2nd Grading A2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

IKALAWANG MARKAHAN

NAIPAPALIWANAG ANG INTERAKSYON NG DEMAND AT SUPLAY SA KALAGAYAN NG PRESYO AT NG PAMILIHAN

ALAMIN

Sa bahaging ito ng aralin, pagtutuunan ng pansin ang mga prodyuser. Sa pag-aaral ng supply,
malalaman natin ang kahandaan at kakayahan ng mga prodyuser upang matugunan ang kagustuhan at
pangangailangan ng mga konsyumer. Tutuklasin mo ang mga salik na nakaaapekto rito at kung paano ito
nagbabago dahil sa presyo at iba pang salik. May iba’t ibang mga gawain na inihanda na tataya sa iyong
kaalaman. Inaasahang mahihikayat kang mapagyaman ang iyong kaalaman at maunawaan ang kahalagahan ng
supply sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran.

Gawain 1: THREE PICS: ONE WORD

Kompletuhin ang word puzzle ng bawat susuriing larawan. Matapos nito ay pag-ugnay-ugnayin ang
inilalahad ng bawat larawan upang mabuo ang hinihinging konsepto. Pumili ng mga letra upang mabuo ang salita o
konsepto.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang salitang nabuo mula sa mga larawan?

2. Anong konsepto ang mabubuo mo batay sa mga larawan?

3. Paano mo maiuugnay ang mabubuong konsepto sa mga prodyuser?


Gawain 2 : GO NEGOSYO!

Suriin ang pag-uusap ng dalawang prodyuser at sagutin ang pamprosesong tanong sa ibaba.

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang paksang pinag-uusapan ng dalawang prodyuser?

2. Batay sa usapan, ano ang reaksiyon ng isang prodyuser kapag tumataas ang presyo?

3. Sa iyong hinuha, ano ang relasyon ng pagtaas ng presyo ng mga produkto sa pagdagdag ng produksiyon?

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang graph ng kaalaman upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman
tungkol sa konsepto ng supply.

PAUNLARIN

Sa bahaging ito ay matututuhan at mauunawaan mo ang mahahalagang impormasyon at kaisipan ukol sa


konsepto ng supply, ugnayan ng presyo at dami ng supply, at mga salik na nakaiimpluwensiya rito. Inaasahang
magkakaroon ka ng kaalaman tungkol sa gawi at pagpapasya ng mga prodyuser sa mga pagbabago ng salik na
nakaaapekto sa supply. Simulan na ang paglinang!

ANG KONSEPTO NG SUPPLY

Bilang tugon sa maraming pangangailangan ng tao, nabibigyan ng pagkakataon ang mga prodyuser na
lumikha ng mga produkto at magkaloob ng serbisyo upang kumita. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o
serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

Batas ng Supply

Isinasaad ng Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng
isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang
ipagbili. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili
(ceteris paribus).

Ayon sa Batas ng Supply, sa tuwing ang mga prodyuser ay magdedesisyon na magprodyus ng produkto o
magkaloob ng serbisyo, ang presyo ang kanilang pangunahing pinagbabatayan. Ipinapakita ng batas na ito na ang
presyo ng produkto o serbisyo sa pamilihan ang pangunahing batayan ng prodyuser sa paglikha. Dahil dito, higit ang
kanilang pagnanais na magbenta nang marami kapag mataas ang presyo.

Supply Schedule Higit na mauunawaan ang konsepto ng supply sa pamamagitan ng supply schedule. Ang
supply schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang
presyo. Makikita sa ibaba ang supply schedule.

Ang iskedyul na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity supplied para sa kendi sa iba’t ibang
presyo. Halimbawa, sa halagang piso (Php1.00) bawat piraso ng kendi, sampu (10) lamang ang dami ng handa at
kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa presyong (Php2.00) bawat piraso, dalawampung (20) piraso naman ang handa
at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Kung tataas pa ang presyo at maging limang piso (Php5.00) bawat piraso ang
kendi, kapansin-pansing magiging 50 ang magiging supply para dito. Malinaw na ipinapakita ang direktang ugnayan
ng presyo at quantity supplied ng kendi para sa prodyuser.

Maliban sa supply schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity supplied sa pamamagitan ng
isang dayagram o graph, ito ay tinatawag na supply curve. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng
presyo at quantity supplied.

