Remedial Activity For Filipino 9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

REMEDIAL ACTIVITY FOR FILIPINO 9

School Year 2018-2019

UNANG MARKAHAN

A. Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sinalungguhitang pahayag ayon sa pahiwatig


nito sa pangungusap.

1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at


nagpapamaga ng ilang araw sa labi.
2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng
kaluwagang-palad nito.
3. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at
ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa
ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos
ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo,
lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas.
5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa
kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong
kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak.
6. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na
bata.

B. Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?


2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Ano-anong katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento? Anong bahagi o
pangyayari sa kuwento ang nagpapakita ng mga nabanggit na katangian?
4. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali ng
ama? Isalaysay.
5. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak?

C. Ilahad ang pangyayari sa kuwento gamit ang isang grapikong presentasyon, ang
timeline. Kopyahin sa sagutang papel ang kasunod na timeline.
IKALAWANG MARKAHAN
A. Basahin ang bawat Tanka at Haiku. Suriin ayon sa paksa at mensaheng nais
ipabatid nito.

B. Ipaliwanag ang knotasyon at denotasyon ng salitang nasa talahanayan.

C. Isulat ang mga kaisipang may kaugnayan sa salitang pabula batay sa pabulang
napakinggan.
IKATLONG MARKAHAN

A. Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng mga sumusunod na pahayag batay sa pagkakagamit


sa binasang pabula na may pamagat na ang hatol ng kuneho. Isulat sa sagutang papel
ang iyong sagot.

1. Kinabukasan ipinagpatuloy ng tigre ang paghingi ng tulong hanggang siya’y mapagaw.


Nang walang tulong na dumarating lumupasay siya sa lupa.
2. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
3. Nais sanang tulungan ng lalaki ang tigre subalit nangibabaw ang kaniyang pangamba.
4. “Mga taon ang binibilang namin upang lumaki pagkatapos puputulin lang ng mga tao!”
sumbat ng puno ng Pino.
5. “Dapat kainin ng tigre ang tao” ang hatol ng punong Pino at baka.

B. Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa binasang pabula na may pamagat na


“Nagkamali ng utos”.

1. Paano nagapi ng mga tutubi ang mga matsing sa labanan?


2. Nasasalamin ba sa pabulang “Nagkamali ng Utos” ang kultura nating mga Pilipino?
Ipaliwanag.
3. Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng hari ng tutubi sa
pabulang “Nagkamali ng Utos” at ang kuneho sa “Ang Hatol ng Kuneho”?
C. Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa pangungusap. Letra lamang ang isulat
sa iyong sagutang papel.
Mga Pagpipilian:
a - Nagsasaad ng posibilidad c – Hinihinging mangyari
b - Nagsasaad ng pagnanasa d – Sapilitang mangyari

___1. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula


___2. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
___3. Kailangan mong makuntento at magpasalamat sa kung ano ang mayroon ka
ngayon.
___4. Maaari pa bang masagip ang ating kalikasan?
___5. Ibig ng magandang babae na magkaroon siya ng anak.
___6. Gusto kong pahalagahan ang aking pamilya tulad ng pagpapahalagang ginagawa
ng mga taga-Korea.
___7. Kailangang magbasa ka ng mga pabula upang matuto ka ng mabubuting asal.
___8. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula ng Pilipinas at Korea.
___9. Maaari kang maging manunulat ng pabula tulad ni Aesop.
__10. Hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubok sa buhay.

D. Suriin ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit nito sa


sanaysay. Isulat sa papel ang sagot.

1. parehong pagkakataon _______________________________


2. pantay na karapatan _______________________________
3. naiiba na ang gampanin ______________________________
4. hindi makatarungan ang trato ___________________________
5. higit na mapanghamon ________________________________
IKAAPAT NA MARKAHAN

A. Punan ng nawawalang letra ang bilog na walang nakasulat upang mabuo ang
kahulugan ng salitang italisado. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mga
salitang natutuhan.

B. Binanggit sa parabula ang ubasan, manggagawa, upang salaping pilak, oras


(ikasiyam, ikalabindalawa, ikatlo, ikalima ) upang maipahayag ang paghahambing.
Sa iyong palagay, saan nais ihambing ni Hesus ang bawat isa? Bakit?

C. Magbigay ng iyong hinuha kung bakit ganito ang pamagat ng akda. Isulat sa iyong
sagutang papel ang sagot.

You might also like