam nang hindi ako nakakaintindi ng Korean eh.
Baka mamaya minumura na niya ako.
“What? Now? Sasama ako! Magpapalit lang ako ng shorts and sneakers! Gi-daryeo!
(Wait for me)” Dali-dali namang pumasok sa loob ng bahay si Sunmi at iniwan yung
dalawa niyang maleta.
“Malay ko!!!”
“No choice. Dadalhin natin. Nanjan naman mga gamit niya eh.”
Maya-maya pa, dumating na yung inupahang van nina Waine. Kasama na sina Sheena,
Raffy at si Beb na nasa loob ng sasakyan. Bumaba sina Argel at Waine para tulungan
si Eli sa paglalagay nung mga gamit namin dun sa likod ng van.
“Edi ikaw ang tumulong saamin kung ayaw mong si Byron ang tutulong.”
“Eh teka nga, bakit may de-hilang maleta dito idol? Sam sayo ba ‘to? Camping tayo
diba?”
“Eh kanino yan?” Nagkatinginan lang kami ni Eli kasi hindi namin alam yung isasagot
namin. Apaka-bilis naman kasi ng mga pangyayari! Kagulat-gulat pa kamo!
“Saakin yan, bakit?”
Napalingon kaming lahat sa boses galing sa loob ng bahay. At laking panic nina
Byron, Waine at Argel nang makita nila si...
“SUNMI!!!”
“I know, I know, I’m such a beauty! But well I’m back!” Bruhilda pa rin ‘to kahit
kelan!
“Kanina.”
“Christmas vacation.”
“Isn’t it obvious?”
“Teka naman Sunmi, hindi ikaw ang tinatanong namin. Kanina ka pa sumasagot.”
“Pakelam mo, eh sa gusto kong sumagot. Oppa oh, inaaway ako ni Waine.”
Ayayayayay!!! Sumasakit ang ulo ko! At ano pa nga bang aasahan mo kay Eli! Syempre
naman kampi yan kay Sunmi!
“Waine!!!” Halatang imbey na imbey pa rin talaga sila kay Sunmi eh. Sasakay na sana
kami sa sasakyan nang patigilin ulit kami ni Sunmi!
“Jam-kkan gi-daryeo! (Wait a sec!) Who are these two girls?” Napatingin si Sunmi
kina Sheena at Raffy na nananahimik sa kinauupuan nila. Magkatabi silang tatlo na
pinagigitnaan si Byron.
“Um... Sunmi, siya nga pala si Raffy. Twin sister ni Byron. At si Sheena naman,
girlfriend ni Byron.”
“Ehehe, Sunmi naman.” Yung tingin naman ni Sheena, pwede nang pumatay! Kakatakot
lang hah!
Tinignan lang din ni Sunmi si Sheena from head-to-toe eh kaso hinawi siya ni Argel
para tumabi naman kay Raffy. “Tara na! maya na yang paliwanagan.”
“Mworago!!! (What did you said?)” Tanong na naman ni Sunmi na mas malaki na ang mga
mata. “Well, well! Ang dami ko palang namiss nung nawala ulit ako ng ilang buwan.”
“Actually, alam mo bang si Eli at Sam na?” Uwaaahhh!!! Bakit naman biglang sinabi
yun ni Waine? Ohowno!!! Alam naman nating may brother-complex itong babaitang ‘to
kay Eli!
“Actually, alam ko na. Matagal nang sinabi saakin ni oppa. Bleh!”
“Huwaaat???” Napatingin ako kay Eli. “Kelan mo sinabi?” Hindi lang ako sinagot ni
Eli, parang pati siya biglang naii-stress sa pagdating ni Sunmi! Bakit ang gulu-
gulo naman kasi!!!
“Anyway, everybody out of the car! Ako ang magsasabi ng sitting arrangement natin
sa sasakyan!”
“AT BAKIT???”
Napatingin kaming lahat kay Eli, tapos kay Sunmi, tapos kay Eli ulit, tapos kay
Sunmi ulit... tapos ayaw na naming silang tignan! Potek na magkapatid ‘to! Bakit
kailangan may sitting arrangement? At bakit si Sunmi ang magdedecide ha? Nakow
Sunmi!!! Nakakakunsume!!!
❀◕ ﹏ ◕❀
(SUNMI’S POV)
I begged appa and eomma that I want to spend Christmas here with Eli oppa and Sam
unnie. Ang celebration kasi ng Christmas sa Korea is not that special compare sa
celebration dito sa Philippines. Saka na ako uuwi kapag New Year na so I’ll spend
one week here with them.
Kaso pagdating ko, may plan na pala sila na camping so of course, sasama ako. I’m
not pagod naman sa naging byahe ko, ‘coz nasa first class seat naman ako nung
nandun ako sa plane.
“Everybody, out of the car now!” I ordered them again. So sumunod naman sila. “And
you manong driver, wag kang makisali ‘coz permanent seat mo na yan.” Yung driver
kasi, bumaba pa. Eh obvious naman na driver nga siya diba! “Eotteon babo-ya! (What
an idiot) Aish!”
I just had a very naughty and evil plan! Euhahaha! We’ll, I’m already done making
Sam’s lovelife miserable before! Boto naman na ako sa kanya for my oppa. “Oppa and
unnie, mauna na kayong pumili ng pwesto niyo!”
So as expected, nauna si oppa dun sa upuan sa likod ng driver’s seat sa may tabi ng
bintana at hinila niya si Sam para magkatabi sila. Good! So here’s my lovely plot.
Kumapit ako sa braso ni Byron and, “Byron, since you’re not gay anymore, I’ll call
you oppa na! Upo ka na dun!”
Wala siyang nagawa kundi umupo dun sa seat na tinuro ko sa likuran lang nila Eli
oppa. And you should also see his girlfriend’s face, so epic! Anyway, this makes me
happy so tumabi na ako kay Byron.
“Have problem with that?” Ehehehe! This is fun! “Hmm... anyway, maluwag pa naman
so... Argel, I’ll let you sit here at my other side.”
“Can’t you just follow me? I thought you’re excited? Sumunod na kayo parahindi na
tayo magtagal!” Wala ring nagawa si Argel kundi tumabi saakin. Nginitian ko siya at
ngumiti rin siya saakin ng pilit.
“Shut up! Ayoko ng masikip, EX-BABYLOVES!” Nagulat bigla sila sa sinabi ko. Next
time ko na lang ie-explain kung anong ibig sabihin nun. “Ate Sheena and Ate Raffy,
sa harap kayo sa tabi ng driver.”
“ANO???”
“Saan niyo gusto? Sa gulong?” Nakikipaghamunan sila ng tingin pero sa huli, padabog
silang dalawa na naupo na sa harap nung van. Ahahaha! People are just so freakishly
cute kapag naasar! “Sarado mo na yung pinto Argel. We’re ready to go! Yey!”
“ANO?” – (ό_ὸ)
“Oops! Just kidding, oppa. Ahahaha.” Tapos tinitigan ko ng masama si Waine. “Dun ka
sa likod! Bantayan mo yung mga gamit! And take special care of my bags dahil kapag
may nabasag sa mga gamit ko...” Nilapit ko yung mukha ko para bulungan siya, “I’ll
kill you.”
I smiled sweetly and sat comfortably with Byron and Argel on my both sides. Now
we’re off to go dun sa campsite na sinasabi nilang pupuntahan daw namin. This is
will be a one hell of a Christmas camping celebration! Hihihihi! Ang saya talagang
makipag-BONDing sa kanila! Euhahaha!
Maingay kami nung umpisa. Parinig ng parinig sina Sheena at Raffy samantalang
deadma lang si Sunmi sa kanila.
Halata rin sa mga mukha nina Byron at Argel na natatakot na sila sa mga girlfriend
nila dahil nga pumayag lang sila at walang nagawa sa kagustuhan ni Sunmi. Si Waine
naman, wala akong balita sa kanya dun sa likod. Kawawa naman siya!
Saka ko na binulungan si Eli. “Uy! Wala ka bang planong pigilan yan si Sunmi ha?
Nagseselos na yung mga girlfriend dun sa harap oh! Grabe na sayad sa utak niyang si
Sunmi eh.”
“Sheeesh! Wala ka ring magagawa sa plano niyang batang yan. Pabayaan mo na lang.”
Tapos sinukbit niya yung isang earphone niya kaya narinig ko yung pinakikinggan
niya sa mp3 niya.
“Ano bang meron dun kina Argel at Sunmi dati? May history ba sila?” Tinignan lang
ako ni Eli tapos tinaas niya yung dalawa niyang kilay... which means YES!
“Huwaaat???”
Ay kung makapanakot!!! Okay sige, nakakatakot nga baka maging target ako ni Sunmi!
Uwaaahhh!
Pero sa pagkakakilala ko jan kay Sunmi, kahit na sandali pa lang naman talaga kami
nagkakilala, may mga dahilan yang mga evil actions niya.
Paniguradong pinagseselos niya lang sina Sheena at Raffy katulad ng ginawa niya
saakin noon with Eli. Tignan na nga lang natin yung mangyayari, at good luck dun sa
dalawang gerlprend! Ay good luck na rin pala kay Waine! Siya ang main target ngayon
eh.
٩(××,)۶
Nakarating na kami dun sa entrance nung pagka-campingan namin. May ilang minutes pa
kami lalakarin para makarating dun sa mismong campground. Hindi na kasi pwedeng
ipasok yung sasakyan dahil bundok na yun. “Sunduin niyo po ulit kami after five
days hah.”
“Unnie! Do you have insect repellant?” Minsan kahit maldita itong si Sunmi, hindi
mo pa rin maiaalis na mas bata pa rin talaga siya! Kaya siguro ayaw na lang siya
patulan nina Raffy at Sheena.
Anyway, after pala ng sitting arrangement scene namin dun sa van, sinusuyo na nina
Byron at Argel ang mga girlfriend nila. Ahahaha... wawa naman yung dalawa!
“Heto oh.” At tinulungan kong magpahid si Sunmi nung lotion. Sayang naman kasi yung
mala-porselana niyang kutis kung pagpi-pyestahan lang ng mga lamok diba? “Sunmi,
mag-behave ka naman. Bakit ba parang pinagseselos mo sina Sheena at Raffy? Bad yun,
wag kang mang-api ng relasyon.”
“Sinong gusto mong apihin ko? Yung relasyon niyo?” Ito na nga bang sinasabi ni Eli!
“Ayaw na kitang awayin Unnie, nakakasawa na mukha mo eh. At dahil natutuwa ako kina
Ate Raffy at Sheena, wala kang magagawa.” Tapos nag-smirk siya saakin, ay nako!
Wala nang pag-asa ang kutong-lupa na ‘to! “Waine!!! Come!!!” Tapos nalipat na yung
attention niya kay Waine!
“Lumapit ka naman, so yeah! Good doggie!” Tapos ni-pat pa niya yung ulo ni Waine.
“I’ll give you the honor para dalhin ang mga gamit ko!”
“Gusto mong ikaw ang mabalibag ko? Kunin mo na mga gamit ko at ingatan mo ha! Now
shoo!!! GA! (Go Away!)” Napailing na lang ako sa asta ni Sunmi.
Kung silang dalawa ni Argel ay may past, ano naman kaya ang deal nitong si Waine sa
kanya. Napapansin ko noon na mas madalas mag-away sina Waine at Sunmi compared sa
pakikipag-away niya kay Argel. Bakit nga kaya? Hmmm...
Anyway, nang matapos na ang pag-uusap nina Eli at nung camp master, lumapit na siya
saamin at may hawak na siyang mapa.
“Sabi saakin may tatlo campgrounds dito. Yung pinaka-malapit na lalakarin natin,
ordinary lang yung view. Yung pangalawang madadaanan natin, ayos naman kaso may
nauna nang grupo ang nag-occupy nung space... Yung pangatlo, yung nasa halos
tuktok, yun yung ni-refer nila saakin. Halos one hour natin yung lalakarin pero
sulit naman daw yung place. May malapit pang falls dun.”
“Uwaaaahhh! Dun na tayo sa pangatlo!” Majority naman kami na yun ang nagustuhan
kaya yun na ang pinili namin.
Nagsimula na kaming maglakad bitbit ang mga nagbibigatan naming gamit at ano nga
bang aasahan mo kapag magkakasama ang barkada. Syempre puro angal, tapos asaran,
tapos chismisan, tapos aangal ulit, tapos mag-aasaran ulit... sa huli ay
mananahimik dahil naubos na ang mga sasabihin... o dahil na rin sa pagod na kami.
“Waaahhhh!!! Naneun muri piryo-hamnida! Naneun mogi malla! (I need water! I'm
thirsty!)”
Dahil pareho kaming pagod, hindi na halos namin pinansin si Sunmi sa mga ka-alienan
niya. Biruin mo siya, pinagbitbit lang namin ng isang basket na puro chichirya,
pagod na pagod na!
“I-eot-sseumnida. (Have this.)” Teka... hindi si Eli yung nagsalita ng Hangul ha!
Si Waine?
“Walang malamig na tubig!!!” Naintindihan niya rin yung sinabi na yun ni Sunmi?
“Masi-myeon-seo! (Drink that!)”
“Sam, itong tubig oh...” Joke lang! walang ganyang offer saakin si Eli!
Napakamanhid niya! Hindi niya naisip na nauuhaw din ako. Kahit hindi na lang bilang
boyfriend eh, kahit bilang alipin ko na lang diba? Sana man lang naka-isip itong
hinayupak na ‘to na bigyan ako ng tubig!
Anyway, saakin na lang binigay nina Byron at Argel ang tubig na hindi tinanggap
nina Sheena at Raffy. Mukhang mahaba-habang usapan ang magaganap sa pagitan ng
magsing-irog na mga ‘to.
After na naming makapagpahinga lahat, balik trabaho na kami ulit. Inayos na ng mga
boys yung mga tent... at kasama si Byron nun ha! Samantalang kami, inasikaso namin
yung mga pwedeng asikasuhin katulad na lang ng paghahanda ng kakainin namin at pag-
iipon ng mga sticks para sa bonfire!
≧❂◡❂≦
=================
Chapter 38
“An-dwae! (No!) This time ako na.” Yan Eli! Tama yan! Baka magkagulo na naman kapag
si Sunmi ang makikialam. Nakahinga naman kaming lahat ng malalim nang hindi na si
Sunmi ang magngunguna. “Kasama ko si Sam sa tent, tapos bahala na kayo sa buhay
nyo.”
“Uwaaahhh! At bakit!!! Ayoko nga!!!” Timongoloid na ‘to! Balak pa yata akong gawaan
ng masama! “Ako na! Ako na ngang bahala mag-arrange.”
“Bilisan mo daw!”
Si Sunmi dun malapit sa falls! Okay ba yun? Pag sinabi ko, ang daming magbubunyi,
panigurado! Pero dahil mabait ako, “All the boys, dun sa pinakamalaking tent.”
“Oh sige nga, as if namang papayag yang tatlong yan na makasama aketch noh!” Aba?
Bakit may aketch na? Hala! Pinatulan na talaga ni Byron ang away nila!
“Wait, kami na nga lang ni kuya ang magsasama sa isang tent. Ang dami niyong angal!
Wala namang problema saakin yun eh.”
“Hay thank you Raffy. So yung kambal dun sa isang tent. Kaya naman si Sheena, ako
at si Sunmi ang magkasama sa isa pang tent.”
“Hey babaeng kapre, you go sleep near that falls if you want.”
“Yun naman pala! Gusto niya lang din makasama si Byron sa isang tent.”
“Ah ganun? Hoy Byron, dun ka matulog sa tent nina Sunmi at Sam ha.”
“Hoy-hoy hindi naman pwede yan!!! Lalaki yang si Byron ha!!! Bakit mo itatabi sa
girlfriend ko at sa kapatid ko ha!”
“Byron ang ibig lang sabihin ni Idol, lalaki ka pa rin at babae naman sila.”
“Hoy! Nagsasabi-sabi kang lalaki si Byron ngayon pero natatakot naman kayong
makasama siya sa isang tent.”
“Aba’t namarnghhddyieehaqhiewqwheiyps!!!”
Hindi ko na talaga maintindihan yung mga pinag-aawayan ngayon ng mga kasama ko.
“TEKA NGA NAGKAKAGULO NA TAYO EH!!!” Pero walang nakinig saakin kahit nagsisisigaw
na ako. Sa asar ko, nag-walkout na lang ako sa harapan nila.
“Bahala kayong mag-isip! Hindi niyo naman ako pinapakinggan! Walang matutulog sa
tent!” Tapos naupo ako sa batuhan at nakatingin lang sila saakin.
“Bugal, tara na nga dito!” Nakatingin lang ako sa kanya at hindi naman dahil sa
nagpapa-VIP ako ha. Naasar din kasi ako sa tukmol na ‘to eh.
Kaya naman niya kaming i-lead ngayon, lahat naman kami makikinig sa kanya. (And to
think na mas bata siya saamin ha!) Pero dahil nga nanjan ang favorite niyang si
Sunmi, syempre pagbibigyan niya ang kapatid niya sa mga kamalditahan nito kahit
nagkakagulo na. (And to think ulit na si Sunmi ang pinakabunso saaming lahat
ngayon).
“Halika na rito.” Tapos hinila niya ang kamay ko para lumapit ulit sa kanila.
“Game! Makinig na lahat kay Sam ha! Siya na magdi-decide. Ang umangal, kukutusan
ko!”
“Gwaenchan-sseumnida. (O... okay.)” Biglang napayuko si Sunmi. Ano man yung sinabi
ni Eli, buti naman at pinaamo niya na rin kahit papano ang kapatid niya.
ͼ(ͽ)ݓ_ݓ
*Bunot, bunot, bunot, bunot, bunot, bunot, bunot, at last bunot* Walo kami eh.
Kabado na kaming lahat, pero may usapan kami na wala nang atrasan ‘to. “Sinong
nakakuha ng tent number 1?”
Itinaas nina Raffy, Sheena at Sunmi ang mga kamay nila. Nagtinginan silang tatlo
tapos inirapan lang sila ni Sunmi. Kita mo naman ang pagkakataon! Okay na sana
lahat eh, kaso nag-iisa na lang akong babae ngayon.
Tapos itinaas na ni Byron, Argel at Eli ang mga kamay nila. Which means...
“Hah?”
“Tent number three yung akin Waine!!! DIBA!!!” Pinandidilatan pa ng mga mata ni Eli
si Waine. Tapos nagtutulakan sila ng parang ewan.
Pinakita naman nila saakin yung mga hawak nilang papel. #2 nga yung kay Waine at #3
naman kay Eli. Alam kong nagsisinungaling ‘tong dalawang ‘to kaso hindi ko naman
sila nahuli. Daig pa mga snatcher sa sobrang bilis ng mga kamay nila! Argh!
Ako – (ಠ_ಠ)
I just shook my head at napatingin ako sa mga kasama namin. Buti na lang war pa rin
sila sa isa’t isa, at hindi nila magagawang manukso ngayon. At may mang-asar lang
talaga, sasakalin ko.
Kanya-kanya na kami ng ayos ng gamit sa loob ng mga tent namin tapos tahimik na rin
yung iba. Pagpasok ko sa tent number three, pumasok na rin sa loob si Eli.
Pareho lang kaming nag-pout habang inaayos yung mga gamit namin dito sa loob ng
tent. “Eli, nag-aalala ako dun sa mga yun. Ngayon ko lang sila nakitang nag-away ng
ganito.”
“Paano?”
“Anong paano? Five days tayo dito noh! Maraming pwedeng mangyari.”
“Si Sunmi naman kasi may pakana nito eh. Kaya nag-away sina Sheena at Byron, pati
na rin sina Raffy at Argel kasi pinagselos niya.”
“Eh bakit ba yung lovelife nila pino-problema mo. Syotain mo na lang kaya sina
Argel at Byron?”
“Pwede ba?”
“Kaya mo?”
“Pag nanlalaki ka.” Tapos hinawakan niya yung kamay ko. “Ano ka ba! Normal lang sa
relasyon ang selos at away. Bayaan mo na silang ayusin nila ang mga problema nila.
Kung hindi nila kayang magtiwala sa isa’t isa, kasalanan nila yun. Kakulangan nila
yun.”
“Bakit nasama yung pampam na yun? May tiwala ako sayo pero sa kanya wala. Yun lang
yun! Ibang usapan dapat yun, okay?”
“Ano ba yan! Ang pakelamera! Hindi ka naman madaan sa mabuting usapan eh.”
“Eh sige na! Tulungan mo ako! Gusto ko happy tayo!”
“Parang hindi ka naman kaibigan! Sige na! I order you as your master!”
“Ano yun?”
“Wag kang maghaharang ng kung ano sa pagitan natin kapag matutulog na tayo ha.
Ayoko ng pampasikip sa gitna!”
At simple lang naman ang dapat gawin kapag ni-violate niya ang human rights ko,
sisigaw ako tapos kakasuhan ko siya ng sexual harassment pagbalik namin sa Manila.
Yun, tama yun! Kaya subukan lang talaga ni Eli na manyakin ako sa loob ng tent
namin. Makikita niya!
@(ᵕ.ᵕ)@
“Sinong gusto ng inihaw na bangus?” Dinnertime na. Nag-ihaw talaga ako ng bangus na
binaon ko para sa unang gabi namin dito sa campground. “Kayo Argel, Waine? Byron?”
“Hindi pa rin ako nagugutom Sam. Matutulog na lang kami ni Sheena ha.”
“Eli? Sunmi?”
“SURE!!!” Buti pa ‘tong dalawang ‘to! Walang problema. Mga maldito at maldita
talaga!
Lahat na sila nasa loob na ng tent nila, kaming tatlo na lang kumakain nitong
inihaw ko. Sayang naman kasi ‘tong bangus na ‘to kung hindi makakain ngayon eh.
Buti na lang, daig pa ni Eli ang patay-gutom kapag kumakain.
Tahimik lang din naming inubos yung bangus. Maya-maya lang din, sumunod na si Sunmi
na magpahinga kaya naiwan na lang kami ni Eli dito sa labas sa malapit na bonfire.
“Kita mo na. Hindi ka pa ba nag-aalala sa mga yan. Wala na silang pansinan oh.
Hindi pa sumabay sa kainan.”
“Ang arte mo! Parang joke lang eh! Okay ganito... makinig kang mabuti sa plano
natin bukas para sa kanila.” At ibinulong na nga ni Eli ang brilliant plan niya.
DAY 2!!!
“Ohmaygawd ang sakit ng katawan ko.” Nakalukot pa rin ako sa pagkakahiga ko dun sa
tent.
“Eh tama ba namang sumiksik ka jan sa gilid! Akala naman kasi re-rapin siya eh!”
“Pakelam mo ba!” Usapan nga kasi walang ihaharang sa gitna namin diba. Iniisip ko
pa lang na magkakatabi kami ni Eli sa pagtulog, kinakilabutan na ako. Kaya ang
ginawa ko kagabi, siniksik ko na talaga yung sarili ko sa pinakagilid kahit na amoy
na amoy ko yung sangsang nung damuhan.
“Tara na sa labas. Gising na yung iba.” Pero bago kami umalis. “Game na ba tayo?”
“Oo game na!” Paglabas namin, hindi na kami nagpansinan at nagdirecho na si Eli
papunta kina Waine at Argel na naliligo na sa water falls. Nandun din si Byron na
nagpipilit mangisda. May dinala kasi siyang fishing rod. Good luck talaga sa
pangingisda niya ha! Nahawi na yata nung dalawa yung mga aquatic creatures eh.
“Hindi na Sam... wala pa kami sa mood magswimming eh.” War pa rin talaga sila sa
mga jowa nila.
“Annyeong-hasim-nikka!!!” Bigla na lang din sumulpot si Sunmi na nakaswimsuit na!
Apaka-sexy namang bata nito! Kumikintab pa siya pag nasisinagan ng araw! “Ako na
lang Sam Unnie! Maligo tayo!!!”
“Wae geurae-sseulkka? (And why?) It’s only oppa, Waine, ex-babyloves and Byron
oppa!” Tapos nagmake-face siya sa harap nina Sheena. Halatang nang-aasar! “Hindi ko
kasalanan kung mabibighani saakin ang mga yun noh.”
“Don’t worry Sheena, hindi naman pumapatol sa neneng ang kuya ko. And I know hindi
rin siya papatulan ni Argel.”
“Just so you know, I was Argel’s first girlfriend. Kaya nga Ex-babyloves eh. And
about Byron, you just wait and see kung hindi niya ako papatulan.”
“Aba naman!!!”
“Believe me, masahol pa yung pinaggagawa saakin ni Sunmi noon. But anyway, sige na
magpalit na kayo ng swimsuit niyo para sabay-sabay tayong maligo.”
“Ha? Si Sunmi nga pinagpalit mo ng t-shirt tapos kami papayagan mong ma-irritate
ang skin namin?”
“Naniwala naman kayo sa sinabi ko? Inuto ko lang yung bata noh. At tsaka mas
sensitive ang balat nun kaya mas mabuti na talagang wag siyang mag-swimsuit.”
Parang ayaw pa rin nila kaya heto na ang da-moves na pinagusapan namin ni Eli
kagabi. “Okay, hahayaan niyo bang landiin talaga nun ni Sunmi ang mga boyfriend
niyo? Sige kayo!” Napatingin sila saakin tapos maya-maya lang, hinubad na nila yung
suot nilang damit at nakapang-swimming na pala sila sa loob.
“WOW! Napaka-sexy nyo mga teh! Luluwa ang mga mata ng mga yun! Magdamit na lang
kaya kayo ulit?” Inggit ako sa mga katawan nila eh. Napangiti naman sila sa sinabi
ko. “Sige go na! Mauna na kayong maligo at hihintayin ko pa yung timangoloid na si
Sunmi.”
ヽ(´ー')人(´∇`)人('Д´)ノ
=================
Chapter 39
“Ungas! Puppy love nga lang yung noon! Bakit niyo ba laging pina-aalala yung
tungkol saamin? Kay Raffy na nga ako mga pare, mahirap bang intindihin yun?”
“Bakit babae ka na naman ngayon Sheena?” Nasanay lang kasi akong asarin ‘tong
babaeng ‘to natitibo-tibo noon eh. Pero alam ko namang babae na talaga siya.
Tapos napatingin ako sa itsura ni Byron nung makita niyang naka-bikini nga ang
gerlprend niyang si Sheena. “Hoy bakit naka-ganyan ka?”
“Bakit masama?”
“Wag kang magpalit Sheena, bagay kaya sayo.” Tapos nag-smirk ako at napatingin lang
silang lahat saakin. Ulitin ko lang ha, plano lang ‘to!!! Wala sa tipo ko ang
makipag-flirt sa babae!
Lumapit ako kay Sheena tapos inakbayan siya. “Sexy naman ‘tong kaibigan namin eh,
wag ka nang umepal Byron.”
“Oy-oy, ikaw Raffy. Bakit naka-bikini ka rin?” Napatingin din ako kay Raffy na
inaaway na din ng tukmol na si Argel. So kailangan ko ring i-save si Raffy noh kaya
inakbayan ko rin siya. Ang gwapo ko kasi, hwahaha!!!
“Anong bang problema niyong mga boyfriend kayo! Dapat nga matuwa kayo ang gaganda
ng girlfriend niyo eh. Diba?” Tinignan ko sila Sheena at Raffy tapos binigyan ko
sila ng tag-iisang kindat.
Waine – (¬‿¬) --> Mukhang timang lang, hindi naman siya kasali eh.
“Na-ui ireon!!! (Oh my gosh!) What’s the meaning of that oppa!!!” Yown! Sakto!
Nadala na din ni Sam si Sunmi! “Unnie, oppa is flirting with those... eotteoke!!!
(What the!) Bakit sila naka-bikini!!! What’s the meaning of this?”
Naka-akbay pa rin ako kina Sheena at Raffy, nakatingin lang rin saamin si Sam
habang nagwawala si Sunmi. “Hay naku Sunmi, tara na maligo na lang tayo!” At
hinablot niya agad ang kapatid ko bago pa yung umangal.
“Teka... LQ din ba kayo ni Sam, Idol?” Napatingin silang lahat saakin nang tanungin
yun ni Waine.
“Magkaaway din kayo? Kaya pala masungit siya kaninang umaga eh.”
“Ang kapal talaga ng mukha mo!!! Ikaw ang nauna! Bwiset ka!!!”
“Yah unnie? What’s the problem ba? What happened last night?”
“Wala!!!”
“Bakit sina Byron at Sheena, at Argel at Raffy lang ba ang pwedeng mag-away dito?”
Pagkasabi ni Sam nun, nagkatinginan yung nga yung mga badoodles na couple.
(ノ ಠ 益 ಠ)ノ
Ano bang nangyayari sa mga ‘to? Kaya mahirap sa relasyon eh, hindi lang magkasundo,
away na agad! Kulang na lang bugbugan. Buti pa ako walang kaaway... “Hey doggie,
kuhaan mo nga ako ng tubig.” Except pala dito sa dagang kapatid ni Idol.
“Aspin na yun!”
“See, tanggap mong doggie ka nga!” Ampowtek naman!!! “Now give me water! Cold
water, please!”
“Nasa bundok tayo, walang malamig!” Tapos inabot ko sa kanya yung isang bote ng
tubig. Sayang kasi wala kaming dalang gallon. Yun sana yung ipapatungga ko sa
kanya. “Alam mo ikaw, kasalanan mo ‘to ha! Nung umepal ka sa bakasyon namin, saka
nag-away-away mga tropa ko.”
“Weh!!! Eh ang alam mo lang gawin, ang awayin ang mga tao! Ang galing mo nga nung
pinag-away mo sina Byron at Argel sa mga girlfriend nila. Dakilang kontrabida ka
kasi! Kaya walang magkagusto sayo!” Pagkasabi ko nun, tinapon niya sa mukha ko yung
tubig sa bote. “Epal mo alam mo yun! Kung hindi ka lang babae at kung hindi ka lang
kapatid ni Idol, kanina pa kita sinapak eh!”
Tapos sinipa naman niya ako this time. “Aray!!! Kanina ka pa ha!!! Ang pangit-
pangit mo!!!” And this time itinaas niya yung kamay niya kaya akala ko sasampalin
niya ako... kaso... bigla siyang...
“You’re pangit!!! Naneun dang-sini jeongmal ssireo!!!” Saka siya tumakbo papasok sa
tent nila... nang umiiyak.
“Amp naman oh!!!” Hindi ako nagpapaiyak ng babae ha, ngayon lang. Siya naman kasi
eh, bakit kailangan ganun kasama ang ugali niya... “I hate you na naman? Pakershet
talaga!”
Kaya lalo akong nabu-bwiset kay Sunmi eh. Kasi lagi niya akong sinasabihan ng
ganun...
=FLASHBACK=
“Hi Sunmi! Ako nga pala si Waine.” Ang swerte talaga ni Idol! Bakit ang ganda ng
kapatid niya... ay for the second thought, malas pala si Idol. Dahil kapatid niya,
hindi na siyang pwedeng magkagusto sa kanya! Hwahaha!
“Ahehehe, Sunmi, this is Argel.” Tapos binulungan niya si Argel at narinig ko naman
yung sinabi niya. “Gusto ka daw niya Gel!”
“Woah! Talaga? Hi Sunmi! Or should I call you my babyloves? Do you like it?” Ano
namang pauso yun Argel? Babyloves? Korni!!!