Supply Curve

Ang graph sa itaas ay batay sa supply schedule na nasa talahanayan. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang
kombinasyon ng mga presyo at quantity supplied ay mabubuo ang supply curve para dito. Halimbawa, sa punto B
ang presyo ay piso (Php1), sampu (10) ang dami ng kendi na gusto at handang ipagbili ng prodyuser; sa punto C na
ang presyo ay dalawang piso (Php2), dalawampu (20) ang dami ng kendi na gusto at handang ipagbili ng prodyuser.
Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pataas o upward sloping
curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at handang
ipagbili ng mga mamimili. Ang paggalaw sa kurba mula punto B papunta ng punto C ay nagpapakita sa pagtaas ng
supply ng sampung (10) piraso ng kendi. Kapag ang presyo naman ay bumaba ng piso makikita sa graph na
bumababa ang quantity supply sa sampung (10) piraso.

Paggalaw sa Supply Curve o Movement Along the Supply Curve


Ipinapakita sa graph sa itaas ang paggalaw sa supply curve. Mangyayari ang paggalaw sa supply curve kung
ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo ng produkto na nagbabago. Kung ang presyo ng kendi ay tumaas
mula Php1 tungong Php2, makikita sa graph na lilipat ang punto B sa punto C. Kung bababa naman ang presyo mula
Php5 tungong Php4, ang punto F ay lilipat sa punto E.

Supply Function

Ang isa pang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied ay sa pamamagitan ng supply
function. Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Maaari
itong ipakita sa equation sa ibaba:

Qs = f (P)

Ang Qs o quantity supplied ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman ang independent variable.
Ibig sabihin, nakabatay ang Qs sa pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at
kayang ipagbili ng mga prodyuser. Isa pang paraan ng pagpapakita ng supply function ay sa equation na:

Qs = c + Bp

Kung saan:

Qs= dami ng supply


P = presyo
c = intercept (ang bilang ng Qs kung ang presyo ay 0)
d = slope = Qs
P
Nagsasaad kung ang relasyon ng P at Qs ay positive o negative. Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa
dami ng supply sa bawat pisong pagbabago sa presyo.

Upang mapatunayan na ang datos sa supply schedule sa itaas at ang supply function ay iisa, suriin at pag-
aralan ang kompyutasyon sa ibaba:

Supply Function mula sa Supply Schedule para sa kendi: Qs = 0 + 10P.


Kapag ang P = 1 Qs= ? Kapag ang P = 10 Qs=?

Qs = 0 + 10P Qs = 0 + 10P
Qs = 0 + 10(1) Qs = 0 + 10(5)
Qs = 0 + 10 Qs = 0 + 50
Qs = 10 piraso Qs = 50 piraso

Gamit ang supply function ay makukuha ang dami ng quantity supplied kung may given na presyo. I-
substitute ang presyo na piso sa variable na P at I-multiply ito sa slope +10, ang makukuhang sagot ay idadagdag sa
0 (intercept). Mula dito ay makukuha ang sagot na 10 na quantity supplied. Sa ikalawang halimbawa, ang presyo na
5 ay i-multiply sa 10. Ang naging quantity supplied ay 50.

Gawain 4: I- GRAPH MO!


Ilipat sa graph ang mga punto na makikita sa supply schedule sa kaliwa upang mabuo ang supply curve.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang quantity supplied sa presyong Php30?

2. Ano ang nangyari sa quantity supplied nang bumaba ang presyo sa Php10? Ipaliwanag.

3. Paano inilalarawan ng supply curve ang batas ng supply?

Gawain 5: SU-DA-KU (SURI, DATOS, KURBA)

Nalalapit na ang pagsisimula ng klase sa buwan ng Hunyo, kaya inaasahan ang pagtaas ng presyo ng school
supplies partikular na ang kuwaderno. Gamit ang supply function na Qs= 0 + 50P at itinakdang presyo sa ibaba,
bumuo ng hypothetical na iskedyul na magpapakita ng iyong desisyon kung ilang kuwaderno ang handa mong
ipagbili. Matapos ito ay i-plot ang iskedyul upang mabuo ang supply curve.

Iskedyul ng supply para sa notebook bawat piraso

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong pangunahing dahilan para lumikha ng maraming produkto at serbisyo?

2. Kung ikaw ay isang negosyante/nagbebenta, ano ang dapat mong isaalangalang maliban sa kumita? Ipaliwanag.

Gawain 6: MAG-COMPUTE TAYO!

Kompyutin ang sumusunod na talahanayan gamit ang datos na nasa ibaba.


Gawain 7: MAG-LEVEL-UP KA!

