Filipino 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

JOSE RIZAL MEMORIAL STATE UNIVERSITY


The Premier University in the Province of Zamboanga del Norte
Main Campus, Dapitan City

FILIPINO 8
1ST Quarter Examination

Pangalan:_____________________________________ Petsa/Oras:__________________
Guro:_________________________________________ Iskor:_______________________

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa pinakapayak na paglalarawan, ang ______ ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na


nag-uugnay sa isang tao.
a. Paghahambing b. panitikan c. pangangatwiran d. panghalip
2. Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa
buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao
a. Kathambuhay b. anekdota c. element d. anapura
3. Uri ng maikling kento na inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
a. kuwento ng madulang pangyayari c. kuwento ng sikolohiko
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng tauhan
4. Isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal
ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
a. Talumpati b. sanaysay c. dula d. balita

5. Ang ___ ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng
makikinig. Mayroon itong tono at sukat
a. Korido b. awitin c. korido d. sawikain
6. Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:
a. Bugtong b. palaisipan c. idyoma d. awitin
7. Ang ______ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral agimat at
payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan
a. Soneto b. korido c. panulaan d. tanaga
8. Isang problema o suliranin na ginagamitan ng katalinuhan sa pagsasagot.
a. Bugtong b. salawikain c. kasabihan d. kasukdulan
9. Uri ng paghahambing na ginagamit kung ang dalawang antas na katangian ng isang bagay o anuman.
a. Paghahambing na makapag-iisa c. paghahambing na di makapag-iisa
b. Paghahambing na magkatulad d. paghahambing na magkatulad

10. Ang pang-abay na ____ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa.
a. Pmanahon b. panlunan c. pamaraan d. pang-agam
11. : "Dahil sa TPLEx, mas mabilis na ang biyahe mula Maynila hanggang Baguio." Ang pangungusap ay
halimbawa ng anong pang-abay?
a. Kawsatibo b. panang-ayon c. kondisyunal d. pananggi
12. "Tumaba ako nang limang libra." Ang pangungusap ay halimbawa ng anong pang-abay?
a. panggaano b. panang-ayon c. kondisyunal d. pananggi
13. Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
a. Banghay b. kaisipan c. wakas d. kakalasan
14. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento ay tinatawag na:
a. Tunggalian b. paksang diwa c. tagpuan d. banghay
15. Ito ay may apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran.
a. Tunggalian b. paksang diwa c. tagpuan d. banghay

II. Panuto: Ibigay ang hinihingi.

 Sampung Uri ng maikling kwento . Lima lamang ang ibigay.


 Dalawang uri ng paghahambing
 Uri ng pang-abay. Lima lamang.
 Element ng maikling kwento. Sampu lamang
 Uri ng karunungang bayan. Lima lamang

III. Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot. Basahing mabuti ang nilalaman ng alamat.

Noong unang panahon, may isang lugar sa _________ na kung tawagin ay ________.

Naninirahan dito ang mga _______ at isa na dito si________.

Bata pa lamang si Kunto ay nakitaan na ng kakaibang ______ at ________. Kaya't ito ay napiling
tagapamuno ng Suyuk.

Ang mga naninirahan sa Suyuk ay namumuhay ng tahimik at taon-taon ay nagdaraos ng _______bilang


pasasalamat sa mga anito.

Kung magdaos sila ng cañao ay nagpapatay sila ng __________ at iniaalay sa __________.

Prepared by:

Ma’am Amber 

You might also like