“Hehe! You’re so funny! Naneun ireo-ke ma-riya! (I like that!) Babyloves!” Don’t
tell me nagustuhan niya yun! Pambihira naman oh! And there goes my pers kras!
Napunta lang kay kulugong Argel!
Anyway hindi rin naman nagtagal yung moment na yun. Parang ngang laru-laro lang yun
kasi bata pa sila pareho nun. At isa pa, madali lang ding pinag-sawaan ni Sunmi ang
pagmumukha ni Argel. Siguro mga one hour lang silang naglaro tapos inaway-away na
rin ni Sunmi si mokong...
=END OF FLASHBACK=
Natapos na ang boring naming second day dito sa campground. Lahat magkakagalit! Ang
mahirap pa jan, gusto kong makipagbonding kina Sam, ayaw pumayag nila Idol. Boys VS
Girls daw eh.
Kinagabihan, natutulog na ang lahat pero hindi pa rina ko madalaw ng antok. Bwiset
kasing Argel, naghihilik! Dagdag mo pa si Byron na nangangatngat ng ngipin! Apaka-
ingay! Ang sarap itapon dun sa falls eh.
Nagpasya na akong lumabas kaso nagulat naman ako nang may Makita akong hindi
kanais-nais! “Woah!!!”
“Kyaaah!!!”
“Anong ginagawa mo dito?” Weh gaya-gaya ng tanong! “Hindi ako makatulog eh!!!” Ano
yun! Gaya-gaya rin ng sagot! Weirdo nito ah!
“Bakit hindi ka pa inaantok?” Nauna akong naupo dun malapit sa bonfire namin na
medyo mahina na ulit yung apoy.
“Am I really that bad?” Sumunod din si Sunmi sa pag-upo malapit sa bonfire pero
hindi siya tumabi saakin. Asa naman diba?
“Yung totoo? Ang sama-sama mo. Daig mo monster sa sama ng ugali mo. Pasalamat ka
nga maganda ka eh, tapon lang natin ugali mo.”
“You said, ‘Pasalamat ka nga maganda ka eh, tapon lang natin ugali mo.’ I can’t be
wrong!”
“Hey wait... how come you can understand me? When did you learn how to speak
Hangul?”
“Ha? Ah... eh...” Kelan nga ba? “Kasi may nililigawan akong babae na Korean. Last
month lang yun kaya ako nag-aaral ng Hangul.”
“Meron, ikaw. Pero sabi mo naman maganda ako kaya okay lang.”
“For once nga magpatalo ka naman!” Sinigawan ko siya at nakabusangot na mukha ko!
Masa-salvage ko ang babaeng ‘to eh.
Pero imbes na matakot na siya dahil talagang malapit ko na siyang dagukan, natawa
pa siya na nakatingin sa mukha ko. Ay baliw! Malala na talaga!
m( ◭_◭ )m
“Anong nakakatawa? Ikaw suntukan na lang oh! Bahala nang mabugbog ako ni Idol,
masaktan lang kita.”
Bigla siyang napatigil sa pagtawa niya. “Alright, go ahead. I’m used of getting
punched, kicked and bullied. Go ahead.” Ngayon ang seryoso na ng mukha niya kaya
napakalma ako bigla.
“Ikaw bullied?” Wala siyang sinagot sa tinanong ko, at mukhang wala siyang balak i-
share. “Okay joke lang naman yun eh. Hindi naman ako pumapatol sa babae kahit half-
monster pa yun katulad mo.” This time, hindi pa rin siya sumagot. Dapat kapag
inasar siya, may kasunod na pang-aasar din! Mas brutal pa nga yung sa kanya eh.
“Hey... so would you help me?” Ha? Biglang may ganung dialogue?
“Help you...?”
“Ba-bo! (Fool!) How many times do I have to tell na hindi ko sila pinag-away! I
admit ako ang dahilan kung bakit kaaway ngayon nina Argel at Byron ang mga
girlfriends nila but I swear wala akong ginawa kina Sam at oppa!” Maniniwala ba ako
o hindi? “I like Sam unnie, as in L-I-K-E, like HER for my oppa! Get it?” Okay
maniwala ka na Waine. Baka makatikim ka na talaga ng bangas eh.
“Ayoko pa rin.”
“Alam mo eto lang yan, kung hindi ikaw ang dahilan ng pag-aaway nila, wala kang
karapatang manghimasok! Pero yung gulong ginawa mo kina Sheena at Raffy, yun yung
dapat mong inaayos! Sunmi naman, hindi ka na bata! Hindi ka na dapat umaasta ng
ganyan! Tatanong-tanong ka kanina kung masama ka ba, eh yun yung pinapakita mo.”
“Eh hindi nga masaya! Ikaw ba masaya ngayon ha? Walang nag-eenjoy sa camping na
‘to, alam mo ba yun?” Nakanang speech yun ha! “Okay ganito, kapag pinagbati mo sina
Argel at Raffy, pati na rin sina Byron at Sheena, tutulungan kitang pagbatiin si
Idol at ang peyborit mong unnie.” Parang nag-iisip siya ngayon, 50-50 chance na
papayag. “Dalian mong mag-decide Sunmi! Going once... going twice...”
“You mean THE problem that YOU did. Sige, ayusin mo yan bukas na bukas din. Pag
hindi mo sila pinagbati, hindi rin kita tutulungan.” Saka na ako tumayo. “Oh
matulog ka na dahil matutulog na din ako. Maaga pa tatrabahuin mo bukas para
pagbatiin ang mga relasyong sinira mo.”
Inirapan niya ako tas may pahabol pang batok. Gaganti sana ako kaso nagmadali na
siyang pumasok sa loob ng tent nila. Nung ako na lang maiwan na mag-isa.
“Hoy mga Idol, alam kong nakasilip kayo jan.” At tama nga hinala ko, pinapanood
nila kami ni Sunmi.
“Ang galing mo Waine! Tama ngang kinun-chaba ka namin! Biruin mo yun, napalapit
talaga sayo si Sunmi.” Ehehe, opo... kasama ako sa plano ng alien couple na ‘to.
“Oh ayos na... si Sunmi na magpa-plano kung paano niya pagbabatiin yung apat.”
“Powtek! Galing ko talaga noh! Galing ng plano ko.”
“Isa ka talagang Idol! Sige na, balik na kayo sa love nest niyo!”
“LUL!”
“Baliw!” Tinulak ako ni Idol tapos hinampas naman ako ni Sam. Bakit ba lahat ng
kakilala ko ang hilig manakit? Kawawa talaga ako sa kwentong ‘to eh!
* * *
DAY 3!!!
Umagang-umaga, nag-morning call si Sunmi. “Ano ba naman! Magkapatid nga kayo. Ang
aga niyo magising!” Bukod pa dun, sakit ulit ng katawan ko. Alam na kung bakit!
“Dali na tumayo ka na jan! May gagawin na si Sunmi.” Tapos nauna na siyang lumabas.
Galit-galitan pa rin kami ngayon ni Eli so dapat pareho kaming wala sa mood.
“Good morning oppa!”
Narinig kong sinabi niya yun paglabas ko which means ready na namang
makipagbakbakan saakin ‘tong si Eli. “Talagang walang good lalo na kung ikaw ang
kasama sa loob ng tent.”
“Ikaw ang epal, sayo ba ako nakikipag-usap?” Bumi-best actor at actress kami ng
Junanax! Hwahahaha!!!
“Ano ba yan, ang aga-aga nag-aaway na naman ang mga idol! Tsk!” Isa pa yan si
Waine, best supporting actor! “Bakit mo ba kami ginising ha?”
Inirapan lang siya ni Sunmi, pero may something talaga sa mga tinginan nitong
dalawang ‘to! Although magka-kunchaba naman sila na ‘pagbatiin-kami-ni-Eli-
kunyari!’.
“I... um...” Go Sunmi! You can do that. “I want to apologize for what I did.”
Nakayuko niya lang sinabi. Kami namang tatlo nina Eli at Waine, patagong napangiti.
“And... ah... I prepared breakfast for all of us.”
This time, nagtinginan na kaming lahat. Kitang-kita sa mga reaction nina Sheena,
Raffy, Byron at Argel ang pagkagulat. At kunyari nagulat na lang din kami para
hindi halata! Ehehehe. “So... um...”
Don’t worry Sunmi, I’ll help you na this time. “Okay tara na! Kainin na natin yung
breakfast na hinanda ni Sunmi.”
“Wala namang lason yan noh?” Tapos siniko ni Eli si Waine. Panirang mongoloid din
‘to eh!
≧❀‿❀≦
=================
Chapter 40
(SAMIRA ALMIREZ POV)
“How about we play a game?” Maganda ang naging bungad ng araw na ito. Hinandaan
kami ng masarap na breakfast ni Sunmi. Marunong at magaling naman pala siyang
magluto eh. At kita mo naman, halatang nagri-reach out na siya sa lahat! “Couple
battle. Byron and Sheena VS Argel and Raffy VS Eli and Sam!”
“Ang KJ nito! Gusto kong sumali eh! Okay lang naman saakin kahit pagtyagaan ka.”
Tapos nagtinginan ang magkakagalit na couple. Ang aarte lang ng SheeRon at ArFFy
loveteam ha! At syempre, umeksena din ang EliSam na kunyari ay magkagalit din! “Oo
na! We’re in!”
“Okay, wala namang choice eh.” Inarte much! Ang ko-korni! Ahaha.
GAME ONE: Acting Game
“Each couple will be given five minutes. Salitan ‘to, after mag-act out ng boy,
yung girl naman ang magpapahula. No verbal language, no sounds and most especially
no hand or body gestures.”
Biglang nag-smirk si Sunmi. “Well, since this is no ordinary charade, the players
should only act out by facial expressions.” Ohmaygawd! Ang taba ng utak nitong si
Sunmi! Good luck na lang kung paano namin gagawin yun! Balahuraan ba ng pagmumukha
‘to? “Ang mananalong couple at the end of all games ay pwede nang hindi tumulong
magtrabaho hanggang sa matapos ang camping na ’to.” Syempre nagbunyi naman kami sa
prize.
“Game!!! Simulan na yan!!!” Over sa fighting spirit ang mga ‘to! Gusto talagang
manalo para lang makalibre ng gawain! Ahahaha!
Unang sumalang sina Argel at Raffy. “Ang nakuha ng ArFFy couple ay, Animals! Okay,
ready! Timer starts now!!!”
“Hmmm!” - (≧﹏≦) Hindi rin alam ni Argel kung sisimangot ba siya o matatawa! Grabe
naman kasi ‘tong si Raffy! Hindi man lang magsabi ng ordinaryong hayop! Pwede
namang baboy! O kaya pusa! O kaya daga!
“One minute left.” Lahat kami hindi na makapag-concentrate pati na rin yung
dalawang players sa harap namin. Hindi na talaga alam ni Argel kung paano maga-act
dahil natatawa na rin siya sa mga pinagsasabi ng girlfriend niyang aning-aning!
“Time’s up!!! Zero point para sa inyong dalawa!!!”
“Raffy naman!!!”
“Eh kasi palabas-labas ka pa ng dila mo eh... sayang pala naisip ko kanina asong
ulol eh. Hindi ko lang nasabi. Sorry, zero tayo!”
“Okay lang yun, may game two pa naman. Bawi tayo mamaya.” And there you have,
nagyakapan yung dalawa sa harap namin habang pinagtatawanan ang isa’t isa.
Unang bumunot si Byron at umakto agad siya gamit ang mukha niya. At nagulat na lang
kami sa teamwork ng couple nila ni Sheena!
“Ipis!!!” – Correct!
Okay, may mental telepathy yata ang dalawang ‘to at nakakuha pa ng ilang sunud-
sunod na sagot. Imagine niyo kung paano magpahula gamit ang mukha, oh diba ang
hirap? Bakit sila?
❤ (\^)(^/)❤ ~chu!
“Alright, sunod na ang EliSam couple! Bunot na kayo!” Nagkatinginan na kami ni Eli
at parang pareho kami ng tanong sa isa’t isa ngayon. I think the fake war is over.
Start na ng war against other couple eh!
(●◣ _ ◢●)
Bago kami sumalang, patago muna kaming nagbulungan ni Eli. “Uy junanax, wag muna
nating ipakita na bati na tayo.”
“Ha? Bakit? Eh bati na naman sina Argel at Raffy, at Byron at Sheena oh.”
“Sige na! Para magkabati din sina Waine at Sunmi! Eh diba tutulungan pa nga ni
Waine si Sunmi na pagbatiin tayo? Kung papakita natin na bati na tayo, eh di wala
na silang reason para mag-usap at magkunchabahan!”
“At bakit naman? Parang pinagpapartner mo rin sila?”
“Hindi naman sa ganun! Pero syempre madalas kayang mag-away yung dalawa! Malay mo
after nun, magkasundo rin sila.”
“Hey, anong pinagbubulungan niyo jan? Ayiiieh, bati na ba kayo oppa, unnie?”
Kabado ako dahil ako ang bumunot ng cataegory namin. Isa na lang kasi yung
natitirang easy level. Lahat ng natira, puro difficult na daw. “Ayusin mo yang
pagbunot mo jan kundi papakain ko sayo yang papel!”
“Paano kung Zimbabwe ang makuha? O kaya Nicaragua? O kaya Kyrgyztan?
Uwahahahahahaha!!!” Mapururot sana sila kakatawa!
Ang sama tuloy ng tingin saakin ni Eli. We can do this mi amore! Please naman!
“Your timer starts now!!!”
Bumunot na si Eli tapos tinitigan ko siyang maigi. Ang reaction niya, nginunguso
niya lang si Sunmi.
My turn! Ang nabunot ko Hungary! So tumingin ako sa tyan ko tapos kunyari para
akong nagugutom. Sana maisip niya yung salitang hungry!
Hindi naman pala ganun kahirap. At para malaman niyo ang sunod na pinahulaan namin
sa isa’t isa, narito ang description ng mga nabunot namin.
“Time’s up!!! Ang taas ng nakuha niyo! 10 points for the EliSam!”
Gusto sana naming mag-cheer ni Eli pero bukod sa hindi namin natalo ang ArFFy
couple, hindi pa namin pwedeng ipakita na bati kami!
“Ang galing niyo nga eh. Para rin kayong may mental telepathy!”
“Che!” Uwaaahhh Eli... tiis-tiis lang muna ha! “Anyway, oh kayo na Sunmi and Waine!
Ako naman ang MC! Pero bago yan, gawa rin tayo ng name sa couple niyo!”
“Woaahhh!!! Yes!!! Yes!!! Ang dali lang niyan!!! Galing mong bumunot Sunmi!
Aylabyow!”
“Oh my gosh I didn’t know you’re that great!!!” At sa pagsasaya nilang dalawa,
binuhat ni Waine si Sunmi na parang bagong kasal at nagpaikot-ikot sila.
“Sige kayo na! Kayo nang masaya. Daig niyo pa tunay na couple!”
Pero hindi lang kami pinakinggan nina Sunmi at Waine at patuloy lang sila sa sarili
nilang mundo. Lahat tuloy kami napatitig na lang talaga sa kanila. Naghaharutan
lang sila na parang ewan. Na parang ang cute nialng tignan kasi parang ang sweet
nila! Uwaaahhh!
Nung napansin na nilang pinapanood na lang namin sila, saka lang sila tumigil at
nag-behave na parang nagkakahiyaan sa kinilos nila.
“Ayiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeehhhhhhhhhh!!!”
At dahil sa sinabi ko, namula tuloy sila pareho at hindi na alam kung paano
papalag! Two against the world ang laban eh.
(─‿‿─)
Nagpatuloy lang kami sa paglalaro at sa wakas na-feel na rin namin lahat ang saya
sa camping na ‘to. Kapansin-pansin rin sina Sunmi at Waine na gumagawa ng paraan
para pagbatiin na talaga kami ni Eli. Effective kasi ang away-away namin kunyari.
DINNERTIME
Lahat kami nasa harap ng bonfire at nag-iihaw ng mga baon na dala namin. May
hotdogs, may marshmallow at lahat nang pwede mong ihawin, inihaw namin.
“Ang standing natin, 4th place ang ArFFy, 3rd place ang SheeRon, in 2nd place ang
EliSam and of course! SunmAine ang nangunguna!” Nakaungos kasi kami kanina kina
Byron nung palakasan ang labanan! Walang nagawa si Byron kay Eli! Ahahaha!
“Che! Anyway, meron pa tayong last game ngayong gabi! Ang winning couple na may
pinakamataas na points ang save sa gawain bukas hanggang sa last day natin dito sa
campground. Ang mananalo dito ay makakuha ng 20 points.”
“20 points??? Kapag tayo ang nanalo dito Raff, pwede pa tayong makaligtas!”
“That’s why each couple should do their best! Alright, ang game natin ay Taguan-
slash-tayaan-slash-patayan.”
“Wow ayus! Tapos mababalita tayo sa TV! Grupo ng kabataan natagpuan patay sa
kagubatan! Bakit naman may patayan?”
“If you take that literally, sige go! Papatayin ka talaga namin.” Ano na naman
kayang klaseng laro yun? Ito talagang si Sunmi, galing maging game master! “Ganito,
each couple has two minutes to freely hide themselves. Walang pwedeng tumaya sa
kanila. Yun yung TAGUAN part. After two minutes, start na ng real game. Hahanapin
natin ang isa’t isa and that’s the TAYAAN part.”
Tapos nagtinginan kami. Para kasing magiging brutal ‘tong agawan ng panyo na ‘to
ha. Patayan talaga! “Now here’s what you should remember... kapag nawala niyo yung
panyo niyo, you’re disqualified. And if you’re disqualified, so is your partner. Sa
patayan part naman, ganun din. Kapag napatay na yung isa, ibig sabihin patay na rin
yung partner niyo, which only mean that both of you lose.”
“Exactly! Two is better than one nga diba...” Then a moment of silence, may
tinginan ulit ang bawat isa. If this is the game, talagang kelangan namin magsama
ni Eli. “Wag lang kayong masyadong lumayo so you won’t get lost. Okay?”
“Alright!!!”
LAST GAME: Hide-and-seek-and-kill
“Aah... hindi ko alam kung saan ako magtatago. At tsaka... hindi pa tayo bati diba.
Tuloy pa rin tayo sa plano.”
“Ano naman? Ang lagay ba papayag akong mamatay ka? Tara!” In-offer niya yung kamay
niya tapos humawak naman ako sa kanya. “I have another plan!”
“Ha?”
“Bakit?”
“Kasi kapag ikaw ang may hawak niyan, madali ka lang mata-target. Kapag ako ang may
hawak nito, mahihirapan silang kunin saakin.” Ay oo nga! Dadaanin lang talaga ni
Eli sa dahas. “Let’s go this way!” Hinila niya ako sa isang banda pero hindi pa rin
niya sinabi saakin ang plano niya.
“We have a mission to kill. Magtago muna tayo bago ko sabihin ang plano.” Sanay
talaga ‘to sa sakitan oh. Ow well!!! Buti na lang kami ang couple! Kaya akong
ipagtanggol ni Eli sa ibang killers! Hwahaha!
o(≧o≦)o
=================
Chapter 41
(SUNMI POV)
Where the eff is my partner! Waine just left me alone! Wala ba siyang pakelam na
mapatay ako?
“Hey Sunmi...”
“Kyaaahhh~” Napatili ako from the voice behind my back. It was Sheena and
badess...err... Byron. “Hey guys!” My gracious! They’re going to kill me!!!
“You’re dead Sunmi!” Then they chased after me but I ran as fast as I could.
Things between us got better nung nag-apologize ako. But this is not the time to
think happy thoughts. I have to think like a killer!
Na-corner na ako nina Byron and Sheena and I have no place to go now.
“Then, we’ll just have to kill her Byron.” Tapos sabay silang lumapit saakin kaya
napaupo ako habang hawak ng mahigpit ang panyo ko.
Then...
Someone came...
“You two! Patay na kayo!” Akala niyo kung sino na noh? Hawak na ni Argel ang mga
panyo nina Byron at Sheena.
“And as for you ex-babyloves...” Tatakbo pa sana ako kaso nahawakan na ni Argel ang
panyo ko kaya nakipag-agawan ako sa kanya.
“No!!! You can’t kill me!” Hindi ako papayag na makuha niya ang panyo ko! Hindi ako
papayag na mamatay! “No!!!”
“Ang arte naman!!! Amin na panyo mo!!!” Humanda ka saakin Argel kapag natapos na
ang camping na ‘to! Humanda ka!!!
“Hoy Argel!!!”
Napalingon kami sa isang sigaw mula ulit sa likod. At nakita namin si Raffy na
humakbang mula sa dilim.
“Argel...”
“Ra... Raffy. Diba sabi ko magtago ka?” Parang slow-mo pa ang nangyari. Dahan-
dahang lumabas si Raffy at nasa likod na pala niya si... “Waine?”
Nagkatinginan naman kami ni Argel. “Ah excuse me lang ha, sa panyo ako nakahawak
hindi kay Sunmi!”
Ako lang ba or this scene is kind of like from typical action movie. Exaggerated
naman masyado ang eksenang ‘to! Akala mo may mga dalang baril ang bida at hostage
ng isa't isa ang mga taong mahalaga sa kanila...
“Sige Argel, subukan mong patayin si Sunmi... uunahin kong patayin si Raffy!” At
ipinakita ni Waine na hawak na rin niya ang panyo na ayaw pang i-surrender ni
Raffy.
“Waine!!!”
“Hoy ano namang moments yan! Kulang na lang isigaw niyo na 'SUMUKO NA KAYO!' Dalian
niyo na nga!”
“Kapag pinatay mo ang girlfriend ko, magkakamatayan din tayo Waine!” Ang landi
nitong dalawang ‘to! Daig pa talaga mga action stars eh!
“Kaya pakawalan mo si Sunmi, Argel! Kundi, hindi ako magdadalawang-isip kay Raffy.”
Napakagat-labi na lang ako sa salitan ng maaanghang na hamunan ng dalawang tukmol.
“Usapang lalaki at magkaibigan ‘to ha!”
That’s our cue para sabay na kaming maglakad ni Raffy pabalik sa mga partners
namin.
Medyo humupa na rin yung tension...
But you don’t really think that a Sunmi would let this go that fast. Paghakbang ko
palayo kay Argel, saktong nasa harapan ko na si Raffy... then I did what I had to
do. I killed Raffy in front of Argel. “Raffy!!!” You should see his face, ang
korni! Kulang na lang maiyak siya!
“You’re dead!” I’m waving Raffy’s handerkerchief on their faces with a wicked grin
on my lips. “And so are you Argel.”
Argel had no choice but to accept defeat. Ibinigay na niya saakin yung panyo niya
pati na rin yung panyo ng mga napatay niya kanina.
And as I walk towards Waine who seemed so pleased with my clever actions...
*booogssh!!!*
He held my hand this time... and I don’t know... it just felt so... weird???
٩(๏̯͡๏)۶
“So... um... what’s your plan?” Magkatabi kami ni Waine ngayon at nagtatago sa
dilim.
“Hindi ko alam... mahirap kalaban si Idol. Ikaw ba, wala kang maisip? Magaling kang
magplano eh.”
Then we both shut up. Pero nakakabingi yung silence. Hindi pa ako mapakali kasi...
magkatabi lang ang mga katawan namin... and Waine is still holding my hand. “Who’s
the girl Waine?” from out-of-nowhere, I just felt the need to ask.
“Ano? Girl?”
“What a weird name. Are you sure Korean yun? Schoolmate nyo ba? Kilala ba ni oppa?
Why didn’t you invite her here? You should have ask her para may ka-partner ka rin
sana. I really don’t understand...”
I’m not done talking nang takpan niya ang bibig ko tapos umakbay siya saakin para
mapayuko ako. I can smell the grass... as well as Waine’s scent.
I’m not really sure now... kasi ang naririnig ko na lang ay ang malakas na tibok ng
puso ko. What’s happening? Why am I like this?
Kinakabahan ako na parang ewan, and it feels like I’m red all over now. But there’s
no way of knowing dahil madilim. “Stay away from me!” Tinulak ko siya palayo kaya
natumba siya.
*Screeeeecchh...*
We both heard another sound na parang may papalapit saamin, pero hindi pa nga ako
nakaka-react, hinablot ulit ako ni Waine pahiga tapos nakayakap lang siya saakin.
“Omo!!! Get off!!!” I don’t want him to hear my heart beating wild! “I-neun michin
ji-siya! (This is insane!) Yah! Waine, get off me!!!”
“I... I can’t breathe!” I'm breathing so fast and I’m effin’ nervous! What the
heck! Kita nang nagpapanic na ako sa position namin, hinigpitan pa lalo ni Waine
ang pagyakap saakin. And I can feel all his weight on top of me. “If you don’t get
off this instant...”
“Ano ka ba! Sila idol na yung nasa paligid! Kapag hindi tayo nagtago...”
I don’t know what’s gotten into me, but I just want to do it. That’s because this
past few days na nakasama ko itong si Waine, I found him appallingly attractive.
Nakakaasar nga, hindi naman ganito ang tingin ko sa kanya noon.
Hindi naman pala kasi siya katulad noon, nag-evolve na talaga si Waine... And I
hate it kasi parang nararamdaman kong nahuhulog ako sa kanya! Kahit hindi naman
dapat! Kasi siya si Waine... at ako si Sunmi.
He is stunned by that kiss, and you can clearly see by the expression of his eyes.
But other than that, he’s should be sickened by what I did!
“I warned you!” If looks can kill, Waine is already in the morgue. “Just get off
me!!!” Then I tried to push him away but he’s too heavy.
“Sabi mo you’re gonna do something I won’t like.” And why the hell is he smiling
now? This is absurd! Naasar ako lalo! Didn’t he get it? I wan’t him off ‘coz I’m
embarrassed with what I’m feeling right now!
“I said get off me or...”
“Or what? You’re going to kiss me again?” He got that mischievous smile that made
me shiver slightly but even before I was able to take a small breath of air, he
lowered his head and kissed me in return.
“I’ve been practicing for this day when I can finally say...” And the world just
stopped for me... for us. “Dang-sineul ssarang-haneun, Sunmi.” Waine just said he’s
in loved with me.
Omo!!! - (≧◡≦)
Kinikilig ako...
Hinihintay pa niya ang sagot ko...
“Idol?”
“Oppa?” Hinablot na lang bigla ni oppa ang panyo ni Waine na naksukbit sa bulsa
niya, which means patay na siya at pati na rin ako. Na-realize namin na medyo
kakaiba ang postion namin ngayon so napatayo naman kami pareho ni Waine at kakaiba
na ang tingin sa kanya ni Eli oppa.
웃❤유
Kahit medyo naging brutal ang lahat dun sa killing part, sa huli good sport naman
yung mga natalo.
At kailangan pa bang itanong kung sinong nanalo? Syempre yung mga bida! Ahaha! Kami
ni Eli ang panalo. Ang plano niya kasi, pabayaan na lang daw namin na unang
magpatayan yung iba para makapag-moment naman daw kami. Tapos saka namin ia-
assasinate yung huling matibay sa kanila.
Nasa taas lang kami ng puno habang pinapanood ang mga pangyayari, napanood nga din
namin yung malantong na moment nina Waine at Sunmi.
Speaking of them nga pala, nalaman na ni Sunmi na joke-joke lang yung away namin ni
Eli... syempre nung una nagalit siya... pero hindi niya kami natiis ng kuya niya.
At isa pa, nandun si Waine para magpaliwanag!
Sa fourth day ng camping namin, hanggang sa matapos ang bakasyon namin, buhay reyna
at hari kaming dalawa ni junanax. Pinagsilbihan kami ng lahat kasi nga kami ang
nanalo. And besides, super na-enjoy namin ang company ng isa't isa kasi puro lang
kami kalokohan.
Last day na namin at bumaba na kami galing bundok. Isinasakay na din ng boys ang
mga gamit namin dun sa van.
“Don’t worry, sabi mo naman may balak ka nang magtapos ng highschool sa US diba?”
“Shut up the three of you! You’re getting on my nerves.” Pagsusungit niya. Sa huli,
siya pa rin talaga si Sunmi. Ang bruhildang step-sister ni Eli at ahem... parang
sila na yata talaga ni Waine eh.
Pagkasabi ni Byron nun, napatingin kaming lahat ulit kay Sunmi. Pare-pareho yata
kami ng naiisip eh. Naalala naming lahat yung sitting arrangement nung nagpunta
kami dito. “Um... so... paano na?”
“Sunmi and I will sit in the front! Bahala na yung iba.” Ay gumaganun na si Waine!
“Yah oppa! Sa harap na kami!” At woah! Kinampihan ni Sunmi si Waine! Ibang klase
talaga!
Tapos para wala ng palag, nauna nang umupo si Sunmi sa pwesto dun sa harap at
tinabihan naman siya agad ni Waine na parang naka-jackpot sa lotto. Ang saya niya
lang eh.
“Wushu!!! Dapat pala si Sunmi ang gini-girlfriend para panlaban kay Idol eh.”
“Anong sabi mo?”
“Sunmi~ oh si Idol, nanakot!” Mukhang timang lang talaga ‘tong si Waine! Parang
batang humihingi ng tulong kay Sunmi! Palibhasa hindi na siya magagalaw ni Eli
ngayong magkakampi na sila.
“Pabayaan mo na nga. Ganyan talaga pag in loved! Wag ka nang kontrabida sa kanila,
okay?” Sabi ko kasi kapag nakealam si Eli sa lablayp ng step-sister niya at ng
kaibigan niya, mag-aaway kami.
So heto na yung holiday celebration namin. All goes well, and ends well!
* * *
“Nakabalik na si Sunmi sa Korea noh.”
“Yep! Nakow sana nakasama ka nung inihatid namin siya sa airport nun, ang Waine,
jusko!!!! Hagulgol ever!”
“Basta ang alam ko lang beb, I’ve never been this happy before. So siguro nga at
sana nga... forever na ‘to.”
Malapit na kasi yung foundation day namin at bawat course, may kanya-kanyang booth
na inaayos. Para sa course namin, mag-oopen kami ng showroom para i-exhibit yung
mga designs ng mga student.
At dahil pinaghahandaan talaga ng Edinham School of Art ang mga ganitong event,
maaga pa lang, patayan na agad sa preparation.
“Sam!!! Tara dito!” Malayo pa lang kami ni Byron, nakita at tinawag na ako agad ni
Kian.
“Alam mo beb, feeling ko talaga may something sayo yang si Kian eh.” Sinabi niya
saakin ng pabulong. Siniko ko na lang siya kasi ano ba namang kabaliwan yun diba?
“Ay naku! Believe me! Syempre iniisip niya wala kang jowa. Aber, bakit sayo lang
siya mabait! Pa-sweet pa nga siya sayo minsan!”
“Eh kasi sayo niya lang gustong makipag-close dahil type ka niya!”
“Hayan!!! Ito na yung designs na na-approve ng prof natin kanina. Tapos kasama dun
yung dalawang designs mo!”
“Uwaaahhh!!! Talaga!!!”
“Yes!!! Galing mo Sam! Bukas na bukas din, pwede mo nang simulang ayusin yung space
mo dito sa showroom.”
“Yes thank you!!!” Sa sobrang saya, nagtatatalon ako. Kapag nalagay kasi ang
designs ko sa showroom, mas maraming tao at outsiders ang makakakita sa gawa ko.
Dahil galak na galak ako, nahawa naman yata saakin sa kasiyahan si Kian kaya napa-
hug kami.
“Ahem!!! Beb!!!” At humiwalay ako agad kay Kian nung ma-realize ko na ang OA namin.
“Ah teka lang Kian ha, may sasabihin lang ulit ako sa bestfrind ko.”
Hinila ulit ako ni Byron sa di kalayuan para bulungan. “Iba na talaga yan beb ha.”
Hindi pa rin natigil ‘to sa paghihinala!
“Hay naku beb! Wag ka na ngang ma-issue jan!” Tapos napatingin kami sa side nina
Kian at nahuli naming nakatingin din siya saamin. Pero siya na unang umiwas ng
tingin nung mahuli namin siya. “Impossibleng magustuhan ako ni Kian noh!”
“Eh kung si Eli nga patay na patay sa beauty mo, si Kian pa kaya?” Ano namang
klaseng theory yun?
◤(⋋▂⋌)◥
=================
Special Chapter 7
Limang araw at apat na gabi ang naging camping ng tropa, at alam kong iniisip niyo
na mas nabigyan ng attention noong mga nakalipas na chapters ang lovelife nina
SheeRon, ArFFy and especially SunmAine Couple.
So anong nangyari sa Alien Couple? Heto ang hindi natin alam sa pagitan nina Eli at
Sam. Hindi naman pwedeng manatiling sekreto ito, lalo pa at silang dalawa ang
magkasama sa iisang tent. Ang mga sumusunod na eksena ay ang mga nangyari noong
nakalipas na mga gabi sa camping nila. Patnubay ng magulang ang kailangan para sa
mga mambabasa... joke lang!
NIGHT 1:
“Woohoo walang harangan ito!” Ang luwag na sobra! Pang apatan na tao kasi itong
tent na nabunot namin ni Bugal. Yes! Ang sarap ng tulog ko nito.
Saka pumasok si Sam na nakasuot na ng makapal na jacket para pantulog. “Yow Sammy!”
“Yow Sammy mo mukha mo!” Hindi niya ako pinapansin tapos dumirecho dun sa
pinakagilid.
Tamang sagot naman masyado! “Wala kang utang na loob ha! Matapos kong ibigay ang
plano ko sayo, susungitan mo lang ako.”
“Ah, okay.” Masyado siyang apektado sa mga yun, hindi niya isipin sariling niyang
lovelife noh? Mahina rin ‘tong babaeng ‘to eh. Nakahiga na ako habang tinitignan
naman siya na talagang sumisiksik sa may pinakagilid ng tent namin. “Oy... maluwag
pa dito. Bakit jan ka?”
“Kasi ayokong tumabi sayo.” Wushu, nahiya pa! Tapos tinalikuran niya ako so hindi
ko na nakikita ang mukha niya. “Good night!”
“Weh? Matutulog ka na talaga?” Tapos dinutdot ko yung likod niya gamit ang paa ko.
“Ang kapal nito! Bakit anong iniisip mo, na gagapangin talaga kita?”
“Lalaki ka at babae ako! Ano na lang iisipin ng iba kung maabutan magtatabi tayo
noh! Malala na nga na magkasama tayo sa isang tent! At least pag ganito, wholesome
pa rin!”
Bwiset! Nakakairita ‘tong babaeng ‘to! Hindi na niya ako ulit hinarap so
tinalikuran ko na lang din siya. Kapag ako hindi nakapagtimpi baka gapangin ko
talaga siya! Pero syempre, joke lang yun!!!
Kapag ako hindi nakapagtimpi, baka tototohanin ko ang awayan namin bukas eh!!! Pero
joke lang ulit yun!!! Bahala na nga, ang hirap intindihin ng mga babae eh!
(ノ ಠ 益 ಠ)ノ
NIGHT 2:
Si Sam naman ang naunang pumasok sa tent habang kasama ko si Waine na kasabwat
namin at sina Argel at Byron na nagmumukmok pa rin sa away nila sa mga girlfriend
nila. “Sige mga pare, tutulog na ako. Ang lamok-lamok eh. Naasiwa pa ako sa
pagmumukha niyo. Problemado!”
“Eh bakit ikaw? Bakit kayo nag-away ni beb?”
“Mga pare, pabayaan niyo na lang yung dalawa na ayusin nila problema nila.” Naks!
Niligtas ako ni pareng Waine! “Ang dapat niyong inaayos, yung problema niyo sa mga
gelprend niyo.”
“Sige, pangaralan mo sila Brother Waine! Ipamahagi mo ang mabuting salita.” Tapos
umalis na ako agad para pumunta na sa tent namin ni Sam. Pagpasok ko dun, yung
sleeping bag ko naman yung nasa pinaka-gilid.
“Woi! Bakit nandun na yung tulugan ko?” Inirapan niya lang ako tapos nauna na
siyang nahiga. “Wala nang nakatingin, bakit sinusungitan mo pa rin ako?” Bumaligtad
na yata eh. Diba dapat ako ang masungit sa amin. Gaya-gaya rin ng personality ‘tong
si Sam, walang originality!
Hindi pa rin niya ako pinansin kaya kinuha ko yung sleeping bag tapos medyo
inilapit ko sa pwesto niya. Hehe! Nung pagkahiga ko...
*boooogggggssshhh!!!*
“ARAY!!!” Gumulong ako bigla papunta sa kabilang dako ng tent. Mga nakatatlong roll
ako! “Amp!!! Ano na namang problema mo?” Buset na ‘to! Mumurahin ko na ‘to eh!
“Sinong may sabing pwedeng kang tumabi saakin ha?”
“Eh bakit jan ka sa gitna nakapwesto? Alangan namang sa gilid mo ako patutulugin!”
So gumulong ulit ako palapit sa kanya kaso tinulak niya lang ulit ako pabalik!
Kahit pala nakakahilo, nakaka-enjoy gumulong! Para lang akong naglalaro. “Ano ba
Sam! Kung ayaw mo akong katabi, bumalik ka dun sa gilid! Dun sa gusto mong pwesto
kagabi.”
“Napakasama mo talaga Eli!” Bumangon siya at padabog na inusod ang higaan niya doon
sa may gilid. “Tuwang-tuwa ka siguro noh! May paakbay-akbay ka pang nalalaman,
gustong-gusto yung nangyayari! Wala namang ganung usapan, napaghahalataang manyak!”
“Hoy teka, ano ba yang orasyon mo ha.” Para siyang armalite na sunud-sunod ang
ratatat eh! “Teka... yung tungkol ba kina Sheena at Raffy yung tinutukoy mo? Yung
nagpa-cute ako sa kanila, tapos inakbayan ko sila tapos kinindatan ko pa?”
“Malay ko sayo!”
“Asa ka!” At hindi ko na nakita yung facial expression ni Sam. Woah! Nagseselos
siya panigurado!
“Wala ka namang dapat ipagselos. Ginawa ko lang yun kasi yun yung gusto mo diba. At
tsaka kasalanan ko ba na ganun ako ka-gwapo?”
“Manahimik ka nga! Matutulog na ako!”
Matutulog na lang sana ako... kaso nakarinig naman ako ng mga boses sa labas.
“Sam...” Hindi niya ako sinagot, nagtutulug-tulugan! “Sam...” Bumangon na ako tapos
sumilip ako sa labas ng tent pero hindi ko binuksan ng malaki yung zipper. “Sam...”
“Sina Waine at Sunmi nasa labas! Potek, ano kayang gagawin ni Waine sa kapatid ko?”
Lalabas na sana ako pero bumangon bigla si Sam sa sinabi ko! “Wag ka munang magulo!
Moment nila yan!”
Wala akong nagawa kaya pinakinggan na lang namin sina Waine at Sunmi. Tutal naman
din, plano ko rin ito from the start. After nilang matapos mag-usap... “Hoy mga
Idol, alam kong nakasilip kayo jan.”
Saka kami lumabas, “Ang galing mo Waine! Tama ngang kinun-chaba ka namin! Biruin mo
yun, napalapit talaga sayo si Sunmi.”
“Oh ayos na... si Sunmi na magpa-plano kung paano niya pagbabatiin yung apat.”
“Powtek! Galing ko talaga noh! Galing ng plano ko.” Nakukulangan ako sa papuri eh.
Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?
“Isa ka talagang Idol! Sige na, balik na kayo sa love nest niyo!”
“LUL!” Anong love nest eh lagi akong inaaway ni other half! “Baliw!”
Pagbalik namin sa loob ng tent, parang wala lang nangyari... tinulugan ulit ako ni
Sam. Lakas talaga ng sayad ng girlfriend ko paminsan-minsan!
(¬▂¬)
NIGHT 3:
Ayus talaga ‘tong si Sunmi sa plano, napagbati nga yung mga magkakaaway na couple.
Nagmana talaga siya sa katalinuhan ko eh. Hehe!
“Tara Sam, dito tayo...” Anak ng teteng! Paglingon ko wala si Sam sa likod ko!
Akala ko naman sinundan niya ako! Slow talaga yun kahit kelan!
Nakita ko naman siya agad na nandun pa rin sa campsite namin at parang nabu-buang!
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para tusukin ang tagiliran niya. Malakas kasi
kiliti niya dun! “Yow!”
“Aah... hindi ko alam kung saan ako magtatago. At tsaka... hindi pa tayo bati diba.
Tuloy pa rin tayo sa plano.”
“Ano naman? Ang lagay ba papayag akong mamatay ka? Tara!” Tapos kundi ko pa in-
offer ang kamay ko, hindi pa siya makikipag-holding hands saakin. “I have another
plan!”
“Ha?”
“Give me your hanky.”
“Kasi kapag ikaw ang may hawak niyan, madali ka lang mata-target. Kapag ako ang may
hawak nito, mahihirapan silang kunin saakin.” At saka wala naman sa rules na bawal
hawakan ng isa yung panyo ng partner nila. “Let’s go this way!”
“We have a mission to kill. Magtago muna tayo bago ko sabihin ang plano.” Naks!
Parang eksena lang sa action films! Nagtago na kami sa isang banda kung saan may
malaking puno. “Akyat ka na mahal!”
“Ikaw! Para maiba naman ng tawagan. Dali akyat na, safe tayo sa taas ng puno!”
“Ang lampa naman!” So hinawakan ko siya sa bewang niya para itaas siya kaso
nakiliti naman siya at binatukan pa ako. “Aray! Grabe ka na makapanakit ha! Iaakyat
na nga kita eh!”
“Alam mo namang malakas ang kiliti ko dun!!! Ipagdikit mo na lang ang kamay ko tas
doon ako aapak!”
Demanding naman masyado! Ako ang main killer dito diba? Bakit ba sunud-sunuran ako
sa kanya? Ah oo nga pala, kasi hindi pa natatapos yung isang buwan kong
paninilbihan bilang katulong niya. Sinunod ko na lang si Sam at nakaakyat na siya.
“Uwaaahhh!!! Ang taas pala dito!”
“Malamang nasa taas ka ng puno.” Bopols! “Wag ka nang maingay jan at kumapit kang
mabuti, baka mahulog ka.”
“Mukha mo! Akyat ka na nga lang!” So umakyat na ako at maayos naman ang pwesto
namin dito. Para kaming sina Edward at Bella sa taas ng puno... teka paano ko
nalaman yun? “Oh... so anong plano mo?”
Matagal siyang nakatitig saakin kasi matagal din akong sumagot. Tinitigan ko lang
din siya kaya naisip ko nang gawin yung namimiss ko nang gawin. ~chu ❤ Bigla ko
siyang ni-kiss sa ilong niya. Wag munang lips para suspense!
“Simple lang, pabayaan na magpatayan yung mga yun. Yung matitira sa kanila, yun
yung aatakihin ko. Ganun lang naman kadali yun eh. Maghintay na lang tayo dito.”
Nanahimik na siya at alam kong iniisip niya na isa talaga akong henyo! Pero bago
yun, dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko para...
“Bakit??? Wala pa nga akong ginagawa!” At since nahuli na niya ako, itutuloy ko na
lang din ang pag-akbay sa kanya. “Oh yan, nakaakbay na ako sayo, saka ka na mag-
react.”
Hindi naman siya nagsalita... hindi naman siya pumalag... ibig sabihin... “Namiss
mo ako noh? Kakapagod pala magkunwariang magkaaway noh? Kahit naman madalas tayong
magsigawan, iba pa rin pala kapag away talaga tulad nung kina Byron at Argel.”
“Yun din ang iniisip ko.” Napangiti siya bigla kaya hindi ko napigilang kurutin ang
pisngi niya.
Natigil lang ang tawanan at usapan namin nang makita namin sa di kalayuan ang
eksena ng mga tukmol kong kaibigan. “Wow! Galing manghablot ni Argel! Patay na sina
Byron at Sheena. Pero hala, na-corner na rin niya si Sunmi!”
Tahimik lang ako pinapanood kung anong gagawin ni Argel... pero alam ko namang
dadating si Waine para iligtas si Sunmi.
Oo nga pala, nagpapaturo pala saakin ng Hangul si Waine, hindi ko alam kung anong
nasinghot niya noon at naisip niyang magpaturo. Pero nagmakaawa naman siya saakin
na ilihim lang namin yun sa iba. Binayaran naman niya ako para itikum ko ang bibig
ko.
“Uwaaaahhh!!! Ayun na si Waine! Parang may hostage drama scene! Ahahaha!!!” Ito
namang si Sam, kelangan may comment siya palagi para lang maka-dialogue! Pwede
namang manahimik na lang! “Alam mo Eli, yang si Waine, in love yan kay Sunmi.”
“Impossible!”
“May something kaya! It’s more than crush, ayaw mo lang maniwala!”
“Secret!” Nung unang beses na nakatikim ako ng niluto niyang pagkain. Naalala niyo
ba yun? Chapter 3 lang yun! Ganun kabilis!
“Pero pupusta ako sayo Eli, yang si Sunmi nadedevelop na din yan kay Waine!
Napansin mo ba nung game, nag-AYLABAYUHAN kaya sila!”
“Ah basta! Ikaw ha, kapag na-confirm na ganun nga, bawal kang makialam dun sa
dalawa ha! Baka mamaya harangan mo si Waine na ligawan niya si Sunmi.”
“Una sa lahat, wala ngang gusto si Waine kay Sunmi at impossibleng makagusto rin si
Sunmi sa kanya! At pangalawa, hindi uso ang panliligaw dito kaya walang magaganap
na ganun!” Isipin niyo na lang kasi, EliSam, ArFFY, at SheeRon, walang pinagdaanang
panliligaw! Papatalo pa ba si Waine kung sakali?
Nung mapatay naman sina Argel, agad nang nagtago sina Waine at Sunmi kasi alam
nilang kami na lang ang natitirang killers. “Humanda ka na.”
At sa dinami-dami ng pagtataguan nina Waine at Sunmi, dun pa sa puno kung saan kami
nakatuntong ni Sam! Hwahahaha!!! Pagkakataon nga naman! “Oh ano pusta na Eli! Mahal
nila isa’t isa!”
“Shatap!”
Pinanood lang namin yung dalawa at si Sam daig pa ang pusa kung kiligin! Nag-uusap
lang naman... tapos hiniga ni Waine si Sunmi... tapos naghalikan... NAGHALIKAN???
“I’ve been practicing for this day when I can finally say... Dang-sineul ssarang-
haneun, Sunmi.”
Pakshet! Maka-epal na nga! Baka kung saan pa mapunta yang ginagawa nila. “Alright,
game over!!!” Walang kahirap-hirap kong hinablot ang panyo ni Waine sa bulsa niya.
“Idol?”
“Oppa?”
Natapos ang ikatlong gabi namin at nanalo kami ni Sam. Ligtas na kami sa gawain
hanggang sa matapos ang camping. Dun sa tent scene naman, ganun pa rin, walang
pagbabago! Nakasiksik pa rin si Sam sa may gilid habang nanlalamig ako.
≧⁰_⁰≦
“Matulog na tayo kasi bukas maaga pa tayo para ayusin ang mga gamit natin.” Sabi ni
Sam na nasa loob na ng sleeping bag niya. “Good night Eli!”
Pagkasabi niya nun, bumangon ako. Tapos naisip kong lumabas... “Oy! Saan ka
pupunta? Natutulog na yung iba! Tatambay ka pa sa labas?”
“Alam kong this past few nights, hindi maayos ang tulog mo dahil sobra yang
pagkakasiksik mo sa gilid. Ayaw mo kasi akong katabi diba?”
“Eh sasakit naman yang likod mo. Tapos ako sisisihin mo? Okay lang ako, last night
na naman na ‘to diba?”
Kaso parang naawa talaga siya saakin. Hindi ko intension na magpaawa, okay? Gusto
ko lang talaga na makatulog na siya ng maayos kasi ako nang naaawa sa kanya.
“Sige na, hindi mo na kailangan matulog sa labas, at hindi na rin sasakit likod
ko.” Lumipat siya sa may bandang gitna... sa may tabi ko na halos. “Dito na ako
matutulog.”
Matagal kaming nagkatinginan, tapos napangiti ako sa kanya at parang nahiya siya
kaya tinakpan niya yung mukha niya.
“Oo na nga? Hindi ko nga gagawin yun.” She is still just my sweet and innocent
Sammy. “Bakit mo ba madalas na iniisip yun? Kakapanood mo ng mga drama at movies
yan eh. Magkatabi lang ang babae at lalaki, ganun na agad? Ibahin mo ako Sam...”
Hinawi ko yung kamay niya na nagtatakip sa maganda niyang mukha, then I bent down
my head and kissed her. One... two... three... four... five... six... seven...
eight... nine... ten... ganun katagal. May pahabol pa nga lang na isa pa.
“All I need was that.” Nanlaki lang ang mga mata niya na parang nagba-blush. “Okay,
have a goodnight sleep Bugal.”
And we slept together for the first time, but it was peaceful and platonic. That’s
just how it should be. Gentleman ako eh... Hehe! Hindi lang nga ngayon pero
darating din naman tayo dun.
(❤¬‿¬)
=================
Chapter 42
“Ha?” Napatingin ako bigla sa pagsiko ni Waine. Naga-attendance pala si Sir Kulot.
“Ay present ako Sir Kulot!”
“Sir Kulot. May angal kayo Sir?” Tinitigan ako ng masama ng adviser namin. Pero
hindi naman ‘to papalag saakin kasi nga tatay ko may-ari nitong school.
Wala kami sa loob ng classroom ha. Tapos kanina pa nag-uwian. Nagpa-practice lang
yung mga 3rd at 4th year dito sa corridor para sa JS prom ngayong darating na
February. Buset nga eh, ayoko ng mga ganito. “Uy Idol, kanina ka pa absent-minded
ha. May LQ ba?”
“Kutos, gusto mo? Hindi ako aatend sa prom noh!” Tapos naupo na lang ako. “Pero
takte lang kasi mga pare.”
“Buti nga sana kung LQ! At least nag-uusap kami nung babaeng yun. Eh ngayon, busy
siya sa foundation week daw nila. Bihira ko na siyang nakikita sa bahay. Kung uuwi
pa sa gabi, pagod naman! Hindi na ako pinapansin! Nakaka-bwiset, magda-dalawang
linggo nang ganun! Ampupu pa nun, kasama niyang nagtatrabaho si Kian.”
“Hindi yun ang ibig kong sabihin Idol. Ayokong magpabugbog ha. Ang sinasabi ko
lang, eh di puntahan mo si Sam sa Edinham.”
“Oo nga! Tapos tumulong ka sa kanya. Pwede ka namang mag-skip ng practice para sa
prom kung hindi ka naman pala sasali.”
Napatingin ako sa kanila tapos natawa na lang ako. “Minsan ang talino niyo rin
noh.” Tapos pinalo ko sila ng tag-isa sa mga likod nila.
“Thank you mga pare.” Tapos umalis na ako sa grupo kaya napansin ako ni Sir Kulot
na naglalakad na ako paalis.
* * *
Ohmaygawd! Bukas na yung start ng foundation week, pero marami pa akong hindi
natatapos. “Saan ko ‘to ilalagay Sam?”
“Jan na lang sa gilid. Ako na bahala jan Kian, tapusin mo na lang yung sayo.
Salamat!”
“Sure ka?”
“Oo.” Tapos nginitian ko na lang siya. Mas busy ako sa kanila kasi dalawang designs
ko ang nakasama para sa showroom namin.
“Hay naku, kung alam mo lang kung gaano nakakapagod Kian! Naisip ko nga, sana pala
hindi dalawang design yung napili eh.”
“Ano ka ba! Okay lang yan Sammy, matatapos mo din yan.” Sabay akbay siya saakin.
Wala namang halong malisya pero... “Tulungan na lang kita kasi patapos na rin naman
ako eh.”
“Ah...” Si Eli lang ang tumatawag saakin ng Sammy. Na-concious tuloy ako bigla!
Buti na lang...
*ring... ring...*
“Hello... Eli? Bakit? Anong ginagawa mo sa labas ng gate? Umuwi ka na lang, dun na
sa bahay. Hello... hello!!!” Aish! Binabaan ako ng mokong! Bakit kaya siya nandito?
Aalis na sana ako pero...
“Si Eleazer?”
“Oo eh. Sige ha, mauna na ako.” At tinakbuan ko na siya agad para hindi niya kami
makita ni Eli na magkasama. Diba nga, nagseselos sa kanya si Eli.
(ಠ_ಠ)
Pagdating ko na sa may gate... may kumpol na mga babae na sa labas. Parang may
pinagkakaguluhan. At pagsilip ko naman...
“Anong ginagawa mo dito? Dun ka na sa bahay! Busy pa ako sa showroom namin eh!”
“Tambay ka jan? Nasaan ba sina Argel at Waine? Sila dapat kasama mo.”
“Nasa school, nagpa-practice para sa prom.” Prom??? Oo nga pala, may highschool JS
prom pala noh.
“Hindi naman ako sasali sa prom. Tara na sa showroom niyo, ayoko dito sa labas. Mga
baliw yata schoolmates mo eh.” Okay lang ba siya, eh di mas lalo siyang
pinagkaguluhan dun sa loob.
“Hindi pwede! Umuwi ka na!”
“Ayaw.”
“Uwi!”
“Ayaw.”
“UWI SABI!!!”
“AYAW SABI!!!”
“Kung kaya mo.” Tapos binelatan niya lang ako at nauna pa siyang pumasok saakin sa
loob.
So ayun, wala rin akong nagawa kundi dalhin siya dun sa showroom.
“Uwaaah, Eli! You’re here again!”
“Sino ba kayo?” Umandar na naman ang kasungitan niya. Akala mo pati ‘tong Edinham,
teritoryo niya!
“Ahh...” Tapos uupo sana siya dun sa isang upuan pero pinigilan ko siya...
“Bakit eh kanina pa ako nakatayo eh.” Kasi naman sino bang may sabing abangan at
hintayin niya ako sa may gate!
“Kasi po furniture ng iba yan para sa design nila! Baka magulo mo yung ayos!”
“Hay naku, dun ka na lang saamin kesa jan sa masungit mong Auntie. Yung furniture
ko, pwede mong upuan! Hehe.”
“Heh! Tumigil nga kayo jan! Hindi niyo pa nga tapos yung sa inyo eh.” Tapos hinila
ko na si Eli papunta dun sa pwesto ko.
At least dun sa pwesto ko, medyo tahimik, walang masyadong tao kasi hinarangan ko
talaga. At higit sa lahat, wala yung malalandi kong classmates! “Dito. Dito tayo.”
Para solo ko lang rin siya! Hwahaha!
“Yep! Tapos na yang nasa kanan.” Tapos pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko. “Wag
mong pakikialaman yung mga gamit jan ha!”
“Psh!” Umupo na lang din siya sa sahig tapos yun na, nanahimik na kami pareho.
Tinatapos ko pa kasing pinturan yung dingding ko para dito sa isa kong design. Eh
masyadong intricate yung design kaya kailangan kong mag-concentrate. “Gusto mo ng
tulong?”
“Okay lang ako Eli, basta wag ka na lang magulo jan ha.” Tahimik na lang ulit siya
at pagtingin ko sa kanya, halatang nabuburyo siya dahil wala siyang ginagawa. “Alam
mo kung nabo-bore ka, uwi ka na lang.”
“Ayoko, mas boring dun kasi wala akong maasar dun.” Pinturahan ko mukha nito eh!
“Dito na lang ako, at least mababantayan kita.”
“Babantayan? Bakit?”
“Sa mga taong katulad nun oh!” Tapos may nginuso siya at tinignan pa niya ng
masama. Si Kian pala, paparating na.
“Hello! Nandito ka na pala Eleazer!!!” Wala lang. Walang hello o kahit ngiti man
lang, hindi siya binati ni Eli.
“Oh ngayong nakita mo nang nandito ako, hindi na niya kailangan ng tulong. Alis ka
na lang, nakaka-distract ka sa kanya eh.”
Pagkasabi ni Eli nun, parang nagbago na yung itsura ni Kian. Yung ngiti niya
biglang nawala.
“Alam mo kung hindi ko lang alam na step-auntie mo si Sam...” Bigla akong kinabahan
sa tinginan nilang dalawa. Pareho na kasing seryoso ang mukha nila. “... iisipin
kong may gusto ka sa kanya at nagseselos ka.”
At ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ni Eli pero agad din naman niya itong
binaba kasi sobrang nakakatakot yung tingin ni Eli. “Sige Sam! Hindi na ako
manggugulo ha.” Buti na lang marunong mag-control itong si Kian. At pasalamat na
rin na mas matanda at mas mature siya kay Eli.
(≧﹏≦)
“Alam mo, ang lala na rin talaga ng sayad mo ha. Wala namang ginagawa yung tao sayo
lagi mong sinusungitan! Parang lagi kang naghahanap ng away. Pasalamat ka hindi ka
pinapatulan nung tao.”
“Pasalamat siya dahil bugbog-sarado siya saakin kapag ako pinatulan niya.” Ang
hirap makipag-talo sa isip-bata!
“Sumasakit ulo ko sayo! Bahala ka na nga sa buhay mo!” Ilang gabi na rin kasi akong
walang matinong tulog! Isama mo pa yung pressure na matapos ko na ito dahil bukas
na yung foundation day.
Tapos may dumating na naman, si Byron. “Beb!!! O... Eli-byu, nandito ka rin pala!”
“Oo... um... ano? Nabili mo ba yung dalawang statue?” Umalis kasi si Byron para
bumili ng ilang gamit para sa design niya. Kaya yun, pinaki-usapan ko na lang siya
para bilhin yung mga kailangan ko.
“Oo, pero black lang yung natira sa kanila. Binilhan na lang kita ng gold paint
para mapinturahan mo na lang.”
“Ay... ganun. Sige okay na yan. Matutuyo naman siguro yan hanggang bukas eh. Thanks
beb! Muah!”
“Need help?”
“Oh sige, Eli-byu! Una na ako ha!” Tinanguan lang siya ni Eli saka umalis si Byron.
Busy nga kaming lahat.
Tapos tinignan ko yung dalawang statue ko na 4 feet ang taas. Mamaya ko na lang ‘to
gagawin, tatapusin ko na lang muna ‘tong dingding ko.
Napatingin ako kay Eli. Sigurado ba siya? Siya nago-offer ng tulong ng walang
hinihinging kapalit? “Sure ka? Naka-uniform ka, baka mapinturahan yan.”
“Problema ba yun?” Ibinaba niya yung body bag niya saka nagtanggal ng uniform
niya... so... ano... um... naka-sando na lang siya... kita na yung ano... maganda
at pang-model niyang katawan! “Wag mo na akong titigan, baka matunaw ako niyan!”
“Heh!” Tapos tinalikuran ko na lang siya para si pareng dingding na lang ang
matitigan ko! Ano ba yan! Para akong tangang nata-touch sa ginagawa ni Eli!
Kinikilig pa ako kasi ang gwapo niya!
Ano ba naman yan Sam! Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin nasasanay sa angking sex
appeal ng Eli na yan! Stop!!! Uwaaahhh!!! Tigilan mo ako! Wala pa akong time para
kiligin ngayon!
Anyway, hindi ko na lang pinansin si Eli para wala nang problema. Seryoso naman
siya sa pagpipintura nung statue. Ang tahimik namin masyado, pwera lang si
heartbeat ko.
Nabasag lang ang katahimikan pero mas lalo ding nagwala si heart nung marinig ko na
lang bigla yung boses ni Eli.
“I'm like a statue, stuck staring right at you,
Sakto nung nilingon ko siya, nakatingin pala siya saakin habang pinipinturahan yung
statue.
Bigla akong napangiti, lalo pa nung kinindatan niya ako. I'm so beautiful daw!
Ayiieh~ “Feeling mo naman hinaharana kita?”
Weh! panira ng moment! Inirapan ko siya pagkasabi niya nun kaya tinalikuran ko siya
ulit. Pero narinig kong tumawa siya tapos may kinuha siya sa bag niya. Maya-maya,
may ni-play siya dun at yun yung kinakanta niya kanina.
Infairness, bigla tuloy akong na-inspire sa background music namin. “Isa yun sa mga
kanta na gagamitin para sa prom ng school namin this February.”
“Wow! Ang ganda! Alam mo nung highschool ako noon, hindi ako nakapag-prom nun eh.
Nagka-bulutong kasi ako nun kaya hindi ako nakasali.”
“Sinabi mo pa! Sobrang inggit pa ako sa mga kaklase ko nun lalo pa nung kinukwento
nila yung tungkol sa mga nakasayaw nila nung prom na. How I wish nakasayaw din ako
nung cotillion.” Highschool memories! Ang prom lang talaga ang talagang
pinanghihinayangan ko!
* * *
Dahil sa tulong ni Eli, natapos ko na rin yugn dalawang room designs ko! Hindi na
rin naman kami nagtagal pa sa school kasi alas-ocho na ng gabi. Makakahinga na ako
ng malalim at sa wakas, makakapagpahinga na ulit ako! Wala nang po-problemahin para
sa foundation.
Pero dala na rin ng pagod, kahit paglakad, nahihirapan ako.
“Pwede bang mag-tricycle na lang tayo? Kanina pa ako nangangawit sa pagtayo eh.
Hindi ko na yata kayang maglakad.”
“Ha? Ano namang kunek nun Eli? Pagod na nga ako, promise!”
Kapag ako pinagtitripan niya, bibigwasan ko talaga siya! “Oh ito na! Nakatayo na
ako... tapos?”
“Joke lang!” Bigla na lang niyang hinawakan yung dalawa kong kamay tapos hinila
papalapit sa balikat niya. “Kumapit ka.” Tapos yun, binuhat niya ako sa likod niya.
Ito talagang Eli-byu na ‘to! Bago maging sweet, idadaan muna sa kalokohan! Pero in
all fairness, ang laki ng tulong saakin ni Eli ngayon ha! At ito pa ang off-topic
jan, ang bango ng batok at buhok niya! Haha! “Ang gaan-gaan mo! Payatot ka na
Sammy!”
“Magpataba ka kahit konti bago mag-February para naman hindi ka magmukhang tingting
sa dress na pipiliin ko para sayo.”
“Ha? Anong dress?” Tapos napalo ko yung braso niya. “Teka Eli, inaaya mo ba ako na
maging date mo sa prom?”
“Hindi noh! Hindi nga ako aattend sa prom! May mas mahalaga pa dun!”
Alam mo yung level ng excitement ko, parang tinapakan na lang niya bigla! Kakainis!
“Eh bakit mo ako bibilhan ng dress?”
“Takteng babae ‘to. Dalawang mahalagang okasyon ang meron sa buwan na yun, tapos
hindi mo maalala?”
“Dalawa? Ang alam ko lang yung JS Prom niyo. Yun yung sabi mo kanina diba?”
Ako – (ό_ὸ)
Eli – (ὸ╭╮ό)
Wala na, I'm like a statue, stuck staring right at him, while thinking kung ano
yung dalawang occasion na sinasabi niya.
(╥﹏╥)
=================
Chapter 43
Ang laki mong tange Samira! February lang hindi mo pa agad naalala? BV DAYS!!!
Hindi po yun Bad Vibe Days ha! ‘B’ stands for BIRTHDAY ni Eli sa February 03, at
‘V’ stands for VALENTINES DAY sa February 14!!!
Okay yung birthday muna ni Eli! Bukas na yun eh! Paano ba? Anong gusto niyang gift?
Ay nakakasakit ng ulo!
Ilang araw ding naging palaisipan saakin kung anong meron sa February, at nung sa
wakas ay naalala ko, nakulangan naman ako ng oras para mag-plano! Never pa naman
kasi ako nakapag-celebrate ng ganun noon eh!
Last year, ordinary day lang ang Feb.3 saakin. Tuwing Feb.14 naman, nagtatago ako
sa kasuluk-sulukan ng mundo kasi nahihiya ako na ako lang ang walang date o kahit
na anong plano tuwing sasapit ang araw na yun!
“Hello... Oo Argel! Invite mo din ang buong SGG ha. Para naman nandito ang lahat ng
friends niya bukas.” Kausap ko ngayon si Argel para planuhin itong surprise party
ni Eli. “Sorry kung late na ako nakapag-plano, as in ngayon ko na lang kasi siya
naalala eh.”
“Ah, Sam... alam mo si Idol ang tipong hindi nag-eenjoy sa mga malalaking party.
Magpapakain lang yun sa SGG pero hindi yung magse-celebrate.”
“Ha? Paano yun! Wala na akong ibang maisip na surprise kanya!”
“Sam, basta ikaw ang kasama niya, special na yun para kay Idol!” Medyo napaisip ako
sa sinabi ni Argel. “At tsaka ito ang first birthday na magkasama kayo. Dun pa
lang, mapapasaya mo na yun.”
“Argel... anong tingin mo dito? Mas prefer ko itong blue eh.” Narinig ko bigla yung
boses ni Raffy. Nagsusukat pala sila ng susuotin nila para sa prom sa South Grisham
na gaganapin sa mismong Valentines day pa.
“Ay sige Argel, busy pala kayo ni Raffy. Hehe! I’ll take your advice na lang.”
“Thanks! At tsaka, good luck pala jan sa prom niyo ha. Bye!” At sumalampak ako sa
couch.
Anong gagawin ko bukas sa birthday ni Eli? Tarantang bakla na ako ngayon! Hay
naku!!! Ito ang hirap pag may boyfriend! Bahala na nga bukas!!!
“Ah tama! Pagsisilibihan ko na lang siya sa araw ng birthday niya!” Eh may bago ba
sa paninilbihan mo kay Eli? Nakaligtas ka lang nung December nung nagpustahan kayo
pero all-year round, chimay ka ni Eli! “Hindi... wag yun! Isip ka pa Sam! Think!
Think!”
Think ka jan Sam! Wala ka ngang maisip diba? Ayayay naman!!! Nakaka-stress pala ang
birthday ni Junanax!
So para ipahinga muna ang sarili ko, binuksan ko na lang yung TV. Baka sakaling may
mapanood akong something at makaisip ako ng pwedeng pang-surprise Kay Eli.
Biglang may headline akong napanood: “Opo mga kaibigan, if the weather is clear,
you may to get to enjoy the meteor shower mamayang 3-4 AM. Perfect na perfect para
jan sa mga couple na wala namang plano mamaya...” Uy! Nagpaparinig si kuyang
broadcaster!
“Naku kuya salamat!!!” Napalapit ako dun sa TV at pinaghahalikan yung screen! Kapag
sinuswerte ka nga naman oh!
Bukod sa hindi pa ako nakakapanood ng meteor shower sa tanang buhay ko, nakakuha pa
ako ng pwede kong gawin dun sa pagsalubong sa birthday ni Eli! “Salamat kuya!
Aylabyow talaga!!!”
“Sam...?”
“Bold ka jan!” Tinarget ko siya nung remote at buti naman at nakailag siya dahil
kung hindi, sasalubungin niya ang birthday niya ng may bukol!
乂⍲‿⍲乂
11PM, maagang natulog si Eli. Maaga pa yung 11 noh? Buti na lang at antukin siya
kaya nakapag-handa na ako para sa surprise birthday date namin mamayang hatinggabi.
Naglabas ako ng banig, kumot at unan dun sa may rooftop ng bahay niya. Buti na lang
may rooftop, sementado! Ayoko kasi dun sa may bubong, parang agaw-buhay yata yung
preparation pag nagkataon!
At ito talaga yung pinaka-magandang spot dahil kitang-kita yung langit. Bukod doon,
naghanda rin ako ng mga kakainin namin. Syempre, uso naman sa date ang may
ngangatain ka kahit papaano.
Nag-iingat lang ako sa kusina para hindi ko maistorbo si Eli dun sa kwarto niya.
This time talaga, ako ang magpapaka-sweet saamin!
(ELEAZER PASCUAL POV)
Tukmolitas na babae yun! Mukhang hindi pa rin niya naaalala na birthday ko bukas!
Bangas talaga ang katapat kapag hindi niya naalala yun! Ni parang wala rin sa isip
niya yung tungkol sa Valentines day! Ay naku! Bakit ba kailangan ang lalaki lang
ang nagsu-surprise sa mga girlfriends nila?
Eh Eli, tungkulin mong i-surprise siya sa Valentines! Pero ibang usapan pa rin yung
birthday ko ha! Wala akong pakelam kahit makalimutan akong batiin ng lahat, wag
lang si Sam ang makalimot!
Maaga naman akong nagkulong sa kwarto para hindi halatang badtrip ako pagka-slow ni
Sam. 12:30 na, uy birthday ko na pala! Ano kayang mangyayari sa paggising ko?
“Surprise!!!”, Anak ng puchaks! Kapipikit ko pa lang, yun agad ang panaginip ko.
Asa naman, imagination ko lang po yun! Pero surpresahin kaya ako ni Sam?
Nagpasya na lang akong lumabas muna kasi natutuyuan na ang lalamunan ko pati utak
ko kakaisip. Pagbaba ko naman, nagtataka ako dahil nakabukas yung ilaw sa kusina.
“Nakalimutan siguro ni Sam patayin yung ilaw. Pababayaran ko talaga sa kanya yung
kuryente.”
*screeeecchhhh... screeechhh...*
Woah!!! Ano yung tunog na yun? Imposibleng namang ipis o daga yun, ano yun
nagbubuhat ng pinggan?
Dahan-dahan akong sumilip at nakakita ako ng babaeng nakaputi na mahaba ang buhok
at nakaluhod pa! Pootangeena!!! Bakit may white lady sa bahay ko?
“Hwaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!”
“Kyaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!”
“Sam?!?” – (ಠ//ಠ)
“Anong ginagawa mo???” Mamatay ako sa takot eh! Pero mas mamatay ako sa kahihiyan
dahil sa natakot ako kanina. Buset na yan! Tama bang sumigaw kapag natatakot Eli?
“Teka, nagnanakaw ka ng pagkain sa ref?”
“Sira!!!” Napayuko siya at hindi makatingin saakin. May hawak siyang sandwich at
ilan pang pagkain.
“Naglilihi ka?”
Tapos binatukan niya ako! “Ano ako buntis! Puro ka naman kalokohan eh!”
Hindi siya sumagot tapos hinila na lang niya ako paakyat sa taas sa may rooftop ng
bahay ko. Ayus ‘tong babaeng ‘to, kelan pa kaya siya nakarating sa parte na ‘to eh
hindi ko pa naman siya napapasyal dito.
“Ano bang ginagawa natin dito? Naka-high ka ba Sam? Kung anu-ano na lang ang
matripan natin ha!” Magdagdag pa sana ako ng pang-asar sa kanya kaso biglang...
Ako - (♥ ಠ_ಠ)
“Happy Birthday!!!”
* * *
First time kong ginawa ‘to! Ako ang nagbigay ng kiss sa kanya this time kaya naman
hindi ko ma-explain yung itchura ni Eli ngayon. Nung ni-greet ko pa siya ng Happy
Birthday, tinalikuran niya lang ako.
“Uy ano ka ba? Surprise!!! Hindi ka ba masaya...” Hindi siya sumagot at nakatalikod
lang siya. “Hindi ka ba masaya?”
Dahan-dahan siyang humarap saakin, tapos hawak niya na yung labi niya. Yung mga
mata niya, ang talas parang baliw kung makatingin. Maya-maya bigla pa siyang nag-
smirk at pinakita pa niyang nilasahan niya yung labi niya.
Wala na lang akong ibang nasabi sa tindi ng dating ng sex-appeal niya ngayon kundi,
“Ang manyak mo.”
“Ikaw nga ‘tong biglang nanghahalik jan eh.”
Ehh kasi naman! Sinisira naman nitong si Eli ang diskarte ko eh! Alam ba niya kung
gaano ko pinaghandaan ito! Yan tuloy ngayon, pinagungunahaan ako ulit ng hiya!
Huweeey!!!
“Halika nga rito.” Hinawakan niya yung kamay ko tapos niyakap niya lang ako ng
mahigpit. Nararamdaman ko pa yung hininga ni Eli sa leeg ko. “Thank you.
Pinakamagandang salubong ito sa birthday ko.”
Napangiti ako bigla sa sinabi ni Eli. I’m glad he liked it. Masasabi kong ibang
level na talaga ang relasyon namin ngayon. Kahit mga simpleng bagay, nagiging big
deal para saamin.
Nag-usap lang kami tungkol sa kung anu-ano. Na-excite nga din si Eli nung sinabi
kong magkakaroon ng meteor shower mamayang 3-4 AM.
Nakahiga lang kami sa banig tapos nakapatong yung ulo ko sa braso niya habang
nakatingala lang kami sa langit at nakatingin sa mga stars. Ganitong oras dapat
nahihimbing na kami, pero mulat na mulat pa rin ang mga mata namin.
Maya-maya lang rin, napanood na namin yung talagang hinihintay namin. Sunud-sunod
na naglabasan yung mga shooting stars! Ang magical lang nung experience, at syempre
romatic lalo na dahil magkasama kami ngayon ni Eli. “Mag-wish tayo dali!”
“Naniniwala ka sa mga ganun?”
“Oo naman!”
“Wag ka nang KJ!” Bahala siya, basta ako magwiwish! “Sana magkatuluyan tayong
dalawa.”
Napatingin siya saakin bigla. “Ano ka ba! Don’t say it out loud! Baka hindi
magkatotoo! Dali i-wish mo ulit pero sa isip mo lang!”
“Ayus ha! Parang ikaw ‘tong kaninang ayaw maniwala sa pagwi-wish ha.” Natawa na
lang ako bigla. A timongoloid will always be a timongoloid! Kahit mahirap siyang
intindihin at kahit napaka-impossible ng taong ito, masaya pa rin ako dahil siya
ang kasama ko.
Pero masaya talaga ako dahil may isang Eleazer Pascual na nabuhay para punan ang
kwento ng buhay ko. Kung wala siya, hindi kumpleto ang Samira Almirez ngayon.
Nakaharang naman yung kamay ko sa kanya kasi hindi ko alam kung anong binabalak
niya. “Hoy hoy Eli!!! Kung ano man yang tumatakbo sa isip mo ha... nakow...”
Ohmaygad!!! Nakatitig lang siya saakin... “Eli naman... ano na namang trip ‘to.”
“Gusto pa kitang pasalamatan.... yun eh kung papayag ka.” Ang seryoso ng mukha niya
pero hindi niya inaalis yung mga nakakatunaw niyang titig. “Bago ‘to.”
“A... ano ba yun?” Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko! Parang tatalon na
palabas ng katawan ko!
“Soul kiss.” Kiss??? Anong kiss yun? “Kanina pa ako nagtataka sa lasa ng bibig mo
eh.” Eh kasi bago yung lipgloss na gamit ko.
Then he leaned closer at ni-relax ko na lang yung lips ko sa soul kiss na sinasabi
niya. Nalulunod lang ako sa tingin niya, then the next thing I knew, magkdaikit na
ang mga labi namin.
As our lips gently pressed together, he lightly draws his tongue across my lips.
Nagulat ako sa part na yun and it sent shiver into my spine. His tongue is
exploring my mouth, and I found myself in a daze.
Hindi ko alam yung gagawin ko pero kusa na lang rin gumagalaw yung katawan ko, my
lips ang tongue in particular. Basta lahat ng hiya na nararamdaman ko kanina, bigla
na lang naglaho because I’m actually enjoying this sensual and romantic kiss.
So this is what he call a 'Soul Kiss'. A kiss that reaches our souls.
At nung matapos na yun, nagyakap na lang kami ng mahigpit and the happiness we’re
both feeling is just overwhelming!
≧◠◡◠≦
February 4... 5... 6... 7... 8... 9... 10... 11... 12... 13...
Nakaraos ako nung ni-celebrate namin ni Eli yung birthday niya! At bukas naman, yun
yung second most important day na ice-celebrate daw namin together!
May plano na nga kaming date pero sabi niya ihanda ko pa rin daw ang sarili ko
dahil siya naman daw ang may surprise! Ayiiiehhh!!! I just can’t wait!
Simula nung makwento ko kay Byron yung tungkol sa panibagong kiss na ginawa namin
ni Eli, hindi na niya ako tinigilan sa pang-aasar! Kashenemem! Nakakahiya tuloy
lalo!
“Ah... ano... siya! Makikipag-french kiss daw siya kay Sheena bukas para sa
Valentines!”
“Kayo talaga! Sige unahin niyo yang lovelife niyo at baka hindi natin matapos yung
presentation natin para sa finals.”
“Ito naman! Minsan lang darating ang mga araw ng puso eh.”
Ka-grupo ulit kasi namin si Kian para sa final project namin for this sem. Siya
naman ang leader this time kasi tinatamad na akong magleader! Para maiba naman! At
ngayon ay may meeting kami.
“Ayun nagsi-uwian na. Ang tagal mo kasi, bakit ba late ka? Ikaw pa naman ‘tong
leader.”
“Tay-guts talaga ‘tong si Beb kahit kelan! So Kian, ano nang plano? May location na
ba para sa magiging shooting natin?”
“Merong binanggit saakin yung isa nating ka-group so pupuntahan natin yun tomorrow
para i-check kung ayos lang ba yung place.”
“Hah?”
“I mean, don’t tell me may ka-date ka rin sa Valentines? May boyfriend ka na ba?”
“Yung iba kasi nating members, nagpaalam na rin na may date nga sila bukas. Isa pa
pala ‘tong si Byron.”
Ang tagal kong hindi nakasagot, hindi rin naman ako matulungan ni Byron kasi hindi
niya rin alam kung paano magpapaliwanag.
“Ano kasi...”
“Ha?” Nagtaka ako bigla. Hindi kaya naghihinala na si Kian tungkol saamin ni Eli?
“Balita ko kasi, prom bukas dun sa South Grisham. Eh diba dun nag-aaral si Eli?
Ide-date mo ba yung nephew-in-law mo?”
“Ah... oh di, bakit hindi ka pwede? May sarili kayong date ng pamangkin mo?”
Nahirapan ulit akong sagutin yung tanong niya. Ang hirap naman kasi! Napaka-
complicated!
“Bakit Kian? Bawal ba silang mag-date? Step Auntie lang naman ni Eli si Sam eh. Ni-
hindi sila magkadugo. Wala naman sigurong kaso kung mag-date sila noh.”
“Hindi.” Yun na lang ang naisagot ko sabay siko ko kay Byron para tumigil na siya
sa pagsasalita. “Um... sige, sama na lang ako sayo bukas, Kian.”
“Pero Sam diba...” Sinipa ko na lang sa ilalim si Beb para pigilan ulit siya.
Nagkatinginan na lang kami ni Byron and I hope na ma-gets niya kung ano yung gusto
kong iparating sa kanya.
ͼ(ͽ)ݓ_ݓ
=================
Chapter 44
“Ilang ulit ko bang ipapaliwanag na hindi si Kian ang pinipili ko! Kailangan naming
magpunta dun sa location para sa finals namin.”
“Ganun din yun. Kung tutuloy ka bukas, eh di siya rin makakasama mo.”
“Hindi mo naiintindihan Sam! Lagi kitang priority tapos ganitong bagay lang, hindi
mo pa ako mapagbigyan? Kung bukas hindi ka papipigil, fine! Wag na nating ituloy!”
Tapos bigla na lang siyang nag-walkout at umakyat sa taas.
I knew this will happen, pero wala naman akong choice! Kung hindi ko sasamahan si
Kian bukas, baka tuluyan siyang maghinala saaming dalawa ni Eli.
Ito namang si Eli, tampururot agad! Pero hindi ko naman siya masisi kasi planado
namin yung date eh. At isa pa, kaya nga daw siya hindi na umattend sa prom para
lang ako ang makasama niya sa Valentines dahil hindi naman pwede na ako ang isama
niyang date sa South Grisham.
* * *
Nananadya talaga yung Kian na yun! Ayus maka-timing! Sinakto talaga sa araw ng
Valentines!
Kanina pang umaga sila nandito imbes na maghanda na lang para sa prom na gaganapin
mamaya.
“Ang tagal naman ni Sam. Kanina pa yun nagkukulong sa kwarto.”
“Ha??? Bakit???”
“Naalala niyo yung taeng kinukwento ko? Yung Kian, isasama si Sam dun sa location
nila para daw sa final project nila.”
“Eh di paano yan? Sama ka na lang sa prom mamaya para hindi ka mag-isa dito.”
“Yun nga din iniisip ko.” Tapos sinadya kong lakasan yung boses ko para marinig ni
Sam dun sa kwarto niya itong sasabihin ko. “SIYA LANG BA PWEDENG MAGSAYA NGAYON
HA?!? KUNG SIYA, IBANG LALAKI ANG KASAMA, HAHANAP DIN AKO NG IBANG BABAENG
MAKAKASAMA!!!”
Parang ewan naman yung tingin saakin nina Waine at Argel. “Bakit kailangan mong
sumigaw?”
“Isa ka pang bobo eh! Pinaparinig ko kay Sam, tange!” Buset talaga! Nakakasira ng
araw! “Tingin niyo ba narinig niya?”
Minsan kasi gusto ko na lang itago yung selos ko. OO, nagseselos ako!
Si Sam kasi yung tipong walang malisya sa kanya ang lahat ng kabaitan ng mga tao sa
paligid niya. Na hindi siya maniniwala na may gusto sa kanya ang isang tao hangga’t
hindi yun direchong inaamin sa kanya.
Si Kian, alam kong may gusto yun kay Sam! Hindi naman yun didikit ng didikit sa
kanya kung wala eh! Kahit nga si Byron, binabalaan ako dahil yun din ang iniisip
niya.
“Ay oo nga pala Idol, hindi lang pala yun ang ipinunta namin dito.”
“North gang? Meron pa ba nun?” Binura ko na yung adik na gang na yun nung mag-lead
ako sa SGG ha.
Mga adik kasi yung mga yun, ang sisiga at ang aangas ng mga pagmumukha! Nauso nga
krimen sa lugar na ‘to noon nung sila pa yung naghahari-harian.
“Tingin ba nila uubra pa sila saakin? Kung nagawa natin noon na pabagsakin sila,
magagawa ulit natin yun ngayon!”
“Yun naman din ang iniisip namin Idol. Pero mabuti nang maghanda diba? Baka kasi
balikan nila tayo nang hindi natin napaghahandaan. Mahirap na!”
“Sige wag kayong mag-alala. Pag-uusapan natin yan kasama yung SGG. Imbestigahan
niyo muna ulit para maunahan natin kung totoo ngang may ganun silang plano.”
Natigil lang ang usapan namin nang bumaba na rin si Sam. Nakabihis na siya at may
dala pang maliit na backpack. Hindi ko na lang siya masyadong pinansin. May dagdag
problema na naman kasi akong iisipin.
(ᵕ_ᵕ)
Tahimik lang kami sa may sala. “Um... good luck sa prom niyo mamayang gabi ha.”
“Isama niyo na rin si Eli para hindi siya ma-bore dito.” Weh? Hindi ba niya narinig
yung parinig ko kanina? Tarakalis talagang babae ‘to!
“Talagang sasama ako at mambabae pa ako!!!” Nagkatinginan kami at nag-pout lang
siya sa sinabi ko. Tinignan ko lang din siya ng masama. Akala mo talagang babae ka,
maghahanap ako ng ibang babaeng ka-date ko!
*diinnggggg... doonnngggg!!!*
Alam na kung sino yung hayup na yun. “Oh sundo mo na yun! Layas na!!! Mag-enjoy
kayo ha!” Bigla siyang tumayo sa harap ko tas matagal pa siyang nakatingin saakin.
“Oh bakit? May sasabihin ka pa? Layas na!!! Magsama kayo ni Kian mo!”
Padabog na siyang lumabas at pinabayaan ko nga siya. Kaso ito namang sina Argel at
Waine, hindi mapakali! “Uy, Idol! Talaga bang gaganun mo lang si Sam?”
“Sige ka! Kapag pinabayaan mong umalis si Sam na problemado siya, mahahalata yun
nung Kian at makaka-damoves yun kay Sam. Ikaw rin!”
“At tsaka Idol hindi mo ba alam na ang best way para mapansin ang lalaki ng mga
babaeng gusto nila ay kapag ni-comfort nila yun sa oras ng problema. Tsk!
Makakapogi-points talaga yung Kian kay Sam pag nagkataon!”
“Kutos for the two of you!!!” Kinotongan ko sila ng tag-isa. “Para kayong mga
guardian devil! Daig niyo pa yung kunsensya kung mamilit ha!”
Wala rin naman akong nagawa kundi tumayo at sundan agad si Sam. Medyo kinabahan
kasi ako sinabi nila Waine. Minsan pa naman, tamang advice ‘tong mga ‘to.
Mukha mo, bangasan kita eh! “Nakamotor lang kayong pupunta doon?”
“Mas mahirap kasi mag-commute.” Napatingin naman siya kina Waine at Argel. Ngayon
lang din kasi sila nagkita. “Mga pamangkin mo rin Sam?”
“Hello! Nice to meet you guys!” Nag-offer ng shake-hands si Kian pero dahil nagmana
saakin ang mga ka-tropa ko, tinanguan lang nila si Kian. Hwahaha, pahiya tuloy si
kumag!
“Babangasan ka ni Idol namin. Diba Idol?” Grabe din ‘tong dalawang ‘to, inunahan pa
ako sa speech!
“Hehe, okay lang Sam. Mukhang protektado ka talaga nila eh.” Tahimik lang akong
nakatitig kay Kian, baka sakaling madaan siya sa evil eye ko para hindi sila
matuloy.
“Meron, ito oh.” Tapos inilabas niya yung pink na helmet at isusuot niya sana ito
sa ulo ni Sam pero hinablot ko yun sa kanya.
Ni-check ko muna yung helmet kung malinis... joke lang! Ayoko lang na siya ang
magsusuot nun kay Sam. “Ayus ha! Talagang bumili ka pa ng helmet para lang kay
Sam?”
“Ha?”
“Talaga? May tag price kasi eh. Halatang kabibili mo pa lang!” Napatingin silang
lahat kay Kian na halatang napahiya! Papalusot pa eh! Kakainis!
Ako na mismo ang nagsuot nung helmet kay Sam at inayos ko pa yung buhok niya.
Nakatitig lang siya saakin pero hindi ko siya tinitignan! Kasi nga hindi naman
basta-basta na patatawarin ko siya.
Bukod pa dun, abot-langit pa rin ang sama ng loob ko sa napurnada kong surprise
para sa kanya. Tama na nga! Wala na rin naman akong magagawa!
“Ahm... sige babay na!”
“Wag kayong mag-alala, magaling naman akong mag-drive. Ligtas si Sammy sa mga kamay
ko.”
“Ano...?” Biglang nagpintig ang mga tenga ko. “Sammy?” Lalong kumukulo ang dugo ko.
Isa yun sa mga nickname ko para kay Sam, bakit nakikigaya ‘tong hinayupak na ‘to.
“Kumapit ka ng maayos Sam.” Hinawakan pa ni Kian ang kamay niya para dun sa bewang
niya kumapit si Sam. “Alis na kami ha!”
Hindi lang ako nakasagot at hindi ko lang inalis yung nanlilisik kong mga mata sa
ngiting-asong si Kian. Sumaludo pa siya bago niya pinaandar yung motor at parang
sinasabi ng pangit niyang mukha na SIYA ANG MAKAKASAMA NI SAM NGAYON AT HINDI AKO.
“Sumemplang sana kayo...” Bulong ko na lang sa sarili ko.
凸(¬╭╮¬)凸
“Wala akong pake!!! Naasar talaga ako!!! Ang angas ng mukha ng Kian na yun!!! Ang
sarap niyang bungian!!!” Tapos kinuha ko yung unan at yun ang ni-wrestling ko
hanggang sa pati yun ay masira!
“Lumayo-layo na nga tayo jan, ‘pre. Baka mamaya magkablack-eye tayo pagdalo natin
sa prom mamaya.”
“HELLO!!!” Sinagot ko yung nasa kabilang linya at nasigawan pa ito. Malas niya eh,
ganitong mainit ang ulo ko saka tumawag. Kaso nung narinig ko yung boses nung nasa
kabilang linya...
“Eleazer tulungan mo kami...” Si Kian at may sinabi siyang nakapagpakaba saakin.
“Ano...?” Medyo marahan na yung boses ko at hindi ko alam yung magiging reaction
ko. “FVCK!!!” Binitawan ko agad yung telepono at nagtatakbo palabas.
Sinundan naman ako nina Waine at Argel, at nagtataka sila pareho! “Uy! Idol!!! Ano
na naman ba? Saan ka pupunta?”
Natataranta ako! Hindi ko alam kung paano sila sasagutin pero dinalian ko lang ang
pagtakbo ko papunta dun sa gate ng village namin.
“ANO???” Gagung Kian talaga yun!!! Sabi niya magaling siyang mag-drive! Sabi niya
iingatan niya si Sam!!! Nasa gate pa lang sila ng village namin, nabunggo na
agad!!!
“Eli...” Nagtulong kami nina Waine at Argel na itulak yung motor palayo. Pati yung
mga kaibigan ko, tarantang ita at hindi alam yung gagawin. Halatang-halata din sa
mga mukha nila ang pag-aalala kaya hindi na namin halos pinapansin si Kian.
“May mga lalaking nakamotor ang umatake saamin...” Buti siya at nakakatayo pa at
konting galos lang sa braso ang nakuha niya.
“Tumahimik ka! Wala akong pakelam sayo!” Samantalang si Sam, “TANGEEENA NAMAN
TALAGA!!!” Napamura na lang ako sa malaking sugat sa binti niya!!! May ilan din
siyang galos sa braso niya.
Saka ko tinanggal ko yung helmet niya para tignan din kung may sugat ba siya sa
mukha. “O... okay lang ako.”
Okay? Okay ba na may mga sugat siya? Okay na nakasama siya sa aksidente? Okay ba
yung naginginig siya? Okay ba yung parang gusto niyang maiyak pero hindi niya
magawa dahil gulat pa rin ang reaction niya. Ang putla-putla niya!!!
“WALA MAN LANG BANG TUMAWAG SA INYO NG AMBULANSYA!!!” Sinigawan ko ang lahat ng mga
taong nakikitingin lang. Mga walang utak!!!
“SHUT THE FVCK UP!!!” Binuhat ko na agad si Sam at hindi ako mapapalagay na hindi
siya madala agad sa ospital ngayon.
“Maiwan na kayo dito. Make sure na marereport niyo yung aksidente sa pulis at para
mahanap yung mga bumunggo sa kanila.” Tapos hinawakan tinignan ko ng maigi sina
Waine at Argel. “At kayo nang bahala dun sa Kian!”
“Okay Idol. Balitaan mo na lang kami pagdating niyo sa hospital.”
“Sige! Tara na manong!” At humarurot na yung taxi habang hawak ko lang ng mahigpit
ang kamay ni Sam.
* * *
Pagdating namin sa hospital, agad namang ginamot ang mga sugat ko. Konting gasgas
lang naman sa braso pero yung malaking sugat ko sa binti ang talaga namang makirot.
“Ito lang yung mga iinumin niyang gamot. Three times a day after niyang kumain.
Para naman sa sugat, twice a day dapat siyang linisin. Papipirmahan ko lang ‘to sa
doctor and pwede na kayong umalis.”
“Opo. Salamat po.” Pagkaalis nung nurse, pinilit kong tumayo pero napaika ako sa
hapdi ng kanan kong paa. Matutumba sana ako pero buti na lang nasalo ako ni Eli.
“Wag mo munang pilitin tumayo.” Nakasimangot man si Eli ngayon, nababasa ko naman
sa mga mata niya ang awa.
“Eli...” Natakot ako kanina nung sandaling natumba yung motor na sinasakyan namin
ni Kian.
Naisip ko agad yung mga taong malapit saakin. Si Kuya, si Ate Pia at yung magiging
anak nila. Si Beb at ang buong barkadahan na una kong nasalihan. Pero higit sa
lahat, naisip ko si Eli.
Na kapag may nangyaring masama saakin, magagalit siya tulad na lang nung nabugbog
ako noon. Pero alam ko na higit ano pa man, mas nalulungkot siya sa tuwing
napapahamak ako.
“Sorry. Sorry pinag-alala ulit kita...” Sa sobrang kababawan ng luha ko, tumulo na
lang ito ng direcho. At laking pasasalamat ko dahil nandito si Eli para yakapin
ako, alisin yung takot na nararamdaman ko, at iparamdam saakin na kapag siya ang
kasama ko, lahat ay gagawin niya para maging okay ako.
Lalong humigpit ang yakap niya saakin. “Bakit ba lagi kang lapitin ng disgrasya?
Paano na lang kung wala ako dun? Paano na lang kung malala pa yung nangyari sayo
nun?”
Naririnig ko sa boses niya ang takot. Kaya niyakap ko rin siya pabalik para
iparamdam sa kanya na mas okay na ako ngayon.
“Sam, ipangako mo nga saakin na hindi na ‘to mangyayari. Saating dalawa, ikaw ang
hindi pwedeng mang-iwan.” Tapos hinawakan niya ang mukha ko just so he can look me
in the eyes. “Ayokong iwan mo ako, okay? Kaya mangako ka.”
Talaga namang imposible na iwan ko ang isang Eleazer Pascual. Ikamamatay ko.
Ikamamatay ko rin kapag nalayo ako sa kanya.
“I promise, I will never leave you.” Saka niya pinunasan yung luha sa mga pisngi
ko, hinalikan ako sa noo at niyakap akong muli.
(╯ಊ╰)
=================
Chapter 45.1
Dahil sa nangyaring aksidente sinabihan ako ni Eli na planado daw yung nangyari.
Saka na lang daw niya ipapaliwanag saakin, pero kailangan namin ng doble ingat
dahil may malaking gulo daw ang nagbabanta.
Bukod doon, mas lalong tumindi yung galit niya kay Kian, although hindi naman
kasalan nung tao nang maaksidente kami that day.
Dahil din jan kaya naisip ni Eli na sumama saakin palagi lalong lalo na sa gagawing
shoot ng grupo namin para sa finals.
“Nasaan na ba yung mga kasama mo? Ang babagal!!!” Madaling-araw at hinihintay namin
yung sasakyang inupahan ng kaklase ko. Overnight kami dun sa location namin. (Yung
location na pupuntahan sana namin ni Kian nung Valentines Day!)
“Hoy Eli, binabalaan kita. May mga ka-group ako dun na hindi ko pa masyadong ka-
close. Meron din kaming mga models dun kaya wag ka masyadong magsusungit at baka
mapikon mo sila.”
Nung dumating na yung sasakyan kumpleto na silang lahat. Nandun na din si Byron
pero sa may likuran siya nakapwesto.
Napatingin naman yung ibang models at girl classmates ko nung makita nila si Eli.
Parang na-starstruck sila na ewan! Pero ano pa nga bang aasahan natin kay Eli diba,
wala lang siyang pake at hindi sila pinansin.
At syempre, nandun din si Kian na nginitian lang kami. “Wala nang pwesto sa likod.”
Medyo awkward pa rin dahil sa nangyaring aksidente pero sinabi ko naman sa kanya
after nun na okay na ang lahat. “Dito na kayo sa bandang harap, Sam.”
“Okay!” Nag-giveway pa si Kian para makapasok sa loob si Eli at doon siya makaupo
sa pwestong malapit sa bintana. Sumunod naman ako sa pagtabi kay Eli and we’re
ready to go! “Tara na!”
Ganito na kasi pwesto namin: AKO malapit sa bintana, si SAM tumabi saakin, saka
tumabi sa kanya si KUPAL! Taragis! “Sam, palit nga tayo ng pwesto.” Okay lang kahit
ako ang makatabi ni Kian!
“Eh diba gusto mo sa bintana? Jan ka na, umaandar na yung sasakyan! Magugulo pa
tayo.”
“Psh!!!”
“Oo! Ang bilis nga gumaling eh.” Syempre ako kaya gumamot at naglilinis nun araw-
araw!
Kesa mag-aksaya ng laway sa pambabara ko kay Kian, inisip kong manahimik na lang.
Bukod doon, alam kong alam na rin niya ang ibig sabihin ng mga tingin ko sa kanya.
Alam niya na kasing hindi ko gusto ang pagmumukha niya.
Maingay ang lahat sa loob ng sasakyan, pero dahil mahaba-haba ang byahe, naubusan
rin ng kwento yung mga engkantong kaklase ni Sam dun sa likod.
Medyo naantok-antok na rin ako habang nakatingin lang sa dinadaan namin. Pero hindi
ako makatulog dahil nadidistract ako kay Sam na pagewang-gewang na ang ulo.
“Pfffttt...” Mas inaantok siya.
Inayos ko pa yung pwesto ng balikat ko para naman maipatong niya ang ulo niya
saakin... kaso...
*toinks!*
Anak ng!!! Sa right side lumanding ang ulo niya!!! Dun sa balikat ni Kian!!!
“Ay ang sikip-sikip naman!!! Umusog naman ng konti jan!!!” Sinadya kong itulak si
Sam para maalimpungatan siya at umusog naman sila pareho ni Kian nung sinabi kong
masikip.
One more time Sam, sa left side mo ibagsak ang ulo mo. Dito ka sa balikat ko
matulog...
*toinks!*
Pusanggala naman talaga!!! Bakit dun na naman sa balikat ni Kian lumanding ang ulo
ni Sam!!! Tinignan ko din yung reaction ni Kian, feel na feel niya na parang
boyfriend siya!!! Tapyasan ko ang bunbunan nila pareho eh!!!
“Sam!!!” Pasigaw kong sinabi kaya nagulat silang lahat pati na rin yung mga tao sa
likod.
“Eli!!! Nakakagulat ka naman!” Bangag pa itchura niya dahil sa antok.
“Pengeng kendi.” At binigyan niya naman niya ako agad saka siya bumalik sa
pagtulog. Hindi ba niya ma-gets na nagpapapansin AKO na BOYFRIEND NIYA at saakin
siya dapat sumandal at hindi sa ibang balikat ng lalaki!!!
Inabangan ko ulit yung pag-gewang ng ulo niya, at ito na ang last chance niya.
Kapag yung ulo niya hindi pa rin sa balikat ko natumba, ewan ko na lang!!!
Yan yung movements ng ulo ni Sam! Minsan meron pa yan pa-forward tapos bigla siyang
magigising at mapipikit ulit! Let’s continue...
*Left...*
*Left...*
*toinks!*
Pwede ko naman din kasing hawakan ang ulo ni Sam para sa balikat ko siya ma-
direcho... pero bakit hindi ko ginawa? Simple lang ang sagot!
Ang dating pa tuloy, ako ay isang simpleng pamangkin lang ni Sam, at si Kian ang
nababagay na maging boyfriend niya.
Hindi na tama ‘tong nangyayari. Parang second choice na lang ako palagi. Masyado
nang masakit! Masyado nang nakakalalaki!
(╯_╰)
“Sorry naman. Hindi mo naman ako ginising!” Sa buong biyahe kasi, nakasandal lang
kay Kian ang ulo ko! Nakakahiya tuloy sa kanya.
“Okay lang. Mukhang antok na antok ka kasi eh.” Nagtawanan na lang kami habang isa-
isa naming binubuhat yung mga gamit papasok na sa mga kwarto namin.
Maayos na sana ang lahat , kaso napapansin ko na ever since makarating kami dito,
tahimik lang si Eli at wala siyang pinapansin kahit sino man. “Uy! Okay ka lang?
Magpahinga ka na lang sa kwarto niyo.”
Hindi niya lang ako sinagot at kinuha yung bag niya papasok sa kwarto. Ano kayang
problema nun?
* * *
Wala na rin kaming sinayang na oras at nag-shoot na kami agad para sa audio-visual
presentation namin. Ito kasi yung final requirement para sa isang major subject.
Lahat kami busy pero hindi ko nakikita sa paligid si Eli. “Beb, si Eli ba natutulog
pa rin sa kwarto niyo?”
“Nakahiga siya sa kama niya kanina tas nakikinig lang ng music. Tahimik nga
masyado.”
“Bakit?” - (O..O)?
Tapos hinila niya ako para bulungan. “Gaga ka bang talaga beb? Tama ba kasing kay
Kian ka sumandal kanina. Gising kaya si Eli sa buong byahe natin. Nakikita ko nga
yung reflection niya dun sa salamin, palagi lang nakatingin sainyo.”
Nag-alala tuloy ako sa sinabi ni Byron. Gusto ko na sanang puntahan si Eli kaso
busy kami ngayon! Buong araw namin kailangang sulitin ang pagshu-shoot dahil baka
magahol kami sa oras.
Meron din kaming swimming pool scene kaya sinabihan ko na yung mga models namin na
magpalit na sila ng pang-swimsuit nila.
“Ikaw Sam? Ayaw mong mag-model?” Aya saakin nung isa naming ka-group na lalaki.
“Kanina pa namimilit ‘tong si Leader Kian eh.”
“Eh yung pamangkin mong si Eleazer? Diba pinagmodel niyo siya sa isang project
dati? Baka siya pwede ulit nating ipam-model ngayon? Para naman makatikim din kami
ng A+ sa grade.”
“Oo nga Sam! Ang gwapo pa naman niya!” Segunda naman nung isa kong malanding
classmate.
“Naku masungit yun. Baka mahirapan kayo kay Eleazer.” Inunahan naman ako agad ni
Kian.
“Okay lang! Nanjan naman si Sam eh. Sige na! Subukan mo na siyang ayain!”
“Okay sige na nga!” Chance ko na rin ‘to para makausap na siya at makapag-sorry
kung nagselos man siya kanina. “Hintayin niyo lang ako! Puntahan ko na siya.”
Nagmadali naman akong nagpunta sa room ng mga boys at kumatok ako pero walang
sumagot. Pagbukas ko, wala naman dun sa loob si Eli.
“Uy! Nakita mo yung pamangkin ko?” Tanong ko dun sa isa naming male model na
kabibihis pa lang.
“Kausap niya sila Lira kanina nung dumating kami.” Si Lira ay hindi naman namin
kaklase pero kinuha siyang model ng ka-group ko. Maganda siya, sexy at may lahing
Chinese. “Nandun na yata sila sa room ng mga girls.”
Nung narinig ko yun, nakaramdam ako bigla ng asar at sabihin na nating selos. Wala
sa tipo ni Eli na maki-ride sa paglalandi ng ibang babae, lalo pa kung wala ako.
Kaso pagpasok ko sa kwarto namin, nandun nga si Eli na nakaupo sa isang kama at
nakikipagtawanan pa sa mga kaklase kong babae at ilan pang models.
“Anong ginagawa mo dito? Kwarto ‘to ng mga girls.” Parang hindi niya narinig na
kinausap ko siya at nakatingin lang siya sa ibang babae.
“Grabe! Ang kulit pala nitong pamangkin mo, Sam! Akala ko masungit siya eh.”
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero hindi ako masaya na may ibang babaeng
nginingitian si Eli!
“Basta ba nakatwo-piece nga lang talaga kayong lahat. Ayoko ng may mga nakasarong!”
“Oo na nga eh! Sa swimming pool scene nga!” At ang mas nakakapang-init pa ng dugo,
parang close na sila nung Lira!
“Basta ba ikaw sasagip saakin.”
“Weh! Pasali din kami!!!” Tapos nagtawanan silang lahat at enjoy na enjoy nila
pareho ang pakikipag-flirt sa isa’t isa.
“Eli, tara nga!” Hinila ko siya pero bago kami lumabas ng kwarto, “And you girls.
Dalian niyong mapalit! Puro kayo daldalan jan.”
(ό_ὸ)
“Nothing’s wrong. Baka sayo meron.” Matagal kaming magkatitigan pero si Eli din ang
unang umiwas ng tingin.
“Kung galit ka saakin, sabihin mo.” Alam ko naman na malaki na talaga ang issue ni
Eli kay Kian. Pero mahirap ba kasing intindihin na magkaibigan lang kami nung tao.
“Kung nagselos ka kanina, sabihin mo!”
Ayokong bigyan ng malisya yung saamin ni Kian at bukod pa roon, kung totoo ngang
may gusto siya saakin, alam naman na dapat ni Eli na siya naman ang mahal ko.
“Wag mong idaan sa ganito Eli.” Dahil hindi ko rin kakayanin ang selos. Hinintay ko
siyang sumagot pero wala lang siyang imik.
Nabasag lang yung katahimikan nang dumating si Kian. “Magi-start na ulit yung
shooting.” Nahati pa ang attention namin dahil...
“ELI!!!” Sigaw nina Lira at nung iba pang girls na nakapa-swimsuit na. “Tara na!!!
Magshu-shoot na daw!!! Model ka na diba!!!”
Nginitian sila ni Eli at tumango pa ito. “Oh sige, pupunta na ako jan!”
Sandali lang siyang tumingin saakin tapos umalis na rin siya agad para puntahan na
yung mga models. Dinaanan niya lang rin si Kian at hindi na ito pinansin.
Ang sama sa pakiramdam pero ayokong ipahalata na ganito nga ang nararamdaman ko.
Nung lumapit saakin si Kian, “I guess napapayag mo na siyang mag-model ulit.”
“Ha... o... oo.” Sinagot ko siya pero nakayuko ako para hindi niya makita yung
mukha ko. “Tara na sa pool. Start na diba.” Then I flashed a fake smile at nauna na
lang akong naglakad papunta doon.
* * *
Nagtuluy-tuloy lang sa ganitong attitude si Eli towards other girls. Ngayon ko lang
siyang nakitang parang nag-eenjoy na makipagharutan sa ibang babae! And to think na
nandito ako at pinapanood sila.
Masyado silang touchy sa isa’t isa, at mas agaw-attention pa nga si Eli kesa dun sa
ibang male models na nakuha namin dahil siya na lang pinapansin nung ibang girls.
“Ano naman! Age doesn’t matter, diba Sam? Ikaw ba boto ka kay Lira para sa
pamangkin mo?”
Si Eli chickboy? Type siya nung Lira? Bagay sila? Age doesn’t matter? What the
heck! Gusto kong umiyak pero kung iiyak ako, anong idadahilan ko!!!
Nagpunta kami sa isang malaking lamesa at nakalatag na yung mga pagkaing binaon
namin.
“Masarap ‘tong pansit Eli! Pinaluto ko pa yan sa katulong namin!” Sabi ni Lira.
“Hindi siya mahilig jan! Spaghetti ang favorite niya dahil may cheese...”
“Uy mukhang masarap yung pansit!” Nasa harap na niya yung platong inalok ko pero
kinuha pa rin niya yung binigay ni Lira at yung pansit yung kinain. “Thanks Lira!”
Hindi pa sila nakuntento at nagtabi pa talaga sila sa upuan!
Nabubwiset na ako!!! Gusto ko silang kalbuhin pareho!!! “Uy ako! Gusto kong tikman
yung spaghetti! Ikaw nagluto nito Sam?”
“Ha... oo. Ito na lang sayo oh.” In-offer ko sa kanya yung platong tinanggihan ni
Eli at lalagyan ko pa sana ng cheese pero...
“Ganun?”
“Pffft!!! Allergic ka sa cheese? Malas mo naman!!! Ang sarap kaya ng cheese! Diba?”
“Oo nga!!!”
“Kawawa ka naman pala! Eh di hindi mo rin naeenjoy yung pizza at ibang pagkaing may
cheese. Hahahaha!”
Tinawanan lang rin ni Kian yung pang-aasar sa kanya ni Eli. Tapos kinain na lang
yung pagkaing binigay ko sakanya.
Ako naman, kumain na lang din ako... pero mae-empacho yata ako sa mga pinaggagagawa
ni Eli at nung ibang malalanding models kaya tumayo ako at lumipat na lang sa ibang
pwesto.
Naupo ako sa isang bench sa may di-kalayuan ay juice na lang ang dinala ko.
Nakakawalang-gana na rin talaga kasi!
“Uy beb!”
“Byron...”
“Nabubwiset ako kay Eli eh.” Buti na lang nandito ang bestfriend ko at handang
dumamay saakin.
“Alam mong hindi talaga ganun ang ugali nung boyfriend mo Beb.”
“Alam ko naman yun.” At hindi ko na napigilan na tumulo ang luha ko. Buti na nga
lang walang ibang taong malapit at walang nakakahalata saamin. “Pero... yung
sadyain niya na saktan ako... yung gantihan ako para magselos din... ang sakit beb!
Ang sakit-sakit!”
Isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat ni Byron habang kino-comfort niya ako.
“Hayaan mo, mapag-uusapan niyo rin yan.”
...to be continued
=================
Chapter 45.2
“Hindi pa ako makatulog eh.” Pagod ako, sobra! Pero dala na rin ng problema kaya
hindi ako madalaw ng antok. “Bakit ikaw?”
Naupo sa tabi ko si Kian at pareho kaming nakatingin lang sa malayo. “Hindi rin ako
makatulog eh. Iniisip ko yung kapatid ko, nandun kasi siya nakikituloy ngayon sa
kapit-bahay namin.”
“Makulit yun!” Nakwento na saakin noon ni Kian na silang dalawa na lang ng kapatid
niya ang natitirang magkaramay. Two years ago lang daw nung iniwan na sila ng mama
nila dahil sa sakit na cancer.
Yung papa naman nila, matagal na ring namatay. Kaya nga malapit ako kay Kian, kasi
pareho kami ng sitwasyon. Ulila na sa mga magulang at tanging kapatid na lang ang
natitirang kamag-anak sa mundo.
“Wala.”
“Kapag hindi mo sinabi yan ngayon, bibigat lang lalo yang pakiramdam mo.”
Tumango ako. “Pero hindi pa yun ang ipagtatapat ko sayo.” Huminga muna ako ng
malalim. Gusto ko nang sabihin kay Kian na boyfriend ko si Eli. Alam ko namang
maiintindihan niya.
At tsaka at least kapag nalaman na niya, mas mapapanatag yung loob ko at syempre pa
si Eli. “May... may...”
“Sabi mo wala ka namang boyfriend diba? May iba ka bang gusto? Bakit friend lang?”
Nagtataka ako sa tanong ni Kian.
Eh kasi magkaibigan lang naman talaga kami, DIBA? Nakaramdam tuloy ako ng
kakaiba... na parang ito na nga yun... ito nga yung hinala ni Byron at lalong lalo
na ni Eli.
“Hindi ko alam kung kelan Samira... but ever since that day you helped me, and the
following days na palagi kitang nakakasama, everything just changed...” OWEMJI!
This is not what I think it is!!! Sabihin niyo nga, hindi ito yun. “I’ am happy
when you’re happy. And whenever you’re sad, I also feel the same...”
“I lied.”
“Sino?”
“I can’t tell you.”
“I’m sorry.” Yun na lang ang nasabi ko sa biglaang confession ni Kian. And he just
said it... he likes me daw. “I’m really sorry.”
“Yes.”
“Kilala ko ba.”
I didn’t answer.
“KASI SIYA ANG MINAHAL KO!!!” Nagkataasan na kami ng boses. Hahawakan pa sana ni
Kian ang kamay ko pero umiwas ulit ako. “I’m sorry Kian. I’m glad you like me
but... we’re just friends.”
So all along, may reason nga kung bakit nagseselos si Eli sa kanya.
Sana maaga pa nalaman ko na ganun na pala ang nararamdaman niya saakin para
nakaiwas na ako kay Kian at para mapigilan niya yung feelings niya for me.
Pagkalayo ko kay Kian, I tried calling Eli’s number para lumabas siya sa kwarto
nila. Nakailang ring na pero hindi niya sinasagot... then I felt or heard
something.
Parang naririnig ko somewhere yung ringtone ng cellphone ni Eli kaso mahina lang.
Hinanap ko kung saan yun nanggagaling so patuloy lang ako sa pagtawag until dalhin
ako nung tunog na naririnig ko sa may malapit sa pool.
Nasa lamesa yung jacket ni Eli at nakalagay sa bulsa nun ang cellphone niya. “Bakit
‘to nandito?”
Pero hindi pa yun natatapos dun, I heard a splash from the pool. Naririnig ko yung
boses ni Lira at may kinakausap siya at kabiruan.
Nagtago ako dun sa may poste at pagsilip ko, si Eli ang nakita ko. Nagna-night
swimming sila ni Lira.
I can’t imagine that I’m still living at this exact moment nang makita si Eli na
kasama si Lira. Ganitong oras na, magkasama sila! Nagtatawanan! Naghaharutan! And
they’re acting as if there are dating! As if girlfriend ni Eli si Lira, and
boyfriend ni Lira si Eli!
And everything just crushed down inside me when I saw them kissing. Gusto kong
sumugod pero napako yung paa ko sa kinatatayuan ko.
The pain is just so unbearable that no words came out from me except from the tears
rolling down my cheeks.
But in an instant may biglang humila saakin... kaya napasigaw ako ng konti. I doubt
naman na narinig nila Eli at Lira ang boses ko.
“Ki... Kian? What are you doing here?” He’s staring at my crying face.
“Do you still love him after that?” Ibig bang sabihin, nakita rin ni Kian yung mga
nakita ko tungkol kina Eli.
“Bitawan mo ako. I’m going to sleep.” But instead of letting me be alone with
myself, Kian pulled me and pressed me against the wall. “Ano bang ginagawa mo!!!”
Umiiyak pa rin ako and gusto ko nang umalis dahil hindi ko mapigilan ang mga mata
ko.
“I’m asking you if still love him! Nambababae siya, he doesn’t even care kung
masaktan niya feelings mo.”
“I don’t care! Just leave me alone.” Sinubukan ko siya itulak pero mas inilapit pa
niya ang katawan niya saakin. “Kian... please... ang sama-sama na ng pakiramdam ko!
Wag mo nang dagdagan!”
“Let me rephrase what I said just while ago. I don’t like you Sam... I love you.”
Iniwas ko ang tingin sa kanya lalo pa dahil ang lapit na ng mukha niya saakin. Then
he tried to kiss but avoided it.
Lalo akong kinabahan dahil hinawakan na niya ang mukha ko at itinuloy ang paghalik
saakin. I protested pero nagdampi na ang mga labi namin. Mas naiyak ako ngayon na
parang sasabog na ang puso ko.
“I don’t care.” Once again, he leaned down his head to kiss me so I just closed my
eyes.
At pagmulat ko sa mga mata ko, hinila na lang ako agad ni Eli papalapit sa kanya.
“WALANG HIYA!!!” Saka niya tinulak si Kian at sinuntok ito sa mukha.
“Eli?” Paanong napunta agad dito si Eli eh magkasama sila kanina ni Lira?
“Sabi ko na nga ba!!!” At sinuntok muli ni Eli si Kian. “Anong karapatan mong
halikan si Sam!!!”
Gumanti na ng suntok si Kian at tinamaan niya si Eli. Pero yun ay dahil hindi ito
inilagan ni Eli. “Ganun ha!!!” Lalo silang hindi nagpaawat ngayon.
Sa ingay namin ni Lira sa pagpipigil kina Eli at Kian, nagising namin yung iba at
agad silang lumabas para awatin yung dalawa.
“Ano lumaban ka!!! Mahal mo siya? Ni hindi mo nga ako kayang patumbahin!!!”
“OO AKO!!! DAHIL AKO PA RIN ANG BOYFRIEND NIYA!!!” Naisigaw ni Eli yun sa harap ng
lahat at nagulat ang mga kaklase ko at iba naming kasamahan.
“Boyfriend?”
“Mag-on sila?”
Hindi ko na rin naman na napakingan yung ibang bulungan, tanong, pagtataka at gulat
nung iba dahil agad akong hinila ni Eli papunta sa kwarto.
Inayos niya ang mga gamit niya at binitbit ito. Sunod na pumasok siya sa kwarto ng
mga girls at kinuha yung bag ko. Bitbit niya yung dalawang bag namin habang hawak
pa rin niya ako sa braso at papunta na kami dun sa gate.
“Uy Eli!!! Uuwi na ba kayo agad? Hatinggabi na!!!” Hinawi lang ni Eli si Byron
dahil desidido na nga siyang umuwi na kami.
Tinignan ko na lang sila dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Masyadong
mabilis at magulo ang mga pangyayari.
Hindi rin naman kami nahirapan na makasakay ng bus pauwi. Naging mabilis pa ang
byahe dahil walang traffic.
Nagtuluy-tuloy ang mabilis na andar ng bus, magkatabi kami sa upuan, pero ramdam ko
yung tension sa pagitan na naming dalawa. Hindi niya ako iniimik, ni hindi rin ako
tinitignan.
〷╯﹏╰〷
Pagpasok namin sa loob ng bahay, itinapon niya lang ang mga bag namin sa may gilid
at nakatayo lang ako sa isang tabi... “Eli...”
“WHY ARE YOU DOING THIS TO ME!!!!!!” Ang malakas niyang sigaw na nakabasag sa
katahimikan. Kanina pa siya nagtitimpi at ngayon nailabas na niya yung galit.
“Eh bakit ikaw!?!” Pero tulad niya, kanina pa din ako nagtitimpi! “I saw you
kissing Lira on the pool!”
“Nakita mo ba lahat ng nangyari ha?!?”
“I was there!!!”
“WALA KA DOON DAHIL SUMAMA KA KAY KIAN AT PUMAYAG KANG HALIKAN KA NIYA!!!”
Hindi ko alam kung bakit yun ang isinagot ko sa kanya, but I realize that I just
did a very wrong move.
Parang mas ginalit ko siya ngayon. Lumapit siya saakin at nanliit ako kaya pinilit
kong umiwas. Pero humawak siya sa braso ko, hinila niya ako at ibinagsak ako sa
sofa. “ANO BA!!! BITIWAN MO AKO!!!”
Hindi ako makatayo dahil iniharang niya ang katawan niya. Nasa ibabaw ko siya kaya
tinutulak ko siya pero hindi ko magawa.
Pero...
At hindi ako makapaniwala dahil for the first time, si Eleazer Pacual, ang sikat na
Idol ng lahat, umiiyak ngayon sa harap ko. “Eli...”
Balak ko na sana siyang yakapin pero agad siyang tumayo at pinunasan ang mga mata
niya. Tinalikuran niya ako at dumirecho siya paakyat sa taas.
Hindi ko gustong masaktan si Eli. At ngayon alam kong hindi niya rin gustong saktan
ako. Hindi ko rin matanggap kung bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat.
Nagmadali akong tumayo bago pa man tuluyang makaalis si Eli. At sa pagtakbo ko, isa
lang ang gusto kong gawin. Ang yakapin siya sa likod at sabihing...
“I’m sorry Eli!” Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. “You’re right, I was too
naïve about Kian. Pero alam na niya Eli. Alam niyang hindi ko siya kayang mahalin
dahil sinabi kong ikaw lang. Ikaw lang ang gusto ko at wala nang iba.”
Hinawakan niya ang kamay ko at pilit niya itong inaalis para bitawan ko siya. “I
didn’t mean to hurt you this much, I’ m so sorry...” At hindi ako bibitaw. “I love
you, Eli!!! I love you... I love you...” At paulit-ulit ko yung sinabi sa kanya
hanggang sa mawalan siya ng lakas na pilitin akong bitiwan siya.
“I love you... I love you... I love you... I love you... I love you...” I was
chanting over and over and over and over again just to calm his tensed body.
And we stayed on that position for a long time. “I love you... I love you...” Hindi
ko na alam kung gaano yun katagal, at kung ilang beses ko yun pinaulit-ulit na
sabihin na parang nauubusan na ako ng boses.
And when he finally felt my sincerity, he turned around to look at me, he cupped my
face and said, “I love you too. I love only you.” Pareho na lang kaming napaiyak as
we hugged each other again.
I will never want this to happen again. Ayokong magselos ako at magselos din siya.
Dahil iisa lang naman ang nararamdaman namin eh. Si Eli lang ang mahal ko, at alam
kong ako lang din ang mahal niya.
And now we both realize na kailangan na talaga naming ipaalam sa lahat ang tungkol
saamin para maiwasan ang ganitong pangyayari. Mas magiging matapang na ako ngayon,
ihahanda ko na ang sarili ko para ipaalam sa lahat na kami ni Eli.
At wala nang makakapigil this time. We won’t let anyone to stop us now.
(◡_◡❤)
=================
Chapter 46
“Good mornight din.” Nakatayo si Eli sa harap ng pinto ng kwarto niya at ganun din
ako sa kwarto ko. Sabay naming binuksan ang pinto at... “Sweet dreams.”
Pagpapasok ko sa kwarto ko, pumasok na rin si Eli sa loob ng kwarto niya pero
ulit... “Ah... Sam?” Sumilip siya so sumilip din ako.
“Bakit?”
“Ah... wala... wala. Sige, tulog ka na ng mahimbing.” Ngumiti lang siya ng parang
ewan at pumasok na sa kwarto niya.
After ng pinakamalala na siguro naming away, para kaming mga timang at mongoloid sa
mga ikinikilos namin. Nagkakahiyaan pa kunyari.
“Antok na antok ako nun eh, alam mo namang sabog ang pag-iisip ko kapag inaantok
ako diba.” - /╯﹏╰\
“Alam mo rin ba yung Law of Love Gravity? Dahil mahal mo ako dapat saakin ka lang
babagsak!” - (ಠ_ಠ)
“Ikaw rin, ipapamulto kita sa parents ko dahil sinaktan mo rin naman ako ha!
Nakipaglandian ka sa mga babae.” - ≧◔﹏◔≦
“Oh sorry! Aminado akong pinagselos kita pero I promise naman na wala akong nilabag
na kahit na ano.” - ٩(×_×)۶
“Eh ano yung nakita kong nagkiss kayo ni Lira! Nakita ko yun ha!” - (╯ಊ╰)
“Okay, ni-kiss niya ako but I didn’t kiss her back! Tinulak ko nga siya dahil ang
sagwa ng lasa ng bibig niya! Parang hindi nagtooth-brush! Yuck! Walang-wala sa lasa
ng lips mo Bugal!” - ٩(๏̯͡๏)۶
“Ano???” - (⋋▂⋌)
“I’m sorry kung hindi ako nakinig sayo. But when he finally said it, sinabi ko rin
sa kanya na ikaw naman ang mahal ko. And now that we both know, I guess tama nga
lang na layuan ko na muna siya.” - (◡_◡✿)
ヽ(❤¬ ‿¬)人(◡‿◡❤)ノ
~END OF FLASHBACK~
“Ahay... inaantok na ako...” Napahikab ako at pupunta na sana ako sa kama ko pero
biglang bumukas yung pinto kaya nauntog yung ulo. “Ay kabayong butete naman! Aray
ko...” Habang hinihimas ko yung ulo ko.
“Oo... bakit?” Bakit na naman siya nandito? “Diba nasa kwarto ka na?”
“Ano kasi... um...” May gusto siyang sabihin pero obvious na nahihiya.
Ako - (O_O)
Wala na bang mas ilalaki pa ang mata ko jan? I didn’t expect na after this,
gugustuhin ni Eli na gawin namin yun! Owno!!! Hindi pa ako ready!!!
“Ano na namang iniisip mo? Hindi tayo magse-sex ha.” Ano ba naman walang pasintabi!
Ako nga hindi ko mabanggit yung salitang yun kahit sa isipan ko, tapos siya naman
derechuhan lang sinabi! “Gusto lang kitang makatabi. Yun lang.”
Matagal lang akong nakatitig sa kanya. “O... okay.” Hindi naman ako makahindi.
“Saan? Sa kama mo sa kama ko?” Ohmaygawd Sam! Parang sagwa ng tanong ko!
“Sa kwarto ko.” Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila niya ako papasok sa
kwarto niya.
Ang tagal ko pang nakatitig sa kama niya. Bakit kasi biglang nagkaganito? Pero ano
ba naman Sam! Matutulog lang nga kayo! Magkatabi nga lang daw! Walang ano... ano...
yun... sex daw... aish!!! Kinikilabutan ako kapag naiisip ko yun!!! Ay ano ba
yan!!! Bakit iniisip ko yun!!!
“Tara na nga! Matutulog na ako!” Nauna na akong nahiga para hindi halata na medyo
kinakabahan ako.
Pero pagkahiga ko, yumakap ako agad sa unan at nagtago dun sa kumot. Mas naging
stiff ako nung maramdaman kong humiga na rin sa kabilang pwesto si Eli.
“Mygaly naman! Ano ba ‘to! Inaantok na ako pero kinakabahan ako! Ang lakas ng kabog
ng dibdib ko! Nararamdaman ko pa yung braso ni Eli na saglit na nadikit sa likod
ko!!! Uwaaahhh!!! Hindi yata ako makakatulog nito! Bakit ba kasi pumayag ka! Sana
humindi ka na lang kung hindi mo naman din kaya!” Ayan! OA na sa pagwawala ang
isipan ko!
“Lumayas ka na nga lang, Sam.” Bigla siyang bumangon at tinutulak-tulak ako. “Sana
humindi ka na lang kung hindi mo rin talaga kaya.”
“Bakit mo binabasa isip ko?” Sinimangutan niya lang ako, pero hindi niya ako
tinignan.
“Sige na, balik ka na nga lang sa kwarto mo.” Tinutulak na talaga niya ako pero
halata sa boses niya yung asar.
“Aray... aray naman... dito na lang nga ako!” Pakunwari pa ako eh noh! Gusto ko rin
naman! Letchugas naman kasing hiya ito! Lagi akong dinadalaw. “Dito na ako
matutulog. Promise, okay lang saakin.”
“Talaga?”
“Oo.”
“Sabi ko nga doon na ako sa kwarto matutulog eh.” At syempre ni-killer eyes na
naman ako. “Joke lang! Pero bakit may yakap?”
“Wala lang...”
“Unan ayaw mong kayakap? Mas malambot ‘to.” Try lang baka makalusot.
“Ayoko kaso hindi yan ikaw. Yung unan ba yung inaya kong makatabi? Diba ikaw
naman.”
Tapos nung magyayakap na talaga kami, parang hindi pa namin alam kung paano
yayapusin ang isa't isa, samantalang ilang minuto naming ginawa yun kanina. Nung
una parang ang stiff pa namin pareho... pero nung tumagal na, hindi naman pala
masama.
Actually, ang sarap pa nga sa pakiramdam na kayakap si Eli. Ayiieh! Ang landi ko na
talaga! Sinapian na yata ako ng old self ni Byron eh!
“Tulog ka na, Sam. Baka mamaya kung ano pa mangyari! Magkatabi pa naman tayo
ngayon, sige ka...” Anong mangyayari? Kinurot ko nga yung gilid ng kilikili niya.
“Araaaaay~ bakit?”
“Hindi wag...” Tapos humigpit pa yung kapit niya saakin. Now I know kung ano ang
feeling ng nalilingkisan ng anaconda, parang ganito siguro yun. “Tabi lang tayo.”
At ni-kiss niya ako sa forehead.
Uwaaah! Ang sweet naman! Panigurado bukas, tanghali na talaga kami magigising dahil
bukod sa pareho kaming puyat... ahem... mapapasarap talaga ang tulog naming dalawa
ngayon! Ahihihi!!! Putek! Ang landi ko talaga! Okay lang yan! Bakit ba? Ngayon lang
naman!!!
≧❀‿❀≦
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Akala ko kasi may narinig akong
kumakalabog, imagination ko lang pala!
Yung kamay niya, nakayakap naman sa bewang ko. Kitam mo ‘tong babaeng ‘to, nahihiya
pa kunyari, yun naman pala sarap na sarap na makayakap ako sa pagtulog.
Tinitigan ko siya, tapos inamoy ko yung buhok niya. Hmmm~ amoy pawis! Joke lang!
Mabango kaya si Sam! Kaya nga nainlab ako sa kanya eh.
Tapos parang naalimpungatan siya dahil sa kalikutan ko kaya pinikit ko ang mga mata
ko para kunyari siya ang unang nagising saamin.
“Uwaaah... eleven na pala!” Sabi niya tapos pakiramdam ko nakatitig siya saakin.
“Ayiiehh!!! Ang gwapo talaga ng boyfriend ko!” Wooooaaahhh~ kung alam niyo lang
kung gaano ako kasaya!!! “Pa-kiss Eli ha!” Woooooaaaaaahhhh ulit~ at ni-kiss niya
ako sa pisngi! Pisngi lang?
Ayos din pala ‘tong si Sam! Porket tulog ako kunyari, sinasamantala na ako! Naisip
ko nang gulatin siya dahil feel na feel niya ang pagnanasa niya saakin...
Kaso...
“Eli? Sam?”
Napadilat ako at nakita ko ang gulat din na mukha ni Sam. Sabay kaming lumingon sa
boses na tumawag saamin at...
Sila mommy at tito Rico!!! Nakita kami ni Sam dito sa loob ng kwarto ko at
magkayakap pa sa iisang kama!!!
Nasa living room kaming apat. Magkatabi sina mommy at tito Rico sa sofa samantalang
nakaupo kami ni Sam sa dalawang upuang pinagtabi namin.
Nagpapakiramdaman lang kami, pero alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isipan nila.
Ano nga bang unang iisipin ng iba kung ang babae at lalaki na nasa tamang edad na
ay nagtabi sa isang kama? Syempre, iisipin na nilang may nangyari saamin.
Inunahan ko na agad sila kesa hindi namin maipaliwanag ang lahat. “Wala pong
nangyari saamin. Nagtabi lang kaming natulog and nothing happened, I swear.”
Nakayuko lang si Sam at hindi makatingin ng direcho sa kanila.
“Pero...”
“September pa! Naka-four months pa lang kayong magkasama noon ha! Tapos ngayon niyo
lang sinabi? Ganun na pala kayo katagal!”
Bago pa man ituloy ni Tito Rico ang sasabihin niya, which I believe na sasabihin
niyang paghiwalayin kami ni Sam, inunahan na namin siya.
Maya-maya umiyak na si mommy sa harapan namin. Ganun din si Tito Rico habang kino-
comfort niya ang asawa niya.
“Ate Pia, please naman po. Sana po matanggap niyo yung tungkol saamin and we don’t
want you to feel bad. Baka makasama sa baby mo.” Next month pa naman na ang
kabuwanan ni mommy. Sa April na yun.
“Kayong dalawa...”
“Mommy, stop crying. Sam is right? Please understand us. Mahal talaga anmin ang
isa't isa!”
“Ano bang pinagsasabi niyong dalawa hah! Kanina pa kayo salita ng salita, hindi na
namin matapos yung gusto naming sabihin. Sino bang may sabing paghihiwalayin namin
kayo ha?”
Po? - (◑..◑)?
“Oo nga!” Tapos humagulgol lalo si Mommy. “A... *hikbi* a... *hikbi* akala ko hindi
na makakahanap ng girlfriend itong anak kong si Eli eh! Uwaaahhhh!!!” Ano daw?
“Kasi ang sungit-sungit ng batang yan! Ang pihikan masyado! Wala man lang nagiging
crush! Tapos ang palagi niya lang kasama eh yung sina Waine at Argel at yung mga
kabarkada niya sa school... *hikbi* Kaya akala ko talaga bakla na yang si Eli
eh!!!”
“ANO???” Pusanggala naman! Sa gwapo kong ito, mapaghihinalaan akong bakla!!! Sarili
ko pang ina!!!
“Oo nga!! Isa pa yang si Sam!!! Wala man lang boyfriend!!! Puro pa si Byron ang
kasama!!! Kaya akala ko may identity crisis na din siyang pinagdadaanan!!!”
“HOY KUYA!!! SO INISIP MONG BAKA TOMBOY AKO???” Ano ba namang pinag-iisip ng mga
‘to! Wala lang akong girlfriend noon, bakla na agad? At si Sam naman, NBSB lang,
tibo na agad!!!
Amputek! Ayus din 'tong mga kamag-anak namin ha! Naturingang mga ka-dugo, ganun ang
hinala saamin!
“Ano ba namang pinag-iisip niyong bata kayo! Hindi naman kayo magkadugo ha!”
“Kaya ba ayaw niyong ipaalam saamin dahil yun ang iniisip niyo? Napaka-old fashion
niyo naman kung ganun!”
Ganun naman pala eh! Sa hinaba-haba ng panahon na tinago namin ang relasyon namin,
ginusto rin pala nina tito Rico at ni mommy na magkagustuhan talaga kami!
Kung sa bagay, sino ba namang matinong nanay at kuya ang papayag na magsama ang
dalawang teenagers sa iisang bahay diba! Syempre nasa age kami na pwedeng hindi
namin mapigilan ang mga init at tawag ng bituka!
Pero ang isa lang talaga na hindi ko matanggap eh yung napaghinalaan akong
bading!!! Tsk! Eh sa hinihintay ko lang talaga ang pagdating ni Sam sa buhay ko eh!
Hay naku! Pero bakit pa ba ako magwawala eh ayos na ang lahat! Masasabi kong sa
wakas naman!!! We’re free at last!!!
≧✯◡✯≦✌
Ang saya sa pakiramdam na tanggap naman pala nina kuya at ate Pia yung tungkol sa
relasyon namin ni Eli! Biruin mo, sinadya pala din talaga nila na ipagsama kami sa
isang bahay para lang talaga magka-boyfriend ako at magka-girlfriend naman si Eli.
Sama-sama kaming nag-lunch at usap-usap lang din! Nagbigay sila ng mga advice at
nagbilin pa na hangga’t maari, wag daw muna naming gawin yung talagang magtabi at
gumawa ng himala! Alam niyo na! SEX! Oh yan sinabi ko na!!! Pero malaki rin naman
ang tiwala nila saamin noh kaya kampante sila.
Hindi na rin naman na nagtagal pa yung mag-asawa at umuwi na sila. Nung kaming
dalawa na lang ulti ni Eli...
“Bakla ka pala, Eli eh.” Natatawa pa rin ako sa sinabi ng mama niya!
“Pero bakla ka! Ahahahahahaha!!!” Nung naging kami, ang lakas ko na rin talagang
mang-asar! Pero masaya lang ako ha! Bukod kasi sa naayos namin yung away namin
kahapon, naamin na rin namin sa wakas ang tungkol sa relationship namin.
“BAKLA! BAKLA! BAKLA!” At sa lahat naman din ng Idol, siya na ang pinakamadaling
mapikon!
“Ah ganun ha! Bakla pala!!!” Bigla niyang kinuha yung hose at madali niyang inikot
yung gripo para basain ako.
“Ikaw rin naman, wala ka pang ligo!!!” Inagaw ko sa kanya yung hose kay nabasa na
rin siya!
“Weh ang epal nito!!!” At nung tuluyan kong maagaw yung hose, sinadya kong patamaan
ang bibig niya kaya nakainom siya ng tubig! Ahahaha!!! “Pweeehhh!!! Ikaw!!!”
Asaran, tawanan, harutan, pagmamahalan... biglang ganun? Ahahaha!!! Pero ayun nga
masaya lang talaga kami kaya para kaming mga batang tuwang-tuwa sa paglalaro ng
tubig!
Itinutok pa ni Eli sa taas yung hose kaya parang umuulan na at habang ginagawa niya
yun... nag-soul kiss lang kami! Nila-LANG na lang ang soul kiss noh!
Evrything is just perfect! Magkasama kaming dalawa, wala nang problema! Tapos nung
nagkatinginan na kami, bigla siyang napatingin sa bandang dibdib ko, hindi ko ma-
explain yung itsura niya kasi napanganga siya at umiwas ng tingin.
Ohmaygawd!!! Pero bago pa man ako magpanic, niyakap ako bigla ni Eli para matakpan
yung harapan ko.
“OO mga istorbo kayo kahit kelan!!! Tumalikod muna kayo!!!” Agad naman itong
sinunod nina Waine at tumalikod sila. “May bangas ang haharap saamin ha!”
“Yes Idol!”
“Oh Sam...” Binitawan na niya ako at sa ibang dako siya nakatingin. “Akyat ka na
kwarto mo! Magpalit ka na.”
“Ah... oo... thanks!” Tumingkayad pa ako para i-kiss siya sa lips dahil malandi na
talaga ako... joke! Joke lang talaga! Bilang pasasalamat lang yun at saka ako dali-
daling pumasok sa bahay papunta sa kwarto ko.
* * *
After kong magbihis, at pagbaba ko sa sala naabutan ko na yung tatlo sa living
room. Si Eli, may hawak pang maliit na tuwalya habang pinapatuyo ang buhok! Ang hot
lang niya! Ayiiieh!
“Eh syempre nasabi na kina tita at kuya Rico ang relationship eh!”
At tinarget ni Eli sina Argel at Waine nung tuwalya niya kaya natawa na lang din
ako. “Ano bang ginagawa niyo dito?”
“Patambay lang.”
“Asus!” Pasalamat sila good mood ako! “Oh sige, ipagluluto ko kayo. Ano bang gusto
niyo?”
“Pansit Malabon!”
“Sinigang na baboy!”
“Lasagna!” Teka... parang nangyari na ‘to noon ha! Yun din yung sinabi nilang
request na iluto ko noon!
“For the second thought, magpa-order na lang pala tayo! Ang daming niyong gustong
ipaluto eh.”
“SAM NAMAN EHHHHH!!!” Trio pa sila! Ahahaha!! Ang cu-cute nilang damulag!
“Oo sige na! Pero tutulungan niyo akong magluto this time ha.”
“Tama! Tama!”
“I agree!”
“MGA TAMAD!!!”
Ang saya-saya lang namin noh! Ang wagas pa ng tawanan namin! Kaso naputol lang yun
nang biglang mag-alarm ng sobrang lakas sa buong paligid.
*rrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnggggggg!!!!!!!!*
“Ano yun?”
Agad kaming naglabasan at may narinig pa kaming tunog ng mga motor na papaalis na.
Paglabas namin sa may gate, hindi na namin naabutan kung sino yung mga yun.
“Psh! Mga lokong yun ha.” May pinindot na button sa may remote si Eli para
mapatigil na yung nakakabingeng tunog ng alarm. “Naka-save naman yung video sa main
computer ko. Tara tignan natin.”
Hindi ko alam kung bakit may biglang ganitong kaguluhan. Pero lalo akong natakot
nang may mapansin akong kakaiba...
“Uwaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!! Eli!!!!!!!!!!!!!!!!”
Napatingin silang lahat saakin at nakatingala lang ako kaya napatingin din sila sa
tinitignan ko! “Si Rinoa!!!!!!!!” May bumato sa main security camera sa gate ng
bahay ni Eli!
(๏..๏)
=================
Special Chapter 8
“Pasensya na kayo Sir pero alam niyo naman pong one-of-a-kind ang mga models ng
security camera ng company namin eh. Hindi na kami magkakagawa ng kaparehong-
kapareho ng security camera niyo na ‘to.”
Hindi ko maipinta yung itsura ni Eli at nung dalawa niyang kaibigan. “No!!!
Please!!! Hindi ka pwedeng mamatay!!! Wag mo akong iiwan!!! Rinoa!!!”
“Uwaaaaaaahhhhh!!!” Hindi nila ako pinapakinggan habang hawak pa nila ang lasog-
lasog na katawan, este parte ni Rinoa. “Rinoa!!!”
“Obvious naman na hindi, diba kuya? Pabayaan na nga nating maglamay sila jan, ako
na lang po ang kausapin niyo. Tara na po doon sa gate at nang makabitan niyo na ng
bagong main security cam itong bahay.”
Pinabayaan na lang namin yung tatlo habang nanlulumo pa sila sa pagkamatay, este
pagkasira ni Rinoa.
Hindi daw namin sila masisisi dahil ever since na maitayo ang bahay na ito ni Eli,
si Rinoa na ang nagsilbing taga-bantay niya. Kung ituring na nga nila si Rinoa,
parang tao na!
“Kuya manong, teka lang ha. Nabubuang na yata talaga yung tatlo, lalapitan ko
lang.”
“Sige! Yung mga sinabi mong attributes ng bago niyong camera, ise-set ko na agad.”
“Opo kuya! Basta tandaan niyo yung name ha! Wag niyong kakalimutan.”
Buti na lang hindi natatakot si kuya manong saamin dahil sa kakaibang trip nina
Eli. Paglapit ko sa kanila, “Uy ano yan?”
Naghukay naman si Waine dun sa may may gilid ng bakuran... Ayayayay!!! Yun naman
ang paglilibingan ni Rinoa! Nakakalurqui na talaga!!! “Idol!!! Ready na ang
lahat!!!”
Paglapit niya, aalis n asana ako para hindi na ako mahawa sa sayd nila kaso
hinawakan ako ni Eli. “Saan ka pupunta! Makiramay ka naman! Libing ito ni Rinoa!”
Gusto kong tumawa eh, kaso ang seryoso ng mga mukha nila! Wala rin akong nagawa
kundi mag-stay at sakyan itong paglalamay nila.
“Sabihin mo na yung last words mo para sa kanya.”
“Konting malasakit man lang Sam! Parang wala kayong pinagsamahan ni Rinoa ha!”
“Oh heto na nga!!!” After this, papatingin ko talaga sa psychiatrist ‘tong tatlong
‘to! “Ah... Rinoa... ikaw ang unang sumalubong saakin nung dumating ako dito.
Naalala ko pa ang una mong sinabi saakin noon, ‘Are you a guest?’ Yun ang sabi mo!”
Natural naman dahil nandun siya sa front gate eh! “Kahit na matagal kong nakabisado
yung Q-G-7-1-3-S-J-1-F-V-5 na password mo, at kahit na hindi mo ako pinapapasok
gamit ang face-recognition... okay lang! Okay na okay lang talaga! Pero Rinoa...”
Nadadala na yata akong emosyon ko kasi bigla akong nakaramdam ng lungkot. “Gusto
kong magpasalamat sayo dahil pinararamdam mo na parang totoong tao ka na nagco-
comfort saakin.” Ano ba yan!!! Bakit naiiyak na ako??? “Mabait ka lang kasi palagi,
lagi mo akong binabati. Lagi mo akong wini-welcome home... kaya Rinoa... mamimiss
kita...” At yan na!!! nahawa na ako sa iyakan! “Mamimiss talaga kita Rinoa!!!
Uwaaahhhh!!! Rinoa!!!”
“Tama na yan, Sam.” Sabi ni Eli habang kino-comfort ako. Napatingin ako sa
tombstone na hawak niya at ipinatong na yun sa libingan ni Rinoa. At ito po ang
epitaph na isinulat mismo ni Eli para kay Rinoa.
Ang bongga shet!!! Pag ako namatay, gusto ko ganyan din kabongga ang epitaph sa
tombstone ko!
(╥﹏╥)
“Ah, ma’am at sir! Tapos na po yung installation ng bago niyong security camera.”
Ako lang yung lumapit kay manong. Iniwan ko na yung tatlo para makapagmuni-muni
sila at saka hindi ko na carry ang mga pangyayari.
“Kuya salamat ha. Ito pong bayad sa serbisyo niyo.” Buti na nga lang at kahit gabi
na, nagpaabala pa si kuya. Kung sabagay, trabaho naman nila yun.
“Salamat dito ha. Wag na kayong mag-alala dahil mas hi-tech at mas bagong model
itong camera na naka-install sa inyo. Basahin mo na lang yung iba pang features sa
booklet na binigay ko. At kung may problema ulit, tawag lang po kayo sa company
namin.”
“Ah... hehehe... sige po!” Condolence daw? Talagang sinakyan na ni kuya ang trip
nung tatlong pasaway!
Mga ilang minuto din ang ibinigay ko sa kanila bago ako lumapit. “Siguro naman
sakto na ang thirty minutes. Masaya na si Rinoa sa kinalalagyan niya. At isa pa,
ipapakilala ko na kayo sa bagong security camera ng bahay! Mas hi-tech at mas
magugustuhan niyo!”
Hinila ko sila para ipakilala na ang panibagong taga-bantay ng bahay ni Eli. Sabay-
sabay silang tumingala at parang nag-slowmo pa nung tumingin sa kanila yung bagong
camera.
“Wooooooooowww!!!” Nakanganga na silang tatlo! Kitam mo mga ‘to! Ang dali nga
makamove-on!
“Ahem... ipinakikilala ko sainyo ang SJ13+2 camera. Meron siyang high resolution
image sensor, weather proof design na mas ideal para dito sa gate at...
jannskkdufjmalspoelajsnjdkdlf...” Mano-nosebleed lang tayong lahat kapag tinuloy ko
pa so pinakita ko sa kanila yung booklet. Sila na bahalang magbasa ng lahat ng
pwedeng gawin ng bagong camera. “Pero ang sabi ni manong, ang pinakamaganda sa mga
feature nito ay hindi ito basta-basta nasisira. Kahit batuhin niyo pa!!!”
“Woooooooowwww!!! Astig talaga mga pare!!!”
Tapos sinubukan ko silang akbayan lahat kahit nakatingkayad na ako. “At ako na rin
pala ang namili ng pangalan at sigurado ko namang magugustuhan niyong lahat!”
Ngumiti ako at hinarap sila. Ang tagal kong pinag-isipan ang ipapangalan sa kanya.
“Eli, Waine and Argel. Ang SJ13+2 ay pinangalanan kong si... *drum roll please*
SQUALL!”
“Squall?” – (O..O)
“Good evening.” Ang laki ng boses niya! Lalaking-lalaki! Na-imagine ko talaga yung
itsura ni Squall, crush ko din yun eh! Ang gwapo!!! Ayiiieehhhh!!!
“Sana man lang pumili ka ng boses babae!”
“Oo nga! Pwede namang sinunod mo kay Yuna ng FF X or si Tifa ng FF VII o kaya si
Lightning ng FF XIII!!!” Yun ang mga crush ni Eli dun sa nilalaro nila.
“Eh ang lagay ba, ipagpapalit niyo agad si Rinoa sa ibang babaeng characters ng
Final Fantasy! Mga lalaki talaga! Ganyan ba talaga kayo kabilis magmove-on! At
least kung lalaki at si Squall pa, masaya si Rinoa dahil pinalitan siya ng
kalabteam niya!” Mga walang puso! At saka mas okay nga boses lalaki ang security
diba? Mas matatakot yung mga magtatangkang pumasok! “Ang dami niyong angal, may
palamay-lamay pa kayong nalalaman kanina! Dali na nga at i-save na natin ang mga
pagmumukha natin para sa face-recognition program.”
“Sinong may sabing NATIN ha?” Pagmumukha NATIN! Kasama AKO! pero sinungitan lang
ako bigla ng ultimate timongoloid of the year. “Dahil sa ginawa mo, magre-rely ka
pa rin sa password.”
Unang ni-save yung mukha ni Eli, sunod yung kay Waine, then yung kay Argel at
susunod pa sana ako kaso mukhang desidido si Eli na patuloy akong mag-tyaga sa
password.
Pero hindi pa pala doon natatapos ang kalbaryo ko! “Bakit may bagong password!!!
Alam mo bang ke-hirap kabisaduhin ang Q-G-7-1-3-S-J-1-F-V-5 tapos papalitan mo lang
ulit?”
“Ang sama mo talaga!” Isinulat niya sa palad ko yung bagong password at tinitigan
ko pa lang, nahilo na ako agad! “I hate you!!! Ano ‘to!!! Sinong matinong tao ang
mag-iisip ng ganitong password!!! Napaka-random nito!”
“Kahit na! Sana pala nung naglalamay kayo kanina ni-save ko na yung mukha ko para
dun sa face-recognition!”
“Ah... excuse me lang mga Idol. Mukhang hiindi na yata matutuloy ang dinner natin
ngayon ha.”
“Oo nga. Away kayo ng away jan. Anong oras na din wala pang naluluto si Sam.”
“Panigurado kasi, mukhang sa instant noodles mauuwi ang hapunan niyo.” At iniwan
nga kami nung dalawa porket hindi na natuloy yung dinner!
٩(●_•)۶
“Eli naman... sige na please Junanax. I-save mo na rin ang mukha ko para sa face-
recognition.” Syempre, wala namang hindi nadadaan sa tamang lambing diba?
Paniguradong hindi niya ako mahihindian!
“HINDI.” Oh hindi!!!
Bigla akong hinarap ni Eli. Nakaupo kasi kami sa sofa ngayon at kumakain nga ng
instant noodles. “Hindi mo naman kailangang kabisaduhin eh. Sasabihin ko sayo ang
secret jan ha...” At inilapit niya nag mukha niya para bulungan ako. “Tandaan mo
lang na mahal kita.”
*buuuuggggshhhhhhhh*
“Oo!!!”
“Eh asan nga ang pagmamahal sa PASSWORD na ‘to!!!” Konti na lang mag-eevolve na
ako! Yung pinakamatinding evolution na naiisip niyo! Ito nay un! Konti na lang
talaga!
“Halika nga rito!” Tapos sabay akbay saakin at ipinamukha ang kamay ko na sinulatan
niya kanina nung password. “Ang bobo naman kasi! Hindi na lang alamin!”
“Oh heto na nga! Ang init ng ulo! Aish!!! Oh yan tignan mong maigi yan ha!” So
ginawa ko naman! Nakatitig talaga ako dun sa random letters and numbers na
nakasulat sa palad ko.
“Tapos?”
“Tapos...” Magkalapit na magkalapit na ang mga mukha namin pero dun kami naka-focus
sa palad at password ha. “Tapos... I kiss mo muna ako sa pisngi.”
*buuugssssshhhh!!!*
“Yown!” Halatang na-eenjoy niya ang panggu-good time niya saakin ha! Pasalamat siya
mahal ko siya eh! “Okay... ganito... i-kiss mo naman ako sa lips.”
*buugggsshhh!!!*
*paaaaaaaakkkkkk*
*blaaaaaaagaaaagggg*
*toooooooooooooootttttttt*
“Pfffftttt...” Tapos tinawanan niya ako na parang bata. Sira-ulo talaga ‘to! Kapag
tinotopak walang makakapigil sa kanya. Seryoso na nga kasi ako! “Oh heto na nga!
Sasabihin ko na.”
Lumapit ulit siya para tabihan ako at kinuha yung kamay ko. Nakatitig kaming dalawa
dun sa palad ko at ilang sandali pa, dahan-dahan niyang binaligtad ang kamay ko.
Para sa mga nagbabasa, ibaligtad niyo lang ang ulo niyo at saka niyo basahin ang
password.
W-V-5-S-3-A-O-7-I-7-3
Mahirap pa rin bang intindihin? Ito lang yan, kapag binasa niyo ng pabaligtad ito
ang lalabas:
E-L-I-L-O-V-E-S-S-A-M
Napatingin ako bigla kay Eli. Tapos napangiti ako. Sumunod na dun yung kilig. “I
think that deserves a kiss.” Ang taba talaga ng utak ng Idol natin!
Anyway, ang special chapter na ito ay para nga pala ulit kay Rinoa.
I know masaya na si Rinoa kung nasaan man siya ngayon! Bukod pa doon, si Squall
naman ang pumalit sa kanya eh!
Paalam na Rinoa!
(◡_◡✿)
Chapter 47
Kailangan ko pa bang sabihin kung ano yun? Binabantayan lang naman din niya ako kay
Kian. Pero ano naman kayang magagawa ng boyfriend ko noh kung pagpasok ko sa loob,
magkikita at magkikita pa rin talaga kami ni Kian.
Nasa study area ako habang hinihintay si Byron. Hindi siya pumasok sa first subject
namin kanina. As usual, lantungan with Sheena na naman yun.
“Ah... hi.” After nung nangyari, hindi naiwasan na maging awkward. At dahil hindi
na nga ako kumportable na ganun na pala ang nararamdaman niya saakin, kaya pinili
kong umiwas.
“Dahil ayokong lumala ang sitwasyon.” Natahimik kami bigla pareho. Aish! Ayoko ng
ganito kahirap na sitwasyon! Gusto ko na lang umalis!
“Usap-usapan pa rin nung mga nakasama natin nung shoot yung tungkol sa inyo ni
Eli.”
Na kesho step-aunt ako at pamangkin ko siya! Na kesho nakatira kami sa iisang bahay
na kaming dalawa lang. Na kesho ganito at ganyan! Eh kung yung Kuya ko nga at Mama
ni Eli, payag sa relasyon naming dalawa, tapos sila pa mambabatikos ngayon!
“Simple lang naman ang sagot eh, because you’re not him.” Napayuko siya bigla. Ang
harsh ba ng pagkakasabi ko? Pero kung hindi ko yun sasabihin ng direcho, mas
masasaktan naman siya diba? “Kian, kaibigan kita at malapit ako sayo. But if you
still insist about what you feel, I'm sorry. Hindi ko kayang suklian ang
nararamdaman. Let’s save our friendship, so please, try to forget about me.”
Hindi niya ako sinagot. Silence means yes... tama ba? But looking at Kian’s
expression, I don’t think it’s a yes.
Matatanggap ko naman sana na gusto niya ako, pero wag lang ipilit ang sarili niya
saakin. At higit sa lahat, wag niyang ipamukha saakin na ang lalaking mahal ko ay
hindi nararapat saakin.
Kaya nga kung hindi ito maayos, mas pipiliin ko na lang na layuan siya para wala
nang gulo.
Aalis na sana ako kaso pinigilan niya ang kamay ko. Tinulak ko naman siya palayo!
Baka kasi kung saan na naman mapunta yun! Kaso napalakas yata ang tulak ko at bigla
na lang siya natumba.
“Kian! I’m... I’m sorry.” Siya naman kasi eh! Kaso nung pagtulong ko sa kanya na
itayo siya... “Ang init mo ha. May sakit ka?”
“You just rejected me tapos ngayon you act like you care? Wag na Sam! Wag na!”
Sinigawan niya ako sabay walk-out.
Pero kung sa ganito mauuwi ang lahat, then I really have no choice but to accept
it. Mas mabuti na rin siguro ‘to para makaiwas sa gulo.
@(ᵕ.ᵕ)@
Natapos ang klase at nagmamadali na akong pumunta sa may gate. Malamang kasi nandun
na yung si Eli. Ang dami pa namang angal nun kung ma-late lang ako ng ilang minuto!
Kabisado na kasi niya ng oras ng uwian ko.
Kaso pagdating ko naman dun, kinakausap naman siya ng ibang mga schoolmates ko. Ay
naku ang lalanding haliparot ng mga ‘to! Kaka-imbey!
“Oy! Anjan ka na pala.” Lumapit na ako sa kanya tapos nagmake-face lang ako dun sa
mga babae.
“Aba malay ko sa mga yun. At saka hindi ko sila kinakausap noh. Sila lang salita ng
salita.” Sabay hablot niya sa dala kong maliit na canvas at umakbay pa. “Tara na
nga!”
Magseselos pa sana ako kaso napangiti na lang ako dahil sa pag-akbay niya!
Ayiiehh!!! Panigurado kasing inggit na sila dahil ang gwapong nilalang ni Eli!
Hwahaha! At boyfriend ko pa!!!
“Sige, basta ba sagot mo.” Kapal din ng mukha nitong lalaking ‘to!
“Wag ka ng umangal.” Tatawid na sana kami kaso may napansin ako bigla. May isang
bata kasi na nakaabang lang din sa may gate ng school namin. “Eli, kanina pa ba
yang batang yan?”
“Oo, bakit?”
“Wala lang... para kasing pamilyar.” Tinitigan ko siyang maigi kaya napatingin din
siya saakin. Maya-maya... “Ah!!! Ikaw nga bata!!!”
“Ate...?”
“Naaalala mo pa ako?”
“Wah!!! Ate!!!” Napatakbo siya bigla papunta saakin at niyakap niya ako.
“Hoy... sino ba yang batang yan?” Nakakunot na yung noo ni Eli habang nakatingin ng
masama dun sa bata. “Hoy bata bumitaw ka nga! Kung makayakap ka sa girlfriend ko
ha! Bitaw!!!” At hinablot ni Eli yung kwelyo nung bata. Tama bang magselos sa
ganyang edad?
“Ate oh!”
“Oy Eli, grabe ka ha! Pati sa bata pumapatol!”
“Eh sino ba yang kulugong yan at kung makakapit sayo, parang tuko!”
“Aba’t...”
“Oy tama na nga!!!” Grabe ‘tong si Eli! Pikon sa bata! “Eli, siya yung batang
tinulungan ko noon.”
“KAYA KA NABUGBOG! Yun ba yun ha?” Ayan, siya na ang tumuloy. “So ikaw palang bata
ka ang may dahilan kung bakit nasaktan ‘tong si Sam noon!” Sabay aabutin niya sana
ng pingot yung bata kaso nagtago ito sa likod ko at para silang napa-patintero
habang nasa gitna nila ako.
“Hoy tama na nga yan!!!” Pinigilan ko yung bata at yung isip-bata dahil
pinagtitinginan na kami ng mga tao! Ay ano ba yan! Nakakahiya talaga! “Ah bata, ano
nga bang pangalan mo?”
“Kyle po!” Sigaw niya habang umiiwas pa rin na mahablot siya ni Eli.
“HULI KA!!!” At nahuli na nga siya ni Eli at pinalupot niya yung braso niya sa leeg
ni Kyle para makutusan niya yung bunbunan. “Loko ka ha!”
Hay naku ang kulit naman talaga nitong si Eli!!! Hindi pa rin natigil!
*buuuugggggggssssshhhh!*
“Eli naman ang likot-likot! Tumigil ka na ha!” Parang bata ‘tong kausap ko! Ang
hirap paliwanagan! Aish! “Mag-behave ka jan!” Sa wakas at natigil din!
“Salamat ate!”
“Kakain kasi kami nitong timongoloid na kasama ko jan lang sa may ministop. Habang
hinihintay mo yung kuya mo, sumama ka na lang saamin at doon mo na lang siya
hintayin. Wala kasing upuan dito sa labas, baka pagod ka na rin.” Isa pa, mukha
kasing kagagaling lang ng school nitong si Kyle. Parang dumirecho lang talaga dito
para sunduin yung kuya niya. Nakakaawa itsura niya, pawis na pawis tas parang
pagod.
* * *
Kasama nga namin siya dito sa ministop. Naka-pwesto kami dun sa mga upuan na
nakaharap sa salamin para kitang-kita namin yung gate ng school. Baka daw kasi
lumabas na yung kuya niya.
“Opo. Kanina ko pa nga naririnig na sinasabi nung manong na kasama niyo. Ate Sam!”
“Pfffttt...” Ang wagas nung bata! Hindi man lang natatakot na tawaging manong si
Eli!
“Ano ka ba Kyle. Kapag tinatawag mong manong ang boyfriend ko, eh di manang na rin
ako.” Oh yan ha! Baka sabihin ni Eli, hindi ko siya pinagtanggol.
“At saka hindi pa yata ako kilala ng tukmolitos na yan eh! Nakikita mo ‘tong kamao
ko ha? Kamao ‘to na kinatatakutan ng lahat ng gang dito sa lugar natin.”
“Gang leader!”
Biglang namutla tuloy yung bata. Dahil kaya yun sa na-trauma na din siya sa mga
naranasan niya about sa mga gang noon? Siniko ko na lang si Eli para itigil na yung
pagyayabang-slash-pananakot niya kay Kyle.
“Kung ililibre mo ako, ikaw bumili ng pagkain ko.” Tapos tinulak niya ako. “Dali!
Kuhaan mo rin ako juice ha.”
Hay jusmio! Pabayaan mo na nga lang Sam. Kapag tinopak talaga si Eli, wala ring
makakapigil eh. I don’t think naman na sasaktan niya talaga yung bata noh. Wala sa
tipo niya yun.
٩(-_- )
̃ ۶
“Eh bakit mo inaabangan ang kuya mo dun sa gate? Mas nauna ka pa saaking
naghihintay kanina. Hindi mo ba kayang umuwi mag-isa?”
“Marunong na akong umuwi ng mag-isa ha! Yung kuya ko lang ang binabantayan ko.”
“Baka lang kasi gumawa na naman ng gulo yun eh...” Tapos natahimik siya bigla.
“Ah... kuya Eli...” Naks! Maka-kuya akala mo kapatid ko. Sabi na nga ba eh, pang-
asar lang yung tawag niyang MANONG kanina kapag nakaharap kay Sam. Parang nagpapa-
astig siya ng dating. Hindi kaya crush ng batang ‘to si Sam? “Talaga bang leader ka
ng gang?”
“Taga-saan po kayo?”
“South.”
Bigla akong natawa. “Kilala mo naman pala ako totoy eh.” Napayuko naman siya bigla.
Sinilip ko si Sam, nandun pa nakapila sa cashier kaya medyo mahaba pa ang
masinsinang usapan namin nitong si Kyle. Tamang-tama! “Nung araw na tinulungan ka
ni Sam kaya siya nabugbog nun, nakwento niya saakin na kaya ka ginulo nun ng mga
taga-West ay dahil may atraso yung kuya mo sa kanila. Yung kuya ba na tinutukoy mo
noon ay yung kuya na inaantay mo ngayon?”
Tumango lang siya bilang sagot. “Kung ganun, gang member kuya mo.”
“Ano bang pangalan ng kuya mo?” Tinignan niya ako na parang nagdadalawang-isip siya
kung sasagot ba siya o hindi. “Taga-North ba, Kyle?”
“Psh! Hindi ka marunong magsinungaling bata!” Bigla kong itinaas yung kwintas niya
at humawak dun sa pendant. “Kanina ko pa napansin na suot mo ‘to. Pendant ito na
simbolo na pagiging member ng North Gang. Kinuha mo ‘to sa kuya mo ng walang paalam
noh?”
“Pero matagal nang wala yung gang na yun diba? Ang alam ko nga, kayong mga taga-
South ang nagpabagsak sa kanila.”
“Wala po.”
“Sigurado ka?”
“Hindi ko sasaktan ang kuya mo, Kyle. Pero sa oras na may gawin siyang masama, baka
mapilitan akong gumawa ng aksyon tungkol dun. Alam kong alam mo ang ibig kong
sabihin. Kaaway ng grupo namin ang grupo nila...” At mas hininaan ko ang boses ko
para kaming dalawa lang ang magkarinigan. “Meron akong sasabihing sekreto sayo Kyle
at gusto kong saating dalawa lang ito. Alam mo ba na may mga balita na balak kaming
gawaan ng masama ng North Gang? Kumikilos sila ulit. Balak nilang gumanti saakin at
natatakot ako na baka idamay nila ang girlfriend ko, si Sam. Ngayong alam kong may
kuneksyon ka sa grupong yun, matutulungan mo kaming pigilan ang masasama nilang
plano. Gusto mo bang masaktan ulit ang taong nagligtas sa buhay mo noon?”
“Ang totoo po... wala talagang sinasabi saakin ang kuya ko tungkol doon. Pero nung
mga nakaraang buwan pa, parang yun nga... parang nakikipagkita ulit siya sa mga
kasamahan niya. Hindi na nga lang siya nagku-kwento saakin. Pag tinatanong ko siya
tungkol doon, hindi rin niya ako sinasagot ng direcho.”
Nasa magandang part na sana kami kaso bigla nang dumating si Sam dala na ang
pagkain ko. “Wow, ilang minuto lang akong nawala, magkasundo na kayo! Naks naman
bati na sila!”
Nagtinginan na lang kami ni Kyle. Makakasundo ko rin naman pala talaga ang batang
‘to. Kumain na kami at magkausap lang sila Sam at Kyle. Halatang walang muwang
talaga si Sam sa mga nangyayari ngayon pero mabuti na rin yun dahil ayoko siyang
mag-alala.
Maya-maya, may tumawag sa cellphone ni Kyle, ang kuya niya. “Hello, kuya. Opo...
oo... um... naghihintay ako...” Tapos napatingin siya kay Sam at pati na rin
saakin. Hindi maganda kutob ko sa usapan nila. “Pero... kuya naman hindi sila...
opo. Opo kuya... sige uuwi na ako. Bye.”
“Oh ano daw sabi ng kuya mo? Bakit daw hindi pa siya lumalabas ng Edinham?”
“Pinauuna na lang niya akong umuwi.” Hindi siya makatingin saakin. “Uuwi na ako Ate
Sam ha. Babye!”
“Teka Kyle...” Pero nagmadali na agad itong tumakbo palabas at hindi na lumingon
saamin. “Ano bang problema nung batang yun. Umalis na lang agad. Hindi pa naubos
‘tong pagkain niya.”
Kung kuya niya ang kausap niya kanina sa cellphone, malamang na nakita niya kami na
kasama namin ang kapatid niya kaya pinagmamadali niya itong umalis na.
Lumabas na kami ng ministop at lumingon-lingon ako sa buong paligid. Baka kasi nasa
tabi-tabi lang yung kuya ni Kyle at mamukaan ko dahil kung taga-North siya,
malamang na nakasama siya nung panahong pinabagsak namin ang grupo nila. “Oh sinong
hinahanap?”
“Ah wala naman... ang mabuti pa, umuwi na lang rin tayo.”
Naglalakad na kami pauwi pero ni-text ko na sina Waine at Argel tungkol sa bagong
lead na nakuha ko.
“Naaalala niyo yung batang dahilan kung bakit nabugbog si Sam noon?Imbestigahan
niyo siya. Mukhang taga-North Allester Elementary School siya dahil sa uniform niya
at ang pangalan niya ay KYLE. Meron siyang kuya, member ng North Gang. Alamin niyo
kung sino yun. Pumapasok rin siya sa university na pinapasukan ni Sam. Ipakalat
niyo rin sa ibang members para mas mabilis nating malaman.”
Planado kaya ng kuya ni Kyle ang pagpasok sa same university na pinapasukan ni Sam
ngayon? Tsk! Kung ano man ang plano nila, kailangan naming unahan yun.
◤(¬ ▂ ¬)◥
=================
Chapter 48
8:02PM
Hindi ko sigurado kung nasaan kami ngayon. Nagising ako pero may nakapiring sa mga
mata ko at nakagapos ang buo kong katawan habang nakaupo sa isang upuan. Hindi ko
na masyadong maalala ang mga nangyari.
Kanina magkasama lang kaming naglalakad ni Eli tapos ngayon... “Sam... gising ka na
ba?”
“Eli!!!” Medyo napawi ng konti ang takot na nararamdaman ko nang marinig ko na ang
boses niya. “Eli... nasaan na tayo? Eli natatakot ako.”
“Sam, makinig ka. Makakaalis tayo dito, okay? Magtiwala ka lang saakin. Tatakas
tayo.”
Naniniwala naman ako sa sinabi ni Eli. “Nasaan ka? Nakatali ka rin ba ha?”
Matagal siyang sumagot. “O... oo eh... pero gagawa ako ng paraan. Wag kang matakot
ha?” Ayokong mawalan ng pag-asa lalo pa at si Eli naman ang kasama ko.
Pero ang nakakapagpakaba lang saakin ay ang boses ni Eli na parang naghahabol siya
ng hininga. “Eli, may problema ba? Bakit ganyan ang boses mo? May ginawa ba sila
sayo?”
Matagal ulit siyang sumagot kaya hindi na maganda ang kutob ko. “Okay lang... okay
lang ako Sam...” At umubo siya na parang may iniindang sakit.
Maya-maya, nakarinig ako na may bumukas sa pinto. Alam ko na maraming tao ang
pumasok dahil naririnig ko ang mga boses at yabag ng paa nila.
“Gising na rin yung babae, Boss!!!” Parang sandaling hindi ako nakahinga nung
marinig ko yun.
“Eli!!!” Nung sumigaw ako, pakiramdam ko lahat na ng atensyon nila ay nasa akin.
“Sino ba kayo? Bakit niyo 'to ginagawa?”
“Aba... gising na pala ang prinsesa.”
“Bakit Eleazer?” Naramdaman kong may isang taong papalapit saakin ngayon. Pamilyar
nga rin ang boses niya. Siya siguro ang leader ng grupong kumidnap saamin ngayon.
“May magagawa ka ba kung sasaktan namin siya ngayon.”
Natawa lang yung lalaki sa threat ni Eli. Tapos, naramdaman ko ang kamay niya sa
ulo ko pero tinanggal lang niya ang piring sa mga mata ko.
Nanlalabo pa nung una ang mga mata ko, pero nung luminaw na ang lahat, tumulo na
lang bigla ang luha ko. Nakita ko na si Eli, sugatan siya ngayon. Ibig sabihin
kanina nung wala pa akong malay, binugbog na nila siya.
Nangingitngit akong marinig ang boses niya. Dahan-dahan akong tumingala para tignan
yung mukha ng taong isusumpa ko... “Ikaw?”
.
.
.
6 hours ago...
(╯ಊ╰)
2:02 PM
This is the last day for this sem sa Edinham. Bukas bakasyon na! At sa next
pasukan, 2nd year college na ako! Walang masyadong ginawa ngayon kaya sana pala
hindi na lang ako pumasok.
Pero hindi pumayag si Eli na maiwan naman akong mag-isa. Actually, wala na rin sana
silang klase eh. Nagpa-practice na lang sila for graduation kaya itong si Eli,
pumapasok pa rin sa South Grisham.
“Hindi nga kami magka-away. Hindi lang kami nag-uusap dahil nga sa magulong
sitwasyon.”
“Pinipilit pa rin ba niya yung sarili niya sayo kahit alam na niyang boyfriend mo
si Eli?” Hindi ako nakasagot nun. “Tsk! Ang ganda talaga ng bestfriend ko! Ang haba
ng hair! Naks!”
“Talagang maganda ako noh!” Idaan na lang nga natin sa joke ang lahat.
“Oy! Congrats!” Bati naman saamin ng isa naming classmate. Actually, hindi namin
siya ka-close kaya nagulat na lang kami ni Byron nung lumapit siya saamin. “Next
pasukan, 2nd year na tayo noh.”
“Oo nga eh.” Teka, ano nga bang pangalan nito? Hindi ko talaga siya close!
“Si Kian nga pala, bakit hindi ko na siya nakikitang kasama niyong nakatambay?”
“Ha? Eh... diba kayong dalawa na madalas magkasama?” Ay oo nga! Simula pala nung
hindi na kami madalas na nag-uusap ni Kian, nakikipagbarkada na siya sa iba naming
classmates. Isa na nga sa mga nakakasama nitong si Kian eh itong si classmate.
“Hindi naman madalas.” Tapos tumabi siya saamin... saakin lang pala kasi nasa
kaliwa ko si Byron at nandito siya sa kanan ko naupo. “Sayang end of this term na!
Hindi tayo masyadong naging close, Samira noh.” Kilala niya ako! Syempre classmate
nga! “Bagay sana tayo eh. Gwapo ako maganda ka! Sayang!"
“Ah... sadyang shy type lang kasi ‘tong friend ko. At hindi napatol sa mga gwapo
lang. Dapat UBOD ng gwapo!” Thanks for that answer beb!
Natawa na lang siya at umakbay pa saakin. Syempre, hindi ko nga siya ka-close diba
kaya pasimple ko ring inalis ang kamay niya sa balikat ko. Nahahanginan ako sa
kanya pati sa ngiti niya! Hindi naman gwapo!
“Sana next time maka-bonding din kita. Next year, dito ka pa rin diba?”
Then I faked a smile. Ang hangin effect kasi talaga, ang sarap ipatiris kay Eli ang
mukha niya. Umalis naman siya agad kaya natahimik na ang kaluluwa ko.
“Ayan ka na naman sa mga feeling mo na may crush saakin si chuchu ganito at ganyan
ha!”
“Oh bakit? Tama naman ako nung kay Eli diba? Tas isunod mo pa yung kay Kian!”
“Oo na!!! May point ka nga. Pero talaga bang nakabarkada nga ni Kian yung ganun
klaseng tao? I mean sa ugali nung si Kian na tahimik, mabait at down-to-earth,
magiging ka-close ang isang complete opposite na lalaking Cyler na yun.”
“Eh ang alam ko, si Cyler kasi yung taong hinahanap noon ni Kian. Yung taong
nagligtas daw sa kapatid niya.” Biruin mo may naliligtas pa pala si Cyler sa
itchura niyang yun!
* * *
3:24 PM
Nag-skip kami ng graduation practice dahil may mas mahalaga kaming misyon ngayon.
Yun yung tungkol sa text na nareceive namin kay Idol nung nakaraang araw pa.
Inimbestigahan namin kung sino yung Kyle na taga-North Allester at ngayon, nakita
na namin kung sino yung batang yun.
“Hindi. Kung tatanungin kasi natin yan, hindi rin niya sasabihin kung sino yung
kuya niya gaya ng ginawa niya kay Idol.”
“Oo. Aalamin natin kung sino talaga ang batang yan. At kung anong dahilan ng kuya
niya kung bakit sa university rin na pinapasukan ni Sam siya nag-aaral.”
Patago na naming sinundan nina Argel at ilan pa naming mga ka-SGG yung batang si
Kyle. Hindi siya dumirecho pauwi, at tama nga si Idol. Lagi itong nag-aabang sa
kuya niya dun sa harap ng gate ng Edinham.
Hindi rin naman nagtagal at nag-uwian na yung ibang estudyante. At kasabay nun, may
isang lalaki na nga ang lumapit kay Kyle. Nakatalikod pa ito kaya hindi pa namin
mamukhaan.
Kahit malayo, kitang-kita namin ang batian nila. Umakbay pa yung lalaki kay Kyle.
Ang labis naming ikinagulat nun ay nung malaman na namin kung sino ang lalaking
yun. Nung lumingon na siya, nagkatinginan na lang din kami ni Argel.
Unti-unti nang lumilinaw ang lahat. Noong aksidente noon sa motor kasama si Sam,
kaya hindi kasamang napuruhan nun si Kian ay dahil pinlano nila ang lahat ng yun.
Panigurado ngayon, mas malilintikan na ang Kian na yun. Agad na naming sinabihan si
Idol para malaman niya ang tungkol dito, at para malaman na namin ang susunod
niyang plano.
٩(๏̯͡๏)۶
4:36 PM
Nagsalitan ang mga kaibigan ko at ibang members ng SGG tungkol dun sa batang
pinaiimbestigahan ko sa kanila. Malaking gulo na ‘tong ginagawa ng mga taga-North.
Makita ko lang ulit ang leader nila, patutumbahin ko na talaga siya ng tuluyan!
Akala ba niya porket gagraduate na ako dito sa South Grisham wala na akong hawak sa
gang namin? Bobo ba siya? Kadikit ko na ang gang na ‘to! Bukod sa ako ang anak ng
may-ari ng school namin, hindi ko iiwan ang mga kasamahan ko.
Hindi naman ako lilipat sa malayong university kaya mamomonitor ko pa rin ang SGG.
At isa pa, hindi bababa ang isang Idol na tulad ko sa trono ko bilang leader ng
pinakamalaking gang dito sa district. Kami yata ang pinakamatinong namuno dito noh!
Maya-maya bigla na lang akong naka-receive ng text mula kina Waine at Argel. Nang
mabasa ko yun, nabwiset ako lalo!
Tamang-tama rin, natapos na yung practice namin. Agad akong tumakbo papuntang
Edinham. Hindi naman kasi yun ganun kalayo dito sa South Grisham.
“Idol!”
“Sinundan sina Kyle at yung Kian tulad nga nung utos mo.” Putchaks! Hindi ko pa
naabutan yung Kian na yun! May araw din saakin ang lokong yun!
“Oh sige. Salamat sa pagbabantay nyo dito ha.” Pinabantay ko rin sila dito dahil
baka sakaling lumabas si Sam ng Edinham nang wala pa ako, tapos salisihan siya ng
mga pangit na taga-North na yun.
Tinawagan ko na si Sam, late na siya! Nasaan na ba yung babaeng yun. “Hoy! Nasaan
ka na?”
“Ito tumatakbo na!” At ilang sandali lang naman, dumating na siya. “Nakipag-
chikahan pa kasi ang prof ko eh.”
“Nauna na siyang umalis. Hindi naman ako nakauwi kasi hinihintay ko tawag mo. Tara
na? Uwi na tayo.”
Naglalakad na kami pauwi at daldal lang siya ng daldal. “Paano bukas wala na akong
pasok?”
“Bakit ka mahihiya?”
Inabot ko naman ulit yun pero inwias na niya yung kamay niya. “Ay ang arte ayaw
makipagholding-hands.”
“Sabihin mo muna saakin kung ano yung totoong gulo kaya ka bantay-sarado saakin.”
“Walang gulo.” Inabot ko ulit yung kamay niya, pero ang galing umiwas!
“Anong bang meron kasi? Tungkol ba sa mga gang yun ha? May kinalaman ba yun sa
pagkasira ni Rinoa dati?”
“Wala nga lang yun!” Tumigil na ako sa pag-abot sa kamay niya. Kung ayaw niya ng
holding-hands e’di wag!
Hindi rin nagtagal, tumama nga ang kutob ko dahil biglang may nasulpot na tao sa
harap namin. Sakto pa na may kulay black na van na nakaparada sa pwestong
kinatatayuan namin ngayon.
“Ispeed-dial mo si Argel.” Mahinang bulong ko kay Sam. Agad naman niyang sinunod
pero hindi niya pinahalatang ginawa niya yun.
“Sino kayo? Anong kailangan niyo?” Pinalilibutan na nila kami. Sobrang dami nila,
at kasama ko pa si Sam ngayon. Lintek na yan! Dehado pa ngayon!
“Idol! Namiss ka kasi namin! Ang mabuti pa sumama kayo nang wala ng gulo..”
“Eli!” Mas mapapadali para saakin na talunin kahit bente pa sila kung wala si Sam
na kailangan ko pang ipagtanggol.
“Hindi pwede. Bilin saamin, kayong dalawa!” Lumapit siya kay Sam at humawak ito sa
braso niya.
“Ano ba bitawan mo ako!” Tinulak siya ni Sam at nung time na akala kong gaganti
yung loko sakanya saka na ako gumawa ng paraan.
Nagkagulo na lang bigla at dinumog nila kami pero nagawa kong patakbuhin si Sam
palayo. “Takbo!!!” Sigaw ko habang nakakaiwas pa ako sa mga atake ng mga kulugong
lumalaban saakin.
“Eli!!!”
“Takbo na sabi!!!” Bakit ba ang tigas ng ulo niya! Hindi ako makapag-concentrate sa
mga ‘to dahil iniisip ko pa rin yung kalagayan niya! “TAKBO NA DALI!!!” Saka palang
siyang tumakbo paalis. Yun ang huli kong sigaw.
Huli na dahil may dalawang tukmol ang humawak sa likod ko at may tinakip silang
panyo sa bibig at ilong ko.
Bigla na lang akong nahilo, pakershet! Pero bago pa tuluyang nagdilim ang paningin
ko, may nakita pa akong imahe na parang hinabol pa ng mga gagung yun si Sam at
nahuli rin nila.
Tangna lang. Paggising ko, babaliaan ko ng buto kung sino man ang gagalaw sa
girlfriend ko!
(◣╭╮◢)
7:13 PM
Nagising na lang ako na nakagapos ang buo kong katawan ko sa isang upuan. May
nakatakip sa mga mata ko at pinilit kong kumawala pero mahgpit ang pagkakagapos
saakin. “Sam? Sam!” Siya agad ang naisip ko. Nasaan siya? Anong ginawa nila sa
kanya?
“Boss, gising na yung Idol.” Narinig kong nagsipasukan na ang grupo nila. Tinanggal
nila ang pagkakapiring nila saakin at lumingon-lingon ako agad kung nasaan si Sam.
“Siya ba hinahanap mo?” Lumapit ang isa sa kanila kay Sam na ngayon ay wala pa ring
malay habang nakagapos din sa isang upuan.
“Bitawan mo siya gagu ka.” Hindi ko malilimutan ang pangit na pagmumukha ng leader
ng North! “Kapag ako nakawala dito, sisiguraduhin kong doble na basag sa bungo mo!”
Lumapit na siya saakin at sumuntok ng dalawang beses sa mukha ko. Nagdugo agad ang
loob ng bibig ko kaya dinuraan ko siya. Hinablot naman niya ang buhok ko para
magkatinginan kami ng mata sa mata.
“Hindi ako natatakot dahil kayang-kaya kong pabagsakin kayo ulit. Kaso ang duwag
mo, kinailangan mo pang idamay ang girlfriend ko para may magamit ka laban saakin.”
Sinikmuraan niya ako pero sinubukan kong tawanan lang yun. Ayokong isiping masakit,
ayokong maging mahina sa oras na ‘to. “Mahina ka pa rin, tandaan mo yan. Hindi mo
ako kayang talunin kaya mo ginagawa ‘to. Bakit di mo ko pakawalan para malaman
natin kung may improvement ka ba.”
Halatang lalo siyang naasar dahil sunud-sunod na niya akong sinuntok. Hindi pa siya
nakuntento, gumamit pa siya ng kahoy para atakihin ako sa iba pang parte ng katawan
ko. Pero lahat yun ininda ko para lahat ng atensyon nila saakin lang at para hindi
nila galawin si Sam.
“Turuan niyo ng leksyon ang isang yan. Babalik ako pag gising na yung babae.” Pag-
alis nung leader na tinatawag nilang Boss, kanya-kanya na sila ng atake saakin.
Saktan na nila ako hanggang sa gusto nila. Titiisin ko lahat yun basta walang
mangyaring masama kay Sam. Basta ba hindi siya ang maisipan nilang pagbuntungan.
* * *
8:09 PM
Lagpas 30 minutes yata nila akong pinangigilan. Nahihilo na ako sa tindi ng sakit
sa buo kong katawan. Duguan na ako mula sa iba’t ibang sugat na nakuha ko. Sana
naman hindi masira kagwapuhan ko nito, baka hindi na ako magustuhan ni Sam.
Nung marinig kong parang nagigising na si Sam, pinilit kong ayusin ang boses ko.
“Sam... gising ka na ba?”
“Eli!!!” Ayoko ring mawalan ng malay ngayon dahil gusto ko siyang bantayan.
Pinakalma ko siya by telling her everything will be alright.
Kaso pumasok na ulit yung epal na mga pangit na nilalang sa mundo. “Aba... gising
na pala ang prinsesa.”
“Wag niyo siyang sasaktan.” Kanina ko pa rin pilit na kinakalagan ang sarili ko.
“Subukan mo, papatayin kita tandaan mo yan.” Pinagtawanan lang niya ako, sarap
bangasan! Kaso ang nakakamura sa ginawa niya eh yung pagtanggal niya sa piring ni
Sam at makita ako ng babaeng mahal ko sa ganitong sitwasyon! Amp! Padadala ko
talaga sa impyerno ‘tong mga ‘to!
“Oh wag ka munang umiyak. Hindi ka pa nga namin sinasaktan eh.” Subukan lang nila.
Parang nag-uumapaw na ang galit ko nung oras na yun. Buti na lang, nararamdaman ko
nang lumuluwag na ang tali sa mga kamay ko. Konti pa. Konti pa!
“Ikaw?”
凸(⋋▂⋌)凸
=================
Chapter 49
“Ikaw?”
“Hello Samira.”
“Cyler...”
“Oo classmate!” Idinampi pa niya sa mukha ko yung mabaho niyang kamay. “Ang tagal
kitang minanmanan. Lumipat pa talaga ako sa Edinham para lang makita ko ang babaeng
pinag-uusapan ng lahat! Ang babaeng nagpataob sa Idol! Ikaw lang pala yun.”
“Walang hiya ka! Pakawalan mo kami dito! Akala mo, pakukulong ka namin! Tandaan mo
yan!”
Then he just laughed at me. An evil laugh! “Tingin mo takot pa ako sa kulungan?
Labas-pasok na ako doon! Wala na akong pake kahit pagkatapos nito mahuli ako agad
ng pulis dahil madali lang naman para saakin na mag-pyansa eh! Pinaghandaan ko
‘to!” Saka siya lumapit naman kay Eli. “Ang mahalaga lang saakin...” At sinikmuraan
siya. “Ang makaganti sa mayabang na Eleazer na ‘to!!!”
“Tama na!!!”
“Hwahahahaha!!!” Then he kicked him without hesitation. Mga halang ang kaluluwa. I
hope they all burn in hell especially him. “Alam mo kung anong plano ko sayo, Idol?
Una, sisiguraduhin kong mababaldado ka na ng tuluyan nang hindi ka na makalaban pa
ulit. At pangalawa at higit sa lahat, sisirain ko yang pinagmamalaki mong mukha!”
Kumuha siya ng tubo while the others were holding large paddles. Balak ba nilang
pagtulungan ng sabay-sabay si Eli? Hindi pa sila kuntento sa pambubugbog nila sa
kanya kanina.
“Ibuhos niyo na ang lahat ng lakas niyo sa round two!” Saka siya lumingon ulit
saakin. “At ikaw panoorin mong mabuti ang gagawin namin sa boyfriend mo ha.”
Walang tigil nang umaagos ang mga luha ko sa mata. Paano ko magagawang pumikit kung
alam kong pwede niya itong ikamatay.
Nung sisimulan na sana nila, may kung anong tumulak sa bibig ko...
“SANDALI!!!” Natigil sila at kita ko sa mga mata ni Eli ang takot at pagtataka sa
pagpigil ko sa kanila... “Ako na lang... ako na lang.”
“Wag...”
“Ako na lang saktan niyo! Mas makakaganti kayo kay Eli kapag ako ang sinaktan niyo.
Please, wag niyo na siyang saktan. Ako na lang!”
“SAM!!!”
“Stupid! You’re so stupid!” Alam kong yan na ang sinasabi ni Eli ngayon saakin sa
isip niya. Pero tanga na kung tanga! I won’t let them hurt him again!
.
.
I waited for his reply like I was waiting for a death sentence.
“HINDI!!! WAG!!!” Nagsisigaw na si Eli nun at pilit nang kumakawala dun sa upuan.
Sa pagwawala niya, kinailangan pa siyang hawakan ng tatlong tao para mapatigil
siya. “WAG NIYO SIYANG PAKINGGAN!!! AKO ANG SAKTAN NIYO!!! WAG SIYA!!!”
I felt my heart broke into pieces when I saw Eli crying again. Pinagtawanan pa siya
ng mga demonyong nakapalibot saamin. Naawa ako dahil sa paningin nila, ang baba na
ng tingin nila sa kanya.
“Nakakagulat lang kung paanong napaiyak ang sikat na Idol sa pagkakataong ito. Ang
hina mo pala eh.”
“Wag niyo siyang sasaktan. Nagmamakaawa ako. Kahit patayin niyo ako, wag niyo lang
siyang sasaktan.” No Eli. This time I’m ready.
Lumapit ulit saakin si Cyler and grabbed my hair. Sobrang sakit nun but I pretended
that the pain was nothing. “Ikaw anong sa tingin mo? Sino ba talaga ha? Siya ba o
ikaw?”
“Sige pakawalan niyo siya.” Biglang sabi ni Cyler. Bakit pa ako pakakawalan?
“Pagbigyan natin si Samira. Ladies first.”
“Wag!!!”
“At talian niyo nga sa bibig yang boyfriend niya! Ang ingay eh.”
Hindi ko maintindihan kung bakit iniutos ni Cyler na kalagan ako. At nung makatayo
na ako nang wala nang kahit na anong tali sa katawan ko.
“Ikaw na lang ang sasaktan namin dahil tama ka, mas masasaktan nga si Eleazer. Pero
baka sabihin mo naman na napakawalang puso ko. Bibigyan kita ng pagkakataong
lumaban naman kahit papaano. Hindi na rin ako gagamit ng kahoy. Mano-mano na lang!”
Kung ganun ang gusto ni Cyler patagalin pa ang paghihirap ko? “Pero tandaan mo,
hindi ako marunong maawa kahit babae ka pa.”
I glanced at Eli and our eyes met for a moment. Kitang-kita ang awa sa mga mata
niya. But he can’t do anything. Kahit pagsigaw, hindi na niya magawa dahil sa takip
sa bibig niya.
Si Cyler lang ang balak kumalaban saakin habang audience naman daw namin ang iba
niyang mga kagrupo. “Mauna ka nang umatake.”
My chest was throbbing and I’m feeling nervous, but I’m ready. Malalampasan ko rin
‘to. Malalampasan din namin ‘to.