Lagyan ng (/) ang tapat ng kolum na sang-ayon kung naniniwala ka na tama ang pahayag ukol sa konsepto
ng supply at ang (/) sa tapat ng kolum kung hindi sang-ayon.

Iba pang mga Salik na Nakaaapekto sa Supply

Maliban sa presyo, may iba pang salik na nakaaapekto sa supply. Ang pagsusuri ng mga salik na ito ay
mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon ang mga prodyuser.

(1) Pagbabago sa Teknolohiya


Karaniwan na ang modernong teknolohiya ay nakatutulong sa mga prodyuser na makabuo ng mas
maraming supply ng produkto. Dahil dito, maaaring bumaba ang halaga ng produksiyon na lalong
hihikayat sa mga prodyuser na dagdagan ang kanilang supply.
(2) Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon
Ang paggawa ng produkto ay nangangailangan ng iba’t ibang salik gaya ng lupa, paggawa, kapital, at
entrepreneurship. Sa bawat pagtaas ng presyo ng alinmang salik, mangangahulugan ito ng pagtaas sa
kabuuang gastos ng produksiyon kaya maaaring bumaba ang dami ng mga produkto o serbisyo na
handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng presyo ng alinmang salik
ay magdudulot din ng pagbaba ng kabuuang gastos sa produksiyon kaya’t inaasahan ang pagdami ng
supply.
(3) Pagbabago sa Bilang ng mga nagtitinda
Ang salik na ito ay maihahalintulad din sa bandwagon effect sa demand. Kung ano ang mga nauusong
produkto ay nahihikayat ang mga prodyuser ng mag prodyus at magtinda nito. Halimbawa, dahil nauuso
ang pagtitinda ng siomao, milkshake at toasted siopao, mas marami ang nahihikayat na magtinda ng
kaparehong produkto.
(4) Pagbabago sa Presyo ng kaugnay na produkto
Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakaaapekto sa quantity supplied ng mga
produktong kaugnay nito. Halimbawa, ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at mais. Sa panahon na
mas mataas ang presyo ng mais, magaganyak siyang gamitin ang kabuuang lupa bilang taniman ng mais.
Ito ay magdudulot ng pagbaba sa supply ng bigas at pagtaas ng supply ng mais.
(5) Ekspektasyon ng Presyo
Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon,
may mga magtatago ng produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap. Ang
kondisyong ito ay tinatawag na hoarding na nagbubunga ng pagbaba ng supply sa pamilihan.
Halimbawa, may paparating na bagyo na tatama sa Gitnang Luzon na isa sa mga pinagmumulan ng
supply ng bigas sa bansa. May ilang mapagsamantalang negosyante na magtatago ng kanilang supply
dahil sa inaasahang pagtaas sa presyo ng produkto. Kapag nangyari na ang inaasahang pagtaas ng
presyo ng bigas, muli nilang ilalabas sa pamilihan ang mga itinagong bigas.

Ang Paglipat ng Supply Curve o Shifting of the Supply Curve

Ang graph sa itaas ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng supply. Ang pagtaas ng supply ay
makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa kanan. Mangyayari ang paglipat ng kurba ng supply sa kanan
kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagtaas ng supply. Ang pagbaba ng supply ay
makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng supply sa kaliwa kung ang
mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagbaba ng supply.

Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakaaapekto sa Supply

Ang mga pagbabago sa salik ng supply ay may epekto sa magiging kahihinatnan ng negosyo. Dapat alam ng
prodyuser kung papano tutugon sa pagbabago ng mga naturang salik.

1. Ang pagtaas ng gastusin sa produksiyon ay nagreresulta sa pagtaas ng presyo ng produkto. Hahantong


naman ito sa pagbaba ng demand. Ang pagtaas ng gastos ng produksiyon ay matutugunan sa pamamagitan ng
efficient na pamamaraan. Ibig sabihin sa kakaunting salik na gagamitin ay makabubuo ng maraming produkto.

2. Ang pagpasok sa negosyo ay malaking pakikipagsapalaran. Upang maging matagumpay, kailangang


pagtuunan ng masusing pag-aaral ang pamamalakad nito. Malaki ang maitutulong ng paghingi ng payo sa mga
eksperto upang maging matatag ang negosyo.

3. Ang pagkakaroon ng sapat na kahandaan sa anumang balakid sa negosyo ay napakahalaga. Dapat


maging handa sa anumang inaasahang balakid tulad ng natural na kalamidad at krisis sa ekonomiya upang hindi
maapektuhan ang produksiyon.

4. Iwasan ang pagsasamantala lalo na sa panahon ng kagipitan o kakulangan. Ito ay lalo lamang
magpapalala ng sitwasyon. Dapat isipin ng mga negosyante ang kapakanan ng nakararami lalo na ng mga
konsyumer na hindi kayang abutin ang mataas na presyo.

Gawain 8: GRAPHIC ORGANIZER


Isulat sa loob ng kahon ang angkop na salik upang mabuo ang organizer.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang dalawang pangunahing salik na nakaiimpluwensiya sa supply?

2. Bukod sa sariling presyo, ano-ano pa ang mga salik na nakaaapekto sa supply?

3. Paano nakaiimpluwensiya ang mga pagbabago sa salik ng supply sa desisyon ng mga prodyuser ukol sa dami na
gagawing produkto?

Gawain 9: ARROW ‘IKA MO?

Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng R ang patlang kung lilipat pakanan ang supply curve at L kung
pakaliwa naman.

_____1. Hindi muna ibinenta ni Aling Nery ang kaniyang panindang bawang ngayon sa pag- aakalang tataas pa ang
presyo nito sa susunod na linggo.

_____2. Nagpalit ng bagong modelo at mas malaking kalan si Tita Bernice para sa kaniyang karinderya.

_____3. Mabili ang mga produkto mula sa ukay-ukay kaya nagdesisyon ang magkaibigang Fe at Mina na pasukin na
rin ang negosyo.

_____4 .Bumibili si Tito Francisco ng tatlong rolyo ng balat ng hayop upang gawing sapatos. Tumaas ang presyo
kada rolyo ng balat ng hayop mula sa dating Php6,000 at umabot na ngayon ng Php9,000 kada rolyo.

_____5. Malakas na negosyo ngayon ang pagtitinda ng malunggay pandesal sa pamilihan, kaya si Mang Roel ay
nahikayat na magbenta ng nasabing produkto.

Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakaaapekto sa Supply

Ang mga pagbabago sa salik ng supply ay may epekto sa kahihinatnan ng negosyo. Alam dapat ng prodyuser
kung papano tutugon sa pagbabago ng mga naturang salik.

1. Ang pagtaas ng gastusin sa produksiyon ay nagbubunga ng pagtaas sa presyo ng produkto. Hahantong


naman ito sa pagbaba ng demand ng mamimili. Ang pagtaas ng gastos sa produksiyon ay matutugunan sa
pamamagitan ng efficient na pamamaraan. Ibig sabihin, sa kakaunting salik na gagamitin ay makabubuo ng
maraming produkto.

2. Ang pagpasok sa negosyo ay malaking pakikipagsapalaran. Upang maging matagumpay, kailangang


pagtuunan ng masusing pag-aaral ang pamamalakad nito. Malaki ang maitutulong ng paghingi ng payo sa
mga eksperto upang maging matatag ang negosyo.

3. Ang pagkakaroon ng sapat na kahandaan sa anumang balakid sa negosyo ay napakahalaga. Dapat maging
handa sa anumang inaasahang balakid tulad ng kalamidad at krisis sa ekonomiya upang hindi maapektuhan
ang produksiyon.

4. Iwasan ang pagsasamantala lalo na sa panahon ng kagipitan. Ito ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon.
Gawain 11: ANO ANG DESISYON MO?

Suriin ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat at ipaliwanag sa patlang sa ibaba ang iyong desisyon.

1. Mayroon kang sari-sari store at marami kang nakatabing de lata na nabili mo lamang nang mura. Makalipas ang
ilang araw, tumaas ang presyo nito. Ano ang gagawin mo?
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

2. Tumataas ang gastos sa produksiyon dulot ng pagtaas ng halaga ng mga materyales.Hindi ka makapagtaas ng
presyo sapagkat baka marami ang hindi na bumili sa iyo. Ano ang dapat mong gawin?
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

3. Maraming balakid na kakaharapin ang iyong negosyo. Ilan dito ang banta ng kalamidad at krisis sa kabuhayan at
sa ekonomiya. Paano mo mapatatatag ang iyong negosyo?
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Pangunahing layunin ng bawat prodyuser ang kumita mula sa kanilang negosyo. Kinakailangan ng
prodyuser ang matalinong pagtugon sa bawat pagbabago ng salik ng supply upang makamit ang layunin nito.
Ngunit higit sa layunin na kumita, dapat na maging mapanagutan ang prodyuser sa mga desisyon na ginagawa
nito lalo sa mga sitwasyong maaapektuhan ang maraming mamimili.

Inihanda ni:

Mary Gale E. Riego


Guro sa AP-9

You might also like