Esp 2019
Esp 2019
Esp 2019
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
1ST Quarter Examination
Pangalan:________________________________ Petsa/Oras:______________
Guro:___________________________________ Iskor:___________________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik ng tamang sagot.
4. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang
magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
a. Aristotle b. St. Thomas Aquinas c. John F. Kennedy d. Bill Clinton
7. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito tamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan
c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin
11. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
a. Batas b. Kabataan c. Mamamayan d. Pinuno
12. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
a. Personal na katangiang tanggap ng pamayanan
b. Angking talino at kakayahan sa pamumuno
c. Pagkapanalo sa halalan
d. Kakayahang gumawa ng batas
13. Sino ang nagsilbing halimbawa na may puso para sa lipunan sahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas
sa kulay ng balat?
a. Malala Yuosafzai c. Nelson Mandela
b. Martin Luther King d. Ninoy Aquino
14. Sa isang lipunang pampolitika, sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss?
a. Mamamayan b. Pangulo c. Pinuno ng simbahan d. kabutihang panlahat
15. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan
upang higit na matupad ang layuning ito?
a. Lipunang political c. Komunidad
b. Pamayanan d. Pamilya
16. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga hangarin ng isang pamayanan?
a. Kultura b. Relihiyon c. Batas d. Organisasyon
20. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao
24. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
a. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa
b. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan
c. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya
d. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila
25. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating mgpatulong sa iba;
a. Iba’t iba tayo ng kakayahan
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
32. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
a. Kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa
b. Kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang
c. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon
d. Pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay
35. Ang ating lipunan ay binubuo ng batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa sumusunod ang tunay
na diwa nito, maliban sa isa.
a. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
b. Ingatan ang interes ng marami
c. Itaguyod ang karapatang-pantao
d. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
37. Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” sa mga medical na doctor?
a. Gawin lagi ang tama
b. Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit
c. Gamutin ang sariling sakit bago ang iba
d. Ingatan na huwag saktan ang tao
42. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay na
kailangan niya sa buhay
b. Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
d. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos
44. Anong karapatan na batay sa encyclopedia na “Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in Terris) ang ipinakikita
ng tauhan?
Itinakas ni Vidal ang pamilya niya mula sa Mugol, Syria, patungong Greece upang takasan
ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic state.
a. Karapatang mabuhay
b. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
c. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
d. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas
45. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin na patuloy na pag-aaral upang umangat sa karera at maitaas ang
antas ng pamumuhay?
a. Karapatan sa buhay c. karapatang maghanapbuhay
b. Karapatan sa pribadong ari-arian d. karapatang pumunta sa ibang lugar
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.