RP

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ito ay tungkol sa kultura ng awiting bayan na kung saan


ay hindi na masyadong natatangkilik ng mga kabataan
ngayon. Kakaunti na lamang ang mga nakakaalam ng awiting
bayan, tulad ng “Leron leron Sinta”, “Bahay kubo” at ang
“Paruparong bukid”, ilan lamang yan sa mga awiting bayan
na alam ng mga kabataan ngayon. Mas ginagamit ang awiting
bayan sa mga baryo o probinsya mas natatangkilik nila ito
dahil tinuturuan ng mga guro ang mag-aaral na patuloy
itong awitin dahil isa parin ito sa ating kultura.
Ang mga awiting bayan noon makikita mo sa mga diyaryo at
maririnig mo kahit saan ka man pumunta.

A.) Banyagang Pag-aaral


Ang mga kabataan ay na eenganyong makinig ng mga musika
dahil sa iniidolong artista. Ang iba naman ay
kinahihiligan ang kanta ng mga dayuhan o ng ibang bansa
dahil sa uso ito at para narin may mapag-usapan kapag nag
kakwentuhan tungkol sa mga awitin.

B.) Banyagang Literatura


Nauuso ngayon ang mga kantang dayuhan kagaya ng kpop, at
ang Estados Unidos. Marami na rin ang mga sumisikat na
banda sa panahon ngayon kagaya ng Maroon 5 at marami pang
iba. Naging parte na rin ito sa mga kabataan ang mga
kinakanta ng mga taga ibang bansa, kaya ang iba sa kanila
ay nakakalimutan na ang OPM.
C.) Lokal na Pag-aaral
Maraming mga naapektuhan na mga kabataan dahil sa mga
dayuhang kanta tulad na lamang ng kpop, na sobrang
tinatangkilik na ng maraming kabataan ngayon kaya hindi
na alam ng mga kabataan ang mga awiting bayan.

D.) Lokal na Pag-aaral


Bago pa man dumating ang mga mananakop,tayong mga
pilipino ay mayroon ng mga musika na sumisimbolo sa ating
simpleng pamumuhay. Nagpapahiwatig ito ng mga saloobin,
pangarap at iba pa. Mayroon ding pagkakataon na
nakikipag-ugnayan ang mga katutubo ng pakanta. Ginagamit
nilang pamantayan ang kapaligiran sa pagbuo ng mga musika
at ang karaniwang mga tema nito ang iba’t ibang yugto ng
pamumuhay ng mga katutubo.
KABANATA III
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Tinatalakay sa kabanatang ito ang mga kamalayan ng
kabataan o mag-aaral ng University of Nueva Caceres sa
awiting bayan. Ito ay angkop sa kasalukuyang pag-aaral ng
mga tradisyunal na kinasanayan ng mga tao. Sa tulong ng
mga sekondaryang mag-aaral sa University of Nueva
Caceres.

DISENYO NG PANANALIKSIK
Ito ay surbey na kung saan aalamin ng mananaliksik suriin
ang mga kabaatan bata`y sa kanilang kamalayan sa awiting
bayan.

PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE


POPULASYON - simula antas na baitang 7-10 kukuha kami
sa bilang na tatlumpu't (30) na mag-aaral sa University
of Nueva Caceres. Kukuha ang mananaliksik ng sampu (10)
sa baitang 7, sampu (10) sa baitang 8, lima (5) sa
baitang 9 at lima (5) rin sa baitang 10.
RESPONDENTE - Ginamit ng mananaliksik dito ang Cluster
sampling kumuha kami sa 4 na baitang nag tigsasampu at
tig lilima. Magkakaroon kaming tatlumput na mag-aaral na
respondente.

PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS


Gamit ang surbey para malaman ng mga mananaliksik ang
bilang o ang resulta sa pananaliksik.

ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG MGA DATOS


Humanap ang mga mananaliksik na mga mag-aaral sa
University of Nueva Caceres
TALATANUNGAN:
Pangalan (Opsyunal):___________________________
Baitang:_________
Edad:_______
Kasarian:______

Panuto: Pumili ng isa at tsyekan ang box sa napiling


sagot.

Unang bahagi ng suliranin:


1. Alam mo ba ang awiting bayan?

• Oo
• hindi
2. Alin dito ang awiting bayan?

• Leron leron Sinta


• Lupang Hinirang
• Ako ay may lobo
3. Alin dito ang hindi awiting bayan?

• Sitsiritsit
• Masdan mo ang kapaligiran
• Ikaw at ako
4. Alam mo pa ang kantang bahay kubo, ako'y isang
pinoy, at ang magtanim ay di biro?
• Oo
• hindi
5. Mag bigay pa ng isang halimbawa ng awiting
bayan.
_____________________________
Pangalawang bahagi ng suliranin:
1. Para sayo mahalaga pa bang italakay ang mga
makalumang awiting bayan?
• Oo
• hindi
2. Dapat parin ba itong ituro sa mga susunod na
henerasyon?
• Oo
• hindi
3. Nakakalimutan na ba ng ibang pilipino ang mga
makalumang awiting bayan?
• Oo
• Hindi
4. Dapat na ba kalimutan ng mga pilipino ang mga
makalumang awiting bayan dahil hindi na ito
sabay sa panahon natin ngayon?
• Oo
• hindi
5. Ang mga makalumang awiting bayan ba ay parte ng
kultura ng mga pilipino?
• Oo
• Hindi

Ikatlong bahagi ng suliranin:


1. Alam mo pa ba ang kung ano ang awiting bayan?
• Oo
• hindi
2. May alam ka pa ba na mga awiting bayan?
• Meron
• Wala
3. Ilang awiting bayan ang alam mo?
• 1-2
• 3-4
• 5 pataas
4. Sa tingin mo ba tinatangkilik pa ng iba pang mga
kabataan ang awiting bayan?
• Oo
• Hindi
• Sa palagay ko
5. Nakakarinig ka pa ba ng mga makalumang awiting
bayan?
• Oo
• Hindi

You might also like