And braver now, I clenched my fist and threw a punch on Cyler’s face. Humanda ka
saakin! Ako pa kinalaban mo!
(◣╭╮◢)
Sinusundan namin sina Kian at Kyle. Ngayong alam na namin na may kuneksyon pala
sila sa mga taga-North, mas mapapadali na ang pag-aayos ng problema namin tungkol
sa kanila.
Kaso sa pagsunod namin, bigla na lang nag-ring ang phone ko. “Si Sam tumatawag?” At
pagsagot ko... “Hello? Hello... Oy...”
“Bakit daw?”
“Wala eh. Hindi sumasagot si Sam.” Pero nagulat lang ako sa sumunod kong narinig.
Boses ni Idol at parang nagkakagulo.
“Sasama ako, pauwiin niyo lang ‘tong kasama ko.”
“Eli!”
“Takbo!!!”
“Anong nangyayari?”
“Ha? Anong pinagsasabi niyo? Teka mga kaibigan kayo ni Eleazer diba.” Hawak ko
naman yung bata na halatang takot na.
“Magkasama ngayon sina Sam at Idol at may nangyaring masama sa kanila. Inambangan
sila ng mga ka-grupo mo!”
At inipit pa ni Waine si Kian dun sa may pader. “Nasa panganib ngayon sina Sam!
Saan niyo siya dinala? Alam kong alam mo!”
“Inihatid ko lang si Kyle dahil pinakiusapan ako ng kuya niya na hindi niya
masasabayan ngayon si Kyle ngayon.” Watdapacker!!! Kung ganun hindi sila
magkapatid?
“Just look at our ID’s!” Ampness naman oh! Kian Miranda at Kyle Fontanilla! Hindi
nga sila magkapatid! “At saka babae ang kapatid ko.”
“Kung ganun...” At ang pinagbuntungan na namin si Kyle. “Sino ang kuya mo? Yung
kuya mo na taga-North?”
“Makisama ka naman bata! Nasa panganib ang mga kaibigan namin! Kung hindi mo kami
tutulungan, mapapahamak sila! Diba ikaw yung niligtas ni Sam? Hahayaan mo bang
mapahamak yung taong nagligtas sayo.”
“Pero sasaktan niyo ang kuya ko!”
“AISH!!!” Inuubos ng batang ‘to ang pasensya namin! Konti na lang papatulan na
namin siya.
“Teka lang, pabayaan niyong kausapin ko siya.” Magawa kaya ni Kian? Sana naman.
“Kyle, makinig ka. Mas mapapahamak ang kuya mo kung hindi mo sila tutulungan
ngayon. Sabihin mo sa kanila ang totoo. Maniwala ka.”
Dahil sa kalmadong pakiusap ni Kian, hindi rin nagtagal, nagsalita na yung bata.
“Ang kuya ko... siya si Cyler Fontanilla. Ang...” Hindi na namin pinatapos yung
bata dahil kilala namin ang pangalang iyon...
“Leader ng North Gang.” Sabay na naming nasabi ni Waine. ANg laking gulo nito!
Nagbalik nga ang bangkay na yun!
“Hindi ko sigurado pero baka dun nila dinala sa lumang building malapit sa creek.
Yung dating pabrika ng mga tela. Madalas kasi dun sila tumatambay.” Alam namin ang
lugar na yun!
“Salamat Kyle. Makakabuti ‘to sa kuya mo, maniwala ka.” Tatakbo na sana kami ni
Waine pero...
“Teka, sasama ako.”
Magandang ideya nga din yun kaya pinasama na namin sila. Baka kasi kapag
uncontrollable na ang sitwasyon, makatulong ang nakababatang kapatid ni Cyler na si
Kyle sa pagpigil sa kanya.
Papunta na kami dun sa lumang pabrika at syempre hindi naman kami nagpunta dun nang
walang plano.
Si Kian ang nag-inform sa mga pulis tungkol sa kidnapping samantalang tinawagan din
namin ang ilang mga ka-SGG namin kung sakaling malate ang mga pulis. Minsan pa
naman kung kelan sobrang nagkakagulo na wala pa rin ang mga parak!
Darating na kami mga Idol! Ililigtas namin kayo sa mga taga-North. Malapit na
kami!!!
(ノ ಠ 益 ಠ)ノ
“Wooooaaaaahhhhhh!!!”
Remember nung tinuruan ako ni Eli ng ilang taekwondo skills? Naalala ko pa rin yun!
Bukod doon, nagpa-practice din kami whenever there’s time. Tinuruan pa niya ako ng
ilang pang moves.
Napatingin ulit ako kay Eli. Please be proud of me junanax, ikaw ang nagturo
saaking lumaban. Hindi ako basta-basta magpapatalo.
*buuuuuuuggggssssshhhhhhhhhh!!!*
“Woooooooaaaaaaahhhhh!!!”
Muli tumayo si Cyler at nabwiset yata siya sa pagpuri saakin ng mga kasamahan niya
dahil sinuntok niya ito sa mukha.
Tumingin na siya saakin ng masama. Mas naging seryoso at nakakatakot na ang tingin
niya kaya mas lalo akong nag-focus. I’m making sure I’m doing the correct breathing
method,
I maintained our distance. Naalala ko kasi sabi ni Eli noon that if I can control
our distance, I can easily counter-attack.
Madali kong naiiwasan ang atake niya, and at the same time I was able to hit him on
his vital parts. He approached me without thinking and because of that, madali lang
na gamitan siya ng basic yet effective attacks na alam ko!
“Yaaaah!!!”
“Argh...”
That time, nakalapit na ako kay Eli. “Eli...” He looked at me and I know he’s happy
and very proud. Napansin ko nga rin na parang halos matatanggal na niya yung tali
sa mga kamay niya. Pagtanggal ko sa nakaharang sa bibig niya.
Agad ko namang sinunod yun at kinalagan siya agad. Alam ko hindi rin magtatagal
matatauhan na yung mga kulang-kulang sa utak na mga taga-North.
“Sam sa likod mo!!!” At sakto paglingon ko, tumama na malaking paddle sa braso ko
kaya natumba ako agad at napapikit na lang sa sakit. “SAM!!!”
“Ahhhhhh...mmm...”
Paglapit niya saakin, sinipa ko siya agad kahit nakahiga pa ako. Nakasilip din ako
ng pag-asa dahil sa wakas, tuluyan nang nakatakas si Eli sa pagkakatali niya!
“Loko ka hah!!! Girlfriend ko yan!!!” At una niyang binanatan yung lalaking pumalo
saakin.
At ano pa nga ba ang eksena na mangyayari? Dinumog lang naman kami ng higit benteng
kalalakihan.
Kahit sugatan at pagod si Eli dahil kanina pa nga siya bugbog-sarado, nagagawa pa
rin naman niyang lumaban. “Tumakas ka na Sam.”
“Hindi kita iiwan!” Ako naman, feeling ko gangster din ako. Lumalaban din ako kahit
grabe yung sakit. Imposible naman kasing hindi ako tamaan ng suntok diba?
Nung tuluyan nang natumba si Eli, madali na lang rin nila akong napabagsak. Pero
magkatabi kami at nakayakap ako sa kanya. Pareho kaming humihingal, pagod na pagod
sa maaksyon at madugong awayan namin.
Napa-isip tuloy ako. Walang naman kaming ginagawang masama diba? Bakit kailangan
naming pagdaanan ‘to?
“Grabe kayo! Dadalawa na nga lang kayo, sugatan pa yang isa, nagawa niyo pa kaming
pahirapan!” Nakangising sinabi ni Cyler pero galit siya. Lumapit siya saamin at
alam ko na ang sunod niyang gagawin. Yun ay ang gantihan ako sa ginawa kong
pagpapahiya sa kanya kanina.
Pero bago pa man tuluyang tumama ang suntok niya saakin, pinigilan ito ni Eli.
Lumaban pa siya para hindi ako masuntok. Kahit na sa huli, pinagtulungan siya ulit
nung iba. “Kahit kelan hindi ka mananalo... tandaan mo yan.”
“Tumahimik ka!!!” Kumuha siya ng tubo at muli itong ipinalo sa likod ni Eli.
“TAMA NA!!!”
I’m hurting inside and out. Ang sama-sama na ng pakiramdam ko. Pinipilit kong
maging malakas pero sumasagi sa isip ko yung tanong na malalampasan ba talaga namin
‘to?
Hirap na hirap na rin si Eli. I’ve never seen him so weak pero pinipilit niyang
maging malakas para saakin. “Ako lang naman ang gusto niyo diba? Ako na lang ang
patayin niyo... pakawalan niyo na siya.”
At this point, nagdasal na ako sa isipan ko na sana... sana hindi pa huli ang
lahat.
“Idol!!!”
Hindi lang ako makapaniwala dahil agad sinagot ang dasal ko.
Maluha-luha ako ulit nung marinig ang boses nina Waine at Argel kasama ang mga
kaibigan nila. “SGG...” Naibulong ko habang nagkatinginan kami ni Eli. “Ligtas na
tayo.”
“Si Cyler ang kapatid ni Kyle at hindi ako. Wag ka nang mag-salita Eleazer. Ang
mahalaga, maitakas na namin kayo dito. Sugatan kayo pareho.” Busy sa pagpapatumba
ng mga kalaban sina Waine at Argel at yung iba. Hindi naman ako umalis sa tabi ni
Eli na parang ilang sandali na lang ay mawawalan na siya ng malay.
Kung alam lang nila kung gaano kaluwag sa pakiramdam yung pagdating nila at
pagligtas nila saamin. Laking ngiti ko nga nung makalapit na rin kami sa labasan.
Gabi na pala!
Natawa ako at naiyak! “Kaya mahal na mahal din kita eh! Ikaw nagturo saken.”
Heto na kami! We’re not fine but we will be. Sabi na malalampasan namin ‘to eh!
.
.
Gun shot.
ͼ(ͽ)ݓ_ݓ
=================
Chapter 50
Parang naging slow-mo yung pangyayari matapos naming magulat sa malakas na putok ng
baril. Ni sa panaginip ko, hindi ko inakala na mangyayari at dadanasin namin ang
ganito.
“Eli...” Nanginginig ang mga kamay ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Gusto kong
maniwalang hindi totoo ang lahat ng ito.
“Eli...” Mas humigpit ang hawak niya sa braso ko. At hindi ko na napigilang umiyak
ulit.
Napuno ang kamay ko ng dugo mula sa tama ng baril sa bandang likod ni Eli.
“Hindi... ELI!!!”
Susubukan pa sana nung ibang taga-SGG na agawin ang baril mula sa kamay ni Cyler
pero nagpaputok ulit ito at saka itinutok ang baril sa banda namin. “Sige subukan
niyo lumapit. Papuputukan ko ulit sila!”
“Ano pa bang gusto mo!!! Kulang pa ba ang pananakit mo saamin? Wala ka na bang
takot sa Diyos? Bakit kailangang gawin mo ‘to!!!”
“Tumigil ka na! Hindi na tama ‘to! Sobra na ‘to! Gusto mo ba talagang pumatay ng
tao ha?”
“Tumahimik ka!!!”
“Alam mo bang si Sam pala yung taong nagligtas sa kapatid mo?” Nagulat bigla si
Cyler. “Nalaman ko kanina na si Sam yung nagpabugbog sa mga taga-East dati para
lang iligtas si Kyle!”
“Imposible!”
Habang nag-uusap sila, kinausap ko naman si Eli. “Eli, wag mo kong iiwan ha.
Malalampasan din natin ‘to. Wag mo kong iiwan. You’ll be okay so stay with me...”
Nakatingin lang siya saakin. Lumuluwag ang mahigpit niyang hawak sa braso ko
kanina.
“Cyler, tama na.” Dahan-dahang lumapit si Kian patungo sa kaibigan niya. Delikado
pero ang tapang ni Kian. “Amin na ang baril, sumuko ka na. Tigilan niyo na ‘to ng
grupo mo.”
Napansin naming ibinababa na nga ni Cyler ang pagkakatutok ng baril saamin. Kaya
nga akala namin tapos na... hindi pa pala.
“Cyler.”
“Layas sabi!!!”
“Tama na Cyler.”
“Pero...”
“UMALIS KA JAN!!!”
At muling itinutok ni Cyler ang baril saaming dalawa ni Eli.
Then I saw Kian trying to fight back now. Pinilit na niyang agawin yung baril mula
sa mga kamay ni Cyler.
But it was too late dahil naiputok niya ito ulit. It was two gunshots this time on
our direction. And because of my fear na si Eli ulit yung tamaan nung bala, I
quickly covered him with my body.
Then I felt two bullets penetrated my body. I did this to save him.
I thought I was going to fall from the ground, pero nagawa pa akong hawakan ni Eli.
Nakahiga na siya sa sahig samantalang nakapatong ako sa katawan niya. Now he did
that to save me.
Napaubo pa ako dahil may lumabas nang dugo mula sa bibig ko.
Ang sakit-sakit.
Parang sinusunog.
“Sam...” At parang kaming dalawa na lang ni Eli ang narito ngayon. “Sam... can you
hear me?”
Pinilit kong sagutin ang tanong niya. “Yes...” That one word habang pumapatak ang
luha ko sa mukha ni Eli. Pag mas malapitan, makikita mo yung mga sugat at pasa sa
mukha niya.
“Ikaw? Nasabi ko na bang ikaw lang din... ikaw lang ang minahal ko.”
“Hindi pa yata...” At itinaas niya ang nanginginig niyang kamay para hawakan ang
pisngi ko. “Sabihin mo nga... sabihin mo ngayon...” Parehong mahina ang boses
namin. Halos bulong na lang pero nagkakaintindihan pa rin kami.
“Eli... ikaw lang... ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito... at ikaw lang...
walang ng ibang... papalit pa sayo.”
Natawa ako ng mahina pero naramdaman ko yung hapdi sa mga sugat ko. Basang-basa na
kami pareho sa mga dugong hindi pa rin tumitigil sa pagdaloy.
“Pahinga ka na.”
“Ikaw din...”
I closed my eyes and I rested my lips on his lips. I wanted to kiss him just in
case na hindi na ako makaabot pa ng buhay.
웃❤유
Parang sandali ko lang namang ipinikit ang mga mata ko. Tapos pagmulat ko
nakakarinig na ako ng mga wangwang ng pulis pati ng ambulansya.
Nakahiga na ako sa isang stretcher at may mga medics na nakapalibot saakin. “Si
Eli...?”
“Eli...?” Lumingon ulit ako at ayun na. Nakita ko na siya na nakahiga sa stretcher
din. Wala siyang malay at naka-oxygen mask na.
Nahihilo ako dahil nagpuputi lang ang paligid ko at parang umiikot ang lahat.
.
“She’s losing a lot of blood.”
“Eli...”
“Her blood pressure is dropping.” Saka nagtapat ng flashlight yung medic sa mga
mata ko. “70 over 40.”
.
.
“Careful.”
.
.
“Bawal na po dito.”
Gusto ko siyang makita for one last time bago ako mamatay.
Nasaan na ba siya?
.
.
Ang labo noh? Pero pagod na ako eh. Hindi ko mahanap si Eli.
“Clear!”
(◡_◡)
“Hmmm~” Nagising ako na nasa higaan ako sa loob ng kwarto ko dito sa bahay ni Eli.
Pagbangon ko tumingin ako sa orasan ko... “Anong oras na ba?” Nakakapagtaka. Sira
yung orasan ko. Hindi na umaandar.
Pagbukas ko sa pinto, kinatok ko na si Eli sa kwarto niya. Pero walang sumagot kaya
pumasok ako sa loob. “Wala? Nasaan kaya yun?”
Hinanap ko siya sa isa pang kwarto. Tapos dun sa banyo. Tapos bumaba na ako at
sinilip siya sa living room. Wala din!
“Eli!!!”
Nasaan na ba yun?
Dahil doon hindi ko na napigilang umiyak. Parang nakakaramdam ako ng sakit sa puso
ko. Hindi ko maintindihan.
.
“Clear!”
Nakakabighani yung liwanag kaya hindi ko na napigilan pang ihakbang ang mga paa ko
at lumapit dun sa liwanag.
Isang hakbang...
.
.
Na hindi ko nagawa.
Kasi...
“Wag Sam!”
“Eli!!!” At laking tuwa ko kaya napatakbo ako pabalik para yakapin siya. “Kanina pa
kita hinahanap eh! Akala ko may masama nang nangyari sayo! Saan ka ba kanina nung
hinahanap kita? Nagtatago ka noh?”
“Ano ka ba ha? Bakit tatawid ka doon? Hindi mo na inisip yung mga taong nagmamahal
sayo! Paano na si Kuya Rico mo at tsaka mommy ko? Paano na yung magiging anak nila,
mawawalan na ng auntie? Paano na si Byron, mawawalan na ng bestfriend! Paano na
sina Waine, Argel, Sheena at Raffy? Mababawasan ang barkada! Ikaw talaga! Hindi ka
pa pwedeng umalis!”
“Ah speaking of oras. Alam mo ba kung anong oras na? Sira yung orasan ko eh.”
Sandali kaming magkatitigan. We’re only looking at each other’s faces. Tapos
tumingkayad ako para halikan na siya. And it wasn’t that long when that simple kiss
turned into our favorite kiss.
Signature namin yun eh! Biruin mo kahit dito naganap ang soul kiss!
Ayiiiieeeehhh!!! Nakakakilig lang!!!
After the kiss he hugged me so tightly. Then he smiled like he was the happiest man
on earth. Syempre naman, ikaw ba magka-girlfriend na tulad ko! Ahihihihi! Ang kapal
ko lang.
Excited na akong naunang pumasok pabalik ng bahay, pero parang may mali.
I know this is just a dream... but... but why do I get this feeling na... “No... no
Eli...”
“No Eli!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
( ό_ὸ )
(A/N: Wow!!! Hindi pa rin ako makapaniwala na dumating na nga ang araw na ‘to. Yes
folks, this is the FINAL CHAPTER! Pero hindi pa tapos ha! Epilogue na kasunod.
Abangan niyo ang shocking ending! Ang most heartbreaking... err... heart-stopping
ending pala.
Basta whatever happens, sinunod ko lang yung original plot na naisip ko simula pa
nung umpisa. Wag kayong magdamot ng suporta!
And a piece of advice, just keep on reading until I say IT'S DONE!)
=================
EPILOGUE
After the incident, wala daw akong malay for almost two weeks. 50-50 daw ang
naging condition ko dahil sa pagkaubos ng dugo ko pero nakaligtas naman ako.
Dahil sa inabot ng ilang linggo ang pagpapagaling ko, hindi na ako naka-attend ng
graduation ng South Grisham. Hindi ko tuloy sila nakita nung kunin na nila yung
diploma nila.
“Sam, sigurado ka bang kaya mo na?” Tanong saakin ni kuya Rico. Siya kasi ang
nagda-drive ngayon ng sasakyan. I just got out from the hospital.
Kasama namin sina Waine at Argel. Kinuwento nila saamin kung paano kami nailigtas
noon sa mga kamay ni Cyler. Nung nakipag-agawan daw ng baril si Kian, saktong
dumating na yung mga pulis kasama si Kyle.
Wala nang nagawa si Cyler nun kundi sumuko dahil na din sa pakiusap ng kapatid
niya. Sa ngayon, nasa kulungan na siya at matindi ang kasong kaharap niya. Si Kyle
naman, nasa pangangalaga ng DSWD.
“Nandito na tayo.”
Nakatingin ako sa labas ngayon. Napakalawak nung lugar. Bumaba na ako sa sasakyan
at nagprisintang naman sina Waine at Argel na samahan ako.
*sniff... sniff*
Tahimik lang akong nakayuko. Nakatitig sa kung saan nakapwesto ngayon si Eli.
Eleazer Pascual
Napatakip ako ng bibig ko habang pinipigil ang pagtulo ng luha ko. I have cried
enough. Natutuyo na ang mga mata ko. “Mas maganda pa yung ginawa niyang epitaph
para kay Rinoa noon noh?” Idinaan ko na lang sa biro.
Inakbayan naman ako nina Waine at Argel. “Ang duga nga ni Idol. Dapat ako ang aalis
eh, inunahan pa niya ako.”
“Dapat binugbog niyo siya. Diba yun ang usapan niyo? Walang iwanan.”
“Tulad mo Sam, ikaw lang ang hinahanap niya hanggang sa huling hininga niya.” Argel
whispered.
I just smiled. And a few moments later, iniwanan na nila akong mag-isa.
I sat down beside him. Tapos hinawakan ko yung carvings dun sa tombstone.
“Hindi man lang kita nakita ulit, ang duga mo!” I was even one week late nung
ibinurol siya. “Kaya ba hindi mo ako pinatawid dun sa panaginip ko hah? Kasi ikaw
ang balak mang-iwan...”
Kahit masikip sa dibdib, pinilit kong wag tumulo ang mga luha ko.
“Paano naman ako Eli? Ano namang gagawin ko ngayong wala ka na? Hindi ka man lang
nagpaalam... hindi mo man lang ako hinintay magising.”
Pero kahit anong pagpipigil ko, kusang tumulo ang mga luha ko.
At...
“Sam... condolence.”
Halata sa boses nila ang awa saakin. Tinanguan ko na lang sila at pinilit kong
ngumiti.
Pagpasok ko sa loob, nakita ko na rin si Sunmi kasama ang papa nila ni Eli. Bumalik
sila papunta dito after knowing the bad news about his death.
“Unnie...” Namumugto ang mga mata ni Sunmi. Niyakap lang niya ako ng mahigpit and I
heard her sniff.
“I’m sorry...” Waine was also behind Sunmi’s back. Kino-comfort niya ang girlfriend
niya. Napaka-sweet na boyfriend.
“No. I’m sorry.” Everyone present in this house share the same feeling. Naglalamay
pa rin ang lahat sa pagkawala ng isang mahalagang tao sa buhay namin.
We just comforted each other. “I knew my son was in loved with you the first time I
saw the both of you together.” Napa-smile ako sa sinabi niya. “And I know that
wherever he is right now, he’ll be watching over you.”
“Tell me what?”
“There’s this box we found at Eli’s room. And we believe that belongs to you.”
=====
I went upstairs alone. Pumasok ako sa kwarto ni Eli and closed the door.
Tinitigan ko lang ang buong kwarto niya. As usual sa maarteng si Eli, ayos na ayos
ang mga gamit niya.
Then napatingin ako sa box na nandun nga sa kama. I went close to it at naupo ako
sa malambot na kama niya.
There was an envelop full of pictures of me while I was asleep. “Kelan niya kinuha
‘to?” Binilang ko yun, 36 lahat. Ang dami! Lahat puro mukha ko habang natutulog!
Naka-focus pa! (A/N: See CH.10)
“Si Sam habang natutulog matapos niya akong bantayan nung nagkasakit ako. Tulo-
laway noh. XD”
Then may another envelop akong nakita. Kelan pa nagtabi ng ganitong stationary si
Eli? Napailing na lang ako.
Pagbukas ko may nakasulat dun, “A Secret Letter” by Eleazer Pascual.
“Sa umaga, ikaw agad ang hanap ko, dahil ikaw ang taga-handa ng breakfast ko.
Mahirap mang aminin pero yun ang totoo, Na Auntie nga kita, at nephew-in-law mo
lang ako.
Sorry kung hanggang dito lang ang maibibigay ko, Na hanggang dito lang ang relasyon
nating dalawa.
At siguro nga hindi mo na rin dapat ito mabasa, Dahil alam kong pwede lang kitang
masaktan.
Sam, hindi kita kayang pasayahin. Lalong hindi ko kayang mahulog sa'yo.
So ang ibig bang sabihin nun, matagal nang inaasahan ni Eli na walang magandang
ending ang kwento namin? “Loko ka talaga Eli!!! Bakit ba ang adik mo! Pati ganito
ginagawa mo...” Pero nagkamali naman siya with one thing, minahal naman niya ako.
Saka ako nakakita ng USB. Matagal akong nakatitig doon bago ko naisipan na alamin
na rin kung anong laman nun. I opened his computer at nakakatawa lang dahil yung
wallpaper ng desktop niya ay picture naming dalawa. “Kaya pala ayaw niyang ipagamit
itong computer niya.”
Isinaksak ko na yung USB at tanging laman lang nun ay mga recorded videos. Mapanood
nga.
“Hay nakakainis talaga!!! Alam mo yun Rinoa, hindi na tuloy yung date namin!!!”
Uwaaahhh!!! Napapanood ko ngayon si Eli na nandun nakatayo sa may gate at kausap si
Rinoa. It was a recorded video nung 03-14-2012 around 7 AM. Nung Valentines Day!
“Bwiset kasing Kian yun eh. Ayaw maniwala ni Sam na may gusto sa kanya yung mokong
na yun! Hindi pa ba siya naniniwala sa instinct ng isang Idol? Aish!!!” Tapos
napakamot na lang siya sa ulo niya at sinipa yung gate.
“Sayang tuloy yung surprise ko sa kanya para mamayang gabi! Sayang talaga Rinoa!”
Surprise? “Sasabihin ko na sana na I just got accepted dun sa Edinham! Na pag-
college ko, sa same university na kami papasok!”
“What...?” Hinalungkat ko yung box at nandun nga yung enrollment papers niya for
Edinham! I felt something pricked my heart. So balak pala ni Eli na pumasok rin sa
Edinham just for the chance to spend more time with me.
Pinanood ko pa yung iba. Nakakatuwa lang na ni-compile pala ni Eli ang lahat ng
videos na magkasama kami. I was crying while watching those videos na nagpapakita
nung mga times na masaya, malakas at buhay na buhay pa si Eli.
There was even a video nung sumasayaw siya ng Super Bass dance craze ni Vice Ganda.
Biruin mo yun! Pero meron din yung kumakanta siya. Yung kantang TRY at STATUE.
Those three songs!
When I finally reached the last video, it was dated 12-22-2011 around 11 PM. This
happened last year, nung napurnadang confession sana namin kina Kuya at mommy niya
tungkol sa secret relationship namin.
“Yow Sammy... if you’re watching this. Make sure na wala ako sa paligid ha!”
Lumingon-lingon pa daw ako sa likod ko. “Ano? Nasigurado mo na bang wala ako?”
“Wala ka na nga dito Eli. Wala ka na sa tabi ko...” Grabe ang mood swing ko ngayong
araw! Iiyak, ngingiti. Malulungkot, tatawa.
“Good! Kung sa bagay, alam ko naman na susundin mo ang sinabi ko eh. Na panonoorin
mo itong video kapag either nasa labas ako o nakatambay ako kina Waine o Argel.
Kasi kung panonoorin mo ‘to habang kasama mo pa ako, mabibigwasan lang kita.”
“Fiancée?”
Rewind.
The word fiancée echoed inside my head. At that point ibinuhos ko na lahat ng laman
nung box. I searched for that ring he’s referring.
And there I found a small heart-shaped red velvet box.
“Well, alam ko naman na nung nag-propose ako sayo, I gave you no choice but to say
yes. Dapat lang noh, ako pa ba tatanggihan mo?”
Puno na ang mga mata ko ng luha kaya tuluy-tuloy na lang ang pag-agos nito. Napaka-
sakit dahil bakit hindi pa pinayagan na maging kami hanggang sa huli?
“But don’t worry Bugal. I won’t give you any reason para pagsisihan mo yung
pagsagot mo ng YES nung proposal ko. Kasi nga heto lang yan, W-V-5-S-3-A-O-7-I-7-3.
Na ikaw lang ang mahal ko.”
Nakakabingi yung paligid dahil ang naririnig ko lang, yung boses ko habang walang
tigil na umiiyak. At yung malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang sakit.
Isinuot ko na yung singsing sa ring finger ko and it was a perfect fit. “Yes Eli...
my answer will always be YES.”
=====
Lumipat na ako sa ibang apartment ngayon. Secure naman yung place so there's
nothing to worry about. Bukod doon, nasasandalan ko naman yung mga kaibigan ko eh.
“Nandito na po kami!”
“Pasok kayo!”
Sama-sama naming dinalaw sina Ate Pia. Kasama ko sina Waine at Argel, si Byron, at
sina Sunmi, Sheena and Raffy.
Nanganak na kasi siya. Nung namatay si Eli, everyone was also worried for her dahil
kabuwanan niya na yun eh. Fortunately, naging maayos naman ang lahat.
Sa livingroom.
Agad namang lumabas yung mga girls mula dun sa kwarto ng baby. “Here’s the baby!!!”
Tapos pinagkaguluhan na naming lahat yung baby ni Ate Pia. Lahat kami, excited!
“Ahahaha! Talaga?”
“Singkit eh.”
“Nagmana siguro kay Eli.” Napatingin silang lahat saakin. “Oh bakit? Singkit naman
si Eli diba. Parang ganyan.” Then I smiled. Oo, nagagawa ko na ring ngumiti.
Kahit hindi na ako makakamove-on sa pagmamahal ko kay Eli, I still have to move-on
with my life. Alam ko naman na hindi gugustuhin ni Eli na masira ang buhay ko.
“Ang gwapong bata ng baby niyo Tita Pia. Panigurado lalaking katulad ‘to ni Idol!
Habulin ng mga babae.”
“Pero wag lang sana siyang magmana sa kasungitan ni Idol.” Tapos nagtawanan lang
kami.
Isa-isa nang pinagpasahan yung bata. Lahat excited na mabuhat ang baby nila Kuya
Rico.
When it was my turn to finally carry the child, “Kaya mo na ba? Yung sugat mo sa
likod.”
There was an undescribable feeling of happiness when I held the child in my arms.
“He’s a boy. Diba sabi niyo noon kapag lalaki, isusunod niyo sa pangalan ni Eli?”
I’ll be the happiest. “Kung ganun...” I looked at the baby. Nakakatuwang titigan
ang maliit at cute niyang mukha. “Eleazer... Eleazer din ang pangalan niya.”
They agreed.
“I’ll be a better auntie to you. ” Saka ako napatingin sa suot kong singsing. “At
hindi lang ako ang magbabantay sayo kundi pati si Kuya Eli mo dun sa heaven.”
Everyone,
~The End~
.
.
=================
Goodbye?
Pero nasabihan ba kayo ng author na tragedy pala ang katapusan nitong story?
Papalusot ka pa eh! Kung hindi niyo inakala na ganito pala ang ending, sige pwede
niyong simulang huntingin yung author. Nagtatago lang siya sa bahay niya sa
Bagumbong, Caloocan.
Eh kasi naman, diba sa totoong buhay may ganun talaga. Hindi lahat happy ending.
*buuuggggsssshhh!!!*
Ako na sumapak sa author! Totoong buhay ka jan! Ansabeh? Totoong buhay ba yung kina
Eli at Sam? Fictional nga lang diba, kapalmuks hah! Feelers lang!
Kung katulad ko kayo na NEVER NAGING FAN NG SAD ENDING, heto po ang hintayin niyo.
That was just Epilogue Version 1! Nung namatay si Eli, puchu-puchu lang yun!
Ahahaha!!!
Yung unang binasa niyo, sad ending. Kung ayus na kayo dun, eh di ayus na kayo. Pero
kung hindi naman...
Meron pong HAPPY ENDING! Ibang version! Ibang Epilogue! Yung pwedeng buhay si Eli!
Ahem~
Oh masaya na kayo?
SECRET LETTER: http://www.wattpad.com/8090363-my-nephew-in-law-fin-editing-ang-
secret-sa-secret
EPILOGUE 2: http://www.wattpad.com/8091006-my-nephew-in-law-fin-editing-epilogue-2