Banghay Aralin Sa Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4

LAYUNIN: Natutukoy ang dalawang uri ng Pangngalan na ginagamit sa salita.

Nagagamit ang dalawang uri ng Pangngalan sa pagbuo ng mga salita.

I. Introduksyon
Klase, may tanong ako sa inyo. Itaas lamang ang kanang kamay sa sasagot.
1. Ano ang pangalan ng paborito niyong artista?
2. Anong brand ng sasakyan ang gusto mo?
3. Magbigay ng mga pangalan ng cellphone.

Ano ang inyong napapansin sa inyong mga sagot? Dahil alam na natin kung ano ang
Pangngalan, tukuyin naman natin ngayon ang dalawang uri nito.

II. Pagtuturo / Modeling


Basahin natin ang mga salitang nakadikit sa pisara. Tukuyin natin ang mga salita kung ito ba ay
Pambalana o Pantangi.

Pantangi Pambalana
    Enrique Gil Narra

    sasakyan damit
   
Rosal Bangus
   
walis Coco Martin
   
    Mangga mayor
   
   
   
   

Puna: Sa bahaging ito, eksplisit o deriktang pagtuturo ng guro sa mga bata ang Pambalana at Pantangi
na ginagamit sa mga salita. Magkaroon ng talakayan tungkol sa mga ito.
III. Pagsasanay
A. Gawain ng buong Klase
Panuto: Tukuyin ang mga nakasalungguhit na mga salita sa pangungusap kung ito ba ay
Pambalana o pantangi. Isulat sa patlang ang T kung Pantangi at B kung Pambalana.

______1. Napakaganda talaga ni Liza Soberano sa personal.

______2. Ang sapatos ko ay sirang-sira na talaga.

______3. Kailan man ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa aking tunay na ina.

______4. Yeehheeyy!!! May bago na akong cellphone!

______5. Makintab ang kanyang buhok sa shampoo na kanyang ginamit.

B. Gawain ng Grupo

Hahatiin ang klase sa tatlong (3) pangkat. May sampung minuto para sa mga pangkat.

Unang Pangkat

Hanapin ang mga salitang Pambalana at Pantangi sa word puzzle at bilugan.

Ihanay ang lahat ng Pambalana at lahat ng Pantangi.

S A L U N E T A B C D
L A G K T D E F G H I

D M S L A P I S F G
S
K R O S A S R F G H D
G H K G U R O S D F G
B H J T R N K J I R T
G H J Y U H G D R E Y
P A P E L R T Y U I R
J T E B I S Y O N S D
Pantangi Pambalana
   
   
   
   
   
   
   
   
   
   

Pangalawang Pangkat

Gumawa ng Graphic Organizer na Pagmamapa ng Konsepto tungkol sa mga halimbawa ng


salitang Pambalana at Pantangi.

Pangatlong Pangkat

Maglista ng mga salitang Pambalana at isulat ang kaukulang salitang Pantangi nito.
Gamitin ito sa pangungusap.

Pambalana - Pambalana - Pangungusap

- _____________________________________________

- __________________________________________

- __________________________________________

- __________________________________________
- __________________________________________

IV. Isahang Gawain / Indibidwal na Gawain

A. Panuto: Bilugan ang Pangngalan sa mga pangungusap at isulat sa patlang ang PB (Kung
Pambalana) at PT (Kung Pantangi).

_______1. Sa Unibersidad ng Caraga State University sila nag-aaral.

_______2. Kailangan na bunutin ang mga bulok na ngipin sa dentist.

_______3. Ang siyudad ng Maynila ay maunlad ngunit magulo.

______4. Maraming binili na damit ang dalaga.

______5. Sa isang maliit na karinderya kumain ang mag-anak.

B. Tukuyin ang mga salita kung ito ba ay Pambalana o Pantangi. Pagkatapos ay gawaan ng
pangungusap.

________1. Jose P. Rizal - ____________________________________________

________2. Pilipinas - ____________________________________________

________3. Baryo - ____________________________________________

________4. Lampara - ____________________________________________

________5. Bangka - ____________________________________________

V. Pagtataya
Gumawa ng maikling talata tungkol sa kapaligiran mo.

Inihanda ni:
Bb. Chariesjoy O. Angub
RAM ES, TUBAY II

You might also like