• Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o ‘hunter” ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north America at South America. • Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna- unahang kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America. HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River. HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras. HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag- ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito. Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito. ANG MGA PAMAYANANG NAGSASAKA (2000-1500 B.C.E.) • Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhay sa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa Mesoamerica. • Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba pang mga produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz noon pa mang 3500 B.C.E. • Sa pagsapit ng 1500 B.C.E., maraming taga- Mesoamerica ang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop. ANG MGA PAMAYANANG NAGSASAKA (2000-1500 B.C.E.) • Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang kaayusan sa Mesoamerica sa pagitan ng 2000 B.C.E. at 900 B.C.E. • Sa maraming rehiyon, ang maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno. • Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspektong pangekonomiya, pampulitika, at panrehiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong tatag na lipunan ay ang Olmec. ANG MGA OLMEC • Ang kauna-unahang umusbong sa Central America (at maaaring maging kabuuang America) ay ang Olmec • Ang katagang Olmec ay nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna - unahang taong gumamit ng dagta ng punong rubber o goma • Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon ng Gulf Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig hanggang Guatemala • Ang panahong ito ay halos kasabayan ng Dinastiyang Shang sa China ANG MGA OLMEC • Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. • Ang sistemang irigasyon na itinayo rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. • Sila rin ay nakagawa ng kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining. • Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa pagkukuwenta. ANG MGA OLMEC • Sa kasamaang palad ang kanilang sulat ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar hanggang ngayon. • Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec at iba pang mga sinaunang tao sa America ay hango mula sa iba pang labi ng kanilang panahon. • Ang mga likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking impluwensiya sa kultura ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec. KULTURANG OLMEC • Ang rituwal ukol sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa pamumuhay ng mga Olmec. Sila ay may panrituwal na larong tinatawag na pok-a-tok na tila kahalintulad ng larong basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaring gumamit ng kanilang kamay upang hawakan ang bolang yari sa goma. Sa halip, gamit ang mga siko at baywang, tinatangka ng mga manlalaro na ihulog at ipasok ang bola sa isang maliit na ring na gawa sa bato at nakalagay sa isang mataas na pader. Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na ang ilang mga manlalaro ay ginagawang sakripisyo matapos ang nasabing laro. Nang lumaon, ito ay nilaro sa iba’t ibang sentro sa buong Mesoamerica. KULTURANG OLMEC • Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglililok ng mga anyong ulo mula sa mga bato. Ang pinakamalaking ulo ay may taas na siyam na talampakan at may bigat na 44 libra. • Maaari diumanong ang mga lilok na ito ay hango sa anyo ng kanilang mga pinuno. • Sila rin ay nakagawa ng mga templong hugis - piramide sa ibabaw ng mga umbok ng lupa. Ang mga estrukturang ito ay nagsilbing mga lugar-sambahan ng kanilang mga diyos. KULTURANG OLMEC • Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar na pinakakinatatakutanng maninila (predator) sa central America at South America. • Ito ay nagpapakita ng lakas, katusuhan, at kakayahang manirahan saan mang lugar. • Ito rin ay agresibo at matapang. • Sinasamba ng mga Olmec ang espiritu ng jaguar. ANG MGA OLMEC • Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta. Ang mga lugar na ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong mineral tulad ng jade, obsidian, at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong lugar tulad ng Costa Rica ANG MGA OLMEC • Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang Olmec ay humina at bumagsak. • Sinasabing sila ay maaaring makihalubilo sa iba pang mga pangkat na sumakop sa kanila. • Gayunpaman, ang mga sinaunang taong sumunod sa kanila ay nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan. ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.) • Sa pagsapit ng 200 B.C.E., ang ilan sa mga lugar sa lambak ng Mexico ay naging mas maunlad dahil sa ugnayang kalakalan at pagyabong ng ekonomiya • Isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod sa panahong ito ay ang Teotihuacan na nangangahulugang “tirahan ng diyos” • Pagsapit ng 150 C.E., ito ay naging isang lungsod na may halos 12.95 kilometro kuwadrado na mahigit sa 20,000 katao • Sa pagitan ng 150 C.E. at 750 C.E., ang populasyon nito ay minsang umabot sa 120,000 ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.) • Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay ng karangyaan, kadakilaan, at kapangyarihan sa lungsod. • Maliban dito, ang mga pinuno nito ay nagawang makontrol ang malaking bahagi ng lambak ng Mexico. • Naging sentrong pagawaan ang lungsod samantalang ito ay nagkarooon ng monopolyo sa mahahalagang produkto tulad ng cacao, goma, balahibo, at obsidian. ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.) • Ang obsidian ay isang maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na lava. • Ginamit ito ng mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng mga kutsilyo. • Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o nobility ang malaking bahagdan ng populasyon. • Ito ay naganap sa pamamagitan ng pagkontrol sa ekonomiya, pag-angkop sa relihiyon, at pagpapasunod nang puwersahan. ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.) • Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang Feathered Serpent God. • Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sa kaniya nagmula ang iba’t ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan. • Kinatawan din niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin. ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.) • Noong 600 C.E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at sinunog ang Teotihuacan. • Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650 C.E. • Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatig-lugar, tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan. GAWAIN 10. TRACING THE BEGINNING CHART GAWAIN 10: TRACING THE BEGINNING CHART a. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum. b. Talakayin ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart. PAMPROSESONG TANONG PAMPROSESONG TANONG 1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito? PAMPROSESONG TANONG 1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito? 2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan? PAMPROSESONG TANONG 1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito? 2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan? 3. Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagtatatag nila ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag. PAMPROSESONG TANONG 1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito? 2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan? 3. Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagtatatag nila ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag. 4. Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at kakayahan ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay?